SlideShare a Scribd company logo
1 of 3
Download to read offline
ANG BUOD NG NOLI ME TANGERE
Sa pag-uumpisa ang nobelang ito ay nilathala ni Dr. Jose Rizal na may ibig sabihin na ‘touch me not’.
Subalit hindi ito literal na pagsalin datapwa’t ito ay ophthalmolohiyang termino na kanser sa mata (eyelids)
noong unang panahon na kapag ginamot ay lalong lalala kung kaya ‘do not touch it’(noli me tangere). Ang
ginawa ni Rizal ay kanyang hinawakan para sumabog. Sa akalang kapag binilad niya ang Noli me Tangere ay
baka may gumamot -( social cancer) - ang naging pagsalin sa Ingles. Kanser dahil sobra 300 taon na ang
lumipas at nagpatuloy hanggang ngayon. Ang pagtatakip ng ating mga mata at ang pagbulag-bulagan ang
naging sanhi kung bakit kanser sa mata. Hindi lang ang Pilipino ay nagbulag-bulagan sa pang-aapi ng Espanyol,
ay pati narin sa pagpapayag natin na magpa-alipin ng kamang-mangan. Narito ang buod.
Nagsimula ang lahat sa isang hapunan o handaan. Umikot ang nobela sa buhay ni Crisostomo Ibarra, isang
binatang nag-aral ng pitong taon sa Europa. Siya ay mula sa isang prominenteng angkan sa San Diego.
Naghandog ng isang piging ang tanyag na si Kapitan Tiago at pasasalamat narin sa Mahal na Birhen sa
pagdating ni Ibarra. Kasamang inimbitahan sa salu-salo ang mga Pransiskanong prayle na sila Padre Salvi at
Padre Damaso. Matapos ang piging, dinalaw ng magiting na binata ang kanyang kasintahang si Maria Clara,
na anak-anakan naman ng kapita-pitagang si Kapitan Tiago. Inakala ng lahat na dahil sa paglilihi ni Donya Pia
sa mga santo habang noon ay nagbubuntis pa siya kay Clara ang siyang dahilan ng kanyang ala mestizang
kagandahan. Lingid sa alam ng marami ay si Clara ang naging bunga sa panggagahasa ni Padre Damaso kay
Donya Pia. Sa pagsasariwa nina Ibarra at Clara sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga liham na ipinadala nila
sa isa’t-isa noong namamalagi pa si Ibarra sa Europa at kasama na ang dahon ng sambong na itinago doon sa
asotea. Araw ng mga Patay kinabukasan, at dinalaw ni Ibarra ang kanyang tahanan sa San Diego.
Nakapagkwentuhan si Ibarra at ang matalik na kaibigan ng kanilang pamilya na si Tinyente Gueverra. Ibinahagi
ni tinyente ang malagim na sinapit ng kanyang ama sa kamay ni Padre Damaso. Bagamat hindi maganda ang
pagiging trato ng prayle kay Don Rafael, pinili na lamang niya na abutin ang kanyang pangarap na
makapagpatayo ng paaralan sa San Diego. Masasabi kong dahil kay Elias ay nailigtas niya si Ibarra sa
masamang plano ng madilaw na tao na patayin ito sa panahon ng paghugos. Binalak din ni Ibarra na ipagamot
si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon noong minsan na nakarating ito sa gubat sa paglalaboy-laboy kung
saan naman nagkaroon ng piknik ang mga kaibigan nito. Sa kasamaang palad, naging madilim ang
kinabukasan ni Ibarra matapos siyang itakwil ng simbahan at mapagbintangan na nag-organisa ng rebelyon.
Tinugis siya ng gwardya sibil, ngunit nailigtas ni Elias, kahit na alam niya na ang lolo ni Ibarra na si Pedro, ang
dahilan ng paghihirap ng kaniyang angkan. Tinangka nilang tumakas palabas ng lawa, ngunit naabutan sila ng
mga gwardya sibil. Upang iligaw ang mga tumutugis, tumaboy si Elias sa bangka. Pinagbabaril siya hanggang
sa mapuno ng kulay pula ang tubig sa lawa. Nagtapos ang kwento sa eksena kung saan humimlay si Elias at
sinabing hindi na niya masisilayan pa ang bukang liwayway. Ang nobela ay nag-iiwan ng isang paghihintay na
balang araw darating ang matalinong henerasyon na maiintindihan ang kasalukuyang sakit ng lipunan.
ANG BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
Ang El Filibusterismo ay karugtong ng Noli Me Tangere na ngayon ay si Ibarra ay nagbabalatkayong si Simoun.
Nagsimula sa isang paglalakbay ng Bapor Tabo sa pagitan ng Laguna at Maynila. Lulan nito si Simoun na nagpakilalang
mag-aalahas, si Isagani, at si Basilio. Labing tatlong taon nang mamatay sina Sisa at Elias ay naging isang estudyante si
Basilio. Nang minsang dalawin ang puntod ng inang si Sisa ay nakita niya si Simoun sa libingan ng mga Ibarra. Dito niya
nabistong si Simoun ay si Ibarra. Nagtangka si Simoun na paslangin si Basilio ngunit nabigo ito. Inaya na lamang niya si
