Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol

27,639 views

Published on

Francisco Dagohoy, Gabriela Silang, Diego Silang, Magat Salamat, Sumuroy, at iba pa.

Published in: Education

Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol

  1. 1. Mga Kilalang Sinaunang Pilipino na nakipaglaban sa mga Espanyol
  2. 2. Juan Ponce Sumuroy • isang Waray na namuno sa mga rebolusyonaryo sa Silangan Visayas, noong 1649-1650. • Nagsimula ang pakikipaglaban ni Sumuroy sa bayan ng Palapag na ngayon ay Hilagang Samar, na lumaganap sa buong rehiyon. May nagsasabing ang pag-aaklas ni Sumuroy ay umabot sa rehiyon Bicol at sa Mindanao. Ang nasabing pag-aaklas ay tinawag na “Rebelyon ni Sumuroy”. • Ang pinag-ugatan ng pag-aaklas ni Sumuroy at kaniyang mga kasama, nang sapilitang pagawain ng mga Espanyol ang mga tao sa Silangang Visayas at karatig na rehiyon, sa pagawaan ng barko, na noon ay nasa Cavite. Kahit naging kilala at malawakan ang aklasan nila Sumuroy, natalo sila ng mga Espanyol.
  3. 3. Dagohoy
  4. 4. Francisco Dagohoy • Pinamunuan ni Francisco Dagohoy o si Francisco Sendrijas sa totoong buhay, ang may pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagsimula ang pag- aalsa ni Dagohoy nang tanggihan ng kura paroko na si Gaspar Morales na bigyan ng Kristyanong libing ang kanyang kapatid na namatay. Pinatay niya ang pari at hinikayat ang mamamayan ng Bohol na bumangon at lumaban sa mga Espanyol. Namundok sila at nagtatag ng isang malayang pamahalaan sa kabundukan. • Ang panglang dagohoy ay mula sa dalawang salitang bisaya na "dagon" na sa tagalog ay agimat, at "hoyohoy" na sa tagalog naman ay hangin. Dahil sa Agimat na ito, kaya niyang tumawid ng isang bundok, at tumawid sa tubig ng di nababasa, kaya din niyang makakita sa madidilim na yungib at kaya din niyang mawala ayon sa kanyang kagustuhan. • Inabot ang kanyang pag-aalsa ng mahigit 85 taon.Nagsimula ito noong 1744 at nagtapos ng 1859. Ang nakatalo sa kaniya ay ang ekspedisyon ni Kapitan Manuel Sanz. Namatay man si Dagohoy ipinagpatuloy ito ng kanyang tauhan.
  5. 5. Lakan Dula
  6. 6. Lakan Dula Nobela ni Alberto Segismundo Cruz, ang Lakandula (1946) ay hinggil sa transpormasyon ng pamayanan mulang kadakilaan tungong kabulukan, at kung paanong bumangon ang mga tao upang baguhin ang gayong abang kondisyon. Inilahad sa nobela ang Lakandula, na dating makasaysayang pook at maringal, at naghunos na bulok at marahas na pook para sa mga residente roon. Ipinakilala sa istorya si Amelia, ang pamangkin ni Donya Mercedes, at isinaad kung paano nahulog ang kaniyang loob kay Angel, na kinakapatid ni Tindeng.
  7. 7. Diego Silang
  8. 8. Diego Silang Si Diego Silang (1730-1763), bayani ng Ilokos, ay ang pinuno ng isang matagumpay na pag-aalsa laban sa mga Espanyol bago naganap ang Himagsikang Pilipino. Siya, at ang kanyang asawa na si Gabriela Silang ang nanguna sa landas tungo sa paglaya ng mga Pilipino.
  9. 9. Gabriela Silang
  10. 10. Gabriela Silang Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang o Gabriela Silang, ang tinaguriang “Joan d'Arc ng Ilocos”, ay isa sa mga kababaihan na lumaban kasama ang iba pang Pilipino noong panahon ng rebolusyon
  11. 11. Tamblot
  12. 12. Tamblot Siya ay isang babaylan mula sa Bohol, Pilipinas, na siyang nagtaguyod ng Tamblot Uprising mula 1621 hanggang 1622 noong panahon ng Kastila. Siya ay gumawa ng isang himala upang tutulan ang kristiyanismo at maibalik ang tunay na paniniwala ng mga Pilipino.
  13. 13. Hermano Pule
  14. 14. Hermano Pule Si Apolinario de la Cruz (22 Hulyo 1814 – 4 Nobyembre 1841), na nakikilala rin bilang si Hermano Pule ("Kapatid na Lalaking Pule") o Puli, ay isang Pilipino na namuno ng isang pangunahing himagsikan laban sa pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas, na batay sa isang pakikibaka para sa kalayaang panrelihiyon at kasarinlan.
  15. 15. Magat Salamat
  16. 16. Magat Salamat • Si Magat Salamat (1550-1595)ay ang prinsipe ng Kaharian ng Tondo at ang pangalawang anak ni Raha Lakandula. Ipinagpatuloy niya ang pag-aalsa na sinimulan ni Raha Lakandula ang kanyang ama ang himagsikan laban sa mga Kastila. Noong 1575 dumaong ang barko ni Martin de Goiti, isang mananakop na Espanyol upang makipag-usap sa hari ng Maynila na si Rajah Lakandula. Noong una ay nagkaroon ng maayos na negosasyon sa magkabilang panig nina Lakandula at Martin de Goiti ngunit di nagtagal ay nagkaroon ng isang mainit na labanan sa Bangkusay, Tondo. Sa pamumuno ni Martin de Goiti at mahigit 500 Espanyol natalo nila ang hukbo nina Raha Lakandula at Sulayman na may 100 Pilipino lamang. Muli silang nag organisa ng isang plano laban kay Martin de Goiti pero sa pagkakataong ito ay katulong na nila si Panday Pira, isang Pilipinong panday na gumagawa ng mga espada, kanyon at marami pang kagamitan na may talim na nagbabalak magtayo ng mga kanyon sa bukana ng Ilog de Maynila (Pasig River ngayon). Sa tulong ng mahigit 5000 Pilipinong nakibahagi sa himagsikan 137 lamang ang nasawi sa labanan. Nanalo ang panig nina Magat Salamat laban sa mga Espanyol. Namatay si Magat Salamat habang siya ay nahimbing sa kanyang pagtulog noong taong 1595. Bilang pagpupugay sa kanya isang mababang paaralan sa may Tondo ang ipinangalan sa kanya.

×