MGA LAYUNIN AT
MAHAHALAGANG
PANGYAYARI SA
PANANAKOP NG MGA
HAPONES
Inihanda ni: Prescila A. Ambata
POKUS NG ARALIN
Ang pokus ng araling ito ay ang motibo ng mga
Hapones sa pagsakop sa bansang Pilipinas at
paglalarawan ng pananakop na ito sa bansa.
Ang pagkontrol sa ekonomiya ng bansa ay isa
lamang sa mga layunin nila tungo sa hangaring
imperyalismo at maipagpatuloy ang adhikaing
pagbuo at pagpapalawak ng samahang Greater
East Asia Co-Prosperity Sphere.
PANIMULA
Nakipagdigma ang bansang Japan sa mga
bansa sa Asya. Sinakop nito ang Manchuria
noong 1932, ang malaking bahagi ng China
noong 1937, at ang hilagang France Indochina
noong 1940.
PANIMULA
Ang Pilipinas ay inanyayahan ni Arita, Ministrong
Panlabas ng Japan, na makiisa sa kaniyang
programa na Sama-samang Kasaganaan ng
Kalakhang Silangang Asya (Greater East Asia
Co-Prosperity Sphere). Hindi naniwala ang mga
Pilipino sa pang-aakit na ito dahil ayaw nilang
mapasailalim pang muli sa mga dayuhan.
Tumanggi sila sa paanyaya.
PANIMULA
Dahil sa nakaambang panganib, tinipon ni
Heneral Douglas MacArthur, na siyang
namumuno sa hukbong sandatahan ng
Pilipinas, ang reserved forces at regular armed
forced ng Pilipinas. Isinama niya ang Hukbong
Amerikano na nakatalaga sa Asya.
Pinaghandaan nila ang posibleng
pakikipaglaban.
DISYEMBRE 07,
1941
PAGBOMBA SA
PEARL
HARBOR
01
Noong ika-7 ng
Disyembre 1941,
binomba ng mga
Hapones ang Pearl
Harbor sa Hawaii sa
utos ng Hukbong
Imperyal ng Hapon.
PAGBOMBA SA PEARL HARBOR
Malaki ang napinsala sa United States dahil ang
lakas pandagat nito ay nasa Pearl Harbor.
Tinawag ang pangyayaring ito na “Araw ng
Kataksilan”. Ito ang naging hudyat ng Ikalawang
Pandaigdigang Digmaan sa Pasipiko. Dahil ang
Pilipinas ay nasa ilalim ng United States noon,
nasangkot ang mga Pilipino sa digmaan.
PAGBOMBA SA PEARL HARBOR
Naging napakabilis ng mga pangyayari. Ilang
oras lamang matapos ang pagbomba sa Pearl
Harbor, ika-7:55 ng umaga, nilusob naman ng
kanilang mga eroplanong pandigma ang Clark Air
Field sa Pampanga at ang Nichols Air Base. Ang
Davao ay binomba rin nila pati na ang Baguio,
Tarlar, at Tugegarao. Ang Maynila ay binomba
noong umaga Disyembre 8.
PAGBOMBA SA PEARL HARBOR
Upang maiwasan ang higit pang malaking pamiminsala at
pansamantalang matigil ang paglusob ng mga Hapones,
ipinahayag ni Heneral Douglas MacArthur na bukas na
lungsod o Open City ang Maynila noong Disyembre 26,
1941. Madali nang nakapasok ang mga Hapones sa
Maynila. Sinira nila ang mga radyong shortwave. Inagaw
nila ang mga sasakyan, tirahan, at pagkain ng mga
Pilipino. Nilapastangan at pinagmalupitan nila ang mga
mamamayan. Malaking hirap ang dinanas ng ating kapwa
Pilipino noon.
PAGBOMBA SA PEARL HARBOR
Samantala, inatasan ni Pangulong Franklin
Roosevelt si MacArthur na tumungo sa Australia,
ngunit bago siya lumisan ipinahayag niya ang
“Ako’y Magbabalik” (I Shall Return).
