SlideShare a Scribd company logo
1 of 81
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
face-MODYUL
MODYUL
MODYUL SA ARALING
PANLIPUNAN 4
ARALING
PANLIPUNAN
Kagamitan ng Mag-aaral
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
I. LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang:
Matatalakay mo ang konsepto ng bansa
Mabubuo mo ang kahulugan ng bansa
Maipapaliwanag mon a ang Piipinas ay isang bansa
II. Panimulang Gawain
Alamin Mo
Gabay na Tanong!!
 Paano masasabing ang isang lugar ay isang bansa?
 Bakit tinatawag na bansa ang PIlipinas?
 Ano ba nag kahulugan ng bansa?
Aralin 1
ALAMIN NATIN! Natatalakay ang konsepto ng bansa
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Gawain A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang bilang ng pangungusap na
nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa. Gawin sa notbuk.
1. May mahigit sa 100 milyong tao ang naninirahan sa Pilipinas.
2. Ang Pilipinas ay hindi maaaring pakialaman ng ibang bansa.
3. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo ng mahigit sa 7 100 isla.
4. May pamahalaan ang Pilipinas na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga
mamamayan.
5. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iba’t ibang wika.
GAWIN MO
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at
malungkot na mukha kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Pilipinas ay isang bansa.
2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.
3. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para maging isang bansa ang isang
lugar.
4. Ang Thailand ay maituturing na isang bansa dahil ito ay malaya, may sariling teritoryo at
pamahalaan, at may mga mamamayan.
5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling pamahalaan ay hindi
maituturing na bansa.
Gawain B. Iguhit ang saranggola sa papel. Isulat
sa apat na bahagi ng saranggola na may bilang ang
mga elementong dapat mayroon ang isang lugar
para matawag itong bansa. Ipaliwanag ang bawat
isa
III. Ebalwasyon
IV. Karagdagang Gawain
Muling balikan at pag-aralan ang aralin.>___<
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
F9PS-Ia-b-41
2. Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa
akda. F9PB-Ia-b-39
3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda. F9PU-Ia-b-41
MODYUL SA FILIPINO 9
Anim na sabado ng beyblade
Ni Ferdinand Pisigan Jarin
Aralin 1.2
ALAMIN NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Aralin
1.2
Beyblade, maraming-maraming beyblade. Isa, dalawa
hanggang lima. Makukulay na Beyblade. Pula, itim, asul, berde,
pilak, ginto, dilaw – basta sari-saring kulay. Gawa man sa plastik o
bakal, basta may beyblade na mabibili ‘pag sabado. Inaasahan ko
na ito tuwing sabadong magkikita kami ng aking bunsong si Rebo.
Tiyak na magpapabili siya ng paboritong laruang Beyblade. Kaya
naman inihahanda ko na ang aking bulsa. May halagang 30
hanggang 50, o higit pa. Depende sa ganda ng disenyo at yari.
Inihahanda ko na rin ang katawan ko dahil tiyak, mas karga ang
gusto niya papunta sa paboritong tindahan sa talipapa ng aming
baranggay.Mga 500 metro rin ang layomula sa bahay ng akingina
kung saan kami nagkikita tuwing sabado. Magpapababa lang siya
kapag mismong nasa harap na kami ng tindahan at kaya na niyang
ituro at hawakan ang paboritong laruan. Palapit pa lang kami ay
sasalubong ng nakangiti ang tindero. Kilala na kaming mag-ama.
Alam na ang iskedyul ng aming pagpunta. Handa ng magturo ng
mga bagong labas na disenyo na maaaring magustuhan ni Rebo.
Mas una kasing tinitingnan ni Rebo ang kulay at disenyo.
Pangalawa na lang kung plastik o bakal ang yari. Pero batay sa
karanasan, mas makiling si Rebo sa plastik.Kung ihahambing sa
pagkahilig niya sa iba pang laruang umaandar, (trak-trakan man o
kotse-kotsehan),mas madalasniyanglaruinang Beyblade.Siguro’y
dahil mas maliititongdi hamak sa trak-trakan o kotse-kotsehan. At
di tulad ng dalawa, maaari itong dalhin kahit saan. Huhugutin lang
sa bulsa. Kay Rebo, tiyak na may huhugutin kahit saang bulsa. Sa
bulsa ko, kapagmayhawakna siyangBeybladena “panlaban,” tiyak
ding kamay na lang ang laman.Patagalan ng pag-ikot sa loob ng
platapormang bilog ang labanan ng Beyblade.
Ni Ferdinand Pisigan Jarin
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Ang tumalsik palabas, talo. Ang unang huminto kahit nasa
loob pa ng plataporma, talo. Si Rebo, batay pa rin sa karanasan,
madalas talsikan ng Beyblade. Subalit di tulad ng ibang batang
madalas mawalan ng gana dulot ng pagkatalo, patuloy ang
paglaban ni Rebo. Lalo niyang hihigpitan ang hawak sa matigas na
pising may mala-lagareng mga ngipin. Tatatagan ang kapit sa
mala-baril na patungan ng Beyblade. At mabilis na hahatakin ang
pisi palabas mula sa makipot na butas ng patungan na
magtatanggal at mabilis na magpapaikot sa mala-flying saucer na
Beyblade pabagsak sa plataporma upang muling
makipaglaban.Apat na sabadong nakipaglaban ang aking bunso
ng Beyblade sa plataporma ng laro. Labing-isang buwan siyang
nakipaglaban sa kanser sa kanyang dugo sa ospital ng
karamdaman.Sa katuladkong guro, bakasyonang Abril.Sa katulad
ng bunso kong mag-aapatna taon, panahon ito ng mas maraming
nakakatandangpinsangmakakalaro.HulinglinggongMarsotaong
2003, nang lagnatinsiya ng isanglinggo.Mataposanglagnat,ilang
araw na di nagkakain at tuluyang namutla, pagsapit ng unang
sabado ng Abril ng aming pagkikita, halos ayaw na niyang
magpababa mula sa pagkakakarga dulot ng madaling
pagkapagod. Hanggang unti-unting lumitaw ang mga pasa. Una’y
sa binti,tapos sa braso,hanggangmatagpuanna rin itosa kanyang
paa, dibdib at hita. Ang kanyang labi’y parang ibinabadna sa suka.
Klinika, ‘yung pinakamalapit na klinika ang agad na tinakbo ng isip
ko. “Meron akong limang daan, hahanap pa ako ng pandagdag
kung kinakailangan, pangalanan niyo lang ang mga sintomas na
nararamdaman ng anak ko!” Ito ang mga eksaktong salitang
gustong-gusto kong sabihin sa unang doktor na titingin sa aking
anak.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Subalit umabot na sa tatlong libo, pakikiusap at
pangungutang, tatlong doktor at dalawang klinika,
pagpapamanhidsa sarili upangdi matinagsa palahawngtinutusok
na anak ay di pa rin namin nalaman ang pangalan ng kanyang
karamdaman.Mabilis na tibok ng puso na di normal sa kanyang
edad. Kulang sa dugo. Mga tanging interpretasyon ng mga doktor.
Mga interpretasyong di tapos. Kailangan pa ng ibayong pagsusuri
ng mas dalubhasa. Marami pang pagtusok at palahaw. Kirot at
nginig ng kalamnan. Dagdag na pagpapamanhid sa katauhan ng
mga magulangatiba pangnagmamahal.Mabigat,subalitpinatatag
ko di lamang ang aking tuhod kundi pati dibdib sa pagkakatayosa
loob ng ospital. Anuman ang maging resulta, kailangangg
nakahanda ako. Palibhasa’y pinakamalaking pampublikong ospital
ng bansa, tila mahabang ahas ang pila ng mga taong
kinabibilangan ng kanyang ina. Mahabang pila ng “Hospital Card”
na magsisilbing pasaporte upang makausap ang doktor na mas
dalubhasa sa nararamdaman ng aking anak. Nung araw na iyon,
ayaw bumaba ni Rebo mula sa aking bisig. Kahit na maaari din
naman siyang kargahin ng kanyang ina. Ang gusto niya, si Taytay
lang ang kakarga. Si Naynay ang pipila at hawakan ko ang kanyang
Ate Kala gamit ang libreng kamay. “Kasi sabado, di dapat agad
matapos ang sabado. Di dapat mawala agad si Taytay dahil
maghihintayna namanng panibagongsabadooarawna tatapatan
ng kanyang suweldo bago siya muling makita. Di bale nang
mawalay kay Naynay ng ilang oras, kasama naman siya araw-araw.
Basta si Taytay lang muna ang kakarga, hahawak, kukuwentuhan,
kakalaruin, pabibilhin ng “Ays Wis” (ice cream) at “Babuygyam”
(bubble gum) at hihigaan sa dibdib kasi sabado pa!”
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Alam ko, ito ang mga eksaktong salitang nais niyang
sabihinkung kaya langidetalyengkanyang murangisipat bigkasin
ng kanyang bulol na dila nung araw na iyon.Mag-iisa’t kalahating
taon na kaming hiwalay ni Joida bilang mag-asawa nang
magkasakitsi Rebo.Maramingdi mapagkasunduan.Magkaiba ang
direksiyong tinitingnan. Idagdag pa ang madalas na kawalan ng
pera. Resulta ng maaga at di handang pag-aasawa. Ayaw ko nang
idetalye pa kung paano kami naghiwalay. Basta magulo. Isa sa mga
nakalipasna inilibingko na sa lupalopngmga kinalimutanggunita.
Gayunpaman, dumating ang puntong kailangan naming kalimutan
ang di pagkakasundo at maging sibilisado para sa mga bata. Ito na
‘yung panahon na mag-isa na akong namumuhay sa ayaw-
ipaalam-kahit-kanino na lugar. Ang mga anak ko ay itinira naman
ni Joida sa bahay ng kanyang Ina’t kapatid. Pinalad na akong
makapagturosa isangprestihiyosoatmalakingpribadongpaaralan
ng mayayaman at makaranas na ng paghugot ng sapat ng sahod
sa ATM.At di tuladng ibangamangnag-iwan-ng-taeangkonsepto
ng pakikipaghiwalay, siniguro kong mas malaking bahagi ng aking
“dalawang lingguhang yaman” ay mapupunta sa pagpapalaki ng
aking dalawang anak at magtira na lamang sa sarili ng sapat para
mabuhay ng may konting inom ng alak. Mahal na mahal ko ang
aking mga anak. Kaya masakit ang malamang di pala sapat ang
pagmamahal para ipananggalang sa pag-atake ng malubhang
sakit.“Acute Lymphocytic Leukemia”. Mas kilala sa tawag na “ALL”.
Tipikal na uri ng Leukemia sa mga edad na tulad ng kay Rebo.
Chemo Theraphyang tangingparaanng panggagamot.Mahabang
panahon ng gamutan. Induction, Consolidation, Maintenance
stage.
Tatlong estado ng panggagamot. Anim, apat, pababa sa isa
na matatapang na droga ang dapat pumasok sa murang katawan
ng aking anak. Mga drogang papatay sa mga “Cancer Blast” na
namumuosa loobng kanyangkatawan.Mga drogangwalangmata
at maaaring sirain maging ang mga walang sakit niyang laman-
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Buto, dugo, pesteng buto! Pesteng dugo! Walang
magulang ang nagnanais marinig ang lahat ng paliwanag na ito.
Isa lang ang malinaw: hindi pagtatae o lagnat ang nararamdaman
ng aking anak, unti-unti na palang siyang namamatay.Naaalala ko
pa, di ko mapigilang maluha sa loob ng taxi habang ingat na ingat
na hawak ko ang lalagyan ng dugong ipasusuri sa isang malayo at
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Ayawko nang magdagdagngsakit. Dahil alamkongsimula
sa arawna iyon, di ko na kailangangimbitahinpa anghirapat sakit.
Kusa na silang darating.Tatagal kami sa ospital. Isang buwan,
dalawa, apat, di ko alam kung gaano karami basta sigurado ko,
tatagal kami.Paulit-ulitkongisinaksak ang isipingitosa aking utak.
Nais kong makapaghanda, “gagaling si Rebo, lalakas si Rebo, di
mamamatay ang aking anak!” Kailangang maging handa.
Kailanganglaginghanda.Kailangandapathanda!“Tapospoakong
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Sa lugarna ito, libreman anghigaanat pagkain,kailangang
mong bilhin ang lahat ng gamot at kagamitang kakailanganin sa
gamutan. Ako, totoong may trabaho, subalit kailangang nandito
kami upang makatipid. Walo, pito, anim na libo ang halaga ng
gamot ni Rebo lingo-linggo. Di pa kasama ang halaga ng mga
ineksiyon, dextrose, mga tubo, espesyal na pagkaing malimit
niyang hilingin, bayad sa laboratoryong wala sa loob ng ospital na
nagsusuri sa kanyang dugo hanggang sa pamasahe. Mapurol ka
man sa matematikal na kaalaman, dito, tiyak na tatalas ka, lalo na
sa pagkukuwenta ng pera at malalim na buntong-hininga.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Kaya’t wala pang isang buwan, wala ng di nakakakilala sa
Charity Ward kay Rebo bulol at kulit.Tulong. Laksa-laksang tulong.
Kahit anong uri ng tulong ang kinailangan ko para mabuhay ang
aking anak. “Ma, nagpadala na ba ang Tita Naida? E, ang Lola
Conching?” “Kap, salamat sa pera ha!” “Kagawad, paano nga uli
pumunta ng Sweepstakes office? Salamat nga pala uli dun sa mga
koleksiyon sa mga zone leader. Napaiyak pa pala si mama sa
harap.” “Tita Marylyn, bayaran ko na lang ‘pag nakaraos” “Ano?!
Galing ‘to sa koleksiyon ni Tita Jean sa mga estudyante?” “Tita Vic,
dito muna si Kala ha! Di puwedeng umalis si Joida sa ospital, e”
“Kala, ‘wag malikot ha! Behave ka dito!”“Tol, nasabihan mo na ba
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Tiyak kong hindi na siya bulol sa panahong ito.Sa labas ng
ospital nagmistulang batang walang sakit ang aking si Rebo. Laro
dito, laro doon. Kain dito, kain doon. Maliban na lamang sa
pagkakataong kailangan naming bumalik sa ospital para sa sesyon
ng Chemo Therapy.Tuwing matataposangsesyon, tatlongarawna
lantang-gulay ang anak ko. Walang gustong lunukin kundi
malamig na tubig. Walang gustong kagatin kundi yelo. “An ini ‘tay
nan aawano!” (anginit ‘tay ng katawanko!) Suka ng suka at todong
bugnutin. Ayaw ng maingay. Ayaw ng magulo. Iritado. Pero
pagdating ng ikaapat na araw. Balik na sa normal ang lahat.
Gigisingng maaga,sasamangmaghatidatsusundosa kanyang Ate
Kala sa eskuwelahan. Makikipaglaro sa kanyang Ate Kala pagkauwi
nito galing sa pag-eeskuwela. Subalit ang pinakagusto niyang
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Ang pinakamasakit, bagong kirot ng katawan at
pangwawasakngkaluluwa ang paulit-ulitna mararanasanng aking
anak. Subalit di na siya pumayag.Tatlong araw bago matapos ang
Enero nang sundin ko ang kahilingan ng aking anak. “ Uwi na ‘ayo
‘tay! Ayaw o na a uspi-al. Di o na aya.” ( Uwi na tayo Tay. Ayaw ko
na sa ospital. Di ko na kaya.) Mabigat sa dibdib. Ang totoo, ang
kanyang ina, pati na ang ilang kapamilya ay nagsabi na sa akin na
ipaubaya na lang sa Panginoon ang kapalaran ng aking anak.
Disyembre pa lang nang malamang malubha uli ang kanyang
karamdaman. Natatandaan kong nagwala ako sa ganito kababaw
na argumento. Pinakatanga at palasukong argumento ang tingin
ko sa ganito. Sinigawan ko sila. Inaway. Subalit sumunod ako nang
si Rebo na ang nagsalita. Gusto ko mang ituloy pa ang laban, kahit
marami pang damdaming masagasaan, pinatigil ko na ang
gamutandahil hindi na niya kaya. Pinatunayan na itonang paglitaw
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag
kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday Rebo!”.
Kailangangdi niya malimutanangarawna ito.Dapatpinakamasaya
ang sabadongitosa lahatngsabado.Maraming –maraminglaruan.
Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote
Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito
niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya
ang lahat ng ito at marami pang iba sa kanyang kaarawan. Sa
kanyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa
araw.Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay
mulingnaglarong Beybladekasama angmga pinsan.Tatlongaraw
bago dumating ang ikatlong sabado, sorpresa ko siyang dinalaw.
Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na
niya makuhang laruin ang Beyblade bagamat ayaw niya itong
bitawan sa loob ng kanyang kamay o di kaya’y bulsa. Ang
nakapangagalit, unti-unti na namang nalalagas ang kanyang
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Naglalambing ang aking anak. Nagpabili siya kasi nais
maglambing ng aking anak. Nang kami’y pumasok na sa loob ng
bahay,naiwangnilalangamna angnakabukas ngunit di nagalawna
mga kendi sa amingkinaupuan.Tuluyan na siyang nakalbopagsapit
ng ikatlong sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok.
Sa kanyangmuling pagka-irita,sinabunutanniya ang kanyangsarili
upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon,
kinumbida ng isa kong kasama sa trabahoangisang Mascotupang
bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo ng walang bayad.
Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at
makatawa, kitang-kita sa kanyang mata ang kasiyahan. Isang
kasiyahang unti-unting humina at nawala.Di na maikakaila ang
mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat
na sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng Beyblade
upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kanyang
pagsasalita. Kaya’t kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa
lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na Helicopter
na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng
pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng
matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isa’t kalahating
oras siyang naghirap. Nabulag, nanigas, nilabasan ng maraming
dugo sa bibig, at naghabol nang naghabol ng hininga. “ Hindi
nangyayari ito! Walang nagyayaring ganito.Mabubuhay ang anak
ko! Sabi niya hindi niya kami iiwan ng Ate Kala niya! Nasaan ang
mapayapang paraan ng pagkamatay na sinasabi n’yo!” Nais kong
isigaw ito sa lahat ng kapamilyang nakapaligid sa amin subalit
walang lumabas sa aking bibig. Pinipi ako ng malakas nilang pag-
iyak. At bilang isang nagnanais maging mabuting ama, nang alam
kong di na kaya pang lumaban ng aking anak, pinabaunan ko siya
ng halik at hinayaan ko na siyang lumisan. “ Sige na ‘Bo. Salamat sa
apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.” At saka ako umiyak nang
umiyak.Hindi ko man lang naranasang ihatid siya sa eskuwelahan.
Di na namin nagawang makapag-usap nang masinsinan bilang
mag-ama. Magkuwentuhan tungkol sa panliligaw habang
nagtatagayan.Magtalo, magdebate, magsama sa lakaran. Nakuha
kaya niyangmangarapkahitapatna taon langang kanyang naging
buhay? Paano na si Kala? Sila lamang ang magkakampi mula nang
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Nakapaloob sa puting supot na binuhol nang maayos. Ang
maraming-maraming Beyblade ay ipinatong ko sa malamig at
matigas ng kamay ng may-ari bago tuluyang ibaba at tabunan ng
lupa ang kabaong. Ikaanim na sabado nang paglabas ni Rebo sa
ospital. Huling sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal.
Wala na ang Beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang
nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar
na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang
magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming
mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot
ng pagkalungkot.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
1 Sabado
2 Sabado
3 Sabado
4 Sabado
5 Sabado
6 Sabado
Sagutan ang graphic organizer sa ibaba. Ibuod ang mga mahahalagang
pangyayaring naganap sa bawat sabado buhat sa kuwento.
MODYUL SA FILIPINO 9
Gawain 5. Timeline
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Sitwasyon
• Posibleng Katugunan
Paano kung nabuhay si
sa kabila ng kaniyang sakit
ano kaya ang kaniyang
magiging kalagayansa
kasalukuyan?
Paano kaya kung walang
ama si Rebo na nagpadama
sa kaniya ng pagmamahal
Paano kung ikaw ang nasa
kalagayn ng ama ni Rebo
ano ang maaring mong
gawin
MODYUL SA FILIPINO 9
Gawain6. What if Chart
Sagutan ang graphic organizer sa ibaba. Punan ang bawat kahon base sa
