SlideShare a Scribd company logo
1 of 3
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power
Revolution), na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang
demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang
Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos
protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno niFerdinand Marcos, lalo na
noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-
mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot
ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang
paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga
demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan
sa Kalakhang Maynila.
Ang Rebolusyon sa EDSA
Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksiyon, nagbalak ang ilang
mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si Juan
Ponce Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman
ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya ang pagdakip sa mga pinuno
nito. Dahil nahaharap siya sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong si
Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na
magbitiw sa kaniyang puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap
din ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa
suporta.
Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos sa Kampo
Aguinaldo. Ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa gabinete ni Marcos at
ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng gobyerno. Nagpatawag din ng sariling press
conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan
ang kamangmangang ito."[7]
Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radio Veritas na pinapatakbo ng
Romano Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta sa
EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo
Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa kanila, tulad ng
pagbibigay ng pagkain at ng iba pa nilang pangangailangan. Sa kabila ng
kapahamakan na maaaring dumating sa kanila laban sa puwersa ng gobyerno,
nagpunta ang mga sibilyan, maging ang mga madre at pari, sa EDSA.
Malaki ang bahagi ng Radio Veritas sa rebolusyong ito. Ayon sa dating pangulo ng
Unibersidad ng Pilipinas na si Francisco Nemenzo, magiging imposible na hikayatin ang
mga tao na makilahok sa rebolusyong ito sa ilang oras lamang kung wala ang Radio
Veritas.
Ang lumalaking suporta ng masa
Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao
ang pumuno sa EDSA mula sa Abenida Ortigas hanggang Cubao. Ang larawan ay sa
itaas ay nagpapaita ng panulukan ng EDSA at Abenida Bonny Serrano, sa pagitan ng
Kampo Krame at Kampo Aguinaldo.
Noong madaling araw ng Linggo, 23 Pebrero 1986 pumunta ang mga sundalo ng
gobyerno para wasakin ang transmisor ng Radyo Veritas, at dahil doon marami ang
mga tao sa probinsiya ang hindi makasagap ng impormasyon. Dahil dito napilitan ang
estasyon na gamitin ang pangalawa (backup) nitong transmisor na mayroong mas maliit
na sakop ng brodkast. Naisipan ng gobyerno na gawin ang aksiyong ito dahil mahalaga
ang Radio Veritas sa pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga
rebeldeng sundalo. Nagbibigay ng impormasyon ang himpilang ito tungkol sa mga
pinakahuling galaw ng sundalo ng pamahalaan at ito din ang nagsisilbing daan upang
manawagan sa pangangailangan ng pagkain, gamot at mga suplay.
Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa daang libo
ang mga tao na walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila ay may dala ng
rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa malawakang pagdarasal
(prayer vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre. Marami naman ang gumawa ng mga
harang o barikada gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa
kahabaan ng EDSA katulad ng Santolan at Abenida Ortigas. Marami ding grupo ang
kumanta ng "Bayan Ko"[8]
, na, simula pa noong 1980 ito ang naging makabayang awit
ng oposisyon. Marami ding tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay (hand sign) ng
LABAN[9]
; na ang hinlalaki at hintuturo ay bubuo ng letrang "L".
Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang kampo.
Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa
pagitan ng mga maraming tao na nagsusuporta sa kanila.
Binalita ng Radyo Veritas noong hapon na iyon na may mga batalyon ng Marines na
papunta sa dalawang mga kampo sa silangan, at mga tangke na papunta mula sa
hilaga at timog. Dalawang kilometro mula sa mga kampo, hinarang ng libo-libong mga
tao ang isang batalyon ng tangke na nasa pamumuno ni Brigadier General Artemio
Tadar sa Ortigas Ave.[10]
Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo, at
nagkapit-bisig ang mga tao para harangin ang mga sundalo.[11]
Sa kabila ng banta ni
Tadar sa mga tao ay hindi sila umalis. Walang nagawa ang mga sundalo sa
situwasyon, at di nagtagal umurong na lang sila ng hindi man lang nagpapaputok.
Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radyo Veritas. Bandang
hatinggabi ay lumipat ang mga tripulante sa isang lihim na lugar para magpatuloy sa
pagbo-broadkast, sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Si June Keithley ang
brodkaster na nagpatuloy sa programa ng Radio Veritas sa bagong estasyon sa
nalalabing mga araw ng rebolusyon.

