IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
Mga ahensya ng gobyerno na tumutugon sa panahon ng kalamidad
1. MGA AHENSYA NG GOBYERNO
NA TUMUTUGON SA PANAHON
NG KALAMIDAD
Ms. Luvyanka Polistico
2. NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND
MANAGEMENT
• Ito ang sangay ng gobyerno sa ilalim ng kagawaran
ng tanggulang Pambansa (Department Of National
Defense o DND) na responsible sa pagtitiyak ng
proteksiyon at kapakanan ng mamamayan sa
panahon ng sakuna, kalamidad at krisis.
3. PHILIPPINE ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL AND
ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION
• Ito ay tinatawag ding Pangasiwaan ng Pilipinas sa
Serbisyong Atmosperiko, Heospisiko at Astronomiko.
• Ang PAG-ASA ay isang ahensiya sa ilalim ng kagawaran ng
agham at teknolohiya (Department of Science and
Technology o DOST). Nagbibigay ito ng real-time sabay sa
kasalukuyang update ng mga babala ukol sa panahon at
bagyo.
4. PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY
AND SEISMOLOGY (PHIVOLCS)
• Tinatawag din na Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at
Sismolohiya. Ang PHIVOLCS ay isa ring institusyong
panserbisyo sa ilalim ng DOST. Inatasan ang ahensiya na
paliitin ang epekto ng sakunang dulot ng pagputok ng
bulkan, lindol, tsunami, at iba pang heoteknikong
phenomenon.
5. DEPARTMENT OF TRANSPORTATION
• Sa Filipino ay tinatawag itong Kagawaran ng
Transportasyon. Ang DOTr ay ang ahensiya ng pambansang
gobyerno naatasan sa pampublikong transportasyon sa
buong bansa. Nagbibigay ito ng mga update sa lagay ng
Sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa tulad ng
mga biyahe sa himpapawid, karagatan, at kalupaan lalo na
sa panahon ng kalamidad.
6. CIVIL AVIATION OF THE PHILIPPINES
(CAAP)
• Ang CAAP ay isang ahensiya sa ilalim ng DOTr na
inaatasang magpatupad ng mga patakaran ukol sa civil
aviation o pagpapalipad ng mga sibilyan ng sasakyang
panghimpapawid. Nagbibigay ng mga ulat sa mga
operasyon at problema ukol sa biyaheng panghimpapawid,
lalo na sa panahon ng mga kalamidad.
7. PHILIPPINE COAST GUARD (PCG)
• Ang Philippine Coast Guard o Tanod baybayin ng Pilipinas
ay isang ahensiya sa ilalim ng DOTr na nagpapatupad ng
kaligtasang pandagat, seguridad at search and rescue
operations na lubhang napakahalaga lalo na sa panahon ng
mga sakuna at mga kalamidad. Nagbibigay ito ng mga
babala sa biyaheng pandagat at mga ulat sa operasyon ng
pantalan.
8. PHILIPPINE INFORMATION AGENCY
• Tinatawag sa Filipino bilang ahensiyang Pang-
impormasyon ng Pilipinas. Naglalabas ang PIA ng mga
update tungkol sa relief and rescue efforts sa mga lugar na
apektado ng natural na kalamidad. Ito rin ang ahensiyang
nagpapalaganap ng impormasyong tungkol sa mga
programa, proyekto at serbisyo ng gobyerno sa mga
mamamayan.
9. METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT
AUTHORITY (MMDA)
• Ang MMDA ay tinatawag ding Pangasiwaan sa
Pagpapaunlad ng kalakhang Maynila. Nagbibigay
ito ng sabay sa panahong ulat sa lagay ng mga
kalsada sa Metro Manila at tumutulong din sa
pagkontrol ng mga baha rito.
10. DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND
DEVELOPMENT (DSWD)
• Ang DSWD ay siya ring Kagawaran ng Kagalingan at
Pagpapaunlad Panlipunan. Ito ang ahensiyang responsible
sa paghahatid ng serbisyong panlipunan at pangangalaga
ng Karapatan ng mga mamayang Pilipino. Pinamumunuan
nitp ang mga relief operation tuwing may mga kalamidad.
11. DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED)
• Ang kagawaran ng Edukasyon o DepEd ay
nagbibigay rin ng update ukol sa mga anunsiyo
mula sa mga local na gobyerno tungkol sa
pagsuspinde ng klase sa iba’t-ibang lugar sa bansa
lalo na sa panahon ng trahedya o panganib.