TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
Maikling kuwento
1. Ang Tala sa Dapit-Hapon
Luisito M. Gomez
Sa bagong bayan naninirahan ang pamilya ni Arnold, pagmamay-ari ng kanilang
pamilya ang pinakamalawak na lupain sa buong bayan.
Lindo anak, gumising ka na baka mahuli ka sa eskwela bangon na anak, nakahanda na
ang almusal mo, masamang pinaghihintay ang pagkain. Nay, wala kaming pasok, diba sabi ko
sayo wala si ma’am. Lindo babangon ka ba diyan o isusumbong kita sa tatay Arnold mo? Opo,
andiyan na po. Aalis na ako Marien kailangan na ako sa bukid at magkikita pa kami ng Alkalde.
Ano! Makikipagkita ka sa Alkalde? Sinabi ni Dimotri sa akin na nais makipagkita ng Alkalde at
aalamin ko ang tunay niyang pakay, kung gayon mag-ingat ka, alam mo naman ang ugali ng
Alkalde na ‘yan baka…. baka naman…. huwag kang mag-alala, walang mangyayari sa’king
masama makikipag-usap lamang ako. Sige at hahayo na’ko. Mag-iingat ka.
Nay……nay……nay…… Oh bakit? Pambihira kang bata ka, bakit hindi ka pa natatapos,
mahuhuli ka na niyan sa eskwela nakaalis na yung tatay mo.
Habang naglalakad si Arnold patungo sa bukirin, biglang dumating si Dimotri ang
kapatid ni Arnold at ipinaalam nito na kanina pa naghihintay ang Alkalde sa kaniya at tila may
mga hawak na mga papeles. Kuya…nakita ko na naghihintay ang alkalde sa bahay pahingahan
mula sa gitna ng ating bukirin, ganoon ba? Kung gayo’y samahan mo ako sa kinaroroonan niya.
magandang umaga po. Magandang umaga naman Arnold, kumusta na ang aking bukirin?
mukhang nahihibang na kayo alkalde? Anong bukirin? Ang bukirin na ito ay sa akin! mawalang
galang na po sa inyo alkalde, hindi nyo pwedeng angkinin ang bagay na hindi ninyo pagmamay-
ari ang sabad ni Dimotri, tumahimik ka! wala kang alam, wala kayong alam! Anong sinasabi
mo? Di ba’t ikaw nga ang may pinakamalawak na lupain dito sa bagong bayan. Pero hindi mo na
ito pagmamay-ari ngayon! dahil pagmamay-ari ko na ito! wala kang karapatan na angkinin ang
bukirin ko! hindi ko ito inaangkin, narito ang mga papeles kung saan nakasaad diyan na ito ay
pambayad utang ng iyong ama, na sa tingin ko’y hindi niya nasabi sayo? hindi totoo ang mga
papeles na iyan! Wala kang alam sa kasunduan namin ng aking itay?
2. Ikaw ang walang alam, dahil sa ilang taong pangangalaga mo sa napakalawak na bukirin
na ito, sa isang iglap mawawala nalang bigla. Pagkauwi ni Arnold sa bahay, dala-dala nito ang
mabigat na problema na agad namang naramdaman ni Marien. Anong nangyari sa pag-uusap
ninyo ng alkalde? Mawawala na sa atin ang bukirin, may mga papeles ang alkalde na nagsasaad
na nakapangalan sa kaniya ang bukirin na akala kong lubos na ipinamana ni itay, hindi ko na
alam ang gagawin, tanging ang bukirin lamang ang bumubuhay sa ating pamilya.
Makalipas ang pitong taon, nagpatuloy ang buhay ni Arnold kasama ang kaniyang
pamilya, ngunit wala na ang kanilang lupain, tuluyan na nga itong nakuha sa kanila ng Alkalde.
Samantala ang anak niyang si Lindo ay magtatapos na sa pag-aaral sa kolehiyo sa kursong
Abogasya, sa tulong na din ng amain nitong si Dimotri at sa araw-araw na pagtitinda ng
kaniyang ina sa palengke. itay, matatapos na po ako sa pag-aaral at hindi ko ito magagawa kung
wala kayo ni nanay na gumabay sa akin. Anak, lagi mong tatandaan na lagi kaming nadito para
sa’yo, hindi man namin maibigay ang lubos-lubos mong pangangailangan, pero lagi kaming
nandito ng nanay mo para maging takbuhan mo sa anumang problema na darating. Kaya tulad ng
pinangako ko sa inyo ni nanay, sisikapin kong mabawi ang ating lupain. Salamat anak, salamat
sa pang-unawa mo, salamat sa binibigay mong pagmamahal.
Sa araw ng pagtatapos ni Lindo, naroon ang kanyang tatay Arnold at nanay Marien upang
samahan siya sa tagumpay at pagtanggap sa natatanging parangal para sa pinakamahusay na
mag-aaral ng taon.
Unang-una sa lahat pinapasalamatan ko ang aking mga magulang sa walang sawang
paggabay mula pagkabata hanggang sa ako’y lumaki at tulungang maabot ang aking pangarap sa
buhay, salamat sa aking mga magulang, ang tala na nagbigay liwanag sa paghihirap at pighati
sa’king buhay, kaya naman ang tagumpay na ito ay aking alay sa magulang kong tunay na gabay.
Salamat anak, salamat sa pagtitiis mo sa ilang taong lumipas. Huwag ka ng umiyak nay, baka
humagulgol pa dito si tatay, basta laging mong tatandaan anak, ang tagumpay ay hudyat ng
panibagong simula, ang araw man ay lumilipas sa dapit hapon parin magwawakas.
-wakas