2. Layunin
1. Naipapaliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga
Filipino sa kolonyalismong Espanyol;
2. Natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa
pamamahala ng mga Espanyol sa mga sinaunang Filipino;
at
3. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging
epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang Filipino.
3. Ang ating inang bayan ay sinakop ng mga
Espanyol ng mahigit tatlong daang taon. Sa
mahabang panahong ito ay maraming
pagbabago ang naganap sa ating bansa.
4. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag.
Lagyan ng tamang letra ang bawat bakanteng linya upang
mabuo ang tinutukoy na kasagutan na may kaugnayan sa
ating aralin.
5. Paraan ng Pagtugon ng mga Filipino sa Koloyalismong
Espanyol
Leksyon 1: Pagtanggap sa Kapangyarihang kolonya / Kooperasyon
Nagbigay ng malaking pagbabago sa bahagi ng politika ang pagiging kolonya
ng Pilipinas sa Espanya. Sa pagkakabuo ng pamahalaan sentral, napasailalim
ang malaking bahagi ng kapuluan sa pamumuno ng mga dayuhan. Dahil dito,
tuluyan napag-isa ang dating watak-watak na pamahalaan ng datu sa kani-
kanilang pangkat.
Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol, ang ganap na
kapangyarihang mamuno sa isang pamayanan ay hawak ng isang datu o
sultan. Siya ay may pangkalahatang tungkulin tulad ng tagapaghukom
tagapagbatas, at tagapagpaganap.
6. Sa panahon ng kolonya, inalis sa kanya
ang kapangyarihang ito. Walang nagawa
ang ating mga ninuno kung hindi ang
tumalima at sumunod. Napasailalim ang
datu sa kapangyarihan ng mga dayuhang
Espanyol.Pinanatili man nila ang kanilang
posiyon bilang pinuno ng barangay ngunit
nawala naman ang kanyang ganap na
kapangyarihan dahil naging pangunahing
tungkulin niya ang maningil ng tributo at
maisaayos ang kanilang nasasakupang
lugar bilang bahagi ng kolonya ng
Espanya.
7. Sa kabilang dako, pinanatili ng hari ng Espanya ang
kalagayan sa lipunan ng datu at ng kanyang pamilya.
Nadamay din ang kalagayang politika ng bansa sa
panahon ng dayuhan. Naging mahirap ang pagsunod sa
batas at patakarang ipinatupad ng mga Espanyol.Naging
mapang-abuso ang mga opisyal na dayuhan at hindi
naging pantay ang pagtingin sa mga katutubo. Hindi rin
pinagkatiwalaan ang mga Filipino sa mga matataas na
posisyon sa pamahalaan sa pangambang magdulot
lamang ito ng suliranin sa pamahalaang Espanyol. Sa
huli, ang mga Filipino ay naging tagasunod lamang sa
sariling lupain na pinamumunuan ng mga banyaga.
8. Marahil na rin sa iba't -ibang ginawa ng mga
Espanyol, maraming mga Filipino ang nahirapan sa
kung ano ang kanilang dapat gawin kaugnay sa
pananakop. Ilan ay ang mga sumusunod:
Una, pagtakas sa mga mapang-aping namamalakad
na tanging solusyon para sa iba dahil sa sobrang
hirap na kanilang dinaranas mula sa mga dayuhang
Espanyol at di makatarungang pangongolekta ng
tributo o buwis. Ang mga ninunong Filipino ay
napilitang talikuran ang kanilang nakalakhang
tahanan at magpakalayo layo sa mga
9. kabundukan at kagubatan ng pamamahala ng
kolonyang Espanyol. Sila ang mga katutubo na
nagawang mapanatili ang tunay na kultura at
pagkakakilanlan ng mga Filipino.
Ikalawa, napilitang yakapin ng mga katutubong Filipino
ang lahat ng mga batas at alituntunin na ipinapatupad
ng mga ito dulot ng kanilang matinding pangamba na
maaaring may di magandang pangyayari ang
maganap sa kanila at mahal nilang pamilya.
10. Tinanggap din ila ang puwersahang pagseserbisyo, na kilala
sa tawag na polo y servicio kahit nangangahulugan ito na
mapapabayaan ang kanilang pananim at ang masakit pa ay
mawawalay sila sa kanilang pamilya. Tinanggap din nila ang
kulturang dala ng mga Espanyol, tulad ng kristiyanismo,
pananamit, edukasyon, at panahanan.
At ang huli, nagkaroon sila ng tapang na ipaglaban ang
kanilang Karapatan nang magising sa mahabang
pagkakahimbing ang mga katutubong Filipino mula sa
masamang sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol sa
Pilipinas.
