Sinasabing ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ilalim minsan namay nasa ibabaw. May mayaman at , mahirap may api at makapangyarihan. Dalawa lamang ang mukhang ipinapakita nag nilalang sa mundo, isang malakas at isang mahina. Karaniwang taguri sa mga taong kabilang sa mababang antas ng lupain ay dukha. Sila ang bumubuo na timatawag na "masa" o grupo ng mga taong kabilang sa isang kahig, isang tuka.
Sa kabanata naipakita ang dalawang mukha sa lipnan. Ang mahina at uhaw sa katarungan ay kumakatawan kina Sisa, Basilio, Crispin at Elias samantalang malakas at makapangyarihan ang kumakatawan kina Padre Salvi at Sarhento.
Malinaw na naipakita sa kabanata ang masaklap na pangyayari sa buhay ng maginang Sisa , Crispin at Basilio. Dahila sa pagiging dukha ng magkapatid sila ay napagbintangan na nagnakaw ng salapi sa simbahan.
Kabanata 13 of Noli Me Tángere.
Talasalitaan:
marahas - tigib ng dahas; agresibo
nauupos - nanghihina
nagtitimpi - nagpipigil
nagbabanta - nagbibigay ng hudyat
tinutop - tinakpan o hinawakan ang noo
tugon - sagot; pahayag ng bilang ng reaksiyon sa pahayag ng ibang tao
sawimpalad - hindi maganda ang buhay o inabot ng masamang karanasan
unos - sigwa; bagyo
Balik-aral:
Malalaman sa kabanata kung paano ipinagdiriwang ng mga taga-San Diego ang Todos Los Santos. Hindi magkamayaw ang mga tao sa sementeryo. May mga taong naghahanap ng puntod ng kanilang mahal sa buhay, may nakaluhod, at kabi-kabila ay maririnig ang ingay ng mga nagdarasal sa isang bahagi ng sementeryo ay masasaksihan ang dalawang lalaking tagapaglibing na nag-uusap hinggil sa bangkay na hinukay ng isa sa kanila na dalawampung araw pa lamang ang nakalilipas. Ayon sa humukay nito, ito ay kanyang ginawa bilang pagtugon lamang sa utos ng kurang malaki na ilipat ang nasabing bangkay sa sementeryo ng mga Intsik.
Baghay:
Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don Rafael kasama ang isang matandang utusan. Sinabi ng matanda kay Ibarra na nagpagawa ng nitso si Kapitan Tyago para sa kanyang ama. Dagdag pa ng matanda, nagtanim daw siya ng bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita ni Ibarra ang sepulturero at tinanong kung nasaan ang puntod. Agad na naalala ng sepulturero ang tinutukoy nila Ibarra. Gayunman, sinabi ng tagapaglibing sa dalawa na wala na ang labi ni Don Rafael sa lawa sa pagsunod sa utos ni Padre Garrote. Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi, tangan ang kaniyang baston. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman, kinompronta niya ito at tinanong kung bakit ito nagawa sa ama. Bakas sa mukha ni Ibarra ang poot at galit sa dibdib.
Takot na sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa prayle na si Padre Damaso. Natauhan si Ibarra at agad na nilisan ang kausap na pari kahit hindi pa ito humihingi ng kapatawaran sa napagbintangang si Padre Salvi.
Buod:
Pumunta si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don Rafael kasama ang isang matandang utusan. Sinabi ng matanda kay Ibarra na nagpagawa ng nitso si Kapitan Tyago para sa kanyang ama. Kahit alam ng sepulturero, sinabi ng tagapaglibing sa dalawa na sinunog niya ang krus at itinapon naman ang mga labi ni Don Rafael sa lawa alinsunod sa utos ni Padre Garrote. Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman, kinompronta niya ito at tinanong kung bakit nilapastangan ang ama. Takot na sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa prayle na si Padre Damaso.
Katanungan:
- Kaninong puntod ang hinanap ni Crisostomo Ibarra sa libingan?
- Anong mga bulaklak ang itinanim ng matanda?

Noli Me Tangere Kabanata 21-50 Jose Rizal.pptxSheluMayConde
Kabanata 21: Kasaysayan ng Isang Ina
Buod: Ikinuwento ni Sisa ang kanyang buhay bilang isang ina at ang kanyang mga anak na sina Basilio at Crispin. Ipinakita dito ang kanyang pagmamahal sa mga anak at ang kanyang pagdurusa sa kamay ng kanyang asawang lasinggero at mapang-abuso.
