Compilation by Ben: r_borres@yahoo.com        
 
 
 
COMPILATION  
OF LEARNING MODULES 
 
GRADE 7 
(Alternative) 
 
FILIPINO I 
 
Effective and Alternative  
Secondary Education 
(EASE) 
First Year 
  
 
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 1
Pagkilala sa Tekstong Informativ
at Panghihiram ng mga Salita
2
Modyul 1
Pagkilala sa Tekstong Informativ
at Panghihiram ng mga Salita
Tungkol saan ang modyul na ito?
Magandang araw sa iyo! Marahil ay nakahanda ka nang magsimula. Ito ang unang modyul na
pag-aaralan mo sa Filipino 1.
Karaniwan na sa usapan ng mga kabataang tulad mo na marinig ang ganito: “Gigimik ako
mamaya, sama ka!” “ May Friendster ka ba?” “Taym na, baka tayo maleyt.” Taglish? Filipino?
Filipino ang wikang iyan. May mga hiram na salita nga lamang.
Paano ba ang paghiram ng mga salita? Isa ito sa matututuhan mo. Gayundin, matututuhan
mong magsuri ng mga sanhi at bunga ng mga pangyayari, at ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga pahayag.
Sisikapin ng modyul na ito na matulungan kang higit na malinang ang iyong mga kasanayan
at pag-unawa sa mga tekstong informativ.
Huwag kang mag-alala. Tulad ng sabi ko, tutulungan ka ng modyul na ito.
Ano ang matututunan mo?
Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan, sa pag-aaral ng modyul
na ito:
1. Nababaybay nang wasto ang mga salita batay sa binagong alfabeto
2. Nagagamit nang wasto ang mga salitang hiram batay sa binagong alfabeto
3. Naiuugnay ang mga kaisipan sa tekstong binasa sa mga pansariling karanasan
- Aktwal na karanasan
- Nasaksihan
- Narinig /Nabasa
3
4. Natutukoy ang punto ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pahayag
5. Nabibigyang-kahulugan ang magkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi at
bunga ng mga pangyayari
Sige, magpatuloy ka.
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Narito ang mga tuntuning dapat mong sundin sa paggamit ng modyul:
1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit.
2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang
upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na
ito.
3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat
ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha
mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo.
4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay
nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang
maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.
5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang
aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa
pagwawasto.
6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga
gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.
Sige, magsimula ka na!
4
Ano na ba ang alam mo?
Sagutan ang panimulang pagsusulit. Huwag kang mag-alala, aalamin lang nito kung kailangan
mo pa ang modyul na ito o tutuloy ka na sa kasunod. Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang
papel.
A. TEKSTONG INFORMATIV
Panuto: Basahin mo ang ilang teksto. Piliin mo kung alin sa mga ito ang
informativ. Isulat ang I kung informativ, at HI kung hindi.
__________1. Palala nang palala ang suliranin tungkol sa karahasan sa mga kabataan. Nararapat
lamang na tayo ay makisangkot sa isyung ito. Makakatulong ang inyong suporta sa
pagpapadala namin sa mga paaralan ng mga materyales nang libre. Mabubuksan ang
isipan ng mga kabataan sa kanilang karapatan. Gayundin, matutukoy nila ang kanilang
mga papel bilang mga kabataan ng lipunan. Malayo ang mararating ng inyong
donasyon sa aming institusyon . Nagpapasalamat ang aming organisasyon sa patuloy
ninyong pagsuporta.
__________2. Kung ibig mong mamasyal, maaari mong bisitahin ang Isarog National Park. Ito ay
matatagpuan sa Naga City. Malawak ang parke. May kabuuang sukat itong 10,000
ektarya. Napakaraming likas na yamang nakatira rito. Itinatayang mayroong 150 uri
ng ibon dito, 33 uri ng mammals at 1,163 uri ng mga halaman. May pirmihang
patubigan din itong nagsusuplay sa mga pangangailangang domestik, agrikultural at
komersyal. Kailangang-kailangang alagaan at pagyamanin ang parkeng ito. Bihira na
ang ganito sa Pilipinas.
__________3. Isang mabigat na isyu ang pang-aabuso sa mga bata at kabataan. Maaaring ang pang-
aabuso ay pisikal o emusyunal. Kabilang sa pang-aabuso ang sapilitang pagtatrabaho,
pornografi, exployteysyon at pagsasamantalang sekswal. Inireport sa The Council of
Elders for the Protection of Children na ang prostitusyon, pagiging delingkwente,
pagtatangkang magpakamatay, depresyon, mababang pagtingin sa sarili at pagkatakot
sa isyung may kaugnayan sa sex ay mga indikasyon at epekto ng pang-aabuso sa mga
kabataan.
__________4. Pinaniwalaan ng isang bishop noong 1870 na wala nang maaaari pang maimbento ang
tao. Sinabi niya ito sa isang presidente ng isang maliit na kolehiyo. Hindi sumang-
ayon sa kanya ang presidente at sinabing marami pang dapat tuklasin ang tao. Wika
niya, “Darating ang panahong ang tao ay makalilipad tulad ng mga ibon..” Hindi
naniniwala ang bishop at sinabing iyon ay paglapastangan sa Diyos. Ayon sa kanya,
“Ang paglipad ay para lamang sa mga anghel! Pagkaraan ng 33 taon, pinalipad ng
magkapatid na Orville at Wilbur ang kauna-unahang sasakyang mas mabigat pa sa
5
hangin. Ito ang pinagmulan ng eroplano. Sino ang bishop? Si Milton Wright, ang ama
ng magkapatid na umimbento ng eroplano!
__________5. Mahalagang paunlarin ang iyong sarili. Luma na ang kaisipang kung hindi ka matalino
sa Lingguwistika, Matematika o sa Agham ay bobo ka! Lumang kapaniwalaan.
Maraming uri ng katalinuhan bukod sa nabanggit na. Mayroon sa musika, sa sayaw, sa
pag-arte, sa pagguhit, pakikinig, pagsulat, pagsasalita, at maging sa pagtingin sa buhay
at kamatayan. Sino nga ba ang walang ganoong kakayahan? Maaaring dalawa o higit
pa ang mayroon ka! Ang gagawin mo lang ay tuklasin ito at idevelop.
__________6. Ang timbang ng utak ayon sa proporsyon ng timbang ng katawan ng tao ay kaiba sa
mga hayop. Totoong ang timbang ng utak ng isang elepante ay mabigat kaysa sa
timbang ng utak ng isang matandang tao. Subalit sa tao, ang timbang ng utak niya ay
1/50th
lamang ng kanyang katawan. Samantalang sa elepante, ito ay 1/1000th
ng
kanyang kabuuang timbang. Kung ang pag-uusapan ay ang proporsyon ng timbang ng
katawan ng tao, ang utak ng mga elepante ay mas magaan kaysa sa utak ng tao.
B. Panuto: Tukuyin ang wastong baybay ng mga salitang nakabold batay sa binagong alfabeto.
Titik lamang ang iyong isulat.
1. Ang mga textbook na ginagamit ng mga mag-aaral ay dapat na ingatan at
gamitin nang maayos.
a. teksbuk c. textbuk
b. txtbuk d. textbook
2. Maraming basura ang pwedeng i-recycle.
a. i-recycle c. irecycle
b. iresaykel d. iresikulo
3. Malaking usapin sa kasalukuyan ang economics ng bansa.
a. ikonomiks c. ekonomics
b. ekonomiks d. economics
4. Ang discussion ng mga pulitiko ay nakatuon sa pagtitipid at pagbabayad ng utang ng bansa.
a. diskasyon c. diskusyon
b. discasyon d. discussion
5.Bumuo sila ng iba’t ibang forum at mga conference tungkol sa pagpapabuti ng ekonomiya ng
bansa.
a. conference c.konferens
b. komperens d. konperens
6
C. Panuto: Batay sa binagong patnubay ng pagbabaybay, piliin ang salitang gagamitin mo kung
hihiramin ang salitang nasa loob ng panaklong. Titik lamang ang isulat sa sagutang
papel.
1. Masasabing umuunlad na ang (transportation) sa Maynila dahilan sa Metro Rail Transit.
a. transporteysyon b. transportasyon c. transportation
2. Nalunasan nito ang sobrang bigat ng (traffic) mula sa Legarda hanggang sa Santolan, Marikina.
a. trapiko b. trafik c. traffic
3. Kahit paano, nakararating na ang mga (commuter) sa kanilang pupuntahan sa oras.
a. pasahero b. pasajero c. komyuter
4. May mga paalalang sinasabi sa bawat isa patungo sa kanilang (destination)
a. destination b. destineysyon c. destinasyon
5. Maganda rin at maayos ang (schedule) ng pagbyahe ng mga tren.
a. talatakdaan b. iskedyul c. skedyul
D. Panuto: Basahin ang talata. Pag-ugnay-ugnayin ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Titik lamang isulat sa sagutang papel.
Nanganganib ang kalagayan ng mga yamang-dagat gaya ng mga koral reefs. Ito
ay bunga ng mga mapangwasak na gawi ng mga tao.Maraming hindi nakauunawa na
ang ganitong gawain ay unti-unting pumapatay sa mga nilalang sa daigdig.
Halimbawa, ang pagtatapon ng mga basura at mga kemikal na mula sa mga pabrika
ay lumalason sa kanilang natural na kapaligiran. Ang paggamit ng dinamita sa
pangingisda ay pumapatay kahit sa mga isdang maliliit pa lamang. Dahil dito,
nagiging polyuted ang dagat na dahilan naman upang mawasak ang mga koral reefs.
Kapag sobra na ang ganitong pang-aabuso, malamang na maubos na ang mga
yamang-dagat.
1. Ang mapangwasak na gawi ng mga tao ay nagbubunga ng
a. pagtatapon ng mga kemikal sa dagat
b. pag-aaway ng mga may-ari ng pabrika
c. polusyon sa karagatan
d. pagkasira ng kapaligiran
7
2. Ang mapangwasak na gawi ng mga tao ay nagdudulot ng
a. kasiyahan sa kanila.
b. kamatayan ng mga nilalang sa daigdig
c. kayamanan sa tao.
d. kawalan ng malasakit sa paligid.
3. Ang polusyon sa dagat ay sanhi ng
a. pagtatapon ng mga basura at kemikal.
b. natural na pagkasira ng kapaligiran.
c. kapabayaan ng pamahalaan.
d. mga taong nakapaligid dito.
4. Ang paggamit ng dinamita ay nagbubunga ng
a. malaking kita sa mangingisda.
b. pagkalason ng koral reefs.
c. pagkamatay ng malilit na isda.
d. kamatayan ng mga mangingisda.
5. Ang sobrang pag-aabuso sa karagatan ay magbubunga ng
a. kamatayan ng koral reefs.
b. pagkaubos ng yamang-dagat.
c. pagkagunaw ng mundo.
d. kawalan ng kita ng pamahalaan.
E. Panuto:. Isulat ang MK kung magkatulad at MI kung magkaiba ang mga pares ng pahayag.
____ 1. Ang paraang teknikal ng pagpoprosesong ginagamit ng kaliwang utak ay
simple lamang.
Ang kanang utak ay ganoon din.
____ 2. Ang kanang utak ay mas nagpapahalaga sa sining
Ang kaliwa naman ay sa agham at matematika.
_____3. Ang paningin ng mga taong mas gumagamit ng kaliwang utak ay analitikal .
Ang mga taong mas aktibo ang kanang utak ay global naman.
.
_____4. Nakikita lamang ng tao ang kabuan ng isang gamit sa paggamit ng kanang utak
Samantala, ang maka-kaliwa ay ang detalye muna nito bago ang kabuuan.
_____5. Ang kanang utak ay napakahalaga para sa pagproseso ng emosyon.
Mahalaga rin ang kaliwang utak para maging objektiv ang pananaw sa mga bagay-bagay.
8
Tapos ka na ba? Kunin mo sa guro ang Susi sa Pagwawasto.
Kumusta? Marami kang hindi nasagot? Okey lang ‘yan. Tutulungan ka ng modyul na ito.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub-Aralin 1:
Pagkilala at Pagsulat ng Tekstong Informativ
Layunin:
1. naihahanay nang pasulat ang mga impormasyong nabasa
2. natutukoy at nakikilala ang mga tekstong informativ
3. nakasusulat ng mga tekstong informativ
Alamin
Nakakita ka na ba ng pating, balyena o dolphin? Alam mo ba ang pagkakaiba-iba nila? Ang
pating ay mabangis at kumakain ng malalaking hayop sa dagat at gayundin ng tao. Samantala, ang
mga balyena at dolphin ay maaamo, mapaglaro at kadalasan ay nagliligtas ng buhay kung may
sakunang nangyayari sa dagat.
Marahil, narinig mo na ang tungkol sa mga Butanding? Kung hindi pa, ito ang mga whale
sharks na maamo at tunay na kinagigiliwan ng mga turista. Alam mo ba kung saan matatagpuan ang
mga Butanding?
Sige, basahin mo ang tungkol dito at nang malaman mo.
Mga Butanding ng Donsol
Ipinakita ng mga taga-Donsol, na maaaring pagkakitaan
ang mga likas nating yaman ng hindi pinapatay o nilulustay.
Marami sa mga may malasakit sa turismo at kalikasan ang nakakaalam na ang
pinakamalaking isda ay ang "Butanding" na mas kilala sa wikang Ingles na
9
"Whale Shark" ay naninirahan at nakikipaglaro sa mga turista at kababayan ng
Donsol, Sorsogon mula Disyembre hanggang Mayo taun-taon.
Sadya talagang mapalad ang mga taga-Donsol sapagka’t hindi nila natutuhang
kainin ang mga Butanding. ‘Di tulad sa ibang parte ng Pilipinas kung saan ang
Butanding ay kinakatay at kinakain. Ang mga Butanding sa Donsol ay tinuturing
na isang bagong kaibigan na nagbibigay ng hanapbuhay sa mga naninirahan doon.
Ang Butanding ay hindi kumakain ng mas malalaking nilalang tulad ng mga
malalaking laman-dagat, isda o tao. Sa mga pag-aaral ng mga siyentipiko, ang
kinakain ng Butanding ay mga plankton (maliliit na hayop), at mga hipon. Wala
siyang matatalas na ngipin tulad ng ibang pating, at ang kanyang pagkain ay
hinihigop ng kanyang napakalaking bibig (mga 8 metro ang lapad) at sinasala ng
kanyang mga hasang.
Maraming kailangang sundin upang ipakita ang paggalang sa mga Butanding
tulad ng hindi paghipo o pagsakay. Hindi gumagamit ng mga scuba gear, at iba
pang gamit na makapagtataboy sa kanila. Hindi rin gumagamit ng “flash
photography”. Dapat pa ding alalahaning sila ay mga "wild” at hindi turuan.
Minsan tumatagal ang mga "encounter" dahil ang mga Butanding ay kumakain.
Natatapos ang mga "encounter" ‘pag nagdesisyon ang mga Butanding na
lumangoy palayo.
(Hango sa BALIKAS, Aklat 9 Bilang 23, 11-17 ng Hunyo, 2004)
Ngayong tapos mo nang basahin, saan matatagpuan ang mga Butanding? Tama, sa Donsol,
Sorsogon. Nakatatakot ba ang mga Butanding? Syempre, hindi. Dahil sila ay maaamo at
palakaibigan. Natandaan mo ba kung anu-ano lamang ang kinakain nila? Tama ka! Maliliit na mga
hayop at mga hipon lamang.
Ipinakita ng mga taga-Donsol, na maaaring pagkakitaan ang mga likas nating yaman tulad nito, ng
hindi pinapatay o kinakatay. Kinakailangan din sigurong maibahagi sa iba ang karanasan ng mga
taga-Donsol, Sorsogon, di ba? Daan ito para pangalagaan din nila ang bagong yamang ito. Kahit kasi
alagaan sila ng mga taga-Sorsogon, kung sa iba namang daraanan ng mga Butanding ay kakatayin din
sila, mawawalan ng silbi ang lahat ng pagsisikap.
10
Sang-ayon ka ba rito? Marahil ay walang dudang “Oo” ang sagot mo.
Linangin
Gawain 1 Panuto: Gamitin ang mga letra ng BUTANDING para sumulat ng mga
impormasyon tungkol sa mga ito.
B
U
T
nAkikipaglaro sa mga turista
piNakamalaking isda
D
I
N
G
Humigit-kumulang, ganito ang magiging sagot mo:
Sa Bayan ng Donsol, Sorsogon maaaring matagpuan
Unang inalagaan sa bayang ito
Tandaang sila ay mga kaibigan
pinAkamalaking isda
kumakaiN ng plankton at maliliit na hayop
sadyang mapapalad ang mga taga-Donsol
walang matatalas na ngIpin
palakaibigaN
panG-akit sa turista
11
Ngayon, sumulat ka ng mga pangungusap na informativ tungkol sa Butanding batay sa
mga isinagot mo sa itaas.
1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. _______________________________________________________
4. _______________________________________________________
5. _______________________________________________________
6. _______________________________________________________
7. _______________________________________________________
8. _______________________________________________________
9. _______________________________________________________
Malapit ba dito ang mga pangungusap na binuo mo?
Kung oo, mabuti. Sige, magpatuloy ka.
1. Sa bayan ng Sorsogon, may bagong atraksyon sa mga turista.
2. Unang inalagaan ang mga Butanding sa bayang ito.
3. Tandaang sila ay mga kaibigan.
4. Itinuturing silang pinakamalaking isda.
5. Kumakain sila ng plankton at mga hipon.
6. Sadyang mapapalad ang mga taga-Donsol dahilan sa mga Butanding.
7. Wala silang matatalas na ngipin.
8. Palakaibigan at maaamo ang mga nilalang na ito.
9. Mahusay na pang-akit sa turista at nakatutulong ito sa ating ekonomiya.
12
Gawain 2 Panuto: Isulat sa loob ng mga bilog ang mga impormasyong hinihingi
batay sa binasang artikulo.
Paano mo sinagutan ang mga tanong. Binalikan mo ba ang artikulo? Hinanap mo ba ang mga
detalye? Tama, ganon nga! Kasi kailangang maging tiyak ang mga sagot mo.
Ihambing mo nga rito ang sagot mo.
1. Pinakamalaking isda, walang matatalas na ngipin at may napakalaking bibig na may sukat na
mga walong metro
2. Malilit na hayop tulad ng plankton at mga hipon
3. Napakaamo at palakaibigan
4. Nagiging atraksyon sa mga turistang lokal at banyaga kaya nakatutulong ito sa ekonomiya ng
bansa
Napansin mo marahil na inihanay mo nang maayos ang mga salita bago mo ito isinulat. Bakit?
Dahil ang mga ibinigay mo ay mga impormasyon. Ganito ang pagbuo ng mga TEXTONG
INFORMATIV.
Ano ang
itsura nito? Ano ang kinakain nito?
Anu-ano ang mga
biyayang dulot nito?
Paano ito
makikipagrelasyon sa tao?
13
Gawain 3 Higit na magiging malinaw ang mga impormasyon kung ilalagay sa isang
talahanayan. Isulat sa angkop na kolum ang mga susing salitang ginamit mo. Ginawa na ang
unang bilang para sa iyo.
Itsura Pagkain Relasyon sa Tao Biyayang Dulot
1.Pinakamalaking
isda
Plankton Napakaamo Turismo
Siguro ay naging mas madali sa iyo ang paglalagay ng impormasyon sa talahanayan dahil may
referens ka na. Ngayon ay alam mo nang kumuha ng mga impormasyon at sumulat ng pangungusap
na textong informativ.
Ganito ba ang sagot mo?
Itsura Pagkain Relasyon sa Tao Biyayang Dulot
1. Pinakamalaking
isda
2. Walang matalas na
ngipin
3. May napakalaking
bibig
4. Mga walong metro
ang sukat ng bibig
1. Plankton
2. Maliliit na
hayop
3. Hipon
1. Napakaamo
2. Palakaibigan
1. Turismo
2. Ekonomiya
Gamitin
Gawain 1 Ito naman ang subukin mo. Basahin ang talata at bigyang- pansin ang mga
impormasyong inilalahad nito.
Malaki ang pinagkaiba ng “whale encounter” na isa sa pangunahing makikita
sa “Ocean Adventure” sa Subic. Dito, kailangang ikaw ay magbiyahe papunta
sa Zambales, pumasok sa loob ng Subic (ang dating naval base ng mga
Amerikano) at pumunta sa Ocean Adventure na matatagpuan sa loob at liblib
na lugar. Pinagmamalaki ng mga gumawa ng Ocean Adventure, na ito ang isa
sa pinakamaganda at pinakamalapit sa kalikasan ng mga nilalang sa dagat sa
buong Timog Silangang Asya o “South East Asia” sapagka’t ito lamang ang
itinayo na nasa “open seas” o sa dagat mismo at hindi sa mga higanteng
tangke.
( Hango sa BALIKAS, Aklat 9 )
14
Ano ang paksang pinag-usapan sa teksto? Tama, Ocean Adventure. Ito nga ang paksa
ng talata. Isulat sa tapat nito ang mga impormasyong nabasa mo.
Mga Impormasyon:
1.________________________________
Ocean Adventure
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
Ihambing mo ang iyong sagot sa nakalista sa ibaba. Kung ganito ang impormasyong nakuha
mo, tama ka. Marunong ka nang kumuha ng mga detalyeng informativ.
Ocean Adventure: 1. Matatagpuan sa Subic Naval Base sa Zambales.
2. Nasa loob at liblib na lugar sa loob ng base.
3. Isa sa pinakamaganda at pinakamalapit sa kalikasan sa
buong Timog Silangang Asya.
4. Itinayo sa “open seas” o sa dagat mismo
Gawain 2 Magdrowing ng isang lugar na malapit sa iyo na inaakala mong maaaring idevelop upang
maging atraksyon sa mga turista. Kulayan. Dugtungan ang mga parirala upang makabuo
ng mga pangungusap na informativ. Sa loob na panaklong ay naroon ang mga
mungkahing impormasyon na isusulat mo. Tandaang ang layunin mo sa gawaing ito ay
makahikayat ng mga turista. Pagkatapos, ipakita sa iyong titser ang gawain. Siya ang
magbibigay ng iyong marka.
15
1. Matatagpuan sa ____________________________(lokasyon ng pook) ang lugar na ito
2. Makikita mo rito ang mga sumusunod:(Mga tanging tanawing makikita rito)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Kung manggagaling ka sa_____________, (Magbigay ng lugar) maaari mo itong puntahan sa
pamamagitan ng ________________ (Uri ng sasakyan). (Magbigay ng direksyon kung
kinakailangan.)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Lagumin
Napag-aralan mo na ang tekstong informativ. Basahin mo ang ilang mahahalagang konseptong
dapat mong tandaan sa aralin.
1. Ang tekstong informativ ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na impormasyon, at
mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay.
2. Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kaugnay na paksa,
dapat na makita ito sa kasunod na talata.
3. Sa pagbasa ng tekstong informativ, magkaroon ng fokus sa mga impormasyong
ipinahahayag. Isulat ito kung kinakailangan.
4. Sa pagsulat ng tekstong informativ, tandaang ihanay nang maayos ang mga salita, piliing
mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.
Subukin
Panuto: Basahin ang mga teksto. Isulat sa sagutang papel ang I kung ito ay informativ,
at HI kung hindi .
1. Nakakamit ang malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng balanseng pagkain.
Kung hindi tayo kumakain nang tama, magiging sanhi ito ng mga problema. Magiging
sakitin tayo. Halimbawa, kung kulang tayo sa vitamin D, maaaring magbunga ito ng
pagkabulag. Maraming sakit sa balat at sa ngipin ay dulot ng kakulangan sa vitamin C.
Kaya, dapat lamang na kumain tayo nang tama upang maging malusog at mahaba ang
buhay.
16
2. Kung paano haharapin ang katotohanang ikaw ay nabigo sa isang gawaing pinag-ukulan
mo pa naman ng panahon ay isang malaking usapin. Naranasan mo na ba ang ganito?
Ano ang ginawa mo? Nagmukmok sa sulok? Hindi yata makatutulong ang ganito. Mas
mabuti kung haharapin mo ito at susubuking bigyang-solusyon.
3. May kaunting pagkakaiba ang mga helikopter kaysa sa mga jet. Mas maraming sakay
ang mga jet kaya mas mabigat at kumplikado ang paggawa nito. Dahil sa kaliitan ng
helikopter, natural na kaunting pasahero lamang ang kayang isakay nito. Ang mga jet ay
nakadesayn na maglakbay nang mas malayo, samantalang ang mga helikopter ay
pangmalapitan lang.
4. Ang pagsulat ay isang prosesong dapat na sundin nang maayos. Una, pagpasyahan mo
kung ibig mong magpadala ng nakasulat na mensahe. Ikalawa, planuhin ang iyong
mensahe. Isulat mo ang lahat ng ibig mong ilahad sa iyong dokumento. Organisahin ang
iyong mga ideya sa paraang pabalangkas. Pagkaraan, isulat ang iyong unang burador.
Pagkatapos, irevyu, irebisa at iedit ang sinulat mo. Sa huli, ibahagi ang iyong isinulat sa
taong pinagkakatiwalaan mo para makatulong siya sa pagsusuri.
5. Sa pagdaan ko sa Intaramuros ay hindi ko maiwasang maisip ang nagdaang kasaysayan
sa pook na ito. Marahil noon ay napakatahimik at napakaganda ang lugar na iyon. Hindi
ko tuloy maiwasang pangaraping sana ay nabuhay na ako noong panahon ng mga
Kastila. Mapanghamon siguro ang kalagayan ng lipunan noon. Sa kabilang dako, naisip
ko ring hindi bale na lang. Baka hindi ko makayanan ang istilo ng pamumuhay noon.
Ganito ba ang naging sagot mo?
1. I 3. I 5. HI
2. HI 4. I
Tama ba ang lahat ng sagot mo? Kung “Oo”, tumuloy ka na sa sub-aralin 2. Kung hindi, gawin
ang Paunlarin.
Paunlarin
Panuto: Basahin ang talata tungkol sa mga marine mammals. Bigyang-pansin ang mga
impormasyong inilalahad nito. Humandang isa-isahin ito pagkatapos.
Milyun-milyong taon na ang nakararaan, ang mga unang hayop ay umalis sa dagat upang
subukang manirahan sa lupa. Sa kalaunan, dahilan sa pandaigdigang pagbabago ng heograpiya at
klima ay nagpasya silang bumalik sa karagatan. Nag-evolv ang mga mammals hanggang sa
makaangkop sila sa kanilang kapaligiran. Ang mga hayop na ito ay kabilang sa pangkat na
tinatawag na cetaceans. Kasama rito ang ang mga dolphins, pating at mga balyena. Ang isa pang
pangkat ng ganitong uri ng mammals ay kagrupo naman ng pinnipedia family. Kapamilya nito
17
ang mga seals at sea lions. Hihinga muna sila sa ibabaw ng dagat saka dadayv nang
matagal.Kahanga-hanga kung gaano kahabang oras nakatatagal sa ilalim ng tubig ang mga
cetaceans. Sila ay mga mahihinahong hayop at matatalino. Sila ang mga mammals na may
pinakamalalaking utak sa buong mundo. May kakayahan silang makipagkomunikasyon at matuto
nang mabilis. Ang mga awit nila ay maririnig nang milya-milya mula sa kanilang kinaroroonan.
Nakahihiyang isipin na hinuhuli sila ng mga tao upang patayin lamang.
1. Bakit pansamantalang umalis sa karagatan ang mga cetaceans?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Bakit sila nagpasyang bumalik sa karagatan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa pagdaan ng panahon paano nakaangkop ang mga cetaceans sa kanilang kapaligiran?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Anu-ano ang dalawang uri ng pangkat ng mga ganitong uri ng mammals.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Ilarawan ang mga katangian ng cetaceans.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Ganito ba ang iyong sagot? Sige ihambing mo.
1. Pansamantalang umalis sa karagatan ang mga cetaceans upang subuking manirahan sa
kalupaan.
2. Dahilan sa pagbabago ng heograpiya at klima ng daigdig, nagpasya silang bumalik sa
karagatan.
3. Sa pagdaan ng panahon, nag-evolv ang mga mammals na ito hanggang sa tuluyan na silang
makaangkop sa kanilang kapaligiran.
4. Ang dalawang pangkat ng ganitong uri ng mga mammals ay tinawag na cetaceans at
pennipedia family.
5. Ang mga cetaceans ay mahihinahon, matatalino, nakatatagal sa ilalim ng tubig ng mahabang
oras, my kakayahang makipagkomunikasyon at nakakaawit.
Nakuha mo ba ang mga tamang impormasyon? Marahil ay “Oo.” Maaari ka nang tumuloy sa
Sub-aralin 2.
18
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub- Aralin 2:
Pagbabaybay Batay sa Binagong Alfabeto
Panghihiram ng mga Salita
Layunin:
1. natutukoy at nagagamit ang walong dagdag na letra sa binagong alfabeto
2. naiisa-isa ang mga paraan ng panghihiram ng salita
3. nagagamit nang wasto ang mga salitang hiram batay sa binagong alfabeto
Alamin
Napansin mo ba na maraming salitang hiram na ginamit sa mga tekstong informativ na binasa
mo? Tama ka, marami nga. Pag-aaralan mo naman ngayon ang mga paraan ng panghihiram ng
salita.
Balikan mo ang ilang bahagi ng textong Mga Butanding ng Donsol.
Paano kaya binuo ang mga pangungusap na may terminong banyaga? Obserbahan habang
binabasa ang mga talata. Pagtuunan mo ng pansin ang mga salitang may salungguhit.
(3) Ang Butanding ay hindi kumakain ng mas malalaking nilalang tulad ng mga malalaking laman-
dagat, isda o tao. Sa mga pag-aaral ng mga siyentipiko, ang kinakain ng Butanding ay mga plankton
(maliliit na hayop), at mga hipon. Wala siyang matatalas na ngipin tulad ng ibang pating, at ang
kanyang pagkain ay hinihigop ng kanyang napakalaking bibig (mga 8 metro ang lapad) at sinasala ng
kanyang mga hasang.
Ano ang naobserbahan mo? Tama ka. Ang mga salitang may salungguhit ay hiram.
Paano ito hiniram? May mga salitang tuwirang hiniram at mayroong binago ang ispeling, di ba?
Paano iyon? Huwag kang mag-alala. Iyan ang paksa ng sub-araling ito.
Linangin
Ituloy mo ang pagbasa ng iba pang talata mula sa Butanding.
(4) Kung nais mong maranasan ang kakaibang biyayang ito, kailangang pumunta sa Bicol. Mula sa
Maynila kailangang magpunta sa Donsol, Sorsogon, pagdating sa Donsol, Sorsogon, kailangang
19
magparehistro sa lokal na tanggapan ng turismo, at manood ng isang natatanging palabas tungkol sa
mga Butanding. Isang "Butanding Information Officer" o BIO at mga kasama na magpapatakbo ng
inyong bangka ang kailangan upang makapaglayag papalapit sa mga mahinahon nating bagong
kaibigan. Ituturo sa mga lalangoy na may "diving mask" at "snorkel" ang mga alituntunin bago pa
man maglayag papalaot.
(5) Maraming kailangang sundin upang ipakita ang paggalang sa mga Butanding tulad ng hindi
paghipo o pagsakay. Hindi gumagamit ng mga scuba gear, at iba pang gamit na makapagtataboy sa
kanila. Hindi rin gumagamit ng “flash photography”. Dapat pa ding alalahaning sila ay mga "wild”
at hindi turuan. Minsan tumatagal ang mga "encounter" dahil ang mga Butanding ay kumakain.
Natatapos ang mga "encounter" ‘pag nagdesisyon ang mga Butanding na lumangoy palayo.
Subukin mong isulat sa tamang kolum ang mga salitang hiram na nabasa mo. Ang unang kolum
ay para sa tuwirang hiniram at ang ikalawa ay para sa may pagbabagong naganap sa ispeling. Ginawa
na para sa iyo ang unang bilang. Maaari ka nang magsimula.
Tuwirang Hiniram Binago ang Anyo at Ispeling
Diving mask siyentipiko
Ganito ang posibleng maging sagot mo:
Tuwirang Hiniram Binago ang Anyo at Ispeling
Diving mask siyentipiko
Plankton, Metro
Snorkel lokal
Wild magparehistro
Encounter turismo
Flash
Photography
scuba gear
Bicol
Ano ang napansin mo? Buung-buo ang panghihiram ng mga salita, di ba? Ano sa palagay mo
ang dahilan? May katumbas ba sa Filipino ang mga salitang tuwirang hiniram? Wala ano? Kung
mayroon man ay baka hindi makuha ang kahulugan. Suriin natin ang mga sumusunod na
pangungusap at subuking tumbasan ang mga salitang nakabold.
20
Orihinal 1: Mula sa Maynila kailangang magpunta sa Donsol, Sorsogon. Pagdating sa Donsol,
Sorsogon, kailangang magparehistro sa local na tanggapan ng turismo.
Katumbas: _________________
Orihinal 2: Ituturo sa mga lalangoy na may "diving mask" at "snorkel" ang mga alituntunin bago
pa man maglayag papalaot.
Katumbas: _________________ _________________
Orihinal 3: Hindi gumagamit ng mga scuba gear, at iba pang gamit na makapagtataboy sa kanila.
Katumbas: _________________
Orihinal 4: Hindi rin gumagamit ng “flash photography”.
Katumbas: __________________
Orihinal 5: Minsan tumatagal ang mga "encounter" dahil ang mga Butanding ay kumakain.
Katumbas: __________________
Kumusta ang panghihiram mo? Naging madali ba? Anu-ano ang mga dinaanan mong proseso?
Nag-isip kang mabuti, di ba? Ganoon nga ang nangyayari sa panghihiram. Sa panghihiram,
sinusubukan mo munang ihanap ng katumbas sa Filipino hanggang maaari. Kung wala kang
maitumbas ay binabaybay mo ayon sa tunog ng salita. Kung hindi ito maaari dahil baka hindi
makilala ang orihinal, hinihiram na lamang nang tuwiran ang salita. Humigit-kumulang ganito ang
dapat na naging panghihiram mo.
Orihinal Salin
1. local lokal
2. snorkel isnorkel
3. diving mask maskarang pandayv
4. scuba gear iskuba gear
5. flash photography flash fotografi
6. encounter enkawnter
21
May iba ka bang naging sagot? Upang higit na malinawan, mahalagang alamin ang mga
prosesong dapat na sundin sa panghihiram. Makakatulong sa iyo ang pagbabalik-aral sa 8 dagdag na
letra sa ating alfabeto at ang paraan ng paggamit nito.
Ang Alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ganito ang ayos:
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K ,L, M, N, Ň, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
Sa 28 letrang ito ng alfabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA (A, B, K, D, E, G, H,
I, L, M, N, NG. O, P, R, S, T, U, W Y), at 8 letra ang dagdag dito (C, F, J, Ň, Q, V, X,
Z) na galing sa mga umiiral na wika at wikain ng Pilipinas at sa iba pang mga wikang
banyaga.
Ang walong dagdag na letrang ito ang tutulong upang maging madali ang panghihiram ng Filipino
sa iba’t ibang wika at wikain. Basahin at pag-aralan mo ang mga tuntunin upang maging gabay mo sa
pagbabaybay.
May tiyak na mga tuntunin sa gamit ng walong letrang hiram. Narito, pag-aralan mo:
1. Letrang C
1.1 Panatilihin ang letrang C kung ang salita ay hinihiram sa orihinal na anyo.
Halimbawa: calculus chlorophyll cellphone
carbohydrates de facto corsage
May naiisip ka pa bang halimbawa na pwede mong idagdag?
1.2 Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/, at ng letrang K kung ang
tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang C.
c s c k
Halimbawa: participant partisipant magnetic magnetic
central sentral card kard
Ano pa ang ibang halimbawa?
2. Letrang Q
2.1 Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Narito ang ilang halimbawa:
22
quo vadis quotation quad
quartz quantum opaque
2.2 Palitan ang letrang Q ng KW kung ang tunog ay /kw/ at ng letrang K kung ang tunog
ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Q.
q kw q k
Narito ang ilang halimbawa:
sequester sekwester quota kota
Baybayin mo nga sa Filipino ang quarter at quorum.
Dapat ang sagot mo ay kwarter at korum.
3. Letrang Ñ
Ayon sa patnubay:
3.1 Panatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo.
Halimbawa:
La Tondeña Sto. Niño El Niño
Malacañang La Niña coño
3.2 Palitan ang letrang Ñ ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang hiram na
salitang may letrang Ñ.
ñ ny
Halimbawa: paño panyo
Subukin mo ngang baybayin sa Filipino ang sumusunod:
piña cariñosa cañon
Kung ang sagot mo ay pinya, karinyosa at kanyon, tama ka!
4. Letrang X
Magpatuloy tayo. Letrang X naman ngayon.
4.1 Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
axiom wax export
exodus xylem praxis
4.2 Palitan ang letrang X ng KS kung ang tunog ay /ks/ kapag binaybay sa Filipino ang
hiram na salitang may letrang X.
23
x ks
experimental eksperimental texto teksto
taxonomy taksonomi exam eksam
5. Letrang F
Heto naman ang sinasabi tungkol sa letrang F:
Gamitin ang letrang F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita
Tofu (Nihonggo) ‘tokwa’ futbol
French fries fasiliteytor
Idagdag pa ito:
lifeguard fraterniti
fuddul (Ibanag) ‘maliit na burol’ fokus
Ganyan din halos ang sinasabi paras a letrang J, V, at Z.
Sige, pag-aralan mo ang halimbawa.
Letrang J
Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.
jam sabjek
juice jaket
majahid (Arabic) ‘tagapagtanggol ng Islam’ jornal
jantu (Tausug) ‘puso objek
Letrang V
Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita.
vertebrate varayti
verbatim volyum
Letrang Z
Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita.
zebra magazin
zinc bazar
24
Alam ko, naninibago ka sa baybay at pagbaybay ng mga salita. Pero, kailangan mong
matutunan ito.
Ngayon, subukin mong gawin ang mga sumusunod na pagsasanay:
Gawain 1: Basahin ang talata at bigyang-pansin ang mga salitang nasa loob ng
panaklong. Piliin at isulat sa sagutang papel ang mga salitang binaybay sa Filipino.
Sa aking pagpasok sa (school-iskul), nakita ko agad ang aking mga kaklase. Binati ko sila at
sabay-sabay na kaming lumakad sa (campus-kampus). Masasaya kaming nag-uusap nang mapuna
ko ang isang (advertisement-advertisment) sa (magazine-magazin) na dala ni Kristine.
Nangangailangan ng isang (model-modelo) sa isang (commercial-komersyal). Syempre,
interesadong-interesado ako kasi matagal ko nang (ambition-ambisyon) na maging artista! Kaya,
pagkatapos ng klase, niyaya ko silang alamin ang lahat ng detalye tungkol sa (audition-awdisyon)!
Kumusta, hindi ka ba naguluhan? Ang dapat mong maging sagot ay ganito: iskul, kampus,
advertisment, magazin, komersyal, ambisyon, awdisyon.
Kung nalito ka man, masasagot ang iyong mga tanong ng iba pang mga tuntunin sa
panghihiram. Basahin at unawain mo ang mga mahahalagang detalye. Maaari mo rin itong kopyahin
sa iyong notbuk.
a. Gamitin ang kasulukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
Halimbawa:
Hiram na Salita Filipino
attitude Saloobin
rule Tuntunin
ability Kakayahan
wholesale Pakyawan
west Kanluran
Maibibigay mo ba ang katumbas sa Filipino ng government, mandate, at natural?
Ang mga panumbas diyan ay pamahalaan, atas at likas.
b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa.
25
Halimbawa:
Hiram na Salita Filipino
hegemony gahum (Cebuano)
imagery haraya (Tagalog)
husband bana (Hiligaynon)
Muslim priest imam (Tausug)
Mabuti ba ito?
Syempre!
Kapag sinunod natin ito, matutuwa ang mga kapwa Pilipino natin dahil nailalahok ang
kanilang wika sa pagpapaunlad ng Filipino.
c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang
banyaga, at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Kastila Filipino Ingles Filipino
(1) (2)
Cheque tseke centripetal sentripetal
Litro litro commercial komersyal
Liquido likido advertising advertayzing
education edukasyon economics ekonomiks
qilates kilatis radical radikal
Iba pang Wika Filipino
(3)
coup d’etat (French) kudeta
chinelas (Kastilas) tsinelas
kimono (Japanese) kimono
glasnost (Russian) glasnost
blitzkrieg (German) blitzkrig
Pagsanayan mong bigkasin ang mga orihinal na salita. Malapit ba sa bigkas ng mga ito ang
mga salita sa Filipino?
Malapit, ‘di ba?
26
Gamitin
Gawain 1 Tingnan muli kung alam mo na.
Panuto: Piliin mula sa listahan ang mga salitang angkop na gamitin sa komiks istrip. Isulat sa patlang.
Sitwasyon 1: Sa Kampus
paseroks okey pagkamiting asaynment hand-out
Sitwasyon 2: Sa Isang Laro ng Basketbol
fawl mateknikal mag-overtaym Fawl- kawnted referi
Me (1) ________
ka na ba?
Wala pa.
Magpapaseroks
pa ko ng
(2) ____eh!
Ganon ba?
(3)_____ din ako
tapos gawa tayo
(4)
(5) _________.
Sige mamaya
na lang!
Mahirap lang
magreklamo baka
(4)______ tayo.
Kanina pa ‘yung(2) _____
na ‘yun ah. Yung isang
pleyer nablak (3) _______
ang tinawag!
Mahigpit ang laban,
malamang
(5)______________.
(1)____dapat yun
ah! Di tinawag ng
referi!
27
Nasagutan mo ba nang maayos ang mga pagsasanay?. Ikumpara mo rito ang iyong sagot.
Sitwasyon 1: Sa Kampus Sitwasyon 2:Sa Isang Laro ng Basketbol
1. asaynment 1.fawl
2. hand-out 2. referi
3. paseroks 3. fawl-kawnted
4. pagkamiting 4. mateknikal
5. Okey 5. mag-overtaym
Paano naman kapag ang hinihiram ay mga salitang teknikal o siyentipiko?
Sitwasyon 3: Sa Isang Resort
Swimming
tayo!
Ayoko,
marumi yan
eh.!
Hindi,
malinis ‘yan!
Paano mo
nasigurado?
Okey.
Ipaliliwanag ko
sa iyo…
28
Reaksyong Kemikal sa Pool
Napakahalagang panatilihing malinis at ligtas ang mga swimming pool.
Nagdadala ng sakit ang bacteria. Pinadudumi ng algae ang tubig na
nagiging dahilan upang magbara ang mga filter nito. Upang maiwasan ang
paglaki at pagdami ng algae at bacteria, karaniwang ginagamit na panlinis
ang chlorine.
Ang likwid chlorine ay isang solusyong nagtataglay ng hypochlorite
(NaClO). Ang dry chlorine ay solid calcium hypochlorite (CaClO) nag
hahadrolayz ng tubig at bumubuo ng mahinang klase ng hypochlorous
acid ang hypochlorite.
ClO-
(aq) + H2O(1) HClO(aq) + OH-
Para maiwasan ang paglaki at pagdami ng algae at bacteria, dapat na panatilihin ang
sapat na konsentrasyon ng hypochlorous acid.
Ano ang napansin mo sa mga sumusunod na salitang nakabold?
Hindi binago ang ispeling, di ba?
Bacteria algae
Hypochlorite dry chlorine
Solid calcium hypochlorite hypochlorous acid
ClO HO
ClO-
(aq) H2O(1)
Ah, ganon ba? Galing mo
ah! Salamat.. Tara,
swimming na tayo.!
O sige,
tara na!
29
Bakit? Narito ang paliwanag. Hinihiram nang buo ang mga pantanging ngalan ng salitang
teknikal at siyentipiko, mga salitang may natatanging kahulugang kultural, may iregular na ispeling at
mga salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit. Narito ang ilang mga halimbawa
ng ganoong salita:
cañao jihad
pizza lasagña
Quezon Avenue Washington D.C.
Oxygen Phylum
Bago ka tumuloy sa kasunod na bahagi, balikan mo muna ang mga araling hindi gaanong
malinaw sa iyo. Kung nauunawaan mo nang lahat, maaari ka nang magpatuloy.
Lagumin
Natapos mo nang pag-aralan ang mga tuntunin sa ispeling ng binagong alfabeto at
panghihiram ng mga salita. Balikan mo ang ilang mga impormasyong dapat mong tandaan.
1. Ang walong dagdag na letra sa alfabetong Filipino ay ang mga sumusunod:
C, F, J, N, Q , V, X, Z. Ginagamit ito sa mga salitang banyaga upang maging
maluwag ang panghihiram ng wikang Filipino.
2. Sa panghihiram ng salita, dapat tandaan ang mga sumusunod:
a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang
banyaga.
b. Kumuha ng mga salita sa iba`t ibang katutubong wika ng bansa.
c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang
wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino.
d. Hiramin nang buo ang mga pantanging ngalan ng salitang teknikal at siyentipiko, mga
salitang may natatanging kahulugang kultural, may iregular na ispeling at mga salitang
may internasyunal na anyong kinikilala at ginagamit.
Kung nauunawaan mo na ito, maaari ka nang tumuloy sa SUBUKIN. Kung kulang pa ang
iyong kaalaman, balikan mo ang mga leksyong di-gaanong naintindihan at pag-aralang muli.
30
Subukin
A. Panuto: Isulat sa baybay- Filipino ang mga salitang hiram at gamitin sa pangungusap na
informativ.
1. Aquarium ___________________ 6. Chemistry _______________________
2. Economics ___________________ 7. Deforestation _______________________
3. Picture ___________________ 8. Accountant ________________________
4. Subject ___________________ 9. Integration ________________________
5. Vertical ___________________ 10. Pollutant ________________________
B. Panuto:Lagyan ng tsek ( ) ang kaliwang kahon ng mga salitang hinihiram nang buo at ekis (x)
ang mga salitang binago ang ispeling. Sa kanang kahon, isulat ang tamang ispeling kung binago ito.
1. CO2
2. apparatus
3. scientific
4. vertex
5. chromosomes
6. enzyme
7. jihad
8. computer
9. banquet
10. champagne
Itsek mo ang iyong sagot. Ihambing mo dito.
1. akwaryum 6. kemistri
2. Ekonomiks 7. deforesteysyon
3. piktyur 8. akawntant
4. sabjek 9. integrasyon
5. vertikal 10. polyutant
Paraan ng Panghihiram
1. 6.
2. X - aparatus 7.
3. X - sayantifik 8. X - kompyuter
4. 9.
31
5. 10.
C. Panuto: Isulat ang mga salitang hiram na angkop sa diwa ng mga pangungusap sa talata.
elektroniks Law of buoyancy
cellphone e-trade
segundo texters
tv eroplano
efisyent komunikasyon
imbensyon teknoloji
Nakagugulat talaga ang tao at ang kanyang kakayahang mag-isip. Maraming
(1)__________________ ang halos hindi mapaniniwalaan lalo na ng mga sinaunang tao.
Halimbawa, napalipad ang (2)_____________ gayong napakabigat nito. Napalutang ang
barko dahil sa konsepto ng (3)________________________. Naimbento ang telepono, ang
radyo, ang (4)________________, ang telepono, ang relo at marami pang iba. Kahanga-
hanga! Kahit na kaliiit-liitang bagay ay napag-uukulan ng pansin. Aakalain ba nating ang
henerasyong ito ay magiging henerasyon ng (5)__________? Ang bawat mensaheng
ipadadala, sa loob lamang ng ilang (6)________________ at matatanggap ng pinadalhan.
Nakatutuwa ngang makita na kahit na matatanda ay nagtetext. Hindi ba ang ganitong
imbensyon ay dulot ng (7)__________________? Napakalaki ng nagawang pagbabago at
pag-unlad nito sa ating buhay. Kung iisipin, hindi lang sa larangan ng komunikasyon
nakatulong ito kundi maging sa ekonomiya. Nauso na ang (8)_____________. Mabilis at
(9)____________________ ang paraan ng pagnenegosyo. Ang mga transaksyon ay
natatapos sa pamamagitan ng (10)___________________. Ano pa kaya ang susunod?
Iwasto mo ang iyong sagot.
1. imbensyon 6.segundo
2. eroplano 7. cellphone
3. law of buoyancy 8. e-trade
4. tv 9. efisyent
5. texters 10.elektroniks
Marahil ay tama ang lahat ng iyong sagot. Subukin mo naman ang kasunod na pagsasanay.
Kung tama ang lahat ng sagot mo, maaari ka nang tumuloy sa Sub-aralin 3. Kung hindi,
gawin mo ang PAUNLARIN upang matulungan ka sa mga araling hindi mo gaanong naunawaan.
32
Paunlarin
Gawain 1 Pagbabaybay
Panuto: Isulat sa baybay-Filipino ang mga salitang hiram.
1. Algebra __________________
2. Building __________________
3. Genetics __________________
4. Subsistence __________________
5. Chemical __________________
Gawain 2 Panghihiram ng mga Salita
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang hiram na angkop sa diwa ng mga pangungusap.
bouquet varayti textbuk
pizza komunikasyon midyum
1. Gustung-gusto ng mga kabataan ang ______________ dahilan sa ibang lasa nito.
2. Mahalagang magkaroon ng ________________ ang ating kultura upang tayo ay umunlad.
3. Maraming ______________ na ang nasusulat sa Filipino.
4. Binigyan ng _______________ ng mga panauhing pandangal sa pagdiriwang.
5. Ang _____________ ay mabisang daan tungo sa kaunlaran.
Gawain 3:
Panuto: Pumili ng angkop na salitang hiram sa dayalogo. Isulat sa iyong sagutang papel.
Kompyuter mag-email print Microsoft word
Friendster log-in paper jam log-out
makapag-Internet CPU PC surf
33
Ganito ba ang sagot mo? Kung “ Oo”, tama ka.
Gawain 1: Pagbabaybay Gawain 2:
1. Aljebra 1. pizza
2. Bilding 2. varayti
3. Jenetiks 3. texbuk
4. Sabsistens 4. bouquet
5. Kemikal 5. komunikasyon
Gawain 3: Panghihiram
1. Friendster 4. log-in
2. makapag-internet 5. virus
3. PC 6. surf
Ngayon, maaari ka nang tumuloy sa Sub-aralin 3.
Hoy, nagbukas ka na ba
ng (1)_________mo?
Hindi bale, updeyt na
lang kita. Sige,
(6)magsu ____ pa ako
para sa riserts natin.
Isasama na kita rito!
Hindi pa. Hindi nga ako
(2___________ eh.
Down ang (3)____ ko..
(4) Nag___kasi ako
kanina, may pumasok na
(5_______! Kakaasar!
34
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub-Aralin 3:
Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga Pangyayari
Layunin:
1. naiuugnay ang mga pansariling karanasan at kaisipan sa tekstong binasa
2. nabibigyang kahulugan ang magkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi at bunga
ng mga pangyayari
3. natutukoy ang punto ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pahayag
Alamin
Beybi ka pa lang ay lagi ka nang umiinom ng gatas. Nang nag-aaral ka na, ipinaliwanag ng iyong
mga titser ang kahalagahan nito sa katawan. Ngayong nasa hayskul ka na, kailangan mo pa rin ba ito?
Ano nga ba ang epekto ng gatas at ng iba pang dairy products sa ating katawan? Ano ang magiging
bunga ng kakulangan nito? Malalaman mo ang sagot sa pamamagitan ng seleksyong ito.
Tutulungan ka ng modyul na ito na maunawaan ang ugnayang sanhi at bugna sa mga tekstong
iyong binabasa.
Linangin
a. Babasahin mo ngayon ang isang artikulong tumatalakay sa isang uri ng sakit sa buto na maaaring
maaagapan at malunasan ng gatas at ng mga kauring pagkain. Tingnan mo kung matatandaan mo
ang mga dahilan ng pagkakaroon nito.
Maaari ka nang magsimula.
35
CALCIUM AT OSTEOPOROSIS
Natuklasang isa sa apat na babaeng hindi na nireregla ay nababalian ng buto
sa edad na 65. Bunga nito ay maaga silang hindi gaanong nakagagawa o
nakakikilos na nagdudulot naman sa kanila ng pagkabugnot o pagkainip.
Tinatayang 10%-15% naman ng mga kalalakihan ay maaari ring magkaroon ng
ganitong sakit sa gulang na 70 taon.
Nagkakaroon ng osteoporosis kapag ang level ng calcium at phosphorous
ay hindi nakasasapat sa pangangailangan ng katawan. Ito ang mga mineral na
kailangan para sa mahusay na pormasyon ng buto.Nagpapatigas ito at
nagpapatibay ng framework ng katawan. Ang kakulangan nito ay nagdudulot ng
kawalan ng bone mass, na nagiging dahilan upang ang mga buto ay matuyo at
maging malutong.
Mas apektado nito ang mga babae sapagkat mas magaan ang kanilang
buto kaya mas kakaunti ang deposito ng calcium. Sa panahong ang mga babae
ay nagbubuntis, malaking porsyento ng calcium ang nawawala sa kanya. Nalilipat
ito sa kanyang sanggol kaya lagi silang pinapayuhang uminom ng mga supliment
na bitamina. Sa pamamagitan nito, unti-unting mababawi ng ina ang calcium na
nawawala sa kanya. Hindi lamang iyon, dahil din dito, mas nagiging malusog ang
buto ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis.
Ang iba pang mga sanhi ng osteoporosis ay edad, lahing pinagmulan,
kasaysayang medikal ng pamilya, mababang suplay ng vitamin D, maliit na
pangangatawan, kawalan ng ehersisyo, paninigarilyo at labis na pag-inom ng
inuming may alkohol.
Bunga nito, pinapayuhan ang lahat na huwag pabayaang bumaba ang
suplay ng ng calcium at ng iba pang mga bitamina sa ating katawan. Maaari itong
makuha sa mga pagkaing tulad ng keso, gatas, gulay at mga vitamin na supliment.
Dapat ding alagaan ang katawan at iwasan ang pagmamalabis sa sigarilyo at alak.
Balikan mo ang tanong kanina. Ano ang magagawa ng gatas at iba pang dairy products
sa ating katawan? Tama! Pinatitigas nito ang ating mga buto. Nagdudulot ito ng malusog
na pangangatawan sa tao. Bunga ito ng pag-inom ng gatas at pagkain ng mga dairy
products, di ba?
Revyuhin mo nga ulit ang teksto. Bilugan ang pitong salitang banyagang ginamit at hiniram
nang tuwiran sa talata. Isulat ang mga salita sa hiwalay na sagutang papel.
36
M A E J K L A R K Y M I E M I
B O N E M A S S T A N K S C N
F T S B R V Z I N C E R E A T
R C O T S A I N T S A M T L E
A A T L E V E L L I N G I C L
M U R A N O B A V I T A M I N
E S Y G I F P R E V I T O U G
W E Y L A W S O D U D E D M A
O D O L L E D W R C C K E D M
R B S R E N G E A O M A R I E
K Y I S E T E X I T S A V E S
S A M C H E M I C A L I G H T
A R P H O S P H O R O U S A K
Naisulat mo na? Ganito rin ba ang sagot mo? Kung “Oo”, tama ka.
Osteoporosis Phosphorous Framework
Bone mass Calcium
Vitamin Level
b. Subukin mong sagutin ang ilan pang mga tanong upang matiyak na nauunawaan mo ang iyong
binasa.
1. Kung bababa ang suplay ng calcium sa katawan, ano ang mangyayari?
____________________________________________________________________________
2. Bakit mas karaniwang umaatake ang osteoporosis sa mga matatandang babae ? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Isa-isahin ang iba pang mga sanhi ng osteoporosis.
Mga Sanhi:
1. _____________________________
2. _____________________________
OSTEOPOROSIS 3. ____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
37
Humigit-kumulang ay ganito ang iyong sagot.
1. Kung bababa ang suplay ng calcium sa katawan ng tao, maaaring magkaroon siya ng
osteoporosis.
2. Mas karaniwang umaatake ang osteoporosis sa mga matatandang babae dahil sa mas mabilis
bumaba ang suplay ng calcium sa kanilang katawan. Nagkakaroon sila ng kakulangan sa
calcium bunga ng pagbubuntis. Bukod dito, mas maliliit at magaan ang kanilang mga buto
kaya mas kaunti ang deposito ng nasabing mineral.
3. Ang iba pang mga sanhi ng osteoporosis ay ang mga sumusunod: lahing pinagmulan,
kasaysayang medikal ng pamilya, hindi aktibong uri ng pamumuhay, labis na paninigarilyo at
pag-inom ng alak, mababang suplay ng vitamin D, maliit na pangangatawan at kawalan ng
ehersisyo.
Nasagutan mo ba nang maayos ang mga tanong? Marahil ay “Oo”. Pero bago mo nagawang
sagutan, kinailangan mo pang balikang muli ang talata. Hinanap mo muna ang mga detalyeng naging
batayan mo ng mga sagot, di ba? Kasi dapat na ito ay eksakto at hindi gawa-gawa lamang.Tiyak ang
mga tanong, kaya dapat ay tiyak din ang mga sagot. Ganito talaga ang nangyayari kapag hinahanap
ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Pag-aralan mo ang pangungusap na ginamit kanina:
• Kung bababa ang suplay ng calcium sa katawan ng tao, maaaring magkaroon siya
ng osteoporosis.
Batay sa pangungusap na ito, sagutin ang mga tanong:
☺ Ano ang mangyayari kapag bumaba ang suplay ng calcium sa katawan ng tao?
Magkakaroon siya ng osteoporosis, hindi ba?
Ito ang magiging bunga ng pagbaba ng suplay ng calcium.
☺ Ano ang sanhi ng osteoporosis?
Ang pagbaba ng suplay ng calcium sa katawan ng tao, tama?
Ito ang sanhi ng osteoporosis.
Suriin mo pa ang isang halimbawang pangungusap:
• Mas karaniwang umaatake ang osteoporosis sa mga matatandang babae
dahil sa mas mabilis bumaba ang suplay ng calcium sa kanilang
katawan.
38
☺ Ano ang sanhi o dahilan ng malamang na pag-atake ng osteoporosis sa mga babae?
Ang mabilis na pagbaba ng suplay ng calcium sa kanilang katawan.
Ito marahil ang sagot mo. Kung oo, tama ka.
☺ Ano ang bunga ng mabilis na pagbaba ng suplay ng calcium sa mga babae?
Mas nagiging karaniwan sa kanila ang pag-atake ng osteoporosis.
Kung ito ang iyong sagot, tama ka.
Mula sa mga pangungusap na ito ay malinaw mong makikita ang sanhi o dahilan at bunga ng
kilos ng mga pangyayari. May mga salitang ginagamit upang mapag-ugnay ang sanhi at dahilan ng
mga pangyayari sa pangungusap.
Maaaring gamitin ang:
Dahil sa dahil dito
sapagkat bunga ng
Sa ganitong kadahilanan kaya
Tandaan lamang na kapag ginagamit ang mga pang-ugnay na ito, kailangang maayos na
nakahanay ang mga sanhi at bungang binabanggit. Ang ibig sabihin, ihanay ang mga salita o parirala
ayon sa kanilang gamit sa loob ng pangungusap.
Sa halimbawang pangungusap:
Mas karaniwang umaatake ang osteoporosis sa mga matatandang babae dahil sa mas mabilis
bumaba ang suplay ng calcium sa kanilang katawan.
Pansinin na pagkatapos ng dahil sa, kaagad na sumunod ang pariralang naglalahad ng
dahilan ng pangyayari. Kung ang paghahanay ng mga parirala ay hindi maayos, maiiba ang diwa ng
pangungusap.
Tulad nito:
Dahil sa mas karaniwang umaatake ang osteoporosis sa mga matatandang babae, mas
mabilis bumaba ang suplay ng calcium sa kanilang katawan.
Naiba ang kahulugan, di ba? Baligtad! Ito ang dahilan kaya dapat na ihanay nang maayos ang
mga salita at parirala. Kaugnay nito, pag-aralan mo naman ngayon ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng mga pahayag.
39
Basahin ang pares ng mga pangungusap na mula sa texto.
1. a. Mas apektado nito (osteoporosis) ang mga babae sapagkat mas magaan ang kanilang buto kaya
mas kakaunti ang deposito ng calcium.
b. Samantala,tinatayang 10%-15% lamang mga kalalakihan ang maaaring magkaroon ng
ganitong sakit sa gulang na 70 taon.
Ano ang paksa ng unang pares ng pangungusap? Tama, osteoporosis. Sinu-sino ang
pinaghahambing sa dalawang pangungusap? Ang mga babae at lalaki, di ba? Magkatulad ba ang
impormasyong sinasabi tungkol sa kanila? Hindi. Ipinakikita ng mga pangungusap ang kaibahan ng
kundisyon ng pagkakaroon ng osteoporosis ng mga lalaki at babae. Napansin mo ba na
magkasalungat o nagkokontrast ang mga pahayag? Tama, magkaiba nga. Anong salita ang
nagpapakita nito? Ang salitang samantala ang nagpakita ng kanilang pagkakaiba, ‘di ba?
Ngayon, suriin mo ang ikalawang pares ng pangungusap:
2. a. Ang osteoporosis ay isang malalang kundisyon ng buto na karaniwang umaatake sa mga
matatandang babae.
b. Nagkakaroon din nito ang mga matatandang lalaki.
Ano ang paksa ng mga pangungusap? Osteoporosis, tama ka. Sinu-sino ang pinag-uusapan?
Ang mga matatandang lalaki at babae. Magkasalungat ba ang impormasyong sinasabi tungkol sa
kanila? Hindi. Kung gayon ay magkatulad o hambingan ang mga pahayag. Anong palatandaan
ang ginamit upang maipakita ang pagkakatulad nila? Tama, ang salitang din.
Madali lamang malaman kung ang mga magkatulad o magkaiba ang mga pahayag. Una,
naghahambing ito ng mga ideya o impormasyon. Maaaring pareho o magkaiba. Ikalawa, ang
paghahambing na magkatulad ay gumagamit ng mga salitang tulad ng, kapareho, paris ng, katulad
ng, at iba pang kauri. Ang mga paghahambing na magkaiba ay gumagamit ng mas / higit / , di-
gaano…kaysa, samantala, habang at iba pa.
Marahil ay handa ka na. Subukin mong gawin ang kasunod na pagsasanay.
Basahin mo ang talata at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Sa ibang bansa, ang mga matatanda ay inilalagay sa mga institusyon . Ito ay dahilan sa wala
na silang gaanong maaaring gawin at wala na ring maaaring mangalaga sa kanila. May mga tauhan
at fasilitis doon na sumasagot sa kanilang mga pangangailangan. Subalit sa katagalan, nagiging
problema na rin ang pagkuha ng mga empleyadong titingin sa kanila. Kaya, naisipan ng mga
imbentor sa Japan na gumamit ng mga robotiks na makatutulong sa paglutas ng suliranin. Naimbento
ni Mitsuru Haruyama, ang isang washing machine para sa tao. Ang imbensyon ay bunga na rin ng
sariling pangngailangan. Siya mismo ay may kapansanan. Sinasabing nagugustuhan ng mga
40
matatanda ang human washing machine sapagkat nagdudulot ito ng mas efisyent na trabaho. Patuloy
na umiimbento ang mga Hapones ng mga robot subalit wala silang balak na alisin ang mga taong
maaaring personal na makaunawa sa kanilang pangangailangan bilang tao.
1. Isulat ang mga sanhi ng paglalagay ng mga matatanda sa institusyon sa ibang bansa.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Bunga ng kakulangan ng mga empleyado, ano ang naging hakbang ng mga Hapones?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Dugtungan ang mga parirala ng mga impormasyong batay sa binasa.
3. Naimbento ni Mitsuru Hiruyama ang human washing machine bunga ng
_________________________________________________________________________________
4. Nagustuhan ng mga matatanda ang human washing machine dahil sa
_________________________________________________________________________________
Ihambing mo ang iyong sagot sa mga sumusunod:
1. Ang mga sanhi ng paglalagay ng mga matatanda sa institusyon ay ang kawalan nila ng
kakayahang gumawa at kakulangan ng mga taong mangangalaga sa kanila.
2. Bunga ng kakulangan ng empleyado, ang mga Hapones ay umimbento ng mga robotiks.
3. Naimbento ni Mitsuru Hiruyama ang human washing machine bunga ng sariling
pangangailangan.
4. Nagustuhan ng mga matatanda ang human washing machine dahil sa mas efisyent itong
magtrabaho.
41
Gamitin
Gawain 1
Isulat ang S kung sanhi, at B kung bunga ng mga pariralang nakabold.
Tinututulan ng mga Haponesa ang paglalagay sa kanila sa mga institusyon dahil sa (1) mas
gusto nilang manatili sa piling ng kanilang pamilya. Sa panig naman ng pamahalaan, mahalaga sa
kanila ang ganitong hakbang sapagkat (2)nakikita nila ang pangangailangan sa susunod na
henerasyon. Kung iisipin, masasabing mas praktikal nga ito subalit marami pa ring negatibong
reaksyon lalo na sa bansang nasanay sa pagiging malapit ng mga pamilya at iba pang kaanak sa isa’t
isa.(3.) Nagkakaroon ng ganitong isyu dahil na rin sa natuklasang problema. Walang sapat na
tauhang maaaring maempleyo. (4) Naging pansamantalang sagot ang robotiks bunga ng agarang
pangangailangan. Mahirap gawan kaagad ng solusyon ang problema (5) dulot ng konserbatibong
kultura ng mga taga-silangan na nakaugnay rito.
Gawain 2
Tukuyin kung ang mga pangungusap ay magkatulad o magkaiba.
Isulat ang kabalikang anyo nito. Halimbawa, kung magkatulad, gawing magkaiba. Bigyang
pansin ang mga nakabold na salita. Ito ang tiyak na paksa sa bawat set ng pangungusap. Gawin itong
gabay sa pagbuo ng mga pangngusap. Ginawa na ang unang bilang para sa iyo.
1. Ang kultura ng mga taga-kanluran tungkol sa pagpapamilya ay makabago. Ang mga taga-
silangan ay konserbatibo. MAGKAIBA.
Pangungusap na Magkatulad: Pareho silang nagmamahal sa kanilang mga pamilya.
2. Ang mga kanluranin ay mahuhusay sa sining. Ganoon din ang mga taga-silangan.
____________
Pangungusap na _______________: ___________________________________
_________________________________________________________________
3. Marahil may kaugnayan ang kalagayan ng pamumuhay sa kaibhan ng kanilang
pananaw. Praktikal ang mga taga-kanluran kaysa sa mga taga-silangan.
_____________
Pangungusap na ____________: _______________________________________
__________________________________________________________________
Nag-isip at nagsuri ka, di ba? Ganoon talaga. Ihambing mo nga rito ang iyong sagot.
42
Gawain 1: Sanhi at Bunga
1.S 4. S
2.B 5. S
3.B
Gawain 2: Magkatulad at Magkaibang Pahayag
(Ganito humigit-kumulang ang mga sagot na pangungusap.)
1. Hambingan
Pangungusap na Magkaiba: Ang mga taga-kanluran ay mahusay sa sining na itinatanghal.
Ang mga taga-silangan ay magaling sa eskultura.
2.Kontrast
Pangungusap na Magkatulad: Pareho silang nagsisikap na mabuhay nang maayos.
Sa palagay mo ba, nasagutan mo nang maayos ang mga gawain? Kung hindi, balikan mong
muli ang mga aralin. Kung oo, magpatuloy ka na.
Lagumin
Narito ang ilang mahahalagang punto na dapat tandaan sa iyong pinag-aralan.
1. Matutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga
dahilan at naging epekto ng isang kilos.
2. Gumagamit ang mga pangungusap na may sanhi at bunga ng mga salitang tulad ng
sapagkat, dahil sa, sa kadahilanang, bunga ng at iba pa.
3. Ang mga pahayag na magkaiba at magkatulad ay makikilala sa pamamagitan ng pagsusuri
ng ideyang inilalahad nito.
4. Gumagamit ang mga pahayag na magkaiba ng mga salitang tulad ng mas / higit /lalo, di-
gaano…kaysa, samantala, habang at iba pa. Samantala, ang magkatulad ay gumagamit ng
kapareho, paris ng, katulad ng, at iba pang kauri.
Malinaw na ba sa iyo ang aralin? Kung may bahaging hindi mo gaanong naunawaan,
balikan mo. Kung malinaw na, maaari ka nang magpatuloy.
43
Subukin
I. Panuto: Isulat ang S kung ang pariralang nakabold ay sanhi at B kung bunga ng isang
pangyayari.
___ 1. Nagkakaroon ng lindol dahil sa pagkasira ng pundasyon ng faultline sa ilalim ng
lupa.
___ 2. Yumayanig ang lupa bunga ng mga nalilikhang puwang sa pagkilos na ito.
___ 3. Ang isa pang dahilan nito ay ang pagsabog ng mga bulkan.
___4. Bukod dito, maaari ring ibilang ang erosyon o ang unti-unting pagguho ng lupa.
___5. Isang malaganap at malakihang disaster ang dulot nito.
II. Panuto: Isulat ang MK kung magkatulad at MI kung magkaiba ang mga pares ng pahayag
.
____ 1. a. Ang mga babae ay mababagal kumilos kung mabibigat na gawain ang pag-uusapan.
b. Samantala, mabibilis ang mga lalaki.
____ 2. a. Ang mga babae ay mapagmahal sa pamilya.
b. Ganoon din ang mga lalaki.
____ 3. a. Karaniwan, ang mga lalaki ay gumagamit ng pangangatwirang lohikal.
b. Samantala, ang mga babae ay kadalasang emosyunal.
____ 4. a. Masisipag ang mga babae.
b. Katulad din sila ng mga lalaki.
____ 5. a. Sa pagtanda, mas nakapag-iisa ang mga babae.
b. Ang mga lalaki naman ay higit na nangangailangan ng masasandigan.
Itsek mo ang iyong sagot. Ganito ba?
I. Sanhi at Bunga ng Pangyayari II. Magkatulad at Magkaibang Pahayag
1. S 1. MK
2. B 2. MI
3. S 3. MK
4. S 4. MK
5. B 5. MI
44
Nasagutan mo ba nang tama ang gawain? Kung hindi, maaari mong basahing muli ang mga
aralin. Kumuha ka na rin ng isang notbuk na maaari mong pagsulatan ng mga mahahalagang
impormasyon. Pagkatapos, tumuloy ka na sa PAUNLARIN. Sa kabilang dako, maaari mo nang
kunin ang panghuling pagsusulit.
Paunlarin
Piliin mo lamang ang gawaing makatutulong sa iyo.
Gawain 1- Sanhi at Bunga
Suriin ang mga pangungusap. Tukuyin kung sanhi o bunga ang mga pariralang nakabold.
1. Ang pagbaha sa Metro manila ay bunga ng mababang lokasyon nito.
2. Malapit kasi ito sa dagat at iba pang mga anyong tubig kaya madaling bumaha.
3. Ang isa pang dahilan ay ang pagbabara ng mga kanal at imburnal.
4. Parami nang parami ang problema sa basura kaya ang lahat ay dapat nang kumilos!
5. Ang pamahalaan ay patuloy na naglulunsad ng mga proyekto upang maiwasan ang paglubog
ng Metro Manila kung tag-ulan.
Gawain 2 Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga Pahayag
Isulat ang MK kung magkatulad at MI kung magkaiba ang mga pares ng pahayag.
____ 1. a. Napagaan ng teknoloji ang paraan ng pamumuhay sa daigdig.
b. Bumigat naman ang pangangailangang pinansyal ng tao.
____ 2. a. Kailangan ng tao ang lakas ng paggawa ng tao sa alinmang negosyo o industriya.
b. Gayundin ang pangangailangan ng modernisadong teknoloji.
____ 3. a. Ang makina ay walang pakiramdam.
b. Hindi ito tulad ng tao, na sensitibo!
____ 4. a. Ang tao ay kasama ng kanyang kapwa sa katuwaan man o kalungkutan.
b. Ang makinang tulad ng robot ay katulong lamang sa mga gawain.
____ 5. a. Importante ang robot.
b. Samantala, mas mahalaga ang tao kaysa kahit na anong uri ng imbensyon.
45
Marahil ay nauunawaan mo na ang aralin. Ihambing ang iyong sagot dito.
Gawain 1: Sanhi at Bunga Gawain 2: Magkatulad at Magkaiba
1. Sanhi 1. MI
2. Bunga 2. MK
3. Sanhi 3. MI
4. Bunga 4. MI
5. Sanhi 5. MI
Gaano ka na kahusay?
I. TEXTONG INFORMATIV
Panuto: Basahin at suriin ang talata. Nilagyan ng bilang ang bawat talata upang maging gabay
mo. Isulat ang I kung ang teksto ay informativ at HI kung hindi.
1. Ang Wow Philippines ay isang proyektong nagsusulong ng turismo sa bansa.
Pinasimulan ito ng dating Sekretaryo ng Turismo na si G. Dick Gordon. Noong una ay
doon lamang ito ginawa sa Subic Naval Base. Ito ang baseng iniwan ng mga Amerikano
pagkatapos na magwakas ang isandaang taon ng kasunduang mananatili sila doon.
Naging matagumpay ang nasabing proyekto. Bunga nito, nagpatuloy ang programa
hanggang madesisyunan ng pamahalaang irestor ang makasaysayang lugar ng
Intramuros. Magastos nga lamang subalit sulit naman! Napakaganda ng Intramuros
ngayon. Naging pook-pasyalan, hindi lamang ng mga banyaga kundi lalo’t higit ang mga
pamilyang Pilipino.Sa kasalukuyan, laganap na laganap sa bawat sulok ng bansa ang
pagdedevelop ng mga lugar na maaaring maging atraksyon sa mga turista.
2. Mahirap unawain ang tao. Kung siya ay maputi, gusto niyang magbilad sa araw upang
umitim. Kung maitim naman, kung anu-ano ang ginagawa para pumuti. Ang payat ay
gustong tumaba, ang mataba ay gustong pumayat. Dagdag ng ilong, dagdag/ bawas ng
dibdib. Bawas dito, dagdag doon. Walang kasiyahan! Napakaikli ng buhay para sayangin
lamang sa mga walang kabuluhang bagay.
3. Nakapunta ka na ba sa Tinago Falls? Napakagandang lugar nito. Bagay na bagay ang
pangalang ibinigay sa pook na ito. Nakatago talaga! Matatagpuan ito sa Iligan City.
Mahirap puntahan ngunit sulit ang pagod kapag nakarating ka. Mula sa kapatagan,
makikita mo ang karatulang Welcome to Tinago Falls! May mga guide na tutulong sa
iyong paglalakbay. Napakatarik ng dadaanan. Tinatayang ang taas nito ay mga 20,000
talampakan. Daang tao lang ang gagamitin mo. Madulas kaya may mga kawayang
ginagamit na hawakan. Pasikut-sikot at paikut-ikot ang daan. Sobrang nakakapagod
46
subalit pagdating sa ibaba ay talagang kahanga-hanga! Tanggal ang pagod mo. Iyon nga
lang, mas nakakapagod ang bumalik sa itaas. Wala kasing ibang daan!
4. Inaprubahan ng Food and Drug Administration ng Amerika ang pagbebenta ng
VeriChip, isang kompyuter chip na kasinlaki ng butil ng bigas. Ito ay isa na namang
malaking pagtuklas at pag-unlad sa Sayans. Ang chip na ito ay may tiyak na gamit sa
larangan ng medisina. Ini-injeksyon ang chip sa balat na tao. Dalawampung minuto ang
itinatagal ng proseso bago ito gamitan ng scanner. Pagkatapos daanan ng scanner
nagrerejister ang mga codes sa monitor ng kompyuter. Nagbibigay ito ng impormasyon
tungkol sa kundisyon ng katawan ng pasyente. Kahanga-hanga! At hindi magtatagal,
mabibili na ito sa karaniwang groseri o tindahan.
5. Kung matanda na ang isang tao, karaniwang mainitin na ang kanyang ulo, sumpungin,
mahina ang tenga, malalabo na ang mga mata, lampa at mabagal nang kumilos. Ito ang
mga dahilan kung kaya sila kadalasan ay kinaiinisan lalo na ng mga kabataan. Dagdag pa
kung ulyanin na sila at dinapuan ng sakit na Alzheimer’s. Sino ba naman ang may
gustong mag-alaga ng matandang kumikilos na parang bata? Aasikasuhing parang
beybi, eh hindi naman beybi! Kung totoong beybi sana, eh di kyut! Subalit alalahaning
hindi ka laging bata. Tatanda ka ring tulad nila. Isipin mo… kung paano mo
pinahalagahan o pinabayaan ang matatanda, iyon ang nakikita ng mga bata. Ganoon din
ang gagawin nila sa iyo kapag matanda ka na, humigit-kumulang!
II. PAGBABAYBAY
Panuto: Tukuyin ang wastong baybay ng mga salitang hiram na ginamit sa
mga pangungusap.
.
1. Isang malaking aquarium ang matatagpuan sa Manila Zoo.
a. aquarium c. akwaryum
b. akwarium d. aquaryum
2. Bahagi ito ng mga exhibit ng mga tanging mga bagay at hayop na
matatagpuan sa Pilipinas.
a. eksibit c. exhibit
b. exsibit d. exibit
3. Sa Bahay-Tsinoy naman sa Intramuros, ay may mga display na
kaugnay nang pinagmulan ng lahing Intsik sa Pilipinas.
a. display c. diesplay
b. diespley d. displey
4. Ayon sa mga tauhan ng lugar na ito, iyon daw ay authentic.
a. awtentik c. otentik
b. authentic d. awtentic
47
5. Kung may mga bumibisita sa mga lugar na ito, maraming maaaring maging
reference.
a. referens c. reference
b. refirence d. reperens
III. PANGHIHIRAM NG SALITA
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang hiram na angkop sa mga pangungusap sa talata.
Pebrero 23, 1997 nang ihayag ni Ian Wilmut, isang sayantist na 1.(Scottish- Iskatish- Iskatis)
sayantist at ng kanyang mga kasama ang isang matagumpay na riserts. Ito ay ang 2.(cloning-
kloning-klaning) ng isang tupa.Nalikha nila si Dolly, tupang kamukhang-kamukha ng kanyang ina.
Nagkaroon na naman ang 3.(Science-Sayans-Agham) ng isang malaking imbensyon.Noong una,
inakala ng lahat na ito ay imposible! Subalit napatunayang si Dolly ay isang 4. (exactong-eksaktong
-iksaktong) kopya ng kanyang ina. Sinasabing ang pagsilang niya ay kakaiba dahil galing siya sa
isang materyal na 5. (genetic-jenetik- henetika).
-Impormasyon mula sa Internet
IV. SANHI AT BUNGA NG PANGYAYARI
Panuto: Pag-ugnay-ugnayin ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.
Sa nakalipas na mga dekada, lumaki nang lumaki ang lupaing sakop ng mga syudad kaya
itinatatayang 50% ng populasyon ng mundo ay nakatira na rito. Maraming dahilan kung bakit
nangyayari ito. Una, ang patuloy na industriyalisasyon noong ika-19 na siglo na naging dahilan
upang magtayo ng maraming pabrika sa lunsod mismo. Ang mga trabahong ito na nangangahulugan
ng mas mabuting uri ng pamumuhay, ay naging atraksyon para sa mga taga-lalawigan. Ikalawa,
maraming mga paaralang naitayo na sumasagot sa pangangailangan ng mga anak ng mga
manggagawa. Ikatlo, ang pangako ng mas maayos na pamumuhay para sa kanilang mga pamilya ay
nagiging dahilan upang iwanan ang kanilang mga bukid at manirahan sa mga lunsod. Sa huli,
habang lumalaki ang populasyon ng syudad, dumadami rin ang mga establisimento ng mga aliwan at
paglilibang tulad ng mga sinehan, stadium, museo at iba pang pasyalan. Para sa maraming tao, ang
buhay sa lunsod ay mas nakaaaliw kaysa buhay sa bukid, kaya paunti nang paunti ang mga
naninirahan sa mga lalawigan.
1. Ang pagdami ng mga pook-aliwan at libangan sa syudad ay dulot ng
a. kagustuhan ng taong mag-aliw
b. pagkalat ng maraming bisyo
c. karamihan ng tao.
d. kahilingan ng mga naninirahan dito.
48
2. Ang industriyalisasyon sa lunsod ay bunga ng
a. kawalan ng trabaho.
b. mabuting pamumuhay.
c. kasipagan ng mga tao.
d. karamihan ng mga pabrikang itinayo rito.
3. Ang pagtatayo ng mga paaralan dito ay dahil sa
a. kautusan ng pamahalaan.
b. pangangailangan ng mga anak ng mga manggagawa.
c. patuloy na industriyalisasyon.
d. mabuting uri ng pamumuhay.
4. Ang pag-alis ng mga tao sa lalawigan ay dulot ng
a. paghahangad na makapag-aral.
b. atraksyon sa bahay-aliwan
c. pangako ng mas mabuting buhay.
d. kawalan ng trabaho.
5. Sa kasalukuyan, paunti nang paunti ang ibig manirahan sa lalawigan dahil sa
a. ang buhay sa lunsod ay nakaaaliw.
b. mahirap ang trabaho sa bukid.
c. 50% ng populasyon ng mundo ay nasa lunsod na.
d. pag-aaral ng mga kabataan.
V. PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG MGA PAHAYAG
Panuto: Isulat ang MK kung magkatulad at MI kumg magkaiba ang pares ng mga pahayag.
____ 1. a. Ang pagsilang ng tao sa pananaw ng relihiyon ay sagrado.
b. Sa panig ng Sayans, ito ay isang imbensyon.
____ 2. a. Ang natural na pagsisilang sa tao ay nangangailangan ng 46 na chromosomes.
b. Katulad din ito ng kloning.
____ 3. a. Ipinaalam sa mundo ang pagsilang ni Eve, ang kauna-unahang babaeng naklon,
noong Disyembre 26, 2002.
b. Ayon sa Banal na Kasulatan, si Eba ay hinugot sa tadyang ni Adan, ang kauna-
unahang lalaki sa mundo.
____ 4. a. Ang Sayans ay mapanuklas ng iba’t ibang bagay at nag-eeksperimento ng mga
proseso.
b. Ang relihiyon ay nananatiling nananalig sa kapangyarihan ng Panginoong
Lumikha.
49
_____ 5. a. Maraming eksperto ang nagdududa sa katotohanan ng kloning.
b. Marami rin namang naniniwala sa katotohanang hatid ng natural na
pagsisilang ng tao.
Kunin mo ang Susi ng Pagwawasto sa iyong guro. Tama bang lahat ang naging sagot mo?
Kung hindi, balikan mo ang mga bahaging kailangan mo pang pag-aralan. Kung oo, binabati kita!
Maaari ka nang tumuloy sa susunod na modyul.
50
Modyul 1
Pagkilala sa Tekstong Informativ
at Panghihiram ng mga Salita
Panimulang Pagsusulit Panghuling Pagsusulit
A. Textong Informativ A. Textong Informativ
1.HI 1. I
2. I 2. HI
3. I 3. I
4. I 4. I
5. HI 5. I
6. I
B. Pagbabaybay B. Pagbabaybay
1. a 1. c
2. b 2. a
3. b 3. d
4. a 4. a
5. c 5. a
C.Panghihiram C. Panghihiram
1. b 1. Scottish
2. b 2. kloning
3. c 3. Sayans
4. c 4. eksaktong
5. b 5. jenetik
D. Sanhi at Bunga D. Sanhi at Bunga
1. c 1. a
2. b 2. d
3. a 3. b
4. c 4. c
5. b 5. a
E. Magkatulad at Magkaibang Pahayag E. Magkatulad at Magkaibang Pahayag
1. MK 1.MI
2. MI 2. MK
3. MI 3. MI
4. MI 4. MI
5. MI 5. MI
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 2
Mga Ponema ng Filipino
2
Modyul 2
Mga Ponema ng Filipino
Tungkol saan ang modyul na ito?
Mahal kong estudyante, maligayang bati ngayong nasa hayskul ka na. Tiyak, marami kang
dati nang alam na ibig mong mapayaman pa ngayong nasa mas mataas na antas ng pag-aaral ka na.
Napag-aralan mo na sa elementarya ang alfabeto at ang mga tunog na kinakatawan ng bawat
letra nito. Alam mo na rin siguro na ang isang salita ay maaaring magbago ng kahulugan kapag
nagkamali ka ng bigkas, halimbawa’y kung naging mabilis ang bigkas mo sa halip na mabagal. O
kapag ang isang letra sa isang salita ay nawala o napalitan ng iba.
Alam mo na rin ba na bawat salita ay binubuo ng mga makahulugang tunog? Makahulugan
dahil maaaring magbago ang kahulugan ng isang salita kapag ang isang tunog ay nawala o kaya
nama’y napalitan ng iba.
Ito ang tatalakayin sa modyul na ito: Ang mga makahulugang tunog o ponema. May
dalawang uri ito: Segmental at suprasegmental. O, huwag kang matakot sa mga salitang ito na parang
mahirap intindihin. Maiintindihan mo ang ibig sabihin ng mga salitang iyan sa modyul na ito.
Tatalakayin din dito ang mga diptonggo at klaster.
Ano ang matututunan mo??
May maiikling tekstong narativ at expositori na babasahin mo sa modyul na ito upang maging
daluyan ng mga kaalamang pambalarila na makatutulong sa iyong malinaw at mabisang
pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga tiyak na kasanayang inaasahang matatamo sa modyul:
1. Nakikilala ang uri at gamit sa pagpapahayag ng mga
• ponemang segmental
• ponemang suprasegmental
3
2. Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salitang may
• diptonggo
• klaster
3. Natutukoy ang tiyak na uri ng teksto
• narativ
• ekspositori
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang
modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga
tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing
mabuti.
1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit.
2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang
upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na
ito.
3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat
ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha
mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo.
4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay
nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang
maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.
5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang
aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa
pagwawasto.
6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga
gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.
4
Ano na ba ang alam mo?
Alam mo na ba kung ano ang ponema? Ang diptonggo? Ang klaster? Alam mo na bang
gamitin ang mga ito sa malinaw na pakikipag-usap? Alam mo ba kung ano ang tekstong narativ? Ang
expositori?
Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ng
nilalaman ng modyul na ito.
Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama at M
kung mali ang ideang ipinapahayag sa pangungusap.
1. Ang ponema ay makahulugang tunog.
2. Ang dating Abakada ay may 20 letra.
3. Dalawampu (20) ang ponema sa wikang Filipino.
4. Ang alfabeto ng wikang Filipino ay may 28 letra kaya may 28 ponema rin
5. Lima (5) ang ponemang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/.
6. Ang impit na tunog ay nakapag-iiba sa kahulugan ng salita pero hindi ito makikita sa
pagbaybay o ispeling ng salita.
7. Ang mga salitang kulay, daloy, aliw at ayaw ay mga halimbawa ng mga salitang may
diptonggo.
8. Ang mga diptonggo sa mga salita sa Blg. 7 ay ay, oy, iw at aw.
9. Ang mga salitang kulayan, kamayin, daluyan at ayawan ay may diptonggo rin.
10. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig.
11. Ang mga salitang drama, braso, gripo at trapo ay mga halimbawa ng mga salitang
may klaster.
12. Ang mga klaster sa mga salita sa Blg. 11 ay dr, br, gr at tr.
13. Pareho lamang ng kahulugan ang dalawang pangungusap sa ibaba:
5
• Hindi, akin ang kendi sa mesa.
• Hindi akin ang kendi sa mesa.
14. Ang tekstong narativ ay nagsasalaysay o nagkukwento.
15. Ang tekstong expositori ay naglalahad o nagpapaliwanag.
B. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na diptonggo para mabuo ang mga salita sa ibaba.
Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.
1. sukl_ _ pang-ayos ng buhok
2. bugh_ _ isa sa mga kulay
3. ar_ _ sumisikat tuwing umaga
4. bal_ _ sira ulo
5. bah_ _ tirahan
6. tul_ _ pasok
7. tul_ _ tawiran sa ibabaw ng ilog
8. suh_ _ suporta
9. sal_ _ tugtog na kasabay ng kanta
10. ag_ _ dumi sa bahay
11. sakl_ _ ginagamit ng pilay
12. pil_ _ may baling buto
13. il_ _ nagbibigay ng liwanag
14. sis_ _ anak ng inahen
15. dil_ _ isa sa mga kulay
C. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na letra para magkaroon ng klaster ang mga salita sa
ibaba. Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.
6
1. p _ asa liwasan
2. k _ edito utang
3. d _ ama dula
4. p _ eso bilanggo
5. t _ apo basahan
6. p _ enda sangla
7. p _ antsa pang-unat ng damit
8. p _ ito luto sa mantika
9. p _ ato pinggan
10. g _ asya biyaya
D. Basahin ang mga pares ng pangungusap sa ibaba. Ituon ang pansin sa mga salitang italisado.
Tingnan kung magkapareho ng bigkas ang mga ito. Kung pareho ng bigkas, isulat sa iyong
sagutang papel ang P; kung hindi, isulat ang HP.
1. Inuubo siya dahil may butas ang baga niya.
May baga pa sa kalan; maiiinit mo roon ang ulam.
2. Ang paso ay taniman ng halaman.
Ang paso ay kailangang lagyan ng gamot para di maimpeksyon.
3. Ang pagdinig ay idinaos sa sala ng hukom.
Siya, siya nga ang may sala.
4. Hindi na magagamit ang mga kinakalawang na pako.
Masustansya ang ensaladsang pako.
5. Pinabili lang siya ng suka sa tindahan.
Linisin mo nga ang suka ng bata sa sopa.
7
E. Magkapareho ba ng kahulugan ang mga pares ng pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong
sagutang papel ang P kung pareho; HP kung hindi.
1. Bukas, luluhod ang mga tala.
Bukas luluhod ang mga tala.
2. Aalis kami, bukas.
Aalis kami bukas.
3. Bukas kami aalis.
Bukas, aalis kami.
4. Hindi, umuulan.
Hindi umuulan.
5. Kahapon?
Kahapon.
F. Alin sa a, b, o c ang angkop para mabuo ang mga pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra lamang ng iyong sagot.
1. Sa tekstong narativ, mahalaga ang tatlong ito:
a. tagpuan, tauhan, banghay
b. dayalog, buod, tagapagsalaysay
c. sukat, tugma, persona
2. Ang ________ ay halimbawa ng tekstong nagsasalaysay o nagkukwento:
a. balagtasan
b. talumpati
c. maikling kwento
3. Ang tekstong expositori ay __________.
a. nangangatwiran
b. naglalarawan
c. nagpapaliwanag
4. Ang pangunahing layunin ng tekstong expositori ay _________.
a. magbigay-impormasyon
b. manghikayat
c. magbigay-kasiyahan
5. Ang pangunahing layunin ng tekstong narativ ay ___________.
a. magbigay-kasiyahan
b. magbigay-impormasyon
c. manghikayat
8
Mahal kong estudyante, kung tapos mo na itong sagutan, kunin sa iyong guro ang Susi sa
Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kung
nasagot mo nang tama ang 49 aytem pataas, hindi mo na kailangang pag-aralan ang modyul na ito.
Maaari ka nang magtuloy sa Modyul 3.
Pero kung wala pang 49 ang nasagutan mo nang tama, kailangan mo ang modyul na ito.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub-Aralin 1:
Mga Ponemang Segmental at Suprasegmental
Layunin:
Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na mga kasanayan:
1. nakikilala ang uri at gamit sa pagpapahayag ng:
• ponemang segmental
• ponemang suprasegmental
2. natutukoy ang tiyak na uri ng teksto
• narativ
Alamin
Natatandaan mo pa ba ang dati mong mga aralin tungkol sa heograpiya ng ating bansa? Ang
Pilipinas ay isang arkipelago, di ba? Ibig sabihin, binubuo ito ng maraming isla. Ilan nga bang isla
ang bumubuo sa Pilipinas? Tama, pitong libo sandaang (7,100) malalaki at maliliit na isla. Maraming
ilog at dagat sa Pilipinas; marami ring bundok at bulkan.
Sa kabundukan ng Cordillera sa katimugan ng islang Luzon, naninirahan ang mga Kalinga.
Kung may mapa ka, tingnan kung nasaan ito.
Ang mga Kalinga, tulad din ng mga Ibaloy at Ifugao ay tinatawag ding mga Igorot. Ito ang
karaniwang tawag sa kanila sa pangkalahatan. Ang i- sa kanilang mga wika ay nangangahulugang
“taga-” o “naninirahan sa.” Ang ibig sabihin naman ng gorot ay “langit.” Kaya, ang salitang “Igorot”
ay nangangahulugang “tagalangit.”
Ngunit ayaw nilang tinatawag na Igorot. Mas gusto nilang tawaging Kalinga, Apayao, Ibaloy
o Ifugao.
9
Naiiba ang kanilang kultura – pananamit, mga paniniwala, paninindigan. Natatangi rin ang
kanilang taniman – ang tinatawag na “hagdan-hagdang palayan,” o payaw sa kanilang wika. Ito’y isa
sa mga kababalaghan ng daigdig. Kaya sa ano mang paraan ay ibig nilang ipagtanggol ang pamanang
ito ng kanilang mga ninuno.
Basahin ang kwento kung paanong nagawang ipagtanggol ng mga kababaihan ang kanilang
lupaing ninuno.
Kabayanihan ng Kababaihan
1 Hindi maaaring magkamali si Daniway. Boses ng kanyang ina ang narinig niya.
Tinatawag siya at ang iba pang mga kababaihan. Ibig sabihin, may dumating na namang mga
sundalo at mga kagamitan. Igigiit pa rin nila ang tangkang pagkamkam sa lupaing ninuno,
naisip ni Daniway.
2 Dekada ’70 noon. Plano ng rehimeng Marcos na magtayo ng apat na dam sa kahabaan
ng Ilog Chico sa bayan ng mga Kalinga. Haharangin ng dam ang daloy ng ilog at palulubugin
nito ang mga payaw, gubat at tahanan pati na ang libingan ng mga ninuno sa maraming
baryo. Ganito ang ginawa noon sa itinayong dam sa katimugang Cordillera. Ang mga
naninirahan doong Ibaloy ay pinaalis sa kanilang mga tahanan at lupaing ninuno.
3 Ayaw ng mga Kalinga na maparis sa mga kapatid na Ibaloy. Nagkawatak-watak ang
mga ito nang ilipat sa mga lugar na walang mapagsasakahan at malayo sa tubig. Ang iba’y
dinala sa isang isla kung saan laganap ang malarya.
4 Lumiham ang mga Kalinga sa noo’y Pangulong Ferdinand Marcos. Ngunit hindi ito
sumagot. Nang dumating ang mga magtatayo ng dam, kasama ang maraming sundalo,
nagbarikada ang mga Kalinga. Nang magtayo ng kampo ang mga sundalo, binaklas ng mga
tao ang mga tolda at nagmartsa papuntang bayan para ibalik sa kampo ng militar ang mga
tolda.
5 Hindi napigilan ni Daniway ang mapaluha nang maalala kung paanong inaresto at
ikinulong ang kanilang mga kalalakihan. Dinukot at pinatay ang kanilang mga lider. Isa na
rito si Macli-ing Dulag.
6 Ngayo’y nasa kamay nilang mga kababaihan ang pagtatanggol sa lupaing ninuno. Hindi
sila pagagapi. Napagkasunduan nilang isa sa kanila ang patuloy na magbabantay sa ilog kahit
sa kalaliman ng gabi. Kung may magtatangkang simulan ang proyekto, ang nakabantay ay
agad sisigaw at lahat ay hihinto sa ano mang gawain nila upang pigilan ang pagtatayo ng
dam.
7 Kaya’t nang marinig ni Daniway ang tinig ng ina, sumigaw din siya bilang babala sa
ibang kababaihan na magpunta na sa ilog. Hugos ang lahat ng babae sa ilog. Naabutan nila
ang mga manggagawa at sundalo na nagpapasok ng mga kagamitan.
10
8 Nahiga ang mga babae sa daan upang harangan ang mga dumating. Ngunit ayaw
papigil ang mga lalaki. Ano ang magagawa ng mahinang kababaihan?
9 Isang matandang babae ang biglang naghubad ng kanyang saplot at umindak. Isa-isa,
sumunod ang lahat ng babaeng naroon. Naghubad din sila ng saplot at sama-sama, sabay-
sabay na umindak sa harap ng natulalang mga lalaki.
10 Malamig ang hangin ng madaling-araw, nanunuot sa kanilang mga hubad na katawan.
Ngunit kailangang ipagtanggol ang lupaing ninuno. Patuloy silang umindak sa saliw ng huni
ng mga bundok. Sa indak ng kanilang mga paa at kumpas ng mga kamay, ipinahayag nila
ang pasasalamat kapag anihan, ang paghingi ng biyaya kapag taniman. Sama-sama, sabay-
sabay sila sa sayaw na ipinamana ng mga ninuno.
11 Napahiya ang mga sundalo at mga manggagawa. Nakayukong lumisan ang mga ito.
12 Nagbunyi ang mga kababaihan. Alam ni Daniway, unang yugto pa lamang ang
naipagwagi nila. Ngunit sa madaling-araw na ito, nakasisiya na ang kanilang munting
tagumpay.
- Aurora E. Batnag
Linangin
Naibigan mo ba ang kwentong binasa mo? May ilan bang salitang ibig mong linawin ang
kahulugan, gaya ng mga sumusunod:
• payaw – taniman ng palay na parang hagdan
• pagkamkam – pag-angkin o pagkuha sa ari-ariang di iyo
• saplot – kasuotan, damit
• nagbunyi – nagdiwang, nagsaya
• binaklas – sinira
• saliw – tugtog na kasama ng awit
• sayaw – pag-indak sa saliw ng musika
Pansinin mo ang tatlong huling salita:
• binaklas
• saliw
• sayaw
11
Subuking alisin ang huling tunog sa binaklas. Ano ang huling tunog na ito, di ba /s/? Ano ang
nabuo? Binakla, di ba? Nagbago ba ng kahulugan ang salita nang alisin mo ang huling tunog na s?
Nagbago nga, tama ka.
Ano ba ang ibig sabihin ng binakla? Ito’y nangangahulugang natakot, o nag-alinlangan.
Ibang-iba na ang kahulugan, isang tunog lamang ang inalis.
Subukin mo ring gawin ang pag-aalis ng isang tunog sa saliw at sayaw.
1. saliw - alisin ang /w/ = sali
2. sayaw – alisin ang /w/ = saya
3. saliw – alisin ang /s/ = aliw
4. sayaw – alisin ang /s/ = ayaw
O, nakabuo ka ng ibang mga salita nang magbawas ka ng mga tunog, di ba? Nang mabawasan
ng tunog, nagbago rin ng kahulugan ang salita.
Bakit kaya? Sapagkat ang mga salita ay binubuo ng mga makahulugang tunog na tinatawag
na ponema.
Bakit makahulugan? Dahil kapag inalis o pinalitan ang isang ponema, nagkakaroon ng
pagbabago sa kahulugan ng salita. Di ba napatunayan mo iyan sa mga halimbawang nabanggit?
May dalawang uri ng ponema:
• segmental
• suprasegmental
Bawat wika ay may sariling mga ponema. Ang wikang Filipino ay may dalawampu’t isang
(21) ponema. Sa dating Abakada na may 20 letra, bawat titik ay kumkatawan sa isang makahulugang
tunog o ponema. Ang pang-21 tunog, na di makikita sa pagbaybay o ispeling ng mga salita, ay ang
impit na tunog. Ito ang tunog sa dulo ng mga salitang tulad ng bata, baba, bansa, banta.
Ang impit na tunog ang nagpapaiba sa kahulugan ng salitang /batah/ na katumbas ng robe sa
Ingles. Kapag ipinalit ang /’/ sa /h/ - /bata’/ ang katumbas na nito sa Ingles ay child.
Ngayong 28 letra na ang bumubuo sa Alfabetong Filipino, 21 pa rin ang mga ponema, hindi
28. Alam mo ba kung bakit? Sapagkat magkaiba ang letra at tunog. Ang letrang f, halimbawa, na
simula ng salitang Filipino, ay nasa alfabeto. Pero may kinakatawan ba itong makahulugang tunog?
May kaibhan ba ang kafe sa kape? Iisang bagay pa rin ang tinutukoy maging ang bigkas ay /kafe/ o
/kape/.
Samakatwid, sa ngayon, hindi pa makahulugang tunog ang /f/ bagamat ang letrang f ay nasa
alfabeto.
12
Malinaw ba?
Pansinin na ang mga ponema ay kinukulong sa dalawang pahilis na guhit: / /.
Ilan, muli, ang mga ponemang segmental sa wikang Filipino? Tama, dalawampu’t isa. Lima
(5) ang ponemang patinig: /a, e, i, o, u/.
Labing-anim (16) naman ang ponemang katinig: p, t, k, b, d, g, m, n, ŋ, h, l, r, s, w, y at (?)o
impit na tunog sa dulo ng salita.
Bakit ponemang segmental ang tawag sa mga makahulugang tunog na bumubuo sa mga
salita?
Ito’y dahil bawat tunog ay isang segment o bahagi ng salita. Para makabuo ng isang salita,
pinagdudugtung-dugtong ang mga tunog.
Basahin ang sumusunod na salita: laban.
Ilan ang mga letra ng salita? Tama, lima.
Ilang tunog ang kumakatawan sa limang letrang iyan? Kung lima ang sagot mo, tama ka.
Mga tunog na /l, a, b, a, n/.
Sige, kumpeltohin mo nga ang tsart sa ibaba:
Salita Bilang ng Letra Bilang ng Tunog
1. kwintas
2. baba (chin sa Ingles)
3. pintas
4. salapi
5. gamut
Ganito ba ang sagot mo?
Salita Bilang ng Letra Bilang ng Tunog
1. kwintas 7 7
2. baba (chin sa Ingles) 4 5
3. pintas 6 6
4. salapi 6 7
5. gamut 5 5
Lima ang tunog ng salitang baba dahil may impit na tunog ito sa huli. Gayundin, may impit
na tunog sa huli ang salitang salapi.
13
Ngayong maliwanag na sa iyo ang ponemang segmental, dumako naman tayo sa ponemang
suprasegmental.
Apat ang ponemang suprasegmental sa Filipino:
• tono – taas-baba ng bigkas sa pantig ng isang salita
• haba – haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig
• diin – lakas ng bigkas ng pantig
• antala – saglit na pagtigil sa pagsasalita
Mga halimbawa:
Tono. Bigkasin mo sa sarili ang mga pangungusap sa ibaba:
1. Kahapon?
2. Kahapon.
Paano mo binigkas ang Pangungusap Blg. 1? Tama kung may pataas na tono sa hulihan.
May tandang pananong kasi ito.
Paano naman ang Pangungusap Blg. 2. Di ba, pababa naman ang tono sa dulo?
Ano ang ipinapahayag sa Blg. 1? Nagtatanong, di ba? Maaari ring pagdududa sa narinig.
Ano naman ang mensahe ng Blg. 2? Hindi ito nagtatanong. Hindi rin nagdududa. Ito’y
kompirmasyon. O kaya’y pagsang-ayon. Maaaring sagot sa tanong sa Blg. 1.
Magkaiba ng kahulugan ang 1 at 2, kung gayon. Bakit naging magkaiba ng kahulugan? Di ba
dahil sa magkaibang tono ng pagbigkas? Samakatwid, makahulugan ang tono sapagkat nagpapabago
sa kahulugan ng pahayag.
Haba at diin. Ano ang nasabi na tungkol sa haba? Ito ay haba ng pagbigkas sa patinig ng
pantig. Ang diin naman? Tama, ito ang lakas ng bigkas sa pantig ng isang salita.
Ang tono, haba at diin ay karaniwang nagkakasama-sama sa pagbigkas ng isang pantig ng
salita. Balikan ang salitang kahapon.
Tatlong pantig mayroon ito:
1. ka
2. ha
3. pon
Alin, sa tatlong pantig na ito, ang binibigkas nang mas mataas ang tono at mas malakas?
14
Tama, ang pantig na ha.
Alin namang patinig ang mas pinahahaba? Di ba ang ha din?
Subukin mong bigkasin sa sarili ang salitang kahapon na ang tono, haba at diin ay nasa
pantig na ka. Mali na ang bigkas mo, di ba? Kapag nagkagayon, baka hindi ka na maintindihan ng
kausap mo.
Heto pa ang ibang halimbawa ng haba at diin. Pag-aralan ang mga pares ng salita. Bigkasin
ayon sa diin o haba.
(Ang tuldok (.) pagkatapos ng patinig ay nangangahulugan ng pagpapahaba ng patinig na
sinusundan nito.)
1. /bu.hay/ (life) at /buháy/ (alive)
2. /sa.ya/ (skirt) at /sayá/ (joy)
3. /sa.kit/ (suffering) at /sakít/ (illness)
4. /ba.ka/ (cow) at /baká/ (maybe)
5. /magsa.sa.ka/ (will farm) at /magsasaká/ (farmer)
6. /kasa.ma/ (companion) at /kasamá/ (tenant)
Malinaw na ba? Kung hindi pa, balik-balikan mo ang aralin. Huwag kang mag-alala. May
mga pagsasanay na kasunod para mailapat mo ang iyong matututuhan.
Antala. May nasabi na tungkol dito. Tama, ito ang sandaling pagtigil sa pagsasalita.
Nakapagpapabago ng kahulugan ang antala. Ang totoo, magkakalituhan kayo ng kausap mo kapag
hindi mo nagamit nang wasto ang antala sa iyong pagsasalita.
Heto ang isang anekdota. Tinanong ng hukom ang nasasakdal:
Hukom: Ikaw ba ang pumatay?
Nasasakdal: Hindi, ako!
Kung ikaw ang hukom sa anekdotang ito, hindi ka rin kaya malito? Baka hatulan mo tuloy ng
bitay ang nasasakdal. Kasi, tumanggi ang nasasakdal nang sabihin niyang “Hindi.” Pero umamin
naman nang sabihing “ako!”
Ano ang tamang bigkas? Para malinaw ang pagtanggi, dapat ay tuluy-tuloy ang pagsasalita ng
nasasakdal: “Hindi ako!” Tama ang obserbasyon mo: dapat ay walang antala.
15
Samakatwid, ang pagkakaroon ng antala sa pangungusap ay maaaring magdagdag ng
kahulugang hindi intensyon ng nagsasalita.
Heto pa ang isang pares ng pahayag. Suriin mo:
a. Namasyal sina Juan, Carlo, Pat at Percy.
b. Namasyal sina Juan Carlo, Pat at Percy.
Ilang tao ang namasyal sa a? Tama, apat. E, sa b? Tatlo lang dahil isang tao lang si Juan
Carlo ‘di ba?
O, malinaw na ba ang kahalagahan ng antala sa mabisang pakikipagkomunikasyon?
Magagamit mo na ba nang mabisa ang mga ponemang segmental at suprasegmental?
Ngayon, balikan mo ang kawili-wiling kwento kung paanong ipinagtanggol ng mga
kababaihan ang kanilang lupaing ninuno. Ito ay halimbawa ng tekstong narativ. Ano ba ang narativ?
Ang narativ ay ang uri ng teksto na nagsasalaysay o nag-uulat ng mga pangyayari. Ang
pangunahing layunin nito ay magbigay-kasiyahan sa mga mambabasa. Paano? Di ba, bilang
mambabasa, kawili-wili para sa iyo na malaman ang mga pangyayaring kinasangkutan ng ibang tao?
Ang kanilang mga pakikipagsapalaran, ang pagharap nila sa buhay, ang pang-araw-araw na mga
dramang nagaganap sa buhay.
Pero di ba, ang kawili-wiling kwento ay iyong parang buhay na buhay ang pagkukwento?
Hindi iyong parang balita lamang ang binabasa mo. Mas maganda iyong parang nagaganap sa harap
mo ang mga pangyayari. Sang-ayon ka ba?
Kaya may teknik para sa mabisang narativ. Tatlong elemento ang kailangan para maging
buhay at kawili-wili ang tekstong narativ. Ano ang tatlong ito?
• Tagpuan. Ang tinutukoy rito’y ang lugar at panahon nang maganap ang pangyayari.
• Tauhan. Ito ang mga gumaganap sa kwento.
• Banghay. Ito ang balangkas ng mga pangyayari.
Ang mga maikling kwento, pabula, kwentong bayan – ay ang mga halimbawa ng tekstong
narativ.
Ang tagpuan, tauhan at banghay ng “Kabayanihan ng Kababaihan.” Tingnan mo nga kung
kaya mong talakayin ang tatlong elemento ng kwentong kababasa mo pa lamang.
Ano ang tagpuan sa kwento? Ang ibig sabihin nito ay kung saan at kailan naganap ang mga
pangyayari. Di ba sa bayan ng mga Kalinga, sa Cordillera? Kailan? Kung noong Dekada ’70 ang
sagot mo, tama ka.
16
Matutukoy mo ba ang talataang nagsasaad ng tagpuan ng kwento? Tama, ang talatataan 2.
May tiyak na oras bang binanggit? Madaling-araw, di ba? Hanapin mo nga ang talataang nagsasaad
nito. Tama, sa talataan 10 ay isinasaad ang ganito: “Malamig ang hangin ng madaling-araw…” Inulit
pa ito sa huling pangungusap: “Ngunit sa madaling-araw na ito, nakasisiya na ang kanilang munting
tagumpay.”
Ang tauhan naman? Sino ang pangunahing tauhan? May pangalan siya, di ba? Si Daniway.
Isang babae. Anong bahagi ang nagsasabing babae siya? Tiniyak ito sa talataan 6: “Ngayo’y nasa
kamay nilang mga kababaihan ang pagtatanggol sa lupaing ninuno.”
Tingnan mo naman ang banghay o ang takbo ng mga pangyayari. Simple lamang , di ba? Ang
buong kwento ay nagsimula at natapos isang madaling-araw. Isa-isahin natin ang mga pangyayari.
1. Naghubad ang mga babae at nagsayaw sa harap nila
2. Nahiga sila sa lupa.
3. Nagbunyi ang mga kababaihan
4. Humugos ang mga kababaihan sa ilog.
5. Napilitang umalis ang mga lalaki
6. Naabutan nila ang mga sundalo at manggagawa na nagpapasok ng mga kagamitan.
7. Ayaw papigil ng mga lalaki.
8. Narinig ni Daniway ang tawag ng kanyang ina.
Ganito ba ang sagot mo?
1. Narinig ni Daniway ang tawag ng kanyang ina.
2. Humugos ang mga kababaihan sa ilog.
3. Naabutan nila ang mga sundalo at manggagawa na nagpapasok ng mga kagamitan.
4. Nahiga sila sa lupa.
5. Ayaw papigil ng mga lalaki.
6. Naghubad ang mga babae at nagsayaw sa harap nila
7. Napilitang umalis ang mga lalaki
8. Nagbunyi ang mga kababaihan
Gusto mo bang malaman kung natuloy ang proyektong pagtatayo ng dam? Ibang kwento na
iyan. Kung ibig mo’y saliksikin mo sa mga pahina ng kasaysayan.
Ano ba ang kahalagahan ng dam? Sa wikang Kastila, ito ay prinsa. Prinsa rin ang tawag dito
sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pinipigil ng dam ang daloy ng tubig para manatili na lamang ito sa
isang lugar. Sa kwentong binasa mo, ang dam ay magpapalubog sa mga payaw at lupaing ninuno.
Para sa mga Kalinga at mga kapatid nilang etnikong grupo sa Cordillera, mahalaga ang
lupaing ninuno at ang pagpapanatili ng mga paniniwala at kaugalian. Kung minsan, ang pag-unlad ay
dapat ding magsaalang-alang sa mga kinagisnang kaugalian at paniniwala.
Sang-ayon ka ba?
17
Gamitin
Ngayon, ilapat mo nga ang mga natutuhan mo.
Ano ang ibig sabihin ng ponema? Kung ang sagot mo ay “makahulugang tunog,” tama ka.
Bakit makahulugan? Kasi, magbabago ng kahulugan ang isang salita kung ang isang tunog
dito ay mawawala o mapapalitan.
Nasa ibaba ang ilang piling salita at ang katumbas sa Ingles. Subukin mong palitan ang isang
tunog sa mga ito:
1. bata ‘child’
2. aso ‘dog’
3. lipad ‘fly’
4. ubas ‘grape’
Ano ang mga posibleng sagot?
1. bata – bato, baso, bota, baba, bara, atb.
2. aso – asa, laso, baso, paso, kaso, atb,
3. lipad – lipat, lipas
4. ubas – ubos, lubos (Ang pinalitan ng tunog na /l/ ay ang impit na tunog na /’/ sa unahan
ng salitang ubas.
Mayroon ding mga salitang nagkakaiba ng kahulugan dahil sa impit na tunog. May maitatala
ka bang mga halimbawa? Nasa ibaba ang ilan:
1. tu.bo ‘tube’ tu.bò ‘profit’
2. ba.ga ‘ember’ ba.gà ‘lung’
3. ba.ta ‘bathrobe’ ba.tà ‘child’
4. pa.to ‘goose’ pa.tò ‘stone used in a game’
May mga salitang kapwa may impit na tunog sa dulo pero ang isa ay mabagal ang bigkas
samantalang ang isa naman ay mabilis. Samakatwid, may pagpapahaba sa patinig na a sa unang
pantig ang mga salita sa kaliwang kolum. Walang pagpapahaba ang patinig sa unang pantig sa kolum
sa kanan.
1. pa.sò ‘burn’ pasô ‘flower pot’
2. ba.gà ‘lung’ bagâ ‘tumor’
Subukin mo pa nga ang nalalaman mo. Alin ang tama sa dalawang salitang nakakulong sa
panaklong. Isulat mo ang angkop na salita sa sagutang papel.
18
1. Matinding (sa.kit, sakít) ang nadama niya nang lumisan ang boypren niya.
2. (Sa.kit, sakít) sa puso ang ikinamatay ng pasyente.
3. Ang tuberkulosis ay sakit sa (ba.gà, ba.ga).
4. Mahirap na talaga ang (bu.hay, buháy) ngayon; pati basura ay kinakain na mabuhay
lamang.
Ano ang mga sagot mo? Kung ganito, tama ka:
1. sa.kit
2. sakít
3. ba.gà
4. bu.hay
Maipapaliwanag mo ba ang pagkakaiba sa kahulugan ng mga pangungusap sa ibaba?
1. Bukas, lilipad ang mga astronaut.
2. Bukas lilipad ang mga astronaut.
Ano ang sagot mo? Tama ka kung ang sagot mo ay ganito:
Pangungusap Blg. 1: Sinasabi rito ang araw kung kailan lilipad ang mga astronaut.
Pangungusap Blg. 2: Sa pangungusap na ito, sinasabi rin ang araw kung kailan lilipad ang
mga astronaut pero may dagdag na impormasyon na “bukas ang lipad,
hindi sa ibang araw.”
Ibigay mo naman ngayon ang pagkakaiba sa kahulugan ng tatlong pangungusap sa ibaba.
1. Hindi ako siya.
2. Hindi, ako siya.
3. Hindi ako, siya.
Ganito ba ang nabuo mong sagot?
1. Ako ay iba. Iba rin siya. Ako ay hindi siya.
2. Hindi (pagtanggi). Ako ay siya rin.
3. Siya, at hindi ako… (ang tinutukoy, o ang binabanggit).
Lagumin
Malinaw na ba sa iyo ang mga natalakay sa sub-araling ito? Upang maging mas malinaw,
narito ang mga pangunahing puntos na inilahad sa anyong Tanong at Sagot.
1. Ano ang ponema? Ito ay makahulugang tunog.
2. Bakit makahulugan? Sapagkat nagbabago ang kahulugan ng isang salita kapag ito ay nawala
sa salita o napalitan ng iba.
19
3. Ilan ang ponemang segmental sa wikang Filipino? Bawat wika ay may sariling mga
ponema. Ang Filipino ay may 21 ponema: 5 ponemang patinig at 16 ponemang katinig.
4. Anu-ano ang mga ponemang suprasegmental sa Filipino: Tono, haba, diin at antala.
5. Bakit itinuturing na mga ponema ang mga ito? Dahil nagkakaroon ng pagbabago ng
kahulugan kapag nawala ang mga ito sa pahayag.
6. Ano ang tekstong narativ? Ito ay tekstong nagsasalaysay o nag-uulat ng pangyayari.
7. Ano ang mga elemento ng narativ? Tagpuan, tauhan at banghay.
8. Ano ang tagpuan sa “Kabayanihan ng Kababaihan”? Sa Kalinga, Dekada ’70.
9. Sino ang mga tauhan? Si Daniway at ang iba pang mga kababaihang Kalinga.
10. Isalaysay ang banghay ng nasabing kwento. Pumunta ang mga kababaihan sa ilog upang
hadlangan ang pagpapasok ng mga kagamitan sa itatayong dam. Napilitang umalis ang mga
sundalo at manggagawa nang maghubad ang mga kababaihan at magsayaw sa harap nila.
Malinaw na ba ang mga pangunahing puntos ng sub-araling ito? Kung gayon, handa ka na ba sa
isang pagsubok?
Subukin
1. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga ponemang segmental na nakapagpapabago sa kahulugan
ng sumusunod na mga pares ng salita:
a. bansa at banta
b. basa at pasa
c. bala at pala
d. bara at para
e. lasa at tasa
f. laso at lasa
g. mesa at misa
h. oso at uso
2. Isulat sa iyong sagutang papel ang Pataas kung may pataas na tono ang pangungusap sa ibaba.
Isulat naman ang Pababa kung pababa ang tono.
a. Bukas?
b. Bukas.
c. Kaya?
d. Kaya.
3. Isulat sa iyong sagutang papel ang pagkakaiba sa kahulugan ng sumusunod na mga pares ng
pangungusap.
a. Hindi, siya.
Hindi siya.
b. Ako ba?
Ako, ba.
c. Kung hindi, ako siya.
Kung hindi ako, siya.
20
d. Sugod?