11. Nagsagawa sila ng mga pag-aalsa at walang
takot nilang hinarap ang mga Espanyol. Naging
watak-watak man ang paglaban sa iba’t-ibang
panig ng Pilipinas ngunit ipinakita nito ang
damdaming makabayan ng mga Filipino na
handang
mag-alay ng kanilang buhay upang maibalik ang
ating kasarinlan.
12. Leksyon 2- Pag aalsa
Sa mahabang panahon ng pananakop ng dayuhang Espanyol sa
ating bansa, maraming damdamin ang sumiklab at pag-aalsang
naganap. Ang mga ito ay kalimitang nag-uugat sa mga
pagmamalabis at nararanasang pang-aabuso ng mga opisyal ng
pamahalaan at mga prayle. Sila ang nanguna sa pag-angkin sa
mga lupain ng mga katutubong magsasaka. Ilan sa mga dahilan
ay ang pagbabago sa anyo ng kalinangan ng mga Filipino
partikular na sa kanilang lipunan. At mga pagkawala ng mga
mahahalagang tao tulad ng mga babaylan, katalonan, at konseho
ng matanda ang isa sa malaking dahilan sa naging reaksyon ng
Filipino tungo sa pag-alsa.
13. Ang mga Katangian ng mga Unang Pag –aalsa
Kauna-unahang pag-aalsa na pumukaw sa ating damdamin
ay ang Labanan sa Mactan.Ito ang unang pakikipaglaban na
isinagawa ng mga katutubo, bilang pagtutol sa pananakop ng
Espanyol. Si Lapu-Lapu ang pinuno ng maliit na isla ng
Mactan. Kilala siya sa kanyang katapangan sa pakikipaglaban
ngunit mabait na lider sa nasasakupan. Inilalarawan din siya
bilang isang pinuno na may matibay na paninindigan. Ang
katapangan at kagitingan ni Lapu-Lapu ay ipinakita niya sa
makasaysayang “Battle of Mactan” noong madaling-araw ng
Abril 27, 1521. Sa nasabing labanan, tinalo at napatay ng
pangkat ni Lapu-Lapu si Ferdinand Magellan at ang mga
sundalong Kastila.
14. Sa Battle of Mactan, walang
nagawa ang putok ng kanyon nina
Magellan sa mga umuulang pana
na may lason, mga bakal, at sibat
na kawayan nina Lapu-Lapu.
Masasalamin sa talambuhay ng
ating bayani na si Lapu-lapu ang
kanyang pagmamahal sa kanyang
bayang tinubuan.
15. Samantala, ilan pa sa mga pag-aalsa na tumatak sa ating
puso at isipan ay ang mga pag-aalsa ng pagkakatatag ng
pamahalaang kolonyal. Masasalamin sa karanasan ng
Pilipinas bago ang 1745, ang pag-aalsa ay nakabase sa
paghihimagsik laban sa makapangyarihang pinuno na
nakatatanggap ng mas mataas na trato sa larawan ng
pamumuhay at pamamahala sa mga katutubo. Ito ay isang
pakikipaglaban upang manumbalik ang nakaraang
pamumuhay ng katutubo upang tuluyang maiwaksi ang
impluwensya ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan.
Nagkamit ng mas mataas na uri ng pamumuhay ang mga
Filipino. Ang ilan sa mga naunang pag-aalsa gaya ng
pinamunuan nina Magalat, Tamblot, Sumuroy, at Almazan ay
ilan lamang sa mga pag- aalsang naganap sa bansa na ang
pakay ay ang panrelihiyon lamang.
16.
17. Pinili nilang manirahan sa bundok at doon ay
nagtatag ng isang malaya at rebolusyonaryong
pamahalaan. Lumaki ang bilang ng kanyang
kasapi na umabot ng 3000 at hindi nagtagal ay
nagawa nilang kalabanin ang mga Espanyol sa
iba-ibang bayan sa Bohol.Gumanti ang kanyang
pwersa sa isang si Padre Gaspar Morales, ang
paring tumanggi sa paglilibing sa kanyang
kapatid. Namatay si Padre Morales matapos
nilang salakayin ang kanilang lupain.
18. Tumagal na 85 taon ang pag-aalsa ni Dagohoy
na tinatayang nilahukan ng umabot sa
dalawang-libong rebolusyonaryo na sumapi sa
samahan. Namatay siya sa katandaan na.
Pinaniniwalaan na ipinagpatuloy pa ng kanyang
kamag-anak ang kanyang nasimulan. Ang pag-
aalsang Dagohoy ang tinaguriang
pinakamahabang pag-aalsa sa bansa
19. Kilusang Agraryo (1745-1746)
Ang usaping Agraryo ay tungkol sa pagmamay-ari
ng lupa noong ika -17 hanggang ika -19 na siglo.Ito
ay nagsimula noong mag-angkin ng mga lupain ang
mga prayleng mapang-abuso at marahas na namuno
.Nangamkam at nang-agaw ang mga prayle mula sa
maraming katutubong ng mga lupain na nabili o
nabawi nila mula sa opisyal ng pamahalaan .Dahil
dito, nabuo ang pagkamuhi sa mga prayle ng mga
katutubo na nais maibalik ang lupain na dapat ay sa
pagmamay-ari nila at na naglunsad ng pag-aalsa sa
ilalim ng isang kilusang agraryo.