Tema: Pagmamahal ng ina, kahirapan, at kawalang-katarungan.
Kabanata 22: Liwanag at Dilim
Buod: Si Elias ay nagpunta sa bahay ni Ibarra upang ibalita ang mga plano laban sa kanya. Nagbabala si Elias tungkol sa nalalapit na panganib at inirekomenda na huwag nang ituloy ang kanyang mga plano sa paaralan.
Tema: Babala, panganib, at pagkakaibigan.
Kabanata 23: Pangingisda
Buod: Nagpunta sa lawa sina Ibarra at ang kanyang mga kaibigan para mangisda. Dito ipinakita ang kagandahan ng kalikasan at ang simpleng pamumuhay sa nayon. Nag-usap sila tungkol sa iba't ibang aspeto ng kanilang buhay.
Tema: Kalikasan, simpleng buhay, at pagkakaibigan.
Kabanata 24: Sa Gubat
Buod: Namasyal sa gubat sina Maria Clara at ang kanyang mga kaibigan. Dito'y naglaro sila at nagkaroon ng masayang usapan. Samantala, nagkaroon ng pag-uusap sina Ibarra at Maria Clara tungkol sa kanilang kinabukasan.
Tema: Pag-ibig, kalikasan, at kabataan.
Kabanata 25: Sa Tahanan ng Pilosopo
Buod: Binisita ni Ibarra ang Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa kanyang mga plano. Nagbigay ng mga mahahalagang payo si Tasyo kay Ibarra ukol sa pulitika at sa kanilang lipunan.
Tema: Karunungan, payo, at pulitika.
Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista
Buod: Naghahanda ang buong bayan para sa pista. Ipinakita dito ang kasiyahan ng mga tao sa darating na pagdiriwang. Nakilala din dito ang iba't ibang karakter sa bayan na may kanya-kanyang kwento.
Tema: Pista, kasiyahan, at komunidad.
Kabanata 27: Sa Pagtatakipsilim
Buod: Nagkaroon ng isang masayang pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan nagtipon-tipon ang mga prominenteng tao sa bayan. Naganap ang isang hindi inaasahang pag-uusap sa pagitan ni Padre Damaso at Ibarra.
Tema: Pakikisalamuha, kasaysayan, at alitan.
Kabanata 28: Ang Sulat
Buod: Nakita ni Maria Clara ang isang sulat mula kay Ibarra. Nabasa niya dito ang mga plano ni Ibarra para sa kanilang kinabukasan. Nagkaroon sila ng masusing pag-uusap tungkol sa kanilang mga plano.
Tema: Pag-ibig, plano, at hinaharap.
Kabanata 29: Ang Pista
Buod: Nagkaroon ng engrandeng pista sa bayan. Nagpamalas ang mga tao ng kanilang mga talento sa pagsasayaw, pag-awit, at iba't ibang mga palaro. Lumitaw din ang mga intriga at tsismis sa paligid.
Tema: Tradisyon, kasiyahan, at intriga.
Kabanata 30: Sa Simbahan
Buod: Nagtipon ang mga tao sa simbahan para sa isang mahalagang misa. Nagkaroon ng mahabang sermon si Padre Damaso na puno ng mga patama sa mga hindi niya kasundo, lalo na kay Ibarra.
Tema: Relihiyon, sermon, at alitan.
Kabanata 31: Ang Sermon
Buod: Sa loob ng simbahan, tinalakay ni Padre Damaso ang kanyang mga hinaing laban kay Ibarra at sa mga bagong ideya na kanyang ipinapalaganap. Nakikinig ang mga tao sa kanyan
2. IMPLIKASYON
MENSAHE AT
Sinasabing ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ilalim minsan
namay nasa ibabaw. May mayaman at , mahirap may api at
makapangyarihan. Dalawa lamang ang mukhang ipinapakita nag
nilalang sa mundo, isang malakas at isang mahina. Karaniwang
taguri sa mga taong kabilang sa mababang antas ng lupain ay dukha.
Sila ang bumubuo na timatawag na "masa" o grupo ng mga taong
kabilang sa isang kahig, isang tuka.