Basilio na sumama sa kaniyang paghihiganti sa mga Espanyol ngunit sabi ng binata ay abala siya sa kaniyang pag-aaral.
Inayang muli ni Simoun si Basilio na maghiganti at lumusob sa kumbento kung saan naroon si Maria Clara. Umayaw muli
si Basilio at hindi naisakatuparan ang misyon dahil yumao na rin si Maria Clara noong hapon ng sana ay paglusob.
Hiniling ng mga mag-aaral sa Kapitan Heneral, na abala sa pagsasabong, na makapagpatayo ng akademya sa wikang
Kastila ngunit hindi ito napagbigyan dahil ang mga prayle ang mamumuno. Upang malimot ang pagkabigong natamo,
nagdaos ng salusalo ang mga mag-aaral sa Panciteria Macanista de Buen Guan. Mainit ang talakayan sa hapag at panay
pagtuligsa sa mga prayle. Nalaman ng mga prayle ang sinabi ng mga mag-aaral kaya naman gumawa ng patibong ang
mga pari. Naglagay sila ng mga paskil na may temang paghihimagsik at ibinintang sa mga mag-aaral. Hinuli ang ilan sa
kanila at napasama si Basilio. Nagdamdam ang kasintahan ni Basilio na si Juli. Inasikaso ng mga kamag-anak ang ibang
mag-aaral upang makalaya habang naiwan sa piitan si Basilio. Gumawa ng paraan si Juli at nakiusap kay Padre Camorra
ngunit wala itong nagawa. Nagpatihulog si Juli sa durungawan ng kombento. Ito ang dahilan ng pagkasawi ng dalaga.
Nakipagsosyo naman si Simoun ng kaniyang negosyo kay Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Naipagkasundo naman ng
kasal si Juanito ang dalagang si Paulita Gomez. Sa nakatakda nilang kasal ay magiging ninong ang Kapitan Heneral.
Samantalang matapos naman ang dalawang buwang pagtitiis sa bilangguan kahit wala namang pagkakasala ay nakalabas
na rin si Basilio sa tulong na rin ni Simoun. Batid niyang kapag natulungan niya itong makalaya ay aanib ito sa kaniyang
mga plano. Hindi naman siya nabigo. Nang makalaya sa piitan at agad na nagtungo si Basilio kay Simoun upang makianib
sa gagawing paghihimagsik nito. Agad na ipinaalam ni Simoun kay Basilio ang kaniyang mga plano. Kabilang dito ang
ginawa niyang pampasabog o bomba na nakabalatkayo bilang isang lampara. Kasing-laki ito ng ulo ng tao. Ihahandog raw
ni Simoun ang lamparang pampasabog sa gagawing kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ayon kay Simoun, ipalalagay
niya ang lampara sa gitna ng isang kiyosko na ipasasadya niya raw ang pagkakagawa. Planado ni Simoun ang
pagkakalikha sa ilawan. Ayon sa kaniya, tatagal ang liwanag nito ng dalawampung minuto at pagkaraan ay lalabo. Kapag
daw tinangkang muling pailawin ang lampara ay puputok ang kapsula sa loob na fulminato de mercurio. Kasabay nito na
sasabog ang granada at mawawasak ang kiyoskong kinalalagyan nito. Kapag daw sumabog ang lampara ay walang
sinuman sa loob ng pagdarausan ng pagtitipon ang makaliligtas. Magiging hudyat din umano ang pagsabog ng lampara ng
pag-uumpisa ng paghihimagsik ng mga inaapi sa pangunguna ni Simoun. Sa mismong araw ng kasal, bandang ikapito
ng gabi ay naroroon si Basilio sa labas ng bahay na pagdarausan ng salusalo. Hindi siya mapakali at balisa. Habang si
Simoun naman ay agad na bumaba mula sa bahay at lumisan dahil naroon na ang lampara na ilang sandali na lamang ay
sasabog na. Dumating si Isagani, ang dating kasintahan ni Paulita. Sinabihan ito ni Basilio na lumisan ngunit hindi ito
nakinig. Ibinunyag tuloy ni Basilio ang plano kay Isagani ngunit hindi naman nakinig ang binata sa isiniwalat ni Basilio.
Maya-maya pa ay humihina na ang liwanag ng lamparang handog ni Simoun. Hindi mapakali ang Kapitan Heneral kaya
ipinakiusap niya kay Padre Irene na ipakitaas ang mitsa. Pumasok sa isip ni Isagani ang sinabi ni Basilio kaya naman
agad niyang kinuha ang lampara. Nagtungo siya sa asotea at inihagis sa ilog upang doon sumabog. Nabigo ang plano ni
Simoun. Sa katapusan, si Simoun ay uminom ng lason at bago siya namatay ay pinuntahan niya si Padre Florentino at
ibinunyag ang lahat. Si Padre Florentino naman ay kinuha ang mga alahas ni Simoun at itinapon sa pinakamalalim na
parte ng dagat kung sa gayon wala ng pag-aawayan pa.
FIL. 101 - Bb. Mary Rose Billion - ANG BUOD NG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO.pdf

