2. Age of Enlightenment
• Naganap ito noong ika-18 siglo sa Europa, tinawag din itong panahon
ng kaliwanagan o La Ilustracion.
• Lumaganap dito ang mga bagong kaisipan pampolitika at palipunan.
Social contract
Pagitan ng mga pinuno at ng mga mamamayan.
Isinuko ng bawat indibidwal ang kanilang personal na kalayaan sa mga pinuno
ng pamahalaan, kapalit ng pangangalagan at isusulong ng pamahalaan ang
kapakanan nila bilang taong-bayan.
3. Malaki ang naging epekto ng Panahon ng Kaliwanagan sa pananaw ng mga tao sa
ibat-ibang panig ng mundo.
Isa na dito ay ang rebolusyon ng 13 na kolonya na Britanya sa Hilagang Amerika
Maging sa Pransiya napabagsak ang monarkiyang pamamahala na umiiral dito
dahil sa rebolusyon.
Mga Kahariang Nakipagdigma sa Pransiya dulot ng Age of Enlightenment
Austria
Rusya
Espanya
Portugal
4. Napoleon Bonaparte
Mahusay na militar ng Pranses
Kinilalang emperador ng bagong tatag na Imperyo ng Pranses
Nag utos na palawakin ang Imperyong Pranses na nagbunsod sa pagsalakay sa
lupain ng Rusya, Espanya at Gitnang Bahagi ng Europa.
1815
Tinalo ang hukbo ni Napoleon ng mga alyadong kaharian ng Britanya, Rusya, at Prusya.
5. Mga Pangyayaring Politikal sa Espanya noong Ika 19-siglo
Kaisipang Liberalismo at Konstitusyonalismo
Ipinaglaban ito ng mga opisyal
Kaisipang Konserbatismo at Absolutismo
Ipinaglaban ng mga maka monarkiya
1820-1840
Tatlong digmaang sibil ang naganap ito ay mga Espanyol na nag aadhikang liberalismo
laban sa nagnanais ng konserbatismo.
Sa mga taong nanaig ang liberal na pamamahala sa kaharian pinahintulutan na magkaroon
ang Pilipinas ng kinatawan sa Cortes Generales.
Cortes Generales
Sangay ng tagapagbatas ng kahariang Espanya.
Saligang Batas 1817
Nakpaloob dito ang pagkilala sa kaharian ng Espanya ng mga mamayan na naninirahan dito.
6. PAGBABAGONG PANGKABUHAYAN SA PILIPINAS
Haring Fernando VII
Nagpalabas ng dekreto na nagwakas sa Kalakalang Galyon ng Manila-Acapulco.
1834
Napagdesisyunan na buksan ang daungan ng Maynila
1855
Naging bukas ang kalakalang Pandaigdig, na nagmumula sa mga daungan ng Sual sa
Pangasinan, daungan ng Iloilo at daungan ng Zamboanga.
1860
Binuksan ang daungan ng Cebu.
Nagbigay daan ang kalakang ito sa maraming oportunidad sa mga negosyo
Dumami din ang plantasyon ng tabako,tubo ( asukal ),abaka at kape.
Nakinabang din ang pamahalaan sa buwis maging ang mga inquilino.
7. Inquilino
Tawag sa mga nagpapaupa ng mga lupang ibeneta sa kanila ng mga prayle
Sila rin ang nagsisilbing tagapamahala ng mga lupaing pagmamay ari ng mga prayle at
mamamayan.
Karamihan sa kanila ay mga mestizo.
Sa kanilang antas nanggaling ang mga tinaguriang ilustrado.
Nakapag aral at nakapagtapos sila ng mga kurso mula sa unibersidad sa Maynila o
paaralan sa Espanya.
1869
Nabuksan ang Kanal Suez sa Ehipto
Napabilis ang paglalakbay sa pagitan ng Espanya at Pilipinas.
Kung noon dalawang buwan,nagging isang buwan nalang ang tagal ng paglalakbay.
8. 1879
Naiugnay ang pandaigdigang komunikasyon ang Maynila sa pamamagitan ng telegrapo
( telegraph lines ).
Dumami rin ang mga Pilipino na nagkaroon ng higit na kaalaman sa pangyayari sa
kanilang lipunan at sa Espanya.