More Related Content

What's hot

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (SANHI)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (SANHI)UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (SANHI)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (SANHI)Jacob Matias
 
Q4 m5 people's power
Q4 m5 people's powerQ4 m5 people's power
Q4 m5 people's powerElsa Orani
 
Rebelyong Moro sa Pilipinas
Rebelyong Moro sa PilipinasRebelyong Moro sa Pilipinas
Rebelyong Moro sa PilipinasIda Regine
 
Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batas
Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batasMga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batas
Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batasDen Zkie
 
Kababaihan ng KKK, Sigaw sa Pugadlawin
Kababaihan ng KKK, Sigaw sa PugadlawinKababaihan ng KKK, Sigaw sa Pugadlawin
Kababaihan ng KKK, Sigaw sa Pugadlawinaya0211
 
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosAng pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosVal Reyes
 
Partisipasyon ng iba’t ibang sektor
Partisipasyon ng iba’t ibang sektorPartisipasyon ng iba’t ibang sektor
Partisipasyon ng iba’t ibang sektorShiella Rondina
 
Pagkakaisa at pagkawatak watak ng mga pilipino
Pagkakaisa at pagkawatak watak ng mga pilipinoPagkakaisa at pagkawatak watak ng mga pilipino
Pagkakaisa at pagkawatak watak ng mga pilipinoShiella Rondina
 
Himagsikan 1896
Himagsikan 1896Himagsikan 1896
Himagsikan 1896vardeleon
 
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaanModyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan南 睿
 
Pamahalaan sa panahon ng himagsikan
Pamahalaan sa panahon ng himagsikanPamahalaan sa panahon ng himagsikan
Pamahalaan sa panahon ng himagsikanEdgardo Allegri
 

What's hot (14)

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (SANHI)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (SANHI)UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (SANHI)
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (SANHI)
 
Q4 m5 people's power
Q4 m5 people's powerQ4 m5 people's power
Q4 m5 people's power
 
Rebelyong Moro sa Pilipinas
Rebelyong Moro sa PilipinasRebelyong Moro sa Pilipinas
Rebelyong Moro sa Pilipinas
 
q4, m5
q4, m5q4, m5
q4, m5
 
Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batas
Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batasMga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batas
Mga kaganapan sa pilipinas bago ipahayag ang batas
 
Kababaihan ng KKK, Sigaw sa Pugadlawin
Kababaihan ng KKK, Sigaw sa PugadlawinKababaihan ng KKK, Sigaw sa Pugadlawin
Kababaihan ng KKK, Sigaw sa Pugadlawin
 
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosAng pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
 
Dekada 60 at 70
Dekada 60 at 70Dekada 60 at 70
Dekada 60 at 70
 
Partisipasyon ng iba’t ibang sektor
Partisipasyon ng iba’t ibang sektorPartisipasyon ng iba’t ibang sektor
Partisipasyon ng iba’t ibang sektor
 
Pagkakaisa at pagkawatak watak ng mga pilipino
Pagkakaisa at pagkawatak watak ng mga pilipinoPagkakaisa at pagkawatak watak ng mga pilipino
Pagkakaisa at pagkawatak watak ng mga pilipino
 
Himagsikan 1896
Himagsikan 1896Himagsikan 1896
Himagsikan 1896
 
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaanModyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
 
Pamahalaan sa panahon ng himagsikan
Pamahalaan sa panahon ng himagsikanPamahalaan sa panahon ng himagsikan
Pamahalaan sa panahon ng himagsikan
 
Pagsisikap para umunlad
Pagsisikap para umunladPagsisikap para umunlad
Pagsisikap para umunlad
 

Similar to Ang

Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcos
Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni MarcosAng Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcos
Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcoseldredlastima
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
AP 6 PPT Q4 - 1986 Edsa People Power Revolution.pptx
AP 6 PPT Q4 - 1986 Edsa People Power Revolution.pptxAP 6 PPT Q4 - 1986 Edsa People Power Revolution.pptx
AP 6 PPT Q4 - 1986 Edsa People Power Revolution.pptxRachelle Bernabe
 
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.ppt
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.pptdokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.ppt
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.pptNathalieReyes14
 
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01Marife Jagto
 
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsaPanitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsaReinabelle Marquez
 
