q4, m5

10,239 views

Published on

1 Comment
5 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
10,239
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
3
Actions
Shares
0
Downloads
132
Comments
1
Likes
5
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

q4, m5

  1. 1. 1 Modyul 5: 1986 EDSA People Power Revolution at ang Hamon ng Pagbabago Mga Paksa 1. 1986 EDSA People Power Revolution 1.1 Mga Pangyayari tungo sa 1986 EDSA People Power Revolution 1.2 Ang 1986 EDSA People Power Revolution 2. Panunumbalik ng Demokrasya 2.1 Panunumpa ni Corazon Aquino bilang Pangulo 2.2 1986 Freedom Constitution 2.3 1987 Saligang Batas ng Pilipinas 3. Kalagayan ng Pilipinas pagkatapos ng 1986 EDSA People Power Revolution 3.1 Kahalagahan ng 1986 People Power Revolution 3.2 Mga hamon ng 1986 EDSA People Power Revolution sa kasalukuyan Mga Kakayahan: 1. Naisasalaysay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring naging dahilan upang maibalik ang demokrasya noong 1986 2. Naipahahayag ang paggalang sa opinyon at paniniwala ng kapwa mag-aaral tungkol sa mga pangyayari na may kaugnayan sa 1986 EDSAPeople Power Revolution 3. Natatalakay ang mga salik na nakatulong sa pagtatagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution 4. Napahahalagahan ang mga kontribusyong ng 1986 EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng pagsulat ng repleksiyon 5. Nasusuri ang epekto ng sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa kalayaan, demokrasya at karapatang pantao 6. Nasusuri ang talumpati ni Pang. Corazon Aquino sa kaniyang inagurasyon bilang pangulo hinggil sa kinaharap na hamon sa bayan sa pagpapanatili ng demokrasya 7. Naiuugnay ang mga kasalukuyang pangyayari sa mga hangarin noong 1986 EDSA People Power Revolution 8. Nasusuri ang mga suliraning hindi pa nalulutas sa kasalukuyan 9. Naipaliliwanag kung bakit mahirap lutasin ang mga suliraning ito 10. Nailalahad ang mga mungkahi na dapat gawin ng pamahalaan at ng kabataan upang makamit ang hinahangad na pagbabago. Bilang ng oras: anim (6)
  2. 2. 2 Panimula Naunawaan mo sa nakaraang aralin ang mga dahilan at epekto ng pagdedeklara ni Pangulong Marcos ng Batas Militar sa ating bansa. Ilan sa mga hindi mabuting epekto nito ay ang pagpigil sa kalayaan sa pagpapahayag at ang pagkawala ng kapangyarihan sa kamay ng taong bayan. Sa kabila ng mga panganib, patuloy na ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang mga karapatan bilang isang demokratikong bansa. Sa modyul na ito ay susuriin mo kung paano napanumbalik ang diwa ng demokrasya sa Pilipinas na panandaliang nawala sa ilalim ng Batas Militar. Sa mga nagdaang panahon ay pinatunayan ng mga Pilipino ang pagmamahal sa kanilang kalayaan at karapatan. Una itong nasaksihan sa Labanan sa Mactan, sinundan pa ng mga magkakahiwalay na pag-aalsa simula noong 1574 hanggang 1860, nakita din ito sa pagtatatag ng mga samahan tulad ng Kilusang Propaganda at Katipunan at nagpatuloy sa pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga mananakop na Amerikano at Hapones. Ang mga nabanggit na pagkilos ay reaksiyon ng mga Pilipino dulot ng pang-aabuso ng mga dayuhang kapangyarihan. Ito ang nagbigay sa kanila ng hinahangad na kalayaan at karapatan na pamunuan ang sariling bansa. Bagama’t isang malayang bansa na ang Pilipinas, isang panibagong banta sa tinatamasang kalayaan ang hinarap ng mga Pilipino. Ito ay dulot ng deklarasyon ng Batas Militar na naganap sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos. Ang mga karanasan ng mga Pilipino mula sa panahon ng Batas Militar at ang mga sumunod na pangyayari ang nagbigay daan sa isang mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng demokrasya ng Pilipinas – ang 1986 EDSA People Power Revolution. Mga Pangyayari na Nagbigay Daan sa People Power Revolution DEKLARASYON NG BATAS MILITAR Sa bisa ng Proklamasyon 1081 ay isinailalim ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Nagkaroon ng mga programang pang-agrikultura at pangkalikasan at pangkultura, naging tampok na proyekto din ang iba’t ibang imprastraktura tulad ng mga tulay, kalsada at mga paaralan. Subalit sa kabila ng mga nabanggit na programa ay nagkaroon ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, pagpapahirap (torture) sa mga bilanggo, paghuli at pagkulong sa mga kalaban ni Marcos sa politika (political detainees), pagbabawal sa pagsasagawa ng rally at paglilimita sa kalayaan ng mga mamamayan sa pagpapahayag.
  3. 3. 3 PAGBAGSAK NG EKONOMIYA KAWALANG TIWALA SA SANDATAHANG LAKAS ASASINASYON KAY SEN. NINOY AQUINO Nagpatupad ng iba’t ibang patakarang pang-ekonomiya si Pangulong Marcos sa mga unang taon ng Batas Militar. Subalit makalipas ang ilang taon ay napasakamay ni Marcos at ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan ang mga mahahalagang negosyo sa Pilipinas. Umiral ang tinatawag na cronyism. Dahil dito, nakontrol ng iilan ang ekonomiya ng bansa. Nagsimulang lumaki ang pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Unti-unti ay bumagsak ang matatag na ekonomiya ng bansa. Nakadagdag pa sa suliraning pang-ekonomiya ng Pilipinas ang pag-utang ng pamahalaang Marcos sa World Bank na umabot sa mahigit sa 17. 2 bilyong dolyar noong 1980. Lalong nawala ang tiwala ng taong bayan sa pamahalaan dahil hindi nito natutugunan ang suliranin sa kahirapan at kawalan ng disenteng pamumuhay. Itinatag ng mga junior military officers ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines(AFP) ang Reform the Armed Forces Movement o RAM. Layunin nito na ayusin ang sistema ng pamamahala at pagkakaloob ng mga posisyon sa hanay ng mga militar. Pangunahing tinutulan ng RAM ang padrino system (pagkakaloob ng posisyon at pagbibigy ng pabor dahil sa mga kaibigan at kakilala na may mataas na posisyon) sa AFP. Layunin din nito na matigil ang korapsiyon, mga ilegal at kriminal na gawain na kinasasangkutan ng mga opisyales ng Sandatahang Lakas. Matapos ang tatlong taong pananatili sa Amerika, bumalik si Senador Ninoy Aquino sa Pilipinas. Naganap ang asasinasyon kay Sen. Aquino noong Agosto 23, 1983 sa tarmac ng Manila International Airport habang siya ay patungo sa pribadong sasakyan na inilaan sana para sa kaniyang kaligtasan. Bukod sa kaniya ay pinaslang din si Rolando Gaman na sinasabing pumatay kay Sen. Ninoy Aquino. Ang asasinasyon kay Sen. Ninoy Aquino ay lalo pang nagpalalim sa nararamdamang galit ng taong bayan sa pamahalaan dahil pinaghinalaan nila na ang rehimeng Marcos ang nasa likod ng nasabing krimen.
  4. 4. 4 1986 SNAP ELECTIONS BATAS MILITAR PAGBAGSAK NG EKONOMIYA KAWALAN NG TIWALA SA SANDATAHANG LAKAS 1986 SNAP ELECTIONS ASASINASYON KAY SENADOR NINOY AQUINO 1986 EDSA People Power Revolution Pigura 1. Mga Pangyayaring nagbigay daan sa 1986 EDSA People Power Revolution Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang batayang aklat: Pilipinas isang sulyap at pagyakap pahina … Weblink Batas Militar(8/10). http://www.youtube.com/watch?v=-GN8OHufNwI. Batas Militar (9/10) .http://www.youtube.com/watch?v=hX-. Batas Militar (10/10)http://www.youtube.com/watch?v=Bvfv3c3YRnI&feature=relmfu Retrieved on November 20, 2012. Napilitan si Pangulong Marcos na magpatawag ng snap election noong Pebrero 7, 1986 upang patunayan na siya pa din ang nais ng taong bayan na mamuno. Pinili ng mga nagkakaisang Pilipino si Corazon Aquino upang tumakbo bilang pangulo laban kay Ferdinand Marcos. Nagkaroon ng malawakang dayaan sa eleksiyon. Patunay dito ang pag-alis (walkout) ng mga computer technicians dahil pinipilit sila na baguhin ang bilang ng boto pabor para kay Marcos. Matapos ang pagbibilang, dalawa ang naging pangulo ng Pilipinas. Idineklara ng Batasang Pambansa na si Marcos ang nanalo. Samantala ayon naman sa National Movement for Free Elections (NAMFREL), si Cory ang nagwagi. Sa halip na matakot, sinabi ni Corazon Aquino na magiikot siya sa iba-t ibang bahagi ng bansa upang ipanawagan na i-boycott ang mga produkto ng mga kompanya na kilalang crony o kaalyado ni Pangulong Marcos. Ang mga nabanggit na pangyayari ay lalong nagpatingkad sa paghahangad ng mga Pilipino sa pagbabago. Batid nila na makakamit lamang ito kung mababago ang mga namumuno sa pamahalaan. Nagkaroon ng iisang damdamin ang mga Pilipino na mapaalis sa kapangyarihan si Marcos at ang kaniyang mga kaalyado. Tila naghihintay lamang ang bawat isa ng pagkakataon upang maisagawa ito. Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap noong Pebrero 22, 1986. Ipinahayag nina Kalihim Juan Ponce Enrile at Vice Chief of Staff Fidel Ramos ang kanilang pagtalikod sa rehimeng Marcos at ang panawagan na pakinggan ang hinaing ng mga mamamayan na bumaba siya sa puwesto. Ito ang naging hudyat ng makasaysayang 1986 EDSA People Power Revolution.
