Isang masusing banghay aralin sa pagtuturo ng mapeh iv
1. Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
CARAGA Administrative Region
Sangay ng Lungsod ng Butuan
BUTUAN CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Lungsod ng Butuan
ISANG MASUSING BANGHAY ARALIN
SA PAGTUTURO NG MAPEH IV
IKAAPAT NA BAITANG
Inihanda ni:
Pertanix Ian A. Carmelo
Teacher I
ISANG MASUSING BANGHAY ARALIN
SA PAGTUTURO NG MAPEH IV
2. (MUSIKA)
I. Layunin
Matapos ang 40 minutong talakayan, ang mga
bata ay inaasahang:
a.) Makakilala ang bilis(presto) at bagal(largo) na tempo sa musika;
b.) Makabigay-halaga ng pakikinig sa musika; at
c.) Makatutukoy ang tempo ng musika sa pamamagitan ng pakikinig.
II. Paksang-Aralin
A. Paksa : Ang Pag-awit sa Tempong Largo at Presto
B. LunsarangAwit : “Kalesa” nina Levi Celerio at Emani Cuenco
C. Sanggunian : Kagawaran ng Edukasyon. (2015). Musika at Sining.
Book Media Press Inc.2015. Meralco Avenue, Pasig
City. pp. 110-113.
D.Kagamitan : Laptop(Powerpoint Presentation) at TV
E. Pagpapahalaga : Pakikinig ng musika sa pagtukoy ng tempo sa kanta
F. Konsepto : Ang tempong largo ay mabagal samantalang ang
tempong presto ay mabilis.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagsayaw(exercise) sa pamamagitan ng video presentation
3. Pagbati
4. Pagsasanay
a) Rhythmic (Eco clap)
b) Tonal (pag-awit ng mga so-fa syllable sa pamamagitan ng kumpas o
echo sing na ibibigay ng guro).
5. Balik-Aral
Ano ang tempo?
(Ang tempo ay nailalarawan sa pamamagitan ng mabilis at mabagal
na kilos).
Paano natin malalaman na ang tempo ng awit o tunog ay mabilis o
mabagal?
(Malalaman natin ang tempo ng awit sa pamamagitan ng pakikinig).
Mahalaga ba ang pakikinig sa awit o tunog? Bakit?
(Depende sa sagot ng bata).
B. Panlinang na Gawain
(Introduksyon)
3. 1. Pagganyak
Ilarawan sa mga bata ang nakikita nila ayon sa kilos at iugnay sa guro
ang kilos sa musika. Pagkatapos, ipakita ang larawan ng kalesa sa mga bata
at ipalarawan sa kanila.
May awit na iparinig sa mga bata na pinamagatang “Kalesa”. Bago
iparinig ng guro, nais ipaalam ng guro ang patakaran habang sila ay
nakikinigsa kanta: umupo nang maayos, makinig at huwag gumawa ng
anumang kilos na nakakadisturbo sa pakikinig. Pakinggan ang awiting
“Kalesa”.
4. TANONG TUNGKOL SA AWIT:
Anong uri ng transportasyon ang kalesa?
(Ang kalesa ay isang sasakyang panlupa.)
Sa anong uri ng pamayanan makikita ang kalesa?
(Kadalasang nakikita ang mga kalesa sa pamayanang rural.)
Ano ang mabuting naidudulot sa kapaligiran ang paggamit ng kalesa?
(Ito ay nakatutulong sa pag-iwas ng polusyon sa hangin.)
Kung kayo ay mabibigyan ng pagkakataong makagamit pa ng kalesa, nanaisin
ba ninyo? Bakit?
(Iba’t iba ang magiging sagot ng mga mag-aaral)
Sa anong paraan maipakikita ang pagpapahalaga sa kapaligiran?
(Maipakikita ang pagpapahalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng paggamit
ng mga bagay na hindi nakasisira sa kalikasan.)
Ano ang napansin ninyo sa tempo ng awiting “Kalesa”?
(Ang tempo ng awitin ay may mabilis at mabagal.)
Aling bahagi ng awit ang may mabilis na tempo?
(Ang una at huling bahagi ang may mabilis na tempo.)
Mabagal na tempo?
(Ang kalagitnaang bahagi ay mabagal.)
Ang mabilis na tempo ay tinatawag na presto, samantalang ang mabagal na
tempo ay tinatawag na largo.
2. Paglalahad
Ngayong umaga, ating tukuyin ang tempong presto at tempong
largo sa awit.
5. (Interaksyon)
3. Pagtatalakay
Bibigyan pansin muli ng guro ang kantang “Kalesa”. Tutugtugin
muli ang unang bahagi ng kanta at itatanong ng guro sa mga bata ang
tempo nito. Tatalakayin ng guro ang tempong presto at ang mga
halimbawa nito.
Tutugtugin naman ang kalagitnaang bahagi ng kanta at itatanong
ng guro ang tempo nito. Tatalakayin naman ang tempong largo at ang
mga halimbawa nito.
4. Paglalahat
Ano ang tawag sa mabilis na tempo? mabagal na tempo?
(Presto ang tawag sa mabilis na tempo. Largo ang tawag sa mabagal
na tempo.)
5. Repleksyon
Mahalaga ba na makinig sa kanta?para matukoy ang tempong largo at
presto. Bakit?
(Integrasyon)
6. Pagkakapit
Unang Pangkat
Panuto: Tukuyin kung ang tempo ng kanta ay largo o presto. Isulat
ang KUNEHO kung ang tempo ng awit ay presto at PAGONG naman
kung ang tempo ay largo.
_____1. Ili-ili Tulog Anay
_____2. Leron-leron sinta
_____3. Ang Alibangbang
_____4. Sa Ugoy ng Duyan
_____5. Pilipinas kong Mahal
Ikalawang Pangkat
Panuto: Iawit ang “Leron-leron sinta” na may tempong presto.
Ikatlong Pangkat
Panuto: Iawit ang “Sa Ugoy na duyan” na may tempong largo.
Ikaapat na Pangkat
Panuto: Iawit ang “Kung ikaw ay masaya” na may tempong largo at
presto.
Ikalimang Baitang
Panuto: Iawit ang “Paa,tuhod,balikat, ulo” na may tempong largo at
presto.
6. Rubriks sa Pag-awit
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagtataya
Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na elemento ng musika ang naglalarawan ng
bilis?
a. rhythm b.melody c.dynamics d.tempo
2. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na tempo?
a. largo b. presto c. piano d. forte
3. Alin sa mga sumusunod ang mabagal na tempo?
a. piano b. largo c. forte d. presto
4. Lahat ng mga awitin ay may tempong presto maliban sa isa. Piliin ang
naiiba.
a. “Chua-ay” c. “Ili-ili Tulog Anay”
b. “Akong Manok” d. “Sitsiritsit”
5. Pakinggan ang awiting “Sa Ugoy ng Duyan”. Ano ang tempo nito?
a. mabilis at mabagal c. mabagal
b. mabilis na mabilis d. katamtamang bilis