Inilalahad ng powerpoint na ito ang mahahalagang impormasyon ukol sa panunungkulan ni Elpidio Quirino. Mababasa rin dito ang kanyang mga programa at patakarang ipinatupad sa panahon ng kanyang panunungkulan. Makikita rin dito ang mga naging hamon ng kanyang pamahalaan lalo na ang suliranin hinggil sa mga kasapi ng Hukbalahap.
Inilalahad ng powerpoint na ito ang mahahalagang impormasyon ukol sa panunungkulan ni Elpidio Quirino. Mababasa rin dito ang kanyang mga programa at patakarang ipinatupad sa panahon ng kanyang panunungkulan. Makikita rin dito ang mga naging hamon ng kanyang pamahalaan lalo na ang suliranin hinggil sa mga kasapi ng Hukbalahap.
2. Talambuhay
• Pagsilang: Nob. 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur
• Magulang: Mariano at Gregoria Rivera
• Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law)
• Asawa: Alicia Syquia
• Anak: Fe, Armando, Norma, Thomas at Victoria
• Kamatayan: Pebrero 29, 1955 sa Novaliches,
Quezon City
3. Panunungkulang Pampubliko
• Kinatawan ng Ilocos Sur
• Senador
• Gabinete ni Pang.
Quezon (Finance at
Interior)
• Pangalawang Pangulo
• Kalihim ng Ugnayang
Panlabas ng
Administrasyong RoxasPamilya ni Pang. Quirino, (L-R) Victoria,
Conchita at Thomas
4. • Nanumpa bilang pangulo
si Elpidio Quirino matapos
mamatay si Pang. Roxas
noong Abril 15, 1948. Muli
siyang nahalal na pangulo
noong Nobyembre 1949
at nanungkulan hanggang
Disyembre 1953.
Alam nyo ba?
5. • Namatay ang asawa
at tatlong anak ni
Pang. Quirino noong
panahon ng
digmaan. Nang siya
ay naging pangulo,
tumayo bilang first
lady ng bansa ang
bunsong anak ni
Pang. Quirino na si
Victoria.
Alam nyo ba?
6. Mga Programa ng
Administrasyong Quirino
• Pagpapaunlad ng Kabuhayan ng mga Pilipino
• Pagsugpo sa Paglaganap ng Komunismo
• Pagharap ng Suliranin sa mga Huk
7. Ama ng Industriyang Pilipino
• Pinagtuunan ng pansin ng Administrasyong
Quirino ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa
pamamagitan ng industralisasyon.
8. Mga Programang Pangkaunlaran
• Pagpapagawa ng mga farm-to-market roads
• Pagtatatag ng Central Bank of the Philippines
• Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at
Minimum Wage Law upang mapabuti ang
kalagayan ng mga manggagawa
Lumang gusali at logo ng
Bangko Sentral.
9. Pagsugpo sa Paglaganap ng
Komunismo
• Sinikap ng Administrasyong
Quirino ang makipag-ugnayan sa
maraming bansa upang
mabigyang-lunas ang banta ng
komunismo.
• Nanatili bilang aktibong kasapi ng
United Nations ang Pilipinas.
Nahalal bilang pangulo ng UN
General Assembly si Carlos P.
Romulo.
10. Philippine Expeditionary
Forces To Korea (PEFTOK)
• Bilang pakikiisa sa
paglaban ng komunismo,
nagpadala ang Pilipinas
ng mga kawal upang
makipaglaban sa
Digmaan sa Korea (1950-
1953). Isa sa mga kawal
na ipinadala sa Korea ay
si dating pangulong Fidel
V. Ramos.
11. Pagharap ng Suliranin
sa mga Huk
• Itinalaga ni Pang. Quirino si Ramon
Magsaysay bilang Kalihim ng Tanggulang
Pambansa. Dahil dito, unti-unting napasuko
ang mga Huk kabilang na ang pinuno nitong
si Luis Taruc.
12. Amnestiya para sa mga Huk
• Itinatag ng Pang. Quirino ang Economic
Development Corps (EDCOR). Sa ilalim ng
programang ito, lahat ng susukong kasapi ng Huk
ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng
lupang masasaka.
13. Konklusyon:
• Naging matagumpay ang
kampanyang pangkapayapaan
ng Administrasyong Quirino,
subalit nabigo ang kanyang
mga programang
pangkaunlaran sapagkat
laganap ang katiwalian sa
pamahalaan. Dahil dito, siya ay
natalo sa sumunod na halaan
noong 1953 ni Ramon
Magsaysay.