  5. 5. 5 1986 EDSA People Power Revolution Basahin ang mga pangyayaring naganap sa 1986 EDSA People Power Revolution. z Pebrero 22, 1986 Nagsagawa ng Press Conference sina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Lt. Gen. Fidel Ramos upang ipahayag ang kanilang pagtalikod sa rehimeng Marcos. Nanawagan si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa taong bayan na magtungo sa Camp Aguinaldo at Camp Crame upang suportahan at protektahan sina Ramos at Enrile at maiwasan ang pagdanak ng dugo kung sakaling aarestuhin ng mga tauhan ni Marcos ang dalawa.. Isinagawa niya ang panawagan sa pamamagitan ng Radio Veritas . Pebrero 23, 1986 Ipinalabas sa telebisyon ang pahayag ni Marcos na may nagaganap nang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng grupo nina Enrile at Ramos. Sinira ng mga tauhan ni Marcos ang transmission ng Radio Veritas at inangkin ang istasyon. Lalo pang dumami ang mga tao na nagtungo sa EDSA upang ipahayag ang kanilang pagnanais na mapaalis si Marcos. Pebrero 24, 1986 Inanunsiyo sa radio na umalis na ng bansa si Pangulong Marcos. Subalit ito ay isang panlilinlang lamang sa taong bayan. Sinugod at inangkin ng taong bayan ang Channel 4 , ang istasyon na pagmamay-ari ng gobyerno. Idineklara ni Marcos ang curfew mula ika-6 ng gabi hanggang ika-6 ng umaga. Walang sumunod sa kaniyang kautusan. Pebrero 25, 1986 Nanumpa si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas sa pamumuno ni Supreme Court Associate Justice Claudio Teehanke. Isinagawa ito sa harap ng kaniyang mga tagasuporta sa Club Filipino. Nanumpa rin bilang pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos sa harap ng kaniyang mga loyalists sa Malacañang. Nilisan ni Pangulong Marcos ang Malacañang kasama ang kaniyang pamilya at ilang tauhan. Nagtuno sila sa Clark Air Base sa Pampanga at mula dito ay nagtungo sa Hawaii, sa United States. Nagdiwang ang mga Pilipino nang mabalitaan nila ang paglisan ni Marcos. Nagtapos ang mahigit sa 20 taong pamumuno ni Marcos sa pamamagitan ng mapayapang pagkilos at puwersa ng nagkakaisang taong bayan. Nagsimulang mapuno ng tao ang kahabaan ng EDSA. Nagplano sina Gen. Ver at Ramas na lusubin ang Camp Crame. Nanindigan ang mga mamamayan sa EDSA sa kabila ng balita na paparating ang mga tangke at armadong helicopter upang sila ay puwersahang paalisin.
  6. 6. 6 AWIT-GUHIT Pakinggan/awitin ang kantang Handog ng Pilipino sa Mundo. Suriin ang nilalaman nito. Gumuhit ng simbolo na sa iyong palagay ay maglalarawan sa mensahe ng awitin. Ipaliwanag ito sa klase. Pamprosesong Tanong: 1. Bakit ito ang simbolo na iyong iginuhit? 2. Anong pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang tinutukoy sa awitin? Ipaliwanag. 3. Paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan at kalayaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos? SIMBOLO HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO By: Apo Hiking Society (http://videokeman.com/apo-hiking-society/handog-ng- pilipino-sa-mundo-apo-hiking-society/ Retrieved on November 17, 2012) ‘Di na ‘ko papayag mawala ka muli. ‘Di na ‘ko papayag na muli mabawi, Ating kalayaan kay tagal natin mithi. ‘Di na papayagang mabawi muli. Magkakapit-bisig libo-libong tao. Kay sarap palang maging Pilipino. Sama-sama iisa ang adhikain. Kelan man ‘di na paalipin. Ref: Handog ng Pilipino sa mundo, Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan Ay kayang makamit na walang dahas. Basta’t magkaisa tayong lahat. Masdan ang nagaganap sa aming bayan. Nagkasama ng mahirap at mayaman. Kapit-bisig madre, pari, at sundalo. Naging Langit itong bahagi ng mundo. Huwag muling payagang umiral ang dilim. Tinig ng bawat tao’y bigyan ng pansin. Magkakapatid lahat sa Panginoon. Ito’y lagi nating tatandaan. (repeat refrain two times) Coda: Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan. Ay kayang makamit na walang dahas. Basta’t magkaisa tayong lahat!
  7. 7. 7 2. Sanggunian 1: Mga Imahe ng 1986 EDSA People Power Revolution Makikita sa larawan ang mga kaganapan na may kaugnayan sa 1986 EDSA People Power Revolution. LARAWAN A LARAWAN B LARAWAN D LARAWAN C Pinagkunan: An Eyewitness history PEOPLE POWER The Philippine Revolution of 1986. Produced under a grant by the PCIBANK Human Resources Development Foundation (Philippines). pp. 40, 132, 153, 154, 159,169, 172,173, 178, 185, 202, 265 Kabilang ang mga pari at madre na nakiisa sa mga Pilipino noong 1986 EDSA People Power Revolution. Kahit mga pangkaraniwang mamamayan at mga kabataan ay nagtungo din sa EDSA upang makiisa sa panawagan ng taong bayan. Sina Don Chino Roces (itaas), Gng. Corazon Aquino (kanan, itaas) at dating Defense Minister Juan Ponce Enrile at Gen. Fidel Ramos, mga kilalang personalidad na nakilahok sa 1986 EDSA People Power Revolution. Ipinakikita sa larawan ang paghahandog ng pagkain at bulaklak sa mga sundalo na inutusang paalisin ng puwersahan ang mga tao sa EDSA.
