SlideShare a Scribd company logo
PANITIKAN
Kahulugan, Mga Uri at
Mga Halimbawa
Kahulugan
PANITIKAN
Ito ay kahit anong nasusulat na gawa ng tao.
Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng
kanilang mga nararamdaman, mga naiisip, mga
karanasan, at mga hangarin sa pamamagitan ng
pagsulat.
PANITIKAN
Ang salitang ito ay tinatawag ding literatura
(literature). Ito ay nagmula sa salitang Latin
na “litera” na nangangahulugang “titik“.
Ang salitang Tagalog naman na “panitikan”
ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay
nanggaling sa salitang ugat na “TITIK”, na
dinagdagan ng panlaping “pang- at -an”.
Samakatuwid, ito ay pinaikling salita na
PANG+TITIK+AN.
PANITIKAN
Sa pagtagal ng panahon, ang
konseptong ito ay nabago. Kung noon
ay ang mga nasusulat lamang na gawa
ng tao ang maituturing na literatura,
ngayon, kabilang na din dito ang
nabibigkas na mga akda (oral
literature).
Dalawang Uri
ng Panitikan
1.
Prosa o
Tuluyan
Ito ay uri ng panitikan na
naglalaman ng mga pangungusap at mga
talata. Sa anyong prosa, ang daloy ng
pagkakasulat ng mga ideya ay mas
natural at tuloy-tuloy. Wala itong
sinusunod na bilang ng bigkas at walang
sinusunod na tugmaan sa dulo ng mga
salita. Dito, mayroong kalayaan ang mga
manunulat sa kung ano ang nais nilang
isulat.
Nakadepende ang kagandahan at
kaayusan nito sa paraan ng manunulat
kung paano niya bubuuin ang
pagkakasunud-sunod ng mga detalye.
Mga AKDANG PROSA O
TULUYAN
1. Maikling kwento
Isang maikling akda na naglalaman ng kakaunting tauhan kompara sa
nobela. Ito ay may iisa lamang na banghay. Ang pagbasa nito ay kayang
tapusin sa isang upuan lamang.
2. Nobela
Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang pagbabasa
nito ay inaabot ng ilang basahan para matapos ang buong istorya. Ito ay
naglalaman ng madaming tauhan at maaring maganap ang mga
pangyayari sa iba’t-ibang tagpuan. Ang nobela ay maaring maging piksyon
o di-piksyon.
Mga AKDANG PROSA O
TULUYAN
3. Dula
Ito ay akdang itinatanghal sa tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang yugto at
ang bawat yugto naman ay nahahati sa ilang tagpo. Tinatawag na
mandudula o dramaturgo ang mga dalubhasa na sumusulat ng iskrip ng
isang dula.
4. Alamat
Ito ay kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay.
5. Pabula
Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang gumaganap bilang
tauhan. Ito ay nagbibigay ng magandang aral lalo na sa mga bata.
Mga AKDANG PROSA O
TULUYAN
6. Anekdota
Ito ay isang maikling akda na naglalaman ng nakawiwiling
pangyayari sa buhay ng tao. Ang layunin nito ay magbigay ng aral
sa mga mambabasa batay sa karanasan ng tauhan sa kwento.
7. Balita
Ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa lipunan at
kapaligiran.
8. Talambuhay (Biography)
Ito ay isang Sulatin na tumatalakay sa buhay ng isang tao.
Mga AKDANG PROSA O
TULUYAN
9. Sanaysay
Ito ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng
opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa.
10. Mito
Ito ay kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng
sansinukuban, kalipunan ng iba't ibang paniniwala
sa mga diyos at diyosa , kuwento ng tao at ng
mahiwagang linikha.
Mga AKDANG PROSA O
TULUYAN
11. Parabula
Ito ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman,
bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang
katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung
paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay.
12. Talumpati
Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong
humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
2.
PATUL
A
Ito ay uri ng panitikan na may
masining na pagpapahayag. Sa
paggagawa ng akdang nasa
anyong patula, dapat may
isinasaalang-alang na sukat,
bilang ng bigkas at mga
taludtod, at may malikhaing
paraan ng paghahatid ng mga
mensahe sa mambabasa.
Mga AKDANG patula
1. Tulang pasalaysay – nagpapahayag ng mahahalagang
pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay maaring
makatotohanan o kathang-isip lamang.
a. Epiko – Ang epiko ay istorya tungkol sa
kabayanihan. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng
tao at mga diyos.
b. Balad – Sa lahat ng tulang pasalaysay, ito ang
pinakasimple at pinakamaikli. Ito ay tulang
pasalaysay na karaniwang inaawit.
Mga AKDANG patula
2. Tulang Liriko – Ito ay uri ng tula na ginawa upang awitin. Sa
kabila nito, itinuturing na ding tulang liriko ang isang tula kapag
ito ay nagpapahayag ng nararamdaman at nagpapakita ng
emosyon ng isang makata.
a. Awiting bayan – Ito ay maikling tula na ginawa upang awitin.
Ang tema nito ay karaniwang umiikot sa pagmamahal,
desperasyon, kalungkutan, kasiyahan at pag-asa.
b. Soneto – Ito ay tula na binubuo ng labing-apat na taludtod.
Mga AKDANG patula
c. Elehiya – tulang inaaalay sa isang yumaong mahal sa buhay.
d. Oda (Ode) – Tulang nagpaparangal sa dakilang gawain ng
isang tao.
e. Dalit – Isang kanta na nagpapakita ng pagpupuri sa
Panginoon.
f. Awit at Korido – Ang awit at korido ay akdang pampanitikan
na nasa anyong patula. Ito ay binabasa nang paawit.
Mga AKDANG patula
3. Tulang Pandulaan - Ito ay uri ng tula na ginawa upang
itanghal.
a. Komedya
Isang dula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o
lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.
b. Melodrama
Ito ay isang dulang labis na nakakaapekto sa emosyon ng manonood. Ito
ay isang pamamaraan upang mas maging kaakit-akit ang mga karakter.
Karaniwan din nitong inilalarawan ang mabuti at masamang aspeto ng
mga karakter.
Mga AKDANG patula
c. Trahedya
Ang trahedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema
ng isang trahedya ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang
dinastiya, pagbagsak ng tao, pagtataksil, at pagkamatay.
d. Parsa o Saynete (Farce)
Ang parsa ay isang kategorya ng komedya na gumagamit ng
mga nakakatawang sitwasyon na ang layon lamang ay makapag-
patawa ng madla.
“Ang panitikan ay hindi sarili ng iilang
tao lamang; yaoý pag-aari ng sino
mang may tapat na pagnanasang
maghain ng kanyang puso, diwa't
kaluluwa alang-alang sa
ikaluluwalhati ng sangkatauhang
kinabibilangan niya.”
MARAMING
Salamat!