PAGLILIPAT NG PAMAHALAANG
KOMONWELT
Bago pa ipahayag na Open City ang Maynila,
inilipat ni pangulong Quezon sa Corregidor ang
Pamahalaang Komonwelt. Si Jose P. Laurel ang
naatasang maiwan sa Maynila upang sumalubong
sa mga Hapones. Sinikap ni Laurel na pangalagaan
ang taumbayan laban sa kalupitan ng mga
Hapones at panatilihing buo ang bansang Pilipinas.
Ang Maynila ay naiwan sa pamumuno ni Jorge
Vargas bilang nahirang alkalde ng lungsod.
PAGLILIPAT NG PAMAHALAANG
KOMONWELT
Samantala, nagpatuloy si Quezon sa pagganap sa
tungkulin bilang Pangulo ng Pilipinas. Pormal na
itinalaga si Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt
noong Disyembre 30, 1941.
LABANAN SA
BATAAN
02
LABANAN SA BATAAN
Isa sa mga kilalang pangyayari sa Ikalawanng
Digmaang Pandaigdig ay ang Labanan sa Bataan.
Noong panahong iyon, si Heneral Edward P. King
ang naatasang mamuno sa pakikipagdigmaan sa
Bataan. Noong Abril9, 1942, ang kumander ng
hukbong Hapon sa pamumuno ni Hen. Masaharu
Homa ay sumalakay sa Bataan.
LABANAN SA BATAAN
Buong tapang at giting na nakipaglaban ang mga
Estados Unidos Armed Forces in the Far East
(USAFFE) laban sa mga Hapones. USAFFE ang tawag
sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na
nakipaglaban sa mga Hapones. Subalit dahil isa sa
matinding kalagayan ng mga kawal (gutom, uhaw, sakit
at hirap), sumuko ang mga pwersang USAFFE sa mga
Hapon nang panahong iyon sa pangunguna ng
Kumander ng Hukbo na si Hen. King. Ang pagsuko na
ito ang nagbigay hudyat ng pagbagsak ng Bataan.
DEATH
MARCH
LABANAN SA BATAAN
April 9, 1941 nang pasimulan ng mga Hapones ang
nakapanlulumong Death March. Inilipat ang mga
sumukong sundali sa Kampo O’Donnel sa Capas,
Tarlac. Ang mga 30,000 sundalong bihag, kasama na
ang mahihina, maysakit, at sugatan ay pinalakad mula
Bataan hanggang Tarlac. May 5,000 ang namatay sa
sakit o sugat, o kaya’y pinatay sa saksak ng bayoneta
habang lumalakad nang walang pahinga, pagkain, at
inumin. Marami sa kanila ay tumakas. Ang mga
nahuling tumakas ay pinagbabaril.
LABANAN SA
CORREGIDOR
03
LABANAN SA CORREGIDOR
Simula noong Abril 29, 1942, isang linggong walang tigil
na pagbobomba ang ginawa ng mga Hapones sa
Correigidor. Ito ang kaarawan ng kanilang pinuno na si
Emperor Hirohito. Noong Mayo 4, 1942 ang
pinakamahirap na araw na naranasan ng mga sundalo
dahil sa walang tigil na pag-ulan ng bala at kanyon.
Noong Mayo 5, ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at
Amreikano ang lahat ng kanilang makakaya sa
pagtatanggol ng Corregidor subalit nagapi pa rin sila ng
mga Hapones.
LABANAN SA CORREGIDOR
Sa pagsuko ng Corregidor noong Mayo 6, 1942, ganap
nang bumagsak ang buong bansa sa kamay ng mga
Hapones. Ngunit kahit na sumuko ang halos 12,000
sundalong Pilipino, hindi pa rin nagwakas ang digmaan.
Matibay ang hangarin ng mga Pilipino na makamit ang
kalayaan. Sinikap nilang makamit ito. Nagpatuloy ang
mga Pilipino sa paglaban bilang mga gerilya.