  8. 8. 8 3. Mga Gawain Gawain 1: Photo-Suri Suriin ang mga larawan na may kaugnayan sa 1986 EDSA People Power Revolution. Punan ng tamang sagot ang chart. LARAWAN DESKRIPSIYON SEKTOR (Mamili sa mga sumusunod: Simbahan, Pamahalaan, Sundalo, Pangkaraniwang Mamamayan) PAANO IPINAKITA ANG PAKIKIPAGLABAN PARA SA KALAYAAN KAHALAGAHAN O KONTRIBUSYON PARA SA PAGKAMIT NG KALAYAAN LARAWAN A LARAWAN B LARAWAN C LARAWAN D Pamprosesong Tanong 1. Masasabi mo ba na ang 1986 EDSA People Power Revolution ay pagkilos para makamit ang kalayaan? Bakit? 2. Nakamit ba ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan dahil sa nasabing pangyayari? Patunayan. 3. Sa iyong palagay, ano ang naging dahilan sa likod ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution? Ipaliwanag. Gawain 2 Guhit-Kasaysayan Gumuhit ng comic strip na may walo hanggang sampung story frames tungkol sa mga kaganapan noong 1986 EDSA People Power Revolution. Ang iyong nabuong comic strip ay bibigyan ng marka batay sa mga sumusunod na pamantayan:
  9. 9. 9 Rubric para sa pagmamarka ng Comic Strip Kraytirya Deskripsiyon Puntos Nilalaman Wasto ang lahat ng mga impormasyon na nakapaloob sa comic strip. Gumamit ng iba pang sanggunian bukod sa modyul at libro upang mapayaman ang nilalaman. 5 Pagsusulong ng pagbabago Malinaw na naipakita sa comic strip ang pangunahing layunin ng 1986 EDSA People Power Revolution. Nakahihikayat ang mga ginamit na salita, sitwasyon at larawan upang isulong ng mga mambabasa ang pagbabago para sa ikabubuti ng kalidad ng pamumuhay. 4 Daloy ng pangyayari Organisado, malinaw at simple ang pagkakalahad ng mga pangyayari. Madaling maunawaan ang mga istorya dahil tama ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 3 Pagkamalikhain Malinis ang nabuong comic strip. Maayos ang pagkakaguhit at gumamit ng iba pang kagamitan tulad ng larawan upang mas maging kaaya-ayang tignan ang comic strip. 3 Kabuuan 20 puntos
  10. 10. 10 Gawain 3 TULONG-ISIPAN Humanap ng iyong kamag-aaral na magiging katuwang sa pagsagot sa mga tanong. Magsasalitan kayo sa pagtanong at pagsagot. Isulat ito sa graphic organizer na makikita sa ibaba. Ibahagi sa klase ang inyong mga sagot. Gawain 4 Mga Pagbabago Ipaliwanag ang mga pagbabagong naganap sa Pilipinas dulot ng 1986 EDSA People Power Revolution. Isulat ito sa loob ng kahon. Bakit mahalaga ang naganap na 1986 EDSA People Power Revolution? SAGOT (IKAW) SAGOT (KAMAG-AARAL) Kung ikaw ay nabubuhay noong naganap ang 1986 EDSA People Power revolution, makikilahok ka din ba dito? Bakit? Bilang Pilipino, bakit dapat mong ipagmalaki ang 1986 EDSA People Power Revolution? PAMAHALAAN DIWA NG DEMOKRASYA KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG UGNAYAN NG MGA MAMAMAYAN
  11. 11. 11 Gawain 5 Mind Map Ang sumusunod ay mga konsepto at salita na may kaugnayan sa paksang tinalakay. Ayusin ang mga ito upang makabuo ng flowchart na nagpapakita ng kaugnayan ng mga konsepto sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap na paliwanag ukol sa nabuong flowchart. Gawain 6 Pagsulat ng Repleksyon Sumulat ng iyong repleksiyon ukol sa kahalagahan, kabutihan, at kaugnayan ng 1986 EDSA People Power Revolution sa iyo bilang isang mag-aaral at bilang isang Pilipino. SAMA-SAMANG PAGKILOS DEMOKRASYA KARAPATANG PANTAO KALAYAAN MAMAMAYAN 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION
  12. 12. 12 Bagama’t hindi kinilala ng Batasang Pambansa ang kaniyang pagkakapanalo nanumpa si Corazon Aquino bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas. Isinagawa ang kaniyang panunumpa sa Club Filipino na pinamunuan ni Supreme Court Associate Justice Claudio Teehanke. Sanggunian 2 Bahagi ng Inaugural Address ni Pangulong Corazon Aquino Pinagkunan: Monina Allarey Mercado, ed., An Eyewitness to History: People Power (The Philippine Revolution of 1986) (Manila: The James B. Reuter, S.J. Foundation, 1986), 215 Teodoro Locsin, Jr. - Mentioned in the book … So Help Us God. The Presidents of the Philippines and their inaugural addresses. Malaya J. Eduardo, and Malaya, Jonathan, 2004. ANVIL Publishing, Inc. 8007-B Pioneer St., Bgy. Kapitolyo Pasig City, 1603. Philippines Inaugural Address of CORAZON C. AQUINO Club Filipino, San Juan, Metro Manila February 25, 1986 My brothers and sisters: I am grateful for the authority you have given me today. And I promise to offer all that I can do to serve you. It is fitting and proper that, as the rights and liberties of our people were taken away at midnight twenty years ago, the people should firmly recover those lost rights and liberties in the full light of the day. Ninoy believed that only the united strength of a people can overturn a tyranny so evil and so well organized. It took the brutal murder of Ninoy to bring about the unity, the strength, and the phenomenon of People Power. That power has shattered the dictatorship, protected the honorable military who have chosen freedom, and today has established a government dedicated to the protection and meaningful fulfillment of the people’s rights and liberties. We were exiles in our land – we, Filipinos, who are at home only in freedom – when Marcos destroyed the Republic fourteen years ago. Through courage and unity, through the power of the people, we are home again. And now, I would like to appeal to everyone to work for national reconciliation, which is what Ninoy came back home for. I would like to repeat that I am very magnanimous in victory. So I call on all those countrymen of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful country. As I always did during the campaign I would like to end with an appeal for you to continue praying. Let us pray for God’s help especially during these days.
  13. 13. 13 Gawain 7 Pagtukoy sa Tiyak na Impormasyon Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Kailan naganap ang panunumpa ni Pangulong Corazon Aquino? 2. Saan ito isinagawa? 3. Sino ang kaniyang pinatutungkulan o kinakausap sa kaniyang talumpati? 4. Ayon kay Pangulong Aquino, sino o ano ang nagluklok sa kaniya sa pagiging pangulo ng bansa? 5. Ipaliwanag ang kahulugan ng huling bahagi ng kaniyang talumpati “… I call on all those countrymen of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful country.” Gawain 8 Ayon sa Pangulo Suriin ang talumpati ni Pangulong Corazon Aquino. Punan ng tamang sagot ang graphic organizer. Ilahad ang iyong sagot sa klase. Pamprosesong Tanong: 1. Sino ang pangunahing dahilan ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution ayon sa talumpati ni Pangulong Corazon Aquino? 2. Sa mga nabanggit na suliranin o hamon, alin para sa iyo ang pinakamahirap na masolusyunan? Bakit? 3. Paano napanumbalik ang diwa ng demokrasya ayon kay Pangulong Corazon Aquino? 4. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng pagkakahalal kay Pangulong Corazon Aquino bilang kapalit ni Pangulong Ferdinand Marcos? Mga pangunahing hamon o suliranin ng Pilipinas ayon sa Talumpati ni Pangulong Corazon Aquino
  14. 14. 14 Gawain 9 Suri-Teksto. Makibahagi sa inyong pangkat. Makikita ang mga bahagi ng talumpati ni Pangulong Corazon Aquino. Sumulat ng lima hanggang sampung pangungusap na paliwanag ukol sa iyong pagkakaunawa sa mga ito. Ilahad ang sagot ng inyong pangkat sa klase. Pamprosesong Tanong: Pamprosesong Tanong 1. Bakit nagpapasalamat si Pangulong Corazon Aquino sa taong bayan? 2. Anong panahon ang tinutukoy ni Pangulong Aquino na hatinggabi (midnight)? na umaga (day)? Paano ito nagkakaiba? 3. Paano nabigyang wakas ang pamahalaang diktaturyal na itinatag ni Pangulong Marcos? 4. Bakit hinihikayat ni Pangulong Corazon Aquino ang lahat na magkasundo at magkaunawaan? 5. Bakit ipinaaalala ni Pangulong Corazon Aquino sa sambayanang Pilipino na palagiang magdasal? 1. I am grateful for the authority you have given me today. And I promise to offer all that I can do to serve you. 2. It is fitting and proper that, as the rights and liberties of our people were taken away at midnight twenty years ago, the people should firmly recover those lost rights and liberties in the full light of the day. 3. . . . only the united strength of a people can overturn a tyranny so evil and so well organized . . . . That power has shattered the dictatorship, . . . and today has established a government dedicated to the protection and meaningful fulfillment of the people’s rights and liberties. 4. And now, I would like to appeal to everyone to work for national reconciliation . . . So I call on all those countrymen of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful country. 5. As I always did during the campaign I would like to end with an appeal for you to continue praying. Let us pray for God’s help especially during these days. Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4 Pangkat 5
  15. 15. 15 Gawain 10 Pagsulat ng Sanaysay Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng panunumpa ni Pangulong Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas. Rubric para sa pagmamarka ng sanaysay Kraytirya Deskripsiyon Puntos Nilalaman Wasto ang lahat ng mga impormasyon na nakapaloob sa sanaysay. Malinaw na nailahad ang saloobin ng mag-aaral ukol sa paksa. 5 Pagsusulong ng pagbabago Malinaw na naipakita sa sanaysay ang pangunahing layunin ng 1986 EDSA People Power Revolution. Nakahihikayat ang mga ginamit na salita, upang isulong ng mga mambabasa ang pagbabago para sa ikabubuti ng kalidad ng pamumuhay. 4 Organisasyon Organisado, malinaw at simple ang pagkakalahad ng ideya. Magkakaugnay ang mga pangungusap at maayos ang transisyon sa mga susunod na talata. 3 Mekaniks Nasunod ang mga panuntunan sa pagsulat ng sanaysay tulad ng tamang bantas at baybay ng salita, pagkakaayos ng pangungusap at dami o bilang ng salita. 3 Kabuuan 20 puntos Gawain 11 Exit Card Punan ng sagot ang exit card batay sa iyong mga natutunan at naunawaan ukol sa mga nakaraang paksa. Pangalan: __________________ Grado at Pangkat: ______ PAKSA/ARALIN: __________________________________ Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap na naglalaman ng iyong mga natutunan tungkol sa paksa. Isulat din ang mga bahagi ng paksa na hindi mo gaanong naunawaan o nais mo pa ng karagdagang paliwanag. Maglagay ng isa hanggang tatlong katanungan na nais mabigyang kasagutan ukol sa tinalakay na paksa.
