Wika: YAKAN
Heograpiya
Ang Basilan, na katutubong kilala bilang “ Basih Balan “ at ang “Taguime”‟ ang
Kabisera nito. Isang Lalawigan isla ng Kanlurang Mindanao, May sukat na 135,892
ektraya, ang pinakagitna (mainland) nito ay may sukat na 124, 892 ektarya o 91.9 % ng
kabuuang sukat ng lupa samantalang ang nasa paligid na 61 isla maliliit na pulo, humigit-
kumulang ay may kabuuang sukat na 11,000 ektarya 0 8.1 %. Ang Basilan ay ang
pinakamalaki na kapuluan. Nasa dulong hilaga ng kapuluan ng Sulu, napapaligiran ito sa
hilaga ng lungsod ng Zamboanga; sa timog na kapuluan ng Sulu, sa silangan ng
Mindanao at sa kanluranng karagatan ng sulu at sabab ( hilagang Borneo. ) . Maganda
ang lagay ng panahon sa Basilan sapagkat ito ay nasa ibaba ng malimit daanan ng bagyo (
typhoon belt ). Ang saganang ulan sa buong taon ang nagpapanatiling basa at mataba sa
lupa. Ang tropikal na klima nito ay nakatutulong sa paglago ng iba‟ibang punong kahoy,
prutas, at mga halamang katulad ng niyog at rubber. Ang huli ay itinatanim sa mga
plantasyon at nakatutulong ito nang malaki sa kabunayan ng mga mamamayan.
(Buenaobra, 2003)
Ang lalawigan ng Basilan ay hinati sa pitong bayan. Ang Sumisip ang
pinakamalaki na may sukat 327.6 kilometro kawdrado; kasunod ang Lamitan na may
236.3 kilometro kawarado; pagkatapos ang Isabela, ang punong kabisera, na may 220.7
kilometro kwadrado; ang Lantawan na may 177.5 kilometro kwadrado ; ang Tipo-Tipo
na may 171.1 kilometro kawadrado; ang Tuburan na may 128.0 kilometro kawadrado at
ang Maluso na may 65.1 kilometro kwadrado, ang pinakamaliit sa pitong bayan.
( kuha mula sa website ng wikipedia)
Topograpiya
Ang topograpiya ng lalawigan ng basilan ay mula sa pagiging hindi patag
hanggang sa pinakamatarik. Ang kalagayan ng kahuyan at/o ang buhay ng kagubatan ay
humigit-kumulang na pare-pareho ang pagkakahiwa-hiwalay. Ang pambansang Parke ng
basilan ay nasa silangang bahagi ng natitirang kagubatang pambayan sa pagitan ng apat
na lalawigan: Isabela, Lamitan, Tipo-tipo at Sumisip. May taas ito ng 971 metro sa
kapantayang dagat na ditto makikita ang pinakatuktok ng Basilan.
Ang kasalukuyang kabisera ng bayan ng Basilan ay dating tinatawag ng
“pasangen” na nangangahulugan g isang pamayanan na pinupuntahan o tinitirhan nag
mga tao. Ito ay isang katutubong lugar ng pinagpasalan o tirahan. Sa dakong huli,
binigyan ito ng pangalang “Isabela” kasunod ni reyna Isabele II ng Espanya, nng itayo ng
kastila ang isang kutang bato na magtatanggol sa kanila sa pagsalakay ng mga moro
noong unang dantaon.
Tumira sa Basilan ang limang grupong etniko na pinangungunahan ng Yakan na
ang bilang ay mga 196,000 (NCCP-1998). Ang iba pang prupong etniko ayon sa
poupulasyon ay: Chavacano, Samal, Tausug, at mga nagsasalita ng Bisaya.
Ang Yakan Sultanate Center ay matatagpuan sa Lamitan, mga isang oras na
paglalakbay mula Isabela. Ayon sa tradisyon, ang Sultanate ay nasa ilalim ng sultan ng
sulu. Nagbabayad noon ng taunang buwis ang Yakan sa Sultan. Maraming ginawang
pagtatangka ang mga kastila upang kontrolin ang Jolo, subalit nabigo. Gayunpaman,
nakapasok ang mga misyonerong kastila sa Basilan. Noong 1654 may mga isang libong
pamilya sa islang lalawigang ito.
Pagsapit ng taong 1840, ang pananakop buko sa mga kastila ay napatuon sa
kanlurang Mindanao, lalo na ang mga teritoryong nasa ilalim ng sultan Sultanate, lalung-
lalo na ang basilan. Ang mga Olandes, nagtatag ng kuta ang pamahaang kastila sa
isabela, ang kabiserang lalawigan. (Buenaobra, 2003)
Wika: Yakan
Pamanang pangkalinangan ng Yakan
Nakatira ang mga Pilipino sa halos 7,107 isla na may iba‟t ibang kultura na gaya ng
mga Kristiyanismo, muslim at iba pang grupong etniko. Gayunpaman, ito ang magtutuon
sa interes ng mambabasa at magbibigay-sulyap sa maikling detalye na isa digaanong
kilalang tribu sa isla ng Basilan, ang Yakan. Ang mga nagsasalita ng Yakan ay nasa 41%
ng populasyon ng Basilan at nasa 16%-20% naman ng hindi taga-Basilan.
(wikipilipinas,2010)
Ang Yakan ay isang grupong etniko sa katimugan ng Pilipinas. Sila ang orihinal at
katutubong tribu ng islang lalawigan ng Basilan. Ang Yakan din ay matatagpuan sa sa
peninsula ng Zamboanga.
Ang sentro ng Sultan ng Yakan ay matatagpuan sa Lamitan, mga isang oras na
paglalakbay mula sa Isabela. Ayon sa tradisyon, ang sentrong ito ng Sultan a nasa ilalim
ng sultan ng sulu. Ang isa sa nabubuay na tagapagmana ng yumaong si Datu Kalun ay si
Datu Hessein “Unding” Cuevas na halos san daang taon na. ay kasalukuyang nakatira sa
malapit sa dambana ng kanyang yumaong ama sa Rizal Avenue, Lamitan,Basilan.
(Buenaobra, 2003)
Maalamat na Pinagmulan ng Yakan
Noong unang panahon ay may nakatirang isang rajah sa isa sa mga rehiyon sa
Indya at may isang anak na lalaki na ang pangalan ay Kan. Pagsapit sa tamang-edad,
inayos ng ama ni kan ang pagpapakasal niya kay Ekya, ang kaisa- isang anak ng mujal,
ang iginagalang na pinuno ng Rajah. Ang kasal ay hindi gaanong kontrobersyal dahil ang
mujal ay isang mababang pinuno ng Rajah. (Buenaobra, 2003)
Sapagkat kaugalian na gawin ang kanilang pulot-gata sa karagatan ng Indiya,
inihanda nila ang isang malaking sasakyan na tinatawag na “Balanda” . Ang sandaa‟t
apatnapung kalakihan at kababaihan ay naging mag-asawa at si Kan ang kanilang hindi
mapag-aalinlangang lider.
Lumipas ang maraming taon, matanda na sina Kan at Ekya nang dumating ang
maraming taong sakay ng iba‟t ibang balanda . pandak sila na may maliliit na ilong. (ang
pandarayuhang ito sa ibang lugar ay pinaniniwalaang isa sa tatlong pangkat ng Malayan
na dumating sa Pilipinas na binabanggit sa mga aklat pagkasaysayan.)
