1. Luisito M. Gomez Dula at Nobela
BSEd-3 Filipino Gng. Joemelyn B. Sapitan
“Di ka Pasisiil”
Isang kabataang nangarap, isang mag-aaral na nagtapos sa mataas na paaralan na ating
kinaroroonan, sa mga guro, sa mga mag-aaral at kapwa ko anak na naririto ngayon magandang
umaga sa ating lahat.
Naranasan mo na bang manakawan? Eh yung mawalan ng tirahan, mamalimos at
maghikahos sa sobrang hirap, ‘yan ang naranasan ko sa aking kabataan, kaya naman ng ako’y
makapag-aral nangarap ako ng tila wala nang katapusan.
Nagtapos ako sa kursong “Bachelor of Secondary Education” bilang cum laude, at
maraming opurtunidad ang dumating sa akin, nariyan ang iba’t ibang trabaho na ano mang oras
ay maaari kong pasukan. Ngunit mas minabuti kong mangibang bansa hindi dahil sa nakaaakit
ng lugar kung hindi dahil naniniwala akong mas maraming opurtunidad at madaling kumita ng
pera.
Sa bansang Canada ako pumunta, dahil naroon ang iba kong ka mag-anak, ang naging
trabaho ko doon ay isang messenger sa isang kilalang kompanya. Naging maayos ang aking
pamumuhay sa una at ikalawang taon ko doon, kahit mahirap nagtitiis ako para sa aking pamilya
na narito sa Pilipinas.
Masasabi kong ang ikatlong taon ko sa Canada ay naging masaklap, nawalan ako nang
trabaho, dahil napagbintangan akong nagnakaw, sa isang hotel na pinuntahan ko, dahil dito
nakulong ako ng halos dalawang taon na hindi man lang nalalaman ng aking pamilya. Sa
kulungan lamang nabuksan ang aking gunita, na sana’y hindi na lamang ako nangibang bansa
sana’y na kapiling ko pa si itay at inay naabutan ko pa sana sila ng buhay.
2. Ang pera kong naipon nang halos tatlong taon ay winaldas lamang ng aking mga kapatid
at lumayo ang loob nila sa akin na para bagang isa akong sampid, walang naitulong sa pamilya,
walang pakinabang, isang kahihiyan at dito ko lang napatunayan at sobrang pinagsisihan mali na
ako’y nangibang bayan.
Kung hindi ako nagpumilit na umalis, tulad ng laging sinasabi ni inay “anak huwag ka ng
umalis maraming trabaho dito, kaya mo ba kaming iwan?” kung pinakinggan ko lang sana ito,
siguro naging maayos ang takbo ng buhay ko. Hindi ko na sana hinangad ang magkaroon nang
malaking suweldo, dahil sa pag-alis ko hindi ko inisip na mas nahirapan ang pamilya ko.
Marami na sa mga kababayan natin ang naging maayos ang buhay dahil sa pagtatrabaho
sa ibang bansa, ngunit marami din sa katulad kong OFW ang naging masaklap ang buhay dahil
sa pakikipagsapalaran sa bayang hindi ko naman kinagisnan.
Kaya naman mas minabuti ko ng mamalagi sa tunay kong bayan at ito ay ang Pilipinas.
Ito ang bayan kong sinilangan, ang bayan mong kinalakhan, hindi maikakaila na nakabubulag
ang ganda at yaman ng iba’t ibang bansa, ngunit mas nagbulag-bulagan ako, dahil ang tunay na
kayaman at kaunlaran ay na sa lupa lamang kung saan ako isinilang. Kaya naman kaibigan
samahan mo ako upang patuloy na mahalin at tangkilikin ang sariling atin.
Sa aking mga kababayan, buhat sa mga mag-aaral, sa mga magulang at guro, hindi
naman masamang humanga sa ibang bansa, bastat mas pinahahalagahan natin ang bansa kung
saan una tayong naging Malaya.
-PILIPINAS
Kapulutan nawa natin ng aral ang talumpating ito, muli maraming salamat sa pakikinig.
-SINAG
3. Ang Bansang kinamulatan
Hindi dapat talikdan
Ito ang ating inang bayan
Ni minsa’y hindi nangdayuhan
Naging gabay sa daloy nitong kasaysayan