2. Tandaan:
Sa binasang salaysay ay may usapan. Inihihiwalay
ng panipi at kuwit ang tuwirang sinabi ng tauhan
sa ibang bahagi ng salaysay.
Halimbawa: “ Huwag na , Magalona,” ang sabi ng
maysakit.
“Alam kong malapit na ang aking
wakas.”
Hindi nilalagyan ng kuwit at sa halip ay tandang
pananong kung patanong ang sinabi ng tauhan.
Halimbawa: “ Ito ba ang kailangan mo?” tanong ng
ina sa anak.
3. Ikaw naman ang maglagay ng angkp na panipi at kuwit sa
tuwirang sinabi ng tauhan.
1. Magandang gabi, maaari bang makausap si Senador bati ng
Pangulo.
2 . Wala po yata kayong kasama tanong pa ng Senador sa
Pangulo.
3. Naku, wala po kayong aalalahanin Sir, sagot naman ni
Senador.
4.Magandang gabi sa iyo.Ikinalulungkot ko ngunit kailangang-
kailangan kong makausap ka paghingi ng paumanhin ng
Pangulo.
5. Huwag mong akalain yan Pule ani Magalona.
4. Ang Toga ni Mabini
Ang Toga ni Mabini
Maraming tao sa tinitirahan ni Mabini. Mga kaibigan sila ni Pule, ang
palayaw ni Mabini. Naroroon sila sapagkat araw noon ng pagtatapos at nais
nilang batiin si Pule. Di-kaginsa-ginsa’y may tumigil na karwahe. Isang
lalaking may dalang malaking kahon ang magalang na nagtanong.
Magandang hapon po. Dito po ba nakatira si Atty. Apollinario Mabini?
Oo, dito nga siya nakatira.Sagot ng isa sa mga kaibigan ni Mabini.
Napag-utusan po akong ibigay sa kanya ang kahong ito. Padala po ito ng
isang ginang na taga-Sta. Cruz.Magalang na paliwanag ng lalaki.
Ako po ang hinahanap ninyo. Pakisabi po sa nagpadala nito ang taos-
puso kong pasasalamat ani Mabini.
Laking tuwa ni Mabini nang makita ang laman ng kahon.
Naku toga ito ang kailangan ko. Napakabait na babae. Salamat po Diyos
ko natutuwang sabi ni Mabini.
5. Ang Toga ni Mabini
Maraming tao sa tinitirahan ni Mabini. Mga kaibigan sila ni Pule,
ang palayaw ni Mabini. Naroroon sila sapagkat araw noon ng
pagtatapos at nais nilang batiin si Pule. Di-kaginsa-ginsa’y may
tumigil na karwahe. Isang lalaking may dalang malaking kahon ang
magalang na nagtanong.
“Magandang hapon po. Dito po ba nakatira si Atty. Apollinario
Mabini? “
“ Oo, dito nga siya nakatira,” sagot ng isa sa mga kaibigan ni
Mabini.
“Napag-utusan po akong ibigay sa kanya ang kahong ito. Padala
po ito ng isang ginang na taga-Sta. Cruz , “magalang na paliwanag
ng lalaki.
“Ako po ang hinahanap ninyo? Pakisabi po sa nagpadala nito ang
taos-puso kong pasasalamat, “ ani Mabini.
Laking tuwa ni Mabini nang makita ang laman ng kahon.
“Naku toga! ito ang kailangan ko. Napakabait na babae. Salamat
po Diyos ko ! “natutuwang sabi ni Mabini.
6. Takda:
Humanap ng 5 bantog na pahayag ng mga
naging pangulo ng bansa.
Hal.
“Walang kamag-amag-anak,”ani
Pangulong Estrada.