Labis na nagalit si Kan sa labag na pagpasok sa kanilang lupain. Ipinalalagay na
siya ay matanda na at mahina, ang tunay niyang kalagayan ang pinakamabuting
pagkakataon. Kaya ipinasya niyang tanggapin ang bagong dating. Ang kanilang unang
katanungan ay : “Ano ang inyong lahi?” “ano ang inyong tribu?” sapagkat hindi kan ang
kanilang wika, itinuro niya ang kanyang asawang si Ekya at ang kanyang sarili na
ipinalalagay na itinatanong ng malayan ang kanyang pangalan at ang sa kanyang asawa.
Kaagad na namuhay nang magkakasama ang mga Malayan at ang mga Kabig ni Kan.
Naging mag-asawa ang bawat isa. Sa pagsulong ng panahon, sumilang ang “Yakan” mula
sa pangalan ng mag-asawang “Kan” at “Ekya”.
May ilang teyorya at mga hula ng mga lokal na manunulat tungko lsa pinagmulan
ng masisiglang Yakan. Sinasabi ng ilang lokal na mananalaysay na nagmula sa mga
Papuan ng New Guinea. Ganun pa naman, ang kapani-paniwalang teyorya at tinatanggap
ng ilang marurunong na katutubo ay ang sa Lebanese iskola, si Andrew Sherfan, na ang
mga Yakan, batay sa teyorya, ay nagmula sa land dyaks o borneo sa ilang kadahilanan,
gaya ng:
1.)Ang kalapitan ng Basilan sa Borneo
2.)ang pangangatawan ng yakan ay malaki sa pagkakahawig sa Land Dyaks gaya ng
pagiging pandak, kayumanggi, tuwid ang buhok, at walang tatao na di katulad ng mga
Papuan na matipuno, mataba, matangkad, malaki ang ilong, may katangian ng isang
negrito, at kulot na kulot ang buhok.
3.) katulad ng mga dyaks, ang karamihan ng mga yakan ay may kakaibang katangian na
hindi mabigkas ang titik “r” at sa halip pagkaminsan ay “l” at “d” ang ginagamit ditto at
4.)ang tanyag na antropolohistang si H. Otley Beyer, sa kanyang mga akda ay sinabi na
ang orihinal na mamamayan ng Mindanao ay lahing Indonesia kaysa mga Papuan.
Narito ang halimbawa wikang Yakan
YAKAN FILIPINO
Abbuhan- mapagmataas
Addat- ugali, asal
Adjak- kabarkada
Adjak- adjak-sama-sama
Agad- hintay
Agak-agak- dahan-dahan
Agama- relihiyon
Agap- loro
Abi-abi- akit, akitin
Abahi- matanda
Abas- alipunga
Kasaysayan
Ang Basih Balan na ngayo‟y Basilan, ay naging isang lalawigan sa ilalim ng PD
356 may petsang Disyembre 27, 1973 at nagtatag sa Basilan sa isang kahiwalay na
lalawigan. Noong una, ito ay sab-probinsya ng peninsula ng zamboanga; may malawak
na lupang bulbundukin na balot ng makapal na kagubatan. May tatlong pangunahing
talon na nagbibigay ng tubig: gaya ng Talon ng Kumalarong, Talon ng Busay at Talon ng
Bulingan.
Ang Basilan ay isla na nasa silangan, isang rehiyon ng mga awitin at tula, na ang
kagandahan at kapaligiran ay ipinagbubunyi ng marami. (Buenaobra, 2003)
Makikita rito ng sinuman ang maputing dalampasigan na maraming mga kabibe na
may iba‟t ibang kulay at laki, na ang mga isda, koral, at iba pang lamang dagat ay sagana
kabilang ang mg katutubong bangkang pangisda na banayad na sinasakamal ang maliliit
na along nagmula sa isang karagatan ng malinaw na kulay asul na tubig. (Buenaobra,
2003)
Makikita rito ng sinuman ang mga katutubong Yakan sa kasuotang likas na hinabi sa
kapwang lumang habihan.
Lahat ng ito at maraming iba pa sa Basilan, “ Ang Islang Yaman sa Katimugan”
(The Treasure Island of the South). Ang islang yamang ito, ang maganda, kaakit-akit,
kakaiba at minamahal na lupain ng mga muslim at kristiyano ay marapat na maaring
tawaging “lupang Pangako” (The island of Tomorrow). (Buenaobra, 2003)
Maginhawang nakayupyop sa malalim na kulay asul na dagat, napapaligiran ito ng
kaakit-akit na kumpol ng watak-watak na magagandang isla at napakaliit na mga pulo.
Ang matabang lupain ay punong-puno ng malalagong tanim at pinaninirahan ng mga
taong may iba‟t ibang kultura. (Buenaobra, 2003)
Nababalot ng madilim na manipis na ulap ng hindi naitalalang kasaysayan, ang mga
pangyayari at panahon ng pagdating ng unang nanirahan sa Basilan ay maaaring manatili
magpakailanman na isang hindi sinaliksik na misteryo. Kakaunti lamang ang
mskukuhang datos na pangkasaysayan tungkol sa Basilan bago sumapit ang ika-16 na
dantaon na halos walang maisulat tungkol sa islang ito bago dumating ang mga kastila
upang sakupin ang mga katutubo. (Buenaobra, 2003)
Yamang Sosyo-Kultural
Ang mga Yakan ay karaniwang magbubukid. Ang lupang kanilang tinitirhan ay
luntian sa lahat ng uri ng punongkahoy at halaman na magbibigay ng kita sa mga
mamamayan. Kabilang dito ang mga niyog, abaka, lansones, palay, kamote, at marami
pang iba.
Ang mga Yakan ay matitipid. Ang kinakain lamang nila ay “kamunti kayo”
(kinudkud na kamote) bilang kanilang pangunahing pagkain na may kaunting isda,
sapagkat ang kanilang sakahan ay malawak na natatamanam ng kamote at kasaba, subalit
malayo sa pangisdaan. (Buenaobra, 2003)
Sa lahat ng tanim, ang palay (bigas) ang lubhang pinahahalagahan ng mga yakan.
Ang bawat butil ay inimbak. Sa umpisa ng pagtatanim,ang unang binhing itatanim sa
“tabennian” o sa gitna ng palayan ay dapat itanim ng isang “imam” ( lider ng relihiyon ng
yakan) at sa dakong huli ng mga magsasaka. Ang isang “tabennian” (bahay-bahayan) ay
itinatayo sa gitna ng palayan. (Buenaobra, 2003)
Ang mga Yakan ay mahusay ring mangangaso. Bukod sa budjak o pangangaso sa
pamamagitan ng sibat, sila ay may local na pamamaraan sa pagbitag sa mga hayop. Ang
ilan sa mga uring ito ng bitag ay ang “pules‟ o isang bitag ginagamit sa mga labuyo, at
ang “lepas”, isang bitag na ginagamit sa panghuli ng mga ibon sa dulo ng punungkahoy o
ng mga prutas. Ang “saingkukub” ay ang iba pang bitag na ginagamit sa panghuli ng ibon
sa sarili nitong pugad, at iba pang mga bitag na ginagamit ng mga mangangaso ng Yakan.
