BAGONGTAON NG MGATSINO
ni: Andilaine R. Tajanlangit
Isang pista opisyal ang bagong taon ng mga Tsino, Kapistahan ng
Tagsibol ang taguri nila rito; Kadalasang pumapatak sa pagitan ng
dalawampu’t isa ng Enero Hanggang dalawampu’t isa ng Pebrero.
2.
May mga kaugalianang mga Tsino tuwing Bagong
Taon, Itinuturing nila itong okasyon ng pagtitipon-
tipon; Maging ang masusing paglilinis ng tahanan
Upang makapasok ang swerte’t umalis ang
kamalasan. Nariyan pa ang paglalagay ng mga
palamuti sa pinto at bintana, Nangangahulugan
daw ng magandang kapalaran at buhay na
masagana; Gumagamit din sila ng mga tambol at
paputok Bumibili rin sila ng bagong mga damit at
nagpapagupit ng buhok.
3.
Gabay na mgatanong:
1. Anong kapistahan ang paksa ng tula?
2. Ano-anong paghahanda ang ginagawa ng mga Tsino tuwing Bagong Taon?
3. Ilahad ang mga kaugaliang Tsinong nabanggit sa tula.
4. Ihambing ang pagdiriwang
4.
WIKARAMBULAN: Ayusin angmga ginulong letra upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga salita.
1. pinagkalooban
YANNIGBI
2. supling
NAAK
3. layaw
HULO
4. tugon
BISA
5. Pagsapit
GAPADGNIT
5.
Tekstong Impormatibo- LibraryCard
MULTIMODAL - Ang multimodal ay binigyang-depinisyon
na estilo ng paggamit ng dalawa o mahigit pang moda ng
komunikasyon.
TEKSTONG MULTIMODAL - Ang tekstong Multimodal ay
maaaring papel- gaya ng mga aklat, komiks, posters. - Ang
tekstong Multimodal ay maaaring digital- mula sa slide
presentations, e-books, blogs, e-posters, webpages at
social media, tungo sa animation, pelikula at video games.
6.
- Ang tekstongMultimodal ay maaaring live (aktuwal)-
isang pagtatanghal, pagpapamalas o pangyayari.
- Ang tekstong Multimodal ay maaaring transmedia-
kung saan ang kuwento ay isinasalaysay gamit ang
‘multiple delivery channels’ na maaaring kombinasyon
ng iba't ibang paraan sa paggamit ng midyum gaya
halimbawa ng aklat, komiks, magasin, pelikula, mga
serye ng web at video game kung saan ang lahat ng ito
ay bahagi ng kabuoang kuwento.
7.
- Nagagawa ngTransmedia na mas linangin ang kuwento sa
bawat midyum na ginagamit gaya halimbawa
ngpagbabalik-tanaw, bago ang mismong kuwento
(prequel), karagdagang mga ‘episodo’ o higit pang
pagpapaibayo sa mga tauhan at banghay. (Jenkins, 2011).
- Ang mabisang komposisyong multimodal ay
nangangailangan ng bagong pag aangat ng disenyo ng mga
kasanayan at kaalaman upang magawa ng mga mag-aaral
na makabuo ng matalinong pagpapasiya sa loob at labas ng
iba't ibang paraan ng moda ng pakikipagkomunikasyon
upang mabisang makabuo ng tamang pagpapakahulugan.
8.
Elemento ng TekstongMultimedia
1. LAYON: - Sa multimedia, ang layon ay tumutukoy sa
pangunahing pakay o layunin ng nilalaman. Maaaring ito ay
magturo, magbigay-impormasyon, mang-aliw, o magbigay
ng mensahe.
2. PAKSA: - Ang paksa ay ang pangunahing ideya o tema ng
multimedia content. Ito ang sentral na konsepto na
tinatalakay sa buong nilalaman.
9.
IMAHEN:
- Sa multimedia,ang imahen ay tumutukoy sa mga
visual na representasyon tulad ng mga larawan,
graphics, at video na ginagamit upang suportahan o
palakasin ang mensahe ng teksto. Sa pagsasama-
sama ng layon, paksa, at imahen, ang multimedia ay
nagiging mas epektibo sa paghahatid ng mensahe at
pagkuha ng atensyon ng mga audience
10.
Boracay Ni:
Andilaine R.Tajanlangit
Tahimik na namumuhay ang pamilya Rafael sa barangay Siling Bata, sa
Pandi, Bulacan. Ang mag-asawang Andy at Dely ay pinagkalooban ng
apat na malulusog na supling.
Lumaking matatalino ang apat na magkakapatid na sina Jun,
Christopher, Angelo at Lalaine. Si Lalaine ang bunso at nag-iisang
babae. Subalit hindi siya pinalaki sa layaw ng kanyang mga magulang.
Nasa baitang 5 si Lalaine sa Mababang Paaralan ng Siling Bata. Isang
hapon ay pagkauwi niya galing sa paaralan ay iniabot ng kanyang nanay
ang isang liham. “Wow, mula kay Maricel. Noong isang taon ‘nay ay
lumipat na sila ng pamilya niya sa Aklan.” kuwento ni Lalaine sa
kanyang ina.
11.
Agad niyang binasaang liham na nagsasaad ng paghingi
ng paumanhin ni maricel dahil hindi nakasulat agad.
“’Nay, sa darating na bakasyon daw ay ina- anyayahan
tayo ng pamilya nina Maricel na magbakasyon sa kanila
sa Aklan. Mamamasyal daw tayo sa Boracay.” nasasabik
na balita ni Lalaine sa kanyang ina. “Sige anak, sagutin
mo ang liham niya at sabihin mong pupunta tayo sa
kanila sa bakasyon.” tugon naman ng kaniyang ina.
Nagmamadaling gumawa ng liham si Lalaine.