EPEKTO NG KAWALAN NG GADYET SA PAG-AARAL NG MGA PILING
MAG-AARAL NG BANISILAN SENIOR HIGH SCHOOL
Pamanahong Papel
Isang Pananaliksik na Iniharap sa Banisilan Senior High School, Bayan
ng Banisilan, Probinsiya ng North Cotabato
Bilang bahaging katuparan sa asignaturang Komunikasyon at
Pananaliksik sa Kulturang Pilipino
Nina:
Leah Mae Cruz
Roselle Soliva
Merry Pamonag
Brian Alisasis
Oktubre 2016
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Ang pananaliksik na ito na may pamagat na “EPEKTO NG
KAWALAN NG GADYET SA PAG-AARAL NG MGA PILING MAG-AARAL
NG BANISILAN SENIOR HIGH SCHOOL” ay inihanda at iniharap nina
Leah Mae Cruz, Roselle Soliva, Merry Pamonag, at Brian Alisasis bilang
bahaging katuparan sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Kulturang Pilipino.
MARY JEAN S. AGUILAR
Guro
PASASALAMAT O PAGKILALA
Ang mga mananaliksik ay taos-pusong nagpapasalamat sa POONG
MAYKAPAL, para sa lahat ng mga magagandang bagay at sa sapat na
kaalaman at galing na kanyang ipinagkaloob sa mga mananaliksik.
Ang mga mananaliksik ay nagpapasalamat rin sa mga taong
nakibahagi at naglaan ng oras upang tumulong na maging matagumpay
ang pananaliksik na ito:
MARY JEAN S. AGUILAR Guro ng Banisilan Senior High School sa
asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Kulurang Pilipino sa
kanyang pagbigay ng panuto, alituntunin, at suhestiyon sa pananaliksik
na ito.
Sa mga MAGULANG ng mga mananaliksik na nagbigay ng kanilang
walang sawang suporta at motibasyon upang magawa ng mga
mananaliksik ang lahat ng kanilang makakaya para sa pananaliksik na
ito.
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!
TALAAN NG NILALAMAN
Dahon ng Pagpapatibay i
Dahon ng Pasasalamat ii
Talaan ng Nilalaman iii
KABANATA I
Panimula 2
Layunin sa Pag-aaral 4
Kahalagahan ng Pag-aaral 5
Saklaw at Limitasyon 7
Depenisyon ng mga Terminolohiya 8
KABANATA I
ANG SULIRANIN
PANIMULA
Ang Edukasyon ay isang mahalagang paraan upang mabago ang
pamumuhay ng bawat isa. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay
na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang
lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Sa panahon ngayon, hindi natin maitatangging tayo ay nabibilang
na sa tinatawag na “21st Century Learners” kung saan tayo ay
gumagamit na ng mga makabagong teknolohiya tulad ng smartphone,
tablet, at laptop upang mas mapadali at maging produktibo ang ating
pag-aaral. Pati ang mga guro natin ay nabibilang na rin sa tinatawag na
“21st Century Teachers” kung saan gumagamit rin sila ng iba’t ibang uri
ng gadyet upang mapadali ang kanilang pagtuturo dahil pwede na silang
makakuha ng karagdagang impormasyon mula sa internet bukod sa
kanilang ‘Teacher’s Guide’.
Halos lahat ng mga mag-aaral ng Banisilan Senior High School ay
may kanya-kanya nang Android Phone na kanilang ginagamit sa tuwing
mayroong ipinapa-research sa kanila ang kanilang mga guro. Ang iba rin
ay nagdadala ng kanilang sariling laptop kapag mayroon silang reporting
o anumang presentasyon. Totoo ngang malaki na ang naitutulong ng
pag-usbong ng makabagong teknolohiya hindi lamang sa ekonomiya ng
ating bansa kundi pati na rin sa Edukasyon partikular na sa mga mag-
aaral. Ngunit paano naman ang mga mag-aaral na walang sariling
gadyet? Mapapadali rin ba ang kanilang pag-aaral?
Isa sa mga problemang kinakaharap ng Banisilan Senior High
School ay ang kawalan ng gadyet sa pag-aaral ng mga piling mag-aaral.
“Ang pakinabang ng teknolohiya ay pinadadali ang buhay at ang
pagkuha ng impormasyon. Ang dating malaki ay pinaliit, ang mabagal ay
pinabilis, ang mabigat pinagaan.” http://www.philstar.com/psn-
opinyon/2013/03/01/914378/dalawang-mukha-ng-teknolohiya.Sa
pamamagitan ng gadyet na ito, napapadali rin ang pag-aaral kung kaya’t
ito ay lubhang kailangan ng mga mag-aaral upang hindi sila mapag-
iwanan.