(Buenaobra, 2003)
Lipunan
Konsepto ng buhay sa pamayanan
Sa isang pamayanan ng Yakan, ang kapangyarihan ay nagmumula kay Allah. Ang
lupa na okupa ng isang tao ay ipinagkatiwala lamang sa kanya para bungkalin, na ang
mga ito ay paghaharian ng mahihirap at nangangailangan. Maaari itong gawin ng tuwiran
sa pamamagitan ng pagibigay ng panahon ng pag-aani at nag “pitlah” at “jakat” taun taon
sa mga ulila, balo, matatanda, guru (gurung muslim) at pakil ( tagapangalaga ng
pananampalataya). Ang “pitlah” ay ang taun taong obligasyon ( sa panahon ng Ramadan
) ng isang tao na ibinibigay sa mahihirap. Magbibigay ang bawat may-kayang Yakan ng
isang salop na bigas katumbas nito ang isang mahirap na tao.gayundin, pangunahing
tungkulin ng bawat matandang yakan, na may ekstrang kita mula sa kanyang negosyo at
plantasyon na magbigay ng taunang “Jakat” ( legal na limos) na sang –apatnapu sa labis
sa kanyang ari-arian. Sa mayayamang yakan, ang pagbibigay ng “sadakka” (boluntaryong
limos) sa mga batang ulila at mahihirap ay kailangan. Ang bunga ng mga ito ay
nakatuutlong sa kapakanan ng estado. (Buenaobra, 2003)
Ang katutubong pamayanan ng Yakan ay pinamamahalaan ng kapwa batas na gawa
ng tao at ng Diyos, ang “sharia” na gaya ng nakapaloob sa banal na Koran. Kinilala rin
nito ang katwiran ng tao at ang palagay ng nakararami (konsesus) sa pagpapatibay ng
mga batas para sa pamayanan o estado, kung naayon ito sa saligang batas ng Islam. Kaya,
ang isang estado ng yakan ay maaring uriin na kapwa tungkol sa pananampalataya at
pambayan ( hindi pangkaluluwa). (Buenaobra, 2003)
Inuri ng mga makaislam na Yakan ang “dunya‟ (daigdig) sa dalawang kalagayan:
ang Darul Islam at Darul Harb: na kinakatawan ang tirahan ng Islam at ang sa “Kafir” (di
naniniwala). Pangunahing tungkulin na makilahok sa „jihad‟ (Banal na digmaan) habang
ipinagtatanggol ang Darul Islam sa mga nang-aapi at pagsalakay ng dayuhan.
(Buenaobra, 2003)
Kulturang material
Ang mga Yakan ay mahilig sa sining. Ang karamihan sa kulturang material na
kanilang tinataglay o ginagamit ay makasining na ginawa at makulay na pininturahan. At
sa limang tribo sa Basilan, ang Yakan ang pinakamasining. (Barawid, 2003)
Ang “lumah” na bahay ng Yakan, halimbawa, ay may balkonahe o pantan na ditto
tinatanggap ang mga panauhin. Ang pagkain ay dinadala sa mga panauhin sa isang
“talam” (trey na yari sa brass). Ang pantan ay ginagamit ding pahingahan sa araw ng
yakan. Ang mesanin (mezzanine) na tinatawag na “angkap” ay inilagay sa bahay. Ito ang
lugar na ang mga kabataan “dende” (babae) ay itinatago upang pangalagaan ang kanilang
pagkababae (kalinisan) sa mapupusok na kalalakihan. (Buenaobra, 2003)
Ang alahas ng Yakan na gaya ng “gallang” ( pulseras), “sinsim” (singsing),
“pamalang” (hikaw), “gantung kellog” ( kwintas) , “dublun” (gintong barya na may pin)
ayitinatago sa isang “baul” (kwadradong lalagyang kahoy) kasama ang set ng mga
damit: “badju lapih”, “olos”, “sawal”, “saputangang”,, “pis” at “kandit”. Sa gabi,
inilalagay nila ang kanilang mga hayop na pantrabaho sa silong ng bahay, kasama ang
kanilang “araru” ( kahoy na pang-araro ), “badjah” (araro) gayundin ang set ng
“linsungan” (halo at lusong).
Ang bahay ng Yakan ay karaniwang walang mga dingding (hati) o mga silid. Ang
pinakamaliking silid ay sabay na ginagawang tanggapan ng bisita at tulungan. Ang lutuan
at ang balkonahe lamang ang hiwalay sa pinakamalaking silid ng bahay. Ang loob ng
bahay ng yakan ay puno ng iba‟t ibang mga bagay ng pamilya. May mga pasukan ng
hangin sa magkabilang bahagi ng “kulung” o “ sulung” ( queen post) upang pumasok ang
liwanag sa loob ng bahay. (Buenaobra, 2003)
Samahang pambayan
Ang Yakan ay nabibilang sa isang lipunang Patriarchal. Ang “ammah” o “sama”(
ama) ay ang puno ng “magtautai nanak” ( pamilyang nuclear) o “dalumaan”(
sambahayan).
Ang konsepto ng Yakan na “usbawaris” ang naglagay ng mataas na antas ng
panangutan at karapatan sa “usba” ang panig ng ama ng isang tao. Ang “waris‟ o panig
ng ina ay may karapatan ring magpasya, subalit ang huling magpapasya ay ang usba.
(Buenaobra, 2003)
Ang pagiging “datu” sa katimugang Mindanao ay inuri sa tatlong kategorya: ang
“datu-balbangsa” o dugong mahal, “Datu Ginellal” o hinirang na datu, at ang “datu si
Alen” o ipinakilalang datu ang sarili. Ang “pakil” ay ang mga rehiliyosong lider na iba‟t
ibang kanilang titulo sa bias ng kanilang napakahusay na kaalaman tungkol sa mga
kaugaliang islam. Kung minsa‟y pansariling nakukuha ang kakayahang ito ng isang guru
( pribadong guro) o sa pamamgitan ng pagpapatala sa isang madrasa (paaralan ng islam)
na nagtuturo ng mga asignaturang katulad ng “ tadwid” (iisang Diyos) , “ fighi”(
pilosopiya ng batas ng islam), wika at tekstong arabiko, kasaysayan at buhay
ngpropetang muslim, at ang limang lider ng Islam. Ang pagkarelihiyoso ay ang isa sa
ktangiang dapat taglayin ng isang relihiyosong lider. (Buenaobra, 2003)
Sa Islam, pinamumunuan ng isang “imam” ang mga naniniwala sa isang “salat”
(panalangin) nalimang ulit na ginagawa sa loob ng isang araw, at magbibigay ng
“khutbah” ( sermon) sa kongregasyon sa araw ng byernes. Sa teyorya ang imam, ay isang
relihiyosong lider.
Sa mga Yakan, gayunpaman, nagtataglay ang isang imam ng mga tungkulin kapwa
nauukol sa pananampalataya at pulitika. (Buenaobra, 2003)
Sa mga Yakan, ang sentro ng mga gawaing pangrelihiyon ay ang “langgal” o moske.
