1. Mga Hakbang sa Pagsasagawa
ng Kampanyang Panlipunan
• Inihanda:
•
• RACHIEL P. ARQUIZA
•
2. Kasanayan:
1. nasusuri ang hakbang sa
pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan ayon sa binasang mga
impormasyon (F8PB-IIIi-j-33); at
2. naipapaliwanag ang mga
salitang angkop na gamitin sa
pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan (F8PT-IIIi-j-33);
3. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat
bilang. Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng iyong
sagot.
1. Ano ang angkop na salita sa pahayag na, “Ang susi sa
mabisang pagpaplano laban sa kalamidad ay ang ______”?
A. Kahandaan C. pakikinig
B. pagdarasal D. pagtitipid
4. 2. Ano ang angkop na salita upang mabuo ang pahayag
na ito “Kung kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan
ng _________ saan nakasaad ang lugar na patutunguhan”?
A. emergency kit C. pagkain
B. mensahe D. palatandaan
5. 3. Mahalagang mag-iwan nito kung sakaling kinakailangan mong lisanin
ang inyong tahanan sa oras ng kalamidad upang _________
.
A. hindi magutom ang mga taong iiwanan sa bahay
B. madaling matukoy ng iyong mga kasama sa bahay ang iyong mga
kaibigan
C. maging handa sa posible o maaaring mangyari sa oras ng
kalamidad
D. madaling matukoy ng iyong pamilya o kamag-anak ang iyong
kinaroroonan at mabawasan ang kanilang pag-aalala
6. 4. Nakatutulong nang malaki ang paglalagay ng simbolo o larawan sa
pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social awareness campaign)
dahil .
A. mas madali itong gawin
B. nakagaganda ito sa paningin
C. mas malakas ang dating nito sa publiko
D. nakatutulong ito sa pagpapaganda ng paligid
7. 5. Ano-ano ang dapat taglayin ng isang mabisang kampanyang
panlipunan (social awareness campaign)?
A. Maikli, tiyak, at puno ng iba’t ibang detalye.
B. Maikli, malinaw, at malakas ang dating ng mensahe sa publiko.
C. Maikli, malinaw, at may makukulay na mga larawan at simbolo.
D. Makatawag-pansin, tiyak at nagtataglay ng makukulay at iba’t
ibang disenyo.
8. 6. Alin sa mga sumusunod na estratehiya
ang hindi maaaring gamitin sa
pangangampanya?
A. paglikha ng flyer at poster
B. pagpili ng mahusay na tagapagsalita
C. paggamit ng salawikain at kasabihan
D. pag-aanunsyo sa radyo, telebisyon at internet
9. 7. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan upang maging mabisa
at matagumpay ang isang kampanyang panlipunan (social awareness
campaign) na iyong gagawin?
A. Pagkakaroon ng kawastuan at kalinawan ng mensahe.
B. Pagpasiyahan ang adbokasiyang ipaglalaban o ikakampanya.
C. Pumili ng mahusay na tagapagsalita na magbibigay ng mga
impormasyon.
D. Paghingi ng permiso sa may-ari o nangangasiwa ng lugar na
pagkakabitan ng poster.
10. 8. Mahalagang isaalang-alang ang tamang panahon sa pagsasagawa
ng kampanyang panlipunan (social awareness campaign) upang .
A. maging maganda ito sa paningin ng publiko
B. makasunod sa uso at sa hilig ng mga mambabasa
C. makatutulong ito upang maging kaakit-akit sa
mga mambabasa
D. makatutulong ito sa pagpapalawak ng kamalayang panlipunan ng
mga mamamayan
11. 9. Ano ang kahalagahan ng pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan (social awareness campaign) sa kamalayan ng mga
mamamayan?
A. Pinaiigting nito ang imahinasyon ng mga mambabasa.
B. Nakatutulong ito sa pagbibigay-kamulatan sa mga kabataan.
C. Nakababawas ito sa pagkakaroon ng negatibong kaisipan sa
publiko.
D. Nakatutulong ito sa mga tao na maging handa at responsableng
mamamayan ng lipunang kanilang kinabibilangan.
12. 10. Naaangkop ang pahayag na, “Huwag Magpauna sa Takot...” sa pagbuo ng
kampanyang panlipunan (social awareness campaign) tungkol sa lindol dahil .
A. nakatutulong ito upang mataranta ang mga tao sa oras ng lindol
B. binibigyang-kulay nito ang pahayag kung kayanagiging kaakit-akit ito sa mga
mambabasa
C. nakadadagdag ito ng damdamin sa pahayag kung kaya mas malakas ang nagiging
hatak nito sa publiko
D. nakatutulong ito upang maging kalmado at makapag-isip ng mga dapat gawin sa
oras ng pagyanig ang mga tao