mga palagay o halimbawang sitwasyon kung sakaling ito ay nangyari sa
akdang binasa. Ilagay ay iyong ang posibleng tugon o hatol na nararapat
dito.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Simula
Suliranin
Saglit na
kasiglahan
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas
MODYUL SA FILIPINO 9
Gawain7. Pagtukoy sa Kabuon ng Pangyayari
Isulat sa kahon ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kwento batay
bahagi nito.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay.
F9WG-Ia-b-41
Aralin 1.3
ALAMIN NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Aralin
1.3
"Oh baka mapaaway ka na naman Impen" saad ng ina na
pina ngangaralan na naman sya.
"Hindi ho" saad ni Impen
"Bayaan mo nga yung mga yon. wag mo na lang pansinin
para di ka mapa away" muling tugon ng ina
May iba pang sinasabi ang ina ni Impen ngunit di na nya ito
pinansin. Paulit ulit na nyang naririnig ito kaya't naririndi na ang
kanyang tenga.
Pagkatapos mag hilamos ay agad nang kumilos si Impen
para magpalit ng damit. Kahit antok pa ay kailangan na nyang
lumakad para di tanghaliin at makasahod ng tubig.
Naroon na naman siguro si Ogor. Kahit sya ang nauuna sa pila ay
lagi pa rin syang inuunahan ni Ogor para sumahod ng tubig.
"Si Ogor Impen, wag mo nang papansinin" pahabol na
banggit ng ina bago sya umalis
Tuwing umaga ay umaalis si Impen para umigib at laging
pinaaalalahanan ng ina na wag nang pansinin si Ogor dahil talaga
raw na basagulero ito.
Si Ogor na kamakailan lang ay umaway sa kanya.
"Ang itim mo Impen" laging tukso nito
"Kapatid mo ba si Kano?" saad ng isa pang naroroon (Si
Kano ay kapatid ni Impen sa ama, maputi ito kaya't nabansagang
kano)
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
"Sino ba talagang tatay mo?" muling hirit nito
"Sino pa edi si Dikyam" sagot naman ni Ogor (Si Dikyam ay
isang karakter sa komik strip ni Tony Velasquez, ito'y sundalong
maitim)
Tawanan ang mga naroroon.
Si Ogor ang itinuturing na hari ng gripo na kanilang
sinasahuran
"Eh ano kung maitim?" saad naman ni Impen
Sa katagalan ay natanggap na ni Impen ang panunuksong
iyon sapagkat ito ay totoo. Ang kanyang ama ay isang negrong
sundalo na iniwan ang kanyang ina pagkapanganak pa lamang sa
kanya.
"Sari sari ang mga kapatid ni Negro, baka makatatlo pa
nanay nya" muling panunukso ni Ogor. Natatandaan nya ang mga
panunuksong iyon at mula noon ay naging mitsa na iyon ng
kanyang paghihimagsik sa pook na iyon na ayaw mag bigay sa
kanya ng katahimikan.
Haloskasing gulangni Impen si Ogor ngunit hamakna mas
matipuno ang pangangatawan nito. Malakas si Ogor at hindi ito
yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig.
Nang marating na ni Impen ang hulihan ng pila ay ibinaba
na nya ang kargang timba na walang lamang tubig. saad sa sarili
na sana ay huwag siya ang maging paksa na naman ng mga
agwador (taga-igib ng tubig). Nakaanim na karga na ng tubig si
Impen. Ngunit may isa pang nagpapa igib sa kanya. "Negro!"
nagulat sya ng marinig iyon. Nasa likuran nya lamang si Ogor
Kapag tag-araw ay malakas ang kita ng mga agwador
sapagkat mahina ang tulo ng tubig sa kanilang pook at bihira ang
may poso.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
"Wag kanang mag bibilad doon ka sa lamig" Saad nito at
isinahod na ang dalang balde sa gripo
Napakatagal ng oras para sa kanya ang pag puno ng balde
ni Ogor. Napabuntung hininga na lamang sya ng malapit nang
mapuno ang ito.
Katwiran nya sa wakas makakaalis na ito at wag na sanang
bumalik.
Tuwang tuwa si Impen nang mapuno na din ang isa pang balde ni
Ogor.
"Makakasahod na rin ako" sabi niya sa sarili
Daraan pa pala sya sa tindahan ni Taba at bibili ng gatas
para sa bunso nyang kapatid.
Nang isasahod na ni Impen ang kanyang balde ay isang
makapangyarihang kamay ang pumatong sa kanyang balikat. si
Ogor ito. "Gutom na ako Negro, ako muna" saad ni Ogor
"Kadarating mo lamang Ogor" Mariing tutol ni Impen
"Ako muna sabi eh!" tugon ni Ogor
Agad na itinabi ni Impen ang balde na nakatingin pa rin kay
Ogor at itinapon nya ang konting laman nito.
"Uuwi nako" bulong ni Impen sa sarili
"Anung ibinubulong mo?" saad ni Ogor
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Maya maya pa ay nabuwal si Impen at tumama ang pisngi
sa labi ng nabiyak na timba. Napasigaw ito sa sakit.
Hinipo ni Impen ang pisngi, basa ito...mapula...dugo.
"O-ogor..O-ogor...Ogor!!!!" sa wakas ay naisigaw ni Impen
Hindi nagustuhan ni Ogor ang pagsigaw nito kaya't sinipa
niya si Impen at nagtauban ang mga balde. Bumaliktad si Impen at
tumawa ng malakas si Ogor. Humihingal at lumuluha si Impen sa
tinamo nya kay Ogor. Muli ay sinipa sya ni Ogor sa kanyang pigi at
namilipit sya sa basang semento.
Matagal din bago napawi ang kirot sa pigi ni Impen, maya
maya lamangaybumangonat itinukod nya angkamay sa semento.
Si Ogor,simula noon ay inituringna syang kaaway.Bakitsya
inaapi nito. Nanginginig sa galit ang katawan ni Impen. Nang muli
syang sisipain ni Ogor at parang asong sinunggaban ni Impen ang
kanang paa nito. Nawalan ng balanse si Ogor at silang dalawa ay
nagpagulong gulong. Nang mapaibabawsi Impen ay walang tigil
niyang pinagsusuntok si Ogor. Sinunod sunod nya ito na wari ay
papatayng tao. Papatayin nya si Ogor. Sunod sunod na suntok ang
pinakawalanni Impenat si Ogornaman ay tila asongnag pupumilit
umibabaw. Sa isang iglap naman ay siya ang napailaliman.
Tinanggap nya ang mga suntok ni Ogor. Hindi nya nailagan ang
mga suntok nito sapagkat nasisilaw sya sa araw. Tila manhid na si
Impen, wala syang maramdamang sakit. Buong pwersang umigtad
at napailalimanmuli si Ogor. Natadtadngsuntok si Ogor sa mukha,
sa dibdib.
Sa mga suntok ni Ogor ay tila nasalinan pa sya ng lakas.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Mahina na si Ogor, Lupaypayna. Humihingal na rin si Impen
sa walang tigil na suntok.
Ang sabog na labi ni Ogor ang nagsasabing
"I-Impen...."
Muli ay itinaas ni Impen ang kamay upang suntukin pa si
Ogor
"I-Impen...su-suko nako...su-suko na..a-ako..."
Ibinaba na ni Impen ang kanyang kamay.
Napasuko nya si Ogor.
Ilangsandali lamangaydahandahannang tumayosi Impen
habang nakatingin pa rin kay Ogor. Wasak ang kanyang suot at
duguan ang likod. May basa pa ng dugo ang kanyang mga labi.
Walang nakakibo sa mga agwador na naroroon. Walang
pagtutol sa mga mata ng mga ito bagkus ay paghanga.
May luha man sa mata ay may galak ding nadama si Impen.
Sa matindingsikatng araw, tila isangsugatang mandirigma
si Impen.
Nakatayo sa pinagwagihang larangan.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Gawain 8. Pagtukoy sa Kabuon ng Pangyayari
Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari piliin sa baba ang angkop
na bilang ng puso ilagay ito sa comment section.
1.May luha man sa mata ay may galak ding nadama si Impen.
2. Walang nakakibo sa mga agwador na naroroon. Walang pagtutol sa mga
mata ng mga ito bagkus ay paghanga.
3. "Ako muna sabi eh!" tugon ni Ogor Ilang sandali lamang ay dahan dahan
nang tumayo si Impen habang nakatingin pa rin kay Ogor.
4. Wasak ang kanyang suot at duguan ang likod. May basa pa ng dugo ang
kanyang mga labi.
5. "Kadarating mo lamang Ogor" Mariing tutol ni Impen
6. Nang isasahod na ni Impen ang kanyang balde ay isang
makapangyarihang kamay ang pumatong sa kanyang balikat. si Ogor ito.
"Gutom na ako Negro, ako muna" saad ni Ogor
7. Tuwang tuwa si Impen nang mapuno na din ang isa pang balde ni Ogor.
"Makakasahod na rin ako" sabi niya sa sarili Daraan pa pala sya sa tindahan
ni Taba at bibili ng gatas para sa bunso nyang kapatid.
8. Napakatagal ng oras para sa kanya ang pag puno ng balde ni Ogor.
Napabuntung hininga na lamang sya ng malapit nang mapuno ang ito.
Katwiran nya sa wakas makakaalis na ito at wag na sanang bumalik.
9."Hindi ho" saad ni Impen "Bayaan mo nga yung mga yon. wag mo na lang
pansinin para di ka mapa away" muling tugon ng ina May iba pang sinasabi
ang ina ni Impen ngunit di na nya ito pinansin. Paulit ulit na nyang naririnig
ito kaya't naririndi na ang kanyang tenga.
10. "Oh baka mapaaway ka na naman Impen" saad ng ina na pina
ngangaralan na naman sya.
1 2 3 4 5 6 7 9
8 10
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ngkatotohanan,kabutihan
at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela.
F9PN-Ic-d-40
2. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela. F9PN-Ic-d-40
3. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda.
F9PN-Ic-d-40
4. Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan.
F9PN-Ic-d-40
5. Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili.
F9PS-Ic-d-42
6. Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin /
akala / pahayag / ko, iba pa) F9PS-Ic-d-42
MODYUL SA FILIPINO 9
Aralin 2
ALAMIN NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Aralin
2.1
Kabanata 6
Ang Liwanag ng Kalunsuran
Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahaykainan. Sa
oras na ito, sa halip na sabihing umakyat ako sa kuwarto sa itaas na
dati kong tinutulugan, binulyawan nila ako. Ako raw ay isang
bugaw, at ang matandang babaeng nagdala ng mga katulong ay
di na nagbalik upang bayaran ang aking upa sa pagtulog. Ngunit
masuwerte pa nga raw ako ngayo’t pinayagang muling matulog
dito sa tinatawag nilang lagusan, at pababalikin nila ang
matandang babae upang magbayad ng upa. Hindi na ako
nakipagtalo sa kanila. Tumuloy lang akong parang walang narinig.
Nakatungo ang ulo at mabilis na dumaan sa kusina at humantong
sa patio na tinatawag nilang “lagusan.” Buti na
lang, hindi ako nag-iisa. Higit sa sampung tao ang naroon.
Nakahiga at nakaupo sa banig na nakalatag sa malalapad
na tabla habang natatanglawan ng liwanag ng buwan. Tila
tambakan ng tabla ng mga kahoy ang patio ng bahaykainang ito.
Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito. Makikita sa paligid
ang marumi, mataas, manipis na dingding, at bubungang
nanlilimahid sa kaitiman. Sa kanang bahagi ay naroon ang
kulungan ng manok, sa harap ay ang
baradong kanal at ang alingasaw ng di-umaagos nitong pusali; sa
kaliwa ay isang kubetang bukas para sa publiko. Nalungkot ako sa
liwanag ng buwan. Nang tumabi ako sa mga taong naroon, nakita
ko ang tatlong batang nakasama kong matulog sa kuwarto sa itaas
dalawang gabi ang nakalipas. Di man lang mabanaag ang
kalungkutan o pag-aalala sa musmos nilang mga mukha.
Samantala, napakamiserable ng hitsura ng iba, sa damit pa lang
nila’y sapatnang masaksihanangpaghihirapna kanilangdinaranas
sa tanang buhay
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
May isang kalbong napakaputla ng mukha. Ngunit dahil sa kabataan
tila normal siyang pagmasdan, at tingin ko’y kalalabas lang niya ng
ospital o bilangguan. Nakaupo siyang
dinidilaan ang isang pirasong papel na nababahiran ng itim na
sangkap. Noong una’y di ko alam ang kaniyang ginagawa, ‘yun pala
hinihimod niya ang tira-tirang opyo.Ang isa nama’y may
napakahabang leeg at may nakatapal na tatlo hanggang apat na
gamut na plaster dito. Nakaupo siya at nakatingala, tulad ng isang
astrologo na nagmamasid sa mga bituin. Ang ikatlong bata ay
maingay na nagkakamot, at habang umuupo siya’y umuubo at
dumudura. May isang matandang babae na maayos ang kasuotan
ngunit walang kibo’t buhaghag ang
pagmumukha. Nakaupo siyang hawak ang isang pamaypay na yari sa
hiyas na kawayan na ipinapaypay sa mukha ng iba pa na tila kaniyang
mga anak. Ang anim pang iba, na nakasuot ng gusgusing damit ng
magsasaka, ay mahimbing na natutulog. Di man lang ako pansinin ng
sinuman sa kanila nang mahiga ako sa banig. Sigurado akong wala
silang kapera-pera kaya nga’t dito sila nakatulog gayundin, tulad ng
kanilang bulsa, wala ring laman ang kanilang tiyan. Samantala, ninais
nilang tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang may-ari ng bahay, kundi
dahil puwede silang makalabas upang mamalimos at makabalik
upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-ari. At kung mayroon
man silang nakulimbat, tiyak nakahanda ring bilhin ito ng may-ari.
Hindi dahil sa nais ng may-ari na biglang gawing bahay ng
kawanggawa ang kaniyang tahanan. Sa kanilang hitsura ng
pananamit, ang labintatlong ito ay hindi taga-siyudad. Galing sila sa
probinsiya dahil wala silang mahanap na trabaho roon upang
makakain nang
dalawangbesessa isangaraw.Sinisilawatsinusuhulan sila ng siyudad.
Nang umalis sila sa probinsiya, hindi nila alam na ito ang kanilang
kahihinatnan.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Tiwalangmakakakita ng trabahongmaipagmamalaki nila.Ibiniladang
kanilang mga sarili sa araw at sinuong ang
ulan habang namamalimos ng pera o isang takal ng bigas bago
makarating sa Hanoi.
Mahal kong mambabasa, isipin mo lang ang Hanoi: kalye
bawat kalye. Isipin mo ang isang pagod na magsasakang naliligawsa
pasikot-sikot na siyudad. Bawat kalye’y may bahay, daanan, at
eskinitang tila pare-pareho at walang katapusan. Isang magsasaka
ang lakad nang lakad, napapagod, at tumitigil. Nagugutom siya
ngunit walang makain, dahil wala siyang pera. Nais niyang
magpahinga ngunit walang matuluyan, dahil wala siyang pambayad.
Pagod man siya, kailangan niyang sumulong. Magdahan-dahan man,
hindi na siya makausad. At sa malas, di siya pinahintulutang tumigil sa
siyudad, at kailangan niyang maglakad, pasok nang pasok sa bawat
kalye, minsa’y paikot-ikot nang hindi alam kung saan pupunta.
Pagdatingng interseksyon, nakakita siya ng kulumpon ng mga tao. Sa
tingin niya’y taga-probinsya ang mga ito, tumigil siya. Isang mukhang
matalinongmatandangbabae,na maygintonghikaw,at tila mayaman
ang dating, ang kumaway, hudyat upang tumigil ang magsasaka.
Malakas ang kanyang boses: “Hoy, saan ka pupunta, pagod na pagod
ka? Gusto mo ba ng trabaho? Halika, dali!” Natuwa ang magsasaka
dahil nakasalubong siya ng isang taga-siyudad na handang
makipag-usap. Ngunit para saan? Naawang binanggit ng babae na
tutulungan siyang makahanap ng trabaho! Kaya, sa loob ng ilang
araw, mayroon siyang makakain habang
tumitigil sa pinto ng isang bahay-kainan o sa tabi ng isang sinehan.
Kung tutuusin, ganito ang istorya ng lahat ng mga magsasaka.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Ilang interseksiyon mayroon ang siyudad? Ilang trabaho ang
nakalaan para sa sawing nilalang na nagnanais pumasok sa kalakal
ng mga kasambahay? Ilan ang bilang ng ganitong trahedyang
nagaganap bawat araw sa siyudad?
Ang labintatlong nilalangna ito ay katulad ng mga gamugamong
nasilaw sa liwanag
ng kalunsuran.
Pinatuloysila ng tiwalangmay-ari ngbahay-kainansa isang
sulok ng kaniyangtirahan. Sa araw, naroonsila’t nakahambalangsa
kalsada. Habang naghihintay ng trabaho, untiunti nilang
ginagastos ang kanilang naitatabing pera. Kapag walang natira at
wala pa ring trabaho, at walang madilihensiya, kinakailangan na
nilang itaya ang kanilang buhay. Ang mga babae ay nasadlak sa
pagbebenta ng laman at ang lalaki’y nakagagawa ng krimen. At
ngayon, bagopa lumala angkalagayan,sila’ynakahimlayattahimik
na naghihintay sa unos na darating.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Gawain 9. Story Board
Mga pangyayaring nabasa sa nobela.
+
+
+
Katotohanang
napakinggan sa
nobela
Katotohanang
napakinggan sa
nobela
Katotohanang
napakinggan sa
nobela
Sagutan ang graphic organizer na nagpapakita ng katotohanan,
kabutihan, at kagandahan na nabasa sa nobela. Magdidikit ng larawan
kaugnay nito.
Ilista sa kahon ang mga tauhan na may tunggaliang tao laban sa sarili na naganap
sa noblea ilista sa baba ang patunay rito.
Gawain 10. Tunggalian
• Patunay
1. Tauhan
• Patunay
2. Tauhan
• Patunay
3. Tauhan
Tunggaliang Tao laban sa Sarili
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Gawain 11. Story Board
Ilista sa kahon ang mga daya;logi o pahiwatig na pangungusap na kumintal sa
iyong isipan mula sa napakinggan/nabasang nobela. Bigyan Ito ng sariling
iterpretasyon.
DAYLOGO
interpretasyon
interpretasyon
interpretasyon
Suriin ang iyong nabasang nobela at bigyan ito ng marka batay sa inihandang pamantayan
Gawain 12. Story Board
Kategorya
Nilalaman
Organisasyon
Gramatika
Pangangatwiran at
rasyonalisasyon ng
Ideya
Napakahusay
(10-9)
Taglay ng nobela ang malalimna
pagdukal sa antas ng sangkap na
paksa at sa lipunang ginagalawan
nito.
Napakahusay ng organisasyonng
mga ideya. Tiyak ang pagkakasunod
nito na siyang nagpaganda sa daloy
ng kwento.
Kapansin-pansinangpagkakagamit
ng gramatika at retorika sa mga
pangungusap na mayroong
pagkakaugnay-ugnay sa isa't isa
Nasagot ang lahat ng katanungan
at nagamit ng husto ang mga
impormasyon na may kaugnayansa
paksa
Mahusay
(8-6)
Taglay ng nobela ang malalimna
pagdukal sa antas ng sangkap na
paksa ngunit uhawsa paglakip sa
sitwsayon o kalagayanng lipunan
Mahusay ang organisasyon nungit
may malubay na organisasyon ng
ideya kasama angmarapat na
transisyon at pagtataposnito
Wasto ang gamit ng gramatika.
Gumamit ng mayaman at iba't
ibang salitang angkop sa nilalaman
ng nobela
Nasagot ang lahat ng katanungan
at paglilinaw habang umuusad ang
pangyayari sa kwento
Katamtaman
(5-1)
Naipakita ng nobela ang ilang
kariktan ngunit hindi nabigyng
pansin ang kabuon
Mramaingpuntos angnakalilito
daan para hindi lubos na
maunawaanng mambabasa
May wastong gamit nggramatika
ngunit ang ilan ay hindi gaanong
nabigyan ng pansinupang lubos na
mapalutang ang nilalaman
Nasagot ang ilang katanunganat
paglilinaw sa mga tanongsa
kuwento
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Gawain 13. Story Board
Bigyang opinyon ang nabasang Kabanata ng nobela sa pamamagitan ng mga
pahayag sa ibaba.
•paliwanag
Sa palagay ko noong
una
•paliwanag
Akala ko
•paliwanag
Napagtanto ko
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa
napakinggang tula. F9PN-Ie-41
2. Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano
F9PN-Ie-41
3. Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa
ilang taludturan. . F9PN-Ie-41
4. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng rehiyong Asya. F9PU-Ie-43
MODYUL SA FILIPINO 9
Aralin 3
ALAMIN NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay,at
malayangpaggamitngmga salita sa ibat-ibangestilo,Kungminsanitoaymaiksi o mahaba.Itoaybinubuo
ng saknong at taludtod na karaniwang wawaluhin,lalabindalawahin,lalabing-animin at lalabing-waluhing
pantig.
Mga uri ng Tula:
Tulang pasalaysay - ito ay nagsasalaysay,naglalarawan ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay na
matatagpuan sa mga linya o berso na nagbabahagi ng isang kwento
Tulang pandulaan - ito ay isang patulang usapan ng isang pagtatanghal na naglalarawan ng mga
tagpong lubhang madula na maaring makatulad,makaparehas,o maiba sa nagaganap sa pang araw-araw
na buhay.
Tulang liriko - ito ay ang pagtatampok ng isang makata ng kanyang sariling damdamin,iniisip at