Ang imam ay ang puno at lider ng mga sumasampalataya sa pananalangin. Bukod sa
kanyang mahalagang tungkulin sa moske, ginagmapanan din niya ang iba pang
seremonya katulad ng kasal, libing,binyag o paggunting, ang pagtatapos sa mga pag-
aaral ng Koran o “ pagtammat” , ang pananalangin kapag maysakit ang sinuman, o ang
pananalangin ng pasasalamat “duwaa salamat” kay Allah sa ilang magandang kapalaran o
sa panahon ng pag-aani. (Buenaobra, 2003)
Ang mga tungkulin ng “khatib” at „bilal” ay nakagapos sa langgal (maliit na nayon o
baryo). Pagkaminsan ang isang khatib ang humahalili sa isang imam. Siya ang
namumuno sa pananalangin kapag wala ang huli. Ang pagiging isang khatib ay ang
pasanayan upang maging isang imam, kaya, kapag wala ang isang imam, ang serbisyo ng
khatib ang hinihingi. Tungkulin ng isang bilala na subaybayan ang limang ulit na
pagdarasal araw-araw: gaya ng “Magrib” o panalangin sa paglubog ng araw, “eisa” o
pananalangin sa tanghali at ang “ashar” o panalangin sa pagitan ng ika-3 ng hapon at
paglubog ng araw. (Buenaobra, 2003)
Tinatawag ng hagjih o hajj ang isang nakamit na katungkulan. Ang sinumang tao,
matino at may sapat na gulang, masalapi ay inaatasan ng malalakas na lider ng islam na
maglakbay “maghadji” sa banal na lungsod ng Mecca (Holy city of mecca) o “ Makka”
para sa mga Yakan, kung siya ay masalapi at malakas. Ang ilang mga hadji na may
malaking tagasunod at karamiha‟y nahalal na mga lider ng pamayanan dahilan sa
kanilang katayuan na iginagalang ng mga mamamayan. (Buenaobra, 2003)
Pagbabagong nangyari sa buhay ng Yakan
Ang kilos ng Yakan mula ng isilang hanggang sa mamatay ay puno ng pagbabawal,
na nagmula sa katutubong paniniwala at mga kaugalian. Ang mga pagbabawal na ito
kapag hindi maayos na sinunod, ang maglalagay sa panganib sa buhay ng isang yakan
ang magbibigay sa atin ng mahusay na pananaw kung paanong ang bawat yakan ay
naging mabuting kasapi ng kanyang lipunan. (Buenaobra, 2003)
Paglilihi
Pinaniniwalaan dito na sa panahon ng pagtatalik, ang babae ang tumatanggap at
lagyan ng tamod ng isang lalaki na kapag maayos na sumama sa sariling punlay ng babae
ay hahantong sa pagbubuntis. Sa panahon ng kanyang “pangiraman” o panahon ng
paglilihi, nararapat na kainin ng babaeng naglilihi ang pagkaing kanyang hinihingi o
kung hindi, kapwa maapektuhan ang kanyang sarili at paglaki ng sanggol sa kanyang
sinapupunan. (Buenaobra, 2003)
Pagbubuntis
Pagkaraan ng tatlong buwang pagbubuntis, isang ritwal na tinatawag na “pag
lekkad” (bersyon ng Yakan sa pagpapasuri habang buntis) ay gagawin. Kabilang dito ang
pagpapamasahe sa tiyan ng ina o “pag uhut”. Ang ritwal ay isasagawa ng “pandey” (lokal
na komadrona). Sa huling tatlong buwan ng pagbubuntis, ang pagtatalik ay limitado
lamang sa mga araw ng lunes, huwebes, at biyernes upang iluluwal na sanggol ay maging
masunurin, matalino at magkaroon ng mahabang buhay. (Buenaobra, 2003)
Pagluluwal ng Sanggol
Ang malimit na pag-ihi ng magsisilang na ina sa ikasiyam na buwan ng
pagububuntis ay isa sa mga palatandaan ng nalalapit na pagluluwal ng sanggol. Kaya,
ang paghahanda ay kaagad na gagawin ng asawa. Ang “pandey” ay tatawagin sa bahay.
Karaniwan ang “pandey” ay isang babae na tutulungan ng ina ng magluluwal o ng
sinumang babae na may karanasan sa pagluluwal ng sanggol. Maghahanda ang ama ng
mga lumang barya na hindi bababa sa piso, isang gatang na bigas, isang manok at
pinggan. Ang mga ito ay ibibgay sa “pandey” bilang bayad sa ginawang ritwal.
(Buenaobra, 2003)
Mga seremonya sa Pagkabata
Ang pag-iisa ng Islam at kaugalian ang naging dahilan ng ilang seremonyang sosyo-
relihiyon sa buhay ng mga anak ng Yakan. Ang ilang karaniwang seremonya ay ang
“patimbang” o pagtitimbang at ang “paggunting” o ang pagbibinyag at “pagtammat” ay
ginagaw habang maliit pa ang bata; samantalang ang “pagtammat{ ay ginagaw sa huling
bahagi ng kamusmusan. (Buenaobra, 2003)
Seremonya ng Gradwasyon
Ang mahahalagang pangyayarig panlipunan sa pamayanan ng Yakan ay ang
pagtatapos sa pag-aaral ng Koran. Ang mga pag-aaral ng Koran ay maaring matapos sa
loob ng isa hanggang dalawang taon batay sa kawilihan at kakayahan ng mag-aaral at sa
kahusayan ng „imam” na isang pribadong tagapagturo. (Buenaobra, 2003)
Kapag nababasa na ng isang batang lalaki o babaeng Yakan ang tatlumpung (30)
“jud” (o tsapter ) ng Koran na nasusulat sa arabik, maaari na siyang maging kwalipikado
sa gradwasyon. Sa pagpapatibay ng guru sa kakayahan ng bata, handa na siya sa
gradwasyon. Ang seremonya ay katulad sa isang kasalang at ang magtatapos ay
nakadamit ng isang mahaklika. (Buenaobra, 2003)
Samantalang inihahanda ng magulang ang “maliguey” o keyk na hugis na maliit na
bahay na napalalamutian ng mga bandila at mga itlog na pininturahan nang matitingkad
na kulay. Bilang isang paglalarawan sa kayamanan ng pamilya, ang malaking halaga ng
salaping papel ay nakasalansan sa ibabaw ng keyk na hugis ng isang katutubong bahay
upang tunay na maging Masaya at kawili-wili ang pagdiriwang. (Buenaobra, 2003)
Kasal
Ang kasal at diborsyo sa mga katutubong mamamayan ay nasa ilalim ng mga
kaugalian at tradisyon. Sa gulang na nagsimula nang maramdaman ang pagkabasa sa
pagtugtog na tanda ng pagbibinata at ang babae ay nireregla na, na palatandaan sa
kababaihang yakan,ang dalawa ay itinuturing na handa ng mag-asawa. Matapos ang
patingin-tingin sa kababaihan at ligawan, pipili siya ng babang itinitibok ng kanyang
puso. Makaraang sumangguni sa pamilya, ipadadala ang isang tagapamagitan sa bahay
ng babae upang pag-usapan ang alok na pagpapakasal. (Buenaobra, 2003)
Sanhi at kamatayan
Naniniwala ang yakan na may tatlong uri ng kamatayan: una at pangunahin, dahil
sa kagustuhan ng diyos; pangalawa, pagkakasakit;at panghuli,pagpatay subalit ang lahat
ng mga sanhing ito ay nasa ilalim ng kautusan ng diyos. Naniniwala rin ang mg yakan na
ang kamatayan ay hindi katapusan ng buhay, kundi simula ng isang bagong pangyayari.
(Buenaobra, 2003)
Mga karagdagang Impormasyon hango sa website ng wikipedia.(2010)
Magandang Tanawin
 Kumalarang River
 Tabiawan and Busay Waterfalls
 Balagtasan Waterfalls
 Sumagdang Beach
 Malamawi Island
 Alano White Beach Resort
 Sunrise/Lanote Resort Row
 Bulingan Falls
Mga Simbahan at Dasalan
 Chapel of Peace
 Santa Isabel Cathedral
 Monte Santo Shrine
 Kaum Purnah Mosque
Historikal na Lugar
 Datu Kalun Shrine
 Museo ng Lamitan
 Basilan Provincial Capitol
 Isabela City Plaza (formerly Plaza Misericordia)/Plaza Rizal
Selebrasyon
 Lami-Lamihan Festival
 Cocowayan Festival
 Fiesta Santa Isabel
 Semana Santa (Holy Week) - March/April (movable)
 Flores de Mayo
 Fonda de Barangay or Fiestas del Barangay
 Isra Wal Miraj
 Eid al-Fitr/Hari Raya Puasa - (movable)
 Maulidin-Nabi
 Chinese New Year
Bibliyograpiya
Buenaobra, Nita. Bokabularyong Traylinggwal Yakan-Filipino-Ingles
Komisyon sa Wikang Filipino, Maynila 2003.