Sugod!
e. Aalis siya?
Aalis siya.
4. Sagutin ang mga tanong:
a. Kailan at saan naganap ang pangyayaring isinalaysay sa “Kabayanihan ng
Kababaihan”?
b. Sino ang mga tauhan?
c. Nagtagumpay ba ang mga kababaihan na mapigil ang pagtatayo ng dam sa
kanilang ilog?
d. Bakit nila tinutulan ang pagkakaroon ng dam sa Ilog Chico?
Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Dalawampu’t isang (21) aytem ang tanong.
Ihambing mo ang iyong sagot sa sumusunod:
1. a. s at t e. l at t
b. b at p f. o at a
c. b at p g. e at i
d. b at p h. o at u
2. a. Pataas
b. Pababa
c. Pataas
d. Pababa
3. a. Pagtanggi (hindi), pagtukoy (siya).
Pagtanggi na siya ang sangkot.
b. Nagtatanong
Pag-amin. Ang ba ay ekspresyon ng pag-amin, hindi pagtatanong.
c. Kung hindi (magaganap ang kondisyon o pangyayaring di na binanggit), ako ay siya rin.
Kung hindi ako (ang tinutukoy), siya (ang tinutukoy)
d. Nagtatanong.
Nag-uutos.
e. Nagtatanong.
Tumitiyak.
4. a. Sa bayan ng mga Kalinga sa Cordillera, noong Dekada’70
b. Si Daniway at ang mga kababaihang Kalinga
c. Oo.
d. Palulubugin ang kanilang mga baryo, pati mga gubat at payaw.
Magkakawatak-watak ang mga Kalinga.
21
Kung nasagot mo ang 18 tanong pataas, hindi mo na kailangang sagutan ang susunod na
bahagi, ang Paunlarin.
Paunlarin
Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.
1. Anong mga ponemang segmental ang nakapagpapabago sa kahulugan ng sumusunod na mga
pares ng salita?
a. para at pata
b. paso at pasa
c. baso at basa
d. uso at oso
e. pila at pita
2. Punan ang patlang sa bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa mga salita sa ibaba.
a. Ang tagpuan sa “Kabayanihan ng Kababaihan” ay isang ___________ noong Dekada ’70.
b. Ang pangulo ng Pilipinas noon ay si ______________.
c. Ang etnikong grupong tumutol sa pagtatayo ng dam sa Ilog Chico ay _________.
d. Napaalis ng mga kababaihan ang mga sundalo at manggagawa nang sabay-sabay silang
magsayaw nang _________ sa harap ng natulalang mga lalaki.
e. Ang ponema ay _________ tunog.
Daniway Marcos hubad makahulugang
madaling-araw Kalinga
Tama kaya ang mga sagot mo? Ihambing mo sa mga sumusunod.
Tanong Blg. 1:
a. r at t
b. o at a
c. o at a
d. u at o
e. l at t
Tanong Blg. 2
a. madaling-araw
22
b. Marcos
c. Kalinga
d. Hubad
e. makahulugang
Sub-Aralin 2:
Ang mga Diptonggo
Layunin:
Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga
salitang may diptonggo
Alamin
May mga nagsasabing hindi maisasabatas ang wika. Batay ito sa paniniwalang dila ng tao ang
nagdidikta ng gamit ng wika kaya hindi kailangan ang batas kaugnay ng wika. Ngunit sa Pilipinas,
may patunay na oo, maaaring magpasa ng batas na magtataguyod sa wika, partikular sa pambansang
wika.
Basahin ang probisyong pangwika ng Konstitusyong 1987:
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
Artikulo XIV
Wika
Sek 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay
dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
23
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Sek. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
Linangin
Napansin mo ba ang mga salitang italisado sa itaas? Halimbawa ito ng mga salitang may
diptonggo.
Basahin mong muli, may, batay, kaugnay, patunay, mag-uugnay.
Ano ba ang diptonggo? Ang diptonggo ay binubuo ng dalawang tunog na pinagsama: alin
mang patinig na sinusundan ng alin sa dalawa: w o y. Ano nga ba ang patinig? Lima ang patinig sa
Filipino, di ba? Anu-ano ang mga ito? /a, e, i, o, u/.
Alin man sa limang ito, kapag sinundan ng alin sa w o y ay nakabubuo ng diptonggo.
Samakatwid, ilan ang diptonggo sa Filipino?
Tama ka kung pito (7) ang sagot mo. Anu-ano ang mga ito?
Diptonggo Halimbawa
• aw sitaw
• iw aliw
• iy kami’y (pinaikling kami at ay)
• ey reyna
• ay kaugnay
• oy kahoy
• uy aruy
24
Matutukoy mo na ba ang mga salitang may diptonggo? Basahin ang maikling talataan sa
ibaba:
“Mga Kulay at Simoy ng Hunyo”
Aurora E. Batnag
Sa akin, iba ang kulay ng Hunyo. Natatangi sa lahat ng buwan ang simoy ng Hunyo.
Kapag Hunyo, parang nakakiling ang araw. Parang laging uulan pero hindi naman
tumutuloy. At dahil Hunyo ang pasukan sa mga eskwela, pinananabikan kong muling makita ang
iba’t ibang kulay sa paaralan – ang mga pulang gumamela sa tulay sa gulayan, ang mga dilaw na
santan sa malapit sa tagdan, ang puti at rosas na bouganvillea pagdungaw sa bintana ng aming
mga silid-aralan.
Itala sa iyong sagutang papel ang lahat ng salitang may diptonggo. Salungguhitan ang
diptonggo. Ilan ang naitala mo? Tingnan mo nga kung naitala mong lahat ang mga salitang ito:
• kulay (2x)
• simoy
• araw
• tumutuloy
• tulay
• dilaw
• pagdungaw
Malinaw na ba sa iyo ang diptonggo?
Gamitin
Napansin mo ba na laging nasa hulihan ng salita ang diptonggo? Ano kaya ang mangyayari
kapag dinugtungan ang salitang may diptonggo? Kapag dinugtungan ito ng hulapi?
Subukin mo ngang lagyan ng hulapi ang mga salitang may diptonggo. Isulat sa iyong
sagutang papel ang salitang mabubuo kapag nilagyan ng hulapi ang mga salitang may diptonggo na
nasa itaas. Anong mga salita ang nabuo mo? Ganito rin ba:
• kulayan
25
• arawan
• tuluyan
• tulayin
• dilawan
• dungawin
May diptonggo pa rin ba sa mga salitang iyan? Kung wala ang sagot mo, tama ka.
Kung oo ang isinagot mo, kailangan sigurong balikan mo pa ang naunang talakay tungkol sa
diptonggo.
Ano nga ba ang diptonggo? Di ba ito ay binubuo ng dalawang tunog na pinagsama: alin mang
patinig (a, e, i, o, u) at alin man sa w o y.
Para maging mas malinaw, subukin mo ngang pantigin (o hatiin sa mga pantig) ang mga salita
sa itaas. Isulat mo sa iyong sagutang papel ang pagpapantig ng mga salita sa itaas. Gamitin mo ang
tuldok (.) para paghiwalayin ang mga pantig.
Ganito ba ang naging sagot mo?
1. kulayan – ku.la.yan
2. arawan – a.ra.wan
3. tuluyan – tu.lu.yan
4. tulayin – tu.la.yin
5. dilawan – di.la.wan
6. dungawin – du.nga.win
May nakita ka bang diptonggo?
Wala, di ba? Ano ang nangyari sa diptonggo na nasa mga salitang pinaghanguan ng Blg. 1-6
sa itaas? Dahil sa pagpapantig ng salita, ang w o y ay naisama na sa kasunod na pantig.
Anu-ano ang mga pantig ng salitang kulayan, halimbawa? Di ba ganito:
• ku
• la
• yan
Hindi na w o y ang huling tunog salita. Samakatwid, walang diptonggo kapag nilagyan ng
hulapi ang salitang may diptonggo. Bakit naging ganito?
Dahil ang hulihang w o y ay nagiging kasama na ng kasunod na pantig, ang hulapi. Kitang-
kita iyan nang pantigin ang mga salita, di ba? Hindi na magkasama sa pangalawang pantig ang
nauunang patinig at ang w o y .
Mas malinaw na siguro ngayon, ano? Narito pa ang dagdag na mga tanong para mas maging
sanay ka sa diptonggo. O, sanay ka na ha? Di ba may diptonggo ang salitang iyan? Tama, ay ang
diptonggo.
26
Punan ang mga patlang sa mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang
papel Sa ibaba ng iyong sagot, isulat ang mga salitang may diptonggo mula sa mga tanong pati sa
iyong mga sagot. Salungguhitan ang diptonggo.
1. May patunay na pwedeng magpasa ng batas kaugnay ng pambansang wika. Mababanggit
ang Konstitusyong 1987 na may probisyon para sa pagpapaunlad ng pambansang wika.
2. Ayon sa Konstitusyong 1987, ang wikang Filipino ay magiging midyum ng opisyal na
________ at wika ng ________ sa sistemang pang-edukasyon.
3. Ayon sa Sek. _ ng Konstitusyong 1987, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
4. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga
wika ng ______ at sa iba pang mga ____.
5. Ayon naman sa Sek. 7, “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at _________.
6. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at ______.
7. Isinasaad sa Sek. 9 na dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga ____.
Tama ba ang iyong mga sagot? Tingnan mo nga kung ganito rin ang naging mga sagot mo:
Sagot sa tanong Salitang may diptonggo
1. walang tanong may (2x), kaugnay
2. komunikasyon, pagtuturo wala
3. 6 ay
4. Pilipinas, wika ay
5. Ingles ay
6. Ingles ay
7. wika mag-uugnay
Lagumin
27
Malinaw na marahil sa iyo kung ano ang diptonggo. Upang maging mas malinaw pa, narito
ang mga pangunahing puntos ng sub-araling ito:
1. Ang diptonggo ay dalawang tunog na pinagsama – alin man sa mga patinig /a, e, i,
o, u/ at alin man sa w o y.
2. Pito (7) ang diptonggo sa wikang Filipino. Ito ay iw, iy, ey, aw, ay, uy, oy.
3. Kapag hinulapian ang salitang may diptonggo, nawawala ang diptonggo dahil ang w
o y ay nagiging kasama na ng kasunod na pantig.
Ngayon, handa ka na ba sa pagsubok?
Subukin
4. Punan ang patlang sa bawat pangungusap. Isulat ng mga sagot sa iyong sagutang
papel.
a. Ang ________ ay dalawang tunog na pinagsama – alin man sa mga patinig
/a, e, i, o, u/ at alin man sa w o y.
b. May diptonggo ang mga salitang may alin man sa mga sumusunod na
tunog sa hulihan: (i) __ (ii) __ (iii) __ (iv) __ (v) __ (vi) __ at (vii) __.
5. Piliin sa mga salita sa ibaba ang mga salitang may diptonggo. Isulat ang mga sagot
sa iyong sagutang papel.
tunay saysay kulay simoy tuloy
suklay duklay saway halimaw baliw
reyna mayroon magiliw bistay bilog
suhayan pantigin maysakit aliw-iw biya
kawayan pantayan aliwan buhayin
6. May diptonggo ang mga salita sa ibaba ng mga pangungusap. Alam mo bang
gamitin ang mga ito? Piliin kung alin sa mga ito ang angkop na salitang magagamit
sa mga patlang.
a. May _______ kung ito ay may kabuluhan
b. Ang _______ ay ginagamit na pang-ayos ng buhok.
c. Ang _________ ay dapat bigyan ng gamot.
28
d. Kapag ______ ka sa isang tao, ibig sabihin ay may pagmamahal sa iyong
kilos.
e. Ang _______ ay bilog at may maliliit na butas.
f. Ang ______ ay ginang ng hari.
suklay suklay bistay magiliw
reyna saysay maysakit
Narito ang Susi sa Pagwawasto. Tsekan mo nang matapat ang iyong mga sagot.
1. a. diptonggo
b. (i) ay, (ii) ey, (iii) iy, (iv) oy, (v) uy, (vi) aw, (vii) iw
2. tunay, saysay, kulay, simoy, tuloy, suklay, duklay, saway, halimaw, baliw,
reyna, mayroon, magiliw, bistay, bilog, maysakit, aliw-iw
3. a. saysay
b. suklay
c. maysakit
d. magiliw
e. bistay
f. reyna
Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Naitala mo bang lahat ang mga salitang may
diptonggo? Kung nasagot mo nang tama ang lahat ng tanong, hindi mo na kailangang sagutan pa ang
mga tanong sa Paunlarin. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na sub-aralin.
Paunlarin
May diptonggo ang mga salita sa ibaba ng mga pangungusap. Alam mo bang gamitin ang
mga ito? Piliin kung alin sa mga ito ang angkop na salitang magagamit sa mga patlang.
5. Alam mo na ba ang bagong patnubay sa _________ o ispeling sa wikang Filipino?
6. Kung hindi pa, dapat mo itong matutuhan upang ikaw ay maging ________ sa pagsulat sa
wikang pambansa.
7. Ayon sa Konstitusyon, ang Filipino ay dapat payabungin _____ sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas.
29
8. Ang ______ ay nangangahulugang suporta.
9. Ang mga batas ay naglalayong mabigyan ang bawat isa ng _______ na mga karapatan.
pantay mahusay batay suhay pagbaybay
Nakasagot ka kaya ng tama? Tama ang mga sagot mo kung ganito:
1. pagbaybay
2. mahusay
3. batay
4. suhay
5. pantay
Sub-Aralin 3
Ang mga Klaster
Layunin:
Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na mga kasanayan:
1. Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salitang may klaster
2. Nakikilala ang tiyak na uri ng tekstong ekspositori
Alamin
Alam mo ba ang iyong mga karapatan? Alam mo bang kapag ikaw ay dinakip, sa ano mang
akusasyon, may sala ka man o wala, may karapatan kang manahimik. Hindi mo kailangang magsalita
hangga’t hindi ka napapayuhan ng isang abogado. Bakit kaya ipinagkakaloob ng ating Konstitusyon
ang ganitong karapatan? Mahulaan mo kaya?
30
Ito ay dahil sa harap ng batas, ano mang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo. Kaya
para maprotektahan ang isang tao, akusado man o saksi, binibigyan siya ng karapatang hindi
magsalita. Ito ang kanyang karapatan laban sa sariling inkriminasyon. Basahin ang tekstong
expositori sa ibaba upang malaman mo kung ano ang karapatang ito.
Karapatang hindi magsalita, ikinatwiran ng heneral
Di kukulangin sa 20 beses, ikinatwiran ni Major General Carlos Garcia
ang karapatang hindi magsalita.
Sa kanyang unang pagharap sa pagdinig sa Kongreso kahapon,
ang taong di umano’y nagkamal ng milyung-milyong di maipaliwanag na
yaman, ay umiwas sa mga tanong tungkol sa kanyang mga ari-arian.
Sa mga tanong sa kanya, iisa ang tugon ng heneral: “Ang ikinakatwiran
ko po’y ang aking karapatan laban sa sariling inkriminasyon.”
Malayang salin ng isang balita sa
Philippine Daily Inquirer
Oktubre 19, 2004
Kilala mo ba si Gen. Garcia? Kung hindi, siya iyong naakusahan ng korupsyon sa military at
ng di-maipaliwanag na yaman. Nang siya’y litisin, ano ang itinutugon niya sa mga tanong ng taga-
usig. Tama, laging karapatan laban sa sariling inkriminasyon ang kanyang tugon. Right against self-
incrimination. Ito ang termino sa Ingles. Ano ba itong karapatang ito na laging binabanggit ni Gen.
Garcia.
Ang karapatang ito ay itinatadhana sa Seksyon 17, Artikulo III (Bill of Rights) ng
Konstitusyong 1987. Isinasaad dito na walang sino mang tao na mapipilit sumaksi laban sa kanyang
sarili.
May dalawang pangunahing layunin ang karapatang ito, ayon sa isang dating Chief Justice ng
Korte Suprema:
a. makataong kadahilanan – upang ang sino mang saksi o akusado ay hindi
mapwersa ng sino man – sa ano mang paraan, maging ito ay sa paraang
pisikal, moral at/o sikolohikal – na makapagbitiw ng mga salitang maaaring
mauwi sa sariling kapahamakan
b. proteksyon para sa saksi o akusado upang di siya mapilitang magsinungaling o
makagawa ng perjury – o ang pagsasabi ng di totoo sa harap ng hukuman.
31
Kung minsan, ang isang tao ay napipilitang magsinungaling upang protektahan
ang sarili. Ito’y dahil ang unang batas ng kalikasan ay pangangalaga sa sarili
Ang karapatan laban sa sariling inkriminasyon ay magagamit hindi lamang sa mga pag-uusig
na kriminal kundi maging sa lahat ng ibang paglilitis ng gobyerno, kabilang na ang mga aksyong sibil
at mga imbestigasyong administratibo at lehislatibo.
Maaari itong gamitin hindi lamang ng taong akusado sa isang paglabag, kundi maging ng sino
mang saksi na pinupukol ng tanong na maaaring magpahamak sa kanya.
Ang karapatang ito ay maaari ring maipananggalang sa mga imbestigasyong makatutulong sa
lehislasyon na isinasagawa ng dalawang kapulungan ng Kongreso sapagkat ang kapangyarihang ito
ng Kongreso ay hindi absoluto o walang hangganan, at nasasagkaan pa rin ng Konstitusyon.
Samakatwid, ang mga karapatan ng isang tao sa ilalim ng Bill of Rights ay kailangang
igalang, kabilang na ang karapatang hindi mapwersang sumaksi laban sa kanyang sarili.
Halaw mula sa PDI Research
Philippine Daily Inquirer
Oktubre 19, 2004
Linangin
Ang tekstong kababasa mo pa lamang ay halimbawa ng tekstong expositori.
Ano ba ang tekstong expositori? Ang teminong expositori ay maaari ring tawaging
paglalahad o pagpapaliwanag.
Kung gayon, ano ang pangunahing layunin ng tekstong ito?
Tama ka. Paglalahad o pagpapaliwanag. Paglilinaw sa isang isyu. Sinasagot nito ang mga
tanong kaugnay ng mga dapat malaman tungkol sa isang bagay o pangyayari.
Ano ang nalinawan mo sa tekstong kababasa mo pa lamang? Di ba ang mga sumususunod:
• Bawat mamamayan ay pinoprotektahan ng mga batas sa pamamagitan ng mga karapatan
• Isa rito ang karapatan laban sa sariling inkriminasyon o pagpapahamak sa sarili
• Ito ang karapatang hindi magsalita kung ang pagsasalita ay maaaring mauwi sa sariling
kapahamakan
• Ito rin ay karapatang hindi sumaksi laban sa sarili
Malinaw na ba sa iyo ang karapatang ito?
32
Ang klaster. Napansin mo ba ang mga salitang ito na hinango sa teksto sa itaas?
maprotektahan/protektahan inkriminasyon
mapwersa proteksyon
kriminal Konstitusyon
administratibo aksyon
Bigyang pansin ang mga letrang italisado sa mga salita sa itaas. Mayroon silang
pagkakapareho, di ba? Anong katangian itong magkakapareho sa dalawang letrang italisado? Tama,
parehong katinig. Dalawang magkasunod na katinig.
Kung papantigin ang mga salitang ito, ganito ang lalabas:
• maprotektahan – ma.pro.tek.ta.han
• mapwersa – ma.pwer.sa
• kriminal – kri.mi.nal
• administratibo – ad.mi.nis.tra.ti.bo
• inkriminasyon – in.kri.mi.na.syon
• proteksyon – pro.tek.syon
• Konstitusyon – kons.ti.tu.syon
• aksyon – ak.syon
Ngayong nahati sa mga pantig ang mga salita, mas malinaw mo nang makikita. Ang alin?
Ang mga klaster, di ba? Batay sa iyong obserbasyon, ano ang masasabi mo tungkol sa
klaster?
Tama. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. Kitang-
kita iyan sa mga halimbawa sa itaas.
Anu-ano ang mga klaster sa mga salitang ito? Isa-isahin mo.
maprotektahan – pr
mapwersa – pw
kriminal – kr
administratibo – tr
inkriminasyon – kr at sy
proteksyon – pr at sy
aksyon – sy
Napansin mo ba na ang klaster ay maaaring makita sa unahan ng salita, tulad sa salitang
kriminal. Maaari rin sa gitna ng salita, tulad sa administratibo.
33
Maaari ring magkaroon ng klaster sa hulihan ng salita, gaya ng makikita sa mga salita sa
ibaba:
• apartment
• nars
• kard
• park
Malinaw na ba ang kahulugan ng klaster? Tandaan mo lamang lagi na ang klaster ay
dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. Kapag may magkasunod na dalawang
katinig sa isang salita, pero hindi naman magkasama sa iisang pantig, hindi klaster ang mga iyon.
Tingnan mo ang mga halimbawa sa ibaba. May dalawang magkasunod na katinig sa mga
salitang ito, pero hindi magkakasama sa iisang pantig, kaya walang klaster.
• asamblea – a.sam.ble.a
• sumbat – sum.bat
• sumpa – sum.pa
Paano naman ang ng? Dalawang katinig nga ito. Pero hindi ito pinagsamang n + g. Ang ng
ay kumakatawan sa isang tunog lamang, na makikita sa mga salitang tulad ng ngayon, ngiti, ngiyaw,
nguya at iba pa.
Kaya ang ng ay hindi klaster. Hindi rin ba pinaghihiwalay ang ng sa pagpapantig? Hindi nga
pinaghihiwalay sa pagpapantig. Alam mo ba kung bakit? Tama. Dahil nga iisang tunog ang
kinakatawan nito.
Gamitin
Handa ka na bang ilapat ang mga natutuhan mo?
Ano na nga ba ang pangunahing layunin ng tekstong ekspositori?
Tama ka kung ang sagot mo ay upang magbigay ng impormasyon.
Kompara sa tekstong narativ, ano naman ang ikinaiba ng ekspositori sa narativ? Di ba ang
pangunahing layunin ng narativ ay magbigay-kasiyahan? Paano ito naisasagawa? Di ba sa
pamamagitan ng tagpuan, tauhan at banghay?
Ang tekstong expositori naman ay naglilinaw sa mga bagay, nagpapaliwanag, naglalahad.
Ano ang inilahad sa maikling tekstong binasa mo? Di ba ito ay nagpaliwanag tungkol sa
karapatan laban sa sariling inkriminasyon? Sakaling mapaharap ka sa sitwasyong dapat kang
34
humarap sa husgado, magagamit mo ang impormasyong ito para hindi ka sumaksi laban sa iyong
sarili, o magbitiw kaya ng mga pananalitang maaaring magamit laban sa iyo.
Di ba makatutulong sa iyo sa hinaharap ang impormasyong ito?
Tingnan mo naman kung malinaw na sa iyo ang klaster.
Nasa ibaba ang ilang salita. Piliin ang mga salitang may klaster at itala ang mga ito sa iyong
sagutang papel. Salungguhitan ang mga klaster.
diskriminasyon sumbrero suntok
soltera praning preno
sampal samba prestihiyo
edukasyon arte letra
klaster simple kredito
drama grasya trapo
Nasagot mo ba nang tama? Tama ang mga sagot mo kung ganito:
diskriminasyon sumbrero
praning preno
prestihiyo edukasyon
letra klaster
simple kredito
drama grasya trapo
Tingnan mo nga kung magagamit mo nang wasto ang mga salitang may klaster. Basahin ang
mga pangungusap sa ibaba. Punan ng angkop na salitang may klaster ang mga patlang sa bawat
pangungusap. Pumili ka ng sagot mula sa talaan sa itaas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga batas ay ginawa upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat at
maiwasan ang _____________ bunga ng kalagayang sosyo-ekonomiko.
2. Huwag sanang isipin ng sino man na ang mga taong iginagalang at itinuturing na may
_________ ay may higit na karapatan kaysa sa mga taong namumulot lamang ng basura upang may
makain.
3. Kaya mahalagang makapagtamo ng __________ ang lahat upang malaman ang kanilang
mga karapatan.
O, tama ba ang mga sagot mo? Kung ganito ang sagot mo, tama ka:
1. diskriminasyon
2. prestihiyo
3. edukasyon
35
Huwag kang mag-alala. May karagdagan pang mga pagsasanay upang lalo kang masanay sa
paggamit ng klaster.
Lagumin
Malinaw na ba sa iyo kung ano ang tekstong expositori? Kung ano ang klaster? Upang maging
mas malinaw pa, narito ang mga pangunahing puntos ng sub-araling ito:
• Ang tekstong expositori ay naglalahad, nagpapaliwanag o naglilinaw. Ang
pangunahing layunin nito ay magbigay-impormasyon.
• Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig.
• Kapag may dalawang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, pero hindi naman
magkasama sa iisang pantig, ang mga ito ay hindi klaster.
• Ang klaster ay matatagpuan sa unahan, gitna at hulihan ng salita.
Subukin
Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sagutin ang mga tanong:
a. Ano itong right against self-incrimination o karapatan laban sa sariling inkriminasyon?
b. Saang bahagi ng Konstitusyong 1987 matatagpuan ang tadhana ukol dito?
c. Ano ang dalawang pangunahing layunin ng karapatang ito?
2. Piliin ang mga salitang may klaster. Salungguhitan ang klaster.
kwento asosasyon sandata sobre
sundalo sesyon tradisyon parte
test renta prente tostado
3. Punan ang mga patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap. Piliin ang sagot sa mga
salita sa ibaba.
a. Ang karapatan laban sa sariling __________ ay naglalayong protektahan ang mga
mamamayan laban sa perjury.
b. Malinaw na dapat sundin ang _____ ng batas.
c. Pantay-pantay ang lahat ng tao sa mata ng batas; walang _________ salig sa kalagayan
sa lipunan.
36
d. Mahalagang makapagtamo ng ___________ ang lahat upang matutuhan ang kanilang
mga karapatan.
Edukasyon letra inkriminasyon diskriminasyon
Matapos mong sagutin ang mga tanong, iwasto mo ang iyong mga sagot. Narito ang susi sa
pagwawasto.
1. a. Ito ay karapatang manahimik upang hindi makapagbitiw ng mga salitang
makapagpapahamak sa sarili. Ito rin ay karapatang hindi sumaksi laban sa sarili
b. Seksyon 1, Artikulo III (Bill of Rights)
c. Kadahilanang makatao at upang makaiwas sa perjury ang isang akusado o
saksi
2. kwento asosasyon sobre sesyon tradisyon
Test
3. a. inkriminasyon
b. letra
c. diskriminasyon
d. edukasyon
Kumusta? Nasagot mo bang lahat? Kung nasagot mong lahat ang mga tanong, hindi mo na
kailangang sagutin ang mga tanong sa Paunlarin.
Paunlarin
1. Sagutin ang mga tanong.
a. Ano ang perjury?
b. Kailan pwedeng gamitin ang karapatan laban sa sariling inkriminasyon?
2. Ibigay ang singkahulugan ng mga salitang italisado. Ang isasagot mo ay mga salitang may klaster.
a. Gumamit ka ng basahan sa paglilinis sa kusina.
b. 28 na ang titik sa bagong Alfabetong Filipino.
c. Maraming nagaganap na dula na kinasasangkutan ng mga politiko.
d. Napakalaki na ng utang na panlabas ng ating bansa.
e. Ang isa sa mga parusa sa mga napatunayang nagkasala ay ang
pagiging bilanggo.
37
Nasagot mo kaya ang mga tanong?
Tama ang mga sagot mo kung katulad nito:
1. a. Ang perjury ay pagsasabi ng di totoo sa harap ng hukuman, kapag ikaw ay nakapanumpa
nang magsasabi ng katotohanan lamang.
b. Magagamit ito ng akusado at ng saksi sa lahat ng uri ng imbestigasyong isinasagawa ng
gobyerno, maging ito ay kasong administratibo o lehislatibo, gayon din sa mga
aksyong sibil. Magagamit din sa mga pagdinig sa Kongreso.
2. a. trapo
b. letra
c. drama
d. preso
O, mahal kong estudyante. Narito ka na sa dulo ng modyul. Handa ka na ba sa pangwaka na
pagsusulit? Sige, simulan mo na.
Gaano ka na kahusay?
A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama at M
kung mali ang ideang ipinapahayag sa pangungusap.
1. Ang ponema ay makahulugang tunog.
2. Ang dating Abakada ay may 20 letra.
3. Dalawampu (20) ang ponema sa wikang Filipino.
4. Ang alfabeto ng wikang Filipino ay may 28 letra kaya may 28 ponema rin
5. Lima (5) ang ponemang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/.
6. Ang impit na tunog ay nakapag-iiba sa kahulugan ng salita pero hindi ito makikita sa
pagbaybay o ispeling ng salita.
7. Ang mga salitang kulay, daloy, aliw at ayaw ay mga halimbawa ng mga salitang may
diptonggo.
8. Ang mga diptonggo sa mga salita sa Blg. 7 ay ay, oy, iw at aw.
9. Ang mga salitang kulayan, kamayin, daluyan at ayawan ay may diptonggo rin.
10. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig.
11. Ang mga salitang drama, braso, gripo at trapo ay mga halimbawa ng mga salitang
may klaster.
12. Ang mga klaster sa mga salita sa Blg. 11 ay dr, br, gr at tr.
38
13. Pareho lamang ng kahulugan ang dalawang pangungusap sa ibaba:
• Hindi, akin ang kendi sa mesa.
• Hindi akin ang kendi sa mesa.
14. Ang tekstong narativ ay nagsasalaysay o nagkukwento.
15. Ang tekstong expositori ay naglalahad o nagpapaliwanag.
B. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na diptonggo para mabuo ang mga salita sa ibaba.
Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.
1. sukl_ _ pang-ayos ng buhok
2. bugh_ _ isa sa mga kulay
3. ar_ _ sumisikat tuwing umaga
4. bal_ _ sira ulo
5. bah_ _ tirahan
6. tul_ _ pasok
7. tul_ _ tawiran sa ibabaw ng ilog
8. suh_ _ suporta
9. sal_ _ tugtog na kasabay ng kanta
10. ag_ _ dumi sa bahay
11. sakl_ _ ginagamit ng pilay
12. pil_ _ may baling buto
13. il_ _ nagbibigay ng liwanag
14. sis_ _ anak ng inahen
15. dil_ _ isa sa mga kulay
C. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na letra para magkaroon ng klaster ang mga salita sa
ibaba. Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.
1. p _ asa liwasan
2. k _ edito utang
3. d _ ama dula
4. p _ eso bilanggo
5. t _ apo basahan
6. p _ enda sangla
7. p _ antsa pang-unat ng damit
8. p _ ito luto sa mantika
9. p _ ato pinggan
10. g _ asya biyaya
D. Basahin ang mga pares ng pangungusap sa ibaba. Ituon ang pansin sa mga salitang italisado.
Tingnan kung magkapareho ng bigkas ang mga ito. Kung pareho ng bigkas, isulat sa iyong
sagutang papel ang P; kung hindi, isulat ang HP.
39
1. Inuubo siya dahil may butas ang baga niya.
May baga pa sa kalan; maiiinit mo roon ang ulam.
2. Ang paso ay taniman ng halaman.
Ang paso ay kailangang lagyan ng gamot para di maimpeksyon.
3. Ang pagdinig ay idinaos sa sala ng hukom.
Siya, siya nga ang may sala.
4. Hindi na magagamit ang mga kinakalawang na pako.
Masustansya ang ensaladsang pako.
5. Pinabili lang siya ng suka sa tindahan.
Linisin mo nga ang suka ng bata sa sopa.
E. Magkapareho ba ng kahulugan ang mga pares ng pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong
sagutang papel ang P kung pareho; HP kung hindi.
1. Bukas, luluhod ang mga tala.
Bukas luluhod ang mga tala.
2. Aalis kami, bukas.
Aalis kami bukas.
3. Bukas kami aalis.
Bukas, aalis kami.
4. Hindi, umuulan.
Hindi umuulan.
5. Kahapon?
Kahapon.
F. Alin sa a, b, o c ang angkop para mabuo ang mga pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra lamang ng iyong sagot.
1. Sa tekstong narativ, mahalaga ang tatlong ito:
a. tagpuan, tauhan, banghay
b. dayalog, buod, tagapagsalaysay
c. sukat, tugma, persona
2. Ang ________ ay halimbawa ng tekstong nagsasalaysay o nagkukwento:
a. Balagtasan
b. Talumpati
c. maikling kwento
40
3. Ang tekstong expositori ay __________.
a. Nangangatwiran
b. Naglalarawan
c. Nagpapaliwanag
4. Ang pangunahing layunin ng tekstong expositori ay _________.
a. magbigay-impormasyon
b. manghikayat
c. magbigay-kasiyahan
5. Ang pangunahing layunin ng tekstong narativ ay ___________.
a. magbigay-kasiyahan
b. magbigay-impormasyon
c. manghikayat
Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi sa
Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na modyul.
41
Susi sa Pagwawasto
Modyul 2
Mga Ponema ng Filipino
Ano na ang alam mo (Panimulang Pagsusulit)
A. 1. T. 6. T 11. T
2. T 7. T 12. T
3. M 8. T 13. M
4. M 9. M 14. T
5. T 10. T 15. T
B. 1. ay 6. oy 11. ay
2. aw 7. ay 12. ay
3. aw 8. ay 13. aw
4. iw 9. iw 14. iw
5. ay 10. iw 15. aw
C. 1. l 6. r
2. r 7. l
3. r 8. r
4. r 9. l
5. r 10. r
D. 1. HP
2. HP
3. P
4. HP
5. HP
E. 1. HP
2. P
3. HP
4. HP
5. HP
F. 1. a
2. c
3. c
4. a
5. a
Susi sa Pagwawasto
42
B. Sub-Aralin 1
Subukin
1.
a. s at t e. l at t
b. b at p f. o at a
c. b at p g. e at i
d. b at p h. o at u
2. a. Pataas
b. Pababa
c. Pataas
d. Pababa
3. a. Pagtanggi (hindi), pagtukoy (siya).
Pagtanggi na siya ang sangkot.
b. Nagtatanong
Pag-amin. Ang ba ay ekspresyon ng pag-amin, hindi pagtatanong.
c. Kung hindi (magaganap ang kondisyon o pangyayaring di na binanggit), ako
ay siya rin.
Kung hindi ako (ang tinutukoy), siya (ang tinutukoy)
d. Nagtatanong.
Nag-uutos.
e. Nagtatanong.
Tumitiyak.
4. a. Sa bayan ng mga Kalinga sa Cordillera, noong Dekada’70
b. Si Daniway at ang mga kababaihang Kalinga
c. Oo.
d. Palulubugin ang kanilang mga baryo, pati mga gubat at payaw.
Magkakawatak-watak ang mga Kalinga.
C. Sub-Aralin 2
Subukin
1. a. diptonggo
b. (i) ay, (ii) ey, (iii) iy, (iv) oy, (v) uy, (vi) aw, (vii) iw
2. tunay, saysay, kulay, simoy, tuloy, suklay, duklay, saway, halimaw, baliw,
reyna, mayroon, magiliw, bistay, bilog, maysakit, aliw-iw
3. a. saysay
b. suklay
c. maysakit
d. magiliw
e. bistay
f. reyna
43
D. Sub-Aralin 3
Subukin
1. a. Ito ay karapatang manahimik upang hindi makapagbitiw ng mga salitang
makapagpapahamak sa sarili. Ito rin ay karapatang hindi sumaksi laban sa sarili
b. Seksyon 1, Artikulo III (Bill of Rights)
c. Kadahilanang makatao at upang makaiwas sa perjury ang isang akusado o
saksi
2. kwento asosasyon sobre sesyon tradisyon Test
3. a. inkriminasyon
b. letra
c. diskriminasyon
d. edukasyon
44
Susi sa Pagwawasto
Modyul 2
Mga Ponema ng Filipino
Ano na ang alam mo (Panimulang Pagsusulit)
A. 1. T. 6. T 11. T
2. T 7. T 12. T
3. M 8. T 13. M
4. M 9. M 14. T
5. T 10. T 15. T
B. 1. ay 6. oy 11. ay
2. aw 7. ay 12. ay
3. aw 8. ay 13. aw
4. iw 9. iw 14. iw
5. ay 10. iw 15. aw
C. 1. l 6. r
2. r 7. l
3. r 8. r
4. r 9. l
5. r 10. r
G. 1. HP
2. HP
3. P
4. HP
5. HP
H. 1. HP
2. P
3. HP
4. HP
5. HP
I. 1. a
2. c
3. c
4. a
5. a
Susi sa Pagwawasto
45
E. Sub-Aralin 1
Subukin
1.
a. s at t e. l at t
b. b at p f. o at a
c. b at p g. e at i
d. b at p h. o at u
2. a. Pataas
b. Pababa
c. Pataas
d. Pababa
3. a. Pagtanggi (hindi), pagtukoy (siya).
Pagtanggi na siya ang sangkot.
b. Nagtatanong
Pag-amin. Ang ba ay ekspresyon ng pag-amin, hindi pagtatanong.
c. Kung hindi (magaganap ang kondisyon o pangyayaring di na binanggit), ako
ay siya rin.
Kung hindi ako (ang tinutukoy), siya (ang tinutukoy)
d. Nagtatanong.
Nag-uutos.
e. Nagtatanong.
Tumitiyak.
4. a. Sa bayan ng mga Kalinga sa Cordillera, noong Dekada’70
b. Si Daniway at ang mga kababaihang Kalinga
c. Oo.
d. Palulubugin ang kanilang mga baryo, pati mga gubat at payaw.
Magkakawatak-watak ang mga Kalinga.
F. Sub-Aralin 2
Subukin
1. a. diptonggo
b. (i) ay, (ii) ey, (iii) iy, (iv) oy, (v) uy, (vi) aw, (vii) iw
2. tunay, saysay, kulay, simoy, tuloy, suklay, duklay, saway, halimaw, baliw,
reyna, mayroon, magiliw, bistay, bilog, maysakit, aliw-iw
3. a. saysay
b. suklay
c. maysakit
d. magiliw
e. bistay
f. reyna
46
G. Sub-Aralin 3
Subukin
1. a. Ito ay karapatang manahimik upang hindi makapagbitiw ng mga salitang
makapagpapahamak sa sarili. Ito rin ay karapatang hindi sumaksi laban sa sarili
b. Seksyon 1, Artikulo III (Bill of Rights)
c. Kadahilanang makatao at upang makaiwas sa perjury ang isang akusado o
saksi
2. kwento asosasyon sobre sesyon tradisyon Test
3. a. inkriminasyon
b. letra
c. diskriminasyon
d. edukasyon
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 3
Pagsusuri sa Kayarian/
Kahulugan ng Salita
Pagtukoy sa Sanhi at Bunga at
Pagbibigay ng Alternativ
na Pamagat
2
Modyul 3
Pagsusuri sa Kayarian/
Kahulugan ng Salita
Pagtukoy sa Sanhi at Bunga at
Pagbibigay ng Alternativ na Pamagat
Tungkol saan ang modyul na ito?
Magandang araw sa iyo, kaibigan!
Kumusta ang pag-aaral mo sa iyong mga unang modyul? Siguro, may mga bahagi na medyo
nahirapan ka at may mga bahagi naman na nadalian ka lang at kayang-kaya mo, ano? Ganoon talaga
ang pag-aaral, kaibigan. Minsan madali lamang at kung minsan, may hirap din naman. Pero ang
mahalaga, may natututunan ka sa bawat modyul na iyong pinag-aaralan. Gaya na lamang ng modyul
na ito na magtuturo sa iyo ng mga bagong kaalaman sa wika.
Kung sa unang modyul, kaibigan, natutunan mo ang tungkol sa panghihiram ng mga salita, at
sa pangalawang modyul ay natutunan mo ang tungkol sa mga ponemang Filipino pati na mga salitang
may diptonggo at klaster, sa modyul na ito mo naman matututunan ang tungkol sa mga pares minimal
sa Filipino at ang pagbubuo ng salita mula sa punong salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit,
at pagtatambal. Hindi lang iyan, matututunan mo rin ang pagbibigay ng kahulugan ng mga salita
batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap at magkakaroon ka ng kaalaman sa pagtukoy ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari. Matututunan mo rin ang pagbibigay ng kahulugan sa pamagat ng isang
teksto na bibigyan mo ng isang bago o alternatibong na pamagat.
O, eksayting di ba? Alam kong gusto mo nang pag-aralan ang modyul na ito.
Sige, simulan mo na.
Ano ang matututunan mo?
Sa modyul na ito kaibigan, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:
1. natutukoy at nagagamit nang angkop ang mga pares minimal sa Filipino
2. nabubuo ang iba’t ibang salita batay sa punong salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit,
at pagtatambal
3
3. nabibigyang-kahulugan ang magkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi ang bunga
ng mga pangyayari
4. nasasabi ang kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap
5. natutukoy ang kahulugan ng pamagat at nakapagbibigay ng alternativ
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang
modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga
tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing
mabuti.
1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit.
2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang
upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na
ito.
3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat
ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha
mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo.
4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay
nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang
maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.
5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang
aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa
pagwawasto.
6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga
gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.
4
Ano na ba ang alam mo?
O, kaibigan, sa bahaging ito, aalamin natin kung ano na ang alam mo tungkol sa aralin.
Huwag kang mag-aalala, panimulang pagsubok pa lang naman ito. Basta sagutin mo lang ang
mga tanong sa abot ng makakaya mo. Kapag tapos ka na sa pagsagot, gaya ng una kong ibinilin sa
iyo, kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto at iwasto mo nang matapat ang iyong mga
sagot. Handa ka na ba? O sige, simulan mo na ang pagsagot!
I. Lagyan mo ng tsek (/) ang mga pares ng salita sa Filipino na maituturing na pares minimal.
_____1. pala : bala (shovel : bullet) ______6. benta : binta (sales : vinta)
_____2. tila : dila (stopped : tounge) ______7. luha : lupa (tears : soil)
_____3. uso : oso (fashion : bear) ______8. kama : dama (bed : felt)
_____4. balat : balot (skin : wrapped) ______9. bulok : bulak (rotten : cotton)
_____5. patilya : kapilya (sideburns : chapel) _____10. mesa : misa (table : mass)
II. Isulat mo kung ang kayarian ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap ay:
a. maylapi b. inuulit at c. tambalan.
Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.
1. May sarili nang paraan ng pagsamba sa kanilang mga diyos at diyosa ang ating mga ninuno
bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila sa Pilipinas.
2. Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, bukas-palad natin silang tinanggap.
3. Sila ang nagpakilala sa atin ng kristyanismo.
4. Natutunan ng mga ninuno mula sa mga paring Kastila ang magdasal sa iba’t ibang imahen ng
mga santo.
5. Ngunit kahit pinilit ng mga Kastila na maging kristyano ang buong kapuluan ay hinding-hindi
sila nagtagumpay.
6. Nanatili kasing kapit-tuko sa pagyakap sa kanilang relihiyon ang mga kapatid nating Muslim
sa Mindanao.
7. Kaya naman urong-sulong ang mga Kastila sa pagyapak sa lupain ng mga Muslim sa
pangambang manlaban ang mga ito laban sa kanila.
8. Hindi nga sila nagkamali sapagkat totoong handang-handa ang mga Muslim na ipagtanggol
ang kanilang relihiyon kahit magbuwis pa sila ng buhay.
9. Dahil dito, ang mga katutubong naninirahan lamang sa mga kapatagan ang narating ng mga
Kastila at nabinyagan para maging mga Kristyano.
10. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling buo at matatag sa kanilang pananampalataya ang mga
Muslim sa Mindanao.
5
III. Basahin mo at unawain ang teksto. Pagkatapos mong basahin, gawin mo ang isinasaad sa bawat
gawain.
Nakakahiya… Pero Bahala Na!
Marami tayong mga
ugali at paniniwala na
inaakala nating nagdudulot
ng mga negatibong bagay sa
atin ngunit maaari rin naman
palang magdulot sa atin ng
mga positibong resulta lalo
pa nga kung maiaaplay natin
nang maayos at matalino
ang mga ito sa ating buhay.
Nagpapakita raw
kasi ito ng pagiging
irasyunal natin bilang tao.
Galing ang salitang bahala
na sa “bathala na” na ang
kahulugan ay pagpapaubaya
sa Diyos ng mga bagay-
bagay.
Kapag sinabi nating bahala na, hindi na natin iniisip kung ano ang magiging
resulta ng ating gagawin sapagkat iniisip natin na Diyos na ang bahala para rito. O kaya
nama’y hindi na tayo magsisikap para sa ating sarili at sa halip ay ipauubaya na lamang
natin sa Diyos ang ating kapalaran.
Taliwas naman ang ganito sa paniniwala ng iba pang Pilipino. Para naman sa
kanila, may positibong aspekto ang hiya at bahala na. Ang hiya ay kasasalaminan ng
mataas na pagtingin at respeto natin sa ating sarili at sa ibang tao. Nahihiya tayong
gawin ang isang bagay sapagkat ayaw nating magdulot ito ng di-mabuti sa ating kapwa
at sa ating sarili. Umiiwas tayong makasakit ng damdamin ng ating kapwa sapagkat
nirerespeto natin ang kanilang pagkatao. Iniiwasan nating mapintasan tayo ng iba at
may masabi silang di-maganda tungkol sa atin sapagkat mataas ang pagtingin natin sa
ating dignidad bilang tao.
6
A. Basahin mo at unawain ang bawat pangungusap na nakatala sa ibaba. Pagkatapos, piliin mo sa
loob ng panaklong ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa
pagkakagamit nito sa pangungusap. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.
1. Magiging kapaki-pakinabang ang ating mabubuting ugali kung maiaaplay natin ang mga ito
sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
(a. magagamit b. mapagtatagumpayan c. mangyayari d. masusukat)
2. Taliwas ang paniniwala ng marami tungkol sa konsepto ng hiya at bahala na.
(a. katulad b. kabaliktaran d. kalapit e. kamukha)
3. Nagbubunga ng mga negatibong bagay ang kawalan natin ng hiya.
(a. kakulangan b. kalabisan c. di-pagkakaroon e. di-pagdating)
4. Dapat nating pangalagaan ang ating dignidad bilang mga Pilipino.
(a. lahi b. identidad c. moralidad d. dangal)
5. May respeto tayo sa ating kapwa kapag nahihiya tayong gumawa ng anumang bagay na
makasasakit sa kanilang damdamin.
(a. pag-unawa b. paggalang c. pagkilala d. pag-ibig)
6. Iba-iba ang ang konsepto ng mga Pilipino sa salitang hiya.
(a. kaisipan b. kahulugan c. katumbas d. kabaligtaran)
7. Kailangan natin ang katatagan ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
(a. pagsusulit b. suliranin c. katanungan d. tanong)
8. Kadalasan ay ikinukunsulta natin sa Diyos, sa pamamagitan ng panalangin, ang magiging
bunga ng ating mga gagawin.
(a. prutas b. resulta c. epekto d. ugat)
Samantala, masasalamin naman sa bahala na ang
katatagan ng loob nating mga Pilipino sa paggawa ng
kahit na anong bagay at sa pagharap sa mga pagsubok
sa buhay. Sa likod ng ating kamalayan ay alam nating
anuman ang ating gawin ay laging nariyan ang Diyos
upang tayo ay tulungan at gabayan. Nagdarasal muna
tayo bago magpasya sa ating gagawin at nagdarasal
pa rin pagkatapos natin itong gawin upang magkaroon
ito ng mabuting resulta. At dahil kinukunsulta muna
natin sa Diyos ang anumang nais nating gawin, tinitiyak
natin na ito ay naaayon sa Kanyang kagustuhan.
Ang bahala na kung gayon ay hindi pagpapaubaya ng lahat sa Diyos kundi
pagpapakita ng ating mataos na pananalig sa Kanya. Pananalig na tutulungan ng
Diyos ang sinumang nagsisikap para sa kanyang sarili.
Samakatwid, ang hiya at bahala na ay hindi laging negatibo. May positibong
aspeto rin ang mga konseptong ito
7
9. Nakatutulong ang pagdarasal bago magpasya sa anumang gagawin.
(a. magdesisyon b. magtrabaho c. mag-isip d. magpatulong)
10. Ang bahala na ay nagpapakita din pala ng mataos na pananalig sa Diyos.
(a. matibay b. matatag c. matapat d. matapang)
B. Sagutin nang maikli ngunit malinaw ang mga sumusunod na tanong batay sa
nakasaad sa teksto. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang naidudulot ng pagtataglay ng tao ng labis na hiya? Ano naman ang naidudulot ng
kawalan niya ng hiya?
2. Bakit dapat nating iwasan ang ugaling bahala na?
3. Anong positibong aspeto ang masasalamin sa ugaling bahala na ng mga Pilipino?
4. Ano namang positibong aspeto ang masasalamin sa hiya?
5. Saan nanggaling ang konseptong bahala na?
C. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salita/pariralang nakahilig batay sa
pagkakagamit nito sa pangungusap.
1. Nakita ko na naman ang mga musmos sa kalsada habang papauwi ako kahapon.
2. Nasalamin kong muli sa kanilang mga mata ang kahirapang kanilang dinaranas.
3. Naitanong ko tuloy sa sarili, sino kayang mapagpalang kamay ang kakalinga sa
mga batang ito?
4. Mayroon kayang sasagip sa kanila mula sa kaawa-awa nilang kalagayan sa buhay?
5. Nilapitan ako ng isa sa kanila at inalok ng tinda niyang sampaguita.
6. Napilitan tuloy akong bumili kahit kakarampot na lamang ang pera sa aking bulsa.
7. Parang pinipiga ang puso ko habang iniaabot ang bayad sa bata dahil alam kong
pansamantala lamang ang tulong kong iyon sa kanya.
8. Kung marami lamang akong pera nang mga oras na iyon ay papakyawin kong lahat ang tinda
niyang sampagita.
9. Kaya lang, ako man ay kapos na kapos ding kagaya nila.
10. Ipagdarasal ko na lamang na masilayan din nila ang pag-asa sa bawat umaga.
matulungin alagaan nabanaag magliligtas
kulang na kulang sa pera kakaunti bibilhing lahat makita
bata nakadarama ng matinding awa niyayang bumili
8
D. Maaaring bigyan ng mambabasa ng iba’t ibang alternativ na pamagat ang isang teksto ayon sa
sariling interpretasyon o pakahulugan niya sa teksto. Sa iyong palagay, alin kaya sa mga nakatala
sa ibaba ang pinakaangkop na alternativ na pamagat para sa tekstong iyong binasa? Titik lamang
ang isulat mo sa sagutang papel.
a. Mga Pagpapahalagang Pilipino
b. Kultura at Tradisyon
c. Nahihiya Ka Ba? Sige Lang, Bahala Na!
d. Hiya at Bahala Na Bilang mga Ugaling Pilipinong Maipagmamalaki
Kahit Kanino at Kahit Saan
E. Umisip ka ng iyong sariling alternativ na pamagat para sa tekstong Nakakahiya…
Pero Bahala Na! Isulat sa patlang sa ibaba ang naisip mong pamagat.
_______________________________________________
(Alternativ na Pamagat)
F. Basahin ang teksto at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
Edukasyon, Mahalaga
Napakahalaga para sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng edukasyon. Naniniwala ang marami
na kapag nakatapos ng pag-aaral ang isang tao, magkakaroon siya ng magandang buhay, at kapag
hindi naman siya nagkamit ng mataas na edukasyon, mahihirapan siyang umangat sa buhay. Kaya
naman, ganoon na lamang ang pagsisikap ng mga magulang na Pilipino na mapag-aral ang kanilang
anak. Para sa kanila, ang edukasyon lamang ang pinakamahalagang kayamanang maipamamana nila
sa kanilang mga anak. Isa itong kayamanang hindi mananakaw ninuman.
Samantala, marami rin ang naniniwala na ang kawalan ng edukasyon ng mga mamamayan ay
may malaking epekto sa bansa. Kapag mangmang at walang pinag-aralan ang karamihan sa mga tao,
mahihirapan silang makahanap ng trabaho. Kapag wala silang trabaho, tiyak na ang kahirapang
kanilang daranasin sa buhay. Kapag laganap ang kahirapan, laganap din ang kaguluhan at iba’t ibang
uri ng krimen. Apektado naman nito ang ekonomiya sapagkat walang mga dayuhang mangangalakal
ang papasok sa bansa.
Kung tutuusin ay hindi naman nagpapabaya ang pamahalaan sa bagay na ito. Sinisikap ng
pamahalaan na mapagkalooban ng libreng edukasyon ang mga kabataang Pilipino mula elementarya
hanggang sekundarya. Malaking tulong na sa bawat bata ang matutong magsulat, magbasa, at
magkwenta. Maililigtas na sila ng mga kaalamang ito sa tiyak na kahirapan pagdating ng araw.
1. Ayon sa paniwala ng marami, ano ang nagiging bunga kapag:
a. nakatapos ng pag-aaral ang isang tao?
b. hindi nagkamit ng mataas na edukassyon ang isang tao?
9
2. Ano ang sanhi ng:
a. hirap sa paghanap ng trabaho ng mga tao?
b. di pagpasok ng mga dayuhang mangangalakal sa bansa?
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub-Aralin 1:
Mga Pares Minimal at Kayarian ng Salita sa
Filipino: Alamin, Kilalanin Mo!
Layunin: Pagkatapos ng sub-araling ito, inaasahan mula sa iyo, kaibigan, na:
1. natutukoy at nagagamit mo nang angkop ang mga pares minimal sa Filipino
2. nakabubuo ka ng iba’t ibang salita batay sa punong salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-
uulit, at pagtatambal
Alamin
Naaalaala mo pa ba kung sino si Lapulapu? Uy, mahusay ka, ha! Tama. Si Lapulapu nga
ang pumatay kay Magellan. Narito ang isang teksto tungkol sa kabayanihan sa Mactan ni Lapulapu.
Basahin mo ito at tiyak na maaaliw ka dahil matutuklasan mo kung gaano talaga katapang si
Lapulapu. Habang binabasa mo ang teksto, bigyang-pansin at pag-aralan mo na rin ang (a.) mga
salitang nakasalungguhit at (b.) mga salitang nakahilig. Sige kaibigan, umpisahan mo na ang
pagbasa.
Ako si Lapulapu:
Ito ang Kasaysayan ng Laban Ko!
Mactan. Abril 1521. Isang buwan na
ang nakalipas simula nang dumating ang
expedisyon na pinamumunuan ni Magellan sa
Cebu. Nabalitaan ko na ang pakay ng mga puting
banyagang dumating mula sa kung saan ay
mangolekta na lamang basta-basta ng buwis para
sa pangalan ng isang haring ni wala man lamang
akong ideya kung sino. Naisip ko tuloy, “Ano
siya, sinuswerte?”
10
Nabalitaan ko na nanggaling ang mga dayuhang ito mula sa kabilang panig ng mundo lulan
ng naglalakihang barko. Ito namang si Humabon na Raha ng Cebu, ay ano’t tila yata hangang-
hanga sa mga bagong dating. Aba’y isipin mo ba namang agad-agad na sumumpa ng katapatan at
nangakong magbabayad nga ng buwis sa isang haring ni hindi man lamang niya kaanu-ano o
kahit kakilala man lamang. Bakit ba ganito ang haring ito? Itinuturing ko pa naman sana siyang
isang pinuno sapagkat ako’y kanyang vassal.
Ako si Lapulapu. Ako ang pinuno ng Bulaia, ang pinakamalaking bayan sa
Mactan. Wala akong ibang itinuturing na hari o sinumang nakatataas pa sa akin. Kahit pa si
Humabon. Hindi ako katulad ni Humabon na bilib na bilib sa mga kanyon at baril at makikintab
na baluti ng mga dayuhang dumating. Nakipagkasi-kasi siya sa kapitan ng hukbong iyon na
nagngangalang Ferdinand Magellan. Nakipagsanduguan pa siya, at ang masama’y nagpabinyag
pa siya sa kanilang paraan ng pagsamba, sampu ng kanyang asawa, anak at limang daan ng
kanyang kinasasakupan! Hindi ako katulad niya! Bawal para sa akin ang makipagsundo sa
sinumang dayuhang hindi ko alam kung ano ang pakay sa aking inang-bayan.
Oo, nalulungkot ako sa ginawang pagtugis ni Magellan sa aking bayan. Sinunog niya ang
buong Bulaia. Iniluluha ko ang kawalan ng tahanan ng aking kinasasakupan, ngunit umaapoy rin
ang aking kalooban sa galit! Ibig niya akong takutin! Ibig din niyang magyabang kay Humabon
na kaya niyang tugisin ang isang tulad ko! Subalit nakahanda akong hadlangan ang anumang
tangka niya.
Nakahanda na ang tatlong libo kong mga tauhan. Armado
sila ng mga sibat na may matutulis na metal kundi man, ng
matutulis na kahoy na sadyang pinatigas ng apoy. Handa na rin
ang kanilang mga pana at palaso, at kampilang kumikinang sa
bawat tama ng liwanag. Sa isang bahagi ng karagatan na
sadyang pinili ko upang maging lugar ng labanan ay
tinambakan ko ng iba’t ibang bato at korales. Tiyak na hindi na
makakasampa sa baybay-dagat ang kanilang bangka.
Mapipilitan silang lumusong sa tubig. At sa dalampasigan
naman ay inutusan ko na rin ang aking mga tauhan na gumawa
ng malalaking hukay upang magsilbing bitag. At buong husay naman nilang nagawa ito.
Mag-uumaga na. Narito na ang mga kalaban. Minsan pa’y nagpasabi si Magellan na
hindi niya ibig makipaglaban, sa halip ay ibig lamang niyang mangolekta ng buwis para sa
kanyang hari. Ngunit, ako, si Lapulapu, ay gustong makipaglaban. Walang nagawa ang puting
kapitan kundi tugunin ang aking hamon. Lumulusong na ang mga kalaban. Ibinigay ko na ang
aking hudyat.
11
Kumilos ang aking mga tauhan upang palibutan sila. Umulan ang mga sibat, pana at
palaso sa mga mananakop. Pumutok din ang kanilang mga maliit na baril ngunit wala itong
laban sa aming mga pana, sibat, maging bato at putik na aming inihagis sa kanila.
Masyadong malayo ang kanilang mga bangka sa amin para kami’y tamaan ng kanilang mga
bala.
Ngunit, isang tunay na kawal itong si Magellan. Bagamat marami sa kanyang mga
kawal ang mga nangabuwal na, nanatili pa rin ito sa unahan ng kanyang mga kawal at
nakikipaglaban. Tinamaan siya sa hita ng isang palasong may lason, ngunit patuloy pa rin
siya sa paglaban, habang pinauuna niyang umatras ang kanyang mga kawal.
Ayaw silang tigilan ng aking mga tauhan. Patuloy sila sa pagsalakay. Umatras
pabalik sa karagatan ang takot na takot na mga puting kawal. Muli, tinamaan na naman si
Magellan, sa pagkakataong ito ay sa kanyang punong braso naman. Nakilala siya ng aking
mga tauhan. Agad siyang dinumog ng mga ito. Tiyak na ang kanyang pagkalupig!
Buong giting na lumaban ang puting kapitan. Isa siyang bayani para sa kanyang
mga tauhan. Ngunit kailangan ko ring ipaglaban ang aking bayan para muli nitong
masilayan ang bukang-liwayway!
Hango sa malayang salin ni Raquel Sison-Buban ng
“The Battle of Mactan According to Lapu-Lapu”
(MLK) Filway’s Philippine Almanac, 1991
O, nakawiwili bang basahing muli ang isang bahagi ng ating kasaysayan? Talagang
nakawiwili nga, lalo pa’t nagkukwento ito ng tungkol sa katapangan ng isang bayaning tulad ni
Lapulapu, na itinuturing na bayani ng Cebu.
Alamin mo ngayon kung naunawaan mo nang lubos ang teksto. Subukin mong sagutin ang
mga tanong sa ibaba.
1. Anong bayan sa Mactan ang pinamunuan ni Lapulapu?
2. Bakit galit si Lapulapu kay Haring Humabon?
3. Bakit naman galit si Lapulapu kay Magellan at ayaw niyang kilalanin ito bilang
bagong hari?
4. Ano ang ipinasabi ni Magellan kay Lapulapu bago dumating ang oras ng kanilang
labanan?
5. Pumayag ba si Lapulapu sa nais mangyari ni Magellan?
6. Ano ang mas ibig mangyari ni Lapulapu?
12
7. Ilan ang bilang ng mga tauhang inihanda ni Lapulapu para lumaban kina Magellan?
8. Anong uri ng armas ang ginamit ni Lapulapu at ng kanyang mga tauhan sa
pakikipaglaban kina Magellan?
9. Anong uri ng bitag ang ipinahanda ni Lapulapu sa kanyang mga tauhan sa dalampasigan?
10. Ano ang tumama sa hita ni Magellan sa oras ng labanan?
Kumusta ang iyong pagsagot sa mga tanong? Ihambing mo rito ang mga sagot mo.
1. Bulaia
2. dahil tinugis ni Magellan ang kanyang bayan, sinunog ang buong bayan ng Bulaia na
ikinawala ng tahanan ng kanyang mga nasasakupan at nagyayabang ito kay kay Haring
Humabon na kaya niyang tugisin ang isang tulad ni Lapulapu
3. dahil nakipagkasundo ito kay Magellan
4. na hindi niya ibig makipaglaban kay Lapulapu, ang ibig lamang niya ay mangolekta ng
buwis para sa kanyang hari
5. hindi
6. makipaglaban kay Magellan at sa mga tauhan nito
7. 3,000
8. mga sibat na may matutulis na metal at matutulis na kahoy na sadyang pinatigas ng apoy
9. malalaking hukay
10. palasong may lason
O, siguro, nadalian ka lang, ano? Binabati kita kung tama lahat ng sagot mo! Isa lang ang ibig
sabihin nito, naunawaan mong mabuti ang tekstong iyong binasa. Kung hindi naman, huwag kang
mag-alaala. Balikan mong muli ang teksto at hanapin ang bahaging sumasagot sa mga tanong.
Linangin
Ngayon, gamitin mo ang teksto sa pag-aaral ng mga pares minimal sa Filipino at sa pagbubuo
ng mga salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit, at pagtatambal. Magsisimula ka na rito:
1. Mga Pares Minimal
Anu-anong salita sa tekstong binasa mo kanina tungkol kay Lapulapu ang nakalimbag nang
pahilig? Napansin mo ba ang mga sumusunod na pares ng salita:
bawal : kawal bangka : tangka hukay : husay
13
Basahin mo ang mga pares ng salita. Ang pantig na may salungguhit ang may diin. Ano ang
napansin mo? Magkatulad ba ng bigkas? Tama. Magkatulad nga. Magkatulad ba ng kahulugan?
Magkaiba ang kahulugan, di ba? Ano kaya ang nagpaiba sa kahulugan? Napansin mo siguro na sa
isang tunog lang na nasa iisang posisyon magkaiba ang bawat pares. Ang pagkakaibang ito sa isang
tunog ng bawat pares ang nagpaiba sa kahulugan.
Ang pares ng salita na may magkaibang kahulugan pero magkatulad sa bigkas maliban sa
isang tunog o ponema sa magkatulad na posisyon ay tinatawag na pares minimal.
Suriin mo naman ang mga pares ng nga salitang ito:
tulo : kulo bigla : sigla hangin : bangin
Basahin mong muli. Magkatulad ba ang bigkas? Hindi magkatulad ang bigkas ng mga
salitang ito, di ba? Tama, kaya hindi ito maituturing na pares minimal.
Tingnan mo naman ngayon ang mga pares ng salitang:
kape : kafe dito : rito noon : nuon
Muli mong bigkasin ang mga pares ng salita. Nagpaiba bas a kahulugan ng kape ang
pagpapalit ng p sa f? Hindi nga. E, ang pagpapalit ng d at r? Hindi rin. Ang o at u? Hindi rin, di
ba? Napansin mo rin siguro na magkatulad o iisa lang ang kahulugan ng mga ito. Dahil dito, hindi
rin maituturing na pares minimal ang mga salitang ito.
Basta tandaan mo lang na, para maging pares minimal ang pares ng salita, kailangang
magkaiba ang kahulugan pero magkatulad ang bigkas maliban sa isang tunog na nasa isang posisyon
lamang.
Tingnan ko nga kung naintindihan mo. Bilugan mo ang bilang na nagpapakita ng pares
minimal.
1. pato : pito (duck : whistle)
2. ginto : hinto (gold : stop)
3. lampa : dampa (weak : hut)
4. ubo : ulo (cough : head)
5. luha : suha (tears : pomelo)
Anu-anong bilang ang binilugan mo? Kung bilang 1, 2, at 5 ang binilugan mo, tamang lahat
ang sagot mo! Binabati kita dahil naintindihan mo ang aralin sa pares minimal. Pupunta ka naman
ngayon sa susunod mong aralin.
14
2. Pagbubuo ng mga salita
a. Paglalapi o Maylapi
Nakita mo ba sa teksto ang ilan sa mga nakasalungguhit na salita tulad ng:
nagawa pumutok tugisin
May napansin ka ba sa mga salitang ito? Oo, binubuo ang mga salitang ito ng punong salita
at panlapi. Maylapi ang tawag sa salitang binubuo ng isang punong salita at panlapi. Narito pa ang
ilang halimbawa ng mga salita mula sa teksto na binubuo ng panlapi:
Panlapi Punong Salita = Salitang Maylapi
ma- + isip = naisip
-um- + putok = pumutok
-in + tugis = tugisin
Napansin mo ba ang pagbabago sa panlaping ma- na naging na- sa unang halimbawa?
Banghay kasi ito sa aspektong pangnagdaan kaya ang m ay naging n. Lagi mong tandaan na kapag
ang pandiwa ay banghay sa aspektong pangnagdaan, ang panlaping ma- ay nagiging na-.
Tingnan mo naman ang mga salitang ito:
Unlapi + Punong Salita = Salita
ma- + liit = maliit
nang- + galing = nanggaling
pag- + samba = pagsamba
ma- + isip = maisip
Saan nakakabit ang panlapi? Sa unahan ba ng salita? Gitna? Hulihan? Oo, sa unahan nga ng
punong salita nakakabit ang panlapi. Unlapi ang tawag sa panlaping ikinakabit sa unahan ng punong
salita. Narito pa ang ilang halimbawa ng mga salitang may unlapi: matayog, nanggaling,
panggabi, nahuli, pagkanta, magsimba
Ang mga salitang ito naman ang pag-aralan mo:
Gitlapi + Punong Salita = Salita
-um- + dating = dumating
-in- + puno = pinuno
-um- + lusong = lumusong
-in- + sunog = sinunog
15
Sa mga halimbawang ito, sa gitna ng punong salita nakakabit ang panlapi, di ba? Gitlapi ang
tawag sa ganitong panlapi. Isinisingit ang gitlapi sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong
patinig sa salita. Tandaan mo na nagagamit lamang ang gitlapi kung ang salitang ugat ay nagsisimula
sa katinig. Narito pa ang ilang halimbawa: pinuna, lumusong, pumalakpak, binati, sumama, pinitik,
tumagilid
Narito pa ang ilang halimbawa ng salita na gusto kong pagmasdan mo ang kayarian:
Hulapi + Punong Salita = Salita
-an + tama = tamaan
-in + isip = isipin
-han + una = unahan
-an + tigil = tigila
Saan naman nakakabit ang panlapi sa mga halimbawang ito? Tama ka, sa hulihan nga ng
punong salita nakakabit ang panlapi. Hulapi ang tawag sa panlaping ito. Ikinakabit ang hulapi sa
hulihan ng punong salita. Narito ang ilang halimbawa ng salitang may hulapi: basain, layasan,
kabahan, sabayan, libangin
Nalaman mo ngayon na may tatlong pangkalahatang uri ang panlapi: ang unlapi, gitlapi, at
hulapi. Tingnan natin kung nakuha mo. Isulat mo sa sagutang papel kung ang ikinabit na panlapi sa
mga punong salita ay unlapi, gitlapi o hulapi.
1. matapang 3. silipin 5. bantayan
2. kinilala 4. sumunod
Ihambing mo rito ang mga sagot mo
1. unlapi 3. hulapi 5. hulapi
2. gitlapi 4. gitlapi
Susunod mong pag-aaralan ang iba pang paraan ng paglalapi bukod sa napag-aralan mo nang
pagkakabit ng unlapi, gitlapi, at hulapi..
Sikapin mong unawaing mabuti.ang mga ito, ha?
a. pag-uunlapi at pagigitlapi
Unlapi Gitlapi Punong Salita
i- + -in- + bili = ibinili
mag- + -um- + sikap = magsumikap
16
Sa pag-uunlapi at paggigitlapi, kinakabitan ng unlapi at gitlapi ang salita. Kagaya rin ito ng
mga salitang ikinuha, nagsumigaw, isinabit, at magdumali.
b. pag-uunlapi at paghuhulapi (kabilaan)
Unlapi Punong Salita Hulapi
mag- + kain + -an = magkainan
ma- + tuklas + -an = matuklasan
Sa pag-uunlapi at paghuhulapi naman, marahil napansin mo na unlapi at hulapi ang ikinakabit
sa salita. Ang iba pang halimbawa nito ay magtawanan, nagsisihan, at pagdikitin.
c. paggigitlapi at paghuhulapi
Gitlapi Punong Salita Hulapi
-in- + silip + -an = sinilipan
-in- + bilin + -an = binilinan
Sa paggigitlapi at paghuhulapi, ang salita ay kinakabitan ng gitlapi at hulapi gaya ng mga
salitang sinayawan, kinindatan, at sinabihan.
O ngayon, alam mo nang ang iba pang paraan ng paglalapi ay pag-uunlapi at paggigitlapi,
pag-uunlapi at paghuhulapi o kabilaan at paggigitlapi at paghuhulapi
Tingnan ulit natin kung naunawaan mo. Isulat sa sagutang papel kung ang paglalapi sa
punong salita ay sa pamamagitan ng a.) pag-uunlapi at paggigitlapi b.) pag-uunlapi at paghuhulapi o
kabilaan at c.) paggigitlapi at paghuhulapi. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.
1. kinuhanan 3. ikinuha 5. ipagsigawan
2. pagsikapan 4. magtalunan
Tingnan mo kung nakuha mo ang mga tamang sagot.
1. c 3. a 5. b
2. b 4. b
b. Pag-uulit o Inuulit
Mula pa rin sa tekstong binasa mo kanina, natitiyak kong napag-ukulan mo rin ng pansin ang
mga salitang nakasalungguhit na ito:
17
basta-basta hangang-hanga kaanu-ano bilib na bilib agad-agad
Ano ang pagkakatulad ng mga salitang ito? Lahat ay inuulit, di ba? Ang isa sa mga paraan
ng pagbubuo ng salita ay sa pamamagitan ng pag-uulit.
Pag-uulit ang tawag sa pagbubuo ng salita kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang
pantig nito sa dakong unahan ay inuulit. May dalawang pangkalahatang uri ng pag-uulit batay sa
kung anong bahagi ng salita ang inuulit: a.) ganap na pag-uulit at b.) di-ganap o parsyal na pag-uulit.
Pag-aralan mo ito.
a. Ganap na Pag-uulit
Ganap ang pag-uulit kapag inuulit nang buo ang punong salita. Sa pag-uulit na ganap,
may mga salitang nagbabago ang diin kapag inuulit, mayroon namang ilan na nananatili ang
diin.
Narito ang mga halimbawa ng salitang inuulit na walang pagbabago sa diin:
Punong Salita Pag-uulit
buhay buhay-buhay
isa isa-isa
Narito naman ang mga halimbawa ng salitang inuulit na may pagbabago sa diin:
Punong Salita Salita
sabi sabi-sabi
bahay bahay-bahay
May isang bagay, kaibigan, na dapat kang tandaan sa pag-uulit ng punong salitang
nagtatapos sa patinig na /o/. Ang /o/ sa unang hati ng salita ay nagiging /u/ samantalang
nananatili naman ang /o/ sa ikalawang hati. Narito ang ilang halimbawa:
Punong Salita Pag-uulit
ano anu-ano
sino sinu-sino
putol putul-putol
18
b. Di-ganap o Parsyal na Pag-uulit
Di-ganap o parsyal ang pag-uulit kapag ang inuulit ay bahagi lamang ng punong
salita. May iba’t ibang paraan ng pag-uulit na di-ganap o parsyal:
1.) pag-uulit ng unang pantig ng salita
Halimbawa: Punong Salita Pag-uulit
sayaw sasayaw
ulan uulan
ikot iikot
2.) pag-uulit ng unang dalawang pantig ng salita
Halimbawa: Punong Salita Pag-uulit
kanina kani-kanina
simula simu-simula
kabila kabi-kabila
3.) pag-uulit ng unang katinig at patinig o KP ng salitang may pantig na nasa
kayariang katinig, patinig, katinig o KPK
Halimbawa: Punong Salita Pag-uulit
suntok susuntok
laktaw lalaktaw
pinta pipinta
4.) pag-uulit ng unang dalawang pantig ng salita, ngunit sa ikalawang pantig, ang
inuulit lamang ay ang unang KP kapag ang pantig ay nasa kayariang KPK
Halimbawa: Punong Salita Pag-uulit
baluktot balu-baluktot
baligtad bali-baligtad
kalampag kala-kalampag
19
b. Pagtatambal o Tambalan
Kung aalalahanin mo ulit ang teksto ukol kay Lapulapu, tiyak na maaalaala mo ang mga
nakasalungguhit na salitang ito:
baybay-dagat inang-bayan bukang-liwayway
Ano ang kapansin-pansin sa mga salitang ito? Tama! May katambal ngang ibang salita.
Tambalan ang tawag sa mga salitang ito. Pagtatambal naman ang tawag sa pagsasama ng dalawang
magkaibang salita para makabuo ng isa lamang salita.
Kung may iba’t ibang uri ang mga salitang maylapi at inuulit, may dalawang uri naman ang
mga tambalang salita.
a. Dalawang salitang pinagtatambal na nananatili ang kahulugan. Sa uring ito, ang taglay na
kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal ay hindi nawawala. Walang ikatlong
kahulugang nabubuo sa pagtatambal.
Halimbawa: bahay + kubo = bahay-kubo
ingat + yaman = ingat-yaman
kulay + dugo = kulay-dugo
b. Dalawang salitang pinagtatambal na nagkakaroon ng ikatlong kahulugan o ng kahulugang
iba sa isinasaad ng mga salitang pinagtambal
Halimbawa: basag + ulo = basagulo
bahag + hari = bahaghari
hampas + lupa = hampaslupa
Balikan mo ang mga halimbawa sa itaas. May napansin ka bang pagkakaiba sa paraan ng
pagsulat ng mga ito? Ano ang napansin mo? Tama ka. Ang mga salitang nananatili ang kahulugan
kapag pinagtatambal ay isinusulat nang may gitling. Samantala, ang mga salita namang
pinagtatambal na nagkakaroon ng ikatlong kahulugan ay isinusulat nang walang gitling.
Tandaan mo ang natutunan mo sa araling ito: may tatlong pangkalahatang paraan ng
pagbubuo ng salita – ang paglalapi, pag-uulit, at pagtatambal.
Sa wakas! Natapos na rin ang una mong aralin. Medyo may kahabaan nang kaunti pero
madali lang namang intindihin, di ba? Ang mahalaga, alam mo na ngayon kung ano ang mga pares
minimal sa Filipino at kung paano nabubuo ang mga salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit, at
pagtatambal.
O sige, magpahinga ka muna nang kaunting minuto. Pagkatapos, simulan mo nang gawin ang
susunod na gawain.
20
Gamitin
Sa bahaging ito, susubukin mong gamitin ang mga natutunan mo sa Linangin. Sikapin mong
gawin lahat ang mga nakasaad sa bawat gawain, ha! Gaya ng ipinaalala ko sa iyo sa unahang bahagi
ng modyul na ito, basahin at unawain mong mabuti ang bawat panuto para di ka magkamali sa
pagsagot. Kung mayroon kang katanungan, huwag kang mahiyang lumapit at magtanong sa iyong
guro. Nariyan lang siya para alalayan at gabayan ka sa pagsagot mo sa modyul na ito.
Kung handa ka na ay maaari ka nang magsimula.
A. Hanapin mo sa loob ng panaklong ang salitang maaaring ipares sa salitang nakasulat sa bawat
bilang upang makabuo ng isang pares minimal. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.
1. kuto : ______ (a. puto b. buto) 6. latay : _______ (a. patay b. batay)
2. pula : ______ (a. bula b. kula) 7. kaway : ______ (a. saway b. laway
3. pato: ______ (a. bato b. pito) 8. hila : _______ (a. sila b. pila)
4. sinta : _____ (a. pinta b. tinta) 9. piling : ______ (a. duling b. hiling)
5. layo : _____ (a. lago b. dayo) 10. lapag : ______ (a. hapag b. papag)
B. Isulat mo kung ang pag-uulit ng salita ay a. ganap at b. di-ganap. Titik lamang ang isulat mo
sa sagutang papel.
1. taun-taon 4. kami-kami 7. pupunta
2. minu-minuto 5. kala-kalahati 8. pala-palagay
3. lalayo 6. bukas na bukas 9. tawa nang tawa
10. kabi-kabila
C. Isulat mo kung ang punong salita ay nabuo sa pamamagitan ng:
a. unlapi d. pag-uunlapi at paggigitlapi
b. gitlapi e. pag-uunlapi at paghuhulapi
c. hulapi f. paggigitlapi at paghuhulapi
Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.
1. magdamayan 6. amuin 11. sinuhulan
2. sinilaban 7. isinuko 12. maglaba
3. pagtayo 8. pagtalunan 13. kinawayan
4. ibinili 9. tanggalin 14. paglayuin
5. lumapit 10. magsumamo 15. sumigaw
Kung tapos ka na ay iwasto mo ang iyong papel. Narito ang mga wastong sagot. Tingnan mo
kung tama ang mga naging sagot mo. Uulitin ko na, huwag kang mag-alaala kung hindi mo pa
makuha lahat ang tamang sagot. Mayroon pa akong nakahandang mga pagsasanay para sa iyo.
A. 1. a 2. b 5. a 7. a 9. b
2. b 3. a 6. b 8. b 10. a
21
B 1. a 3. b 5. b 7. b 9. a
2. b 4. a 6. a 8. b 10. b
C. 1. e 3. a 5. b 7. d 9. c 11. f 13. f 15. b
2. f 4. d 6. c 8. e 10. d 12. a 14. e
Lagumin
Sa sub-araling ito, nakilala mo ang mga pares minimal sa Filipino at natutunan mo ang
pagbubuo ng salita mula sa isang punong salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit, o
pagtatambal.
Narito ang mahahalagang konseptong tinalakay sa aralin:
Pares minimal ang tawag sa pares ng salitang magkaiba ang kahulugan ngunit
magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang tunog o ponema sa magkatulad
na posisyon.
Maylapi ang tawag sa salitang binubuo ng punong salita at panlapi.
Paglalapi ang tawag sa pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama ng punong salita at
panlapi.
Unlapi ang tawag sa panlaping ikinakabit sa unahan ng punong salita.
Gitlapi ang tawag sa panlaping isinisingit sa pagitan ng unang katinig at kasunod na patinig ng
punong salita.
Hulapi ang tawag sa panlaping ikinakabit sa hulihan ng punong salita.
Pag-uulit ang tawag sa pagbubuo ng salita kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig
nito sa dakong unahan ay inuulit.
Ganap ang pag-uulit kapag inuulit nang buo ang punong salita.
Di-ganap o parsyal ang pag-uulit kapag ang inuulit ay bahagi lamang ng punong salita.
Pagtatambal ang tawag sa pagsasama ng dalawang magkaibang salita para makabuo ng isa
lamang salita.
Tambalan ang tawag sa dalawang salitang pinagsama at nakabuo ng isa lamang salita.
Tandaan mo ang mahahalagang konseptong ito. Malaking tulong ito sa pagpapaunlad mo
ng gamit ng wika.
22
Subukin
Narito ang ilang pagsasanay na susubok pa rin sa kaalamang natamo mo sa sub-araling ito.
Katulad kanina, subukin mo ulit sagutin ang mga ito sa abot ng iyong makakaya. Oooopppsss! Teka
muna. Gaya ng napagkasunduan natin, huwag kang mahiyang magtanong sa iyong guro kung
mayroon kang hindi naintindihan, ha?
A. Gawin mong nasa anyong maylapi ang mga sumusunod na punong salita sa pamamagitan ng
pagkakabit ng unlapi, gitlapi at hulapi. Maaaring magkaroon ng iba’t ibang sagot sa bawat bilang
pero isang sagot lamang ang hinihingi sa iyo.
Halimbawa: 1. layo (gitlapi) sagot: lumayo
2. asa (unlapi) pag-asa o iasa (maaaring isa lamang ang sagot)
Simulan mo rito:
1. bato (gitlapi) 6. sisi (unlapi)
2. putol (unlapi) 7. sara (unlapi
3. kain (hulapi) 8. kaway (gitlapi)
4. sayaw (hulapi) 9. pantay (hulapi)
5. dukot (gitlapi) 10. laba (unlapi)
B. Alamin mo kung ang pagbubuo sa mga sumusunod na salita ay:
a. pag-uunlapi at paggigitlapi b. pag-uunlapi at paghuhulapi c. paggigitlapi at paghuhulapi
Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.
1. magtawanan 4. matabunan 7. sinayawan 10. tinalunan
2. kinuhaan 5. magsumikap 8. ibinili
3. nagdumali 6. napagsawaan 9. napaglumaan
C. Hanapin mo sa loob ng panaklong ang katambal ng salita sa bawat bilang. Titik lamang ang isulat
sa sagutang papel.
1. bantay___________ (a. salakay b. tulog)
2. akyat____________ (a. puno b. bahay)
3. buhay___________ (a. langit b. alamang)
4. urong___________ (a. sulong b. uwi)
5. atras____________ (a. talikod b. abante)
6. balitang _________ (a. kutsero b. tsismis)
7. bahay ___________ (a. lungga b. kubo)
8. bahag __________ (a. hari b. damit)
9. ingat ___________ (a. yaman b. salapi)
10. hanap __________ (a. swerte b. buhay)
23
D. Umisip ka ng salitang maaaring ipares sa salitang nakatala sa bawat bilang para ito maging pares
minimal. Isulat mo ang sagot sa sagutang papel.
1. silya : _________________ 6. siko : ___________________
2. siksik : _________________ 7. pakpak : __________________
3. bitaw : _________________ 8. pantay : __________________
4. nuno : _________________ 9. dukha : __________________
5. dakip : _________________ 10. tangkay : __________________
Kung tapos ka na, iwasto mo ang iyong papel. Narito ang mga tamang sagot.
A. (Alinman sa mga sumusunod ay tama) Kung may sagot ka, na sa palagay mo ay tama, pero wala
rito, ipakita mo ito sa iyong guro.
1. binato, bumato 6. masisi, nasisi
2. naputol, maputol, nagputol, magputol 7. masara, nasara, nagsara, magsara, isara
3. kainin, kainan 8. kumaway
4. sayawin, sayawan 9. pantayan, pantayin
5. dinukot, dumukot 10. naglaba, ilaba, maglaba, paglaba
B. 1. b 3. a 5. a 7. c 9. b
2. c 4. b 6. b 8. a 10. c
C. 1. a 3. b 5. b 7. b 9. a
2. b 4. a 6. a 8. a 10. b
D. (Alinman sa mga sumusunod ay tamang sagot) Muli, ipakita mo sa iyong guro ang mga sagot mo
na maaaring tama pero wala rito.
1. pilya 6. piko
2. dikdik, tiktik 7. dakdak, laklak, saksak
3. litaw 8. lantay, bantay
4. puno 9. mukha
5. lakip, takip 10. bangkay, langkay
O, mas mataas na siguro ang nakuha mong marka ngayon, ano? Pero kung sa palagay mo ay
kailangan mo pa ng pagsasanay, gawin mo ang Paunlarin. Pwedeng magpahinga ka muna sandali,
kung gusto mo bago mo ito gawin.
24
Paunlarin
Kaibigan, layunin ng bahaging ito na mas palalimin at palawakin pa ang iyong nalalaman sa
tinalakay na paksa sa sub-araling ito. Handa ka na ba? Sige, simulan mo na.
A. Hanapin mo sa loob ng kahon sa ibaba ang salitang maaaring itambal sa salita sa bawat bilang
para mabuo ang bagong kahulugan nitong taglay. Sa sagutang papel mo isulat ang iyong sagot.
1. taus_________________ 9. bukam__________________
2. bukod_______________ 10. lingkod_________________
3. isip _________________ 11. kapus___________________
4. dapit________________ 12. dalagang________________
5. pantawid_____________ 13. bungang________________
6. bahay_______________ 14. daang__________________
7. silid_________________ 15. pampalubag_____________
8. batang_______________
lansangan gutom palad araw bibig
tangi ampunan bata puso bayan
bukid hapon aralan bakal loob
B. Isulat mo kung ang salitang nakahilig sa bawat bilang ay nabuo sa pamamagitan ng
a. paglalapi b. pag-uulit at c. pagtatambal.
Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.
1. Hindi matatawaran ang kabayanihang ipinakita ng mga bayaning Pilipino noong panahon ng
himagsikan.
2. Iba’t ibang paraan ng paglaban ang kanilang ginawa laban sa mga mananakop na dayuhan.
3. Ngunit ang mas madalas na pinaghahambing ay ang magkaibang paraang ginamit nina Rizal
at Bonifacio sa kanilang pakikipaglaban sa mga Kastila.
4. Pinagtatalunan pa nga ng ilang Pilipino kung sino nga ba kina Rizal at Bonifacio ang mas
karapat-dapat na tanghaling pambansang bayani ng Pilipinas.
5. Sang-ayon sa mga maka-Rizal, siya talaga ang nararapat na maging pambansang bayani dahil
sa kanyang katalinuhan at pagiging mahinahon.
6. Samantala, si Bonifacio, na isang anakpawis ay ipinagpalagay ng iba na higit na nababagay
maging pambansang bayani dahil sa paggamit niya ng tabak at tahasang paglaban sa mga
Kastila.
7. Para naman sa iba, walang itulak-kabigin sa dalawa sapagkat pareho silang naghandog ng
kanilang buhay para sa bayan.
8. Ayon pa sa marami, hindi lamang sina Rizal at Bonifacio ang dapat na ituring na pambansang
bayani kundi ang lahat ng mga bayani ng ating lahi na naghandog ng kanilang buhay alang-
alang sa bayan.
9. Hindi natin dapat kalimutang gunitain ang pagpapasakit ng ating mga bayani.
10. Taus-puso natin silang pasalamatan sa kalayaang tinatamasa natin sa kasalukuyan.
25
C. Isulat mo kung a. ganap o b. di-ganap ang pag-uulit ng salita. Titik lamang ang isulat sa
sagutang papel.
1. bukas na bukas 5. sasali 9. makinis na makinis
2. iiyak 6. lutung-luto 10. kakanta
3. maling-mali 7. pala-palagay
4. kabi-kabila 8. kulang-kulang
D. Lagyan ng ekis (x) ang pares ng salita sa Filipino na maituturing na pares minimal
_____1. kanta : banta (song : threat) 6. pitsel : pinsel (pitcher : paint brush)
_____2. sinta : pinta (sweetheart : painting) 7. pula : pulo (red : island)
_____3. bigay : bitay (gift : execution) 8. baso : basa (glass : read)
_____4.. diles : riles (anchovy : railroad) 9. bigo : ligo (frustrated : bath)
_____5.. lukso : tukso (leap : temptation) 10. lanta : kanta (withered : song)
Narito ang mga tamang kasagutan. Iwasto mo ulit ang iyong mga sagot.
A. 1. puso 6. ampunan 11. palad
2. tangi 7. aralan 12. bukid
3. bata 8. lansangan 13. araw
4. hapon 9. bibig 14. bakal
5. gutom 10. bayan 15. loob
B. 1. a 3. a 5. a 7. c 9. a
2. b 4. b 6. c 8. b 10. c
C. 1. a 3. a 5. b 7. b 9. b
2. b 4. b 6. a 8. a 10. b
D. 1. 3. 5. x 7. 9.
2. x 4. x 6. x 8. x 10. x
Sub-Aralin 2
Kahulugan ng Salita, at Sanhi at Bunga ng Pangyayari, Sabihin Mo!
Teksto, Bigyan Mo ng Pamagat na Alternativo!
Layunin: Pagkatapos ng sub-araling ito, inaasahan, kaibigan, na:
1. nasasabi mo ang kahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap
2. natutukoy mo ang kahulugan ng pamagat at nakapagbibigay ka ng isang alternativ
26
3. nabibigyang-kahulugan mo ang magkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi at
bunga ng pangyayari
Alamin
Kapag nabasa o narinig mo ang salitang “ahas,” ano ang una mong naiisip? Tao ba? Hayop?
Pareho? Maaaring maisip mo kaagad ay ang hayop na nasa mga kagubatan o madamong lugar,
nanunuklaw at makamandag. Pero, pwede rin namang ang maisip mo ay isang taong taksil, traydor o
masama, di ba? O kaya, halos sabay mong maisip ang dalawang ito. Pero kung nasa loob ng
pangungusap ang salitang “ahas,” matitiyak mo kaagad kung ano ang ibig sabihin nito batay sa
pagkakagamit sa pangungusap. Halimbawa:
1. Ibinigay nila sa Manila Zoo ang nahuli nilang ahas sa kanilang bakuran.
2. Hindi ko alam na ahas pala siya, matapos kong patirahin sa amin ay ninakawan pa ako.
Ano ang kahulugan ng salitang “ahas” batay sa pagkakagamit nito sa unang pangungusap?
Tama ka, hayop ang tinutukoy na “ahas” sa unang pangungusap. Ipinahiwatig ito ng pariralang
ibinigay sa Manila Zoo. Mga hayop lamang kasi at hindi tao ang ibinibigay sa Manila Zoo para
maproteksyunan at maalagaan ang mga ito, di ba?
Ano naman ang kahulugan ng salitang “ahas” sa pangalawang pangungusap? Tao, hindi ba?
Anong klaseng tao? Hindi ba’t traydor? Ipinahiwatig ito ng pariralang ninakawan pa ako. Traydor
ang taong matapos mong gawan ng mabuti ay pagnanakawan ka pa. Isa pa, walang kakayahang
magnakaw ang ahas, kaya tiyak kaagad na tao ang tinutukoy sa pangalawang pangungusap.
Mula sa mga halimbawang pangungusap, masasabing nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan
ang isang salita batay sa pagkakagamit sa pangungusap.
Linangin
Basahin at unawain mo ang tekstong nakasulat sa bahaging ito. Habang binabasa mo, isipin
mo na rin kung ano ang kahulugan ng mga salitang nakahilig batay sa pagkakagamit ng mga ito sa
pangungusap. Simulan mo na ang pagbasa ngayon.
27
Pananalig sa Diyos: Pag-asa sa Panahon ng Krisis
Marami na tayong naririnig at nababalitaan tungkol sa mga di-magandang nangyayari sa Pilipinas sa
kasalukuyan gaya ng banta ng terorismo, pagdukot sa mga Pilipinong manggagawa sa Gitnang Silangan,
katiwalian sa gobyerno, pagbulusok ng halaga ng piso laban sa dolyar, at kakulangan sa hanapbuhay ng mga
mamamayan. Patuloy na bumabagsak ang ekonomiya ng Pilipinas na nagdudulot ng krisis sa bansa. Ang
sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay nagiging dahilan kung bakit lumilipad ang presyo ng mga
bilihin na halos di na kayang abutin ng mga ordinaryong mamamayan. Marami sa kanila ang nawawalan na
ng pag-asang umangat sa buhay dahil sa matinding kahirapang nararanasan sa kasalukuyan. Titirik na lamang
daw ang kanilang mata ay hindi pa sila makatitikim ng ginhawa sa buhay. Para sa karamihan, madilim na ang
buhay na kanilang hinaharap.
Wala na ring tiwala ang mga mamamayan sa ilan sa mga pinuno ng bayan dahil sa pagiging tiwali at
korap ng mga ito. Ang nakalulungkot, hindi lamang ang mga nakaupo sa pamahalaan ang nagsasamantala sa
kaban ng bayan, kundi pati na rin ang matataas na opisyal ng pulisya at militar. Hindi na tuloy alam ng mga
mamamayan kung kanino sila lalapit at hihingi ng tulong sa sandali ng kagipitan at pangangailangan. Ang
tingin kasi nila sa mga pinunong ito ay lintang sumisipsip sa dugo ng mga Pilipino.
Hindi naman natin masisisi ang mga mamamayan kung maging ganito man ang kanilang damdamin
sapagkat lantaran na rin ang paggawa ng masasamang bagay ng mga politito at mga opisyal ng pulisya at
militar gaya ng pakikisangkot nila sa kidnaping, pagtulak ng droga, karnaping, ekstorsyon, at iba pang
imoralidad. Ang iba naman ay nasasangkot sa protistusyon kundi man mga batang ibinabahay o
sinusustentuhann.
Kung iisipin, tila wala na nga yatang pag-asang makabangon pa ang Pilipinas mula sa krisis na
kinalalagyan natin ngayon. Pero ang totoo, malaki pa ang pag-asa natin kung magtutulung-tulong lamang ang
lahat at magsisikap na paunlarin ang sarili nang hindi na palaging umaasa sa gobyerno. Ang paglipad ng mga
Pilipino patungo sa ibang bansa ay isang alternatibong solusyon sa kasalukuyang problemang pang-
ekonomiya ng Pilipinas. Ang dolyar na kanilang kikitain at ipadadala sa Pilipinas ay makatutulong sa
paglago ng reserbang dolyar ng bansa na makatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Ang pagsusunog ng
kilay ng mga kabataan habang may pagkakataon pa silang mag-aral ay makatutulong din para hindi na sila
maging pasanin pa ng gobyerno pagdating ng araw. Ang paghihigpit ng sinturon habang may pambansang
krisis tayong dinaranas ay makatutulong din. Tipirin din natin ang paggamit sa kuryente, tubig, gasolina, at
langis.
Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ito na lamang ang mahalagang bagay na natitira sa atin kaya’t
huwag nating hayaang pati ito ay mawala pa sa atin.
Higit at lalo sa lahat, huwag din tayong bibitiw sa Diyos. Sa panahon ng mga problema at di-
magagandang pangyayaring nagaganap sa ating paligid, tanging ang Diyos lamang ang maaari nating
sandalan at mahingan ng tulong. Habang patuloy tayong nagsisikap at nagpapakasipag ay patuloy din tayong
manalangin dahil nariyan lamang Siya at patuloy na nakasubaybay at nakaalalay sa atin. Ibibigay Niya ang
ating mga kahilingan sa Kanyang panahon at sa Kanyang sariling kaparaanan. Sa pagpupunyagi at
pananalangin, laging may pag-asa tayong kakamtin.
28
Naritong muli ang ilang katanungang makatutulong sa iyo para matiyak kung naunawaan mo ang
tekstong iyong binasa. Subukin mong sagutin ang bawat tanong.
1. Anu-anong patunay ang ibinigay ng sumulat para palitawing may krisis nga o problemang
dinaranas ang Pilipinas?
2. Bakit daw hindi naniniwala ang iba na naghihirap ang bansa?
3. Bakit nawawalan ng tiwala sa ilang politiko ang mga mamamayan?
4. Sa palagay ng awtor, may pag-asa pa bang makaahon sa krisis ang bansa? Anu-anong
patunay ang kanyang ibinigay para masabi ito?
5. Para sa awtor, anong bagay ang di natin dapat kalimutan sapagkat ito ang magbibigay sa atin
ng pag-asa?
Isang pagbati ang ibinibigay ko sa iyo kung ang mga sumusunod ang sagot mo sa bawat
tanong. Kung hindi mo naman nakuha lahat ng tamang sagot, huwag kang malungkot. Basahin mo
na lang ulit ang teksto para mahanap mo ang mga sagot na ito.
1. ang patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin
na halos di na kayang abutin ng mga ordinaryong mamamayan, at ang kawalan ng pag-asa ng
mga mamamayan
2. marami pa ring mayaman at patuloy na yumayaman
3. dahil sa maruming gawain ng mga politiko gaya ng pagsasamantala sa mahihirap at
pagnanakaw sa pera ng bayan
4. oo, naniniwala ang awtor na may pag-asa pang umunlad ang Pilipinas kailangan lamang
magtulung-tulong at magkaisa ang mga Pilipino, patunay din ang pagtatrabaho ng mga
Pilipino sa ibang bansa, ang pag-aaral na mabuti ng mga estudyante, ang pagtitipid ng mga
mamamayan
5. pagdarasal sa Diyos
Ano ang naramdaman mo matapos mong basahin ang teksto? Nalungkot ka ba dahil sa
problemang kinakaharap ng bansa? Maaari.
Nagalit ka ba dahil sa pagbabale-wala ng ilang politiko sa pangangailangan ng mga
mamamayan? Marahil.
Natuwa ka ba dahil sa kabila ng lahat ay may pag-asa pa ang bansa natin sapagkat hindi tayo
pababayaan ng Diyos na lumikha sa atin? Sigurado.
Pwede ring naramdaman mo nang sabay-sabay ang lahat ng ito, di ba? Nakatulong ang
masining na paggamit ng salita ng sumulat para madama mo ang nilalaman ng teksto. Kung nadama
mo ang nilalaman ng teksto, ibig sabihin ay naunawaan mo rin ito at nakuha mo ang kahulugan ng
mga salita batay sa pagkakagamit ng mga ito sa pangungusap.
29
A. Pagkuha ng Kahulugan ng Salita Batay sa Pagkakagamit sa Pangungusap
Balikan mo ang unang talata sa teksto at hanapin mo ang mga salitang nakasulat nang pahilig.
Maibibigay mo ba ang kahulugan ng bawat salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap?
1. pagdukot sa mga manggagawang Pilipino 4. titirik ang mata nang walang
2. bumabagsak na ekonomiya nadaramang pag-asa
3. lumilipad na presyo ng mga bilihin 5. makatitikim ng ginhawa sa buhay
Tama ka kung ang mga sumusunod ang iyong sagot:
1. pagkidnap 4. mamamatay
2. patuloy na humihina 5. makararanas
3. walang tigil sa pagtaas
Sa pagkakataong ito ay ikaw naman ang magbibigay ng kahulugan ng iba pang salitang
nakahilig sa teksto.
1. madilim na kinabukasan 6. ipagpatuloy ang pagsusunog ng kilay
2. lintang sumisipsip sa dugo ng Pilipino 7. huwag maging pasanin ng gobyerno
3. batang ibinabahay 8. paghihigpit ng sinturon ng mamamayan
4. pag-asang makabangon sa kahirapan 9. huwag bibitiw sa Diyos
5. paglipad sa ibang bansa 10. sinasagot ng Diyos ang mga panalangin
Iwasto mo ang iyong nga sagot. Tingnan mo kung ganito ang naging mga sagot mo:
1. kawalan ng pag-asa, kahirapan 6. pag-aaral na mabuti
2. mapagsamantala, manghuhuthot 7. pabigat
3. kerida, kabit 8. pagtitipid
4. magkaroon ng maayos o mabuting pamumuhay 9. laging magtiwala sa Diyos
5. pagtungo sa ibang bansa o pangingibang-bayan 10. dinidinig o pinagbibigyan
Nakuha mo bang lahat ng tamang sagot? Masaya ako para sa iyo kung mas marami kang
nakuhang tamang sagot. Kung hindi naman, walang problema, okey lang. May susunod pa namang
mga gawaing katulad nito sa pagpapatuloy mo sa pagbuklat ng modyul na ito. Natitiyak kong mas
mataas na ang markang makukuha mo mamaya.
B. Pagbibigay ng Pamagat na Alternativ
Ano kaya sa palagay mo ang ibig sabihin ng pamagat na Pananalig sa Diyos: Pag-asa sa
Panahon ng Krisis? Kung pagbabatayan ang nilalaman ng teksto, mangangahulugan ang pamagat na
huwag tayong mawalan ng pag-asa gaano man kabigat ng krisis na kinakaharap natin sa kasalukuyan.
Nariyan palagi ang Diyos upang tayo ay tulungan basta ‘t manalig lamang tayo sa Kanya. Ang krisis
30
ay bahagi ng buhay, di ito magtatagal at laging may mahahanap na solusyon para rito sa tulong ng
Diyos. Ang pag-asa ay palaging kakambal ng anumang krisis, problema o pagsubok.
Tandaan mo na ang anumang teksto o babasahin ay palaging nakalantad sa iba’t ibang
interpretasyon o pagkaunawa ng mambabasa. Maaaring ang awtor mismo ay may sariling
pakahulugan sa kanyang isinulat pero hindi niya mapipigil ang mambabasa na magbigay ng sarili
nitong pakahulugan o interpretasyon batay sa sarili niyang pagkaunawa sa teksto.
Halimbawa, kung mas nagbigay-pansin ang mambabasa sa unang bahagi ng teksto, maaaring
ang ibigay niyang pamagat ay isa sa mga sumusunod:
a. Mga Problema ng Bansa, Lumalala
b. Iba’t Ibang Suliranin ng Pilipinas
c. Ang Krisis sa Pilipinas
d. Pilipinas, Nahaharap sa Krisis
Samantala, kung ang huling bahagi naman ng teksto ang mas binigyan niya ng pansin, ano
kayang pamagat na alternativ ang ibibigay niya para rito? Maaaring alinman sa mga sumusunod ang
ibigay niya:
a. Panalangin Kontra Suliranin
b. Sa Diyos Tayo Lagi Tumawag
c. Walang Bibitiw sa Panalangin
d. Diyos ang Pag-asa sa Panahon ng Krisis
Maaaring maging ikaw ay magkaroon ng ibang interpretasyon o pag-unawa sa tekstong
kababasa mo lang, hindi ba? Halimbawa, kung sasabihin ko sa iyong bigyan mo ng isang bago o
alternativ na pamagat ang teksto, maaaring ang pagbabatayan mo ng pamagat na iyong ibibigay ay
kung ano ang pagkaunawa mo sa teksto. Isang paraan ito ng pagbibigay ng alternativ na pamagat.
Sige nga, kung pabibigyan sa iyo ng pamagat na alternativ ang tekstong Pananalig sa Diyos:
Pag-asa sa Panahon ng Krisis, ano ang ibibigay mo? Isulat mo ang iyong sagot sa patlang.
____________________________________________
(Pamagat na Alternativ)
Suriin mo ngayon ang pamagat na iyong ibinigay batay sa mga sumusunod:
1. May kaugnayan ba ang iyong pamagat sa nilalaman ng teksto?
Kung mayroon, hindi ba nito ibinubunyag ang kabuuan ng teksto?
2. Maikli lamang ba ang ito? Madali ba itong tandaan?
3. Nakakukuha ba ito ng atensyon ng mambabasa?
4. Malinaw ba at madaling maunawaan ang mga salitang ginamit mo?
5. Pinag-isip ba nito ang mambabasa?
31
Kung ang sagot mo sa lahat ng tanong sa itaas ay oo, isa lamang ang ibig sabihin nito, taglay
ng iyong ibinigay na pamagat na alternativ ang mga katangian ng isang mabuting pamagat.
Mahalagang may kaugnayan ang pamagat sa teksto upang sa pamagat pa lamang ay
magkaroon na ng paunang impormasyon ang mambabasa kung tungkol saan ba ang babasahin niyang
teksto. Ngunit hindi naman nangangahulugang ibinubunyag na ng pamagat ang nilalaman ng teksto
dahil kung magkakaganito, mawawalan na ng interes ang sinumang mambabasa na tunghayan at
basahin ang kabuuan ng teksto kung alam na niya sa pamagat pa lamang kung ano ang nilalaman
nito.
Kailangang maikli lamang ang pamagat. Mas maganda kung madaling matandaan. Dapat
ding nakakagaganyak ito at nagbibigay ng interes sa mambabasa. Sa pamagat kasi nakasalalay kung
ipagpapatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa teksto o hindi.
Importante ring malinaw at madaling maunawaan ang mga salitang gagamitin sa pamagat.
Kung hindi naiintindihan ng mambabasa ang pamagat, aakalain niyang ganoon din ang buong teksto
kaya mas malamang na hindi na niya itutuloy ang pagbasa.
Higit sa lahat, ang isang mabuting pamagat ay humihikayat sa mambabasa na mag-isip at
maging kritikal o mapanuri. Kailangang mahamon nito ang talino ng mambabasa na pag-isipan sa
pamagat pa lamang kung ano ang nakatakdang niyang basahin pati na ang kahalagahan nito.
C. Pagtukoy sa Sanhi at Bunga
Balikan mo ang mga pahayag na ito mula sa teksto:
a. Patuloy na bumabagsak ang ekonomiya ng Pilipinas na nagdudulot ng krisis sa bansa.
b. Ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay nagiging dahilan kung bakit
lumilipad ang presyo ng mga bilihin.
c. Marami sa kanila ang nawawalan na ng pag-asang umangat sa buhay dahil sa
matinding kahirapang nararanasan sa kasalukuyan.
Ano ang bunga ng patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas? Tama. Nagdudulot ito
ng krisis sa bansa. Ano ang sanhi ng paglipad ng presyo ng mga bilihin? Magaling. Dulot ito ng
sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Samantala, ano naman ang sanhi kung bakit
nawawalan ng pag-asang umangat sa buhay ang mga Pilipino? Mahusay. Dahil nga ito sa matinding
kahirapang nararanasan nila sa kasalukuyan.
Kapansin-pansin na ang mga pangungusap na ito ay nagsasabi ng sanhi at bunga, hindi ba?
Ang pagtukoy sa sanhi at bunga ay pagkilala sa relasyong namamagitan sa mga sitwasyong a at b,
na ang ibig sabihin, ang sitwasyong a ang siyang sanhi ng pagkakaroon ng sitwasyong b. O maaari
namang, ang sitwasyong b ang bunga o epekto ng sitwasyon a.
Isa-isahin natin ang mga halimbawang pangungusap sa itaas:
32
Sitwasyon a - patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas (sanhi)
Sitwasyon b - krisis sa bansa (bunga)
Sitwasyon a – sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis (sanhi)
Sitwasyon b – paglipad ng presyo ng mga bilihin (bunga)
Sitwasyon a - matinding kahirapang nararanasan sa kasalukuyan (sanhi)
Sitwasyon b - marami ang nawawalan ng pag-asang umangat sa buhay (bunga)
Pag-aralan mo ang ilustrasyong ito:
1. ang a ang sanhi o dahilan ng b 3. ang b ang bunga o resulta ng a
2. dahil sa a, nangyari o naganap ang b
Tandaan mo na ang relasyong sanhi at bunga ay may kaugnayan sa pagsagot sa tanong na
“bakit?” o “ano ang dahilan?” sa mga pangyayari o sitwasyong nagaganap. Halimbawa: Bakit
nawawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa mga pinuno ng bansa? Ano ang dahilan ng
pangingibang-bayan ang mga mangagawang Pilipino? Bakit hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa?
Ginagamit ang mga pangatnig na dahil sa, bunga ng, bilang resulta, kung kaya, kapag, sanhi
ng, kasi, kaya naman, sapagkat, at iba pa upang ipakita ang relasyong sanhi at bunga.
Gamitin
Susubukin mong gamiting muli sa bahaging ito ang mga natutunan mo sa Linangin. Katulad
sa Sub-Aralin 1, sikapin mong gawing lahat ang mga nakasaad sa bawat gawain. Kung mayroon
kang tanong, huwag kang mahiyang lumapit sa iyong guro para magabayan at matulungan ka niya.
Simulan mo na ang pagsagot sa mga gawain kung handa ka na.
Basahin mo ang teksto, pagkatapos, sagutin mo ang mga tanong na kaugnay nito.
Sa Asya isinilang ang lahat ng mga pangunahing relihiyon sa daigdig. Ang bawat
relihiyong ito ay may iba’t ibang paniniwala at paraan ng pagsamba ngunit lahat ay may iisang
paniniwala na may isa lamang makapangyarihang lumikha ng lahat ng bagay sa daigdig. Ang
paniniwalang ito ng mga Asyano ang nagsisilbing liwanag sa paggawa ng kabutihan. Ito rin ang
naging pamantayan nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Naranasan na ng mga Asyano ang iba’t ibang hamon sa buhay tulad ng mga kalamidad,
pananakop at pagsasamantala ng mga makapangyarihang bansa, matinding kahirapan, at mga
karamdaman na naging dahilan kung bakit kinailangan nila ng relihiyong kanilang
masasandigan. Naghahanap ang mga Asyano ng katotohanan, kaligtasang ispiritwal, at
kapayapaan ng buhay, at bilang resulta, nagkaroon ng mahigit sa isang relihiyon sa bahaging ito
ng mundo.
33
Sa Kanlurang Asya, tatlong malalaking rehiyon ang sumilang – Judaismo, Kritiyanismo,
at Islam. Sa Timog Asya nagmula ang Hinduismo at Budhismo. Bukod sa mga ito, may iba
pang relihiyon ang matatagpuan sa Asya, ito ay ang Zoroastrianismo, Sikhismo, Jainismo, at
Sufismo. Sa bansang Tsina, kinikilalang relihiyon ang pinagsamang paniniwala at seremonyang
may kinalaman sa Confucianismo at Taoismo. Ang mga tao naman sa bansang Hapon ay
naniniwala sa relihiyong Shintoismo
Bagamat iba’t iba ang paniniwala ng mga relihiyong ito sa Asya, malinaw na nagkakaisa
naman ang mga ito sa layuning mapabuti ang sangkatauhan. Anuman ang relihiyong
kinabibilangan ng isang tao, mahalagang matutunan na igalang ito ng iba. Ito ay hindi dapat
ipilit o idikta ng sinuman sapagkat bawat isa ay may karapatang pumili at maging myembro ng
relihiyong magbibigay sa kanya ng katiwasayan ng puso at isip. Hindi rin natin dapat ituring na
iba sa atin ang isang taong may ibang relihiyon o paniwala sa atin dahil anuman ang relihiyong
kinaaaniban ng isang tao at anuman ang ritwal o seremonyang sinusunod ng isang relihiyon sa
pagsamba, iisa pa rin ang Diyos na pinapupurihan natin sa mga biyayang ating natatanggap, at
dinarasalan at tinatawag nating lahat sa oras na tayo’y nangangailangan ng tulong at kalinga.
Tingnan natin kung naunawaan mo ang teksto. Isulat mo ang sagot sa bawat tanong sa iyong
sagutang papel.
A.
1. Saan isinilang ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig?
2. Ano ang iisang paniniwala ng iba’t ibang relihiyon sa daigdig?
3. Anu-ano ang tatlong malalaking relihiyon sa Kanlurang Asya?
4. Anu-anong relihiyon ang nagmula sa Timog Asya?
5. Ano ang kinikilalang relihiyon sa bansang Tsina?
6. Ano naman ang pinaniniwalaang relihiyon sa bansang Hapon?
7. Anu-ano pa ang ibang relihiyong matatagpuan sa Asya?
8. Ano ang layunin ng lahat ng mga relihiyon sa Asya?
9. Maliban sa pagbibigay ng liwanag sa paggawa ng kabutihan, ano pa ang kahalagahan ng relihiyon
sa mga Asyano?
10. Ano ang ginagawa natin kapag tayo ay:
a. tumatanggap ng biyaya mula sa Diyos
b. nangangailangan ng tulong at kalinga ng Diyos
34
a. _______________________________________________________________________________
b. _______________________________________________________________________________
Tiyakin naman natin ngayon kung naunawaan mo ang aralin. Sagutin mo ang mga tanong.
B. 1. Ano ang kahulugan ng salitang isinilang sa unang pangungusap? Bilugan mo ang titik ng
wastong sagot
a. sumulpot b. ipinanganak c. itinatag
2. Ano ang kahulugan ng salitang liwanag sa pangtlong pangungusap? Bilugan mo ang titik ng
wastong sagot.
a. ilaw b. gabay c. kuryente
3. Ano ang kahulugan ng salitang hamon sa pangtlong pangungusap? Bilugan mo ang titik ng
wastong sagot.
a. pagsubok b. palaisipan c. kaguluhan
4. Ano ang kahulugan ng salitang masasandigan sa ikalimang pangungusap? Bilugan mo ang
wastong sagot.
a. makukuhanan ng lakas b. pader c. masisilungan
5. Ano ang sanhi ng pangangailangan ng mga asyano ng relihiyong masasandigan?
6. Ano ang bunga ng paghahanap ng mga Asyano ng katotohanan, kaligtasang ispiritwal,
at kapayapaan ng buhay?
7. Bakit hindi dapat ipilit o idikta sa sinuman ang pagsali sa isang uri relihiyon?
8. Bakit hindi natin dapat ituring na iba sa atin ang isang taong may ibang relihiyon o paniwala sa
atin?
9. Ano ang pinakaangkop na pamagat para sa teksto? Bilugan mo ang wastong sagot.
a. Buhay Asyano b. Mga Relihiyon sa Asya C. Bakit May Relihiyon
10. Ano ang hindi angkop na pamagat para sa teksto? Bilugan mo ang tamang sagot.
a. Iba’t Ibang Relihiyon ng mga Asyano
b. Asya: Tahanan ng mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig
c. Ang mga Diyos ng mga Asyano
Narito ang mga tamang sagot. Nakuha mo kayang lahat ang mga ito?
35
A. 1. Asya
2. isa lamang ang makapangyarihang lumikha ng lahat ng bagay sa daigdig
3. Judaismo, Kristiyanismo at Islam
4. Hinduismo at Budhismo
5. Confucianismo at Taoismo
6. Shintoismo
7. Zoroastrianismo, Sikhismo, Jainismo, at Sufismo
8. mapabuti ang sangkatauhan
9. nagiging pamantayan nila ang relihiyon sa pang-araw-araw na pamumuhay
10. a. pinapupurihan ang Diyos
b. dinarasalan at tinatawag natin ang Diyos para hingan ng tulong at kalinga
B. 1. c
2. b
3. a
4. a
5. ang naranasan nilang iba’t ibang hamon sa buhay tulad ng mga kalamidad,
pananakop at pagsasamantala ng mga makapangyarihang bansa, matinding
kahirapan, at mga karamdam
6. nagkaroon ng mahigit sa isang relihiyon sa bahaging ito ng mundo
7. sapagkat bawat isa ay may karapatang pumili at maging myembro ng relihiyong
magbibigay sa kanya ng katiwasayan ng puso at isip
8. dahil anuman ang relihiyong kinaaaniban ng isang tao at anuman ang ritwal o
seremonyang sinusunod ng isang relihiyon sa pagsamba, iisa pa rin ang Diyos na
pinapupurihan natin sa mga biyayang ating natatanggap, at tinatawag nating lahat
sa oras na tayo’y nangangailangan ng tulong at kalinga
9. b
10. c
Lagumin
Sa sub-araling ito, natutunan mo ang pagkilala sa kahulugan ng salita, ang pagbibigay ng
alternativ na pamagat, at ang pagtukoy sa sanhi at bunga.
Narito ang mahahalagang konseptong pinag-aralan mo:
Nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan ang isang salita batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap.
Karaniwang nakabatay sa pagkaunawa ng mambabasa sa nilalaman ng teksto ang pagbibigay
ng alternativ na pamagat. Ang mga sumusunod ang katangian ng isang mabuting pamagat:
a. may kaugnayan sa nilalaman ng teksto
b. hindi nagbubunyag ng kabuuan ng teksto
36
c. maikli at madaling tandaan
d. nakakakuha ng atensyon ng mambabasa
e. malinaw at madaling maunawaan ang mga salitang ginamit
f. pinag-iisip ang mambabasa
Tinatawag na pagkilala sa sanhi at bunga ang pagkilala sa relasyong namamagitan sa mga
sitwasyong a at b, na ang ibig sabihin, ang sitwasyong a ang siyang sanhi ng pagkakaroon ng
sitwasyong b. O maaari namang, ang sitwasyong b ang bunga o epekto ng sitwasyon a.
Naipakikita rin ang relasyong sanhi at bunga sa pamamagitan ng ilustrasyong ito:
1. ang a ang sanhi o dahilan ng b
2. dahil sa a, nangyari o naganap ang b
3. ang b ang bunga o resulta ng a
Subukin
Kaibigan, narito pa ang ilang gawaing makatutulong sa iyo para sa ganap na pag-unawa mo sa
iyong aralin. Katulad kanina, sagutin mo ulit sa abot ng iyong makakaya ang mga pagsasanay sa
bahaging ito, ha? Iwasan mo sanang magmadali sa pagsagot para hindi ka magkamali. Lumapit ka
lang at magtanong sa iyong guro kung mayroon kang hindi maunawaan. O, handa ka na ba ulit sa
pagsagot? Sige, simulan mo na.
I. Piliin mo sa loob ng kahon ang angkop na pangatnig para sa bawat pangungusap upang maipakita
ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Ayon sa mga kwento, mababait ang lahat ng mga tao noong araw (_____1_____) kapag sila’y
namatay, nagiging anghel sila sa langit. Wala raw kaluluwang gumagala sa kalupaan (_____2_____)
lahat ng namatay ay napupunta sa kalangitan.
Si Lucifer, ang pinakamatalinong anghel sa lahat (______3_____) pinili siya ng Diyos upang
maging lider o pinuno ng mga anghel sa langit. Nang magtagal, naging mayabang na anghel si
Lucifer. Akala niya ay makakaya niyang talunin ang Diyos, at (______4______), palagi niyang
hinahamon ang Diyos sa isang duwelo. Naging malala pa ang pagiging mayabang ni Lucifer sa
paglipas ng mga araw (______5______) tinanggap na ng Diyos ang hamon nito. Ngunit bago
maganap ang duwelo, pinulong ng Diyos ang lahat ng mga anghel sa langit (______6______) gusto
niyang pumili ang mga anghel kung kanino sila kakampi, kung sa Kanya ba o kay Lucifer. Dalawa
lamang ang pamimilian ng mga anghel, ang Diyos o si Lucifer, pero nahati sila sa tatlong grupo. Ang
unang grupo ay kumampi sa Diyos. Ang pangalawang grupo ay kumampi kay Lucifer. Ang
pangatlong grupo naman ay walang kinampihan sinuman sa Diyos at kay Lucifer. Natatakot silang
magkamali, at (______7______) wala silang kinampihan sinuman sa dalawa. .