Isyu ng Sekularisasyon
2 uri ng Pari
Regular
Sila ung mga paring Espanyol na kabilang sa isang orden tulad ng Pransiskano,
Dominiko, at Agustino
Layunin nila na magsilbing misyonero na magpapalaganapng Kristiyanismo.
Kapag nahimok na ang mga taong bumubuo sa isang komunidad na maging
Kristiyanismo maari na nilang iwan sa sa mga paring sekular ang pamamahala.
9. Sekular
Sila yung nakapagtapos sa mga seminaryo na pawang mga mestizo.
1765-1770
Pinasimulan nina Gobernador-Heneral Jose Antonio Raon at Arsobispo Santa Justa
ang patakarang sekularisasyon
Sinimulan ang pahirang sa mga paring secular na mamahal bilang kura ng parokya.
Nilagay nila ditto ung mga paring sekular na lumisan sa Heswita.
Dahil sa hindi pa handa ang ibang paring sekular sa pamamahala binigay nila ang
pamamahala sa ilang mga paring regular na recoleto.
Sacralizacion( elevation to a sacred principle)
Pagpapahalaga sa pagpapanatili at pagpapalakas ng mga tapat na Espanyol sa pamamahala
sa mga kolonya.
Naniniwala ang pamahalaan sa Espanya na sa patakarang ito mapapanatili ang
kanilang kapangyarihan sa mga sakop nilang lupain.
10. 1849
Isang panibagong kautusan ang naglipat ng mga parokyang hawak ng mga paring sekular sa
mga regular
Padre Pedro Pablo Pelaez, Padre Mariano Gomez
Tumutol sa pag aalis sa mga parokya sa mga paring sekular
Sumulat ng petisyon sa pamahalaan upang ibapatid ang kanilang pagtutol
Sumulat ng aklat na pinamagatang Documentos importantes at Breves apuntes sobre la
cuestion de curatos en Filipinas, na nagtatanggol sa sekularisasyon.
Arsobispo Gregorio Meliton Martinez
Sumuporta sa dalawang pari sa pakikipaglaban nila sa kanilang karapatan
Jose Burgos
Nagpatuloy sa pananaw ng sekularisasyon
11. Jose Burgos
Dahil sa isang artikulo na nakasaad sa La Verdad tumugon si Burgos sa pamamagitan sa
pagsulat sa isang polyeta na pinamagatang Manifesto que la noble nacion Española dirigen
los leales Filipinos en defense de su honra y fidelidad gravemente vulnerados por el
periodico La Verdad de Madrid( Manifesto addressed to noble Spanish nation by the loyal
Filipinos defending their honor gravely wounded by the Madrid newspaper, La Verdad ).
Binigyang diin niya ang kakayahan ng mga paring secular ay hindi nakadepende sa lahi
Ng maging isang ganap na pari taong 1865 masigasig niyang ipinaglaban ang pagpapatupad
ng sekularisasyon sa pamamagitan ng artikulo, liham at ulat para sa opisyal sa Maynila at
Madrid patungkol sa kanilang kalagayan.
12. REPORMA SA EDUKASYON
Reyna Isabel II
Nagpahayag ng dekretong pang edukasyon noong Disyembre 20, 1863 na nagsasaayos
ng Sistema ng Pilipinas sa mga antas elementarya, segundarya at tersiyaro.
2 Pangunahing layunin ng Dekretong Pang edukasyon
Pagtatag ng paaralang publiko sa kapuluan
Propesyonal na pagsasanay sa mga guro.
Ayon sa probisyon ng dekreto magtatayo ng dalawang paaralang elementarya para sa babae
at lalaki sa bawat bayan o baryo.
Ang kasanayang ituturo ditto ay pagbasa, pasulat, pagbilang, kasaysayan, heograpiya, musika at
wikang Espanyol na magtatagal ng anim na taon.
Sa sekundarya naman ay tumatagal ang pag aaral ng limang taon
13. Wikan latin at Espanyol, gramatika, heograpiya, doktrina ng kristiyanismo, kasaysayan ng
Espanya, alhebra, lohika, pilosopiya at huling antaswikang Pranses at Ingles ang pinag aaralan
dito.