perssepsyon. Ang tulang liriko ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng kalungkutan,pag-
ibig,kaligayahan,kabiguan at iba pa ito ay maikli at payak na uri ng tula.
Tulang patnigan- ito ay kilalang tulang sagutan sapagkat ito ay itinatanghal ng mga nagtutunggaliang
makata ngunit hindi sa paraang padula kundi sa paraang patula na tagisan ng talino at katuwiran ng mga
makata.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/447250#readmore
Alam mo ba?
May isang isang katutubong anyo ng
pagtula na mula sa mga Hanunoo
Mangyan. Ito ay ang Ambahan isa sa
mga sinaunang anyo ng pagtula ng mga
Bisaya.
Aralin 3 ALAMIN
NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Mga Elemento ng Tula:
Sukat - ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod.na karaniwang may sukat na waluhan,labing-
dalawahan at labing-animan na pantig.
Tugma - ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula ng
angkin nitong himig o indayog.
Talinghaga - dito ay kinakalilangan ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag.
Kariktan - ito naman ang malinaw at di malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga
mambabasa.Sinasabing ang isang tula ay mahusay kung mayroong impresyon na hindi malilimutan ng
isang mambabasa.
Aralin 3 ALAMIN
NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Uri ng tulang liriko
Awit - ito ay may paksa ng pagmamahal o pag-ibig, pagmamalasakit at pamimighati.
Soneto - itoaymaylabingapatna latudtoditoaytungkol sa damdaminatkaisipanna mayroongmalinaw
na kabatiran sa likas na pagkatao
Oda - ito ay mayroong istilo at kaisipan higit na dakila at marangal,walang tiyak na bilang ng pantig o
taludtod sa isang saknong.Elehiya-ito ay nagpapahayag ng damdamin tungkol sa kamatayan, tula ng
pagtangis o pag-alala sa isang yumao.
Dalit - ito ay maikling papuri sa Diyos o sa mahal na Birhen na may aliw-iw subalit hindi kinakanta.
Uri ng tulang pasalaysay
Epiko - ito ang pagsasalaysay ng kabayanihan na halos hindi naman mapaniwalaan sapagkat nauukol sa
mga kababalaghan.
Korido - ito ay karaniwang mahaba at may magandang banghay ng mga pangyayari na isinasalaysay. Ito
ay may walong pantig sa bawat taludtod.
Awit - ito ay may malambing at magandang pangungusap na nangangailangan ng malalim na kaisipan.
Nagtataglay ito ng 12 pantig sa bawat taludtod.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/447250#readmore
Aralin 3 ALAMIN
NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Uri ng tulang Patnigan
Balagtasan- itoay isangdebatena binibigkasngpatula,itoay ipinangalansa isangtanyagna manunulat
na si Francisco “Balagtas” Baltazar.
Karagatan - ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan ay pag mayroong lamay. Halimbawa,kunyari ay
mayroong matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro, pagkatapos ay paiikutin ang isang tabo na may
tanda. Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot nito,ang matatapatan ay tatanungin ng dalaga ng mga
salitang matalinghaga o makahulugan.
Duplo - ito ang uri ng tulang patnigan na labanan at pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katuwiran
na patula.ang mga pagbigkas ay galling sa mga kasabihan, salawikain at bibliya.
Mga manunulat ng Tula:
Julian Cruz Balmaceda“Bukas” at” Ulila”
Jose Corazon deJesus(kaunahang hari ng Balagtasan) “Ilawsa Kapit-bahay” Angmanokkung Bulik” atbp.
Ildefoso Santos“Ang Mithi” “Ang Gabi”
Teodoro Gener “Ang Guro” “Ang Pag-ibig”
Lope K. Santos “Kalansay” Butil” Abo”
Inigo Ed Regalado “Laura” “Kahapon”
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/447250#readmore
Aralin 3 ALAMIN
NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa
napakinggang tula. F9PN-Ie-41
2. Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano
F9PN-Ie-41
MODYUL SA FILIPINO 9
Aralin 3.1
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Aralin
3.1
Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi't sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw'y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.ng mga
ito bagkus ay paghanga.
May luha man sa mata ay may galak ding nadama si Impen.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Gawain 2. What if Chart
ILapat ang iyong sariling damdamin patungkol sa nabasang tula. Gamitin
ang Story Board sa pagbibigay ng antas sa iyong sagot.
Gawain 14. Story Board
Antas ng damdamin
+ + +
damdamin 1 damdamin 2 damdamin 3
Lumikha ng 2 saknong na tula na may apat na taludtod na nasa anyong
malaya man o tugma. Ilahad ang iyong pananaw sa nabasang tula
patungkol sa kulturang asyano.
Gawain 15. Pan-Tula(pananaw na tula)
MODYUL SA FILIPINO 9
Aralin
3.2
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayagsa ilang
taludturan. F9PT-Ie-41
2. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng rehiyong Asya.F9PU-Ie-43
Aralin
3.2
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!
Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas
Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag…
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;
Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.
Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,
Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”
Nang kinabukasang magawak ang dilim,
Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak…
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!
At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao…
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”
At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan,
Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”
MODYUL SA FILIPINO 9
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Tukuyin ang mga magkasingkahulugang pahaya sa mga taludturan na nasa
ibaba at ipaliwanagito ayon sa pagkakagamit sa tula.
Gawain 16. Story Board
PALIWANAG
Magkasingkahulugan Kahulugan
1.
2.
3.
4.
5
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Tukuyin ang mga taludtod sa iyong binasang tula na nagpapahalaga sa
ugali at kultura ng pagiging mamamayang Pilipino. Isilat ito sa kahon sa
ibaba.
Gawain 17. Tula-Halaga
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayagsa ilang
taludturan. F9PT-Ie-41
2. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng rehiyong Asya.F9PU-Ie-43
3. Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na
katangian ng kabataang Asyano.F9PU-If-44
4. Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayagng sariling pananaw.
F9PU-If-44
5.
MODYUL SA FILIPINO 9
Aralin 4
ALAMIN NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Sa depinisyon ni Alejandro G. Abadilla, isang sikat na Pilipinong manunulat, ang sanaysay ay “Nakasulat
na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ito ay nanggaling sa dalawang salita, “sanay” at “salaysay“.
Ito ay nakasulat sa anyo ng panitikang tuluyan na kung saan naipahahayag ng manunulat ang kaniyang
matalinong kuro-kuro, damdamin, at reaksyon tungkol sa isang mahalagang isyu o paksa.
Kahulugan ng Sanaysay
Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw. Ito
rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o
pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan lamang na isang paraan
upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid
sa kapwa tao.
Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa paggawa ng mainam
na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng
paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.
Alam mo ba?
Na ang ama ng sanaysay ay si Alejandro "Aga" G. Abadilla. Siya rin ang
tinagguriang Ama ng Malayang Taludturan sa Pilipinas.
Aralin 4 ALAMIN
NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Mga Uri ng Sanaysay
Sulating Pormal o Maanyo
Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay
naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang
lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay
nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling
isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng
pananaliksik.
Sulating Di-pormal o Impormal
Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro
at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang
kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang
pagkatao.Karaniwanna ang mga sanaysayna di pormal aynaglalamanngnasasaloobatkaisipantungkol
sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.
Aralin 4 ALAMIN
NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan
F9PT-If-42
2. Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood
na debate o kauri nito. F9PD-If-42
3. Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na
katangian ng kabataang Asyano.F9PU-If-44
4. Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayagng sariling pananaw.
F9PU-If-44
MODYUL SA FILIPINO 9
Aralin
4.1
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong
babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaaakit ng aking loob! Iyong
masaya,may tiwala sa sarili,masigla’tmaagapna hinaharapangbuhay,
puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling
kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong
panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig
ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae
na tumatanaw sa malayong kanluran.
Kung pahihintulutanlamangngmga batasngaking bayan,wala
akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga
nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit
nakatali akosa mga lumangtradisyonghindi maaaringsuwayin.Balang
araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang
malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon,
ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam moba
kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito nang buong
puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at
kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang
hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga
institusyon namin. Wala akonginiisipgabi’taraw kundi ang makagawa
ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong
para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito,
kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang
tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa
mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong
pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang
puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at
kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo?
Aralin
4.1
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo,
marikit at bagongsilang na Europe ay nagtutulak sa aking
maghangad ng mga pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit
noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang
salitang “emansipasyon;” may isang naiibang kabuluhan ito, isang
kahulugang hindi maaabotngaking pang-unawa.Gumigisingitosa
akin para hangarinang pagsasarili atkalayaan – isangpaghahangad
na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga
kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-
aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan. Patuloy na
lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa
akin, at sa kasiyahanng ilangnagmamahal sa akinat sa kalungkutan
ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat,
sumibol hanggang sa lumakas at sumigla. Ngayo’y kailangang
sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaeng anak ng Regent ng Japara. Ako’y
may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran
Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang
kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya
rin ang kauna-unahang Regent ng gitnang Java na nagbukas ng
pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat – ang
sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong
European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon)
ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at
nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking
nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang
kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang
pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan
dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong
lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands, at
naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng
pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming
lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-
aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay arawaraw
para pumasok sa eskuwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na
lumabasmanlamangngbahayangbabae.Hindi kami pinapayagang
pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging
lugar na pagtuturongmaipagmamalaki ngsiyudad naming na bukas
sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay
itinali sa bahay – kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at
pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong
nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil
liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang
di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking
ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang
huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na
mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang
musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa.
Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan.
Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na
pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging
kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at
ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang. Dutch na hindi naman
ipinagbawal. Ito – ito lamang ang nag-iisang liwanag na
nagpakulaysa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung
inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-awa ang kalagayan ko.
Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa.
Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas – ang Diwa ng
panahon; umalingawngaw
sa lahat ng dako ang mga yabag niya.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
At ang pag-aasawa para sa amin – mababaw pa ngang
ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi
magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga
batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at
kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?
Pag-ibig! Anong nalalaman namin dito ukol sa pag-ibig? Paano
namin maiibigan ang isang lalaking hindi namin kailanman nakilala? At
paano nila kami iibigin? Hindi yata maaaring mangyari iyon. Mahigpit
na pinaghihiwalay ang mga kabataang babae at lalaki, at kailanma’y
hindi pinapayagang magkakilala.
MODYUL SA FILIPINO 9
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Magtala ng mga salita na may koneksyon sa kahon. Gamitin ang web map
upang ipaliwanag ang iyong sagot.
Gawain 18. Pagpapalawak ng Talasalitaan
Babae
Tatalakayin ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng
sariling pananaw. Basahin ang mga pahayag sa ibaba at susuriin ang mga
pahayag kung paano ito nagagamit bilang pagpapahayag sa sariling
pananaw.
Gawain 19. Kasanayang Panggramatika
1. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang
panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na
henerasyon.
2. Palagay ko masuwerte ang mga babaeng Pilipina kaysa sa mga babaeng Indonesian dahil
nakakamit nila ang kalayaan sa pagpili ng makakatuwang sa buhay.
3. Sa aking opinyon, ang pag-ibig ay hindi dapat ipinagkakasundo, ito ay kusang umuusbong sa
bawat puso ng indibiduwal.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Suriin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon mula sa teksto batay sa:
a. sariling ideya (thinking pattern)
b. ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa katauhan ng nagsasalita
Gawain 20. Sanaysay Kilatis
Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaengmoderno” iyong babaeng malaya,
nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili,
masigla’tmaagapna hinaharapangbuhay,puno ng tuwa atsigasig,pinagsisikapan
hindi lamang ang sariling kapakanan kundi maging ang kabutihan ng buong
sangkatauhan.
At ang pag-aasawa para sa amin–mababaw pa ngang ekspresyon
ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon,
kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor
para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon;
kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi
pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa
ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking
maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang
pamilya.
Pag-ibig! Anong nalalaman namin dito ukol sa pagibig? Paano namin maiibigan
ang isang lalaking hindi
namin kailanman nakilala? At paano nila kami iibigin?
Hindi yata maaaring mangyari iyon. Mahigpit na
pinaghihiwalay ang mga kabataang babae at lalaki, at
kailanma’y hindi pinapayagang magkakilala.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Panoorin ang video ng debate sa link na nasa ibaba. Suriin ang paraan ng
pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa
napanood na debate o kauri nito.
Ibahagi sa klase ang iyong sagot.
(https://www.youtube.com/watch?v=ENt8Tjro9Vk)
Gawain 21. Debate Kilatis
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa
kasiningan ng akda. F9PN-Ig-h-43
2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababagoang estruktura
nito. F9PN-Ig-h-43
3. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula.
F9PUIg-h-45
MODYUL SA FILIPINO 9
Aralin 5
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Ang dula ayon kay:
Aristotle Ito ay isang imitasyono panggagagad ngbuhay.
SaucoIto ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa
pamamagitan ng kilos ng katawan,dayalogo at iba pang aspekto nito.
Schiller at Madame De StaeleIto ay isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang
bayan.
RubelIto ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento.
Ano ng aba ang dula?
Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ang pagpapahalaga sa dula
ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga dula ay maaaring hango sa tunay na buhay
o isinulat bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat o script writer.
Uri ng Dula Ayon sa Anyo:
1. Komedya
2. Melodrama
3. Trahedya
Alam mo ba?
Ang dula ay hango sa salitang Griyego na “drama” na
nangangahulugang gawin o ikilos.
Aralin 5 ALAMIN
NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Ang komedya ay dulang nagdudulot ng kasiyahan o katatawanan sa mga manonood gamit ang mga