PAMAMAHALA
NG
KOLONYALISMON
G JAPAN
PAMAHALAA
NG MILITAR
04
PAMAHALAANG MILITAR
Lubusang nasakop ng mga Hapones ang
Maynila noong Enero 2, 1942. Ipinahayag
agad ni Heneral Masaharu Homma ang
kawalang-bisa ng kapangyarihan ng Amerika
at ang kanilang patakaran sa pananakop.
Siya ang punong komander ng Japan at ng
Hukbong Sandatahan ng Imperyong
Hapones.
PAMAHALAANG MILITAR
Ang napiling maging pangulo ng Komisyong
Tagapagpaganap (Executive Commission) ay
si Jorge Vargas, ang alkalde ng Maynila.
Inatas siya ng mataas na pamunuang Japan
na itinalagang mga tagapayo na mga
Hapones sa bawat kagawaran.
PAMBANSAN
G ASAMBLEA
05
PAMBANSANG ASAMBLEA
Ang Pambansang Asamblea na dating nasa ilalim
ng Pamahalaang Komonwelt ay hinayaang manatili
ng mga Hapones. Subalit wala na itong kalayaan ay
kapangyarihang gumawa at magpatupad ng mga
batas. Ang pamunuang military ng mga Hapones
ang namahala sa paggawa at pagpapatupad ng
mga kautusang pampangasiwaan at nagpatibag ng
mga batas.
ANG MGA
HUKUMAN
06
ANG MGA HUKUMAN
Ang dating Tagapagsalita o Ispiker ng Asamblea ng Komonwelt
na si Jose Yulo ang napiling Punong Mahistrado ng Kataas-
taasang Hukuman.
Nanatili ang mga dating hukuman ngunit inalis at pinigilan ang
mga kalayaan nito. Ang tanging kapangyarihan nito ay ang
lumitis sa mga usaping sibil at criminal na kinasangkutan ng
mga Pilipino lamang. Ilan sa mga usaping ito ay ang mga
nauugnay sa trapiko, pagpatay, at ang salang bigamya. Ngunit
madalas din itong pakialaman ng mga Kempeitai, ang mga
pulis-military na Hapones. Nawalan ng kalayaang magbigay ng
makatarungang halot ang mga hukom.
MGA NAWALANG KARAPATAN
Totalitaryan ang pamahalaang pinairal ng
pamahalaang military ng mga Hapones. Binuwag
nila ang pamahalaang demokratikong ipinakilala ng
mga Amerikano. Maraming ipinagbawal ang
Pamahalaang Japan at ang mga karapatan ng mga
mamamayan ay nawala tulad ng:
MGA NAWALANG KARAPATAN
1. Karapatang mabuhay nang Malaya
2. Karapatang ituring na walang sala hangga’t hindi
napatutunayan sa makatarungang paglilitis
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag at
paglilimbag
4. Karapatang magsagawa ng tahimik na
pagtitipon
5. Karapatang makapaglakbay
6. Karapatang mahalal na pinuno ng bayan
PAGTATAG
NG KALIBAPI
07
KALIBAPI
Ang lahat ng mga lapiang pampolitika ay binuwag
ng mga Hapones. Ang tanging partidong tinangkilik
ng mga Hapones ay ang Kapisanan ng Paglilingkod
sa Bagong Pilipinas o KALIBAPI. Ito ay ipinalit sa
mga binuwag na Partido at pinamumunuan ni Jorge
Vargas at pinamahalaan ni Benigno Aquino Sr.
PREPARATORY COMMISSION FOR PHILIPPINE
INDEPENDENCE
Noong Hulyo 19, 1943, idinaos ng KALIBAPI ang
Pambansang Kumbensiyon upang humirang ng 20
kaanid sa Komisyon sa Paghahanda sa Kalayaan
ng Pilipinas (Preparatory Commission for Philippine
Independence o PCI). Napiling pangulo si Jose P.