Ang Colegio de San Jose, Colegio Juan de Letran at Ateneo Municipal ay nasa superbisyon ng
Unibersidad ng Santo Tomas
Ang Unibersidad ng Santo Tomas ay nasa tuktok ng organisayon may mga kurso itong
larangan ng artes liberales(liberal arts), pilosopiya, teolohiya, batas, medisina at parmasya.
1865
Itinatag ang Escuela Normal sa Maynila para sa mga kalalakihan upang maihanda sa
pagtuturo sa mga primaryang paaralan
1875
Itinatag ang Escuela Normal sa Nueva Caceres/Naga, Camarines Sur, para naman sa
mga kababaihan.
14. 1892
Nagkaroon ng paaralan sa may maynila para sa pagsasanay ng mga babeng guro.
Ilustrado(learned o enlightened ones)
Tawag sa mga mayayamang mestizo na nakapag aral at pinagpatuloy ang pagkadalubhasa sa
Espanya
15. Carlos Maria de la Torre
1868
Naganap ang isang rebolusyon sa Espanya na nagdulot ng abdikasyon ni Reyna Isabel II
Naitatag ang ang isang pamahalaan liberal na tinatawag na La Gloriosa Revolucion sa
ilalim ng constitutional monarchy
Junyo 23, 1869
Nagpadala ng bagong pamahalaan ang Pilipinas sa katayuan ni Gobernador-Heneral Carlos
Maria de la Torre
Kinagagalak at kinagigiliwan ang ugali niya ng mga Pilipino at maging ang kasimplehan
nito
Inalis din niya ang mga halberdier sa palasyo mga guwardiya sa palasyo
Nalutas din niya ang mga rebelyong agraryo sa Cavite sa tulong ni Eduardo Camerino
16. Ipinahinto niya ang parusang panlalatigo sa mga deserter na sundalo
Muling pinalaya ang pahayagan mula sa censorship
Pinahintulutan muli ang mga karaniwang tao na magalakay ng mga usaping politikal
Ang mga ipinatupad na patakaran ni de la Torre ay lalong nagpalakas sa hangarin sa reporma
ng mga Pilipino
Comite de Reformadores
Samahang nabuo dahil sa mga patakaran ipinatupad ni de la Torre
2 sangay ng samahan
sekularisasyon
Binubuo ng mga pari, kasama sina Jose Burgos, Mariano Gomez, Jacinto Zamora
17. Lay Group
Binubuo ng mga negosyante at mga propesiyonal kasama sina Ambrosio Rianzares
Bautista, Joaquin Pardo de Tavera, Jose Ma. Basa
Layunin ng samahang ito na isulong ang paghahangad ng asimilasyon para gawing
lalawigan ng Espanya ang Pilipinas nang sa gayon matamasa nila ang ang mga
karapatang sibil at politikal ng isang mamamayang Espanyol
Katuwang ng Comite de Reformadores ang mga kabataang mag aaral ng Unibersidad
ng Santo Tomas na bahagi ng Juventud Escolar Liberal
Juventud Escolar Liberal
Binubuo nina Felipe Buencamino(pinuno), Paciano Rizal, Gregorio Sanciago, Basilio Teodoro
Tungkulin nito na ikalat ang pahayagang El Eco Filipino na tumutugon laban sa pahayagan ng
mga prayle na La Verdad
18. Eduardo Camerino
Kapitan ng Guias de la Torre
Tumulong sa mga pagkilos ng Guardia Civil para mapayapa ang mga rebelyong agraryo sa
Cavite
Pag aalsa sa Cavite noong 1872
Rafael de Izquierdo
Humalili kay Carlos de la Torre noong 1871
Muli niyang ibinalik ang polisiyang binuwag ng dating Gobernador-Heneralna ikinatuwa
ng mga konserbatibo
Ipinatupad niya ang isang dekreto mula sa Espanya na ipinalit sa pagbabayad ng sedula sa
tributo at sa polo.