abilidad ng mga gumaganap sa paglalapat ng pagpapatawa sa iskrip o linyang binibitawan. Ang
halimbawa ng dulang ito ay “Bakit Ang Babae Ang Naghuhugas ng Pinggan?”
Ang melodramaay dulangmaykasiya – siyangwakas para sa pangunahingtauhan. Ito rin ay nagtataglay
ng mga malulungkot na tagpo na inilalapat sa mga pananalita at damdaming ipinahahayag ng mga
tauhan at minsan ay nagtatapos sa kasawian ng bida. Ito ay karaniwang nilalapatan ng musika at
ginagawang dulang pangmusika. Ang halimbawa ng melodrama ay MaraClara.
Ang trahedyaay dulangang pangunahingtauhan ay masasawi ohahantongsa kanyang kabiguanngunit
karaniwang may makabuluhang pagtatapos. Ang halimbawa ng trahedya ay Hiblang Abo.
Bahagi ng Dula:
Ang simula ang unang bahagi ng dula na karaniwang nagpapakilala sa mga tauhan at nagbibigay linaw
sa tagpuan ng dula.
Ang gitna ang bahaging naglalahad ng kasukdulang ng dula.
Ang wakas ang dulong bahagi ng dula na nagbibigay linaw sa kinahinatnan ng pangunahing tauhan sa
dula.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/161435#readmore
Aralin 5 ALAMIN
NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Ang mga manonood ang nagbibigay – halaga sa dula . Ang karaniwang target ng pagtatanghal ng dula
ay ang mga manonood.
Ang tanghalan ay tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang isang dula. Ang
tanghalan ay maaaring isang kalsada, isang silid, o isang tahanan na napili upang pagtanghalan ng dula.
Ang tema ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa
tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon, pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng
mga aktor sa tanghalan. Ipinalalabas ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng malinaw na
pagkakabigay ng tema ng dula.
Aralin 5 ALAMIN
NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Elemento ng Dula:
Actor dayalogo tema
Director iskrip
Manonood tanghalan
Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng
dayalogo o bumibitaw ng mga linya. Sila rin ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na pinanonood
ng mga tao sa tanghalan.
Ang dayalogo ang mga binibitatawang linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga
malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.
Ang direktor o taga – direhe ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-i-interpret ng iskrip
mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit o kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
Ang iskrip ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon sa isang iskrip kaya naman walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng
isang dula.
Aralin 5 ALAMIN
NATIN!
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa
kasiningan ng akda. F9PN-Ig-h-43
2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababagoang estruktura
nito. F9PN-Ig-h-43
3. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang
dula. F9PUIg-h-45
MODYUL SA FILIPINO 9
Aralin
5.1
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Mga Tauhan:
Tiyo Simon—isang taong nasa katanghalian ang gulang, may
kapansanan ang isang paa at may mga paniniwala na hindi
maunawaan ng kanyang hipag na relihiyosa.
Ina—ina ni Boy
Boy—pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang.
Oras—umaga, halos hindi pa sumusikat ang araw.
Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na
kinapapatungan ng mga langis at pomada sa buhok, toniko, suklay, at
iba panggamitsa pag-aayos.Sa itaasng tokador,nakadikitsa dingding
ang isang malaking larawan ng birheng nakalabas ang puso at may
tarakng isangpunyal. Sa tabi ng nakabukasna bintana sa gawingkanan
ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng
kariwasaan.
Sa pagtaas ng tabing, maikikita si Boy na binibihisan ng kanyang ina.
Nakabakas sa mukha ng bata ang pagkainip samanatalang sinusuklay
ang kanyang buhok. (Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang
ayos ng anak, saka ngingiti.)
INA: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyanka muna atako naman
ang magbibihis.
BOY: (Dadabog) sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
INA: Ayaw mong magsimba! Hindi maa...pagagalitin mo na naman ako,
e! At anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito na
pangiling-araw?
BOY: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ...Tiyo Simon...
INA: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang...patawarin ako ng
Diyos.
BOY: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa)
makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon...
Aralin
5.1
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
INA: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang...patawarin ako ng
Diyos.
BOY: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa)
makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon...
INA: (Sa malakas na tinig) makikipagkuwentuhan ka? At anong
kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng
Panginoon?
BOY: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
INA: A, husto ka na...husto na bago ako magalit nang totohanan at
humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa
kalooban.
BOY: Pero...
INA: Husto na sabi , e!
(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi
pantay, palapit sa nakapinid na pinto sa silid, saglit na titigil ang yabag;
pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.)
INA: (Paungol) uh... sino ‘yan?
TIYO SIMON: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong...
(Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon.
Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.)
TIYO SIMON: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may
itinututol si Boy...
BOY: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo
rito. Hindi ako sasama kay Mama.
INA: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, kuya. Hindi nga
raw sasama sa simbahan...
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob,
hahawakan ang balikat ni Boy.)
TIYO SIMON: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy.
Kung gusto mo...kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at
ako’y magbibihis...magsisimba tayo.
(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kanyang Tiyo Simon, ngunit
hindi makakibo. Ang ina ay namangha rin. Tatalikod
na si TiyoSimonat lalabas.Maiiwangnatitigilanangdalawa,pagkuwa’y
babaling ang ina kay Boy.)
INA: Nakapagtataka! Ano kaya ang nakain ng amain mong iyon at
naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang
lalapit sa Diyos...
BOY: Kung sasama po si Tiyo Simon , sasama rin ako...
INA: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At
kung hindi ay hindi ka rin sasama. Pero mabuti rin iyon...mabuti,
sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi
ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring...
(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga
mata. Magmamalas lamang siBoy.)
INA: (Mahina at waring sa sarili lamang). namatay siyang hindi lamang
nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa
simbahan. Pareho silang magkapatid sila ng iyong amain. Sana’y
magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa
kaluluwa ng kanyang kapatid na sumakabilang buhay na...
(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng
hindi pantay na yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha
ni TiyoSimonsa pinto.Biglangpapahirinngbabaeangkanyangmukha,
pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.)
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
INA: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y...diyan
muna kayo ni Boy, kuya...
(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad
tutunguhin ang isang sopang naroroon, pabuntung-hiningang uupo.
Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan
niya.)
TIYO SIMON: (Maghihikab) iba na ang tumatandang talaga. Madaling
mangawit, mahina ang katawan at...(biglang matitigil nang mapansing
ang tinitingnan ng bata ay ang kanyang may kapansanang paa.
Matatawa.)
BOY: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na
iya’y parusa ng Diyos?...
TIYO SIMON: (Matatawa) sinabi ba ng Mama mo iyon?
BOY: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala
sa Diyos. Hindi raw kasi...
TIYO SIMON: (Mapapabuntong-hininga) hindi totoo, Boy, na hindi ako
naniniwala sa Diyos...
BOY: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kayo
nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo
Simon?
TIYO SIMON: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga
bagay na hindi maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga
bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling
pagkamulat...ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa
ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala.
BOY: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?...
TIYO SIMON: Oo, Boy.Sa akin, angsimbahanayhindi masamangbagay.
Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama.
Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig.
Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
(Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng
mga alaala. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng
tinutugtogna kamapana.Magtatagal nangilangsandali pagkuwa’ytitigil
ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntung hininga si Tiyo Simon,
titingnan ang kanyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at
saka titingin kay Boy).
TIYO SIMON: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan
kong tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko
ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa pilosopiyang
pinanaligan ng kanyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya,
Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan.
BOY: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?...
TIYO SIMON: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon,
walang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang
sa mapag-isa ako...hanggang isang araw ay nangyari sa akin ang isang
sakunang nagpamulat sa aking paningin.
BOY: Ano iyon, Tiyo Simon...?
(Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kanyang lukbutan.
Maglalabas ng isang bagay na makikilala na isang sirang manikang
maliit.)
TIYO SIMON: itoay isang manika ng batangnasagasaanng trak. Patawid
siya noon at sa kanyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ito
ngunit siyang pagdaan ng trak at siya’y nasagasaaan...nasagasaan siya.
Nadurog ang kanyang binti, namatay ang bata...namatay nakita ko, ng
dalawang mata, ako noo’y naglalakad sa malapit...at aking nilapitan, ako
ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang
mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa
kamatayan...
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
BOY: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari Tiyo Simon?
TIYO SIMON: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang
pagbabagosa akingsarili...sapagkatnangyumukoako upang damputin
ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa
bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng Kanyang
buto...ngiting tila ba nananalig na siya ay walang kamatayan...
(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig
lamang si Boy. Muling maririnig ang batingaw sa malayo. Higit na
malakas at madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa
pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo
Simon.)
TIYO SIMON: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na
makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan,
hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapagpaalalang lagi sa akin
ng matibay at mataos na pananalig ng isang batang hanggang sa oras
ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng
isang tao ang pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa
mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian...upang may
makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay.
(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang
matuling yabag na papalapit. Sumungaw ang mukha ng ina ni Boy sa
pinto.)
INA: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. Hinahanapko pa kasi
ang aking dasalan kaya ako natagalan. Tayo na, Boy...Kuya
BOY: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na Mama, kanina pa
nga po tugtog nang tugtog ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka
tayo mahuli, tayo na!
(Muling maririnig ang tugtog ng kmapana sa malayo. Nagmamadaling
lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng
kampana lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing).
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Magbigay ng limang tauhan mula sa dula. Husgahan ito batay sa naging karakter
nito sa. Ilagay ang iyong patunay sa ibaba nito.
Gawain 22. Husga sa Karakterisasyon
Pagsusuri
sa tauhan
Tuhan 1
Tauhan 2
Tauhan 3
husga
husga
husga
patunay
patunay
patunay
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Sagutan ang kahulugan ng tatlong salita batay sa pagkakaiba ng estruktura
nito.
Gawain 23. Husga sa Karakterisasyon
Tiyuhin
Magtiyo Tiyo
Tukuyin ang ilang pangyayari sa loob ng akda. Suriin ito ang pagiging
makatotohanan nito sa pamamagitan ng paghahalintulad sa mga kaganapamn sa
lipunan Asyano.
Gawain 24. Pagsusuri sa Pangunahing kaisipan
Pangyayari Patunay mula sa lipunan
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa
totoo, talaga, tunay, iba pa). F9PS-Ig-h-45
2. Naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey
tungkol sa tanong na: ”Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya
ang iyong nagustuhan?” F9PB-Ii-j-44
Aralin
5.2
MODYUL SA FILIPINO 9
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Madalas kong kontrolin ang mga bagay-bagay at pangyayari sa buhay
ko dahil ayokong-ayokong pumapalpak. Kasi takot akong mawala at
mawalan. Takot akong mawala sa sirkulasyon ng dati nang
nakagawiang
ritmong buhay. Takot din akong mawalannangini-enjoyna pribilehiyo
at
istatus sa buhay. Kaya gusto kong kontrolado ko ang lahat ng bagay sa
aking
buhay.
Ano ang iyong
nadama?
Ano ang binago nito
sa iyong pag-uugali?
Bakit mo ibabahagi
sa iba na basahin ito?
Madalas ko ring makita ang sarili kong walang kontrol – lalo na kapag
ginagawa ko ang isang bagay na gustong-gusto kong gawin, o mga
bagay na gustong-gusto kong mapasaakin; maging materyal man o
hindi. Bunga ng mga ito, madalas mangyari sa akin ang mga labis kong
kinatatakutan: ang pumalpak, ang mawala, at mawalan. Madalas
matuklasan na ang may pakana at may kagagawan ng lahat
ng ito ay ang aking Diyos. Sa likod ng lahat ng mga pangyayaring ito sa
aking buhay ang aking Diyos ang siyang nanggugulo sa akin sukat
masira ang lahat ng plano ko sa buhay. Sa tuwing, ako’y madidismaya
sa kapalpakan ng isang plano, madalas kong maisip na, “Naisahan na
naman ako ng aking Diyos!”
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
Madalas hinahanap ko sa aking sarili ang dahilan kung bakit sa kabila
ng katotohanang ito, hindi pa rin ako matuto-tuto. Plano pa rin nang
plano kahit alam ko namang malaki ang posibilidadna hindi naman ito
matutuloy dahil guguluhin na naman ito ng aking Diyos. Pilit ko pa ring
kinokontrol ang mga bagay kahit alam kong hindi ito nakatutulong sa
akin. Simplelangnamanang gustong sabihinng aking Diyos.Kailangan
kong ibigay ang lahat ng aking pananalig at pag-asa sa Kaniya.
Kailangang hayaan ko ang Kaniyang kamay na siyang magplano para
sa akin. Kailangang ipaubaya ko sa Kaniya ang plano dahil ang totoo,
Siya ang pinakamahusay na arkitekto ng buhay. Simple pero mahirap
gawin. Gayunman, puwedeng gawin. Lalo’t hahayaan ko ang aking
sariling matakot sa mga dati ko nang kinatatakutan: ang mawala at
mawalan. Eh, ano nga kaya kung mawala ako at mawalan? Eh, ano nga
kaya kung talagang hindi ko na makikilala ang aking sarili dahil maiiba
ang nakagawiang leybel sa akin na ikararangal ko? Eh, ano nga kaya
kung maging palpakin ako? Teka, lalo yata akong natatakot. Pero
huhulihin ko ang aking sarili at paalalahanan, hindi naman iyan ang ibig
mangyari sa akin ng aking Diyos. Hindi naman ibig ng Diyos na maging
palpakin ako. Sa halip, ibig Niya akong magtagumpay – ibang
depinisyon nga lamang siguro ng tagumpay. Tagumpay na di materyal.
Tagumpay na magpapalakas sa aking kahinaan.
Tagumpay laban sa takot. Tagumpay laban sa hindi maipaliwanag na
pagkahumaling sa pagkontrol. Tagumpay na sa kabila ng kabiguan ay
Makita ang sariling may bakas pa rin ng tagumpay. Tagumpay na kung
kumawala sa dikta ng nakagawiang ritmo ng buhay. Tagumpay na
bukod-tanging ang aking Diyos lamang at ako ang makauunawa. Kaya
madalas, iniimbitahan ko na ang aking Diyos na bulabugin akosa aking
buhay.
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Sasagutin ang tanong na: Naramdaman mo na bang naiisahan ka ng Diyos sa
iyong buhay, Ano ang implikasyon nito sa iyong personalidad at sa mga taong
iyong nakaksalamuha?
nito sa bansa?
nito.
Gawain 25. Husga sa Karakterisasyon
Humanap ng iyong kaparehang kaklase na kasama mong nag-aaral sa unang
quarter ng pag-aaral na ito. Ibahagi sa isa’t isa ang sariling pananaw tungkol sa
tanong na: ”Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong
nagustuhan?” at bakit? Pagkatapos ay ibahagi ito sa buong klase.
Gawain 26. Think Pair share
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
MODYUL SA FILIPINO 9
Lunsarang Elektroniko:
Lunsarang Elektroniko:
http://emilybayla.blogspot.com/2014/06/kapag-naiisahan-ako-ng-aking-diyos-ni.html
http://angelfernandezportillo.blogspot.com/2016/07/panitikang-asyano-9.html
https://brainly.ph/question/161435
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-sanaysay/
https://brainly.ph/question/1950289
https://philnews.ph/2019/10/15/ang-pagbabalik-ang-tula-na-isinulat-ni-jose-corazon-de-jesus/
https://www.facebook.com/1348751401886883/posts/elehiya-para-kay-ram-pat-v-villafuertekung-ang-
kamatayan-ay-isang-mahabang-pagla/1348756821886341/
https://brainly.ph/question/447250
https://www.marvicrm.com/2017/09/impeng-negro-buod
http://hayzkul.blogspot.com/2016/06/anim-na-sabado-ng-beyblade-buong-kwento.html
https://www.slideshare.net/closet101mirasol/maikling-kwento-69802333
http://filipinosiyam.blogspot.com/2015/07/ang-ama-kuwento-singapore.html
https://www.slideshare.net/closet101mirasol/maikling-kwento-69802333
http://filipinosiyam.blogspot.com/2015/07/ang-ama-kuwento-singapore.html
Pantikang Asyano Modyul Ng Mag-aaral sa Filipino/Republika ng Edukasyon
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4
1. 11. 21.
2. 12. 22.
3. 13. 23.
4. 14. 24.
5. 15. 25.
6. 16.
7. 17.
8. 18.
9. 19.
10. 20
Sagot sa Panimulang Pagtataya