Barawid, Rachel. Traval Showcase Zamboanga Exposed. Manila Bulletin. August 28,
2003
http://fil.wikipilipinas.org/index. July 20, 2010
http://en.wikipedia.org. July 20, 2010
Yakan

Yakan

  • 1.
    Wika: YAKAN Heograpiya Ang Basilan,na katutubong kilala bilang “ Basih Balan “ at ang “Taguime”‟ ang Kabisera nito. Isang Lalawigan isla ng Kanlurang Mindanao, May sukat na 135,892 ektraya, ang pinakagitna (mainland) nito ay may sukat na 124, 892 ektarya o 91.9 % ng kabuuang sukat ng lupa samantalang ang nasa paligid na 61 isla maliliit na pulo, humigit- kumulang ay may kabuuang sukat na 11,000 ektarya 0 8.1 %. Ang Basilan ay ang pinakamalaki na kapuluan. Nasa dulong hilaga ng kapuluan ng Sulu, napapaligiran ito sa hilaga ng lungsod ng Zamboanga; sa timog na kapuluan ng Sulu, sa silangan ng Mindanao at sa kanluranng karagatan ng sulu at sabab ( hilagang Borneo. ) . Maganda ang lagay ng panahon sa Basilan sapagkat ito ay nasa ibaba ng malimit daanan ng bagyo ( typhoon belt ). Ang saganang ulan sa buong taon ang nagpapanatiling basa at mataba sa lupa. Ang tropikal na klima nito ay nakatutulong sa paglago ng iba‟ibang punong kahoy, prutas, at mga halamang katulad ng niyog at rubber. Ang huli ay itinatanim sa mga plantasyon at nakatutulong ito nang malaki sa kabunayan ng mga mamamayan. (Buenaobra, 2003) Ang lalawigan ng Basilan ay hinati sa pitong bayan. Ang Sumisip ang pinakamalaki na may sukat 327.6 kilometro kawdrado; kasunod ang Lamitan na may 236.3 kilometro kawarado; pagkatapos ang Isabela, ang punong kabisera, na may 220.7 kilometro kwadrado; ang Lantawan na may 177.5 kilometro kwadrado ; ang Tipo-Tipo na may 171.1 kilometro kawadrado; ang Tuburan na may 128.0 kilometro kawadrado at ang Maluso na may 65.1 kilometro kwadrado, ang pinakamaliit sa pitong bayan.
  • 2.
    ( kuha mulasa website ng wikipedia) Topograpiya Ang topograpiya ng lalawigan ng basilan ay mula sa pagiging hindi patag hanggang sa pinakamatarik. Ang kalagayan ng kahuyan at/o ang buhay ng kagubatan ay humigit-kumulang na pare-pareho ang pagkakahiwa-hiwalay. Ang pambansang Parke ng basilan ay nasa silangang bahagi ng natitirang kagubatang pambayan sa pagitan ng apat na lalawigan: Isabela, Lamitan, Tipo-tipo at Sumisip. May taas ito ng 971 metro sa kapantayang dagat na ditto makikita ang pinakatuktok ng Basilan. Ang kasalukuyang kabisera ng bayan ng Basilan ay dating tinatawag ng “pasangen” na nangangahulugan g isang pamayanan na pinupuntahan o tinitirhan nag mga tao. Ito ay isang katutubong lugar ng pinagpasalan o tirahan. Sa dakong huli, binigyan ito ng pangalang “Isabela” kasunod ni reyna Isabele II ng Espanya, nng itayo ng kastila ang isang kutang bato na magtatanggol sa kanila sa pagsalakay ng mga moro noong unang dantaon. Tumira sa Basilan ang limang grupong etniko na pinangungunahan ng Yakan na ang bilang ay mga 196,000 (NCCP-1998). Ang iba pang prupong etniko ayon sa poupulasyon ay: Chavacano, Samal, Tausug, at mga nagsasalita ng Bisaya. Ang Yakan Sultanate Center ay matatagpuan sa Lamitan, mga isang oras na paglalakbay mula Isabela. Ayon sa tradisyon, ang Sultanate ay nasa ilalim ng sultan ng
  • 3.
    sulu. Nagbabayad noonng taunang buwis ang Yakan sa Sultan. Maraming ginawang pagtatangka ang mga kastila upang kontrolin ang Jolo, subalit nabigo. Gayunpaman, nakapasok ang mga misyonerong kastila sa Basilan. Noong 1654 may mga isang libong pamilya sa islang lalawigang ito. Pagsapit ng taong 1840, ang pananakop buko sa mga kastila ay napatuon sa kanlurang Mindanao, lalo na ang mga teritoryong nasa ilalim ng sultan Sultanate, lalung- lalo na ang basilan. Ang mga Olandes, nagtatag ng kuta ang pamahaang kastila sa isabela, ang kabiserang lalawigan. (Buenaobra, 2003) Wika: Yakan Pamanang pangkalinangan ng Yakan Nakatira ang mga Pilipino sa halos 7,107 isla na may iba‟t ibang kultura na gaya ng mga Kristiyanismo, muslim at iba pang grupong etniko. Gayunpaman, ito ang magtutuon sa interes ng mambabasa at magbibigay-sulyap sa maikling detalye na isa digaanong kilalang tribu sa isla ng Basilan, ang Yakan. Ang mga nagsasalita ng Yakan ay nasa 41% ng populasyon ng Basilan at nasa 16%-20% naman ng hindi taga-Basilan. (wikipilipinas,2010) Ang Yakan ay isang grupong etniko sa katimugan ng Pilipinas. Sila ang orihinal at katutubong tribu ng islang lalawigan ng Basilan. Ang Yakan din ay matatagpuan sa sa peninsula ng Zamboanga. Ang sentro ng Sultan ng Yakan ay matatagpuan sa Lamitan, mga isang oras na paglalakbay mula sa Isabela. Ayon sa tradisyon, ang sentrong ito ng Sultan a nasa ilalim ng sultan ng sulu. Ang isa sa nabubuay na tagapagmana ng yumaong si Datu Kalun ay si Datu Hessein “Unding” Cuevas na halos san daang taon na. ay kasalukuyang nakatira sa malapit sa dambana ng kanyang yumaong ama sa Rizal Avenue, Lamitan,Basilan. (Buenaobra, 2003)
  • 4.