More Related Content

What's hot

Mga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahulugan
Mga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahuluganMga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahulugan
Mga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahulugan
Ma. Luisa Ricasio
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Renalyn Arias
 
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
Jhade Quiambao
 
Mga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyumaMga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyuma
Beberly Fabayos
 
Uri ng pang abay
Uri ng pang abayUri ng pang abay
Uri ng pang abay
Macky Mac Faller
 
Ang sugnay
Ang sugnayAng sugnay
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Hiie XD
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Mdaby
 
Pang-Ugnay
Pang-UgnayPang-Ugnay
Tauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapadTauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapadviceral
 
MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA
Louis Kenneth Cabo
 
Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)
JhamieMiserale
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
Juan Miguel Palero
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
charlhen1017
 
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonPagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
MARIA KATRINA MACAPAZ
 

What's hot (20)

Mga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahulugan
Mga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahuluganMga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahulugan
Mga salitang magkapareho ang baybay ngunit magkaiba angkahulugan
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
 
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
 
Mga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyumaMga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyuma
 
Uri ng pang abay
Uri ng pang abayUri ng pang abay
Uri ng pang abay
 
Ang sugnay
Ang sugnayAng sugnay
Ang sugnay
 
Anapora at katapora
Anapora at kataporaAnapora at katapora
Anapora at katapora
 
Epiko at Pangngalan
Epiko at PangngalanEpiko at Pangngalan
Epiko at Pangngalan
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Pang-Ugnay
Pang-UgnayPang-Ugnay
Pang-Ugnay
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
Tauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapadTauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapad
 
MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA
 
Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
 
Mga uri ng diin
Mga uri ng diinMga uri ng diin
Mga uri ng diin
 
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonPagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
 

Similar to PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA

Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
Jhon Ricky Salosa
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
Manuel Daria
 
Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)
Samar State university
 
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMaikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
MariecrisBarayugaDul
 
Anyo at kahalagahan ng panitikan
Anyo at kahalagahan ng panitikanAnyo at kahalagahan ng panitikan
Anyo at kahalagahan ng panitikan
MLG College of Learning, Inc
 
filipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarterfilipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarter
pacnisjezreel
 
PANITIKAN.pptx
PANITIKAN.pptxPANITIKAN.pptx
PANITIKAN.pptx
LhaiDiazPolo
 
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxFIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
ArielAsa
 
Panitikan lit1-report
Panitikan lit1-reportPanitikan lit1-report
Panitikan lit1-report
Charlie Agravante Jr.
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
MaryJaneCabides
 
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
MarkAnthonyAurellano
 
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptxGROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
JumilCornesio1
 
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling Pagtalakay
BonJovi13
 
Ang Panitikan
Ang PanitikanAng Panitikan
Ang Panitikan
Marlene Panaglima
 
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.pptLesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
RemyLuntauaon
 
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptxPANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
GIFTQUEENSAAVEDRA
 
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptxSp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
DannicaGraceBanilad1
 

Similar to PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA (20)

Ang
AngAng
Ang
 
Filipino 10
Filipino 10Filipino 10
Filipino 10
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)
 
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMaikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
 
Anyo at kahalagahan ng panitikan
Anyo at kahalagahan ng panitikanAnyo at kahalagahan ng panitikan
Anyo at kahalagahan ng panitikan
 
filipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarterfilipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarter
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
PANITIKAN.pptx
PANITIKAN.pptxPANITIKAN.pptx
PANITIKAN.pptx
 
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxFIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
 
Panitikan lit1-report
Panitikan lit1-reportPanitikan lit1-report
Panitikan lit1-report
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
 
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptxGROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
 
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling Pagtalakay
 
Ang Panitikan
Ang PanitikanAng Panitikan
Ang Panitikan
 
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.pptLesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
 
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptxPANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
 
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptxSp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
 

PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA

  • 1. PANITIKAN Kahulugan, Mga Uri at Mga Halimbawa
  • 3. PANITIKAN Ito ay kahit anong nasusulat na gawa ng tao. Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang mga nararamdaman, mga naiisip, mga karanasan, at mga hangarin sa pamamagitan ng pagsulat.
  • 4. PANITIKAN Ang salitang ito ay tinatawag ding literatura (literature). Ito ay nagmula sa salitang Latin na “litera” na nangangahulugang “titik“. Ang salitang Tagalog naman na “panitikan” ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay nanggaling sa salitang ugat na “TITIK”, na dinagdagan ng panlaping “pang- at -an”. Samakatuwid, ito ay pinaikling salita na PANG+TITIK+AN.
  • 5. PANITIKAN Sa pagtagal ng panahon, ang konseptong ito ay nabago. Kung noon ay ang mga nasusulat lamang na gawa ng tao ang maituturing na literatura, ngayon, kabilang na din dito ang nabibigkas na mga akda (oral literature).
  • 7. 1. Prosa o Tuluyan Ito ay uri ng panitikan na naglalaman ng mga pangungusap at mga talata. Sa anyong prosa, ang daloy ng pagkakasulat ng mga ideya ay mas natural at tuloy-tuloy. Wala itong sinusunod na bilang ng bigkas at walang sinusunod na tugmaan sa dulo ng mga salita. Dito, mayroong kalayaan ang mga manunulat sa kung ano ang nais nilang isulat. Nakadepende ang kagandahan at kaayusan nito sa paraan ng manunulat kung paano niya bubuuin ang pagkakasunud-sunod ng mga detalye.
  • 8. Mga AKDANG PROSA O TULUYAN 1. Maikling kwento Isang maikling akda na naglalaman ng kakaunting tauhan kompara sa nobela. Ito ay may iisa lamang na banghay. Ang pagbasa nito ay kayang tapusin sa isang upuan lamang. 2. Nobela Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang pagbabasa nito ay inaabot ng ilang basahan para matapos ang buong istorya. Ito ay naglalaman ng madaming tauhan at maaring maganap ang mga pangyayari sa iba’t-ibang tagpuan. Ang nobela ay maaring maging piksyon o di-piksyon.
  • 9. Mga AKDANG PROSA O TULUYAN 3. Dula Ito ay akdang itinatanghal sa tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto naman ay nahahati sa ilang tagpo. Tinatawag na mandudula o dramaturgo ang mga dalubhasa na sumusulat ng iskrip ng isang dula. 4. Alamat Ito ay kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay. 5. Pabula Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang gumaganap bilang tauhan. Ito ay nagbibigay ng magandang aral lalo na sa mga bata.
  • 10. Mga AKDANG PROSA O TULUYAN 6. Anekdota Ito ay isang maikling akda na naglalaman ng nakawiwiling pangyayari sa buhay ng tao. Ang layunin nito ay magbigay ng aral sa mga mambabasa batay sa karanasan ng tauhan sa kwento. 7. Balita Ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa lipunan at kapaligiran. 8. Talambuhay (Biography) Ito ay isang Sulatin na tumatalakay sa buhay ng isang tao.
  • 11. Mga AKDANG PROSA O TULUYAN 9. Sanaysay Ito ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa. 10. Mito Ito ay kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba't ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa , kuwento ng tao at ng mahiwagang linikha.
  • 12. Mga AKDANG PROSA O TULUYAN 11. Parabula Ito ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. 12. Talumpati Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
  • 13. 2. PATUL A Ito ay uri ng panitikan na may masining na pagpapahayag. Sa paggagawa ng akdang nasa anyong patula, dapat may isinasaalang-alang na sukat, bilang ng bigkas at mga taludtod, at may malikhaing paraan ng paghahatid ng mga mensahe sa mambabasa.
  • 14. Mga AKDANG patula 1. Tulang pasalaysay – nagpapahayag ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay maaring makatotohanan o kathang-isip lamang. a. Epiko – Ang epiko ay istorya tungkol sa kabayanihan. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at mga diyos. b. Balad – Sa lahat ng tulang pasalaysay, ito ang pinakasimple at pinakamaikli. Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit.
  • 15. Mga AKDANG patula 2. Tulang Liriko – Ito ay uri ng tula na ginawa upang awitin. Sa kabila nito, itinuturing na ding tulang liriko ang isang tula kapag ito ay nagpapahayag ng nararamdaman at nagpapakita ng emosyon ng isang makata. a. Awiting bayan – Ito ay maikling tula na ginawa upang awitin. Ang tema nito ay karaniwang umiikot sa pagmamahal, desperasyon, kalungkutan, kasiyahan at pag-asa. b. Soneto – Ito ay tula na binubuo ng labing-apat na taludtod.
  • 16. Mga AKDANG patula c. Elehiya – tulang inaaalay sa isang yumaong mahal sa buhay. d. Oda (Ode) – Tulang nagpaparangal sa dakilang gawain ng isang tao. e. Dalit – Isang kanta na nagpapakita ng pagpupuri sa Panginoon. f. Awit at Korido – Ang awit at korido ay akdang pampanitikan na nasa anyong patula. Ito ay binabasa nang paawit.
  • 17. Mga AKDANG patula 3. Tulang Pandulaan - Ito ay uri ng tula na ginawa upang itanghal. a. Komedya Isang dula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig. b. Melodrama Ito ay isang dulang labis na nakakaapekto sa emosyon ng manonood. Ito ay isang pamamaraan upang mas maging kaakit-akit ang mga karakter. Karaniwan din nitong inilalarawan ang mabuti at masamang aspeto ng mga karakter.
  • 18. Mga AKDANG patula c. Trahedya Ang trahedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema ng isang trahedya ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng tao, pagtataksil, at pagkamatay. d. Parsa o Saynete (Farce) Ang parsa ay isang kategorya ng komedya na gumagamit ng mga nakakatawang sitwasyon na ang layon lamang ay makapag- patawa ng madla.
  • 19. “Ang panitikan ay hindi sarili ng iilang tao lamang; yaoý pag-aari ng sino mang may tapat na pagnanasang maghain ng kanyang puso, diwa't kaluluwa alang-alang sa ikaluluwalhati ng sangkatauhang kinabibilangan niya.”