Naganap ang duwelo ng Diyos at ni Lucifer, at (______8______), nanalo ang Diyos at natalo
si Lucifer. Si Lucifer at ang mga kumampi sa kanya ay inihulog ng Diyos sa impyerno. Si Lucifer
ang kilala natin ngayon bilang Satanas. Ang grupo ng mga anghel na walang kinampihan ay inihulog
37
ng Diyos sa mundo. Ang iba sa kanila ay nahulog sa karagatan at naging mga sirena at syokoy, ang
iba ay sa kagubatan naman napunta at naging mga ada, diwata, kapre, tikbalang, tyanak at nuno sa
punso. Ang iba naman ay napunta sa kabayanan at naging mga duwende (______9_____) raw may
mga duwende tayong kasa-kasama sa ating bahay. Samantala, ang mga anghel na kumampi sa Diyos
ay muli Niyang pinabalik sa kalangitan (_____ 10______) nanatili silang mga anghel sa langit. Sila
ang mga anghel na nagbabantay at nangangalaga sa atin sa anumang oras.
kaya bunga nito sapagkat dahil dito
kaya naman dahil bilang resulta
II. Sumulat ka ng limang pamagat na naangkop sa teksto.
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________
Alamin mo kung talagang naunawaan mo na ang aralin. Narito ang mga tamang kasagutan,
iwasto mo ang iyong mga sagot.
I. 1. kaya, dahil dito 5. kaya 9. kaya
2. sapagkat, dahil 6. dahil, sapagkat 10. kaya naman
3. kaya 7. bunga nito
4. dahil dito, bunga nito 8. bilang resulta
II. Ipatsek mo sa iyong guro ang iyong mga isinulat na alternativ na pamagat.. Sasabihin niya sa
iyo kung angkop ba para sa teksto ang mga inilista mong pamagat.
Kumusta ang iyong mga sagot, kaibigan? Mataas ba ang nakuha mong marka? Kung may
mga bahaging hindi mo pa nakuha ang wastong sagot, huwag ka ulit malungkot. Sagutin mo lang
ang mga gawain sa Paunlarin. Makatutulong ito sa iyo para mas maunawaan mo pang mabuti ang
iyong aralin. Pero kung sa palagay mo ay mataas na ang markang nakuha mo, maaari nang huwag
mong gawin ang mga gawain sa Paunlarin, at sa halip, magtuloy ka na sa pagsagot ng ikaapat na
modyul.
38
Paunlarin
Simulan mo nang sagutin mo ang mga gawain sa bahaging ito kung tapos ka nang
magpahinga para makita mo kung gaano ka na kahusay.
I. Basahin mo ang teksto at pagkatapos, gawin mo ang mga gawaing kaugnay nito na naksulat sa
Ibaba
Ang Islam
Ang Islam ang pinakabatang relihiyon sa daigdig. Ito ay tinatawag ding
Mohamedanismo, galing sa tagapagtatag na si Mohammed. Itinatag ni Mohammed ang
relihiyong Islam matapos na gugulin niya ang panahon sa pagmumuni-muni sa mga
suliraning panlipunan ng Mecca. Sa isa sa mga pagmumuning ito ay nagpakita sa kanya si
Arkanghel Gabriel na nag-iwan ng mensaheng “walang ibang Diyos kundi si Allah”. Ngunit
dahil iba’t ibang diyos ang pinaniniwalaan ng mga Arabe noong panahong iyon,
pinagtawanan at tinuligsa nila si Mohammed. Kaya noong 622 AD, siya at ang kanyang
mga tagasunod ay lumikas patungong Yatrib na pinangalanang Medina o ang “Lungsod ng
Propeta”. Ang paglalakbay na iyon ay tinawag na Hegira o Hijra.
Sa Medina, si Mohammed ay tinanggap bilang pinuno at mambabatas bukod pa sa
pagiging propeta. Pinagsanib niya ang pangangaral at pakikibaka. Unti-unting lumago ang
bagong relihiyon kasabay ng pagwawagi ng mga Muslim laban sa mga taga-Mecca. Noong
630 AD, matagumpay silang nakabalik sa Mecca at pinagsisira nila ang mga imahe roon. Sa
Mecca niya itinatag ang sentro ng relihiyong Islam. Ang Koran ay ang sagradong aklat na
naglalaman ng mahahalagang aral ni Mohammed para sa mga Muslim. Kung gaano
kahalaga sa mga Kristiyano ang Biblia, ganoon din kahalaga ang Koran sa mga nananalig
kay Allah.
Ayon kay Mohammed, ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat at siyang lumikha
ng sandaigdigan. Isinugo ng Diyos ang mga propeta upang turuan at iligtas ang
sangkatauhan sa kasalanan. Ang kabutihan at katarungan sa Islam ay nagsisimula sa
paggalang sa magulang. Sa tahanan nagsisimula ang pagtuturo ng pagkamagalang,
kabutihan, at iba pang kabutihang asal.
Tulad ng mga Kristyano, naniniwala rin ang mga Muslim sa paghuhukom. Ang mabubuting
tao
ay makatatamo ng buhay na walang-hanggan at ang masasamang tao ay patuloy na
maghihirap.
Muli, sagutin mo ang mga tanong upang malaman mo kung naunawaan mo nang ganap ang
teksto.
39
A.
1. Sino ang nagtatag ng relihiyong Islam?
2. Kailan niya itinatag ang relihiyong islam?
3. Ano pa ang isang tawag sa relihiyong islam?
4. Ano ang iniwang mensahe ni Anghel Gabriel kay Mohammed nang magpakita ito sa
kanya?
5. Ano ang sanhi ng pagtuligsa at pagtawa kay Mohammed ng mga Arabe?
6. Ano ang naging bunga ng pagtuligsa at pagtatawang iyon kay Mohammed ng mga Arabe?
7. Ano ang tawag sa paglalakbay na isinagawa ni Mohammed?
8. Ano ang naging bunga ng paglalakbay ni Mohammed sa Medina?
9. Ano ang Koran?
10. Ano ang pagkakatulad ng Kristyanismo sa relihiyong Islam?
II. Pumili ka ng sampung salita sa teksto at ibigay mo ang kahulugan batay sa pagkakagamit ng mga
ito sa pangungusap.
Salita Kahulugan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap
1. _____________________ _____________________________________________
2. _____________________ _____________________________________________
3. _____________________ _____________________________________________
4. _____________________ _____________________________________________
5. _____________________ _____________________________________________
6. _____________________ _____________________________________________
7. _____________________ _____________________________________________
8. _____________________ _____________________________________________
9. _____________________ _____________________________________________
10. ____________________ _____________________________________________
III. Umisip ka ng dalawang alternativ na pamagat para sa teksto.
Alternartiv na Pamagat 1: ____________________________________________________________
Alternativ na Pamagat 2: ____________________________________________________________
40
Iwasto mong muli ang iyong mga sagot.
I. 1. Mohammed
2. Mohamedanismo
3. matapos niyang gugulin ang panahon sa pagmumuni-muni sa mga suliraning panlipunan ng
Mecca
4. “walang ibang Diyos kundi si Allah’
5. dahil iba’t ibang diyos ang pinaniniwalaan ng mga Arabe noong panahong iyon
6. siya at ang kanyang mga tagsunod ay lumikas noong 622AD patungong Medina
7. Hegira o Hijra
8. unti-unting lumago ang bagong relihiyong Mohamedanismo kasabay ng pagwawagi ng mga
Muslim laban sa mga taga-Mecca
9. sagradong aklat na naglalaman ng mahahalagang aral ni Mohammed sa mga Muslim
10. ang mga Kristyano at Muslim ay parehong naniniwala sa paghuhukom. Pareho ding
naniniwala ang dalawang relihiyong ito na ang mabubuting tao ay makatatamo ng buhay na
walang-hanggan at ang masasamang tao ay patuloy na maghihirap.
II. Ipatsek mo sa iyong guro ang iyong sagot. Sasabihin niya sa iyo kung tama ang mga ibinigay
mong kahulugan sa mga salitang napili mo.
III. Ipatsek mo sa iyong guro ang sagot. Sasabihin niya sa iyo kung angkop sa teksto ang dalawang
alternativ na pamagat na iyong ibinigay.
O, alam kong mataas ang markang nakuha mo kaya binabati kita. Binabati din kita sa iyong
pagsisikap at pagtitiyagang matuto. Gusto kong sabihin sa iyo na, natutuwa ako dahil matagumpay
mong natapos ang modyul na ito. Ngayon ay natitiyak kong handang-handa ka na para sa ikaapat na
modyul. Hangad ko para sa iyo ang isang masaya at matagumpay na pag-aaral sa ikaapat mong
modyul. Pero bago iyon, kailangang sagutin mo muna ang pangwakas na pagsusulit na inihanda ko
para sa iyo. Madali lamang ito at alam kong kayang-kaya mo!
Kaibigan, bago mo sagutin ang pangwakas na pagsusulit, magpapaalam na muna ako sa iyo.
Hanggang dito na muna ang ating pagsasama. Hanggang sa muli, kaibigan. Magandang araw sa iyo!
41
Gaano ka na kahusay?
I. Hanapin mo sa Kolum B ang isinasaad sa Kolum A. Letra lamang ang isulat mo sa sagutang
papel.
Kolum A Kolum B
A. 1. Tawag sa panlaping isinisingit sa pagitan ng unang a. maylapi
katinig at kasunod na patinig ng punong salita b. hulapi
2. Tawag sa salitang binubuo ng punong salita at panlapi c. unlapi
3. Tawag sa panlaping ikinakabit sa hulihan ng punong salita d. pares minimal
4. Tawag sa panlaping ikinakabit sa unahan ng punong salita e. gitlapi
5. Tawag sa pares ng salitang magkaiba ang kahulugan
ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa
isang tunog o ponema sa magkatulad na posisyon
B. 1. Tawag sa pagbubuo ng salita kung ang kabuuan nito o ang a. tambalan
isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit b. ganap na pag-uulit
2. Tawag sa pag-uulit ng bahagi lamang ng punong salita c. paglalapi
3. Tawag sa dalawang salitang pinagsama at nakabuo ng isa d. di-ganap o parsyal
lamang salita na pag-uulit
4. Tawag sa pag-uulit nang buo sa punong salita e. pag-uulit
5. Tawag sa pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng
pagsasama ng punong salita at panlapi
II. Hanapin mo sa kolum B ang karugtong ng parirala sa kolum A upang mabuo ang pangungusap at
maipakita ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Letra lamang ang isulat mo sa iyong sagutang
papel.
1. Pulu-pulo kasi ang Pilipinas at watak-watak a. pagwawakas ng pananakop ng
watak ang damdamin ng mga Pilipino, mga Kastila sa loob ng tatlong
at bunga nito… daang taon.
2. Naging mapang-abuso ang mga prayle at b. nagbuwis sila ng buhay upang
guardia civil sa mga Pilipino na muling mabawi ang kalayaang
nagresulta ng…. inagaw ng mga dayuhang
3. Likas na mapagmahal sa kalayaan ang Kastila.
mga Pilipino, kaya… c. pakikibaka at paghihimasik ng
4. Ang katapangan, kagitingan, at pagmamahal mga Pilipino laban sa kanila.
sa bayang ipinakita ng mga Pilipino ay d. madali tayong nasakop ng mga
ay nagbunga ng… dayuhang Kastila.
5. Ngunit bago pa man dumating ang mga e. naimpluwensyahan tayo ng
Kastila, matagal na tayong nakipagkalakalan dayuhang sumakop sa atin
42
sa mga Tsino, at dahil dito…. f. pagnanais na magkaroon ng
6. Naiba ang anyo ng mga Pilipino ngayon sa mas mataas na sweldo at mas
anyo ng mga katutubong Pilipino noong maunlad na buhay at para
unang panahon dahil sa… makaiwas sa kahirapan.
7. Nabago din ang maraming bagay sa atin g. mahal nila ang kanilang bansang
tulad ng paraan ng ating pamumuhay, sinilangan at ayaw nilang malayo
pananamit, pagkain, at iba pa, sapagkat… sa mga mahal nila sa buhay.
8. Nagkaroon din ng kaisipang kolonyal ang h. namana natin ang marami nilang
mga Pilipino sa dahilang… mga kaugalian at paniniwala.
9. Kaya naman ngayon, maraming Pilipino i. naniwala tayong mas magaling at
ang nangangarap manirahan sa ibang mas mabuti ang kultura ng ibang
bansa bunga ng… lahi kaysa sarili nating kultura.
10. Gayon pa man, may ilan pa ring mga j. pagpapakasal ng mga katutubong
Pilipino ang naniniwalang mas gusto Pilipino noong araw sa mga
nilang manatili sa bansa sapagkat… dayuhang nanirahan sa Pilipinas.
III. Idrowing mo ang ☺ sa bilang ng pares ng salitang maituturing na pares minimal.
________1. lamay : kamay (wake : hand)
________2. baso : laso (glass : ribbon)
________3. pagod : hagod (tired : massaging)
________4. suka : suko (vinegar : surrender)
________5. kulot : pulot (curly : honey)
________6. sampa : sumpa (climb : curse)
________7. lagay : tagay (condition : toast)
________8. lalim : talim (depth : blade)
________9. hukay : buhay (pit : life)
_______10. bangga : sangga (collision : shield)
_______11. damayan : kamayan (to give feeling of sympathy : to shake one’s hand)
_______12. pila : hila (line : pull)
_______13. pinto : hinto (door : stop)
_______14. puto : kuto (rice cake : louse/lice)
_______15. katok : batok (knock : nape)
IV. Isulat mo kung ang pagkakabuo sa punong salita ay sa pamamagitan ng a. paglalapi
b. pagtatambal at c. pag-uulit. Letra lamang ang isulat mo sa sagutang papel.
1. masayang-masaya 6. tatalun-talon 11. asahan
2. kakaunti 7. kinilala 12. nilangaw
3. akyat-panaog 8. bulaklakin 13. kasa-kasama
4. layu-layo 9. basag-ulo 14. bantay-salakay
5. sirang-sira 10. kapit-bisig 15. unti-unti
43
V. Basahin mo ang teksto. Pagkatapos, gawin mo ang mga gawaing kaugnay nito na nakasulat sa
ibaba.
Ang Relihiyong Buddhismo
Ang relihiyong Buddhismo ay sumilang noong ika-6 na siglo sa Hilagang India. Si
Siddharta Gautama Buddha na ipinanganak noong 560 BC sa may Timog Nepal ang
nagpasimula ng relihiyong ito. Ikinabit sa kanyang pangalan ang Buddha na ang ibig
sabihin ay “Ang Naliwanagan”. Si Siddharta ay isang prinsipe na nagtataglay ng lahat ng
bagay upang maging masaya sa buhay. Ngunit sa edad na 29, iniwan niya ang lahat ng ito
at maging ang kanyang pamilya upang hanapin ang kasagutan sa mga katanungan niya
tungkol sa paghihirap ng tao. Lumabas siya sa palasyo, naglakbay siya sa loob ng anim na
taon at nabuhay sa pamamagitan ng pamamalimos. At dito siya ganap na
naliwanagan. Sa loob ng 49 na araw ay nagbulay-bulay siya at nadama niya ang susi sa
hinahanap na dahilan sa paghihirap ng mga tao. Matapos ito, ipinangaral ni Siddharta ang
Apat na Dakilang Katotohanan o ang Four Noble Truths.
Layunin ng Buddhismo na makawala ang tao sa walang katapusang gulong ng
buhay at kamatayan. Makakamit ng tao ang Nirvana o ang walang hanggang kaligayahan
kung masusunod niya ang landas patungo rito. Hindi inisip ni Saddharta na magtayo ng
isang bagong relihiyon. Nais lamang niya na baguhin ang Hinduismo: tanggalin ang
kontrol ng mga
Brahman sa relihiyon at bigyan ng pag-asa ang mga nasa mababasang caste. Ngunit nang
siya ay pumanaw itinuring siyang isang diyos ng kanyang mga tagasunod at naging isang
relihiyon ang Buddhismo. Sa kasalukuyan, ang relihiyong Buddhismo ay laganap sa mga
bansang tulad ng Vietnam, Cambodia, Mongolia, Korea, Tsina, at Thailand.
A. Sagutin mo ang mga tanong.
1. Anong relihiyon ang sumilang sa Hilagang India noong ika-6 na siglo?
2. Sino ang nagpasimula ng relihiyong Buddhismo?
3. Ano ang kahulugan ng pangalang “Buddha?”
4. Bakit lumabas ng palasyo si Siddharta?
5. Paano nabuhay si Siddharta sa labas ng palasyo?
6. Ano ang bunga ng pagbubulay-bulay ni Siddharta sa loob ng 49 na araw?
44
7. Ano ang ipinangaral ni Siddharta?
8. Ano ang layunin ng Buddhismo?
9. Ano ang naging bunga ng pagsisikap ni Saddharta na mabago ang kalagayan ng mga tao?
10. Saan-saang bansa laganap ngayon ang relihiyong Buddhismo?
B. Hanapin mo sa kolum B ang kahulugan ng mga salitang nakahilig sa kolum A. Letra lamang ang
isulat mo sa sagutang papel.
A B
1. nagpasimula ng relihiyon a. nag-isip nang mabuti
2. ikinabit sa pangalan b. walang katapusan
3. lumabas sa palasyo c. nanguna
4. ganap na naliwanagan d. daan
5. nagbulay-bulay siya e. isinama
6. nadama ang susi f. namatay
7. makawala ang tao g. nangibang-bayan
8. walang hanggang kaligayahan h. kasagutan
9. siya ay pumanaw i. nabuksan ang isip
10. landas patungo dito j. makalaya
C. Bigyan mo ng alternativ na pamagat ang teksto. .
___________Ang Relihiyong Buddhismo__________
(Orihinal na Pamagat)
____________________________________________
(Alternativ na Pamagat)
45
Modyul 3
Pagsusuri sa Kayarian/ Kahulugan ng Salita
Pagtukoy sa Sanhi at Bunga at
Pagbibigay ng Alternativ na Pamagat
I. A. 1. e 2. a 3. b 4. c 5. d
B. 1. e 2. d 3. a 4. b 5. c
II. 1. d 3. b 5. h 7. e 9. f
2. c 4. a 6. j 8. i 10. g
III 1. 4. ☺ 7. 10. ☺ 13. ☺
2. ☺ 5. ☺ 8. 11. 14. ☺
3. 6. 9. ☺ 12. ☺ 15.
IV. 1. c 6. c 11. a
2. a 7. a 12. a
3. b 8. a 13. c
4. c 9. b 14. b
5. c 10. b 15. c
V. A. 1. Buddhismo
2. Siddharta Gautama Buddha
3. “Ang Naliwanagan”
4. upang hanapin ang kasagutan sa mga katanungan niya tungkol sa paghihirap ng tao
5. sa pamamagitan ng pamamalimos
6. nadama niya ang susi sa hinahanap na dahilan sa paghihirap ng tao
7. Ang “Apat na Dakilang Katotohanan” o “Four Noble Truths”
8. makawala ang tao sa walang katapusang gulong ng buhay at kamatayan
9. itinuring siyang Diyos nang siya’y pumanaw at naging relihiyon ang Buddhismo
10. Vietnam, Cambodia, Mongolia, Korea, Tsina, at Thailand.
B. 1. c 3. g 5. a 7. j 9. f
2. e 4. i 6. h 8. b 10. d
C. Para sa guro: Itsek ang alternativ na pamagat na ibinigay ng estudyante para sa teksto.
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 4
Ang Pagkilala at Pagbuo
ng Iba’t Ibang Pangungusap
2
Modyul 4
Ang Pagkilala at Pagbuo
ng Iba’t Ibang Pangungusap
Tungkol saan ang modyul na ito?
Kumusta na, kaibigan? Binabati kita sapagkat umabot ka na sa modyul na ito. Sigurado
akong handa ka na para dagdagan ang iyong kaalaman at kasanayan sa Filipino.
Sa nakaraang modyul, natutuhan mo kung ano ang salita at paano ito nabubuo. Sa modyul na
ito, matutuhan mo naman ang tungkol sa pangungusap. Naghanda ako ng mga aralin at gawain na
makatutulong sa iyo upang lalo mong maintindihan ang paksa. Mayroon din itong mga pagsasanay
upang lalo kang humusay sa pagbuo at paggamit nito.
Ano ang matututunan mo?
Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Nakabubuo ng mga pangungusap batay sa tiyak na balangkas
- payak
- tambalan
- hugnayan
- langkapan
2. Nakikilala at nakabubuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap batay sa layon
- naglalarawan
- nagsasalaysay
- naglalahad
- nangangatwiran.
3. Naipaliliwanag ang katwiran sa pagsalungat o pagsang-ayon sa isang ideya
4. Natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan sa tekstong binasa.
3
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Bago ang lahat, balikan mo ang mga panuto kung paano gamitin ang modyul na ito.
1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong susulatan. Gumamit ka ng
hiwalay ng sagutang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit.
2. Sagutin mo muna ang panimulang pagsusulit.
3. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto.
Maging matapat lamang sa pagwawasto.
4. Basahin at unawain mabuti ang mga teksto at panuto bago sagutin ang mga gawaing
kaugnay nito.
5. Huwag maglalaktaw ng sub-aralin at gawain. Pag-aralang mabuti ang mga paksa na
lilinang sa iyong mga kasanayan.
6. Sagutin mo ang mga pangwakas na pagsusulit upang matiyak mo kung natutuhan mo ang
aralin.
7. Bigyang halaga mo sana ang modyul na ito. Sikapin mong sagutin ang mga gawain nang
may pagsisikap upang ikaw ay lubusang matuto.
Ano na ba ang alam mo?
Marahil, iniisip mo na madali lang ang paksa ng modyul na ito. Araw-araw mo nga naman
kasing ginagamit ang pangungusap. Kung kaya’t bibigyan muna kita ng panimulang pagsubok upang
malaman ko ang iyong kaalaman tungkol dito. Simulan mo na! Tandaang gumamit ng hiwalay na
sagutang papel.
Kumpletuhin mo ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. Ang _____________ ay salita o mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.
a. letra
b. parirala
c. pangungusap
4
2. Ang mga salitang “batang babae” ay halimbawa ng _____________.
a. parirala.
b. pandiwa.
c. kataga.
3. Ang dalawang batayang bahagi ng pangungusap ay _____________________
a. pang-uri at pangngalan.
b. paksa at panaguri.
c. parirala at pandiwa.
4. Ang pangungusap na “Si Jenny ay nag-aaral.” ay halimbawa ng pangungusap na
____________.
a. payak.
b. tambalan.
c. hugnayan.
5. Ang pagpapaliwanag ay isang uri ng:
a. pagsasalaysay
b. paglalarawan.
c. paglalahad.
6. Ang pangungusap na ________________ ay pinagsamang pangungusap na tambalan at
hugnayan.
a. payak
b. tambalan
c. langkapan
7. Isang halimbawa ng pangungusap na tambalan ang __________________.
a. Sina John at Joan ay magkapatid.
b. Ang librong ibinigay mo sa akin ay nawala.
c. Si Art ay umaawit at si Bing ay sumasayaw.
8. ____________________ ang pangungusap kung ito ay nagkukuwento.
a. Nagsasalaysay
b. Naglalarawan
c. Nangangatwiran
5
Mahalaga ang mga hayop sa buhay ng tao.
Marami silang pakinabang sa atin. Sa kanila
tayo kumukuha ng pagkain tulad ng karne. Ang
kanilang balat ay nagagamit natin sa paggawa ng
damit at sapatos. Nakatutulong din sila sa ating
mga gawain.
9. Ang tatlong sangkap ng pagsulat ay ____________________.
a. lapis, papel at pambura
b. pangungusap, salita at parirala
c. kaisahan, pagkakaugnay-ugnay at diin
10. Piliin ang titik ng pangunahing ideya ng talata sa ibaba.
a. Kumukuha tayo ng pagkain sa hayop.
b. Mahalaga ang hayop sa buhay natin.
c. Magagamit natin ang balat ng hayop.
Nasagot mo ba ang lahat ng tanong? Sige, kunin mo na ang Susi sa Pagwawasto sa guro at
iwasto mo ang iyong mga sagot. Tingnan kung ano ang iyong iskor. Kung nakakuha ka ng:
8 – 10 Binabati kita! Natitiyak kong magiging madali sa iyo ang mga aralin!
1 – 7 Huwag kang mag-alala. Makatutulong sa iyo ang modyul na ito upang
maunawaan mo ang paksang tatalakayin.
Sige, pumunta ka na sa mga gawain.
Mga Gawain sa Pagkatuto
6
Ang Pinya ng Tagaytay
Ang bayan ng Tagaytay ay matatagpuan sa probinsiya ng Cavite. Kilala
ang Tagaytay dahil sa bulkan ng Taal, ang pinakamaliit na bulkan sa mundo.
Ngunit kilala rin ang Tagaytay dahil sa kanyang pinya.
Ang pinya ang kanyang pangunahing produkto. Maraming lupain sa
Tagaytay ang may taniman ng pinya. Kilala sa pagiging matamis ang kanilang
mga pinya. Ang mga ito ay kanilang kinakalakal. Ipinagbibili nila ito sa iba’t
ibang bayan sa Pilipinas. Ipinagbibili rin nila ito sa labas ng bansa.
Sub-Aralin 1
Pagkilala sa Pangungusap
Layunin
Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod:
1. nasasabi ang kahulugan ng pangungusap
2. naibibigay ang mga dalawang bahagi ng pangungusap
3. nakikilala ang dalawang ayos ng pangungusap
4. natutukoy ang pangungusap at hindi pangungusap
Alamin
“Magandang araw sa iyo, kaibigan.”
Sigurado akong naintindihan mo ang bati ko sa iyo. Pero kapag sinabi kong “araw sa iyo,”
hindi mo tiyak kung ano ang gusto kong sabihin.
Marahil, hindi lang sa pagkakataong ito hindi mo naunawaan ang sinasabi ng iyong kausap.
Sapagkat maaaring hindi pangungusap ang kanilang sinasabi. Ito ang halaga ng pag-alam kung
pangungusap o hindi ang iyong maririnig o mababasa.
Basahin mo ang maikling talata sa kabilang pahina.
Naiintindihan mo ba ang sinasabi ng mga grupo ng salita sa itaas? Natitiyak kong oo
sapagkat buo ang kanilang diwa. Kailan sinasabi na buo ang diwa? Kapag malinaw ang ideyang
kanilang isinasaad. Ang tawag sa mga grupo ng salitang ito ay pangungusap.
7
Linangin
Ang pangungusap ay may dalawang bahagi: ang paksa at panaguri. Ang paksa ang pinag-
uusapan sa pangungusap. Ang panaguri naman ay nagbibigay komento o tumatalakay sa paksa.
Suriin mo ang pangungusap sa ibaba. Alin ang paksa at panaguri sa pangungusap?
Ang tinapay ay masarap.
Kung sinabi mong “Ang tinapay” ang paksa, tama ka! Kung sinabi mo naman na “masarap”
ang panaguri, tama ka ulit! Ang paksa ng pangungusap ay ang tinapay. Sinasabi naman ng panaguri
na ito ay masarap.
Ngayon naman ay suriin mo ang dalawa pang pangungusap sa ibaba.
Ang kahon ay punung-puno ng laruan.
Ang bata ay nagmamadaling umuwi.
Ano ang paksa sa una at ikalawang pangungusap? Tama ka. Ang paksa sa unang
pangungusap ay “Ang kahon” samantalang sa ikalawa ay “Ang bata.”
Ngayon, pansinin mo ang nasa unahan ng dalawang paksa. Ano ang salitang nasa unahan ng
mga ito? Tama ka kung “Ang” ang iyong sagot. Ito ang madalas na nasa unahan ng paksa. Ibig
sabihin, ito ang pananda ng paksa. Ginagamit ito kapag isa lamang ang pinag-uusapan sa
pangungusap. Kapag maramihan naman ang pinag-uusapan sa pangungusap, ang mga salitang
“Ang mga” ang ginagamit.
Tingnan mo ang dalawang halimbawa ng pangungusap na may paksang maramihan.
Ang mga bata ay umaawit.
Ang mga alaga ni Jose ay malulusog.
Suriin mo ang dalawang pangungusap. Anong mga salita ang nasa unahan ng paksa?
Si Duday ay mabait na bata.
Sina Arnold at Roger ay magkaklase.
Tama ka. Nagsisimula ang unang pangungusap sa salitang “Si” at “Sina” naman ang
ikalawa. Ang mga salitang Si at Sina ay mga pananda din ng paksa. Kailan ginagamit ang Si at
Sina? Ginagamit ang Si at Sina kapag ang paksa sa pangungusap ay mga tao na may tiyak na
pangalan. Ang Si ay ginagamit kapag iisa ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ang Sina naman
ay ginagamit kapag maramihan ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Tingnan mo ang ilang halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng Si at Sina.
8
Si Kris ay maganda at matalino.
Sina Roy, Bong at Rowel ay pumunta sa simbahan.
Ano ang napansin mo sa ayos ng mga paksa at panaguri? Tama. Nauuna ang paksa sa
panaguri. Kapag ang paksa ay nauuna sa panaguri, ang pangungusap ay nasa ayos na di-
karaniwan.
Suriin mo naman ang dalawang pangungusap sa ibaba. Ano ang ayos ng mga pangungusap?
Naglalaro ng taguan ang mga bata.
Mabilis tumakbo ang aso.
Hindi ba’t nauuna ang panaguri sa paksa? Kapag ang panaguri ay nauuna sa paksa, ang
ayos ng pangungusap ay karaniwan. Sa ayos ding ito, hindi rin ginagamit ang panandang ay.
Tingnan mo ang dalawang pangungusap sa ibaba. Alin ang nasa ayos na di-karaniwan at ayos
na karaniwan?
Si Jose ay matangkad.
Matangkad si Jose.
Tama ka kung ang sinabi mong nasa ayos na di-karaniwan ang unang pangungusap at nasa
ayos na karaniwan ang ikalawa. Magkapareho ang dalawang pangungusap. Magkaiba lang ang
kanilang ayos. Ano ang isa pang pananda na ang pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos? Tama,
ang “ang.”
Basahin mo nang malakas ang dalawang pangungusap. Alin sa dalawa ang natural sa iyong
pandinig?
Kung sinabi mong ang pangalawa, tama ka. Sa mga Pilipino, higit na natural na unahin sa
karaniwang usapan ang panaguri kaysa sa paksa. Kaya tinawag itong karaniwan. Medyo kakaiba
naman sa pandinig kung nauuna ang paksa sa panaguri. Kaya tinawag itong di-karaniwan.
Minsan, may pangungusap na binubuo lamang ng isang salita. Halimbawa ng mga ito ay:
a. Takbo! b. Umuulan. c. Bakit?
Bakit sila itinuturing na pangungusap? Mga pangungusap sila sapagkat buo o malinaw ang
kanilang diwa o ideyang isinasaad. Kung kaya, ang pangungusap ay salita o grupo ng mga salita na
nagsasaad ng buong diwa.
Ngunit hindi lahat ng salita o grupo ng mga salita ay pangungusap. Pansinin ang mga salita
sa ibaba:
a. ang magkapatid b. magandang-maganda c. kusang humarap
9
Malinaw ba sa iyo ang kanilang mga diwa o ideya? Hindi. Hindi mo sila lubos na
maintindihan sapagkat hindi buo ang kanilang diwa o ideya. Ang tawag sa kanila ay parirala.
Ang ilan pang halimbawa ng parirala ay ang mga sumusunod:
a. pula at puti
b. matamis na prutas
Suriin mo naman ang mga grupo ng salitang nasa ibaba. Alin-alin ang mga pangungusap at
parirala?
a. Ang guro ay nagbabasa nang tahimik.
b. Bumili ng sapatos ang manlalaro ng basketball.
c. sina Gina at Gino
d. mataas na puno
Kung sinabing mong ang una at ikalawa ang pangungusap, tama ka. Siyempre, ang ikatlo at
ikaapat naman ay parirala.
Gamitin
Tingnan natin kung naintindihan mo ang tinalakay sa itaas. Sagutin mo ang mga sumusunod
na gawain. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
A. Isulat sa sagutang papel ang PK kung ang mga salitang may salungguhit ay paksa at
PN kung panaguri.
_____1. Maganda at mayaman ang Pilipinas.
_____2. Ang mga tanawin sa Pilipinas ay maipagmamalaki natin.
_____3. Ang talon ng Pagsanjan ay kayganda sa paningin.
_____4. Kaakit-akit ang bulkang Mayon sa Bicol.
_____5. Ang Parke ng Pasonanca ay puno ng makukulay na bulaklak.
B. Isulat sa sagutang papel kung ang bawat pangungusap ay nasa ayos na di-karaniwan o
karaniwan.
1. Kilalang-kilala ang mangga ng Pilipinas.
2. Ang mangga ng Pilipinas ay ibinibenta sa ibang bansa.
3. Galing sa Isla ng Guimaras ang ibinibentang matatamis na mangga.
4. Ligtas at walang sakit ang mangga ng Guimaras.
5. Ang rehiyon ng Davao ay nagbebenta rin ng mangga.
C. Piliin at isulat sa sagutang papel ang mga pangungusap sa ibaba.
10
1. Ang kangkong
2. Maraming benepisyong makukuha sa kangkong.
3. Ang halamang kangkong ay gamot sa puso.
4. saluyot at toge
5. Pinabababa ng ginseng ang kolesterol sa katawan.
Nasagot mo ba ang lahat? Ihambing mo kung katulad ng nasa ibaba ang iyong mga sagot.
Para sa A: 1. PN 3. PA 5. PN
2. PA 4. PA
Para sa B: 1. karaniwan 3. karaniwan 5. di-karaniwan
2. di-karaniwan 4. karaniwan
Para sa C. Ang mga pangungusap ay nasa bilang 2, 3 at 5
Kung hindi mo nasagot lahat, balikan mong muli ang aralin.
Lagumin
Madaling maunawaan ang pangungusap kung tatandaan mo ang mga sumusunod na ideya.
Tandaan mo na ang pangungusap ay salita o grupo ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa.
Binubuo ito ng paksa at panaguri na may sinasabi tungkol sa paksa.
Tandaan mo rin na maaaring isulat ang pangungusap sa dalawang ayos o paraan. Sa ayos na
di-karaniwan, nauuna ang paksa sa panaguri. Sa ayos na karaniwan, nauuna ang panaguri sa paksa
at wala ang panandang ay.
Napag-aralan mo rin na hindi lahat ng salita o grupo ng mga salita ay pangungusap. Hindi
pangungusap sapagkat hindi buo ang kanilang diwa.
Ngayon, handa ka na bang sagutin ang pagsusulit sa Subukin? Simulan mo na.
Subukin
A. Isulat muli ang mga pangungusap sa iyong sagutang papel. Salungguhitan ang
paksa at bilugan ang panaguri.
1. Mahusay na siyentipiko si Dr. Rafael Guerrero III.
2. Ang tilanggit ay isa sa kanyang mga eksperimento.
3. Madali lang ang paggawa ng tilanggit.
4. Ang tilanggit ay pinaikling tilapiyang dinanggit.
5. Ang tilanggit ay maaaring ibenta ng P25 hanggang P40 kada kilo.
11
B. Isulat sa sagutang papel ang mga pangungusap sa ayos na karaniwan.
1. Ang harana ay bahagi ng ating romantikong tradisyon.
2. Ang tradisyon ng harana ay galing sa Espanya at Mehiko.
3. Ang pag-ibig ng lalaki sa babae ay ipinararating sa harana.
4. Ang madalas na instrumento sa harana ay gitara.
5. Ang hinaranang babae ay maaaring mahilinging umawit.
C. Isulat sa sagutang papel ang mga pangungusap sa ayos na di-karaniwan.
1. Nagpunta sa Europa ang grupong Bayanihan.
2. Mga mag-aaral sa kolehiyo ang mga miyembro ng grupo.
3. Nagtanghal ng mga katutubong sayaw ang grupo.
4. Natuwa at humanga sa kanilang galing ang mga manonood.
5. Si Dr. Helena Benitez ang tagapagtatag ng grupong Bayanihan.
D. Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang mga salita ay pangungusap at ekis (×) kung
hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. mga prutas.
_____2. Mahalaga ang nutrisyon sa katawan.
_____3. May makukuhang protina sa gatas, keso, itlog at isda
_____4. bitamina at mineral
_____5. Masustansyang gulay.
Nasagot mo ba ang lahat? Katulad ba ng nasa ibaba ang iyong mga sagot?
A.
1. Mahusay na siyentipiko si Dr. Rafael Guerrero III.
2. Ang tilanggit ay isa sa kanyang mga eksperimento.
3. Madali lang ang paggawa ng tilanggit.
4. Ang tilanggit ay pinaikling tilapiyang dinanggit.
5. Ang tilanggit ay maaaring ibenta ng P25 hanggang P40 kada kilo.
B.
1. Bahagi ng ating romantikong tradisyon ang harana.
2. Galing sa Espanya at Mehiko ang tradisyon ng harana.
3. Ipinararating sa harana ang pag-ibig ng lalaki sa babae.
4. Gitara ang madalas na instrumento sa harana.
12
5. Maaaring mahihilinging umawit ang hinaranang babae.
C.
1. Ang grupong Bayanihan ay nagpunta sa Europa.
2. Ang mga miyembro ng grupo ay mga mag-aaral sa kolehiyo.
3. Ang grupo ay nagtanghal ng mga katutubong sayaw.
4. Ang mga manonood ay ay natuwa at humanga sa kanilang galing.
5. Ang tagapagtatag ng grupong Bayanihan ay si Dr. Helena Benitez.
D.
__x__1. mga prutas.
__ __2. Mahalaga ang nutrisyon sa katawan.
__ __3. May makukuhang protina sa gatas, keso, itlog at isda
__x__4. bitamina at mineral
__x__5. Masustansyang gulay.
Kung nakakuha ka ng labing-anim (16) o higit pang tamang sagot, binabati kita! Maaari ka nang
magpatuloy sa Sub-Aralin 2. Kung mas mababa sa labing-anim (16), balikan ang aralin at sagutan
ang mga tanong sa Paunlarin.
Paunlarin
Kung kailangan mo pa ng dagdag na pagsasanay, sagutin mo ang mga gawaing ito.
A. Bumuo ng isang pangungusap para sa larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Salungguhitan mo ang paksa at bilugan ang panaguri sa bawat pangungusap na binuo mo.
13
Kung tama ang iyong ginawa, maaari ka nang magpatuloy sa Sub-aralin 2. Kung hindi,
balikan mo ang aralin.
Sub-Aralin 2
Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian
Layunin
Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod:
1. nakikilala ang mga pangungusap batay sa kayarian
- payak
- tambalan
- hugnayan
- langkapan
2. nakabubuo ng mga pangungusap na payak, tambalan, hugnayan at
langkapan.
Alamin
Masaya ako dahil umabot ka na sa araling ito. Ngayon ay handa ka nang madagdagan pa ang
iyong kaalaman.
Tulad ng isang gusali, ang pangungusap may iba’t ibang uri o balangkas. Basahin mo ang
maikling talata.
Integrasyon ng Ekonomiya: Susi ng Kaunlaran
ni Tereso Tullao
Ayon sa mga ekonomista ng pamahalaan ang matamlay na record ng ating ekonomiya ay
bunga ng mga dahilang external at internal. Sa labas ng bansa, naririyan ang malalang
resesyon sa Estados Unidos, at iba pang industriyalisadong bansa na nakaapekto sa ting
exports. Sa loob ng bansa, ang malaking ibinabayad sa utang, mahinang record ng export,
mga industriyang nakatali sa pag-aangkat, at mahinang pagpasok ng dayuhang capital ay
siyang nagpahina sa ekonomiya.
Halaw sa Malay, 1996
Ano ang pinapaksa ng talata?
14
Ano ang napansin mo sa mga pangungusap? Hind ba’t may mahaba at maikli. Mayroon ding
simple at may kumplikado, ayon sa kayarian. Iyan ang pag-aaralan mo.
Linangin
May apat na balangkas ang pangungusap. Ang mga ito ay payak, tambalan, hugnayan at
langkapan.
Suriin mo ang dalawang pangungusap sa ibaba. Ilan ang paksa at panaguri sa bawat isa?
1. Ako ay naglalaba .
2. Namasyal ang pamilya.
Kung sinabi mong may isang paksa at may isang panaguri ang bawat isa, tama ka. Mga
halimbawa ito ng payak na pangungusap. Ano ang payak na pangungusap? Ang payak na
pangungusap ay mayroon lamang isang buong diwa o kaisipan.
Ang payak na pangungusap ay maaari ring may iisang paksa at dalawang panaguri o
dalawang paksa at iisang panaguri. Halimbawa:
1. Si Kris at Tin ay magkaibigan.
2. Umaawit at sumasayaw si Jerome.
Maaari rin naman na magkaroon ito ng dalawang paksa at dalawang panaguri.
Halimbawa:
1. Si Jo at Ann ay nagwawalis at nagbubunot.
2. Malaki at makulay ang gusali at bahay.
Madali lang, hindi ba? Ngayon, pansinin mo naman ang pangungusap sa ibaba
1. Si Jose ay umaawit at si Rina ay nagpipiyano.
2. Ako ang nagwawalis samantalang si Kuya ang naglalaba.
Ano ang napapansin mo sa dalawang pangungusap? Tama ka. Ang bawat pangungusap sa
itaas ay binubuo ng dalawang ganap na sugnay. Sa unang pangungusap, ang dalawang ganap na
sugnay ay “Si Jose ay umaawit” at “Si Rina ay nagpipiyano.” Sa ikalawa naman, ang dalawang
ganap na sugnay y “Ako ang nagwawalis” at “Si Kuya ang naglalaba.”
Ano ‘ka mo ang sugnay? Ito ay grupo ng salita na may paksa at panaguri. Ang sugnay ay
ganap kung kaya nitong makapag-isa at may buong diwa. Sa madaling salita, ang ganap na
sugnay ay pangungusap na payak.
Ano ang tawag sa pangungusap na binubuo ng dalawang ganap na sugnay o pangungusap
na payak? Ang tawag sa pangungusap na may ganitong kayarian ay pangungusap na tambalan.
15
Suriin mo ang mga pangungusap na tambalan sa ibaba:
1. Sila ay masaya at kami ay malungkot.
2. Gusto kong mamasyal ngunit wala akong kasama.
Ano ang mga pangungusap na payak sa bawat isa? Sa unang pangungusap, ang dalawang
pangungusap na payak ay “Sila ay masaya” at “Kami ay malungkot.” Sa ikalawa naman, ang
dalawang pangungusap na payak ay “Gusto kong mamasyal” at “Wala akong kasama.”
Ano naman ang mga salitang nag-uugnay sa mga pangungusap na payak? Sa unang
pangungusap ay at samantalang sa ikalawa ay ngunit. Ang tawag sa mga ito ay pangatnig. Marami
pang salitang nag-uugnay sa mga pangungusap na payak. Anu-ano ang mga ito? Naitala mo ba ang
mga salitang saka, pati, ngunit, habang, samantala, at datapwa’t?
Ngayon, subukin mo ngang bumuo ng pangungusap na tambalan sa pamamagitan ng mga
sumunod na pangungusap na payak
1. Si Juan ay tumatawa. Si Mateo ay umiiyak.
2. Natutulog ang tigre. Naglalaro ang matsing. Kumakain ang elepante.
3. Makulay ang kanyang kuwarto. Maayos ang kanyang mga gamit.
Kung ang mga sagot mo ay ang katulad ng mga nasa ibaba, binabati kita. Tama ang iyong
mga sagot.
1. Si Juan ay tumatawa samantalang si Mateo ay umiiyak.
2. Natutulog ang tigre, naglalaro ang matsing habang kumakain ang elepante.
3. Makulay ang kanyang kuwarto at malinis ang kanyang mga gamit.
Madali lang makilala at bumuo ng pangungusap na tambalan, hindi ba? Suriin mo naman ang
pangungusap sa ibaba. Pansinin mo rin ang mga salitang nakahilig at nakasalungguhit.
1. Ang hayop na tinulungan niya ay alaga ko.
2. Kung sasamahan mo ako, tutulungan kita.
Ang kayarian ng mga pangungusap sa itaas ay hugnayan. Ano ang mga bumubuo sa
dalawang pangungusap na hugnayan? Ang dalawang pangungusap ay binubuo ng isang ganap na
sugnay at isang di-ganap na sugnay. Ang mga salitang nakasalungguhit ay ganap na sugnay. Ang
mga salitang nakahilig naman ay mga di-ganap na sugnay.
Naaalala mo pa ba ang ibig sabihin ng ganap na sugnay? Ito ay grupo ng salita na may
paksa at panaguri. Kaya nitong makapag-isa at may buong diwa. Tinatawag din itong punong
sugnay dahil ito ang pinakamahalagang sangkap sa pangungusap at kayang mag-isa. Ano ang
ibig sabihin nito? Kayang tumayo nang mag-isa ang ganap na sugnay kahit wala ang di-ganap na
sugnay. Pansinin mo ang mga katulad na pangungusap sa ibaba na wala ang mga di-ganap na
sugnay.
16
Ang hayop ay alaga ko.
Tutulungan kita.
Ano naman ang di-ganap na sugnay? Kaiba sa ganap na sugnay, ang di-ganap na sugnay ay
hindi kayang makapag-isa. Tinatawag din itong katulong na sugnay.
Ano ang ibig sabihin nito? Balikan mo ang dalawang pangungusap na tambalan sa itaas.
Sa unang pangungusap, ang di-ganap o katulong na sugnay na “na tinulungan niya” ay
nagbibigay-turing sa pangngalan na “hayop.” Ang iba pang halimbawa nito ay ang mga sumusunod.
Ang mga salitang nakahilig ay mga di-ganap na sugnay.
1. Pumunta si Robert sa bahay na lilipatan nila.
2. Ang gurong nagtuturo sa amin ay napakabuti.
Sa ikalawang pangungusap naman, ang di-ganap na sugnay na “Kung sasamahan mo ako” ay
nagbibigay-turing sa pandiwang “tutulungan.” Ang iba pang halimbawa nito ay ang mga sumusunod.
Ang mga salitang nakahilig ay mga di-ganap na sugnay.
1. Siya ay nakauwi na nang dumating kami.
2. Natuwa si Mel dahil nakatanggap siya ng regalo.
Suriin mo ang mga pangungusap na hugnayan sa ibaba. Salungguhitan minsan ang punong
sugnay at makalawa ang mga di-ganap o katulong na sugnay.
1. Bibili siya kung wala pang cake.
2. Ang babaeng nagbigay ng cake ay taga-Bulacan.
3. Bumili siya ng cake na ibibigay sa kanyang kapatid.
4. Maglilinis ako bago siya dumating.
Katulad ba ng nasa ibaba ang iyong mga sagot?
1. Bibili siya kung wala pang cake.
===============
2. Ang babaeng nagbigay ng cake ay taga-Bulacan.
==============
3. Bumili siya ng cake na ibibigay sa kanyang kapatid.
======================
4. Maglilinis ako bago siya dumating.
==============
Pansinin mo naman ang pangungusap sa ibaba. Ano ang napapansin mo sa bawat
pangungusap?
Matutuwa si Inay kung darating ang kanyang kapatid na taga-Baguio.
Tama ka. Ang pangungusap ay binubuo ng isang ganap na sugnay, ang “Matutuwa si Inay” at
dalawang di ganap na sugnay, ang “kung darating ang kanyang kapatid” at “na taga-Baguio.”
17
Ang Jollibug
(1) Kahanga-hanga ang Jollibug Corporation. (2) Kahit saan ka magpunta ka, mayroon
itong restawrant na laging puno ng tao. (3) Ang pagkain dito ay katakam-takam. (4) Kung gutom
ka, mayroon ditong manok, palabok at hamburger na gustung-gusto ng mga bata. (5) Ang mascot
nitong si Jollibug ay sikat. Magalang ang staff dito at malinis ang paligid. (6) Dahil dito,
maraming tao ang napupunta sa Jollibug.
Pansinin mo naman ang isa pang pangungusap sa ibaba. Mayroon din ba itong ganap at di-ganap na
sugnay? Ilan ang ganap at di-ganap na sugnay na makikita rito?
Nagulat si Ervin at nagtago si Milo nang tumayo ang kalabaw na alaga ni Rico.
Tama ka. Ang pangungusap ay mayroong dalawang ganap na sugnay at di-ganap na sugnay.
Ang dalawang ganap na sugnay ay “Nagulat si Ervin” at “Nagtago si Milo.” Ang dalawang di-ganap
na sugnay naman ay “nang tumayo ang kalabaw” at “na alaga ni Rico.”
Anong uri ng mga pangungusap ang nasa itaas? Ito ay tinatawag na langkapan. Binubuo ito
ng isa o higit pang ganap na sugnay at isa o higit pang di-ganap na sugnay. Tingnan mo ang
dalawa pang halimbawa ng pangungusap na langkapan sa ibaba. Matutukoy mo ba kung alin ang
mga ganap na sugnay at di-ganap na sugnay sa bawat isa?
Nagbabasa si Jose at nagpapaturo si Paolo kapag malapit na ang pagsusulit.
Si Koy ay aawit at sasayaw si Ning kung tutugtog ka ng piyanong bigay ni Tiya.
Sa unang pangungusap, ang dalawang ganap na sugnay ay “Nagbabasa si Jose” at ang
“Nagpapaturo si Paolo.” Ang di-ganap na sugnay naman ay “kapag malapit na ang pagsusulit.” Sa
ikalawa naman, ang dalawang ganap na sugnay ay “Si Koy ay aawit” at “Sasayaw si Ning.” Ang
dalawang di-ganap na sugnay naman ay “kung tututog ka ng piyano” at “bigay ni Tiya.”
Ito rin ba ang mga sagot mo? Kung oo, sagutin mo ang mga gawain sa Gamitin. Kung hindi,
basahin mong muli ang paliwanag.
Gamitin
1. Basahin ang teksto. Sabihin kung ano ang kayarian ng bawat pangungusap.
Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
2. Sabihin kung ganap na sugnay o di-ganap na sugnay ang mga nakasalungguhit na bahagi ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Kris & Tell
nina Catherine delos Santos, Mary Elaine Genito,
Jeanelaine Loang at Patrick Montalbo
Ang industriyang Pilipino ay hindi nawawalan ng tsismis. Araw-araw ay
may bagong intriga, pagbabatikos at mga mainit na balitaktakan lalong-lalo na sa
mundo ng showbiz. Isa itong dahilan sa walang humpay na pagsulpot ng mga talk
shows sa telebisyon. May mga isyung hinahayaan na lamang lumipas samantalang
mayroon namang binibigyan ng linaw.
- halaw sa aklat na Magpahayag Ka
18
Tapos ka na ba? Sige, iwasto mo na. Katulad ba ng nasa ibaba ang iyong mga sagot?
A.
Payak:
(1) Kahanga-hanga ang Jollibug Corporation.
(3) Ang pagkain dito ay katakam-takam.
Tambalan:
(6) Magalang ang staff dito at malinis ang paligid.
Hugnayan:
(7) Dahil dito, maraming tao ang nagpupunta sa Jollibug.
(5) Ang mascot nitong si Jollibug ay sikat.
Langkapan:
(4) Kung gutom ka, mayroon ditong manok, palabok at hamburger na gustung-gusto ng mga bata.
(2) Kahit saan ka magpunta ka, mayroong restawrant na laging puno ng tao.
B:
Ang industriyang Pilipino ay hindi nawawalan ng tsismis. (ganap na sugnay).
lalong-lalo na sa mundo ng showbiz. (di-ganap na sugnay)
sa walang humpay na pagsulpot ng mga talk shows sa telebisyon (di-ganap na sugnay)
May mga isyung hinahayaan na lamang lumipas (ganap)
Tama bang lahat ang iyong sagot? Kung oo, magpatuloy ka sa susunod na bahagi. Kung
hindi, balikan mo ang aralin.
Lagumin
Sa araling ito, natutunan mo na may apat na balangkas ng pangungusap.
Ang payak na pangungusap ay mayroon lamang isang buong diwa o kaisipan. Ito ay
maaaring may iisang paksa at iisang panaguri. Ngunit maaari rin itong magkaroon ng iisang paksa
19
Si Itay at Inay
(1) Masipag ang mga magulang ko. (2) Tuwing umaga, nagpupunta sila
sa palengke. (3) Nagtitinda ng manok si Itay at naglalako ng kakanin si Inay.
(4) Pagdating ng gabi, sila ay may pasalubong na pagkaing paborito ko. (5)
Kung may sakit ako, hindi sila umaalis. (6) Magluluto ng sabaw si Inay habang
magbabantay si Itay. (7) Si Itay ay bibili ng mga prutas at Si Inay naman ay
magbabasa ng kuwentong mula sa libro. (8) Mahal ko sila.
at dalawang panaguri o dalawang paksa at iisang panaguri. Maaari na buuin ito ng ng dalawang
paksa at dalawang panaguri.
Ang pangungusap na tambalan naman ay mayroong dalawa o higit pang ganap na sugnay.
Ang sugnay ay grupo ng salita na may paksa at panaguri. Ganap na sugnay ito kapag kayang
makapag-isa at may buong diwa. Sa madaling salita, ang ganap na sugnay ay payak na
pangungusap. Ang di-ganap na sugnay ay hindi kayang makapag-isa ngunit may tulong ito sa
pangungusap. Gumagamit ng mga pangatnig sa pagbuo ng pangungusap na tambalan.
Ang pangungusap na hugnayan naman ay binubuo ng isang ganap na sugnay at ng isa di-
ganap na sugnay. Ang pangungusap na langkapan naman ay binubuo ng isa o mahigit pang
ganap na sugnay at ng dalawa o mahigit pang di-ganap na sugnay.
Malinaw ba sa iyo ang lahat? Kung oo, sagutan mo na ang pagsusulit sa Subukin. Kung
hindi, balikan mo ang aralin.
Subukin
a. Sabihin kung ang bawat pangungusap sa talata ay payak, tambalan, hugnayan at langkapan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
b. Gawing tambalan ang sumusunod na pangungusap.
1. Si Jose ay taga-Santa Cruz. Si Arvin ay taga-Sampaloc.
2. Malaki ang bahay ni Arvin. Maliit ang bahay ni Jose.
3. Tahimik si Jose. Masalita naman si Arvin.
4. Mahilig umawit si Jose. Mahusay maggitara si Arvin.
20
5. Magkaklase sin Jose at Arvin. . Sila ay magkasama sa banda.
c. Bumuo ng isang talata tungkol sa larawan. Gamitin ang iba’t ibang balangkas ng pangungusap.
Pagkatapos mong isulat ang talata, ipakita mo ito sa iyong guro para maiwsto.
Nasagot mo ba ang lahat? Tingnan mo kung katulad ng nasa ibaba ang iyong mga sagot.
a. 1. Payak 5. Hugnayan
2. Hugnayan 6. Tambalan
3. Tambalan 7. Langkapan
4. Langkapan 8. Payak
b. 1. Si Jose ay taga-Santa Cruz at si Arvin ay taga-Sampaloc.
2. Malaki ang bahay ni Arvin habang maliit ang bahay ni Jose.
3. Tahimik si Jose ngunit masalita naman si Arvin.
4. Mahilig umawit si Jose at mahusay maggitara si Arvin.
5. Magkaklase sina Jose at Arvin at sila ay magkasama sa banda.
Kung nasagutan mong lahat ang mga gawain, binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa Sub-
Aralin 3. Kung sa palagay ay kailangan mo, balikan ang tinalakay sa Linangin at sagutan ang mga
tanong sa Paunlarin.
Paunlarin
21
Biyaheng Tarlac
Nagpunta kami sa Tarlac na probinsiya ni Inay. Malayo ang Tarlac
kung kaya’t mahaba ang aming biyahe. Nagbabasa ako ng libro habang
natutulog si Ate. Nagkukuwentuhan naman sina Inay at Itay. Pagdating sa
Tarlac, sinalubong kami ng aming mga kamag-anak.
Kung kinakailangan, makatutulong ang mga gawain dito upang lalo mong maunawaan ang
aralin. Simulan mo na, kaibigan.
A. Sabihin kung ang mga salitang may salungguhit ay ganap o di-ganap na sugnay. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Tingnan ang mga larawan tungkol sa mga kaugalian ng mga Ilokano. Bumuo ng tig-isang
pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan.
(larawan 1:) (larawan 2) (larawan 3)
Tingnan mo kung tama ang iyong mga sagot.
Para sa A. 1. na probinsiya ni Inay (di-ganap na sugnay)
2. Malayo ang Tarlac (ganap na sugnay)
3. habang natutulog si Ate (di-ganap na sugnay)
22
Quentin
ni Rogelio. Sikat
Baluktot ang kaliwa niyang kamay. Higit siyang mababa sa aming dalawa ni Ben,
at higit na matanda pa, kaipala. Nakaternong kupas na khaki siya, nanlalampot, at ang
manggas ay nakabolga sa mga galang. Mahaba ang kanyang buhok na halos ay
4. Nagkukuwentuhan naman sina Inay at Itay. (ganap na sugnay)
5. sinalubong kami ng aming mga kamag-anak. (ganap na sugnay)
Para sa B. Ang mga pangungusap na maaaring mabubuo mo tungkol sa larawan ay ang mga
sumusunod.
1. Maganda ang basket at ipinagbibili sa palengke.
2. Ang lalaki ay mahusay umukit ng estatwang gawa sa kahoy.
3. Ang mga matatanda sa pamayanana ay sumasayaw habang tumutugtog naman ng
gong ang mga kabataan.
Kung nakakuha ka ng labindalawa (6) o higit pang tamang sagot, binabati kita! Maaari ka
nang magpatuloy sa Sub-aralin 2. Kung mas mababa sa labindalawa, balikan ang mga pinag-aralan
sa Sub-aralin 1.
Sub-Aralin 3:
Uri ng Pangungusap batay sa Layon
Layunin
Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod:
1. Sa araling ito, inaasahan na makilala mo ang mga pangungusap batay sa layon:
- naglalarawan
- nagsasalaysay
- naglalahad
- nangangatwiran.
2. Gayundin, makabuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap na naglalarawan,
nagsasalaysay, naglalahad at nangangatwiran.
Alamin
Alam mo na ngayon kung paano bumuo ng pangungusap. Pag-aaralan mo naman ngayon ang
mga uri ng pangungusap ayon sa layon. May iba’t ibang layunin ang mga pangungusap. Maaring
naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad o nangangatwirn. Iyan an gating pag-aaralan sa Sub-araling
ito.
Linangin
Basahin mo ang maiking talata sa susunod na pahina.
23
Tungkol saan ang talata? Tungkol sa isang tao, di ba? Nabubuo ba sa iyong isip ang hitsura
ng taong inilalarawan? Anu-anong mga salita ang nakatulong sa pagbuo mo ng imahen ng taong
iyan. Tama, baluktot, mababa, kupas, nanlalampot, mahaba at malalapad. Malinaw, hindi ba?
Ang talatang ito ay naglalarawan.
Basahin mo naman ang isang talata mula sa isang kuwento.
Nasundan mo ba ang mga pangyayari sa talatang iyong binasa? Anu-ano ang mga ito? Ano,
samakatuwid ang layunin ng talata? Magsalaysay ba ang iyong sagot? Kung gayon, tama ka. May
mga pananda ba na nagpahiwatig na ito ay pasalaysay? Anu-ano iyon? Tama ka ulit. Ang mga ito
ay karaniwang mga pandiwa tulad ng pagkaalis, natuwa, tumigil, natahimik at bumalik. Ang mga
salitang ito ay nagsasaad ng mga pangyayari.
Ama ni Pando
ni Enrico C. Torralba
Pagkaalis ni Kuyang, lumabas si Ama sa bahay. Hindi niya alam, lihim ko
siyang sinundan. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita: nakangiti si Ama at parang
may ibinubulong na awit. Natuwa ako ngunit sandali lamang. Tumigil si Ama sa
pabulong na pag-awit at nakita kong nawala ang kanyang ngiti. Natahimik siya at
malungkot na tumanaw sa malayo. Agad akong bumalik sa bahay nang makitang kong
pabalik na rin si Ama.
24
Isang araw ay lumabas ng bahay si Pilo upang magtanim. Una, binungkal
niya ang lupa para ito ay lumambot. Pagkatapos ay ibinaon niya ang mga
binhi at diniligan. Mayamaya ay bumalik na siya sa loob ng bahay.
Ang pangungusap ay maaaring isang salita o grupo ng mga salita na
nagpapahayag ng iisang buong kaisipan at may paksa at panaguri.
Sa pagsasalaysay ng mahigit sa isang pangyayari, mainam na gumamit ng mga pangatnig.
Ang pangatnig ay mga salitang nag-uugnay sa mga ideya ng pangungusap. Nakatutulong ito
upang maging madulas ang daloy ng pagsasalaysay. Basahin mo ang talata sa ibaba.
Malinaw, di ba? Anu-ano ang mga pangatnig na ginamit? Naitala mo ba ang una,
pagkatapos at maya-maya? Madali mong nasundan ang mga pangyayari dahil sa mga pangatnig.
Basahin at pag-aralan mo ang talatang ito.
Ang ubo ay hindi sakit. Sintoma lamang ito ng isang kondisyon sa baga.
Maraming sanhi ng ubo. Puwedeng ito ay dala lamang ng allergy, upper
respiratory tract infection, o TB. Puwede rin itong dulot ng kanser sa baga,
bronchitis, emphysema at pulmonya.
Halaw sa Usapang Medikal ni Luis Gatmaitan, M.D.,
Liwayway, Enero 19, 1998
Anu-ano ang naging malinaw sa iyo tungkol sa ubo? Marami! Halimbawa, hindi ito sakit
kundi sintoma lamang ng isang kondisyon sa baga. Ano pa? Tama. Ang ubo ay maaaring dalang
allergy, upper respiratory tract infection o TB. Malinaw ang pagpapaliwanag, di ba? Iyan ang
layunin ng talatang iyong binasa.
Ang ikatlong talata ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad. Ang pangungusap na
naglalahad ay may layuning na magpaliwanag o maglinaw ng isang gawain, proseso,
pangyayari, salita, kahulugan o konsepto.
Maraming anyo ng paglalahad. Ang ilan ay ang mga sumusunod:
a. Pagbibigay-kahulugan
25
Hamon sa mga Estudyanteng Manunulat
Magpadala ng limang pahinang sanaysay, kalakip ang
retrato ng awtor at maikling paglalarawan sa sarili.
Ang malalathalang sanaysay ay may premyo ng P500.
Ipadala ang inyong sanaysay sa Tinedyer c/o KAAKBAY
MAG, # 1831 Milagros St., Cubao, Quezon City.
Kung tutuusin, iisa nga dakilang layunin ng Panitikan—ang maging tanda ng
pagkakaisa ng kalooban sa isang bayan. Higit sa ibang sining, panitikan ang
pinakamalinaw at pinakabuhay na salamin ng kaloobang ito, sapagkat binubuo ng
wika, at sa wika nalalaman, ang tunay na talambuhay ng isang lahi.
Halaw Panitikan para sa Kaisahan ng Bayan
ni Rolando Tinio, Magpahayag Ka
Paano mo malalaman kung ang isang salita o grupo ng salita ay pangungusap? Hindi
ba’t kailangan ay may buo itong kaisipan? Maliwanag itong sinabi ng pangungusap sa itaas,
hindi ba?
b. Panuto:
Ukol kanino ang anunsyo sa itaas? Tama, para sa mga estudyanteng manunulat. Malinaw ba
ang mga dapat gawin ng isang estudyanteng manunulat kung nais magpadala ng sanaysay? Malinaw!
Sapagkat isa-isang ipinaliwanag ng anunsyo ang mga hakbang.
c. Sanaysay
Ano ang paksa ng sanaysay na iyong binasa? Tama ka! Panitikan ang paksa ng sanaysay.
Ano ang ipinaliliwanag ng awtor tungkol sa panitikan? Tama ka ulit! Ipinaliliwanag ng awtor ang
dakilang layunin ng panitikan na “maging tanda ng pagkakaisa ng kalooban sa isang bayan.” Bakit
panitikan? Ayon sa awtor, “ang panitikan ang pinakamalinaw at pinakabuhay na salamin ng
kaloobang ito, sapagkat binubuo ng wika, at sa wika nalalaman, ang tunay na talambuhay ng isang
lahi.” Ayos ba?
26
Ipinag-utos kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa
Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapaigting sa
distribusyon ng mga kupon sa pagkain sa mga mahihirap na pamilya, kasunod
ng ulat ng Social Weather Station (SWS) survey na 15.1 porsiyento ng mga
Pinoy ang dumaranas ng pagkagutom sa kasalukuyan.
Ang mga libreng rasyon ng pagkain ay makukuha umano sa bawat lokal
na tanggapan ng nasabing ahensiya kapalit ng ipi-presentang kupon.
Halaw sa Kupon sa mga Gutom, Ikakalat
nina Rose Miranda, Boyet Jadulco, Eralyn Prado
Abante, Oktubre 6, 2004
d. Balita
Ang paglalahad ay pagsasabi ng katotohanan. Ito ay nagbibigay ng impormasyon o
kaalaman. Anu-ano ang mga impormasyong ibinigay ng balitang binasa mo? Sino ang nag-utos sa
DSWD na ipamahagi ang kupon sa pagkain? Para saan ang ipamamahaging kupon? Paano
makakakuha ng pagkain sa pamamagitan ng kupon?
Tama ang iyong sagot kung sinabi mong si Pangulong Arroyo ang nag-utos sa DSWD na
ipamahagi ang kupon sa pagkain sa mga mahihirap na pamilya. Tama rin kung ang sagot mo na
makukuha ang pagkain kung ipagpapalit ang kupon sa bawat lokal na tanggapan ng ahensiyang
namamahala nito. Ang mga impormasyong ito ay nakuha mo nang malinaw dahil ipinaliwanag ng
balita.
Sa paglalahad, may ilang bagay na dapat mong tandaan.
• Gumamit ng angkop na bahagi ng panalita
• Gawing tiyak, payak at malinaw ang pangungusap
• Tiyaking ang sasabihin ay batay sa matalinong panukala.
27
“Ekonomiks ng Kapaligiran”
ni Dr. Tereso Tullao
Sa sanaysay na ito ay naipakita ang kahalagahan ng pangangalaga ng ating likas-
yaman at kapaligiran. Ang kakanyahan ng ekonomya na mapanatili ang kabuhayan at
kaunlaran ng mga mamamayan nito ay nakasalalay sa mga likas-yaman. Ang maaksaya at
labis na paggamit ng mga likas-yaman ay may matinding epekto sa sistemang ekolohikal na
maaaring pigilin ang patuloy na paglaki ng ekonomya.
Halaw sa Malay 1996
• Kung higit pa sa isang pangungusap, tiyakin na may wastong pagkakasunud-sunod ang
mga ito.
Minsan naman ay hindi lang paglalahad ang iyong ginagawa. Kinakailangan ka ring
mangatwiran. Basahin mo ang talata sa ibaba.
Sang-ayon ka ba na may kaugnayan ang likas-yaman sa kabuhayan at kaunlaran ng
mga mamamayan? Naniniwala ka ba na ang labis na paggamit nito ay maaaring makapigil sa paglaki
ng ekonomiya.
Iyan ang mga katwiran ni Dr. Tullao dahil ang layunin niya ay mangatwiran o mangumbinsi.
Basahin mo naman ang mga talata sa kabilang pahina.
Pambubugbog ng Asawa, Hindi Tama
Sa mga mag-asawa, hindi maiiwasan na magkaroon ng paminsan-minsang pag-aaway.
Ngunit iba na ang usapan kung may halo itong pambubugbog, lalo na kung ito ay malimit.
Katwiran ng isang lalaking nambubugbog ng asawa, natural lang ang ganoon. Siya ang
lalaki. Siya ang mas malakas. Nararapat lamang na pumailalim sa kanyang kapangyarihan ang
asawa. “Nasa bibliya nga ito,” sabi niya.
Totoo. Sinabi ng bibliya na “Babae, pasakop ka sa iyong asawa.” Ngunit sinabi din ng
bibliya na “Lalaki, mahalin mo ang iyong asawa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Ibig
sabihin, dapat tiyakin ng lalaki na mamumuhay nang marangal, ligtas at tahimik ang kanyang
asawa. Hindi ba’t ang kahulugan ng pag-aasawa ay “lumagay sa tahimik.”
Tungkol saan ang binasa mo? Ano ang pananaw ng awtor tungkol sa paksa? Sang-ayon ba
siya o hindi? Ano ang kanyang mga dahilan o katwiran?
28
Tama ka kung sasabihin mong tungkol sa pambubugbog ang akdang binasa. Malinaw na
hindi sang-ayon ang awtor sa gawaing ito. Basahin mo ang nagpapatunay dito. Hindi ba’t sinabi
niya na “dapat tiyakin ng lalaki na mamumuhay nang marangal, ligtas at tahimik ang kanyang
asawa.” Pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa nakasaad sa bibliya.
Sang-ayon ka ba sa kanyang mga katwiran o argumento? Ano ang layunin ng mga
pangungusap sa talatang iyong binasa? Pangangatwiran ang layunin ng binasa mo. Ang
pangungusap na nangangatwiran ay nanghihikayat o nangungumbinsi na tanggapin ng kausap
ang isang ideya o kaisipan. Upang maabot ang layuning ito, kailangan mayroong pantulong na
ideya o matibay na katwiran para sa pangunahing ideya.
Ilan pang halimbawa ng pangungusap na nangangatwiran ay ang mga sumusunod.:
a. Magandang ituro ang matematika sa wikang katutubo dahil mas madali itong
maiintindihan ng mga mag-aaral.
b. Mas mahusay sumayaw si GV kaysa kay MN sapagkat mas marami siyang alam
na galaw.
Ano ang pangunahing ideya sa bawat pangungusap? Ano ang mga pansuportang dahilan,
patunay o argumento sa bawat pangunahing ideya.
Sa unang pangungusap, ang pangunahing ideya ay ang kagandahan ng paggamit ng wikang
katutubo sa pagtuturo ng matematika. Ang dahilan ng ganitong pananaw ay ang madaling pagkatuto
o pagkaintindi ng mga mag-aaral sa matematika. Sa ikalawa naman, ang pangunahing ideya ay ang
pagiging mas mahusay na mananayaw ni GV kaysa kay MN. Nasabi ito dahil sa mas maraming alam
na galaw ang una kaysa sa huli.
Batay sa mga sinabi sa itaas, mapapansin mo na may dalawang bahagi ang isang pangungusap
na nangangatwiran. Ano ang dalawang bahaging ito? Ang unang bahagi ay ang pangunahing ideya o
ang pinakagustong sabihin. Ang pangalawang bahagi ay ang pantulong na ideya o ang katwiran na
magpapatibay sa pangunahing ideya. Ano ang mga salitang makikita sa unahan ng pantulong na
ideya o katwiran? Madalas, ang mga salitang sapagkat, dahil at upang ang ginagamit
Ano ang pangunahing ideya at pantulong na ideya sa bawat pangungusap sa ibaba?
Kailangan nang umuwi sapagkat malapit nang dumilim.
Mag-aaral ako nang mabuti upang makatulong sa aking mga magulang.
Tama, ang pangunahing ideya sa unang pangungusap ay “Kailangan nang umuwi” at ang
pantulong na ideya o katwiran ay “sapagkat malapit nang dumilim.” Sa ikalawang pangungusap
naman, ang pangunahing ideya ay “Mag-aaral ako nang mabuti” at ang pantulong na ideya o
katwiran ay “upang makatulong sa aking mga magulang.”
May apat na uri ng pangungusap ayon sa layon: naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad
at nangangatwiran.
29
Mas Mahalaga Kaysa Uno
Ni F. Villarin
Kahit maaga pa’y napakarami na ang taong paroo’t parito. Nangingibabaw
ang ingay at mababakas ang kasiglahan ng mga tindera sa pagsalubong sa isa namang
bagong araw. Katakamtakam tingnan ang mga sariwang gulay, ang kumikinang-sa-
kasariwaang mga isda, mga bagong dating na karne, prutas at iba pa. Makalipas ang
ilang sandaling pamimili ng aking tiya sa kanyang iba’t ibang suki, hinila niya ako
upang dalhin naman sa tagiliran ng pamilihan.
Halaw sa Binhi, UP Press
Ang rehiyon ng Ilocos ay unang tinirhan ng mga Ayta. Napilitan silang
umakyat sa kabundukan nang dumating ang mga Malay. Iba’t ibang grupo ng
Malay ang dumating: Isneg, Tinggian at Ilocano. Ang Ilocano ay namalagi sa
dalampasigan. Ang mga Isneg at Tinggian naman ay tumuloy sa looban ng
rehiyon. Dumating ang mga Kastila sa rehiyon noong 1572 at sinakop ang mga
Basahin mong muli ang talata tungkol kay Quentin.
Ano ang layunin ng mga pangungusap? Tulas ng nasabi na ang mga ito ay naglalarawan.
Anu-ano ang inilarawan kay Quentin? Tass, edad, pananamit, anyo. Tama ka.
Ang pangungusap na naglalarawan ay may layuning ipakita ang ayos, hugis, anyo, kulay ng
isang tao, pook, pangyayari o damdamin. Isa pang halimbawa ng paglalarawan ang talata sa ibaba.
Basahin mo, kaibigan, at hulaan kung anong pook ito.
Nahulaan mo ba na pamilihan o palengke ang inilalarawan sa talata? Anu-ano ang mga
salitang tumulong sa iyo? Ang mga salitang mga “tao,” “tindera,” “gulay,” “isda,” “karne,” “prutas”
at “suki” ay nagpapahiwatig na palengke ang pook. Ngunit mas luminaw ang larawan ng eksenang
ito dahil sa mga salitang “paroo’t parito,” “katakam-takam,” “sariwa,” at “kumikinang-sa-
kasariwaan.” Angkop ang mga salitang ginamit, hindi ba?
Gamitin
Upang mas maintindihan mo ang napag-aralan, sagutan ang sumusunod na gawain.
A. Tukuyin kung ang bawat talata ay naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad o
nangangatwiran. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Ang paninigarilyo ay ang paghitit ng tabako at isa nang malaganap at malubhang
epidemya. Sa bawat pamilya, may isa o dalawang taong naninigarilyo. Magsisimula ito sa
pakikipagkaibigan sa marunong manigarilyo. Pagkatapos, ang pagsubok ng sigarilyo upang
mapabilang sa grupo o makaiwas sa pangmamaliit ng mga kasama.
30
Kahanga-hanga ang aming simbahan. Sa labas ay makikita ang malalaking estatwang
bato ng mga anghel. Sa loob naman ay makikita ang mga antigong larawan ni Hesus,
Birheng Maria at iba’t ibang santo. Sa harapan ay makikita ang makulay na altar.
Ano ang iyong mga sagot? Kung sinabi mong naglalahad ang unang talata, tama ka sapagkat
ipinaliliwanag nito kung ano ang paninigarilyo. Nagsasalaysay naman ang ikalawa sapagkat
ikinukuwento nito kung paano nabuo ang rehiyon ng Ilocos. Ang ikatlo naman ay nangangatwiran
sapagkat ibinibigay nito ang mga katwiran kung bakit mabuti ang pagsali sa mga isports. Sa huli
naman, ang talata ay naglalarawan sapagkat ipinapakita nito ang hitsura at ayos ng isang simbahan.
B. Piliin ang pangungusap na naglalarawan sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1.
2.
Ang tigre ay isang uri ng hayop. Malaki ito at
mayroong matalim na pangil at matutulis na kuko.
Dapat mag-ingat sa tigre.
Bibilhin ni Tatay ang kotse ni Tiyo Raul.
Pagdating sa bahay ni Tiyo Raul, nagbago ang isip
ni Tatay. Sira pala ang kotse.
Dapat ba tayong sumali sa isports o palakasan? Sa aking palagay ay oo. Una,
nakabubuti ito sa atin. Ang isport tulad ng volleyball ay nagpapalakas ng ating
katawan. Ang chess naman ay nagpapatalas ng ating isip. Bukod dito, may
matututunan din tayong pagpapahalaga tulad ng kooperasyon, pagkakaisa, disiplina at
pagiging matapat.
31
3.
4.
5.
Ang pinili mo bang pangungusap na naglalarawan ay ang mga sumusunod?
1. Malaki ito at mayroong matalim na pangil at matutulis na kuko.
2. Sira pala ang kotse.
3. Payat at maputla si Ate Tina.
4. Maliit ngunit malakas ang liwanag ng bumbilya.
5. Masarap ang cake.
Kung oo, sagutin mo ang susunod na gawain. Kung hindi, balikan mo ang mga pinag-aralan.
C. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa ibaba. Isulat ang layunin ng mga pangungusap.
a. Maya-maya ay may narinig akong malakas na pagsabog.
b. Pagdating ko doon, tumingin-tingin ako sa mga paninda.
c. Bigla akong napatakbo papalabas ng palengke
d. Kanina, pumunta ako sa palengke.
Ganito ba ang mga sagot mo: d, b, a, d? Kung oo, tama ka. Ano ang layunin ng teksto?
Tama, nagsasalaysay.
Nagkasakit si Ate Tina. Pumunta agad kami sa
kanilang bahay. Pagdating namin doon, nasa
kama siya at may hawak na bulaklak. Payat at
maputla si Ate Tina.
Napundi ang ilaw sa kuwarto. Nagkabit ng
bumbilya si Kuya. Maliit ngunit malakas ang
liwanag ng bumbilya. Muling lumiwanag ang
paligid.
Masarap ang cake. Madalas na ito ang handa
namin tuwing may kaarawan. Si nanay ang
gumagawa nito.
32
D. Pagtambalin ang mga parirala upang mabuo ang mga pangungusap na naglalahad.
Piliin lamang ang letra ng tamang sagot.
____1. Ang tula a. ang malayang taludturan.
____2. May tugma at sukat b. sa lumilikha ng tula.
____3. Walang tugma at sukat c. ang tradisyunal na tula.
____4. Makata ang tawag d. ay mga tulang pasalaysay.
____5. Ang mga epiko e. ay isang anyo ng panitikan.
Ganito ba ang mga nabuo mong pangungusap?
1. Ang tula ay isang anyo ng panitikan.
2. May tugma at sukat ang tradisyonal na tula.
3. Walang tugma at sukat ang malayang taludturan.
4. Makata ang tawag sa lumilikha ng tula.
5. Ang mga epiko ay mga tulang pasalaysay.
E. Piliin ang angkop na pangungusap na nangangatwiran sa mga pangungusap sa ibaba.
1. Kailangan nating bumili ng payong.
a. Babagay ito sa suot ko.
b. Nainggit ako sa katabi ko.
c. Panahon na naman ng ulan at bagyo.
2. Maganda kung may takip ang aklat.
a. Maaari na itong pampabigat sa mga papel.
b. Ito ay proteksyon sa aklat mismo.
c. Maiinggit ang mga kaibigan ko.
3. Dapat ay matulog ka nang maaga.
a. Alas-7 ng umaga ang pasok mo bukas.
b. Kung hindi ay magagalit ako.
c. Dahil gusto ko.
4. Mas mahusay ang cellphone na Dimsung kaysa Hokia.
a. Mas mataas ang presyo nito.
b. Dahil regalo ito sa akin ng lola.
33
c. Matibay ang pagkakagawa ng Dimsung.
5. Ang paglilinis ng kapaligiran ay mahalaga.
a. Makatutulong ito sa pag-iwas sa sakit.
b. Wala kasi akong magawa ngayon.
c. May pabuya kasing ibibigay.
Ihambing dito ang sagot mo:
1.) c 2.) b 3.) a 4.) c 5.) a
Kumusta ang iyong mga sagot? Kung hindi mo nasagot lahat, balikan mong muli ang mga
aralin.
Lagumin
May apat na uri ng pangungusap ayon sa layon.
Ang pangungusap na naglalarawan ay may layuning ipakita ang ayos, hugis, anyo, kulay ng
isang tao, pook, pangyayari o damdamin. Ang pangungusap na nagsasalaysay ay may layunin na
magkuwento o magsabi ng pangyayari. Pagpapaliwanag o pagbibigay linaw sa isang gawain,
proseso, pangyayari, salita, kahulugan o konsepto ang layunin ng pangungusap na naglalahad.
Manghikayat o mangumbinsi naman ang layunin ng pangungusap na nangangatwiran.
Malinaw ba? Kung hindi pa, balikan mo ang aralin. Kung oo, sagutin mo ang mga pagsusulit
sa Subukin.
Subukin
Basahin mong mabuti ang mga panuto. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
A. Tingnan ang larawan at bumuo ng tatlong (3) pangungusap na naglalarawan tungkol dito. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
B. Ang larawan sa ibaba ay tungkol sa isang alamat. Bumuo ng mga pangungusap na
nagsasalaysay tungkol sa larawan.
34
(1) Nanood kami ng dula kagabi pagkatapos maghapunan. (2) Ang dula ay tungkol
sa isang epiko ng mga Manobo. (3) Ang tanghalang aming pinanooran ay malaki at
malinis. (3) Magandang panoorin ang dulang ito sapagkat marami kang malalaman
tungkol sa kultura ng mga Manobo.
C. Basahin ang isyu sa ibaba.
Sino ang dapat masunod sa tahanan? Ang babae o lalaki?
Pumili ng isang panig at bumuo ng tatlong pangungusap na nangangatwiran tungkol dito.
Sundin ang ganitong paraan ng pagkakasulat :
Ang ________________ ang dapat masunod sa tahanan sapagkat ________________.
D. Tukuyin kung ang bawat pangungusap sa talata ay naglalarawan, nagsalaysay, naglalahad o
nangangatwiran.
Tapos ka na ba? Sige, iwasto mo na ang iyong sagot.
Para sa A: Ang tatlong pangungusap na nabuo mo ay maaaring katulad ng nasa ibaba.
1. Mas maliit ang kubo kaysa sa mansion.
35
(1) Magandang matutuhan ang paggamit ng kompyuter dahil maraming
pakinabang makukuha dito. (2) Ang desktop ay isang uri ng kompyuter na ginagamit sa
opisina, paaralan o tahanan. (3) Ang ganitong uri ng kompyuter ay malaki at mabigat.
(4) Noong isang araw ay bumili ng kompyuter ang aming tatay.
2. Ang kubo ay gawa sa kahoy at pawid.
3. Ang mansion ay gawa sa bato at tisa.
Para sa B: Ang tatlong pangungusap na nabuo mo ay maaaring katulad ng nasa ibaba.
1. Nagtanong ang lalaki sa matanda kung saan ang terminal ng bus.
2. Itinuro ng matanda sa lalaki kung saan matatagpuan ang terminal ng bus.
3. Nagpasalamat ang lalaki sa matanda.
Para sa C: Ang tatlong pangungusap na nabuo mo ay maaaring katulad ng nasa ibaba.
Kung panig ka sa lalaki:
1. Ang lalaki ang dapat masunod sa tahanan sapagkat mas malakas siya kaysa sa
babae.
2. Ang lalaki ang dapat masunod sa tahanan sapagkat iyan ang ating kultura.
3. Ang lalaki ang dapat masunod sa tahana sapagkat siya ang haligi ng tahanan.
Kung panig ka sa babae:
1. Ang babae ang dapat masunod sa tahanan sapagkat siya ang may kakayahang
manganak.
2. Ang babae ang dapat masunod sa tahanan sapagkat siya ang namamahala sa bahay.
3. Ang babae ang dapat masunod sa tahanan sapagkat siya ang nag-aalaga sa mga
bata.
Pwede mo ring ipakita o ipawasto sa guro ang mga sagot mo sa A, B, at C.
Para sa D:
1. Nagsasalaysay 2. Naglalahad 3. Naglalarawan 4. Nangangatwiran
Nagtagumpay ka ba kaibigan? Kung oo, binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa Sub-
Aralin 4. Kung hindi naman, balikan ang tinalakay sa Linangin at sagutan ang mga tanong sa
Paunlarin.
Paunlarin
Makatutulong ang mga gawain dito upang lalo mong maunawaan ang mga uri ng
pangungusap batay sa layon. Simulan mo na, kaibigan.
a. Tukuyin kung ang pangungusap ay nagsasalaysay, naglalarawan, naglalahad o nangangatwiran.
36
b. Kumpletuhin mo ang mga pangungusap na nangangatwiran sa pamamagitan ng pagpili ng
angkop na parirala.
dahil nakasasama ito sa katawan.
at maaaring maging sanhiito ng pagbabara ng mga kanal.
sapagkat sila ang ating likas na yaman.
dahil mabagal ang takbo ng trapiko.
upang makakuha ng magandang marka sa klase.
1. Kailangan alagaan ang mga puno at halaman_________.
2. Dapat pigilin ang pagkalat ng bawal na gamot_________________.
3. Kailangang magsipag sa pag-aaral _____________
4. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan ____________.
5. Nahuli ako sa pagdating sa klase _________
c. Bumuo ng tatlong pangungusap na naglalarawan tungkol sa larawan sa ibaba.
Iwasto mo na ang iyong mga sagot.
Para sa A:
37
1. Nangangatwiran 2. Naglalahad 3. Naglalarawan 4. Nagsasalaysay
Para sa B:
1. Kailangan alagaan ang mga puno at halaman sapagkat sila ang ating likas na yaman.
2. Dapat pigilin ang pagkalat ng bawal na gamot dahil nakasasama ito sa katawan
3. Kailangang magsipag sa pag-aaral upang makakuha ng magandang marka sa klase.
4. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan at maaaring maging sanhi ito ng pagbabara ng
mga kanal.
5. Nahuli ako sa pagdating sa klase dahil mabagal ang takbo ng trapiko.
Para sa C:
Ang mga pangungusap na nabuo ay maaaring katulad ng nasa ibaba:
1. Malalaki ang mga billboard sa tabi ng lansangan.
2. Maraming halaman sa harapan ng mga billboard.
3. Kaunti lamang ang taong makikita sa lansangan.
Kung nakakuha ka ng siyam (9) o higit pang tamang sagot, binabati kita! Maaari ka nang
magpatuloy sa Sub-aralin 4. Kung mas mababa sa siyam (9), balikan ang mga pinag-aralan sa Sub-
aralin 3
Sub-Aralin 4:
Ang Mahusay na Pangangatwiran
Layunin
Sa araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na layunin:
1. naipaliliwanag ang katwiran sa pagsalungat o pagsang-ayon sa isang ideya.
2. natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan sa tekstong binasa.
Alamin
Kumusta na, kaibigan? Kung ikaw ang papipiliin, saan mo gustong manirahan? Sa lungsod
ba o sa lalawigan? Paano mo ako makukumbinsi na tanggapin ang iyong pinili?
Sa araling ito, malalaman mo kung paano ka magiging epektibo sa pangangatwiran. Basahin
mo ang isang halimbawa ng mahusay na pangangatwiran.
38
Tamad Nga Ba Ang Pinoy?
Panahon pa ng mga kastila ay naging usapin na ang katamaran ng mga
Pilipino. Ayon sa sanaysay ni Rizal, sinasabi ng mga prayle na tamad ang mga
Pilipino. Nasabi nila ito dahil nakikita nilang natutulog ang mga magsasaka sa
bukid bago dumating ang tanghali. Ngunit sinabi naman ni Rizal na mali ang
kanilang obserbasyon. Aniya, hindi alam ng mga prayle na madilim pa lamang ay
nasa bukid na ang mga magsasaka at nagtatrabaho. Ang dahil kung bakit natutulog
sila sa ilalim ng puno ay dahil sa pagod at matindi ang init ng araw.
Sa kasalukuyan, masasabi mo bang tamad ang mga Pilipino kaya naghihirap?
Tamad ba ang nagtatrabaho ng walong oras buong araw? Minsan pa nga ay
mahigit pa. Ang karamihan naman ay pitong araw sa isang linggo kung magtrabaho.
Ang iba ay mayroong dalawa o tatlong trabaho upang kumita lamang ng pera. Baka
naman may ibang dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pilipino?
Ano ang paksa ng maikling sanaysay na binasa mo? Tama ka, tungkol sa pagiging tamad ng
mga Pilipino. Ayon sa sanaysay, tamad nga ba ang mga Pilipino? Hindi, di ba? Ano ang mga
dahilan kung bakit sinasabi sa sanaysay na hindi tamad ang mga Pilipino? Una, hindi alam ng mga
prayle ang paraan ng pagtatrabaho ng mga Pilipino magsasaka. Pangalawa, ang mga Pilipino sa
kasalukuyan ay walong oras o higit pa kung magtrabaho. Ang ilan ay may higit sa isa pang trabaho.
Maayos bang naipahayag ang mga katwiran sa sanaysay? Oo naman.
Linangin
Napakahalaga na maging maayos at mabisa ang pangangatwiran. Dahil sa pangangatwiran,
ang ideya mo ay maaaring tanggapin ng iba o hindi. Halimbawa, kung bakit ka nahuli sa klase o
kaya ay kung bakit dapat kumain ng gulay at hindi lang puro karne.
Pansinin mo sa talatang binasa ang kahusayan sa wika ng nagsulat. Sa kaso mo, malaking
tulong kung bihasa ka sa wikang Filipino. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng kasanayan sa pagbuo
ng mga pangungusap. Natatandaan mo pa ba ang mga natutuhan mo sa pagbuo ng mga
pangungusap?
Kung nais mong ipaliwanag ang iyong katwiran sa pagsang-ayon o pagsalungat sa isang
ideya, mahalaga na taglayin mo ang mga sumusunod:
a. Kaalaman sa paksa
Nasubukan mo na bang magpaliwanag o magbigay-katwiran sa isang paksa kung kaunti o
wala kang alam tungkol dito? Napakahirap, hindi ba? Maaaring wala kang maibigay na katwiran o
liwanag kung wala kang batayan. Kaya mahalaga na magkaroon ka ng kaalaman sa paksang
39
tinatalakay. Makukuha ito sa pamamagitan ng pananaliksik o kaya ay pagbabalik-aral sa mga dating
natutuhan. Maaari mo ring gamitin ang iyong mga karanasan at gunita.
b. Tiwala sa sarili
Hindi sapat na marami kang alam sa paksa. Kailangan mo rin ng tiwala sa sarili, lalo na kung
ikaw ay haharap sa maraming tao. Paano na lang kung maganda ang iyong ideya o isinulat ngunit
hindi mo ito maipahahatid sa pamamagitan ng pagsasalita? Sayang, hindi ba?
c. Wasto, tiyak at malinaw na ideya
Sapat na ba ang pagkakaroon ng kaalaman sa paksa at tiwala sa sarili? Hindi. Kailangan rin
ng pagiging wasto, tiyak at malinaw ng iyong ideya. Sa madaling salita, katotohanan dapat ang
iyong ipahahayag. Hindi kasinungalingan o kathang-isip. Hindi rin ito dapat nakalilito o
nakagugulo.
d. Maayos na pagkakahanay ng mga katwiran.
Naranasan mo ba na hindi ka maintindihan ng iyong kausap kahit wasto, tiyak at malinaw ang
iyong ideya? Hindi ba’t nakakalungkot ito lalo na kung kumpleto pa ang iyong mga impormasyon?
Ang isang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong hindi pagkaunawaan ay ang hindi maayos na
pagkakahanay ng mga katwiran. Kinakailangan din na lohikal at madaling sundan ang iyong mga
sasabihin. Dapat sinisigurado na maayos ang daloy ng mga ideya.
Basahin mo ang talata sa ibaba.
Nakatutulong ang gulay sa pagpapalakas ng katawan.
Nakapagpapakinis ito ng kutis at nagpapalinaw ng mata. Nakatutulong
din ito sa pag-iwas sa sakit. Kung kaya, ang gulay ay mahalaga sa tao.
Ano ang pangunahing ideya sa talata? Kung sinabi mong “ang pagiging mahalaga ng gulay
sa katawan ng tao,” tama ka! Saan ito makikita? Ito ay nasa katapusan ng talata. Ang mga unang
binanggit ay mga pantulong pangungusap. Ito ang mga pangungusap na sumusuporta sa
pangunahing ideya. Ilang pantulong na pangungusap mayroon sa talata? Tatlo nga, tama.
Dito, naunang tinalakay ang mga pantulong na ideya. Hinanay ang mga pantulong na ideyang
ito patungo sa pangunahing ideya na mahalaga ang gulay sa katawan ng tao.
Alam mo ba ang tawag sa pangangatwirang ito? Ito ay ang indaktibo o pangangatwirang
pabuod. Ibig sabihin, magsisimula, gagamitin at pagsasama-samahin ang mga maliit o tiyak na
ideya patungo sa panlahat at pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ang siyang sentro o
pinakabuod ng gusto mong sabihin. Ang mga tiyak o pantulong na ideya ang siyang sumusuporta
sa pangunahing ideya.
May isang pang uri ng pangangatwiran. Ano ito? Ito ay ang dedaktibo o pangangatwirang
pasaklaw. Dito, magsisimula ka sa panlahat ng tuntunin o ideya. Susundan naman ito ng
40
maliliit na detalye upang suportahan ang pangunahing ideya. Kung gagamitin ulit ang naunang
talatang tinalakay, ganito naman ang magiging ayos.
Mahalaga ang ulay sa katawan ng tao. Nakatutulong ito sa
pagpapalakas ng katawan. Nakatutulong din ito sa pagpapakinis ng kutis
at tumutulong din ito sa pag-iwas sa sakit.
Ilan lamang ito sa mga batayang kasanayan upang maging mabisa ka sa pangangatwiran.
Matutukoy mo ba kung anong uri ng pangangatwiran ang mga nasa ibaba? Subukan mo.
a. Ang wikang Filipino ang dapat na maging wika sa pagtuturo at pagkatuto. Una,
nakasaad ito sa Konstitusyong 1987. Bukod dito, may mga pananaliksik na
nagpapatunay na madaling matuto ang mga mag-aaral kung wikang Filipino ang
ginagamit.
b. Kung wala kang pera at gusto mong bumili, maaari mong gamitin ang credit
card. Kung gusto mo naman magwidrow ngunit sarado ang bangko o malayo ito,
maaari ka namang gumamit ng ATM card. Kapag ikaw naman ay nasa ospital,
hindi mo na kailangan ng malaking pera. Makababawas sa gastusin kung mayroon
kang health card. Tunay ngang kailangan natin ang plastik na kard.
Kung sinabi mong dedaktibo ang unang talata, tama ka. Unang ipinahayag ang pangunahing
ideya na wikang Filipino ang dapat na maging wika sa pagtuturo at pagkatuto. Sinundan ito ng
pantulong na pangungusap tulad ng tungkol sa konstitusyon at pananaliksik.
Ang pangalawa ay indaktibo dahil una munang ipinahayag ang mga pantulong na ideya tulad
ng kredit kard, ATM kard at health kard. Pagkatapos, ipinahayag ang pangunahing ideya na tunay
ngang kailangan natin ang plastik na kard.
Balikan mo ang binasa mong balita sa talata a at b.
Kaya mo bang isulat ang unang talata sa paraang indaktibo? Kaya mo rin bang isulat ang
pangalawang talata sa paraang dedaktibo? Subukan mo.
Kung ganito ang mga sagot mo, tama ka.
a. Nakasaad sa Konstitusyong 1987 na Filipino ang wikang pambansa. Ayon naman
sa isang pananaliksik, mas madaling matuto ang bata kung wikang Filipino ang
gagamitin. Kung kaya, wikang Filipino ang dapat na maging wika sa pagtuturo at
pagkatuto.
41
b. Tunay ngang kailangan natin ng plastik na kard. Kung wala kang pera at gusto
mong bumili, maaari mong gamitin ang credit card. Kung gusto mo naman
magwidrow ngunit sarado ang bangko o malayo ito, maaari ka namang gumamit
ng ATM card. Kung ikaw naman ay nasa ospital, hindi mo na kailangan ng
malaking pera. Makababawas sa gastusin kung mayroon kang health card.
Malinaw na ba? Kung oo, sagutan mo na ang mga gawain sa ibaba. Kung hindi pa, balikan
mo ang aralin.
Gamitin
A. Tukuyin kung alin sa dalawang talata ang nasa paraang indaktibo at nasa paraang dedaktibo.
1. Magandang mag-aral sa Mataas na Paaralan ng Macario Sakay. Mahusay magturo ang mga
guro doon. Maganda rin ang mga pasilidad nito. At higit sa lahat, mababait ang mga tao.
2. Sa pagbabasa, malalaman mo ang mga bagay na hindi mo pa alam. Madadagdagan din ang
mga dati mo nang alam. Maaaring marating mo rin ang maraming lugar na hindi umaalis sa
iyong kinalalagyan. Bukod dito, magkakaroon ka pa ng kasiyahan. Tunay na mahalaga ang
pagbabasa.
B. Tukuyin sa bawat set ng mga pangungusap ang pangunahin at pantulong na ideya.
1. Maganda si Lyrah. Mapungay ang kanyang mga mata. Matangos ang
kanyang ilong at napaganda niyang ngumiti.
2. Madilim pa lang ay nagsasaka na si Rodel. Pagdating ng hapon, paliliguan
niya ang kalabaw. Pagkatapos ay didiligan niya ang kanyang gulayan.
Napakasipag ni Rodel.
Ganito ba ang iyong mga sagot?
Para sa A:
1. dedaktibo
2. indaktibo
Para sa B:
1. Pangunahing ideya: Maganda si Lyrah
Pantulong na ideya: Mapungay ang kanyang mga mata.
Matangos ang kanyang ilong at napakaganda niyang ngumiti.
2. Pangunahing ideya: Napakasipag ni Rodel.
Pantulong na ideya: Madilim pa lang ay nagsasaka na si Rodel.
Pagdating ng hapon, paliliguan niya ang kalabaw.
Pagkatapos ay didiligan niya ang kanyang gulayan.
42
Kung oo, magpatuloy ka sa susunod na bahagi. Kung hindi, balikan mo ang mga aralin.
Lagumin
Maraming pagkakataon na nasasayang ang magandang ideya. Isang dahilan nito ay ang hindi
pagiging marunong, mahusay o may alam sa pangangatwiran. Kung kaya’t mahalaga na alam mo
kung paano mangatwiran nang maayos.
Sa pangangatwiran, mahalagang taglayin ang mga sumusunod:
a. Kaalaman sa paksa
b. Tiwala sa sarili
c. Wasto, tiyak at malinaw na ideya
d. Maayos na pagkakahanay ng mga katwiran.
e. May suporta ng dalubhasa o eksperto sa paksa ang mga katwiran.
Maaaring indaktibo o dedaktibo ang paraan ng pagpapaliwanag ng katwiran. Ang indaktibo o
pangangatwirang pabuod ay magsisimula sa mga maliit o tiyak na ideya patungo sa panlahat at
pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ang siyang sentro o pinakabuod ng gusto mong sabihin.
Ang mga tiyak o pantulong na ideya ang siyang sumusuporta sa pangunahing ideya. Ang dedaktibo o
pangangatwirang pasaklaw naman sa panlahat ng tuntunin o ideya at susundan ng maliliit na detalye
upang suportahan ang pangunahing ideya.
Kung malinaw na ang lahat, maaari mo nang sagutan ang Subukin.
Subukin
A. Basahin ang bawat talata. Tukuyin kung indaktibo o dedaktibo ang paraang ginagamit sa
sa bawat isa.
1. Mahusay ang aming barangay. Laging malinis ang lahat ng kalye. Malulusog
naman ang mga halaman sa tabi. Dahil dito, binigyan ang aming barangay ng
premyo at pagkilala. Nagawa ito ng aming barangay dahil sa aming kooperasyon
at pagtutulungan.
2. Napansin kong wala nang laman ang kabinet ng mga de-lata. Nang tingnan ko
ang refrigerator, nakita ko na wala nang karne ng baboy. Nakita ko rin na na
papaubos na ang mga gulay. Napansin ko rin na kaunti na lamang ang laman ng
mga bote ng toyo at patis. Kailangan ko na talagang mamalengke.
B. Tukuyin ang pangunahin at mga pantulong na ideya sa bawat talata sa itaas.
43
C. Sabihin mo kung sang-ayon ka o hindi sa usaping nakasaad sa ibaba. Bumuo ng isang talatang
may tatlong pangungusap na nagsasaad ng iyong panig.
Dapat bang gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas?
Tapos ka na ba? Sige, iwasto mo na ang iyong mga sagot. Katulad ba ng nasa ibaba ang
iyong mga sagot?
Para sa A. 1. dedaktibo
2. indaktibo
Para sa B. 1. Pangunahing ideya: Mahusay ang aming barangay.
Mga pantulong na ideya:
a. Laging malinis ang lahat ng kalye.
b. Malulusog naman ang mga halaman sa tabi.
c. Dahil dito, binigyan ang aming barangay ng premyo at pagkilala.
d. Nagawa ito ng aming barangay dahil sa aming kooperasyon at pagtutulungan.
2. Pangunahing ideya: Kailangan ko na talagang mamalengke.
Mga pantulong na ideya:
a. Napansin kong wala nang laman ang kabinet ng mga de-lata.
b. Nang tingnan ko ang refrigerator, nakita ko na wala nang karne ng baboy.
c. Nakita ko rin na papaubos na ang mga gulay.
d. Napansin ko rin na kaunti na lamang ang laman ng mga bote ng toyo at patis.
Para sa C. Ang iyong talata ay maaaring katulad ng nasa ibaba.
Hindi dapat gawing ligal ang diborsiyo sa Pilipinas. Hindi dapat sapagkat
nagbibigay ito ng ideya na hindi na malulutas ang problemang mag-asawa. Maaaari
rin itong makaapekto sa mga anak, lalo na kung sila ay ba pa. Ngunit higit sa lahat,
naniniwala akong hindi dapat paghiwalayin ang pinagbuklod ng Diyos.
Kung malayo dito ang iyong isinulat, ipakita mo sa iyong guro para maiwasto niya ang
ginawa mo.
Kung nakakuha ka ng labing-isa (11) o higit pang tamang sagot, binabati kita! Maaari ka
nang magpatuloy sa Pangwakas na Pagsusulit. Kung mas mababa sa labing-isa (11), balikan ang mga
pinag-aralan sa Sub-aralin 4 at sagutin ang mga gawain sa Paunlarin.
Paunlarin
44
A. Muling isulat ang talata sa indaktibong paraan.
Tunay na maraming pakinabang na makukuha sa paglalakad. Ehersisyo sa
katawan ang paglalakad. Sa paglalakad, mapapansin mo pa ang mga maliliit na bagay
na hindi mo mapapansin kapag nasa loob ng mabilis na sasakyan. Bukod dito,
malaking kabawasan din ito sa gastusin sa pamahase.
B. Muling isulat ang talata sa dedaktibong paraan.
Ang mga bata ay masayang nakikilahok sa parlor games. Ang paligid ay
napapalamutian ng mga lobo at makukulay na dekorasyon. Ang mesa ay puno ng
pagkain tulad ng spaghetti, sandwich, juice at cake. Mayroon pang payasong
nagpapatawa. Napakasaya ng pagdiriwang iyon.
C. Tukuyin ang pangunahin at pantulong na ideya sa talata.
Marami akong kilalang magulang na marami ang anak. Lagi nilang reklamo
ang hirap ng buhay. Madalas ay isang malaking problema sa kanila ang paghahanap
ng pagkain sa araw-araw. Dagdag pa dito ang malaking gastusin sa paaralan. Kung
kaya’t kailangan nilang isubsob ang sarili sa trabaho. Bunga nito, hindi nila
nababantayan ang paglaki ng kanilang mga anak. Ito ang dahilan kung bakit
naniniwala ako na magandang magkaroon ng maliit ang pamilya.
Katulad ba ng nasa ibaba ang iyong mga sagot?
Para sa A:
Ehersisyo sa katawan ang paglalakad. Sa paglalakad, mapapansin mo pa ang mga maliliit na
bagay na hindi mo mapapansin kapag nasa loob ng mabilis na sasakyan. Bukod dito, malaking
kabawasan din ito sa gastusin sa pamahase. Tunay na maraming pakinabang na makukuha sa
paglalakad.
Para sa B:
Napakasaya ng pagdiriwang iyon. Ang mga bata ay masayang nakikilahok sa parlor games.
Ang paligid ay napapalamutian ng mga lobo at makukulay na dekorasyon. Ang mesa ay puno ng
pagkain tulad ng spaghetti, sandwich, juice at cake. Mayroon pang payasong nagpapatawa.
Para sa C:
45
Pangunahing ideya: Magandang magkaroon ng maliit na pamilya.
Pantulong na ideya: Marami akong kilalang magulang na marami ang anak.
Lagi nilang reklamo ang hirap ng buhay. Madalas ay isang malaking
problema sa kanila ang paghahanap ng pagkain sa araw-araw.
Dagdag pa dito ang malaking gastusin sa paaralan.
Kung kaya’t kailangan nilang isubsob ang sarili sa trabaho.
Bunga nito, hindi nila nababantayan ang paglaki ng kanilang mga anak.
Kung tama ang iyong mga sagot, maaari mo nang sagutin ang Pangwakas na Pagsusulit.
Kung hindi, balikan mo ang aralin. Matapos nito’y maari ka nang humakbang patungo sa susunod na
modyul.
Gaano ka na kahusay?
Ngayon kaibigan, narito ang isang pagsubok upang malaman ko ang iyongnatutuhan sa
modyul na ito. Simulan mo na! Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel.
Basahing mabuti ang mga panuto at sagutan ang pagsusulit. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
A. Isulat muli ang mga pangungusap sa ibaba. Salungguhitan ang paksa at bilugan ang panaguri.
1. Ang arabong misyonaryo na si Sharif Makhdum ang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.
2. Ang Sultanate ng Sulu ay itinatag ni Abu Bakr noong 1450.
3. Si Raha Soliman ang pinuno ng mga sultan sa Luzon.
4. Ang kaharian ni Raha Soliman ay sinalakay ng mga Kastila noong Hunyo 1571.
5. Ipinagtanggol ni Raha Soliman laban sa kastila ang kanyang kaharian.
B. Gawing nasa ayos na karaniwan ang pangungusap kung ito ay nasa ayos na di-karaniwan.
Gayundin, gawing nasa ayos na di-karaniwan ang pangungusap kung ito ay nasa ayos na
karaniwan.
1. Isa sa mga pinakatanyag na pook sa Maynila ay ang Divisoria.
2. Maraming murang bilihin ang makikita rito.
3. Ang Divisoria ay kilala rin bilang makasaysayang lugar.
4. Ang katipunerong si Andres Bonifacio ay sa Divisoria ipinanganak.
5. May estatwa ni Bonifacio sa harap ng Tutuban Mall sa Divisoria.
C. Tukuyin kung ang pangungusap ay payak, tambalan, hugnayan o langkapan.
1. Ako ay Pilipino at sa aking mga ugat ay nananalaytay ang dugong kayumanggi.
2. Ang aking ama at ina ay ipinanganak sa Mindanao.
3. Matatag ang kanilang kabuhayan sapagkat sila’y nagkakaisa, malakas at di nahahati.
4. Mahal ko ang aking bayan.
46
Mahalaga ang mga hayop sa buhay ng tao.
Marami silang pakinabang sa atin. Sa kanila
tayo kumukuha ng pagkain tulad ng karne. Ang
kanilang balat ay nagagamit natin sa paggawa ng
damit at sapatos. Nakatutulong din sila sa ating
mga gawain.
5. Ako ay namamanata sa watawat ng Pilipinas bagama’t bumibili ng mga imported na
tsokolate; maliban na lamang kung chocnut ito.
D. Tukuyin kung ang pangungusap ay naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad o
nangangatwiran.
1. Ang batang nakita namin kahapon ay matangkad ngunit payat.
2. Dapat igalang ang mga bata dahil sila ay may damdamin din.
3. Tuwing umaga ay dumadaan ang bata sa simbahan upang magdasal.
4. Ang Tulong Paslit ay organisasyong tumutulong sa mga bata.
5. Nagtungo ang Tulong Paslit sa bahay ng bata kinabukasan.
E. Tukuyin ang pangunahin at pantulong na ideya sa talata.
47
Modyul 4
Ang Pagkilala at Pagbuo
ng Iba’t Ibang Pangungusap
A.
1. Ang arabong misyonaryo na si Sharif Makhdum ang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.
2. Ang Sultanate ng Sulu ay itinatag ni Abu Bakr noong 1450.
3. Si Raha Soliman ang pinuno ng mga sultan sa Luzon.
4. Ang kaharian ni Raha Soliman ay sinalakay ng mga Kastila noong Hunyo 1571.
5. Ang kanyang kaharian ay ipinagtanggol ng mga tao.
B.
1. Ang Divisoria ay isa sa mga pinakatanyag na pook sa Maynila.
2. Ang makikita rito ay maraming murang bilihin.
3. Kilala rin bilang makasaysayang lugar ang Divisoria.
4. Sa Divisoria ipinanganak ang katipunerong si Andres Bonifacio..
5. Sa harap ng Tutuban Mall sa Divisoria ay may estatwa ni Bonifacio
C.
a. tambalan
b. payak
c. hugnayan
d. payak
e. langkapan
D.
1. naglalarawan
2. nangangatwiran
3. nagsasalaysay
4. naglalahad
5. nagsasalaysay
E.
1. Pangunahing idea: Mahalaga ang mga hayop sa buhay ng tao.
Pantulong na idea:
1. Marami silang pakinabang sa atin.
2. Sa kanila tayo kumukuha ng pagkain tulad ng karne.
3. Ang kanilang balat ay nagagamit natin sa paggawa ng damit at sapatos.
4. Nakatutulong din sila sa ating mga gawain.
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 5
Pagsulat ng Talambuhay
2
Modyul 5
Pagsulat ng Talambuhay
Tungkol saan ang modyul na ito?
Magandang araw sa iyo!
Narito na naman ako upang magbigay ng mahahalagang kaalaman na magagamit mo sa iyong
pang-araw-araw na buhay.
Simple lang ang aralin sa bahaging ito ng modyul. Kailangan lamang na mag-ukol ka ng
kaunting oras upang matagumpay mong matugunan ang mga pangangailangan ng araling ito.
Natitiyak kong marami kang idol o mga hinahangaang artista, politiko, atleta, o kaya’y mga
pangkaraniwang tao sa inyong lugar, na nakagagaawa ng mga mabubuti at kapaki-pakinabang na
bagay sa iba. Sila ang iyong inspirasyon upang magsikap din sa iyong pag-aaral at makamit din ang
kanilang mga nakamit. Nais mong maging tulad nila balang-araw, isang taong hinahangaan,
tinitingala, at huwaran ng kabataan.
Sa modyul na ito, ikaw ay magsusulat ng iyong sariling talambuhay at talambuhay ng ibang
tao. Makikilala mo rin sa mga aralin na inihanda ko ang mga taong tiyak na magbibigay sa iyo ng
dagdag na inspirasyon sa buhay. Sila ang mga taong buong husay na gumanap sa kanilang mga
tungkulin bilang mga Pilipino. Nakagawa sila ng mabubuting bagay na nakatulong nang malaki sa
maraming Pilipino upang makilala nila ang kaniyang sarili, at angking kultura. Kinilala sila hindi
lamang sa ating bansa kundi maging sa ibang bansa.
Handa ka na bang kilalanin sila?
Sige pero bago mo basahin ang kanilang talambuhay, iyo munang gawin ang ilan sa mga
kailangang kahandaan at gawain.
Isang masayang pag-aaral sa iyo!
3
Ano ang matututunan mo?
Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito, maisasagawa mo ang mga sumusunod:
1. Nakikilala ang mga tiyak na katangian ng dalawang uri ng talambuhay
a. pansarili
b. talambuhay ng ibang tao
2. Nababatid ang mga katangiang dapat taglayin ng isang masining na talambuhay
3. Naipapakita ang pagiging malikhain sa pagsulat ng talambuhay bilang isang
pasulat na komunikasyon
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang
modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga
tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing
mabuti.
1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit.
2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang
upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na
ito.
3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat
ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha
mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo.
4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay
nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang
maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.
5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang
aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa
pagwawasto.
6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga
gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.
4
7. Kung may malabong panuto o anumang bahagi ng modyul, magtanong sa iyong guro o kung
sinumang may ganap na kaalaman.
8. Itala ang mahahalagang impormasyon at kaisipan sa isang hiwalay na kuwaderno.
Makatutulong ito upang madali mong mababalikan ang mga liksyon.
Maraming salamat kaibigan!
Ano na ba ang alam mo?
Pero bago mo simulan ang mga gawain sa modyul na ito, gusto ko munang alamin ang iyong
kaalaman sa pamamagitan ng pang-unang pagsusulit. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang
iyong makuha. Ang layunin ko lamang ay masukat ang iyong kaalaman sa mga araling iyong
kakaharapin sa modyul na ito. Kaya’t maging matapat ka sana sa iyong pagsagot.
Maaari ka nang magsimula.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pagbibigay-kahulugan. Piliin sa kahon ang letra ng salitang
tumutukoy sa bawat isa. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.
1. Tumatalakay ito sa kasaysayan o kuwento ng buhay ng isang tao.
2. Dalawang salitang pinanggalingan ng salitang talambuhay.
3. Talambuhay ng ibang tao
4. Talambuhay na pansarili
5. Nagsisilbi itong pagtnubay sa pagsulat ng talambuhay. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng
mga detalye o kaisipan.
6. Ito ay ang nagpapayaman at tumutulong upang maging makatotohanan ang isang talambuhay.
7. Ito ay isang hakbang upang makakuha ng mga impormasyon ukol sa isang taong nais gawan
ng talambuhay kung siya ay nabubuhay pa.
8. Katumbas ng salitang talambuhay sa Ingles.
9. Isang paraan ito upang mapakinis o mapaganda ang isinusulat na talambuhay. Kasama dito
ang pagwawasto ng mga gamit ng salita at iba pa.
5
10. Ito ay produkto ng malikhaing-isip ng tao na kanyang ginagamit sa pagpapahayag ng kanyang
kaisipan o damdamin.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub-Aralin 1:
Pagkilala sa Tiyak na Katangian ng Dalawang Uri ng Talambuhay: Pansarili at
Talambuhay ng Ibang Tao
Layunin
Pagkatapos ng sub-aralin na ito, magagawa mo ang sumusunod:
1. nakikilala ang mga tiyak na katangian ng dalawang uri ng talambuhay
a. pansarili
b. talambuhay ng ibang tao
2. napahahalagahan ang naiambag ng mga bayani sa kasaysayan
3.
4. nakagagawa ng balangkas batay sa tekstong binasa
tala at buhay talambuhay
biography interbyu
autobiography sining
impormasyon balangkas
detalye pormularyo
tape recorder rebisyon
6
Alamin
Likas na makabayan ang mga Pilipino. Patunay dito ang mga bayaning nag-alay ng kanilang
sariling buhay upang makamit lamang ang minimithing kalayaan.
Ikaw? Sino ang iyong iniidolong bayani ng ating bansa? Bakit mo siya naging idolo? Anu-
anong mga katangian niya ang iyong lubos na hinahangaan? Bakit? Anu-ano ang kanyang mga
nagawa para sa bayan?
Sa araling ito, iyong makikilala si Marcelo H. del Pilar. Alamin mo ang tungkol sa kanya.
Isang makabuluhang pagbabasa at pag-aaral!
MARCELO H. DEL PILAR
“Ipagtanggol mo ang matuwid at huwag mong alalahanin ang pananalo o ang pagkatalo.”
Si Marcelo H. del Pilar ay ipinanganak noong ika-30 ng Agosto ng 1850 sa
Kupang, Bulakan, Bulakan. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid na anak ni Don
Julian H. del Pilar at Donya Blasa Gatmaitan. Nag-aaral siya hanggang magtapos sa
pagkamanananggol.
Kilalang-kilala siya bilang si Plaridel isang matalentong tao, marunong
tumugtog ng piyano, biyolin at flute. Mahusay din siya sa larong fencing. Kumakanta
siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolin tuwing Flores de
Mayo.
Nais ni del Pilar ang pagtatatag ng mga paaralan upang ang masasamang bunga
ng kamangmangan ay maputol, kung hindi man lubusang mapawi.
Ipinalagay ng mga Kastila na si del Pilar ay kalaban ng Espanya dahil sa
kanyang mga hinihinging ito kaya’t tinangkang siya ay ipahuli at ipapiit. Ang mga
kamag-anak ni del Pilar na madaling nakaalam ng balak na pagpapahuli ay dali-daling
humikayat sa kanya na umalis at iligtas ang kanyang buhay.
7
Dahil sa paliwanag na ito, si del Pilar ay umalis ng Bulakan isang gabi.
Tumungo siya sa Maynila at nanuluyan sa bahay ng isang kaibigan. Matapos ang mga
ilang araw na paninirahan sa Maynila, lumulan siya sa unang bapor na patungong
Espanya. Mabigat sa kanyang loob ang lumisan. Hindi niya halos matitigan ang
pasigan ng kanyang bayang lilisanin ngunit palibhasa’y lalaki at may pagmamahal sa
bayan, ang lahat ay tiniis at binata ang lungkot ng paglayo.
Sa Espanya ay pinangasiwaan ni del Pilar ang pahayagang La Solidaridad. Sa
pahayagang ito ay nakuha niyang maipakilala sa España ang mga Pilipino at ang
lunggati ng bayang Pilipinas. Isiniwalat niya ang hindi mabuting ginagawa ng mga
taong dito ay ipinadala upang mamuno at dahil dito’y hiningi niyang ang ipadala rito’y
mga tunay na ginoo na marunong dumama sa tunay na damdaming bayan.
Si del Pilar ay naghirap at namulubi. Ang kanyang mga kababayan ay hindi
makapagpadala sa kanya ng abuloy ibigin mang gawin ang gayon, sapagkat lubhang
napakahirap magpadala ng tulong sa mga kababayang nasa malayong España.