Laurel. Ang kaniyang pangunahing tungkulin ay
balangkasin ang bagong Saligang Batas.
PANOORIN
NATIN!
CREDITS: This presentation template was created by
Slidesgo, including icons by Flaticon and infographics &
images by Freepik
SALAMAT!
Hanggang sa susunod muli.

GRADE 6 AP WEEK 5.pptx

  • 1.
    MGA LAYUNIN AT MAHAHALAGANG PANGYAYARISA PANANAKOP NG MGA HAPONES Inihanda ni: Prescila A. Ambata
  • 2.
    POKUS NG ARALIN Angpokus ng araling ito ay ang motibo ng mga Hapones sa pagsakop sa bansang Pilipinas at paglalarawan ng pananakop na ito sa bansa. Ang pagkontrol sa ekonomiya ng bansa ay isa lamang sa mga layunin nila tungo sa hangaring imperyalismo at maipagpatuloy ang adhikaing pagbuo at pagpapalawak ng samahang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
  • 3.
    PANIMULA Nakipagdigma ang bansangJapan sa mga bansa sa Asya. Sinakop nito ang Manchuria noong 1932, ang malaking bahagi ng China noong 1937, at ang hilagang France Indochina noong 1940.
  • 4.
    PANIMULA Ang Pilipinas ayinanyayahan ni Arita, Ministrong Panlabas ng Japan, na makiisa sa kaniyang programa na Sama-samang Kasaganaan ng Kalakhang Silangang Asya (Greater East Asia Co-Prosperity Sphere). Hindi naniwala ang mga Pilipino sa pang-aakit na ito dahil ayaw nilang mapasailalim pang muli sa mga dayuhan. Tumanggi sila sa paanyaya.
  • 5.
    PANIMULA Dahil sa nakaambangpanganib, tinipon ni Heneral Douglas MacArthur, na siyang namumuno sa hukbong sandatahan ng Pilipinas, ang reserved forces at regular armed forced ng Pilipinas. Isinama niya ang Hukbong Amerikano na nakatalaga sa Asya. Pinaghandaan nila ang posibleng pakikipaglaban.
  • 6.
  • 7.
    Noong ika-7 ng Disyembre1941, binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii sa utos ng Hukbong Imperyal ng Hapon.
  • 8.
    PAGBOMBA SA PEARLHARBOR Malaki ang napinsala sa United States dahil ang lakas pandagat nito ay nasa Pearl Harbor. Tinawag ang pangyayaring ito na “Araw ng Kataksilan”. Ito ang naging hudyat ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan sa Pasipiko. Dahil ang Pilipinas ay nasa ilalim ng United States noon, nasangkot ang mga Pilipino sa digmaan.
  • 9.
    PAGBOMBA SA PEARLHARBOR Naging napakabilis ng mga pangyayari. Ilang oras lamang matapos ang pagbomba sa Pearl Harbor, ika-7:55 ng umaga, nilusob naman ng kanilang mga eroplanong pandigma ang Clark Air Field sa Pampanga at ang Nichols Air Base. Ang Davao ay binomba rin nila pati na ang Baguio, Tarlar, at Tugegarao. Ang Maynila ay binomba noong umaga Disyembre 8.
  • 10.
    PAGBOMBA SA PEARLHARBOR Upang maiwasan ang higit pang malaking pamiminsala at pansamantalang matigil ang paglusob ng mga Hapones, ipinahayag ni Heneral Douglas MacArthur na bukas na lungsod o Open City ang Maynila noong Disyembre 26, 1941. Madali nang nakapasok ang mga Hapones sa Maynila. Sinira nila ang mga radyong shortwave. Inagaw nila ang mga sasakyan, tirahan, at pagkain ng mga Pilipino. Nilapastangan at pinagmalupitan nila ang mga mamamayan. Malaking hirap ang dinanas ng ating kapwa Pilipino noon.
  • 11.
