2. Kaligirang Kasaysayan
• May sariling panitikan
• May sariling baybayin o alpabeto
• May Sistema ng panulat
• Talagang mahilig sa tula, awit, kwento, bugtong at
palaisipan
3. Mga Bahagi ng Panitikang Filipino Bago
Dumating ang mga Kastila
4. Ang Alamat
-ay isang uri ng panitikang tuluyan, na ang karaniwang
paksa ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay,
pook, kalagayan, o katawagan. Ang mga pangyayari ay
likhang isip lamang, salat sa katotohanan at tunay ma di-
kapanipaniwala. Ang layunin nito’y manlibang.
Halimbawa “Ang alamat ng tagalog”
5. Kuwentong Bayan
Ang kwentong-bayan madalas nangyayari sa loob at labas
ng ating lugar. Ito ay nagpasalin-salinsa mga bibig ng mga
tao, kaya’t ang katotohanan sa kwento ay mahirap tukuyin.
Ang mga kuwentong bayan ay binubuo ng mga kwentong
tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-iibigan,
katakutan, at katatawanan na kapupulutan ng magandang
aral sa buhay. Halimbawa “Si Bulan At si Adlawa”
6. Mga awiting Bayan
- Ang mga awiting bayan ay isa sa mga matatandang uri ng
panitikang filipino na lumitaw bago dumating ang mga
kastila. Ito’y mga naglalarawan ng kalinangan ng ating
tinalikdang panahon. karamihan sa mga ito ay may
lalabindalawang pantig.
8. Mga unang Tulang Filipino
-Mapapansing ang mga paksa ng mga unang tagalog
ay panay na pangrelihiyon at magkasama ang
dalawang wika, ang tagalog at kastila sa tula. Ito ang
tinatawag nilang “Ditso noong panahong iyon. Ang
masasabing unang makatang tagalog ay sina Felipe de
Jesus ng San Miguel, Bulacan, Fernando
Bagongbanta, Tomas Pinpin at P. Suarez Osorrio.
Ayon sa mananaliksik, si Felipe de Jesus ang
nakasulat ng unang tunay na tulang tagalog na
nalathala noong 1708.
9. KUWENTONG BAYAN
Ang kuwentong bayan ay binubuo ng mga kuwento
tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-iibigan,
katatakutan, at katatwanan na kapupulutan ng
magagandang aral sa buhay. Ang dulot nito sa atin ay
totoong kapakipanibang, sapagkat nakatutulong ito
upang mapahalagahn ang ating kapaligiran, masuri
ang ating katauhan at pananaw sa buhay.
10. PANAHON NG EPIKO
Napakaraming epiko ang nagsilitaw ng panahong
ito, subalit walang sinuman makapagsabi kung alin sa
mga epiko ang pinakamatanda sapagkat maging Ingles
at Kastila at sa iba pang wika, ang pagkakasalin nito ay
hindi pa naluluma. Maging ang panahon ng
pagkakasulat nito ay maaaring hula-hula lamang nang
ayon sa nasasalig na panahon ng pangyayaring
isinalaysay ng epiko.
11. Ang “Hudhud at Alim” daw ng mga Ipugaw ay
maaaring sa panahon pa nang ang bakal ay hindi
nakikilala ng tao at ang kanilang mga kagamitan ay
yari sa bato. Ang “Ibalon” ng Bikol na natutungkol sa
mga unang tao sa Kabikulan ay ipinalalagay na
nangyari bago pa mag-”Dilubyo”. At ang “Maragtas”
ng mga Bisaya ay malinaw na naglalahad na panahon
na ni Kristo nang mangyari ito.
12. Bukod sa mga nabanggit na epiko, marami pang
kahawig ng mga ito ang maaaring mabasa at mapag-
aral tulad ng:
a. Bidasari-epiko ng Moro
b. Biag ni Lam-ang-epiko ng Iloko
c. Maragtas-epiko ng Bisaya
d. Haraya-epiko ng Bisaya
e. Lagda-epiko ng Bisaya
f. Hari sa Bukid-epiko ng Bisaya
g.Kumintang-epiko ng Tagalog
13. h. Kumintang-epikong Tagalog
i. Parang Sabir-epiko ng Moro
j. “Dagoy at Sudsud”- epiko ngmga Tagbanua
k. Tatuang- epiko ng mga Bagobo
l. Indarapatra at Sulayman
m. Bantugan
n. Daramoke - A -Baboy
14. Biag ni Lam-ang (epiko ng mga Iloko)
Isinulat ni Pedro Bukaneg. Ang may akdang ito ay
sinasabing itinapon ng mga magulang sa ilog ng Abra
noong siya’y sanggol pa dahilan sa siya ay bulag nang
ipinanganak. Subalit isang babae ang nakapulot sa
kanya at siya’y ibinigay sa paring Agustino.
Pinangalanan siyang Pedro Bukaneg, pinalaki at
pinag-aral hanggang siya’y maging dalubhasa sa
Kastila at sa Samtoy (wikang Iloko).
15. Biag ni Lam-ang (epiko ng mga Iloko)
Isinulat ni Pedro Bukaneg. Ang may akdang ito ay
sinasabing itinapon ng mga magulang sa ilog ng Abra
noong siya’y sanggol pa dahilan sa siya ay bulag nang
ipinanganak. Subalit isang babae ang nakapulot sa
kanya at siya’y ibinigay sa paring Agustino.
Pinangalanan siyang Pedro Bukaneg, pinalaki at
pinag-aral hanggang siya’y maging dalubhasa sa
Kastila at sa Samtoy (wikang Iloko). Siya ang “Ama ng
Panitikang Iloko”. Sa kanya ang “Bukaneg”
17. Kaligirang Kasaysayan
-Ang panitikang Filipino nang panahon ng mga kastila ay nagsimula
lamang nang opisyal na maitatag ni Legaspi ang kapangyarihan ng
Espanya sa Filipinas noong 1565. Kumulang humigit sa 44 na taon
muna ang nakaraan simula nung makarating si Magallanes sa
Pilipinas noong 1521 bago opisyal na nasakop ang pilipinas ng
Espanya. May tatlong ekspedisyon ang naipadala ng Espanya sa
Pilipinas bago ang kay Legaspi ngunit ang tatlong ekspidisyon yaong
sa pinamumunuan nina Laoisa (1521).