Paniniwalaan ba ninyong halos wala siyang maibili ng pagkain? Gayon ma’y tiniis
niya ang lahat sa pag-asang kaalakbay ng kanyang mga hirap ang pagsikat ng araw ng
tagumpay at ang kanyang bayan ay mapadadalhan ng mga taong katugon ng ating
damdamin.
Si del Pilar ay katulad ni Bonifacio sa paniniwala. Ibig niya ang maghimagsik,
ngunit si Dr. Rizal ay kalaban sa ganitong balak. Si Rizal ay naniniwalang hindi pa
handa ang bayan sa isang himagsikan.
Nang umabot sa kaalaman ni del Pilar ang balitang pagbangon ng kanyang
bayan sa pamumuno ni Bonifacio, tinangka niya ang umuwi sa Pilipinas upang
tumulong kay Bonifacio.
Datapwat ang kanyang balak na pagbabalik sa tinubuang lupa ay nabigo. Sa
Barcelona ay dinapuan siya ng sakit na kanyang ikinamatay, nang hindi man lang
nakita ang kanyang mga anak at asawang minamahal. Pumanaw siya noong ika-4 ng
Hulyo 1896 sa Barcelona, España sa sakit na tuberkulosis. Ngunit nagpatuloy na
mabuhay ang kanyang kabayanihan sa puso ng mga Pilipino at ng bayang kanyang
iniibig.
Ang iyong binasang teksto ay isang talambuhay. Anu-ano ang napansin mong
pagkakaiba nito sa ibang sulatin? Marami, hindi ba?
Isa na rito ay ang totoong pagsasalaysay nito tungkol sa buhay ng isang tao.
8
Subukin mong sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Kailan at saan ipinanganak si Marcelo H. del Pilar?
2. Sino ang kanyang mga magulang?
3. Anu-ano ang natatanging talento ni del Pilar?
4. Bakit nagpunta si del Pilar sa Barcelona?
5. Kailan pumanaw si del Pilar?
Kung ang iyong sagot ay ang mga sumusunod, ay tama ka. Kung hindi, balikan mo ang teksto.
• Agosto 30,1850
• Don Julian H. del Pilar at Donya Blasa Gatmaitan
• Marunong tumugtog ng piyano, biyolin at flute si del Pilar. Mahusay din siya sa larong
fencing. Kumakanta siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa
biyolin tuwing Flores de Mayo.
• Dahil ipinalagay ng mga Kastila na si del Pilar ay kalaban ng Espanya.
• Hulyo 4, 1896
Anong mga impormasyon ang ibinigay sa bawat bilang? Edad, mga magulang, mga talento,
gawain, pagkamatay, di ba?
Ang mga impormasyon na iyong isinagot ay mga detalyeng mahalagang maisama sa pagsulat
ng isang talambuhay. Ito ay ilan lamang sa mga impormasyon o detalye tungkol sa isang tao na
maaaring maisama sa pagsulat ng isang talambuhay. Makatutulong ito upang makilalang mabuti ng
mambabasa ang pagkatao, pag-uugali, paniniwala o prinsipyo ng isang taong ginawan ng
talambuhay.
Ano pang mga impormasyon ang pwedeng isama?
Kung ang iyong iniisip ay ang mga sumusunod ay tama ka.
• Pangarap sa buhay, pamilya at bansa
• Paniniwala o pilosopiya sa buhay
9
• Mga karanasang di malilimutan
Ito ay mga detalyeng lalong magpapatingkad sa buhay ng isang taong gagawan ng
talambuhay.
Batay sa ating ginawang unang pagtalakay, masasabi mo na ba ang kahulugan ng
talambuhay?
Ano nga ba ang talambuhay?
Ang talambuhay ay kuwento o kasaysayan ng buhay ng isang taong pinapaksa.
Ang salitang talambuhay ay galing sa dalawang salitang tala at buhay, kung kaya nauukol sa
kasaysayan ng isang tao. Ito ay ang ating panumbas sa salitang ingles na biography. Ang
pagsasalaysay tungkol sa taong pinapaksa ay puwedeng isagawa ng ibang tao o kaya’y ng may
katawan na rin.
May dalawang uri ng talambuhay: talambuhay ng ibang tao at talambuhay na pansarili.
Anong uri ng talambuhay ang iyong binasa?
Tama ka! Ito ay talambuhay ng ibang tao (biography) dahil kasaysayan o kuwento ito ng
buhay, pangarap, mithiin at karanasan ng isang tao na isinulat ng iba. Tulad ng pansariling
talambuhay, ito ay nagbibigay rin ng mga impormasyon ukol sa tao, di malilimutang bahagi ng
kanyang buhay, mga plano, mithiin, karanasan (kung ang taong ito ay nabubuhay pa) o sa panahon ng
kanyang kamatayan.
Tukuyin sa binasang talambuhay ni del Pilar ang mga sumusunod:
Mithiin
Karanasan
Di malilimutang bahagi ng buhay
Kung ang iyong sagot ay kahawig ng mga sumusunod, ay tama ka:
• Mithiin ni del Pilar ang pagtatatag ng mga paaralan upang ang masasamang bunga ng
kamangmangan ay maputol, kung hindi man lubusang mapawi.
• Sa kanyang paglisan, mabigat ang loob ni del Pilar. Hindi niya halos matitigan ang
pasigan ng kanyang bayan ngunit tiniis at binata niya ang lungkot ng paglayo.
• Si del Pilar ay nagdalita, naghirap at namulubi sa Barcelona.
10
Ang mga impormasyong ito tungkol sa buhay ay makatutulong upang maging mas
makatotohanan ang isang talambuhay. Mas magkakaroon ng kurot sa mambabasa kung babanggitin
ang mga karanasang tunay na naiiba o natatangi ng pinapaksang tao. Mga karanasang kapupulutan
ng aral o inspirasyon sa buhay.
Ang ikawalang uri ng talambuhay ay tinatawag na talambuhay na pansarili (autobiography).
Ang awtor mismo ang sumulat ng kanyang sariling buhay, mga pangarap, hangarin at mga
karanasang di malilimutan na maaaring masaya o may kalungkutan.
Anu-ano naman ang dapat taglayin ng talambuhay na pansarili?
Sagutin mo ang mga sumusunod batay sa iyong sariling karanasan at kaalaman:
Pangalan mo
Petsa at Lugar ng iyong Kapangakan
Pangalan ng iyong mga magulang
Pang-ilan sa inyong magkakapatid?
Mga pangarap at balak sa hinaharap.
Paniniwala ukol sa buhay?
Ang iyong mga tugon sa mga tanong ko ay mahalagang taglayin ng isang talambuhay na
pansarili. Nauunawaan mo ba?
Ang mga sinabi mong detalye ay makatutulong upang maging malaman at may sinasabi ang
iyong talambuhay.
Marahil ay gustong-gusto mo nang isulat ang iyong talambuhay, ano? Teka lang, hindi pa ito
ang tamang panahon.
Kailangan mo munang pag-aralan ang paggawa ng balangkas o outline. Makatutulong ito sa
iyo upang maging maayos ang daloy ng kaisipan ng iyong isusulat na pansariling talambuhay.
Ano nga ba ang balangkas?
Paano ito ginagawa?
Paano ito nakatutulong sa pagsulat ng talambuhay
11
Ang balangkas ay ang magsisilbi mong patnubay sa pagsulat mo ng talambuhay. Tulad ng
isang bahay bago ito itayo, kailangan nito ang maayos na plano na susundan o babasahin ng
arkitekto. Ganito rin ang gamit ng balangkas. Ito ang plano kung paano mo ilalahad ang
mahahalagang impormasyon sa isang talambuhay. Makatutulong ito upang magkaroon ng kaisahan
ang iyong isusulat na talumpati.
Pag-aralan mong mabuti ang halimbawa ng balangkas sa ibaba.
MARCELO H. DEL PILAR
I. Mahahalagang Impormasyon Tungkol kay del Pilar
a. Petsa at Lugar ng Kapanganakan
b. Mga Magulang
c. Natatangi niyang mga Talento
II. Pangarap ni Del Pilar
a. Pagtatayo ng Paaralan
III. Mga Pagsubok ni del Pilar
a. Pagtugis sa kanya ng mga Kastila
b. Paglisan niya ng Pilipinas
IV. Mga Karanasan ni del Pilar sa Barcelona
a. Pangangasiwa niya sa La Solidaridad
b. Paghihirap ni del Pilar sa Barcelona
V. Si del Pilar sa Panahon ng Rebolusyon
a. Pagkakasundo ni del Pilar at Bonifacio Ukol sa Himagdikan
b. Pagnanais na Umuwi ni del Pilar
VI. Huling Bahagi ng Buhay ni del Pilar
a. Petsa at Lugar ng kanyang Kamatayan
Ano ang iyong mga napansin sa ipinakita kong balangkas?
Hindi ba’t kung ano ang pagkakasunud-sunod nito ay ganoon din sa binasa mong
talambuhay? Ang balangkas na ipinakita ko ay parang buto o kalansay lamang, iyo itong lalagyan ng
laman sa proseso ng iyong pagsulat. Dahil sa balangkas na ito, makatatayo bilang isang maayos na
talambuhay ang iyong akda.
12
Ngayon, sa palagay ko’y sapat na ang iyong kaalaman upang masagutan ang mga susunod na
gawain. Ngunit kung sa palagay mo ay hindi ka pa handa, maaari mong balikang muli at basahin ang
aking mga sinabi sa unahan bago mo sagutan ang mga gawain.
Hindi naman tayo nagmamadali.
Linangin
Narito ang isang talambuhay tungkol sa akin na isinulat ko mismo. Basahin mo itong mabuti
at gawan ng balangkas pagkatapos.
MUNTING PANGARAP
Nagsimula lamang ang lahat bilang munting pangarap. Nais kong
makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng isang magandang trabaho.
Ako si Genaro R. Gojo Cruz. Ako ay ipinanganak at lumaki sa
San Jose del Monte, Bulacan noong ika-16 ng Disyembre 1976. Bunso sa
siyam na magkakapatid. Ang aking mga magulang ay sina Dominga Ruiz at
Thomas Gojo Cruz na kapwa namayapa na.
Mahirap ang aming pamilya, kung kaya ang aking mga kapatid at
maging ako ay namulat sa mga gawain at maagang pagtatrabaho.
Natatandaan ko, lagi akong umaakyat sa mga puno noon upang manguha ng
mga bungang-kahoy, tulad ng santol, mangga, sinigwelas, sampalok, at iba
pa na maaaring pagkakitaan at ipagbili. Hindi ko na hinihingi sa aking mga
magulang ang aking ibinabaon sa eswkelahan. Ayokong maging pabigat sa
kanila.
Sa eskwelahan, sinisikap kong maging mahusay. Bagamat hindi
ako matalino, nagtitiyaga akong matuto. Ito ang natutunan ko sa aking
Tatay, na kailangang magsikap at magtiyaga upang magtagumpay.
Nakatapos ako ng hayskul dahil sa sarili kong pagsisikap at pagtitiyaga.
Alam kong tuwang-tuwa rin si Nanay nang ako’y nakatapos. Siya ang
nagsabit sa akin ng parangal bilang pinakamasipag na mag-aaral.
Sa kolehiyo, panibagong hamon ang aking hinarap. Hindi na ito
biro dahil kailangan kong mag-Maynila upang mag-aral. Matinding
pagtitipid ang aking ginawa. Pero sa tulong ng aking mga kapatid at ng mga
taong handang tumulong at mga kaibigang nakauunawa sa aking kalagayan,
matagumpay rin akong nakatapos ng aking pag-aaral sa Kolehiyo.
Nagtapos ako ng pagkaguro sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
13
Nagustuhan mo ba ang talambuhay na iyong binasa?
Ano ang iyong masasabi sa buhay ng awtor?
Anong aral ang iyong natutunan?
Marahil, masasabi mong madrama ang buhay ng sumulat o punung-puno ng kulay.
Natutunan mong sa pamamagitan ng pagsisikap, makakamit ang mga pangarap.
Anong uri ng talambuhay ang iyong binasa?
Tama! Ito ay pansariling talambuhay o autobiography sa ingles. Isinulat mismo ng awtor
ang kanyang talambuhay. Anu-anong impormasyon ang isinama ng awtor sa kanyang talambuhay?
Ito ay ang mga sumusunod:
Tungkol sa kanyang sarili at pamilya
Pag-aaral niya sa elementari at hayskul
Pag-aaral niya sa kolehiyo
Ang kanyang talento
Sa aking pag-aaral sa kolehiyo, natuklasan ko ang isang talento na
magiging dahilan pala upang ako’y makilala – ang pagsusulat. Ginamit
ko ang aking mga sariling karanasan sa buhay sa aking pagsusulat.
Mahilig akong magsulat ng tula at maikling-kuwentong pambata. Sa
katunayan, ang kuwento kong “Ang Lumang Aparador” ay nagwagi ng
unang gantimpala sa 2002 Don Carlos Palanca Memorial Awards for
Literture. Isang karangalan itong tunay kong ipinagmamalaki.
Sa kasalukuyan, ako ay nagtuturo sa Pamantasang De La Salle –
Maynila at Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Ngayon sa tuwing maiisip ko ang aking mga pinagdaanan sa
buhay, lagi akong nangingiti at nagpapasalamat dahil lalo akong naging
matatag. Siyempre, naaalala ko rin ang aking mga kapatid at mga
kaibigang tumulong upang ako ay magtagumpay.
Sa mga karanasan ko, napatunayan kong lahat ng tagumpay sa buhay
ay nasisimula sa munting pangarap lamang.
14
Kasalukuyan
Paniniwala sa buhay
Ngayon, handa ka na bang gumawa ng balangkas ng talambuhay na iyong binasa? Kung
handa ka na, kumuha ka ng isang buong papel at simulan ang iyong balangkas. Ngunit kung hindi ka
pa handa, maaari ka munang saglit na magpahinga.
Kung ang balangkas na ginawa mo ay kahawig o hindi nalalayo sa aking balangkas sa ibaba,
ay binabati kita!
MUNTING PANGARAP
I. Panimula
II. Mga Personal na Impormasyon
a. Pangalan
b. Petsa at Lugar na Kapanganakan
c. Bilang ng Magkakapatid
d. Mga Magulang
III. Pamilya
a. Mahirap na Pamilya
b. Maagang Pagtatrabaho
IV. Eskwelahan
a. Pagsisikap na Maging Mahusay
b. Pagtatamo ng Karangalan
V. Buhay Kolehiyo
a. Panibagong Hamon
b. Pagtulong ng mga Kapatid at Kaibigan
VI. Pagtuklas sa Talento
a. Pagsulat
b. Parangal na Nakamit
VII. Kasalukuyan
VIII. Wakas
15
Ano ang iyong napansin sa balangkas? Ano ang nadagdag?
Tama! Nagkaroon ng panimula at wakas.
Sa pagsulat mo ng talambuhay ng ibang tao o maging ng iyong sariling talambuhay,
nakadaragdag sa kasiningan nito kung magbibigay ka ng panimula o ng maikling introduksyon.
Nakatutulong ito upang maihanda ang mambabasa at hindi sila mabigla. Mahalaga rin ang
pagkakaroon ng wakas dahil nakatutulong ito upang may maiwan at tumatak sa isipan ng
mambabasa.
Gamitin
Mula sa binasa mong talambuhay sa LINANGIN, itala ang mahahalagang datos na binanggit
ng awtor tungkol sa kanya. Sundan ang format sa ibaba.
Pangalan : ___________________________________________________
Petsa at Lugar ng Kapanganakan: ___________________________________________________
Mga Magulang : ___________________________________________________
Pang-ilan sa Magkakapatid : ___________________________________________________
Pagpapakilala sa Sarili ng Awtor
a. Pamilya _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
b. Eskwelahan _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
c. Talento/
_______________________________________________________________________
Parangal
_______________________________________________________________________
d. Kasalukuyan _______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
16
Ngayong napunan mo na ng mahahalagang datos ang pormularyo, tiyak na alam mo na ang
mahahalagang dapat lamanin ng isang talambuhay. Ito ang pangkaraniwang mga mga datos o
impormasyon na isinasama sa pagsulat ng talambuhay.
Handa ka na bang isulat ang iyong sariling talambuhay?
May inihanda akong gawain sa iyo sa SUBUKIN. Mahalagang gawin mo muna ito.
Sana’y magtagumpay ka sa iyong mga gagawin!
Lagumin
Sa sub-araling ito, iyong nakikilala ang mga tiyak na katangian ng dalawang uri ng
talambuhay: talambuhay ng ibang tao at pansarili.
Ang talambuhay ng ibang tao (biography) ay nagsasalaysay tungkol sa buhay, pangarap,
mithiin at karanasan ng isang tao na isinulat ng iba.
Ang talambuhay na pansarili (autobiography) naman ay nagsasalaysay ngunit ang awtor
mismo ang sumulat ng kanyang sariling buhay, mga pangarap, hangarin at mga karanasang di
malilimutan na maaaring masaya o may kalungkutan.
Ang dalawang uri na ito ng talambuhay ay nagbibigay rin ng mga impormasyon ukol sa tao,
di malilimutang bahagi ng buhay, mga plano at pangarap, mithiin, karanasan (kung ang taong ito ay
nabubuhay pa.)
Sa pamamagitan din ng sub-araling ito, iyong nalaman ang kahalagahan ng balangkas o
outline bilang pasimulang hakbang sa pagsulat ng talambuhay. Ang balangkas ang nagsisilbing
patnubay ng awtor upang magkaroon ng kaisahan ang kanyang akda.
Higit sa lahat, iyong nakilala nang lubusan ang kinikilala nating bayani, si
Marcelo H. del Pilar. Iyong nalaman ang kanyang mga naiambag sa pagkakamit ng ating kalayaan.
Ang kanyang buhay ay tiyak na magiging inspirasyon sa iyo.
Ngayon, handa ka na bang isulat ang iyong sariling talambuhay?
Alam kong hindi madaling gawin ito dahil ang pagsulat ng sariling talambuhay ay
magbubukas ng ating sarili sa ibang tao. Pero kung iisipin nating mabuti, dapat hangaan ang mga
taong naglakas-loob na isalaysay ang tungkol sa kanila. Nais nilang ibahagi at makapagdulot ng
mabubuting aral sa buhay ng ibang tao.
Aalalayan kita sa iyong pagsusulat. May mga inihanda akong gawain sa SUBUKIN na
makatutulong sa iyo sa pagsulat ng talambuhay.
17
Tiyak na may mga kasama ka na nasasabik na mabasa ang tungkol sa iyo.
Subukin
Panuto: Punan ng mga impormasyon tungkol sa iyo ang balangkas sa ibaba. Isulat sa hiwalay na
papel ang iyong mga tugon ayon sa balangkas na aking inihanda para sa iyo. Sikapin mo
sanang maging matapat sa iyong mga tugon. Kung may mga bahagi ng balangkas na hindi
mo mapupunan, ayos lang. Kung mayroon naman akong nakaligtaang isama na mahalaga
para sa iyo, isama mo na rin.
I. Ang Mga Tungkol sa Akin
a. Petsa at Lugar ng aking Kapanganakan
b. Pangalan ng aking mga Magulang
c. Ang Aking mga Talento
II. Ako sa Paaralan
a. Paborito Kong Guro at Sabjek
b. Ang Aking Mga Kaibigan
c. Mga Natamong Karangalan/Pagkilala
III. Ang Aking Mga Pangarap
a. Sa Sarili
b. Sa Pamilya
c. Sa Bansa
IV. Ang Aking Mga Pananaw/Paniniwala
a. Sa Buhay
b. Sa Diyos
V. Ang Aking mga Plano sa Hinaharap
a. Pag-aaral
b. Bilang Pilipino
Kung nagawa mo na ang mga hinihingi ng balangkas na ito. Maaari mo nang
simulan ang pagsulat ng iyong talambuhay.
18
Pagkatapos mo itong maisulat, ipabasa mo ito sa iyong kaklase. Itala mo ang kanyang mga
puna at mungkahi tungkol sa iyong talambuhay. Gamitin mo ito sa parerevays ng iyong sulatin.
Pagkatapos, ibigay mo sa iyong guro para mapahalagahan ang inyong isinulat.
Paunlarin
Panuto: Gamit ang iyong ginawang balangkas, isulat mo na ang iyong talambuhay sa isa pang
hiwalay na papel. Ang balangkas na iyong ginawa sa LINANGIN ang iyo ngayong
magsisilbing patnubay sa pagsulat mo ng iyong talambuhay. Gawin pa ang mga sumusunod
na hakbang:
1. Huwag ka ring masyadong magpakulong sa balangkas. Maaaring sa proseso ng
iyong pagsulat ay mayroon kang maisip na magandang maidagdag sa iyong
talambuhay na sa palagay mo ay ikakaganda ng iyong akda.
2. Sikaping maging simple o payak ang mga salitang gagamitin dahil nakatutulong
ito upang maging kawili-wiling basahin ang iyong akda.
3. Huwag mong gamitin ang mga salitang hindi mo alam gamitin dahil makagugulo
lamang ito sa kabuuan ng iyong talambuhay.
4. Mag-isip ng magandang pamagat sa iyong sariling talambuhay.
5. Pagkatapos mong maisulat ang iyong talambuhay, ipabasa ito sa iba at hilingin ang
kanilang komento sa iyong akda. Pagkatapos, maaari mong gamitin ang mga ito
sa pagsulat mo ng final draft ng iyong akda.
SUB-ARALIN 2:
Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Masining na Talambuhay
Layunin
Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:
1. nakababatid ang mga katangiang dapat taglayin ng isang masining na talambuhay.
2. nabibigyang-halaga ang sining bilang lunsaran ng kulturang Pilipino.
3. nakasusulat ng talambuhay ng ibang tao.
19
Alamin
Tunay na malikhain ang mga Pilipino. Mababakas ito sa mga likhang sining na kanilang
nilikha. Di na mabibilang ang mga Pilipinong nabigyan ng pagkilala at parangal dahil sa natatangi
nilang ambag sa sining tulad ng panitikan, iskultura, pagguhit, pag-awit, pagsayaw at iba pa. Sa mga
sining na ito masasalamin ang kultura nating mga Pilipino. Dahil sa mga likhang-sining nagiging
malinaw ang kaibahan natin sa ibang lahi sa mundo. Nakikilala natin ang ating mga sarili bilang
Pilipino.
Ano nga ba ang pagkakaiba ng ating sining sa sining na likha ng ibang lahi? Paano naiiba ang
mga Pilipino sa paglikha? Tiyak na marami kang nakikitang pagkakaiba natin. Patunay lamang na
nagkakaiba ang sining dahil nagkakaiba ng kultura ang mga tao.
Sino pang alagad ng sining ang iyo nang kilala? Paano mo siya nakilala? Anu-ano ang mga
nalalaman mo tungkol sa kanya? Paano nakatulong ang pagbasa mo ng kanyang talambuhay sa
pagpapahalaga mo sa sining?
Sa sub-araling ito, makilala mo si Napoleon Abueva, isang kinikilalang iskultor ng ating
bansa. Tukuyin mo ang kanyang pagkakaiba sa ibang iskultor kung kaya’t itinuturing na natatangi
ang kanyang mga likhang-sining. Kung bakit ibang-iba ang kanyang istilo? At kung saan niya
hinuhugot ang kagalingang ito?
Tulad ng binabanggit kong sining, ang isang talambuhay ay kailangan din magtaglay din ng
kasiningan.
Isang masayang pag-aaral sa iyo kaibigan!
“Hard work isn’t enough. The death of my parents maybe. Eventually, I
translate emotions and transform these into pieces of wood, marble,
clay, and so on.”
- Napoleon Abueva
NAPOLEON ABUEVA, BATO AT SENTIMIENTO
ni Ces Rodriguez
Ding! Ang Bato! Hindi ‘yung nilululon ni Ate Narda para
maging superhero, ha, kundi isang blokeng marmol o adobe, o puwede
rin namang semento. Basta’t maihuhubog ng National Artist for
Sculpture na si Napoleon Abueva, kahit na anong klaseng bato, handa
niyang bakbakin para gawing obra.
20
Sa katunayan, sa marmol niya hinubog ang 1953 iskultura
niyang Kaganapan at ang Mother and Child noong 1987. Adobe
naman ang ginamit niya para sa iskultura niyang Torso noong 1972, at
sa mahigit na sampung works of art niya, simpleng semento lang ang
gamit niya.
Payak o simple lang ang mga trabaho ni Abueva. Malayung-
malayo ang istilo niya sa titser niyang si Guillermo Tolentino, ang
kauna-unahang National Artist for Sculpture na kilalang gumawa ng
Oblation ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at ng tintawag na
monumento na matatagpuan SA Monumento sa Caloocan.
Kung tradisyonal si Tolentino, moderno naman si Abueva.
Kilala siya bilang Father of Modern Philippine Sculpture. Kung hindi
man true-to-life ang rendition ng kanyang mga iskultura,
matalinghaga at kawili-wili namang pagmasdan ang linis ng mga
hubog nito.
Maliban sa bato, umuukit din si Abueva sa kahoy na katulad
ng molave at nara, tanso, bakal, salamin at kung-anu-ano pa. Minsan,
pinaghahalo-halo rin niya ang mga materyales, isang istilo na una
rinG hinangaan sa kanya.
Ipinanganak si Napoleon Abueva noong Enero 26, 1930 sa
Tagbilaran, Bohol. Noong bata pa siya, gumagawa na siya ng mga
hugis ng hayop sa putik. Ang paborito niyang hayop na hubugin ay
ang kalabaw.
Bigatin ang pamilya ni Abueva. Isang Kongresista ang
kanyang tatay at presidente naman ng Women’s Auxiliary Service ang
kanyang nanay. Ngunit isang kagimbal-gimbal na karanasan ang
sinapit ng kanyang pamilya noong panahon ng Hapon. Siya at ang
kanyang kuya, ay napilitang pakinggan ang mga daing at paghihirap
ng kanilang mga magulang sa kamay ng mga Kempati o ng Japanese
Military Police. Pagkatapos nito, siya at ang kuya niya mismo ang
naghanap ng bangkay ng kanilang mga magulang sa isang lugar na
pinagtambakan ng mga taong pinatay ng malulupit na Hapon.
“Masakit,” ani Abueva sa isang interbyu. “As an artist,
naiba ang pananaw ko sa buhay dahil sa mga karanasan ko.
Naghanap ako ng bagong paraan para i-express ang mga ideya ko as
a way of dealing with the pain.”
21
Torso
1972, Volcanic Stone
60 x 425 cm
National Museum Collections
(Pinagkunan: Tipong Pinoy, Vol. 1, No.3, p.3)
Pagmasdan mong mabuti ang mga larawan sa ibaba.
Ano ang nakikita mong pagkakahawig ng mga larawan?
Ano ang tawag sa mga ipinakikita ng mga larawan?
Umikot lang kayo sa Maynila, makikita na ang kanyang
mga obra. Ilan lamang ang Transfiguration sa Eternal Gardens
Memorial Park, ang Sunburst sa kisame ng lobby ng Manila
Peninsula Hotel, at ang Nine Muses sa harap ng UP Faculty
Center. Matatagpuan din ang kanyang obra sa UN Headquarters
sa New York, at sa National Museum sa Singapore.
Pagkatapos nito, lalo pang kinilala si Abueva sa larangan ng
iskultura. Tuluy-tuloy ang pagtanggap niya ng mga karangalan at
paglikha niya ng mga obra. Naging Dekano siya ng College of Fine
Arts sa UP at noong 1976, sa edad na 46, siya ang pinakabatang
pinarangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining o National
Artist.
Sa kasalukuyan, sa edad na 74, patuloy pa rin si Abueva sa
paglikha ng mga natatanging iskultura. Isa sa mga bago niyang
dinisenyo ay ang Burol, ang trophy na ibinigay sa nakaraang
Cinemanila Film Festival na ginanap sa Makati noong Hulyo 2004.
Kaya, Ding, bato man ’yan o kahoy, bakal man o semento,
isang bagay ang malinaw: importante ang mga ito para kay
Napoleon Abueva.
Narito ang isang halimbawa ng likhang sining ni Napoleon Abueva.
22
Tama ka! Sayaw, pagpinta, iskultura at musika. Lahat ito ay itinuturing na sining.
Ano nga ba ang sining?
Paano malalaman na ang isang bagay ay likhang-sining?
Maraming maaaring ipakahulugan sa salitang sining. Bawat tao ay may kanya-kanyang
pagpapakahulugan dito. Maaaring ang sining sa akin ay hindi sining para sa iba. Ikaw? Tiyak kong
mayroon ka ring sariling kahulugan ng salitang sining.
Ang sining ay produkto ng malikhaing pag-iisip ng tao. Ipinahahayag niya ang kanyang
damdamin o kaisipan sa naiibang paraan. Nasasabi niya ang kanyang nais ipahayag sa paraang
naiiba at masining.
Tulad ng mga larawan sa itaas, bawat larangang ito ay itinuturing na sining. Sa pamamagitan
nito, nakalilikha ang tao ng mabubuting bagay na nakapagbibigay-lugod at saya sa ibang tao.
Nagagamit niya ang sining sa pagpapahayag ng kanyang damdamin sa paarang hindi ginagawa ng
maraming tao.
23
Ang pagsulat ay isa ring uri ng sining. Sa pagsulat ng mga malikhaing akda tulad ng
talambuhay, mahalagang magtaglay din ito ng kasiningan. Ngunit tandaan mong kailangang
mangibabaw pa rin ang katotohanan ng akda sa pagtalakay sa buhay ng isang taong isusulat.
Halimbawa:
Alin sa dalawang pahayag ang masining?
1. Nagtipid siya sa Maynila.
2. Naghigpit siya ng sinturon sa Maynila.
Kung ang iyong pinili ay ang ikalawang bilang, tama ka. Mas nagtataglay ng kasiningan ang
ikawalang pahayag kung kaya’t magandang gamitin ito.
Isa pang halimbawa:
Bilugan ang pahayag na nagtataglay ng kasiningan.
1. Nagsunog siya ng kilay upang matuwa ang kanyang tatay.
2. Nag-aral siyang mabuti upang matuwa ang kanyang tatay.
Kung ang iyong binilugan ay ang ikalawang bilang, tama ka. Mas masining ang
ikalawang pahayag dahil hindi nito direktang sinasabi ang gustong sabihin. Pinag-iisip nito ang mga
mambabasa.
Ang kasiningan ng isang talambuhay ay hindi lamang maipapakita sa pamamagitan ng
matatalinghagang pahayag, kundi sa kung paano ito nabuo.
Sa nagdaang sub-aralin ay napag-aralan mo na ang tungkol sa paggawa ng balangkas, hindi
ba?
Maipapakita rin ang kasiningan ng talambuhay sa kung paano ito binuo ng awtor.
Halimbawa:
Maaari mong simulan ang iyong isusulat na talambuhay sa pamamagitan ng isang kawikaan
tulad ng ng mga sumusunod:
Ang taong tumatakbo nang matulin, kung matinik ay malalim.
Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.
24
Siguruhin mo lamang na ang kawikaan na iyong gagamitin ay may malaking kaugnayan sa
taong isusulat mo ang talambuhay.
Maaari mo ring simulan ang talambuhay sa pamamagitan ng direktang pahayag ng mismong
gagawan mo ng talambuhay o kaya’y ng isang kinikilala, tulad halimbawa:
Maaari ring mga linya mula sa isang sikat na awitin:
Ako’y isang pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako’y pinoy na mayroong sariling wika.
- Ako’y Pinoy, Florante
O kaya’y isang bahagi ng balitang nabasa mo sa dyaryo:
Ilang araw na ang nakalilipas nang makahanap
ang mga residente ng mga piraso ng ginto sa ilalim
ng Felix Brigde sa Brgy. Del Monte sa balita
ay dagling sumugod ang daan-daang mga residente
sa ilog na tinatambakan ng basura.
- Libre, Oktubre 5, 2004
Ang paggamit ng mga ito sa simula ng talambuhay ay makatutulong upang maging masining
ang isinusulat na talambuhay. Ngunit tandaan na kailangan itong may kinalaman o kaugnayan sa
paksa at maging sa taong ginagawan ng talambuhay. Huwag din kalilimutang isama kung saan
kinuha o kung sino ang nagsabi ng kinuhang pahayag.
“Maano kung tayo ay mamatay sa gitna o sa katapusan ng
ating matinik na paglalakbay? Hindi tayo masisising
kabataang hahalili sa tin. At sa halip nito ay mga luha ng
pagmamahal at pasasalmat ang ididilig nila sa ating mga
libingan.”
- Apolinario Mabini
25
Linangin
Basahing mabuti ang susunod na talambuhay na aking isinulat. Pag-aralan kung paano ko ito
sinimulan at winakasan. Masasabi mo bang epektibo ang ganitong istilo sa pagsulat ng talambuhay?
Bakit?
Pangarap na Natupad
ni Genaro R. Gojo Cruz
"Nagbagong-hugis ang PNU nang magsimulang manungkulan si Dr.
Nilo Rosas bilang pangulo. Nakipagpalagayang-loob muna siya sa mga
guro, estudyante, kawani at staff. Mula sa pagbabagong-bihis ng
pasilidad hanggang sa mga bagong proyektong pang-akademiko ay
natatangi ang kanyang nagawa. Ang hindi ko malilimutan kay Sir ay
ang pagdalaw niya sa mga retiradong propesor ng PNU na naging
propesor niya. Nakatataba ng puso dahil sabi niya, kundi dahil sa mga
propesor niya ay wala siya sa kinalalagyan niya ngayon."
Pat V. Villafuerte
NAGSIMULA ang lahat sa isang pangarap. At ang mga pangarap na ito'y unti-
unting natupad dahil sa ipinamalas niyang sipag at tiyaga sa pag-aaral, maging
sa anumang tungkuling kanyang gampanan. Ito ang kuwento ni dating
Education Undersecretary Nilo L. Rosas na ngayon ay presidente ng Philippine
Normal University (PNU), isa sa mga pangunahing unibersidad sa Pilipinas na
humuhubog ng mga magagaling na guro ng ating bansa.
Tubong Torrijos, Marinduque, si Dr. Rosas ay panganay sa pitong
magkakapatid. Naniniwala si Dr. Rosas na ang pagkakaroon ng wastong
edukasyon ang makapag-aahon sa kahirapan ng isang tao. Sabi niya, hindi niya
gaanong na-enjoy ang kanyang buhay bata dahil wala siyang oras sa paglalaro.
Ang kanyang oras ay ibinuhos niya sa pag-aaral at pagtulong sa kanyang mga
magulang.
Kuwento ni Dr. Rosas, "Laki ako sa hirap. Grade 6 lang ang natapos ng nanay
ko at ang tatay ko naman ay second year hayskul lang. Nagtitinda ng kakanin
ang aking Nanay sa eskwelahan na pinapasukan ko at ang tatay ko ay janitor.
Ang struggle ko sa buhay noon ang naging inspirasyon ko upang magsikap sa
buhay."
Pangarap niya noon ang makatapos ng pag-aaral at bumalik sa Marinduque
upang maging isang simpleng guro. Ngunit kailangan niyang maglagi sa
Maynila at maghanap ng mabuting trabaho upang matulungan ang kanyang
pamilya.
26
Nang makatapos siya, tinulungan niya ang kanyang mga magulang sa
pamamagitan ng pagtulong sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid.
Ipinagmamalaki si Dr. Rosas ng kanyang mga kapatid dahil nakatapos din ang
mga ito tulad niya. Hindi naman siya nabigo dahil ngayon ay may kapatid na
siyang doktor, engineer, Board Member ng Marinduque at Director ng isang
nursing service sa US.
Nagtapos si Dr. Nilo L. Rosas ng kursong BSE Education, magna cum laude sa
Philippine Normal College (PNC). Bilang isang mag-aaral noon ng PNC, isa
siyang aktibong lider at iskolar kung kaya't natanggap din niya ang Jose Rizal
Leadership Award.
Pagkatapos niyang magretiro sa gobyeno noong June 2000, naging Visiting
Scholar at Lecturer siya sa Department of International and Transcultural
Studies at sa Department of Curriculum and Teaching sa Teachers College sa
Columbia University sa New York. Dito niya natamo ang kanyang Ph. D. in
Teacher Education.
Bilang ikawalong presidente ng PNU, nais ni Dr. Rosas na lalong iangat ang
kalidad ng pagtuturo rito.
Ayon kay Mrs. Ibarra, appointment Secretary ni Dr. Rosas, "In general, mabait
siya sa lahat ng bagay. Magalang ang pakikitungo niya sa bawat isa at
napakasipag ni Sir."
Marahil, sasabihin mong epektibo ang simula at wakas ng talambuhay dahil sinimulan ito ng
pahayag mula sa ibang tao ukol sa taong ginawan ng talambuhay. Ang mga pahayag ay nakatulong
upang ganap na makilala ng mambabasa ang taong ginawan ng talambuhay.
Gawin ang mga susunod na gawain sa GAMITIN.
Gamitin
Isulat sa hiwalay na papel ang ginamit na panimula at pangwakas sa talambuhay na iyong
binabasa. Magbigay ng maikling reaksyon ukol sa simula at wakas ng talambuhay. Nakatulong ba
ang ganitong istilo upang maging masining ang talambuhay? Bakit?
Kung ikaw ang susulat na talambuhay na ito, anong salawikain/kasabihan sa ibaba ang iyong
pipiliin gamitin:
27
1. Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.
2. Hangga't makitid ang kumot, magtiis mamaluktot.
3. Tikatikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.
4. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
5. Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman.
6. Ang nauuna ay nagsisisi, nagkukumamot ang nahuhuli.
7. Ang pagkakataon sa buhay ay madalang dumating. Kapag narito na, ating
samantalahin.
Kung ang iyong itinugon ay ang mga bilang 2, 5, at 7, ay tama ka. Ang mga
salawikain/kasabihan na ito ay may malaking kaugnayan sa talambuhay na iyong binasa. Kung
gagamitin mo ang mga ito, makadaragdag ito ng kasiningan sa akda.
Alin naman ang gagamitin mong pangwakas ng talambuhay kung ikaw ang susulat nito.
Pumili sa mga sumusunod:
1.
Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang himala?
Pangarap ko'y
Liwanag ng umaga
Naglalambing
Sa iyong mga mata
- Himala, Rivermaya
2.
Marami ang tao at kakaunti ang pagkain. Ito ang malinaw na
nakikita. Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring
wala nang gaanong magugutom. Kung ganoon, dapat na
magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para
mapigil ang pagdami ng mga tao.
- Editoryal, Pilipino Star Ngayon
10/07/2004
28
3.
“Kailangan ko ang bawat Pilipino upang magkaisa,
makiisa at isa-isang lunasan ang mga sugat ng kahapon.
Kailangan ko ang bawat Pilipino upang lumakas ang
sambayanan para sa mga hamon ng bukas.”
- Pang. Gloria Macapagal-Arroyo
Kung ang iyong napili ay ang bilang 3, ay tama ka. Ang ikatlong bilang ay may malaking
kinalaman sa talambuhay na iyong binasa. Kung isasama mo ito bilang pangwakas ng talambuhay,
masasabing ang kagalingan ng taong ginawan ng talambuhay ay pagsunod sa panagawan ng ating
pangulo na kailangang tumupad ang mga Pilipino sa kani-kanilang tungkulin upang makayanang
lagpasan ang mga hamon ng bukas. Ang taong ginawan ng talambuhay ay katuwang ng ating
pamahalaan sa mga mabubuting misyon nito para sa sambayanan.
Lagumin
Sa sub-araling ito, iyong natutunan ang mga katangiang dapat taglayin ng isang masining na
talambuhay. Tulad ng ibang uri ng sining, ay pagsulat ay isa ring sining dahil ginagamit ng awtor
ang kanyang malikhaing isip upang maipahayag ang kanyang damdamin o kaisipan sa paraan hindi
ginagawa o naiisip ng ibang karaniwang tao.
Iyo rin nalaman ang iba’t ibang paraan kung paano maaaring simulan at wakasan ang
isinusulat na talambuhay upang lalo itong magtaglay ng kasiningan. Maaaring mong simulan at
wakasan ang isinusulat na talambuhay sa pamamagitan ng salawikain/kasabihan, ilang linya mula sa
mga awitin, balitang nabasa, o magagandang sinabi ng ibang tao. Ngunit dapat lamang na siguruhin
na may malaking maitutulong ang mga ito kung isasama sa talambuhay na isinusulat.
Ngayong may sapat ka ng kaalaman ukol sa pagsulat ng talambuhay, tiyak na makasusulat ka
na ng talambuhay ng ibang tao. Ngunit bago mo gawin ito, may inihanda akong gawain para sa iyo.
Ito ay unang hakbang na makatutulong sa iyo sa pagsulat ng talambuhay.
Gawin mo muna ang gawain sa SUBUKIN bago puntahan ang gawain sa PAUNLARIN. Ang
gawain sa SUBUKIN ay makatutulong sa iyo upang magawa mo ang gawain sa PAUNLARIN.
Subukin
Panuto: Gayahin ang pormularyo sa ibaba at saka pasagutan sa iyong kaklase na gusto mong gawan
ng talambuhay. Maaari mo ring dagdagan ang nasa pormularyo kung may mga detalye o
impormasyong nais mo maisama sa iyong isusulat na talambuhay.
29
Pangalan : ___________________________________________________
Petsa at Lugar ng Kapanganakan: ___________________________________________________
Mga Magulang : ___________________________________________________
Pang-ilan sa Magkakapatid : ___________________________________________________
Pagpapakilala sa Sarili
a. Pamilya _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
b. Eskwelahan _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
c. Talento/ ______________________________________________________________________
Parangal ______________________________________________________________________
d. Mga ______________________________________________________________________
Karanasang ______________________________________________________________________
Di Malili- ______________________________________________________________________
mutan ______________________________________________________________________
e. Paniniwala _______________________________________________________________________
sa Buhay _______________________________________________________________________
30
Pagkatapos mong mapasagutan ang pormularyo sa iyong kaklase, simulan mo na
ang pagsulat ng kanyang talambuhay sa isa pang hiwalay na papel. Siguraduhin mong tama ang mga
detalye o impormasyon na kinopya mo mula sa pormularyo. Kung minsan kasi, dahil sa kawalan ng
ingat ng awtor, nagkakaroon ng kamalian sa mga detalye o impormasyon tungkol sa taong ginagawan
ng talambuhay. Kung kaya upang maiwasan ito, maging maingat. Kung may kalabuan ang sagot,
tanungin mo muli ang iyong kaklase upang matiyak ang kawastuan nito.
Bukod dito, maaari kang pumili ng mga salawikain/kasabihan sa ibaba upang lalo mong
mapaganda ang iyong isusulat na talambuhay. Siguruhin lamang na may kinalaman o kaugnayan ito
sa iyong kaklase o sa kanyang buhay.
1. Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago; mabuti pa ang bahay kubo ang
nakatira ay tao.
2. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.
3. Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.
4. Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.
5. Ang mababa ay maganda, may dangal at puri pa.
6. Ang kalusugan ay kayamanan.
7. Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.
8. Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.
Pagkatapos mong maisulat ang talambuhay, ipabasa ito sa iyong kaklase. Hingan siya ng
mga komento ukol sa iyong akda. Kung mayroon siyang mga komento, ikonsidera mo ang mga ito
sa susunod na pagsulat mo ng talambuhay. Makatutulong ito upang lalo mo pang mapakinis ang
iyong kakayahan sa pagsulat.
Kung may oras pa, hilingin mo sa iyong guro na payagan kang basahin ang talambuhay na
isinulat mo sa harap ng inyong klase.
Binabati kita sa iyong matagumpay na pagtupad sa mga kahilingan ng sub-aralin na ito.
Hanggang sa susunod na aralin.
31
Sub-Aralin 3:
Pagiging Malikhain sa Pagsulat ng Talambuhay
Bilang Isang Pasulat na Komunikasyon
Layunin
Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang nagagawa mo ang sumusunod:
1. Nakapagpapakita ng pagiging malikhain sa pagsulat ng talambuhay bilang isang
pasulat na komunikasyon.
2. Napahahalagahan ang mga ambag ng manunulat na Pilipino.
3. Nakapagsasagawa ng interbyu sa isang taong nais gawan ng talambuhay.
Alamin
Usong-usong ngayon ang mga programa sa telebisyon na tumatalakay sa tunay na buhay ng
mga kilalang tao o personalidad. Halimbawa nito ay ang programang Magpakailanman ng GMA 7 at
ang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN. Linggu-linggo, iba’t ibang tao ang kanilang ipinakikilala sa
atin.
Patok na patok sa mga Pinoy ang mga ganitong palabas dahil sa pagtatangka nitong maipakita
ang katotohanan at karanasan ng isang tao sa mga manonood. Kuhang-kuha ng mga palabas na ito
ang interes ng mga manonood.
Maituturing ding isang talambuhay ang palabas na ito ngunit sa ibang paraan nga lamang
sinabi o inilahad sa tao. Ito ay sa pamamagitan ng telebisyon. Ngunit anuman ang gamiting
midyum sa pagpapakilala ng tao at ng kanyang buhay, iisa ang layunin nito, ang makapaglahad ng
katotohanan at makapagbigay ng aral sa iba. Bagamat aminin ko sa iyong may mga taong handang
magbayad, gawan lamang ng talambuhay upang mapaganda o mapabango sila sa madla kahit iba sa
totoong buhay ang kanilang ginagawa.
Sa sub-aralin na ito, makikilala mo nang lubusan si Nick Joaquin, isang kinikilalang
manunulat na Pilipino. Susulat ka rin ng talambuhay ng ibang tao mula sa labas ng iyong klasrum o
eskwelahan.
Ngunit bago mo isagawa ito, tatalakayin muna natin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng
interbyu at paghahanda ng mga tanong.
32
Isa muling matagumpay na pag-aaral sa iyo!
NICK JOAQUIN,
PAMBANSANG ALAGAD NG SINING
ni Tony M. Maghirang
Bihira ang hindi nakakakilala kay Nick Joaquin,
ang premyadong manunulat sa likod ng maiikling
kuwentong May Day Eve at Summer Solstice, ng
tanyag na dulang “A Portrait of the Artist as Filipino”
at ang nobelang “The Woman Who Had Two Navels”.
Si Nick Joaquin ay ipinanganak sa Paco, Manila, noong May 4, 1947. Ang
kanyang mga magulang ay sina Leocadio Joaquin, isang abogado at koronel
ng Philippine Revolution at ang kanyang ina na si Salome Marquez, isang
guro.
Panahon ng batas militar nang tanghaling National Artist for Literature si
Nick Joaquin noong 1976 at tinaguriang siyang pinakamaimpluwensyang
manunulat ng ika-20 siglo. Maigting noon ang sensorsyip kaya tinanggap na
lamang niya ang parangal nang pagbigyan ang kanyang kahilingang palayain
ang isang kaibigang manunulat. Kahit nasa awdyens ang makapangyarihang
mga Marcoses, walang takot niyang tinuligsa sa kanyang pagtanggap na
pananalita ang paniniil sa freedom of expression.
Nagsimulang magsulat si Joaquin ng mga tula, sanaysay at maikling
kuwento taong 1934. Pagkatapos ng isang taon, ang una niyang obra ay
lumabas sa Tribune habang nagtatrabaho bilang isang proofreader sa Taliba-
Vanguardia-Tribune nang panahong iyon. Nagsulat din siya ng mga maiikling
kwento para sa Philippine Free Press at Herald: Midweek Magazine.
Pagkatapos ng digmaan, patuloy siyang nagsulat ng mga investigative reports
sa Philippines Free Press sa pangalang mas kilala bilang Quijano de Manila.
Taong 1957, nanalo siya ng isang fellowship grant mula sa Harper
Publishing Company at habang nasa Amerika siya, sinulat niya ang award-
winning na “The Woman Who had Two Navels” na nanalo ng unang Harry
Stonehill Novel Award.
Noong 1996, iginawad naman sa kanya ang Ramon Magsaysay Award for
Literature bilang pagkilala sa 60 taon ng kanyang pagsulat ng mga sulating
tumatalakay sa buhay ng mga Pilipino.
33
Dito makikita na hindi elitista ang pagtingin ni Nick Joaquin sa pang-
araw-araw na panulat o pamamahayag. Siya nga mismo ay sumulat ng
maiikling akda tungkol sa peronalidad na tinatangkilik ng mga tinatawag na
bakya crowd, gaya nina Nora Aunor, Erap Estrada at iba pang artista na may
malaking gampanin sa buhay ng pangkaraniwang-Pinoy.
Naging mamamahayag at editor siya ng Philippine Graphic nunit pinili
niyang labanan ang pamunuan ng publikasyong ito at sumama sa piketlayn
upang iprotesta ang mababang pasahod sa mga manggagawa.
Ilan lamang ito sa masasabing pagkakaiba ni Nick sa ibang manunulat.
Hindi siya mahilig sa rangya at sa mga pangaral. Mas masaya siya kung ang
kanyang mga kausap ay ang mga karaniwang tao, tulad ng mga piyon, taxi
drivers at mga obrero. Masang-masa siya.
Kilala rin si Nick Joaquin sa kanyang pagkahilig sa pag-inom ng San
Miguel Beer, isang katangian na hindi niya ikinahihiya.
Hindi maikakailang isa si Nick Joaquin sa pinakamagaling na manunulat
ng bansa. Nasasalamin sa kanyang panulat ang pagmamahal niya sa Maynila
ng kanyang kabataan. Lagi’y nasasaling niya ang mga temang may
kaugnayan sa kontradiksyon: babae at lalake, katotohanan at imahinasyon,
panitikan at lipunan, noon at ngayon.
May puwang pa kaya si Nick Joaquin sa kasalukuyang panahon?
Ngayong usung-uso ang internet, e-mail, chat, at text, at kakaunti na lamang
ang gustong magbasa. Mas gusto ng mga kabataan sa kasalukuyan ang mag-
kompyuter, mag-Ragnarok o kaya ay mag-text. Masyadong mabilis ang
panahon kung kaya itinuturing na ngayong makaluma ang kanyang mga akda.
Ngunit sa mga nahihilig basahin ni Nick Joaquin, tiyak na nakikita nilang
malaki ang ginagampanan ng mga akda sa pagkilala nila sa kanilang pagka-
Pilipino.
Sumakabilang buhay si Nick Joaquin noong Abril 29, 2004 sa edad na 86.
Sa luksang-parangal na ibinigay sa kanya, imimungkahi ni Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo na bilang pag-alala kay Nick, magsama-sama ang lahat ng
mga Pilipino upang bumuo ng isang lipunang nagpapahalaga sa ating mga
kinikilalang bayani, sa mga manunulat at sa mga natatanging alagad ng
sining. Dahil sila ang mga natatanging Pilipino na nagpapanatili at
nagpapayabong ng ating kultura at pagka-Pilipino.
(Pinagkunan: Tipong Pinoy, Vol. 1, No.5, p.4)
34
Sa iyong palagay, ano kaya ang mga hakbang na isinagawa ng awtor ng talambuhay ni Nick
Joaquin upang makakuha ng mga inpormasyon tungkol sa magaling na manunulat?
Tama ka! Nagsaliksik ang awtor.
Saan-saan kaya siya nagsaliksik?
Kung ang naiisip mo ay sa aklatan, internet, at iba pang mga babasahin ay tama ka. Maging
maingat sa pagkuha ng mga datos o impormasyon upang maiwasan ang pagkakamali.
Ngunit kung buhay pa ang taong gustong gawan ng talambuhay, maaari kang magsagawa ng
interbyu o panayam.
Ano ba ang interbyu o panayam?
Ito ay isang paraan ng pagkuha ng mga detalye o impormasyon sa isang tao na ginagawan
mismo ng talambuhay. Sa pamamagitan nito, ikaw at ang taong gagawan ng talambuhay ay
magkaharap na nag-uusap. Personal mong nakukuha ang mga mahahalagang impormasyon tungkol
sa kanya.
Sa pagsasagawa ng interbyu, may mga hakbang na kailangan isakatuparan muna. Ito ay ang
mga sumusunod:
1. Dumating sa tamang oras na napagkasunduan.
2. Magdala ng bolpen at papel. Kung may tape recorder ay mas mabuti.
3. Isulat na sa isang papel ang mga tanong na nais itanong sa taong kakapanayanim.
4. Maging magaling sa pag-iinterbyu.
5. Magpasalamat pagkatapos ng interbyu.
Paano ba inihahanda ang mga tanong para sa isang interbyu?
Madali lamang. Kailangan nagmula muna sa mga tanong tungkol sa sarili, nakamit at mga
karanasan sa buhay, pangarap o mga palano, patungo sa mahihirap na tanong tulad sa paniniwala o
pilosopiya sa buhay, mga pagtingin sa mga isyu. Unahin mo muna ang mga tanong na kailangan sa
talambuhay tulad buong pangalan, petsa at lugar kapanganakan, mga magulang, natapos at iba pa.
Ihuli mo ang mga tanong na mahihirap, ito ay upang maihandang mabuti ang kinakapanayam.
Nabanggit ko na sa sub-aralin na ito, ikaw ay mag-iinterbyu ng isang tao sa labas ng inyong
klasrum o paaralan. Siya ay maaaring may katungkulan sa inyong lugar o simpleng mamamayan na
may mabubuting at kapaki-pakinabang na gawain sa inyong pook. Ngunit bago mo siya puntahan at
kapanayamin, aalalayan muna kitang gumawa ng mga tanong.
Gawain ang pagsasanay sa LINANGIN.
35
Linangin
Panuto: Mag-isip ng isang tao na maaari mong kapanayamin upang gawan ng talambuhay. Tiyak na
sa inyong lugar ay may mga kinikilalang personalidad o mamamayan o kaya’y mga
pangkaraniwang tao na may naitutulong na malaki sa iba tao at sa lipunan.
Kung nahihirapan kang mag-isip kung sino ang iyong kakapanayamin, tignan mo ang susunod
na talaan ng mga taong maaari mong gawan ng talambuhay:
1. Isang amang nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo
2. Isang maliit negosyante sa inyong lugar na umunlad dahil sa pagsisikap
3. Isang dating service crew na nakatapos na ng pag-aaral sa kolehiyo
4. Isang dating valedictorian sa inyong paaralan na ngayo’y matagumpay na sa
kanyang larangan
5. Isang kilalang modista sa inyong pook
6. Isang kinikilalang barangay tanod
Kung natukoy mo na ang taong gusto mong kapanayamin upang gawan ng
talambuhay, maghanda ka ng sampung (10) tanong para sa kanya. Ipakita mo muna sa iyong guro
ang mga tanong na iyong ginawa. Tandaan na posibleng sa panahon ng panayam ay may mga tanong
kang wala sa iyong inihanda na magandang maitanong. Ayos lang! Isulat ang mga tanong sa isang
hiwalay na papel.
Huwag kalilimutang dalhin ang mga tanong na ito sa araw na itinakda ang panayam. At
siyempre, huwag na huwag mong kalilimutan ang magdala ng bolpen at papel, o kaya’y ng tape
recorder kung mayroon. Maging maingat sa pagsusulat o pagtatala ng mga datos at impormasyong
binabanggit ng kinakapanayam.
Gamitin
Pero bago mo puntahan ang taong nais mong kapanayamin. Iyo munang pag-aralan ang
wastong pagtatanong. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.
Mga Ginagamit
sa Pagtatanong
Kaukulan o Gamit
1. Ano Ginagamit sa pagtatanong ng ngalan ng bagay o pangyayari.
2. Sino Ginagamit sa pagatatanong ng ngalan ng tao.
3. Ilan Ginagamit sa pagtatanong ng bilang.
36
4. Saan Ginagamit sa pagtatanong ng pook.
5. Kanino Ginagamit sa pagtatanong ng ngalan ng tao
6. Kailan Ginagamit sa pagtatanong ng panahon
7. Gaano Ginagamit sa pagtatanong ng timbang o sukat
8. Paano Ginagamit sa pagtatanong ng paraan
9. Alin Ginagamit sa pagtatanong kung alin ang pipiliin
10. Bakit Ginagamit sa pagtatanong ng dahilan
Panuto: Punan ng wastong panandang pananong ang mga sumusunod:
1. ______________ ang mga isinulat ni Nick Joaquin?
2. ______________ ipinanganak si Nick Joaquin?
3. ______________ ang mga magulang ni Nick Joaquin?
4. ______________ ang unang obra ni Nick Joaquin?
5 ______________ sinasabing naiiba si Nick Joaquin sa ibang manunulat?
6 ______________ tinanggap ni Nick Joaquin ang parangal bilang National Artist noong 1976?
7 ______________ ang mga tema/paksa na madalas talakayin ni Nick Joaquin sa kanyang mga
akda?
8 ______________ sumakabilangbuhay si Nick Joaquin?
9 ______________ ipinakita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pakikiramay sa
namayapang manunulat?
10 ______________ taon si Nick Joaquin nang pumanaw?
Narito ang mga wastong sagot.
1. Ano 6. Bakit
2. Kailan/Saan 7. Ano
3. Sino 8. Kailan
4. Ano 9. Paano
5. Bakit 10. Ilan
Kung ang iyong nakuha ay higit sa lima (5), maaari mo nang gawin puntahan ang LAGUMIN. Pero
kung ang nakuha mo ay apat (4) pababa, pag-aralan mong muli ang tsart ukol sa wastong
pagtatanong.
Lagumin
Sa sub-aralin na ito, iyong natutunan ang mga hakbang upang maging malikhain ang iyong
isinusulat na talambuhay. Malaki ang maitutulong ng pananaliksik upang maging makatotohan ang
iyong akda. Nalaman mo rin ang kahalagahan ng pagiging maingat sa mga datos at impormasyon.
Tinalakay din natin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng interbyu sa isang taong nais gawan
ng talambuhay. Kailangan ang pagiging handa at laging nasa oras sa panayam upang maiwasang
makaabala sa taong hinihingan ng pabor.
37
Natutunan mo rin ang wastong pagtatanong. Kailangan itong magmula sa madadali patungo
sa mahihirap na tanong. Ito ay upang maihanda at hindi mabigla ang taong tinatanong.
Marahil, nasasabik ka nang sumulat.
Subukin
Ngayong hawak mo na ang mga datos o impormasyon, simulan mo na ang paggawa ng
balangkas o outline. Isulat ang balangkas sa isang hiwalay na papel.
Pag-isipan mo na rin kung paano mo sisimulan at wawakasan ang talambuhay na iyong
isusulat. Maghanap ng babagay na salawikain sa taong iyong kinapanayam o maaari rin namang
isang linya ng sikat na awitin. Alam kong taglay mo rin ang malikhaing-isip upang maging masining
ang iyong akda.
Marahil, nasasabik ka nang lagyan ng laman ang balangkas na iyong ginawa. Sige ito na ang
panahon ng iyong pagsusulat.
Paunlarin
Ngayong kumpletong-kumpletong na ang lahat, maaari mo nang simulan ang pagsulat ng
iyong talambuhay. Gamitin mo ang mga kasanayang iyong natutunan sa mga nagdaang sub-aralin
upang maging masining ang iyong akda.
Pagkatapos mong maisulat ang talambuhay, hilingin mo sa iyong guro na babasahin mo ito sa
harap ng klase. Tulad uli ng dati, kung mayroong mga mungkahi ang mga iyong mga kaklase at guro
sa iyong isinulat na talambuhay, gamitin mo ang mga ito. Makatutulong ito upang mapakinis mo pa
ang iyong akda.
Mas maganda rin kung bibigyan mo ng kopya ng iyong akda ang taong iyong kinapanayam.
Tiyak kong matutuwa siyang mabasa ang iyong akda na iyong pinaghirapan.
Binabati kita sa iyong matiyagang pag-aaral sa modyul na ito.
Sagutin mo ang panghuling pagsusulit sa GAANO KA NA KAHUSAY? para matiyak natin
ang iyong natutuhan sa aralin.
38
Gaano ka na kahusay?
I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pagbibigay-kahulugan. Piliin sa kahon ang letra ng
salitang
tumutukoy sa bawat isa. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.
1. Tumatalakay ito sa kasaysayan o kuwento ng buhay ng isang tao.
2. Dalawang salitang pinanggalingan ng salitang talambuhay.
3. Talambuhay ng ibang tao
4. Talambuhay ng pansarili
5. Nagsisilbi itong pagtnubay sa pagsulat ng talambuhay. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng
mga detalye o kaisipan.
6. Ito ay ang mga nagpapayaman at tumutulong upang maging makatotohanan ang isang
talambuhay.
7. Ito ay isang hakbang upang makakuha ng mga impormasyon ukol sa isang taong nais
gawan ng talambuhay kung siya ay nabubuhay pa.
8. Katumbas ng salitang talambuhay sa ingles.
9. Isang paraan ito upang mapakinis o mapaganda ang isinusulat na talambuhay. Kasama
dito ang pagwawasto ng mga gamit ng salita at iba pa.
10. Ito ay produkto ng malikhaing-isip ng tao na kanyang ginagamit sa pagpapahayag ng
kanyang kaisipan o damdamin.
tala at buhay talambuhay
biography interbyu
autobiography sining
impormasyon balangkas
detalye pormularyo
tape recorder rebisyon
39
II. Punan ng wastong tandang pananong ang mga sumusunod:
1. ______________ ang mga talento ni Marcelo H. del Pilar?
2. ______________ nais ni del Pilar na magtatag ng mga paaralan?
3. ______________ ginamit ni del Pilar ang La Solidaridad bilang tagapangasiwa?
4. ______________ nabigo ang balak na pagbabalik ni del Pilar sa Pilipinas?
5. ______________ pumanaw si del Pilar?
6. ______________ hinubog ni Napoleon Abueva ang iskultura niyang Kaganapan
at Mother & Child?
7. _____________ naiiba ang iskultura ni Abueva sa kanyang titser na si Guillermo Tolentino?
8. ______________ kalupit ang dinanas ng pamilya ni Abueva sa panahon
ng pananakop ng mga Hapon?
9. ______________ ang mga magulang ni Abueva?
10. _____________ makikita ang mga obra ni Abueva?
Pagkatapos mong masagutan ang pagsusulit, hingin mo sa iyong guro ang susi sa
pagwawasto. Ihambing ang iyong mga kasagutan.
Kung ang iyong nakuha sa pagsusulit ay 10 pataas, maaari mo ng gawin ang susunod na
modyul. Kung ang iyong nakuha naman ay 9 pababa, iminumungkahi kong balikan mo ang ilan sa
mga sub-aralin sa modyul na ito.
Maraming salamat kaibigan!
40
Modyul 5
Pagsulat ng Talambuhay
Ano na ba ang alam mo?
1. talambuhay
2. tala at buhay
3. biography
4. autobiography
5. balangkas
6. detalye/impormarsyon
7. interbyu
8. biography
9. rebisyon
10. sining
Gaano ka na kahusay?
I. II.
1. talambuhay 1. Ano
2. tala at buhay 2. Bakit
3. biography 3. Paano
4. autobiography 4. Bakit
5. balangkas 5. Kailan
6. detalye/impormasyon 6. Saan/Paano
7. interbyu 7. Paano
8. biography 8. Gaano
9. rebisyon 9. Sino
10. sining 10. Saan
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 6
Ang Tatlong Prinsipe
at ang Mahiwagang Ibon
2
Modyul 6
Ang Tatlong Prinsipe
at ang Mahiwagang Ibon
Tungkol Saan ang Modyul na Ito?
Mahal kong estudyante, tiyak, marami ka nang nabasa at napag-aralang tula, kwento,
sanaysay at nobela. Tiyak din, may alam ka tungkol sa mga superheroes, tulad nina Batman,
Superman, Catwoman, Darna at iba pa – mga bayaning may kapangyarihang supernatural, o
nakagagawa ng mga kababalaghang di kayang gawin ng mga ordinaryong tao tulad mo.
Lumawak ba ang karanasan mo sa pagbabasa tungkol sa mga pakikipagsapalaran nila?
Gumalaw ba ang imahinasyon at nakalipad ka sa ere kasama nila?
Kung gayon, halika, hayaang dalhin ka sa makulay na daigdig ng awit ng Adarna at ng pag-
ibig ng tatlong magkakapatid na prinsipe.
Sa tulong ng modyul na ito, gisingin mo ang haraya o imahinasyon at makinig sa awit ng
mahiwagang Ibong Adarna.
Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang unang bahagi ng koridong Ibong Adarna. Ang korido
ay mahabang tulang pasalaysay tungkol sa mga pakikipagsapalarang hindi nagaganap sa tunay na
buhay pero nabibigyang buhay ng mayamang imahinasyon.
Ano ang Matututunan Mo?
Ang kwento tungkol sa mahiwagang ibon at sa tatlong mararangal na prinsipe ay magiging
daluyan ng mga kasanayang inaasahang matatamo sa modyul na ito.
Inaasahang matututuhan mo sa modyul na ito na makilala ang korido at masuri ang Ibong
Adarna batay sa mga tiyak na katangian at pamantayan tulad ng sukat at tugma. Narito ang mga tiyak
na kasanayang inaasahang matatamo sa modyul:
3
1. Nakikila at nasusuri ang korido at ang mga katangian nito
2. Nakabubuo ng mga patunay sa tulong ng mga tiyak na bahaging:
a. naglalarawan ng tauhan at pag-uugali ng tao (masama o mabuti)
b. nagsasalaysay ng kanilang mga pakikipagsapalaran
3. Nakapagsusuri nang kritikal sa tulong ng mga tiyak na bahaging nagpapakita ng:
a. sanhi at bunga kaugnay ng mga pangyayari at kinahinatnan
b. pakay at motibo ng bawat tauhan
c. mga paniniwalang inilahad
O, hindi mahirap iyan. Kayang-kaya mo basta’t hakbang-hakbang mong susundan ang bawat
bahagi ng modyul.
Huwag kang mag-alala. Nasa sarili mong mga kamay ang bilis o bagal ng pag-unlad mong
matamo ang mga kasanayang inaasahan sa iyo.
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang
modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga
tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing
mabuti.
1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit.
2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang
upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na
ito.
3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat
ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha
mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo.
4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay
nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang
maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.
5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang
aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa
pagwawasto.
4
6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga
gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.
Ano na ba ang alam mo?
Nabasa mo na ba ang Ibong Adarna? O marahil ay may narinig ka nang kwento tungkol sa
isang mahiwagang ibon na ang awit ay nakapagpapagaling ng maysakit.
Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ng
nilalaman ng modyul na ito.
Tandaan: Hindi mo susulatan ang modyul. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang
pangungusap at M naman kung mali.
1. Ang korido ay maikling tulang pasalaysay.
2. Ang korido ay tulang may sukat at tugma.
3. Ang korido ay tungkol sa pakikipagsapalarang posibleng maganap sa tunay na buhay.
4. Kapag sinabing may sukat ang tula, pare-pareho ang bilang ng pantig sa bawat
taludtod.
5. Sinasabing di tiyak ang sukat ng tula kapag hindi pare-pareho ang bilang ng pantig sa
bawat taludtod.
6. Magkatugma ang mga salitang pusa at puso dahil parehong may impit na tunog sa
dulo.
7. Ang mga tauhan sa isang korido ay karaniwang mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa
at iba pang mga mahal na tao.
8. Magkatugma ang mga salitang lawiswis at pagaspas dahil parehong s ang dulong
tunog.
9. Magkakatugma ang mga salitang taksil, sutil at bilbil.
10. Ang Ibong Adarna ay isang korido.
5
B. Isulat sa sagutang papel ang tamang salita sa mga patlang. Piliin ang sagot sa mga salitang
nakakulong sa parentesis.
1. Tatlong magkakapatid ang tauhan sa Ibong Adarna. Ang bida ay ang _______
(panganay, pangalawa, bunso).
2. Ang paborito ng amang hari ay ang _______(panganay, pangalawa, bunso).
3. Sa paghahanap sa mahiwagang ibon, ang nagtagumpay ay ang _________ (panganay,
pangalawa, bunso).
4. Dalawa sa tatlong magkakapatid ang naging bato. Sila ay ang
__________(panganay at pangalawa, panganay at bunso, pangalawa at bunso).
5. Ang bunsong prinsipe ay nagtagumpay dahil laging siyang nananalangin at
humihingi ng gabay at patnubay sa __________ (Mahal na Birhen, Panginoong
Hesukristo, San Jose).
6. Nakatulong sa bunsong prinsipe ang isang _________ (matandang lalaki,
matandang babae, munting bata).
7. Naging bato ang dalawang nakatatandang kapatid dahil napatakan sila ng
_______ (dumi, laway, balahibo) ng Ibong Adarna.
8. Nang magkasakit ang Hari, ang tanging lunas ay ang _____ (laway, awit, itlog)
ng Ibong Adarna.
9. Hindi nakasabay sa pag-uwi ng mga kapatid ang bunso dahil ___________
(binugbog siya ng 2 kapatid, binugbog siya ng mga magnanakaw, binugbog siya ng
taong bayan).
10. Nang makauwi na ang bunso at umawit na ang Adarna, ang Hari ay biglang
_______ (gumaling, naglubha, namatay).
C. Basahin ang ilang piling saknong at piliin sa mga salita sa ibaba ang katangiang
ipinapahayag sa bawat saknong.
47 Si Don Pedro’y tumalima
sa utos ng Haring ama,
iginayak kapagdaka
kabayong sasakyan niya.
(a) masunurin (b) mapagpakumbaba (c) matulin
6
146 Sa lalagya’y dinukot na
yaong tinapay na dala,
iniabot nang masaya
sa matandang nagdurusa
(a) mapagkawanggawa (b) maramot (c) masayahin
231 Nang sila ay magpaalam
ay lumuhod si Don Juan
hiniling na bendisyunan
ng Ermitanyong marangal.
Ang bendisyon ay:
(a ) patnubay ng matanda
(b) pagluhod sa matanda
(c) paghiling sa matanda
290 “Sa akin po ay ano na
sinadlak man nga sa dusa,
kung may daan pang magkita
pag-ibig ko’y kanila pa.”
(a) mapagpatawad (b) malilimutin (c) matampuhin
394 “Malaki man po ang sala
sa aki’y nagawa nila,
yaon po ay natapos na’t
dapat kaming magkasama.”
(a) mapagtanim ng galit
(b) mapagpahalaga sa pagsasama ng magkakapatid
(c) mapag-isip ng masama sa kapatid
D. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Alin ang sanhi at alin ang bunga sa dalawang
pangyayaring inilalahad sa bawat pangungusap?
1. Pagod si Don Pedro kaya nakatulog agad.
Sanhi _________________ Bunga ______________
2. Di nakalilimot humingi ng patnubay si Don Juan kaya laging may tumutulong
sa kanya.
7
Sanhi ________________ Bunga ________________
3. Ayaw umawit ng Ibong Adarna, kasi’y di nakasama sa pag-uwi sa Berbanya
ang tunay na nakahuli sa kanya.
Sanhi _______________ Bunga _________________
4. Mainggitin si Don Pedro kaya siya nag-isip ng masama laban sa sariling
kapatid.
Sanhi _______________ Bunga _________________
5. Gumaling ang hari nang marinig ang awit ng Ibong Adarna.
Sanhi _______________ Bunga _________________
6. S18 T1-2: “Sa pag-ibig ng magulang/ mga anak ay dumangal.”
Sanhi_______________ Bunga _____________________
E. Anong paniniwala ang inilalahad sa sumusunod na mga saknong:
19 May paniwala ang ama
na di ngayo’t Hari siya,
maging mangmang man ang bunga
sa kutya ay ligtas sila.
a. kapag anak ng hari, igagalang kahit hindi nakapag-aral
b. kahit anak ng hari ay kailangang mag-aral
c. kapag anak ng hari ay ligtas sa pagkutya
20 Alam niyang itong tao
kahit puno’t maginoo
kapag hungkag din ang ulo
batong agnas sa palasyo.
a. mahalaga ang may mataas na pinag-aralan ang mga
namumuno ng kaharian
b. mahalagang walang laman ang ulo ng mga namumuno
c. mahalaga ang maging puno’t maginoo
30 Ngunit itong ating buhay
talinghagang di malaman
matulog ka nang mahusay
magigising nang may lumbay.
8
a. isang palaisipan ang buhay
b. kapag masaya kang natulog, may problema paggising mo
c. paggising mo ay laging may problema
Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi sa
Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kung
nakakuha ka ng 28 pataas, di mo na kailangang pag-aralan ang modyul na ito. Maaari ka nang
magpatuloy sa Modyul 7.
Pero kung wala pang 28 ang nasagutan mo nang tama, kailangan mo ang modyul na ito.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub-Aralin 1
Ang Korido at ang mga Katangian Nito
Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang nakikilala at nasusuri mo ang korido at ang
mga katangian nito.
Alamin
Nabanggit na sa unahan ng modyul ang korido. Natatandaan mo pa ba kung ano na ang
nabanggit tungkol sa korido? Tama. Ito ay mahabang tulang pasalaysay.
May iba pa kayang katangian ang korido? Ipagpatuloy mo ang pagbasa upang malaman ang
sagot.
Narito ang iba pang mga katangian ng korido:
1. May sukat at tugma. Sinasabing may sukat ang tula kung pare-pareho ang bilang
ng pantig ng mga salitang bumubuo sa bawat taludtod o linya ng tula.
Bilangin mo nga ang mga pantig sa unang saknong ng Ibong Adarna:
9
O Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
liwanagin yaring isip
nang sa layo’y di malihis.
Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod? Walo, di ba? Pare-parehong walo ang pantig sa
bawat taludtod. Kapag korido ang pinag-uusapan, laging walong pantig mayroon sa bawat taludtod.
May tugma naman kung ang mga dulong salita sa bawat taludtod ay magkakapareho ng
tunog. Balikan mo ang saknong sa itaas. Ano ang mga salita sa dulo ng bawat taludtod? Di ba kaibig-
ibig, langit, isip at malihis? Ano ang dulong tunog?
Di ba g, t, p at s? Magkakatugma ang mga katinig na iyan. Pero pansinin mo rin na ang
patinig bago ang mga dulong tunog na nabanggit ay pawang i. Kung hindi magkapareho ang huling
patinig, hindi masasabing magkatugma ang dalawang salita.
May iba pa bang katangian ang korido? Mayroon pa. Magpatuloy ka.
1. Ito’y sadyang para basahin, hindi awitin
2. Kapag inawit, mabilis ang himig o allegro. Ito ay dahil maiikli ang mga taludtod;
wawaluhing pantig lamang.
3. Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural, o may kakayahang
magsagawa ng mga kababalaghang di kayang gawin ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag
ng bundok sa isang magdamag lamang
4. Malayong maganap sa tunay na buhay ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan.
Ang Ibong Adarna ang itinuturing na pinakapopular na korido. Ayon kay Pura Santillan-
Castrence (Publikasyon Blg. 26, Surian ng Wikang Pambansa, 1940), ang kwento ng mahiwagang
ibong ito ay maaaring hinango sa mga kwentong bayan ng ibang bansa, gaya ng Germany, Denmark,
Romania, Finland, Indonesia at iba pa.
Kung mayroon kang mapa ng daigdig, pwede mong tingnan ang lokasyon ng mga bansang
ito.
Sa palagay mo, ginaya nga lamang kaya sa ibang bansa ang kwento tungkol sa mahiwagang
ibon? Maaaring oo, maaari rin namang hindi. Isa lamang iyan sa mga pananaw kaugnay ng Ibong
Adarna.
May iba pang pananaw. Sinasabi naman ng mga foklorista na ang mga kwentong bayan, saan
mang dako ng daigdig, ay sadyang may pagkakahawig, may iisang motif o sinusunod na balangkas.
Gayon man, nagkakaiba ang mga ito sa mga detalye. Bakit? Nahulaan mo. Siguro, dahil sa kultura at
mga halagahan ng partikular na bansang bumuo nito, di ba?
10
Samakatwid, kahit mga prinsipe at prinsesa mula sa malalayong bayan ang mga bida sa
korido, kitang-kita pa rin sa mga kilos, pananalita at paniniwala ang kanilang pagka-Pilipino.
Mapapatunayan mo ito sa pag-aaral ng Ibong Adarna.
Ang Ibong Adarna ay may 1717 saknong. Hinati ito sa apat na bahagi. Pag-aaralan mo sa
modyul na ito ang unang bahagi.
Narito ang buod ng unang bahagi ng Ibong Adarna:
Ang ganda ng kwento, di ba? Unang bahagi pa lamang iyan. Napaglalaro mo ba sa isip ang
larawan ng tatlong prinsipe? Aling talata ang nagpapakilala sa mga pangunahing tauhan? Tama, ang
unang talata.
Ano na nga ang mga pangalan nila? Don Pedro, Don Diego at Don Juan, di ba?
May problemang dumating sa kaharian. Ano ito? Kung ang sagot mo ay ang pagkakasakit ng
hari, tama ka. Ano naman daw ang solusyon? Kailangan daw hulihin ang mahiwagang Ibong Adarna!
Nailalarawan mo ba sa isip ang hirap na dinanas ng tatlong prinsipe para lamang
magtagumpay sa kanilang misyon? Alam mo ba kung ano lamang ang sasakyan nang mga panahong
iyon? Tama ka. Kabayo.
Tatlong prinsipe ang mga anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana ng Berbanya: sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Isang
masamang panaginip ang nagbunga ng malubhang pagkakasakit ng hari, na
ang tanging lunas ay ang awit ng mahiwagang Ibong Adarna.
Unang naghanap sa ibon ang panganay na si Don Pedro at pagkaraan
ay ang pangalawang si Don Diego. Kapwa sila naging bato. Nang ang
bunsong si Don Juan naman ang naghanap, dalawang matanda ang
nakatulong upang mahuli nito ang ibon at maging taong muli ang dalawang
kapatid.
Nang pauwi na sila, binugbog ng dalawang kapatid si Don Juan at
iniwan itong hindi makabangon. Pagdating sa kaharian, tumangging umawit
ang Adarna, na naging isang napakapangit na ibon. Samantala, isang matanda
ang tumulong kay Don Juan kaya ito gumaling at nakauwi. Pagdating niya sa
palasyo, inawit ng ibon ang naging pagtataksil ng nakatatandang mga
kapatid. Nakiusap si Don Juan na patawarin ng hari ang dalawa. Mula noon,
gabi-gabing pinabantayan ng hari ang ibon sa tatlong anak na halinhinan sa
pagbabantay.
11
Para mas mapahalagahan mo ang koridong pinag-aaralan, basahin ang ilang tiyak na saknong
sa ibaba. Sa pagtukoy sa mga saknong, gagamitin ang S upang katawanin ang salitang Saknong at
ang T naman para sa Taludtod. Kaya kapag nabasa mo ang S1 T2, ang tinutukoy nito ay ang
Saknong 1 Taludtod 2.
Ang simula ng korido. May paraan ng pagsisimula ang isang korido. Mahulaan mo kaya
kung paano sinisimulan ang korido?
Tama. Sa isang panawagan o sa isang paghahandog, na karaniwan ay sa isang patrong
pintakasi.
Mayroon bang patrong pintakasi sa inyong lugar? Sa koridong ito, sino kaya ang patrong
pinipintakasi? Magpatuloy ka ng pagbasa. Basahing muli ang unang saknong.
1 O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
liwanagin yaring isip
nang sa iyo’y di malihis.
Kanino nananawagan ang makata? Di ba sa Birhen? Si Birheng Maria na ina ng lahat ang
tinatawagan ng makata. Ano naman ang ipinapahayag ng mga kasunod na saknong?
2 Ako’y isang hamak lamang
taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw.
3 Malimit na makagawa
ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa.
4 Labis yaring pangangamba
na lumayag na mag-isa
baka kung mapalaot na
ang mamangka’y di makaya.
Ano ang mga ideang ipinapahayag sa mga saknong sa itaas? Kung ang sagot mo ay (a)
pagpapakumbaba at (b) pagmaliit sa sariling kakayahan, tama ka. Sinasabi sa mga saknong 2-4 na
kailangan ng makata ng pamamatnubay upang hindi siya magkamali sa pagsasalaysay. Magpatuloy
ka.
12
5 Kaya, Inang matangkakal,
ako’y iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
nitong kakathaing buhay.
Bigyang pansin ang Birheng kaibig-ibig sa S1, at ang Inang matangkakal sa S5. Dalawang
magkaibang patron kaya sila? Tama ka, iisa lamang sila, na walang iba kundi ang Mahal na Birheng
Maria.
Batay sa binasa mong saknong, ano ang kahulugan ng salitang matangkakal? Kung di mo pa
alam, ito’y nangangahulugang mapagtangkilik, o siyang nag-aalaga at laging pumapatnubay sa mga
nilalang ng Diyos.
Ganito ang karaniwang simula ng korido, ang paghingi ng makata ng patnubay sa Birhen
upang di magkamali sa gagawing pagsasalaysay. Ideang relihiyoso ito, di ba? Karaniwan din na ang
bidang nagtatagumpay sa pakikipagsapalaran ay iyong madasalin, di nakalilimot sa Diyos, at
maawain sa kapwa.
Bakit kaya ganito? Di ba panahon ng Kastila nang isinulat ang korido? Ano ang isa sa mga
dahilan ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas? Kung ang sagot mo ay upang magpalaganap ng
kaisipang Kristiyano, tama ka.
Kaya nga ang korido at iba pang mga anyong pampanitikan nang panahon ng pananakop ng
mga Kastila ay may temang relihiyoso.
Sa palagay mo, pumapasok na ba rito ang kultura at halagahang una nang nabanggit na bahagi
ng pagkakaiba-iba sa detalye ng mga kwentong bayan ng iba’t ibang bansa? Kung oo ang sagot mo,
tama ka na naman. Kung hindi, suriin mong mabuti ang iyong sarili. Di ba bahagi ng kulturang
Pilipino ang pagdarasal sa tuwi-tuwina, maging ang tinatawagan ay ang Panginoong Diyos, si
Yahweh, o si Allah?
Linangin
Nabanggit na sa bahaging Alamin ang tungkol sa sukat at tugma. May karagdagan ka pa kayang
kaalamang dapat ding matutuhan kaugnay pa rin ng sukat at tugma? May mga tanong sigurong
nabubuo sa isip mo na ibig mong liwanagin. Para masagot ang mga tanong mo, basahin ang S12, na
naglalarawan sa reyna ng Kahariang Berbanya:
13
Kabiyak ng puso niya
ay si Donya Valeriana,
ganda’y walang pangalawa’t
sa bait ay uliran pa.
Bigyang pansin ang T1. Ilang pantig ang nabilang mo? Pito lamang? Hindi, walo pa rin ang
pantig sa taludtod na iyon. Kasi, ang salitang niya ay binibigkas noon na may dalawang pantig: ni-ya.
Mabilis ang bigkas na ang diin ay nasa pangalawang pantig na YA.
May ibang tula (hindi korido) na hindi pare-pareho ng bilang ng pantig ang mga taludtod.
Sinasabing ito’y walang tiyak na sukat.
Balikan mo naman ang tugma sa saknong ding nabanggit. Ano ang magkakatugmang tunog sa
dulo ng bawat taludtod? A, di ba? Pero teka, di ba ang huling salita sa T3 ay pangalawa’t?
Samakatwid ay t ang huling tunog? Ang pangalawa’t ay pinaikling pangalawa at. Ang itinuturing pa
ring huling tunog ay a at di ang huling tunog ng idinagdag at pinaikling at.
Maaaring magkakatugma ang lahat ng taludtod sa isang saknong – ito ang tinatawag na
tugmaang a a a a. Ang halimbawa nito ay ang saknong sa itaas. Sa isang korido, ang tugmaan ay a a
a a.
Basahin naman ang halimbawa sa ibaba:
“Sirena ng Pasig”
1. Umaawit ang sirena
2. sa pampang ng ilog Pasig.
3. Ang puso niya’y lumuluha
4. sa paglisan ng pag-ibig
-- Aurora E. Batnag
(Nilagyan ng mga bilang ang mga taludtod para lamang para kung alin ang tinutukoy.)
14
Napansin mo ba ang magkakatugmang dulong salita: sirena (T1) at lumuluha (T 3)? Gayon
din ang Pasig at pag-ibig (T2 at T4)?
Samakatwid, anong mga taludtod ang magkakatugma sa saknong sa itaas? Di ba ang T1 at T3,
T2 at T4?
Kung ang magkatugma ay taludtod 1 at taludtod 3, taludtod 2 at taludtod 4, ang tugmaan ay a
b a b.
Balikan naman ang S3:
Malimit na makagawa
ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa.
Ano namang mga tunog ang magkakatulad sa apat na taludtod sa itaas? Kung ang sagot mo ay
a, tama ka. Ngunit pansinin mo rin na pawang may impit na tunog sa dulo ng makagawa, pasaliwa,
ninanasa at pahidwa. Kung walang impit na tunog sa dulo, hindi katugma ng mga salitang
nabanggit.
Upang maging mas malinaw pa, balikan ang S4.
Labis yaring pangangamba
na lumayag na mag-isa
baka kung mapalaot na
ang mamangka’y di makaya.
Anu-ano ang dulong tunog? Di ba a rin ang huling tunog sa mga salitang pangangamba,
mag-isa, na at makaya sa S4? Ngunit ang mga salitang ito ay hindi katugma ng mga dulong salita sa
S3. Masasabi mo ba kung bakit? Tama. Dahil ang mga dulong salita sa S3 ay pawang may impit na
tunog. Samakatwid, ang mga salitang may impit na tunog ay di katugma ng mga salitang walang
impit na tunog. Maliwanag na ba?
Kung oo, handa ka na sa susunod na gawain. Sige, magpatuloy ka. Pero kung di pa
maliwanag sa iyo, balikan mo ang aralin.
Gamitin
Ngayon, ilalapat mo na ang mga natutuhan mo.
1. Sukat: Pagbilang ng mga pantig. Basahin ang ilang piling bahagi ng tula/awit sa ibaba.
Bilangin ang pantig ng bawat taludtod. Isulat ang bilang ng bawat taludtod sa iyong sagutang papel.
15
“Lupang Hinirang”
1. Bayang magiliw
2. Perlas ng silanganan
3. Alab ng puso
4. Sa dibdib mo’y buhay
5. Lupang hinirang
6. Duyan ka ng magiting
7. Sa manlulupig
8. Di ka pasisiil
Bahagi ng “Pambansang Awit”
“Bayan Ko”
1. Ang bayan kong Pilipinas
2. Lupain ng ginto’t bulaklak
3. Pag-ibig ang sa kanyang palad
4. Nag-alay ng ganda’t dilag
5. At sa kanyang yumi at ganda
6. Dayuhan ay nahalina
7. Bayan ko, binihag ka
8. Nasadlak sa dusa
Bahagi ng “Bayan Ko” ni Jose Corazon de Jesus
2. Tugma: Isulat din sa iyong sagutang papel ang huling tunog sa bawat taludtod. Pagkatapos
mong maitala ang mga ito, isulat ang iyong pagsusuri kung may sukat at tugma ang tula/awit.
Ano ang mga sagot mo? Katulad ba ng nasa ibaba?
“Lupang Hinirang” – Ang bilang ng mga pantig ay: T1 – 5; T2 – 7; T3 – 5; T4 – 6; T5 -5; T6 – 7; T7
– 5; at T8 – 6. Ang mga dulong tunog ay: T1 – w; T2 – n; T3 – o; T4 – y; T5 - g; T6 – g; T7 - g; at
T8 - l.
“Bayan Ko” – Ang bilang ng mga pantig ay: T1 – 8; T2 – 9; T3 – 9; T4 – 8; T5 – 9; T6 -8; T7 – 7; at
T8 – 6. Ang mga dulong tunog ay: T1 – s; T2 – k; T3 – d; T4 – g; T5 – a; T6 – a; T6 – a; at T8 – a.
16
Ano ang napansin mo tungkol sa bilang ng pantig at sa mga dulong tunog? Di
magkakapareho, di ba? Hindi magkakapareho ang bilang ng pantig at ang mga dulong tunog. O kung
may ilan mang pagkakatulad ng dulong tunog ay di naman masasabing may sinusunod na pattern.
Ano ngayon ang mabubuo mong kongklusyon batay sa naitala mo? Ito ba ang sagot mo: Ang
“Lupang Hinirang” at “Bayan Ko” ay kapwa walang tiyak na sukat sapagkat hindi pare-pareho ang
mga bilang ng pantig sa bawat taludtod. Napansin mo rin sigurong walang tugma dahil hindi
magkakapareho ng tunog sa dulo ng taludtod.
Sige, tingnan mo nga kung talagang malinaw na ang tugmaan sa iyo. Heto pa ang isang
pagsasanay. Balikan ang S1-5 at itala ang magkakatugmang tunog. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1 O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
liwanagin yaring isip
nang sa iyo’y di malihis.
2 Ako’y isang hamak lamang
taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw.
3 Malimit na makagawa
ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninanasa
kung mayari ay pahidwa.
4 Labis yaring pangangamba
na lumayag na mag-isa
baka kung mapalaot na
ang mamangka’y di makaya.
5 Kaya, Inang matangkakal,
ako’y iyong patnubayan,
nang mawasto sa pagbanghay
nitong kakathaing buhay.
Lagumin
Malinaw na marahil sa iyo kung ano ang korido at ang mga katangian nito. Upang maging mas
malinaw, narito ang mga pangunahing puntos ng sub-aralin na inilahad sa anyong Tanong at Sagot.
17
1. Ano ang korido?
• mahabang tulang pasalaysay.
• may sukat at tugma
• sadyang para basahin, hindi para awitin
• kapag inawit, ang himig ay mabilis o allegro
• ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural
• malayong maganap sa tunay na buhay.
2. Kapag sinabing may sukat at tugma ang isang tula, ibig sabihin ba’y
• pare-pareho ng bilang ng pantig ang lahat ng taludtod
• magkakapareho ang mga dulong tunog ng mga taludtod
3. Ano ang sukat o bilang ng pantig sa bawat taludtod ng Ibong Adarna?
• Walong pantig bawat taludtod.
4. Ang Ibong Adarna ba ay isang halimbawa ng korido?
• Oo. Taglay nito ang mga katangian ng isang korido. Ang totoo, ang Ibong Adarna ang
itinuturing na pinakapopular na korido.
5. Paano nagsisimula ang isang korido?
• Sa isang panawagan sa isang patrong pintakasi o sa Mahal na Birhen.
6. Sa isang korido, ano ang mga katangian ng bida, o ng tauhang nagtatagumpay sa kanyang mithi?
• Karaniwang siya ay madasalin, di nakalilimot manawagan at humingi ng patnubay sa
Birhen, magalang sa matatanda, mapagkawanggawa, mapagmahal at iba pang positibong
katangian
7. Ano ang dahilan kung bakit nangingibabaw ang mga ideang relihiyoso sa mga korido?
• Upang magpalaganap ng mga kaisipang Kristiyano
Malinaw na ba ang mga pangunahing puntos ng Sub-Aralin 1? Kung gayon, handa ka na ba sa
isang pagsubok?
Subukin
1. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong:
1 O Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
liwanagin yaring isip
nang sa layo’y di malihis.
18
i. Kanino nananawagan ang makata?
ii. Iisa ba ang Birheng kaibig-ibig at ang Inang nasa langit?
iii. Ang layo’y sa T4 ay alin sa dalawa: (1) layon ay, (2) layo ay
iv. Magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa pinili mong sagot sa (c )
v. Ilan ang bilang ng mga pantig sa S1?
4 Labis yaring pangangamba
na lumayag na mag-isa,
baka kung mapalaot na
ang mamangka’y di makaya.
a. Ang salitang pangangamba ay nagsasaad ng (1) takot, (2) yabang,
(3) lungkot
b. Ang gagawing pagsasalaysay ng makata ay inihambing niya sa
(1) paglalakbay sa dagat o ilog, (2) paglalakbay sa bundok,
(3) paglalakbay sa ere
c. Ang mga salitang sumusuporta sa sagot sa (b) ay
(1) _______, (2) __________ at (3) ____________.
d. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga huling salita sa bawat
taludtod
ng S4.
8 Sa kanyang pamamahala
kaharia’y nanagana,
maginoo man at dukha
tumanggap ng wastong pala.
a. Anong klaseng Hari ang namumuno sa kaharian:
(1) masamang mamahala,
(2) mahusay mamahala
b. Sa kaharian ay
(1) may pagkakapantay-pantay ang mga mahirap at mayaman,
(2) walang pagkakapantay-pantay
c. Hindi dumaranas ng taggutom ang mga tao sa kahariang ito.
Ang salitang nagpapatunay nito ay ___________.
19
d. May impit na tunog ang mga huling patinig sa bawat taludtod ng
S8.
Tama o mali?
2. Bilangin ang mga pantig sa bawat taludtod ng tula sa ibaba:
Nakikita ko ang sarili ko sa iyo:
Isang bulaklak na minsang may pitlag,
Lumulukso sa kaway ng hangin
O yakap ng ulan,
Iniinggit ang mga bituin,
Pinangingimbulo maging ang araw.
Mula sa “Kuwadrong Walang Pangalan”
ni Elynia S. Mabanglo
3. Alin sa mga salita sa ibaba ang magkakatugma? Pangkatin ang mga ito ayon
sa pagiging magkatugma.
pag-ibig Pasig
Pilipinas luha
palad ganda
dusa sirena
dilag halina
ligaya basbas
paspas lawiswis
pagaspas bagwis
lipad lipas
hangin bangin
urong sulong
giliw baliw
(Kailangang makabuo ka ng anim (6) na pangkat ng magkakatugmang salita.)
4. Buuin ang pangungusap:
1. Ang mga salitang pagaspas at lawiswis, kahit parehong
nagtatapos sa s ay di magkatugma dahil
_____________________________.
20
2. Ang dusa ay katugma ng ligaya; magkatugma rin ang dalita at
dukha ngunit ang dusa at dukha ay di magkatugma dahil
____________.
Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi sa
Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kung
nakakuha ka ng 15 pataas, maaaring patuluyin ka ng iyong guro sa Sub-Aralin 2. Di mo na
kailangang sagutan ang Paunlarin. Pero kung wala pang 15 ang nakuha mong marka, kailangang
sagutan mo ang Paunlarin.
Paunlarin
1. Basahin ang mga saknong sa ibaba at sagutin ang mga tanong.
5 Kaya, Inang matangkakal
ako’y iyong patnubayan
nang mawasto sa pagbanghay
nitong kakathaing buhay.
a. Sino ang tinutukoy na “Inang matangkakal”
b. Ano ang ibig sabihin ng “matangkakal”?
c. May nauna na bang bahagi ng sub-aralin na
nagpapaliwanag ng salitang ito? Saang pahina?
d. Ang salitang “buhay” sa T4 ay maaaring
tumutukoy sa (1) buhay ng Inang matangkakal, (2)
buhay ng makata, (3) buhay ng prinsesa at prinsipeng
isasalaysay ng makata.
6 At sa tanang nariritong
nalilimping maginoo
kahilinga’y dinggin ninyo
buhay na aawitin ko.
a. Ang ‘tanang naririto’ sa T1 ay nangangahulugang
_________ (lahat ng naririto, mga tumakas na naririto,
mga nagtatagong naririto)
21
b. Ang ‘nalilimpi’ ay nangangahulugang ___________
(nagkakatipon, nagagapi, napipipi)
c. Ano ang kahilingang nakasaad sa saknong? (1)
pakinggan ng mga maginoo ang aawitin niyang buhay,
(2) pakinggan ang buhay niya.
9 Bawat utos na balakin
kaya lamang pairalin
kung kanya nang napaglining
na sa bayan ay magaling.
a. Ano ang ibig sabihin ng ‘napaglining’ sa T3? Ito ba ay
(1) napag-isipan, (2) nabalitaan, (3) naipatupad.
b. Laging iniisip ng hari ang (1) kagalingan ng bayan,
(2) pag-uutos sa bayan, (3) pagpapairal ng batas.
c. Sa palagay mo, ang haring tinutukoy rito ay __________
(mabuti o masama) kasi __________________.
2. Nasa ibaba ang S22 mula “Kay Celia,” ang bahaging Paghahandog ng makata ng kanyang
mahabang tulang Florante at Laura. Basahin ang saknong at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ikaw na bulaklak niring dili-dili
Celiang sagisag mo’y ang M.A.R.
sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
ng tapat mong lingkod na si F.B.
a. Sa koridong Ibong Adarna, ang korido ay nagsisimula sa isang
panawagan sa ____________.
b. Sa Florante at Laura, nananawagan din ang makata ngunit hindi sa
Birhen kundi kay _________.
c. Ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng Florante ay ____
samantalang sa Ibong Adarna, ang bilang ng mga pantig ay ____.
d. Ang tugmaan sa Ibon ay a a a a, na may iisang tugma ang apat na
taludtod; samantala, sa Florante, ang tugmaan ay _______ (pareho sa Ibon, di
pareho sa Ibon).
22
Mga Sagot
1.
Saknong 5:
a. Mahal na Birheng Maria
b. Mapagtangkilik
c. Mayroon. Pahina 10.
d. (3) buhay ng prinsesa at prinsipeng isasalaysay ng makata
Saknong 6:
a. lahat ng naririto
b. nagkakatipon
c. pakinggan ng mga maginoo ang aawitin niyang buhay
Saknong 9:
a. napag-isipan
b. kagalingan ng bayan
c. mabuti, kasi laging nag-iisip ng kagalingan ng bayan.
2.
a. Mahal na Birhen
b. Celia
c. 12, 8
d. a a a a
Sub-Aralin 2:
Pagsusuri sa mga Tauhan: Kung Ugali ay Maganda
Layunin
Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang ikaw ay nakabubuo ng mga patunay sa
tulong ng mga tiyak na bahaging:
• naglalarawan ng tauhan at pag-uugali ng tao (masama o mabuti)
• nagsasalaysay ng mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan
23
Alamin
Tatlong magkakapatid na prinsipe ang mga tauhan sa unang bahaging ito ng Ibong Adarna.
Sinu-sino ang mga ito? Di ba sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan?
Ang isa sa kanila ang bida. Mahulaan mo kaya kung sino, ngayon pa lamang? Ang panganay
kaya, ang pangalawa, o ang bunso?
Silang tatlo’y nagtamo ng tamang edukasyong angkop sa isang magiging hari. Naturuan din
sila ng wastong asal. Ngunit may pagkakaiba sila sa pagkatao, gaya ng makikita sa paglalarawan sa
kanila sa sumusunod na mga saknong.
14 Si Don Pedro ang panganay
may tindig na pagkainam,
gulang nito ay sinundan
ni Don Diegong malumanay.
15 Ang pangatlo’y siyang bunso
si Don Juan na ang puso’y
sutlang kahit na mapugto
ay puso ring may pagsuyo.
16 Anak na kung palayawa’y
Sumikat na isang Araw,
kaya higit kaninuman,
sa ama ay siyang mahal.
O ngayon, tiyak mo na kung sino ang bida sa tatlong magkakapatid? Sino ang pinakamahal ng
ama?
Kung ang sagot mo’y si Don Juan, tama ka. Balikan mo ang saknong na nagsasaad nito.
Tama, ito ay S16.
Pero teka, tama ba naman iyong may paboritismo ang ama? Ano sa palagay mo? Kung ikaw
ang paborito, okey lang, di ba? Paano kung hindi ikaw? Maging mainggitin ka kaya? Siyempre,
hindi, dahil alam mong hindi tama ang maging mainggitin.
Napansin mo rin ba na samantalang iisang saknong ang iniukol sa dalawang nakatatandang
kapatid, dalawang saknong ang nakaukol kay Don Juan? Kasi, siya ang bida.
Magpatuloy ka ng pagbabasa.
Isang gabi, nanaginip ang Hari. Ang pinakamamahal daw niyang bunsong anak ay nililo at
pinatay ng dalawang tampalasan. Mula noon, hindi na nakakain ang Hari hanggang sa manghina at
maratay. Ang tanging lunas: ang awit ng Ibong Adarna, isang mahiwagang ibon na ang napakatamis
na awit ay nakapagpapagaling ng maysakit. Inutusan ang panganay na hanapin ang ibon.
24
Agad namang sumunod ang panganay. Ang laki ng responsibilidad ng isang panganay, di ba?
Siya ang unang isinusuong sa panganib. Ngunit wala naman siyang tutol dahil mahal niya ang ama.
Sa pag-akyat sa isang bundok, masamang kapalaran ang inabot niya: namatay ang kabayo ni
Don Pedro. Ano ang ginawa niya? Itinigil na ba niya ang paghahanap at umuwi na lamang?
Hindi. Ipinagpatuloy niya ang paglalakbay hanggang makarating sa Bundok Tabor, at nakita
niya ang isang punong kumikinang. Sa tindi ng pagod, naupo siya sa ilalim nito at di namalayan ang
pagdating ng Ibong Adarna, na pagdapo sa sanga ng puno ay pitong beses na umawit at pitong beses
ding nagpalit ng balahibo. Hindi ito nasaksihan ni Don Pedro dahil tulog na tulog siya habang
nagaganap ang magandang palabas. Kinulang kasi siya ng tiyaga sa paghihintay sa ibon. Kaya, ano
ang nangyari sa kanya?
Matapos umawit, dumumi ang ibon at napatakan ang tulog pa ring prinsipe, na agad naging
bato.
Si Don Diego naman ang naatasang maghanap sa ibon. Dumanas din ng hirap ang
pangalawang anak at namatay rin ang kabayo niya. Sa matinding pagod na di nakayanan kaya
namatay ang kabayo. Ano ang ginawa ng pangalawang anak?
Tama, ipinagpatuloy niya ang paghahanap hanggang sa wakas ay nakita niya ang makinang
na punong Piedras Platas na tirahan ng Adarna. Nakita niya ang pagdating ng ibon. Agad siyang
nagsabing: “Ikaw ngayo’y pasasaan/at di sa akin nang kamay.” (S102). Hindi magandang ugali ito, di
ba? Sabi nga, hindi mo pa dapat angkinin ang tagumpay hangga’t di mo pa hawak sa kamay. Sang-
ayon ka ba?
Kaya, ano ang nangyari kay Don Diego? Sa tamis ng awit ng ibon, nakatulog siya, napatakan
ng dumi nito, at naging bato tulad ni Don Diego. Kung si Don Pedro’y nagkulang sa tiyaga, kaya
agad natulog di pa man humahapon ang Adarna, si Don Diego naman, sobra ang tiwala sa sarili pero
hindi napaglabanan ang antok nang marinig ang awit ng ibon.
Si Don Juan naman ang naglakbay upang hanapin, hindi lamang ang ibong lunas sa sakit ng
ama, kundi pati ang dalawang nakatatandang kapatid.
Ngunit iba si Don Juan sa dalawang nauna. Alam mo ba kung ano ang ikinaiba niya?
Tingnan mo nga kung ganito rin ang naiisip mo.
1. Una, bago umalis si Don Juan, humingi ng bendisyon sa ama:
123 Si Don Jua’y lumuhod na
sa haring may bagong dusa,
“Bendisyon mo, aking ama,
babaunin kong sandata.”
25
Bakit mahalaga kay Don Juan ang bendisyon ng ama? Tama, dahil ito raw ang babaunin
niyang sandata.
Di ba iyan ay tradisyong Pilipino, tanda ng pagkamagalangin sa matanda ng ating bidang
prinsipe?. Ikaw rin ba’y sumusunod sa ugaling ito?
2. Hindi rin siya gumamit ng kabayo, sapagkat nakahanda siya sa malaking hirap, gaya ng
nakasaad sa S126.
126 Di gumamit ng kabayo
sa paglalakbay na ito,
tumalaga nang totoo
sa hirap na matatamo.
127 Matibay ang paniwalang
di hamak magpakaaba,
pag matapat ka sa nasa
umaamo ang biyaya.
Naniniwala siyang matatamo ang mithi kung talagang paghihirapan. Hanapin mo nga kung
saang mga taludtod nakasaad ang ideang ito. Tama ka kung T3-4 ang sagot mo. Ganito rin ba ang
paniniwala mo?
3. Laging nagdarasal si Don Juan at di nakalilimot na humingi ng patnubay ng Birhen.
129 Habang kanyang binabagtas
ang parang na malalawak
sa puso ay nakalimbag
ang Birheng Inang marilag.
130 Hinihinging patnubayan
ang ulila niyang lagay,
hirap ay mapagtiisan
sa pag-ibig sa magulang.
Ano ang hiningi niya? Di ba patnubay? Nag-iisa kasi siya sa gubat kaya sinabing “ang ulila
niyang lagay.”
Kaugnay pa rin ng di nawawalang tiwala sa patnubay ng Diyos kaya sa tuwi-tuwina’y
lumuluhod siya at nagdarasal.
26
135 Sinapit ding maginhawa
ang landas na pasalunga;
si Don Jua’y lumuhod na’t
sa Birhe’y napakalara.
136 “Ako’y iyong kahabagan,
Birheng kalinis-linisan,
nang akin ding matagalan
itong matarik na daan!”
137 Nang sa Birhe’y makatawag
ay sandaling namanatag,
kumai’t nagpasalamat
sa Diyos, Haring mataas.
Napansin mo ba, dahil sa pananalig sa Birhen, hindi nakaisip ng gutom ang prinsipe.
138 Sa baong limang tinapay
ang natira’y isa na lang,
di rin niya gunamgunam
na sa gutom ay mamatay.
Limang tinapay lamang ang baon ni Don Juan ngunit may natira pang isa makaraan ang apat
na buwang paglalakbay. Samakatwid, isang tinapay lamang isang buwan ang ikinabuhay niya.
Kapani-paniwala ba ito? Kababalaghan yata.
Ang pagiging mapagkawanggawa ay pinatunayan ni Don Juan nang makakita siya ng isang
matandang leproso na humingi ng pagkain sa kanya. Ang mga leproso o ketongin ay pinakaiiwasan
nang mga panahong iyon sapagkat walang gamot sa ketong at pinaniniwalaan pang ito’y
nakahahawa.
Nandiri ba si Don Juan? Nahulaan mo. Hindi. Nilapitan ni Don Juan ang leproso at masayang
ibinigay rito ang natitira niyang tinapay.
Naniniwala ka ba na ang mabuting gawa ay nagbubunga ng isa pa uling mabuting gawa?
Napatunayan ito ni Don Juan. Paano? Dahil ang matandang nilimusan niya ang nagturo sa kanya sa
isang ermitanyo na nagpayo kung paano mahuhuli ang Ibong Adarna.
Ngayon, basahin mo ang mga saknong na nagsasalaysay kung paano nahuli ni Don Juan ang
Ibong Adarna. Upang hindi makatulog sa matamis na awit ng ibon, sinunod ni Don Juan ang payo ng
27
ermitanyo na tuwing matatapos ng isang awit ang ibon ay hiwain niya (ni Don Juan) ang daliri at
patakan ng dayap.
Sa palagay mo ba’y makatutulong ito? Makirot na nga ang sugat, papatakan pa ng dayap
Aba, sa matinding sakit, makakatulog ba siya? Tiyak, hindi.
Narito ang mga saknong tungkol sa paghuli sa Ibong Adarna. Tiyak na makatutulong sa iyong
mabasa ang ilang piling saknong sa korido para mas mapahalagahan at maunawaan mo ang aralin.
207 Napawi ang pag-aantok
dahil sa tindi ng kirot;
si Don Juan ay lumuhod,
nagpasalamat sa Diyos.
208 Pitong kanta nang malutas
nitong ibong sakdal-dilag,
pito rin ang naging sugat
ni Don Juang nagpupuyat.
209 Ang ibon ay nagbawas na
ugali pagtulog niya,
sa Prinsipe nang makita’y
inilagan kapagdaka.
210 Kaya hindi tinamaa’t
naligtas sa kasawian,
inantay nang mapahimlay
ang Adarnang susunggaban.
211 Kung matulog ang Adarna
ang pakpak ay nakabuka,
dilat ang dalawang mata
kaya’t gising ang kapara.
Ano ang ginawa ni Don Juan para mapawi
ang antok?
Ilang beses kumanta ang ibon?
Ano ang ugali ng ibon bago matulog?
Ano ang hinintay ni Don Juan?
Paano kung matulog ang Adarna?
28
212 Nang si Prinsipeng matatap
tulog ng ibo’y panatag,
dahan-dahan nang umakyat
sa puno ng Piedras Platas.
213 Agad niyang sinunggaban
sa paa’y biglang tinangnan
at ginapos nang matibay
ng sintas na gintong lantay.
214 Sa katuwaang tinamo
halos di magkantututo,
ang Adarna ay pinangko’t
dinala sa Ermitanyo.
215 Magalak namang kinuha
ang nahuli nang Adarna,
at hinimas pang masaya
nang ipasok na sa hawla.
216 Saka anang Ermitanyo:
“Iyang banga ay kunin mo,
madali ka at sa iyo’y
merong iuutos ako.
217 “Punin mo ng tubig iya’t
ang dalawang bato’y busan,
nang sa bato’y magsilitaw
ang dalawang iyong mahal.”
218 Si Don Juan ay sumalok
ng tubig na iniutos
at sa batong nakapuntod
dahan-dahang ibinuhos.
219 Si Don Pedro ay nagtindig
at niyakap ang kapatid
sa pagkadaop ng dibdib
kapwa sila nananangis.
220 Isinunod si Don Diego
na nang siya’y maging tao
di mawari itong mundo
kung ang dati o nabago.
Nang tulog na ang ibon, ano ang ginawa ni
Don Juan?
Saan dinala ni Don Juan ang ibon?
May ipinakuha ang ermitanyo kay Don Juan,
ano ito?
Para saan?
Ano ang nangyari nang mabuhusan ng tubig
ang bato?
29
221 Gaano ang pagtatalik
nitong tatlong magkapatid
bawat isa ay may sambit
na sa puso ay pag-ibig.
222 Lalo na nga ang dalawang
sa dalita’y natubos na,
anuman ang ialala
kay Don Juan ay kulang pa.
Ngayong nahuli na ang Ibong Adarna, makauwi na kaya ang tatlong magkakapatid?
Gumaling kaya ang amang hari kapag nakauwi na sila at narinig ang awit ng mahiwagang ibon? Ano
sa palagay mo?
Linangin
Nagustuhan mo ba ang mga bahaging binasa mo? Siyempre naman, di ba? Kasi’y talaga
namang kawili-wili ang kwento tungkol sa paghahanap sa Ibong Adarna. Bukod sa maganda na nga
ang ikinukwento, maganda pa ang paraan ng pagkukwento. Ito ay patula. Natatandaan mo ba kung
ilan nga ang bilang ng pantig sa bawat taludtod? Walo, di ba? At may tugma o magkakatulad na
dulong tunog sa bawat taludtod.
Matapos mong basahin ang ilang piling saknong, mailalarawan mo na ba ang mga tauhan
batay sa mga tiyak na bahagi ng korido?
Paano na nga inilarawan ang panganay na si Don Pedro? Di ba sa pagbanggit sa kanyang
tindig na pagkainam? Guwapo, ano? Matikas. Tindig-prinsipe. Aling saknong at taludtod ang
naglalahad nito? Kung ang sagot mo ay S14 T1-2, tama ka.
Si Don Diego naman, ano naman ang sinasabi tungkol sa kanya? Anong salita ang ginamit sa
paglalarawan sa kanya? Malumanay, di ba? Matutukoy mo ba ang saknong na nagsasaad nito?
Tama, S14 T4.
Mas detalyado at mahaba ang paglalarawan sa pagkatao ni Don Juan. Ano ang palayaw ng
ama niya sa kanya? Di ba Sumikat na isang Araw. Ang galing, ano? Araw – nagbibigay liwanag sa
mundo. Aling saknong ang nagsasaad nito? Ang sagot mo ba’y S16? Tama ka.
May mga katangian o magagandang ugali si Don Juan na tila wala sa mga kapatid. Nakatala
ito sa ibaba. Hanapin mo ang mga saknong na nagpapatunay ng mga ito:
1. Naniniwala sa bendisyon ng magulang
2. Nakahanda sa hirap
Ano ang nasabi ng magkakapatid sa isa’t
isa?
30
3. Laging nagdarasal
4. Mapagmahal
Tama ka kung ganito ang mga sagot mo:
1. S 123
2. S 126-127
3. S 129-130, 136-138
4. S 15
Mayroon namang kapintasan ang dalawang nakatatandang kapatid. Kaya siguro hindi sila
nagtagumpay sa paghuli sa Adarna. Ano ang kapintasang ito? Naalala mo pa ba? Di ba si Don Pedro
ay nagkulang sa tiyaga? Sa matinding pagod ay natulog na agad siya sa ilalim ng Piedras Platas at di
na nahintay ang Adarna. Hayun, nabagsakan tuloy ng dumi ng ibon.
Si Don Diego naman? Sobrang tiwala sa sarili ang nagpahamak sa kanya. Pagkakita sa
Adarna ay tiniyak na agad na mahuhuli niya ito. Iyon pala, hindi niya napaglabanan ang antok nang
umawit ang ibon. Kaya naging bato ring tulad ng kapatid.
Gamitin
Basahin ang sumusunod na mga saknong. Piliin mo kung alin sa mga ito ang naglalarawan ng
pag-uugali ng tao at alin ang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng tauhan. Itala sa iyong sagutang
papel ang mga sagot.
82 Baon sa puso at dibdib
ay makita ang kapatid,
magsama sa madlang sakit
sa ngalan ng amang ibig.
83 Parang, gubat, bundok, ilog
tinahak nang walang takot
tinutunton ang bulaos
ng Tabor na maalindog.
87 Salungahing matatarik
inaakyat niyang pilit
ang landas man ay matinik
inaaari ring malinis.
31
105 Sa batong kinauupa’y
mahimbing na nagulaylay,
naengkanto ang kabagay,
nagahis nang walang laban.
109 Katulad din ni Don Pedro
siya’y biglang naging bato,
magkatabi at animo’y
mga puntod na may multo.
146 Sa lalagya’y dinukot na
yaong tinapay na dala,
iniabot nang masaya
sa matandang nagdurusa.
185 Kung tunay po ang pahayag
titiisin ko ang lahat,
maging hangga man ng palad
tutupdin ko yaring hangad.
O, naisulat mo na ba? Tingnan mo kung ganito ang mga sagot mo. Ang mga Saknong 82, 146
at 185 ay tungkol sa pag-uugali ni Don Juan. Ang S82 ay nagsasaad ng determinasyon ni Don Diego
na hanapin ang Adarna at pati na ang kapatid na di niya alam ay naging bato kaya hindi nakauwi.
Nakahanda siya sa hirap matupad lamang ang misyon.
Sa S146 naman, ang pagiging mapagkawanggawa ni Don Juan ang inilalahad. Si Don Juan pa
rin ang inilalarawan sa S185. Ano ang sinasabi rito? Na nakahanda siyang magtiis hanggang
kamatayan para makuha ang ibong lunas sa ama.
Tungkol naman sa pakikipagsapalaran, aling mga saknong ang napili mo? Kung ang sagot mo
ay S83 at S87, tama ka uli. Ang nabanggit na mga saknong ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni Don
Pedro sa pagtugpa sa Bundok Tabor. Ang S105 at S109 naman? Tama ka. Ang mga ito ay tungkol pa
rin sa pakikipagsapalaran ni Don Diego sa paghanap sa Ibong Adarna. Ano ang kinahinatnan niya?
Di ba naging bato?
Lagumin
Sa sub-araling ito, anu-ano ang napag-aralan mo? Tingnan mo nga kung katulad ng nasa ibaba
ang naiisip mo:
1. Paglalarawan sa tatlong prinsipe:
32
• Si Don Pedro, ang panganay, ay may tindig na pagkainam.
• Si Don Diego, ang pangalawa, ay malumanay
• Si Don Juan, ang bunso, ay “Sumikat na isang Araw,” laging may pagsuyo at
siyang paborito ng ama.
• May kapintasan ang 2 nakatatandang prinsipe kaya di nagtagumpay sa paghuli sa
ibon: Si Don Pedro ay kinulang sa tiyaga; si Don Diego naman ay may sobrang
tiwala sa sarili.
• May positibong ugali din naman sina Don Pedro at Don Diego: Kapwa masunurin
sa atas ng ama na hanapin ang ibon, at kapwa rin tumalaga sa hirap sa paglalakbay
sa kabundukan
2. Pakikipagsapalaran ng 3 prinsipe
• Silang tatlo’y isa-isang naghanap sa Ibong Adarna
• Pawang dumanas ng hirap sa pag-akyat sa bundok.
• Si Don Juan ang nagtagumpay dahil sa mga positibong pag-uugali niya at mga
katangian tulad ng pagiging madasalin, pagkamapagkawanggawa, atb.
Subukin
Handa ka na bang sumagot sa mga tanong?
1. Basahin ang saknong at sagutin ang mga tanong.
19 May paniwala ang ama
na di ngayo’t Hari siya,
maging mangmang man ang bunga
sa kutya ay ligtas sila.
a. Sino ang amang tinutukoy rito?
b. Ano o sino naman ang bungang tinutukoy sa T3?
c. Ang S19 ay tungkol sa paniwala ng Hari na (1) mahalaga ang pag-aaral ng
mga prinsipe, (2) pagkutya ng mga taong bayan
20 Alam niyang itong tao
kahit puno’t maginoo
kapag hungkag din ang ulo
batong agnas sa palasyo.
a. Sino ang tinutukoy ng niya sa T1?
b. Ano ang ibig sabihin ng puno sa T2: (1) punungkahoy, (2) puno o ulo ng
isang kaharian
c. Ano naman ang ibig sabihin ng maginoo: (1) taong magalang at pinong
kumilos, (2) mataas na uring tao sa isang kaharian
33
d. “Kapag hungkag din ang ulo,” ibig sabihi’y (1) walang alam, (2) walang
pinag-aralan, (3) parehong (1) at (2)
e. Ang “batong agnas sa palasyo” ay nangangahulugang (1) batong
nabubulok, (2) makasisira sa kaharian
2. Batay sa mga nabasa mo, sagutin ang mga tanong:
a. Ano ang ginawa ni Don Juan para di makatulog sa awit ng Ibong Adarna?
Tukuyin ang bilang ng saknong na nagsasaad nito.
b. Ilang beses umawit ang Adarna? Aling saknong ang nagsasaad nito?
c. Ano ang ginawa ng ibon pagkatapos ng pitong kanta? Tukuyin kung aling
saknong ang nagsasalaysay nito.
d. Ano ang ipinantali ni Don Juan sa Adarna? Sa aling saknong makikita ang
detalyeng ito?
