2. Pagmasdang mabuti ang mga logo sa loob ng larawan. Ito ay karaniwang
ginagamit nating mga social media accounts. Pangalanan ang lima (5) sa mga ito.
7. Ang Social Awareness Campaign ay isang
instrumento sa pagpapalaganap ng bagong
impormasyon o adbokasiya ng pamahalaan sa
pribadong institusyon, at sa iba’t ibang samahan o
organisasyon. Isa sa hangarin ng kampanyang
panlipunan ay magkaroon ng kamulatan ang
publiko sa anumang produkto at adbokasiya ng
iba’t ibang organisasyon.
9. Dapat napapanahon ang
paksang gagawan ng
kampanya. Ito ay isang
isyung may umiiral na
suliranin na kailangang
hanapan ng solusyon.
10. Alamin mo kung sino ang
grupo ng tao na nais mong
makabasa, makapanood,
makakita o makabatid ng
iyong kampanya.
11. Mahalaga ang mga paktwal
na impormasyon, mga
datos na may kaugnayan sa
iyong kampanya. Ito ang
magiging sandigan mo sa
iyong kampanya.
12. Pag-isipan mong mabuti kung paanong
atake ang gagawin mo sa iyong
kampanya. Anong mga multimedia ang
gagamitin mo? Anong social media ang
gagamitin mo para sa iyong kampaya?
Maaaring gumamit ng iba’t ibang
paraan gaya ng islogan, poster,
patalastas, music video, docu film atbp.
13. Pagplanuhan kung paano ka
mapapansin sa social media.
Tandaan, dapat hindi
nakapananakit ng kalooban ng tao
o grupo ng tao ang iyong gagawin.
Maging malikhain. Kumuha ng
inspirasyon sa mga iba pang social
awareness campaign na makikita
sa internet.
14. Sa pagbuo ng iyong social
awareness campaign, may
mga dapat tandaan sa pagbuo
nito:
15. Bumuo ng balangkas ng
iyong kampanya. Kung ito ay
isang video dapat gawan ito
ng daloy o balangkas ng
pagtalakay. Kung patalastas
ay kailangang gumawa ng
storyboard.
16. Mahalaga ang pagbuo ng
iskrip. Mula sa mga
nasaliksik na impormasyon
ay makabubuo ng iskrip na
lalamanin ng iyong
kampanya o bibigkasin ng
tagapagsalita.
17. Gaya nang nasabi, dapat maging
malikhain. Gumawa ng sariling
konsepto at huwag kumopya.
Maaari lamang gumamit ng
inspirasyon mula sa ibang gawa
sa pagbuo ng iyong konsepto.
18. Maging tiyak sa mga
impormasyon at mga pahayag.
Huwag gawing maligoy.
Gumamit ng mga payak na
pangungusap at madaling
maunawaang salita.
20. 1. Ito ay isang isyung may umiiral na suliranin
na kailangang hanapan ng solusyon.
2. Alamin mo kung sino ang grupo ng tao na
nais mong makabasa, makapanood, makakita
o makabatid ng iyong kampanya.
21. 3.Kumuha ng inspirasyon sa mga iba pang social
awareness campaign na makikita sa internet.
4.Ito ang magiging sandigan mo sa iyong
kampanya.
5. Pag-isipan mong mabuti kung paanong atake
ang gagawin mo sa iyong kampanya.
22. 1.Ano-ano ang mga social awareness campaign na meron ang
ating paaralan?
2.Bilang mag-aaral, paano mo ibabahagi sa kapwa mo mag-
aaral ang kahalagahan ng bawat social awareness campaign
na meron ang ating paaralan?
3.Gaano ba kahalaga ang social awareness campaign?
Ipaliwanag ang sagot.
23. Sundin ang mga hakbang at mga dapat isaalang- alang sa
pagbuo ng isang epektibong kampanya.
Pamantayan
10 puntos Pagkamalikhain at orihinal na ginawa
15 puntos Malinaw na mensahe
10 puntos Paksa
35 puntos Kabuuan
24. 1.Kung ito ay isang video dapat gawan ito ng daloy
o balangkas ng pagtalakay. Kung patalastas ay
kailangang gumawa ng storyboard.
2.Mula sa mga nasaliksik na impormasyon ay
makabubuo ng iskrip na lalamanin ng iyong
kampanya o bibigkasin ng tagapagsalita.
25. 3.Gumawa ng sariling konsepto at huwag kumopya.
Maaari lamang gumamit ng inspirasyon mula sa ibang
gawa sa pagbuo ng iyong konsepto.
4.Huwag gawing maligoy. Gumamit ng mga payak na
pangungusap at madaling maunawaang salita.
Palaging isaisip ang iyung target audience sa pagbuo ng
konsepto, iskript at salitang gagamitin.