More Related Content

Similar to Q1W1_AP4_0.docx

Mai mai komiks ni polmedina
Mai mai komiks ni polmedinaMai mai komiks ni polmedina
Mai mai komiks ni polmedinaJemimah_01
 
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxQ2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxEDNACONEJOS
 
Karunungang-Bayan-Ppt.pptx
Karunungang-Bayan-Ppt.pptxKarunungang-Bayan-Ppt.pptx
Karunungang-Bayan-Ppt.pptxValenton634
 
DISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSDISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSJayRomel1
 
Akademikong sulatin sa Piling Larang
Akademikong sulatin sa Piling LarangAkademikong sulatin sa Piling Larang
Akademikong sulatin sa Piling LarangStemGeneroso
 
Filipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 4th QuarterFilipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 4th QuarterEDITHA HONRADEZ
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikanModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikandionesioable
 
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptxFILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptxDungoLyka
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekdionesioable
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismodionesioable
 
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdfNang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdfAndreaBobis
 

Similar to Q1W1_AP4_0.docx (20)

Mai mai
Mai maiMai mai
Mai mai
 
Mai mai komiks ni polmedina
Mai mai komiks ni polmedinaMai mai komiks ni polmedina
Mai mai komiks ni polmedina
 
Mai mai
Mai maiMai mai
Mai mai
 
Mai mai
Mai maiMai mai
Mai mai
 
Q4 W4 filipino grade 6
Q4 W4 filipino grade 6 Q4 W4 filipino grade 6
Q4 W4 filipino grade 6
 
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptxQ2 FIL 8 W1-TULA.pptx
Q2 FIL 8 W1-TULA.pptx
 
ESP 6_WEEK 3.pptx
ESP 6_WEEK 3.pptxESP 6_WEEK 3.pptx
ESP 6_WEEK 3.pptx
 
Karunungang-Bayan-Ppt.pptx
Karunungang-Bayan-Ppt.pptxKarunungang-Bayan-Ppt.pptx
Karunungang-Bayan-Ppt.pptx
 
DISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSDISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSS
 
Akademikong sulatin sa Piling Larang
Akademikong sulatin sa Piling LarangAkademikong sulatin sa Piling Larang
Akademikong sulatin sa Piling Larang
 
FILIPINO.pptx
FILIPINO.pptxFILIPINO.pptx
FILIPINO.pptx
 
Filipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 4th QuarterFilipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 4th Quarter
 
3 fil lm q4
3 fil lm q43 fil lm q4
3 fil lm q4
 
NOV-16.pptx
NOV-16.pptxNOV-16.pptx
NOV-16.pptx
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikanModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
 
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptxFILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
FILIPINO_Q1W3_PANGANGALAN-PANGHALIP.pptx
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
 
Modyul 18
Modyul 18Modyul 18
Modyul 18
 
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdfNang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
 

Recently uploaded

AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxLornaBajarOliva
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)AngelicaSantiago45
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 

Recently uploaded (20)

AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 

Q1W1_AP4_0.docx

  • 1. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 face-MODYUL MODYUL MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 ARALING PANLIPUNAN Kagamitan ng Mag-aaral
  • 2. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 I. LAYUNIN Sa araling ito, inaasahang: Matatalakay mo ang konsepto ng bansa Mabubuo mo ang kahulugan ng bansa Maipapaliwanag mon a ang Piipinas ay isang bansa II. Panimulang Gawain Alamin Mo Gabay na Tanong!!  Paano masasabing ang isang lugar ay isang bansa?  Bakit tinatawag na bansa ang PIlipinas?  Ano ba nag kahulugan ng bansa? Aralin 1 ALAMIN NATIN! Natatalakay ang konsepto ng bansa
  • 3. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Gawain A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang bilang ng pangungusap na nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa. Gawin sa notbuk. 1. May mahigit sa 100 milyong tao ang naninirahan sa Pilipinas. 2. Ang Pilipinas ay hindi maaaring pakialaman ng ibang bansa. 3. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo ng mahigit sa 7 100 isla. 4. May pamahalaan ang Pilipinas na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. 5. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iba’t ibang wika. GAWIN MO
  • 4. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at malungkot na mukha kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang Pilipinas ay isang bansa. 2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa. 3. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para maging isang bansa ang isang lugar. 4. Ang Thailand ay maituturing na isang bansa dahil ito ay malaya, may sariling teritoryo at pamahalaan, at may mga mamamayan. 5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling pamahalaan ay hindi maituturing na bansa. Gawain B. Iguhit ang saranggola sa papel. Isulat sa apat na bahagi ng saranggola na may bilang ang mga elementong dapat mayroon ang isang lugar para matawag itong bansa. Ipaliwanag ang bawat isa III. Ebalwasyon IV. Karagdagang Gawain Muling balikan at pag-aralan ang aralin.>___<
  • 5. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na; 1. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. F9PS-Ia-b-41 2. Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda. F9PB-Ia-b-39 3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda. F9PU-Ia-b-41 MODYUL SA FILIPINO 9 Anim na sabado ng beyblade Ni Ferdinand Pisigan Jarin Aralin 1.2 ALAMIN NATIN!
  • 6. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Aralin 1.2 Beyblade, maraming-maraming beyblade. Isa, dalawa hanggang lima. Makukulay na Beyblade. Pula, itim, asul, berde, pilak, ginto, dilaw – basta sari-saring kulay. Gawa man sa plastik o bakal, basta may beyblade na mabibili ‘pag sabado. Inaasahan ko na ito tuwing sabadong magkikita kami ng aking bunsong si Rebo. Tiyak na magpapabili siya ng paboritong laruang Beyblade. Kaya naman inihahanda ko na ang aking bulsa. May halagang 30 hanggang 50, o higit pa. Depende sa ganda ng disenyo at yari. Inihahanda ko na rin ang katawan ko dahil tiyak, mas karga ang gusto niya papunta sa paboritong tindahan sa talipapa ng aming baranggay.Mga 500 metro rin ang layomula sa bahay ng akingina kung saan kami nagkikita tuwing sabado. Magpapababa lang siya kapag mismong nasa harap na kami ng tindahan at kaya na niyang ituro at hawakan ang paboritong laruan. Palapit pa lang kami ay sasalubong ng nakangiti ang tindero. Kilala na kaming mag-ama. Alam na ang iskedyul ng aming pagpunta. Handa ng magturo ng mga bagong labas na disenyo na maaaring magustuhan ni Rebo. Mas una kasing tinitingnan ni Rebo ang kulay at disenyo. Pangalawa na lang kung plastik o bakal ang yari. Pero batay sa karanasan, mas makiling si Rebo sa plastik.Kung ihahambing sa pagkahilig niya sa iba pang laruang umaandar, (trak-trakan man o kotse-kotsehan),mas madalasniyanglaruinang Beyblade.Siguro’y dahil mas maliititongdi hamak sa trak-trakan o kotse-kotsehan. At di tulad ng dalawa, maaari itong dalhin kahit saan. Huhugutin lang sa bulsa. Kay Rebo, tiyak na may huhugutin kahit saang bulsa. Sa bulsa ko, kapagmayhawakna siyangBeybladena “panlaban,” tiyak ding kamay na lang ang laman.Patagalan ng pag-ikot sa loob ng platapormang bilog ang labanan ng Beyblade. Ni Ferdinand Pisigan Jarin
  • 7. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Ang tumalsik palabas, talo. Ang unang huminto kahit nasa loob pa ng plataporma, talo. Si Rebo, batay pa rin sa karanasan, madalas talsikan ng Beyblade. Subalit di tulad ng ibang batang madalas mawalan ng gana dulot ng pagkatalo, patuloy ang paglaban ni Rebo. Lalo niyang hihigpitan ang hawak sa matigas na pising may mala-lagareng mga ngipin. Tatatagan ang kapit sa mala-baril na patungan ng Beyblade. At mabilis na hahatakin ang pisi palabas mula sa makipot na butas ng patungan na magtatanggal at mabilis na magpapaikot sa mala-flying saucer na Beyblade pabagsak sa plataporma upang muling makipaglaban.Apat na sabadong nakipaglaban ang aking bunso ng Beyblade sa plataporma ng laro. Labing-isang buwan siyang nakipaglaban sa kanser sa kanyang dugo sa ospital ng karamdaman.Sa katuladkong guro, bakasyonang Abril.Sa katulad ng bunso kong mag-aapatna taon, panahon ito ng mas maraming nakakatandangpinsangmakakalaro.HulinglinggongMarsotaong 2003, nang lagnatinsiya ng isanglinggo.Mataposanglagnat,ilang araw na di nagkakain at tuluyang namutla, pagsapit ng unang sabado ng Abril ng aming pagkikita, halos ayaw na niyang magpababa mula sa pagkakakarga dulot ng madaling pagkapagod. Hanggang unti-unting lumitaw ang mga pasa. Una’y sa binti,tapos sa braso,hanggangmatagpuanna rin itosa kanyang paa, dibdib at hita. Ang kanyang labi’y parang ibinabadna sa suka. Klinika, ‘yung pinakamalapit na klinika ang agad na tinakbo ng isip ko. “Meron akong limang daan, hahanap pa ako ng pandagdag kung kinakailangan, pangalanan niyo lang ang mga sintomas na nararamdaman ng anak ko!” Ito ang mga eksaktong salitang gustong-gusto kong sabihin sa unang doktor na titingin sa aking anak.
  • 8. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Subalit umabot na sa tatlong libo, pakikiusap at pangungutang, tatlong doktor at dalawang klinika, pagpapamanhidsa sarili upangdi matinagsa palahawngtinutusok na anak ay di pa rin namin nalaman ang pangalan ng kanyang karamdaman.Mabilis na tibok ng puso na di normal sa kanyang edad. Kulang sa dugo. Mga tanging interpretasyon ng mga doktor. Mga interpretasyong di tapos. Kailangan pa ng ibayong pagsusuri ng mas dalubhasa. Marami pang pagtusok at palahaw. Kirot at nginig ng kalamnan. Dagdag na pagpapamanhid sa katauhan ng mga magulangatiba pangnagmamahal.Mabigat,subalitpinatatag ko di lamang ang aking tuhod kundi pati dibdib sa pagkakatayosa loob ng ospital. Anuman ang maging resulta, kailangangg nakahanda ako. Palibhasa’y pinakamalaking pampublikong ospital ng bansa, tila mahabang ahas ang pila ng mga taong kinabibilangan ng kanyang ina. Mahabang pila ng “Hospital Card” na magsisilbing pasaporte upang makausap ang doktor na mas dalubhasa sa nararamdaman ng aking anak. Nung araw na iyon, ayaw bumaba ni Rebo mula sa aking bisig. Kahit na maaari din naman siyang kargahin ng kanyang ina. Ang gusto niya, si Taytay lang ang kakarga. Si Naynay ang pipila at hawakan ko ang kanyang Ate Kala gamit ang libreng kamay. “Kasi sabado, di dapat agad matapos ang sabado. Di dapat mawala agad si Taytay dahil maghihintayna namanng panibagongsabadooarawna tatapatan ng kanyang suweldo bago siya muling makita. Di bale nang mawalay kay Naynay ng ilang oras, kasama naman siya araw-araw. Basta si Taytay lang muna ang kakarga, hahawak, kukuwentuhan, kakalaruin, pabibilhin ng “Ays Wis” (ice cream) at “Babuygyam” (bubble gum) at hihigaan sa dibdib kasi sabado pa!”
  • 9. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Alam ko, ito ang mga eksaktong salitang nais niyang sabihinkung kaya langidetalyengkanyang murangisipat bigkasin ng kanyang bulol na dila nung araw na iyon.Mag-iisa’t kalahating taon na kaming hiwalay ni Joida bilang mag-asawa nang magkasakitsi Rebo.Maramingdi mapagkasunduan.Magkaiba ang direksiyong tinitingnan. Idagdag pa ang madalas na kawalan ng pera. Resulta ng maaga at di handang pag-aasawa. Ayaw ko nang idetalye pa kung paano kami naghiwalay. Basta magulo. Isa sa mga nakalipasna inilibingko na sa lupalopngmga kinalimutanggunita. Gayunpaman, dumating ang puntong kailangan naming kalimutan ang di pagkakasundo at maging sibilisado para sa mga bata. Ito na ‘yung panahon na mag-isa na akong namumuhay sa ayaw- ipaalam-kahit-kanino na lugar. Ang mga anak ko ay itinira naman ni Joida sa bahay ng kanyang Ina’t kapatid. Pinalad na akong makapagturosa isangprestihiyosoatmalakingpribadongpaaralan ng mayayaman at makaranas na ng paghugot ng sapat ng sahod sa ATM.At di tuladng ibangamangnag-iwan-ng-taeangkonsepto ng pakikipaghiwalay, siniguro kong mas malaking bahagi ng aking “dalawang lingguhang yaman” ay mapupunta sa pagpapalaki ng aking dalawang anak at magtira na lamang sa sarili ng sapat para mabuhay ng may konting inom ng alak. Mahal na mahal ko ang aking mga anak. Kaya masakit ang malamang di pala sapat ang pagmamahal para ipananggalang sa pag-atake ng malubhang sakit.“Acute Lymphocytic Leukemia”. Mas kilala sa tawag na “ALL”. Tipikal na uri ng Leukemia sa mga edad na tulad ng kay Rebo. Chemo Theraphyang tangingparaanng panggagamot.Mahabang panahon ng gamutan. Induction, Consolidation, Maintenance stage. Tatlong estado ng panggagamot. Anim, apat, pababa sa isa na matatapang na droga ang dapat pumasok sa murang katawan ng aking anak. Mga drogang papatay sa mga “Cancer Blast” na namumuosa loobng kanyangkatawan.Mga drogangwalangmata at maaaring sirain maging ang mga walang sakit niyang laman-
  • 10. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Buto, dugo, pesteng buto! Pesteng dugo! Walang magulang ang nagnanais marinig ang lahat ng paliwanag na ito. Isa lang ang malinaw: hindi pagtatae o lagnat ang nararamdaman ng aking anak, unti-unti na palang siyang namamatay.Naaalala ko pa, di ko mapigilang maluha sa loob ng taxi habang ingat na ingat na hawak ko ang lalagyan ng dugong ipasusuri sa isang malayo at
  • 11. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Ayawko nang magdagdagngsakit. Dahil alamkongsimula sa arawna iyon, di ko na kailangangimbitahinpa anghirapat sakit. Kusa na silang darating.Tatagal kami sa ospital. Isang buwan, dalawa, apat, di ko alam kung gaano karami basta sigurado ko, tatagal kami.Paulit-ulitkongisinaksak ang isipingitosa aking utak. Nais kong makapaghanda, “gagaling si Rebo, lalakas si Rebo, di mamamatay ang aking anak!” Kailangang maging handa. Kailanganglaginghanda.Kailangandapathanda!“Tapospoakong
  • 12. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Sa lugarna ito, libreman anghigaanat pagkain,kailangang mong bilhin ang lahat ng gamot at kagamitang kakailanganin sa gamutan. Ako, totoong may trabaho, subalit kailangang nandito kami upang makatipid. Walo, pito, anim na libo ang halaga ng gamot ni Rebo lingo-linggo. Di pa kasama ang halaga ng mga ineksiyon, dextrose, mga tubo, espesyal na pagkaing malimit niyang hilingin, bayad sa laboratoryong wala sa loob ng ospital na nagsusuri sa kanyang dugo hanggang sa pamasahe. Mapurol ka man sa matematikal na kaalaman, dito, tiyak na tatalas ka, lalo na sa pagkukuwenta ng pera at malalim na buntong-hininga.
  • 13. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Kaya’t wala pang isang buwan, wala ng di nakakakilala sa Charity Ward kay Rebo bulol at kulit.Tulong. Laksa-laksang tulong. Kahit anong uri ng tulong ang kinailangan ko para mabuhay ang aking anak. “Ma, nagpadala na ba ang Tita Naida? E, ang Lola Conching?” “Kap, salamat sa pera ha!” “Kagawad, paano nga uli pumunta ng Sweepstakes office? Salamat nga pala uli dun sa mga koleksiyon sa mga zone leader. Napaiyak pa pala si mama sa harap.” “Tita Marylyn, bayaran ko na lang ‘pag nakaraos” “Ano?! Galing ‘to sa koleksiyon ni Tita Jean sa mga estudyante?” “Tita Vic, dito muna si Kala ha! Di puwedeng umalis si Joida sa ospital, e” “Kala, ‘wag malikot ha! Behave ka dito!”“Tol, nasabihan mo na ba
  • 14. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Tiyak kong hindi na siya bulol sa panahong ito.Sa labas ng ospital nagmistulang batang walang sakit ang aking si Rebo. Laro dito, laro doon. Kain dito, kain doon. Maliban na lamang sa pagkakataong kailangan naming bumalik sa ospital para sa sesyon ng Chemo Therapy.Tuwing matataposangsesyon, tatlongarawna lantang-gulay ang anak ko. Walang gustong lunukin kundi malamig na tubig. Walang gustong kagatin kundi yelo. “An ini ‘tay nan aawano!” (anginit ‘tay ng katawanko!) Suka ng suka at todong bugnutin. Ayaw ng maingay. Ayaw ng magulo. Iritado. Pero pagdating ng ikaapat na araw. Balik na sa normal ang lahat. Gigisingng maaga,sasamangmaghatidatsusundosa kanyang Ate Kala sa eskuwelahan. Makikipaglaro sa kanyang Ate Kala pagkauwi nito galing sa pag-eeskuwela. Subalit ang pinakagusto niyang
  • 15. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Ang pinakamasakit, bagong kirot ng katawan at pangwawasakngkaluluwa ang paulit-ulitna mararanasanng aking anak. Subalit di na siya pumayag.Tatlong araw bago matapos ang Enero nang sundin ko ang kahilingan ng aking anak. “ Uwi na ‘ayo ‘tay! Ayaw o na a uspi-al. Di o na aya.” ( Uwi na tayo Tay. Ayaw ko na sa ospital. Di ko na kaya.) Mabigat sa dibdib. Ang totoo, ang kanyang ina, pati na ang ilang kapamilya ay nagsabi na sa akin na ipaubaya na lang sa Panginoon ang kapalaran ng aking anak. Disyembre pa lang nang malamang malubha uli ang kanyang karamdaman. Natatandaan kong nagwala ako sa ganito kababaw na argumento. Pinakatanga at palasukong argumento ang tingin ko sa ganito. Sinigawan ko sila. Inaway. Subalit sumunod ako nang si Rebo na ang nagsalita. Gusto ko mang ituloy pa ang laban, kahit marami pang damdaming masagasaan, pinatigil ko na ang gamutandahil hindi na niya kaya. Pinatunayan na itonang paglitaw
  • 16. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday Rebo!”. Kailangangdi niya malimutanangarawna ito.Dapatpinakamasaya ang sabadongitosa lahatngsabado.Maraming –maraminglaruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kanyang kaarawan. Sa kanyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay mulingnaglarong Beybladekasama angmga pinsan.Tatlongaraw bago dumating ang ikatlong sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang Beyblade bagamat ayaw niya itong bitawan sa loob ng kanyang kamay o di kaya’y bulsa. Ang nakapangagalit, unti-unti na namang nalalagas ang kanyang
  • 17. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Naglalambing ang aking anak. Nagpabili siya kasi nais maglambing ng aking anak. Nang kami’y pumasok na sa loob ng bahay,naiwangnilalangamna angnakabukas ngunit di nagalawna mga kendi sa amingkinaupuan.Tuluyan na siyang nakalbopagsapit ng ikatlong sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kanyangmuling pagka-irita,sinabunutanniya ang kanyangsarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabahoangisang Mascotupang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo ng walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kanyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng Beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kanyang pagsasalita. Kaya’t kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na Helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal.
  • 18. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isa’t kalahating oras siyang naghirap. Nabulag, nanigas, nilabasan ng maraming dugo sa bibig, at naghabol nang naghabol ng hininga. “ Hindi nangyayari ito! Walang nagyayaring ganito.Mabubuhay ang anak ko! Sabi niya hindi niya kami iiwan ng Ate Kala niya! Nasaan ang mapayapang paraan ng pagkamatay na sinasabi n’yo!” Nais kong isigaw ito sa lahat ng kapamilyang nakapaligid sa amin subalit walang lumabas sa aking bibig. Pinipi ako ng malakas nilang pag- iyak. At bilang isang nagnanais maging mabuting ama, nang alam kong di na kaya pang lumaban ng aking anak, pinabaunan ko siya ng halik at hinayaan ko na siyang lumisan. “ Sige na ‘Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.” At saka ako umiyak nang umiyak.Hindi ko man lang naranasang ihatid siya sa eskuwelahan. Di na namin nagawang makapag-usap nang masinsinan bilang mag-ama. Magkuwentuhan tungkol sa panliligaw habang nagtatagayan.Magtalo, magdebate, magsama sa lakaran. Nakuha kaya niyangmangarapkahitapatna taon langang kanyang naging buhay? Paano na si Kala? Sila lamang ang magkakampi mula nang
  • 19. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Nakapaloob sa puting supot na binuhol nang maayos. Ang maraming-maraming Beyblade ay ipinatong ko sa malamig at matigas ng kamay ng may-ari bago tuluyang ibaba at tabunan ng lupa ang kabaong. Ikaanim na sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang Beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
  • 20. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 1 Sabado 2 Sabado 3 Sabado 4 Sabado 5 Sabado 6 Sabado Sagutan ang graphic organizer sa ibaba. Ibuod ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa bawat sabado buhat sa kuwento. MODYUL SA FILIPINO 9 Gawain 5. Timeline
  • 21. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Sitwasyon • Posibleng Katugunan Paano kung nabuhay si sa kabila ng kaniyang sakit ano kaya ang kaniyang magiging kalagayansa kasalukuyan? Paano kaya kung walang ama si Rebo na nagpadama sa kaniya ng pagmamahal Paano kung ikaw ang nasa kalagayn ng ama ni Rebo ano ang maaring mong gawin MODYUL SA FILIPINO 9 Gawain6. What if Chart Sagutan ang graphic organizer sa ibaba. Punan ang bawat kahon base sa mga palagay o halimbawang sitwasyon kung sakaling ito ay nangyari sa akdang binasa. Ilagay ay iyong ang posibleng tugon o hatol na nararapat dito.
  • 22. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Simula Suliranin Saglit na kasiglahan Kasukdulan Kakalasan Wakas MODYUL SA FILIPINO 9 Gawain7. Pagtukoy sa Kabuon ng Pangyayari Isulat sa kahon ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kwento batay bahagi nito.
  • 23. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na; 1. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay. F9WG-Ia-b-41 Aralin 1.3 ALAMIN NATIN!
  • 24. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Aralin 1.3 "Oh baka mapaaway ka na naman Impen" saad ng ina na pina ngangaralan na naman sya. "Hindi ho" saad ni Impen "Bayaan mo nga yung mga yon. wag mo na lang pansinin para di ka mapa away" muling tugon ng ina May iba pang sinasabi ang ina ni Impen ngunit di na nya ito pinansin. Paulit ulit na nyang naririnig ito kaya't naririndi na ang kanyang tenga. Pagkatapos mag hilamos ay agad nang kumilos si Impen para magpalit ng damit. Kahit antok pa ay kailangan na nyang lumakad para di tanghaliin at makasahod ng tubig. Naroon na naman siguro si Ogor. Kahit sya ang nauuna sa pila ay lagi pa rin syang inuunahan ni Ogor para sumahod ng tubig. "Si Ogor Impen, wag mo nang papansinin" pahabol na banggit ng ina bago sya umalis Tuwing umaga ay umaalis si Impen para umigib at laging pinaaalalahanan ng ina na wag nang pansinin si Ogor dahil talaga raw na basagulero ito. Si Ogor na kamakailan lang ay umaway sa kanya. "Ang itim mo Impen" laging tukso nito "Kapatid mo ba si Kano?" saad ng isa pang naroroon (Si Kano ay kapatid ni Impen sa ama, maputi ito kaya't nabansagang kano)
  • 25. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 "Sino ba talagang tatay mo?" muling hirit nito "Sino pa edi si Dikyam" sagot naman ni Ogor (Si Dikyam ay isang karakter sa komik strip ni Tony Velasquez, ito'y sundalong maitim) Tawanan ang mga naroroon. Si Ogor ang itinuturing na hari ng gripo na kanilang sinasahuran "Eh ano kung maitim?" saad naman ni Impen Sa katagalan ay natanggap na ni Impen ang panunuksong iyon sapagkat ito ay totoo. Ang kanyang ama ay isang negrong sundalo na iniwan ang kanyang ina pagkapanganak pa lamang sa kanya. "Sari sari ang mga kapatid ni Negro, baka makatatlo pa nanay nya" muling panunukso ni Ogor. Natatandaan nya ang mga panunuksong iyon at mula noon ay naging mitsa na iyon ng kanyang paghihimagsik sa pook na iyon na ayaw mag bigay sa kanya ng katahimikan. Haloskasing gulangni Impen si Ogor ngunit hamakna mas matipuno ang pangangatawan nito. Malakas si Ogor at hindi ito yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig. Nang marating na ni Impen ang hulihan ng pila ay ibinaba na nya ang kargang timba na walang lamang tubig. saad sa sarili na sana ay huwag siya ang maging paksa na naman ng mga agwador (taga-igib ng tubig). Nakaanim na karga na ng tubig si Impen. Ngunit may isa pang nagpapa igib sa kanya. "Negro!" nagulat sya ng marinig iyon. Nasa likuran nya lamang si Ogor Kapag tag-araw ay malakas ang kita ng mga agwador sapagkat mahina ang tulo ng tubig sa kanilang pook at bihira ang may poso.
  • 26. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 "Wag kanang mag bibilad doon ka sa lamig" Saad nito at isinahod na ang dalang balde sa gripo Napakatagal ng oras para sa kanya ang pag puno ng balde ni Ogor. Napabuntung hininga na lamang sya ng malapit nang mapuno ang ito. Katwiran nya sa wakas makakaalis na ito at wag na sanang bumalik. Tuwang tuwa si Impen nang mapuno na din ang isa pang balde ni Ogor. "Makakasahod na rin ako" sabi niya sa sarili Daraan pa pala sya sa tindahan ni Taba at bibili ng gatas para sa bunso nyang kapatid. Nang isasahod na ni Impen ang kanyang balde ay isang makapangyarihang kamay ang pumatong sa kanyang balikat. si Ogor ito. "Gutom na ako Negro, ako muna" saad ni Ogor "Kadarating mo lamang Ogor" Mariing tutol ni Impen "Ako muna sabi eh!" tugon ni Ogor Agad na itinabi ni Impen ang balde na nakatingin pa rin kay Ogor at itinapon nya ang konting laman nito. "Uuwi nako" bulong ni Impen sa sarili "Anung ibinubulong mo?" saad ni Ogor
  • 27. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Maya maya pa ay nabuwal si Impen at tumama ang pisngi sa labi ng nabiyak na timba. Napasigaw ito sa sakit. Hinipo ni Impen ang pisngi, basa ito...mapula...dugo. "O-ogor..O-ogor...Ogor!!!!" sa wakas ay naisigaw ni Impen Hindi nagustuhan ni Ogor ang pagsigaw nito kaya't sinipa niya si Impen at nagtauban ang mga balde. Bumaliktad si Impen at tumawa ng malakas si Ogor. Humihingal at lumuluha si Impen sa tinamo nya kay Ogor. Muli ay sinipa sya ni Ogor sa kanyang pigi at namilipit sya sa basang semento. Matagal din bago napawi ang kirot sa pigi ni Impen, maya maya lamangaybumangonat itinukod nya angkamay sa semento. Si Ogor,simula noon ay inituringna syang kaaway.Bakitsya inaapi nito. Nanginginig sa galit ang katawan ni Impen. Nang muli syang sisipain ni Ogor at parang asong sinunggaban ni Impen ang kanang paa nito. Nawalan ng balanse si Ogor at silang dalawa ay nagpagulong gulong. Nang mapaibabawsi Impen ay walang tigil niyang pinagsusuntok si Ogor. Sinunod sunod nya ito na wari ay papatayng tao. Papatayin nya si Ogor. Sunod sunod na suntok ang pinakawalanni Impenat si Ogornaman ay tila asongnag pupumilit umibabaw. Sa isang iglap naman ay siya ang napailaliman. Tinanggap nya ang mga suntok ni Ogor. Hindi nya nailagan ang mga suntok nito sapagkat nasisilaw sya sa araw. Tila manhid na si Impen, wala syang maramdamang sakit. Buong pwersang umigtad at napailalimanmuli si Ogor. Natadtadngsuntok si Ogor sa mukha, sa dibdib. Sa mga suntok ni Ogor ay tila nasalinan pa sya ng lakas.