3-4. Bakit hindi nagtagumpay sa paghuli sa Adarna sina Don Pedro at Don Diego?
Tapusin ang pangungusap: Kasi, si Don Diego ay ____________________ samantalang
si Don Pedro naman ay _______________________________.
Kung nasagot mo nang tama ang lahat ng tanong, hindi mo na kailangang sagutan ang
susunod na bahagi.
Paunlarin
Basahin ang mga saknong at ibigay ang ugaling isinasaad sa mga ito:
207 Napawi ang pag-aantok
dahil sa tindi ng kirot
si Don Juan ay lumuhod,
nagpasalamat sa Diyos.
208 Ang ibon ay nagbawas na
ugali pagtulog niya,
sa Prinsipe nang makita’y
inilagan kapagdaka.
209 Kaya hindi tinamaa’t
naligtas sa kasawian,
inantay nang mapahimlay
ang Adarnang susunggaban.
34
Mga sagot:
S207: pagdarasal, laging pagpapasalamat sa Diyos
S208: ibon - pagdumi bago matulog; Don Juan – pagkamaagap
S209: tiyaga sa paghihintay
Sub-Aralin 3:
Sanhi at Bunga, Pakay at Motibo at mga Paniniwala
Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang ikaw ay
nakapagsasagawa ng pag-aanalisang kritikal sa tulong ng mga tiyak na bahaging
nagpapakita ng:
• sanhi at bunga kaugnay ng mga pangyayari at kinahinatnan
• pakay at motibo ng bawat tauhan
• mga paniniwalang inilahad
Alamin
Nahuli na nga ang Ibong Adarna at pauwi na ang tatlong magkakapatid. Ngunit may iba pa
palang mukha ang pagkatao ni Don Pedro. Ano ito? Tuklasin mo sa mga sumusunod na saknong.
233 Nagsilakad na ang tatlo
katuwaa’y nag-ibayo
datapwat si Don Pedro’y
may masama palang tungo.
234 Nagpahuli kay Don Jua’t
kay Don Diego umagapay,
ito’y kanyang binulungan
ng balak na kataksilan.
Bakit nagpahuli si Don Pedro? Ano ang balak niya? Di ba kataksilan? Saang taludtod mo
makikita ang salitang ito? Tama. Sa T4.
35
235 “Mabuti pang dili hamak
si Don Juan,” anyang saad,
“at sa ama nating liyag
ay marangal na haharap.
Bakit marangal daw na haharap sa kanilang ama si Don Juan? Tama. Kasi nga, siya ang
nakahuli sa Ibong Adarna. Samantala, ang mga nakatatandang kapatid – ano ang nahuli nila? Di ba
naging bato nga?
Naalala mo pa bang panganay si Don Pedro? Kaya mas malaki ang responsibilidad niya. Pero
hindi siya ang nagtagumpay. Sa palagay mo, ito ba ang dahilan kung bakit nakaisip siya ng di
mabuti?
236 “Pagkat ipaglihim nama’y
mabubunyag din ang tunay
ang Adarna’y kay Don Jua’t
ang sa ati’y kabiguan.
237 “Kaya ngayon ang magaling
si Don Juan ay patayin,
kung patay na’y iwan nati’t
ang Adarna nama’y dalhin.”
Ano ang balak ni Don Pedro? Saang saknong at taludtod ito makikita? Tama ka kung ang
sagot mo ay S237 T2.
At ano naman ang naging reaksyon ni Don Diego? Magpatuloy ka.
238 Si Don Diego ay nasindak
sa mungkahing kahahayag,
matagal ding nag-apuhap
ng panagot na marapat.
Nasindak si Don Diego sa balak, di ba? Aling taludtod ang nagsasaad nito? T1, di ba?
Pumayag ba siya agad? Hindi siya nakasagot nang matagal, di ba?
Sa sarili’y inamin niyang may “…matuwid/kay Don Juan ay mainggit/.” Bakit kaya?
Ganito ang paglalarawan sa karakter ni Don Diego.
242 Nakahambing ni Don Diego
yaong si Bernardo Carpio,
nagpipilit na matalo
ang nag-uumpugang bato.
36
243 Datapwat sa dahilang
ang tao’y may kahinaan,
ayaw man sa kasamaa’y
nalihis sa kabutihan.
Di nagawang sumalungat ni Don Diego sa masamang balak ng panganay. Angkop kaya ang
salitang malumanay na ginamit sa paglalarawan sa kanya sa S14? Ang ibig sabihin ng salitang ito ay
marahan ang pagkilos at di padalus-dalos. Ngunit tila hindi gayon lamang si Don Diego, kundi wala
ring paninindigan. Sang-ayon ka ba?
Hindi pinatay ng dalawa ang bunsong kapatid. Ngunit itinuloy pa rin ang masamang balak.
Hindi nga pinatay ngunit ano ang ginawa nila? Binugbog nila si Don Juan. Lumaban ba ang bunsong
prinsipe? Ni hindi siya nagtangkang lumaban. Iniwan siyang hindi makagulapay sa daan,
samantalang iniuwi ng dalawang nakatatandang kapatid ang Adarna.
Ano naman kaya ang mararamdaman ng isang kabataang tulad mo, na namumuhay sa
kasalukuyang siglo, o may 300 taon na makalipas ang tagpuan ng korido, kung ikaw ang bugbugin ng
sarili mong mga kapatid mapasakanila lamang ang karangalang pinaghirapan mo?
Ang sakit naman! Parang ang hirap magpatawad. Ngunit iyon ang ginawa ni Don Juan. Ikaw,
kaya mo iyon? Kung ikaw si Don Juan, ano ang gagawin mo? Maghihiganti ka ba? Gagantihan rin ba
na katapat na kasamaan ang ginawa ng kapatid mo?
Sa isang banda, mas mabuti nang magpatawad, di ba? Magkakapatid naman kayo. May iisang
pinagmulan. Sabi nga ni Don Juan sa S396 T3-4: “kami’y pawang anak naman/sa lingap mo
nananangan.”
Sa gitna ng paghihirap dahil sa bugbog na natamo, ganito pa ang sinabi ni Don Juan:
289 “Sila nawa’y patawarin
ng Diyos na maawain
kung ako man ay tinaksil
kamtan nila ang magaling.”
Sa halip na mag-isip ng masama laban sa dalawang kapatid, ang inisip pa rin niya ay ang
kagalingan ng mga ito.
Ngunit pagdating sa Berbanya, di naging lunas sa maysakit ang ibon. Bakit kaya? Ayaw kasi
nitong umawit at naging napakapangit pa.
Samantala, muli, isang matanda ang tumulong kay Don Juan para gumaling sa mga bugbog at
makauwi sa Berbanya.
Bakit kaya laging matanda ang nakakatulong sa bida? Dahil kaya sa kulturang Pilipino, lubos
na iginagalang ang matatanda at may tanging lugar sa lipunan? Ano sa palagay mo?
37
Nang makauwi na si Don Juan, biglang umawit ang Ibong Adarna. Isinalaysay nito ang mga
nangyari, mula nang mahuli siya ni Don Juan hanggang sa ginawang pagtataksil nina Don Pedro at
Don Diego.
Nang malaman ng hari ang lahat, malupit na parusa ang ibig niyang ipataw sa magkapatid.
Ano kaya ito?
Aniya: “Ipatapon at bawian/ng lahat ng karapatan.” (S391.)
Naipatupad ba ang parusa? Tama, hindi. Bakit? Sino ang namagitan para di maparusahan ang
dalawang nagkasala?
Tama ang sagot mo. Mismong si Don Juan ang humiling sa kanilang ama na patawarin ang
dalawang nagkasala. Basahin ang mga saknong na nagpapakita ng kabaitan at pagiging
mapagpatawad ni Don Juan:
392 Ang hatol nang maigawad
si Don Juan ay nahabag,
sa ama agad humarap
at hiningi ang patawad.
393 Lumuluha nang sabihing:
“O, ama kong ginigiliw,
ang puso mong mahabagin
sa kanila’y buksan mo rin.
Ano ang sinabi ni Don Juan na buksan ng hari? Di ba ang pusong mahabagin ng ama?
394 “Malaki man po ang sala
sa aki’y nagawa nila,
yaon po ay natapos na’t
dapat kaming magkasama.
Ano ang dahilan ni Don Juan sa paghingi ng tawad para sa dalawang kapatid? Di ba dahil sa
samahan ng magkakapatid na masisira kung lalayo ang dalawa? Mahalaga para sa bunso ang lagi
silang magkakasama. Gayon din ba sa inyong pamilya?
395 “Ako naman ay narito
buhay pa ri’t kapiling mo
wala rin ngang nababago
sa samahan naming tatlo.
396 “Sila’y aking minamahal
karugtong ng aking buhay,
kami’y pawang anak naman
sa lingap mo nananangan.
38
Ano pa rin ang damdamin ng bunso sa mga kapatid sa kabila ng nagawa ng mga ito sa kanya?
Di ba pagmamahal pa rin? Ikaw, kaya mo iyon? Dapat, di ba?
397 “Hindi ko po mababatang
sa aki’y malayo sila,
kaya po ibigay mo na
ang patawad sa kanila.”
Nabagbag naman ang puso ng hari kaya sinabi niya:
399 Haring ama’y nagsalita,
mabalasik yaong mukha:
“Kayo ngayon ay lalaya,
sa pangakong magtatanda.
400 “Sa araw na kayo’y muling
magkasala kahit munti,
patawarin kayo’y hindi
sinuman nga ang humingi.”
Matupad kaya ang banta ng hari na di na niya muling patatawarin ang dalawang anak na
taksil? Hindi pa natin malalaman sa modyul na ito kundi sa mga susunod na bahagi na ng Ibong
Adarna. Pero mahulaan mo kaya ang sagot ngayon pa lamang?
Linangin
Ngayo’y nakilala mo na ang tunay na pagkatao nina Don Pedro at Don Diego. Anong mga
salita ang masasabing naglalarawan ng pagkatao ng panganay at ng pangalawang anak?
Mainggitin ba ang nasa isip mong salitang maikakapit kay Don Pedro? Tama. Kay Don Diego
naman? Tila mahina ang kanyang karakter at madaling mahikayat sa kasamaan, di ba? Ano na nga
ang sinasabi sa S243? Di ba ganito: “ayaw man sa kasamaa’y/nalihis sa kabutihan.”
Bakit naman kaya naging mainggitin si Don Pedro? Iniisip mo bang dahil si Don Juan ang
paborito at hindi siya? Posible iyan. Di ba sa lipunang Pilipino, mabigat ang responsibilidad ng
panganay pero sa bunso ay puro pagmamahal ang ipinapakita, nang walang inaasahang
responsibilidad. Maaaring iyan ang ugat ng inggit ni Don Pedro.
Si Don Diego naman, dahil panggitnang anak, di gaanong napapansin, kaya naging mahina
ang karakter.
39
Samakatwid, bakit nagbalak ng masama si Don Pedro kay Don Juan? Kasi, bilang panganay,
siya ang higit na inaasahang makapag-uuwi ng ibon. Pero nadaig siya ng bunso. Ang sanhi ng
masamang balak niya sa bunsong kapatid ay inggit. Ano naman ang ibinunga nito? Di ba ang ginawa
nga nilang pagtataksil sa bunso – ang pagbugbog dito at pag-iwan sa daan samantalang iniuwi nila
ang ibon.
Ang mga iya’y dugtung-dugtong na mga pangyayari ng sanhi at bunga at motibo ng mga
tauhan.
Gamitin
Subuking muli kung alam mo nang magpakahulugan sa mga ideang isinasaad sa mga
saknong.
Tingnan mo nga kung ano naman ang isinasaad sa sumusunod na mga saknong:
296 Lahat dito’y pasaliwa
walang hindi balintuna,
ang mabuti ay masama’t
ang masama ay dakila.
298 Kaya naging kasabihan
ng lahat na ng lipunan,
sa langit ang kabanalan
sa lupa ang kasalanan.
Si Don Juan ang nagsasalita sa mga saknong na iyan. Marahil, kahit mapagpatawad at wika
nga’y may malaking puso, hindi pa rin naiwasan ni Don Juan ang maghinanakit. Kaya niya nabigkas
ang mga pananalita sa mga saknong sa itaas.
Ano ba ang ideang nakapaloob sa S296? Na baligtad ang mundo. Ang masama ang
kinikilalang mabuti at ang mabuti ang nagiging masama.
Sa S297 naman, tila yata kailangan mo pang mamatay muna para makita ang tunay na
kabutihan na sa langit lamang matatagpuan. Ganyan din ba ang naging interpretasyon mo? Kung
gayon, tama ang iyong mga hinuha.
Ngunit sang-ayon ka ba? Pinaniniwalaan mo ba ang mga ideang nakapaloob sa mga saknong
na ito? Marahil ay hindi, ano? Ano man ang mangyari, malalampasan mo, basta’t may determinasyon
kang magtagumpay.
Gaya ni Don Juan, huwag mong kalilimutang humingi ng patnubay sa iyong mga magulang o
sino mang nakatatanda, at sino mang nasa itaas na kinikilala mo at dinadasalan.
40
Tungkol naman sa pagsasama ng magkakapatid, maganda ang paniniwalang inilahad ni Don
Juan. Ano ito? Balikan mo ang S 394-397. Dapat laging buo ang samahan ng magkakapatid ano man
ang naging kasalanan ng isa o dalawa sa kanila. Sang-ayon ka ba?
Sa gitna ng matinding sakit ng katawang pinagdaraanan ni Don Juan, nanawagan siya. Kanino
kaya siya nanawagan?
303 “O, ina kong mapagmahal
kung ngayon mo mamamasdan,
ang bunso mong si Don Juan
malabis kang magdaramdam.”
Sinong ina ang kinakausap ni Don Juan sa saknong sa itaas? Ang Inang Birhen ba, gaya ng
dati na niyang pinananawagan? Hindi, ang kanyang tunay na ina ang naalala niya sa mga sandaling
ito. Natatandaan mo pa ba ang pangalan ng kanyang ina? Donya Valeriana, di ba?
Lagumin
Ano ang napag-aralan mo sa sub-araling ito? Gaya ba ng nasa ibaba ang nabubuo sa isip mo?
1. Mga pangyayari:
• Binugbog nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan at iniwan itong di
makagulapay sa daan
• Iniuwi ng dalawang nakatatandang kapatid ang Ibong Adarna
• Ayaw umawit ng ibon dahil hindi kasama ang tunay na nakahuli sa kanya
• Tinulungan si Don Juan ng isang matanda at himalang gumaling ang mga sugat
niya at nakauwi siya
• Umawit ang ibon at nalaman ng hari ang katotohanan
• Hiniling ni Don Juan na patawarin ang kanyang mga kapatid
• Mula noon, gabi-gabi’y halinhinan ang tatlo sa pagbabantay sa ibon
2. Sanhi at bunga:
• Mainggitin si Don Pedro at ito’y nagbunga ng masamang balak laban sa bunsong
kapatid
• Ayaw umawit ng Adarna kaya hindi pa rin gumaling ang hari
• Humingi ng tawad si Don Juan para sa mga kapatid kaya hindi sila naipatapon ng
hari
41
3. Motibo ng tauhan
• Ibig ni Don Pedro’y mapasakanya ang karangalan sa paghuli sa Adarna kaya siya
nagbalak ng masama laban sa bunsong kapatid
• Mahina naman ang karakter ni Don Diego. Kaya madali siyang nahila sa
kasamaan.
4. Paniniwalang inilahad
• Sa labis na sama ng loob ay nakapagpahayag si Don Juan ng ganito: Na sa
mundong ito, ang masama ang nagiging mabuti sa mata ng tao samantalang ang
mabuti naman ang nagiging masama; na tila sa langit na lamang matatamo ang
tunay na kabutihan.
• Dapat laging buo ang samahan ng magkakapatid kaya’t kailangang matutong
magpatawad kung may nagkamali sa kanila
Subukin
Handa ka na ba sa pagsubok sa iyong natutuhan?
1. Sagutin ang mga tanong:
a. Ano ang binalak ni Don Pedro laban kay Don Juan?
b. Ano ang motibo niya sa balak na ito?
c. Sino ang kinasapakat niya?
d. Pumayag ba ito?
e. Ano ang ginawa nila kay Don Juan?
f. Ano ang nangyari sa Ibong Adarna nang maiuwi na ito sa Berbanya?
g. Ano ang dahilan ng ibon?
h. Sino ang tumulong kay Don Juan upang gumaling at makauwi sa Berbanya?
i. Ano ang isinalaysay ng ibon sa kanyang awit?
j. Ano ang naging hatol ng hari sa dalawang nagkasalang anak?
k. Ano naman ang ginawa ni Don Juan para sa dalawang kapatid?
l. Ano ang katwiran o paniniwala niya tungkol sa magkakapatid?
42
4. Anong paniniwala ang inilalahad sa saknong sa ibaba?
317 Diyos nga’y di natutulog
at ang tao’y sinusubok
ang salari’y sinusunog!
ang banal ay kinukupkop!
Ang paniniwala bang nakasaad dito ay tulad din ng nasa S296 at S298? Ang dalawang
saknong na nabanggit ay tungkol sa pananalitang nasambit ni Don Juan sa tindi ng paghihirap niya.
Ipaliwanag ang pagkakaiba ng dalawa.
Kung nasagot mo nang tama ang lahat ng tanong, hindi mo na kailangang sagutan ang
Paunlarin. Maaari ka nang magpatuloy sa Modyul 7.
Paunlarin
Ilahad ang mga paniniwalang nakasaad sa sumusunod na mga saknong:
329 “Utang ko sa inyong habag
ang buhay kong di nautas,
ano kaya ang marapat
iganti ng abang palad?”
330 Ang matanda ay tumugon:
“Kawanggawa’y hindi gayon
kung di iya’y isang layon
ang damaya’y walang gugol.
331 “Saka iyang kawanggawa
na sa Diyos na tadhana,
di puhunang magagawa
nang sa yama’y magpasasa.
332 “Huwag tayong mamantungan
sa ugaling di mainam,
na kaya kung dumaramay
ay nang upang madamayan.
43
333 “Lalong banal na tungkulin
nasa dusa’y tangkilikin;
sa mundo ang buhay nati’y
parang nagdaraang hangin.”
Gaano ka na kahusay?
Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano natutunan mo sa modyul na ito.
Tandaan: Hindi mo susulatan ang modyul. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang
pangungusap at M naman kung mali.
1. Ang korido ay maikling tulang pasalaysay.
2. Ang korido ay tulang may sukat at tugma.
3. Ang korido ay tungkol sa pakikipagsapalarang posibleng maganap sa tunay na buhay.
4. Kapag sinabing may sukat ang tula, pare-pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
5. Sinasabing di tiyak ang sukat ng tula kapag hindi pare-pareho ang bilang ng pantig sa bawat
taludtod.
6. Magkatugma ang mga salitang pusa at puso dahil parehong may impit na tunog sa dulo.
7. Ang mga tauhan sa isang korido ay karaniwang mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa at iba
pang mga mahal na tao.
8. Magkatugma ang mga salitang lawiswis at pagaspas dahil parehong s ang dulong tunog.
9. Magkakatugma ang mga salitang taksil, sutil at bilbil.
10. Ang Ibong Adarna ay isang korido.
44
B. Isulat sa sagutang papel ang tamang salita sa mga patlang. Piliin ang sagot sa mga salitang
nakakulong sa parentesis.
11. Tatlong magkakapatid ang tauhan sa Ibong Adarna. Ang bida ay ang _______ (panganay,
pangalawa, bunso).
12. Ang paborito ng amang hari ay ang _______(panganay, pangalawa, bunso).
13. Sa paghahanap sa mahiwagang ibon, ang nagtagumpay ay ang _________ (panganay,
pangalawa, bunso).
14. Dalawa sa tatlong magkakapatid ang naging bato. Sila ay ang __________(panganay at
pangalawa, panganay at bunso, pangalawa at bunso).
15. Ang bunsong prinsipe ay nagtagumpay dahil laging siyang nananalangin at humihingi ng
gabay at patnubay sa __________ (Mahal na Birhen, Panginoong Hesukristo, San Jose).
16. Nakatulong sa bunsong prinsipe ang isang _________ (matandang lalaki, matandang babae,
munting bata).
17. Naging bato ang dalawang nakatatandang kapatid dahil napatakan sila ng _______ (dumi,
laway, balahibo) ng Ibong Adarna.
18. Nang magkasakit ang Hari, ang tanging lunas ay ang _____ (laway, awit, itlog) ng Ibong
Adarna.
19. Hindi nakasabay sa pag-uwi ng mga kapatid ang bunso dahil ___________ (binugbog siya ng
2 kapatid, binugbog siya ng mga magnanakaw, binugbog siya ng taong bayan).
20. Nang makauwi na ang bunso at umawit na ang Adarna, ang Hari ay biglang _______
(gumaling, naglubha, namatay).
C. Basahin ang ilang piling saknong at piliin sa mga salita sa ibaba ang katangiang ipinapahayag sa
bawat saknong.
48 Si Don Pedro’y tumalima
sa utos ng Haring ama,
iginayak kapagdaka
kabayong sasakyan niya.
(a) masunurin (b) mapagpakumbaba (c) matulin
45
147 Sa lalagya’y dinukot na
yaong tinapay na dala,
iniabot nang masaya
sa matandang nagdurusa
(a) mapagkawanggawa (b) maramot (c) masayahin
232 Nang sila ay magpaalam
ay lumuhod si Don Juan
hiniling na bendisyunan
ng Ermitanyong marangal.
Ang bendisyon ay:
(a ) patnubay ng matanda
(b) pagluhod sa matanda
(c) paghiling sa matanda
291 “Sa akin po ay ano na
sinadlak man nga sa dusa,
kung may daan pang magkita
pag-ibig ko’y kanila pa.”
(a) mapagpatawad (b) malilimutin (c) matampuhin
395 “Malaki man po ang sala
sa aki’y nagawa nila,
yaon po ay natapos na’t
dapat kaming magkasama.”
(a) mapagtanim ng galit
(b) mapagpahalaga sa pagsasama ng magkakapatid
(c) mapag-isip ng masama sa kapatid
D. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Alin ang sanhi at alin ang bunga sa dalawang
pangyayaring inilalahad sa bawat pangungusap?
21. Pagod si Don Pedro kaya nakatulog agad.
Sanhi _________________ Bunga ______________
22. Di nakalilimot humingi ng patnubay si Don Juan kaya laging may tumutulong sa kanya.
Sanhi ________________ Bunga ________________
46
23. Ayaw umawit ng Ibong Adarna, kasi’y di nakasama sa pag-uwi sa Berbanya ang tunay na
nakahuli sa kanya.
Sanhi _______________ Bunga _________________
24. Mainggitin si Don Pedro kaya siya nag-isip ng masama laban sa sariling kapatid.
Sanhi _______________ Bunga _________________
25. Gumaling ang hari nang marinig ang awit ng Ibong Adarna.
Sanhi _______________ Bunga _________________
26. S18 T1-2: “Sa pag-ibig ng magulang/ mga anak ay dumangal.”
Sanhi_______________ Bunga _____________________
E. Anong paniniwala ang inilalahad sa sumusunod na mga saknong:
19 May paniwala ang ama
na di ngayo’t Hari siya,
maging mangmang man ang bunga
sa kutya ay ligtas sila.
a. kapag anak ng hari, igagalang kahit hindi nakapag-aral
b. kahit anak ng hari ay kailangang mag-aral
c. kapag anak ng hari ay ligtas sa pagkutya
20 Alam niyang itong tao
kahit puno’t maginoo
kapag hungkag din ang ulo
batong agnas sa palasyo.
a. mahalaga ang may mataas na pinag-aralan ang mga namumuno ng
kaharian
b. mahalagang walang laman ang ulo ng mga namumuno
c. mahalaga ang maging puno’t maginoo
31 Ngunit itong ating buhay
talinghagang di malaman
matulog ka nang mahusay
magigising nang may lumbay.
47
a. isang palaisipan ang buhay
b. kapag masaya kang natulog, may problema paggising mo
c. paggising mo ay laging may problema
Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi sa
Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na modyul.
Mga Sanggunian
Rodillo, Gregorio M. et al. 1998. Ibong Adarna: Isang Interpretasyon. Binagong Edisyon.
Maynila: Rex Book Store.
Santillan-Castrence, Pura. 1940. Publikasyon Blg. 26 ng Surian ng Wikang Pambansa.
Maynila: Surian ng Wikang Pambansa.
48
Modyul 6
Ang Tatlong Prinsipe at ang Mahiwagang Ibon
Ano na ba ang alam mo (Panimulang Pagsusulit)
A.
1. M 6. M
2. T 7. T
3. M 8. M
4. T 9. T
5. T 10. T
B.
1. bunso 6. matandang lalaki
2. bunso 7. dumumi
3. bunso 8. awit
4. panganay at bunso 9. binugbog siya ng 2 kapatid
5. Mahal na Birhen 10. gumaling
C.
S 47: a. masunurin
S146: a. mapagkawanggawa
S 231: a.patnubay ng matanda
S 290: a. mapagpatawad
S 394: b. mapagpahalaga sa pagsasama ng magkakapatid
D.
1. Sanhi: Pagod si Don Pedro.
Bunga: Nakatulog agad.
2. Sanhi: Di nakalilimot humingi ng patnubay
Bunga: Laging may tumutulong sa kanya
3. Sanhi: Di nakasama sa pag-uwi sa Berbanya ang tunay na nakahuli sa kanya
Bunga: Ayaw umawit ng Ibong Adarna
Susi sa Pagwawasto
49
4. Sanhi: Mainggitin si Don Pedro
Bunga: Nag-isip ng masama laban sa sariling kapatid
5. Sanhi: Narinig ang awit ng Ibong Adarna
Bunga: Gumaling ang hari
6. Sanhi: Pag-ibig ng magulang
Bunga: Mga anak ay dumangal
E.
S 19: b. kahit anak ng hari ay kailangang mag-aral
S 20: a. mahalaga ang may mataas na pinag-aralan ang mga namumuno ng kaharian
S 30: a. isang palaisipan ang buhay
Sub-Aralin 1
1.
S 1
a. Sa Birhen
b. Oo, iisa.
c. (1) layon ay
d. Ang layon ay nangangahulugang dahilan o mithing ibig makamit. Ang layo ay
nangangahulugang ‘agwat.’ Ang ibig sabihin ng makata ay ang dahilan kung bakit siya
tumutula.
e. Walo (8)
S 4
a. Takot
b. (1) paglalakbay sa dagat o ilog
c. (1) lumayag, (2) mapalaot, (3) mamangka
S 8
a. (1) mahusay mamahala
b. (1) may pagkakapantay-pantay ang mga mahirap at mayaman
c. Nanagana
d. Tama
2. T1 – 13 T4 – 6
T2 – 11 T5 – 10
T3 – 10 T6 – 11
50
3. Mga magkakatugmang salita
pag-ibig palad dusa basbas lawiswis
Pasig Pilipinas ganda pagaspas bagwis
dilag sirena
lipad halina
lipas ligaya
hangin
bangin
giliw
baliw
4.
1. Magkaiba ang mga dulong patinig: a sa pagaspas at i sa lawiswis.
2. Ang dusa ay walang impit na tunog pero ang dukha ay mayroon. Di magkatugma
ang may impit at ang walang impit na tunog.
Sub-Aralin 2
1.
S 19
a. amang hari
b. anak ng hari
c. (1) mahalaga ang pag-aaral ng mga prinsipe
S 20
a. ang haring tinutukoy sa S19
b. (2) puno o ulo ng isang kaharian
c. (2) mataas na uring tao sa isang kaharian
d. (3) parehong 1 at 2
e. (3) makasisira sa kaharian
2.
a. Hiniwa ang palad at pinatakan ng dayap
b. Pito (7). S 208
c. Nagbawas o dumumi. S209
d. Gintong sintas. S 213
3. Nagkulang sa tiyaga.
4. Sobra ang tiwala sa sarili.
51
Sub-Aralin 3
1.
a. Patayin si Don Juan
b. Para mapasakanila ni Don Diego ang karanglan sa pag-uuwi ng ibon
c. Si Don Diego
d. Hindi
e. Binugbog nila si Don Juan
f. Pumangit at ayaw umawit
g. Hindi kasama sa pag-uwi sa Berbanya ang tunay na nakahuli sa kanya
h. Isang matandang lalaki
i. Ang tunay na nangyari: ang pagkakahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna, ang
pagbugbog nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan at pag-iwan dito sa daan,
ang pagsisinungaling sa amang hari.
j. Ipatapon at bawian ng lahat ng karapatan
k. Humingi ng tawad sa hari para kina Don Pedro at Don Diego
l. Dapat na magkakasama ang magkakapatid
2. Kabaligtaran ng S296 at S298
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 7
Pagbibigay ng Opinyong Positiv at Negativ
at Pagpapahayag ng Dami,
Lawak at Lokasyon
2
Modyul 7
Pagbibigay ng Opinyong
Positiv at Negativ
at Pagpapahayag ng Dami,
Lawak at Lokasyon
Tungkol saan ang modyul na ito?
Magandang araw sa iyo! Binabati kita sa pagtatapos mo ng mga nakaraang modyul.
Madalas ay naririnig o napapanood mo ang mga taong nagtatalo o nagdedebate tungkol sa
isang isyu. Halimbawa, ang mga kabataan ay pabor sa paggamit ng cellphone, samantalang ang
mga katandaan ay hindi. Sinasabi nilang istorbo lang iyan sa pag-aaral bukod sa dagdag gastos.
Sabi naman ng mga kabataan ay hindi totoo iyon.
Paano mo nga ba maipagtatanggol ang iyong panig o paniniwala? Isa ito sa mga
matututuhan mo sa modyul na ito. Matututuhan mo ring kilalanin at suriin ang mga positiv at
negativ na opinyon. Bukod dito, tuturuan ka ring gumamit ng mga salitang naglalahad ng dami,
lawak at lokasyon.
Sisikapin ng modyul na ito na matulungan kang higit na maunawaan ang tekstong
argyumentativ.
Marahil ay nakahanda ka na. Huwag kang mag-aalala, tutulungan ka ng modyul na ito.
Ano ang matututunan mo?
Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng
modyul na ito.
1. nakikilala ang mga talatang may tekstong argyumentativ
2. nakasusulat ng mga tekstong argyumentativ
3. napipili ang mga positiv at negativ na opinyon sa loob ng teksto
4. natutukoy at nagagamit nang wasto sa pagpapahayag ang mga salitang nagsasaad
ng
a. Dami o lawak (tiyak at di-tiyak)
b. Lokasyon o direksyon
Sige magpatuloy ka.
3
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Narito ang mga tuntuning dapat mong sundin sa paggamit ng modyul:
1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit.
2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang
upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul
na ito.
3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging
matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang
markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na
makatutulong sa iyo.
4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing
kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito
upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.
5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang
aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka
sa pagwawasto.
6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga
gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.
Sige, magsimula ka na!
Ano na ba ang alam mo?
Sagutan ang panimulang pagsusulit. Huwag kang mag-alala, aalamin lang nito kung
kailangan mo pa ang modyul na ito o tutuloy ka na sa susunod. Gumamit ka ng hiwalay na
sagutang papel.
I. Panuto Isulat ang A kung argyumentativ, at H kung hindi argyumentativ ang teksto.
_____ 1. Dapat na kondenahin ang walang pahintulot at labag sa batas na paggamit ng kompyuter.
Isa itong panganib sa ekonomiyang pandaigdig. Dahil sa walang pakundangang paggamit
nito, nalalagay sa hindi mabuting sitwasyon ang mga bangko at korporasyon. Maaaring
mabangkrap ang mga kumpanya dahilan dito.Dagdag pa, pati ang mga pribadong buhay
4
ng mga mamamayan at dokumento ng mga ahensya ng gobyerno ay nalalagay sa panganib
na magamit nang labag sa batas. Isa pa ay nagkakaroon ng pagnanakaw na intelektwal. Sa
palagay ko, dapat lamang na maparusahan ang mga kriminal at abusado sa paggamit ng
kompyuter.
_____ 2. Sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, may
alternatibong maaaring ikonsidera ang Pilipinas. Ito ay ang paggamit ng natural gas. Ang
Department of Science and Technology sa pamamagitan ng Philippine Council for Energy
Research and Development ay sumusuporta sa pagsusulong nito. Natagpuan sa Palawan
ang isang mina ng natural gas na may 3.4 trillion cubic feet. Sinasabing makasasapat ito sa
20 taong suplay ng kuryente kung idedevelop. Noong Oktubre 16, 2002, inilunsad ni
Presidente Arroyo ang Natural Gas Vehicle Program for Public Transport bilang unang
hakbang tungo sa paggamit ng nasabing alternatibo.
_____ 3. Ang preserbasyon ng pagkain ay unang natuklasan ng isang French chemist na si
Nicholas Appert. Naobserbahan niya na ang mga pagkaing ininit sa selyadong lalagyan ay
hindi nasisira kung hindi ito bubuksan o mapapasukan ng kahit na hangin man lamang.
Dito nagsimula ang malawakang pag-unlad ng preserbasyon ng pagkain. Limampung taon
matapos ng pagtuklas, isa na namang Pranses ang nakaimbento ng isa pang paraan. Ito ay
tinawag na pasteurization, hango sa pangalan ni Louis Pasteur. Siya naman ang nakakita
ng relasyon ng microorganism at pagkasira ng pagkain. Mula rito, nagsimula ang
preserbasyon sa paglalata ng mga pagkain.
_____ 4. Ang pagpaparami ng pagkain sa pamamagitan ng jenetiks ay isang malaking isyung
dapat talakayin. Dapat ba o hindi dapat na gamitin ito? Ayon sa ilan, ito raw ay magaling
at nakatutulong nang malaki sa buhay ng tao. Samantalang ang sabi ng iba, marami raw
itong ibubungang makasasama sapagkat hindi gumagamit ng likas na paraan ng
produksyon. Maaari raw itong makasira sa prodaktiviti ng lupa at makalason sa mga
katabing halaman.
_____ 5. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng mundo. Dapat bang kontrolin ang pagdami ng
tao sa pamamagitan ng kontraseptivs? Naniniwala akong hindi dapat. Una, ang likas na
pagpaparami ng tao ay mula sa Diyos kaya hindi dapat labagin. Ikalawa, ang kalikasan ay
may sariling paraan ng pagbabalanse ng kaganapan sa daigdig kaya hindi natin ito dapat
problemahin. Ikatlo, kung ang problema ay pagkakaroon ng kakulangan sa pagkain at iba
pang pangunahing pangangailangan… pagsisikap at pagmamalasakit lamang ang solusyon
diyan.
II. Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang teksto. Isulat sa sagutang papel na
nakalaan.
Samakatwid Samantala upang kapag
Sapagkat kung gayon ngunit
5
Makabubuti nga ba o makasasama ang mga imbensyong ginagawa ng mga pangunahing
kumpanya sa Japan? Marami ang naniniwalang ito ay kakaiba at nakatutuwa, (1)______________
ay nakatutulong.(2) ______________, ang iba ay nagsasabing ito ay isang banta sa kaligtasan ng
buhay ng tao at isang panganib sa lipunan.
Kunin nating halimbawa ang bagong imbensyon ng Sony. Tinawag nila itong SDR-4X.
Isang robot na may kakayahang sumayaw at kumanta. May taas itong halos dalawang talampakan,
may dalawang paa at 38 sugpungan (body joints). Dahil dito, kaya nitong mag-boogie. Maaari rin
itong makakilala ng 10 mukha ng tao at mabati sila nang personal. Sa kasalukuyan, tinatangka ng
mga siyentista ng Sony na maging interaktiv ang SDR-4X (3)________________ tuluyan itong
magkaroon ng kakayahang makisalamuha sa mga tao. Halimbawa, (4)_______________ kapag
binati mo ito nang maayos,gayundin ang kanyang gagawin. Kapag inabuso mo, iiyak naman.
Paano kung katulad ng ibang imbensyon, magkaroon ng pagkakamaling hindi naman
inaaasahan? Paano kung maging marahas ang reaksyon ng mga robot? Magwasak ito ng mga ari-
arian, at ang pinakamasama sa lahat, manakit o pumatay ng tao? Kung magkakaganoon, hindi ba
napakalaking panganib ang ibibigay nito? (5)_______________, nararapat lang na pag-ukulan na
masusing pagsusuri ang mga imbensyong katulad nito.
III. Panuto: Isulat ang POS kung positiv, at NEG kung negativ ang mga pahayag.
_____ 1. Makabubuti sa kaunlaran ng bansa ang pagkakaroon ng mga disiplinadong
mamamayan.
_____ 2. Tunay na mahalaga ang pakikisangkot sa mga isyu ng lipunan.
_____ 3. Hindi maaaring umunlad ang mga taong walang pakialam sa nangyayari sa
paligid.
_____ 4. Salungat ako sa proposisyong paggamit ng kontraseptivs upang makontrol ang
paglaki ng populasyon.
_____ 5. Ang mararahas na programa sa telebisyon ay may masamang epekto sa isipan
ng mga bata at kabataan.
6
IV. Panuto: Isulat kung ang mga salitang nakabold ay tumutukoy sa dami, lawak o
lokasyon.
Isla ng Camiguin
Ang pangalang Camiguin ay nanggaling sa salitang Kamagong, isang uri ng puno na
karaniwan noon (1) sa isla.Ang mga Manobo mula sa Surigao ang unang nanirahan dito.
Ayon sa mga dokumentong natagpuan noong Panahon ng Kastila, ang mga dakilang
manlalakbay na sina Ferdinand Magellan at Miguel Lopez de Legaspi ay nakarating
(2)dito noong 1521 at 1565.
Ang Camiguin ay isang pulong volkanik na matatagpuan sa Dagat ng Bohol, (3)54 na
kilometro sa hilagang Mindanao. Dahilan sa pagsabog ng (4) pitong bulkan, nabuo ang
napakagandang isla kaya binansagang“Isinilang ng Apoy.” Wala pang matatagpuang lugar
sa Timog-Silangang Asya na maaaring makapantay sa kagandahan ng lugar na
ito.Itinatayang may sukat itong (5)238 kilometro kwadrado. Ang mga kalsada ay may
sirkumperensyang (6) 64 na kilometro. Naging bahagi ang Camiguin ng Misamis
Oriental hanggang noong 1968. Pagkatapos ay naging hiwalay na parte ng Rehiyon X o
(7)Hilagang Mindanao. Sa kasalukuyan, may (8)70,000 na ang populasyon nito.
Itinuturing itong isa sa (9) 25 pinakamagagandang isla ng Pilipinas na paboritong
destinasyon ng mga turista.Ibinilang din itong ika-7 sa pinakamahuhusay na diving spot
sa buong mundo. Isang paraisong hindi pa naaabuso ng tao at ng modernisasyon.Nasa
(10)gitna ng dagat, may maiinit at malalamig na mga bukal ng tubig, naggagandahang
mga talon, malinis na kapaligiran, mayamang kagubatan at halamanan, at kahanga-
hangang lokasyon.
V. Sumulat ng isang tekstong argyumentativ, gamit ang mga sumusunod na gabay. Maaaring
umisip ng paksang higit mong naiibigan o pumili ng nakatala sa ibaba. Ipatsek sa iyong guro.
May katumbas itong 20 puntos.
Panood ng mga Bata ng Anime: Nakasasama o Hindi?
Dapat Parusahan ng Kamatayan ang mga
Taong Gumagawa ng Karumal-dumal na Krimen
Ang mga Batang Lansangan ay Repleksyon
ng Uri ng Pamamalakad ng Pamahalaan
_________________________________________
(Pamagat)
Tatalakayin ko rito ang _________________________________(Paksa).
7
May dalawang panig ito: __________________________________(unang panig) at
_____________________________________________________(Ikalawang panig).
Naniniwala akong _____________________________________ (Ang iyong panig)
Narito ang aking mga patunay. Una, ____________________________________
_______________________________________________. Nasabi ko ito dahil ___
____________________________(Ipaliwanag ang unang patunay). Ikalawa, _____
________________________________________________________. (Ilahad
ang ikalawang patunay). ______________________________________(Magbigay
ng halimbawa sa ikalawang patunay).____________________________________.
At sa huli, __________________________________________ (ang ikatlong
patunay).
Bilang konklusyon, masasabi kong ___________________________________
(panghuling paliwanag at depensa). Kaya, naninindigan akong _________________
________________________________________ (Pagbibigay-diin sa iyong panig).
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub-Aralin 1:
Pagkilala at Pagsulat ng Tekstong Argyumentativ
Mga Salitang Nag-uugnay ng mga Kaisipan
Layunin:
1. nakikilala ang mga tekstong argyumentativ at ang mga katangian nito
2. nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay ng mga kaisipan
3. nakasusulat ng mga tekstong argyumentativ
Alamin
Mahilig ka bang mag-video games? Gumagamit ka ba ng cellphone? Marahil ay oo.
Nakalilibang ito, hindi ba? Ang galing talaga ng tao! Mahusay umimbento lalo na sa larangan ng
teknoloji.
Ang telebisyon ay isa pa sa produkto ng teknoloji. Halos lahat ng mg bahay ay mayroon
na nito. Ano ang paborito mong programa? Siguro ay kartuns, drama, aksyon, basketbol o
telenovela.
8
Naisip mo ba kung anu-ano ang maaaring idulot ng mga makabagong teknoloji sa iyong
buhay?
Sige, basahin mo ang artikulong ito nang magkaroon ka ng ideya.
Teknoloji: Nakasasama o Nakabubuti sa
Buhay at Pamilya?
1. Madalas na pinagtatalunan ng mga tao kung
ang teknoloji
ay nakasasama o nakabubuti. Marami ang
nagsasabing napagiginhawa at napauunlad nito
ang uri ng pamumuhay ng tao, samantalang ayon sa iba,
ito ay nakasisira. Sa aking opinyon, ang dalawang
pananaw
ay parehong tama subalit may mga limitasyon.
Higit pa rito, naniniwala ako na ang dapat suriin ay
kung paano ginagamit ng tao ang produkto ng teknoloji.
2. Gagamitin kong halimbawa ang telebisyon. Maraming dekada na ang nagdaan at hanggang
sa kasalukuyan, inaakusahan pa rin ang telebisyon na siyang sumisira sa pamilya at
nagwawasak ng kaisipang ng mga batang manonood. “Idiot box,” ang taguri sa Ingles.
Pinaninindigan ko, kahit na ang telebisyon ay nasasangkot dito, ang problema ay hindi
nag-uugat sa teknoloji kung hindi sa mga taong gumagamit nito.
3. Una, hinahayaan ng mga taong patakbuhin nito ang kanilang buhay. Nakapagdidikta ang
telebisyon ng mga gawi, kilos at lenggwahe ng mga manonood. Pinaniniwalaan ko ito
sapagkat ang mga magulang, hindi ang telebisyon, ang nagpapahintulot sa kanilang mga
anak na umupo sa harap ng telebisyon at manatili roon ng mahabang oras. Ikalawa, ang
mga magulang din ang nagpapabayang mapalitan ang oras na para sa pamilya ng walang
kabuluhang oras ng panonood. Sa halip na magkaroon ng “bonding” ang pamilya, ang
bawat isa ay abala sa panonood ng mga paboritong programa. Karagdagan rito, hindi rin
napipili ng mga magulang o sinumang nakatatanda sa bahay, ang mga programang dapat na
panoorin ng mga bata sa bahay.
4. Ang mga konsepto at kaisipang napapanood ay hindi nasasala. Sa halip, ito ay tuwirang
pumapasok sa isip ng mga kabataan. Kung ito ay tungkol sa karahasan at pang-aabuso,
walang nakapagpoproseso nito sa batang manonood.
5. Sa katotohanan, hindi ang teknoloji ang dapat sisihin kung hindi ang mga taong
tumatangkilik at gumagamit nito. Samakatwid, ang telebisyon ang bahagi lamang ng
suliraning pampamilya, gayundin ng pagkawasak ng kaisipan ng mga bata. Bilang
konklusyon, ang masamang paghatol ng taong nanonood ng telebisyon, o ang mga
nagpapabayang magulang ang dapat sisihin, hindi ang teknoloji.
9
Ngayong tapos mo nang basahin, anu-ano ang mga naidudulot sa iyo ng programang
iyong pinapanood? Tama. Nalilibang ka at lumilipas ang oras nang hindi mo namamalayan.
Nakatutulong ba ang telebisyon sa iyong sarili at pamilya? Tama ka. Kung minsan ay oo, kung
minsan ay hindi. Kahit na nakalilibang ang panonood ng telebisyon, nababawasan o nawawalan
naman ng oras para magkalapit ang magkakapamilya.
Sinasabi sa artikulo na ang mga magulang na nagpapahintulot sa mga anak na manood ng
telebisyon ang dapat sisihin sa halip na ang teknoloji, hindi ba? Narito ang ilang mga
pananalitang ginagamit sa teksto. Basahin mo ang bawat isa.
Gawain 1 Pangkatin mo ang mga pananalita. Isulat sa kolum A ang may kaugnayan sa
magulang, at sa kolum B ang sa teknoloji.
Nagpapabaya Hindi napoproseso ang panoorin
Nakalilibang Nakasisira ng pamilya
Nagpapahintulot na manood Idiot box Nagwawasak ng kaisipan
Napagiginhawa Walang kabuluhang programa
Hindi nasasala ang konsepto Napauunlad
Kolum A: Magulang Kolum B: Teknoloji
Ganito, humigit-kumulang ang magiging sagot mo.
Kolum A: Magulang
Nagpapabaya
Hindi napoproseso ang panoorin
Nagpapahintulot na manood
Hindi nasala ang konsepto
Kolum B: Teknoloji
Nakalilibang
Idiot box
Walang kabuluhang programa
Napauunlad
Nakasisira ng pamilya
Nagwawasak ng kaisipan
Napagiginhawa
10
Tama ba ang klasifikasyon mo? Kung hindi, basahin mo ulit ang teksto. Ngayon, balikan
mo ang mga salita at pariralang nakita mo sa teksto.
Paano ito ginamit? Ginamit ito sa pagpapaliwanag sa punto ng argumento. Dahil hindi
naniniwala ang manunulat na ang teknoloji ay dapat sisihin sa mga problemang pampamilya at
personal, kinailangang patunayan niya ang kanyang panig.
Magbigay ka nga ng ilang pagpapatunay na inilahad ng awtor. Ganito ba ang isinulat mo?
Ginamit niyang halimbawa ang telebisyon bilang isang produkto ng teknoloji. Sinabi niya
na ang mga manonood ang nagdedesisyon kung ano ang panonoorin at gaano kahabang oras ang
ginugugol nila sa panonood. Kung ganoon, tao ang dapat sisisihin kung may nagiging masamang
epekto ang telebisyon, hindi ang teknoloji.
Sige magpatuloy ka upang higit mong maunawaan.
Pag-usapan natin ang paksa ng teksto. Saang talata ito makikita? Nasa talata 1, di ba?
Ano naman ang pangunahing isyung inilahad? Teknoloji. Tama.
Ngayon, napansin mo ba na binigyan ng dalawang panig ang isyu? Anu-ano ang mga ito?
Kung nakabubuti o nakasasama, di ba?
Sagutan mo nga ang tatlong tanong na ito.
1. Ilahad ang panig ng manunulat.
2. Itala ang tatlong dahilan kung bakit
ito ang panig niya.
a.
b.
c.
3. Ano ang kanyang kongklusyon?
Paano mo sinagutan ang mga tanong? Binasa mong muli ang teksto, hindi ba? Hinanap
mo ba ang tiyak ng mga dahilang inilahad ng manunulat? Kung Oo, tama ang mga paraang
ginamit mo. Ganoon nga. Kailangang maging tiyak at detalyado ang mga sagot.
Malapit ba rito ang iyong mga sagot? Kung ganoon, tama ka.
1. Ilahad ang panig ng manunulat.
Hindi ang teknoloji ang dapat sisihin sa
pagkasira ng isip ng mga bata at sa
pagkawasak ng pamilya.
2. Itala ang tatlong dahilan kung bakit
a. Hinahayaan ng mga taong patakbuhin
nito ang kanilang buhay.
11
ito ang panig niya.
b. Napapabayaan ng mga magulang g
mapalitan ng telebisyon ang oras na
pampamilya.
c. Hindi napipili ng mga magulang ang
mga programang dapat panoorin ng mga
bata.
3. Ano ang kanyang kongklusyon? Hindi ang teknoloji ang dapat sisihin.
Napansin mo marahil na inunawa mo munang mabuti ang mga pahayag bago mo ito
naisulat. Makalawa mo sigurong binasa o higit pa, bago mo tuluyang itinala ang mga sagot.
Tama ang ginawa mo.Ganito kasi ang kailangan sa pagbabasa.
Suriin mo ang teksto. Kabilang ito sa uring argyumentativ. Ang tekstong argyumentativ
ay naglalahad ng mga isyu. Maingat ding inilalahad ng sumulat ang panig ng isyung
pinaniniwalaan o pinaninindigan niya. Layunin kasi nitong makumbinse o mahikayat ang iba,
sumang-ayon sa mga katotohanang inilalahad, makibahagi sa valyung pinaninindigan at
tanggapin ang argumento at konklusyon ng manunulat.
Balikan mo ang ilang bahagi ng teksto upang higit mong maunawaan.
• Madalas na pinagtatalunan ng mga tao kung ang teknoloji ay nakasasama o
nakabubuti.
Ito ang unang pangungusap sa teksto na naglahad kung ano ang paksa at ang isyu. Hindi
ba ang paksa ay teknoloji? Ano naman ang isyu? Tama! Kung ito ay nakabubuti o nakasasama.
Sa pagsulat ng tekstong argyumentativ dapat na mailahad kaagad sa unang pangungusap pa
lamang ang paksa at isyung tatalakayin.
Suriin mo ang mga kasunod na pangungusap.
• Marami ang nagsasabing napagiginhawa at napauunlad nito ang uri ng pamumuhay
ng tao, samantalang ayon sa iba, ito ay nakasisra. Sa aking opinyon, ang dalawang
pananaw ay parehong tama subalit may mga limitasyon. Higit pa rito, naniniwala ako
na ang dapat suriin ay kung paano ginagamit ng tao ang produkto ng teknoloji.
Pansinin na naglahad ng dalawang panig ang manunulat – ang opinyon ng sumasang-ayon
at ng di-sumasang-ayon. Pagkatapos ay nagbigay siya ng sariling opinyon – na parehong tama
ang dalawang panig subalit may limitasyon. Binigyang-diin niya ang kasunod na paniniwala sa
pamamagitan ng paggamit ng pang-ugnay na higit pa rito. Sa bahaging ito ay nagsisimula na ang
manunulat na buuin ang kanyang argumento. Nasusundan mo ba? Ganito ang paraan sa unti-
unting pagbuo ng tekstong argyumetativ.
Ngayon basahin mo naman ang ikatlong talata. Bigyang-pansin mo ang mga salitang
nakabold.
12
• Una, hinahayaan ng mga taong patakbuhin nito ang kanilang buhay. Nakapagdidikta
ang telebisyon ng mga gawi, kilos at lenggwahe ng mga manonood. Pinaniniwalaan
ko ito sapagkat ang mga magulang, hindi ang telebisyon, ang nagpapahintulot sa
kanilang mga anak na umupo sa harap ng telebisyon at manatili roon ng mahabang
oras. Ikalawa, ang mga magulang din ang nagpapabayang mapalitan ang oras na
para sa pamilya ng walang kabuluhang oras ng panonood. Sa halip na magkaroon ng
“bonding” ang pamilya, ang bawat isa ay abala sa panonood ng mga paboritong
programa. Karagdagan rito, hindi rin napipili ng mga magulang
o sinumang nakatatanda sa bahay, ang mga programang dapat na panoorin ng mga bata
sa bahay. Ang mga konsepto at kaisipang napapanood ay hindi nasasala. Sa halip ito ay
tuwirang pumapasok sa isip ng mga kabataan. Kung ito ay tungkol sa karahasan at pang-
aabuso, walang nakapagpoproseso nito sa batang manonood.
Ano ang napansin mo sa kabuuan ng talatang ito? Tama ka. Inisa-isa nito ang mga patunay
sa panig ng manunulat. Ang mga salitang una, ikalawa, karagdagan, ay nagsilbing pananda o
marker nito. Sa bahaging ito nagkaroon ng mas malawak na paliwanag at patunay kung bakit
naniniwala ang manunulat na ang mga tao ang nagiging dahilan ng ikasasama o ikabubuti ng
paggamit ng teknoloji. Ito rin mismo ang isinulat mo sa kolum na sinagutan mo kanina kaya lang
ay may elaborasyon.
Tingnan mo naman ngayon ang huling talata. Pansinin mo rin ang mga salitang nakabold
pati ang daloy ng paghahanay ng mga kaisipan. Simulan mo.
• Sa katotohanan, hindi ang teknoloji ang dapat sisihin kung hindi ang mga taong
tumatangkilik at gumagamit nito. Samakatwid, ang telebisyon ay bahagi lamang ng
suliraning pampamilya, gayundin ng pagkawasak ng kaisipan ng mga bata. Bilang
kongklusyon, ang masamang paghatol ng taong nanonood ng telebisyon, o ang mga
nagpapabayang magulang ang dapat sisihin, hindi ang teknoloji.
Ang unang pangungusap ay gumagamit ng pariralang sa katotohanan, bilang
pagpapatibay sa puntong hindi ang teknoloji ang dapat sisihin kung hindi ang tao. Nagtuluy-tuloy
ang lohikal na paghahanay ng kaisipan sa pamamagitan ng pagsasabing ang telebisyon ay bahagi
lamang ng suliranin.
Nagkaroon ng koneksyon ang magkasunod na pangungusap. Paano? Sa pamamagitan ng
salitang samakatwid. Sa huli, nagkaroon ng linaw ang teksto sa pamamagitan ng pariralang
bilang kongklusyon at binigyang-diing muli ang panig ng manunulat na – hindi teknoloji ang
dapat sisihin kung hindi ang masamang paghatol ng tao sa paggamit nito.
Kumusta ang iyong pagsusuri? May malabo ba? Kung mayroon, balikan mo ang mga
bahaging hindi mo gaanong maintindihan.
Sa kabuuan, tandaan mong may tatlong bahagi ang tekstong argyumentativ:
1. Paksa at isyung pinapanigan
2. Paglalahad ng tatlong patunay na susuporta sa iyong isyu o argumento
13
3. Pagbibigay-diin sa iyong punto at pagbanggit na muli ng iyong panig
Lagi mong tandaan na ang paghahanay ng kaisipan ay dapat na maayos at lohikal. Maaari
mong gamitin ang mga sumusunod na pang-ugnay upang maipakita ang koneksyon ng mga
ideyang inilalahad:
Una – para sa unang patunay
Ikalawa – para sa ikalawang patunay
Karagdagan dito/doon
Higit pa rito/roon para sa mga kasunod ayon
Lalo`t higit sa digri ng pagpapatunay
Bukod ditto
Halimbawa:
Lalo`t higit na dapat bantayan ang mga taong gumagawa at nagbebenta ng bawal na
gamot. Sila ay salot sa lipunan.
Iba rin naman ang gamit ng mga sumusunod:
Ngunit
Bagamat
Datapwat
Subalit
Halimbawa:
Nagkamali nga ang mga adik subalit hindi ba sila maaaring bigyang muli ng
pagkakataon?
Sa pagtatapos o kongklusyon ng argumento, maari mong gamitin ang mga sumusunod na parirala:
Sa pagbubuod Bilang konklusyon
Sa kabuuan Sa pagtatapos
Samakatwid Bilang paglalagom
Halimbawa:
Bilang paglalagom, nais kong bigyang-diin na hindi dapat lubusang sisihin ang mga
sugapa sa bawal na gamot. Biktima lamang sila.
Ang lahat ng ito ay makatutulong upang makabuo ng mga tekstong argyumentativ.
Subukin mong gawin ang mga pagsasanay na sumusunod.
Gamitin
Tingnan mo kung mailalapat mo ang iyong natutuhan.
Gawain 1 Basahin mo ang talata at bigyang pansin ang mga pang-ugnay na nasa panaklong.
Piliin ang angkop sa diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa hiwalay na
sagutang papel.
Para sa pagbibigay daan sa mga nagsasalungatang
pahayag na gagamiting patunay
14
Parusang Kamatayan: Makatarungan o Hindi?
Pinakamalalang anyo ng pagpaparusa ang kamatayan. Tinatawag din itong parusang
kapital o korporal (1. sapagkat, bagamat) nangangailangan ng alagad ng batas (2.
subalit,upang) maisagawa ang aktwal na pagpatay. (3. Ngunit, Bagamat) hindi ba ang mga
tumutulong sa pagpapatupad ng parusang kapatayan ay mga kriminal din?
May mahahalagang isyung matagal nang pinagtatalunan kaugnay nito. (4. Sa kabuuan,
Una) ay ang deterens teori. Sinasabi nito na ang isang taong rasyonal o nasa tamang pag-iisip ay
matatakot na gumawa ng krimen kung ang kaparusahang matatamo niya ay mas mabigat kaysa sa
kapakinabangang makukuha. Sa kasong ito, kamatayan nga. (5. Kasunod, Karagdagan dito),
ang retribusyon. Ito ay ang pangangailangan ng lipunan na magpahayag ng matibay at sapat na
pagkondena sa mga karumal-dumal na krimen. (6. Ikalawa, Ikatlo), ang pagiging arbitrari o
kawalang katwiran ng nagpapatupad ng batas. Ito ang higit na pagpapairal sa bugso ng damdamin
kaysa sa katwiran ng katarungan. Nagkakaroon ng pagkiling o bias sa pagpapatupad ng batas. (7.
Panghuli, Sa wakas) ay ang panganib na magkamali sa paghatol. Kahit na gaano pa kaingat sa
pagsusuri at paghatol ang hustisya, nagkakamali pa rin. Ilang beses nang nangyari na matapos na
maipatupad ang parusang kamatayan, lumilitaw ang tunay na nagkasala (8. dahil sa, datapwat)
nakukunsensya.
Ang kaibahan ng parusang kamatayan sa iba pang uri ng kaparusahan ay hindi na ito
nababago. Wala nang bawian. Naniniwala ako na nararapat lamang ng magkaroon ng parusang
magtuturo ng leksyon (9. subalit, bagamat), naniniwala rin akong dapat na ito ay maging
parehas. (10. Samakatwid, Sapagkat) ang parusang kamatayan ay hindi makatarungan.
Ganito ba ang iyong sagot? Itsek mo.
1. Sapagkat 6. Ikatlo
2. upang 7. Panghuli
3. Ngunit 8. Dahil sa
4. Una 9. Subalit
5. Kasunod 10. Samakatwid
Gawain 2: Heto pa ang isa. Basahin ang teksto. Punan ang patlang ng mga wastong pang-
ugnay upang maging lohikal ang paghahanay ng mga kaisipan.
Ikalawa Una Sa katotohanan
Karagdagan dito Bilang paglalagom Samakatwid
15
Dapat na maglaan ang pamahalaan ng mas malaking suportang pinansyal sa mga Day Care
Centers. (1) ____________, ang mga Centers na tulad nito ay tumutulong sa development ng mga
paslit. Arito ang mga dahilan: (2) ____________, nagbibigay ito ng pagkakataon upang
makahalubilo nila ang mga kapwa bata. Nagbibigay ito ng oportunidad na magkaroon sila ng
kasanayang sosyal. (3) ____________, mas nagiging responsable ang mga bata at hindi gaanong
umaasa sa kanilang mga magulang sa maliliit na mga bagay.(4) ____________, ang mga
magulang ay nakapagtatrabaho. (5) ____________, mas nagiging produktibo at nakatutulong sila
sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. (6) ____________, naniniwala akong dapat na
magbigay ng mas malaking badyet ang gobyerno sa mga Day Care Centers.
Ihambing mo ang iyong sagot dito.
1. Sa katotohanan 4. Karagdagan dito
2. Una 5. Samakatwid
3. Ikalawa 6. Bilang paglalagom
Tama ba ang lahat ng sagot mo? Kung Oo, sige, magpatuloy ka. Kung kailangan mong
balikan ang teksto, sige gawin mo.
Gawain 3 Balikan mo ang tekstong Parusang Kamatayan: Makatarungan o Hindi?
Basahin itong muli at suriing mabuti. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang paksa ng artikulo?
2. Anu-ano ang dalawang panig ng
isyu?
3. Ilahad ang panig ng manunulat.
4. Itala ang tatlong dahilan kung bakit
ito ang panig niya.
5. Ano ang kanyang kongklusyon?
16
Ganito ba ang iyong sagot? Itsek mo.
1. Ano ang paksa ng artikulo? Parusang Kamatayan
2. Anu-ano ang dalawang panig ng
isyu?
Makatarungan ba o Hindi?
3. Ilahad ang panig ng manunulat.
Naniniwala ang manunulat na itoay hindi
makatarungan.
4. Itala ang tatlong dahilan kung bakit
ito ang panig niya.
Ginamit niyang dahilan ang mga
sumusunod:
a. deterens teori
b. retribusyon
c. pagiging arbitrari
5. Ano ang kanyang kongklusyon? Ang parusang kamatayan ay hindi
makatarungan.
Gawain 4: Sumulat ng isang tekstong argyumentativ, gamit ang mga sumusunod na gabay.
Maaaring umisip ng paksang higit mong naiibigan o pumili ng nakatala sa ibaba.
Ipatsek sa iyong guro. May katumbas itong 20 puntos.
Pagbabawas ng Pork Barrel ng mga Mambabatas: Nakasasama o Nakatutulong
sa Mamamayang Pilipino?
Dapat Parusahan ng Kamatayan ang mga Taong Gumawa ng mga Karumal-
dumal na Krimen
Ang Jueteng ay Dapat na Maging Legal sa Pilipinas
_________________________________________
(Pamagat)
Tatalakayin ko rito ang _________________________________(paksa).
May dalawang panig ito: __________________________________(Unang panig) at
____________________________________________________ (Ikalawang panig).
Naniniwala akong _____________________________________ (Ang iyong panig)
Narito ang aking mga patunay: Una, ____________________________________
17
_______________________________________________. Nasabi ko ito dahil ___
____________________________(Ipaliwanag ang unang patunay). Ikalawa, _____
________________________________________________________. (Ilahad
ang ikalawang patunay). ______________________________________(Magbigay
ng halimbawa sa ikalawang patunay).____________________________________.
At sa huli, __________________________________________(Ang ikatlong
patunay).
Bilang kongklusyon, masasabi kong __________________________________
(panghuling paliwanag at depensa). Kaya, naninindigan akong _________________
________________________________________ (Pagbibigay-diin sa iyong panig).
Ang mga sagot ay depende sa piniling paksa ng mga mag-aaral. Ipakita sa guro ang iyong
isinulat. Ang guro mo ang magwawasto ng isinulat na tekstong argyumentativ sa tulong ng
patnubay na format. May katumbas itong 20 puntos.
Lagumin
Natapos mo nang pag-aralan ang katangian ng tekstong argyumentativ at ang paraan sa
pagsulat nito. Balikan mo ang ilang mahahalagang impormasyong dapat mong tandaan.
1. Ang tekstong argyumentativ ay naglalahad ng panig ng isyung pinaniniwalaan. Ito ay
may layuning makahikayat na sumang-ayon ang mambabasa sa panig ng manunulat.
2. Ito ay dapat na may mga patunay na batay sa isang pag-aaral at/o pananaliksik upang
maging matibay ang mga ebidensyang sumusuporta sa argumento.
3. Dapat na maayos at lohikal ang paghahanay ng mga kaisipan upang maging mabisa
ang argumento.
4. Gumagamit ng mga tiyak na pang-ugnay ang paglalahad upang maipakita ang
koneksyon ng mga kaisipan sa iba pang mga ideya sa talata. Maaaring gamitin ang
mga pang-ugnay na tulad ng: ngunit, bagamat, subalit, datapwat, at mga salita o
pariralang gaya ng: una, ikalawa, sa paglalagom, bilang konklusyon, samakatwid
at iba pang kauri nito.
Subukin
A. Basahin at suriin ang mga teksto. Isulat sa sagutang papel ang A kung argyumentativ, at H
kung hindi.
____1. Malayo na ang nararating ng Japan kung sayans at teknoloji ang pag-uusapan.
18
Maraming imbensyon na ang kanilang nagawa lalo na sa larangan ng robotiks. Iba-
ibang uri ang nagawa na nila para sa iba-iba ring pangangailangan ng tao.
____2. Ang mga robot ay isang malaking insulto sa kakayahan ng mga tao. Bagamat
masasabing ang mga ito ay nakatutulong sa pagpapagaan ng gawain ng tao, hindi
maikakailang inaagawan nito ng hanapbuhay ang tao. Halimbawa sa halip na mag-empleo
ng mga tauhang may kakayahang mag-ayos at magsuri ng mga rekord ng isang
kumpanya, bumibili na lamang ng kompyuter. Ang gawain ng isang grupo ay madaling
nagagawa sa isang kompyuter lamang. May katangian din itong napagsasabay-sabay ang
maraming gawain. Nakatitipid nga ang mga kumpanya subalit paano kung masira o
magbug-down ito?
____3. Ang labis na paggamit ng cellphone ng mga kabataan ay nakasasama. Una,
mapapabayaan nilang gawin ang mas mahahalagang mga bagay tulad ng pag-aaral at
pagtulong sa mga gawaing-bahay. Ikalawa, higit silang nagiging magastos. Kung minsan,
kahit na ang badyet na para sa kanilang pagkain ay nagagamit para lang magka-load.
Karagdagan pa rito, tulad ng kompyuter, ang mga cellphones ay may radiation na mabilis
na nakapagpapalabo ng mata.
____4. Tinatayang hihigit sa 50% ng populasyon ng Pilipinas ang magkakaroon ng sariling
cellphone sa darating na taon. Nangangahulugang mga 42 milyong Pilipino ang
tatangkilik sa mga higanteng komyunikeysyon network na nakabase rito. Batay sa
inisyal na report, ang Globe Telecom at Smart Communications ay may 31 milyon nang
subscribers sa kasalukuyan. Ang Sun Cellular Network naman ay mayroon nang 1
milyong tagatangkilik at inaasahang mabilis na madaragdagan pa ito sa susunod na taon.
____5. Ang nauudlot na pagpapataw ng buwis sa text messages ay tila matutuloy na. Kapag
nagkataon, mahihirapan ang mga taong nasanay nang magtext maya’t maya sapagkat
naging bahagi na ito ng kanilang pang-araw-araw na gawain. Ang Pilipinas ay itinuturing
na Text Capital of the World dahilan sa pambihirang rekord nito ng bilyong bilang ng
naipadalang text messages sa isang araw. Kung magkakabuwis nga ito, paano na ang
mga estudyante at ang iba pang mahilig magtext pero wala namang hanapbuhay?
B. Isulat ang mga angkop na pang-ugnay upang magkaroon ng lohikal na paghahanay ng
kaisipan ang talata.
Una Subalit Kung gayon
Ikalawa Samakatwid Karagdagan pa
Naniniwala akong dapat na may sapat na parusang makapagtuturo ng leksyon sa mga
kriminal. Personal kong pinaninindigan noon na ang parusang kamatayan ay makatarungan.
(1)________ matapos kong masuri ang maraming impormasyon, nabago ang aking paniniwala.
Naunawaan ko na ang parusang kapital tulad ng kamatayan ay walang gaanong buting naidudulot.
(2) ________, maaari itong maging bias o may pinapaborang panig. (3) ________, iniiwas nito
ang kriminal na magdusa nang habambuhay sa bilangguan. Nagiging mas magaan pa nga ang
kanilang parusa kung tutuusin. (4) ________, kung minsan hindi rin napaparusahan ang tunay na
19
maysala tulad ng nangyari na sa ilang mga kaso. Samakatwid, (5) ________ ako ay naniniwalang
hindi dapat igawad ang parusang kamatayan sa mga kriminal.
C. Sumulat ng isang tekstong argyumentativ, gamit ang mga sumusunod na gabay. Maaaring
umisip ng paksang higit mong naiibigan o pumili ng nakatala sa ibaba. Ipatsek sa iyong guro.
May katumbas itong 20 puntos.
Kloning: Nakasasama o Nakatutulong sa Sanlibutan?
Dapat Parusahan ng Kamatayan ang mga Taong Nang-aabusong Sekswal sa
mga Bata at Kabataan
Ang Prostitusyon ay Sagot sa Kahirapan kaya Dapat na Maging Legal
_________________________________________
(Pamagat)
Tatalakayin ko rito ang _________________________________(paksa).
May dalawang panig ito: __________________________________(Unang panig ) at
_____________________________________________________ (Ikalawang).
Naniniwala akong _____________________________________ (Ang iyong panig)
Narito ang aking mga patunay. Una, ____________________________________
_______________________________________________. Nasabi ko ito dahil ___
____________________________(ipaliwanag ang unang patunay). Ikalawa, _____
________________________________________________________. (Ilahad
ang ikalawang patunay). ______________________________________(Magbigay
ng halimbawa sa ikalawang patunay).____________________________________.
At sa huli, __________________________________________ (Ang ikatlong
patunay).
Bilang kongklusyon, masasabi kong __________________________________
(panghuling paliwanag at depensa). Kaya, naninindigan akong _________________
________________________________________ (Pagbibigay-diin sa iyong panig).
Itsek mo ang iyong mga sagot. Ganito ba?
A. C. Ang mga sagot ay depende sa
piniling paksa ng mga mag-aaral.
1. H Ang guro ang magwawasto ng
2. A isinulat na tekstong argyumentativ.
20
3. A sa tulong ng patnubay na format.
4. H May katumbas itong 20 puntos.
5. H
B.
1. Subalit
2. Una
3. Ikalawa
4. Karagdagan pa
5. Samakatwid
Tama bang lahat ang iyong mga sagot? Kung Oo, maaari ka nang tumuloy sa sub-aralin 2.
Kung hindi, balikan mo ang mga bahaging hindi gaanong naging malinaw sa iyo. Pagkatapos,
sagutan mo ang mga gawain sa Paunlarin.
Paunlarin
Piliin lamang ang mga gawaing makatutulong sa iyo,
Gawain 1 Basahin ang teksto. Pagkatapos sagutin ang mga tanong sa kolum A. isulat ang
mga sagot sa kolum B. Maaaring susing salita o parirala lamang ang isulat.
Ang jenetik engineering ay nakabubuti sa sanlibutan. Ito ay isang modernong
proseso, at katulad ng kahit na anong uri ng pagbabago, natural lamang na ito ay tutulan ng
marami. Totoong marami pang dapat idevelop dito bago tuluyang gamitin subalit ang riserts
at development na ang bahalang magsagawa nito.
Samakatwid, ang produkto ng mas malawakang pag-aaral at riserts ang
nagpapahintulot na nagkaroon ng mas maraming pagpipilian o opsyon ang mga tao. Kung
gayon ang jenetik engineering ay mas nakabubuti kaysa nakasasama.
Anu-ano ang mga kabutihang naidudulot nito? Una, posible na ang mga mag-asawang
hindi magkaanak at ayaw namang mag-ampon ay magkaroon ng anak na may relasyong
bayolojikal sa kanila. Una, mabibigyan nito ng pagkakataon ang mga mag-asawang
nakahandang magmahal at mag-aruga ng sarili nilang anak. Ang teknoloji sa reproduksyon
ay instrumento lamang upang matupad ang isang pangarap. Ikalawa, ang kloning ay
magagamit upang magkaroon ng anak na hindi kailanman madadapuan ng sakit. Ang pag-
aalis ng depektibong genes ay isang kasiguruhang hindi siya magkakasakit at mabubuhay
siya nang maligaya. Ikatlo, maaaring magklon ng isang tao na magpoprodyus ng isang
bahagi ng katawang magliligtas sa isang maysakit.
Ang jenetik engineering ay isang halimbawa kung paanong ang imposible ay nagiging
posible. Ito ay ginagamit upang lalong mapaunlad ang uri ng pamumuhay ng tao. Maaaring
may mga nang-aabuso sa paggamit nito, subalit mas matimbang ang mga benepisyong
nagagawa nito kaysa sa kasamaan. Sa pagkakataong ito, matibay kong pinaninindigan na
ang jenetik engineering ay nakabubuti sa sangkatauhan.
(Saling-halaw sa http://www..planetpapers.com/Assets/)
21
1. Ano ang paksa ng teksto?
2. Anu-ano ang dalawang panig ng
isyu?
3. Ilahad ang panig ng manunulat.
4. Itala ang tatlong patunay na ginamit
niya
a.
b.
c.
5. Ano ang kanyang kongklusyon?
Gawain 2 Piliin ang mga angkop na pang-ugnay upang maihanay nang lohikal ang mga
kaisipan.
Dapat na tuklasin ng tao ang hindi niya nalalaman (1. sapagkat,
subalit) dapat siyang maging maingat. Naniniwala ako sa agham (2. dahil sa,
ngunit) hindi ko ipagpapalit dito ang aking pananalig sa Diyos. Malayo na
ang narrating ng tao, (3. sapagkat, datapwat) hindi sapat iyon upang akalain
niyang siya ay makapangyarihan. (4. Bukod dito, Sa paglalagom), ang tao
ay hindi kailanman magiging higit sa Lumikha sa kanya. Ang totoo, dapat
tayong magtulungaa at magmahalan upang makasama Niya sa Kanyang
kaharian. (5. Sa kabuuan, Lalo`t higit), masasabi kong ang tao ay nilikhang
may kakulangan sapagkat ang kanyang kapupunan ay nasa kanyang kapwa.
Itsek ang iyong sagot.
Gawain 1 Tekstong Argyumentativ
1. Ano ang paksa ng teksto? Jenetik engineering
2. Anu-ano ang dalawang panig ng
isyu?
Nakabubuti o nakasasama
22
3. Ilahad ang panig ng manunulat Nakabubuti ang jenetik engineering.
4. Itala ang tatlong patunay na
ginamit niya
a. Posibleng magkaanak ang mag-asawang
walang kakayahang magkaanak.
b. Hindi dadapuan ng sakit ang klon.
c. Maaaring magprodyus ng bahagi ng
katawang defektiv.
5. Ano ang kanyang konklusyon? Nakabubuti ang jenetik engineering
Gawain 2 Salitang Nag-uugnay Gawain 3 Argyumentativ o Hindi
1. Subalit 1. H
2. ngunit 2. A
3. datapwat 3. A
4. Bukod dito 4. A
5. Sa kabuuan 5. A
Marahil ay malinaw na sa iyo ang araling ito. Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa Sub-aralin
2.
Sub-Aralin 2:
Pagkilala sa Positiv at Negativ na Opinyon
Pagsulat ng Positiv at Negativ na Opinyon
Layunin:
1. napipili ang mga positiv na opinyon sa loob ng teksto
2. natutukoy ang mga negativ na opinyon sa loob ng teksto
3. nakasusulat ng mga positiv at negativ na opinyon
Alamin
Sa kasalukuyan napakakaraniwan nang marinig na may
malubhang sakit ang isang tao. Kanser! Nakatatakot at
nakapangingilabot na sakit, di ba? Napakahirap at napakagastos pa.
Ang problema, wala pang natutuklasang lunas o mga tiyakang paraan
upang maiwasan ito.
23
Dapat harapin nang buong tatag ang ganitong sakit tulad din ng iba pang mga pagsubok sa
buhay. Manalig sa Panginoon. Paano nga ba kung ang isang miyembro ng pamilya mo ang
magkaroon ng sakit na walang lunas? Mahirap, di ba? Huwag naman sana.
Kung labis na ang paghihirap ng pasyente sa loob ng mahabang panahon, papayag ka ba
sa mercy killing? Euthanasia ang katawagang teknikal sa mercy killing. Sa palagay mo ba dapat
nang gamitin sa kanya ang euthanasia? Ano ang opinyon ng ibang tao tungkol dito? Payag ba sila
o hindi? Malalaman mo ang pananaw nila sa artikulong ito.
Linangin
Sige, simulan mo na ang pagbabasa. Alamin mo ang mga opinyong inilahad.
Euthanasia
Ang opinyon ng publiko tungkol sa euthanasia at pagpapakamatay sa tulong
ng mga doktor ay hati. Isang sarbey na ginawa ng Gallup Organization sa Canada noong
Hulyo 1995 ang nagpatunay na unti-unti nang natatanggap ng mga tao ang mga
kabutihang nagagawa nito.
Ang isa sa mga itinanong ay ganito: Kung ang isang tao ay may sakit na wala
nang lunas, may bantang mamatay na kaagad at nagpapahirap pa nang lubos sa pasyente,
sa tingin nyo pwede na ba siyang patayin dahilan sa awa (mercy killing)? Ipagpalagay na
ang pasyente ay may nakasulat na hiling.
Sarisari ang naging sagot dito:
“Hindi dapat. Hintayin ang tamang oras na siya ay kukunin ng Diyos.”
“Oo, kung labis na siyang nahihirapan.”
“Talagang dapat na, kung mismong ang pasyente ang humihiling.”
“Ayoko nakatatakot iyon.”
“Tunay na mas mabuti kaysa maghirap siya nang matagal. Maawa tayo sa kanya.”
“Ayaw ko, labag yan sa kautusan ng Diyos.”
Napatunayan ng tanong na hati nga ang opinyon ng publiko subalit napapansin na
mayroon nang mas pumapabor dito. Ang ikatlong bahagi ng populasyong sinarbey ay
naniniwalang dapat na masunod ang desisyon ng pasyente.
Paano nga ba kung halimbawang matapos maibigay ang gamot na tatapos sa buhay ng
pasyente, may nabasa kang bagong tuklas na lunas sa sakit niya ilang araw bago ang pagpatay?
Kung ikaw ay miyembro ng pamilya ng pasyente, ano kaya ang mararamdaman mo?
(Saling-halaw mula sa http://www.123helpme.com/view.esp?id)
24
Balikan mo ang tanong kanina. Papayag ka ba sa mercy killing? Mahirap sagutin, hindi ba?
Marahil ay nagtatalo ang iyong isip kung sasang-ayon ka o hindi. Tinitimbang-timbang mo ang
buti at samang maaaring idulot nito. Tama, ganoon nga! Bago mo sang-ayunan o hindi sang-
ayunan ang isang ideya dapat na pag-isipan mo itong mabuti. Ano kaya ang opinyon ng iba
tungkol dito?
Sige, alamin mo naman kung ano ang sinasabi nila tungkol sa euthanasia.
Isulat ang mga opinyon ng mga sumang-ayon sa euthanasia sa unang kolum, sa ikalawa
ang hindi sumang-ayon.
Sang-ayon Hindi Sang-ayon
1.
2.
3.
1.
2.
3.
Ganito rin ba ang naging sagot mo? Ihambing mo nga.
Sang-ayon Hindi Sang-ayon
1. “Oo, kung labis na siyang nahihirapan.”
2. “Talagang dapat na kung mismong mga
pasyente na ang humihiling.”
3.”Tunay na mas mabuti kaysa maghirap
pa siya nang matagal.”
1. “Hindi dapat, hintayin ang tamang oras
na siya ay kukunin ng Lumikha.”
2. “Ayoko, nakatatakot iyon.”
3. “Ayaw ko, labag ‘yan sa kautusan ng
Diyos.”
Tama bang lahat ang sagot mo? Marahil. Anu-ano ang napansin mo sa mga sagot sa
dalawang kolum? Magkaiba ng opinyon, di ba? Paano mo nalamang magkaiba? Syempre, dahil sa
magkasalungat na opinyon tungkol sa isang isyu. Ang sang-ayong panig ay tawagin mong
POSITIV na opinyon at ang hindi sang-ayon ay NEGATIV naman.
Pansinin na may mga palatandaan o marker upang matiyak kung anong uri ng opinyon ang
ipinahahayag sa artikulo. Anu-ano ang ginamit sa positiv? Tama ka. Ginamit ang mga salitang:
Oo, Talaga at Tunay. Samantala sa negativ ay ginamit naman ang: Hindi, Ayoko at Ayaw ko.
Ang mga salitang ginagamit sa positiv na opinyon ay tinatawag na salitang panang-ayon.
Naglalahad ito ng pagpayag sa isang ideya o kaisipan. Kabilang din dito ang mga salitang tulad
ng: Opo, tunay na tunay, talagang-talaga, dapat, sang-ayon, payag, pwede at iba pang kauri nito.
Halimbawa:
1. Opo, sasama ako sa kampanya laban sa paglaganap ng bawal na gamot.
2. Sang-ayon ako sa ideya mong dapat na unawain ang mga sugapa sa bawal na gamot.
25
Sa pagpapahayag naman ng negativ na opinyon ay ginagamit ang mga salitang pananggi.
Naipapahayag naman ito sa pamamagitan ng mga salitang tulad na: hindi sang-ayon, salungat,
kontra, wala, hindi maaari, hindi pwede at iba pang kauri nito.
Halimbawa:
1. Hindi maaaring lumiban sa miting tungkol sa kapayapaan sa susunod na linggo.
2. Salungat ako sa ideyang pagbomba`t pagpatay sa mga rebelde.
Naunawaan mo ba ang aralin? Subukin mo ngang gawin ang mga pagsasanay.
Gamitin
Gawain 1 Isulat sa patlang ang POS kang positiv ang opinyon at NEG kung negativ.
Bilugan ang panandang salitang ginamit dito.
______1. Oo, dapat tayong magtipid sa kuryente para makatulong sa ekonomiya ng
bansa.
______2. Talagang nagsisikap ang pamahalaang makaahon sa kahirapan ang bansa.
______3. Hindi makatutulong ang pagtitipid sa ganitong sitwasyon.
______4. Walang mangyayari sa bansang hindi tunay na malaya.
______5. Kontra sa loob ko ang pag-aambag ng karaniwang empleyado sa kaban ng
bayan upang malutas ang suliranin.
Itsek mo ang iyong sagot.
1. POS – Oo 4. NEG – Wala
2. POS – Talaga 5. NEG – Kontra
3. NEG – Hindi
Kumusta? Nadalian ka ba? Sige, magpatuloy ka.
Gawain 2 Suriin ang mga opinyon. Isulat sa patlang ang nawawalang uri nito. Gumamit ng
hiwalay na sagutang papel.
POSITIV NEGATIV
1. Dapat na gawing sabdibisyon ang
mga lupaing agrikultural.
2. ______________________
______________________
3. Digmaan ang sagot sa terorismo.
1. _____________________________
_____________________________
2. Hindi ako sang-ayon na gawing legal
ang aborsyon.
26
4. ______________________
______________________
5. ______________________
______________________
3. _____________________________
_____________________________
4. Walang kahihinatnan ang bayang may
mga mamamayang walang malasakit sa
sarili.
5. Kontra ako sa anumang hakbang na
papabor sa mga negosyante.
Humigit-kumulang, ganito ang iyong magiging sagot.
1. Negativ – Hindi dapat na gawing sabdibisyon ang mga lupaing agrikultural.
2. Positiv – Sang-ayon ako na gawing legal ang aborsyon.
3. Negativ – Hindi digmaan ang sagot sa terorismo.
4. Positiv – May kahihinatnan ang bayang walang malasakit sa sarili.
5. Positiv – Sang-ayon ako sa anumang hakbang na papabor sa mga negosyante.
Lagumin
Tapos mo nang pag-aralan ang pagkilala at pagtukoy sa mga positiv at negativ na opinyon.
Mahalagang matandaan mo ang mga sumusunod na impormasyon.
1. Dalawang paraan ang paglalahad ng opinyon – positiv at negativ.
2. Ang positiv na opinyon ay nagpapahayag ng pagpayag o pagsang-ayon sa isang kaisipan,
bagay o kilos. Maaaring gamitin ang mga salitang tulad ng : Oo, tunay, talaga, sigurado,
sang-ayon at iba pang hawig nito na may himig ng pagsang-ayon.
3. Ang negativ na opinyon ay naglalahad ng pagsalungat o pagtanggi. Maaaring gamitin ang
mga salitang tulad ng: hindi, wala, ayaw, ayoko, salungat at iba pang kauri nito.
Subukin
A. Panuto: Isulat ang POS kung positiv at NEG kung negativ ang opinyong inilalahad ng mga
pangungusap.
______ 1. Tama lamang na alamin ang problema at ang solusyon dito.
______ 2. Kailangang manatiling mulat sa mga pangyayari.
______ 3. Huwag kondenahin kaagad ang mga rebelde.
______ 4. Naniniwala ako na sila rin ay may mga lehitimong isyu.
27
______ 5. Hindi ka dapat na magbulag-bulagan.
B. Panuto: Suriing mabuti ang teksto. Pumili ng tatlong positiv at tatlong negativ na opinyon mula
rito. Isulat sa hiwalay na sagutang papel.
Hindi sagot ang digmaan sa terorismo. Kung papatayin ba ang mga
terorista, tuluyan nang mawawala ang problema? Gaano naman tayo kasigurado
na mapapatay ang lahat ng “nanggugulo?”
Dapat tayong manindigan. Huwag nating panoorin lamang ang mga
pangyayari tulad ng isang pelikula. Makiisa tayo sa mga hakbanging lulutas sa
tunay na problema. Talagang magiging magulo ang daigdig kung walang
magmamalasakit. Alamin ang kanilang isyu at maging bahagi ng solusyon. Hindi
sila dapat ipagwalambahala. Makisangkot!
Ihambing ang iyong sagot dito.
A. POS – NEG
1. POS 4. POS
2. POS 5. NEG
3. NEG
B. Positiv Negativ
1. Dapat tayong manindigan.
2. Makiisa tayo sa nga hakbanging
lulutas sa tunay na problema.
3. Alamin ang kaniang isyu at maging
bahagi ng solusyon.
4. Makisangkot !
1. Hindi sagot ang digmaan sa
terorismo.
2. Huwag nating panoorin lamang
ang mga pangyayari tulad ng
isang pelikula.
3. Hindi dapat magwalambahala.
Kung tama ang iyong mga sagot, maaari ka nang tumuloy sa Sub-aralin 3.
Kung mayroon pang hindi gaanong malinaw, balikan ang bahaging ito. Pagkatapos gawin na
ang mga pagsasanay sa Paunlarin.
Paunlarin
Piliin lamang ang mga bahaging kailangan mo.
28
Gawain 1: Isulat ang POS kung positiv at NEG kung negativ ang opinyong inilalahad ng mga
pangungusap.
______ 1. Wala na tayong magagawa tungkol sa paghihirap ng bansa.
______ 2. Hindi dapat parusahan ang mga mamamayang naghihirap.
______ 3. Talagang darating ang panahong makaaahon tayo kung magkakaisa.
______ 4. Kontra ako sa mungkahing solusyon ng konggreso.
______ 5. Dapat na magtulungan ang sambayanan upang makaahon sa kahirapan.
Gawain 2: Suriin ang mga opinyon. Isulat sa patlang ang nawawalang uri nito. Gumamit ng
hiwalay na sagutang papel.
POSITIV NEGATIV
1. Kailangan puksain ang mga taong
nasa likod ng bawal na gamot.
2. _________________________
_________________________
_________________________
3. _________________________
_________________________
4. Tunay na malikhain at dakila ang
mga imbentor.
5. Tunay na tunay kailangan natin ng
mga robot.
1. ________________________
________________________
________________________
2. Hindi maaaring paalisin ang mga
dayuhang negosyante sa bansa.
3. Hindi dapat na digmain ang mga
rebelde.
4. ________________________
________________________
5. ________________________
________________________
Ganito, humigit-kumulang ang iyong sagot. Itsek mo.
A. POS – NEG
1. NEG 4. NEG
2. NEG 5. POS
3. POS
B.
1. Negativ – Hindi dapat puksain ang mga taong nasa likod ng bawal na gamot.
2. Positiv – Dapat paalisin ang mga dayuhang negosyante sa bansa.
3. Positiv – Dapat nadigmain ang mga rebelde.
4. Negativ – Hindi malikhain at dakila ang mga imbentor.
5. Negativ – Hindi natin kailangan ang mga robot.
29
Sub-Aralin 3:
Pagkilala at Paggamit ng mga Salitang
Nagpapahayag ng Dami,
Lawak at Lokasyon
Layunin:
Natutukoy at nagagamit nang wasto sa pagpapahayag ang mga salitang naglalahad ng:
1. dami o lawak (tiyak o di-tiyak)
2. lokasyon o direksyon
Alamin
Ang Pilipinas ay may mahabang kasaysayan ng
pananakop ng mga dayuhan. Alam mo ba kung sinu-sino ang
mga banyagang sumakop dito? Tama ka. Ang mga Kastila,
Hapones at mga Amerikano. Bakit kaya gustung-gusto ng
mga dayuhang maangkin ang ating bansa? Masagana kasi ito
sa likas na yaman bukod pa sa mababait ang mga Pilipino.Ito
nga lamang kaya ang tunay na mga dahilan?
Alam mo bang isang malaking dahilan din ng
kanilang interes ay ang istratehikong lokasyon nito sa
mapang pandaigdig? Marahil ay nirerevyu mo sa iyong
isip ang lokasyon nito, ano? Bakit nga ba? Malalaman mo
ang sagot sa artikulong babasahin mo.
Linangin
Ang teksto ay tumatalakay sa lokasyon ng Pilipinas at iba pang mga mahahalagang
impormasyon tungkol dito. Tingnan mo nga kung matatandaan mo ang mga detalyeng kaugnay
nito. Maaari ka nang magsimula.
Pilipinas: Tulay at Lagusan ng Ugnayang Pandaigdig
Ang arkipelago ng Pilipinas ay binubuo ng 7,107 isla. Matatagpuan ito sa bandang itaas
ng ekweytor sa Timog-Silangang Asya sa pagitan ng latitude na 4o
23” at 21o
25” sa hilaga at
longitude na 116o
at 127o
sa silangan. Ito ay may kabuuang sukat na 300,000 kilometro
kwadrado.
30
Sa sulyap pa lamang sa mapang
pandaigdig, ay kaagad na mapapansing ito ay
may istratehikong lokasyon. Hindi
nakapagtataka na ang mga banyagang
sumakop sa Pilipinas
sa iba’t ibang panahon ay naging
makapangyarihan sa daigdig – at humina
kaagad ang kanilang pwersa pagkatapos nilang
umalis dito. Dahilan sa istratehikong
lokasyong ito, ang Pilipinas ay nakatakdang
gumanap ng mahalagang papel sa kasaysayan ng daigdig.
Una, ang Pilipinas ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng kultura ng Silangan at
Kanluran. Ikalawa, matatagpuan ito sa gitna ng internasyonal na daang
panghimpapawid at pandagat. Ikatlo, gumaganap itong matibay na
depensa ng demokrasya sa isang lugar na maraming diktador at
kung saan ang komunismo ay nakapangingibabaw sa mga bansa sa
Asya. Ikaapat, ito ang moog ng Kristyanismo sa pagitan ng
maraming Kristiyano sa Kaunlaran at kakaunting Kristiyano sa
Silangan. Kung gayon ay nagsisilbi itong “Liwanag ng
Kristiyanismo sa Daigdig.”
Dahilan sa ito ay matatagpuan sa halos gitna ng Asya, ito
ay ideyal na lugar para sa kaunlurang industriyal, teknolojikal
at exportasyon. Maraming mga banyagang imbentor ang
nahihikayat na mamuhunan dito. Ipinagmamalaki ng
Pilipinas ang murang pwersa ng paggawa at ang mataas na antas
ng literasi. Ang mga manggagawa ay may mataas na pinag-aralan, madaling
sanayin at marunong mag-Ingles. May malawak din itong “manpower” na may mataas na
kasanayan sa paggamit ng kompyuter at kasanayang teknikal. Ang komunikasyon sa bansa
ay patuloy na dinidevelop at pinauunlad upang mabisang magamit sa kalakalan.
Sa kasalukuyan ang populasyon nito ay umaabot sa 84.6 milyong Pilipino. Masasabing
patuloy na sinisikap ng mga Pilipino na mapataas pa ang antas ng pamumuhay sa Pilipinas
sa kabila ng napakaraming mga suliraning humahadlang dito.
(Saling-halaw mula sa http://www.garmentasia.com)
Pamilyar ba sa iyo ang mga nabasa mo? Marahil ay oo.
Ngayon, balikan mo ang ilang mga tanong kanina. Bakit malaking dahilan din ng interes ng
mga dayuhan ang istratehikong lokasyon ng Pilipinas? Dahil sa kanilang pulitikal na interes,
madaling maging daanan ang Pilipinas patungo sa iba’t ibang direksyon sa daigdig di ba? Ito rin
ay nagsisilbing pinto tungo sa kaunlarang ekonomiko, di ba?
31
Ipagpatuloy mo pa ang pagsusuri.
Gawain 1: Punan mo nga ng mga impormasyon ang dialog box batay sa binasang
artikulo.
1.
2.
3.
4.
5.
Ganito ba ang iyong sagot? Itsek mo.
1. Sa bandang itaas ng ekweytor, sa Timog-Silangang Asya.
2. Nasa pagitan ito ng latitude na 4o
23” at 21o
25” sa hilaga at longitude na 116o
at 127o
sa
silangan.
3. 300,000 kilometro kwadrado.
4. Tatlo. Luzon, Visayas, Mindanao.
5. Tinatayang 84.6 milyon na.
Ngayon, suriin mo nang isa-isa ang mga tanong at sagot mo.
Saan matatagpuan ang
Pilipinas?
Tiyakin mo nga ang
lokasyon nito sa mapang
pandaigdig.
Ilan ang pinakamalalaking
pulo nito? Anu-ano?
Gaano karami ang
populasyon ng Pilipinas?
Ano ang kabuuang sukat
ng teritoryo ng Pilipinas?
32
• Saan matatagpuan ang Pilipinas?
Anong impormasyon ang hinihingi ng tanong? Lugar, di ba? Itinatanong ang lokasyon
kung saan makikita ang Pilipinas. Ano ang naging sagot mo? Sa bandang itaas ng ekweytor, sa
Timog-Silangang Asya. Nagbigay ka naman ng tiyak na deskripsyon ng lugar.
Kung may globo o mapa nga pala dyan sa lugar na pinag-aaralan mo, tingnan mo ang
lokasyon ng Pilipinas.
Heto naman ang ikalawang tanong:
• Tiyakin mo nga ang lokasyon nito sa mapang pandaigdig.
Ang naging sagot mo ay: Nasa pagitan ito ng latitude na 4o
23” at 21o
25” sa hilaga at
longitude na 116o
at 127o
sa silangan.Mas naging tiyak o ispesifik ang tanong di ba? Kaya
nagbigay ka naman ng tiyak ding sagot. Kung may mapang hawak ang babasa, madaling makikita
ang lokasyon nito.
Pansinin ang paraan ng pagsagot. Anu-ano ang mga susing salitang ginamit? Tama. Sa
bandang itaas, sa Timog-silangang Asya, sa pagitan ng, sa hilaga. Ganitong mga salita ang
ginagamit upang maipakita o maituro ang LOKASYON o DIREKSYON ng lugar.
Marami pang mga salitang maaaring gamitin tulad ng: sa kaliwa, sa dulo, sa gilid, sa
ilalim, sa ibabaw, sa tabi at iba pang kauri nito.
Halimbawa:
Sa bandang kanan, gitna ng mapa ng Luzon, matatagpuan ang Isla ng Mindoro.
Tingnan mo naman ang mga kasunod na tanong:
• Ano ang kabuuang sukat ng teritoryo ng Pilipinas?
Kabuuang sukat naman ang hinihingi, di ba? Kung gayon ay LAWAK ng nasasakupang
lupain ang dapat isagot.
Sinagot mo ito ng 300,000 kilometro kwadrado. Tama ka. Bilang ang sagot at dapat na
TIYAK ito.
Sinundan ito ng mga tanong na:
• Ilan ang malalaking pulo nito?
Tatlo ang sagot mo, tama?
Pagkatapos ay:
• Gaano karami ang populasyon nito?
Sinagot mo naman ng: 84.6 milyon. Napansin mo marahil na DAMI naman ang
hinihinging impormasyon kaya bilang ang sagot .
Tandaan mo na kapag dami o lawak ang pinag-uusapan, bilang ang sagot. Maraming mga
salitang maaaring gamitin upang makapaglahad ng ganitong impormasyon.
33
Nahahati ito sa dalawang uri: Tiyak at di-tiyak. Kung tiyak, nagbibigay ito ng eksaktong
bilang. Halimbawa: Dalawampu’t dalawa, iisa, kalahating dosena, isang milyon at iba pa.
Pangungusap: Ang isang gawa ng pagmamalasakit sa kapwa ay maaaring magbunga ng
marami pang kabutihan.
Kung hindi tiyak, nagbibigay lamang ito ng estimasyon, walang ispesifikong bilang. Halimbawa:
marami, kakaunti, lahat, iilan at iba pang kauri nto.
Pangungusap: Iilang tao lamang ang tumugon sa panawagan ng pamahalaan.
Maaari rin itong gamitan ng mga salitang nagmumungkahi ng bilang tulad ng: mga tatlo
(maaaring dalawa, tatlo o higit pa marahil), humigit-kumulang ay isandaan(anumang bilang mula
marahil sa siyamnapu hanggang isandaan at labinlima.), nasa lima, siguro mga…
Pangungusap: Mga limang grupo siguro ang nakakuha ng benepisyo sa programang
inilunsad ng pamahalaan.
Naunawaan mo ba? Kung oo, magpatuloy ka.
Gamitin
Tingnan mo kung mailalapat mo ang iyong natutuhan. Subuking gawin ang mga
pagsasanay.
Gawain 1 Suriin ang teksto. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang mga salita o pariralang
nagpapahayag ng lokasyon o direksyon.
Ang arkipelago ng Pilipinas ay mga 800 kilometro mula sa mainland ng Asya. Ito ay nasa
pagitan ng Taiwan at Borneo. Kung maglalakbay mula sa San Francisco, California patungo sa
Maynila, ito ay may 10,000 kilometro. Mula naman sa Honolulu, Hawaii ay 8,000 kilometro, sa
Tokyo, Japan ay 2,900 kilometro, mula sa Singapore ay 2,400 kilometro at 1,000 kilometro mula
sa Taiwan at Hongkong.
Napansin mo marahil na ang nilalaman ng teksto ay halos lokasyon o direksyon lang. Ganito
ang mga sagot:
1. mga 800 kilometro mula sa mainland ng Asya
2. nasa pagitan ng Taiwan at Borneo
3. mula sa San Francisco tungo sa Maynila ay 10,000 kilometro
4. mula sa Hawaii, 8,000 kilometro
5. mula sa Tokyo, Japan 2,900 kilometro
6. mula sa Singapore, 2,400 kilometro
34
7. mula sa Hongkong at Taiwan, 1,000 kilometro
Gawain 2 Basahin ang teksto. Isulat sa kolum A ang mga salita o pariralang nagpapahayag
ng lawak, sa kolum B ang dami. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel.
Ang labing-isang pinakamalalaking pulo sa Pilipinas ay may 94% na kabuuang sukat ng
lupa. Ang Luzon ay may kabuuang sukat na 105,000 kilometro kwadrado. Ang kasunod ay
Mindanao sa 94,600 kilometro kwadrado naman. Ang mga isla ay karaniwang may makikitid na
kapatagan. Maraming din itong mga aktibong ilog ngunit kakaunti lamang ang maaaring gamiting
transportasyon. May mga baybayin ito na hindi naman gaanong malawak.Iilan na lamang ang
mga kagubatang maraming puno dahil sa iligal na pagtotroso.
LAWAK DAMI
Ganito, humigit-kumulang ang iyong magiging sagot.
LAWAK DAMI
105,000 kilometro kwadrado
94,600 kilometro kwadrado
11 pulo
94% sukat ng lupa
maraming ilog
kakaunting ilog pantransportasyon
iilang kagubatan
Gawain 3 Isulat sa patlang ang angkop na salitang nagpapahayag ng dami, lawak at lokasyon
batay sa kaisipang nasa talata. Pumili ng isasagot sa sumusunod na listahan.
mas malaki malaki(-ng) isa(-ng) karagatan
kailaliman Atlantic Ocean kakaunti(-ng) doon ituktok
marami(-ng) doon dito
Atlantis
Naimapa at napag-aralan na ng mga sattelites ang bawat sulok ng mundo. Subalit
magpahangga ngayon, nananatiling (1)__________ katanungan ang nawawalang kontinente:
Atlantis, Totoo ba o likhang-isip lamang?
Si Plato, (2)__________ pilosopong Griyego ang ama ng ideyang may Atlantis.
Mababasa ito sa kanyang isinulat na Timateus at Critias. Matatagpuan daw ito sa
(3)___________ (lokasyon). Ipinagpapalagay niya na may sukat itong (4)__________ pa kung
pagsasamahin ang Africa at Asia Minor. Ayon sa alamat, ang isla ng Atlantis ay marahan na
itinapon sa (5)___________ ng pwersa ng kalikasan. Ang (6)___________ nakaligtas dito ay
35
lumangoy tungo sa pinakamalapit na baybayin at sila ang nagkuwento ng mga pangyayari.
(7)____________ espekulasyon ang naganap matapos nito. Naroong ang Atlantis
daw ay (8)___________ matatagpuan noong araw sa Espanya, Mongolia, Palestine at
Greenland. May naniniwala namang ito ay nasa Netherlands, Sweden at Yucatan. Ang
(9)___________ ng globo ay sinasaliksik – kaliwa, kanan, ibabaw, bawat sulok. Doon sa
(10)____________ ng bundok, sa mainit na disyerto, sa (11)kailaliman(lokasyon) ng dagat at
kahit na ang walang swipag na lupa ng Antartika. Ngunit nanatili pa ring walang sagot.
Atlantis, totoo ba o likhang isip lamang?
(Saling-halaw mula sa Atlantis: We Will Never Know http://www.planetpaper.com/Asset)
Itsek mo ang iyong sagot:
1. malaking 6. kakaunting
2. isang 7. Maraming
3. Atlantic Ocean 8. doon
4. malaki 9. kabuuan
5. karagatan 10. ituktok
Lagumin
Natapos mo na ang pag-aaral tungkol sa mga salitang nagpapahayag ng dami, lawak,
lokasyon o direksyon. Mahalagang matandaan ang ilang mahahalagang impormasyon.
1. Kapag ang hinihinging impormasyon ay tungkol sa lokasyon o direksyon, ang tinutukoy ay
lugar o pook. Maaaring gamitin ang mga salitang nagtuturo ng direksyon tulad ng: sa kaliwa,
sa itaas, sa tabi, sa dulo, sa gitna at iba pang kauri nito.
2. Kapag ang pinag-uusapan ay dami o lawak, ang ginagamit na mga salita ay may kaugnayan sa
bilang. Maaari itong maging tiyak o hindi tiyak. Ang mga tiyak na bilang ay tulad ng: dalawa,
kalahati, sangkapat, isang dosena, sampu, sandaan at iba pa. Samantala, sa di-tiyak ay
maaaring gamitin ang: iilan, kaunti, marami, lahat, at iba pang kauri nito.
Subukin
Basahin ang teksto. Isulat sa kolum A ang mga salita o pariralang nagpapahayag ng lawak,
sa kolum B ang dami at C ang lokasyon o direksyon. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel.
Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong grupo ng malalaking pulo: Luzon, Visayas at
Mindanao. Ang mga isla ng Luzon ay may apat na nasasakupan: ang Luzon mismo, Mindoro,
Palawan at Masbate. Ang Visayas naman ay may ilang maliliit na isla rin tulad ng Panay, Negros,
Cebu, Bohol, Leyte at Samar. Ang isla ng Mindanao ay Mindanao din mismo, kasama ang
36
Arkipelago ng Sulu kung saan matatagpuan ang Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. Ang mga pulo ay
volkanik, bahagi kasi ito ng Pacific Ring of Fire. Karamihan din ay bulubundukin. Ang
pinakamataas na bahagi ay ang ituktok ng Bundok ng Apo sa Mindanao na may sukat na 2,945
metro sa ibabaw ng level ng dagat. Ang ikalawang pinakamataas ay nasa Luzon, ang Bundok
Pulog na may taas na 2,842 metro sa ibabaw ng level ng dagat.
May kabuuang sukat ang teritoryo nito na 300,000 kilometro kwadrado. Ang lawak ng
nasasakupang lupa ay 298,170 kilometro kwadrado samantalang ang tubig ay 1,830 kilometro
kwadrado. Ang buong baybayin nito ay 36,289 kilometro kwadrado.
Ganito ba ang iyong sagot?
DAMI LAWAK LOKASYON
tatlo 2,945 metro sa ibabaw ng level ng dagat
apat 2,842 metro ituktok ng bundok
ilan 36,289 kilometro kwadrado
sa baybayin
Pacific Ring of Fire
karamihan 298,170 kilometro
kwadrado sa lupa
Bundok ng Apo sa
Mindanao
1,830 kilometro kwadrado
sa tubig
Bundok Pulog sa Luzon
Kung tama ang lahat ng iyong sagot, maaari ka nang kumuha ng Panghwakas na
Pagsusulit. Kung hindi, balikan ang mga bahaging kinakailangang mong irevyu. Pagkatapos
gawin ang pagsasanay sa Paunlarin.
Paunlarin
Gawain: Isulat ang mga nawawalang salitang tumutukoy sa lawak, dami at lokasyon na angkop sa
kaisipang tinatalakay sa talata.
Negros Occidental
Negros Occidental 7,926.07 kilometro kwadrado 13
Hilagang-kanluran 125 kilometro kwadrado Dagat ng Sulu
Isla ng Panay gitna(-ng)
Matatagpuan ang Negros Occidental malapit sa( 1.) _________bahagi ng Pilipinas. Isa ito
sa limang lalawigang nasasakupan ng Visayas o Rehiyon VI. Ito ay nasa (2) __________ng Isla
ng Negros.Sa hilaga nito ay ang Dagat ng Visaya, at sa timog ay ang (3)__________. Ito ay nasa
timog-silangan ng (4)___________ na ang tanging naghihiwalay ay ang Guimaras Strait. Sa
silangan nito ay makikita ang Tanon Strait at ang Negros Oriental.
Ang (5)____________ ay isang mahabang lawak ng lupain na itinatayang may sukat na
372 kilometro kwadrado mula sa dulong pa-hilaga. May hugis itong parang sapatos na boots kung
titingnan sa mapa. Sa kabuuan, ito ay may sukat ng lupain na (6)___________ o 792,607.00
37
ektarya. Binubuo ito ng (7)__________ syudad. Ang Lunsod ng Kabankalan ay pinakamalaki ay
726.40 kilometro kwadrado. Samantala, ang Lunsod ng Escalante ay siyang pinakamaliit at may
sukat na (8) ______________.
Itsek ang iyong sagot:
1. gitna(-ng) 5. Negros Occidental
2. hilagang kanluran 6. 7,926.07 kilometro kwadrado
3. Dagat ng Sulu 7. 13
4. Isla ng Panay 8. 125 kilometro kwadrado
Gaano ka na kahusay?
I. Panuto: Isulat ang A kung argyumentativ, at H kung hindi argyumentativ ang
teksto.
_____ 1. Dapat na kondenahin ang walang pahintulot at labag sa batas na paggamit ng kompyuter.
Isa itong panganib sa ekonomiyang pandaigdig. Dahil sa walang pakundangang
paggamit nito, nalalagay sa hindi mabuting sitwasyon ang mga bangko at korporasyon.
Maaaring mabangkrap ang mga kumpanya dahilan dito.Dagdag pa, pati ang mga
pribadong buhay ng mga mamamayan at dokumento ng mga ahensya ng gobyerno ay
nalalagay sa panganib na magamit nang labag sa batas. Isa pa ay nagkakaroon ng
pagnanakaw na intelektwal. Sa palagay ko, dapat lamang na maparusahan ang mga
kriminal at abusado sa paggamit ng kompyuter.
_____ 2. Sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, may
alternatibong maaaring ikonsidera ang Pilipinas. Ito ay ang paggamit ng natural gas.
Ang Department of Science and Technology sa pamamagitan ng Philippine Council for
Energy Research and Development ay sumusuporta sa pagsusulong nito. Natagpuan sa
Palawan ang isang mina ng natural gas na may 3.4 trillion cubic feet. Sinasabing
makasasapat ito sa 20 taong suplay ng kuryente kung idedevelop. Noong Oktubre 16,
2002, inilunsad ni Presidente Arroyo ang Natural Gas Vehicle Program for Public
Transport bilang unang hakbang tungo sa paggamit ng nasabing alternatibo.
_____ 3. Ang preserbasyon ng pagkain ay unang natuklasan ng isang French chemist na si
Nicholas Appert. Naobserbahan niya na ang mga pagkaing ininit sa selyadong lalagyan
ay hindi nasisira kung hindi ito bubuksan o mapapasukan ng kahit na hangin man
lamang. Dito nagsimula ang malawakang pag-unlad ng preserbasyon ng pagkain.
Limampung taon matapos ng pagtuklas, isa na namang Pranses ang nakaimbento ng isa
pang paraan. Ito ay tinawag na pasteurization, hango sa pangalan ni Louis Pasteur. Siya
naman ang nakakita ng relasyon ng microorganism at pagkasira ng pagkain. Mula rito,
nagsimula ang preserbasyon sa paglalata ng mga pagkain.
_____ 4. Ang pagpaparami ng pagkain sa pamamagitan ng jenetiks ay isang malaking isyung
dapat talakayin. Dapat ba o hindi dapat na gamitin ito? Ayon sa ilan, ito raw ay magaling
at nakatutulong nang malaki sa buhay ng tao. Samantalang ang sabi ng iba, marami raw
38
itong ibubungang makasasama sapagkat hindi gumagamit ng likas na paraan ng
produksyon. Maaari raw itong makasira sa prodaktiviti ng lupa at makalason sa mga
katabing halaman.
_____ 5. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng mundo. Dapat bang kontrolin ang pagdami ng
tao sa pamamagitan ng kontraseptivs? Naniniwala akong hindi dapat. Una, ang likas na
pagpaparami ng tao ay mula sa Diyos kaya hindi dapat labagin. Ikalawa, ang kalikasan
ay may sariling paraan ng pagbabalanse ng kaganapan sa daigdig kaya hindi natin ito
dapat problemahin. Ikatlo, kung ang problema ay pagkakaroon ng kakulangan sa pagkain
at iba pang pangunahing pangangailangan… pagsisikap at pagmamalasakit lamang ang
solusyon diyan.
II. Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang teksto. Isulat ang sagot sa
sagutang papel na nakalaan.
Samakatwid Samantala upang kapag
Sapagkat kung gayon ngunit
Makabubuti nga ba o makasasama ang mga imbensyong ginagawa ng mga pangunahing
kumpanya sa Japan? Marami ang naniniwalang ito ay kakaiba at nakatutuwa, (1)______________
ay nakatutulong.(2) ______________, ang iba ay nagsasabing ito ay isang banta sa kaligtasan ng
buhay ng tao at isang panganib sa lipunan.
Kunin nating halimbawa ang bagong imbensyon ng Sony. Tinawag nila itong SDR-4X.
Isang robot na may kakayahang sumayaw at kumanta. May taas itong halos dalawang talampakan,
may dalawang paa at 38 sugpungan (body joints). Dahil dito, kaya nitong mag-boogie. Maaari rin
itong makakilala ng 10 mukha ng tao at mabati sila nang personal. Sa kasalukuyan, tinatangka ng
mga siyentista ng Sony na maging interaktiv ang SDR-4X (3)________________ tuluyan itong
magkaroon ng kakayahang makisalamuha sa mga tao. Halimbawa, (4)_______________ kapag
binati mo ito nang maayos,gayundin ang kanyang gagawin. Kapag inabuso mo, iiyak naman.
Paano kung katulad ng ibang imbensyon, magkaroon ng pagkakamaling hindi naman
inaaasahan? Paano kung maging marahas ang reaksyon ng mga robot? Magwasak ito ng mga ari-
arian, at ang pinakamasama sa lahat, manakit o pumatay ng tao? Kung magkakaganoon, hindi ba
napakalaking panganib ang ibibigay nito? (5)_______________, nararapat lang na pag-ukulan na
masusing pagsusuri ang mga imbensyong katulad nito.
III. Panuto: Isulat ang POS kung positiv, at NEG kung negativ ang mga pahayag.
_____ 1. Makabubuti sa kaunlaran ng bansa ang pagkakaroon ng mga disiplinadong
mamamayan.
_____ 2. Tunay na mahalaga ang pakikisangkot sa mga isyu ng lipunan.
_____ 3. Hindi maaaring umunlad ang mga taong walang pakialam sa nangyayari sa
paligid.
_____ 4. Salungat ako sa proposisyong paggamit ng kontraseptivs upang makontrol ang
paglaki ng populasyon.
39
_____ 5. Ang mararahas na programa sa telebisyon ay may masamang epekto sa isipan
ng mga bata at kabataan.
IV. Panuto: Isulat kung ang mga salitang nakabold ay tumutukoy sa dami, lawak o
lokasyon.
Isla ng Camiguin
Ang pangalang Camiguin ay nanggaling sa salitang Kamagong, isang uri ng puno na
karaniwan noon (1) sa isla.Ang mga Manobo mula sa Surigao ang unang nanirahan dito. Ayon sa
mga dokumentong natagpuan noong Panahon ng Kastila, ang mga dakilang manlalakbay na sina
Ferdinand Magellan at Miguel Lopez de Legaspi ay nakarating (2)dito noong 1521 at 1565.
Ang Camiguin ay isang pulong volkanik na matatagpuan sa Dagat ng Bohol, (3)54 na
kilometro sa hilagang Mindanao. Dahilan sa pagsabog ng (4) pitong bulkan, nabuo ang
napakagandang isla kaya binansagang“Isinilang ng Apoy.” Wala pang matatagpuang lugar sa
Timog-Silangang Asya na maaaring makapantay sa kagandahan ng lugar na ito.Itinatayang may
sukat itong (5)238 kilometro kwadrado. Ang mga kalsada ay may sirkumperensyang (6) 64 na
kilometro. Naging bahagi ang Camiguin ng Misamis Oriental hanggang noong 1968. Pagkatapos
ay naging hiwalay na parte ng Rehiyon X o (7)Hilagang Mindanao. Sa kasalukuyan, may
(8)70,000 na ang populasyon nito.
Itinuturing itong isa sa (9) 25 pinakamagagandang isla ng Pilipinas na paboritong
destinasyon ng mga turista.Ibinilang din itong ika-7 sa pinakamahuhusay na diving spot sa buong
mundo. Isang paraisong hindi pa naaabuso ng tao at ng modernisasyon.Nasa (10)gitna ng dagat,
may maiinit at malalamig na mga bukal ng tubig, naggagandahang mga talon, malinis na
kapaligiran, mayamang kagubatan at halamanan, at kahanga-hangang lokasyon.
IV. Sumulat ng isang tekstong argyumentativ, gamit ang mga sumusunod na gabay. Maaaring
umisip ng paksang higit mong naiibigan o pumili ng nakatala sa ibaba. Ipatsek sa iyong
guro. May katumbas itong 20 puntos.
40
Panood ng mga Bata ng Anime: Nakasasama o Hindi?
Dapat Parusahan ng Kamatayan ang mga
Taong Gumagawa ng Karumal-dumal na Krimen
Ang mga Batang Lansangan ay Repleksyon
ng Uri ng Pamamalakad ng Pamahalaan
_________________________________________
(Pamagat)
Tatalakayin ko rito ang _________________________________(paksa).
May dalawang panig ito: __________________________________(una) at
_____________________________________________________ (ikalawa). Naniniwala
akong _____________________________________ (Ang iyong panig)
Narito ang aking mga patunay. Una, ____________________________________
_______________________________________________. Nasabi ko ito dahil ___
____________________________(ipaliwanag ang unang patunay). Ikalawa, _____
________________________________________________________. (Ilahad
ang ikalawang patunay). ______________________________________(Magbigay
ng halimbawa sa ikalawang patunay).____________________________________.
At sa huli, __________________________________________ (ang ikatlong
patunay).
Bilang konklusyon, masasabi kong ___________________________________
(panghuling paliwanag at depensa). Kaya, naninindigan akong _________________
________________________________________ (Pagbibigay-diin sa iyong panig).
41
Modyul 7
Pagbibgay ng Opinyong Positiv at Negativ
At Pagpapahayag ng Dami, Lawak at Lokasyon
I. A o HA III. . POS-NEG
a. A 1. POS
b. HA 2. POS
c. HA 3. NEG
d. A 4. NEG
e. A 5. NEG
II. Pang-ugnay IV. Dami, Lawak, Lokasyon
1. kung gayon 1. lokasyon
2. Samantala 2. lokasyon
3. upang 3. lawak
4. kapag 4. dami
5. Samakatwid 5. lawak
6. lawak
7. lokasyon
8. dami
9. dami
10.lokasyon
V. Ang guro ang magwawasto ng bahaging ito sa tulong ng patnubay na
format. Ang katumbas nito ay 20 puntos.
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 8
Pagbibigay-kahulgan sa mga Simbolo,
Pahiwatig at Imahe
2
Modyul 8
Pagbibigay-kahulgan
sa mga Simbolo,
Pahiwatig at Imahe
Tungkol saan ang modyul na ito?
Magandang araw sa iyo kaibigan!
Heto ang panibagong modyul para sa iyo. Tulad ng ibang modyul, madali lamang ang
modyul na ito. Mahalaga lamang na magfokus at maglaan ka ng kaunting oras upang matagumpay
mong matugunan ang mga pangangailangan ng modyul na ito.
Bakit kaya mas kinagigiliwan ng iba ang manood na lamang ng telebisyon, makinig ng balita
sa radyo at magbasa ng mga tabloid? Bakit kaya mas gusto nilang mag-ubos ng maraming oras sa
harap ng kompyuter upang maglaro ng video game o kaya ay makipag-chat kaysa magbasa ng mga
akdang pampanitikan? Bakit kaya kinatatamaran nila ang pagbabasa?
