2. Kasanayan sa Pagkatuto
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IId-49)
Nagagamit ang angkop na mga
pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
matibay na paninindigan at mungkahi.
6. Basahin ang talata.
IBAANG BABAE
Hindi maitatanggi na malaki ang
kontribusyon ng kababaihan sa lipunang Pilipino.
Ang pagiging unang guro sa tahanang kabataan pati
ang paghubog ng kanilang katauhan ay kanilang
isinasabalikat. Pinasok na rin nila ang larangan ng
paggawa at serbisyo - publiko. Nararapat lamang
makatanggap ng paghanga ang mga kababaihan dahil
sa kanilang pagiging masipag at matiyaga sa trabaho.
7. Basahin ang talata.
IBAANG BABAE
Sa kasalukuyan, marami nang kababaihan ang
manggagawa ng pamahalaan. Maaasahan sila upang
magbigay ng serbisyong tapat at totoo. Lubha itong
kailangan nang umusad ang ating ekonomiya.
Maging ang Pangulo, maging iba pang lider ng bansa
ay magpapatunay na kaunti lamang ang kasong
katiwaliang kinasasangkutan ng mga babae.
8. Sagutin!
1. Tungkol saan ang binasang teksto?
2. Paano tinalakay ang paksa?
3.Bigyang-pansin ang sinalungguhitang
mga salita, suriin kung paano ito
ginamit sa pangungusap.
9. Pangatnig
Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
Halimbawa:
(Salita)
1. Ang pagkakapantay-pantay ng mga karapatan ng mga kababaihan at
kalalakihan ay dapat bigyang puwang sa lipunan.
(Parirala)
1. Ang pagbuwag sa sistemang patriyarkal at pamumuno ng kalalakihan ay
nagwakas na.
(Sugnay)
1. Ang babae ay katuwang sa bahay at ang lalaki ay lakas nito.
10. Dalawang panlahat na pangkat ng mga
pangatnig
1. Nag-uugnay ng makatimbang na yunit – at, pati, saka, o, ni,
maging, ngunit, subalit. Nag-uugnay ito sa mga sugnay na
makapag-iisa.
Halimbawa:
a. Ang kalagayan pati karapatan ng kababaihan ay nabigyang-
pagpapahalaga na ngayon.
b. Pambahay lamang ang mga babae noon ngunit aktibo na
silang nakikisangkot sa mga isyung pambayan.
c. Ni ikaw ni iyong asawa ay walang matatamong pagpapala
kung magpapatuloy ang paglalamangan ng bawat isa.
11.
12. Dalawang panlahat na pangkat ng mga
pangatnig
Nag-uugnay ng di magkatimbang na yunit – kung, nang,
bago, upang, kapag o pag, dahil sa, sapagkat,
palibhasa, kaya, kung gayon, sana.
Nag-uugnay ito na dalawang sugnay na hindi timbang.
Nasa unahan ang sugnay na pantulong ang pangatnig.
Halimbawa:
a. Paano natin maipagagaya sa mga dayuhan ang
paggalang sa mga kababaihan kung tayo na rin ang di
nagpipitagan sa kanila?
13.
14. Panuto: Bumuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng
iyong opinyon at pananaw batay sa larawan. Gumamit ng
mga pangatnig.
15. Paglalapat
Sumulat ng isang talata sa
paksang - ”Pantahanan Lamang
Ang Mga Ina”. Magpahayag ng
opinyon o pananaw. Gumamit
ng mga pangatnig.
16. Panuto: Piliin at salungguhitan ang tamang sagot na nasa
loob ngpanaklong.
Ang mga kalalakihan (1) ( dahil sa, ni, pati) ang mga
kababaihan ay nagkaisa (2) (kaya, upang, at) wakasan ang
pang-aaliping ito. Nag-alab ang kanilang damdamin (3)
(upang, nang, saka) ipakita ang pagsalungat. Mabihag
(4)kung, bago,o) malagutan man ng hininga, sama-sama
sila sa iisang tunguhin, ang pagtatamo ng kalayaan. Bilang
mamamayan ng bayan sumuporta tayo (5) (at, nang, pati)
makiisa sa iisang layunin ng bayan.
Editor's Notes
Dr. Miriam Defensor Santiago is a globally famous personality, because of her legal brilliance and courageous example in fighting corruption.