More Related Content

What's hot

Kabanata viii (mga alaala ng lumipas
Kabanata viii (mga alaala ng lumipasKabanata viii (mga alaala ng lumipas
Kabanata viii (mga alaala ng lumipas
Carla Faner
 
Isang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsisIsang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsis
PRINTDESK by Dan
 
Kabanata 6 -si kapitan tiago
Kabanata 6 -si kapitan tiagoKabanata 6 -si kapitan tiago
Kabanata 6 -si kapitan tiago
Olive Villanueva
 
NOLI Kabanata 6 si kapitan tiyago
NOLI Kabanata 6   si kapitan tiyagoNOLI Kabanata 6   si kapitan tiyago
NOLI Kabanata 6 si kapitan tiyago
Hularjervis
 
Panahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaanPanahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaan
Hanna Elise
 

What's hot (20)

Kabanata viii (mga alaala ng lumipas
Kabanata viii (mga alaala ng lumipasKabanata viii (mga alaala ng lumipas
Kabanata viii (mga alaala ng lumipas
 
El Filibusterismo
El FilibusterismoEl Filibusterismo
El Filibusterismo
 
Isang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsisIsang libo’t isang gabi sinopsis
Isang libo’t isang gabi sinopsis
 
Noli me tangere kabanata 23
Noli me tangere kabanata 23Noli me tangere kabanata 23
Noli me tangere kabanata 23
 
Mitolohiya ng taga rome
Mitolohiya ng taga romeMitolohiya ng taga rome
Mitolohiya ng taga rome
 
Alegorya ng yungib
Alegorya ng yungib Alegorya ng yungib
Alegorya ng yungib
 
Kabanata 6 -si kapitan tiago
Kabanata 6 -si kapitan tiagoKabanata 6 -si kapitan tiago
Kabanata 6 -si kapitan tiago
 
Noli me tangere kabanata 16
Noli me tangere kabanata 16Noli me tangere kabanata 16
Noli me tangere kabanata 16
 
Noli me tangere kabanata 21
Noli me tangere kabanata 21Noli me tangere kabanata 21
Noli me tangere kabanata 21
 
Filipino tula-compatible
Filipino tula-compatibleFilipino tula-compatible
Filipino tula-compatible
 
Noli me tangere (kabanata 7)
Noli me tangere (kabanata 7)Noli me tangere (kabanata 7)
Noli me tangere (kabanata 7)
 