Saklaw ng dekretoang lahat maging ang mangagawa sa arsenal ng Fuerza SanFelipe sa Cavite
19. Enero 20, 1872
Natanggap ng mga manggagawa ang kanilang sweldo na may bawas
Kinagabihan naganap ang isang motion o pag aalsa sa loob ng Fuerza San Felipe
Kinabukasan sinalakay ng puwersang Espanyol ang fuerza(fort) na dinepensahan ng halos
250 katao mula sa impanteriya (infantry),artileriya(artillery),marino (marines).
Sarhento Fernando la Madrid
Namuno sa pagsalakay sa mga nag alsa
Umaga ng ika 23 ng Enero tuluyang nakubkob ng puwersang Espanyol ang kuta ng mga
nag alsa at winakasan ang pag aalsa
20. Paring GomBurZa
Nagsagawa ng imbestigasyon ang pamahalaan ng Espanyol kaugnay sa naganap na pag aalsa at
naging mabilisan angpaglilitis na inilihim sa publiko
Pangunahing nilitis ay ang mga pari kasama sina Jose Burgos, Mariano Gomez, Jacinto Zamora
Ayon sa salaysay ng saksi nagging paratang na si Burgos ang hihiranging pinuno ng Pilipinas
Mula naman kay Gomez ang salaping ipinantustos sa naganap na pag aalsa
Kay Zamora naman nakuha ang liham na nagtataglay ng pahayag na paghahanda ng mga
pulbura at bala.
Ang parusa ng court martial ay kamatayan at ipinanukala din ng simbahan na itakwil sila sa
pagkapari
Subalit tinutulan ito ng arsobispo dahil ayaw ipakita ng pamahalaan ang ulat ng imbestigasyon at
paglilitis
21. Pebrero 17, 1872
Winakasan ang buhay ng tatlong pari sa pamamagitan ng garote
Gayunpaman ipinag utos ng arsobispo ang pagbatingaw sa mga kampana ng lahat na
simbahan bilang pagtutol sa pagpatay sa kanila
Ang iba naman ay nagsiluhuran matapos ang pagbitay upang bigkasin ang panalangin sa
mga namamatay na pari
Ang iba pang mga pari at negosyanteng nasangkot tulad nina:
Toribio del Pilar
Pedro Dandan
Vicente del Rosario
Joaquin Pardo de Tavera
Antonio Ma. Regidor
Pedro Carillo
Balbino Mauricio
Jose Ma. Basa
Maximo Paterno
Ramon Maurente
Lahat sila ay ipinatapo sa Marianas
Ang marahasna aksiyong ito ng pamahalaan ay pansamantalang nagpahinto sa panawagan ng
reporma para sa Pilipinas
22. ANG KILUSANG PROPAGANDA
1872-1873
Pansamantalang naantala ang hangarin ng reporma bunsod ng mga pangyayari
Gayunpaman nagpatuloy ang pagsulong ng industriya at kabuhayan sa Pilipinas ,na
naging paraanupang mas maraming kabataan ang makapag aral at makapag tapos
ng ibat ibang propesyon sa mga unibersidad sa Pilipinas, Espanya at iba pa
Ang mga mag aaral na Pilipino sa Espanya ay nagpamalas ng hangaring pagkapantay pantay
sa mga Espanyol
Hangad nilang kilalanin ang kolonya bilang bahagi ng Espanya at igawad ang pagkamamamayan
sa mga Pilipino
Unti-unti sa kanilang indibidwal at kolektibong mga gawaing peryodismo(journalism), pagsulat
ng mga aklat at nobela, pagtatag ng pahayagan,pagbuo ng mga samahan ay halimbawa ng
propaganda
23. Propaganda
Paraan ng pagpapalaganapng isang adhikain
Pedro Paterno
Nagpamalas sa kanyang kakayahan sa pamamagitan ng paglalathala ng maliit na tomo ng
mga tulang tinawag Sampaguitas y otras poesias varias
Siya rin ang may akda ng unang nobelan Pilipino na pinamagatang Ninay taong 1885
Gregorio Sanciano
Sumulat ng El Progreso de Filipinas
Inilantad niya dito ang pangangailangan sa impraestruktura, maayos na edukasyon,paraan ng
pagkalap ng pondo atmaayos na pagbubuwis para sa ikabubuti ng Pilipinas.