  16. 16. 16 Isa sa mga unang ginawa ni Pangulong Corazon Aquino ay ang pagpapalabas ng Proklamasyon Bilang 3 kung saan ay inihayag niya ang pagbuo ng pansamanalang saligang batas na siyang magiging batayan ng kaniyang pamahalaan. Sanggunian 3 Bahagi ng 1986 “Freedom” Constitution of the Philippines 1986 Provisional “FREEDOM” Constitution of the Philippines Proclamation NO. 3 DECLARING A NATIONAL POLICY TO IMPLEMENT THE REFORMS MANDATED BY THE PEOPLE, PROTECTING THEIR BASIC RIGHTS, ADOPTING A PROVISIONAL CONSTITUTION, AND PROVIDING FOR AN ORDERLY TRANSITION TO A GOVERNMENT UNDER A NEW CONSTITUTION. WHEREAS, the new government was installed through a direct exercise of the power of the Filipino people assisted by units of the New Armed Forces of the Philippines; WHEREAS, the heroic action of the people was done in defiance of the provisions of the 1973 Constitution, as amended; WHEREAS, the direct mandate of the people as manifested by their extraordinary action demands the complete reorganization of the government, restoration of democracy, protection of basic rights, rebuilding of confidence in the entire governmental system, eradiation of graft and corruption, restoration of peace and order, maintenance of the supremacy of civilian authority over the military, and the transition to a government under a New Constitution in the shortest time possible; WHEREAS, during the period of transition to a New Constitution it must be guaranteed that the government will respect basic human rights and fundamental freedoms; WHEREAS, I, CORAZON C. AQUINO, President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the sovereign mandate of the people, do hereby promulgate the following Provisional Constitution: ARTICLE II THE PRESIDENT, THE VICE PRESIDENT, AND THE CABINET Section 1. Until a legislature is elected and convened under a new Constitution, the President shall continue to exercise legislative power. The President shall give priority to measures to achieve the mandate of the people to: (a) Completely reorganize the government and eradicate unjust and oppressive structures, and all iniquitous vestiges of the previous regime;
  17. 17. 17 Pinagkunan: 1986 Provisional “FREEDOM” Constitution of the Philippines. www.chanrobles.com. Date retrieved, November 20, 2012. (d) Recover ill-gotten properties amassed by the leaders and supports of the previous regime and protect the interest of the people through orders of sequestration or freezing of assets of accounts; (e) Eradicate graft and corruption in government and punish those guilty thereof; and, (f) Restore peace an order, settle the problem of insurgency, and pursue national reconciliation based on justice. Section 2. The President shall be assisted by a Cabinet which shall be composed of Ministers with or without portfolio who shall be appointed by the President. They shall be accountable to and hold office at the pleasure of the President. ARTICLE III GOVERNMENT REORGANIZATION Section 1. In the reorganization of the government, priority shall be given to measures to promote economy, efficiency, and eradication of graft and corruption Section 4. The records, equipment buildings, facilities and other properties of all government offices shall be carefully preserved. In case any office or body is abolished or reorganized pursuant to this Proclamation, its funds and properties shall be transferred to the office or body to which its powers, functions, and responsibilities substantially pertain. ARTICLE V ADOPTION OF A NEW CONSTITUTION Section 1. Within sixty (60) days from date of this Proclamation, a Commission shall be appointed by the President to draft a New Constitution. The Commission shall be composed of not less than thirty (30) nor more than fifty (50) natural born citizens of the Philippines, of reorganized probity, known for their independence, nationalism and patriotism. They shall be chosen by the President after consultation with various sectors of society. Section 2. The Commission shall complete its work within as short a period as may be consistent with the need both to hasten the return of normal constitutional government and to draft a document truly reflective of the ideals and aspirations of the Filipino people. Section 3. The Commission shall conduct public hearings to ensure that the people will have adequate participation in the formulation of the New Constitution. Section 4. The plenary sessions of the Commission shall be public and fully recorded. Section 5. The New Constitution shall be presented by the Commission to the President who shall fix the date for the holding of a plebiscite. It shall become valid and effective upon ratification by a majority of the votes cast in such plebiscite which shall be held within a period of sixty (60) days following its submission to the President.
  18. 18. 18 Gawain 12: Pagtukoy sa Tiyak na Impormasyon Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang pangunahing layunin ng Proklamasyon Blg. 3? 2. Sino ang pangulo na nagpalabas ng proklamasyon? 3. Maituturing ba itong isang hakbang tungo sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas? Patunayan. 4. Bakit kaya ito tinawag na “Freedom”Constitution? Gawain 13: PAGSUSURI Batay sa iyong mga sagot sa Gawain 7, tukuyin ang mga probisyon (maaaring seksiyon o artikulo) ng Freedom Constitution na sumasagot sa mga suliranin o hamon na kinaharap ng mga Pilipino. Suliranin o Hamon (Batay sa iyong sagot sa Gawain 8) Probisyon ng Freedom Constitution Paliwanag Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mo nasabi na maaaring malutas ng mga napili mong probisyon ang mga suliranin o hamon? 2. Sapat na ba ang mga probisyon ng Freedom Constitution upang masolusyunan ang mga nabanggit na suliranin o hamon? Pangatwiranan. 3. Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng Freedom Constitution?
  19. 19. 19 Nagpalabas si Pangulong Corazon Aquino ng Proklamasyon Bilang 9 na siyang bumuo sa tinawag na Constitutional Commission na naatasang bumuo ng Saligang Batas ng Pilipinas upang palitan ang 1973 Saligang Batas. Ito ay pinamunuan ni Cecilia Muñoz-Palma. Natapos ang draft ng saligang batas noong Oktubre 12, 1986. Nagkaroon ng plebisito para sa ratipikasyon ng Saligang Batas noong Pebrero 2, 1987 kung saan 17 milyon ang nagpahayag ng pagsang-ayon at 5 milyon lamang ang hindi. Noong Pebrero 11, 1987, iprinoklama ang ratipikasyon ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas. Makikita sa ibaba ang ilan sa mga pagbabago at karagdagang probisyon ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas. Sanggunian 4 Bahagi ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ARTIKULO VI ANG KAGAWARAN NG TAGAPAGBATAS Seksyon 1. Dapat masalalay sa isang Kongreso ng Pilipinas ang kapangyarihang Tagapagbatas, na dapat binubuo ng isang Senado at isang Kapulungan ng mga Kinatawan, maliban sa lawak na inilaan sa mga taongbayan ng tadhana tungkol sa pagpapatiuna at referendum. Seksyon 5. (2) Ang kinatawang party-list ay dapat na binubuo ng dalawampung porsyento ng lahat ng mga kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan…. mula sa sektor ng mga manggagawa, magsasaka, mahirap na tagalungsod, mga katutubong pamayanang pangkalinangan, mga kababaihan, kabataan at sa iba pang mga sektor na maaaring itadhana ng batas, maliban sa sektor na panrelihiyon. Seksyon 12. Ang lahat ng mga Kagawad ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa simula ng panunungkulan, ay dapat na magsagawa ng ganap na pagsisiwalat ng kanilang mga interes na pampananalapi at pangnegosyo. Dapat ipabatid nila sa kinauukulang Kapulungan ang maaaring umusbong na salungat na interes sa paghaharap ng isang panukalang pagsasabatas na sila ang may-akda.
  20. 20. 20 Seksyon 27. (1) Ang bawat panukalang-batas na mapagtibay ng Kongreso ay dapat iharap sa Pangulo bago maging batas. Dapat niyang lagdaan ito kung sinasang-ayunan niya, kung hindi, dapat niyang i-veto at ibalik na kalakip ang kanyang mga tutol sa Kapulungang pinanggalingan nito, na dapat magpasok ng mga tutol sa kabuuan sa katitikan nito at muling isaalang-alang ang panukalang batas. Kung, pagkaraan ng gayong muling pagsasaalang-alang , ang dalawang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungang iyon ay magkaisang pagtibayin ang panukalang-batas, ito'y dapat ipadala, kalakip ang mga tutol, sa kabilang Kapulungan upang muling isaalang-alang niyon, at kung pagtibayin ng dalawang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungang iyon, ito'y magiging batas. Sa lahat ng gayong pangyayari, ang mga boto ng bawat Kapulungan ay dapat pagpasyahan sa pamamagitan ng mga "Oo" o "Hindi", at dapat itala sa Journal nito ang mga pangalan ng mga Kagawad na bumoto nang sangayon o salungat. Dapat ipabatid ng Pangulo ang kanyang pag-veto sa alin mang panukalang-batas sa Kapulungang pinanggalingan nito sa loob ng tatlumpung araw matapos matanggap ito; at kung hindi, ito ay dapat maging batas na para na ring nilagdaan niya. ARTIKUO VII ANG KAGAWARAN NG TAGAPAGPAGANAP SEKSYON 1.' Ang kapangyarihang tagapagpaganap ay dapat masalalay sa isang Pangulo ng Pilipinas. SEKSYON 3. Dapat magkaroon ng isang Pangalawang Pangulo na may katangian at taning ng panunungkulan na katulad ng sa Pangulo at dapat mahalal na kasabay at sa paraang katulad ng sa Pangulo. Maaari siyang alisin sa panunungkulan sa paraang katulad ng sa Pangulo. SEKSYON 4. Ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ay dapat mahalal sa pamamagitan ng tuwirang boto ng sambayanan para sa taning na anim na taon na magsisimula sa katanghalian ng ikatatlumpung araw ng Hunyo na sumusunod sa araw ng halalan at magtatapos sa katanghalian ng gayon ding petsa pagkaraan ng anim na taon. Ang Pangulo ay hindi magiging karapat-dapat sa ano mang muling paghahalal. Ang sino mang tao na humalili bilang Pangulo at naglingkod nang gayon sa loob ng higit na apat na taon ay hindi dapat maging kwalipikado sa paghahalal sa katularing katungkulan sa alin mang panahon. Section 5. Before they enter on the execution of their office, the President, the Vice- President, or the Acting President shall take the following oath or affirmation: "I do solemnly swear [or affirm] that I will faithfully and conscientiously fulfill my duties as President [or Vice-President or Acting President] of the Philippines, preserve and defend its Constitution, execute its laws, do justice to every man, and consecrate myself to the service of the Nation. So help me God."