    PAGBOMBA SA PEARLHARBOR Samantala, inatasan ni Pangulong Franklin Roosevelt si MacArthur na tumungo sa Australia, ngunit bago siya lumisan ipinahayag niya ang “Ako’y Magbabalik” (I Shall Return).
  • 12.
    PAGLILIPAT NG PAMAHALAANG KOMONWELT Bagopa ipahayag na Open City ang Maynila, inilipat ni pangulong Quezon sa Corregidor ang Pamahalaang Komonwelt. Si Jose P. Laurel ang naatasang maiwan sa Maynila upang sumalubong sa mga Hapones. Sinikap ni Laurel na pangalagaan ang taumbayan laban sa kalupitan ng mga Hapones at panatilihing buo ang bansang Pilipinas. Ang Maynila ay naiwan sa pamumuno ni Jorge Vargas bilang nahirang alkalde ng lungsod.
  • 13.
    PAGLILIPAT NG PAMAHALAANG KOMONWELT Samantala,nagpatuloy si Quezon sa pagganap sa tungkulin bilang Pangulo ng Pilipinas. Pormal na itinalaga si Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt noong Disyembre 30, 1941.
  • 14.
  • 15.
    LABANAN SA BATAAN Isasa mga kilalang pangyayari sa Ikalawanng Digmaang Pandaigdig ay ang Labanan sa Bataan. Noong panahong iyon, si Heneral Edward P. King ang naatasang mamuno sa pakikipagdigmaan sa Bataan. Noong Abril9, 1942, ang kumander ng hukbong Hapon sa pamumuno ni Hen. Masaharu Homa ay sumalakay sa Bataan.
  • 16.
    LABANAN SA BATAAN Buongtapang at giting na nakipaglaban ang mga Estados Unidos Armed Forces in the Far East (USAFFE) laban sa mga Hapones. USAFFE ang tawag sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na nakipaglaban sa mga Hapones. Subalit dahil isa sa matinding kalagayan ng mga kawal (gutom, uhaw, sakit at hirap), sumuko ang mga pwersang USAFFE sa mga Hapon nang panahong iyon sa pangunguna ng Kumander ng Hukbo na si Hen. King. Ang pagsuko na ito ang nagbigay hudyat ng pagbagsak ng Bataan.
  • 17.
  • 18.
    LABANAN SA BATAAN April9, 1941 nang pasimulan ng mga Hapones ang nakapanlulumong Death March. Inilipat ang mga sumukong sundali sa Kampo O’Donnel sa Capas, Tarlac. Ang mga 30,000 sundalong bihag, kasama na ang mahihina, maysakit, at sugatan ay pinalakad mula Bataan hanggang Tarlac. May 5,000 ang namatay sa sakit o sugat, o kaya’y pinatay sa saksak ng bayoneta habang lumalakad nang walang pahinga, pagkain, at inumin. Marami sa kanila ay tumakas. Ang mga nahuling tumakas ay pinagbabaril.
  • 19.
  • 20.
    LABANAN SA CORREGIDOR Simulanoong Abril 29, 1942, isang linggong walang tigil na pagbobomba ang ginawa ng mga Hapones sa Correigidor. Ito ang kaarawan ng kanilang pinuno na si Emperor Hirohito. Noong Mayo 4, 1942 ang pinakamahirap na araw na naranasan ng mga sundalo dahil sa walang tigil na pag-ulan ng bala at kanyon. Noong Mayo 5, ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at Amreikano ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtatanggol ng Corregidor subalit nagapi pa rin sila ng mga Hapones.
  • 21.
    LABANAN SA CORREGIDOR Sapagsuko ng Corregidor noong Mayo 6, 1942, ganap nang bumagsak ang buong bansa sa kamay ng mga Hapones. Ngunit kahit na sumuko ang halos 12,000 sundalong Pilipino, hindi pa rin nagwakas ang digmaan. Matibay ang hangarin ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan. Sinikap nilang makamit ito. Nagpatuloy ang mga Pilipino sa paglaban bilang mga gerilya.