Noli me tangere kabanata 8
Noli me tangere kabanata 8Noli me tangere kabanata 8
Noli me tangere kabanata 8
 
Noli me tangere kabanata 4
Noli me tangere kabanata 4Noli me tangere kabanata 4
Noli me tangere kabanata 4
 
El filibusterismo kabanata 33 39
El filibusterismo kabanata 33 39El filibusterismo kabanata 33 39
El filibusterismo kabanata 33 39
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Komiks at Magasin
Komiks at MagasinKomiks at Magasin
Komiks at Magasin
 
NOLI Kabanata 6 si kapitan tiyago
NOLI Kabanata 6   si kapitan tiyagoNOLI Kabanata 6   si kapitan tiyago
NOLI Kabanata 6 si kapitan tiyago
 
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Noli Me Tangere at El FilibusterismoNoli Me Tangere at El Filibusterismo
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
 
Pag ibig sa Tinubuang Lupa
Pag ibig sa Tinubuang Lupa Pag ibig sa Tinubuang Lupa
Pag ibig sa Tinubuang Lupa
 
Panahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaanPanahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaan
 

Similar to FIL. 101 - Bb. Mary Rose Billion - ANG BUOD NG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO.pdf

Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
laranangeva7
 
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Ace Lacambra
 
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Cecille Jane Caliso
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
Jen Rivera
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Eemlliuq Agalalan
 

Similar to FIL. 101 - Bb. Mary Rose Billion - ANG BUOD NG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO.pdf (20)

Buod ng El Filibusterismo
Buod ng El FilibusterismoBuod ng El Filibusterismo
Buod ng El Filibusterismo
 
El fili (buod)
El fili (buod)El fili (buod)
El fili (buod)
 
Kabanata
KabanataKabanata
Kabanata
 
FILIPINO
FILIPINOFILIPINO
FILIPINO
 
FILIPINO
FILIPINOFILIPINO
FILIPINO
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
 
Filipino plot diagram- ans
Filipino  plot diagram- ansFilipino  plot diagram- ans
Filipino plot diagram- ans
 
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
 
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
 
Buod ng Noli 49- 64
Buod ng Noli 49- 64Buod ng Noli 49- 64
Buod ng Noli 49- 64
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
 
local_media15493607396635846.pptx
local_media15493607396635846.pptxlocal_media15493607396635846.pptx
local_media15493607396635846.pptx
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
 
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanEl-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
 
Filipino 10 - Buod ng El Filibusterismo
Filipino 10 - Buod ng El FilibusterismoFilipino 10 - Buod ng El Filibusterismo
Filipino 10 - Buod ng El Filibusterismo
 
El Filibusterismo
El FilibusterismoEl Filibusterismo
El Filibusterismo
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
 

FIL. 101 - Bb. Mary Rose Billion - ANG BUOD NG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO.pdf