    Maalamat na Pinagmulanng Yakan Noong unang panahon ay may nakatirang isang rajah sa isa sa mga rehiyon sa Indya at may isang anak na lalaki na ang pangalan ay Kan. Pagsapit sa tamang-edad, inayos ng ama ni kan ang pagpapakasal niya kay Ekya, ang kaisa- isang anak ng mujal, ang iginagalang na pinuno ng Rajah. Ang kasal ay hindi gaanong kontrobersyal dahil ang mujal ay isang mababang pinuno ng Rajah. (Buenaobra, 2003) Sapagkat kaugalian na gawin ang kanilang pulot-gata sa karagatan ng Indiya, inihanda nila ang isang malaking sasakyan na tinatawag na “Balanda” . Ang sandaa‟t apatnapung kalakihan at kababaihan ay naging mag-asawa at si Kan ang kanilang hindi mapag-aalinlangang lider. Lumipas ang maraming taon, matanda na sina Kan at Ekya nang dumating ang maraming taong sakay ng iba‟t ibang balanda . pandak sila na may maliliit na ilong. (ang pandarayuhang ito sa ibang lugar ay pinaniniwalaang isa sa tatlong pangkat ng Malayan na dumating sa Pilipinas na binabanggit sa mga aklat pagkasaysayan.) Labis na nagalit si Kan sa labag na pagpasok sa kanilang lupain. Ipinalalagay na siya ay matanda na at mahina, ang tunay niyang kalagayan ang pinakamabuting pagkakataon. Kaya ipinasya niyang tanggapin ang bagong dating. Ang kanilang unang katanungan ay : “Ano ang inyong lahi?” “ano ang inyong tribu?” sapagkat hindi kan ang kanilang wika, itinuro niya ang kanyang asawang si Ekya at ang kanyang sarili na ipinalalagay na itinatanong ng malayan ang kanyang pangalan at ang sa kanyang asawa. Kaagad na namuhay nang magkakasama ang mga Malayan at ang mga Kabig ni Kan. Naging mag-asawa ang bawat isa. Sa pagsulong ng panahon, sumilang ang “Yakan” mula sa pangalan ng mag-asawang “Kan” at “Ekya”. May ilang teyorya at mga hula ng mga lokal na manunulat tungko lsa pinagmulan ng masisiglang Yakan. Sinasabi ng ilang lokal na mananalaysay na nagmula sa mga Papuan ng New Guinea. Ganun pa naman, ang kapani-paniwalang teyorya at tinatanggap ng ilang marurunong na katutubo ay ang sa Lebanese iskola, si Andrew Sherfan, na ang mga Yakan, batay sa teyorya, ay nagmula sa land dyaks o borneo sa ilang kadahilanan, gaya ng:
  • 5.
    1.)Ang kalapitan ngBasilan sa Borneo 2.)ang pangangatawan ng yakan ay malaki sa pagkakahawig sa Land Dyaks gaya ng pagiging pandak, kayumanggi, tuwid ang buhok, at walang tatao na di katulad ng mga Papuan na matipuno, mataba, matangkad, malaki ang ilong, may katangian ng isang negrito, at kulot na kulot ang buhok. 3.) katulad ng mga dyaks, ang karamihan ng mga yakan ay may kakaibang katangian na hindi mabigkas ang titik “r” at sa halip pagkaminsan ay “l” at “d” ang ginagamit ditto at 4.)ang tanyag na antropolohistang si H. Otley Beyer, sa kanyang mga akda ay sinabi na ang orihinal na mamamayan ng Mindanao ay lahing Indonesia kaysa mga Papuan. Narito ang halimbawa wikang Yakan YAKAN FILIPINO Abbuhan- mapagmataas Addat- ugali, asal Adjak- kabarkada Adjak- adjak-sama-sama Agad- hintay Agak-agak- dahan-dahan Agama- relihiyon Agap- loro Abi-abi- akit, akitin Abahi- matanda Abas- alipunga
  • 6.
    Kasaysayan Ang Basih Balanna ngayo‟y Basilan, ay naging isang lalawigan sa ilalim ng PD 356 may petsang Disyembre 27, 1973 at nagtatag sa Basilan sa isang kahiwalay na lalawigan. Noong una, ito ay sab-probinsya ng peninsula ng zamboanga; may malawak na lupang bulbundukin na balot ng makapal na kagubatan. May tatlong pangunahing talon na nagbibigay ng tubig: gaya ng Talon ng Kumalarong, Talon ng Busay at Talon ng Bulingan. Ang Basilan ay isla na nasa silangan, isang rehiyon ng mga awitin at tula, na ang kagandahan at kapaligiran ay ipinagbubunyi ng marami. (Buenaobra, 2003) Makikita rito ng sinuman ang maputing dalampasigan na maraming mga kabibe na may iba‟t ibang kulay at laki, na ang mga isda, koral, at iba pang lamang dagat ay sagana kabilang ang mg katutubong bangkang pangisda na banayad na sinasakamal ang maliliit na along nagmula sa isang karagatan ng malinaw na kulay asul na tubig. (Buenaobra, 2003) Makikita rito ng sinuman ang mga katutubong Yakan sa kasuotang likas na hinabi sa kapwang lumang habihan. Lahat ng ito at maraming iba pa sa Basilan, “ Ang Islang Yaman sa Katimugan” (The Treasure Island of the South). Ang islang yamang ito, ang maganda, kaakit-akit, kakaiba at minamahal na lupain ng mga muslim at kristiyano ay marapat na maaring tawaging “lupang Pangako” (The island of Tomorrow). (Buenaobra, 2003) Maginhawang nakayupyop sa malalim na kulay asul na dagat, napapaligiran ito ng kaakit-akit na kumpol ng watak-watak na magagandang isla at napakaliit na mga pulo. Ang matabang lupain ay punong-puno ng malalagong tanim at pinaninirahan ng mga taong may iba‟t ibang kultura. (Buenaobra, 2003) Nababalot ng madilim na manipis na ulap ng hindi naitalalang kasaysayan, ang mga pangyayari at panahon ng pagdating ng unang nanirahan sa Basilan ay maaaring manatili magpakailanman na isang hindi sinaliksik na misteryo. Kakaunti lamang ang mskukuhang datos na pangkasaysayan tungkol sa Basilan bago sumapit ang ika-16 na
  • 7.
    dantaon na haloswalang maisulat tungkol sa islang ito bago dumating ang mga kastila upang sakupin ang mga katutubo. (Buenaobra, 2003) Yamang Sosyo-Kultural Ang mga Yakan ay karaniwang magbubukid. Ang lupang kanilang tinitirhan ay luntian sa lahat ng uri ng punongkahoy at halaman na magbibigay ng kita sa mga mamamayan. Kabilang dito ang mga niyog, abaka, lansones, palay, kamote, at marami pang iba. Ang mga Yakan ay matitipid. Ang kinakain lamang nila ay “kamunti kayo” (kinudkud na kamote) bilang kanilang pangunahing pagkain na may kaunting isda, sapagkat ang kanilang sakahan ay malawak na natatamanam ng kamote at kasaba, subalit malayo sa pangisdaan. (Buenaobra, 2003) Sa lahat ng tanim, ang palay (bigas) ang lubhang pinahahalagahan ng mga yakan. Ang bawat butil ay inimbak. Sa umpisa ng pagtatanim,ang unang binhing itatanim sa “tabennian” o sa gitna ng palayan ay dapat itanim ng isang “imam” ( lider ng relihiyon ng yakan) at sa dakong huli ng mga magsasaka. Ang isang “tabennian” (bahay-bahayan) ay itinatayo sa gitna ng palayan. (Buenaobra, 2003) Ang mga Yakan ay mahusay ring mangangaso. Bukod sa budjak o pangangaso sa pamamagitan ng sibat, sila ay may local na pamamaraan sa pagbitag sa mga hayop. Ang ilan sa mga uring ito ng bitag ay ang “pules‟ o isang bitag ginagamit sa mga labuyo, at ang “lepas”, isang bitag na ginagamit sa panghuli ng mga ibon sa dulo ng punungkahoy o ng mga prutas. Ang “saingkukub” ay ang iba pang bitag na ginagamit sa panghuli ng ibon sa sarili nitong pugad, at iba pang mga bitag na ginagamit ng mga mangangaso ng Yakan. (Buenaobra, 2003) Lipunan Konsepto ng buhay sa pamayanan Sa isang pamayanan ng Yakan, ang kapangyarihan ay nagmumula kay Allah. Ang lupa na okupa ng isang tao ay ipinagkatiwala lamang sa kanya para bungkalin, na ang
  • 8.