Napansin ng mga mananaliksik sa mga piling mag-aaral ng
kanilang paaralan na dahil sa kawalan ng gadyet nahihirapan sila kapag
may ipinapagawa sa kanila na research o kaya ay reporting. Ito rin ay
naging minsan nang dahilan na may sumubok na huminto nalang sa
pag-aaral.
Nabatid ng mga mananaliksik na hindi madali ang mag-aral na
walang sariling gadyet dahil sa kawalan ‘access’ sa internet para
makapag-research ng kanilang mga takdang-aralin o proyekto.
LAYUNIN SA PAG-AARAL
Layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na matuklasan,
mailahad at matukoy kung ano-ano ang naging o magiging epekto ng
kawalan ng gadyet sa pag-aaral.
Upang maisakatuparan ang layuning ito, sisikapin ng mga
mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang epekto ng kawalan ng gadyet sa pag-aaral?
2. Bakit kailangan ang gadyet sa pag-aaral?
3. Ano ang mga salik na nakaaapekto sa kawalan ng gadyet bilang
mag-aaral?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang
epekto sa pag-aaral ng mga estudyante na walang gadyet. Itinitumbok
rin ng pag-aaral na ito kung bakit kailangan ng mga mag-aaral ang
gadyet para sa kanilang pag-aaral at upang matugunan ang mga salik
na nakaaapekto sa kawalan ng gadyet ng mga mag-aaral. Sa
pamamagitan din nito mababatid ng mga mananaliksik kung magiging
maayos pa rin ba o hindi para sa kapakanan ng mag-aaral ang kawalan
ng gadyet. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong hindi lamang
sa mga mag-aaral, guro, at mananaliksik kundi pati na rin sa mga
magulang ng mag-aaral.
Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat mag-aaral. Hindi man nila
ito madalas maipakita ngunit ang kanilang pagsisikap ay sapat nang
ebidensya upang kanilang maipabatid ang pagiging interesado sa pag-
aaral. May gadyet man o wala pwedeng makapag-aral mahirap nga lang
siguro pero nasa kagustuhan rin iyan ng mag-aaral.
Guro ang unang-unang makakaalam sa kakayahan ng kanyang
estudyante pagdating sa pag-aaral dahil siya lagi ang gumagabay sa mga
ito sa loob ng walong oras na nilalaan sa paaralan. Siya ang nakakaalam
ng kahinaan at kalakasan ng isang estudyante kung kaya’t agad niyang
mababatid kung labis bang makaaapekto sa isang estudyante kung ito
ay walang sariling gadyet.
Bilang mananaliksik ang pag-aaral na ito ay isang malaking
hamon sapagkat ito ang unang pagkakataon na gagawa ng ganitong
pananaliksik ang mga mananaliksik. Maaaring sila ay mahihirapan
ngunit alang-alang sa mataas na marka, gagawin ng mga mananaliksik
ang lahat upang ito’y maging produktibo.
Magulang ang unang nakababatid ng kakulangan at
pangangailangan ng kanilang mga anak. Responsibilidad nila na ibigay
ang pangangailangan ng kanilang mga anak sa abot ng kanilang
makakaya. Sila rin ang mas nakakakilala sa kanilang mga anak kung
kaya’t agad nilang malalaman kung ang isang bagay ay may epekto sa
kanilang mga anak.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga piling mag-aaral
ng Banisilan Senior High School. Sa pamamagitan ng pananaliksik na
ito mababatid ng mga mananaliksik ang maaaring maging epekto ng
kawalan ng gadyet sa pag-aaral ng mga piling mag-aaral. Sa
pagkakataong ito maaaring mawalan ng gana o huminto nalang ang mga
mag-aaral dahil wala silang gagamitin kung ito’y kanilang kakailanganin.
Research ang karaniwang ipinapagawa sa mga mag-aaral kung kaya’t
makaaapekto nga sa mga mag-aaral ang kawalan ng gadyet.
Tanging itutuon lamang sa mga napiling mag-aaral at paaralan
ang pananaliksik.
DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA
Para mas madali at maging malinaw ang pag-unawa ang ilang
salita ay bibigyan ng kahulugan para sa ikakabuti ng pag-aaral.
Gadyet. Ito ay mga makabagong teknolohiya tulad ng Android phone,
tablet, at laptop na siyang ginagamit upang mapadali ang
komunikasyon, pagkuha ng impormasyon, at upang mapadali ang
gawain sa opisina, sa paaralan, at sariling pangngailangan.
Epekto. Isang pagbabago na magiging resulta kapag isinagawa ang
isang bagay o pangyayari.
Internet. Mga magkakabit na mga computer network na maaaring
gamitin ng mga tao sa buong mundo.
Impormasyon. Kaalamang makukuha mula sa isang tao o mga bagay-
bagay. Ito ang katotohanang detalye tungkol sa particular na paksa.