  • 1. ANG BUOD NG NOLI ME TANGERE Sa pag-uumpisa ang nobelang ito ay nilathala ni Dr. Jose Rizal na may ibig sabihin na ‘touch me not’. Subalit hindi ito literal na pagsalin datapwa’t ito ay ophthalmolohiyang termino na kanser sa mata (eyelids) noong unang panahon na kapag ginamot ay lalong lalala kung kaya ‘do not touch it’(noli me tangere). Ang ginawa ni Rizal ay kanyang hinawakan para sumabog. Sa akalang kapag binilad niya ang Noli me Tangere ay baka may gumamot -( social cancer) - ang naging pagsalin sa Ingles. Kanser dahil sobra 300 taon na ang lumipas at nagpatuloy hanggang ngayon. Ang pagtatakip ng ating mga mata at ang pagbulag-bulagan ang naging sanhi kung bakit kanser sa mata. Hindi lang ang Pilipino ay nagbulag-bulagan sa pang-aapi ng Espanyol, ay pati narin sa pagpapayag natin na magpa-alipin ng kamang-mangan. Narito ang buod. Nagsimula ang lahat sa isang hapunan o handaan. Umikot ang nobela sa buhay ni Crisostomo Ibarra, isang binatang nag-aral ng pitong taon sa Europa. Siya ay mula sa isang prominenteng angkan sa San Diego. Naghandog ng isang piging ang tanyag na si Kapitan Tiago at pasasalamat narin sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Ibarra. Kasamang inimbitahan sa salu-salo ang mga Pransiskanong prayle na sila Padre Salvi at Padre Damaso. Matapos ang piging, dinalaw ng magiting na binata ang kanyang kasintahang si Maria Clara, na anak-anakan naman ng kapita-pitagang si Kapitan Tiago. Inakala ng lahat na dahil sa paglilihi ni Donya Pia sa mga santo habang noon ay nagbubuntis pa siya kay Clara ang siyang dahilan ng kanyang ala mestizang kagandahan. Lingid sa alam ng marami ay si Clara ang naging bunga sa panggagahasa ni Padre Damaso kay Donya Pia. Sa pagsasariwa nina Ibarra at Clara sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga liham na ipinadala nila sa isa’t-isa noong namamalagi pa si Ibarra sa Europa at kasama na ang dahon ng sambong na itinago doon sa asotea. Araw ng mga Patay kinabukasan, at dinalaw ni Ibarra ang kanyang tahanan sa San Diego. Nakapagkwentuhan si Ibarra at ang matalik na kaibigan ng kanilang pamilya na si Tinyente Gueverra. Ibinahagi ni tinyente ang malagim na sinapit ng kanyang ama sa kamay ni Padre Damaso. Bagamat hindi maganda ang pagiging trato ng prayle kay Don Rafael, pinili na lamang niya na abutin ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng paaralan sa San Diego. Masasabi kong dahil kay Elias ay nailigtas niya si Ibarra sa masamang plano ng madilaw na tao na patayin ito sa panahon ng paghugos. Binalak din ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon noong minsan na nakarating ito sa gubat sa paglalaboy-laboy kung saan naman nagkaroon ng piknik ang mga kaibigan nito. Sa kasamaang palad, naging madilim ang kinabukasan ni Ibarra matapos siyang itakwil ng simbahan at mapagbintangan na nag-organisa ng rebelyon. Tinugis siya ng gwardya sibil, ngunit nailigtas ni Elias, kahit na alam niya na ang lolo ni Ibarra na si Pedro, ang dahilan ng paghihirap ng kaniyang angkan. Tinangka nilang tumakas palabas ng lawa, ngunit naabutan sila ng mga gwardya sibil. Upang iligaw ang mga tumutugis, tumaboy si Elias sa bangka. Pinagbabaril siya hanggang sa mapuno ng kulay pula ang tubig sa lawa. Nagtapos ang kwento sa eksena kung saan humimlay si Elias at sinabing hindi na niya masisilayan pa ang bukang liwayway. Ang nobela ay nag-iiwan ng isang paghihintay na balang araw darating ang matalinong henerasyon na maiintindihan ang kasalukuyang sakit ng lipunan.