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolMga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolShiella Rondina
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
filipino report 2 in balagtasan.pptx
filipino report 2 in balagtasan.pptxfilipino report 2 in balagtasan.pptx
filipino report 2 in balagtasan.pptxJerickLeeMerza1
 
Pakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaanPakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaanAlice Bernardo
 
Pag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalPag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalShiella Rondina
 
himagsikan-191029135434.pdf
himagsikan-191029135434.pdfhimagsikan-191029135434.pdf
himagsikan-191029135434.pdfderf delmonte
 
AP Q1 Wk3 MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN SA PANAHON NG HIMAGSIKANG PILIPINO.pdf
AP Q1 Wk3 MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN SA PANAHON NG HIMAGSIKANG PILIPINO.pdfAP Q1 Wk3 MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN SA PANAHON NG HIMAGSIKANG PILIPINO.pdf
AP Q1 Wk3 MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN SA PANAHON NG HIMAGSIKANG PILIPINO.pdfSaidaBautilSubrado
 
AP Week 4 Module 3, 1st QTR-Ang Himagsikang Pilipino.pptx
AP Week 4 Module 3, 1st QTR-Ang Himagsikang Pilipino.pptxAP Week 4 Module 3, 1st QTR-Ang Himagsikang Pilipino.pptx
AP Week 4 Module 3, 1st QTR-Ang Himagsikang Pilipino.pptxGreyzyCarreon
 
4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx
4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx
4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptxMariaLourdesPAkiatan
 
Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power
Q4 lesson 27 bagong lipunan at people powerQ4 lesson 27 bagong lipunan at people power
Q4 lesson 27 bagong lipunan at people powerRivera Arnel
 
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdfangpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdfssuser7b7c5d
 

Similar to Ang (20)

Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcos
Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni MarcosAng Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcos
Ang Simula ng Rebolusyong EDSA na nagpagasak ng Batas Militar ni Marcos
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
AP 6 PPT Q4 - 1986 Edsa People Power Revolution.pptx
AP 6 PPT Q4 - 1986 Edsa People Power Revolution.pptxAP 6 PPT Q4 - 1986 Edsa People Power Revolution.pptx
AP 6 PPT Q4 - 1986 Edsa People Power Revolution.pptx
 
4th qtr module 5
4th qtr module 54th qtr module 5
4th qtr module 5
 
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.ppt
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.pptdokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.ppt
dokumen.tips_ap-group-6-6d-ferdinand-marcos.ppt
 
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01
Bagonglipunanatpeoplepower 100316203614-phpapp01
 
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsaPanitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
 
Bagong lipunan
Bagong lipunanBagong lipunan
Bagong lipunan
 
Rebolusyon sa EDSA 1986
Rebolusyon sa EDSA 1986Rebolusyon sa EDSA 1986
Rebolusyon sa EDSA 1986
 
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolMga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
filipino report 2 in balagtasan.pptx
filipino report 2 in balagtasan.pptxfilipino report 2 in balagtasan.pptx
filipino report 2 in balagtasan.pptx
 
Pakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaanPakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaan
 
Pag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalPag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyal
 
himagsikan-191029135434.pdf
himagsikan-191029135434.pdfhimagsikan-191029135434.pdf
himagsikan-191029135434.pdf
 
AP Q1 Wk3 MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN SA PANAHON NG HIMAGSIKANG PILIPINO.pdf
AP Q1 Wk3 MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN SA PANAHON NG HIMAGSIKANG PILIPINO.pdfAP Q1 Wk3 MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN SA PANAHON NG HIMAGSIKANG PILIPINO.pdf
AP Q1 Wk3 MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN SA PANAHON NG HIMAGSIKANG PILIPINO.pdf
 
AP Week 4 Module 3, 1st QTR-Ang Himagsikang Pilipino.pptx
AP Week 4 Module 3, 1st QTR-Ang Himagsikang Pilipino.pptxAP Week 4 Module 3, 1st QTR-Ang Himagsikang Pilipino.pptx
AP Week 4 Module 3, 1st QTR-Ang Himagsikang Pilipino.pptx
 
4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx
4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx
4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx
 
Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power
Q4 lesson 27 bagong lipunan at people powerQ4 lesson 27 bagong lipunan at people power
Q4 lesson 27 bagong lipunan at people power
 
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdfangpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
 

More from Florlyn Cabang (8)