Isang dahilan kung bakit kinatatamaran ng marami ang pagbabasa ng mga akdang-
pampanitikan ay dahil sa mahirap daw itong maunawaan. Bukod sa mga malalalim na salita,
gumagamit pa ito ng mga simbolo, imahe, at pahiwatig na kailangang pag-isipang mabuti ng
mambabasa upang maintindihan niya ang kabuuan ng akda. Kaya sa modyul na ito, tuturuan kitang
kumilala sa mga simbolo/imahe, at mga pahiwatig na ginamit ng awtor sa kanyang akda. Kaugnay
din nito, ituturo ko rin ang pagbibigay-kahulugan sa mga salitang ginamit sa akda batay sa
konotasyon at denotasyong kahulugan nito.
Tuturuan din kitang matukoy ang pangunahing paksa ng isang teksto at kung paano mo
maipapahayag ang iyong saloobin ukol dito, positivo o negativo man. Malalaman mo ang paggamit
ng mga keyword upang maipahayag mo ang iyong saloobin o kuru-kuro ukol sa isang paksa na
tinalakay sa teksto.
Handa ka na ba? Ang dami, ano? Pero huwag kang mag-alala. Kaya mo ‘to.
Isang masayang pag-aaral sa iyo!
3
Ano ang matututunan mo?
Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito, maisasagawa mo ang mga sumusunod:
1. Nakikilala at nabibigyang halaga ang mga salita/pahayag na nagpapahiwatig ng simbolo,
imahe, at pahiwatig
2. Natutukoy ang mga keyword na nagpapakila ng paksa, proposisyon, positiv at negativ na
pahayag
3. Nabibigyang kahulugan ang mga salita ayon sa konotasyon at denotasyong kahulugan
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Ngayong hawak mo ang modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:
1. Kung may malabong panuto o anumang bahagi ng modyul, magtanong sa iyong guro o kung
sinumang may ganap na kaalaman.
2. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga sagot sa mga pagsusulit at iba pang gawain. Huwag
itutupi ang mga pahina ng modyul dahil gagamitin pa ito ng iba.
3. Itala ang mahahalagang impormasyon at kaisipan sa isang hiwalay na kuwaderno.
Makatutulong ito upang madali mong mababalikan ang mga liksyon.
4. Basahing mabuti ang mga babasahin o teksto. Malaking tulong ito upang makamit mo ang
mataas na antas na kaalaman.
5. Ang mga tamang sagot (answer key) sa panimula at pangwakas na pagsusulit ay kukunin sa
guro pagtakapos mong masagutan ang mga aytem.
Maraming salamat kaibigan!
4
Ano na ba ang alam mo?
Ngunit bago mo simulan ang mga gawain sa modyul na ito, gusto ko munang alamin ang
iyong kaalaman sa pamamagitan ng pang-unang pagsusulit. Huwag kang mag-alala kung mababa
man ang iyong makuha. Ang layunin ko lamang ay masukat ang iyong kaalaman sa mga araling
iyong kakaharapin sa modyul na ito. Kaya’t maging matapat ka sana sa iyong pagsagot.
Maaari ka nang magsimula.
I. Piliin ang wastong sagot sa kahon. Isulat ang salita ng iyong sagot sa isang hiwalay na papel.
keyword pahiwatig paksa denotasyon
proposisyon konotasyon simbolo
_____1. Ito ang kahulugang tahas o literal na depinisyon ng salita na kadalasang nakikita sa
diksyunaryo
_____2. Mga salita na kapag binanggit sa isang akda ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan
ang mambabasa
_____3. Istilong ginagamit ng mga manunulat upang sabihin ang kanilang mga nais sabihin sa
paraang hindi lantad o hayagan
_____4. Ito ay ang mas malawak na pagpapakahulugan sa salita, nagtataglay ng simbolo o pahiwatig
na kahulugan ang salita
_____5. Pangunahing kaisipan ng kuwento na nais ipabatid ng may-akda sa mambabasa
_____6. Mga tanda o ibang salita na ginagamit ng may-akda upang lalong mapalutang ang kanyang
paksa
_____7. Isang pahayag na nagbibigay ng mungkahi.
II. Ano ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod? Piliin ang titik ng iyong sagot at isulat ito sa
sagutang papel.
_____1. Ibig kong magsaka na ang aanihin
ikabuhay ko ma’y sa pawis ko galing.
- Rogelio Sicat, Malaya
a. paghingi ng tulong sa ibang tao
b. pagsisikap sa sariling paraan
c. gawing mag-isa ang isang gawain
d. hindi paghingi ng tulong sa iba
5
_____2. Dalawampung taong nabangkay ang laya,
laksa ang nasukol na diwa at puso.
-Teo T. Antonio, Babang-Luksa
a. marami ang nakakulong
b. mahabang panahon ng pananakop ng mga dayuhan
c. maraming taon na ang tao ay walang layang magsalita
d. pang-aabuso sa mga Pilipino
_____3. May isang bagay na malinaw na malinaw kong natatandaan tungkol kay Tata More –
hindi pa siya pumupunta sa amin nang hindi niya taglay ang ingay at halakhak.
- Genoveva E. Matute, Tata More
a. Masayahing tao si Tata More
b. Maraming naiinis kay Tata More
c. Mahirap kalimutan si Tata More
d. Mahilig humalakhak si Tata More
_____4. Noon ay kataimtimang minamalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing
taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing
kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na matuwid katulad ng isang
bangkay.
- Epifanio G. Matute, Impong Sela
a. Patay na ang apo ni Impong Sela
b. Natutulog ang apo ni Impong Sela
c. Paralisado ang katawan ng apo ni Impong Sela
d. May malubhang sakit ang apo ni Impong Sela
_____5. Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na
nakatindig sa pinagwagiang larangan.
- Rogelio Sicat, Impeng Negro
a. siya ay natalo
b. patas lang ang labanan
c. nagtagumpay siya sa labanan
d. hindi niya matanggap ang pagkatalo
_____6. Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat.
- Edgardo M. Reyes, Lugmok na ang Nayon
a. maysakit
b. sobrang init ng panahon
c. sensitibong ang balat
b. matinding sikat ng araw
6
_____7. Ilang hakbang lamang ang nakapagitan sa silid ng ama ko at sa akin, ilang hakbang
lamang at maaari ko nang mabuksan ang pinto at itulak iyong upang makita ang nasa
loob. Subalit ang mga hakbang ko ay karaniwang mabibigat.
- Buenaventura S. Medina, Jr., Dayuhan
a. masama ang loob niya sa kanyang ama
b. may galit siya sa kanyang ama
c. hindi niya kapalagayang loob ang ama
d. nahihiya siya sa kanyang ama
_____8. Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.
- Jose Corazon de Jesus, Ang Punungkahoy
a. kamatayan
b. katandaan
c. pagsisisi
d. pamamaalam
III. Ano ang isinisimbolo ng mga salitang may salungguhit? Isulat ang titik ng iyong sagot.
_____1. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’t dumagit saan man sumuot…
- Ildefonso Santos, Ang Guryon
a. pagsubok sa buhay
b. problema/suliranin
c. isang laruan
d. pangarap
_____2. At sa kubong butas-butas
ay naglagos ang pangarap.
- Teo T. Antonio, Kasal ni Kikay
a. tahanan/bahay
b. pamilya
c. kahirapan
d. kayamanan
_____3. Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito’y nagisnan na
naming magkakapatid.
- Edgardo M. Reyes, Ang Gilingang Bato
a. katandaan
b. panahon
c. pamana
d. kabuhayan
7
_____4. Sa bawat tao ay may naghihintay na lupa ng sariling bayang sinilangan.
- Rogelio Sicat, Sa Lupa ng Sariling Bayan
a. lupang sinilangan
b. lupang sakahan
c. lupang lilibingan
d. lupang pagkukunan ng kabuhayan
_____5. May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon: ang
Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng malaking bayakan
na sumisipsip ng dugo ng tao.
- Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit
a. katakawan
b. kabulastugan
c. gahaman sa yaman
d. kasakiman
_____6. Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa
- Amado V. Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan
a. damdamin
b. mga pasakit/pagdurusa ng bayan
c. pag-ibig sa bayan
d. pagliligtas sa bayan
IV. Isulat ang + kung positiv at – naman kung negativ ang mga sumusunod na pangungusap.
_____1. Pinalaya na nang walang pinsala noong Martes ang Pilipinong si Angelito Nayan at dalawa
pang UN workers, na dinukot sa Afghanistan.
_____2. Simula Sabado, magbibigay ang 100 himpilan ng Petron, Pilipinas Shell at Caltex
Philippines ng 50 sentimong diskwento kada litro ng diesel.
_____3. May ibang hindi maka-concentrate sa klase o nakararamdam ng sobrang pagod kaya hindi
makapag-aral nang mabuti.
_____4. Masayang tinanggap ng karamihan ng mga mag-aaral ng UP ang pagkakahalal ng bagong
pangulo.
_____5. Kung ihahambing sa mga ibang pangunahing pamantasan sa Asya, ang kalidad ng pagtuturo
sa Pilipinas ay patuloy na bumabagsak nitong mga nakaraang taon.
_____6. Ang kasalukuyang pinakamalubhang suliranin ng UP ay ang kakulangan ng sapat na salapi.
_____7. Kahit ang kongkretong tulay na nagdudugtong sa Real at Infanta, Quezon ay hindi sinanto
ng matinding agos noong kasagsagan ng bagyong “Winnie”.
_____8. Bumaba sa kalahati ang bilang ng mga nakidnap na Filipino-Chinese sa buong bansa
ngayong taon.
_____9. Hindi papapasukin sa Pilipinas ang mga imported na poultry products mula Vietnam at
Japan.
8
_____10. Sumobra na ang lawak ng Nestle kung kaya’t hindi na makapasok pa ang ibang local na
suplayer at prodyuser sa industriya.
V. Isulat ang P kung proposisyon at HP kung hindi proposisyon ang mga sumusunod na
pangungusap.
_____1. Gumamit ng filter o kaya’y pakuluan muna ang tubig bago inumin.
_____2. Mag-imbak ng makakain, kumot, pagkain ng bata at gamut – at manalanging magpalit ng
ruta ang bagyo.
_____3. Mayroong mahigit na sandaang dialekto na kalat sa mahigit na 7,100 na pulo ng Pilipinas.
_____4. Ugaliing matulog.
_____5. Susuungin ng mga motorista ang kadalasang masikip na Taft Avenue kapag nagtalumpati na
si Pangulong Macapagal-Arroyo sa Quirino Grandstand sa Rizal Park..
_____6. Hangga’t maaari, umiwas sa kape paglagpas ng tanghali.
_____7. Sa dami ng ating dialects, nagkawatak-watak daw ang mga Pinoy.
_____8. Maaari ninyong ganapin ang espesyal na okasyon sa kani-kaniyang mga bahay.
_____9. Sa mabilis na pagdami ng mga Pilipino, kailangan talagang makapagdevelop ng binhing
matibay sa bagyo.
_____10. Ang wika ay lumalago, nagbabago at umuunlad batay na rin sa paggamit natin.
Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto, huwag kang mag-alala kung mababa man
ang iyong nakuha, dahil ang layunin ko lamang ay ang masukat ang iyong nalalaman.
Sana’y mas pagtuunan mo ng pansin ang mga bahaging nahirapan ka sa iyong gagawing pag-
aaral sa modyul na ito.
Maaari ka nang magsimula.
9
Sub Aralin 1
Pagkilala sa mga Simbolo/Imahen at Pahiwatig
Pagkatapos ng sub-aralin na ito, magagawa mo ang sumusunod:
1. nakikilala at nabibigyang halaga ang mga salita/pahayag na nagpapahiwatig ng simbolo/
imahe, at pahiwatig
2. napahahalagahan at naiuugnay sa sarili ang mensaheng nais iparating ng tula
3. nakaiisip ng iba pang simbolo at imahe na maaaring iugnay sa mga salitang binanggit sa
akdang binasa
Nasabi na sa unahan na isa sa mga nagpapaganda sa akdang binabasa ang paggamit ng
manunulat ng mga simbolo/imahe at pahiwatig. Pinag-iisip nito ang mga mambabasa at dinadala sa
mayamang mga imahinasyon.
Isa sa mga manunulat na gumamit nito ay si Amado V. Hernandez. Kinilala siyang bilang
“Makata ng Manggagawa”. Isinilang siya noong Setyembre 13, 1903 sa Tondo at pumanaw noong
Marso 24, 1970. Bukod sa pagiging makata, isa rin siyang mamamahayag, unyonista at makabansa.
Itinuturing siyang higante ng panitikang Pilipino. Ang kanyang hindi mapapantayang pagmamahal
sa bayan at sa uring manggagawa ay napatunayan nang ikinulong siya ng lima at kalahating taon
mula 1951 hanggang 1956.
Pinawalang-sala lamang siya ng Korte Suprema noong 1964.
Alamin
Narito ang isang tula niya na may pamagat na “Tinapay”. Basahin mong mabuti ang tula.
Bakit kaya tinapay ang pamagat nito?
Tinapay
ni Amado V. Hernandez
Siya’y nakakulong
na ilan nang taon,
tanikalang bakal mandin ng panahon
na sa kanyang buhay nagkabuhul-buhol.
Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabuksang pinto’y iniwan ng bantay,
10
halos ay sinaklot ng maruming kamay.
Noong isusubo
ng abang bilanggo,
tinapay ay basa ng luhang tumulo,
nasalang na bigla ang sugat ng puso.
Naisip kung bakit
siya napipiit:
minsan ay nagnakaw ng sanlatang biskwit
pagkat dumaraing ang bunsong may sakit.
Nagtangkang umiwas
sa kamay ng bata,
at ang tumutugis ay kanyang inutas…
di na nakabalik sa piling ng anak!
Nasayang ang buhay
sa isang tinapay;
may tinapay siya ngayon araw-araw,
subalit ang anak – sa gutom namatay!
Nagustuhan mo ba ang tula? Bakit? Anu-anong mga katangian ng tula ang iyong
nagustuhan? Hindi ba’t napapanahon pa rin ang mensaheng nais iparating ng tula?
Sino ang nagsasalita sa tula? Ang bilanggo, di ba? Anu-anong mga paghihirap ang dinaranas
ng bilanggo sa loob ng tanikalang bakal? Bakit siya nakakulong? Ano ang kanyang pagkakasala?
Hindi ba’t tila isang tao na posibleng nasa loob o labas ng tanikalang bakal ang nagsasalita sa
tula dahil kilalang-kilala niya ang bilanggo. Alam din niya ang putol na tinapay at santabong sabaw
na iniwan ng bantay sa pintuan na sinaklot ng maruming kamay ng bilanggo. Nasabi rin niyang ang
pagnanakaw ng sanlatang biskwit para sa bunsong may sakit ang dahilan ng pagkakabilanggo ng
lalaki.
Maaari rin namang sabihin, na ang nagsasalita sa tula ay ang mismong bilanggo o ang awtor.
Alalahanin nating si Amado V. Hernandez ay naging isa ring bilanggo.
Balikan mo ang pamagat na “Tinapay”.
Sa iyong palagay, bakit kaya ito ang naisip na pamagat ng makata? May nakikita ka bang
mas malalim na dahilan?
Marahil sa ibang mambabasa, ang pamagat na “Tinapay” ay tumutukoy lamang sa tinapay na
pagkain at nagbibigay-kabusugan sa isang tao. Ngunit kung pag-iisipang mabuti, may mas malalim
na nais ipabatid sa mambabasa ang pamagat ng tula.
11
Anu-ano ang pumasok sa isipan mo nang mabasa mo ang pamagat ng tula na “Tinapay”?
Lagyan mo ng tsek ang iyong mga naisip:
_____ bata
_____ almusal o meryenda
_____ pagkain
_____ isang pamilya
_____ kahirapan ng buhay
Kung ang iyong nilagyan ng tsek ay ang kahirapan ng buhay, ay binabati kita dahil marunong
ka nang kumilala ng simbolo sa isang akda.
Linangin
Ano ba ang simbolo o imahen?
Ang simbolo ay mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan tulad halimbawa
ng tula ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa. Ngunit ang pagpapakahulugan
ng mambabasa ay kailangang hindi malayo sa tunay na intensyon ng makata sa kanyang tula.
Halimbawa, ang puti ay sumisimbolo sa kalinisan o kadalisayan; samantalang ang pula naman ay
sumisimbolo sa katapangan o kaguluhan. Madalas, gumagamit din ang mga makata ng isang babae
sa kanilang mga tula upang magbigay-imahen sa bansang Pilipinas. Sa pamamagitan ng paggamit ng
mga simbolo o imahen, mas nauunawaan ng mambabasa ang pangkaisipan at pandamdaming
implikasyon ng tula.
Malinaw na ba sa iyo ang ibig sabihin ng simbolo o imahen? Kung hindi pa, narito ang ilan
pang halimbawa. Ibigay mo ang simbolo o imaheng nais iparating ng mga ito.
tanikalang bakal
putol na tinapay at santabong sabaw
maruming kamay
sugat ng puso
Anu-ano ang sinisimbolo ng mga ito? Kung ang iyong sagot ay kaugnay o hindi nalalayo sa
mga ito, ay tama ka.
Ang tanikalang bakal ay sumisimbolo sa kawalan ng kalayaan.
Ang putol na tinapay at santabong sabaw ay sa mga paghihirap ng bilanggo sa loob ng
bilangguan.
12
Ang maruming kamay ay sumisimbolo sa nagawang kasalanan.
Ang sugat ng puso naman ay sumisimbolo sa pagtitiis at matinding pananabik.
Ngayong nakapagbibigay ka na ng kahulugan sa mga simbolo/imahen ng ginamit ng makata
sa tula, nakita mo na ba ang mahalagang gampanin ng mga simbolo/imahen sa isang akdang
pampanitikan?
Hindi ba’t sa pamamagitan ng mga ito ay napag-iisip ka. Nagagamit mo ang iyong
malikhaing pag-iisip upang maunawaan mo ang kabuuan ng tula, ang nais nitong iparating sa iyo.
Lahat ng mga bagay na isinama ng makata sa kanyang tula ay may malalim na kahulugan bukod sa
literal nitong kahulugan. Napatunayan mo ito sa tulang “Tinapay” ni Amado V. Hernandez, hindi
ba?
Bukod sa simbolo/imahen maituturing din mahalagang sangkap ng isang akdang
pampanitikan ay ang pahiwatig. Ano ba ang pahiwatig?
Teka, bago ko sabihin sa iyo kung ano ang pahiwatig, basahin mo muna ang ikalawang tula,
“Ang Panday” ni Amado V. Hernandez.
Ang Panday
ni Amado V. Hernandez
Kaputol na bakal na galing sa bundok,
sa dila ng apoy kanyang pinalambot;
sa isang pandaya’y matyagang pinukpok;
at pinagkahugis sa nasa ng loob.
Walang anu-ano’y naging kagamitan,
araro na pala ang bakal na iyan;
ang mga bukiri’y payapang binungkal
hanggang nang malaon ay masayang tamnan.
Nguni’t isang araw’y nagkaroon ng gulo
at ang buong bayan ay bulkang sumubo,
tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo
pagkat’t may laban nang nag-aalimpuyo.
Ang lumang araro’y pinalambot uli
at saka pinanday nang nagmamadali,
naging tabak naman tila humihingi!
ng paghihiganti, sa maraming puti!
Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,
ngunit ang halaga’y hindi matingkala;
13
ginawang araro: pangbuhay sa madla,
ginawang sandata: pananggol ng bansa!
Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi,
bakal na hindi man makapagmalaki;
subali’t sa kanyang kamay na marumi
ay naryan ang buhay at pagsasarili.
Pansinin ang mga sumusunod na linya mula sa tulang iyong binasa. Ang mga ito ay
nagbibigay ng pahiwatig sa mambabasa.
Nguni’t isang araw’y nagkaroon ng gulo 1
at ang buong bayan ay bulkang sumubo. 2
Ang lumang araro’y pinalambot uli 3
at saka pinanday nang nagmamadali 4
naging tabak naman tila humihingi 5
ng paghihiganti, sa maraming puti! 6
Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi, 7
bakal na hindi man makapagmalaki; 8
subali’t sa kanyang kamay na marumi 9
ay naryan ang buhay at pagsasarili. 10
Ano ang ipinahihiwatig ng una at ikalawang linya?
Nang dumating ang mga mananakop na dayuhan sa ating bansa, nabulabog ang ating tahimik
na pamumuhay. Maraming mga Pilipino ang nagpahayag ng pagkagalit sa pamamagitan ng
pakikipaglaban, gamit ng tabak.
Ano ang ipinahihiwatig ng ika-6 na linya?
Ginamit ng mga Pilipino ang tabak upang makipaglaban o kaya ay makapaghiganti sa mga
Amerikanong dumating sa ating bansa na sinasabing mabuting kaibigan ngunit sa totoo pala’y
masasama at traydor na kaibigan.
Ano ang ipinahihiwatig ng ika-7 at ika-8 linya?
Ano ang isinisimbolo ng panday? Kung ang sagot mo ay sa mga Pilipino, tama ka. Ang
panday sa tula ay ang mga mamamayan o masang Pilipino na walang yaman o anumang materyal na
bagay na maipagmamalaki, kundi ang kalayaan lamang ng sariling bansa.
At ano naman ang nais ipahiwatig ng ika-9 at ika-10 linya ng tula?
14
Bagama’t walang anumang maipagmamalaki ang masang Pilipino na sumisimbolo sa panday
sa tula, sa kanilang mga kamay na marumi, nakasalalay ang buhay at pagsasarili ng bansang
Pilipinas. Silang mga hinahamak ang kikilos upang makamit ang maayos na buhay at ganap na
kalayaan mula sa mga dayuhang Amerikano.
Batay sa aking mga ibinigay na halimbawa, maibibigay mo na ba ang kahulugan ng
pahiwatig?
Ang pahiwatig ay maituturing na mahalagang sangkap ng anumang akdang pampanitikan
tulad ng maikling-kuwento at tula. Ang pahiwatig ay isang istilong ginagamit ng makata upang
sabihin ang kanyang gustong sabihin sa paraang hindi lantad o hayagan, di ba? Sa tula, may mga
sinasabi ang makata na hindi naman niya direktang sinasabi. Bahala ang mambabasa na alamin o
tuklasin ang mga nakatagong kahulugan.
Sa pamamagitan ng pahiwatig, mas nagiging matimpi ang isang akda. Hindi nagiging
kabagut-bagot sa mambabasa dahil hindi sinasabi sa kanya ang lahat-lahat. Kumbaga, may mga
misteryo o kahiwagaan na kailangan niyang tuklasin sa pagbabasa. Nagiging malikhain ang
mambabasa dahil naiiwan sa kanyang guniguni o imahinasyon ang pagbibigay-kahulugan sa tula.
Bukod sa tula, madalas ding gamitin ang pahiwatig sa maikling kuwento.
Alamin ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na bahagi ng kuwento:
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin
mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko…
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap
ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon. Maaangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa
mga labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa
pagdurugtong sa isang buhay ay wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon:
natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa…
(Liwayway A. Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa)
Ano ang nais ipahiwatig ng linyang ito: “Sabihin mo mahal ko, na maaangkin ko na ang
kaligayahan ko…”
Kung ang iyong sagot ay pag-aagaw buhay ng isang ama ay tama ka. Hindi direktang sinabi
ng awtor na ang ama ay nag-aagaw buhay o malapit nang mamatay.
15
Namatay ba nang maligaya ang ama? Basahin mo ang pariralang patunay dito. Nakita mo ba
ang huling dalawang linya: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa…
Pansinin ang mga ginawang paglalarawaan ng awtor sa sitwasyon:
Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko…
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay
hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon. Maaangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga
labi ni Ama.
Nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang
buhay ay wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon.
Natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa…
Ang mga pahayag na ito ay pahiwatig na ang ama sa kuwento ay yumao o namatay na.
Bagamat puno ng kalungkutan ang huling bahagi ng kuwento, nakamit naman ng lumisang ama ang
tunay na kaligayahan. Tapos na rin ang kanyang paghihirap.
Narito ang iba pang halimbawa:
Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol
sa mga mata ng mga ito. Ang nababakas niya’y paghanga. Ang nakita niya’y
pangingimi.
Pinangingimian siya!
May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati.
Hinagud-hagod niya ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas
niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang
nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya
ng mukha.
Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit
matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan. (Rogelio Sikat, Impeng
Negro)
Ano ang ipinahihiwatig ng bahaging ito ng kuwentong Impeng Negro?
16
Mahihinuhang maraming tao ang nakapaligid kay Ogor at sang-ayon sila sa ginawa ni Ogor
na pagtatanggol sa kanyang sarili.
Ngunit maaaring itanong mo kung bakit ko ito nasabi? Ano ang mga patunay ko?
Pansinin ang mga ginamit na paglalarawan ng awtor kay Ogor:
May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati.
Hinagud-hagod niya ang mga kamao.
Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon.
Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan.
Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at buka ang
labing nag-angat siya ng mukha.
Hindi ba’t ang lahat ng ito ay nagpapahiwatig ng pagiging tagumpay ng pangunahing bida na
si Impen sa isang labanan?
Idinagdag pa ang paglalarawang ito:
Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit
matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.
Ang matinding sikat ay sumisimbolo sa galit ni Impen kay Ogor na matagal niyang kinimkim.
Bagamat si Impen ay mandirigmang sugatan ngunit natuklasan niya ang kanyang kakayahan, ang
kakayahang ipagtanggol ang sarili laban sa pang-aalipusta ng iba. Ito ay isang tagumpay para sa
kanya. At hindi na siya papayag na muling apihin ninuman.
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa sa bayan
at wasak ang suwiter sa katawan at saka pulinas. Kumilos agad ang
maykapangyarihan upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat subalit ang
lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng
kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking
pagkakasala.
Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y hindi malaman
kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga
niyang hayop.
17
Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong
minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw. Hindi
siya nababahala.
Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig.
Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang
matapang niyang kalabaw.
“Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong.
(Deogracias A. Rosario, Walang Panginoon)
Ano ang ipinahihiwatig ng mga paglalarawan ng awtor kay Don Teong?
Pansinin ang mga sumusunod na paglalarawan:
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa sa bayan.
Wasak ang suwiter sa katawan at saka pulinas.
Sa halip na direktang sabihin na matindi ang ginawang pagpaslang kay Don Teong, ay
inilarawan ito sa masining na pamamaraan. Pinagana ng awtor ang imahinasyon ng mambabasa sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lasug-lasog ang katawan at wasak ang suwiter.
Ano naman ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na paglalarawan sa kuwento?
Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong
minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw. Hindi
siya nababahala.
Mahihinuhang ang hindi paggalaw o hindi pagkabahala ni Marcos ay nagpapahiwatig ng
matinding galit ni Marcos kay Don Teong. Maaaring itanong mo kung ano ang patunay ko?
Pansinin ang paglalarawang ito ng awtor:
Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig.
Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang
matapang niyang kalabaw.
“Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong.
18
Hindi ba’t sa halip na idalangin ang kaluluwa ni Don Teong sa pagtugtog ng kampana, ay mas
naisip niya ang kanyang matapang na kalabaw. Marahil, hindi mo magugustuhan si Marcos sa
bahaging ito, ngunit sa pamamagitan ng huli niyang pahayag na “Mapalad na hayop na walang
panginoon,” mahihinuhang hindi mabuting tao si Don Teong at karapat-dapat lamang ang kanyang
sinapit. Isipin mong walang taong may takot sa Diyos ang may kayang pumaslang sa kanya kundi
isang hayop na walang Diyos o hindi naniniwala sa Diyos.
Batay sa aking ibinigay na mga halimbawa, masasabi mo bang mahalagang sangkap ng
maikling kuwento ang paggamit ng mga pahiwatig? Paano ito nakatutulong upang maging masining
ang isang kuwento?
Sa pamamagitan ng pahiwatig, napag-iisip ang mambabasa. Nagagamit niya ang kanyang
malikhaing pag-iisip upang bigyang kahulugan ang mga pahayag o paglalarawan sa kuwento. Hindi
lamang iisang pahiwatig ang matatagpuan sa isang kuwento. Madalas, gumagamit ang awtor ng
maraming pahiwatig.
Ngayong naiintindihan mo na ang gamit ng mga simbolo/imahen at pahiwatig sa tula maging
sa maikling kuwento, at nasasabi mo na rin ang nais iparating ng mga ito, maaari mo nang puntahan
ang mga susunod na gawain. Makatutulong ito sa iyo upang lalo mo pang malinang ang kasanayang
iyong natamo sa sub-araling ito.
Isang masayang pagsasagot!
Gamitin
I. Alamin ang simbolo/imahen ng lupa sa mga sumusunod na bahagi ng tula. Piliin ang sagot sa
kahon. Isulat muli ang iyong sagot sa isang hiwalay na papel.
a. buhay d. kabataan
b. pagsamba sa Diyos e. kamatayan
c. kasaganaan sa buhay f. kabuhayan
g. pag-ibig sa bayan
_____1. Di na ako yaong basal na bahagi ng daigdig,
kundi lupang nalinang na ng kalabaw at ng bisig;
ang datihang pagka-gubat ay hinawan at nalinis.
- Lope K. Santos, Ako’y si Bukid
19
_____2. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagdalisay at pagdakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
- Andres Bonifacio, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
_____3. Nakayapak, mahilig tayong tumahak sa lupa.
Lupang mahalumigmig, malambot, marangya.
- Lamberto E. Antonio, Lupa
_____4. Hindi ko na ibig na maging halaman
na namumulaklak ng may bango’t kulay.
At sa halip nito’y ibig ko na lamang
maging lupa ako’t magsilbing taniman.
- David T. Mamaril, Lupa at Halaman
_____5. Nakalaan akong
maglamay:
lupa ang simula ng lahat ng bagay,
diyan din sisibol
ang binhi ng bagong pag-asa at buhay.
- Amado V. Hernandez, Lupa
_____6. Sa maghapon, tatlong ulit yumukod
Ang kaniyang palaspas pahalik sa lupa.
- Rio Alma, Sa Panahon ng Babaylan
Ano ang iyong napansin? Hindi ba’t nagbabago ang simbolo/imahe ng lupa sa bawat tula?
Bawat makata’y may kanya-kanyang simbolo/imahen ng lupa. Kung kaya, bilang
mambabasa, mahalagang taglayin mo ang kasanayang kumilala sa mga simbolo/imahen na piniling
gamitin ng makata sa kanyang tula. Makatutulong ito upang maunawaan mo ang kabuuan ng tula.
Tandaan mong lagi na magkakaiba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat sa mga bagay-
bagay sa kanilang paligid. Magkakaiba ang kanilang mga pagtingin sa bagay na kung minsan ay
pareho nilang ginamit sa kanilang mga akda.
Ngayon, puntahan naman natin ang pahiwatig.
20
II. Piliin mo sa loob ng kahon ang damdaming ipinahihiwatig ng mga tuwirang-banggit o dayalogo
na galing sa mga maikling kuwento. Isulat na lamang ang titik ng iyong sagot.
a. pagtatanong f. pagtutol
b. panunuya g. paghihimatong
c. pag-aalala h. paniniyak
d. paninisi i. pagbibilin
e. pagpapaliwanag j. pagsang-ayon
_____1. “Sisiyasatin muna kung totoong lahat ang inyong sinasabi. Kung tunay nga, kayo’y
bibigyan ng gawain, ang inyong asawa’y ipagagamot at ang dalawa ninyong anak ay
padadala sa bahay-ampunan.”
(Clodualdo del Mundo, Gutom)
_____2. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto niyo’y
sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung
may laso o bulaklak.”
(Fanny Garcia, Sandaang Damit)
_____3. “Baka magkasakit na kayo niyan. Hindi masamang tumulong sa kapwa, kaya lang,
talagang malaki na ang ipinangayayat ninyong dalawa.”
(Genoveva E. Matute, Jesus, Nariyan Ka Pa Ba?)
_____4. “Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing pagatul-
gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong pitaka.”
(Benjamin P. Pascual, Ang Kalupi)
_____5. “May dalawang oras na yata tayong naglalakad,a. Baka hindi natin nalalaman, e, nasa
Siberia na tayo.”
(Edgardo Reyes, Lugmok na ang Nayon)
_____6. “Talagang sira ang ulo mo? Kahusay-husay ng tayo mo rito, hahanap ka ng sakit ng
katawan!”
(Liwayway A. Arceo, Bakit Nagiging Banyaga ang Anak sa Sariling Tahanan?)
_____7. “Eh, bakit parang karnabal? Ano’t ang bawat libing ay nagtitimpalak sa maraming
palamuti, sa ilaw at bulaklak? Hanggang dito ba naman ay umaabot ang kapalaluan
ng tao?”
(Amado V. Hernandez, Pagdidili-dili)
_____8. “Kasalanan ninyo ang masalimuot na kasamaan ng panahong ito!” Isinigaw niya sa
mukha ng matanda.
(Rosario De Guzman-Lingat, Ano’ng Ginagawa Mo?)
21
_____9. “Oo, anak, mabait ang iyong Itay. Mahal ka niya, tulad din ng pagmamahal na
iniuukol ko sa iyo.”
(Domingo G. Landicho, May Naghihintay na Pasko)
_____10. “Sa kanyang pagdating, Epang, huwag mong kalilimutang sabihing hinintay ko
siya…hanggang huli…huwag mong kalilimutang sabihin, Epang…huwag mong
kalilimutan…”
(Genoveva E. Matute, Puti ang Kulay ng Pananalig)
Ano ang iyong napansin sa mga dayalogo na kinuha ko sa iba’y ibang kuwento? Hindi ba’t
pinagsikapan mong alamin ang kahulugan o ang tunay na intensyon ng manunulat sa likod ng
pahayag na ito?
Ito ang katangian ng pahiwatig, kailangan mong alamin ang tunay na kahulugan sa likod ng
mga pahayag.
Ngayon, narito na ang wastong sagot sa gawaing ito.
Iwasto mo ang iyong sariling papel.
I II
1. f 1. e
2. g 2. f
3. c 3. c
4. a 4. h
5. d 5. b
6. b 6. g
7. a
8. d
9. j
10. i
Kung ang iyong nakuhang tamang sagot ay higit sa kalahati, maaari kang magpatuloy sa
modyul na ito. Pero kung kulang sa kalahati ang iyong nakuhang tamang sagot, iminumungkahi
kong balikan mo ang aking sinabi tungkol sa simbolo/imahen at pahiwatig, marahil may mga bahagi
ng sub-aralin na hindi mo pa ganap na naiintindihan.
Lagumin
Sa sub-araling ito, iyong natutunan ang pagbibigay-kahulugan sa mga simbolo o imahen ng
isang akdang pampanitikan tulad ng tula. Natutunan mo na ring alamin ang tunay na kahulugan ng
mga pahiwatig na taglay ng mga pahayag o dayalogo mula sa kuwento.
22
Napag-aralan mo na ang simbolo/imahen ay ang larawang-diwa (imagery) na nabubuo sa
isipan ng mambabasa kapag binanggit ang isang bagay sa isang akda. Bukod sa literal na kahulugan
ng isang bagay, mayroon pa itong mas malalim na kahulugan na maaaring maiugnay sa iba pa, tulad
ng pag-uugnay nito sa buhay, pag-ibig, o kaya ay sa bayan. Isipin na hindi dapat malayo sa tunay na
intensyon ng sumulat ang pagpapakahulugan sa mga bagay na ginamit sa akda.
Natutunan mo na rin ang pagbibigay-kahulugan sa mga pahiwatig ng mga pahayag. Ang
pahiwatig ay istilong ginagamit ng mga manunulat upang sabihin sa paraang hindi tahasan o direkta
ang kanilang gustong sabihin. Sa pamamagitan ng pahiwatig nagiging matimpi at kapana-panabik sa
mga mambabasa ang isang akda. Nagagamit nila ang kanilang imahinasyon sa pagbibigay
pagbibigay kahulugan sa akda.
Ang simbolo/imahen at pahiwatig ay mahahalagang sangkap ng isang akda. Sa pamamagitan
ng mga ito, nagiging mas masining o malikhain ang isang akda.
Ngayong natutukoy mo na ang kahulugan ng mga simbolo/imahen at ng mga pahayag, sana
ay maging dahilan ito upang magbasa ka pa ng iba pang akdang pampanitikan. Tiyak kong sa iyong
pagbabasa, isang bagong mundo ang malilikha.
Subukin
I. Narito ang iba pang mga bagay na madalas ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akda.
Alamin ang simbolo/imahen ng mga ito kapag ginamit sa isang akda. Isulat ang titik ng iyong sagot
sa isang hiwalay na papel.
A B
______1. silid-aklatan a. mahirap na buhay
______2. ulan b. kadiliman /kawalan ng pag-asa
______3. bulaklak c. matigas ang loob
______4. kalapati d. pagsubok/patibong
______5. ilaw e. pagmamahal/pag-ibig
______6. bagyo f. babae
______7. bato g. karunungan/kaalaman
______8. gabi h. ina ng tahanan
______9. bukid i. kasaganaan
______10. alamang j. kalungkutan/kabiguan
k. kalayaan
II. Piliin ang titik na nagpapaliwanag sa pahiwatig ng mga nakahilig na salita/parirala.
___1. Madali kasi siyang napakagat sa pain.
a. naloko b. napakain c. napahanga d. napaniwala
23
___2. Madali nilang nakamit ang tagumpay, magkataling-puso kasi sila.
a. magkaibigan b. magkasundo c. mag-asawa d. magkakilala
___3. Hindi niya matanggap ang kasawiang-palad na inabot ng kanyang pamilya.
a. aksidente c. naputulan ng kamay
b. kamalasan d. nawalan ng suwerte
___4. Magkasundung-magkasundo sila sa lahat ng bagay, pano’y kumakain sila sa iisang pinggan.
a. magkaibigan c. magkasalong palagi
b. ayaw maghugas ng pinggan d. iisang pinggan ang ginagamit
___5. Umuwi siya isang gabing parang lantang bulaklak.
a. walang lakas c. nawalan ng puri
b. hinang-hina d. nanlalata
___6. Di dapat silang magsama dahil sila ay parang langis at tubig.
a. nag-aasaran c. mainit ang dugo sa isa’t isa
b. laging nagbabangayan d. magkaaway
Ngayon, iwasto mo ang iyong sariling papel. Narito ang mga wastong sagot sa gawaing ito.
I. II.
1. g 1. a
2. j 2. c
3. f 3. b
4. k 4. a
5. h 5. c
6. d 6. d
7. c
8. b
9. i
10. a
Muli, kung ang iyong nakuhang tamang sagot ay highit sa kalahati, maaari mo nang puntahan
ang gawain sa PAUNLARIN. Ngunit kung hindi umabot sa kalahati ang iyong nakuhang tamang
sagot, balikan mo ang ilan sa mga nakalipas na gawain sa sub-aralin na ito. Salamat!
24
Paunlarin
I. Piliin ang titik ng mga bagay na maaaring maging simbolo ng mga salita sa kaliwa. Isulat ang
iyong sagot sa isang hiwalay na papel. Maaaring higit sa isa ang iyong sagot.
1. PAG-IBIG - a. bulaklak b. puso c. panyo d. awit
2. BANSA - a. babae b. ibon c. bandila d. mapa
3. KABATAAN - a. binhi b. libro c. punla d. puno
4. KATANDAAN - a. kadiliman b. orasan c. puting buhok d. kulubot na balat
5. YAMAN - a. bukid b. lupa c. pera d. talento
6. PAG-ASA - a. bahaghari b. ilaw c. sanggol d. bukangliwayway
7. LUNGKOT - a. panyo b. gabi c. buwan d. bangka
8. SIGALOT - a. pula b. dugo c. bangkay d. armas
Narito ang isang tulang mayaman sa pahiwatig. Kung babasahin ang tula sa literal na
pamamaraan, maaaring sabihing ito ay tula lamang tungkol sa pagkain ng paksiw na ayungin. Pero
kung pakakaisiping mabuti, may iba pang malalim na sinasabi ang tula.
Handa ka na bang tuklasin ang mga nakatagong kahulugan sa bawat linya ng tula?
Narito ang isang tanyag na tulang “Ang Guryon” na isinulat ng isang mahusay na makata na
si Ildefonso Santos. Basahin mo itong mabuti.
Ang Guryon
ni Ildefonso Santos
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
Na yari sa patpat at “Papel de Hapon”
Magandang laruang pula, puti’t asul,
Na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang bago paliparin
Ang guryon mong itong ay pakatimbangin;
Ang dulo’t palo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka, pag humihip ang hangin, ilabas
25
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwat ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas
Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon; marupok, malikot,
Dagiti’t dumagit saan man sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa’y sumubsob.
I. Ano ang isinisimbolo ng mga sumusunod? Sa isang hiwalay ng papel, isulat ang titik ng iyong
sagot.
A B
______1. munting guryon a. matulungin/mapakalinga
______2. papawirin b. pagkakaroon ng pasensya/pagiging matiyaga
______3. pisi c. pag-ibig
______4. hanging malakas d. mga gintong aral
______5. maawaing kamay e. pagiging mapagkumbaba
______6. lupa f. buhay
g. suliranin sa buhay/pagsubok
II. Ano naman ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na linya mula sa tulang “Ang Guryon”?
Isulat lamang ang titik ng iyong sagot.
___1. Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
Na yari sa patpat at “Papel de Hapon”
a. pamanang materyal na bagay
b. regalong saranggola
c. gintong aral na magagamit sa buhay
d. sermon o pangaral
26
___2. Magandang laruang pula, puti’t asul
Na may pangalan mong sa gitna naroon
a. ibinibigay ng ama ang lahat ng naisin ng anak
b. espesyal ang guryon na bigay ng ama
c. hindi kailanman mangyayaring malilimutan ng ama ang sariling anak
d. maraming kulay ang guryon
___3. Saka pagsumimo’y ang hangin, ilabas
Na sa papawiri’t bayaang lumipad
a. tumuklas pa ng mabubuting bagay o kaalaman
b. mangarap at makipagsapalaran
c. samantalahin ang hangin upang makalipad
d. iwasan ang pagiging mahangin o mayabang
___4. Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan
a. mahalagang maing matapang sa labanan
b. darating ang panahong kailangang makipaglaban sa hamon ng buhay
c. hindi dapar isipin ang pagkatalo
d. ang buhay ay puno ng suliranin at kailangan itong lutasin
___5. Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal
a. hindi masama kung minsan ay maging masama
b. hindi nagwawagi ang gumagawa ng masama
c. ang makipaglaban ay gawain lamang ng masasama
d. ang tapat at mabuti ang laging nagtatagumpay
___6. At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
a. maligaw ng landas
b. makalimot sa mga pangaral ng magulang
c. kung sakaling maging bigo sa buhay o sa pakikipagsapalaran
d. mahina ang pagkakagawa ng saranggola
___7. Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
a. kunin ng ibang masamang kamay
b. pagkuha ng mga bagay na pag-aari ng iba
c. saan man mapadpad, isang may mabuting loob sana ang mag-alaga
d. sa mabubuting tao napupunta ang mabuti ring tao
27
___8. Ang buhay ay guryon; marupok, malikot,
Dagiti’t dumagit saan man sumuot…
a. mahirap ang mabuhay
b. ang buhay ay puno ng pasakit o suliranin
c. kailangang pag-ingatan ang buhay
d. bahagi ng buhay ang tagumpay at kasawian
___9. O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa’y sumubsob.
a. lahat ng tao ay mamamatay
b. lagi’t lagi may bagong simula
c. maging mapagkumbaba marating man ang tagumpay
d. huwag kalilimutan ang Diyos, ang tagumpay man o kabiguan
Tapos ka na bang magsagot? Kung tapos ka na, maaari mo nang iwasto ang iyong papel.
Tingnan kung ganito ang iyong mga sagot:
I II
1. d 1. c 7. c
2. f 2. c 8 d
3. b 3. b 9. d
4. g 4. b
5. a 5. d
6. e 6. c
Kung ang iyong nakuhang tamang sagot ay higit sa kalahati, maaari mo nang puntahan ang
susunod na gawain. Ngunit kung hindi umabot sa kalahati ang iyong nakuhangamang sagot,
hinihiling kong balikan mo ang katatapos na aralin. Marahil ay hindi mo pa lubusang naiintindihan
ang aralin. Para rin ito sa iyo.
Dito nagtatapos ang ating aralin. Nawa’y marami kang natutunan sa sub-aralin na ito.
Marahil sa iyong pagbabasa pa ng ibang mga akdang-pampanitikan, tulad ng tula at maikling
kuwento, ay lubos mo na itong maiintindihan.
Tulad ng nasabi ko, sa pagbabasa marami kang matutuklasang magagandang bagay na
magpapayaman sa iyong kaisipan. Lalawak din ang iyong pananaw sa buhay. Sa pagbabasa rin,
makapupunta tayo sa isang lugar na tahimik at may kapayapaan. May kakayahang ang panitikan
upang dalhin tayo sa ibang mundo. Nagagawang posible ng panitikan ang mga imposible sa buhay.
Isang masayang pagbabasa para sa iyo.
Kita-kita tayo sa susunod na aralin.
Salamat!
28
Sub-Aralin 2
Pagtukoy ang mga Keywords
na Nagpapakilala ng Paksa, Proposisyon,
Positiv at Negativ na Pahayag
Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:
1. natutukoy ang mga keyword na nagpapakilala ng paksa, proposisyon positiv at negativ na
pahayag
2. nabibigyang kahulugan ang mga salita ayon sa kahulugang konotasyon at denotasyon
3. napahahalagahan ang aral ng kuwentong binasa at naiiugnay ito sa kasalukuyang
sitwasyon
Alamin
Marahil, malimit kang makakita ng mga batang-lansangan. Nakararamdam ka ng lungkot sa
tuwing makikita mo silang namamalimos, sumasabit sa mga dyip upang magpunas ng mga sapatos ng
mga pasahero, natutulog sa mga kalye, at nanlilimahid sa sobrang dumi. Gusto mo silang tulungan
pero hindi mo alam kung paano.
Narito ang isang kuwento na tumatalakay sa buhay ng isang batang-lansangan. Basahin mo
itong mabuti at pagkatapos mo itong mabasa, ibigay ang mga aral na iyong nakamit na maaari mong
magamit sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Isang masayang pagbabasa sa iyo, Kaibigan!
Linangin
MAY GULONG NA BAHAY*
ni Genaro R. Gojo Cruz
IBANG-IBA SA ibang bahay ang aming bahay. Wala itong malaking haligi at mataas na
bubong. Wala rin itong bintana at pinto na kailangang isara kapag kami ay natutulog. Pero
kahit ganito ang aming bahay, bahay pa rin ito para sa amin ni Tatay.
29
Magaling magmaneho ng aming bahay ang aking Tatay. Kahit sa maliit na iskinita,
kayang-kaya niyang sumingit. Kahit sa pagitan ng mga sasakyan, nakakalusot kami ng
walang gasgas o daplis. At kapag gusto naman naming umidlip, ipaparada lang ito ni
Tatay. Minsan sa ilalim ng isang puno sa parke, minsan sa likod ng palengke, at minsan
naman sa isang waiting shed na bakante. Gustung-gusto kong magmaneho si Tatay.
Masarap sa tenga ang businang-sipol niya. Di tulad ng drayber ng mga kaskaserong dyip
na nakabibingi ang busina.
Kahit saan kami magpunta, lagi naming kasama ni Tatay ang aming Bahay. May
gamit din naman ang aming bahay tulad ng ibang bahay. May dalawa kaming pinggan,
dalawang baso, isang kutsara’t platito, isang maliit na kaldero at yuping takure. May isang
kahon din kami ng damit, isang boteng makulay at may kakaibang hugis, pati litrato ng
iba’t ibang tao.
PAG GABI NA.
“Aking Bunsong-bulinggit, sumampa na’t aking ikakabit ang bubungan nating
plastik,” ang sasabihin ni Tatay.
Sa aking pagtulog, laging may kwento si Tatay.
Sabi ni Tatay, noon daw, noong matagal na matagal na, lahat daw ng bahay ay pareho
ng aming bahay. Lahat ng tao, nagtutulak ng bahay. Pero naging tamad daw ang mga tao,
ayaw nilang magtulak ng kanilang bahay. Kaya huminto na sila sa isang lugar. Ngayon,
konti na lang ang tulad ng aming bahay. Sabi ni Tatay, gusto na rin niyang itigil ang aming
bahay sa isang lugar, pero ubos na raw ang lupa.
At sa pagtulog, kitang-kita sa bubungan naming plastik ang malawak na langit.
PAG-UMAGA NA.
“Aking Bunsong-bulinggit, gising na’t aking aalisin ang bubungan nating plastik”, ang
sasabihin ni Tatay.
Mag-iinit si Tatay ng tubig sa takure at bibili ng apat na pandesal sa malapit na
panaderya. Hihigop kami ng kape at kakain ng mainit na pandesal.
“Ngayon ay araw ng linggo kaya magsisimba tayo sa Binondo’” ang balita sa akin ni
Tatay.
30
Naligo kami ni Tatay sa tubig na galing sa butas ng tubo. Ang lamig-lamig ng tubig.
Tapos, kinusut-kusot ni Tatay ang mga hinubad naming damit.
IPINARADA MUNA ni Tatay ang aming bahay sa gilid ng simbahan. Hawak ni Tatay
ang aking kamay nang pumasok kami sa lumang simbahan.
Ang laki ng bubong ng simbahan, ang taas ng mga dingding, may mga ibon pang
lumilipad at naghahabulan, ang ganda ng damit ‘nung nasa altar, parang damit ‘nung mga
bata na nakita ko sa santakrusan.
Si Tatay, tahimik na tahimik. Nakatingin sa may magagandang damit sa altar habang
nakaluhod.
Pagkatapos, lumabas kami ni Tatay. Pero laking gulat namin, nawawala ang aming
bahay!
“Naku! Bunso ko, may kumuha ng ating bahay!”
“Sinong kumuha Tay?”
“Kinuha ng mga Tanod kanina. Nandun!” ang biglang_sabi ng babaeng nagtitinda ng
kandila’t rosaryo.
Tumakbo kami ni Tatay patungo sa itinuro ng babae. At nakita nga namin, hatak-hatak
ng isang puting sasakyan ang aming bahay, kadugtong ng iba pang bahay na tulad ng
aming bahay.
“Hayaan mo Bunso, babawiin natin ang ating bahay.”
PINUNTAHAN NAMIN ni Tatay ang aming bahay sa Baranggay. Nakita ko ang bahay
namin, nakaparada lang sa isang tabi. Nilapitan namin ang isang lalaking parang buntis
ang tiyan.
“Kelangan kang magbayad ng multa,” ang sabi ng lalaki.
“Wala po akong ibabayad sa multa,” ang sabi ni Tatay.
“Lugi naman ‘yung iba!” sabay singa ng lalaki sa nakabukas na bintana.
“Ipapangako ko na lang po na itatabi ko nang maayos sa susunod,” pangako ni
Tatay.
31
“Di pupwede!” ang malakas na sabi ng lalaki.
Umalis na kami ni Tatay.
“Hayaan mo Bunso, mababawi rin natin ang ating bahay,” ang sabi sa akin ni Tatay.
‘NUNG GABI, sa gilid ng isang tindahang sarado kami nahiga ni Tatay. Di ako
makatulog. Kahit anong gawin ko, di pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang aming bahay,
ang aming mga gamit. Ang dalawa naming panggan at baso, ang aming kutsara’t platito,
ang aming kaldero’t takure, ang kahon ng aming damit, ang boteng makulay at pati ang
mga litrato.
Paggising namin, walang mainit na kape, walang mainit na pandesal.
SA BUONG maghapon, nagkargador si Tatay. Isinama ako ni Tatay minsan.
Pagkatapos na maibaba ang lahat ng gulay, ng mga karne naman, ng mga damit, ng mga
tela, ng mga bihon at harina, ng mga mantel, batya at palanggana kaya paghapon na,
hapung-hapo si Tatay. Pinaiwan na lang ako ni Tatay sa harap ng simbahan. Tapos
bukas uli, bukas uli at bukas uli.
“Huwag kang lalayo, ‘pag-uwi ko masarap na tukneneng ang pasalubong ko,” ang
bilin sa akin ni Tatay.
Iniisip ko pa rin ang aming may gulong na bahay.
AT ISANG hapon, laking gulat ko nang iparada ni Tatay sa aking harapan ang aming
bahay. Isang drayber na uli si Tatay, nabawi na rin namin ang aming bahay. Isa-isa
kong tinignan ang aming mga gamit.
“Sa wakas!” ang nasigaw ko.
Pinasakay ako ni Tatay sa aming bahay at saka niya ito minaneho patungo sa aming
pinagliliguan. Inalis namin ang aming mga gamit at saka inisis ni Tatay ang loob at
labas, ako naman sa manibela. Sinabon at saka binuhusan ng tubig. Tapos naging
matingkad na asul ang aming bahay.
“Ang bangong higaan!” ang lumabas sa aking bibig.
MULA NOON, lagi kong binabantayan ang aming bahay. Ako rin ang nagpapaalala kay
Tatay kung bawal itong iparada.
32
Tuwing gabi, di pa rin nauubos ang kwento ni Tatay tungkol sa mga may gulong na
bahay.
At habang nakahiga kami sa mabangong higaan at natatanaw ang malawak na langit,
ay sinabi ni Tatay,
“Ngayon, aking Bunso, hinding-hindi na mahihiwalay sa atin ang ating munting
bahay, ang ating mabango at may gulong na bahay.”
Habang bumababa ang mga asul na ulap.
(Alay ko kay Cecille Tan, ang batang nakatira sa may gulong na bahay na laging
nakaparada sa gilid ng Simbahan ng Binondo.)
* Karangalang Banggit, 2004 PBBY – Salanga Prize
Ang iyong binasa ay isang maikling kuwento. Tulad ng pagluluto ng ulam, ang maikling
kuwento ay mayroon ding sangkap upang ito ay maging isang ganap na kuwento. Alam mo ba ang
mga sangkap na ito?
Isa sa mga sangkap ng maikling kuwento ay ang paksa. Kung minsan tinatawag din itong
tema. Ano ba ang paksa? Paano mo matutukoy ang paksa ng isang kuwentong iyong binasa?
Ang paksa ay ang pangunahing kaisipan ng kuwento na nais ipabatid ng may-akda sa
mambabasa. Bagamat hindi direktang sinasabi ng may-akda ang paksa ng kanyang akda, madali pa
rin itong matutukoy dahil sa mga keyword na ginamit niya. Ang keyword ay mga tanda o ibang salita
na ginagamit ng may-akda upang lalong magpalutang sa kanyang paksa.
Halimbawa:
Basahin ang bahaging ito ng kuwento:
IBANG-IBA SA ibang bahay ang aming bahay. Wala itong malaking haligi at mataas
na bubong. Wala rin itong bintana at pinto na kailangang isara kapag kami ay
natutulog. Pero kahit ganito ang aming bahay, bahay pa rin ito para sa amin ni Tatay.
Ano ang paksa ng bahaging ito ng kuwento?
Ang bahay ang paksa ng bahaging ito ng kuwento. Pero kung pag-iisipang mabuti, hindi
lamang tungkol sa bahay ang paksa ng bahaging ito ng kuwento. Ang bahay lamang ang inilalarawan
sa bahaging ito.
33
Alin sa sumusunod ang sa palagay mo ay paksa ng bahaging ito ng kuwento?
• kakaibang bahay na tinitirhan ng bata
• kawalan ng bubong, bintana, at pinto ng bahay na tinitirhan ng bata
• kawalan ng maayos na bahay/tirahan dahil sa kahirapan
• masayang paglalarawan ng bata sa kanilang bahay
Kung ang iyong napili ay ang ika-3, tama ka.
Anu-anong mga keyword ang ginamit ng may-akda upang masabing ang paksa ng bahaging
ito ng kuwento ay kahirapan?
Isa-isahin mo nga ang mga keyword na ginamit ng awtor.
Kung ang mga keyword na natukoy mo ay tulad ng mga sumusunod, tama ka.
Ibang-iba sa ibang bahay
Walang haligi at mataas na bubong
Walang bintana at pinto
Ito ay mga keyword na nagpapatunay na kahirapan ang paksa ng bahaging ito ng kuwento.
Saan ka nga ba makakakita ng bahay na walang haligi, bubong, bintana, at pinto? Hindi ba’t
sa kuwento lamang na ito na ang mag-ama ay nakatira sa kariton, na itinuturing nilang kanilang
bahay? Ngunit kariton man ang bahay nila, bahay pa rin ito para sa bata.
Bukod sa pagtukoy sa keyword upang matukoy ang paksa, maaari ring magamit ang
keyword upang matukoy ang proposisyong positiv at negativ na pahayag.
Ano ba ang proposisyon?
Ang proposisyon ay isang pahayag na nagbibigay ng mungkahi. Kadalasang ang mga
keyword na positivo na ginagamit dito ay nararapat, naniniwala, ganito, dapat, at iba pa.
Bukod sa positiv, mayroon ding negativ na pahayag. Ang negatibong pahayag ay
gumagamit ng mga salitang nagpapahayag ng pagtanggi, halimbawa nito ay hindi/di, ayaw/ayoko, at
iba pa. Ginagamit din dito ang mga salitang nagpapapahayag ng pagsalungat tulad ng di sang-ayon,
pero, ngunit, at iba pa.
34
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang positiv at alin naman ang negativ?
1. “Di pupwede!”
2. “Kelangan kang magbayad ng multa.”
3. “Wala po akong ibabayad sa multa.”
4. “Hayaan mo Bunso, babawiin natin ang ating bahay.”
5. Di ako makatulog.
Ang mga pangungusap bilang 2 at 4 ay positiv at ang mga pangungusap bilang 1, 3 at
5 naman ay negativ.
Malinaw na ba sa iyo ang proposisyong positiv at negativ? Natutukoy mo
na bang kung alin ang positiv at negativ na pahayag?
Kung hindi pa, pag-aralan ang susunod na kadalasang ginagamit bilang panimula
upang maipahayag ang positiv at negativ na opinyon ukol sa isang isyu.
1. Ganap na pagsang-ayon sa sinasabi ng iba
Lubos ang akong sumasang-ayon sa…
Sang-ayon ako sa…
2. Sumasang-ayon pero may alinlangan
Sinasang-ayunan ko ang ginawa nila, ngunit…
May katwiran sila, pero…
3. Di pagsang-ayon nang lubusan
Di ako naniniwala sa…
Hindi makatao ang kanilang …
Di makatarungan ang …
4. Magalang na pagsalungat
Posibleng tama sila, ngunit …
Iginagalang ko ang ginawa nila, subalit …
Naiintindihan sana ng …
5. Sumasalungat o sumasang-ayon
Sumasang-ayon ako sa ginawa nila, pero…
May dahilan sila, ngunit …
Inuulit ko, ang mga ito ay maaari mong gamitin sa pagpapahayag. Ang mga ito ay
mga keyword na magagamit sa positiv at negativ na pagpapahayag. Mahalaga lamang na
siguruhin mong ginamit mo ito sa tiyak at wastong sitwasyon.
35
Halimbawa:
Basahin ang bahaging ito ng kuwento at magpahayag ng sariling saloobin pagkatapos.
Pagkatapos, lumabas kami ni Tatay. Pero laking gulat namin, nawawala ang
aming bahay!
“Naku! Bunso ko, may kumuha ng ating bahay!”
“Sinong kumuha Tay?”
“Kinuha ng mga Tanod kanina. Nandun!” ang biglang_sabi ng
babaeng nagtitinda ng kandila’t rosaryo.
Tumakbo kami ni Tatay patungo sa itinuro ng babae. At nakita nga
namin, hatak-hatak ng isang puting sasakyan ang aming bahay, kadugtong ng
iba pang bahay na tulad ng aming bahay.
“Hayaan mo Bunso, babawiin natin ang ating bahay.”
Kung positiv ang iyong pahayag sa sitwasyong kinuha ng mga tanod ang bahay na
kariton ng mag-ama, alin sa mga sumusunod na keyword o panimula ang iyong gagamitin?
Alin naman ang iyong gagamitin kung ganap na pagsalungat o negativ ang iyong tugon?
1. May katwiran sila, pero –
2. Sang-ayon ako sa –
3. Di ako naniniwala sa –
4. Hindi makatao ang kanilang–
5. Sinasang-ayunan ko ang ginawa nila, ngunit –
6. Di makatarungan ang –
7. Lubos ang akong sumasang-ayon sa –
Kung ang iyong sagot ay tulad nito, tama ka
Bilang 2 at 7 para sa positibong pahayag o pagsang-ayon.
Bilang 3 at 6 naman para sa negatibong pahayag o ganap na pagsalungat.
Ang mga ito ay mga keyword na maaari mong magamit bilang panimula upang maipahayag
mo ang iyong saloobin ukol sa isang isyu.
36
Isa sa mga susi upang maintindihan ang kabuuan ng isang kuwento ay nasa pag-unawa rin sa
kahulugan ng mga salitang ginamit ng may-akda. May dahilan ang may-akda sa paggamit niya ng
bawat salita sa kanyang kuwento. Bagama’t hindi direktang sinasabi ng may-akda ang kanyang
intensyon sa paggamit ng mga salitang ito, mahihinuha ng mambabasa ang dahilan sa pamamagitan
ng pag-unawa sa kahulugan at kaugnayan ng salita sa kabuuan ng kuwento.
May dalawang paraan upang mabigyang kahulugan ang mga salita. Ito ay sa
pamamagitan ng denotasyon at konotasyong pagpapakahulugan.
Ano ba ang denotasyon?
Kung pag-uusapan ang pagkakahulugan ng isang salita, karaniwan nang tinutukoy ay ang
literal o konseptwal nitong kahulugan. Ito ay ang kahulugang nag-uugnay sa salita sa isang bagay,
tao, lugar, o pangyayari. Ang ganitong pagpapakahulugan sa salita ay tinatawag denotasyon.
Halimbawa:
Ang denotasyong kahulugan ng salitang bahay ay tirahan ng tao – isang gusali na itinayo
upang maging proteksyon ng tao.
Malinaw na ba sa iyo ang denotasyon?
Lagi mo lamang tatandaan na kapag denotasyon, nananatili ang literal na kahulugan ng salita
sa anumang konteksto ito gamitin. Hindi nawawala ang sentral o pangunahing kahulugan ng salita.
Ano naman ang konotasyon?
Bukod sa denotasyong kahulugan, ang salita ay maaari ring magtaglay ng konotasyong
kahulugan. Sa uring ito, ang isang salita ay maaaring magtaglay ng iba pang mas malalim na
kahulugan bukod sa literal nitong kahulugan.
Halimbawa:
Ang konotasyong kahulugan ng salitang bahay ay kaligayahan.
Maaaring itanong mo kung bakit naging kaligayahan ang kahulugan ng salitang bahay?
Kung pagbabatayan natin ang kuwentong “May Gulong na Bahay,” hindi ba’t naging
malungkot ang bata nang kunin ng barangay ang kanilang bahay? Hindi man ito direktang sinabi ng
may-akda, mahihinuhang ang may gulong na bahay ng mag-ama ang nagdudulot ng saya sa bata.
Kung kaya, masasabing ang konotasyong kahulugan ng bahay ay kaligayahan.
Naiintindihan mo na ba ang konotasyon? At ang pagkakaiba nito sa denotasyon?
Tandaan mo lamang na sa konotasyon, maaaring magtaglay ng mga pahiwatig o emosyonal
na kahulugan ang isang salita. Ang salitang bahay ay maaaring magtaglay ng ibang konotasyong
37
kahulugan sa ibang akda, ayon sa intensyon o layunin ng may-akda. Sa pagpapakahulugang ito,
nagbabago ang kahulugan ng salita ayon sa konteksto ng pagkakagamit nito. Madalas, itinatago ng
may-akda ang kahulugan ng isang salita sa kanyang akda. Dahil dito, nahihikayat ang mambabasa na
mag-isip at tuklasin ang kahulugan ng salita sa isang akda.
Ano ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng simbahan sa kuwentong “May Gulong na
Bahay”?
Denotasyon
Simbahan – isang banal na lugar na pinupuntahan ng mga tao upang magsimba
o magdasal.
Konotasyon
Simbahan – pinagkukunan ng pag-asa ng ama sa kuwento
Malinaw na ba sa iyo ang araling itinuro ko sa sub-aralin na ito? Naghanda ako ng mga
gawain para sa iyo upang lalo mo pang mahasa ang iyong kasanayang natamo.
Linangin
I. Tukuyin ang paksa ng mga sumusunod na bahagi ng kuwentong iyong binasa. Sa isang hiwalay
na papel, isulat mo ang iyong mga sagot.
____1. SA BUONG maghapon, nagkargador si Tatay. Isinama ako ni Tatay minsan.
Pagkatapos na maibaba ang lahat ng gulay, ng mga karne naman, ng mga damit, ng
mga tela, ng mga bihon at harina, ng mga mantel, batya at palanggana kaya paghapon
na, hapung-hapo si Tatay.
a. masipag ang ama ng bata
b. nagtrabaho ang ama ng bata
c. pagod na pagod ang ama ng bata
d. maraming ibinababang kalakal ang ama ng bata
____2. AT ISANG hapon, laking gulat ko nang iparada ni Tatay sa aking harapan ang aming
bahay. Isang drayber na uli si Tatay, nabawi na rin namin ang aming bahay. Isa-isa
kong tinignan ang aming mga gamit.
“Sa wakas!” ang nasigaw ko.
a. may bahay na uli ang mag-ama
b. nabawi na ng ama ang kanilang bahay
c. sinorpresa ng ama ang kanyang anak
d. nagsikap ang ama upang mabawi ang kanilang bahay
38
____3. ‘NUNG GABI, sa gilid ng isang tindahang sarado kami nahiga ni Tatay. Di ako
makatulog. Kahit anong gawin ko, di pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang aming
bahay, ang aming mga gamit.
a. maselan ang bata
b. nalulungkot ang bata sa kanilang kalagayan
c. nangangamba ang bata na baka di na nila mabawi ang kanilang bahay
d. hindi sanay ang bata na matulog sa gilid ng saradong tindahan
____4. Ang laki ng bubong ng simbahan, ang taas ng mga dingding, may mga ibon pang
lumilipad at naghahabulan, ang ganda ng damit ‘nung nasa altar, parang damit ‘nung
mga bata na nakita ko sa santakrusan.
a. naiinggit ang bata sa ganda ng simbahan
b. ikinukumpara ng bata ang kanilang bahay sa simbahan
c. gusto ng bata na maging tulad ng simbahan ang kanilang bahay
d. humahanga ang bata sa kagandahan ng simbahan
____5. Pinasakay ako ni Tatay sa aming bahay at saka niya ito minaneho patungo sa aming
pinagliliguan. Inalis namin ang aming mga gamit at saka inisis ni Tatay ang loob at
labas, ako naman sa manibela. Sinabon at saka binuhusan ng tubig. Tapos naging
matingkad na asul ang aming bahay.
a. lilinisin ng mag-ama sa kanilang bahay
b. masaya ang ama dahil nabawi na nila ang kanilang bahay
c. sabik na sabik ang mag-ama sa kanilang bahay
d. malinis sa bahay ang mag-ama
II. Isulat kung positiv o negativ ang mga sumusunod na pahayag/pangungusap mula sa
kuwentong binasa:
___________1. Di tulad ng drayber ng mga kaskaserong dyip na nakabibingi ang busina.
___________2. “Ngayon, aking Bunso, hinding-hindi na mahihiwalay sa atin ang ating
munting bahay, ang ating mabango at may gulong na bahay.”
___________3. Paggising namin, walang mainit na kape, walang mainit na pandesal.
___________4. “Hayaan mo Bunso, babawiin natin ang ating bahay.”
___________5. Pero naging tamad daw ang mga tao, ayaw nilang magtulak ng kanilang
bahay.
III. Piliin sa ibaba ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng mga sumusunod na salita batay sa
kuwentong iyong binasa.
tirahan/bahay kahirapan nakikita sa langit
pangarap pag-asa bahay-dalanginan
kapalaran proteksyon sa hamog destinasyon/pupuntahan
pag-ibig kaligtasan kapahamakan
39
Salita Denotasyon Konotasyon
1. simbahan
2. ulap
3. kariton
4. manibela
5. bubungang plastik
Tapos ka na ba? Narito ang mga wastong sagot. Iwasto mo ang iyong sariling papel.
I II III
1. b 1. negativ 1. bahay-dalanginan;pag-asa
2. b 2. positiv 2. nakikita sa langit;pangarap
3. c 3. negativ 3. tirahan/bahay;kahirapan
4. d 4. positiv 4. destinasyon/pupuntahan;kapalaran
5. a 5. negativ 5. proteksyon sa hamog;kaligtasan
Kung ang iyong nakuha sa gawaing ito ay higit sa kalahati, maaari mo nang puntahan ang
susunod na gawain, ngunit kung hindi umabot sa kalahati ang iyong nakuhang tamang sagot,
hinihikayat kitang balikan ang ating isinagawang pagsasanay. Marahil, may mga bahaging Malabo
pa sa iyo.
Salamat!
Gamitin
Narito ang mahahalagang bahagi ng iyong kuwentong binasa. Magbigay ng positiv at negativ
na pahayag sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga keyword. Isulat sa isang hiwalay na papel ang
iyong sagot.
SA BUONG maghapon, nagkargador si Tatay. Isinama ako ni Tatay minsan.
Pagkatapos na maibaba ang lahat ng gulay, ng mga karne naman, ng mga damit, ng
mga tela, ng mga bihon at harina, ng mga mantel, batya at palanggana kaya paghapon
na, hapung-hapo si Tatay. Pinaiwan na lang ako ni Tatay sa harap ng simbahan.
Tapos bukas uli, bukas uli at bukas uli.
1. Bumilib ako sa ginawa ng ama dahil _________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Hindi ko nagustuhan ang desisyon ng ama sapagkat ____________________________________
_________________________________________________________________________________
40
Sabi ni Tatay, noon daw, noong matagal na matagal na, lahat daw ng bahay ay pareho
ng aming bahay. Lahat ng tao, nagtutulak ng bahay. Pero naging tamad daw ang mga
tao, ayaw nilang magtulak ng kanilang bahay. Kaya huminto na sila sa isang lugar.
Ngayon, konti na lang ang tulad ng aming bahay. Sabi ni Tatay, gusto na rin niyang
itigil ang aming bahay sa isang lugar, pero ubos na raw ang lupa.
3. Nakatutuwa ang ikinuwento ng ama sa kanyang anak, kung kaya __________________________
_________________________________________________________________________________
4. Sa aking palagay, ginawang palusot ng ama ang kuwentong ito kaya _______________________
_________________________________________________________________________________
Kahit saan kami magpunta, lagi naming kasama ni Tatay ang aming Bahay. May
gamit din naman ang aming bahay tulad ng ibang bahay. May dalawa kaming
pinggan, dalawang baso, isang kutsara’t platito, isang maliit na kaldero at yuping
takure. May isang kahon din kami ng damit, isang boteng makulay at may kakaibang
hugis, pati litrato ng iba’t ibang tao.
5. Hinahangaan ko ang mag-ama dahil _________________________________________________
_________________________________________________________________________________
6. Nakakaawa ang kalagayan ng mag-ama, pero _________________________________________
_________________________________________________________________________________
Gustung-gusto kong magmaneho si Tatay. Masarap sa tenga ang businang-sipol niya.
Di tulad ng drayber ng mga kaskaserong dyip na nakabibingi ang busina.
7. Sang-ayon akong taglay ng bata ang makulay na karanasan sa buhay kaya __________________
_________________________________________________________________________________
8. Di dapat makuntento ang ama sa kanilang kalagayan, kailangang _________________________
_________________________________________________________________________________
MULA NOON, lagi kong binabantayan ang aming bahay. Ako rin ang nagpapaalala
kay Tatay kung bawal itong iparada.
41
9. Talagang may maganda at positibong pananaw sa buhay ang bata dahil ___________________
_________________________________________________________________________________
10. Tunay na mahalaga sa bata ang kanilang kariton, kaya lang, sana ay______________________
_________________________________________________________________________________
Matapos mong kumpletuhin ang mga keyword upang maipahayag ang iyong positibo at
negatibong pahayag, ipakita mo ang iyong papel sa iyong guro. Siya ang magsasabi kung alin ang
wasto at alin ang mali sa iyong mga isinulat.
Lagumin
Sa sub-aralin na ito, pinag-aralan mo ang pagtukoy sa mga keywords na nagpapakilala
paksa, proposisyon positiv at negativ na pahayag.
Ang keywords ay mga salita na gumaganap bilang mga tanda na na ginamit ng may-akda
upang mapalutang ang kanyang intensyon sa pagpapahayag o upang mapalutang ang kanyang paksa.
Ang paksa naman ay ang pangunahing kaisipan ng kuwento na nais ipabatid ng may-akda sa
mambabasa. Bagamat hindi direktang sinasabi ng may-akda ang paksa ng kanyang akda, madali pa
rin itong matutukoy dahil sa mga keywords na ginamit niya.
Natutunan mo rin ang ukol sa proposisyon. Ito ay mga pahayag na nagbibigay ng mungkahi.
Kadalasang ang mga keywords na positiv na ginagamit dito ay nararapat, naniniwala, ganito, dapat,
at iba pa. Bukod sa positiv ay mayroon ding negativ na gumagamit ng mga salitang nagpapahayag
ng pagtanggi, halimbawa, hindi/di, ayaw/ayoko, at iba pa. Ginagamit din dito ang mga salitang
nagpapapahayag ng pagsalungat tulad ng di sang-ayon, pero, ngunit, at iba pa.
Bukod sa mga ito, sinikap mo ring basahin ang kuwento “May Gulong na Bahay” na gumamit
ng mga salitang binigyan mo ng kahulugan ayon sa denotasyon at konotasyong nitong kahulugan.
Ang denotasyon ay ang literal o konseptwal na kahulugan ng isang salita. Ito ay ang
kahulugang nag-uugnay sa salita sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. Ang kahulugan ng isang
salita ay kung ano ang makikita/matatagpuan sa diksyunaryo.
Ang konotasyon naman ay ang mas malalim na kahulugan ng isang salita. Bukod sa literal na
kahulugan ng salita, mayroon pa itong mga nakatagong kahulugan na maaaring maiugnay sa buhay
na kadalasang hindi direktang sinasabi ng may-akda. Ang isang salita ay may simbolo o
ipinahihiwatig sa kabuuan ng isang akda.
42
Subukin
Narito ang isang balita. Basahin mo itong mabuti.
Ahon Bata sa Lansangan Program
Dahil sa kritikal na kondisyon at kapahamakang kinakaharap ng mga batang-
lansangan, inilunsad kamakailan ng pamahalaan ang “Ahon Bata sa Lansangan
Program” bilang pagkilala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pangunahing
karapatan ng mga batang Pilipino.
Layunin ng proyekto na patuloy na mapalakas ang pagsisikap ng pamahalaan
na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga batang-lansangan o
street children. Sa pamamagitan ng programa, umaasa ang pamahalaan na tutulong
sa mga batang lansangan ang iba't ibang sektor ng lipunan.
Kabilang sa mga ipagkakaloob na tulong sa mga batang-lasangan ang
sumusunod: pagkakaloob ng tahanan, pagbibigay ng payo, serbisyong
pangkalusugan, edukasyon, at mga gawain o trabaho na kanilang mapagkakakitaan
at iba pang serbisyo para sa kanilang pamilya, upang kahit papaano ay matulungan
silang makaalis sa kanilang kinasasadlakang kahirapan.
Kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na inatasang magpatupad ng
programa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine
National Police (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG), at
Department of Health (DOH).
(Pinagkunan: http://www.pia.gov.ph/infobits/ib031727.htm)
I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng wastong sagot sa isang hiwalay na
papel.
_____1. Ano ang paksa ng balita?
a. mga batang lansangan
b. pagtulong sa mga batang lansangan
c. paglulunsad ng isang proyekto para sa mga batang lansangan
d. mga ahensya ng pamahalaan na magpapatupad ng programa
_____2. Alin sa mga sumusunod na keyword ang hindi ganap na nagpakilala sa paksa ng balita?
a. inilunsad
b. karapatan ng mga batang Pilipino
c. pagkilala
d. pamahalaan
43
_____3. Alin sa mga sumusunod ang hindi positivong pahayag?
a. mapalakas ang pagsisikap ng pamahalaan
b. matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga batang-lansangan
c. umaasa ang pamahalaan na tutulong ang iba't ibang sektor ng lipunan
d. kapahamakang kinakaharap ng mga batang-lansangan,
_____4. Ano ang denotasyong kahulugan ng “Ahon-Bata sa Lansangan Program”?
a. programa
b. pagliligtas
c. pagtulong
d. pagsagip
_____5. Ano ang konotasyong kahulugan ng “Ahon-Bata sa Lansangan Program”?
a. programa
b. pagliligtas
c. pagtulong
d. pagsagip
_____6. Alin sa mga sumusunod na salita ang positibo?
a. kritikal
b. mapalakas
c. kapahamakan
d. kahirapan
II. Dugtungan ang mga sumusunod na keyword upang mabuo ito. Piliin ang titik ng sagot sa ibaba.
_____1. Lubos ang akong natutuwa sa proyekto dahil ____________________________________
_____2. Gusto ko ang proyektong ito, ngunit ____________________________________________
_____3. Di ako naniniwala na magiging epektibo ang programa sapagkat _____________________
_____4. Dapat sigurong tiyakin ng pamahalaan ang ______________________________________
_____5. Tiyak na magiging maganda ang resulta ng proyekto kung ____________________
a. lubhang napakaraming batang-lansangan sa kasalukuyan ang nagkalat lalo na sa
Maynila.
b. hindi ako sigurado kung seryoso ang pamahalaan sa proyektong ito, baka sa simula
lamang ito.
c. hihilingin ng pamahalaan sa mga ahensya nito na makipagtulungan
d. sapat na badyet upang matustusan ang proyekto at nang makaabot sa mas maraming
bilang ng batang-lansangan.
e. tiyak na marami itong matutulungang mga batang lansangan.
44
III. Tukuyin kung ang mga pangungusap bilang 1-5 sa Pagsasanay II ay positive/negativ. Isulat ang
(┼) kung positiv ang pangungusap at (–) naman kung negativ ang pangungusap.
Tapos ka na ba?
Narito ang mga wastong sagot sa gawaing ito. Iwasto mo ang iyong sariling papel. Nawa’y
maging tapat ka.
I II III
1. c 1. e 1. +
2. c 2. b 2. –
3. d 3. a 3. –
4. a 4. d 4. +
5. d 5. c 5. +
6. b
Muli, kung iyong nakuhang wastong sagot ay higit sa kalahati, puwede mo nang puntahan ang
panghuling pagsusulit. Ngunit kung hindi nakaabot sa kalahati ang iyong nakuhang tamang sagot,
pumunta ka sa Paunlarin. Ito ay para rin sa iyong ikahuhusay. Hindi naman tayo nagmamadali. Nais
kong masiguro na bago mo iwan ang isang aralin ay lubos mo itong naiintindihan.
Maraming salamat sa iyo, kaibigan!
Paunlarin
Narito ang ilang bahagi ng balitang iyong binasa sa Subukin. Isulat ang iyong palagay sa
isang hiwalay na papel. Ang iyong palagay ay maaaring positiv o negativ. Gumamit ng mga
keyword.
Ano ang iyong masasabi sa mga sumusunod na bahagi ng balita?
1. Dahil sa kritikal na kondisyon at kapahamakang kinakaharap ng mga batang-lansangan,
inilunsad kamakailan ng pamahalaan ang “Ahon Bata sa Lansangan Program” bilang
pagkilala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pangunahing karapatan ng mga
batang Pilipino.
2. Layunin ng proyekto na patuloy na mapalakas ang pagsisikap ng pamahalaan na
matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga batang-lansangan o street
children. Sa pamamagitan ng programa, umaasa ang pamahalaan na tutulong sa mga
batang lansangan ang iba't ibang sektor ng lipunan.
45
3. Kabilang sa mga ipagkakaloob na tulong sa mga batang-lasangan ang sumusunod:
pagkakaloob ng tahanan, pagbibigay ng payo, serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at
mga gawain o trabaho na kanilang mapagkakakitaan at iba pang serbisyo para sa kanilang
pamilya, upang kahit papaano ay matulungan silang makaalis sa kanilang
kinasasadlakang kahirapan.
4. Kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na inatasang magpatupad ng programa ang
Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine National Police
(PNP), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Health
(DOH).
Matapos mong maisulat ang iyong opinyon/palagay o kuro-kuro, tukuyin mo kung ang mga
ito ba ay positivo o negativo. Pagkatapos, bilugan mo ang mga keywords na nagpapatunay na ito ay
positivo o negativo. Ipakita mo sa iyong guro ang iyong papel at titignan niya kung wasto ang iyong
ginawa.
Sa bahaging ito nagtatapos ang ating pag-aaral, pero bago tayo tuluyang maghiwalay, sagutin
mo muna ang panghuling pagsusulit sa GAANO KA NA KAHUSAY? para matiyak natin ang iyong
mga natutuhan sa modyul na ito.
Gaano ka na kahusay?
I. Piliin ang wastong sagot sa kahon. Isulat ang salita ng iyong sagot sa isang hiwalay na papel.
keywords pahiwatig paksa denotasyon
proposisyon konotasyon simbolo
_____1. Ito ang kahulugang tahas o literal na depinisyon ng salita na kadalasang nakikita sa
diksyunaryo
_____2. Mga salita na kapag binanggit sa isang akda ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan
ang mambabasa
_____3. Istilong ginagamit ng mga manunulat upang sabihin ang kanilang mga nais sabihin sa
paraang hindi lantad o hayagan
_____4. Ito ay ang mas malawak na pagpapakahulugan sa salita, nagtataglay ng simbolo o pahiwatig
na kahulugan ang salita
_____5. Pangunahing kaisipan ng kuwento na nais ipabatid ng may-akda sa mambabasa
46
_____6. Mga tanda o ibang salita na ginagamit ng may-akda upang lalong mapalutang ang kanyang
paksa
_____7. Isang pahayag na nagbibigay ng mungkahi.
II. Ano ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod? Piliin ang titik ng iyong sagot.
_____1. Ibig kong magsaka na ang aanihin
ikabuhay ko ma’y sa pawis ko galing.
- Rogelio Sicat, Malaya
a. paghingi ng tulong sa ibang tao
b. pagsisikap sa sariling paraan
c. gawing mag-isa ang isang gawain
d. hindi paghingi ng tulong sa iba
_____2. Dalawangpung taong nabangkay ang laya,
laksa ang nasukol na diwa at puso.
-Teo T. Antonio, Babang-Luksa
a. marami ang nakakulong
b. mahabang panahon ng pananakop ng mga dayuhan
c. maraming taon na ang tao ay walang layang magsalita
d. pang-aabuso sa mga Pilipino
_____3. May isang bagay na malinaw na malinaw kong natatandaan tungkol kay Tata More –
hindi pa siya pumupunta sa amin nang hindi niya taglay ang ingay at halakhak.
- Genoveva E. Matute, Tata More
a. Masayahing tao si Tata More
b. Maraming naiinis kay Tata More
c. Mahirap kalimutan si Tata More
d. Mahilig humalakhak si Tata More
_____4. Noon ay kataimtimang minamalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing
taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing
kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na matuwid katulad ng isang
bangkay.
- Epifanio G. Matute, Impong Sela
a. Patay na ang apo ni Impong Sela
b. Natutulog ang apo ni Impong Sela
c. Paralisado ang katawan ng apo ni Impong Sela
d. May malubhang sakit ang apo ni Impong Sela
47
_____5. Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na
nakatindig sa pinagwagiang larangan.
- Rogelio Sicat, Impeng Negro
a. siya ay natalo
b. patas lang ang labanan
c. nagtagumpay siya sa labanan
d. hindi niya matanggap ang pagkatalo
_____6. Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat.
- Edgardo M. Reyes, Lugmok na ang Nayon
a. maysakit
b. sobrang init ng panahon
d. sensitibong ang balat
e. matinding sikat ng araw
_____7. Ilang hakbang lamang ang nakapagitan sa silid ng ama ko at sa akin, ilang hakbang
lamang at maaari ko nang mabuksan ang pinto at itulak iyong upang makita ang nasa
loob. Subalit ang mga hakbang ko ay karaniwang mabibigat.
- Buenaventura S. Medina, Jr., Dayuhan
a. masama ang loob niya sa kanyang ama
b. may galit siya sa kanyang ama
c. hindi niya kapalagayang loob ang ama
d. nahihiya siya sa kanyang ama
_____8. Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.
- Jose Corazon de Jesus, Ang Punungkahoy
a. kamatayan
b. katandaan
c. pagsisisi
d. pamamaalam
III. Ano ang isinisimbolo ng mga salitang may salungguhit? Piliin ang titik ng iyong sagot.
_____1. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’t dumagit saan man sumuot…
- Ildefonso Santos, Ang Guryon
a. pagsubok sa buhay
b. problema/suliranin
c. isang laruan
d. pangarap
48
_____2. At sa kubong butas-butas
ay naglagos ang pangarap.
- Teo T. Antonio, Kasal ni Kikay
a. tahanan/bahay
b. pamilya
c. kahirapan
d. kayamanan
_____3. Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito’y nagisnan na
naming magkakapatid.
- Edgardo M. Reyes, Ang Gilingang Bato
a. katandaan
b. panahon
c. pamana
d. kabuhayan
_____4. Sa bawat tao ay may naghihintay na lupa ng sariling bayang sinilangan.
- Rogelio Sicat, Sa Lupa ng Sariling Bayan
a. lupang sinilangan
b. lupang sakahan
c. lupang lilibingan
d. lupang pagkukunan ng kabuhayan
_____5. May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon: ang
Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng malaking bayakan
na sumisipsip ng dugo ng tao.
- Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit
a. katakawan
b. kabulastugan
c. gahaman sa yaman
d. kasakiman
_____6. Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa
- Amado V. Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan
a. damdamin
b. mga pasakit/pagdurusa ng bayan
c. pag-ibig sa bayan
d. pagliligtas sa bayan
49
IV. Ano ang kahulugang denotasyon ng mga sumusuod na salita/bagay? Isulat ang titik ng iyong
sagot.
A B
_____1. guryon a. tinataniman ng mga halaman
_____2. kubo b. isang uri ng ibon
_____3. gilingang-bato c. saranggola
_____4. lupa d. bahay na yari sa pawid
_____5. agila e. ginagamit sa paggawa ng mga kakanin
_____6. luha f. natatagpuan sa ilog
g. likidong lumalabas sa mata kapag umiiyak
V. Isulat ang + kung positiv at – naman kung negativ ang mga sumusunod na pangungusap.
_____1. Pinalaya na nang walang pinsala noong Martes ang Pilipinong si Angelito Nayan at dalawa
pang UN workers, na dinukot sa Afghanistan.
_____2. Simula Sabado, magbibigay ang 100 himpilan ng Petron, Pilipinas Shell at Caltex
Philippines ng 50 sentimong diskwento kada litro ng diesel.
_____3. May ibang hindi maka-concentrate sa klase o nakararamdam ng sobrang pagod kaya hindi
makapag-aral nang mabuti.
_____4. Masayang tinanggap ng karamihan ng mga mag-aaral ng UP ang pagkakahalal ng bagong
pangulo.
_____5. Kung ihahambing sa mga ibang pangunahing pamantasan sa Asya, ang kalidad ng pagtuturo
sa Pilipinas ay patuloy na bumabagsak nitong mga nakaraang taon.
_____6. Ang kasalukuyang pinakamalubhang suliranin ng UP ay ang kakulangan ng sapat na salapi.
_____7. Kahit ang kongkretong tulay na nagdudugtong sa Real at Infanta, Quezon ay hindi sinanto
ng matinding agos noong kasagsagan ng bagyong “Winnie”.
_____8. Bumaba sa kalahati ang bilang ng mga nakidnap na Filipino-Chinese sa buong bansa
ngayong taon.
_____9. Hindi papapasukin sa Pilipinas ang mga imported na poultry products mula Vietnam at
Japan.
_____10. Sumobra na ang lawak ng Nestle kung kaya’t hindi na makapasok pa ang ibang local na
suplayer at prodyuser sa industriya.
VI. Isulat ang P kung proposisyon at HP kung hindi proposisyon ang mga sumusunod na
pangungusap.
_____1. Gumamit ng filter o kaya’y pakuluan muna ang tubig bago inumin.
_____2. Mag-imbak ng makakain, kumot, pagkain ng bata at gamut – at manalanging magpalit ng
ruta ang bagyo.
_____3. Mayroong mahigit na sandaang dialekto na kalat sa mahigit na 7,100 na pulo ng Pilipinas.
_____4. Ugaliing matulog.
_____5. Susuungin ng mga motorista ang kadalasang masikip na Taft Avenue kapag nagtalumpati na
si Pangulong Macapagal-Arroyo sa Quirino Grandstand sa Rizal Park.
_____6. Hangga’t maaari, umiwas sa kape paglagpas ng tanghali.
50
_____7. Sa dami ng ating dialects, nagkawatak-watak daw ang mga Pinoy.
_____8. Maaari ninyong ganapin ang espesyal na okasyon sa kani-kaniyang mga bahay.
_____9. Sa mabilis na pagdami ng mga Pilipino, kailangan talagang makapag-develop ng binhing
matibay sa bagyo.
_____10. Ang wika ay lumalago, nagbabago at umuunlad batay na rin sa paggamit natin.
Pagkatapos mong sagutan ang panghuling pagsusulit na ito, kunin mo sa iyong guro ang Susi
sa Pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sariling papel.
Mas mataas na ba ang nakuha mo kaysa sa unang pagsusulit? Kung tumaas ay binabati kita
ngunit kung mas bumaba, maaari mo pa ring balikan ang mga nakalipas na aralin. Muli, ito ay para
rin sa iyo. Hindi naman tayo nagmamadali. Mas mahalaga para sa akin ang matututo ka.
O sige na kaibigan, sandali munang akong mamamaalam sa iyo.
Hanggang sa susunod na modyul.
Salamat!
51
Modyul Blg. 8
Pagbibigay-kahulgan sa mga Simbolo, Pahiwatig at Imahe
ANO NA BA ANG ALAM MO?
I.
1. denotasyon
2. simbolo
3. pahiwatig
4. konotasyon
5. paksa
6. proposisyon
II. III.
1. b 1. a
2. c 2. c
3. a 3. b
4. d 4. a
5. c 5. c
6. b 6. b
7. c
8. a
IV.
1. + 6. –
2. + 7. –
3. – 8. +
4. + 9. –
5. – 10. –
V.
1. P 6. P
2. P 7. HP
3. HP 8. P
4. P 9. P
5. HP 10. HP
GAANO KA NA KAHUSAY?
I.
1. denotasyon 4. konotasyon
2. simbolo 5. paksa
3. pahiwatig 6. proposisyon
II. III.
1. b 5. c 1. a
2. c 6. b 2. c
3. a 7. c 3. b
4. d 8. a 4. a
5. c
6. b
IV.
1. c 4. a
2. d 5. g
3. e
V.
1. + 6. –
2. + 7. –
3. – 8. +
4. + 9. –
5. – 10. –
VI.
1. P 6. P
2. P 7. HP
3. HP 8. P
4. P 9. P
5. HP 10. HP
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 9
Pagsusuri at Pagtukoy sa Kaisipan,
Mensahe at Damdamin sa Teksto
2
Modyul 9
Pagsusuri at Pagtukoy sa Kaisipan,
Mensahe at Damdamin sa Teksto
Tungkol saan ang modyul na Ito?
Kumusta ka na kaibigan? Marahil ay marami ka nang natutunan sa mga modyul na pinag-
aralan nitong mga nakaraang araw. Dagdagan pa natin ha? May inihanda akong bagong modyul para
sa iyo. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko dito.
Bagong kasanayan ang ituturo nito sa iyo tulad ng pag-unawa sa paksa ng teksto na iyong
binabasa maging ang pagkuha ng pangunahing kaisipan nito. Matutulungan ka rin nitong
maipaliwanag ang paksa ng iyong binabasang teksto sa pamamagitan ng pamagat, pangunahing
kaisipan at mga pansuportang detalye. Makikilala mo rin ang mga pangungusap na nagpapahayag ng
damdamin, kaisipan / mensahe. Madaragdagan din ang iyong kaalaman sa uri ng teksto at higit sa
lahat ang pagsusuri dito. Makakikilala ka ng isang bagong uri ng teksto pati na ang mga katangian
nito.
Ang dami, ano? Pero di bale, para sa iyo ito. Sige ituloy mo na.
Ano ang matututunan mo?
Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahan kong matatamo mo ang mga
sumusunod na kasanayan.
1. Natutukoy ang mga pangungusap na nagpapahayag ng damdamin, kaisipan / mensahe
2. Natutukoy at naipaliliwanag ang paksa ng teksto sa tulong ng pamagat, pangunahing kaisipan
at mga pantulong na detalye
3. Nasusuri ang tekstong binasa batay sa tiyak na uri nito
4. Nakikilala ang mga salitang nagpapakita ng pagsang-ayon at pagsalungat
5. Nakapagpapakita ng pagtutol o pagsang-ayon sa isang isyu
3
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, sa modyul na ito ay marami kang matutunan at magiging
madali para sa iyo ang lahat ng ito kung matamang susundin ang mga tuntunin sa ibaba na
magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral.
Basahin ito at unawaing mabuti.
Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong susulatan. Gumamit ka ng
hiwalay na sagutang papel sa pagsagot sa mga pagsusulit.
1. Sagutin mo muna ang Panimulang Pagsusulit. Ito ay ang panimulang hakbang upang masukat
at matiyak ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin.
2. Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka
lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung mababa ang markang nakuha mo. May
mga inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak kong makatutulong sa iyo.
3. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay
nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito sa iyo
upang maging madali ang pagsagot sa mga gawain.
4. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang
aralin, Kunin mong muli sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Muli, maging matapat ka sa
pagwawasto.
5. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing
inihanda ko katulad ng pagsisikap ko na ikaw ay matulungang matuto.
Ano na ba ang alam mo?
Bago ka pumunta sa mga gawaing inihanda ko, subukan mo munang sagutin ang
pagsusulit sa ibaba upang masukat ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin.
A. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang ng bawat bilang kung Tama ang isinasaad ng
pangungusap at ekis ( x ) kung Mali.
______1. Ang paksa ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung tungkol saan
o kanino ang tekstong binasa.
4
______2. Ang kaisipan ng isang teksto ay agad na maibibigay sa pamamagitan ng
pahapyaw na pagbasa sa una at huling pangungusap nito.
______ 3. Ang pangunahing kaisipan / ideya ay ang paksa ng teksto.
______ 4. Mahalagang basahin nang may pang-unawa ang anumang teksto upang
matukoy ang pangunahing kaisipan nito.
______ 5. Ang paksa ng isang teksto ay hindi laging makikita sa pamagat nito.
B. Panuto: Piliin sa ibaba ang angkop nang salitang sumasang-ayon o sumasalungat at isulat ito sa
patlang upang mabuo ang pangungusap.
1. __________ kong pakinggan ang mga sasabihin niya.
2. __________ ko matatanggap ang mga paliwanag mo.
3. __________ lamang na sundin mo ang utos ng iyong magulang.
4. __________ kang sasabihin kundi ang totoong nangyari lang.
5. __________ tinatanggap ko nang maluwag sa aking kalooban ang nangyari.
C. Basahin at unawain. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Itigil Niyo na Yan!
Patuloy na pinagtatalunan ang pagbabawal sa pagpapalabas ng mga malalaswang pelikula
sa lahat ng sinehan na pag-aari ng SM. Ayon sa tagapamahala ng SM ang mga ganitong uri ng
pelikula ay hindi makatutulong sa pagpapataas ng uri ng industriya sa pelikula manapa’y lalo
lamang bababa ang tingin sa ating mga Pilipino ng mga dayuhan. Ito’y sinang-ayunan ng higit
na nakararaming Pilipino. Sa aking pananaw, tama lang ang naging desisyon ng SM
Management dahil ang mga ganitong klase ng pelikula ay talagang nakapagpapababa ng ating
Hindi Ayaw Tama Wala Oo
5
moralidad. Ang mga kabataang bagama’t nasa hustong gulang pag nakapanood ng ganitong
pelikula ay nakapag-aasawa nang wala sa oras. Nagiging dahilan din ito para makalikha ng
krimen ang ibang tao. Panahon na upang baguhin ang imahe ng industriya ng pelikulang
Pilipino.
Ngunit sa kabila ng magandang hangaring ito ng SM Management, maraming artista ang
tumutol dito. Paano nga naman, mawawalan ng kita ang mga artistang hindi naman bihasa sa
pag-arte at tanging pagbibilad lamang ng katawan ang alam na gawin. Dahil din dito ay
mapipilitan din ang mga prodyuser na gumawa ng pelikulang de kalibre at may makabuluhang
istorya. Kung magkagayo’y lalaki ang gastos nila sa bawat pelikulang gagawin. Hindi nila
masang-ayunan na sila’y gumastos nang malaki dahil sa pangambang kumita lamang sila nang
maliit.
Tama na yan! Kung gusto ninyo talagang kumita hindi na kailangan pa ang paghuhubad sa
pelikula. Dapat ay gumawa ng mga pelikulang makapagpapabago ng masamang pag-uugali at
mag-aangat sa kalagayang panlipunan ng mga Pilipino.
1. Ano ang isyung inilahad sa teksto?
a. Ang pagbabawal sa pagpapalabas ng malalaswang pelikula sa mga sinehan ng SM
b. Masamang dulot ng malalaswang pelikula.
c. Kawalan ng kita ng mga prodyuser.
2. Ano ang tawag sa tekstong humihikayat sa mambabasang tanggapin ang kanyang posisyon sa
isyu?
a. narativ
b. informativ
c. argumentative
3. “Tama lang ang desisyon ng SM Management dahil ang ganitong pelikula ay
nakapagpapababa ng ating moralidad.” Ang pangungusap na ito’y nagpapahayag ng
a. pagsang-ayon
b. pagtutol
c. pag-aalinlangan
4. Saang bahagi ng teksto unang makikita ang paninindigan ng sumulat hinggil sa isyu?
a. unang talata
b. gitnang talata
c. pangwakas na talata
6
5. “Hindi nila masang-ayunan na sila’y gumastos nang malaki dahil sa pangambang kumita
lamang sila nang maliit.” Anong damdamin ang nangibabaw sa pangungusap na ito?
a. pagkalungkot
b. pagka-awa
c. pag-aalala
Kunin mo na sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Nasagot mo bang lahat ang tanong? Kung
hindi, huwag kang mamroblema. Pag-aralan mo na ang modyul na ito.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub – Aralin 1:
Mga Salita/Pangungusap
na Nagpapakilala ng Damdamin,
Kaisipan/ Mensahe
Handa ka na ba kaibigan? Dumako na tayo sa isa sa mga mahahalagang bahagi ng modyul na
ito. Sa bahaging ito’y tiyak kong marami kang matututunan. Isipin mo lamang na malaki ang
kapakinabangan nito sa iyo.
Layunin:
Ang araling ito’y magtuturo sa iyo ng mga salita / pangungusap na nagpapakilala ng
damdamin, kaisipan/ mensahe sa tekstong iyong binabasa.
Hinding-hindi ka mahihirapan dahil ipaliliwanag ko sa iyo kung anu-ano ito at bibigyan kita
ng mga halimbawa.
A. Alamin
7
Galit, panghihinayang, pandidiri, kalungkutan, takot at kasiyahan… minsan mo na ba itong
naramdaman? Paano mo ito ipinakikita o ipinahahayag? Basta na lamang ba ito pumapasok sa iyong
isip? Tama ka kaibigan! Ang mga emosyong binanggit ko ay mga damdaming galing sa puso at
hindi dikta ng isip.
Sa buhay natin ay may iba’t ibang pangayayaring dumarating. Minsan ang iba’y hindi natin
inaasahan. Ang mga pangyayaring ito’y maaring magbigay sa atin ng sari-saring damdamin.
Tingnan mo ang mga larawan at pag-aralan ang mga pahayag ng mga tauhan.
Ano ang damdaming ipinahahayag sa bawat larawan?
Mahal ko… bakit mo ako iniwan?
Labis pa rin akong nalulungkot
kapag minamasdan ang larawan na
tanging alaala mo sa akin?
Yehey! Sa wakas ako rin ang
nanalo!
8
Ibigay mo sa
akin ang lahat
ng pera mo
kundi papatayin
kita!!!
Huwag po.. maawa
na po kayo sa akin…
kunin n’yo na po ang
lahat ng gusto n’yo
wag n’yo lang po
akong patayin…
Galit na galit
ako sa iyo!!!
May araw ka
rin sa akin!!!
Palimos po ng
konting barya…
pambili ko lang po
ng pagkain…
O heto, kawawa
ka naman bumili
ka na ng makakin
mo…
9
Naipakita ba sa mga dayalog ang nararamdaman ng mga tauhan? Ano ang ipinahahayag sa
una? Tama, kalungkutan. Anong mga salita ang nagpapahayag nito? Oo, sa mga salitang “labis pa rin
akong nalulungkot” ipinahayag ng tauhan ang kalungkutang kanyang nadarama. Ano naman ang
ipinahahayag sa ikalawang dayalogo? Kaligayahan nga! Tama, hindi ba’t ang salitang “yehey”ay
nagpapahayag ng kasiyahan? Sa ikatlong dayalog, ano naman ang ipinahahayag ng lalaking
naholdap? Tama, takot. Ano namang mga salita ang nagpahayag nito? Ganoon nga, ang mga salitang
“Kunin n’yo na po ang lahat sa akin, wag n’yo lang akong patayin.” Malinaw na naipahayag ng
tauhan ang kanyang naramdaman. Ano naman ang ipinahahayag sa ikaapat na dayalog? Tama,
matinding galit. Anong mga salita ang nagpahayag nito? Yun nga, ang mga salitang “galit na galit
ako sa iyo” ang nagpapatunay na ito nga ang nadarama ng tauhan. Sa ikalimang dayalog, anong
damdamin naman ang ipinahayag ng babaeng nagbigay ng limos sa batang pulubi? Tama, pagkaawa.
Tiyak kong naunawaan mo agad ito sa ipinahayag niyang mga salita tulad ng “kawawa ka naman”,
hindi ba?
Ito ang malinaw na mensaheng hatid ng mga pag-uusap sa larawan.
Kung susuriin mo ang ekspresyon ng mukha ng mga tauhan ay tiyak kong masasabi mo rin
ang kanilang nararamdaman.
Upang matulungan tayo na higit na maunawaan ng ating kapwa, mahalagang maipahayag
natin nang malinaw at maayos ang ating nararamdaman.
Gayundin sa pagpapahayag ng emosyon o damdamin, gumagamit tayo ng mga salitang
naglalarawan ng ating mga nadarama.
Halimbawa: takot, galit, saya, lungkot, awa, kaba, panghihinayang atbp.
B. Linangin:
Naunawaan mo ba ang mga ipinaliwanag ko? Tandaan na hindi lamang sa ekspresyon ng
mukha at kilos ng katawan maipakikita ang ating damdamin o nararamdaman. Higit sa lahat sa mga
pananalitang ating binibitiwan.
Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na talata.
Anu-anong damdamin ang ipinakikita nito?
10
Tunay na Diwa ng Paglalaro
Josua A. Bedana
Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres
Nakatutuwang pagmasdan ang mga batang walang kapaguran. Kita sa
kanilang mga mukha ang kaligayahan at hindi sila kakikitaan ng pagkasawa sa
kanilang ginagawa.
Maya maya’y maririnig mula sa kanila ang kantiyawan at inisan. Wika ng
batang natalo ‘‘nadaya kasi ako eh!’’ ‘’ang sabihin mo hindi ka talaga
marunong’’, sabay ang matunog na tawanan. Patuloy ako sa pagmamasid. Nang
biglang ang pinakamaliit na bata sa nagsisigpaglarong iyon ay nawalan ng
panimbang sa kanyang pagtalon at bigla siyang bumaliktad. Hindi nag-aksaya ng
panahon ang mga kalarong bata, agad siyang binuhat ng mga ito at inihatid sa
kanilang tahanan. Makikita sa kanilang mukha ang takot at awa sa kanilang
kalaro. Itinigil nila ang kanilang ginagawa at sama-samang naupo sa isang sulok
na punung-puno ng kalungkutan.
Sa mga batang ito, makikita ang tunay na kahulugan ng paglalaro. Isang
bagay na maipagmamalaki at nararapat tularan.
Napansin mo ba ang damdaming ipinahayag ng talatang binasa?
Sa talatang binasa, pansinin mo ang mga salitang may salungguhit tulad ng nakatutuwa,
kaligayahan, takot, awa, kalungkutan. Ang mga salitang ito ay pawang nagpapahayag ng damdamin
ng tao. Alam kong minsan sa buhay mo ay naramdaman mo na ang mga ito.
Ano naman ang ipinahahayag ng pangungusap na “Nadaya kasi ako eh!” ? Maaaring galit,
hindi ba?
Halimbawa lamang iyan kaibigan ng sinasabi kong mga pananalitang nagpapakilala ng
damdamin.
11
Ano naman kaya ang tawag sa nais ipaabot ng may-akda sa tekstong ating binasa?
MENSAHE / KAISIPAN – ito ang diwang nais ipaabot ng tekstong ating binabasa.
Hindi lamang ang damdamin ang dapat na unawain. Kasabay dito ang pag-unawa sa
mensaheng nais ipahatid.
Narito ang isa pang teksto. Basahin mo ang pamagat. Ano ang kahulugan ng mapapako?
Tama, hindi matutupad. Ano kaya ang ipinangako? Alamin mo sa iyong pagbabasa.
Bago Magbitiw ng Pangako Tiyakin na Hindi Mapapako!
BINABATIKOS ngayon ng ilang civil society group si Presidente Arroyo
dahil sa pagbabago ng isip nito tungkol sa mga bibitayin ngayong taon.
Una kasi ay naghayag ang Malacañang na hindi ito magbibigay ng reprieve o
pagpapaliban sa pagbitay sa mga death convict.
Nakatakda sanang bitayin sa Setyembre 30 si Ruben Suriaga, nagkasala sa
kasong kidnap-for-ransom.
Pero dahil lumambot ang puso ng Malacañang ay iniutos nito na sa
Disyembre 29 na lang ipagpatuloy ang pagsaksak ng lethal injection kay Suriaga.
Kaya naman maraming grupo ang ang nagtaas ng kilay nang baguhin ng
Malacañang ang desisyon nito.
Wika nga nila eh, “Ano ba talaga Ate?”
Oho, may kapangyarihan ang ating pangulo na ipagpaliban ang itinakdang
araw sa pagbitay sa mga detah convict.
Ito ang isa sa kanilang kapangyarihan. Pero sana ay hindi na nagbibitiw pa
ng mga pangako o salita nang sa ganoon ay hindi ito nasisilip ng ilang grupo.
Hindi po ba mas maigi iyong tahimik ka lang para kung may gusto kang
ibahin sa iyong plano e magagawa mo ito nang hindi makakakuha ng puna sa iba.
Lumalabas kasi na kapag nangako ka at pagkatapos ay iibahin mo - wala
kang isang salita, ‘di po ba?
12
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Bakit binabatikos ng ilang civil society groups si
Presidente Arroyo? Dahil sa pagbabago sa isip niya tungkol sa mga bibitayin ngayong taon. Ano nga
ba ang kanyang ipinangako? Tama ka, ang pagbitay sa mga death convicts sa Setyembre 30 na
ipinagpaliban at iniutos na ituloy na lamang sa Disyembre 29.
Ano ang mensahe /kaisipan ng teksto?
Malinaw na ipinaaabot ng sumulat nito na labis na ikinagagalit ng ilang civil society groups
ang pagbibitiw ng pangako ng pangulo na hindi naman natupad o napako! Anong mga pangako ng
pangulo ang napako? Tama, napako ang mga pangako ng pangulo na pagbitay sa mga death convicts
ngayong Setyembre at ang pagsasaksak ng lethal injection kay Ruben Suriaga na nagkasala sa kasong
kidnap for ransom.
Pag-aralan mong mabuti ang ilang pahayag mula sa teksto. Pansinin ang mga salitang may
salungguhit. Anong damdamin ang ipinahahayag sa bawat pangungusap?
1. Binabatikos ngayon ng ilang civil society group si Presidente Arroyo dahil sa pagbabago ng
isip nito sa mga bibitayin ngayong taon.
2. Dahil lumambot ang puso ng Malacañang ay iniutos ng pangulo na sa Disyembre na lang
ipagpatuloy ang pagbitay.
3. Maraming grupo ang nagtaas ng kilay nang baguhin ng Malacañang ang desisyon nito.
4. Wika nga ng ilan eh, “Ano ba talaga Ate Glo?”
5. Kapag nangako ka at pagkatapos ay iibahin mo, ay lalabas na wala kang isang salita! Di po
ba?
Sa pangungusap bilang isa, GALIT ang damdaming nangibabaw at madali mo itong makikilala
dahil sa salitang BINABATIKOS na nangangahulugan ng labis na pagtutol.
Sa ikalawang pangungusap naman ay PAGKAAWA ang naramdaman ng Malacañang kung
kaya’t ipinagpaliban na ang pagbitay.
PAGKAINIS naman ang ipinahahayag ng ikatlo hanggang ikalimang pangungusap dahil sa
pabagu-bagong desisyon ng pangulo.
13
Ito rin ba ang iyong sagot? Kung gayon ay naunawaan mo nga ang ating tinalakay. Marahil ang
mga salitang may salungguhit ang nakatulong sa iyo upang tukuyin ang damdaming nangibabaw sa
bawat pangungusap.
C. Gamitin
Talaga nga bang natutunan mo na ang aralin? Subukan mong gawin ito.
Basahin mo ang sumusunod na teksto. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kasunod.
Kabataan at Droga
Ma. Kristina M. Molera
Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres
Disyembre, 2003
1. Galit , panghihinayang , pandidiri , kalungkutan at takot... sari-saring mga emosyong siyang
umaalipin sa akin tuwing mababanggit ang salitang droga. Wasak na kinabukasan lamang ang
tanging naidudulot nito na ang higit na napipinsala ay ang mga kabataan.
2. Madalas natatapos, ang aking pag-iisip sa pagbangon ng galit sa aking dibdib dahil sa
kaalamang napakaraming kabataang tulad ko ang nahuhumaling sa bawal na gamot lalo pa’t
ang karaniwang dahilan lamang ng paggamit nito ay upang saglit na makalimot sa kanilang
mga suliranin na hindi kailanman matatakasan!
3. Tuwing masasaksihan ko sa mga programang tumatalakay sa mga dulot ng bawal gamot sa
mga kabataan, nababalot ng panghihinayang ang aking puso. Lubos akong naaawa hindi
lamang sa mga biktima nito ngunit higit sa ating bansa. Nasaan na ang mga kabataang
sinasabing pag-asa ng bayan? Higit akong nangangamba kung ano ang maaaring mangyari sa
hinaharap kung magpapatuloy ang paglaganap ng salot na ito.
14
4. Habang lumalawak ang kaalaman ko tungkol sa masasamang dulot ng droga, hindi lamang
mga ipis at daga ang aking pinandidirihan kundi pati na rin ang mga taong kasangkot sa
patuloy na paglaganap nito na tunay na winawasak ang buhay at kinabukasan ng mga biktima
ng bawal na gamot. Hindi ko lubos maisip na karamihan sa mga maykapangyarihan at
nagpapatupad ng batas na nararapat mangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan ay siya
pang napatutunayang nagpalaganap ng bawal na gamot.
5. Ibayong kalungkutan ang sa tuwina’y nararamdaman ko habang naglalaro sa aking isipan
ang ilan sa mga nakaririmarim na kinahihinatnan ng kapusukang dulot nito . Pinatutunayan
lamang ito ng mga krimeng karaniwang may kagagawan ay mga taong lulong sa droga.
Karamihan pa sa mga biktima ay ang mga kabataang babae na ginagahasa at pagkatapos ay
pinapatay o di kaya’y mga patayan o massacre na kung minsan ay buong pamilya pa.
6. Kung isang matatag na republika ang ninanais ng lahat, ngayon pa lamang ay kailangan
nang putulin ang kahibangan ng mga taong ito dahil wala namang mabuting naidudulot sa
katawan lalo’t higit sa isipan sa halip ay isa pa itong kasangkapan na pumipigil sa
kaunlaran ng lahat ng sektor ng lipunan ng ating bansa.
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Pansinin mo ang pamagat nito, “Kabataan at Droga”
Tungkol saan ito? Sa masamang dulot ng droga sa mga kabataan? Tama, ang teksto ay naglalaman ng
mga hindi magagandang dulot ng droga sa mga kabataan. Anu-anong mensahe ang nais ipabatid ng
may-akda sa iyo? Suriin mo ang teksto.
Ganito rin ba ang sagot mo? Malinaw na ipinababatid ng may akda na:
• Wasak na kinabukasan ang dulot ng droga.
• Ang mga krimeng nangyayari sa paligid ay kagagawan ng mga taong lulong sa droga.
• Kailangang putulin na ang kahibangan ng tao sa droga dahil wala naman itong buting
maidudulot sa katawan at isipan.
• Ang droga ay pumipigil sa kaunlaran ng lahat ng sektor ng lipunan ng bansa.
Anu-anong mga salita/pangungusap sa teksto ang nagpapahayag ng sumusunod na damdamin:
panghihinayang, awa, pangamba, pandidiri at lungkot.
15
Sa ikatlong talata, sa pangungusap na, “Tuwing masasaksihan ko ang mga programang
tumatalakay sa mga dulot ng bawal na gamot sa mga kabataan nababalot ng panghihinayang ang
aking puso”. Malinaw na PANGHIHINAYANG ang damdaming nangibabaw dito, di ba?
Samantalang AWA naman ang naramdaman ng may-akda nang sabihin niyang “Lubos akong naaawa
hindi lamang sa mga biktima ngunit higit sa ating bansa.” PANGAMBA naman ang damdaming
nangibabaw sa pangungusap na, “Nasaan na ang mga kabataang sinasabing pag-asa ng bayan?”
Hindi ba’t ang pangungusap na ito ay naglalarawan ng pangamba dahil sa maraming kabataan na
sinasabing pag-asa ng bayan ang nalululong sa droga at pinangangambahan ng may-akda na kung
magpapatuloy ang ganito ay ano pa ang mangyayari sa hinaharap.
PANDIDIRI naman ang ipinahahayag sa ikaapat na talata, sa pangungusap na, “Hindi lamang
mga ipis at daga ang aking pinandidirihan kundi pati na rin ang mga taong kasangkot sa patuloy na
paglaganap nito na tunay na winawasak ang buhay at kinabukasan ng mga biktima ng bawal na
gamot.”
KALUNGKUTAN naman ang ipinahahayag ng ikalimang talata sa pangungusap na,
“Ibayong kalungkutan ang sa tuwina’y nararamdaman ko habang naglalaro sa aking isipan ang ilan
sa mga nakaririmarim na kinahihinatnan ng kapusukang dulot nito”.
Ganito rin ba ang iyong naging kasagutan? Kung hindi mo nakuha ang mga tamang sagot
ipagpatuloy mo lang ang iyong pag-aaral.
D. Lagumin
Narito kaibigan ang mga dapat pang idagdag sa iyong kaalaman tungkol sa mga araling
tinalakay. Tandaan mo na sa pamamagitan ng mga salita o pananalitang nagpapahayag ng damdamin,
malinaw at maayos mong maipapahayag ang iyong nadarama. Sa tulong nito ay madali mo na ring
mauunawaan ang damdamin ng iyong kausap at ang mensahe na nais niyang ipabatid sa iyo.
Sa kabuuan, narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan at isaalang-alang
upang madaling matukoy ang damdamin ng kausap at mensaheng hatid ng tekstong binasa:
• Ang isang damdamin ay maaaring maipahayag sa iba’t ibang paraan.
• Sa anumang pakikipag-usap, mahalagang isipin natin ang sinasabi ng kausap upang madali
mong maunawaan ang kanyang nadarama.
• Ang ekspresyon ng mukha ng ating kausap ay makapagbibigay sa atin ng signal kung anong
mensahe at damdamin ang kanyang nais na ipahayag.
16
• Makatutulong din sa pagtukoy sa damdamin at intensiyon ng kausap ang kaalaman sa iba’t
ibang pananalitang kanyang ipinahahayag.
Naunawaan mo na ba kaibigan? Kung hindi mo ito gaanong naunawaan, maaari mong balikan
ang mga tinalakay na aralin at ihanda ang iyong sarili sa pagsagot sa SUBUKIN ng araling ito.
Handa ka na ba? Simulan mo na.
E. Subukin
I. Panuto: Punan mo ng angkop na salitang nagpapahayag ng damdamin ang mga patlang.
1. Ipinahayag ng hurado na nanalo ka sa “singing contest” na iyong sinalihan. Nabigla ka at
napatalon sa sobrang ____________________.
2. Matagal nang nasa ibang bansa ang iyong ama. Sa wakas ay muli siyang bumalik kung kaya’t
nag-uumapaw na _______________ang iyong nadama.
3. Ang isa sa iyong mga kaibigan ay naaksidente. Nagluksa kayo at _________________ sa
pagpanaw niya.
4. ___________ ang nadarama mo sa tuwing maaalala mo ang karumal-dumal na sinapit ng
batang hinoldap kung kaya’t hindi ka na rin nagpapagabi sa daan.
5. Nabunggo ng sasakyan ang isang batang babae. Mabilis na umalis ang tsuper sa lugar ng
aksidente kung kaya’t ___________ na hinabol ito ng mga pulis.
II. Panuto: Basahin ang sumusunod na teksto. Tukuyin ang mensahe / kaisipan nito. Piliin ang letra
ng tamang sagot.
1.
a. Matutong magtipid upang hindi makaranas ng paghihirap.
b. Hanggat may panggastos dapat lang na bilhin anuman ang naisin.
c. Marami ng taong naghihirap dahil sa labis na paggastos.