  21. 21. 21 SEKSYON 5. Bago magsimula sa pagtupad ng kanilang katungkulan ang Pangulo, ang Pangalawang Pangulo, o ang Nanunungkulang Pangulo, ay dapat magsagawa ng sumusunod na panunumpa o pagpapatotoo: "Matimtim kong pinanunumpaan [o pinatotohanan] na tutuparin ko nang buong katapatan at sigasig ang aking mga tungkulin bilang Pangulo [o Pangalawang Pangulo o Nanunungkulang Pangulo] ng Pilipinas, pangangalagaan at ipagtatanggol ang kanyang Konstitusyon, ipatutupad ang mga batas nito, magiging makatarungan sa bawat tao, at itatalaga ang aking sarili sa paglilingkod sa Bansa. Kasihan nawa ako ng Diyos." SEKSYON 16. Ang Pangulo ay dapat magnomina at, sa pagsang-ayon ng Komisyon ng Paghirang, dapat humirang ng mga puno ng mga kagawarang tagapagpaganap, mga ambasador, iba pang mga pambayang minister at konsul, o mga pinuno ng sandatahang lakas mula sa rankong koronel o kapitan ng hukbong pandagat at iba pang mga pinuno na ang mga paghirang ay nakasalalay sa kanya sa Konstitusyong ito... SEKSYON 21. Hindi dapat maging balido at may-bisa ang ano mang kasunduang-bansa o kasunduang internasyonal namg walang pagsang-ayon ng dawalang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Senado. ARTIKULO XIII SOCIAL JUSTICE AND HUMAN RIGHTS Seksyon 1. Dapat pag-ukulan ng Kongreso ng pinakamataas na priority ang pagsasabatas ng mga hakbangin na mangangalaga at magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa dignidad na pantao, magbabawas sa mga di pagkakapantay-pantay na panlipunan, pangkabuhayan, at pampulitika, at papawi sa mga di pagkakapantay-pantay na pagkalinangan sa pamamagitan ng pantay na pagpapalaganap ng kayamanan at kapangyarihang pampulitika para sa kabutihan ng lahat. Tungo sa mga mithiing ito, dapat regulahin ng Estado ang pagtatamo, pagmamay-ari, paggamit, at paglilipat ng ariarian at ng mga bunga nito. PAGGAWA Seksyon 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang pupusang employment at pantay na mga pagkakataon… para sa lahat. Dapat nitong garantiyahan ang mga karapatan ng lahat ng mga manggagawa na magtatag ng sariling organisasyon, sama-samang pakikiapagkasundo at negosasyon, mapayapa at magkakaugnay na pagkilos, kasama ang karapatang magwelga nang naaalinsunod sa batas…
  22. 22. 22 REPORMANG PANSAKAHAN AT PANLIKAS NA KAYAMANAN Seksyon 4. Dapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng batas, ng programa sa repormang pansakahan na nakasalig sa karapatan ng mga magsasaka at mga regular na manggagawa sa bukid, na mga walang lupa, na tuwiran o sama-samang magmay-ari ng mga lupang kanilang sinasaka o, sa kalagayan ng iba pang mga manggagawa sa bukid, tumanggap ng karampatang kaparte sa mga bunga niyon… Seksyon 7. Dapat pangalagaan ng Estado ang mga karapatan ng mga mangingisdang tawid-buhay, lalo na ng mga lokal na pamayanan, sa may pagtatanging paggamit ng mga kayaman sa tubig at pangisdaan na para sa lahat, kapwa sa mga tubigang panloob at sa dagat KABABAIHAN Seksyon 14. Dapat pangalagaan ng Estado ang mga kababaihang nagtatrabaho sa pamamagitan ng ligtas at nakapagpapalusog na mga kalagayan sa pagtatrabaho, nagsasaalang-alang ng kanilang mga gawain bilang ina, at ng mga kaluwagan at mga pagkakataon na nagpapatingkad sa kanilang ikagagaling at ikagiginhawa upang matamo ang kanilang ganap na potensyal sa paglilingkod. ANG MGA BAHAGING GINAGAMPANAN AT MGA KARAPATAN NG MGA ORGANISASYON NG SAMBAYANAN Seksyon 15. Dapat igalang ng Estado ang bahaging ginagampanan ng malayang mga organisasyon ng sambayanan upang matamo at mapangalagaan ng mga taong-bayan, sa loob ng balangkas na demokratiko, ang kanilang lehitimo at sama-samang interes at hangarin sa pamamagitan ng paraang mapayapa at naaayon sa batas. Ang mga organisasyon ng sambayanan ay mga asosasyong bona fide ng mga mamamayan na may subok na kakayahang itaguyod ang kapakanang pambayan at may mapagkikilalang pamiminuno, kasapian, at istruktura. Seksyon 16. Hindi dapat bawalan ang karapat ng sambayanan at ng kanilang mga organisasyon sa mabisa at makatwirang pakikilahok sa lahat ng mga antas ng pagpapasiyang panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan. Dapat padaliin ng Estado, sa pamamagitan ng batas, ang pagtatatag ng sapat na mga pamamaraan sa pakikipagsanggunian
  23. 23. 23 Pinagkunan: 1987 Constitution of the Philippines. www.chanrobles.com. Date Retrieved, Nov. 25, 2012 MGA KARAPATANG PANTAO Seksyon 17. (1) Nililikha sa pamamagitan nito ang isang malayang tanggapan na tatawaging Komisyon sa Mga Karapatang Pantao. . Seksyon 18. Dapat magkaroon ang Komisyong sa Mga Karapatang Pantao ng mga sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain: (1) Magsiyasat, sa kusa nito o sa sumbong ng alin mang panig, ng lahat ng uri ng mga paglabag sa mga karapatang pantao na kinapapalooban ng mga sibil at pulitikal (3) Magtakda ng angkop na mga hakbangin na naaayon sa batas para sa pangangalaga ng mag karapatang pantao ng lahat ng mga tao sa Pilipinas, at gayon din ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa, at magtakda ng mga panagkang hakbangin, at mga paglilingkod na tulong legal sa mga kulang-palad na ang mga karapatang pantao ay nilabag o nangangailangan ng proteksyon; (4) Tumupad ng mga kapangyarihan sa pagdalaw sa mga piitan, mga bilangguan, o mga pasilidad sa detensyon; (6) Magrekomenda sa Kongreso ng mabisng mga hakbangin upang maitaguyod ang mga karapatang pantao at maglaan para sa mga bayad-pinsala sa mga biktima, o sa kanilang mga pamilya, ng mga paglabag sa mga karapatang pantao; (7) Subaybayan ang pagtalima ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga pananagutan sa pandaigdig na kasunduang-bansa hinggil sa mga karapatang pantao;…
  24. 24. 24 Gawain 14 Pagtukoy sa Tiyak na Impormasyon Sagutin ang sumusunod na tanong 1. Saang dokumento nagmula ang mga nabanggit na artikulo at probisyon? 2. Sino ang pangulo ng Pilipinas na lumagda sa dokumento na ito? 3. Kailan isinagawa ang plebisito para sa pagpapatibay ng konstitusyon? Gawain 15 Paghahambing Batay sa iyong mga sagot sa Gawain 7 at Gawain 13, tukuyin ang mga probisyon (maaaring seksiyon o artikulo) ng Freedom Constitution na sumasagot sa mga suliranin o hamon na kinaharap ng mga Pilipino. Suliranin o Hamon (Batay sa iyong sagot sa Gawain 8) Tukuyin ang tiyak na bilang ng artikulo na tutugon sa suliranin Paliwanag Bahagi ng Freedom Constitution Bahagi ng 1987 Saligang Batas Pamprosesong Tanong 1. Bakit mahalaga ang mga dokumento tulad ng Freedom Constitution at 1987 Saligang Batas ng Pilipinas sa pagtugon sa mga suliranin o hamon na iyong nabanggit? 2. Paano binigyang pansin sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ang sumusunod: a. Kapangyarihan ng pangulo b. Proseso ng pagbuo ng batas c. Karapatan at kapakanan ng mga mamamayan 3. Ginagarantiyahan ba ng 1987 Saligang Batas na hindi na mauulit ang naranasan ng mga Pilipino noong panahon ng Martial Law? Ipaliwanag.