    mga ito aypaghaharian ng mahihirap at nangangailangan. Maaari itong gawin ng tuwiran sa pamamagitan ng pagibigay ng panahon ng pag-aani at nag “pitlah” at “jakat” taun taon sa mga ulila, balo, matatanda, guru (gurung muslim) at pakil ( tagapangalaga ng pananampalataya). Ang “pitlah” ay ang taun taong obligasyon ( sa panahon ng Ramadan ) ng isang tao na ibinibigay sa mahihirap. Magbibigay ang bawat may-kayang Yakan ng isang salop na bigas katumbas nito ang isang mahirap na tao.gayundin, pangunahing tungkulin ng bawat matandang yakan, na may ekstrang kita mula sa kanyang negosyo at plantasyon na magbigay ng taunang “Jakat” ( legal na limos) na sang –apatnapu sa labis sa kanyang ari-arian. Sa mayayamang yakan, ang pagbibigay ng “sadakka” (boluntaryong limos) sa mga batang ulila at mahihirap ay kailangan. Ang bunga ng mga ito ay nakatuutlong sa kapakanan ng estado. (Buenaobra, 2003) Ang katutubong pamayanan ng Yakan ay pinamamahalaan ng kapwa batas na gawa ng tao at ng Diyos, ang “sharia” na gaya ng nakapaloob sa banal na Koran. Kinilala rin nito ang katwiran ng tao at ang palagay ng nakararami (konsesus) sa pagpapatibay ng mga batas para sa pamayanan o estado, kung naayon ito sa saligang batas ng Islam. Kaya, ang isang estado ng yakan ay maaring uriin na kapwa tungkol sa pananampalataya at pambayan ( hindi pangkaluluwa). (Buenaobra, 2003) Inuri ng mga makaislam na Yakan ang “dunya‟ (daigdig) sa dalawang kalagayan: ang Darul Islam at Darul Harb: na kinakatawan ang tirahan ng Islam at ang sa “Kafir” (di naniniwala). Pangunahing tungkulin na makilahok sa „jihad‟ (Banal na digmaan) habang ipinagtatanggol ang Darul Islam sa mga nang-aapi at pagsalakay ng dayuhan. (Buenaobra, 2003) Kulturang material Ang mga Yakan ay mahilig sa sining. Ang karamihan sa kulturang material na kanilang tinataglay o ginagamit ay makasining na ginawa at makulay na pininturahan. At sa limang tribo sa Basilan, ang Yakan ang pinakamasining. (Barawid, 2003) Ang “lumah” na bahay ng Yakan, halimbawa, ay may balkonahe o pantan na ditto tinatanggap ang mga panauhin. Ang pagkain ay dinadala sa mga panauhin sa isang “talam” (trey na yari sa brass). Ang pantan ay ginagamit ding pahingahan sa araw ng
  • 9.
    yakan. Ang mesanin(mezzanine) na tinatawag na “angkap” ay inilagay sa bahay. Ito ang lugar na ang mga kabataan “dende” (babae) ay itinatago upang pangalagaan ang kanilang pagkababae (kalinisan) sa mapupusok na kalalakihan. (Buenaobra, 2003) Ang alahas ng Yakan na gaya ng “gallang” ( pulseras), “sinsim” (singsing), “pamalang” (hikaw), “gantung kellog” ( kwintas) , “dublun” (gintong barya na may pin) ayitinatago sa isang “baul” (kwadradong lalagyang kahoy) kasama ang set ng mga damit: “badju lapih”, “olos”, “sawal”, “saputangang”,, “pis” at “kandit”. Sa gabi, inilalagay nila ang kanilang mga hayop na pantrabaho sa silong ng bahay, kasama ang kanilang “araru” ( kahoy na pang-araro ), “badjah” (araro) gayundin ang set ng “linsungan” (halo at lusong). Ang bahay ng Yakan ay karaniwang walang mga dingding (hati) o mga silid. Ang pinakamaliking silid ay sabay na ginagawang tanggapan ng bisita at tulungan. Ang lutuan at ang balkonahe lamang ang hiwalay sa pinakamalaking silid ng bahay. Ang loob ng bahay ng yakan ay puno ng iba‟t ibang mga bagay ng pamilya. May mga pasukan ng hangin sa magkabilang bahagi ng “kulung” o “ sulung” ( queen post) upang pumasok ang liwanag sa loob ng bahay. (Buenaobra, 2003) Samahang pambayan Ang Yakan ay nabibilang sa isang lipunang Patriarchal. Ang “ammah” o “sama”( ama) ay ang puno ng “magtautai nanak” ( pamilyang nuclear) o “dalumaan”( sambahayan). Ang konsepto ng Yakan na “usbawaris” ang naglagay ng mataas na antas ng panangutan at karapatan sa “usba” ang panig ng ama ng isang tao. Ang “waris‟ o panig ng ina ay may karapatan ring magpasya, subalit ang huling magpapasya ay ang usba. (Buenaobra, 2003) Ang pagiging “datu” sa katimugang Mindanao ay inuri sa tatlong kategorya: ang “datu-balbangsa” o dugong mahal, “Datu Ginellal” o hinirang na datu, at ang “datu si Alen” o ipinakilalang datu ang sarili. Ang “pakil” ay ang mga rehiliyosong lider na iba‟t ibang kanilang titulo sa bias ng kanilang napakahusay na kaalaman tungkol sa mga
  • 10.
    kaugaliang islam. Kungminsa‟y pansariling nakukuha ang kakayahang ito ng isang guru ( pribadong guro) o sa pamamgitan ng pagpapatala sa isang madrasa (paaralan ng islam) na nagtuturo ng mga asignaturang katulad ng “ tadwid” (iisang Diyos) , “ fighi”( pilosopiya ng batas ng islam), wika at tekstong arabiko, kasaysayan at buhay ngpropetang muslim, at ang limang lider ng Islam. Ang pagkarelihiyoso ay ang isa sa ktangiang dapat taglayin ng isang relihiyosong lider. (Buenaobra, 2003) Sa Islam, pinamumunuan ng isang “imam” ang mga naniniwala sa isang “salat” (panalangin) nalimang ulit na ginagawa sa loob ng isang araw, at magbibigay ng “khutbah” ( sermon) sa kongregasyon sa araw ng byernes. Sa teyorya ang imam, ay isang relihiyosong lider. Sa mga Yakan, gayunpaman, nagtataglay ang isang imam ng mga tungkulin kapwa nauukol sa pananampalataya at pulitika. (Buenaobra, 2003) Sa mga Yakan, ang sentro ng mga gawaing pangrelihiyon ay ang “langgal” o moske. Ang imam ay ang puno at lider ng mga sumasampalataya sa pananalangin. Bukod sa kanyang mahalagang tungkulin sa moske, ginagmapanan din niya ang iba pang seremonya katulad ng kasal, libing,binyag o paggunting, ang pagtatapos sa mga pag- aaral ng Koran o “ pagtammat” , ang pananalangin kapag maysakit ang sinuman, o ang pananalangin ng pasasalamat “duwaa salamat” kay Allah sa ilang magandang kapalaran o sa panahon ng pag-aani. (Buenaobra, 2003) Ang mga tungkulin ng “khatib” at „bilal” ay nakagapos sa langgal (maliit na nayon o baryo). Pagkaminsan ang isang khatib ang humahalili sa isang imam. Siya ang namumuno sa pananalangin kapag wala ang huli. Ang pagiging isang khatib ay ang pasanayan upang maging isang imam, kaya, kapag wala ang isang imam, ang serbisyo ng khatib ang hinihingi. Tungkulin ng isang bilala na subaybayan ang limang ulit na pagdarasal araw-araw: gaya ng “Magrib” o panalangin sa paglubog ng araw, “eisa” o pananalangin sa tanghali at ang “ashar” o panalangin sa pagitan ng ika-3 ng hapon at paglubog ng araw. (Buenaobra, 2003) Tinatawag ng hagjih o hajj ang isang nakamit na katungkulan. Ang sinumang tao, matino at may sapat na gulang, masalapi ay inaatasan ng malalakas na lider ng islam na
  • 11.