Graph t heory
Graph t heoryGraph t heory
Graph t heory
 
Methodology
MethodologyMethodology
Methodology
 
Banto
BantoBanto
Banto
 
Myreportmurillo
MyreportmurilloMyreportmurillo
Myreportmurillo
 
Poem
PoemPoem
Poem
 
Fs 6 reflection
Fs 6 reflectionFs 6 reflection
Fs 6 reflection
 
Cover page
Cover pageCover page
Cover page
 
Fs 3
Fs 3Fs 3
Fs 3
 

Ang

  • 1. Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power Revolution), na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno niFerdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito- mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila. Ang Rebolusyon sa EDSA Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksiyon, nagbalak ang ilang mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si Juan Ponce Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya ang pagdakip sa mga pinuno nito. Dahil nahaharap siya sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong si Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na magbitiw sa kaniyang puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap din ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa suporta. Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos sa Kampo Aguinaldo. Ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa gabinete ni Marcos at ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng gobyerno. Nagpatawag din ng sariling press conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan ang kamangmangang ito."[7] Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radio Veritas na pinapatakbo ng Romano Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta sa
  • 2. EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa kanila, tulad ng pagbibigay ng pagkain at ng iba pa nilang pangangailangan. Sa kabila ng kapahamakan na maaaring dumating sa kanila laban sa puwersa ng gobyerno, nagpunta ang mga sibilyan, maging ang mga madre at pari, sa EDSA. Malaki ang bahagi ng Radio Veritas sa rebolusyong ito. Ayon sa dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas na si Francisco Nemenzo, magiging imposible na hikayatin ang mga tao na makilahok sa rebolusyong ito sa ilang oras lamang kung wala ang Radio Veritas. Ang lumalaking suporta ng masa Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao ang pumuno sa EDSA mula sa Abenida Ortigas hanggang Cubao. Ang larawan ay sa itaas ay nagpapaita ng panulukan ng EDSA at Abenida Bonny Serrano, sa pagitan ng Kampo Krame at Kampo Aguinaldo. Noong madaling araw ng Linggo, 23 Pebrero 1986 pumunta ang mga sundalo ng gobyerno para wasakin ang transmisor ng Radyo Veritas, at dahil doon marami ang mga tao sa probinsiya ang hindi makasagap ng impormasyon. Dahil dito napilitan ang estasyon na gamitin ang pangalawa (backup) nitong transmisor na mayroong mas maliit na sakop ng brodkast. Naisipan ng gobyerno na gawin ang aksiyong ito dahil mahalaga ang Radio Veritas sa pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga rebeldeng sundalo. Nagbibigay ng impormasyon ang himpilang ito tungkol sa mga pinakahuling galaw ng sundalo ng pamahalaan at ito din ang nagsisilbing daan upang manawagan sa pangangailangan ng pagkain, gamot at mga suplay. Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa daang libo ang mga tao na walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila ay may dala ng rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre. Marami naman ang gumawa ng mga harang o barikada gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa kahabaan ng EDSA katulad ng Santolan at Abenida Ortigas. Marami ding grupo ang
  • 3. kumanta ng "Bayan Ko"[8] , na, simula pa noong 1980 ito ang naging makabayang awit ng oposisyon. Marami ding tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay (hand sign) ng LABAN[9] ; na ang hinlalaki at hintuturo ay bubuo ng letrang "L". Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang kampo. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa pagitan ng mga maraming tao na nagsusuporta sa kanila. Binalita ng Radyo Veritas noong hapon na iyon na may mga batalyon ng Marines na papunta sa dalawang mga kampo sa silangan, at mga tangke na papunta mula sa hilaga at timog. Dalawang kilometro mula sa mga kampo, hinarang ng libo-libong mga tao ang isang batalyon ng tangke na nasa pamumuno ni Brigadier General Artemio Tadar sa Ortigas Ave.[10] Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo, at nagkapit-bisig ang mga tao para harangin ang mga sundalo.[11] Sa kabila ng banta ni Tadar sa mga tao ay hindi sila umalis. Walang nagawa ang mga sundalo sa situwasyon, at di nagtagal umurong na lang sila ng hindi man lang nagpapaputok. Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radyo Veritas. Bandang hatinggabi ay lumipat ang mga tripulante sa isang lihim na lugar para magpatuloy sa pagbo-broadkast, sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Si June Keithley ang brodkaster na nagpatuloy sa programa ng Radio Veritas sa bagong estasyon sa nalalabing mga araw ng rebolusyon.