  • 2. ANG BUOD NG EL FILIBUSTERISMO Ang El Filibusterismo ay karugtong ng Noli Me Tangere na ngayon ay si Ibarra ay nagbabalatkayong si Simoun. Nagsimula sa isang paglalakbay ng Bapor Tabo sa pagitan ng Laguna at Maynila. Lulan nito si Simoun na nagpakilalang mag-aalahas, si Isagani, at si Basilio. Labing tatlong taon nang mamatay sina Sisa at Elias ay naging isang estudyante si Basilio. Nang minsang dalawin ang puntod ng inang si Sisa ay nakita niya si Simoun sa libingan ng mga Ibarra. Dito niya nabistong si Simoun ay si Ibarra. Nagtangka si Simoun na paslangin si Basilio ngunit nabigo ito. Inaya na lamang niya si Basilio na sumama sa kaniyang paghihiganti sa mga Espanyol ngunit sabi ng binata ay abala siya sa kaniyang pag-aaral. Inayang muli ni Simoun si Basilio na maghiganti at lumusob sa kumbento kung saan naroon si Maria Clara. Umayaw muli si Basilio at hindi naisakatuparan ang misyon dahil yumao na rin si Maria Clara noong hapon ng sana ay paglusob. Hiniling ng mga mag-aaral sa Kapitan Heneral, na abala sa pagsasabong, na makapagpatayo ng akademya sa wikang Kastila ngunit hindi ito napagbigyan dahil ang mga prayle ang mamumuno. Upang malimot ang pagkabigong natamo, nagdaos ng salusalo ang mga mag-aaral sa Panciteria Macanista de Buen Guan. Mainit ang talakayan sa hapag at panay pagtuligsa sa mga prayle. Nalaman ng mga prayle ang sinabi ng mga mag-aaral kaya naman gumawa ng patibong ang mga pari. Naglagay sila ng mga paskil na may temang paghihimagsik at ibinintang sa mga mag-aaral. Hinuli ang ilan sa kanila at napasama si Basilio. Nagdamdam ang kasintahan ni Basilio na si Juli. Inasikaso ng mga kamag-anak ang ibang mag-aaral upang makalaya habang naiwan sa piitan si Basilio. Gumawa ng paraan si Juli at nakiusap kay Padre Camorra ngunit wala itong nagawa. Nagpatihulog si Juli sa durungawan ng kombento. Ito ang dahilan ng pagkasawi ng dalaga. Nakipagsosyo naman si Simoun ng kaniyang negosyo kay Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Naipagkasundo naman ng kasal si Juanito ang dalagang si Paulita Gomez. Sa nakatakda nilang kasal ay magiging ninong ang Kapitan Heneral. Samantalang matapos naman ang dalawang buwang pagtitiis sa bilangguan kahit wala namang pagkakasala ay nakalabas na rin si Basilio sa tulong na rin ni Simoun. Batid niyang kapag natulungan niya itong makalaya ay aanib ito sa kaniyang mga plano. Hindi naman siya nabigo. Nang makalaya sa piitan at agad na nagtungo si Basilio kay Simoun upang makianib sa gagawing paghihimagsik nito. Agad na ipinaalam ni Simoun kay Basilio ang kaniyang mga plano. Kabilang dito ang ginawa niyang pampasabog o bomba na nakabalatkayo bilang isang lampara. Kasing-laki ito ng ulo ng tao. Ihahandog raw ni Simoun ang lamparang pampasabog sa gagawing kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ayon kay Simoun, ipalalagay niya ang lampara sa gitna ng isang kiyosko na ipasasadya niya raw ang pagkakagawa. Planado ni Simoun ang pagkakalikha sa ilawan. Ayon sa kaniya, tatagal ang liwanag nito ng dalawampung minuto at pagkaraan ay lalabo. Kapag daw tinangkang muling pailawin ang lampara ay puputok ang kapsula sa loob na fulminato de mercurio. Kasabay nito na sasabog ang granada at mawawasak ang kiyoskong kinalalagyan nito. Kapag daw sumabog ang lampara ay walang sinuman sa loob ng pagdarausan ng pagtitipon ang makaliligtas. Magiging hudyat din umano ang pagsabog ng lampara ng pag-uumpisa ng paghihimagsik ng mga inaapi sa pangunguna ni Simoun. Sa mismong araw ng kasal, bandang ikapito ng gabi ay naroroon si Basilio sa labas ng bahay na pagdarausan ng salusalo. Hindi siya mapakali at balisa. Habang si Simoun naman ay agad na bumaba mula sa bahay at lumisan dahil naroon na ang lampara na ilang sandali na lamang ay sasabog na. Dumating si Isagani, ang dating kasintahan ni Paulita. Sinabihan ito ni Basilio na lumisan ngunit hindi ito nakinig. Ibinunyag tuloy ni Basilio ang plano kay Isagani ngunit hindi naman nakinig ang binata sa isiniwalat ni Basilio. Maya-maya pa ay humihina na ang liwanag ng lamparang handog ni Simoun. Hindi mapakali ang Kapitan Heneral kaya ipinakiusap niya kay Padre Irene na ipakitaas ang mitsa. Pumasok sa isip ni Isagani ang sinabi ni Basilio kaya naman agad niyang kinuha ang lampara. Nagtungo siya sa asotea at inihagis sa ilog upang doon sumabog. Nabigo ang plano ni Simoun. Sa katapusan, si Simoun ay uminom ng lason at bago siya namatay ay pinuntahan niya si Padre Florentino at ibinunyag ang lahat. Si Padre Florentino naman ay kinuha ang mga alahas ni Simoun at itinapon sa pinakamalalim na parte ng dagat kung sa gayon wala ng pag-aawayan pa.