3. Gusto mo bang malaman
ang naging reaksiyon ng
mga katutubong Filipino
sa pagdating ng mga
Espanyol?
4. Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga
Filipino sa kolonyalismong Espanyol (Hal. pag-aalsa,
pagtanggap sa kapangyarihang kolonyal/kooperasyon).
5. Ilan sa mga kilalang bayani ang siyang nagbuwis
ng kanilang buhay upang maipagtanggol ang
ating bansa laban sa mga mananakop na
Espanyol.
Makikilala natin ang ilan sa mga Filipinong nag-
alsa at ganoon din na malalaman natin sa mga
sumusunod na gawain ang pagtanggap nila sa
kapangyarihang Espanyol at ang kooperasyong
ipinamalas ng mga katutubong Filipino.
6. Naging madali ba sa mga
Espanyol na sakupin ang
Pilipinas? Sa araling ito,
malalaman natin kung malugod
na tinanggap o tumutol ang mga
Filipino sa mga patakaran ng mga
dayuhang Espanyol.
7. Ang mga pag-aalsang isinagawa ng mga
Filipino ay bunga ng pagtutol sa mga
patakarang Espanyol.
Ang labanan sa Mactan ang siyang
unang nagpakita ng pagtutol ng
mga Filipino nang natalo ng
pangkat ni Lapu-lapu ang mga
mananakop na Espanyol.
8. Si Apolinario dela Cruz o
kilala sa tawag na Hermalo
Pule ay isa sa mga nag-alsa
dahil sa hindi pagtanggap
ng mga Dominikano na
maging isang pari bunga ng
pagiging isang Indio o Filipino
nito.
9.
10. Nagkaroon din ng pag-aalsa sa
Bohol sa pangunguna ni Francisco
Dagohoy dahil sa hindi pagpayag
na mailibing ang kanyang kapatid
sa sementeryong katoliko. Ito ang
pinakamahabang pag-aalsa na
tumagal ng 85 taon.
11. Si Bankaw ay pinuno ng Limasawa
na nag-alsa dahil nais niyang
bumalik sa dating relihiyon
bagamat siya ay nagging Kristiyano.
Namuno sa pag-aalsa sa Leyte
noong 1622.
Si Tamblot naman ay nag-alsa
noong ika-17 dantaon dahil sa
pagpapalaganap ng krsitiyanismo.
Nais niyang maibalik ang
katutubong relihiyon.
12. • LABANAN SA MACTAN | DETALYE AT TAKTIKA (500th ANNIVERSARY of
BATTLE OF MACTAN) - YouTube
13. Gawain 1
Panuto: Masdan ang larawan,
suriin at unawain ang hatid na
mensahe. Sagutin ang mga
sumusunod na mga tanong at
isulat sa sagutang papel.
14. Gawain 1
Panuto: Masdan ang larawan, suriin at unawain ang hatid na mensahe. Sagutin ang mga
sumusunod na mga tanong at isulat sa sagutang papel.
15. Gawain 1
Panuto: Masdan ang
larawan, suriin at unawain
ang hatid na mensahe.
Sagutin ang mga
sumusunod na mga tanong
at isulat sa sagutang papel.
1.Ano ang ipinakikita ng larawan? Pagtanggap o pagtutol?
2.Sino ang kauna-unahang bayaning Filipino na nagpakita ng
pagtutol sa mga Espanyol?
3.Sino ang pinuno ng mga Espanyol na napatay ng mga Filipino?
4.Ano ang dahilan ng pagkaroon ng labanan sa Mactan?
5.Kung ikaw ang isa sa mga katutubong Filipino, ano ang iyong
gagawin? Bakit?
16. Gawain 2 Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag, Isulat sa sagutang
papel ang salitang PAGTANGGAP kung ito ay nagsasabi ng pagsang-ayon ng mga
Filipino at PAGTUTOL naman ang isulat kapag hindi sumang-ayon ang mga
katutubo sa pagdating at pamamalakad ng mga Espanyol.
1. Labanan nina Lapu-Lapu at Magellan sa pulo ng Mactan.
2. Nagdala ang mga katutubo ng pagkain para sa mga
dayuhang Espanyol noong sila ay dumaong sa Homonhon.
3.Nakipagsanduguan si Magellan kay Kulambo bilang tanda
ng pagkakaibigan ng dalawang pinuno.
4.Ginanap ang kauna-unahang misa sa Limasawa sa
pangunguna ni Padre Pedro de Valderama.
5.Pagbibinyag kay Raha Humabon, ang kanyang asawa, mga
anak at katutubo sa Cebu.
17. 6. Ang mga katutubong ayaw magpabinyag sa
bagong relihiyon ay nagpasiyang umakyat ng
kabundukan at doon nanirahan.
7. Inalok ang mga Espanyol na
makipagkalakalan.
8. Umalis sila sa kanilang tirahan.
9. Nagtatag ng pamayanang Espanyol sa Cebu.
10. Tumanggi silang magbayad ng buwis.
19. Gawain 3
Panuto: Sa isang buong bond paper, gumawa ng
poster na nagpapakita ng pagtutol, pagtanggi
o pag-aalsa ng mga katutubong Filipino laban sa
mga dayuhang Espanyol.
MGA KAGAMITAN SA PAGGAWA NG POSTER
Bondpaper/Oslo Paper
Lapis
Pangkulay (oil pastel, krayola,watercolor)
Ruler
20.
21.
22. Susi sa pagwawasto.
Gawain 4.
1. Bankaw
2. Tamblot
3. Francisco Daguhoy
4. Lapu-Lapu
5. Apolinario dela Cruz