“Pag may isinuksok, may madudukot “ sa panahon ngayon na kung
saan ay nakararanas tayo ng kahirapan, itaga natin sa bato na ang bawat
sentimong ating ginagastos ay napakalaking bagay upang tayo’y
mabuhay. Huwag nating hayaang mabutas ang ating bulsa nang dahil
lamang sa walang kabuluhang paggastos ng sa gayo’y mabawasan na
ang mga taong naghihirap sa ating bansa.
17
2.
a. Ang mga Pilipino ay may likas na pagpapahalaga sa edukasyon.
b. Dapat magsunog ng kilay sa pag-aaral.
c. Ang edukasyon ay mahalaga.
3.
a. Ang pagtanaw ng utang na loob ay isa sa mga kaugaliang pinahahalagahan natin.
b. Tumulong sa nangangailangan upang ikaw din ay tulungan kung mangailangan.
c. Ang buhay ay puno ng pagsubok kaya dapat na magpakatatag.
4.
a. Maraming kabataan sa ngayon ang di gumagamit ng po at opo.
b. Ang po at opo tulad ng pagmamano ay mga ugaling nagpapakita ng paggalang.
c. Ang musikang Pilipino ay magandang pandinig sa mga matatanda.
Likas na sa ating mga Pilipino lalung-lalo na sa mga kabataan ang
magsunog ng kilay para sa kinabukasan. Sa ganitong pagkakataon,
pinatutunayan lamang na ang bawat isa sa atin ay may pagpapahalaga
sa edukasyon. Edukasyon na siyang magagamit upang maging maayos
ang pamamalakad ng ating bansa.
Sa bawat pagtahak natin sa buhay, dumarating ang pagkakataon na
nangangailangan tayo ng tulong sa ating kapwa. Tulong na ang kapalit
ay ang simpleng “pagtanaw ng utang na loob.” Hindi ba’t isa rin ito sa
mga pinahahalagahan nating kaugalian? Sinasabi ngang “ ang hindi
lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.”
Po at Opo. Mga katagang tila isang magandang musika sa pandinig ng
mga nakatatanda sa atin.Musikang sinasaliwan ng isang magandang
hakbang tulad ng pagmamano. Ang mga ito’y ilan lamang sa mga
gawaing nagpapakita ng paggalang hindi lamang sa mga matatanda
kundi pati na rin sa ating sarili.
18
5.
a. Laging isipin ang kaugaliang mañana habit.
b. Ang pag-unlad ng bansa ay nasa ating mga kamay.
c. Huwag ipagpaliban pa ang magagawa mo ngayon.
6.
a. Tangkilikin ang sariling atin upang tayo ay umunlad.
b. Basta’t imported matibay.
c. Ang mga produktong Pinoy ay mas maunlad na.
Kung natapos ka na sa pagsagot, ihambing mo ang iyong sagot sa mga paliwanag sa ibaba.
Matapat na iwasto ang iyong mga kasagutan.
Narito ang mga tamang sagot para sa Pagsusulit I :
Kaligayahan / tuwa ang dapat na isinagot mo sa una at ikalawang bilang. Ang ganitong damdamin
ang nadarama ng tao kung nananalo sa isang paligsahan o kung nakitang muli ang mahal sa buhay na
matagal na nawalay sa iyo, hindi ba?
Nalungkot naman ang sagot sa ikatlong bilang dahil likas naman sa tao ang malungkot kung may
namatay tayong kaibigan o mahal sa buhay. Takot naman ang nadarama natin kung may krimen na
“Anumang gawain ay gumagaan sa tuluy – tuloy na pamamaraan.” Ito
ang lagi nating isaisip sa tuwing ipinagpapaliban natin ang gawaing
kaya namang gawin ngayon. Talagang nakatatak na sa ating isipan ang
kaugaliang mañana habit.
“Colonial Mentality” -ito’y isa pang kaugaliang hindi maiwasan ng
mga Pilipino. Ika nga “imported eh, kaya matibay, sikat!” Minsan
nakakalimutan na nating tangkilikin ang sariling atin. Ang mga mata
nati’y nakatuon na lamang sa mga produktong dayuhan at kung
magkakagayon, mas mauunahan pa nila tayong umunlad. Pero bago
mangyari yon, “Tangkilikin ang sariling atin.”
19
naganap lalo’t atin pa itong nasaksihan. Galit naman ang sagot sa ikalimang bilang dahil nga sa
sinapit ng bata na tinakbuhan pa ng mga nakabundol dito.
Pagsusulit II.
1. A
2. A
3. A
4. B
5. C
6. A
Ilan ang nakuha mong tamang sagot? Kung nakakuha ng anim na tamang sagot pataas, ay
maaari ka ng magtungo sa ikalawang aralin ng modyul na ito. Kung lima pababa ang iyong iskor,
pumunta ka sa Paunlarin. Inihanda ko ito upang mabalikan mo sa iyong alaala ang araling tinalakay.
F. Paunlarin
Basahin at unawain mo ang tekstong ito. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Hugis ng Ating Pagkatao
Joselyn B. Racusa
Ang Sulo-Disyembre, 2002
1. Maraming kahulugang ibinibigay ang mga sikologo sa malalim na pag-
uugali ng isang indibidwal. Ang ating paboritong hugis , ang lungkot, galit, kaba
at ang mga hindi natin nagugustuhan ay may kanya-kanyang kahulugan.
2. Ayon kay Susan Dellinger , Shape at Personality Theorist , ang hugis ay
isang batayang elemento sa araw-araw na pamumuhay at may malalim na
kaugnayan ito sa ating kamulatan. Ang isang hugis na pinakaiiwasan ng isang tao
ay nagpapakita ng kanyang personalidad.
3. Sinasabing ang hindi sang-ayon sa hugis tatsulok ay masayahin at madaling
makihalubilo sa kapwa. Taglay rin ang ugaling “bahala na” at malugod na
tinatanggap ang lahat ng bagay na mayroon na.
4. Madali kang kumilos kung ang parihabang hugis ay hindi kaaya-aya para
sa iyo. Madaling makiayon sa mga taong nasa kapangyarihan at matibay ang
kanilang pagtitiwala sa sarili.
20
5. Habang inis ka naman sa hugis bilog ikaw ay tapat na kaibigan. Maingat
kang pumili ng iyong kaibigan. May kakayahan kang gawin silang masaya at
maging ang pagmamahal at pagkalinga mo sa kanila ay itinuturing mong isang
karangalan.
6. Kung sa tingin mo ang paliku-likong hugis ay hindi kaakit-akit,
masasabing ika’y masayang tagapamagitan at tagasunod, mahusay na
tagapagsalita at masusing tagapakinig sa lahat.
7. Kung kwadrado naman ang pinakaayaw mo, kalayaan at kasarinlan ang
iyong mga nais. Malikhain at masayahin kang tao at nais mong mailabas ang
kakayahan ng iyong imahinasyon.
8. Sa lahat ng nilalang ng Diyos, ang tao ang sinasabing natatangi, hindi
lamang dahil sila’y may kakayahang mag-isip kundi dahil mayroong higit na
pagnananis na mapaunlad ang kanilang sarili. Maging anuman ang hugis ng ating
pagkatao, nasa ating mga kamay pa rin nakasalalay ang pagkakamit ng ating
tagumpay.
A. Panuto: Punan ng tamang sagot ang tsart.
Talata Salita/Pananalitang Nagpapahayag ng Damdamin
Blg. 1
Blg. 3
Blg. 5
Blg. 6
Blg. 7
B. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang ng mga mensahe/ kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
_____1. Ang paboritong hugis ng tao ay nagpapakita ng kanyang personalidad.
_____2. Sinasabi ng mga sikologo na sa paboritong hugis maibibigay ang malalim na pag-uugali ng
isang indibidwal.
_____3. Sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao ang sinasabing natatangi dahil sila’y may kakayahang
mag-isip.
21
_____4. Ang tao ay mayroong higit na pagnanais na mapaunlad ang sarili.
_____5. Ang parihabang hugis ay higit na kaaya-aya kaysa iba pang hugis.
_____6. Maging anuman ang hugis n gating pagkatao, nasa ating mga kamay pa rin nakasalalay ang
pagkakamit ng tagumpay.
Muli kaibigan, iwasto mo ang iyong mga sagot, ihambing mo ito sa mga sagot sa ibaba.
A.
Talata Salita/Pananalitang Nagpapahayag ng Damdamin
Blg. 1 Lungkot, galit, kaba
Blg. 3 Masayahin
Blg. 5 Inis, masaya
Blg. 6 Masaya
Blg. 7 Masayahin
B. Ang mga sumusunod na bilang ang dapat na nilagyan mo ng tsek (/). Ito ang mga
mensahe/kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
1. Sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao ang sinasabing natatangi dahil sila’y may kakayahang
mag-isip.
2. Ang tao ay mayroong higit na pagnanais na mapaunlad ang sarili.
3. Maging anuman ang hugis ng ating pagkatao, nasa ating mga kamay pa rin nakasalalay ang
pagkakamit ng tagumpay.
22
Sub – Aralin 2:
Pagtukoy sa Paksa ng Teksto sa Tulong ng Pamagat,
Pangunahing Kaisipan at Pansuportang Detalye
Layunin:
Nawili ka ba sa pag-aaral sa unang aralin? Dumako na tayo sa ikalawang araling inihanda ko.
Tiyak kong magiging kawili-wili rin ito para sa iyo.
Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa ibayong paglinang ng
iyong kasanayan sa pang-unawa sa tekstong iyong binabasa. Inilalahad sa araling ito ang ilang tiyak
na teknik para sa mabisang pagtukoy sa paksa ng teksto sa tulong ng pamagat, pangunahing kaisipan
at pansuportang detalye.
Halina’t basahin mo at unawaing mabuti ang mga paliwanag ko tungkol dito.
A. Alamin
Ano ang unang ginagawa ng isang mahusay na mambabasa? Ang unang ginagawa ng
mahusay na mambabasa tungo sa pag-unawa ay ang pagtukoy sa paksa ng tekstong binasa. Ano ang
paksa?
Ito ang nagsasaad kung ano ang ideyang pinagtutuunan ng pansin .
Alam mo ba ang paraan para matukoy mo ang paksa ng teksto? Isa na rito ang pagsusuri sa
pamagat. Kapag nakuha mo ang paksa, madali nang kunin ang pangunahing ideya.
O, huwag kang panghinaan ng loob. Iyan ang ituturo sa iyo ng modyul na ito.
Sige, magpatuloy ka na.
23
B. Linangin
Ang isang teknik na makatutulong sa pagtukoy sa paksa ay ang pagkilatis sa pamagat.
Maraming mambabasa ang hindi gaanong nagbibigay-pansin sa pamagat ng teksto. Sa katunayan,
malimit na ipinahihiwatig ng pamagat ang paksa ng isang teksto.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Pansinin ang pamagat:
Ano sa palagay mo ang paksa? Siguro ay pagpapatupad ng curfew sa Maynila, di ba?
Basahin mo ang teksto at tingnan kung tungkol nga sa pagpapatupad ng curfew sa Maynila
ang paksa nito.
Tama ang hula natin, ano?Tungkol nga sa pagpapatupad ng curfew sa Maynila ang paksa ng
teksto. Malinaw nga na natukoy ang paksa ng teksto sa tulong ng pamagat.
Pagkatapos mong matiyak ang paksa ng isang teksto, ang susunod na dapat mong itanong sa
sarili ay ganito:
“Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa? Ang sagot sa tanong
na ito ay ang pangunahing ideya o kaisipan ng teksto.
Ang pangunahing ideya / kaisipan ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng
isang teksto.
Curfew: Ipinatutupad na sa Maynila
Isang ordinansa ang ipinaiiral ngayon ng pamahalaang Lungsod
ng Maynila. Ito ay ang pagpapatupad ng curfew sa Maynila. Malinaw na
ipinatutupad ang curfew sa mga kabataang may 17 taong gulang pababa
sa Lungsod ng Maynila. Magsisimula ito ng ika - 10 ng gabi hanggang
ika - 4 ng umaga. Aarestuhin at parurusahan ang mga kabataang lalabag
sa curfew.
“Curfew: Ipinatutupad na sa Maynila”
24
Magiging madali ang pagtukoy sa pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto kung
itatanong mo sa iyong sarili ang sumusunod na mga tanong.
Ano ang paksa o tapik ?
Ano ang nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa? (Ang pangunahing ideya ang sagot sa
tanong na ito).
Mahalaga ang pagtukoy sa paksa at pangunahing ideya ng isang teksto para sa lubusang pag-
unawa nito.
Ang isang teksto ay binubuo rin ng mga pangungusap na nagtataglay ng mga pansuportang
detalye. Ang mga pansuportang detalye ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang
maunawaan ito nang lubos.
Ang mga pansuportang detalye ay nagtataglay ng mahahalagang impormasyon na tumutulong
sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang tekstong binasa. Gayundin nagtataglay ito ng
mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang
pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos,
istatistika at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigay-suporta sa pangunahing ideya.
Mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng suporta sa
pangunahing ideya / kaisipan dahil sa:
1. ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing ideya / kaisipan.
2. nakatutulong ang mga ito para madaling matandaan ang mahalagang impormasyon sa isang
teksto.
3. makatutulong din ito upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto.
Ang pagtatamo ng mga kasanayan sa pagtukoy sa paksa, pangunahing ideya / kaisipan at mga
pansuportang detalye ng isang teksto ay isang magandang simula upang ikaw ay maging epektibong
mambabasa.
Naging malinaw ba sa iyo ang mga ipinaliwanag ko? Tingnan natin. Heto pa ang isang teksto.
Basahin mong mabuti at alamin ang paksa o tapik. Tukuyin o buuin ang pangunahing ideya / kaisipan
nito, pagkatapos.
25
Musika...Musika...Musika...
Mary Dimple S. Dolatoa
Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres
Nobyembre, 2002
Musika...musika...musika... isang himig na napakasarap sa
pandinig. Alam ba ninyo na bukod sa nagpapagaan ito ng ating
damdamin ay may malaking naiaambag din sa larangan ng medisina?
Napag-alaman ng mga siyentipiko na ang kapangyarihan ng
musika ay kayang magpaalis ng stress sa isang tao. Dahil sa
pamamagitan nito naipapahinga ng indibidwal ang kanyang katawan at
maging ang pag-iisip kaya naman ito ay nakababawas sa kanyang mga
alalahanin.
Ayon sa propesor na si Richard Fratianne, ang musika ay
nakababawas din sa sakit at kirot na nararamdaman ng isang pasyente
matapos ang isang operasyon. Nakatutulong din ito na mapabilis ang
paggaling ng taong maysakit. Kaugnay nito, ang mga manggagamot
noong unang panahon ay gumagamit ng musika upang gamutin ang ilang
problema sa puso, maialis ang depression at maging ang insomia o hindi
pagkatulog ay nagagamot din nito.
Samantala, naniniwala naman ang mga babaeng nagdadalang-tao
na ang sanggol ay dapat na pinakikinig ng musika habang nasa
sinapupunan pa lamang upang ito ay lumaking aktibo at matalino. Mas
makabubuti sa mga sanggol kung inyong iparirinig ay musikang
instrumental tulad ng mga likha nila Mozart at Beethoven.
Sa kasalukuyan, may mga katibayang nagpapatunay na ang
musika rin ay tumutulong sa pagpapagana ng ilang bahagi ng utak tulad
ng memorya, emosyon at iba pa.
Sadyang makapangyarihan ang musika hindi lamang sa puso
kundi maging sa pag-iisip ng isang tao. O, kayo, buksan na ang inyong
mga radyo upang mapatunayan ang tunay na galing ng musika!
Ano ang paksa ng binasa mo?
Ang malaking ambag ng musika sa larangan ng medisina, di ba? Nakuha mo rin ba ang
pangunahing kaisipan? Sa anong talata ito makikita? Talata ___, talma. At ano ang pangunahing
kaisipan? Ang sagot mo ay _____. Mga natuklasan ng mga siyentipiko na kapangyarihan ng musika
26
Anong karagdagang impormasyon ang nais na ipabatid ng may- akda upang lubusan mong
maunawaan ang pangunahing ideya?
Ang tanong na ito ay madali mong masasagot kung bubuo ka ng isang tanong na maglalahad
ng pansuportang detalye tulad ng tanong na ito:
Pag-aralan mo ang mga sagot sa tanong na ito kung tumutugon sa pangunahing ideya ng
teksto.
Napag-aralan ng mga siyentipiko ang kapangyarihan ng musika:
1. kayang magpaalis ng stress sa isang tao.
2. nakababawas din sa sakit at kirot na nararamdaman ng isang pasyente matapos ang
operasyon.
3. nakagagamot ang problema sa puso, ng depression maging ng insomia o di pagkatulog.
4. nakatutulong na lumaking aktibo at matalino ang sanggol na nakikinig ng musika habang
nasa sinapupunan ng ina.
5. nakapagpapagana ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba pa.
Ngayon kaibigan, naunawaan mo na ba ang tekstong iyong binasa?
C. Gamitin
Lahat ng binabasa mo, maging ito’y babasahing pangwika o pampanitikan ay nagbibigay ng
mga detalye. Napakahalaga ng mga ito sa pagbibigay ng pangunahing ideya.
Unawain mong mabuti ang halimbawang ito at itala sa iyong notbuk ang pangunahing detalye.
Narito ang detalye sa tekstong binasa:
Anu-anong kapangyarihan ng musika ang natuklasan ng mga siyentipiko?
Hindi mabilang ang namatay at nagkadurug-durog na katawan sa tatlong napakalakas
na pagsabog na naganap kaninang hatinggabi sa isang gusali sa Davao.
Ang pagsabog na dulot umano ng isang napakalakas na bomba ay nangyari dakong
alas 11:30 ng hatinggabi sa loob ng isang gusali sa Davao City kung saan nakitang nagkalat
ang mga bangkay.
Hindi pa matiyak kung ilan lahat ang nasawi dahil nagkapira-piraso ang katawan ng
mga biktima.
27
1. Hindi mabilang ang namatay at nagkadurug-durog na katawan.
2. Tatlong napakalakas na pagsabog ang naganap kaninang hatinggabi sa isang gusali sa
Davao City.
3. Ang pagsabog ay dulot ng napakalakas na bomba.
4. Hindi pa tiyak kung ilan lahat ang namatay dahil nagkapira-piraso ang katawan ng mga
biktima.
Kung katulad nito ang iyong mga sagot ay talaga ngang mahusay ka nang umunawa ng tekstong
iyong binabasa.
Tandaan na maging maikli o mahaba ang teksto, agad mo itong mauunawaan kung tutukuyin mo
muna ang paksa nito, ang pangunahing ideya/kaisipan at ang mga detalyeng sumusuporta sa
pangunahing kaisipan.
Narito pa ang isang teksto. Basahin mo itong mabuti. Itala sa iyong notbuk ang pangunahing
kaisipan at ang mga detalyeng sumusuporta dito.
Mangosteen:Mahika ng Kalikasan
Ni Ligaya Tiamzon Rubin
Liwayway, Disyembre – 2003
May mga nagtataguri sa mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat kakaiba at
natatangi ito. Maaari ring ito ang prutas na sinasabing paborito ni Reyna Victoria ng Great
Britain.
Hugis piramido ang tuktok ng puno ng mangosteen. May katagalan itong lumaki. Brown na
papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay dilaw na dagta. Pinaniniwalaang magiging
mapakla ito kapag natalsikan ng dagta nito ang bunga. May mga daho itong manilaw-nilaw na
berde, makapal, madulas, makinis at hugis oblong. May kumpul-kumpol itong bulaklak na may
tulduk-tuldok na pula. Kaakit-akit tingnan ang mga petalyo nito na kulay berde sa labas at kulay
dilaw sa loob. Tulad ito sa mga ornamental na bulaklak.
Ayon sa mga tala, mula sa Thailand ang mangosteen. May mga nagsasabi naman na mula
ito sa peninsula ng Malay, Molucca at Sunda Island.
Karaniwang makikita ang mga taniman ng mangosteen sa Mindanao. Sa mga tropical na
bansa ito madalas na tumutubo.
28
Ano ang pangunahing kaisipan ng binasang teksto?Tama, Ang mangosteen bilang reyna ng mga
prutas sapagkat kakaiba at natatangi ito.
Anu-ano namang mga detalye ang inilahad sa teksto na nagsasabing kakaiba at natatangi ang
mangosteen?
Sagutin mo ang tanong na ito upang madali mong mailahad ang pansuportang detalye sa tekstong
binasa.
Nasagot mo ba ang tanong?
Ihambing mo ang iyong sagot dito. Ito ang mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan
ng tekstong binasa.
Itinataguri ang mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat kakaiba at natatangi ito dahil sa:
1. hugis piramido ang tuktok ng puno nito.
2. may katagalan itong lumaki.
3. pinaniniwalaang magiging mapakla ito kapag natalsikan ng dagta ang bunga nito.
4. brown na papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay dilaw na dagta.
5. sa mag tropical na bansa ito madalas tumubo.
D. Lagumin
Sapat na kaya ang mga naipaliwanag ko sa iyo upang maunawaan mo ang paksa ng tekstong
iyong binabasa? Natatandaan mo pa kaya ang mga ito?
Tandaan mo na napakahalaga ang detalyeng nakapaloob sa iyong binabasa, sinusuportahan ng
mga detalyeng ito ang pangunahing ideya / kaisipan ng teksto.
Bakit sinasabing kakaiba at natatangi ang mangosteen?
29
Sa kabuuan ng araling ito, madali mong mauunawaan ang tekstong iyong binabasa kung susundin
mo ang dayagram na nasa ibaba.
Naunawaan mo na ba ito? Tingnan ko kung ano na ang natutunan mo sa mga araling
tinalakay. Sagutin mo ang pagsasanay na nasa ibaba tungkol dito.
E. Subukin
A. Panuto: Unawaing mabuti ang mga aytem na nasa ibaba. Piliin ang tamang sagot upang mabuo
ang nais ipahayag nito.
1. Ano ang gustong ipaalam o ipaunawa ng sumulat o may akda tungkol sa teksto? Ang sagot sa
tanong na ito ay ang _________.
a. detalye
b. paksa
c. pangunahing ideya / kaisipan
d. pamagat
PAKSA / PAMAGAT
(Tungkol saan o kanino ang teksto?)
PANGUNAHING KAISIPAN
(Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?)
MGA PANSUPORTANG DETALYE
(Sumasagot sa mga tanong na:)
Sino? Ano? Saan? Kailan? Bakit? Paano?
30
2. Ang ___________ ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung tungkol saan ang teksto.
a. detalye
b. kaisipan
c. mensahe
d. paksa
3. Isang teknik na makatutulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagkilala sa ____________________
ng teksto.
a. detalye
b. mensahe
c. paksa
d. pamagat
4. Ito ang pinakamahalagang kaisipan tngkol sa paksa ng isang teksto.
a. paksa
b. pangunahing ideya / kaisipan
c. pansuportang detalye
d. pamagat
5. Ang mga ______________________ ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang
maunawaan ito ng lubos.
a. paksa
b. pangunahing ideya / kaisipan
c. pansuportang detalye
d. pamagat
B. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na teksto. Isulat ang pangunahing kaisipan ng
bawat isa at pagkatapos ay itala ang pansuportang detalye.
A.
Pangunahing Kaisipan: _______________________________
Pansuportang Detalye: _______________________________
Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang
masustansyang prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C? Ayon
sa mga dalubhasa, and madalas na pagkain ng kamatis ay
nakakatulong upang makaiwas sa kanser sa tiyan.
31
B.
Pangunahing Kaisipan:______________________________________
Pansuportang Detalye: _____________________________________
C.
Pangunahing Kaisipan: _____________________________________
Pansuportang Detalye: _____________________________________
Pagkatapos mong sagutin ang pagsusulit na ito, ihambing mo ang mga naging kasagutan sa
ibaba.
Para sa Pagsusulit A.
1. C
2. D
3. D
4. C
5. C
Ang isdang tuna ay isang malaking salik sa pagpasok ng dolyar sa
ating bansa. Ang Pilipinas ang nangunguna sa pagluluwas ng mga
de latang tuna sa iba’t ibang panig ng daigdig. Mahigit 50% ng mga
tunang ito ay nanggagaling sa Mindanao o sa timog na bahagi ng
bansa. Kabilang na rito ang Golpo ng Moro , Dagat Sulo, Dagat
Bohol, Look ng Batangas at Golpo ng Ragay.
Saging ang pinakamasustansyang prutas na malaki ang
naitutulong sa pagpapalaki ng kalamnan ng ating katawan. Marami ang
nagsasabi na ang saging ay hindi prutas kundi isang uri ng “berry” ang
puno nito ay itinuturing na isang uri ng “herb” Nagtataglay rin ito ng
mga sustansyang tumutulong sa pagpapabilis ng pagbuo ng mga nasirang
tisyu sa ating katawan .
32
Para sa Pagsusulit B, narito ang mga pangunahing kaisipan at pansuportang detalyeng
inilahad sa bawat teksto:
Teksto A.
Pangunahing Kaisipan: Ang kamatis ay nagtataglay ng bitamina A at C.
Pansuportang Detalye: Ang madalas na pagkain ng kamatis ay nakatutulong upang makaiwas sa
kanser sa tiyan.
Teksto B.
Pangunahing Kaisipan:
Ang Pilipinas ang nangunguna sa pagluluwas ng mga de latang tuna sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Pansuportang Detalye:
Mahigit 50% ng mga tunang ito ay nanggagaling sa Mindanao o sa timog na bahagi ng bansa.
Teksto C.
Pangunahing Kaisipan:
Ang saging ang pinakamasustansiyang prutas na malaki ang naitutulong sa pagpapalaki ng kalamnan
ng ating katawan.
Pansuportang Detalye:
Nagtataglay ito ng mga sustansiyang tumutulong sa pagpapabillis ng pagbuo ng mga nasirang tisyu
ng ating katawan.
Ilan ang nakuha mong tamang sagot? Kung tama ang lahat ng sagot mo, maaari ka ng
magpunta sa ikatlong Sub-aralin ng modyul na ito. Kung hindi naman,huwag kang mabahala. Sagutin
mo ang pagsusulit sa Paunlarin. Inihanda ko ito upang mabalikan mo sa iyong alaala ang araling
tinalakay.
33
F. Paunlarin
Ang pagtukoy sa paksa ay mahalagang hakbang sa pag-unawa, ngunit kailangang tiyakin na
alam at nauunawaan mo rin ang kahulugan ng pamagat ng tekstong binabasa.
Huwag isipin na maibibigay mo agad ang pangunahing ideya / kaisipan ng isang teksto sa
pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa sa una at huling pangungusap nito. Kailangang basahin mong
mabuti ang kabuuan ng teksto upang matiyak ang pangunahing ideya.
Tandaan na ang pangunahing ideya / kaisipan ay ang pinag-uusapan sa alinmang teksto. Ito
ang iniikutan ng talakay.
Mahalagang basahin nang may pang-unawa ang anumang teksto upang matukoy ang
pangunahing ideya nito.
Basahin at unawain ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Batas ng Lansangan
Manilyn A. Sison
Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres
Disyembre, 2002
Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng barangay curfew mula ika-10 ng gabi
hanggang ikaapat ng umaga sa may 897 barangay sa anim na distrito ng Maynila sa mga
kabataang 17 taong gulang pababa batay sa City Ordinance No.8046 na itinakda ni manila 6th
District Councilor Julio Logarta.
Layunin ng ipinatutupad na curfew na mapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang
elemento tulad ng pagtutulak at pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot at mga marahas
na pangkat na gumagala sa lansangan tuwing gabi.
Makabuluhan ang layunin ng ordinansang ito- ang pangalagaan ang mga kabataan at
maiiwas sa pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot, pag-inom ng alak, paninigarilyo at
pagsusugal, mailayo sa maimpluwensiyang barkada at lalo’t higit sa lumalalang karahasan sa
bansa na karaniwang nagaganap tuwing gabi.
34
Kaugnay nang pagpapatupad na ito, may mga kaparusahan sa mga mahuhuling kabataang
nasa labas ng bahay sa ganitong oras ng gabi.
Tunay na malaking tulong ang barangay curfew sa paghubog ng mga pag-asa ng bayan.
Magkakaroon ang mga kabataan ng disiplinang pansarili, katangiang makapagpapaunlad sa
kanilang katauhan at paghahanda sa pagiging responsableng mamamayan ng bansa.
Ano ang paksa ng teksto? Tama ka kaibigan, ang paksa ng teksto ay ang pagpapatupad ng
curfew na agad na matatagpuan sa unang talata ng teksto.
Ano naman ang pangunahing ideya nito?
Di ba, “Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng curfew sa Lungsod ng Maynila.
Ang mga sumusunod na talata ay nagbigay sa atin ng mga pansuportang detalye sa
pangunahing ideya. Lagyan ng tsek ang bilang ng mga pansuportang detalye?”
_____1. Mapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang elemento tulad ng pagtutulak at
pagkalulong sa bawal na gamot.
_____2. Mabawasan ang mga kabataang nagkakalat sa kalye.
_____3. Maiwas sa pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsusugal ang mga kabataan.
_____4. Mailayo ang mga kabataan sa impluwensiya ng barkada.
_____5. Mapalaki ang kita ng mga panggabing negosyo.
_____6. Ipatutupad ang curfew sa 897 barangays sa anim na distrito ng Maynila.
_____7. Ang curfew ay para lamang sa mga kabataan sa mga baranggay na sakop ng ika-anim na
distrito ng Maynila.
_____8. Ang mga kabataang 17 taong gulang pababa ay sakop ng curfew.
_____9. Mula ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga ipatutupad ang curfew.
_____10. May mga kaparusahan sa mga kabataang lalabag sa ordinansa.
35
Ihambing dito ang sagot.
Ang mga bilang na ito ang dapat na nilagyan mo ng tsek. Ito ang mga pansuportang detalye sa
tekstong binasa.
1 3 4 6 8 9 10
Anong mga tanong ang babagay sa bawat pansuportang detalye? Ganito ba ang sagot mo?
1. Ano ang layunin ng pagpapatupad ng curfew?
2. Saan ito ipatutupad
3. Sinu – sino ang maapektuhan nito?
4. Kailan ito ipatutupad?
5. Paano magiging makabuluhan ang ordinansang ito sa Maynila?
Kung nasagot mo ang mga tanong, pwede mo nang ipagpatuloy ang pag-aaral sa ikatlong
aralin ng modyul na ito. Kung hindi, balikan mo ang aralin.
Sub – Aralin 3:
Mga Salita / Pangungusap na Nagpapakita ng
Pagsang-ayon at Pagsalungat
Kumusta kang muli kaibigan? Ngayon ay nasa ikatlong bahagi ka na ng modyul na ito. Sana
ay patuloy mo itong gamitin at tiyak na marami ka pang matututunan.
Layunin:
Sa modyul na ito ay inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Nasusuri ang teksto batay sa tiyak na uri nito
2. Nakikilala ang mga salitang nagpapakita ng pagsang-ayon at pagsalungat
3. Nakapagpapakita ng pagtutol o pagsang-ayon sa isang isyu
36
A. Alamin
Minsan makababasa ka ng tekstong tumatalakay ng mga kuru-kuro at opinyon / reaksyon ng
sumulat tungkol sa isang isyu. Kasabay nito ay makakikilala ka rin ng mga salita / pangungusap na
nagpapakita ng pagsang-ayon at pagsalungat at kung paano at kailan ito ginagamit.
Masusubukan mo ring makapagpahayag ng isang mabisang pangangatuwiran tungkol sa isang
napapanahong isyu o paksa.
Iba’t ibang uri na ng teksto ang nakilala mo sa mga nagdaang aralin. Alam mo bang ang mga
tekstong ito ay makikilala rin batay sa kanilang layunin at nilalaman? Handa ka na ba? Sige simulan
mo na.
Pag-aralan natin ang tekstong ARGUMENTATIV. Isa sa layunin ng tekstong argumentativ
ay ang hikayatin ng may-akda ang mambabasang tanggapin ang kanyang paninindigan sa isyu. Ang
nilalaman nito ay ang isyu, ang paninindigan ng may-akda sa isyu at ang kanyang mga argumentong
sumusuporta sa kanyang posisyon. Ito ang isang espesyal na uri ng tekstong PERSWEYSIV na
gumagamit ng katwirang lohikal.
B. Linangin:
Ang tekstong argumentativ, tulad ng ibang teksto ay binubuo ng simula, gitna at wakas na
talata.
Upang higit mong malinawan ito, basahin at unawain mo ang tekstong ito. Alamin ang
pangunahing paksa.
Katarungan Laban sa Karahasan
Mary Grace O. Isorena
Ang Kalahi – Mataas na Paaralang Torres
Enero, 2003
Talagang isang makabuluhang tugon ang muling pagpapatupad ni Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo sa parusang kamatayan bunga ng lumulubhang paglaganap ng kriminalidad
sa mga Tsinoy sa bansa.
Oo, magkahalong damdamin ang ibinubunga ng deklarasyong ito: pag-asa para sa mga
pamilyang nabiktima ng pandurukot na makamit ang katarungan at malaking pagtutol sa panig
37
ng simbahan dahil taliwas ito sa banal na kautusan ng Diyos habang kalungkutan naman ang
bumalot sa puso ng karamihan sapagkat kinakailangan pang kumitil ng buhay ala-alang sa
katiwasayan ng bansa.
Isinasaad sa Saligang Batas ng 1987 ang pagsasawalang-bisa ng parusang kamatayan
subalit muli itong ipinatupad ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1994 kung saan si Leo
Echegaray ang pinatawan ng parusang kamatayan sa salang panghahalay sa kanyang sariling
anak.
Sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Joseph E. Estrada ay muling inalis
ang death penalty dahil hindi siya naniniwalang sapat ito upang mabawasan ang karahasan sa
bansa subalit ngayon sa pamumuno ni Pangulong Arroyo ayaw niyang ipagpaliban sa taong
2004 ang pagpapataw ng nasabing parusa kung saan tinatayang 191 ng death convicts ang
nakahanay sa death row – patunay lamang na laganap pa rin ang kriminalidad sa bansa.
Samantala, dalawang bagay lamang ang maaaring dahilan kung bakit ipatutupad ang
batas sa death penalty. Ang una’y tunay na ninanais ng pamahalaan na mabigyang katarungan
ang mga nabiktima ng pandurukot habang ang ikalawa’y naniniwala ang ating Pangulo na sa
pamamagitan nito’y mababawasan ang kriminalidad sa bansa.
Opo, ang pag-aalis sa moratorium ng parusang kamatayan ay ang nalalabing paraan upang
maitaguyod ang matahimik, maunlad at matatag na republika. Gayundin naman, tungkulin
natin bilang mga mamamayan na pangalagaan ang ating mga sarili at makiisa sa mga
kampanyang inilulunsad ng pamahalaan laban sa kriminalidad at karahasan.
Tungkol saan ang teksto?
Tama, ito ay tungkol sa isyu ng parusang kamatayan.
Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Ang iyong binasa ay isang tekstong argumentativ.
Ano ang paninindigan ng awtor tungkol sa isyu? Ang pagpapatupad nito ang kanyang
pinaniniwalaan, di ba?
Saang bahagi makikita ang tungkol dito? Malinaw na inilahad sa unang talata ang isyu at ang
posisyon ng may-akda sa isyu ng parusang kamatayan- ang pagpapatupad nito ang kanyang
pinaniniwalaan.
Bakit nasabing ito ang kanyang pinaniniwalaan? Ang mga sumusunod na talata ay
sumusuporta sa kanyang paninindigan. Anu-ano ang mga iyon?
38
Una ang pagpapatupad daw nito ay isang makabuluhang tugon sa lumulubhang paglaganap ng
kriminalidad sa bansa.
Ikalawa, ang pag-alis daw ng moratorium ng parusang kamatayan ay ang nalalabing paraan
upang maitaguyod ang matahimik, maunlad at matatag na republika. Makikita itong muli sa huling
talata.
Sa palagay mo bakit niya ito inulit? Okey, Gusto niyang hikayatin ang mambabasa na
tanggapin at makiisa sa kanyang pinaniniwalaan tungkol sa kampanya ng pamahalaan laban sa
kriminalidad at karahasan.
Kung iyong mapapansin may mga salita sa teksto na may salungguhit; talaga, tunay, oo, ano
ang ipinahahayag ng mga ito? Ito ay mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon, hindi ba?
Ano naman ang sinasabi ng hindi, ayaw? Pagtanggi, tama.
Ano ang kahalagahan ng mga salitang ito sa pagbubuo ng isang tekstong argumentativ?
Malaki, sapagkat ang mga salitang ito ay makatutulong upang mapagtibay ng sumulat anuman
ang kanyang posisyon sa isyung tinatalakay, kung siya’y sumasang-ayon o sumasalungat dito.
Sa bawat pagsang-ayon o pagtutol ng tao, napatutunayan ang kalayaang pumili kung sino ang
papanigan, paniniwalaan, sasalungatin o tatanggihan.
Nasa atin ang pagtitimbang-timbang at pasya kung alin ang pipiliin, hindi ba?
Narito pa ang ilang mga pang-abay na panang-ayon;
Oo, opo, oho, tunay, talaga, sadyang, totoo at iba pa.
Halimbawa:
1. Opo, nangangailangan tayo ng higi na maraming mag-aaral sa taong ito.
2. Oo, hihintayin ko ang iyong pagsuporta.
3. Tunay na maraming kabataan ang nahihilig sa kompyuter.
4. Sadyang magkaiba ang mga kabataan noon at ngayon.
39
Sa pagpapahayag ng pagtutol gumagamit ng mga pang-abay na pananggi. Ito ay ang mga pang-
abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagbabawal tulad ng hindi / di, huwag, ayaw, wala at iba pa.
1. ___________ papayagan ng ina na mapahamak ang kanyang anak.
2. ___________ na niyang alalahanin pa ang kanyang masamang karanasan.
3. ___________ nagnanais na ganyan ang mangyari sa kanya.
4. ___________ sana ‘yan ang sinpit mo kung nakinig ka lang sa akin?
5. ___________ mo nang dagdagan pa ang problema ko.
Subukan mong lagyan ng angkop na pananggi ang patlang para mabuo ang mga pangungusap na
pananggi. Ganito ba ang sagot mo?
1. Hindi papayagan ng ina na mapahamak ang kanyang anak.
2. Ayaw na niyang alalahanin pa ang kanyang masamang karanasan.
3. Wala nagnanais na ganyan ang mangyari sa kanya.
4. Di sana ‘yan ang sinpit mo kung nakinig ka lang sa akin?
5. Huwag mo nang dagdagan pa ang problema ko.
C. Gamitin
Ipahayag ang inyong pagsang-ayon o pagsalungat sa sumusunod na mga sitwasyon. Itala ang
sagot sa iyong notbuk.
1. Naniniwala ka sa opinyon ng inyong pangulo sa klase.
2. Hindi ka sang-ayon sa naging pasya ng inyong asosasyon.
3. Sa isang pulong, salungat ka sa mungkahi ng isang kasapi ng inyong samahan.
4. Tama para sa iyo ang parusang pagsususpindi at pagpapaalis sa paaralan ng sinumang mag-
aaral na mahuling kasapi ng isang fraternity o sorority.
40
5. Ikinatutuwa mo ang paghihigpit sa mga mag-aaral ng magsuot ng ID sa lahat ng oras sa loob
ng kampus.
Naipahayag mo ba nang maayos ang iyong pagsalungat o pagsang-ayon sa mga aytem sa
itaas?
Malapit ba ang iyong sagot dito?
1. Iyan ang nararapat. Ganyan din ang palagay ko.
2. Hindi ako sang-ayon sa desisyon ng pangkat.
3. Hindi maaari ang iminumungkahi mo.
4. Ganoon nga. Tama lang na suspindihin at paalisin ang sinumang mag-aaral na kasapi ng
isang fraternity o sorority.
5. Talagang nakatutuwa ang desisyon ng paaralan sa paghihigpit ng pagpapasuot ng ID sa
loob ng paaralan.
Kung ganito rin halos ang iyong mga naging kasagutan, tunay na naunawaan mo na ang
araling tinalakay. Ipagpatuloy mo pa ang pag-aaral.
D. Lagumin
Pag-aralan mo ang dayagram sa kabilang pahina. Mabubuod mo ang paksang ating tinalakay
tungkol sa tekstong argumentativ sa tulong nito.
41
Tandaan mo na ang tekstong argumentativ ay maaaring naglalaman ng mga salita /
pangungusap na nagpapakilala ng pagsang-ayon at pagsalungat. Maliwanag na inilalahad ang isyu at
ang paninindigan sa isyu ng awtor at kanyang mga argumento.
E. Subukin
A. Panuto: Suriin ang mga katangian inilalahad sa bawat pangungusap. Lagyan ng bituin ( * ) ang
OO kung ito’y totoo sa tekstong argumentativ at HINDI kung hindi ito katangian ng
tekstong ito.
OO HINDI
1. Isa itong ispeyal na uri ng tekstong persweysiv.
2. Nanghihikayat na tanggapin ang posisyon ng may
akda sa isang isyu.
3. Gumagamit na argumentong lohikal
4. Nabubuo mula sa mga tiyak na katotohan at opinyon
ng eksperto.
5. Sa panimulang talaa pa lamg ay inilalahad na ang
posisyon ng may akda sa isyu.
PANIMULA
Pambungad (Isyu)
Posisyon (sa isyu):
UNANG ARGUMENTO
Kongklusyon:_________________________
Mga Batayan:_________________________
IKALAWANG ARGUMENTO
Kongklusyon: ________________________
Mga Batayan: ________________________
IKATLONG ARGUMENTO
Kongklusyon________________________
MgaBatayan:________________________
KONGKLUSYON
42
B. Panuto: Piliin sa pangungusap at isulat sa sagutang papel ang mga salitang nagpapahayag ng
pagsalungat at pagsang-ayon
1. Walang mangyayari kung paiiralin ang diskriminasyon sa pagpili ng mga mag-aaral na
tatanggapin sa paaralan.
2. Maaari mo nang ipahayag ang saloobing itinago mo sa mahabang panahon.
3. Dapat lamang na kilalanin natin ang kanyang kadakilaan.
4. Hindi kailanman malulutas ang suliranin ng panibagong suliranin.
5. Tumututol ang lahat sa ginawa sa kanya ng kasamahang guro.
C. Panuto: Narito ang isang paniniwala na madalas pinagtatalunan ng mga Pilipino. Ipahayag mo ang
iyong pagsang-ayon o pagsalungat dito.
Tapos ka na ba sa pagsagot kaibigan? Ihambing mo ang iyong mga sagot dito:
Sa Pagsusulit A, dapat lahat ng bilang sa ilalim ng Oo ay nilagyang mo ng bituin (*) dahil
ang lahat ng isinasaad nito’y mga katangian ng tekstong argumentativ.
Sa Pagsusulit B, ang salitang ito ang nagpapahayag ng pagsalungat at pagsang-ayon:
Sa bilang 1. walang 2. maaari 3. dapat 4. hindi 5. tumututol
Sa Pagsusulit C, maaaring ganito ang sagot mo.
• Hindi ako sang-ayon sa paniniwalang yan. Naniniwala akong dapat tangkilikin ang mga
local na produkto dahil gawa ito ng ating mga kababayan. Alisin na ang mga kaisipang
kolonyal na nagpapahirap sa ating bayan.
• Ganyan ang paniniwala ko. Kailangang tayo ang manguna sa pagtangkilik sa mga
produktong atin.
• Iyan ang nararapat. Dapat nang mamulat ang kaisipan natin. Hindi tayo makatutulong sa
pag-unlad ng ating bansa dahil sa pinayayaman natin ang ibang bansa.
• Talagang kailangan natin ang pagkakaisa. Unahin ang sariling atin bago ang iba.
Mas mahusay ang mga imported na produkto kaysa mga
produktong gawa ng Pinoy.
43
Nakuha mo ba lahat ng tamang sagot? Huwag kang mag-alala, kung hindi. Narito ang isa
pang pagsasanay na makatutulong sa iyo upang mabalikan at lubos pang maunawaan ang araling
tinalakay.
F. Paunlarin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sagutin ang tanong pagkatapos.
Wikang Ingles: Bilang Midyum ng Pagtuturo?
Naging isang mainit na usapin ang iniutos ng pangulo na pagpapagamit ng Ingles
bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan. Hangad ng pangulo na maibalik ang wikang
Ingles dahil sa rekognisyon at pakikipagkumperensiya ng mga Pilipino sa daigdig.
Ayon sa pangulo, tama lang na pag-ukulan nang pansin ang bumababang antas ng
literasi sa Ingles ng mga Pilipino. Subalit, para sa akin ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng pagtuturo ay hindi naman sagabal sa pagpapataas ng literasi sa Ingles ng
mga Pilipino. Sa halip na gawing Ingles ang midyum ng pagtuturo ay paghusayan na
lamang ang pagtuturo ng Ingles sa elementarya patungo sa mataas na lebel. Patuloy na
humubog ng mga magagaling na gurong magtuturo ng sabjek na ito.
Ang panukalang ito ng pangulo ay hindi sinang-ayunan ng guro sa Filipino. Marami
sa kanila ang nagsabi na ang isang mag-aaral ay matututo sa sarili niyang wika o
wikang kinagisnan. Natututo siya ng dayuhang wika kapag alam na niya ang sariling
wika. Ayaw nilang tanggapin ang pananaw na ang paggamit ng Wikang Filipino bilang
midyum ng pagtuturo sa paaralan ang dahilan ng pagbaba ng kaalaman sa Ingles.
Tunay na maganda ang layunin ng pangulo na isulong ang Wikang Ingles upang madali
ang pakikipagtalastasan sa iba’t ibang panig ng mundo sa pag-asang ito ang magiging
susi ng pag-unlad ng ating bansa. Subalit dapat nating isipin na higit nating kailangan
ang isang pambansang wika na magsisilbing pwersa na magbubuklod sa atin bilang
isang lahi at isang bansa.
44
Huwag nating hayaang mapabayaan ang wikang nagbibigkis sa puso at diwa ng
sambayanang Pilipino para sa pinakamimithing pagkakaisa at pagkakaunawaan.
Paunlarin at palaganapin ang paggamit ng Wikang Filipino.
Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?
a. Narativ b. Argumentativ c. Informativ d. Prosijural
2. Anong isyu ang inilahad sa teksto?
a. Pagpapagamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo sa paaralan.
b. Pagpapagamit ng Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa paaralan.
c. Pagpapaunlad ng Wikang Filipino.
d. Pagbaba ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino.
3. Ano ang paninindigan ng awtor tungkol sa isyu?
a. Ang paggamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo ang kanyang pinaniniwalaan.
b. Ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo ay nakapagpababa sa kaalaman sa Ingles
ng mga Pilipino.
c. Ang paggamit ng Filipino bilang midyum sa pagtuturo ang kanyang
pinaniniwalaan.
d. Ang paggamit ng Ingles ay makatutulong sa pag-unlad ng mga Pilipino.
45
4. Saang bahagi makikita ang tungkol dito?
a. Sa ikalawang talata
b. Sa unang talata
c. Sa ikatlong talata
d. Sa una at huling talata.
5. Alin-alin ang mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng pagsang-ayon? ng pagtutol?
Muli kaibigan, iwasto mo ang iyong sagot. Ihambing mo ang ito sa mga sagot sa ibaba.
1. b
2. a
3. c
4. d
5. Mga salita / pangungusap na nagpapahayag ng pagsang-ayon:
a. Tama lang na pag-ukulan nang pansin ang bumababang antas ng literasi sa Ingles ng mga
Pilipino.
b. Tunay na maganda ang layunin ng pangulo na isulong ang Wikang Ingles upang maging
madali ang pakikipagtalastasan sa iba’t ibang panig ng mundo.
c. Dapat natin isipin na higit nating kailangan ang isang pambansang wika na magbubuklod sa
atin bilang isang lahi at isang bansa.
Mga salita / pangungusap na nagpapahayag ng pagtanggi:
a. Ang panukalang ito ay hindi sinang-ayunan ng mga guro sa Filipino.
b. Ayaw nilang tanggapin ang pananaw na ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng
pagtuturo sa paaralan ay ang dahilan ng pagbaba ng kaalaman sa Ingles.
c. Huwag nating hayaang mapabayaan ang wikang nagbibigkis sa puso at diwa ng
sambayanang Pilipino.
46
Gaano ka na kahusay?
Binabati kita kaibigan! Ngayon ay nasa huling bahagi ka na ng modyul na ito. Ang bahaging
ito ay susukat sa kung ano ang natutunan mo sa modyul na ito.
Handa ka na ba? Simulan mo nang sagutin ito.
I. Panuto: Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang ipinahahayag ng bawat pangungusap.
______1. Ang damdamin ay ang emosyon o anumang bagay na galing sa puso at hindi sa isip.
______ 2. Ang nadarama ng tao ay di lamang makikita sa ekspresyon ng mukha.
______ 3. Mahalaga ang pagtukoy sa paksa at pangunahing ideya ng isang teksto para sa lubusang
pag-unawa nito.
______ 4. Sa pahapyaw na pagbasa sa una at huling pangungusap ay agad na maibibigay mo ang
pangunahing kaisipan ng teksto.
_______5. Ang pamagat ng teksto ay makatutulong sa pagtukoy sa paksa.
II. Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap.Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung ano ang isinulat ng awtor.
a. paksa b. pamagat c. pangunahing kaisipan d. detalye
2. Ito ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa.
a. paksa b. pamagat c. pangunahing kaisipan d. detalye
3. Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon na tumutulong na bigyang linaw ang
pangunahing ideya.
a. pangunahing kaisipan b. paksa c. pamagat d. pansuportang detalye
4. Isang uri ng teksto na ang nilalaman ay ang isyu, ang posisyon ng may-akda sa isyu at ang
kanyang argumentong sumusuporta sa kanyang paninindigan.
a. narativ b. infromativ c. argumentativ d.prosijural
5. Isang usapin na may dalawang panig.
a. isyu b. kongklusyon c. paninindigan d. paksa
47
III. Panuto: Ayusin ang mga salitang nasa kahon sa tamang hanay sa ibaba.
Salitang Nagpapahayag ng
Pagsang-ayon
Salitang Nagpapahayag ng
Pagsalungat
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
IV. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Yakap, Sandigan ng Pagkakaisa at Pagmamahalan
Napakagandang kaugalian ito ng lahat ng bansa. Tunay na ipinadarama nila
ang kanilang emosyon... malungkot o hindi sa mahigpit na yakap.
Sa mga paalam at salubungan ang mahigpit na yakap ay talo ang isang
libong salita. Para sa mga sanggol at matanda ang yakap ay pahiwatig ng
pagmamahal subalit sa magkalaguyo ay hindi pagmamahal kundi nakaw na pag-
ibig.
Sa matagal na pagkakalayo at pangungulila ng nagmamahalang mga puso ay
nadarama ang higpit ng yakap.
Iyon ang nararapat Huwag na lang.
Hindi totoong lahat yan. Ganoon nga.
Walang pakinabang na dulot yan! Tama ang sinabi mo.
Sang – ayon ako dyan Hindi maaari yan.
Oo, maganda yan! Ayaw ko nga.
48
Sa pakikiramay, ang yakap ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso. Naroon ang
matinding yakap na nakaaalis ng sugat ng puso. Ang yakap ay nangangahulugan ng
pagpapatawad. Iyong dibdib sa dibdib na yakap ay nakaaalis ng sama ng loob, ng
galit, ng inggit,ng hinanakit at marami pang iba.
Sa isang ama na nawala nang maraming taon at naroon sa hapag-kainan
makikita ang amang puno ng luha. Naroon ang kanyang mag-ina na hindi umaasa
na darating ang isang araw na makapiling nila ang kanilang ama. Sa isang ina na
nagbalik pagkatapos iwan ang kanyang mag-aama nang mahabang panahon ay
mainit na yakap ang naghihintay hudyat ang matinding pagkagiliw sa kanyang mga
mahal sa buhay.
Ang yakap ay simbulo ng pagmamahal, pagkakaisa, pakikiramay,
pagpapatawad at pagsisisi. Ito ay pahatid ng Poong Maykapal sa mga pusong
nagmamahalan.
A. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ang paksa ng teksto ay ______________.
a. init b. pagkakaisa c. pagmamahal d. yakap
2. Ang mainit na yakap ng nawalay na ina ay hudyat ng matinding pagkagiliw sa kanyang
mahal sa
buhay. Ang salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng _______.
a. kalungkutan b. pagkaawa
c. kaligayahan d. kasawian
3. Ang pangunahing kaisipan ng tekstong binasa ay matatagpuan sa _____ talata.
a. una b. huli
c. ikatlo d. ikaapat
4. Ang luha sa mata ng ama na matagal na nawalay sa mahal sa buhay ay nagpapahayag ng
_____________.
a. kaligayahan b. kalungkutan
c. kasawian d. katapatan
5. Nais ipabatid ng teksto sa mambabasa na ang yakap ay nangangahulugan ng ______.
a. pakikiramay b. pagmamahal
c. pagpapatawad d. lahat ng mga ito
49
B. Panuto: Piliin ang letra ng mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng teksto.
a. Sa mga paalam at salubungan ang mahigpit na yakap ay talo ang isang libong salita.
b. Mahalagang mayakap palagi ang mga mahal sa buhay.
c. Ang mahigpit na yakap sa kaaway aynagpapahayag ng pakikipagkasundo.
d. Sa matagal na pagkakalayo at pangungulila ng mga nagmamahalang puso ay nadarama ang
higpit ng yakap.
e. Sa pakikiramay, ang yakap ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso.
f. Ang luha sa mata ay nagpapahayag nang matagal na pagkawalay sa mahal sa buhay.
g. Ang yakap ay nangangahulugan ng pagpapatawad.
Iwasto mo na ang iyong sagot. Kunin ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro.
Ano, nasagutan mo bang lahat? Kung maraming mali, balikan mo ulit ang mga aralin.
Maraming salamat sa iyo kaibigan. Sana ay may naitulong sa iyo ang mga aralin sa modyul na
ito.
50
Modyul 9
Pagsusuri at Pagtukoy sa Kaisipan,
Mensahe at Damdamin sa Teksto
I.
1. T
2. T
3. T
4. M
5. T
II.
1. B - pamagat
2. A - paksa
3. D - pansuportang detalye
4. C - argumentativ
5. A - isyu
III.
Mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon
1. iyon ang nararapat
2. ganoon nga
3. sang-ayon ako dyan
4. oo, maganda yan
5. tama ang sinabi mo
Mga salitang nagpapahayag ng pagsalungat
1. hindi tooong lahat yan
2. walang pakinabang na dulot yan
3. huwag na lang
4. ayaw ko nga
5. hindi maaari yan
IV.(A.) (B.) A, D, E, G
1. D
2. C
3. B
4. B
5. D
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 10
Pagpapahayag ng Kaalaman
sa mga Tekstong Narativ
at Informativ
2
Modyul 10
Pagpapahayag ng Kaalaman
sa mga Tekstong Narativ
at Informativ
Tungkol saan ang modyul na ito?
Mahal na mag-aaral, siguro ay alam mo ang kahalagahan ng wika sa paghahatid ng
informasyon. Sa pamamagitan ng wika tulad ng Filipino, naililipat sa iyo, bilang mambabasa, ang
mayamang kaalaman tungkol sa iba’t ibang paksang malapit sa iyo kabilang ang edukasyon at
kabuhayan, dalawang mahahalagang kaisipan. Gayundin ang usaping kalakalan at istatistiks at ang
mga pagpapaliwanag na taglay ng teksto. Maaaring gumamit ng salita at pangungusap, maaaring
gumamit ng mga bilang at numeriko o istatistiks sa paraaang pasulat o pasalaysay. Importanteng
maging alerto ka sa mga paraan ng wika sa paghahatid sa iyo ng mga kaalaman sa pamamagitan ng
modyul na ito.
Tiyak sa aktibo mong pagtugon sa mga kahingian ng bawat aralin, marami kang matutuhang
bago, kundi man, karagdagan sa dati mo nang alam.
Ano ang matututunan mo?
Pagkatapos ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod na
kasanayan:
1. nakapagpapakahulugan sa mga salita/pangungusap, gayundin sa mga numeriko para
matukoy ang dami/lawak, tiyak/di tiyak at lokasyon/direksy
2. natutukoy ang mga tekstong informativ at narativ
3. nabibigyan ng kahulugan ang mga salita sa tulong ng konteksto
4. nabibigyang-kahulugan ang mga informasyong ipinahihiwatig ng dayagram, graf, tsart,
concept web
5. naibabahagi ang sariling karanasan o observasyon mula sa binasa
3
Huwag kang malula sa haba ng listahan. Ituring itong hamon sa iyong talino, sipag at tiwala
sa sariling kakayahan.
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Tandaan na ang materyal na inihanda para sa iyo ay tumutulong na umunlad ka batay sa
sariling sikap at kakayahan. May ilang direksyong ipinaalala sa iyo para maging tagumpay ang pag-
aaral mo. Nasa ibaba ang ilang panutong dapat mong sundin.
1. Maaari mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito sa loob at/o labas ng silid-aralan batay
sa panahon at pangangailangan mo. Ingatang mapanatiling malinis at walang pilas ang mga
pahina nito.
2. Basahing mabuti ang bawat bahagi at unawain kung ano ang hinihingi o ipinapagawa ng
mga ito.
3. Sagutin ang panimulang pagsubok. Hindi inaasahang masasagot mo nang wasto ang lahat
ng tanong. Gawain ito para malaman at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksa at
wika.
4. May 3 aralin ang modyul at may laya kang balikan ang araling inaakala mong hindi pa
sapat ang kasanayang hinihiling sa iyo.
5. Isulat sa hiwalay na papel ang mga sagot mo sa bawat aralin. Huwag susulatan ang modyul.
6. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Makukuha sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Lagyan
ng tsek (/ ) kung wasto ang sagot; ekis ( x ) kung mali.
7. Maging tapat sa sarili. Ang modyul na ito ay laan para sa sariling pagkatuto.
8. Pagkatapos ng pag-aaral mo sa modyul na ito, ibigay ito kasama ang iyong papel ng mga
sagot sa iyong guro. Handa ka na ba sa unang gawain?
Sige, magsimula ka na.
Teka, gusto mo bang matiyak kung gaano na ang alam mo sa mga aralin ng modyul?
Magpasimulang pagsubok ka muna.
4
Ano na ba ang alam mo?
Alamin muna natin kung kailangan mo pa ang modyul na ito. Sagutan mo ang panimulang
pagsusuliot na ito.
A. Kahulugan ng Salita sa Konteksto Nito
Piliin ang tamang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa kahon sa ibaba. Tandaang
sa hiwalay na papel isulat ang mga sagot.
1. Napapatulala sa problema ang ibang tao dahil parang walang solusyon para dito.
2. Kaya ako nag-aaral kasi ayokong matawag na kawawang mangmang.
3. Dapat ay may pinag-aralan ka at nang hindi ka apak-apakan ng iba.
4. Sinisiyasat ang lifestyle ng mga politiko tulad ng pag-alam sa kanilang ari-arian at
negosyo para malaman ang may maluhong pamumuhay.
5. Isang narativ ang telenobela, kaiba sa isang editoryal sa dyaryo.
B. Tekstong Informativ at Narativ
Isulat ang N kung narativ o pasalaysay ang bawat bilang; isulat naman ang I kung informativ.
____ 1. Kaylungkot ng kabukiran. Kung maiiwan lamang niya ang pagpapaani ay iniwan
na sana. Kinabukasan din ay aalis siya upang magbalik sa masayang Maynila.
____ 2. Ayon sa DOLE naragdagan ang empleyado sa malalaking korporasyon sa Pilipinas.
____ 3. At si Andong ay nagbalik uli sa dating kalagayan. Minsa’y dumulog sa dating
pinagtratrabahuhan, nagmamakaamong papasukin muli, ngunit hindi nangangailangan ng tao
kaya siya’y hindi natanggap.
____ 4. Ang kauna-unahang international master sa chess sa Asya ay isang Pilipino.
Siya si Rodolfo Cardoso na tubong Anda, Pangasinan.
aapihin di nakapag-aral
kuwento matipid
napapatunganga magastos
5
____ 5. Isang pangunahing dahilan sa pagtaas ng halaga ng langis ay ang pang-ekonomiyang
paglawak ng China na nagpadagdag sa pangangailangan ng langis sa daigdig. Tumataas din
ang paggamit sa India at patuloy na nakikihati sa Asya ang Estados Unidos para sa suplay.
____ 6. Patuloy na naghintay si Leonora sa pagbabalik ng minamahal na prinsipe.
____ 7. Grabe ang air pollution at dapat lamang na hindi na mag-atubili ang pamahalaan sa
pagpapatupad ng Clean Air Act.
____ 8. Sinusuri pa rin ng DepEd ang mga librong may maling informasyon.
Magpupulong muli ang mga ebalweytor ng mga materyal na panturo sa susunod na linggo.
Pagkatapos, gagawa ng mga hakbang ang pamunuan para hindi na maulit muli ang nangyari.
____ 9. Tatlong Filipino pupil ang nagwagi sa isang world painting competition sa Athens, Greece at
tumanggap ng mga medalya ng karangalan. Mapapalad na nakapag-uwi ng medalya sa
naganap na 10th International Exhibition of Childrens’ Painting sa Athens, ayon sa
Department of Foreign Affairs.
___ 10. Nagtapos ako sa Cecilio Apostol Elementary School. Ang tatay ko’y taga-Hagonoy,
Bulacan. Magaling mag-Tagalog ang tatay ko; ang mga lolo ko, ang Impong Paciang ko,
naku, ang ganda-gandang managalog.
C. Salita/Parirala na Nagpapahayag ng Dami/Lawak, Lokasyon/Direksyon
Basahin ang bawat bilang. Piliin ang mga salita/parirala na pahayag ng dami o lawak at
markahan ng Dami o Lawak, ang mga salita/parirala na nauugnay sa lokasyon o direksyon na
mamarkahang Lokasyon o Direksyon. Pagkatapos, uriin ang bawat sagot kung ekspresyong tiyak o
di tiyak. Maaaring higit sa isang sagot bawat ekspresyon ang makikita.
Sundin ang halimbawang ito.
May minanang lupaing 10 hektarya ang magulang nina Kyla at Marty.
Sagot: 10 hektarya – Dami/Lawak, tiyak.
1. Kung ang mga nagrarali hindi man lang makatuntong sa Chino Roces Bridge sa Mendiola,
Maynila kahapon, tinulak ni Fr. Robert Reyes, ang running priest, ang kanyang kaisa-isang kariton sa
Mabini Hall ng Malacañang.
2. Nagtala ng 1.9 porsyentong pagtaas sa lakas-paggawa ang 3,300 na pinakamataas na korporasyon
sa Metro Manila mula Abril hanggang Hunyo, 2004.
3. Sinakop ng serbey mula Hulyo hanggang Agosto ang 500 kumpanya, ngunit 476 lang ang
tumugon.
6
4. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers, sa isang taon ay aabot sa 60,000 ang pagkukulang sa
mga guro at humigit-kumulang na 50,000 naman sa silid-aralan, batay sa inilabas ng DepEd sa
budget hearing ng kongreso.
5. Mas mataas daw ito kaysa kakulangan ng kasalukuyan 39,535 na guro at 51,947 na klasrum.
6. Ang kakulangan ng klasrum at titser ay mangangahulugan ng dalawang bagay sa edukasyon – mas
malalaking bilang ng estudyante bawat klasrum at mas maraming oras ng pagtatrabaho. Magiging
larawan ito sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
7. Sa ganitong hinaharap importante rin na matuto ang lahat ng mag-aaral na maging malikhain sa
dalawahan o magkakapares na pag-aaral o kung kaya ay pangkatan. Ang bawat sulok ay paaralan ay
gawing aralan.
8. Alam mo ba na ang dengue, kilala ring “Breakbone Fever”, ay isang viral infection na matatagpuan
sa 100 bansa at nagdudulot ng mga kalahating milyong pasyente sa pagkarami-raming hospital.
Nagdudulot din ito ng milyun-milyong kamatayan bawat taon.
9. Ayon sa National Epidemiology Center, may 2,332 kaso ng dengue sa loob ng unang anim na
buwan sa taong 2004 na inireport sa mga hospital sa buong bansa.
10. May pinakamaraming kaso ng dengue sa NCR, Rehiyon III, Rehiyon V at Rehiyon VII. Ang
mga nabibiktima ng epidemyang ito ay ‘yung nasa edad 1 buwan hanggang 75 taon.
D. Ang concept webbing ay isang paraan ng paghahatid ng mensahe sa biswal na paraan. Ilipat ang
mensaheng hatid nito sa anyong talataan. Nasa loob ng bilog ang panlahat na paksa.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
mga batang
manggagawa
klasipikadong di bayarang
manggagawa ng familya
tumutulong sa mga magulang
pagkatapos ng klase
tagatahi ng mga butas
para sa sintas o tali ng sapatos
tagagupit ng mga suwelas ng
sapatos
tagadikit ng mga bahagi ng
sapatos
7
Makukuha mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Sasabihin niya sa iyo kung kailangan mo
pang pag-aralan ang modyul na ito.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub-Aralin 1:
Paggamit ng mga Salitang Nagpapahayag ng Dami o Lawak,
Direksyon o Lokasyon sa Tekstong Informativ
Layunin: Sa pamamagitan ng sub-araling ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga
sumusunod:
1. natutukoy at nagagamit ang mga salita/parirala ng dami o lawak, lokasyon o direksyon sa
tiyak o di tiyak na ekspresyon
2. naipapaliwanag ang mga istatistiks sa simpleng paraan
3. natutukoy ang panlahat at tiyak na datos sa isang pagpapahayag
4. nauuri ang mensaheng informativ
Alamin
Nababahala na ang sambayanan sa paglaki ng populasyon. Nagsusulong pa nga ang isang
grupo ng mambabatas na magpanukala ng 2 – child policy. Alam mo ba ang kahulugan nito?
Hanggang dalawa lang ang dapat mong maging anak. May mga tumutol dito. Ang sabi ng ilan,
yaman daw ang mga anak at kaloob ng Maykapal. Sino kaya ang may katuwiran?
Alamin natin sa kasunod na teksto.
8
Linangin
Talaga bang dapat na mabahala ang bayan sa kalagayan ng populasyon? Basahin mo ang
teksto sa ibaba at nang malaman mo.
“Ang Paglaki ng Populasyon at Trabaho”
Mayroong mahigit na 60 milyong tao sa ating bansa batay sa census noong 1995. Sa taong
2004, may 82 milyon na tayo sa Pilipinas. Ang National Capital Region, Central Luzon at
Southern Tagalog ang mga rehiyong may pinakamalaking populasyon na bumubuo sa 37% ng
buong populasyon ng Pilipinas. Ang mga rehiyong may pinakamaliit na populasyon ay ang
Cordillera Autonomous Region, Autonomous Region ng Muslim Mindanao at Rehiyon X11.
Ang mga taong nasa larangan ng produksyon o paggawa ay siyang bumubuo sa mahigit sa
kalahati ng populasyon ng bansa. Samantala, ang mga kabataan ay may 40% at ang mga elderly
ay nasa 3%.
Sa taong 1995 pa rin, itinuturing na 68% ang may trabaho o aktibong naghahanap ng
trabaho. Ang average rate ng walang trabaho sa bansa ay tinatayang 12%.
(IBON Philippine Profile 1995.)
Narito ang ilang tanong tungkol sa iyong binasa. Pag-aralan mo at sagutan.
1. Anu-anong rehiyon sa bansa ang siksikan sa tao? Anu-ano naman ang may maliiit na
bilang ng tao?
Rehiyong siksikan sa tao
__________________________________
__________________________________
__________________________________
Rehiyong kaunti ang tao
__________________________________
__________________________________
__________________________________
Nakuha mo ba ang marami sa mga pangalan ng rehiyong matao at hindi matao? Narito ang
mga tamang sagot.
Rehiyong siksikan sa tao
NCR
Central Luzon
Southern Tagalog
Rehiyong kaunti ang tao
CAR
ARRM
Rehiyon X11
9
2. Gaano kalaki ang populasyon ng (a) nasa paggawa , (b) kabataan, at (c) matatanda?
Igawa ito ng pie chart.
Okey, nahati-hati mo ba ang pie para maipakita ang hati ng populasyon ng 3 sektor? Nasa
ibaba muli ang tamang sagot.
Ano ang ipinakita sa pie chart?
Mahigit kalahati ng pie ang para sa mga may hanapbuhay, 40% naman sa kabataan at ang
maliit na porsyento ay matatanda o elderly sector.
Malinaw ba sa iyo?
Ganito naman ang report sa isang balita mula sa KABAYAN (Setyembre 16, 2004. Vol. V1
No. 41).
Unemployment Nabawasan – NSO
Bumaba ang unemployment rate sa bansa ng 11.7 porsyento hanggang katapusan ng Hulyo
2004 kumpara noong Hulyo 2003 mula 12.6 porsyento, ayon sa National Statistics Office
kahapon.
Ang bilang ng unemployment noong Hulyo ay mas mababa rin sa jobless rate na umabot
sa 13.7 porsyento.
Niliwanag ng NSO na sa 35.83 milyong manggagawa mula Hulyo, may 4.39 noong 2003.
Noong Hulyo 2003, ang naiulat na manggagawa ay umabot sa 34.8 milyon. (AFP)
50% ++
(a)
40%
(b)
3%
(c)
10
Malaking report istatistiks ang binanggit sa unahan. Kung titingnan naman natin ang bawat
familya, malungkot na tanawin ang bubulaga sa atin. Tinatantya ng pamahalaan na may 39.7%
ng ating populasyon ang mahirap at batay ito sa kita o sahod ng familya. Pero para sa IBON,
isang non-governmental agency, ang kahirapan ay totoong laganap daw at higit pa sa kalahati
ng populasyon ang bumubuo nito. Karamihan g mula sa trabahong di agrikultural. Ang mga
lupaing agrikultural ay lumiliit na sa pagsulpot ng mga subdibisyon at pabrika sa kasalukuyan.
Matapos mong malaman ang mga istatistiks sa paglaki ng populasyon, nakita mo rin ang
naging efekto nito sa employment o pagtatrabaho, di ba?
Sa pagbasa ng teksto, totoo nga bang nakakabahala ang sitwasyon ng populasyon natin?
Siguradong positibo ang sagot mo! Nalaman mo kung gaano ang paglaki ng populasyon. Kung
malaki ang populasyon, dapat marami ring trabahong mahahanap ang tao, di ba? O, nabasa mo rin
siguro ang isyu tungkol sa trabaho ng mga tao sa bansa mo.
Sagutin mo naman ang mga tanong tungkol sa ikalawang teskto.
1. Paghambingin ang unemployment rate noong Hulyo 2003 at 2004 batay sa report ng
NSO. Gaano ang pagbaba?
Hulyo 2003 Hulyo 2004 Pagbaba
_____________ ______________ _______
Ganito ba ang mga sagot mo?
Hulyo 2003 Hulyo 2004 Pagbaba
12.6 11.7 0.9
2. Paghambingin din ang report tungkol sa porsyento ng mahihirap sa bansa batay sa
report ng (a) gobyerno, at (b) IBON? Sa palagay mo, sino ang mas tama? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Narito naman ang sagot sa Bilang 2.
(a) 39.7% ang mahirap (b) Higit sa 50% ng populasyon
Mas tama marahil ang IBON dahil sa mga nasusulat sa ibang lathalaing pang-araw-
araw at sa pagmamasid lamang sa paligid, marami talagang makikita.
11
Pareho ba tayo ng sagot?
3. Bakit lumiliit ang oportunidad sa pagkuha ng trabahong agrikultural?
Sapagkat ginagawang mga subdibisyon at pabrika ang mga lupain, di ba?
Sa binasa mong teksto, may mga salita o parirala na ginamit para magpahayag ng
informasyon tungkol sa (1) dami o lawak, (2) lokasyon o direksyon, at (3) mga ekspresyong tiyak o
di tiyak.
Tingnan ang mga sumusunod na gamit para sa dami o lawak:
37% ng populasyon 40% kabataan 3% elderly
68% may trabaho 12% walang trabaho
May mga ekspresyon namang tumutukoy sa lokasyon o direksyon tulad ng National Capital
Region at Central Luzon. May napansin ka pa bang iba na binanggit sa teskto?
Narito pa ang ilan. Kung hindi mo nakita ang mga ito, balikan mo ang teksto.
Southern Tagalog Cordillera Autonomous Region
Autonomous Region ng Muslim Mindanao Rehiyon X11
Samantala, may mga salita o parirala na tiyak ang tukoy sa dami tulad ng 82 milyon. Tukuyin
mo nga ang iba pa. 34.8 milyon at 3 beses, hindi ba?
May mga eskpresyon namang di tiyak ang informasyong dala. Halimbawa nito ang
malaking report istatistiks at higit pa sa kalahati ng populasyon.
Nakita mo ba ang pagkakaiba ng mga ekspresyong TIYAK at DI TIYAK sa mga halimbawa
sa itaas? Pag sinabing malaki tulad ng malaking report istatistiks, walang katiyakan ang
informasyon sa dami o lawak ng kalakihan nito. May iba’t ibang interpretasyon ang bawat
humuhusga sa dami kung basta MALAKI ang gagamiting salita. Ganoon din ang higit pa sa
kalahati ng populasyon?
Gaano kalaki ang higit sa kalahati?
Hindi tiyak, di ba? May gumagamit pa ng ekspresyong humigit-kumulang o kaya’y mga
kasunod ang bilang tulad ng “may humigit-kumulang na 10 kaso ang naisampa sa korte”; “may
mga 10 kaso ang naipasa sa Korte Suprema”.
Hindi rin tiyak ang dami at lawak, ano?
Sa isang banda, ang paglalagay ng eksaktong dami tulad ng bilang na 82 milyon, 34.8 milyon
at 3 beses ay may katiyakan sa inihahatid na dami o lawak ng dami.
12
Totoo rin ito sa lokasyon o direksyon. Pag sinabing Ilocos Sur, o Lungsod ng Baguio, may
tiyak na lugar na tinutukoy. Pero pag sinabing sa may bandang Baguio City o malapit sa Ilocos
Sur, tipong may kalituhang hatid ang informasyon, di ba?
Narito ang mga ehersisyong binubuo ng teksto. Teksto ang tawag sa pahayag na lampas o
mas mahaba sa isang pangungusap, di ba? Siguradong kayang-kaya mo ito!
Basahin ang bawat isa.
Piliin at isulat sa angkop na kahon ang ekspresyong nagpapahayag ng (1) dami o lawak, (2)
lokasyon o direksyon sa bawat bilang, saka tsekan kung tiyak o di tiyak ang bawat entri sa kahon
1. Dahil sa sobrang lamig na naranasan sa Dhaka umabot sa 90 katao ang namatay sa nakalipas na
araw. May 49 katao naman ang nasawi noong nakaraang Biyernes sa hilagang bahagi ng
Bangladesh na umabot na sa 91 bilang ng biktimang nasawi. (BALITA, 1/5/04)
2. Mawawalan ang Pilipinas ng mga 3,000 trabaho sa Iraq kung hindi aalisin ang ban sa mga
Pilipinong nagtatrabaho roon, ayon sa isang recruitment agency kahapon. Noong Biyernes, daan-
daang Pilipino ang nagprotesta para alisin ang ban. Ayon sa mga demonstrator, mas nanaisin
nilang makipagsapalaran sa Middle East kaysa magtiiis na walang trabaho dito sa bansa na ang
unemployment rate ay umabot na sa 14 percent. (KABAYAN, 8/22/04)
3. Labindalawang katao ang naapektuhan, isa ang patay at 11 ang nasa iba’t ibang pagamutan
ngayon,matapos malason sa ininom na tubig sa isang liblib na lugar sa Purok 2, Barangay
Comonal, 20 kilometro mula sentro ng bayang ito.
4. Sa loob lamang ng ilang buwan mula nang mahirang siyang chairman ng VRB ay nabawasan ang
bilang ng insidente ng pamimirata ng CD at VCD sa kalakhang Maynila ng 50% bago matapos
ang taong kasalukuyan.
5. Isang airline ang may arawang paglipad mula Singapore at Maynila na nagpapataas ng
pagkokonekta sa Changi sa Maynila mula 35 hanggang 42 lingguhang paglipad ng eroplano. Ang
Changi ay nag-uugnay sa 140 lungsod sa 49 na bansa sa pamamagitan ng 61 airlines.
Dami/Lawak Tiyak Di Tiyak Lokasyon/Direksyon Tiyak Di Tiyak
1.
2.
3.
13
4.
5.
O nagawa mo ba nang maayos ang nasa itaas?
Marahil, malapit dito ang mga isinagot mo. Kung hindi, basahin mong muli ang teksto at nang
Makita mo ang informasyon.
Dami/Lawak Tiyak Di Tiyak Lokasyon/Direksyon Tiyak Di Tiyak
1. 90 katao hilagang bahagi
49 katao Dhaka
91 bilang
2. mga 3000 Middle East
Daang-daang
Pilipino
Bansa
14 %
3. 12 katao iba’t ibang pagamutan
isang patay liblib na lugar sa Purok
20 kilometro
4. ilang buwan
50 %
nabawasang
bilang
Kalakhang
Maynila
5. 35-42 linggo Singapore, Maynila
140 lunsod
49 bansa
Balikan natin ang artikulong binasa mo. Iyan ay isang informativ na teksto.
Bakit ito informativ? Informativ ito kasi nagtataglay ng iba’t ibang ideya, kaisipan at
kaalaman tungkol sa isang panlahat na paksa.
14
Basahing muli nang mabilis ang teksto tungkol sa “Paglaki ng Populasyon at Trabaho”
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng ( ) tsek ang bilang kung ang mensahe ng
pangungusap ay informasyong nabasa mo sa “Ang Paglaki ng Populasyon at Trabaho”.
___ 1. Sa pagitan ng taong 1995 at 2004, nagkaroon ng 22 milyong paglaki ng
populasyon sa Pilipinas.
___ 2. Ang may pinakamalaking porsyento sa populasyon ay ang mga kabataan.
___ 3. Isang ahensyang labas sa gobyerno ang IBON.
___ 4. Marami sa mga familyang Pilipino ay nagtatrabaho labas sa mga kabukiran o
palaisdaan.
___ 5. Karamihan sa kita ng populasyon ay buhat sa sahod at trabahong agrikultural.
___ 6. Ang sabi ng NSO, nabawasan ang walang trabaho, pero hindi ito tinatanggap ng
IBON Foundation.
___ 7. Napakalaki ng porsyento ng trabahong nakukuha sa pagbubukid at marahil pati sa
paggugubat.
___ 8. Ang mga report istatistiks ay mga pagtatantya para ilarawan ang iba’t ibang
sitwasyong panlipunan.
___ 9. Ang laki ng populasyon ay hindi natatapatan ng dami ng trabaho.
___10. Ang NSO ang tanggapang pampamahalaan na nagbibigay ng datos at bilang
tungkol sa populasyon at maging sa bilang ng kalagayan sa paggawa.
Tsinekan mo ba ang mga bilang ---- 1, 3, 4, 6, 10? Ito ang mga pangungusap na naglalaman
ng informasyon mula sa teksto.
15
Gamitin
A. Paghambingin ang mga istatistiks sa talaan ng mga presyo ng bilihin sa dalawang taon.
Ipinakikita sa mga talaan ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng average ng mga presyo ng
mga bilihin na kinokonsumo ng ordinaryong mamimili sa loob ng isang taon.
TALAAN 1 TALAAN 2
Presyo ng mga Bilihin (1993) Presyo ng mga Bilihin (1994)
Uri ng
Bilihin
Presyo Bigat Uri ng
Bilihin
Presyo Bigat
Pagkain P 100 0.60 Pagkain P 150 0.60
Damit P 200 0.10 Damit P 220 0.10
Ilaw at
Tubig
P 500 0.30 Ilaw at
Tubig
P560 0.30
(Hango sa Tullao, Jr. 2002. Ekonomiya, tao, mundo, at ang
ekonomistang guro. DLSU Press)
1. Anu-anong mga bilihin ang itinala sa dalawang talaan?
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Paghambingin ang presyo ng mga bilihin sa dalawang taon.
________________________________________________________
________________________________________________________
3. Ano ang maibibigay mong pahayag sa ganitong pagbabago sa istatistiks ng 1993
at 1994? Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________________________________________________________
________________________________________________________
Ganito ba ang mga sagot mo?
1. Ang mga bilihing itinala sa dalawang taon ay pagkain, damit, ilaw at tubig.
2. Sa dalawang taon, tumaas ang presyon ng pagkain sa P 50; ang damit ay tumaas din sa
halagang P 20, samantalang ang ilaw at tubig ay may pagtaas ng P 60.
3. Batay sa istatistiks na nasa talaan, tumaas ang presyo o halaga ng tatlong pangunahing
gastusin ng tao.
Basahin ang bawat pangungusap/talata at hanapin ang mga ekspresyon ng dami o lawak,
direksyon o lokasyon. Ilista sa Kolum A ang ukol sa dami o lawak, sa Kolum B ang ukol sa
direksyon o lokasyon. Sa sulatang papel ilagay ang mga sagot.
16
1. Mga 40 kilometro timog – silangan ng Maynila ang dating walang kabuhay-buhay na bayan ng
Angono. Dating bahagi ng Rizal, ang may 236 na taong Angono ay maaabot mula sa Maynila sa
pamamagitan ng pagdaan ng Pasig-Cainta Floodway.
Kolum A Kolum B
____________________ _________________
2. Ipinagdiriwang ng Angono ang kapistahan ng santo nitong si San Clemente tuwing ika- 23 ng
Nobyembre, at pinag-uukulan talaga ito ng preparasyon ng sambayanan.
Kolum A Kolum B
_______________________ __________________
3. Noong 1965, nadiskubre ni National Artist for Visual Arts Carlos “Botong” Francisco ang ilang
127 carvings o ukit sa mga pader ng mababaw na kuweba sa Angono, Rizal.
Kolum A Kolum B
_______________________ __________________
4. Tinawag ang mga ukit na ito na petroglyphs na sinasabing pinakamatandang artworks sa Pilipinas,
na noon pang 3rd
millenniun, BC.
Kolum A Kolum B
______________________ __________________
5. Ang mga ukit na may edad 3,000 taon ay binubuo ng mga pigurang tao na may bilugang ulo na
nakapatong sa katawang hugis V o rektanggulo na walang leeg at paa.
Kolum A Kolum B
_______________________ __________________
Nasagutan mo ba? Tingnan mo nga kung ang mga sagot mo ay katulad ng sumusunod:
1. Kolum A Kolum B
40 kilometro timog – silangan ng
Maynila
bayan ng Angono
bahagi ng Rizal
pagdaan ng Pasig-Cainta Floodway
2. Kolum A Kolum B
Angono
3. Kolum A Kolum B
17
Ilang 127 carvings o ukit sa mga pader ng mababaw na kuweba
4. Kolum A Kolum B
Pilipinas
5. Kolum A Kolum B
may edad 3,000 taon nakapatong sa katawang hugis V
Kung katulad ng nasa itaas ang sagot mo, tama ka!
Subukin
Handa ka na marahil sa isa pang pagsubok. Tiyakin natin kung natutuhan mo ang aralin.
A. Alam kong marami ka ng pagsasanay sa unahan kaya magiging magaaan at marahil exciting ang
aplikasyong ito. Nasa bawat bilang ang ilang maiikling informasyon na magagamit mo sa
paghahatid ng mensahe. Pag-aralan ang set ng informasyon at bumuo ng mga pangungusap.
1. unang nanirahan dito ang mga 800 magsasaka-mangingisda sa kapatagan
mahuhusay sila sa paggiik ng palay kung panahon ng anihan
tinawag silang “mga taga-giik”
hindi mabigkas ng mga Kastilang kongkistadores noong 1571 ang “taga-giik”
magaan sa kanilang sabihin ang “tagui-ig” (bigkas na /tagig/)
kaya naging Taguig ang pangalan ng lugar
(Hango sa Taguig Pocket Profile, Taguig Tourism Office/Department of Tourism- NCR)
2. maraming kuwentong alamat at teorya sa pinagmulan ng Pasig
pinakakapani-paniwala ang kay Dr. Jose Villa Panganiban
si Panganiban, isang linggwista at maraming nasasalitang wika
ang Pasig daw ay isang matandang salitang Sanskrit
may kahulugang ilog na dumadaloy mula sa isang lagusan ng tubig tungo sa isa pang
lagusan sa Pasig River, dumadaloy ang tubig mula Laguna De Bay tungo sa Manila Bay
(Hango sa Pasig Pocket Profile, Pasig City Tourism Office/Department of Tourism- NCR)
18
B. Nakagawa ka ba ng mga pangungusap na nagbibigay ng mga informasyon? Marahil malapit dito
ang mga sagot mo. Kung malayo, ipakita mo sa guro para maipaliwanag niya ang kakulangan.
1. Noong araw, unang nanirahan dito ang mga 800 magsasaka-mangingisda sa kapatagan.
Mahuhusay sila sa paggiik ng palay lalo na kung panahon ng anihan. Dahil doon, tinawag silang
“mga taga-giik”. Kaso hindi mabigkas ng mga Kastilang kongkistadores noong 1571 ang “taga-
giik”. Mas madali nilang masabi ang “tagig” kaya naging Taguig ang pangalan ng lugar..
2. Maraming kuwentong alamat at teorya sa pinagmulan ng Pasig. Sa mga ito, ang pinakakapani-
paniwala ang kay Dr. Jose Villa Panganiban. Isa siyang linggwista at araming nasasalitang wika.
Sa kuwento, ang Pasig daw ay isang matandang salitang Sanskrit na may kahulugang ilog na
dumadaloy mula sa isang lagusan ng tubig tungo sa isa pang lagusan. Kita ito sa Pasig River na
dumadaloy ang tubig mula Laguna De Bay tungo sa Manila Bay.
C. Narito naman ang ilang kaalaman tungkol sa mga istasyon ng radyo at telebisyon sa Pilipinas.
Alam mong mahalagang midya ang mga ito sa paghahatid ng informasyon, libangan, sining at
maraming paksa. Pag-aralan ang talaan sa ibaba. Pagkatapos, sumulat ng interpretasyon o
pagpapaliwanag ng mga istatistiks dito.
Number of Stations
Area AM FM Total Radio TV TOTAL
Philippines 234 84 318 60 378
Metro Manila 27 19 46 5 51
Luzon 82 30 112 17 129
Visayas 53 20 73 16 89
Mindanao 72 15 87 22 109
(PIA, Media Studies Division Research Department. 1987)
1. Ilan ang kabuuang bilang ng istasyong panradyo at pantelebisyon sa Pilipinas?
2. Paano hinati ang buong bansa ayon sa pulo? Bakit kaya ihiniwalay ang Metro Manila?
3. Sa tatlong pulo ng bansa, alin ang may pinakamalaking bilang ng AM radio stations? Alin
ang pumangalawa, pumangatlo? Ano ang bilang ng sa Metro Manila?
4. Ilarawan ang datos para sa FM stations ayon sa may pinakamaliit tungo sa pinakamalaking
bilang.
5. Paano hinati-hati ang 60 dami ng istasyong pantelebisyon sa bansa?
Dapat halos ganito ang nasulat mong sagot. Malapit na malapit ba rito ang sagot mo, mahal na mag-
aaral?
1. May kabuuang 378 na istasyong panradyo at pantelebisyon sa buong Pilipinas.
2. May tatlong pulo – Luzon, Visayas at Mindanao. Ang Metro Manila ay ihiniwalay kasi
sentro ito ng komunikasyon, komersyo at pamahalaan ng bansa.
19
3. May pinakamalaking bilang ng AM stations ang Luzon, pangalawa ang Mindanao at pangatlo
ang Visayas. May 27 ang AM stations sa Metro Manila.
4. Sa bilang ng FM stations, may pinakamaliit ang sa Mindanao, mas malaki nang bahagya ang
Metro Manila, kasunod ang sa Visayas, at ang may pinakamalaking bilang ay sa Luzon.
5. Sa kabuuang 60 istasyong pantelebisyon, may pinakamalaking bilang ang sa Mindanao,
pangalawa sa laki ang sa Luzon, kasunod ang Visayas at panghuli ang Metro Manila.
Lagumin
Sinikap ng modyul na ito na magkaroon ka ng mga sumusunod na kasanayang pangwika:
nagagamit ang angkop na mga tiyak at di tiyak na salita/parirala upang magpapahayag ng
dami/lawak at direksyon/lokasyon
nakagagawa ng simpleng pagpapaliwanag ng istatistiks na bahagi rin ng tekstong informativ
natutukoy ang panlahat at ispesifiko o tiyak na datos sa isang pagpapahayg
nasasagot ang mga tanong sa tekstong binasa
Sa palagay mo, natutuhan mo bang lahat iyan? Kung hindi, puwede mong balikan ang sub-aralin.
Paunlarin
Basahin mo ang maikling bahagi ng editoryal o pangulong tudling mula sa isang tabloid sa
Filipino at humandang sagutin ang ilang tanong tungkol ito.
Editoryal
Ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ay
ipinagdiriwang ang International Literacy Day sa Setyembre 8 ng bawat taon. Ang tema sa taong ito
ay “Literacy as Freedom: A Challenge for the 21st
Century”.
Ang literacy ay bukas na pintuan at pagkakataon para sa mga kabataan na mag-asam ng
katuparan at produktibong buhay. Bilang pundasyon ng malayang pag-iisip, ito ay aktibong
sinusuportahan para maipatupad. Sa patuloy na pagsusumikap ng lahat ng konsernadong
mamamayan, ang pandaigdigang illiteracy rate ay bumaba na. Ito ay pambihirang tagumpay, lalo
pa’t ang nabanggit na panahon, ang populasyon ng mundo ay patuloy na tumataas.
(BALITA/ Setyembre 8, 2004)
1. Ano ang ipinagdiriwang ng UNESCO kung Setyembre 8?
_______________________________________________
20
2. Sa temang binanggit, anu-ano kaya ang mga kaisipan, ideya at kaalaman ang dapat talakayin?
Pansinin ang malalaking konseptong nasa pamagat - -
literacy o ang kakayahang bumasa at sumulat, kalayaan, hamon.
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
3. Bakit kaya sinabing bukas na pintuan ang literacy? Kapag marunong ka bang bumasa at
sumulat, siyempre pati magkompyut sa matematiks, anu-ano ang pakinabang mo sa ganitong
kakayahan?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
4. Bumaba raw ang illiteracy rate! Paano nagawa ito? Naniniwala ka bang mas marami ngang
literate ngayon kaysa noong araw?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
5. Sinu-sino ba itong tinawag na konsernadong mamamayan, puwede ring isama ang mga
institusyon marahil?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Kung ganito ang sagot mo, tama ka!
1. International Literacy Day ang ipinagdiriwang ng UNESCO.
2. Kapag may literacy may kalayaang magpahayag ng kaalaman, saloobin,
at nadarama
May panawagan na ang buong sambayanan ay maghangad magkaroon ng literasi
na maiaaplay sa pang-araw-araw na buhay
Hinihikayat na lumahok ang lahat para itaguyod ang literasi
3. Ang pintuan ay kumakatawan sa oportunidad para umasenso o sumulong sa iba’t ibang aspekto
ng buhay. Mga larangan sa buhay ito na puwedeng pasukin ng isang nilalang. Kapag may
literacy ang tao, lalo’t mataas, makasasalamuha siya sa talakayan sa iba’t ibang paksa.
Magkakaroon din siya ng tsansang magkatrabaho at lumago sa kabuhayan.
21
4. Sa tulungan marahil ng lahat o ng maraming sektor sa lipunan – paaralan,
tahanan, gobyerno, simbahan at institusyong pangkawanggawa, napababa ang
illiteracy rate.
5. Ang mga konsernadong mamamayan – bawat individwal na Pilipino, lider at
naglilingkuran sa edukasyon, ang media, simbahan, gobyerno lalo na para
maglaan ng malaking badyet sa edukasyon.
O, ayan tapos mo na ang unang sub-aralin! Pagbati sa iyo! Masaya ka ba sa nakuha mong
mga marka sa mga gawain?
Simulan mo na ang susunod na Sub-Aralin.
Sub-Aralin 2:
Pagbuo ng talata mula sa webbing ng mga ideya at konsepto
at Pagsasaayos ng mga Pangyayari nang Kronolohikal
Layunin: Sa pamamagitan ng sub-araling ito, inaasahang
maisasagawa mo ang mga sumusunod:
1. nakabubuo ng mga pangungusap mula sa presentasyong biswal o webbing
2. naisasaayos ang mga pangyayari ng isang narativ nang kronolohikal
Alamin
Mayaman ang mga documentary tv shows sa paglalarawan ng tunay na kalagayan sa lipunan.
May ipinalabas tungkol sa isang manggagawa sa konstruksyon at ikinuwento niya ang karanasan.
Ang tagpuan ay mismo sa isang napakataas na gusali na may bahagi siya sa paggawa nito. At sinabi
niyang may bruskong sikyo na ayaw siyang papasukin dahil sa kasuotan niya. Tipong ang gusto
lamang papasukin ng guwardiya ay ‘yung mga nakakurbatang may maayos na pananamit at
mabango ang amoy! Ay, naku, paano na ang isang manggagawa kahit na siya ay bahagi ng
konstruksyon ng gusaling nakatayo. Di siya pinapasok, kasi wala raw siyang ID!
22
Linangin
Narito ang isang teksto tungkol sa buhay ng isang ama ng tahanan na taga-National Capital
Region, sa kalakhang Maynila. Kahawig ito ng documentary tv show na binanggit sa unahan.
Tingnan kung ganito rin ang nakikita mong larawan sa iyong paligid.
Sabi ni Mang Juan
Hindi masama ang mangarap
ni Jennelyne Sicabalo (BALITA, Setyembre 22, 2004, p.5)
Hawak ang martilyo, pukpok dito, pukpok doon, pala rito, pala roon, halo rito,
halo roon. Maghapong pagal ang katawan, puro paltos ang mga kamay, bilad ang
katawan sa arawan, madalas inaabutan pa ng ulan.
Sa P300 kita sa isang araw, napapatulala si Mang Juan, bumubulung-bulong
mag-isa. Mabuti raw sana kung dire-diretso ang gawa sa loob ng isang linggo, depende
kung okey ang budget ng nagpapagawa, ngunit kung minamalas-malas ay tatlong beses
lang sa isang linggo ang patrabaho.
Di pa man napapasakamay ang suswelduhin, binabudget na ng asawa,
nakahihinga nang maluwat kung sasapat naman. Napapabuntunghininga kapag bitin pala.
Masipag umekstra-ekstra si Mang Juan. Kapag walang gawa, maghahanap ng
maeeskstrahan, huwag lang mabakante. Pangarap niya kasing mapag-aral ang dalawang
anak kahit mapagtapos man lang ng vocational course, nang sa ganon ay hindi matulad sa
kanya na lumaking mangmang. Kung bakit daw kasi hindi siya nakinig sa mga pangaral
ng magulang. Paulit-ulit ang pagkukwento niya sa mga anak ng kanyang kabataan upang
magsilbing paalala na mahalaga ang may pinag-aralan nang sa ganon hindi mangyaring
aapak-apakan ka lang ng ibang tao. Kapos man ay nagsisilbing inspirasyon ang mga
pangarap para sa mga minamahal na anak.
Masuwerte rin siya dahil masipag tumulong sa paghahanap-buhay ang
asawang si Aling Celia. Naglalako-lako ito kapag umaga ng mga gulay kaya naman
nakakakain din nang tama ang mga anak. Hindi man maluho ang pagkain ngunit sapat
naman huwag lang kakalam-kalam ang tiyan.
Minsan naglalakad siya pauwi ng bahay galing sa trabaho. Araw-araw siyang
napapadaan sa harap ng Sta. Lucia East Mall (Cainta, Rizal). Napapahinto siya at madalas
niya itong minamalas buhat sa di kalayuan. Napapangiti siya at buong pagmamalaking
iniisip na, “Isa ako sa mga gumawa niyan. Ang napakatayog na building na ‘yan,” ang
kasiyahan sa mukha’y lumalamlam, napawi ang mga ngiti sa labi. Dahil mula pala noong
nagbukas ito ay hindi pa siya nakakapasok dito. Minsan niya nang sinubukang pumasok
dito ngunit hinarang siya ng guard, bawal daw kasi ang naka-tsinelas sabay tingin mula
ulo hanggang paa. Nagmakaawa siya kahit saglit lang tutal naman daw isa siya sa mga
gumawa nito. Ngunit hindi pa rin siya pinayagan sa halip sinagot pa siya nito ng “Bakit,
binayaran ka naman ah?”
Pinapangarap niya balang araw na makakapasok din sila doon kasama ang
asawa’t mga anak. Nagpatuloy na siya sa paglalakad na punung-puno ng mga pangarap at
umaasang sana’y matupad ito sa pamamagitan ng mga anak
23
O, nabagbag ba ang damdamin mo? Siguro medyo napaluha ka ano?
Nakita mo ang kahalagahan ng pag-aaral at pagtatapos ng pinag-aralan? Bakit mahalaga ang
edukasyon? Kasi kung walang pinag-aralan ang isang tao mahihirapan siyang magkaroon ng isang
matatag na hanapbuhay gaya ng naranasan ni Mang Juan, di ba? Pero, mabuti at may pangarap pa
rin siya. Importante ang pangarap o layunin sa buhay. May pupuntahan kang tiyak na direksyon.
Ikaw, may pangarap ka ba? Dapat!
Narito ang ilang tanong para matsek mo ang dapat pinagtuunan ng pansin sa kuwento ni Mang
Juan.
1. Ilang araw sa loob ng isang linggo ang pagtatrabaho ni Mang Juan? Bakit kaya hindi anim na
araw ang patrabaho sa kanya?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Anu-ano kaya ang isinasama sa pagbabadyet ng kita ng isang familya?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Bakit ganoon na lamang ang pagsisikap ni Mang Juan na huwag mabakante sa trabaho?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Ano ang silbi ng mga pangarap sa kanilang familya?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
5. Ikuwento ang naging karanasan niya sa Sta. Lucia East Mall. Ano ang naging damdamin mo
pagkabasa sa bahaging ito ng kanyang narativ?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Ganito ang puwedeng sagot mo.
1. Hindi dire-diretso ang pagtrabaho ni Mang Juan; mga tatlong araw lang depende
sa patrabaho ng nagpapagawa. Kung malaki ang badyet, mas maraming araw
siyang makapagtatrabaho.
2.Ang para sa pagkain, edukasyon ng mga anak, pamasahe sa pagpasok, damit, gamut kung
magkasakit.
3. Para may pantustos siya sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang familya, lalo na ang
pagpapaaral sa mga anak.
24
4. Habang may pangarap, may dahilan sa pagharap sa buhay, para magsikap na mapabuti ang buhay
nila sa araw-araw na pagkilos. Kasama sa pangarap ang makatapos ng kahit vocational course dahil
kailangan ito sa paghahanap ng trabaho.
5. Hindi siya pinapasok sa mall dahil hindi akma ang kaayusan niya. Sobrang paghamak sa tao ang
ginawa ng guard. Nalungkot ako para kay Mang Juan. Pero may iniwang maganda ito sa kanya, ang
pagsisikap para hindi na niya, pati ang familya, na huwag danasin ang nangyari sa kanya.
Nasagot mo bang lahat nang tama? Kung hindi, revyuhin mo ang teksto.
Isang paraan ng paglalahad ng informasyon ay sa pamamagitan ng tinatawag ng concept
webbing gaya ng nasa ibaba. Kung susundan mo ang web o sapot ng mga konsepto o informasyon,
makabubuo ka ng isang talata. Subukin mo nga na bumuo ng isang talata o lipon ng mga
pangungusap tungkol sa “Paggawa ng Sapatos”?
pangunahing pinagkakakitaan
ng familya
kumikita ng P900
pero hindi araw-araw
may kitang P300 sa bawat
halos P50 bawat pares ng magawang sapatos
pares
sa kitang P900 maghahati-hati bawat grupo ng pamilya, nakakabuo
ang bawat miyembro ng familyang ng 3 pares bawat araw
gumawa
Marahil, ganito ang naisulat mong talata, ano?
Ang paggawa ng sapatos ang pangunahing pinagkakakitaan ng bawat familya. Sa bawat araw na
paggawa ng sapatos, nakakatatlong pares ang familya at dito’y may P900 sila. Pero may hatian pa ito
kaya lalabas na halos P50 lang bawat pares. Hindi sila araw-araw kumikita kasi may mga buwan
lamang na malakas ang pamimili ng mga tao. Kapag bago magpasukan sa klase at kapaskuhan,
medyo may kita ang manggagawa.
paggawa
ng
sapatos
25
Gamitin
Isang narativ ang buhay ni Mang Juan. Subuking buuin ang kuwento sa pamamagitan ng
paglalagay ng bilang 1 – 10 sa mga pangyayari sa ibaba. Isalaysay itong pa-kronolohikal, mula sa
inaakalang unang nangyari hanggang sa huli.
___ Nakita niya ang hirap ng walang pinag-aralan sa pagkuha ng magandang trabaho.
___ Kaya naglalako ang asawa para makatulong sa maliit na kita ni Mang Juan.
___ Pinag-aaral si Juan ng kanyang magulang pero hindi siya nakinig sa mga
pangaral.
___ Wala siyang napag-aralan kahit vocational course man lang dahil sa hindi
pagsisikap makatapos.
___ Nang matapos ang gusaling Sta. Lucia East Mall, pinangarap niyang makapasok
dito.
___ Naging manggagawa sa mga konstruksyon si Mang Juan pero kulang ang kita para
sa sariling familya.
___ Napasok siya sa isang kompanya na may malaking proyekto, isang mataas na
gusali ang itatayo.
___ Alam niyang matutupad ang pangarap niya kung makapagtatapos ang mga anak sa
pag-aaral.
___ Ngunit nang minsang magtangka siyang pumasok sa natapos na gusaling mall,
hinarang siya ng mayabang na sikyu.
___ Mula noon, pinangarap niyang makapasok din siya rito sa pamamagitan ng mga
anak na nagsisikap na makapag-aral dahil madalas niyang ikuwento ang kabiguan
niya sa pag-aaral.
Sa kronolohikal na pagsasalaysay, ganito ang ayos ng mga pangyayari.
3 Nakita niya ang hirap ng walang pinag-aralan sa pagkuha ng magandang trabaho.
5 Kaya naglalako ang asawa para makatulong sa maliit na kita ni Mang Juan.
1 Pinag-aaral si Juan ng kanyang magulang pero hindi siya nakinig sa mga
pangaral.
2 Wala siyang napag-aralan kahit vocational course man lang dahil sa hindi
pagsisikap makatapos.
26
7 Nang matapos ang gusaling Sta. Lucia East Mall, pinangarap niyang makapasok
dito.
4 Naging manggagawa sa mga konstruksyon si Mang Juan pero kulang ang kita para
sa sariling familya.
6 Napasok siya sa isang kompanya na may malaking proyekto, isang mataas na
gusali ang itatayo.
10 Alam niyang matutupad ang pangarap niya kung makapagtatapos ang mga anak sa
pag-aaral.
8 Ngunit nang minsang magtangka siyang pumasok sa natapos na gusaling mall,
hinarang siya ng mayabang na sikyu.
9 Mula noon, pinangarap niyang makapasok din siya rito sa pamamagitan ng mga
anak na nagsisikap na makapag-aral dahil madalas niyang ikuwento ang kabiguan
niya sa pag-aaral.
Isang narativ naman ng inang may gifted child ang isalaysay mo. Alam mo ba na ang gifted
child ay isang nilalang na may espesyal na talino? May iba’t ibang uri ng talinong maaaring taglayin
ng isang gifted child. Lagyan ng bilang ang mga pangyayaring ikinwento ng nanay ni Justin Cebrain
(Liwayway, Marso 3, 2003).
___ a. Ceasarian delivery nang ipanganak ko siya. Nasa nursery pa lang siya marami
na’ng nakapuna na lagi siyang nakadilat na di tulad ng ibang baby na laging
nakapikit.
___ b. Noong nagbubuntis ako sa panganay kong si Justin, lagi akong nagbabasa nang
malakas ng kahit anong libro habang may background na classical music.
___ c. Hindi rin siya iyakin. Kung ano ang tulog ng matanda, gano’n din siya.
Maghapon siyang dilat at sa gabi siya natutulog nang mahimbing.
___ d. Noon, palagi ko siyang binabasahan ng story book na maraming pictures at
mahilig din siyang magbakat ng mga letra ng headlines ng diyaryo.
___ e. Pag may nakita akong nakatatanggap ng award sa school, lagi kong sinasabi sabay
himas sa tiyan: “Sana anak, paglaki mo, ganyan ka rin katalino,” sabi ni Mrs.
Cebrian, dating guro sa Social Studies sa isang publikong paaralan.
___ f. Sa gulang na 12 ay mahilig pa ring maglaro at makihalubilo sa kapwa bata si
Justin.
27
___ g. Nasa third year high school na siya ngayon sa Arellano High School, pero hindi
niya masyadong iniisip na gifted child siya, kasi naniniwala raw siya na lahat ng
tao ay gifted.
___ h. Sa gulang na isa, matatas na siyang magsalita, at siya rin sa sarili niya ang
nakatuklas na marunong na siyang magbasa at magsulat sa gulang na 2.
___ i. Tumanggap siya ng Special Award nang sumapit ang graduation dahil kahit siya
ang pinakabata sa klase at patapos na ang taon nang magsimula, siya naman ang
pinakamatalino.
___ j. Gustung-gusto na niyang pumasok sa paaralan, kaya kahit Disyembre noon at 3
taon pa lang si Justin ipinasok na siya sa isang Day Care Center sa Cavite.
Ganito ang pagkakasunud-sunod ng kuweno ng ina ni Justin.
b d
e j
a i
c f
h g
Lagumin
Ngayong naharap ka sa maraming pagsasanay, tiyak madali mong natutuhan ang mga
kasanayang pangwika sa ibaba:
1. nakabubuo ng talataan mula sa pantulong na biswal tulad ng webbing ng mga
konsepto
2. naisasaayos ang mga pangyayaring narativ nang kronolohikal
Paunlarin
Nasa ibaba ang concept web tungkol sa panlahat na paksang “Ang Mga Bata sa Marikina”
(Hango mula sa IBON Facts & Figures, June 30, 2001).
28
Bumuo ng talata tungkol sa mga konsepto o informasyong ipinapakita ng mga parirala sa web.
kumikita sa paggawa isang komunidad sa Marikina River
ng sapatos
binabaha kapag
4-5 anak bawat malakas ang ulan
familya
may 80-100 familya
_____________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Isang talataan ang maaaring katulad nito sa ibaba. Kahawig ba nito ang nabuo mo?
Ang Barrio Malanday ay isang komunidad sa Marikina River na dahil sa kalapitan nito sa
tubig ay binabaha kung tag-ulan. May mga 80 – 100 na familyang nakatira ditto. Bawat familya ay
may 4 – 5 anak na katulong ng mga magulang sa paghanap – buhay. Ang ikinabubuhay nila ay
paggawa ng sapatos. Kilala ang Marikina sa produksyon ng sapatos.
O, ayan natapos mo nang lahat ang pagsasanay sa Sub-Aralin 2. Pagbati!
Sub-Aralin 3:
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Inilahad ng Teksto
Layunin: Sa pamamagitan ng sub-araling ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod
na kasanayan:
1. naiuugnay ang pansariling karanasan na malapit sa karanasang inilahad sa
teksto
2. nakabubuo ng usapan o dayalog ng mga tauhan batay sa sitwasyon
3. nakagagamit ng mga salitang hango sa ibang wika at natatapatan ng salitang
Filipino
Barrio
Malanday
29
Alamin
Kung nagsa-shopping kayo ng mga magulang o mga kapatid mo, maging ng mga kaibigan
mo, anu-anong seksyon ang gusto mong puntahan? Sa mga kasuotan ba? Sa mga sapatos? Bags?
CDs at DVDs at mga tapes na musical? Tumitingin ka ba sa mga brand name? Hinahanap mo ba
‘yung brand na imported o tumitingin ka rin ng lokal na brand?
Linangin
Sige, basahin mo ang teksto at alamin ang hamon sa mga kabataang katulad mo kaugnay ng
pagsa-shopping.
Tangkilikin Produktong Pinoy
Sa pagtatapos ng Second Buy Pinoy Trade Fair and Exhibit sa SM Megamall, isang
kilalang megamall, naging panauhing tagapagsalita si Jose de Venecia, ang pangunahing
ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Hinikayat ng ispiker ang mga
konsumer ng Pilipino na bumili ng mga produktong yari sa Pilipinas para makatipid at
makalikha ng mga trabaho sa kanayunan sa gitna ng paghina pangglobal. Hinamon din
niya ang mga lokal na industriya para lalo nilang palawakin ang mga produkto at
pagbutihin pa ang pagkilos sa pakikipagkompetensya sa mga prodyuser na dayuhan.
Idinagdag pa niya, “Dapat nating ipagpatuloy na pagyamanin ang mga sariling likha.
Walang ibang magmamahal sa ating bayan kundi tayong mga Pilipino”.
Nagkakaisa ang ispiker at mga industriyalistang dumalo sa seremonya na ang
pagbuo at ekspansyon ng maliliit at midyum na industriya ay isang tugon sa kakulangan
ng mga trabaho. Buhat dito, maikokomberte ngayon ito sa paglikha ng mga bagong
trabaho at paglaon ay ang pagtaas ng kapasidad sa pamimili para sa milyong mga
Pilpinong konsumer.
Nanawagan din ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and
Industry, Inc. (FFCCCII) na paangatin ang kamalayan ng publiko. Sinabi rin ng
organisasyon na tangkilikin ang mga produktong yari ng Pinoy para makatulong sa
pagpapanatiling buhay ng mga lokal na industriya at makasulong ang ating ekonomiya.
Tinuran pa ng bise presidente ng FFCCCII at tagapangulo ng Buy Pinoy Movement Ad
Hoc Working Committee, “Ang tumataas na benta ay hinihikayat sa mga negosyanteng
Pilipino na magprodyus pa ng mga produktong kayang bilhin ng marami at may mas
mabuting kalidad at mga serbisyo tungo sa pagiging globally competitive natin”.
30
Ang mga entrepreneur na Pilipino sa kasalukuyan ay nahaharap sa matinding
kompetisyon dala ng pagbaba ng tarifa, at sa komitment ng bansa sa World Trade
Organization. Dahil dito, nagiging madali ang pagpasok sa bansa ng mga imported na
produkto na lumalabas na mas mababa pa ang presyo kaysa mga produktong gawa sa
sariling bayan. Ang pagkahibang din ng mga Pilipino sa mga produktong imported at
gawa sa ibang bansa ay lalong nagpapahina sa mga produktong gawang Pinoy. Subalit
binanggit din ng bise presidente ng FFCCCII na hindi lamang Pilipinas ang dumadanas
ng resesyong ekonomiko pagkatapos ng atake ng mga terorista sa Estados Unidos kundi
pati na rin ang mga pangunahing partner natin sa kalakalan.
(Hango sa Buy Filipino products, JdV urges, Manila Bulletin, Disyembre 4, 2002)
Siguro, familyar na familyar sa iyo ang paksa ng teksto sa itaas, ano? Tiyak, marami
kang maibabahaging karanasan.
O, nakita mo ang diwa ng teksto na humihikayat sa lahat na tangkilikin ang mga likhang
lokal, hindi laging ‘yung mga angkat sa ibang bansa ang bibilhin. Nalaman mo na maging ang mga
namumuno sa pamahalaan ay nagsasabing importanteng mga Pilipino mismo ang magtulungan sa
pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
May mga salita sa teksto na hango sa ibang wika, partikular sa Ingles. Bago natin pag-usapan
ang nilalaman ng babasahin, pag-aralan muna natin ang kahulugan ng mga salitang hiram. Ibigay
ang pinagmulang salitang Ingles ng mga salitang Filipino na nasa Kolum A. Pagkatapos, hanapin sa
Kolum B kung alin ang kahulugan ng bawat salita sa Kolum A.
Kolum A Salitang Ingles Kolum B
1. konsumer a. pangunahing kongresista
2. ispiker ng Kongreso b. grupong gumagawa ng mga
bagay na mabibili
3. prodyuser c. bagay na yari sa ibang bansa
4. industriya d. buwis
5. produkto e. mamimili
6. imported f. paglawak
7. ekspansyon g. pangkabuhayan na
namumuhunan at
gumagawa
8. tarifa h. anumang yaring bagay/yaring
lokal o dayo
i. gawaing pang-organisasyon
31
Tingnan mo nga kung kahawig nito ang mga sagot mo.
Talasalitaan Salitang Ingles Kahulugan
1. konsumer consumer e.
2. ispiker ng Kongreso Speaker of the House a.
3. prodyuser producer b.
4. industriya industries g.
5. produkto products h.
6. imported import c.
7. ekspansyon expansion f.
8. tarifa tariffs d.
May mga salita pa bang di mo nauunawaan? Ano ang kahulugan ng entrepreneur? Nakita
mo ba ito sa diksyunaryo? Kung walang diskyunaryo, patulong ka sa iyong guro.
Pumunta na tayo sa nilalaman ng teksto. Tingnan kung naunawaan mo ang binasa.
1. Saan naging panauhin ang Ispiker ng Mababang Kapulungan?
2. Anu-ano ang sinabi niya sa mga konsumer at prodyuser sa trade fair?
3. Para sa ispiker at industriyalista, paano magkakaroon ng maraming trabaho ang mga
Pilipino?
4. Bakit importante ang FFCCII sa kalakalan?
5. Nakabuti ba o nakasama ang pagsali ng Pilipinas sa World Trade Organization?
Bakit?
Ganito ba ang mga sagot mo?
1. Sa pagtatapos ng Second Buy Pinoy Trade Fair and Exhibit, nagging panauhin si Jose De
Venecia, ispiker ng Mababang Kapulungan.
2. Hinikayat niya ang mga konsumer na bumili ng mga produktong lokal at mga prodyuser
ang lumikha ng mga gawang pantapat sa global na pamilihan.
3. Para sa kanila, kailangang bumuo at magpalawak ng maliliit at midyum na industriya para
dumami ang trabaho sa bansa.
32
4. Importante ang FFCCC11 para iangat ang kamalayan ng publiko sa pagtangkilik sa sariling
produkto at nang makasulong ang lokal na industriya natin na puwedeng lumaban sa
mga yari sa ibang bansa.
5. Hindi nakabuti sa lokal na ekonomiya natin ang WTO na sinalihan. Madaling nakapapasok
sa bansa ang mga angkat na produkto at nagkakaroon ng kompetensya sa mga lokal na
prodyuser. Gustung-gusto ng Pinoy ang imported kahit na peke kaya hind mabili ang
yaring Pinoy.
Maraming katotohanan sa balitang binasa mo ang tungkol sa mga pananaw ng mga Pinoy sa
pamimili at sa ekonomiya sa pangkalahatan. Tsekan mo nga kung alin dito ang may katotohanan
batay sa mga karanasan mo.
a. Mas gusto ng Pinoy bumili ng produktong may kilalang marka, ‘yun bang branded.
b. Kasi raw, mas matibay kahit medyo mas mahal kaysa lokal ‘yung branded.
c. Huwag nga lang mapepeke ka, maraming imitasyon sa mga panindahan sa tabi-tabi.
d. May mahigpit na kompetisyon ang mga lokal na prodyuser sa mga imported na produktong
pumapasok sa bansa.
Siguro tsinekan mo ang lahat ng titik ano? Tama, lahat ay nagsasabi ng katotohanan sa
buhay-Pinoy kaugnay ng pamimili.
Pag-aralan mo naman ang isang sitwasyon. Pansinin ang katangian ng mga nag-uusap at
paksa ng pag-uusap, gayundin ng tagpuan. Ganito ang paggawa ng usapan o dayalog.
Nagpaplanong mamili sina Patty at Lorna para sa kanilang class party habang nasa kantina
sila ng paaralan. Pinag-uusapan nila ang bibilhing mga gamit sa parti. Gusto ni Patty na sa Ukay-
Ukay sila mamili. Mura daw kasi, lalabhan naman muli ang blusa at paldang kailangan niya. Gusto
ni Lorna na sa mall sila mamili ng isusuot sa parti. Gusto niya kasi may brand dahil nakakahiya raw
kung hindi kilala ang brand. Igawa sila ng diskusyong padayalog.
Nasa kantina sina Patty at Lorna isang hapon.
Patty: O, kelan tayo mamimili ng susuot natin para sa class party natin?
Lorna: Oo, nga. Gusto mo sa Saturday na? Saan tayo magsa-shopping?
Patty: Sa Ukay-Ukay tayo pumunta. May alam ako. Mainam doon, mura.
Lorna: E di ba mga luma na ang tinda doon?
Patty: E, di pumili tayo ng hindi mukhang luma. Basta ibibilad muna natin sa araw para maalis ang
amoy at labhang mabuti. Kailangan ko ng palda at blouse.
33
Lorna:Ay, ayoko doon. Gusto ko sa mall. Para naman may style. Nakakahiya naman kung hindi
branded ang isusuot ko.
Patty: Ay, naku. Sige na nga. Samahan mo ako sa Ukay-Ukay at sasamahan kita sa mall.
O, may napansin ka bang mga salitang hiram sa Ingles? Paano mo ito ipapahayag sa Filipino?
Nakita mo ba ang mga sinalita ng nag-uusap na class party, Saturday. shopping, blouse, branded,
mall? May mga katapat ba silang lahat sa Filipino? Ibigay mo nga.
Ganito ba ang sagot mo?
Saturday – Sabado blouse – blusa class party – pagdiriwang ng klase
Hindi lahat ay may katapat sa Filipino, di ba? Mas malinaw kung hihiramin ang shopping
(syaping), branded at mall.
Nakita mo ang dayalog. Kaya mo na bang sumulat ng isa?. Basta intindihin ang sitwasyon,
sinu-sino ang nag-uusap, saan sila nag-uusap, at ano ang pinag-uusapan. Importante rin alamin kung
paano sisimulan ang dayalog, paano idedevelop ang usapan at paano magtatapos ito. O, handa ka na
ba sa pagsasanay. Tingnan ko kung kaya mong igawa ng usapan ang susunod na sitwasyon.