  25. 25. 25 Makalipas ang mahigit dalawang dekada, sariwa pa din sa alaala ng mga Pilipino ang mga pangyayaring naganap noong 1986 EDSA People Power Revolution. Subalit sa kasalukuyan magkakaiba ang pananaw ng mga Pilipino kung totoong bang nakamit ang mga layunin ng 1986 EDSA People Power Revolution. Basahin at suriin mo ang ilan sa mga artikulo sa pahayagan ukol sa mga obserbasyon at opinyon ng mga Pilipino tungkol sa 1986 EDSA People Power Revolution at ang kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas. Sanggunian 5 Sipi ng 26 years of freedom, isang editoryal, 26 years after EDSA where did we go wrong at 5 Lessons to Remember from the EDSA People Power Revolution Pinagkunan: 26 Years of Freedom. http://www.femalenetwork.com/news-features/5-lessons-to-remember-from-the-edsa-people-power- revolution. Date Retrieved, Nov. 27, 2012. 26 Years of Freedom The land of people power marks the 26th anniversary of its peaceful revolution today . . . The story of post-EDSA Philippines should provide precious lessons on the complexities of building a nation on the foundations of a revolution. Many of the problems during the dictatorship, however, have not been fully eradicated. The same politics of patronage persists, breeding corruption and preventing the development of a merit-based society. Hundreds of left-wing militants, legal professionals and journalists have disappeared or been murdered since 1986, with many of the crimes attributed to state forces. Human rights abuses continue in the police and military. The revolution also did not put an end to corruption and dirty elections. As the four-day remembrance of the people power revolt got underway, the second Philippine president to be arrested and held without bail pleaded not guilty to electoral sabotage. In the lower rungs of government, a clerk who owns a Porsche and was caught on CCTV assaulting a young man tendered his resignation from the Bureau of Customs, still perceived to be one of the most corrupt agencies. The head of the government’s gaming firm is embroiled in a scandal over perks he and his family accepted from a private casino operator. All these persistent problems surely contribute to the fact that 26 years after EDSA, the country has become Asia’s economic laggard. Today, with the annual celebration of the restoration of democracy, there must be a greater national resolve to move the country forward.
  26. 26. 26 Pinagkunan: Avila, Bobi S. 26 Years after EDSA, where did we go wrong? Philippine Star. February 21, 2012. pg. 9-10.Date Retrieved, Nov. 27, 2012. 26 years after EDSA, where did we go wrong? This week is the 2th anniversary of the EDSA Revolution, and I was to have former Jesuit Father Provincial Fr. Romeo “Archie” Intengan and former National Security Adviser Norberto Gonzales as guests of my talk show, “Straight from the Sky” to talk about the lessons we can gain from the two EDSA revolts. One thing is sure, more than half of the Filipino people living today were not yet born when we had a People’s Power revolt that reverberated all over the globe. It was indeed a proud time to be Filipino. But 26 years later, despite give Presidents after the Marcos Dictatorship left in a huff . . . we’re still a 3rd world country, woefully left behind against the rest of the world . . . The big question to ask is, “Where did we go wrong?” In truth, our badly educated people simply put their trust and confidence in the hand of politicians whose only agenda is selfish lust for political power which brings them money as money assures of them of a continued hold on that political power… if we don’t get out of this vicious cycle, we will continue on the same path well into our next generation.
  27. 27. 27 5 Lessons to Remember from the EDSA People Power Revolution Here are some learnings every Filipino should take from the People Power Revolution. By Gia Recio As we celebrate the 25th anniversary of the People Power Revolution, a bloodless revolution held on EDSA in Metro Manila with corresponding movements elsewhere in the country. Thousands of Filipinos, armed only with courage, faith, and resolve, congregated in the streets to protest the untenable environment created by Martial Law and demand that President Ferdinand Marcos step down. This peaceful revolution lasted three days. On February 25, 1986, our nation finally saw the end of 14 years under a cruel dictatorship: the president and his family fled to Hawaii, and Corazon Aquino, Ninoy’s widow, became the country’s new president. Twenty-five years later—and for decades more to come—our nation still recognizes the significance of that particular period in our history. Today, as we celebrate the anniversary of the EDSA Revolution, let us revisit five principal things that we may glean from this historical event: 1. THERE IS STRENGTH IN UNITY. The multitudes who gathered in EDSA 25 years ago were composed of ordinary citizens united by the desire to stop the oppression suffered at the hands of President Marcos. People from all walks of life prayed together, sought comfort and strength from each other, and bravely faced the militia Marcos dispatched to disperse the crowds. What we achieved that day was no small feat. We were able to unite as a nation and use our collective strength to topple a seemingly impregnable dictatorship.
  28. 28. 28 Pinagkunan: Recio, Gia. 5 Lessons to Remember from the EDSA People Powere Revolution. http://www.femalenetwork.com/news-features/5- lessons-to-remember-from-the-edsa-people-power-revolution. Date Retrieved, Nov. 27, 2012. 2. THERE IS POWER IN DEMOCRACY. The People Power Revolution, as this came to be known, was also proof that sovereignty indeed resides in the Filipino people. … But democracy comes with responsibility, and since the power of democracy rests in the hands of the people, it’s important that people understand exactly what they’re responsible for. Maria Ressa has this to say about the People Power Revolution, "People power should have never become a political tool; it was a once-in-a- lifetime act that should have been followed by the hard work of building democratic institutions. That never happened. That is the work that, twenty years later, desperately needs to be done." 3. YOU HAVE TO FIGHT FOR YOUR PRINCIPLES. The events in EDSA taught us the importance of fighting for what you believe in, especially when it involves what is right and what benefits the majority. Integrity isn’t just about knowing what’s right; it’s also about doing what’s right. We should remember that this applies to the little things, the everyday things, as well as the big ones. 4. MUCH CAN BE ACHIEVED BY FAITH. Apart from having faith in God--as shown by the people during the prayer rallies and the processions that punctuated the three-day revolution--we must also remember to have faith in ourselves. In the midst of the countless political issues that divide us at present, we must believe that we can still rise up as one nation . . . And while the Catholic Church played a significant part in the People Power Revolution, we must remember that the Church and the State are separate. 5. A REVOLUTION DOESN’T HAVE TO BE CHARACTERIZED BY VIOLENCE. In spite of the threatening presence of the military forces in EDSA, not a single shot was fired against the civilians. Throughout the three days of the revolution, not once did the people take up arms or cause widespread panic to achieve their goal. Solidarity, kindness, and a sincere adherence to a common endeavor were our people’s weapons of choice, and despite the absence of force, they succeeded in achieving the liberty that had long been due them.
  29. 29. 29 Gawain 16 Paghahambing Makibahagi sa inyong pangkat. Suriin ang nilalaman ng artikulo na naiatas sa inyo. Gamitin ang chart sa gagawing pagsusuri. Pamagat: Mga Suliranin bago ang 1986 EDSA People Power Revolution na nararanasan pa din sa kasalukuyan Pangkat 1 – 26 Years of Freedom Pangkat 2 – 26 Years after EDSA where did we go wrong? Pamagat: Mga aral na natutuhan sa 1986 EDSA People Power Revolution Pangkat 3 - 5 Lessons to Remember from the EDSA People Power Revolution Pangkat 4 – Sagutin ang sumusunod na tanong TANONG SAGOT 1. Para sa iyo, alin sa mga nabanggit na aral ang maituturing na pinakamahalaga? Bakit? 2. Sang-ayon ka ba sa nilalaman o pananaw ng mga may-akda ng unang dalawang artikulo? Pangatuwiranan. 3. Nararapat pa din ba nating ipagmalaki ang 1986 EDSA People Power Revolution? Bakit? Pangkat 5 – Sagutin ang sumusunod na tanong TANONG 1. Sino ang sumulat ng artikulo? 3. Ano ang pananaw ng mga may-akda ukol sa 1986 EDSA People Power Revolution? 2. Ano ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas? 26 Years of Freedom SAGOT 26 Years after EDSA, where did we go wrong? 4. Sa iyong palagay, bakit nagpapatuloy pa din ang mga nabanggit na hamon o suliranin sa bansa?