24. MGA SAMAHAN
Circulo Hispano-Filipino
Kinabibilangan ng mga peninsulares at mga mag aaral na Pilipino
Layon ng samahang ito na ipaalamang kalagayan ng Pilipinas sa mga Espanyol sa tulong ng
isang pahayagang pinangalanang Revista del Circulo Hispano-Filipino
Tumagal lamang ito hanggang 1883 at ang isyu na lamang ng Revista ang nailimbag dahil sa
kawalan ng interes at suporta ng mga kasapi nitong peninsulares
La Solidaridad
Itinatag ni Barcelona noong ika-13 ng Disyembre 1888
Kinabibilangan ito ng mga Pilipinong mag aaral sa pamumuno ni Galicano Apacible
Graciano Lopez-Jaena(pangalawang pangulo), Mariano Ponce(ingat-yaman), Jose Rizal(kinikilalang
pangulong pandangal)honorary president
25. Asociacion Hispano-Filipino
Naitatag noong ika 12 ng Enero1889 sa Madrid na binubuo ng mga Pilipino at Espanyol na
sumusuporta sa reporma ng Pilipinas
Nagsilbing ugnayan o tulay ng mga oisyal,mga samahan,at mga Pilipino upang sama-samang
kumilos at kausapin ang pamahalaan tungkol sa mg problema ng Pilipinas at mga panukalang
batas at pagsasakatuparan nito
Miguel Morayta pangulo ng samahan, Dominador Gomez kalihim ng samahan Marcelo H.
Del Pilar namuno sa sangay nito patungkol sa politika, MarianoPonce namuno sa sasangay
ukol sa gawaing pampanitikan
26. Peryodismo
1882
Itinatag ang Diariong Tagalog nina Marcelo H. del Pilar at Francisco Calvo na nanawagan
sa reporma at pagbabago sa pamamahala
1883
Itinatag ang pahayagang Los Dos Mundos na nagsulong sa kapakanan ng mga kolonya ng
Cuba, Puerto Rico at Pilipinas
Sa pahayagang El Progreso naman ngbigay ng mga tugon sina Lopez-Jaena at Rizal hingil
sa mga artikulo ng ibang pahayagang kumalaban sa mga Pilipino
1887
Itinatag ang pahayagang España en Filipinas na nasa patnugot ni Eduardo de Lete hindi din
ito nagtagal dahil sa kakulangan ng suporta mula sa Pilipino at Espanyol
27. Pedro Serrano Laktaw
Nagbalak isulong ang gawaing propaganda sa Espanya napili nitong kinatawan si Marcelo H.
Del Pilar na siyang tutustusan ng samahan para sa pagtatatag ng samahan.
Pebrero 15,1889
Pinasimulan ang pahayagang La Solidaridad sa Barcelona ang unang patnugot nito ay si
Graciano Lopez-Jaena
Taga pamahalang patnugot naman sina Mariano Ponce at Marcelo H. Del Pilar
Mithiin ng mga Pilipino na nakasaad sa Artikulo ng Pahayagan
1. Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
2. Pagkapantay pantay sa batas para sa mga Espanyol at Pilipino
3. Representasyon ng Pilipinas sa Cortes Generales
4. Pagsasakatuparan ng sekularisasyon
5. Kalayaan sa pamamahayag at pagbuo ng mga samahan
28. Mismong taon din inilipat ang La Solidaridad sa Madrid at naisalin ang pagiging punong
patnugot kay Marcelo H. Del Pilar
Higit na naging masigasig ang mga propagandista sa Madrid nagpadala sila ng mga kopya ng
La Solidaridad sa mga opisyal ng pamahalaan
Ilan sa mga akdang ito ay ang kay del Pilar na La soberania monacal en Filipinas, La Frailocracia
Filipina at ang Sagot ng España sa Hibic ng Filipinas
Nagtagal lamang ang pahayagan hanggang Nobyembre 15, 1895
29. Tatlong Obrang Isinulat ni Rizal
Noli Me Tangere
Nailimbag noong 1887
Inilalarawan nito ang kalagayan ng lipunang Pilipino sa panahong iyon
Sucesos de las islas Filipinas
Anotasyon ni Rizal na patungkol kay Antonio de Morga na nailathala noong 1890