    maglakbay “maghadji” sabanal na lungsod ng Mecca (Holy city of mecca) o “ Makka” para sa mga Yakan, kung siya ay masalapi at malakas. Ang ilang mga hadji na may malaking tagasunod at karamiha‟y nahalal na mga lider ng pamayanan dahilan sa kanilang katayuan na iginagalang ng mga mamamayan. (Buenaobra, 2003) Pagbabagong nangyari sa buhay ng Yakan Ang kilos ng Yakan mula ng isilang hanggang sa mamatay ay puno ng pagbabawal, na nagmula sa katutubong paniniwala at mga kaugalian. Ang mga pagbabawal na ito kapag hindi maayos na sinunod, ang maglalagay sa panganib sa buhay ng isang yakan ang magbibigay sa atin ng mahusay na pananaw kung paanong ang bawat yakan ay naging mabuting kasapi ng kanyang lipunan. (Buenaobra, 2003) Paglilihi Pinaniniwalaan dito na sa panahon ng pagtatalik, ang babae ang tumatanggap at lagyan ng tamod ng isang lalaki na kapag maayos na sumama sa sariling punlay ng babae ay hahantong sa pagbubuntis. Sa panahon ng kanyang “pangiraman” o panahon ng paglilihi, nararapat na kainin ng babaeng naglilihi ang pagkaing kanyang hinihingi o kung hindi, kapwa maapektuhan ang kanyang sarili at paglaki ng sanggol sa kanyang sinapupunan. (Buenaobra, 2003) Pagbubuntis Pagkaraan ng tatlong buwang pagbubuntis, isang ritwal na tinatawag na “pag lekkad” (bersyon ng Yakan sa pagpapasuri habang buntis) ay gagawin. Kabilang dito ang pagpapamasahe sa tiyan ng ina o “pag uhut”. Ang ritwal ay isasagawa ng “pandey” (lokal na komadrona). Sa huling tatlong buwan ng pagbubuntis, ang pagtatalik ay limitado lamang sa mga araw ng lunes, huwebes, at biyernes upang iluluwal na sanggol ay maging masunurin, matalino at magkaroon ng mahabang buhay. (Buenaobra, 2003) Pagluluwal ng Sanggol Ang malimit na pag-ihi ng magsisilang na ina sa ikasiyam na buwan ng pagububuntis ay isa sa mga palatandaan ng nalalapit na pagluluwal ng sanggol. Kaya,
  • 12.
    ang paghahanda aykaagad na gagawin ng asawa. Ang “pandey” ay tatawagin sa bahay. Karaniwan ang “pandey” ay isang babae na tutulungan ng ina ng magluluwal o ng sinumang babae na may karanasan sa pagluluwal ng sanggol. Maghahanda ang ama ng mga lumang barya na hindi bababa sa piso, isang gatang na bigas, isang manok at pinggan. Ang mga ito ay ibibgay sa “pandey” bilang bayad sa ginawang ritwal. (Buenaobra, 2003) Mga seremonya sa Pagkabata Ang pag-iisa ng Islam at kaugalian ang naging dahilan ng ilang seremonyang sosyo- relihiyon sa buhay ng mga anak ng Yakan. Ang ilang karaniwang seremonya ay ang “patimbang” o pagtitimbang at ang “paggunting” o ang pagbibinyag at “pagtammat” ay ginagaw habang maliit pa ang bata; samantalang ang “pagtammat{ ay ginagaw sa huling bahagi ng kamusmusan. (Buenaobra, 2003) Seremonya ng Gradwasyon Ang mahahalagang pangyayarig panlipunan sa pamayanan ng Yakan ay ang pagtatapos sa pag-aaral ng Koran. Ang mga pag-aaral ng Koran ay maaring matapos sa loob ng isa hanggang dalawang taon batay sa kawilihan at kakayahan ng mag-aaral at sa kahusayan ng „imam” na isang pribadong tagapagturo. (Buenaobra, 2003) Kapag nababasa na ng isang batang lalaki o babaeng Yakan ang tatlumpung (30) “jud” (o tsapter ) ng Koran na nasusulat sa arabik, maaari na siyang maging kwalipikado sa gradwasyon. Sa pagpapatibay ng guru sa kakayahan ng bata, handa na siya sa gradwasyon. Ang seremonya ay katulad sa isang kasalang at ang magtatapos ay nakadamit ng isang mahaklika. (Buenaobra, 2003) Samantalang inihahanda ng magulang ang “maliguey” o keyk na hugis na maliit na bahay na napalalamutian ng mga bandila at mga itlog na pininturahan nang matitingkad na kulay. Bilang isang paglalarawan sa kayamanan ng pamilya, ang malaking halaga ng salaping papel ay nakasalansan sa ibabaw ng keyk na hugis ng isang katutubong bahay upang tunay na maging Masaya at kawili-wili ang pagdiriwang. (Buenaobra, 2003)
  • 13.
    Kasal Ang kasal atdiborsyo sa mga katutubong mamamayan ay nasa ilalim ng mga kaugalian at tradisyon. Sa gulang na nagsimula nang maramdaman ang pagkabasa sa pagtugtog na tanda ng pagbibinata at ang babae ay nireregla na, na palatandaan sa kababaihang yakan,ang dalawa ay itinuturing na handa ng mag-asawa. Matapos ang patingin-tingin sa kababaihan at ligawan, pipili siya ng babang itinitibok ng kanyang puso. Makaraang sumangguni sa pamilya, ipadadala ang isang tagapamagitan sa bahay ng babae upang pag-usapan ang alok na pagpapakasal. (Buenaobra, 2003) Sanhi at kamatayan Naniniwala ang yakan na may tatlong uri ng kamatayan: una at pangunahin, dahil sa kagustuhan ng diyos; pangalawa, pagkakasakit;at panghuli,pagpatay subalit ang lahat ng mga sanhing ito ay nasa ilalim ng kautusan ng diyos. Naniniwala rin ang mg yakan na ang kamatayan ay hindi katapusan ng buhay, kundi simula ng isang bagong pangyayari. (Buenaobra, 2003) Mga karagdagang Impormasyon hango sa website ng wikipedia.(2010) Magandang Tanawin  Kumalarang River  Tabiawan and Busay Waterfalls  Balagtasan Waterfalls  Sumagdang Beach  Malamawi Island  Alano White Beach Resort  Sunrise/Lanote Resort Row  Bulingan Falls Mga Simbahan at Dasalan  Chapel of Peace  Santa Isabel Cathedral
  • 14.
     Monte SantoShrine  Kaum Purnah Mosque Historikal na Lugar  Datu Kalun Shrine  Museo ng Lamitan  Basilan Provincial Capitol  Isabela City Plaza (formerly Plaza Misericordia)/Plaza Rizal Selebrasyon  Lami-Lamihan Festival  Cocowayan Festival  Fiesta Santa Isabel  Semana Santa (Holy Week) - March/April (movable)  Flores de Mayo  Fonda de Barangay or Fiestas del Barangay  Isra Wal Miraj  Eid al-Fitr/Hari Raya Puasa - (movable)  Maulidin-Nabi  Chinese New Year Bibliyograpiya Buenaobra, Nita. Bokabularyong Traylinggwal Yakan-Filipino-Ingles Komisyon sa Wikang Filipino, Maynila 2003. Barawid, Rachel. Traval Showcase Zamboanga Exposed. Manila Bulletin. August 28, 2003 http://fil.wikipilipinas.org/index. July 20, 2010 http://en.wikipedia.org. July 20, 2010