Sa kabanata naipakita ang dalawang mukha sa lipnan. Ang mahina at
uhaw sa katarungan ay kumakatawan kina Sisa, Basilio, Crispin at
Elias samantalang malakas at makapangyarihan ang kumakatawan kina
Padre Salvi at Sarhento.
Malinaw na naipakita sa kabanata ang masaklap na pangyayari sa
buhay ng maginang Sisa , Crispin at Basilio. Dahila sa pagiging
dukha ng magkapatid sila ay napagbintangan na nagnakaw ng salapi
sa simbahan.
3. PANGUNAHING TAUHAN
SA KABANATA 24
Crispin - anak ni Sisa na isang sakristan ni Padre
Salvi
Basilio - kapatid ni Crispin
Sisa - ina nina Crispin At Basilio
Don Filipo - Tenyente mayor na mahilig magbasa
Padre Salvi - ang paring pinagsisilbihan nina
Ctispin at Basilio
4. PANGUNAHING TAUHAN
SA KABANATA 24
Maria Clara - Anak ni Kapitan Tiyago na kasintahan
ni Ibarra
Ibarra - Isang mayamang lalaki na taga Europa na
nagbalik sa Pilipinas, Kasintahan ni Maria Clara
Kapitan Basilio -nakalaban ni Ibarra sa larong
ahedres
Alperes - ang bagong opisyal na kasalo ni Padre
Salvi
5. TALASALITAAN
Pinagmamasdan - tinititigan
Nagtatampisaw - naglalaro sa tubig
Nilibot - naglakad-lakad
Alperes - batang opisyal ng militar
Pinahintulutan - pinayagan
Sarhento - ranggo ng sundalo
Dakipin - hulihin
Hinalughog - hinanap
Nabigo - natalo
6. KABANATA 24
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga ni Padre Salvi,
nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal.
May inabot na sulat ang kaniyang kawaksi. Binasa
niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na
nag-almusal. Ipihanda niya ang kaniyang karwahe at
nagpahatid sa piknikan.
Sa may di-kalayuan, pinahinto niya ang karwahe.
Pinabalik niya sa kumbento. Namaybay siya sa mga
latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na
naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga
dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang
masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi
siya makikita nito.
7. Tuwang-tuwa si Padre Salvi sa panood sa
papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan
ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na
lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng
mga kasama nito tungkol sa sa kaniyang galos,
sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan
nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kay
Padre Damaso na naging dahilan ng
pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si
Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na
iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na
tumalilis si Sisa.
8. Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio,
mga sakristan ni Padre Salvi. Naging maigting ang
pagtatalo nina Padre Salvi at Don Felipo sapagkat sinabi
ng Don na higit pang mahalaga sa kura ang paghahanap
sa nawawalang onsa kaysa sa kaniyang dalawang
sakristan.
Namagitan na si Ibarra sapagkat magpapangana na ang
dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang
kukupkop kay Sisa. Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra
sa mga nagsisipaglarong binata at dalaga na naglalaro ng
Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung
magtatagumpay siya sa kaniyang balak. Inihagis niya ang
dais at binasa niya ang sagot na tumama sa: "Ang
pangarap ay nanatiling pangarap lamang." Ipinihayag
niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng
Kapalaran.
9. Mula sa kaniyang bulsa, inilabas niya ang isang
kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang
kaniyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati
ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kay Maria
at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo
ng pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At
iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan.
Dumating si Padre Salvi. Walang sabi-sabing hinablot
ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking kasalanan,
anya, ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga
nilalaman nito’y pawang kasinungalingan. Nabanas si
Albino at sinabihan ang kura na higit na malaking
kasalanan ang pangahasan ang hindi kaniya at
walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na
tumugon ang kura at sa halip ay biglang tinalikuran
ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.
10. Dumating naman ang apat na sibil at ang sarhento.
Hinahanap nila si Elias na siya umanong tumampalasan
kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-
aanyaya at pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon
sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang
maaring makialam sa mga taong kaniyang inaanyayahan
sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginalugad
ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias
na umano’y nagtapon din sa labak sa alperes. Ni bakas ni
Elias ay wala silang nakita.
Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binata
nang unti-unting lumalaganap ang dilim sa paligid.
Magtatakipsilim na.