20. Sa rehiyon ng Timog Luzon na nasa katagalugan ay
nailunsad ang pag-aalsa ng kilusang agraryo. Sinimulan ito
sa Cavite at nakaabot sa karatig lugar ng Laguna at
Batangas.Inangkin ng mga miyembro ng kilusan ang mga
lupain ng mga prayle. Tinawag ang mga lupaing ito
hacienda. Karaniwang ginagamit lamang ang mga hacienda
sa pag hahayupan na ang tawag ay rancho. Naganap din sa
karatig na lalawigan na nasa labas ng Maynila ang pag-
aalsang agraryo. Ang pag-aalsang ito ay nagtagumpay na
maibalik o mabawi ng mga katutubo ang mga lupain ng mga
prayle. Dito rin nagsimula ang pagtanggi ng mga
mamamayan sa katagalugan sa mga impluwensyang
Espanyol at ang pagnanais na mapaalis ang mga dayuhan
sa kanilang mga lupain.
21. Pag-aalsa nila Diego at Gabriela Silang (1762-1763)
Si Maria Josefa Gabriela Silang ay ipinanganak sa Santa,
Ilocos Sur noong Marso 19, 1731. Dalawampung taong gulang
si Gabriela nang sapilitang ipakasal sa isang mayaman subalit
matanda niyang manliligaw. Nang mamatay ang asawa ay
naiwan kay Gabriela ang malaking kayamanan. Dumating sa
buhay ng balo ang isang makisig, mabait, at makabayang
binata sa katauhan ni Diego Silang.Noon ay may malaki nang
problemang panlipunan ang mga Ilocano. Pwersahan silang
pinagtatrabaho at sinisingil ng mataas na buwis ng mga
mananakop na Espanyol.Sapagkat taglay ni Diego Silang ang
lahat ng katangian ng isang lider, siya ang naging pinuno ng
mga pag-aalsa laban sa mga mananakop. Sa lahat ng
labanang pinamunuan, kasa- kasama ni Diego si Gabriela sa
pagtatanggol sa kalayaan.
22. Nang iutos ng mga kastila na patayin si Diego ay naiwang
lungkot na lungkot na si Gabriela. Kulang ang liderato ng mga
Ilocano na nawalan ng isang matapang na pinuno. Kahit wala
na ang asawa, hindi naduwag si Gabriela. Inisip niyang
malaking responsibilidad ang pinasimulan nilang pag-aalsa.
Itinuloy niya ang labang naiwan ng asawa. Si Gabriela na isang
babae ang sumakay sa kabayong pandigma ni Diego.
Pinalakpakan siya ng lahat sa pagiging tunay na Henerala ng
labanan. Upang maparami pa ang mga sundalo niya,
nanawagan si Gabriela sa mga kababayang naninirahan sa
bulubundukin ng Abra. Sa kadahilanang mapagkakatiwalaan
siyang Henerala, lahat ay lumabang kahilera niya. Sa
pagnanais na muling makuha ang Vigan, pinamunuan ni
Gabriela ang pagsalakay sa mga Kastila noong Septyembre 10,
1763. Sa kasamaang palad, ang 2,000 kawal niya ay hinarap
ang 6,000 Kastila.Nakatakbo sa mga kasukalan ng Abra
hanggang sa lalawigang bulubundukin si Gabriela. Ngunit
natunton pa rin siya ng mga Espanyol sa pamumuno ni Don
Manuel de Arza.Isa-isang binitay ang mga sundalong Filipino sa
tabing-dagat mula bayan ng Candon hanggang Bantay.Bilang
taluktok ng tagumpay ng mga Kastila, ipinamalita sa lahat na
publikong isasagawa ang pagbitay sa Heneral.
23. Pag -aalsa ni Juan Dela Cruz Palaris (1762 hanggang 1765)
Si Juan Dela Cruz Palaris ay tubong Pangasinan. Nakilala
siya bilang pinuno ng malawakang pag-aalsa Nagpasya si
Palaris na maglunsad ng pag-aalsa dahil sa labis na
pagbubuwis at kawalan ng repormang pangkabuhayan.
Kumalat sa buong lalawigan ang kanyang adhikain at sumapi
ang maraming mamamayan mula sa Pangasinan.Natalo niya
ang pwersang Espanyol sa lugar dahil abala ito sa
pakikipaglaban sa mga taga-Britanya na nagawang sakupin
ang Maynila panahon
iyon.