  30. 30. 30 Gawain 17 EDSA Fever Naging tanyag ang Pilipinas dahil sa tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution. Maraming lider ng ibang bansa ang pumuri sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, ang mga mamamayan sa ibang ang nagsulong ng pagbabago sa pamamagitan ng mapayapang pagkilos – tulad ng pinasimulan ng mga Pilipino. Makikita sa mapa ang mga impormasyon tungkol dito. Sagutan ang chart mula sa impormasyong makukuha sa mapa. Pamprosesong Tanong: 1. Bilang Pilipino, ano ang iyong naramdaman matapos mabatid na tinularan ng ibang bansa ang ginawa noong 1986 EDSA People Power Revolution? Bakit? 2. Bilang mag-aaral, paano mo mapapanatiling buhay ang diwa ng 1986 EDSA People Power Revolution? 3. Ano ang katangian ng 1986 EDSA People Power Revolution na naging modelo ng ibang bansa sa daigdig? 1. Tatlong bansa na nagsulong ng mapayapang pagkilos at kalian ito isinagawa: (a)_______, _____ (b)_______, _____ (c) _______, _____ 2. Anong bansa ang nauna sa paggamit ng mapayapang paraan sa pagsulong ng pagbabago?______ Libya. October 2011 Nagsimula sa mapayapang paraan na nauwi sa karahasan. Napatay si Pangulong Muammar Gaddafi Pilipinas. February1986. Mapayapang napaalis si Pangulong Marcos Egypt. October 2011 Mapapayang napaalis si Pangulong Hosni Muhbarak
  31. 31. 31 Gawain 18 Dokyu-Kasaysayan Makibahagi sa inyong pangkat. Maghanap ng maaaring makapanayam na buhay na saksi o naging bahagi ng 1986 EDSA People Power Revolution. Gamitin ang mga gabay na tanong. Gumamit ng video recorder sa gagawing panayam. Ipanood sa klase ang nabuong dokyumentaryo. Pangkat 1 - 3 Pangkat 4- 6 Mga Pilipino na nagsasabing tagumpay ang 1986 EDSA Revolution hanggang sa kasalukuyan. Mga Pilipino na nagsasabing bigo ang 1986 EDSA Revolution dahil sa kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan. Mga Gabay na Tanong para sa Pakikipagpanayam 1. Ano po ang inyong pangalan? 2. Ilang taon po kayo noong naganap ang 1986 EDSA People Power Revolution? 3. Ikuwento po ninyo ang inyong naging karanasan/partisipasyon sa nasabing pangyayari. * kung nakilahok ba sa 1986 ESA People Power Revoultion * kung sumuporta kay Pangulong Ferdinand Marcos 4. Bakit po kayo nakilahok (hindi nakilahok) sa iba pang Pilipino na nagtungo sa EDSA? 5. Ano po ang inyong naramdaman nang magtagumpay kayo sa inyong layunin? (mapaalis si Pangulong Marcos sa puwesto?) 6. Sa inyong palagay bakit dapat (hindi dapat) ipagmalaki ang 1986 EDSA People Power Revolution? 7. Masasabi mo bang tagumpay ang 1986 EDSA People Power Revolution? Bakit? 8. Nabago ba ng 1986 EDSA People Power Revolution ang kalagayan ng Pilipinas mula noong 1986 hanggang sa kasalukuyan? Patunayan. 9. Ilahad ang inyong mensahe sa mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan ukol sa kanilang dapat gawin upang maging isang mapanagutang mamamayan ng ating bansa.
  32. 32. 32 Ang inyong dokyumentaryo ay bibigyan ng marka gamit ang sumusunod na pamantayan: Rubric para sa pagmamarka ng Dokyumentaryo KRAYTIRYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA 4 3 2 1 Nilalaman Kumpleto at kumprehensibo ang nilalaman ng dokyumentaryo. Wasto ang lahat ng impormasyon. Gumamit ng mga primarya at sekondaryang sanggunian upang mabuo ang nilalaman. May mga karagdagang kaalaman na matututunan mula sa dokyumentaryo Kumpleto ang nilalaman ng dokyumentaryo. Wasto ang lahat ng impormasyon. Gumamit ng tatlo hanggang limang sanggunian upang mabuo ang nilalaman ng dokyumentaryo. May ilang kakulangan sa nilalaman ng dokyumentaryo. May ilang maling impormasyon na nabanggit. Gumamit ng isa hanggang dalawang sanggunian upang mabuo ang dokyumentaryo. Maraming kulang ang nabuong dokyumentaryo. Gumamit lamang ng isang sanggunian at maraming mali sa mga impormasyon na nakapaloob sa dokyumentaryo. Paglalahad ng Pananaw Masusing sinuri at tinimbang ang mga pananaw na inilhad. Nakabatay sa moralidad, ebidensiya at sariling pagsusuri ang paglalahad ng pananaw. Hindi nagpakita ng pagpanig sa sino mang personalidad o pangkat. Pantay at batay sa katotohanan ang paglalahad ng pananaw. Ibinatay sa ebidensiya at hindi sa sariling damdamin ang pananaw. Hindi nagpakita ng pagpanig sa sino mang personalidad o pangkat. Maayos na nailahad ang pananaw subalit hindi nagawang maisantabi ang sariling damdamin. Bagama’t may pinagbatayang ebidensiya, nagpakita ng pagpanig sa isang tao o personalidad. Hindi maayos ang paglalahad ng pananaw. Ginamit ang sariling damdamin at opinyon sa paglalahad ng pananaw. Mensahe Malinaw na naipabatid ang mensahe ng dokyumentaryo. Naimulat ang mga manonood sa mga katotohanan at maling pananaw ukol sa paksa ng dokyumentaryo. Nakabatay ang mensahe sa mga nilalaman ng sangguniang ginamit. Nahikayat ang mga manonood na kumilos ayon sa mensahe ng dokyumentaryo. Maayos na naipabatid ang mensahe ng dokyumentaryo. Naitama ng mga manonood ang kanilang mga maling pananaw ukol sa paksa. Hindi gaanong mayo na naipabatid ang mensahe ng dokyumentaryo. Nadagdagan ang kaalaman ng mga manonood ukol sa paksa. Hindi naipabatid ang mensahe ng dokyumentaryo. Walang karagdagang kaalaman na nadagdag sa mga manonood. Presentasyon Organisado, malinaw, simple at may tamang pagkakasunod- sunod ang presentasyon ng mga pangyayari at ideya sa dokyumentaryo. Malinaw ang daloy ng istorya at organisado ang paglalahad ng mga argumento at kaisipan. Malinaw at maayos ang presentasyon ng mga pangyayari at ideya sa dokyumentaryo. Malinaw ang daloy ng istorya at ang paglalahad ng argumento at kaisipan. Maayos ang presentasyon ng mga pangyayari at ideya. May mga bahagi na hindi gaanong malinaw at organisado ang paglalahad ng argumento at kaisipan. Hindi maayos ang presentasyon ng mga pangayayari at ideya. Maraming bahagi ang hindi gaanong malinaw ang paglalahad ng argumento at kaisipan. Pagkamalikhain Malikhain, malinis at kumprehensibo ang nabuong dokyumentaryo. Gumamit ng iba pang midya o teknolohiya bukod sa hinihingi ng gawain upang mas maging kaaya-ayang panoorin ang dokyumentaryo. Nakatulong ang mga ginamit na midya o teknolohiya upang makakauha ng karagdagang impormasyon na nagpayaman sa dokyumentaryo. Malikhain at malinis ang nabuong dokyumentaryo. Ginamit ang midya o teknolohiya na hinihingi ng gawain. Hindi gaanong malikhain at malinis ang pagkakabuo ng dokyumentaryo. Ginamit ang midya o teknolohiya na hinihingi ng gawain. Hindi malikhain at malinis ang pagkakabuo ng dokyumentaryo.
