Ang ikatlong republika ng Pilipinas ay naitatag matapos ang pagpapahayag ng kasarinlan noong Hulyo 4, 1946, sa ilalim ng pamumuno ni Manuel A. Roxas bilang unang pangulo. Nahaharap siya sa mga hamon tulad ng pag-angat ng ekonomiya mula sa digmaan, pagpapanatili ng kapayapaan, at paglikha ng amnestiya para sa mga political collaborators. Si Roxas ay pumanaw noong Abril 15, 1948, at pinalitan siya ni Elpidio Quirino bilang pangulo.