  • 28. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Mahina na si Ogor, Lupaypayna. Humihingal na rin si Impen sa walang tigil na suntok. Ang sabog na labi ni Ogor ang nagsasabing "I-Impen...." Muli ay itinaas ni Impen ang kamay upang suntukin pa si Ogor "I-Impen...su-suko nako...su-suko na..a-ako..." Ibinaba na ni Impen ang kanyang kamay. Napasuko nya si Ogor. Ilangsandali lamangaydahandahannang tumayosi Impen habang nakatingin pa rin kay Ogor. Wasak ang kanyang suot at duguan ang likod. May basa pa ng dugo ang kanyang mga labi. Walang nakakibo sa mga agwador na naroroon. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito bagkus ay paghanga. May luha man sa mata ay may galak ding nadama si Impen. Sa matindingsikatng araw, tila isangsugatang mandirigma si Impen. Nakatayo sa pinagwagihang larangan.
  • 29. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Gawain 8. Pagtukoy sa Kabuon ng Pangyayari Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari piliin sa baba ang angkop na bilang ng puso ilagay ito sa comment section. 1.May luha man sa mata ay may galak ding nadama si Impen. 2. Walang nakakibo sa mga agwador na naroroon. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito bagkus ay paghanga. 3. "Ako muna sabi eh!" tugon ni Ogor Ilang sandali lamang ay dahan dahan nang tumayo si Impen habang nakatingin pa rin kay Ogor. 4. Wasak ang kanyang suot at duguan ang likod. May basa pa ng dugo ang kanyang mga labi. 5. "Kadarating mo lamang Ogor" Mariing tutol ni Impen 6. Nang isasahod na ni Impen ang kanyang balde ay isang makapangyarihang kamay ang pumatong sa kanyang balikat. si Ogor ito. "Gutom na ako Negro, ako muna" saad ni Ogor 7. Tuwang tuwa si Impen nang mapuno na din ang isa pang balde ni Ogor. "Makakasahod na rin ako" sabi niya sa sarili Daraan pa pala sya sa tindahan ni Taba at bibili ng gatas para sa bunso nyang kapatid. 8. Napakatagal ng oras para sa kanya ang pag puno ng balde ni Ogor. Napabuntung hininga na lamang sya ng malapit nang mapuno ang ito. Katwiran nya sa wakas makakaalis na ito at wag na sanang bumalik. 9."Hindi ho" saad ni Impen "Bayaan mo nga yung mga yon. wag mo na lang pansinin para di ka mapa away" muling tugon ng ina May iba pang sinasabi ang ina ni Impen ngunit di na nya ito pinansin. Paulit ulit na nyang naririnig ito kaya't naririndi na ang kanyang tenga. 10. "Oh baka mapaaway ka na naman Impen" saad ng ina na pina ngangaralan na naman sya. 1 2 3 4 5 6 7 9 8 10
  • 30. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na; 1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ngkatotohanan,kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela. F9PN-Ic-d-40 2. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela. F9PN-Ic-d-40 3. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda. F9PN-Ic-d-40 4. Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan. F9PN-Ic-d-40 5. Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili. F9PS-Ic-d-42 6. Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin / akala / pahayag / ko, iba pa) F9PS-Ic-d-42 MODYUL SA FILIPINO 9 Aralin 2 ALAMIN NATIN!
  • 31. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Aralin 2.1 Kabanata 6 Ang Liwanag ng Kalunsuran Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahaykainan. Sa oras na ito, sa halip na sabihing umakyat ako sa kuwarto sa itaas na dati kong tinutulugan, binulyawan nila ako. Ako raw ay isang bugaw, at ang matandang babaeng nagdala ng mga katulong ay di na nagbalik upang bayaran ang aking upa sa pagtulog. Ngunit masuwerte pa nga raw ako ngayo’t pinayagang muling matulog dito sa tinatawag nilang lagusan, at pababalikin nila ang matandang babae upang magbayad ng upa. Hindi na ako nakipagtalo sa kanila. Tumuloy lang akong parang walang narinig. Nakatungo ang ulo at mabilis na dumaan sa kusina at humantong sa patio na tinatawag nilang “lagusan.” Buti na lang, hindi ako nag-iisa. Higit sa sampung tao ang naroon. Nakahiga at nakaupo sa banig na nakalatag sa malalapad na tabla habang natatanglawan ng liwanag ng buwan. Tila tambakan ng tabla ng mga kahoy ang patio ng bahaykainang ito. Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito. Makikita sa paligid ang marumi, mataas, manipis na dingding, at bubungang nanlilimahid sa kaitiman. Sa kanang bahagi ay naroon ang kulungan ng manok, sa harap ay ang baradong kanal at ang alingasaw ng di-umaagos nitong pusali; sa kaliwa ay isang kubetang bukas para sa publiko. Nalungkot ako sa liwanag ng buwan. Nang tumabi ako sa mga taong naroon, nakita ko ang tatlong batang nakasama kong matulog sa kuwarto sa itaas dalawang gabi ang nakalipas. Di man lang mabanaag ang kalungkutan o pag-aalala sa musmos nilang mga mukha. Samantala, napakamiserable ng hitsura ng iba, sa damit pa lang nila’y sapatnang masaksihanangpaghihirapna kanilangdinaranas sa tanang buhay
  • 32. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 May isang kalbong napakaputla ng mukha. Ngunit dahil sa kabataan tila normal siyang pagmasdan, at tingin ko’y kalalabas lang niya ng ospital o bilangguan. Nakaupo siyang dinidilaan ang isang pirasong papel na nababahiran ng itim na sangkap. Noong una’y di ko alam ang kaniyang ginagawa, ‘yun pala hinihimod niya ang tira-tirang opyo.Ang isa nama’y may napakahabang leeg at may nakatapal na tatlo hanggang apat na gamut na plaster dito. Nakaupo siya at nakatingala, tulad ng isang astrologo na nagmamasid sa mga bituin. Ang ikatlong bata ay maingay na nagkakamot, at habang umuupo siya’y umuubo at dumudura. May isang matandang babae na maayos ang kasuotan ngunit walang kibo’t buhaghag ang pagmumukha. Nakaupo siyang hawak ang isang pamaypay na yari sa hiyas na kawayan na ipinapaypay sa mukha ng iba pa na tila kaniyang mga anak. Ang anim pang iba, na nakasuot ng gusgusing damit ng magsasaka, ay mahimbing na natutulog. Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila nang mahiga ako sa banig. Sigurado akong wala silang kapera-pera kaya nga’t dito sila nakatulog gayundin, tulad ng kanilang bulsa, wala ring laman ang kanilang tiyan. Samantala, ninais nilang tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang may-ari ng bahay, kundi dahil puwede silang makalabas upang mamalimos at makabalik upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-ari. At kung mayroon man silang nakulimbat, tiyak nakahanda ring bilhin ito ng may-ari. Hindi dahil sa nais ng may-ari na biglang gawing bahay ng kawanggawa ang kaniyang tahanan. Sa kanilang hitsura ng pananamit, ang labintatlong ito ay hindi taga-siyudad. Galing sila sa probinsiya dahil wala silang mahanap na trabaho roon upang makakain nang dalawangbesessa isangaraw.Sinisilawatsinusuhulan sila ng siyudad. Nang umalis sila sa probinsiya, hindi nila alam na ito ang kanilang kahihinatnan.
  • 33. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Tiwalangmakakakita ng trabahongmaipagmamalaki nila.Ibiniladang kanilang mga sarili sa araw at sinuong ang ulan habang namamalimos ng pera o isang takal ng bigas bago makarating sa Hanoi. Mahal kong mambabasa, isipin mo lang ang Hanoi: kalye bawat kalye. Isipin mo ang isang pagod na magsasakang naliligawsa pasikot-sikot na siyudad. Bawat kalye’y may bahay, daanan, at eskinitang tila pare-pareho at walang katapusan. Isang magsasaka ang lakad nang lakad, napapagod, at tumitigil. Nagugutom siya ngunit walang makain, dahil wala siyang pera. Nais niyang magpahinga ngunit walang matuluyan, dahil wala siyang pambayad. Pagod man siya, kailangan niyang sumulong. Magdahan-dahan man, hindi na siya makausad. At sa malas, di siya pinahintulutang tumigil sa siyudad, at kailangan niyang maglakad, pasok nang pasok sa bawat kalye, minsa’y paikot-ikot nang hindi alam kung saan pupunta. Pagdatingng interseksyon, nakakita siya ng kulumpon ng mga tao. Sa tingin niya’y taga-probinsya ang mga ito, tumigil siya. Isang mukhang matalinongmatandangbabae,na maygintonghikaw,at tila mayaman ang dating, ang kumaway, hudyat upang tumigil ang magsasaka. Malakas ang kanyang boses: “Hoy, saan ka pupunta, pagod na pagod ka? Gusto mo ba ng trabaho? Halika, dali!” Natuwa ang magsasaka dahil nakasalubong siya ng isang taga-siyudad na handang makipag-usap. Ngunit para saan? Naawang binanggit ng babae na tutulungan siyang makahanap ng trabaho! Kaya, sa loob ng ilang araw, mayroon siyang makakain habang tumitigil sa pinto ng isang bahay-kainan o sa tabi ng isang sinehan. Kung tutuusin, ganito ang istorya ng lahat ng mga magsasaka.
  • 34. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Ilang interseksiyon mayroon ang siyudad? Ilang trabaho ang nakalaan para sa sawing nilalang na nagnanais pumasok sa kalakal ng mga kasambahay? Ilan ang bilang ng ganitong trahedyang nagaganap bawat araw sa siyudad? Ang labintatlong nilalangna ito ay katulad ng mga gamugamong nasilaw sa liwanag ng kalunsuran. Pinatuloysila ng tiwalangmay-ari ngbahay-kainansa isang sulok ng kaniyangtirahan. Sa araw, naroonsila’t nakahambalangsa kalsada. Habang naghihintay ng trabaho, untiunti nilang ginagastos ang kanilang naitatabing pera. Kapag walang natira at wala pa ring trabaho, at walang madilihensiya, kinakailangan na nilang itaya ang kanilang buhay. Ang mga babae ay nasadlak sa pagbebenta ng laman at ang lalaki’y nakagagawa ng krimen. At ngayon, bagopa lumala angkalagayan,sila’ynakahimlayattahimik na naghihintay sa unos na darating.
  • 35. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Gawain 9. Story Board Mga pangyayaring nabasa sa nobela. + + + Katotohanang napakinggan sa nobela Katotohanang napakinggan sa nobela Katotohanang napakinggan sa nobela Sagutan ang graphic organizer na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan, at kagandahan na nabasa sa nobela. Magdidikit ng larawan kaugnay nito. Ilista sa kahon ang mga tauhan na may tunggaliang tao laban sa sarili na naganap sa noblea ilista sa baba ang patunay rito. Gawain 10. Tunggalian • Patunay 1. Tauhan • Patunay 2. Tauhan • Patunay 3. Tauhan Tunggaliang Tao laban sa Sarili
  • 36. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Gawain 11. Story Board Ilista sa kahon ang mga daya;logi o pahiwatig na pangungusap na kumintal sa iyong isipan mula sa napakinggan/nabasang nobela. Bigyan Ito ng sariling iterpretasyon. DAYLOGO interpretasyon interpretasyon interpretasyon Suriin ang iyong nabasang nobela at bigyan ito ng marka batay sa inihandang pamantayan Gawain 12. Story Board Kategorya Nilalaman Organisasyon Gramatika Pangangatwiran at rasyonalisasyon ng Ideya Napakahusay (10-9) Taglay ng nobela ang malalimna pagdukal sa antas ng sangkap na paksa at sa lipunang ginagalawan nito. Napakahusay ng organisasyonng mga ideya. Tiyak ang pagkakasunod nito na siyang nagpaganda sa daloy ng kwento. Kapansin-pansinangpagkakagamit ng gramatika at retorika sa mga pangungusap na mayroong pagkakaugnay-ugnay sa isa't isa Nasagot ang lahat ng katanungan at nagamit ng husto ang mga impormasyon na may kaugnayansa paksa Mahusay (8-6) Taglay ng nobela ang malalimna pagdukal sa antas ng sangkap na paksa ngunit uhawsa paglakip sa sitwsayon o kalagayanng lipunan Mahusay ang organisasyon nungit may malubay na organisasyon ng ideya kasama angmarapat na transisyon at pagtataposnito Wasto ang gamit ng gramatika. Gumamit ng mayaman at iba't ibang salitang angkop sa nilalaman ng nobela Nasagot ang lahat ng katanungan at paglilinaw habang umuusad ang pangyayari sa kwento Katamtaman (5-1) Naipakita ng nobela ang ilang kariktan ngunit hindi nabigyng pansin ang kabuon Mramaingpuntos angnakalilito daan para hindi lubos na maunawaanng mambabasa May wastong gamit nggramatika ngunit ang ilan ay hindi gaanong nabigyan ng pansinupang lubos na mapalutang ang nilalaman Nasagot ang ilang katanunganat paglilinaw sa mga tanongsa kuwento
  • 37. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Gawain 13. Story Board Bigyang opinyon ang nabasang Kabanata ng nobela sa pamamagitan ng mga pahayag sa ibaba. •paliwanag Sa palagay ko noong una •paliwanag Akala ko •paliwanag Napagtanto ko
  • 38. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na; 1. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula. F9PN-Ie-41 2. Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano F9PN-Ie-41 3. Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan. . F9PN-Ie-41 4. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong Asya. F9PU-Ie-43 MODYUL SA FILIPINO 9 Aralin 3 ALAMIN NATIN!
  • 39. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay,at malayangpaggamitngmga salita sa ibat-ibangestilo,Kungminsanitoaymaiksi o mahaba.Itoaybinubuo ng saknong at taludtod na karaniwang wawaluhin,lalabindalawahin,lalabing-animin at lalabing-waluhing pantig. Mga uri ng Tula: Tulang pasalaysay - ito ay nagsasalaysay,naglalarawan ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay na matatagpuan sa mga linya o berso na nagbabahagi ng isang kwento Tulang pandulaan - ito ay isang patulang usapan ng isang pagtatanghal na naglalarawan ng mga tagpong lubhang madula na maaring makatulad,makaparehas,o maiba sa nagaganap sa pang araw-araw na buhay. Tulang liriko - ito ay ang pagtatampok ng isang makata ng kanyang sariling damdamin,iniisip at perssepsyon. Ang tulang liriko ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng kalungkutan,pag- ibig,kaligayahan,kabiguan at iba pa ito ay maikli at payak na uri ng tula. Tulang patnigan- ito ay kilalang tulang sagutan sapagkat ito ay itinatanghal ng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula kundi sa paraang patula na tagisan ng talino at katuwiran ng mga makata. Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/447250#readmore Alam mo ba? May isang isang katutubong anyo ng pagtula na mula sa mga Hanunoo Mangyan. Ito ay ang Ambahan isa sa mga sinaunang anyo ng pagtula ng mga Bisaya. Aralin 3 ALAMIN NATIN!
  • 40. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Mga Elemento ng Tula: Sukat - ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod.na karaniwang may sukat na waluhan,labing- dalawahan at labing-animan na pantig. Tugma - ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog. Talinghaga - dito ay kinakalilangan ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag. Kariktan - ito naman ang malinaw at di malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa.Sinasabing ang isang tula ay mahusay kung mayroong impresyon na hindi malilimutan ng isang mambabasa. Aralin 3 ALAMIN NATIN!
  • 41. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Uri ng tulang liriko Awit - ito ay may paksa ng pagmamahal o pag-ibig, pagmamalasakit at pamimighati. Soneto - itoaymaylabingapatna latudtoditoaytungkol sa damdaminatkaisipanna mayroongmalinaw na kabatiran sa likas na pagkatao Oda - ito ay mayroong istilo at kaisipan higit na dakila at marangal,walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.Elehiya-ito ay nagpapahayag ng damdamin tungkol sa kamatayan, tula ng pagtangis o pag-alala sa isang yumao. Dalit - ito ay maikling papuri sa Diyos o sa mahal na Birhen na may aliw-iw subalit hindi kinakanta. Uri ng tulang pasalaysay Epiko - ito ang pagsasalaysay ng kabayanihan na halos hindi naman mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Korido - ito ay karaniwang mahaba at may magandang banghay ng mga pangyayari na isinasalaysay. Ito ay may walong pantig sa bawat taludtod. Awit - ito ay may malambing at magandang pangungusap na nangangailangan ng malalim na kaisipan. Nagtataglay ito ng 12 pantig sa bawat taludtod. Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/447250#readmore Aralin 3 ALAMIN NATIN!
  • 42. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Uri ng tulang Patnigan Balagtasan- itoay isangdebatena binibigkasngpatula,itoay ipinangalansa isangtanyagna manunulat na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Karagatan - ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan ay pag mayroong lamay. Halimbawa,kunyari ay mayroong matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro, pagkatapos ay paiikutin ang isang tabo na may tanda. Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot nito,ang matatapatan ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang matalinghaga o makahulugan. Duplo - ito ang uri ng tulang patnigan na labanan at pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katuwiran na patula.ang mga pagbigkas ay galling sa mga kasabihan, salawikain at bibliya. Mga manunulat ng Tula: Julian Cruz Balmaceda“Bukas” at” Ulila” Jose Corazon deJesus(kaunahang hari ng Balagtasan) “Ilawsa Kapit-bahay” Angmanokkung Bulik” atbp. Ildefoso Santos“Ang Mithi” “Ang Gabi” Teodoro Gener “Ang Guro” “Ang Pag-ibig” Lope K. Santos “Kalansay” Butil” Abo” Inigo Ed Regalado “Laura” “Kahapon” Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/447250#readmore Aralin 3 ALAMIN NATIN!
  • 43. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na; 1. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula. F9PN-Ie-41 2. Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano F9PN-Ie-41 MODYUL SA FILIPINO 9 Aralin 3.1
  • 44. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Aralin 3.1 Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay Di mo na kailangang humakbang pa Sapagkat simula't simula pa'y pinatay ka na Ng matitigas na batong naraanan mo Habang nakamasid lamang Ang mga batang lansangang nakasama mo Nang maraming taon. Silang nangakalahad ang mga kamay Silang may tangang kahon ng kendi't sigarilyo Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo. Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo Bunga ng maraming huwag at bawal dito Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos Ang maraming bakit at paano Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw'y tao At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo. Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili. Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.ng mga ito bagkus ay paghanga. May luha man sa mata ay may galak ding nadama si Impen.
  • 45. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Gawain 2. What if Chart ILapat ang iyong sariling damdamin patungkol sa nabasang tula. Gamitin ang Story Board sa pagbibigay ng antas sa iyong sagot. Gawain 14. Story Board Antas ng damdamin + + + damdamin 1 damdamin 2 damdamin 3 Lumikha ng 2 saknong na tula na may apat na taludtod na nasa anyong malaya man o tugma. Ilahad ang iyong pananaw sa nabasang tula patungkol sa kulturang asyano. Gawain 15. Pan-Tula(pananaw na tula) MODYUL SA FILIPINO 9 Aralin 3.2
  • 46. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na; 1. Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayagsa ilang taludturan. F9PT-Ie-41 2. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong Asya.F9PU-Ie-43 Aralin 3.2
  • 47. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan, Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan; Isang panyong puti ang ikinakaway, Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan: Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, Mamatay ako, siya’y nalulumbay! Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!” Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!” Nakangiti akong luha’y nalaglag… At ako’y umalis, tinunton ang landas, Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak; Lubog na ang araw, kalat na ang dilim, At ang buwan nama’y ibig nang magningning: Maka orasyon na noong aking datnin, Ang pinagsadya kong malayang lupain: Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim, Ang nagsisalubong sa aking pagdating. Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok, Pinatuloy ako ng magandang loob; Kumain ng konti, natulog sa lungkot, Ang puso kong tila ayaw nang tumibok; Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot, Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!” Nang kinabukasang magawak ang dilim, Araw’y namimintanang mata’y nagniningning; Sinimulan ko na ang dapat kong gawin: Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim; Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin, Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
  • 48. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat, Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas; Bulaklak na damo sa gilid ng landas, Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag; Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak… O, marahil ngayon, siya’y magagalak! At ako’y lumakad, halos lakad takbo, Sa may dakong ami’y meron pang musiko, Ang aming tahana’y masayang totoo At nagkakagulo ang maraming tao… “Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko, “Nalalaman nila na darating ako.” At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan, Mata’y napapikit sa aking namasdan; Apat na kandila ang nangagbabantay; Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay; Mukha nakangiti at nang aking hagkan; Para pang sinabi “Irog ko, paalam!” MODYUL SA FILIPINO 9
  • 49. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Tukuyin ang mga magkasingkahulugang pahaya sa mga taludturan na nasa ibaba at ipaliwanagito ayon sa pagkakagamit sa tula. Gawain 16. Story Board PALIWANAG Magkasingkahulugan Kahulugan 1. 2. 3. 4. 5
  • 50. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Tukuyin ang mga taludtod sa iyong binasang tula na nagpapahalaga sa ugali at kultura ng pagiging mamamayang Pilipino. Isilat ito sa kahon sa ibaba. Gawain 17. Tula-Halaga
  • 51. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na; 1. Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayagsa ilang taludturan. F9PT-Ie-41 2. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong Asya.F9PU-Ie-43 3. Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng kabataang Asyano.F9PU-If-44 4. Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayagng sariling pananaw. F9PU-If-44 5. MODYUL SA FILIPINO 9 Aralin 4 ALAMIN NATIN!
  • 52. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Sa depinisyon ni Alejandro G. Abadilla, isang sikat na Pilipinong manunulat, ang sanaysay ay “Nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ito ay nanggaling sa dalawang salita, “sanay” at “salaysay“. Ito ay nakasulat sa anyo ng panitikang tuluyan na kung saan naipahahayag ng manunulat ang kaniyang matalinong kuro-kuro, damdamin, at reaksyon tungkol sa isang mahalagang isyu o paksa. Kahulugan ng Sanaysay Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao. Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa paggawa ng mainam na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay. Alam mo ba? Na ang ama ng sanaysay ay si Alejandro "Aga" G. Abadilla. Siya rin ang tinagguriang Ama ng Malayang Taludturan sa Pilipinas. Aralin 4 ALAMIN NATIN!