  • 22.
  • 23.
  • 24.
    PAMAHALAANG MILITAR Lubusang nasakopng mga Hapones ang Maynila noong Enero 2, 1942. Ipinahayag agad ni Heneral Masaharu Homma ang kawalang-bisa ng kapangyarihan ng Amerika at ang kanilang patakaran sa pananakop. Siya ang punong komander ng Japan at ng Hukbong Sandatahan ng Imperyong Hapones.
  • 25.
    PAMAHALAANG MILITAR Ang napilingmaging pangulo ng Komisyong Tagapagpaganap (Executive Commission) ay si Jorge Vargas, ang alkalde ng Maynila. Inatas siya ng mataas na pamunuang Japan na itinalagang mga tagapayo na mga Hapones sa bawat kagawaran.
  • 26.
  • 27.
    PAMBANSANG ASAMBLEA Ang PambansangAsamblea na dating nasa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ay hinayaang manatili ng mga Hapones. Subalit wala na itong kalayaan ay kapangyarihang gumawa at magpatupad ng mga batas. Ang pamunuang military ng mga Hapones ang namahala sa paggawa at pagpapatupad ng mga kautusang pampangasiwaan at nagpatibag ng mga batas.
  • 28.
  • 29.
    ANG MGA HUKUMAN Angdating Tagapagsalita o Ispiker ng Asamblea ng Komonwelt na si Jose Yulo ang napiling Punong Mahistrado ng Kataas- taasang Hukuman. Nanatili ang mga dating hukuman ngunit inalis at pinigilan ang mga kalayaan nito. Ang tanging kapangyarihan nito ay ang lumitis sa mga usaping sibil at criminal na kinasangkutan ng mga Pilipino lamang. Ilan sa mga usaping ito ay ang mga nauugnay sa trapiko, pagpatay, at ang salang bigamya. Ngunit madalas din itong pakialaman ng mga Kempeitai, ang mga pulis-military na Hapones. Nawalan ng kalayaang magbigay ng makatarungang halot ang mga hukom.
  • 30.
    MGA NAWALANG KARAPATAN Totalitaryanang pamahalaang pinairal ng pamahalaang military ng mga Hapones. Binuwag nila ang pamahalaang demokratikong ipinakilala ng mga Amerikano. Maraming ipinagbawal ang Pamahalaang Japan at ang mga karapatan ng mga mamamayan ay nawala tulad ng:
  • 31.
    MGA NAWALANG KARAPATAN 1.Karapatang mabuhay nang Malaya 2. Karapatang ituring na walang sala hangga’t hindi napatutunayan sa makatarungang paglilitis 3. Karapatan sa malayang pagpapahayag at paglilimbag 4. Karapatang magsagawa ng tahimik na pagtitipon 5. Karapatang makapaglakbay 6. Karapatang mahalal na pinuno ng bayan
  • 32.
  • 33.
    KALIBAPI Ang lahat ngmga lapiang pampolitika ay binuwag ng mga Hapones. Ang tanging partidong tinangkilik ng mga Hapones ay ang Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas o KALIBAPI. Ito ay ipinalit sa mga binuwag na Partido at pinamumunuan ni Jorge Vargas at pinamahalaan ni Benigno Aquino Sr.
  • 34.
    PREPARATORY COMMISSION FORPHILIPPINE INDEPENDENCE Noong Hulyo 19, 1943, idinaos ng KALIBAPI ang Pambansang Kumbensiyon upang humirang ng 20 kaanid sa Komisyon sa Paghahanda sa Kalayaan ng Pilipinas (Preparatory Commission for Philippine Independence o PCI). Napiling pangulo si Jose P. Laurel. Ang kaniyang pangunahing tungkulin ay balangkasin ang bagong Saligang Batas.
  • 35.
  • 36.
    CREDITS: This presentationtemplate was created by Slidesgo, including icons by Flaticon and infographics & images by Freepik SALAMAT! Hanggang sa susunod muli.