Research. Isang masusing pag-aaral na ginagawa upang makahanap ng
mga bagong kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay.
Kawalan. Hindi pagkakaroon.

PAMANAHONG PAPEL

  • 2.
    EPEKTO NG KAWALANNG GADYET SA PAG-AARAL NG MGA PILING MAG-AARAL NG BANISILAN SENIOR HIGH SCHOOL Pamanahong Papel Isang Pananaliksik na Iniharap sa Banisilan Senior High School, Bayan ng Banisilan, Probinsiya ng North Cotabato Bilang bahaging katuparan sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Kulturang Pilipino Nina: Leah Mae Cruz Roselle Soliva Merry Pamonag Brian Alisasis Oktubre 2016
  • 3.
    DAHON NG PAGPAPATIBAY Angpananaliksik na ito na may pamagat na “EPEKTO NG KAWALAN NG GADYET SA PAG-AARAL NG MGA PILING MAG-AARAL NG BANISILAN SENIOR HIGH SCHOOL” ay inihanda at iniharap nina Leah Mae Cruz, Roselle Soliva, Merry Pamonag, at Brian Alisasis bilang bahaging katuparan sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Kulturang Pilipino. MARY JEAN S. AGUILAR Guro
  • 4.
    PASASALAMAT O PAGKILALA Angmga mananaliksik ay taos-pusong nagpapasalamat sa POONG MAYKAPAL, para sa lahat ng mga magagandang bagay at sa sapat na kaalaman at galing na kanyang ipinagkaloob sa mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay nagpapasalamat rin sa mga taong nakibahagi at naglaan ng oras upang tumulong na maging matagumpay ang pananaliksik na ito: MARY JEAN S. AGUILAR Guro ng Banisilan Senior High School sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Kulurang Pilipino sa kanyang pagbigay ng panuto, alituntunin, at suhestiyon sa pananaliksik na ito. Sa mga MAGULANG ng mga mananaliksik na nagbigay ng kanilang walang sawang suporta at motibasyon upang magawa ng mga mananaliksik ang lahat ng kanilang makakaya para sa pananaliksik na ito. MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!
  • 5.
    TALAAN NG NILALAMAN Dahonng Pagpapatibay i Dahon ng Pasasalamat ii Talaan ng Nilalaman iii KABANATA I Panimula 2 Layunin sa Pag-aaral 4 Kahalagahan ng Pag-aaral 5 Saklaw at Limitasyon 7 Depenisyon ng mga Terminolohiya 8
  • 7.
    KABANATA I ANG SULIRANIN PANIMULA AngEdukasyon ay isang mahalagang paraan upang mabago ang pamumuhay ng bawat isa. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Sa panahon ngayon, hindi natin maitatangging tayo ay nabibilang na sa tinatawag na “21st Century Learners” kung saan tayo ay gumagamit na ng mga makabagong teknolohiya tulad ng smartphone, tablet, at laptop upang mas mapadali at maging produktibo ang ating pag-aaral. Pati ang mga guro natin ay nabibilang na rin sa tinatawag na “21st Century Teachers” kung saan gumagamit rin sila ng iba’t ibang uri ng gadyet upang mapadali ang kanilang pagtuturo dahil pwede na silang makakuha ng karagdagang impormasyon mula sa internet bukod sa kanilang ‘Teacher’s Guide’. Halos lahat ng mga mag-aaral ng Banisilan Senior High School ay may kanya-kanya nang Android Phone na kanilang ginagamit sa tuwing mayroong ipinapa-research sa kanila ang kanilang mga guro. Ang iba rin ay nagdadala ng kanilang sariling laptop kapag mayroon silang reporting o anumang presentasyon. Totoo ngang malaki na ang naitutulong ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya hindi lamang sa ekonomiya ng ating bansa kundi pati na rin sa Edukasyon partikular na sa mga mag- aaral. Ngunit paano naman ang mga mag-aaral na walang sariling gadyet? Mapapadali rin ba ang kanilang pag-aaral? Isa sa mga problemang kinakaharap ng Banisilan Senior High School ay ang kawalan ng gadyet sa pag-aaral ng mga piling mag-aaral. “Ang pakinabang ng teknolohiya ay pinadadali ang buhay at ang pagkuha ng impormasyon. Ang dating malaki ay pinaliit, ang mabagal ay
  • 8.
    pinabilis, ang mabigatpinagaan.” http://www.philstar.com/psn- opinyon/2013/03/01/914378/dalawang-mukha-ng-teknolohiya.Sa pamamagitan ng gadyet na ito, napapadali rin ang pag-aaral kung kaya’t ito ay lubhang kailangan ng mga mag-aaral upang hindi sila mapag- iwanan. Napansin ng mga mananaliksik sa mga piling mag-aaral ng kanilang paaralan na dahil sa kawalan ng gadyet nahihirapan sila kapag may ipinapagawa sa kanila na research o kaya ay reporting. Ito rin ay naging minsan nang dahilan na may sumubok na huminto nalang sa pag-aaral. Nabatid ng mga mananaliksik na hindi madali ang mag-aral na walang sariling gadyet dahil sa kawalan ‘access’ sa internet para makapag-research ng kanilang mga takdang-aralin o proyekto.