Ipinamalas ni Rizal ang katayuan ng Pilipinas sa panahon ng panimulang pananakop
ng Espanya
Inilahad niya ang maunlad, mapayapa at masaya ang mga Pilipino bago sila sakupin
ng mg Espanyol
El Filibusterismo
Nailathala noong 1891
Tinalakay sa akda ang pananaw ni Rizal sa maaaring mangyari sa Pilipinas kung walang
isasakatuparan na reporma
30. SINING
Isa pang paraan ng propaganda na ginamit ay ang pagpapaalm at pagbubunyi sa husay sa larangan
ng pagpinta
Nakilala dito sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo
Juan Luna
Gumawa ng obrang Muerte de Cleopatra(The Death of Cleopatra)
Napanalunan niya dito ang medalyang pilak dahil sa kanyang obra, sa Exposicion Nacional
de Bellas Artes sa Madrid noon 1881
1884 napanalunan niya ang gintong medalya para sa kanyang obrang Spoliarium mula din
sa Expposicion Nacional Bellas Artes
31. Resurreccion Hidalgo
Nakita ang kanyang husay sa pagpipinta sa kaniyang mga obra tulad nga:
1. Las Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho(The Christian Virgins Exposed
to the Populace)
Nakapagkamit ito ng medalyang pilak sa Exposicion General de Bellas Artes sa Madrid
noong ika 9, 1884
2. La Laguna Estigia(The River Styx or the Styx)
Nakapagkamit ito ng Gintong Medalya noong 1887
3. La barca de Aqueronte(The Boat of Charon)
Ginawaran ng medalyang pilak sa L’Exposition Universelle de 1889 sa Paris, Pransiya at
gintong medalya sa Exposicion International de Bellas Artes sa Madrid noong 1893
32. La Liga Filipina
Alituntuning patnubay na layunin ng La Liga Filipina
1.Pag isahin ang buong kapuluan ng Pilipinas
2.Pangalagaan ang mga kasapi sa panahon ng kawalan at pangangailangan
3.Labanan ang karahasan at kawalan ng katarungan
4.Isulong ang edukasyon, agrikultura, at komersiyo
5.Pag-aralan ang mga mungkahing reporma at pagpapatupad nito
Ang La Liga Filipina ay isang mapayapang samahang pansibiko ngunit hindi ito nagtagal dahil
pinahuli si Rizal at pinatapon sa Dapitan noong Hulyo 7, 1892
33. Hindi man nakamit ng mga propagandista ang kanilang mga pangunahing mithiin naipatupad
naman ang ilang mga reporma sa pamamahala sa Pilipinas tulad ng:
1. Reporma sa buwis ng 1884 na nagbuwag sa mga buwis tulad ng comun at tithe.
Ipinalit ditto ang sedula sa lahat ng naninirahan sa Pilipinas mula 18 gulang pataas.
2. Dekreto ng ika-29 ng Mayo 1885 na nagtatag ng mga peace court sa Maynila at sa kapitolyo ng
lalawigan. Ang korte ay pinamumunuan ng isang hukom na may terminong dalawang taon.
3. Repormang Panlalawigan(Provincial Reform) ng 1886 kung saan ang mga kaso sa mga lalawigan
ay lilitisin sa korte ng alkalde mayor, samantalang ang pangangasiwa o pamamahala sa buong
lalawigan ay tungkulin ng Gobernador sibil.
4. Pagpapatupad ng Kodigo Penal ng Espanya(Spanish Penal Code) noong 1887 na patungkol sa
pagtukoy at pagpaparusa sa krimen .
34. 5. Pagpapatupad ng Kodigo sibil sa Espanya(Spanish Civil Code) na patungkol sa mga ugnayan ng
mga indibidwal at ang kodigo ng komersiyo(code of Commerce)na patungkol sa negosyo noong
1889.
6. Batas Becerra ng 1889 na pinahihintulutan ang pagtatatag ng mga ayuntamyento(ayuntamiento)
o pamahalaang panlungsod sa mga lungsod sa Pilipinas.
7. Batas Maura ng 1893 na muling inayos ang mga munisipalidad o bayan na hindi saklaw ng Batas
Becerra.
Iprinisita
ni