  33. 33. 33 GAWAIN 19: Pamana ng 1986 EDSA People Power Revolution Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang pamana ng 1986 EDSA People Power Revolution na dapat mong patuloy na pagyamanin at ipagmalaki. Ipaliwanag ang iyong sagot. GAWAIN 20 : Pagsulat ng repleksiyon Sumulat ng repleksiyon ukol sa mga hakbang na maaari mong gawin bilang isang mag- aaral upang mapanatili ang diwa ng 1986 EDSA People Power Revolution at matugunan ang mga hamon at suliranin na kinakaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan. Pinakamahalagang Pamana ng 1986 EDSA People Power Revolution Paliwanag
  34. 34. 34 Produkto/Pagganap Makibahagi sa iyong pangkat. Basahin ang nilalaman ng Produkto/Pagganap. Isaalang- alang ang mga panuntunan ng guro. Ikaw ay miyembro ng isang pribadong samahan na nagsusulong ng aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawain ng pamahalaan. Nagpatawag ng kumperensiya ang Commission on Elections (COMELEC) upang mabigyan ng kaalaman ukol sa mga batas at alituntunin na dapat sundin ng mga mamamayan at politiko kapag may halalan. Bahagi ng kumperensiya ang paggawa ng sulat na naglalaman ng mga suliranin na nararansan sa inyong lugar. Ipadadala ang sulat sa mga opisyales na tumatakbo sa pambansang halalan upang magsilbing gabay sa pagbuo ng kanilang mga plano at proyekto kung sakaling sila ay mananalo. Ilalahad mo ang nabuong sulat sa mga kapwa kinatawan ng iba’t ibang samahan na kasama sa kumperensiya. Ang iyong nabuong sulat ay bibigyan ng marka batay sa sumusunod na pamantayan:  Nilalaman 30  Partisipasyon 30  Presentasyon 20  Organisasyon 20 Kabuuan 100
  35. 35. 35 Rubric sa pagmamarka ng Sulat KRAYTIRYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA 4 3 2 1 Nilalaman Kumpleto at kumprehensibo ang nilalaman ng sulat. Wasto ang lahat ng impormasyon. Gumamit ng mga primarya at sekondaryang sanggunian upang mabuo ang nilalaman. Makatotohanan at nakabatay sa ebidensiya ang nilalaman ng sulat Kumpleto ang nilalaman ng sulat. Wasto ang lahat ng impormasyon. Gumamit ng tatlo hanggang limang sanggunian upang mabuo ang nilalaman ng dokyumentaryo. May ilang kakulangan sa nilalaman ng sulat. May ilang maling impormasyon na nabanggit. Gumamit ng isa hanggang dalawang sanggunian upang mabuo ang sulat Maraming kulang ang nabuong sulat. Gumamit lamang ng isang sanggunian at maraming mali sa mga impormasyon na nakapaloob sa sulat Partisipasyong Panlipunan Kumprehensibo ang pagkakalahad ng solusyon na nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng mga mamamayan upang malutas ang suliranin. Makatotohanan at maisasagawa ang mungkahing solusyon Nailahad sa sulat ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa pagbibigay ng solusyon sa mga suliranin. Makatotohanan at maisasagawa ang mga mungkahing solusyon. Hindi gaanong nailahad sa sulat ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan. May kahirapang maisakatuparan ang mungkahing solusyon Hindi nailahad sa sulat ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan. Mahirap at hindi makatotohanan ang mungkahing solusyon Presentasyon Malikhaing nailahad ang nilalaman ng sullat. Maayos ang daloy, malakas ang tinig ng tagpaglahad. Naunawaan ang nilalaman ng sulat Maayos na nailahad ang sulat, malakas ang tinig ng tagapaglahad. Naunawaan ang nilalaman ng sulat Hindi gaanong maayos na nailahad ang sulat, bagamat malakas ang tinig, hindi gaanong naunawaan ang nilalaman Hindii maayos na nailahad ang sulat. Mahina ang tinig at hindi naunawaan ang nilalaman ng sulat Organisasyon Organisado, malinaw, simple at may tamang pagkakasunod- sunod ang presentasyon ng mga ideya sa sulat. Malinaw ang daloy at organisado ang paglalahad ng mga kaisipan. Malinaw at maayos ang presentasyon ng mga ideya sa sulat. Malinaw ang daloy ng paglalahad ng argumento at kaisipan. Maayos ang presentasyon ng mga pangyayari at ideya. May mga bahagi na hindi gaanong malinaw at hindi gaanong organisado ang paglalahad ng kaisipan. Hindi maayos ang presentasyon ng mga ideya. Maraming bahagi ang hindi gaanong malinaw ang paglalahad ng kaisipan.
  36. 36. 36 Pagtatapos ng Modyul Nakasalalay sa pagtutulungan, paggalang, at pagkakaisa ng mga mamamayan at pamahalaan ang pagkamit ng mga hinahangad na pagbabago at kalayaan. Kalayaan hindi lamang mula sa mga banta sa ating karapatan kundi kalayaan mula sa kahirapan, pagkakawatak-watak, katiwalian sa pamahalaan, kawalan ng pagkakakilanlang Pilipino at patuloy na pagsasawalang bahala sa mga suliraning pangkalikasan. Bilang isang mag-aaral, tungkulin mo na pagbutihin ang iyong pag-aaral upang maging mulat sa mga nangyayari sa iyong bansa at sa daigdig. Makatutulong din ito upang ikaw ay maging handa sa mga hamon na iyong kakaharapin bilang isang mahalagang bahagi ng lipunan.
  37. 37. 37 References: A. Books B. Newspapers C. Weblinks Pictures Ferdinand Marcos declaring Martial Law – www.wikipedia.org RAM logo http://en.wikipedia.org/wiki/Reform_the_Armed_Forces_Movement World bank logo - http://www.google.com.ph/imgres?q=world+bank&hl=fil&biw=1214&bih=497&tbm=isch&tbnid=AzUlK DJNMWEkMM:&imgrefurl=http://www.khaama.com/afghanistan-signs-125m-grant-with-the-world- bank-to-improve-rural-roads-745&docid=V8GVEgo3TWCEhM&imgurl=http://www.khaama.com/wp- content/uploads/2012/07/World-Bank. Corazon Aquino - http://www.google.com.ph/imgres?q=snap+election+cory+marcos&hl=fil&biw=1214&bih=497&tbm=isc h&tbnid=AZ- Ninoy Aquino – http://www.google.com.ph/imgres?q=assassination+of+ninoy+aquino&hl=fil&sa=X&biw=1214&bih=497 &tbm=isch&prmd=imvnso&tbnid=kjtmKRQ4Q8Oi6M:&imgrefurl=http://www.monacome.com/2008/08 /ninoy-aquino-25-years-assassination.
  38. 38. 38 Enrile at Ramos - http://www.google.com.ph/imgres?q=enrile+at+ramos&hl=fil&sa=X&biw=1024&bih=499&tbm=isch&pr md=imvns&tbnid=HMJEXBDbdAU9QM:&imgrefurl=http://library.thinkquest.org/15816/therevolution.ar ticle1.html&docid=tpMTyNsAFypocM&imgurl=http://library.thinkquest.org/15816/media/therevolution .article1.image1.jpg&w=210&h=158&ei=kYmYULajNqiLmQW- 6IHQCQ&zoom=1&iact=hc&vpx=419&vpy=289&dur=437&hovh=126&hovw=168&tx=70&ty=82&sig=113 308888925793296799&page=1&tbnh=126&tbnw=168&start=0&ndsp=8&ved=1t:429,r:5,s:0,i:80 Marcos at Ver - http://www.google.com.ph/imgres?q=general+ver&hl=fil&biw=1024&bih=499&tbm=isch&tbnid=sREJii9 -QVDXtM:&imgrefurl=http://www.filipinofightingartsintl.com/Publications/history/plaza-miranda- bombing.html&docid=8w_u3jJFWBp2jM&imgurl=http://www.filipinofightingartsintl.com/Publications/h istory/images_plaza-miranda-bombing/plaza-miranda- bombing6.jpg&w=400&h=330&ei=KI2YUKrDCu_vmAXywYHgAw&zoom=1&iact=hc&vpx=736&vpy=162& dur=2991&hovh=204&hovw=247&tx=124&ty=113&sig=113308888925793296799&page=1&tbnh=169& tbnw=231&start=0&ndsp=11&ved=1t:429,r:5,s:0,i:77 People at EDSA - http://www.google.com.ph/imgres?q=edsa+revolution&num=10&hl=fil&biw=1024&bih=499&tbm=isch &tbnid=ytZO3WV2nAl8dM:&imgrefurl=http://en.wikipedia.org/wiki/People_Power_Revolution&docid=j nKP- MsXiVlCxM&imgurl=http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/3/3b/EDSA_Revolution_pic1.jpg/ 250px-EDSA_Revolution_pic1.jpg&w=250&h=179&ei=pJCYUOySF46ImQXz- YDoDw&zoom=1&iact=hc&vpx=502&vpy=105&dur=97&hovh=143&hovw=200&tx=93&ty=84&sig=1133 08888925793296799&sqi=2&page=1&tbnh=143&tbnw=189&start=0&ndsp=9&ved=1t:429,r:2,s:0,i:68 Lyrics of Handog ng Pilipino sa Mundo - http://videokeman.com/apo-hiking-society/handog-ng-pilipino- sa-mundo-apo-hiking-society/ Globe showing Philippines - http://www.google.com.ph/imgres?q=globe+showing+philippines&hl=fil&sa=X&biw=1024&bih=499 &tbm=isch&prmd=imvns&tbnid=z4QkBu71UKJU1M:&imgrefurl=http://www.elnidopalawan.com/ma ps.html&docid=HOgkXA7Pr8iYsM&imgurl=http://www.elnidopalawan.com/images/info/globe_b.gif
  39. 39. 39 &w=400&h=400&ei=kVGkUMajF- PzmAWb3YG4Cg&zoom=1&iact=rc&dur=16&sig=109266282319643317836&page=1&tbnh=124&tbnw =124&start=0&ndsp=12&ved=1t:429,r:0,s:0,i:65&tx=64&ty=83 World map - http://www.google.com.ph/imgres?q=world+map&hl=fil&biw=1024&bih=499&tbm=isch&tbnid=EVYnN pYzzAhtWM:&imgrefurl=http://www.theodora.com/maps/&docid=LV_o6Djrx2o7NM&imgurl=http://w ww.theodora.com/maps/new5/802649.jpg&w=1343&h=737&ei=MFSkUO61Me6NmQXdqoGgAQ&zoom =1&iact=hc&vpx=563&vpy=241&dur=4025&hovh=166&hovw=303&tx=202&ty=140&sig=109266282319 643317836&page=1&tbnh=143&tbnw=261&start=0&ndsp=7&ved=1t:429,r:5,s:0,i:77
  40. 40. 40
  41. 41. 41

×