  • 53. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Mga Uri ng Sanaysay Sulating Pormal o Maanyo Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik. Sulating Di-pormal o Impormal Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao.Karaniwanna ang mga sanaysayna di pormal aynaglalamanngnasasaloobatkaisipantungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda. Aralin 4 ALAMIN NATIN!
  • 54. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na; 1. Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan F9PT-If-42 2. Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri nito. F9PD-If-42 3. Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng kabataang Asyano.F9PU-If-44 4. Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayagng sariling pananaw. F9PU-If-44 MODYUL SA FILIPINO 9 Aralin 4.1
  • 55. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaaakit ng aking loob! Iyong masaya,may tiwala sa sarili,masigla’tmaagapna hinaharapangbuhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong kanluran. Kung pahihintulutanlamangngmga batasngaking bayan,wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali akosa mga lumangtradisyonghindi maaaringsuwayin.Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam moba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito nang buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin. Wala akonginiisipgabi’taraw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo? Aralin 4.1
  • 56. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagongsilang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng mga pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon;” may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabotngaking pang-unawa.Gumigisingitosa akin para hangarinang pagsasarili atkalayaan – isangpaghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag- aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan. Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahanng ilangnagmamahal sa akinat sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla. Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo. Panganay ako sa tatlong babaeng anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang Regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat – ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands, at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa.
  • 57. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag- aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay arawaraw para pumasok sa eskuwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabasmanlamangngbahayangbabae.Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar na pagtuturongmaipagmamalaki ngsiyudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay – kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang. Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito – ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulaysa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas – ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya.
  • 58. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 At ang pag-aasawa para sa amin – mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang? Pag-ibig! Anong nalalaman namin dito ukol sa pag-ibig? Paano namin maiibigan ang isang lalaking hindi namin kailanman nakilala? At paano nila kami iibigin? Hindi yata maaaring mangyari iyon. Mahigpit na pinaghihiwalay ang mga kabataang babae at lalaki, at kailanma’y hindi pinapayagang magkakilala. MODYUL SA FILIPINO 9
  • 59. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Magtala ng mga salita na may koneksyon sa kahon. Gamitin ang web map upang ipaliwanag ang iyong sagot. Gawain 18. Pagpapalawak ng Talasalitaan Babae Tatalakayin ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng sariling pananaw. Basahin ang mga pahayag sa ibaba at susuriin ang mga pahayag kung paano ito nagagamit bilang pagpapahayag sa sariling pananaw. Gawain 19. Kasanayang Panggramatika 1. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. 2. Palagay ko masuwerte ang mga babaeng Pilipina kaysa sa mga babaeng Indonesian dahil nakakamit nila ang kalayaan sa pagpili ng makakatuwang sa buhay. 3. Sa aking opinyon, ang pag-ibig ay hindi dapat ipinagkakasundo, ito ay kusang umuusbong sa bawat puso ng indibiduwal.
  • 60. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Suriin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon mula sa teksto batay sa: a. sariling ideya (thinking pattern) b. ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa katauhan ng nagsasalita Gawain 20. Sanaysay Kilatis Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaengmoderno” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’tmaagapna hinaharapangbuhay,puno ng tuwa atsigasig,pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. At ang pag-aasawa para sa amin–mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang? Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya. Pag-ibig! Anong nalalaman namin dito ukol sa pagibig? Paano namin maiibigan ang isang lalaking hindi namin kailanman nakilala? At paano nila kami iibigin? Hindi yata maaaring mangyari iyon. Mahigpit na pinaghihiwalay ang mga kabataang babae at lalaki, at kailanma’y hindi pinapayagang magkakilala.
  • 61. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Panoorin ang video ng debate sa link na nasa ibaba. Suriin ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri nito. Ibahagi sa klase ang iyong sagot. (https://www.youtube.com/watch?v=ENt8Tjro9Vk) Gawain 21. Debate Kilatis
  • 62. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na; 1. Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda. F9PN-Ig-h-43 2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababagoang estruktura nito. F9PN-Ig-h-43 3. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula. F9PUIg-h-45 MODYUL SA FILIPINO 9 Aralin 5
  • 63. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Ang dula ayon kay: Aristotle Ito ay isang imitasyono panggagagad ngbuhay. SaucoIto ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan,dayalogo at iba pang aspekto nito. Schiller at Madame De StaeleIto ay isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan. RubelIto ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento. Ano ng aba ang dula? Ang dula ay isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado. Ang pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat o script writer. Uri ng Dula Ayon sa Anyo: 1. Komedya 2. Melodrama 3. Trahedya Alam mo ba? Ang dula ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos. Aralin 5 ALAMIN NATIN!
  • 64. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Ang komedya ay dulang nagdudulot ng kasiyahan o katatawanan sa mga manonood gamit ang mga abilidad ng mga gumaganap sa paglalapat ng pagpapatawa sa iskrip o linyang binibitawan. Ang halimbawa ng dulang ito ay “Bakit Ang Babae Ang Naghuhugas ng Pinggan?” Ang melodramaay dulangmaykasiya – siyangwakas para sa pangunahingtauhan. Ito rin ay nagtataglay ng mga malulungkot na tagpo na inilalapat sa mga pananalita at damdaming ipinahahayag ng mga tauhan at minsan ay nagtatapos sa kasawian ng bida. Ito ay karaniwang nilalapatan ng musika at ginagawang dulang pangmusika. Ang halimbawa ng melodrama ay MaraClara. Ang trahedyaay dulangang pangunahingtauhan ay masasawi ohahantongsa kanyang kabiguanngunit karaniwang may makabuluhang pagtatapos. Ang halimbawa ng trahedya ay Hiblang Abo. Bahagi ng Dula: Ang simula ang unang bahagi ng dula na karaniwang nagpapakilala sa mga tauhan at nagbibigay linaw sa tagpuan ng dula. Ang gitna ang bahaging naglalahad ng kasukdulang ng dula. Ang wakas ang dulong bahagi ng dula na nagbibigay linaw sa kinahinatnan ng pangunahing tauhan sa dula. Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/161435#readmore Aralin 5 ALAMIN NATIN!
  • 65. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Ang mga manonood ang nagbibigay – halaga sa dula . Ang karaniwang target ng pagtatanghal ng dula ay ang mga manonood. Ang tanghalan ay tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang isang dula. Ang tanghalan ay maaaring isang kalsada, isang silid, o isang tahanan na napili upang pagtanghalan ng dula. Ang tema ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon, pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Ipinalalabas ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng malinaw na pagkakabigay ng tema ng dula. Aralin 5 ALAMIN NATIN!
  • 66. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Elemento ng Dula: Actor dayalogo tema Director iskrip Manonood tanghalan Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga linya. Sila rin ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na pinanonood ng mga tao sa tanghalan. Ang dayalogo ang mga binibitatawang linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor. Ang direktor o taga – direhe ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-i-interpret ng iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit o kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan. Ang iskrip ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip kaya naman walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Aralin 5 ALAMIN NATIN!
  • 67. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na; 1. Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda. F9PN-Ig-h-43 2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababagoang estruktura nito. F9PN-Ig-h-43 3. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula. F9PUIg-h-45 MODYUL SA FILIPINO 9 Aralin 5.1
  • 68. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Mga Tauhan: Tiyo Simon—isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga paniniwala na hindi maunawaan ng kanyang hipag na relihiyosa. Ina—ina ni Boy Boy—pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang. Oras—umaga, halos hindi pa sumusikat ang araw. Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis at pomada sa buhok, toniko, suklay, at iba panggamitsa pag-aayos.Sa itaasng tokador,nakadikitsa dingding ang isang malaking larawan ng birheng nakalabas ang puso at may tarakng isangpunyal. Sa tabi ng nakabukasna bintana sa gawingkanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan. Sa pagtaas ng tabing, maikikita si Boy na binibihisan ng kanyang ina. Nakabakas sa mukha ng bata ang pagkainip samanatalang sinusuklay ang kanyang buhok. (Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.) INA: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyanka muna atako naman ang magbibihis. BOY: (Dadabog) sabi ko, ayaw kong magsimba, e! INA: Ayaw mong magsimba! Hindi maa...pagagalitin mo na naman ako, e! At anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito na pangiling-araw? BOY: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ...Tiyo Simon... INA: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang...patawarin ako ng Diyos. BOY: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon... Aralin 5.1
  • 69. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 INA: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang...patawarin ako ng Diyos. BOY: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon... INA: (Sa malakas na tinig) makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon? BOY: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin... INA: A, husto ka na...husto na bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban. BOY: Pero... INA: Husto na sabi , e! (Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto sa silid, saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.) INA: (Paungol) uh... sino ‘yan? TIYO SIMON: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong... (Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.) TIYO SIMON: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy... BOY: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama. INA: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan...
  • 70. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 (Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob, hahawakan ang balikat ni Boy.) TIYO SIMON: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo...kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis...magsisimba tayo. (Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kanyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay namangha rin. Tatalikod na si TiyoSimonat lalabas.Maiiwangnatitigilanangdalawa,pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.) INA: Nakapagtataka! Ano kaya ang nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos... BOY: Kung sasama po si Tiyo Simon , sasama rin ako... INA: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi ay hindi ka rin sasama. Pero mabuti rin iyon...mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring... (Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lamang siBoy.) INA: (Mahina at waring sa sarili lamang). namatay siyang hindi lamang nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid sila ng iyong amain. Sana’y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kanyang kapatid na sumakabilang buhay na... (Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni TiyoSimonsa pinto.Biglangpapahirinngbabaeangkanyangmukha, pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.)
  • 71. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 INA: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y...diyan muna kayo ni Boy, kuya... (Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.) TIYO SIMON: (Maghihikab) iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan at...(biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kanyang may kapansanang paa. Matatawa.) BOY: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng Diyos?... TIYO SIMON: (Matatawa) sinabi ba ng Mama mo iyon? BOY: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi... TIYO SIMON: (Mapapabuntong-hininga) hindi totoo, Boy, na hindi ako naniniwala sa Diyos... BOY: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kayo nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon? TIYO SIMON: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat...ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala. BOY: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?... TIYO SIMON: Oo, Boy.Sa akin, angsimbahanayhindi masamangbagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.
  • 72. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 (Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtogna kamapana.Magtatagal nangilangsandali pagkuwa’ytitigil ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntung hininga si Tiyo Simon, titingnan ang kanyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin kay Boy). TIYO SIMON: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan kong tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa pilosopiyang pinanaligan ng kanyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya, Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan. BOY: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?... TIYO SIMON: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako...hanggang isang araw ay nangyari sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin. BOY: Ano iyon, Tiyo Simon...? (Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kanyang lukbutan. Maglalabas ng isang bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.) TIYO SIMON: itoay isang manika ng batangnasagasaanng trak. Patawid siya noon at sa kanyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ito ngunit siyang pagdaan ng trak at siya’y nasagasaaan...nasagasaan siya. Nadurog ang kanyang binti, namatay ang bata...namatay nakita ko, ng dalawang mata, ako noo’y naglalakad sa malapit...at aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan...
  • 73. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 BOY: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari Tiyo Simon? TIYO SIMON: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabagosa akingsarili...sapagkatnangyumukoako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng Kanyang buto...ngiting tila ba nananalig na siya ay walang kamatayan... (Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy. Muling maririnig ang batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.) TIYO SIMON: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapagpaalalang lagi sa akin ng matibay at mataos na pananalig ng isang batang hanggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian...upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay. (Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na papalapit. Sumungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.) INA: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. Hinahanapko pa kasi ang aking dasalan kaya ako natagalan. Tayo na, Boy...Kuya BOY: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na! (Muling maririnig ang tugtog ng kmapana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing).
  • 74. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Magbigay ng limang tauhan mula sa dula. Husgahan ito batay sa naging karakter nito sa. Ilagay ang iyong patunay sa ibaba nito. Gawain 22. Husga sa Karakterisasyon Pagsusuri sa tauhan Tuhan 1 Tauhan 2 Tauhan 3 husga husga husga patunay patunay patunay
  • 75. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Sagutan ang kahulugan ng tatlong salita batay sa pagkakaiba ng estruktura nito. Gawain 23. Husga sa Karakterisasyon Tiyuhin Magtiyo Tiyo Tukuyin ang ilang pangyayari sa loob ng akda. Suriin ito ang pagiging makatotohanan nito sa pamamagitan ng paghahalintulad sa mga kaganapamn sa lipunan Asyano. Gawain 24. Pagsusuri sa Pangunahing kaisipan Pangyayari Patunay mula sa lipunan
  • 76. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na; 1. Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa). F9PS-Ig-h-45 2. Naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey tungkol sa tanong na: ”Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong nagustuhan?” F9PB-Ii-j-44 Aralin 5.2 MODYUL SA FILIPINO 9
  • 77. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Madalas kong kontrolin ang mga bagay-bagay at pangyayari sa buhay ko dahil ayokong-ayokong pumapalpak. Kasi takot akong mawala at mawalan. Takot akong mawala sa sirkulasyon ng dati nang nakagawiang ritmong buhay. Takot din akong mawalannangini-enjoyna pribilehiyo at istatus sa buhay. Kaya gusto kong kontrolado ko ang lahat ng bagay sa aking buhay. Ano ang iyong nadama? Ano ang binago nito sa iyong pag-uugali? Bakit mo ibabahagi sa iba na basahin ito? Madalas ko ring makita ang sarili kong walang kontrol – lalo na kapag ginagawa ko ang isang bagay na gustong-gusto kong gawin, o mga bagay na gustong-gusto kong mapasaakin; maging materyal man o hindi. Bunga ng mga ito, madalas mangyari sa akin ang mga labis kong kinatatakutan: ang pumalpak, ang mawala, at mawalan. Madalas matuklasan na ang may pakana at may kagagawan ng lahat ng ito ay ang aking Diyos. Sa likod ng lahat ng mga pangyayaring ito sa aking buhay ang aking Diyos ang siyang nanggugulo sa akin sukat masira ang lahat ng plano ko sa buhay. Sa tuwing, ako’y madidismaya sa kapalpakan ng isang plano, madalas kong maisip na, “Naisahan na naman ako ng aking Diyos!”
  • 78. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 Madalas hinahanap ko sa aking sarili ang dahilan kung bakit sa kabila ng katotohanang ito, hindi pa rin ako matuto-tuto. Plano pa rin nang plano kahit alam ko namang malaki ang posibilidadna hindi naman ito matutuloy dahil guguluhin na naman ito ng aking Diyos. Pilit ko pa ring kinokontrol ang mga bagay kahit alam kong hindi ito nakatutulong sa akin. Simplelangnamanang gustong sabihinng aking Diyos.Kailangan kong ibigay ang lahat ng aking pananalig at pag-asa sa Kaniya. Kailangang hayaan ko ang Kaniyang kamay na siyang magplano para sa akin. Kailangang ipaubaya ko sa Kaniya ang plano dahil ang totoo, Siya ang pinakamahusay na arkitekto ng buhay. Simple pero mahirap gawin. Gayunman, puwedeng gawin. Lalo’t hahayaan ko ang aking sariling matakot sa mga dati ko nang kinatatakutan: ang mawala at mawalan. Eh, ano nga kaya kung mawala ako at mawalan? Eh, ano nga kaya kung talagang hindi ko na makikilala ang aking sarili dahil maiiba ang nakagawiang leybel sa akin na ikararangal ko? Eh, ano nga kaya kung maging palpakin ako? Teka, lalo yata akong natatakot. Pero huhulihin ko ang aking sarili at paalalahanan, hindi naman iyan ang ibig mangyari sa akin ng aking Diyos. Hindi naman ibig ng Diyos na maging palpakin ako. Sa halip, ibig Niya akong magtagumpay – ibang depinisyon nga lamang siguro ng tagumpay. Tagumpay na di materyal. Tagumpay na magpapalakas sa aking kahinaan. Tagumpay laban sa takot. Tagumpay laban sa hindi maipaliwanag na pagkahumaling sa pagkontrol. Tagumpay na sa kabila ng kabiguan ay Makita ang sariling may bakas pa rin ng tagumpay. Tagumpay na kung kumawala sa dikta ng nakagawiang ritmo ng buhay. Tagumpay na bukod-tanging ang aking Diyos lamang at ako ang makauunawa. Kaya madalas, iniimbitahan ko na ang aking Diyos na bulabugin akosa aking buhay.
  • 79. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Sasagutin ang tanong na: Naramdaman mo na bang naiisahan ka ng Diyos sa iyong buhay, Ano ang implikasyon nito sa iyong personalidad at sa mga taong iyong nakaksalamuha? nito sa bansa? nito. Gawain 25. Husga sa Karakterisasyon Humanap ng iyong kaparehang kaklase na kasama mong nag-aaral sa unang quarter ng pag-aaral na ito. Ibahagi sa isa’t isa ang sariling pananaw tungkol sa tanong na: ”Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong nagustuhan?” at bakit? Pagkatapos ay ibahagi ito sa buong klase. Gawain 26. Think Pair share
  • 80. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 MODYUL SA FILIPINO 9 Lunsarang Elektroniko: Lunsarang Elektroniko: http://emilybayla.blogspot.com/2014/06/kapag-naiisahan-ako-ng-aking-diyos-ni.html http://angelfernandezportillo.blogspot.com/2016/07/panitikang-asyano-9.html https://brainly.ph/question/161435 https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-sanaysay/ https://brainly.ph/question/1950289 https://philnews.ph/2019/10/15/ang-pagbabalik-ang-tula-na-isinulat-ni-jose-corazon-de-jesus/ https://www.facebook.com/1348751401886883/posts/elehiya-para-kay-ram-pat-v-villafuertekung-ang- kamatayan-ay-isang-mahabang-pagla/1348756821886341/ https://brainly.ph/question/447250 https://www.marvicrm.com/2017/09/impeng-negro-buod http://hayzkul.blogspot.com/2016/06/anim-na-sabado-ng-beyblade-buong-kwento.html https://www.slideshare.net/closet101mirasol/maikling-kwento-69802333 http://filipinosiyam.blogspot.com/2015/07/ang-ama-kuwento-singapore.html https://www.slideshare.net/closet101mirasol/maikling-kwento-69802333 http://filipinosiyam.blogspot.com/2015/07/ang-ama-kuwento-singapore.html Pantikang Asyano Modyul Ng Mag-aaral sa Filipino/Republika ng Edukasyon
  • 81. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 4 1. 11. 21. 2. 12. 22. 3. 13. 23. 4. 14. 24. 5. 15. 25. 6. 16. 7. 17. 8. 18. 9. 19. 10. 20 Sagot sa Panimulang Pagtataya