AP 7 Lesson no. 32-A: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa PilipinasJuan Miguel Palero
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa mga epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas.
AP 7 Lesson no. 32-E: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa JapanJuan Miguel Palero
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Japan. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa mga epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Japan.
Itong modyul ng pangkatuto ay makakatulong sa mga-aaral tungkol sa pananalakay ng hukbo ng mga Hapones sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dito dn makikita ang mga labanang naganap sa pagitan ng Allied Forces at Japan.
AP 7 Lesson no. 32-A: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa PilipinasJuan Miguel Palero
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa mga epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas.
AP 7 Lesson no. 32-E: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa JapanJuan Miguel Palero
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Japan. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa mga epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Japan.
Itong modyul ng pangkatuto ay makakatulong sa mga-aaral tungkol sa pananalakay ng hukbo ng mga Hapones sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dito dn makikita ang mga labanang naganap sa pagitan ng Allied Forces at Japan.
PAMUMUHAY SA PANAHON NG HAPONES
Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanga noong Disyembre 8, 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor.
Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito ito ay pinasok ng mga Hapones noong Enero 2, 1942. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong Abril 9, 1942 at ang Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon.
Sumama sina Quezon at Osmeña sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis sila patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt. Inutusan si MacArthur na pumunta sa Australia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.
Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong istraktura ng pamahalaan sa Pilipinas at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Isinaayos nila ang Konseho ng Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil na batas hanggang Oktubre 1943, nang ideklara nila ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang republikang nasa ilalim ng mga Hapones na pinamunuan ni Jose P. Laurel ay hindi naging popular.[23]
Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya. Lumaban ang pangkat ng militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa mga Hapones sa isang digmaang gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang tagumpay ng pakikipaglabang ito ay ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan kontrolado lamang ng mga Hapones ang labindalawa
3. Pagsalakay sa Pearl Harbor
• Dec. 8, 1941, sinalakay ng
mga puwersang Hapon ang
Pearl Harbor, Hawaii.
Sunod-sunod na sinalakay
ng mga Hapon ang mga
base ng mga Amerikano sa
Davao, Cavite, Baguio, Clark
Field, at Zambales.
4. Pagdating ng mga Hapon
• Dec. 10, 1941, narating
ng mga Hapon ang
Aparri, Cagayan at
Vigan, Ilocos Sur.
Dumaong naman ang
malaking puwersa ng
mga Hapon sa Lingayen,
Pangasinan. Unti-unting
nasakop ng mga Hapon
ang buong Pilipinas.
5. Open City
• Upang iligtas sa
trahedya ng digmaan
ang Maynila, idineklara
ni Hen. MacArthur ito
bilang Open City Noong
Dec. 26, 1941. Iniutos
din nito na alisin ang
mga kagamitang
pandigma sa Maynila at
ilipat sa Bataan.
6. War Plan Orange
• Ipinag-utos ni Hen.
MacArthur ang
pagsasanib puwersa
ng mga Pilipino at
Amerikano sa Bataan
at Corregidor. Kasama
sa mga inilikas ang
mga pinuno ng
pamahalaang
komonwelt.
7. Paglikas ni Pang. Quezon
• Sa payo ni Pang.
Roosevelt, tumakas si
Pang. Quezon at ng
kanyang pamilya at
gabinete mula Corregidor
papuntang Australia noong
ika-20 ng Pebrero, 1942.
Iniwan niya ang
pamamahala ng Pilipinas
kay Jose Abad Santos.
Mula Australia, dinala sila
sa Washington D.C.
8. Pagtakas ni Hen. MacArthur
• Labag man sa kanyang
kalooban, nilisan ni Hen.
MacArthur ang Corregidor
papuntang Australia noong
Marso 11, 1942. Humalili sa
kanya bilang pinuno si Hen.
Jonathan Wainwright.
Pagdating sa Australia,
ipinahayag niya ang
makasaysayang pangakong
“I shall return.”
9. Pagsuko ng Bataan
• Dahil sa matinding hirap
at gutom, isinuko ni
Hen. Edward P. King,
kumander ng USAFFE sa
Bataan, ang mga
puwersa nito kay Hen.
Masaharu Homma
noong Abril 9, 1942.
10. Death March
• Ang mga sumukong
sundalo ay nagmartsa sa
loob ng maraming araw
ng walang pagkain at
inumin mula Mariveles,
Bataan hanggang San
Fernando, Pampanga.
Mula dito, sila ay
isinakay sa mga tren at
dinala sa Camp O’
Donnel sa Capas, Tarlac.
13. Pagsuko ng Corregidor
• Noong Mayo 6, 1942
isinuko ni Hen. Jonathan
Wainwright ang
Corregidor sa mga Hapon.
Ipinag-utos niya rin ang
pagsuko sa lahat ng
puwersa ng USAFFE sa
buong Pilipinas.
14. Konlusyon • Matapos sumuko ang
Corregidor, napasailalim
ang Pilipinas sa mga
bagong mananakop.
Sinikap ng mga Pilipino na
mamuhay ng maayos
bagama’t may banta ng
panganib. Ito ang simula
ng pananakop ng Hapon
na tumagal hanggang sa
bumalik ang mga
Amerikano noong 1945.