  • 9.
    LAYUNIN SA PAG-AARAL Layuninng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na matuklasan, mailahad at matukoy kung ano-ano ang naging o magiging epekto ng kawalan ng gadyet sa pag-aaral. Upang maisakatuparan ang layuning ito, sisikapin ng mga mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang epekto ng kawalan ng gadyet sa pag-aaral? 2. Bakit kailangan ang gadyet sa pag-aaral? 3. Ano ang mga salik na nakaaapekto sa kawalan ng gadyet bilang mag-aaral?
  • 10.
    KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Angpagsasagawa ng pag-aaral na ito ay upang matukoy ang epekto sa pag-aaral ng mga estudyante na walang gadyet. Itinitumbok rin ng pag-aaral na ito kung bakit kailangan ng mga mag-aaral ang gadyet para sa kanilang pag-aaral at upang matugunan ang mga salik na nakaaapekto sa kawalan ng gadyet ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan din nito mababatid ng mga mananaliksik kung magiging maayos pa rin ba o hindi para sa kapakanan ng mag-aaral ang kawalan ng gadyet. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong hindi lamang sa mga mag-aaral, guro, at mananaliksik kundi pati na rin sa mga magulang ng mag-aaral. Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat mag-aaral. Hindi man nila ito madalas maipakita ngunit ang kanilang pagsisikap ay sapat nang ebidensya upang kanilang maipabatid ang pagiging interesado sa pag- aaral. May gadyet man o wala pwedeng makapag-aral mahirap nga lang siguro pero nasa kagustuhan rin iyan ng mag-aaral. Guro ang unang-unang makakaalam sa kakayahan ng kanyang estudyante pagdating sa pag-aaral dahil siya lagi ang gumagabay sa mga ito sa loob ng walong oras na nilalaan sa paaralan. Siya ang nakakaalam ng kahinaan at kalakasan ng isang estudyante kung kaya’t agad niyang mababatid kung labis bang makaaapekto sa isang estudyante kung ito ay walang sariling gadyet. Bilang mananaliksik ang pag-aaral na ito ay isang malaking hamon sapagkat ito ang unang pagkakataon na gagawa ng ganitong pananaliksik ang mga mananaliksik. Maaaring sila ay mahihirapan ngunit alang-alang sa mataas na marka, gagawin ng mga mananaliksik ang lahat upang ito’y maging produktibo. Magulang ang unang nakababatid ng kakulangan at pangangailangan ng kanilang mga anak. Responsibilidad nila na ibigay ang pangangailangan ng kanilang mga anak sa abot ng kanilang
  • 11.
    makakaya. Sila rinang mas nakakakilala sa kanilang mga anak kung kaya’t agad nilang malalaman kung ang isang bagay ay may epekto sa kanilang mga anak.
  • 12.
    SAKLAW AT LIMITASYON Angpag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga piling mag-aaral ng Banisilan Senior High School. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito mababatid ng mga mananaliksik ang maaaring maging epekto ng kawalan ng gadyet sa pag-aaral ng mga piling mag-aaral. Sa pagkakataong ito maaaring mawalan ng gana o huminto nalang ang mga mag-aaral dahil wala silang gagamitin kung ito’y kanilang kakailanganin. Research ang karaniwang ipinapagawa sa mga mag-aaral kung kaya’t makaaapekto nga sa mga mag-aaral ang kawalan ng gadyet. Tanging itutuon lamang sa mga napiling mag-aaral at paaralan ang pananaliksik.
  • 13.
    DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA Paramas madali at maging malinaw ang pag-unawa ang ilang salita ay bibigyan ng kahulugan para sa ikakabuti ng pag-aaral. Gadyet. Ito ay mga makabagong teknolohiya tulad ng Android phone, tablet, at laptop na siyang ginagamit upang mapadali ang komunikasyon, pagkuha ng impormasyon, at upang mapadali ang gawain sa opisina, sa paaralan, at sariling pangngailangan. Epekto. Isang pagbabago na magiging resulta kapag isinagawa ang isang bagay o pangyayari. Internet. Mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Impormasyon. Kaalamang makukuha mula sa isang tao o mga bagay- bagay. Ito ang katotohanang detalye tungkol sa particular na paksa. Research. Isang masusing pag-aaral na ginagawa upang makahanap ng mga bagong kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay. Kawalan. Hindi pagkakaroon.