Sitwasyon:
Nasa shopping center sina Elmer at Darius dahil kailangan nilang mamili ng pandekorasyon
sa klasrum nila. Sila ang nautusang mamili ng mga palamuting pamasko. Nagtatalo sila sa mga
pipiliing dekorasyon. Gusto ni Elmer ang parol na yaring Pampanga kasi popular itong bayan sa
ganoon. Kulang daw ang pera nila kaya iminungkahi ni Darius na gumawa na lang ang klase. May
alam siyang bilihan ng mga papel, kawayan, glue at mga pang-ilaw. Ayaw ni Elmer, kasi baduy daw,
hindi class. Sisikapin ni Darius na kumbinsihin si Elmer.
Gamitin
O, naunawaan mo ba ang aralin?
Ngayon, subukan natin kung mailalapat mo ang iyong natutuhan.
May programa ang isang kapisanan sa inyong paaralan. Tinawag ang proyekto nila na BUY
PINOY at plano nilang magdispley ng eksibit. Kung ganito ang tema ng kanilang proyekto, anu-ano
kaya ang dapat na maging ideya/kaisipang ikokonsidera ng kapisanan? Lagyan ng ☺ ang mga
bilang na inaakala mong makatotohanang maglalarawan ng tema ng BUY PINOY ng kapisanan.
O, handa ka na ba? Sige, basahing mabuti ang bawat aytem ha?
34
____ 1. Gumawa ng poster na may mga banyagang bumibili ng native goods ng Pilipino.
____ 2. Magdispley ng mga T-shirt na may magagandang tanawin ng New York, Hawaii, San
Francisco at Washington, D.C.
____ 3. Ilabas lamang ang mga bag, slip on o tsinelas, wallet na yari sa Tsina at Taiwan.
____ 4. Magpatugtog ng awitin ni Aiza Seguerra at kilalang artistang Pilipino.
____ 5. Magpaskil ng mga larawan ng magagandang produkto sa iba’t ibang rehiyon ng
Pilipinas.
____ 6. Piliing magbenta ng mga produkto mula sa Mindanaw at Visayas lamang.
____ 7. Taasan ang presyo ng mga produktong imported para mabili ang lokal na gawa.
____ 8. Magdala ng mga produktong ukit mula sa Paete, gayundin ng mga taka o papier
maché na gawa.
____ 9. Tapatan ng branded na produkto ang bawat native product.
____10. Magpamigay ng mga shopping bag na yari sa banig, abaka, katsa, at iba pa.
O, ganito mo bang sinagot ang mga tanong sa itaas?
May ☺ ang mga bilang na 1, 4, 5, 7, 8, 9, 10.
Subukin
Basahin ang isang entri sa talaarawan ng isang kabataang katulad mo. Pagkatapos, isulat
kung alin sa mga bahagi nito ang kanarasan mo rin sa isang pamamasyal mo sa anumang lugar sa
paligid mo. Sumulat ng isang talatang pang-entri sa talaarawan. Ang talaarawan ay pagsulat ng
anumang karanasang totoo sa iyo. Para sa iyo ang pagsulat dito. Pero puwede mo rin namang ibahagi
sa guro mo ang nilalaman nito. Okey ba sa iyo?
35
Isulat mo sa ibaba ang iyong entri sa talaarawan mo na nagpapahayag ng karanasan sa isang
paglalakbay o pamamasyal. Tiyak nagsasabi tio ng ilang katotohanang naobserbahan mo.
Ipakita mo sa guro ang isinulat mo.
Lagumin
Pagkatapos ng mayamang pagsasanay, inaasahang natutuhan mo nang malalim ang mga
sumusunod na kasanayang pangwika:
1. naiuugnay ang pansariling karanasan na malapit sa karanasang inilahad sa
teksto
2. nagagamit ang mga salitang hiram sa Ingles ay nahahanapan ng katapat sa
Filipino
3. nakasusulat ng dayalog ayon sa hinihingi ng sitwasyon
Nobyembre 5
Dear Diary,
Kahapon ay isinama ako ng Auntie ko sa Intramuros,
ang tinatawag na “Walled City” at dito ay bakas pa ang
impluwensya ng Kastila sa ating panahon. Ang magandang
napasyalan namin dito ay ang mga eksibit ng produktong
gawa sa CALABARZON. Ang daming produktong gawa sa
mga probinsya ng rehiyon. Gustung-gusto ko ng buko pie ng
Laguna, ng panutsang may mani na gawa sa Batangas.
Marami rin kaming nabiling native bags at souvenir items.
Sana ganito kasagana sa ibang probinsya natin at
maraming mamimili para kumita naman ang mga gumawa
nito.
36
Paunlarin
Bilang panghuling pagsasanay, sikaping unawain ang kagandahan ng isang tuklas sa transportasyon na
hango sa www.gov.ph / The Official Government Portal of the Republic of the Philippines.
Humandang sagutin ang ilang tanong pagkatapos. Handa ka na ba?
Magandang Balita: 900 na vehikulo ng gobyerno
gumagamit na ng coco-diesel!
Inireport ng Department of Energy (DOE) na may 900 vehikulo ng
gobyerno ang nagsimula nang gumamit ng 1 porsyentong coco-methyl (CME)
blend para nakatugon ang gobyerno sa programang pagdevelop ng alternatibong
hanguan ng gas para sa sektor transportasyon.
Ang CME, isang materyal na hango sa coconut oil, ay ginagamit bilang
diesel additive o blend o panghalo. Isa itong pinakamahusay na pampatakbo ng
makina ng sasakyan, environment friendly fuel, wika nga sa Ingles.
Ayon sa DOE, ang paggamit ng CME bilang pandagdag sa diesel ay
nagreresulta ng mas mabuting combustion o pagningas, nababawasan ang
pagbubuga ng usok at higit na nagiging mabuti ang takbo ng makina ng sasakyan.
A. 1. Ano ang alternatibong hanguan ng gas sa pagpapatakbo ng mga sasakyan?
2. Paano ito nakabubuti sa kapaligiran natin, environment friendly, ‘ika nga?
3. Gaano karami na ang gumagamit nitong CME?
B. 1. Maibibigay mo ba ang pinaghanguang salitang Ingles ng mga sumusunod?
a. vehikulo ______________
b. programa ______________
c. alternatibo _____________
d. transportasyon __________
e. makina ________________
C. 2. Kaya mo naman bang tapatan ng Filipino ang mga sumusunod?
a. coconut oil _____________________
b. environment friendly _______________
c. blend _____________________
d. department ________________
e. energy ________________
Ganito ba ang sagot mo?
37
A. 1. Ano ang alternatibong hanguan ng gas sa pagpapatakbo ng mga sasakyan?
2. Paano ito nakabubuti sa kapaligiran natin, environment friendly, ‘ika nga?
3. Gaano karami na ang gumagamit nitong CME?
B. 1. Maibibigay mo ba ang pinaghanguang salitang Ingles ng mga sumusunod?
a. vehikulo - vehicle
b. programa - program
c. alternatibo - alternative
d. transportasyon - transportation
e. makina - machine
C. 2. Kaya mo naman bang tapatan ng Filipino ang mga sumusunod?
a. coconut oil – langis ng niyog
b. environment friendly – mabuti sa kapaligiran
c. blend - halo
d. department – kagawaran, departamento
e. energy – lakas, enerhiya
Binabati kita sa iyong masikhay na pag-aaral nang indipendyente. Pagpalain ka.
Ngayon naman ang panghuling pagsubok mo para sa modyul na ito!
Gaano ka na kahusay?
Ngayon ay panahon na upang alamin natin kung marami kang natutuhan sa modyul na ito.
Sagutan mo ang pangwakas na pagsusulit na ito.
A. Kahulugan ng Salita sa Konteksto Nito
Piliin ang tamang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa kahon sa ibaba. Tandaang
sa hiwalay na papel isulat ang mga sagot.
1. Napapatulala sa problema ang ibang tao dahil parang walang solusyon para dito.
2. Kaya ako nag-aaral kasi ayokong matawag na kawawang mangmang.
3. Dapat ay may pinag-aralan ka at nang hindi ka apak-apakan ng iba.
4. Sinisiyasat ang lifestyle ng mga politiko tulad ng pag-alam sa kanilang ari-arian at
negosyo para malaman ang may maluhong pamumuhay.
5. Isang narativ ang telenobela, kaiba sa isang editoryal sa dyaryo.
38
B. Tekstong Informativ at Narativ
Isulat ang N kung narativ o pasalaysay ang bawat bilang; isulat naman ang I kung informativ.
____ 1. Kaylungkot ng kabukiran. Kung maiiwan lamang niya ang pagpapaani ay iniwan
na sana. Kinabukasan din ay aalis siya upang magbalik sa masayang Maynila.
____ 2. Ayon sa DOLE naragdagan ang empleyado sa malalaking korporasyon sa Pilipinas.
____ 3. At si Andong ay nagbalik uli sa dating kalagayan. Minsa’y dumulog sa dating
pinagtratrabahuhan, nagmamakaamong papasukin muli, ngunit hindi nangangailangan ng tao
kaya siya’y hindi natanggap.
____ 4. Ang kauna-unahang international master sa chess sa Asya ay isang Pilipino.
Siya si Rodolfo Cardoso na tubong Anda, Pangasinan.
____ 5. Isang pangunahing dahilan sa pagtaas ng halaga ng langis ay ang pang-ekonomiyang
paglawak ng China na nagpadagdag sa pangangailangan ng langis sa daigdig. Tumataas din
ang paggamit sa India at patuloy na nakikihati sa Asya ang Estados Unidos para sa suplay.
____ 6. Patuloy na naghintay si Leonora sa pagbabalik ng minamahal na prinsipe.
____ 7. Grabe ang air pollution at dapat lamang na hindi na mag-atubili ang pamahalaan sa
pagpapatupad ng Clean Air Act.
____ 8. Sinusuri pa rin ng DepEd ang mga librong may maling informasyon.
Magpupulong muli ang mga ebalweytor ng mga materyal na panturo sa susunod na linggo.
Pagkatapos, gagawa ng mga hakbang ang pamunuan para hindi na maulit muli ang nangyari.
____ 9. Tatlong Filipino pupil ang nagwagi sa isang world painting competition sa Athens, Greece at
tumanggap ng mga medalya ng karangalan. Mapapalad na nakapag-uwi ng medalya sa
naganap na 10th International Exhibition of Childrens’ Painting sa Athens, ayon sa
Department of Foreign Affairs.
___ 10. Nagtapos ako sa Cecilio Apostol Elementary School. Ang tatay ko’y taga-Hagonoy,
Bulacan. Magaling mag-Tagalog ang tatay ko; ang mga lolo ko, ang Impong Paciang ko,
naku, ang ganda-gandang managalog.
aapihin di nakapag-aral
kuwento matipid
napapatunganga magastos
39
C. Salita/Parirala na Nagpapahayag ng Dami/Lawak, Lokasyon/Direksyon
Basahin ang bawat bilang. Piliin ang mga salita/parirala na pahayag ng dami o lawak at
markahan ng Dami o Lawak, ang mga salita/parirala na nauugnay sa lokasyon o direksyon na
mamarkahang Lokasyon o Direksyon. Pagkatapos, uriin ang bawat sagot kung ekspresyong tiyak o
di tiyak. Maaaring higit sa isang sagot bawat ekspresyon ang makikita.
Sundin ang halimbawang ito.
May minanang lupaing 10 hektarya ang magulang nina Kyla at Marty.
Sagot: 10 hektarya – Dami/Lawak, tiyak.
1. Kung ang mga nagrarali hindi man lang makatuntong sa Chino Roces Bridge sa Mendiola,
Maynila kahapon, tinulak ni Fr. Robert Reyes, ang running priest, ang kanyang kaisa-isang kariton sa
Mabini Hall ng Malacañang.
2. Nagtala ng 1.9 porsyentong pagtaas sa lakas-paggawa ang 3,300 na pinakamataas na korporasyon
sa Metro Manila mula Abril hanggang Hunyo, 2004.
3. Sinakop ng serbey mula Hulyo hanggang Agosto ang 500 kumpanya, ngunit 476 lang ang
tumugon.
4. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers, sa isang taon ay aabot sa 60,000 ang pagkukulang sa
mga guro at humigit-kumulang na 50,000 naman sa silid-aralan, batay sa inilabas ng DepEd sa
budget hearing ng kongreso.
5. Mas mataas daw ito kaysa kakulangan ng kasalukuyan 39,535 na guro at 51,947 na klasrum.
6. Ang kakulangan ng klasrum at titser ay mangangahulugan ng dalawang bagay sa edukasyon – mas
malalaking bilang ng estudyante bawat klasrum at mas maraming oras ng pagtatrabaho. Magiging
larawan ito sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
7. Sa ganitong hinaharap importante rin na matuto ang lahat ng mag-aaral na maging malikhain sa
dalawahan o magkakapares na pag-aaral o kung kaya ay pangkatan. Ang bawat sulok ay paaralan ay
gawing aralan.
8. Alam mo ba na ang dengue, kilala ring “Breakbone Fever”, ay isang viral infection na matatagpuan
sa 100 bansa at nagdudulot ng mga kalahating milyong pasyente sa pagkarami-raming hospital.
Nagdudulot din ito ng milyun-milyong kamatayan bawat taon.
9. Ayon sa National Epidemiology Center, may 2,332 kaso ng dengue sa loob ng unang anim na
buwan sa taong 2004 na inireport sa mga hospital sa buong bansa.
10. May pinakamaraming kaso ng dengue sa NCR, Rehiyon III, Rehiyon V at Rehiyon VII. Ang
mga nabibiktima ng epidemyang ito ay ‘yung nasa edad 1 buwan hanggang 75 taon.
40
D. Ang concept webbing ay isang paraan ng paghahatid ng mensahe sa biswal na paraan. Ilipat ang
mensaheng hatid nito sa anyong talataan. Nasa loob ng bilog ang panlahat na paksa.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Maari ka nang humakbang patungo sa susunod na modyul. Malugod kitang binabati!
mga batang
manggagawa
klasipikadong di bayarang
manggagawa ng familya
tumutulong sa mga magulang
pagkatapos ng klase
tagatahi ng mga butas
para sa sintas o tali ng sapatos
tagagupit ng mga suwelas ng
sapatos
tagadikit ng mga bahagi ng
sapatos
41
Modyul 10
Pagpapahayag ng Kaalaman
sa mga Tekstong Narativ
at Informativ
A. Kahulugan ng salita sa konteksto nito
1. napapatunganga 2. di nakapag-aral 3. aapihin 4. magastos 5. kuwento
B. Tekstong Informativ at Narativ
1. N 6. N
2. I 7. I
3. N 8. N
4. I 9. I
5. I 10. N
C. Salita/Parirala sa pahayag ng dami.lawak, direksyon/lokasyon
1. Chino Roces Bridge, Mendiola, Maynila - lokasyon, tiyak, kaisa-isa – dami, tiyak
Mabini Hall, Malacañang – lokasyon, tiyak
2. 1.9 porsyento – dami, tiyak/ 3,300 – dami, tiyak
3. 500 kumpanya - dami, tiyak/ 476 – dami, tiyak
4. 60,000 – dami, tiyak/ humigit-kumulang sa 50,000 – dami, di tiyak
5. 39,535 guro – dami, tiyak/ 51,947 klasrum – dami, tiyak
6. dalawang bagay – dami, tiyak/ mas maraming oras – lawak, di tiyak
iba’t ibang rehiyon – lokasyon, di tiyak
7. dalawahan o magkakapares – lawak, tiyak/ pangkatan – lawak, di tiyak
8. isang viral infection – dami, tiyak
mga kalahating milyon – dami, di tiyak
milyun-milyong kamatayan – dami, di tiyak
9. 2,332 kaso – lawak/dami – tiyak/ unang anim na buwan - lawak, tiyak/
buong bansa – lokasyon, tiyak
10. pinakamaraming kaso – lawak, di tiyak
NCR, Rehiyon 111, Rehiyon V, Rehiyon V11 – lokasyon, tiyak
D. Talata mula sa concept webbing tungkol sa “Mga Batang Manggagawa”
Ang mga batang tumutulong sa paggawa sa mga magulang ay klasifikong di bayarang
manggagawa ng familya. Pagkatapos ng klase, tagadikit sila ng sapatos, tagagupit ng mga suwelas
ng sapatos at tagatahi ng mga butas para sa sintas o tali ng sapatos.
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 11
Pagsulat ng Iba’t ibang Uri ng Liham
2
Modyul 11
Pagsulat ng Iba’t ibang Uri ng Liham
Tungkol saan ang modyul na ito?
Magandang araw sa iyo kaibigan!
Heto na naman ako upang magbahagi ng mga kaalaman na magagamit mo sa iyong pang-
araw-araw na buhay.
Madali lamang ang modyul na ito. Kailangan lamang na mag-ukol kang muli ng kaunting
oras upang matagumpay mong matugunan ang mga pangangailangan ng modyul na ito.
Sumusulat ka ba sa iyong kaibigan? Nakakatanggap ka ba naman ng liham mula sa kanya?
Natitiyak kong nasasayahan ka kapag nakakatanggap ka ng liham mula sa isang kaibigan. Sabik na
sabik kang mabasa ang nilalaman ng liham na ito. Kadalasan, itinatabi mo pa ito at binabasa kung
minsan lalo na’t wala kang ginagawa. Tama ba ako?
Bukod sa liham pangkaibigan, marahil nakatatanggap ka rin ng ibang liham na may
mahalagang mensaheng ipinaaalam sa iyo. Tulad ng ibang akda, mahalagang maging maayos at
malinaw ang isang liham. Kadalasan, nangangailangan din ng kasagutan mula sa iyo ang liham na
iyong natanggap.
Sa modyul na ito, tuturuan kitang sumulat ng iba’t ibang uri liham.
Bagama’t uso ngayon ang paggamit ng e-mail at text messaging sa paghahatid ng mensahe at
naipadadala ito isang iglap lamang, mahalaga pa ring matutunan mo ang pagsulat ng liham. Tulad
halimbawa ng pag-aaplay ng trabaho na makatutulong upang pormal mong maipabatid sa isang
kompanya ang iyong intensyon sa isang posisyon. Sa pamamagitan naman ng liham-aplikasyon,
nalalaman ng isang kompanya ang iyong kwalipikasyon para sa isang posisyon.
Malaki ang gamit ng modyul na ito sa iyong hinaharap. Lalo na’t nalalapit na ang panahon na
ikaw ay maghahanap ng trabaho. Siyempre, bago mo makuha ang pinakaaasam mong trabaho,
kailangang ipakita mo ang iyong pagiging interesado sa posisyon. Mapakikita lamang ito sa
pamamagitan ng isang maayos na liham-aplikasyon.
Handa ka na ba? Nawa’y magustuhan mong muli ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo.
Isang masayang pag-aaral sa iyo!
3
Ano ang matututunan mo?
Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito, maisasagawa mo ang mga sumusunod:
1. Nakikilala ang mga tiyak na bahagi ng isang liham
2. Nabibigyang-halaga ang wastong paggamit ng bantas sa pagsulat ng liham
3. Nakapagdadaglat ng magagalang na pantawag sa mga taong susulatan.
4. Nalilinang ang pagkamalikhain sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng liham
5. Nakikilala ang mga anyo ng liham na maaaring gamitin sa pagsulat ng liham-aplikasyon
6. Naipakikita ang sariling istilo sa pagsulat ng liham
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Ngayong hawak mo ang modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:
1. Kung may malabong panuto o anumang bahagi ng modyul, magtanong sa iyong guro o kung
sinumang may ganap na kaalaman.
2. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga sagot sa mga pagsusulit at iba pang gawain. Huwag
itutupi ang mga pahina ng modyul dahil gagamitin pa ito ng iba.
3. Itala ang mahahalagang impormasyon at kaisipan sa isang hiwalay na kuwaderno.
Makatutulong ito upang madali mong mabalikan ang mga liksyon.
4. Basahing mabuti ang mga babasahin o teksto. Malaking tulong ito upang makamit mo ang
mataas na antas na kaalaman.
5. Ang mga tamang sagot (answer key) sa panimula at pangwakas na pagsusulit ay kukunin sa
guro pagtakapos mong masagutan ang mga aytem.
Maraming salamat kaibigan!
4
Ano na ba ang alam mo?
Pero bago mo simulan ang mga gawain sa modyul na ito, gusto ko munang tiyakin ang iyong
kaalaman tungkol sa paksa. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang iyong makuha. Ang
layunin ko lamang ay masukat ang iyong kaalaman sa mga aralin. Kaya’t maging matapat ka sana sa
iyong pagsagot.
Maaari ka nang magsimula.
I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pagbibigay-kahulugan. Piliin sa kahon ang letra ng
sagot. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong sagot.
________1. Nakasaad dito ang wastong panawag o pamitagan at ang pangalan ng taong sinulatan.
________2. Ito ay ang bahagi ng pamamaalam ng sumulat.
________3. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng liham dahil dito nakasaad ang paksa o ang layunin
ng may liham. Mahalaga itong maging malinaw, magalang at tapat upang magkaroon
ng tumpak na pagpapakahulugan ang babasa.
________4. Nakasaad dito ang pangalan ng tao o tanggapang padadalhan ng liham.
________5. Nakasaad dito ag tinitirhan ng sumulat at ang petsa kung kailan isinulat ang liham.
________6. Ipinapakilala rito ang sumulat.
________7. Liham na kailangan sa paghahanap ng trabaho
________8. Liham na naglalahad ng saloobin o pananaw ukol sa isang mahalang isyu na nabasa,
napanood, napakinggan o kaya ay personal na nasaksihan ng isang tao
________9. Liham na naglalahad ng reklamo ng isang taong direktang nakaranas o naapektuhan ng
isang pangyayari, tulad halimbawa ng maling produkto at iba pa
________10. Liham na nagtatanong at nangangailangan ng madaliang kasagutan mula sa sinulatan
________11. Liham na nagpapasalamat sa isang samahan o institusyon na nagbigay ng donasyon,
serbisyo, o ng anumang tulong na hindi matutumbasan ng salapi
________12. Ito ay isang liham na nagsasabi kung ano ang inoorder o kaya’y hinihiling sa isang
institusyon, organisasyon o kaya’y ng isang samahan o opisina.
5
Patutunguhan Liham-Karaingan Pamitagang Pangwakas
Liham-Aplikasyon Liham sa Patnugot Katawan ng Liham
Liham-Pasasalamat Liham-Pagtatanong Pamuhatan
Liham-Kahilingan Lagda Bating Pambungad
II. Piliin ang sagot sa hanay B. Isulat ang letra ng bantas na ginagamit sa:
A B
_____1. bating panimula ng liham-pangangalakal. a. panipi (“”)
_____2. pamagat na kasama sa pangungusap. b. kudlit (‘)
_____3. hulihan ng mga salitang pinaikli o dinaglat. c. gitling (-)
_____4. dulo ng pangungusap na patanong. d. tandang pananong (?)
_____5. hulihan ng pangungusap na padamdam. e. kuwit (,)
_____6. petsa upang ihiwalay ang araw sa taon. f. tutuldok (:)
_____7. pahayag ng isang tao na isinama sa pangungusap. g. tandang panamdam (!)
_____8. pagitan ng panlaping ika at tambilang. h. tuldok (.)
_____9. panghalili sa isang kinaltas na titik.
_____10. hulihan ng pangungusap na pasalaysay.
III. Isulat sa sagutang papel kung anong anyo ng liham ang mga sumusunod.
Piliin ang sagot sa ibaba.
A. Semi-Blak B. Ganap na Blak C. Modifay Blak
(Semi-Block Style) (Full Block Style) (Modified Block Style)
1. 2. 3.
Kung tapos ka na, kunin mo na sa guro ang Susi sa Pagwawasto.
Kamusta ang performans mo sa pagsusulit? Palagay ko, kailangan mo pa ang modyul na ito.
Sige, simulan mo na.
________________
________________
________________
________________
________________
________________
___________________
_______________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_______________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_______________________________________________________
___________________________________________________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
___________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
___________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________
________________
________________
6
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub Aralin 1:
Mga Bahagi ng Liham
Mga Layunin
Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang nagagawa mo ang sumusunod:
1. Nakikilala ang mga tiyak na bahagi ng isang liham
2. Naisasaalang-alang ang mga bahagi ng liham sa pagsulat
3. Nakasusulat ng isang liham-pangkaibigan
Alamin
Ang pagsulat ng liham ay isang kasanayang mahalaga mong matutunan. Sa pamamagitan ng
liham, maaari mong maihatid sa isang taong nasa malayong lugar ang mensaheng nais mong sabihin
sa kanya. Dahil layunin ng liham ang maghatid ng mensahe, mahalagang maging maayos ito.
Nakatataba ng puso ang makatanggap ng liham, sapagkat hindi tulad e-mail o text-messaging,
masasabing tunay na pinagbuhusan ng oras at panahon ng sumulat ang liham. Kailangan pa niyang
mag-isip ng magandang panimula at pangwakas, maghanap ng magandang papel at sobre, at personal
na pumunta sa post office upang maihulog ang liham. Kung minsan, may sarili pa siyang istilo ng
pagtutupi ng papel at gumagamit ng mababangong papel at bolpen. At bumibilang pa ng ilang araw
bago matanggap ng pinadalhan ang liham ng pinaghirapan ng sumulat. Dahil sa mga ito, maituturing
din isang sining ang pagsulat ng liham.
Ano, gusto mo bang malaman kung paano ka makasusulat ng isang maayos na liham? Halika,
at tutulungan ka ng moyul na ito
Handa ka na ba? Sige, simulan mo na sa pamamagitan ng pagbasa sa halimbawang liham
ibaba.
7
Linangin
Dapat siguro ay balikan natin ang mga bahagi ng liham. Basahin mo ang halimbawang ito:
45 Rue de Maubege
Paris
Ika-12 ng Hulyo, 1889
Sr. D. M. H. Del Pilar,
Minamahal kong kaibigan: Tinanggap ko ang sulat mo sampu ng mga salin ng “Defensa
ni Blumentritt.” Mabuti at mahusay ang pagkalimbag, kaya nga malaki ang aking
pasasalamat sa inyong lahat diyan. Ako’y galing sa Londres, kaya hindi ko natanggap sa
kapanahunan ang iyong sulat.
Kalakip nito ang dalawang daang pesetang iniaalay sa Sol. Ng mga kababayan kong
taga-Kalamba. Higit sa rito ang kanilang ipinadala sa aking gamitin sa bala kong ibigin:
ngunit kinikipkip ko ang iba ay ako’y may pinaglalaanang sukat pagkagastahan. Ang
dalawang daang pesetang ito’y inyong itago para sa perio. La Sol. Huwag kayong makalimot
magpadala ng mga sipi sa Kalamba, D. Mateo Elejorde, boticario del pueblo. Malaki ang
pagmamahal nila sa ating matapang na Sol. Gayon din naman, padalhan ninyong palagi si
Pedro Ramos sa Londres 21 Billiter Street, kalakip ang ipadadala kay Regidor sapakat si
Ramos ay nagbayad sa akin ngayon ng kanyang trimester I, 25. Nagkukulang daw siya ng
No.8. Si Abarca dito ay nagkukulang ng No.8 at 1, at ako’y nagkukulang ng No.10 o ng
katapusan ng aking sulat kay Desbarrantes, ani mo. Mamatamisin ko sanang ako’y padalhan
mong lagi ng maraming sipi sapagkat aking ipinadadala sa Filipinas ang lahat. Doon dapat
itong basahin. Pag-ingatan ninyo ang pagpapadala sa Maynila, sapagkat balita ko ay
sinusunog daw ng Cpn. Heneral ang mga siping dumarating. Baluting magaling at imisin.
Gayon din naman, kinatutuwaang totoo doon ang mga librito at iba’t iba pang sulat. Mula sa
susunod na bilang ay magpapadala ako sa bawat isa ng artikulo. Upang huwag kayong
totoong magastahan sa pagpapadala ng mga sipi rito sa Paris, ay ganito ang magagawa.
Dalawang tali, isa kay Luna at sa mga Pardo, at isa sa akin, Ventura, Abarca, Trinidad, etc.,
etc. Sabihin ninyo sa aking kung kinakapos ng salapi ang Sol.
Isasabay kong ipadadala ang Memoria ni Blumentritt na aking ipalilimbag at aking
pagkakagastahan. Ako ang maghuusay ng mga puweba. Sabihin sa akin kung magkano ang
magagasta sa isang libong salin.
Ibati ninyo ako kay D. Teodoro Sandiko. Sa banta ko ay akin siyang kakilalang
malaon doon pa sa Pandakan o sa Ateneo Municipal; isa manding mahagway na lalaki,
mahawas ang mukha, magaan ang kilos. Kung sakali at hindi siya yaon, gayon ma’y
kikilalanin niya sa akin ang isa mong kababayan at kaibigan, at isang
namamangha sa lahat ng kanyang ginawa sa Malolos. Ang mag-aral ng Filosofia at Letras ay
isang totoong mabuting akala, at ang mga binatang paris niya ay makapapasa-Madrid at
maaasahang hindi masisira sa masamang hanging sumisimoy doon. Dapat lamang bumalik
sa Pilipinas.
8
Hindi ko nakakausap si Rojas, sapagkat ako’y bagong galing sa Londres, pagod at may
munting damdam.
Ipalimbag mong madali ang kay Desbarrantes at nang maipadala sa Maynila ang mga
librito. Katulong ako sa paggasta. Gayon din naman ang Por Telefono.
Ano ang ginagawa ni Graciano at hindi tumutulong?
Yaong artikulong “Diputado Por Filipinas” na gawa ni Regidor ay mabuti, ngunit sinabi
ko sa kanya na di dapat niyang gisingin ang regionalismo o provincialismo. Kapag mayroon
tayong mabuting ugali o puri ay dapat nating iparatang sa lahat ng provincia, sa lahat ng anak
ng Pilipinas.
Isasama ko rito ang sulat ni Blumentritt. Ipadala ninyo sa kanya ang sagot sa kanya,
gayon din sa akin ang sagot sa akin. Inaasahan kong pinadalhan ninyo ng maraming salin si
Blumentritt ng kanyang Defensa. Sa mga marinerong napasasa Maynila ay magpadala kayo
ng marami, sa Correo, at iba’t iba pang daan. Huwag nating limutin na doon tayo dapat
magtanim kung ibig nating pumitas ng bunga.
Ipanatanto ko sa aming mga provincia ang tunay mong pangalan sampu ng iyong ukol.
Inaasahan kong ang halimbawa mo at ang guhit ng iyong pluma ay makagigising sa marami.
Sa lagay mong iyan ay hindi ka makauurong.
Namatay ang isa kong bayaw sa kolera, at dahil sa ngalan ko’y hindi inilibing sa Campo
Santo. Ito’y hindi ko dinaramdam, talastas mo na ang isipan ko sa bagay na ito, ang pamilya
ko ay gayon din, ngunit ang masamang akala ang dapat kong siyasatin at usigin.
Ito na lamang muna, at ibati mo ako sa lahat ng ating kaibigan at kababayan.
Ano ang lagay ni Panganiban?
Ang iyong kaibigan,
Rizal
Natutuwa ako sa balita mo na si Rogers ay tutulong; sa banta ko ay ang halimbawa
ninyo ang nakahihikayat sa kanya; walang paris ang mabuting halimbawa. Dapat sana
naming si Canon ay tumulong.
Sagutin mo ako kung iyong tinanggap ang salapi.
Vale.
Sino ang sumulat ng liham? Si Jose Rizal nga.
Napakaraming liham ang naisulat ni Dr. Jose Rizal para sa mga iba’t ibang tao. Sa katunayan,
may isang librong naglalaman lamang ng mga liham na kanyang naisulat. Ang mga liham na ito ay
mahalaga dahil gumanap ito ng mahahalagang papel sa kasaysayan ng ating bansa. Taglay din ng
mga liham ni Rizal ang kasiningan kung kaya’t nakawiwili itong basahin.
9
Sino sa mga binanggit na pangalan sa liham ang kilala mo? Binanggit mo ba sina del Pila,
Blumentritt, Graciano (Lopez Jaena) at Sandiko? Lahat sila ay may mahalagang papel sa kasaysayan
n gating bansa, di ba?
Ano ang nilalaman ng liham ni Rizal? Ang suporta at ang mga tagubilin tungkol sa
paglalahatla ng La Solidaridad di ba? Gayundin ang paghihikayat na palaganapain sa Pilipinas ang
nilalaman ng La Solidaridad.
Nagustuhan mo ba ang nilalaman ng liham? Kapansin-pansin ang mahigpit na pagsunod ni
Rizal sa mga bahagi na dapat taglayin ng isang liham.
Nalalaman mo ba ang mga bahagi ng liham na aking sinasabi? Kung hindi pa, subukan mong
gawin ang mga ipagagawa ko sa iyo.
Mula sa liham na iyong binasa, tukuyin mo ang pamuhatan.
Kung ang sagot mo ay ang sumusunod, ay tama ka.
45 Rue de Maubege
Paris
Ika-12 ng Hulyo, 1889
Ang pamuhatan ay nagsasaad ng tinitirhan ng sumulat at petsa nang sulatin ang liham.
Ngayon, tukuyin mo naman ang bating panimula.
Kung ang iyong sagot ay ang sumusunod, ay tama ka.
Minamahal kong kaibigan
Ang Minamahal kong kaibigan ang napiling gamitin ni Rizal sa kanyang liham. Ang bating
panimula ay magalang na pagbati na maaari ring pinangungunahan ng Ginoo, Ginang, Mahal na
Ginoo o Mahal na Ginang. Mahalaga na angkop sa taong padadalhan ng liham ang bating panimula
na gagamitin.
Kung natukoy mo ang unang dalawang bahagi ng liham, tiyak na alam mo na ang katawan
ng liham. Ang katawan ng liham ay naglalaman ng pinakamahalagang mensahe na nais ipabatid ng
sumulat sa sinusulatan. Kumbaga sa pagkain, ito ang sustansya na mahalagang makuha natin.
Siyempre, kung mayroong bating panimula, mayroon ding bating pangwakas. Tukuyin mo
nga ang bating pangwakas na ginamit ni Rizal sa kanyang liham?
Kung ang iyong sagot ay ang sumusunod, tama ka.
Ang iyong kaibigan,
Ang bating pangwakas ay ang bahagi ng pamamaalam ng sumulat. Ito ay tinatapos ng kuwit.
10
Siyempre, hindi puwedeng mawala ang lagda ng sumulat. Ito ang pangalan ng sumulat ng
liham.
Ngayon, isa-isahin mo nga ang mga bahagi ng liham.
Ang mga bahagi ng liham ay ang mga sumusunod:
Pamuhatan
Bating panimula
Katawan ng liham
Bating pangwakas
Lagda
Kung nasasabi at nauunawaan mo na ang mga ito, tiyak na magiging madali na ang mga
susunod na gawain na inihanda ko para sa iyo. Ngunit bago mo puntahan ang mga gawain, iyo
munang alamin ang ilang mga halimbawa sa ibaba:
Mga halimbawa ng bating panimula:
Mahal kong _____________, (ginagamit sa mga impormal na liham)
Kgg. na ______________, (ginagamit sa may matataas na katungkulan)
Mga halimbawa ng bating pangwakas:
Lubos na gumagalang,
Matapat na sumasainyo,
Sumasaiyo,
Mahalagang angkop sa taong padadalhan mo ng liham ang bating panimula at pangwakas na
iyong gagamitin. Kadalasan kasing nadidismaya ang taong nakatanggap ng liham kung mali o di
angkop ang ginamit na bating panimula at pangwakas ng sumulat.
Narito pa ang mga dapat mong tandaan:
1. Gamitin/Isulat ang pangalan ng buwan sa halip na bilang ng buwan.
Halimbawa:
Wasto: Disyembre 16, 2004
Mali: 12/16/04
11
2. Gamitin/Isulat ang petsa ng buwan sa halip na ngalan ng araw.
Wasto: Oktubre 17, 2004
Mali: Sabado
3. Maging maingat sa kawastuan ng anumang isinusulat sa liham.
4. Kinakailangang maging tiyak ang nilalaman ng liham.
Ngayong alam mo na ang ilan sa mahahalagang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng liham,
maaari mo nang puntahan ang susunod na gawain.
Tukuyin mo naman kung anong bahagi ng liham ang mga sumusunod. Isulat sa isang hiwalay
na papel ang iyong sagot.
1. Brgy. Calaoan, Sta. Cruz
Ilocos Sur
Ika-17 ng Oktubre, 2004
2. Matalik kong kaibigan,
3. Rowena Mendol
4. Ipagpaumanhin mo ang aking madalang na pagsulat ito ay dahil sa masyadong
akong abala sa aking pag-aaral. Alam kong ikaw rin ay abala sa iyong pag-aaral at
isa pa, naibalita mo sa aking kasapi sa bilang manunulat ng inyong pahayagan.
Ayos naman dito, wala pa ring nagbabago. Malapit na nga pala ang piyesta.
Makauwi ka sana. Balak nga pala ng ating mga kaklase na magkaroon tayo ng
reunion sa aming bahay sa darating na piyesta. Sana makauwi ka at magkita-kita
tayong muli. Siyempre, hinding-hindi mawawala ang mahabang-mahabang nating
kwentuhang magkakaklase. Ang batch lang ‘ata natin ang may magandang
pagsasamahan di ba? Alam kong sasang-ayon ka sa akin.
O sige na, pasensya ka na kung medyo maikli ang liham ko. Gusto ko lamang
kitang kamustahin at ipaalam din na ayos naman ditto sa ating lugar.
5. Ang matapat mong kaibigan,
12
Kung ang iyong sagot ay tulad ng mga sumusunod, ay tama ka.
1. pamuhatan (heading)
2. bating panimula (salutation)
3. lagda (signature)
4. katawan ng liham (body of the letter)
5. bating pangwakas (complementary close)
Gamitin
1. Matapos mong matukoy ang mga bahagi ng liham, kumuha muli ng isang buong papel at
ayusin ang ikalawang liham. Ayusin ito tulad ng ginawang pagkakaayos ni Jose Rizal ng kanyang
liham para kay Marcelo H. del Pilar.
Brgy. Calaoan, Sta. Cruz
Ilocos Sur
Ika-17 ng Oktubre, 2004
Matalik kong kaibigan,
Rowena Mendol
Ipagpaumanhin mo ang aking madalang na pagsulat ito ay dahil sa masyadong
akong abala sa aking pag-aaral. Alam kong ikaw rin ay abala sa iyong pag-aaral at
isa pa, naibalita mo sa aking kasapi sa bilang manunulat ng inyong pahayagan.
Ayos naman dito, wala pa ring nagbabago. Malapit na nga pala ang piyesta.
Makauwi ka sana. Balak nga pala ng ating mga kaklase na magkaroon tayo ng
reunion sa aming bahay sa darating na piyesta. Sana makauwi ka at magkita-kita
tayong muli. Siyempre, hinding-hindi mawawala ang mahabang-mahabang nating
kwentuhang magkakaklase. Ang batch lang ‘ata natin ang may magandang
pagsasamahan di ba? Alam kong sasang-ayon ka sa akin.
Sige na, pasensya ka na kung medyo maikli ang liham ko. Gusto ko lamang kitang
kamustahin at ipaalam din na ayos naman ditto sa ating lugar.
Ang matapat mong kaibigan,
Ihambing mo rito ang iyong ginawa.
13
Brgy. Calaoan, Sta. Cruz
Ilocos Sur
Ika-17 ng Oktubre, 2004
Matalik kong kaibigan,
Ipagpaumanhin mo ang aking madalang na pagsulat ito ay dahil sa masyadong akong
abala sa aking pag-aaral. Alam kong ikaw rin ay abala sa iyong pag-aaral at isa pa,
naibalita mo sa aking kasapi sa bilang manunulat ng inyong pahayagan.
Ayos naman dito, wala pa ring nagbabago. Malapit na nga pala ang piyesta. Makauwi
ka sana. Balak nga pala ng ating mga kaklase na magkaroon tayo ng reunion sa aming
bahay sa darating na piyesta. Sana makauwi ka at magkita-kita tayong muli. Siyempre,
hinding-hindi mawawala ang mahabang-mahabang nating kwentuhang magkakaklase.
Ang batch lang ‘ata natin ang may magandang pagsasamahan di ba? Alam kong sasang-
ayon ka sa akin.
O sige na, pasensya ka na kung medyo maikli ang liham ko. Gusto ko lamang kitang
kamustahin at ipaalam din na ayos naman ditto sa ating lugar.
Ang matapat mong kaibigan,
Rowena Mendol
2. Sumulat ka sa isang kaibigan. Ibalita mo sa kanya ang ilang kawili-wiling kaganapan sa
inyong pook o sa iyong sarili. Pagkatapos mo, ipakita ang nabuong liham sa guro para malaman mo
kung tama o hindi.
Lagumin
Natutuhan mo sa sub-araling ito ang mga bahagi ng liham:
Pamuhatan – nakasaad dito ang tirahan ng sumulat at kung kailan isinulat ang liham
Bating panimula – pagbati sa sinusulatan
Katawan ng liham – nakasaad dito ang paksa o mahalagang mensahe nais iparating ng
sumulat sa kanyang sinulatan
Bating pangwakas – bating pangwakas ng sumulat ng liham
14
Lagda – pangalan ng sumulat
Ang lahat ng ito ay mahahalagang bahagi ng liham na kailangan mong isaalang-alang sa
pagsulat.
Subukin
Marahil, may mga kaibigan kang nais mong sulatan ngunit kadalasan ay wala kang oras o
panahon. Ito na ang panahon upang sulatan mo siya. Alam kong nais mo siyang kamustahin at
mapasaya sa pamamagitan ng liham mo sa kanya.
Sa isang hiwalay na papel, ilista ang pangalan ng lima (5) mong kaibigan na gusto mong
sulatan. Pagkatapos, sabihin mo sa ilang pangungusap/parirala kung ano ang gusto mong sabihin sa
kanila.
Gayahin ang format sa susunod na pahina.
Pangalan ng Kaibigan Gustong Sabihin
1.
2.
3.
4.
5.
Mula sa limang kaibigan mo, piliin mo ang isang kaibigan na sa palagay mo ay mahalaga
mong masulatan sa lalong madaling panahon. Isang kaibigan na talagang madalang na mong nakikita
o nakakasama.
Marahil, marami kang gustong sabihin sa kanya tungkol sa iyong sarili, sa iyong mga
pangarap sa buhay, sa inyong mga karanasan bilang magkaibigan, at marami pang iba. Kung
masusulatan mo siya, sigurado akong matutuwa siya.
Handa ka na bang sulatan ang iyong kaibigan? Kung handa ka na, mag-isip ng magandang
bating panimula at pangwakas na angkop na angkop sa iyong kaibigan. Ayusin mo na rin sa iyong
isip ang mga nais mong sasabihin sa kanya.
Pagkatapos mong isulat ang liham, muli mo itong ipakita sa iyong guro para mapahalagahan.
15
Paunlarin
Ngayong alam mo na ang kaibigang nais mong sulatan, simulan mo na sa isang hiwalay na
papel ang iyong liham. Maaari kang gumamit ng mga magaganda at mababangong papel.
Matapos mong maisulat ang liham, ipakita mo ito sa iyong guro. At kung hindi naman
masyadong personal ang laman ng iyong liham, hinihiling kong basahin mo ito sa harap ng isang
kaklase. Siyempre, kailangan ang kaunting introduksyon sa taong iyong sinulatan. Ito ay upang
magkaroon naman ng ideya ang iyong kaklase sa taong iyong piniling sulatan.
Binabati kita dahil natapos mo na ang unang sub-aralin sa modyul na ito. Nawa’y lalo pang
madagdagan ang iyong kasipagan sa susunod na sub-aralin.
Tuluy-tuloy lang kaibigan. Ang lahat ng ito ay para rin sa iyo.
Sub-Aralin 2:
Wastong Paggamit ng mga Bantas sa Pagsulat ng Liham
Mga Layunin
Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang nagagawa mo ang sumusunod:
1. Nabibigyang-halaga ang wastong paggamit ng bantas sa pagsulat ng liham
2. Nasasabi ang saloobin ukol sa isang mahalagang isyu sa pamamagitan ng liham sa
patnugot
3. Nakasusulat ng liham sa patnugot
Alamin
Maraming nagaganap sa iyong kapaligiran na kadalasan ay nakaaapekto sa iyo. Tulad
halimbawa ng pagtataas ng pamasahe at mga bilihin, kaguluhan sa Mindanao at iba pa. Bilang isang
kabataang Pilipino, kung minsan ay naglalahad ka ng iyong opinyon at saloobin ukol sa mga ito. Sa
iyong pagbabasa ng diyaryo, panonood ng telebisyon, at pakikinig sa radyo, nalalaman mo ang mga
maseselang isyu o usapin na sa palagay mo ay may malaking epekto sa iyo bilang isang
mamamayang Pilipino. Nagpapatunay lamang ito na malay ka o alam mo ang mga nangyayari sa
iyong kapaligiran.
Ngunit sapat bang sabihin mo lamang sa iyong kausap ang iyong mga opinyon o saloobin
ukol sa mahalagang isyu na iyong nabasa sa dyaryo? Paano mo ito maipaparating sa mas maraming
bilang ng mga Pilipino? Gusto mo bang maiparating sa kinauukulan ang mga ito? Paano?
16
Isang epektibong paraan ay ang pagsulat ng liham sa editor ng isang pahayagan. Kaya mo ba
itong gawin?
Sa sub-aralin na ito, tuturuan kitang gumawa ng liham na naglalahad ng iyong opinyon o
saloobin ukol sa isang mahalagang isyu o paksa. Tuturuan din kitang gumamit ng mga bantas upang
lalong maging epektibo at maayos ang iyong liham sa patnugot.
Handa ka na ba?
Linangin
Sige, simulan mo ito sa pamamagitan ng pagbasa sa balita sa ibaba.
Taas ng Presyo ng Bilihin Tuloy sa '05 - BSP
Marie Gaddi / Allan Nam-Ay
Tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa susunod
na hati ng taong 2005 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa BSP
(Bangko Sentral ng Pilipinas).
Ito ang sinabi ni BSP Deputy Governor at officer-in charge Armando L.Suratos sa
isinagawang budget hearing sa House of Representatives committee on
appropriations.
Gayunpaman, umaasa si Suratos na mapipirme sa apat hanggang limang porsiyento
ang implasyon taong 2004 hanggang 2006 at nangakong magpatuloy sa kanilang
pamamalakad maliban kung magkakaroon ng inflationary pressures, ayon kay
Suratos.
Tinawag na “inflationary pressures” ang pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, at
pamasahe.
Wala pa ring katiyakan kung kailan titigil sa pagtaas ng presyo ng langis ng mga
bansang mayayaman sa langis kagaya ng Middle East at Nigeria. Sa pinakahuling
datos na inilabas ng New York Mercantile Exchange, aabot sa $53.48 ang halaga kada
bariles ang langis, sabi ng BSP.
Sinabi pa ni Suratos sa nasabing pagdinig na patuloy sa pag-monitor ang BSP bago
sila gumawa ng kaukulang pagbabago sa pamamalakad.
Ayon naman kay BSP Assistant Governor Diwa C. Guinigundo, “nakasalalay sa policy-
making body ang mga pamamalakad, kung babaguhin o hindi ang klase ng polisiya
nang ahensya”. Hindi nagbago ang singil na 6.75 porsiyento sa overnight borrowing at
9 porsiyento sa overnight lending sa 12 taon.
17
Pinipilit ng International Monetary Fund sa BSP na bantayang mabuti at labanan ang
mga inflationary pressure at maglabas ng mga bagong patakaran sa paniningil kung
kinakailangan kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng mga interest rate at presyo ng
langis.
(Pinagkunan: Pinoy Weekly, Oktubre 13, 2004)
Ano ang isyung inilahad sa balita?
Ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tama ka!
Pagkatapos, pag-aralan kung paano nagbigay ng kanyang sariling saloobin o opinyon ukol sa
isyu ang sumulat ng liham sa patnugot.
Ika-17 ng Oktubre, 2004
Rogelio L. Ordoñes
Editor, Pinoy Weekly
Unit-5, 3890 L. Roces Street,
Sampaloc, Manila
G. Ordoñes:
Isang magandang araw po sa inyo.
Nabasa ko po ang balita sa isang isyu ninyo ng Pinoy Weekly noong ika-13 ng Oktubre
2004, na may pamagat na “Taas ng Presyo ng Bilihin Tuloy sa '05 – BSP” na isinulat
nina Marie Gaddi at Allan Nam-Ay.
Lubha po akong nabahala sa sinasasi ng balita. Sa kasalukuyan, wala pong tigil ang
pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, kung kaya, ang dating kasyang-kasyang
kinikita ng aking Tatay, ngayon po ay kulang na kulang na. Kailangan po naming
isakripisyo ang ilang mga bagay upang matugunan ang mas mahahalagang
pangangailangan ng aming pamilya. Ibayong pagtitipid na rin po ang ginagawa ng
aking pamilya upang mapagkasya ang kakarampot na suweldo ng aking Tatay.
Bilang isang kabataang Pilipino, hindi po maialis sa akin ang lubos na mabahala. Ang
mga bilihin po ang patuloy sa pagtaas ngunit ang kinikita naman po ng aking Tatay ay
tulad pa rin ng dati. Habang tumatagal po, parang lalong nababaon sa hirap ang aking
pamilya. May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan?
Kung matutuloy po ang sinasabi ng balita na pagtaas ng presyo ng bilihin sa taong
2005, tiyak ko pong sobrang hirap ang daranasin ng aking pamilya.
Sana’y gawin ng mga may mga katungkulan ang kanilang makakaya upang mapigilan
ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Pagtuunan sana nila ng pansin ang tumitinding
problema ng kahirapan sa ating bansa.
18
Anong uri ng liham ang iyong binasa? Paano ito naiiba sa ibang liham?
Ang iyong binasa ay isang halimbawa ng liham sa patnugot ng isang pahayagan. Ito ay isang
uri ng liham na naglalahad ng sariling opinyon o pananaw ng mambabasa sa isang mahalagang isyu o
paksa.
Ano ang damdamin ng sumulat tungkol sa isyu ng pagtaas ng bilihin? Pagkabahala di ba?
May halong takot. Bakit siya nababahala? Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na
sumusuporta rito:
1. Maliit lang ang kita ng kanyang Tatay.
2. Maaga silang makakaaho sa kahirapan.
3. Pataas nang pataas ang bilihin pero ang sweldo ay hindi nagbabago.
4. Kumikilos ang pamahalaan para malutas ang problema.
5. Sobrang hirap an daranasin ng kanyang pamilya.
Nilagyan mo ba ng tsek ang 1, 3, at 5? Tama ka kung gayon.
Tulad ng liham-pangkaibigan na ating natalakay na, mahalaga ring taglayin ng liham sa
patnugot ang mga sumusunod na bahagi:
Pamuhatan
Bating panimula
Katawan ng liham
Bating pangwakas
Lagda
Ngunit bukod sa mga ito, ano pang imformayon ang ibinigay ng sumulat? Ano ang
ipinakikita nito?
19
Hindi ba’t pagkatapos ng lagda ay isama ng sumulat ang kanyang tirahan. Ito ay nagpapakita
ng pagiging tapat at handa sa anumang maging resulta ng liham kapag nailathala na.
Bukod sa mga ito, ano pa sa palagay mo ang dapat taglayin ng isang maayos na liham? Paano
magiging malinaw ang mahalagang sinasabi nito?
Kung ang iyong iniisip ay ang wastong paggamit ng bantas, tama ka.
Ang paggamit ng bantas ay nakatutulong upang maging maayos ang iyong liham.
Ano ba ang mga bantas? Ang mga bantas ay mga simbolo at gabay na ginagamit sa pagsulat.
Anu-anong bantas ang nakita mong ginamit sa liham? Okey, kabilang dito ang:
tuldok (.) kuwit (,)
tandang pananong (?) tutuldok (:)
tandang panamdam (!) panipi(“”)
gitling (-) at kudlit (‘)
Alam mo na ba ang gamit ng mga ito? Kung hindi pa, pag-aralan mo ang mga ibinigay kong
halimbawa.
1. Unahin natin ang tuldok (.). Saan-saan ito ginamit?
Napansin mo ba ito
a.) Sa hulihan ng mga salitang pinaikli o dinaglat?
Mga Halimbawa: G. (Ginoo)
Bb. (Binibini)
b.) Sa inisyal ng pangalan?
Halimbawa: G.M.A. (Gloria Macapagal – Arroyo)
c.) Sa hulihan ng mga pangungusap na pasalaysay, pautos at pakiusap?
Mga Halimbawa:
Lubha po akong nabahala sa sinasasi ng balita.
Pagtuunan sana nila ng pansin ang tumitinding problema ng kahirapan sa ating bansa.
2. Ang tandang pananong (?) naman, hindi ba’t inilalagay ito sa dulo ng pangungusap na patanong?
Halimbawa:
May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan?
Saan naman ginagamit ang tandang panamdam (!)?
Halimbawa:
Maraming salamat po!
20
3. Pansinin mo naman ang gamit ng kuwit (,). Nakita mo ba na gamit ito sa:
a.) Petsa upang ihiwalay ang araw sa taon?
Halimbawa: Oktubre 13, 2004
b.) Paghihiwalay ng tuwirang sinabi ng nagsasalita sa iba pang bahagi ng pangungusap?
Halimbawa:
Ayon naman kay BSP Assistant Governor Diwa C. Guinigundo, “nakasalalay sa
policy-making body ang mga pamamalakad, kung babaguhin o hindi ang klase ng
polisiya nang ahensya”.
c.) Paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay talaan?
Mga Halimbawa:
Tinawag na “inflationary pressures” ang pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, at
pamasahe.
Sa kasalukuyan, wala pong tigil ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin,
kung kaya, ang dating kasyang-kasyang kinikita ng aking Tatay, ngayon po ay kulang
na kulang na.
d.) Paghihiwalay ng bayan at lalawigan o ng bayan at lungsod?
Mga Halimbawa: Muzon, San Jose del Monte City
Sampaloc, Manila
e.) Bating-panimula at bating pangwakas ng liham?
Mga Halimbawa: Lubos na gumagalang,
Mahal kong kaibigan,
f.) Hulihan ng panimulang salita, parirala o sugnay?
Mga Halimbawa:
Gayunpaman, umaasa si Suratos na mapipirme sa apat hanggang limang porsiyento
ang implasyon taong 2004 hanggang 2006.
At bilang isang kabataang Pilipino, ako po’y mag-aaral na mabuti.
4. Ginagamit din ang tutuldok (:)sa bating panimula ng liham-pangangalakal, di ba?
Halimbawa: G. Ordoñez:
5. Ang panipi (“”) naman ay gamit sa:
a.) pamagat na kasama sa pangungusap.
Mga Halimbawa:
Nabasa ko po ang balita sa isang isyu ninyo ng Pinoy Weekly noong ika-13 ng
Oktubre 2004, na may pamagat na “Taas ng Presyo ng Bilihin Tuloy sa '05 – BSP”.
b.) pahayag ng isang tao na isinama sa pangungusap.
Halimbawa:
21
Ayon naman kay BSP Assistant Governor Diwa C. Guinigundo, “nakasalalay sa
policy-making body ang mga pamamalakad, kung babaguhin o hindi ang klase ng
polisiya nang ahensya”.
6. Saan naman ginamit ang gitling (-)?
a.) Ginamit ito sa pagitan ng panlaping ika at tambilang.
Halimbawa: ika-13 ng Oktubre 2004
b.) Sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa
patinig.
Halimbawa: mag-aaral
c.) Sa pagitan ng salitang inuulit.
Halimbawa: kasyang-kasyang
tuloy-tuloy
7. Ginagamit naman ang kudlit (‘ bilang panghalili sa isang kinaltas na titik.
Mga Halimbawa: sana’y (sana ay)
nawa’y (nawa ay)
Ang paggamit ng wastong bantas ay mahalaga sa anumang uri ng liham na isusulat.
Nakatutulong ito upang maging malinaw ang pagpapahayag mo ng iyong saloobin o pananaw ukol sa
isang mahalagang isyu.
Ang kawalan ng ingat sa paggamit ng mga bantas ay kadalasang nagreresulta sa maling
pagtanggap ng mensahe na taong sinusulatan.
Ngayong sapat na iyong kaalaman sa paggamit at kahalagahan ng bantas sa pagsulat ng liham,
handa ka na sa susunod na gawain.
Linangin
Sa isang malinis na papel, kopyahin at lagyan ng wastong bantas ang liham na ito.
Ika 17 ng Nobyembre 2004
Segundo D Matias
General Manager
Lampara Books
300 Biak na Bato St
SFDM Brgy Manresa
1115 Quezon City
G Matias
22
Nawa y datnan po kayo ng liham na ito na nasa mabuti at ligtas na kalagayan
Ang Brgy Muzon ng San Jose del Monte Bulacan ay magtatayo po ng isang pampublikong aklatan
sa taong ito Kaugnay po nito nais naming malaman ang presyo ng mga sumusunod na aklat
pambata na inyong inilalathala Alam naming ang mga aklat na ito ay nararapat na maisama sa
itatayong pampublikong aklatan sa aming Baranggay
Narito ang pamagat ng mga aklat
1 Isda Para sa Dalawa ni Becky Bravo
2 Mga Lihim sa Gabi ni Ruming ni Rhandee Garlitos
3 Og Uhog ni Christine S. Bellen
4 Ang Lumang Aparador ni Lola ni Genaro R. Gojo Cruz
5 Spectacular Tree ni Robert Magnuson
Kung maaari po ay mapadalhan ninyo kami ng kopya ng listahan ng presyo ng iba pa ninyong mga
aklat Malaking tulong po ito upang mailaan ang kaukulang badyet para sa pagbili ng mga aklat
Inaasahan po namin ang inyong dagliang pagtugon
Maraming salamat po
Lubos na gumagalang
Inocencio C Albia
Ganito ba ang iyong sagot? Itama mo ang iyong liham sa pamamagitan ng liham sa ibaba.
Anong bantas ang iyong nakalimutan? Kung marami ang iyong hindi nasagot, maaari mong
balikan ang aralin sa paggamit ng bantas kung sa palagay mo ay hindi pa malinaw sa iyo ang
paggamit ng mga ito. Kung kakaunti naman ang iyong mali, maaari mo nang puntahan ang susunod
na aralin.
Ika-17 ng Nobyembre 2004
Segundo D. Matias
General Manager
Lampara Books
300 Biak na Bato St.,
SFDM, Brgy. Manresa
1115 Quezon City
G. Matias;
Nawa’y datnan po kayo ng liham na ito na nasa mabuti at ligtas na kalagayan.
23
Ang Brgy. Muzon ng San Jose del Monte, Bulacan ay magtatayo po ng isang pampublikong aklatan
sa taong ito. Kaugnay po nito, nais naming malaman ang presyo ng mga sumusunod na aklat-
pambata na inyong inilalathala. Alam naming ang mga aklat na ito ay nararapat na maisama sa
itatayong pampublikong-aklatan sa aming Baranggay.
Narito ang pamagat ng mga aklat:
1 Isda Para sa Dalawa ni Becky Bravo
2 Mga Lihim sa Gabi ni Ruming ni Rhandee Garlitos
3 Og Uhog ni Christine S. Bellen
4 Ang Lumang Aparador ni Lola ni Genaro R. Gojo Cruz
5 Spectacular Tree ni Robert Magnuson
Kung maaari po ay mapadalhan ninyo kami ng kopya ng listahan ng presyo ng iba pa ninyong mga
aklat. Malaking tulong po ito upang mailaan ang kaukulang badyet para sa pagbili ng mga aklat.
Inaasahan po namin ang inyong dagliang pagtugon.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Inocencio C. Albia
Kung tama ang iyong sagot, ay maaari kang magpatuloy sa mga susunod na gawain. Kung
hindi, hinihiling kong balikan mo ang ating talakayan bago ka magpatuloy.
Salamat kaibigan.
Gamitin
Sa isang hiwalay na papel, ayusin ang mga sumusunod sa anyo ng isang liham. Isaalang-
alang ang paggamit ng wastong bantas. Gayahin ang format ng liham sa patnugot ng iyong binasa.
Umaasa sa iyong tulong
Sana’y mabigyan ninyo ako ng epektibong solusyon ukol sa suliranin kong ito.
Mahal kong Tita Rowena,
Kami po ay nakatira dito sa mismong Poblacion at may kapitbahay na mayaman na
may alagang aso. Tuwing gabi, kahul nang kahol ang asong ito. Pinuntahan ko na
po ang aking kapitbahay at sinabi kong maaaring patahimikan niya ang kanyang
alagang aso pero wala rin pong nangyari. Maingay pa rin ang kanyang alagang aso
lalo na sa gabi. Sumulat po ako sa Kapitan ng aming Barangay pero walang naging
kasagutan. Nagtungo na rin po ako kay Major Ruiz, ang pinuno ng mga pulis dito sa
24
amin pero wala pa ring nangyari. Ano kaya ang mabuti kong gawin? Nakakaapekto
po nang husto ang ingay ng aso, di lamang sa akin kundi pati sa aking mga
kasambahay. Kailangan naming makapagpahinga at makatulog nang maayos upang
makapagtrabaho kinabukasan at para pong bingi at walang pakialam sa kalagayan
ng iba ang aking mayamang kapitbahay.
Nawa’y matulungan ninyo ako kahit alam kong madalas ay mga problema sa puso
ang tinatalakay ninyo sa iyong pitak.
Sally
Pob San Jose del Monte City Bulacan,
ika 16 ng Disyembre 2004
Ano kayang uri ng liham ito?
Tama ka! Ito ay isang halimbawa ng liham na humihingi ng payo. Ginagawa ito ng mga
taong nais makakuha ng payo mula sa isang taong eksperto o may sapat na kaalaman tungkol sa isang
bagay. Halimbawa, problema sa kalusugan, buhay at relasyon, hanapbuhay at iba pa. Layunin
nitong mabigyang solusyon ang problema ng isang tao.
Lagumin
Sa sub-aralin na ito, natutunan mo ang wastong paggamit ng mga bantas sa pagsulat ng liham.
Nakatutulong ang wastong paggamit ng mga bantas upang maging malinaw ang iyong paglalahad ng
mga nais sabihin sa taong susulatan.
Naragdagan din ang iyong kaalaman ukol sa uri ng liham. Una, ay ang liham sa patnugot. Ito
ay ang liham na nagbibigay ng saloobin o pananaw ng isang tao ukol sa mahahalaga at maseselang
isyu na maaaring malapit sa kanya. Ikalawa, ay ang liham na humihingi ng payo. Ito naman ay
liham na humihingi ng payo sa isang taong eksperto sa isang larangan. Layunin ng ganitong uri ng
liham ang mabigyang solusyon ang isang suliranin.
Marahil, sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa wastong pagbabantas at sa ilang uri ng
liham. Handa ka na bang subukan ang iyong kakayanan o natutunan sa sub-aralin na ito?
Kung sa palagay mo ay handing-handa ka na, maaari mo nang puntahan ang SUBUKIN.
Ngunit kung sa palagay mo ay mayroon pang malabo sa iyong isipan, hinihiling kong balikan mo ang
ating talakayan o maaari kang magtanong sa iyong guro.
Subukin
Pumili ng isang balita sa ibaba at sumulat ng isang liham sa patnugot. Piliin ang balitang
malapit sa iyong karanasan upang makapagbigay ka ng iyong mga opinyon o saloobin. Isaalang-
alang ang mga bahagi ng liham at bantas na iyo nang napag-aralan. Isulat sa isang hiwalay na papel
ang iyong liham. Pagkatapos, basahin mo ito sa harap ng iyong klase.
25
Umakyat sa $5.5B ang mga Padala ng OFWs
UMAKYAT ng 48 porsyento noong Agosto kaya umabot sa kabuuang $5.5 bilyon ang mga
perang pauwi ng overseas Filipino workers (OFWs), sang-ayon sa Bangko Sentral ng
Pilipinas (BSP). Idinugtong ni Gobernor Rafael Buenaventura ng BSP na naragdagan ang
mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa kaya lumaki ang padala nilang pera na
nakatulong upang maging magaan nang kaunti ang bigat ng pagtaas ng halaga ng krudo
sa daigdig. Ang pauwi ng OFWs mula Enero-Agosto ay 9.42 porsiyento ang higit kaysa sa
$5.1 bilyong natala noong Enero-Agosto, 2003, sabi ng BSP.Sang-ayon kay
Buenaventura, ang mga pauwi ng OFWs ay galing sa Hong Kong, Hapon,
Singapore,Italya, United Kingdom, United Arab Emirates at Saudi Arabia.
(Pinagkunan: Kabayan, Oktobre 18, 2004)
Kahirapan, Balakid pa rin sa Edukasyon
ni Xyra Maria Cecilia G. de Leon
NakaLUlungkot isipin na 60 porsiyento lamang ng mga estudyante ang nakatatapos sa
elementarya sa bansa. Kakulangan sa pondo ang dahilan.
Sa nakuhang statistics noong 2001-2002, mula sa 133,000 estudyante ng grade 1 na nag-
enrol sa iba't ibang elementarya sa Southern Mindanao, humigit-kumulang 80,000 lamang
ang nakatapos ng Grade VI o 60 porsiyento ng kabuuang populasyon ng mga estudyante.
Ayon kay Felina de Leon, DepEd statistician, ang pagbaba ay sanhi ng kahirapan at hindi
na makayanang sustentuhan ng mga magulang ang mga kailangan ng kanilang mg anak
sa eskuwelahan.
Kahit na gustong pumasok ng mga bata sa paaralan, wala silang magagawa kundi tumigil
at tulungan ang kanilang mga magulang na magtrabaho sa kanilang murang edad.
Ayon naman kay Leonilo Villanueva, statistician para sa sekondarya, 76,946 o 95
porsiyento sa 80,453 na nakapagtapos ng Grade VI, ang nakapag-enrol sa high school
noong nakaraang taon. Kahit bumababa ang mga numero, marami pa ring mga kabataan
sa rehiyon na pumapasok dahil naniniwala sila na ang pagtatapos nila sa elementarya ay
makatutulong upang makamit nila ang kanilang mga pangarap sa buhay dahil pagkatapos
ng anim na mahabang taon sa paaralan, nalampasan na nila ang mga pagsubok at
kahirapan. At ngayo'y handa na sila sa susunod na baytang sa edukasyon-ang high
school.
Ang mga magulang na nakasaksi sa mga anak nilang nakatapos ay may sapat nang
dahilan upang magsaya.
(Pinagkunan: http://www.kabayanonline.com/current/EDU/CEDU051401.htm)
Bagong Guidelines Ukol sa Nawawalang Textbooks
ni Xyra Maria Cecilia de leon
26
Ayon sa bagong patakaran ng Department of Education, magbibigay ng amnestiya sa mga
estudyante na nakawala ng isang textbook dahil sa bagyo, baha, lindol o dahil sa mga
aksidente gaya ng sunog o pagnanakaw.
Kailangang magsumite ang estudyante ng isang sulat na nagpapaliwanag sa pagkakawala
ng libro o mga libro at ibibigay ito sa kanyang teacher-adviser sa loob ng 15 araw mula
nang nawala ang libro.
Ang teacher-adviser ay dapat sumulat sa custodian upang ipaalam ang pagkawala ng mga
textbook dahil sa paglipat o pagdrop-out ng mga estudyante na hindi nagsauli ng mga libro
na ibinigay sa kanya simula pa ng klase.
Dapat ding ipaliwanag ang partikular na rason at mabigyang katwiran ang pagkawala ng
libro upang mawalan siya nang kahit na anong responsibilidad (cleared off any
accountability), ayon sa memorandum. Subalit kung ang pagkawala ng libro ay dahil sa
kapabayaan ng estudyante, kaukulang bayad na salapi ang ipapatong dito.
Ang presyo ng mga libro ay nakuha mula sa Social Expenditure Management Project
(SEMP), Third Elementary Education Project (TEEP), o Secondary Education
Development and Improvement Project (SEDIP) ay ibabase ayon sa halaga ng nasa Price
List of Textbooks sa ilalim ng Different Procedure Initiatives. Samantala, ang mga librong
hindi kasali sa programang ito, ay babayaran base sa presyo batay sa Department of
Education Order No. 32 na ipinalabas noong 2002.
Kung ang nawalang libro ay nagamit ng mahigit isang taon, ang presyong babayaran ng
estudyante ay malalaman sa straight line method depreciation. May opisyal na resibo na
ibibigay at ang kaukulang bayad ay dapat iremita gaya ng kung paano binabayaran ang
mga ari-arian ng gobyerno na itinakda ng Commission on Audit (COA).
Noon ay binigyan ng amnestiya ni Roco ang mga estudyante at mga guro na nakawala ng
mga libro ngunit nakapagbigay na ng sulat sa school custodian.
(Pinagkunan: http://www.kabayanonline.com/current/EDU/CEDU051402.htm)
Taglay ba ng liham na iyong isinulat ang mga sinabi kong katangian? Kung oo, binabati kita.
Ngunit kung sa tingin mo ay kulang pa sa mga katangian ito ang iyong isinulat na liham sa patnugot,
may pagkakataon ka pang pagandahin ito. Pagkatapos, hilingin mo sa iyong guro ang iyong isinulat
na liham sa patnugot para maiwasto.
Paunlarin
Sa iyong pagsulat ng liham, tiyakin mo na taglay nito ang mga sumusunod na katangian ng
isang maayos na liham:
1. Malinaw (clear)
Ang pagiging malinaw ng isang liham ay makikita sa kung paano mo pinagsunud-
sunod ang iyong mga ideya. Ang isang liham ay hindi dapat na maging sobrang haba o
maligoy. Higit na epektibo ang maikling pangungusap. Laging mong tandaan na ang
kasimplihan ay daan sa madaling pagkaunawa.
27
2. Wasto (correct)
Lagi mong isaisip na anumang liham ay dapat magtalglay ng angkop at tiyak na
impormasyon. Tiyakin mo na wasto ang iyong bawat pahayag o sasabihin sa iyong liham.
Kasama rin sa kawastuhan ang tamang pagbabantas.
3. Buo ang kaisipan (complete idea)
Siguruhin buo at sapat ang mga impormasyong isinama sa liham. Ang kasapatan ng
mga impormasyon ng isang liham ay nakatutulong upang maging buo ang kaisipan o ideya na
nais ipabatid nito.
4. Magalang (courteous)
Maging magalang sa anumang uri ng liham na isinusulat. Gumamit ng mga salitang
nagpapahayag ng paggalang lalo na kung wala kang sapat na kaalaman sa taong iyong
sinusulatan.
5. Maikli (concise)
Sikapin na ang bawat salitang iyong ginamit sa iyong liham ay nakatutulong sa
pagbabatid ng nais mong sabihin. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan
at hindi makatutulong sa nais mong sabihin.
6. Kombersasyonal (conversational)
Masasabing mahusay ang pagkakasulat ng isang liham kung ang bumabasa nito’y
parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa paraang natural ang mga nais mong sabihin
upang higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan.
Lagi mong tandaan na ang iyong liham ay nagsisilbing repleksyon ng iyong sarili o pagkatao.
Kung kaya mahalagang suriin muna itong mabuti at iwasto ang mga pagkakamali bago ipadala sa
taong padadalhan. Anumang magandang katangian ng iyong liham ay masasabing katangian mo na
rin bilang isang tao.
Dito natatapos ang sub-aralin 2, binabati kita sa iyong kasipagan. Kita-kits sa susunod na
sub-aralin.
Sub-Aralin 3:
Pagsulat ng Liham-Aplikasyon
Mga Layunin
Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang nagagawa mo ang sumusunod:
1. nakikilala ang iba’t ibang uri ng liham
2. natutukoy ang mga anyo ng liham na maaaring gamitin sa pagsulat ng liham-aplikasyon
3. naipakikita ang sariling istilo sa pagsulat ng liham
28
Alamin
Ilang taon na lamang ay magtatrabaho ka na rin. Kikita ka na ng sarili pera na galing sa
iyong pagtatrabaho at pagsisikap. Ilan taon mula ngayon, magsisimula ka nang maghahanap ng
trabaho na gusto mo o naaayon sa iyong kwalipikasyon at kakayahan.
Ngunit bago mo makamit ang trabahong ito, may isang kasanayang mahalaga mong
matutunan upang pormal mo nang masabi na ikaw ay nararapat sa isang trabaho o posisyon. Ito ay sa
pamamagitan ng isang liham-aplikasyon. Sa sub-aralin na ito, aalalayan kitang sumulat ng liham-
aplikasyon. Bukod dito, tatakayin ko rin ang iba’t ibang uri at anyo ng liham.
Sana’y gawin mo ang iyong makakaya sa sub-aralin na ito. Ang mga kasanayang iyong
matutunan dito ay tiyak na iyong magagamit sa hinaharap.
Linangin
Narito ang isang halimbawa ng liham-aplikasyon, basahin mo itong mabuti ang alamin ang
mga katangian nito.
82 Pastol, Muzon
San Jose del Monte City
3023 Bulacan
Ika-20 Oktubre 2004
Judy S. Javier
Tagapamahala
Gintong Aral Publications
Selya Street, Pandacan,
Manila
Gng. Javier:
Kapayapaan!
1 Nabasa ko po sa pahayagang Kabayan noong Oktubre 18, 2004, na kayo ay
nangangailangan ng isang manunulat at mananaliksik para sa inyong magasing Batingaw
at Tinig.
2 Ako po si Genaro R. Gojo Cruz, 27 taong gulang at nagtapos ng Bachelor of Secondary
Education major in Social Science noong 2002 sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Kumukuha rin po ako sa kasalukuyan ng Masteral Major in Philippine Studies sa
Pamantasang De La Salle – Maynila.
3 Malawak po ang aking kaalaman sa pagsusulat at pananaliksik. Bukod po sa ako ay
nakapagturo na ng asignaturang Filipino at Araling Panlipunan sa PNU, nakapaglathala na
29
rin po ako sa iba’t ibang aritkulo sa mga pahayagan na may pambansang sirkulasyon,
tulad ng Kabayan, Liwayway, Panorama, Sunday Inquirer at iba pa. May sapat din po
akong kaalaman sa paggamit ng kompyuter at layouting.
4 Sana’y maging karapat-dapat po ako sa mga kwalipikasyong hinihanap ninyo. Nakahanda
po akong mainterbyu sa araw at oras na gusto ninyo.
5 Kalakip po ng liham kong ito ang aking resume, kung may nais pa kayong malaman
tungkol sa akin.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Genaro R. Gojo Cruz
Anong uri ng liham ang iyong binasa?
Tama ka! Ito ay isang liham-aplikasyon. Anong Gawain ang inaaplayan? Manunulat at
mananaliksik tama.
Ang liham aplikasyon ay isang hakbang sa pagkuha ng trabaho. Sa ibang pagkakataon, cover
letter ang tawag para sa liham na “nagbebenta sa iyong sarili”, liham na naglalahad kung ano ang
iyong maibabahagi sa isang kompanya o kung ikaw ang nararapat o sagot sa hinihanap nilang
empleyado.
Kadalasang mayroong limang (5) bahagi ang isang liham-aplikasyon. Ito ay ang sumusunod:
Introduksyon
Personal na datos
Kwalipikasyon sa inaaplayang trabaho
Pinagkunan ng impormasyon tungkol sa inaaplayang trabaho/Pangalan ng referens
Kahilingan sa isang tugon o interbyu
Suriin natin ang liham ni Gojo Cruz. Ano ang kanyang introduksyon? _____________
Anong personal na datos ang angkop na isama niya sa Liham? _______________ May
kwalipikasyon ba siya para sa interbyu? Kung oo ang sagot mo, sa anong talata ito ipinahayag? Sa
ika-4 nga! Anong bahagi ang hindi niya tinugunan? Tama, ang pangalan ng referens.
Narito ang mga dapat isipin o tandaan sa pagsulat ng isang liham-aplikasyon:
30
1. Sino ang susulatan?
Sa pagsulat ng liham-aplikasyon, mahalagang nakaadres ito sa tamang tao, kadalasang ang
puno o tagapangulo ng departamento o ng personnel officer ng kompanya.
2. Ano ang dapat lamanin ng liham?
Ilimita sa isang pahina lamang ang liham. Iwasang ulitin ang mga impormasyon na
mababasa sa iyong resume sa liham-aplikasyon. Ngunit puwede mong banggitin sa simula ng iyong
liham ang posisyong inaaplayan mo kahit nasa resume na ito. Siyempre, hinding-hindi dapat
mawala ang pagbanggit sa iyong pinakamalakas na katangiang pang-akademiko o pang-empleo.
Importanteng maisaad mo sa liham ang iyong kagustuhan sa trabahong inadvertays at kung
paano mo maayos na magagampanan ang trabaho ito dahil sa iyong taglay na katangian. Ngunit
siguruhing hindi nagmumukhang mayabang ang iyong dating sa pagsasabi ng iyong mga katangian.
Mahalagang magtaglay ng pagpapakumbaba ang iyong liham.
Matapos na maisulat ang isang liham-aplikasyon, mahalagang i-kritik ito ng mismong
sumulat. Kailangang matiyak ang malinaw na pagkakasulat nito. Tulad ng sabi ni J. Grice sa
kanyang Cooperative Principle, (1) sabihin lamang ang kailangan at wala nang iba; (2) maging
malinaw; (3) maging makatotohanan; at (4) maging makabuluhan.
Maaari mong wakasan o tapusin ang liham sa magalang na paghiling ng interbyu mula sa
inaaplayan o employer.
Bukod sa mga ito, ang isang liham-aplikasyon ay hindi lamang nasusukat sa nilalaman nito
kundi maging sa taglay nitong panlabas na presentasyon.
Pansinin ang liham-aplikasyon na iyong binasa? Paano ito binuo? Hindi ba’t kapansin-
pansin ang kaayusan ng mga margin nito?
May tatlong kadalasang anyo na ginagamit sa pagsulat ng liham-aplikasyon. Ito ay ang mga
sumusunod. Pag-aaralan kung saan lamang nagkakaiba-iba ang bawat isa.
Ganap na Blak (Full-Block Style) ________________
________________
________________
________________
________________
________________
___________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________
________________
________________
31
Semi-Blak (Semi-Block Style) Modifyad Blak (Modified Block Style)
Ngayong alam mo na ang tatlong (3) anyo ng liham na kadalasang ginagamit sa liham-
palikasyon, matutukoy mo na ba ang anyo ng liham-aplikasyon na iyong binabasa?
Tama ka! Ito ay gumamit ng anyong Modifyad Blak. Anumang anyo ng liham ay maari
mong gamitin sa pagsulat ng liham-aplikasyon.
Bukod sa liham-aplikasyon, nais ko ring ituro sa iyo ang iba pang uri ng liham na posible
mong matanggap o isulat sa hinaharap. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Liham-Pagtatanong
Ito ay isang liham na nagtatanong ng mga presyo, akomodasyon, basiko at panlahat na
impormasyon na ipinagkakaloob ng isang institusyon, organisasyon o kaya’y ng isang
samahan o opisina. Humihingi ang liham na ito ng madaliang katugunan.
2. Liham-Kahilingan o Pag-order
Ito ay isang liham na nagsasabi kung ano ang inoorder o kaya’y hinihiling sa isang
institusyon, organisasyon o kaya’y ng isang samahan o opisina. Mahalagang ang liham na ito
ay maging eksakto sa deskripsyon ng bagay, laki o dami, kulay, presyo, at iba pa.
Importanteng isaad sa liham ang paraan ng pagkuha at paghahatid ng aytem o bagay, at kung
paano ang gagawing sistema ng pagbabayad.
3. Liham-Karaingan
Ito ay isang liham na naglalahad ng karaingan o reklamo ng isang tao na direktang
naapektuhan ng isang pangyayari. May mga taong nagrereklamo sa produktong nabili, tulad
ng mga pagkain, damit, sapatos at iba pa, maging sa mga programa at komersyal sa
telebisyon. Mahalagang magkaroon ng matibay na dahilan at ebidensya sa pagrereklamo.
________________
________________
________________
________________
________________
________________
___________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
___________________
____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________
________________
32
4. Liham-Pasasalamat
Ito ay isang liham na naglalahad ng pasasalamat sa isang tao o sa isang
institusyon, organisasyon o kaya’y ng isang samahan o opisina na maaaring nagkaloob ng
donasyon, serbisyo, o ng anumang tulong na hindi matutumbasan ng salapi.
Sabihin kung anong uri ng liham ang nararapat sa mga sumusunod na sitwasyon:
1. Nais mong malaman ang halaga ng ipinagbibiling mga gamit ng opisinang magsasara na.
2. Gusto mong magpasalamat sa isang NGO na nagbigay ng mga damit at pagkain sa mga
pamilyang nasalanta ng malakas na bagyo.
3. Nais mong ireklamo ang dumaraming bilang ng mga computer centers na nagiging dahilan ng
hindi pagpasok sa tamang oras ng mga mag-aaral sa eskwelahan.
4. Gusto mong maibahagi ang iyong pananaw sa balitang nabasa mo sa isang pahayagan tungkol
sa Food Coupon na programa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
5. Nakabasa ka ng anunsyo na nangangailangan ng service crew sa branch ng Jollibee na
itinatayo malapit sa inyo. Gusto mong magtrabaho at makatulong sa iyong pamilya.
6. Gusto kang ibili ng kompyuter ng iyong nanay na nasa ibang bansa ng kompyuter. Sabi niya,
mas makakamura kung dito na lamang sa Pilipinas bumili ng kompyuter, pero wala kang
ideya kung magkano ito.
7. May depekto ang kabibili ninyong rice cooker.
8. Nais mong bumili ng isang bagong kompyuter. Naibigay mo sa kompanya ang model ng
iyong gusting bilhin.
9. Pinalagyan ng ilaw ang lahat ng poste sa inyong barangay. Nais mong purihin ang
magandang hakbang na ito ng mga opisyal ng inyong barangay.
10. Gusto mong kamustahin ang iyong kaibigan na nag-aaral sa ibang bansa.
Kung ang iyong sagot ay tulad ng mga sumusunod, tama ka.
1. Liham-Pagtatanong 6. Liham-Pagtatanong
2. Liham-Pasasalamat 7. Liham-Karaingan
3. Liham-Karaingan 8. Liham-Kahilingan
4. Liham sa Patnugot 9. Liham-Pasasalamat
5. Liham-Aplikasyon 10. Liham-Pangkaibigan
Gamitin
Tukuyin ang mga sumusunod mula sa iyong liham-aplikasyon na binasa. Isulat sa isang
hiwalay na papel ang iyong sagot. Gayahin ang format sa ibaba:
Bahagi ng Liham-Aplikasyon
1. Introduksyon
33
2. Personal na Datos
3. Kwalipikasyon sa inaaplayang trabaho
4. Pinagkunan ng impormasyon tungkol sa
inaaplayang trabaho/pangalan ng referens
5. Kahilingan sa isang tugon/interbyu
Kung ang iyong tugon ay tulad ng mga sumusunod, ay tama ka.
Introduksyon
Kapayapaan!
Personal na Datos
Ako po si Genaro R. Gojo Cruz, 27 taong gulang at nagtapos ng Bachelor of Secondary Education
major in Social Science noong 2002 sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Kumukuha rin po ako sa
kasalukuyan ng MA major in Philippine Studies sa Pamantasang De La Salle – Maynila.
Kwalipikasyon sa Inaaplayang Trabaho
Malawak po ang aking kaalaman sa pagsusulat at pananaliksik. Bukod po sa ako ay nakapagturo na
ng asignaturang Filipino at Araling Panlipunan sa PNU, nakapaglathala na rin po ako sa iba’t ibang
aritkulo sa mga pahayagan na may pambansang sirkulasyon, tulad ng Kabayan, Liwayway,
Panorama, Sunday Inquirer at iba pa. May sapat din po akong kaalaman sa paggamit ng kompyuter
at layouting.
Pinagkunan ng Impormasyon Tungkol sa
Inaaplayang Trabaho/Pangalan ng Referens
Nabasa ko po sa pahayagang Kabayan noong Oktubre 18, 2004, na kayo ay nangangailangan ng
isang manunulat at mananaliksik para sa inyong magasing Batingaw at Tinig.
Kahilingan sa Isang Tugon/Interbyu
Sana’y maging karapat-dapat po ako sa mga kwalipikasyong hinihanap ninyo. Nakahanda po akong
mainterbyu sa araw at oras na gusto ninyo.
Ang mga bahaging ito ang mahalagang isaalang-alang mo sa pagsulat ng isang liham-
aplikasyon.
34
Lagumin
Sa sub-araling ito, iyong napag-aralan ang tungkol sa pagsulat ng liham-aplikasyon. Ang
liham aplikasyon ay isang hakbang sa pagtatamo ng trabaho. Tinatawag ding cover letter ang liham-
aplikasyon na “nagbebenta sa iyong sarili” at naglalahad kung ano ang maibabahagi ng nag-aaplay ng
trabaho sa isang kompanya.
May limang (5) bahagi ang isang liham-aplikasyon. Ito ay ang sumusunod:
Introduksyon
Personal na datos
Kwalipikasyon sa inaaplayang trabaho
Pinagkunan ng impormasyon tungkol sa inaaplayang trabaho/Pangalan ng referens
Kahilingan sa isang tugon o interbyu
Nalaman mo rin na matapos na maisulat ang isang liham-aplikasyon, mahalagang itong i-
kritik mismo ng sumulat. Kailangang matiyak ang malinaw na pagkakasulat nito. Mahalagang
tandaan ang sinabi ni J. Grice sa kanyang Cooperative Principle:
1. sabihin lamang ang kailangan at wala nang iba
2. maging malinaw
3. maging makatotohanan
4. maging makabuluhan
Natutunan mo rin ang tatlong anyo ng liham na ginagamit sa pagsulat ng liham-aplikasyon.
Ito ay ang mga sumusunod:
Ganap na Blak (Full-Block Style)
Semi-Blak (Semi-Block Style)
Modifyad Blak (Modified Block Style)
Bukod sa liham-aplikasyon, nalaman mo rin iba pang uri ng liham na maaari
mong matanggap o isulat sa hinaharap batay sa sitwasyong iyong kinapapalooban. Ito ay ang mga
sumusunod:
Liham-Pagtatanong
Liham-Kahilingan o Pag-order
Liham-Karaingan
Liham-Pasasalamat
35
Ngayong may sapat ka ng kaalaman tungkol sa pagsulat ng liham-aplikasyon, subukan mong
gawin ang mga susunod na gawain sa sub-aralin na ito. Sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda
ko para sa iyo, iyong masusubok at magagamit ang mga kasanayang natutunan mo sa sub-aralin na
ito.
Kung may mga bahagi ng aralin na malabo pa para iyo, maaari mong balikan ang mga ito
bago mo puntahan ang SUBUKIN. Mahirap gawin ang isang bagay kung hindi ka pa handa.
Ngunit kung sa palagay mo ay sapat na iyong natutunan at handa ka ng gamitin ang mga ito,
puntahan mo na ang mga susunod na gawain sa SUBUKIN.
Sige puntahan mo na ang gawain sa SUBUKIN at hinihintay na kita doon.
Subukin
Balikan mo ang liham-aplikasyon na iyong binasa sa sub-aralin na ito. Sa dalawang hiwalay
na papel, muli mo itong isulat sa anyong ganap na blak (Full-Block Style) at semi-blak (Semi-Block
Style). Pagkatapos mong maisulat ang mga liham, ipakita mo sa iyong guro.
Paunlarin
Narito ang mga ginupit kong Classified Ads mula sa peryodiko na naghahanap ng aplikante sa
trabaho. Pumili ng isa sa mga ito at sumulat ng isang liham-aplikasyon. Isaalang-alang ang mga
natalakay na natin tungkol sa pagsulat ng liham-aplikasyon.
36
Matapos mong maisulat ang iyong liham-aplikasyon, balikan mo ito. Tignan kung nasasagot
ba ng liham mo ang mga sumusunod na tanong.
1. Nakaeenganyo bang basahin ang liham?
37
2. Magalang at malinaw ba ang iyong liham?
3. Magiging interesado ba ang babasa sa iyong maitutulong sa kompanya?
4. Hindi ba gaanong nagpapakumbaba ang iyong liham?
5. Hindi ba nagyayabang ang iyong liham?
6. Hindi naglalahad ng pagiging angat sa iba?
7. Binanggit mo ba ang iyong pinakamalakas na katangian?
Kung nasasagot ng iyong liham ang mga tanong na ito, masasabi kong puwedeng-puwede na
ang iyong liham. Tiyak kong matatanggap ka na sa trabahong iyong inaaplayan. Ipakita mo nga rin
pala sa iyong guro at ng maiwasto.
Nawa’y makatulong sa iyo sa hinaharap ang mga kasanayang iyong natamo sa modyul na ito.
Lagi mong tandaan na masasalamin ang iyong katangian o personalidad sa liham na iyong inihanda,
kung kaya mahalagang maging maayos at malinaw ito.
Binabati kita sa iyong matiyagang pag-aaral sa modyul na ito. Pero bago uli tayo
maghiwalay, sagutin mo ang panghuling pagsusulit sa GAANO KA NA KAHUSAY? para matiyak
ko ang iyong natutuhan sa aralin.
Maraming salamat sa iyo kaibigan.
Gaano ka na kahusay?
I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pagbibigay-kahulugan. Piliin sa kahon ang letra ng
sagot. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong sagot.
________1. Nakasaad dito ang wastong panawag o pamitagan at ang pangalan ng taong sinulatan.
________2. Ito ay ang bahagi ng pamamaalam ng sumulat.
________3. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng liham dahil dito nakasaad ang paksa o ang layunin
ng may liham. Mahalaga itong maging malinaw, magalang at tapat upang magkaroon
ng tumpak na pagpapakahulugan ang babasa.
________4. Nakasaad dito ang pangalan ng tao o tanggapang padadalhan ng liham.
________5. Nakasaad dito ag tinitirhan ng sumulat at ang petsa kung kailan isinulat ang liham.
________6. Ipinapakilala rito ang sumulat.
________7. Liham na kailangan sa paghahanap ng trabaho
________8. Liham na naglalahad ng saloobin o pananaw ukol sa isang mahalang isyu na nabasa,
napanood, napakinggan o kaya ay personal na nasaksihan ng isang tao
________9. Liham na naglalahad ng reklamo ng isang taong direktang nakaranas o naapektuhan ng
isang pangyayari, tulad halimbawa ng maling produkto at iba pa
________10. Liham na nagtatanong at nangangailangan ng madaliang kasagutan mula sa sinulatan
________11. Liham na nagpapasalamat sa isang samahan o institusyon na nagbigay ng donasyon,
serbisyo, o ng anumang tulong na hindi matutumbasan ng salapi
________12. Ito ay isang liham na nagsasabi kung ano ang inoorder o kaya’y hinihiling sa isang
institusyon, organisasyon o kaya’y ng isang samahan o opisina.
38
Patutunguhan Liham-Karaingan Pamitagang Pangwakas
Liham-Aplikasyon Liham sa Patnugot Katawan ng Liham
Liham-Pasasalamat Liham-Pagtatanong Pamuhatan
Liham-Kahilingan Lagda Bating Pambungad
II. Piliin ang sagot sa hanay B. Isulat ang letra ng bantas na ginagamit sa:
A B
_____1. bating panimula ng liham-pangangalakal. a. panipi (“”)
_____2. pamagat na kasama sa pangungusap. b. kudlit (‘)
_____3. hulihan ng mga salitang pinaikli o dinaglat. c. gitling (-)
_____4. dulo ng pangungusap na patanong. d. tandang pananong (?)
_____5. hulihan ng pangungusap na padamdam. e. kuwit (,)
_____6. petsa upang ihiwalay ang araw sa taon. f. tutuldok (:)
_____7. pahayag ng isang tao na isinama sa pangungusap. g. tandang panamdam (!)
_____8. pagitan ng panlaping ika at tambilang. h. tuldok (.)
_____9. panghalili sa isang kinaltas na titik.
_____10. hulihan ng pangungusap na pasalaysay.
III. Isulat sa sagutang papel kung anong anyo ng liham ang mga sumusunod.
Piliin ang sagot sa ibaba.
A. Semi-Blak B. Ganap na Blak C. Modifay Blak
(Semi-Block Style) (Full Block Style) (Modified Block Style)
1. 2. 3.
IV. Pumili ng liham na gusting isulat. Sundi ang pamatayan sa pagsulat ng liham
a. liham-pangkaibigan
b. liham sa patnugot
c. liham-aplikasyon
d. liham-pasasalamat
________________
________________
________________
________________
________________
________________
___________________
_______________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_______________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_______________________________________________________
___________________________________________________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
___________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
___________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________
________________
________________
39
Hayaang basahin ng iyong guro ang liham na isinulat mo.
Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Kung ang iyong nakuhang tamang sagot sa
pagsusulit I-III ay 15 pataas, maaari mo nang gawin ang susunod na modyul. Ngunit kung 14 pababa
ang iyong nakuha, hinihiling kong balikan mo ang mga nakalipas na sub-aralin, lalo na sa mga
bahaging sa palagay mo ay malabo para sa iyo. Muli, ito ay para sa iyong kabutihan.
Salamat kaibigan!
40
Modyul 11
Pagsulat ng Ibat’ Ibang Uri ng Liham
Gaano ka na kahusay?
I.
1. bating pambungad
2. pamitagang wakas
3. katawan ng liham
4. patutunguhan
5. pamuhatan
6. lagda
7. liham-aplikasyon
8. liham sa patnugot
9. liham-karaingan
10. liham-pagtatanong
11. liham-pasasalamat
12. liham-pagtatanong
II.
11. f
12. a
13. h
14. d
15. g
16. c
17. a
18. c
19. b
20. h
III.
1. Ganap na Blak (Full Block Style)
2. Semi-Blak (Semi-Block Style)
3. Modifayd Blak (Modified Block Style)
IV.
Ipakita sa guro ang iyong liham na naisulat upang maiwasto ito.
Susi sa Pagwawasto
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 12
Mga Bagong Pakikipagsapalaran
2
Modyul 12
Mga Bagong Pakikipagsapalaran
Tungkol saan ang modyul na ito?
Heto na naman tayo sa pag-aaral ng Ibong Adarna. Natatandaaan mo pa ba ang tungkol sa
tatlong prinsipe? Sinu-sino nga sila? Oo, sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Ipagpatuloy na
natin ngayon ang pag-alam sa naging buhay nila.
Nakabasa ka na marahil o nakarinig na ng mga kwento tungkol sa kabayong lumilipad, asong
may tatlong ulo, taong ibon, sirena at syokoy, at iba pang mga karakter na may kapangyarihang di
kayang gawin ng karaniwang taong tulad mo.
Kawili-wili ang ganitong mga kwento, di ba? Lumalawak ba ang iyong pananaw, lumilipad
ang iyong imahinasyon at wari’y nakapaglalakbay ka rin sa malalayong kabundukan, tulad ng mga
karakter na ito?
Kung gayon, halika, makipagsapalaran kang kasama nila sa pamamagitan ng pagbabasa. Sa
tulong ng modyul na ito, tuklasin mo ang hiwaga ng isang malalim na balon na tinitirhan ng isang
higante at isang serpyenteng may pitong ulo. Sila ang mga bantay ng magkapatid na dilag na
makakatagpo ng tatlong magkakapatid na prinsipe.
Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikalawang bahagi ng koridong Ibong Adarna.
Natatandaan mo ba kung ano ang korido? Ang korido ay mahabang tulang pasalaysay tungkol sa mga
pakikipagsapalarang hindi nagaganap sa tunay na buhay pero nabibigyang buhay ng mayamang
imahinasyon.
Ano ang matututunan mo?
May panibagong mga pakikipagsapalaran ang tatlong mararangal na prinsipe na nakatagpo
mo sa isang naunang modyul. Ang kwento tungkol sa kanilang mga pakikipagsapalaran ang
magiging daluyan ng mga kasanayang inaasahang matatamo mo sa modyul na ito.
Inaasahang matututuhan mo sa modyul na makilala at masuri ang ikalawang bahagi ng Ibong
Adarna batay sa mga tiyak na katangian at pamantayan. Narito ang mga tiyak na kasanayang
inaasahang matatamo sa modyul:
3
1. Nakapipili ng mga tiyak na bahagi na nagpapakita ng kasiya-siyang:
• tauhan
• tagpuan
• usapan
2. Natutukoy ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng:
• magkatulad na idea
• magkasalungat na idea
• magkatulad na opinyon
• magkasalungat na opinyon
• magkatulad na paniniwala
• magkasalungat na paniniwala
3. Nasusuri ang akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bahaging nagpapatunay ng
• panlipunang pananaw
• pangkulturang pananaw
• panrelihiyong pananaw
• mga tradisyon
Para bang mahirap? Hindi mahirap iyan. Kayang-kaya mo basta’t hakbang-hakbang mong
susundan ang bawat bahagi ng modyul.
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Tulad ng sinabi ko sa iyo, kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang
modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga
tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing
mabuti.
1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot mo sa mga pagsusulit.
2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang
upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul
na ito.
4
3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging
matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang
markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na
makatutulong sa iyo.
4. Basahin at unawain mng mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing
kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito
upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.
5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutuhan mo
ang aralin. Kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging
matapat ka sa pagwawasto.
6. Bigyang halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga
gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.
Ano na ba ang alam mo?
Natatandaan mo pa ba ang unang bahagi ng Ibong Adarna? Nakilala mo sa unang bahagi ang
tatlong mararangal na prinsipe ng kahariang Berbanya at ang kanilang paghahanap sa isang
mahiwagang ibon.
Sa bahaging ito, nahaharap sa panibagong mga pakikipagsapalaran ang tatlong magkakapatid.
Saan kaya sila dadalhin ng mga bagong abentura?
Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ng
nilalaman ng modyul na ito.
Tandaan: Hindi mo susulatan ang modyul. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang pangungusap
at M naman kung mali.
1. Si Don Pedro, ang panganay sa tatlong prinsipe, ang bida sa koridong Ibong Adarna.
2. Si Don Diego, ang pangalawang anak, ay sunud-sunuran lamang sa mga pakana ng
panganay na kapatid.
3. Si Don Juan, ang bunso, ang paborito ng amang hari.
4. Si Don Juan ang nagpakanang pawalan ang Ibong Adarna upang iba ang mapagbintangan.
5. Nang makawala ang ibon, kusang nilisan ni Don Juan ang palasyo upang pagtakpan ang
tunay na nagkasala.
5
6. Hindi ipinahanap ng hari ang bunsong si Don Juan.
7. Masaya ang tatlong magkakapatid nang muling magkita-kita.
8. Tatlo ang nagtangkang lumusong sa mahiwagang balon pero isa lamang ang nakarating sa
kailaliman.
9. Dalawang magandang dalaga ang nakatira sa palasyo sa ilalim ng balon.
10. Binabantayan sila ng isang higante at isang serpyenteng may tatlong ulo.
11. Napatay ni Don Pedro ang higante at ang serpyente.
12. Masayang umuwi sa Berbanya ang tatlong magkakapatid na prinsipe kasama ang
dalawang dilag.
13. Ikinasal si Don Diego kay Juana.
14. Tumangging pakasal si Leonora kay Don Pedro.
15. Samantala, naiwan sa ilalim ng balon si Don Juan.
B. Piliin sa mga salita sa loob ng panaklong ang angkop sa patlang para mabuo ang pangungusap.
1. Ginagamit ang _______ upang ikulong ang tuwirang sinabi ng isang tauhan. (panipi,
panaklong, bracket)
2. Ang _______ay tungkol sa lugar at panahon nang maganap ang isang kwento. (tauhan,
tagpuan, usapan)
3. Dayalog ang isa pang tawag sa _______ (tauhan, tagpuan, usapan).
4. Ang tagpuan ng koridong Ibong Adarna ay noong ___________ (unang panahon,
kasalukuyang panahon, hinaharap na panahon).
5. Ang korido ay mahabang tulang ___________ (nagsasalaysay, naglalahad,
nangangatwiran).
C. Anong katangian ng tauhan ang isinasaad sa sumusunod na mga saknong? Piliin ang sagot sa
ibaba. Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. 466 Kung siya’y may kahinaang
sukat maging kapintasan,
ang pag-ibig na dalisay
sa kapatid kailanman.
a) laging mapagmahal sa kapatid
b) palapintas sa kapatid
c) mapaghanap sa kapatid
2. 508 Nasimulan nang gawain
ang marapat ay tapusin,
sa gawang pabinbin-binbin
wala tayong mararating.
6
a) determinasyong tapusin ang nasimulan
b) gustong ipagpaliban ang gawain
c) walang gustong marating
3. 522 Gayon pa man ay tinimpi
ang pagsintang ngumingiti
saka siya nagkunwaring
sa prinsipe’y namumuhi.
a) marunong magtimpi
b) mahusay magkunwari
c) madaling magalit
D. Basahin ang mga saknong. Anong katangian ng tagpuan ang isinasaad sa bawat saknong sa
ibaba? Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. 444 Tumutubong punungkahoy
mga bungang mapupupol,
matataba’t mayamungmong,
pagkain ng nagugutom.
a) maraming bungangkahoy
b) maraming matataba
c) maraming nagugutom
2. 449 Simoy namang malalanghap
may pabangong pagkasarap,
langhapin mo’t may pagliyag
ng sampaga at milegwas.
a) may bango ng bulaklak ang hangin
b) may paglingap ang hangin
c) may langhap-sarap ang hangin
3. 482 Ang lalo pang pinagtakha’y
ang nakitang kalinisan,
walang damo’t mga sukal
gayong ligid ng halaman.
7
a) malinis ang paligid ng balon
b) masukal ang paligid ng balon
c) madamo ang paligid ng balon
E. Anong idea ang ipinapahayag sa sumusunod na mga saknong? Isulat lamang ang letra ng iyong
sagot sa sagutang papel.
1. 607 “Pagkat lihim itong balon
sinong taong sakdal-dunong
ang dito’y makatutunton,
kundi Diyos ang may ampon?”
Natuklasan ni Don Juan ang balon dahil sa
a) tulong ng Diyos
b) dunong ng Diyos
c) lihim ng dalaga
2. 608 “Sa Diyos na ngang talaga
ang sa iyo’y pagkakita,
kaya, mabunying prinsesa
lunasan mo yaring dusa.”
Nagkita si Don Juan at si Leonora dahil ang pagkikita nila’y
a) talaga ng Diyos
b) lunas sa dusa ng prinsipe
c) hiling ni Don Juan
3. 611 “Pagkat marami sa puso
talusira sa pangako,
sa pagsinta’y mapagbiro’t
matuwaing sumiphayo.
a) maraming lalaking mapaglaro sa pag-ibig
b) maraming lalaking di marunong tumupad sa pangako
c) maraming lalaking natutuwang magpaluha ng babae
d) lahat ng a, b, at c
8
F. Anong paniniwala ang isinasaad sa sumusunod na mga saknong? Isulat lamang ang letra ng iyong
sagot sa sagutang papel.
1. 634 Mataimtim palibhasa
ang pagtawag kay Bathala,
sindak niya ay nawala’t
katapangan ay lumubha.
a) mabisa ang dasal kung taimtim
b) nawawala ang sindak dahil sa dasal
c) tumatapang kapag nagdarasal
2. 636 Lalo niyang nakilalang
ang Diyos ay nasa kanya
nang hapuin ang kabaka
hingi’y mamahinga muna.
a) Lalong nakikilala ni Don Juan ang Diyos nang mapagod ang ahas matapos
siyang magdasal
b) Lalong naniwala si Don Juan na nasa panig niya ang Diyos nang mapagod
ang ahas matapos siyang magdasal
c) Lalong naniwala si Don Juan sa Diyos nang mapagod ang ahas matapos
siyang magdasal
3. 694 Nanunton ang kalooban
sa matandang kasabihang
Madalas na magbulaan
ang sa taong panagimpan.
a) Madalas na kabaligtaran ang panaginip.
b) Madalas managinip ang tao.
c) Madalas na magbulaan ang taong nananaginip.
4. 854 “Paalam na, O, Don Juan,
si Leonora ay paalam,
kung talagang ikaw’y patay
magkita sa ibang buhay.”
9
a) may ibang buhay pa pagkaraang mamatay ang tao
b) ang mga patay ay nagkikita-kita sa ibang buhay
c) nagpapaalam ang mga namamatay
G. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong:
1. 730 Siyam na araw na singkad
buong reyno ay nagalak,
maginoo’t mga hamak
sa kasala’y nagkayakap.
a) Ilang araw ang pagdiriwang? Aling taludtod ang nagsasaad nito?
b) Anong salita ang singkahulugan ng reyno?
c) Anong okasyon ang ipinagdiriwang? Aling taludtod ang nagsasaad
ng okasyon?
2. 778 Sa payo nitong Adarna
ang Prinsipe’y lumakad na,
nalimutan si Leonora’t
puso’y na kay Maria Blanca.
a) Sino ang nagpayo kay Don Juan?
b) Sino ang nalimutan na ni Don Juan?
c) Na kanino na ngayon ang puso ni Don Juan?
3. 848 “Tatlong taon nang mahigit
yaring aking pagtitiis
maatim kaya ng dibdib
na makasal sa di ibig?”
a) Ilang taon nang naghihintay si :Leonora kay Don Juan? Aling taludtod ang
nagsasaad nito?
b) Ano ang di maatim ni Leonora? Aling taludtod ang nagsasaad nito?
Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi sa
Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kung
nakakuha ka ng 38 pataas, di mo na kailangang pag-aralan ang modyul na ito. Maaari ka nang
magpatuloy sa Modyul 13.
Pero kung wala pang 38 ang nasagutan mo nang tama, kailangan mo ang modyul na ito.
10
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub-Aralin 1:
Tauhan, Tagpuan, Usapan
Layunin: Pagkatapos mo ng modyul na ito, inaasahang nakapipili ka ng mga
tiyak na bahagi na nagpapakita ng kasiya-siyang:
• tauhan
• tagpuan
• usapan
Alamin
Natatandaan mo pa ba kung ano ang nangyari sa unang bahagi ng Ibong Adarna? Para
maalala mo ang mga naunang pangyayari, narito ang buod ng unang bahagi:
Nagkasakit si Haring Fernando at ang tanging lunas ay ang awit ng
mahiwagang Ibong Adarna. Ang
bunso, si Don Juan, ang nakahuli
nito. Ngunit nagpakana sina Don
Pedro at Don Diego, ang dalawang
nakatatandang kapatid. Iniuwi nila
ang ibon at iniwang lugmok si Don
Juan. Nakauwi rin si Don Juan. Noon lamang umawit ang ibon. Gumaling ang
hari. Gabi-gabi, halinhinang pinabantayan ng hari sa tatlong magkakapatid
ang Ibong Adarna.
11
Lumitaw sa unang bahagi ang uri ng pagkatao ng tatlong magkakapatid. Silang tatlo’y
pawang mapagmahal sa ama at nakahandang magpakasakit makita lamang ang mahiwagang ibong
lunas sa sakit ng kanilang ama.
Pero si Don Pedro pala ay mainggitin. Unang lumabas ang masamang ugaling ito nang
magpakana siya laban kay Don Juan para palitawin sa amang hari na siya, ang panganay, ang
nakahuli sa ibon. Si Don Diego naman, ang pangalawa, ay sunud-sunuran lamang sa nakatatandang
kapatid.
Nalaman din ng hari ang katotohanan sa bandang huli. Si Don Juan pa mismo ang humiling sa
kanilang amang hari na patawarin ang mga nagkasala. Sa ikalawang bahagi, lilitaw na naman ang
masamang ugali ni Don Pedro at ang kagandahang asal at pagiging mapagpatawad naman ni Don
Juan.
Narito naman ang buod ng ikalawang bahagi ng Ibong Adarna:
1 Muli, nagpakana si Don Pedro laban kay Don Juan. Pinawalan nila ni Don
Diego ang Ibong Adarna upang palitawing si Don Juan ang nagpabaya.
2 Nang matuklasan ni Don Juan na nakawala ang ibon, agad niyang nahulaan
kung sino ang may kagagawan. Kusa siyang lumisan sa palasyo upang mapagtakpan
ang mga kapatid.
3 Ipinahanap siya ng hari sa dalawang nakatatandang kapatid. Masayang
nagkita-kita ang tatlo sa kabundukan ng Armenya. Ipinasya nilang doon na
manirahan.
4 Isang araw, inakyat nila ang isang bundok at doo’y may nakita silang isang
mahiwagang balon na napakalalim pero walang tubig. Ibig nilang tuklasin kung ano
ang nasa ilalim ng balon. Sa pamamagitan ng lubid na nasa ibabaw ng balon, unang
inihugos si Don Pedro. Pero hindi siya nakarating sa kailaliman dahil natakot siya sa
dilim at lalim ng balon. Gayon din si Don Diego.
5 Si Don Juan ang nakarating sa kailaliman, “isang pook na marikit” na ang
lupa ay “kristal na kumikinang,” may mga halama’t bulaklak at may nakatirik na
palasyong kumikinang sa ginto’t pilak.
6 Dalawang dilag ang nananahan dito, ang magkapatid na si Juana at si
Leonora. Ang una ay binabantayan ng isang higante at ang pangalawa naman, ng
isang serpyenteng may pitong ulo. Napatay ni Don Juan ang mga bantay kaya
nakalaya ang dalawang dilag. Isinama niya ang mga ito sa ibabaw ng balon.
7 Muli, nagpakana si Don Pedro. Nang muling bumaba sa balon si Don Juan
upang balikan ang singsing ni Leonora, pinatid nila ni Don Diego ang lubid na
kinakapitan ni Don Juan kaya ang huli’y naiwan sa ilalim ng balon na bali-bali ang
12
mga buto. Sa kabutihang palad, tinulungan siya ng isang lobo na pinapunta roon ni
Leonora.
8 Umuwi sa Berbanya sina Don Pedro at Don Diego kasama sina Juana at
Leonora. Ikinasal si Juana kay Don Diego. Si Leonora, sa kabilang dako, ay
tumangging pakasal kay Don Pedro dahil ibig niyang hintayin ang pagbabalik ni
Don Juan.
9 Samantala, dinalaw ng Ibong Adarna si Don Juan. Sinabihan itong magtungo
sa Reyno de los Cristal dahil doon matatagpuan ang isang napakagandang dalaga.
Isang matanda ang naglimos sa binata ng tinapay at tubig at pinapunta siya sa isang
ermitanyo, na makatutulong sa kanyang paghahanap sa nasabing reyno.
Ang ganda ng kwento, di ba? Napaglalaro mo ba sa isip ang larawan ng isang napakalalim na
balon, na papunta pala sa isang mahiwagang lupain? Paano na nga inilarawan ang ilalim ng balon?
Tama, “isang pook na marikit.” Aling talata ang nagsasaad nito? Tama ka, ang talata 5.
Dahil ilalim nga ng balon, siguro’y hindi ito nasisikatan ng araw, di ba? Pero maliwanag sa
lugar na iyon. Bakit kaya? Tama ka, dahil ang lupa ay “kristal na kumikinang.” Matutukoy mo ba
kung saang talata ito binanggit? Nasa talata 5 pa rin, diba?
Isinasaad din sa nasabing talata na may palasyong nakatirik sa pook na iyon. Paano naman
inilarawan ang palasyo? Di ba “kumikinang sa ginto’t pilak”?
Napakayaman siguro ng nakatira roon, ano? Pero mapanganib ang magtungo roon. Bakit?
Dahil sa mga bantay.
Saang talata isinasaad ang tungkol sa mga dalaga at sa mga nagtatanod sa kanila? Tama ka
kung ang sagot mo ay talata 6. Sino ang bantay ni Juana? Di ba ang higante? At si Leonora naman,
sino o ano ang tanod niya?
Tama, serpyenteng pito ang ulo! Ano ba ang ibig sabihin ng serpyente? Tama ka kung ahas
ang sagot mo. At ang serpyenteng ito ay nakapagsasalita! Bukod pa rito, kapag tinagpas ang isang
ulo nito, kusang bumabalik ang ulong natagpas at nabubuo uli. Kaya tila walang kamatayan. Ngunit
sa tulong ng balsamo ni Leonora, na ibinuhos ni Don Juan, ang ulong natagpas ay di na uli nabalik sa
katawan kaya ang serpyente’y napatay ng matapang na prinsipe.
Matapang talaga ang ating bida. Ngunit ano na naman ang pakana ni Don Pedro? Aling talata
ang nagsasaad nito? Kung ang sagot mo ay talata 7, tama ka. Pero tama ba namang magpakana laban
sa sariling kapatid?
Siyempre, hindi, ano? Kaya mo bang gawin ang ginawa ni Don Pedro sa bunsong kapatid? At
kasapakat pa mandin ang panggitnang kapatid na may kahinaan ang paninindigan. Huwag naman
sana itong maganap sa tunay na buhay.
13
Pero ang “marikit na pook” na sinasabi sa bahaging ito, ang galing sigurong puntahan iyon,
ano? Kahit sa imahinasyon lamang.
Linangin
Ngayon, basahin mo ang ilang piling saknong na nagpapakita ng kasiya-siyang tauhan,
sitwasyon, tagpuan at usapan.
Bigyang pansin ang gagamiting mga pagpapaikli:
S – saknong
T – taludtod
Kaya kapag sinabing S429 T1, ang tinutukoy ay Saknong 429, Taludtod 1. Maliwanag ba?
429 Bago mitak ang umaga
si Don Jua’y umalis na
wika’y “Ito ang maganda
natatago ang maysala.”
Lumisan si Don Juan matapos matuklasang may nagbukas ng hawla ng Ibong Adarna.
Nahulaan na niya agad kung sino ang maysala, na tinukoy sa T4. Ikaw, alam mo rin ba kung sino ang
nagpalabas sa ibon sa kanyang hawla? Tama, si Don Pedro na kinasapakat si Don Diego. Nabanggit
ito sa unang talata ng buod, di ba?
Balikan mo ang buod kung nawala sa isip mo.
Anong magandang katangian ni Don Juan ang pinatutunayan sa S429? Tama ka. Talagang
mapagpatawad sa kapatid si Don Juan.
Isang magandang pook ang kabundukan ng Armenya. Sa lugar na ito nanirahan si Don Juan
nang lisanin ang Berbanya. Basahin ang mga saknong na naglalarawan sa kagandahan ng Armenya.
443 Itong bundok ng Armenya’y
isang pook na maganda,
naliligid ng lahat ng
tanawing kaaya-aya.
Ano kaya itong mga tanawing kaaya-aya sa bundok ng Armenya? Mahulaan mo kaya?
Magpatuloy ka ng pagbabasa upang malaman mo.
14
444 Tumutubong punungkahoy
mga bungang mapupupol
matataba’t mayamungmong,
pagkain ng nagugutom.
Sagana sa mga halamang pagkain, kung gayon. Maraming bungangkahoy na mapagkukunan
ng pantawid-gutom.
445 Pagbubukangliwayway na
mga ibon ay may kanta,
maghapunang masasaya’t
nadapo sa mga sanga.
446 At kung hapon, sa damuhan
lalo’t hindi umuulan,
mga maya, pugo’t kalaw
may pandanggo at kumintang.
447 Sa taas ng papawirin,
mga limbas, uwak, lawi’y
makikitang walang maliw
sa palitan ng paggiliw.
448 Sa batisan yaong tubig
pakinggan mo’t umaawit,
suso’t batong magkakapit
may suyuang matatamis.
Sa lupa, tubig at papawirin, matatamis na awitan ng mga ibon at ng ganda ng kalikasan ang
papawi sa pagod at lumbay. Isang ideal na lugar, di ba? Walang nakayayamot na ingay kundi musika
ng kalikasan ang maririnig.
Ang hangin naman? Malinis din kaya?
449 Simoy namang malalanghap
may pabangong pagkasarap
langhapin mo’t may pagliyag
ng sampaga at milegwas.
15
Halimuyak ng bulaklak ang malalanghap mo sa paligid! Talagang magandang lugar na maaari
mong pagpalipasan ng mga oras.
450 Munting bagay na makita
isang buhay at pagsinta,
iyong kunin at wala kang
maririnig na pagmura.
451 Doo’y payapa ang buhay
malayo ka sa ligamgam
sa tuwina’y kaulayaw
ang magandang kalikasan.
Nasubok mo na bang matulog na ang bubong mo ay ang langit at ang ilaw mo’y mga bituin?
Ganito siguro ang naranasan ni Don Juan.
452 Matutulog ka sa gabi
na langit ang nag-iiwi,
sa magdamag ay katabi
ang simoy na may pagkasi.
453 Magigising sa umaga,
katawan mo ay masigla,
kausap na tumatawa
ang araw na walang dusa.
Araw at gabing laging walang problema. Kung ikaw ang tatanungin, gustuhin mo kayang
tumira sa isang pook na ganito?
Nang magkita-kita ang tatlong magkakapatid, ipinasya nilang doon na manirahan sa
kabundukan ng Armenya. Hindi ka naman magtataka sa kanilang pasya dahil nga sa kagandahan ng
kapaligiran ng Armenya.
Isang araw, nakakita sila ng isang balong “malalim ay walang tubig/sa ibabaw ay may lubid.”
(S481 T3-4).
Narito pa ang dagdag na paglalarawan ng balon:
482 Ang lalo pang pinagtakha’y
ang nakitang kalinisan,
walang damo’t mga sukal
gayong ligid ng halaman.
483 Ang bunganga ay makinis
batong marmol na nilalik,
16
mga lumot sa paligid
mga gintong nakaukit.
Paano na nga inilarawan ang paligid ng balon? Malinis, di ba? Walang kalat, kahit maraming
tanim na halaman sa paligid. At ang bunganga ng balon – ano ang ginamit dito? Marmol. Na may
palamuti pang gintong nakaukit, ano?
Mahiwaga, di ba? Kung ikaw ang nakatuklas ng gayong uri ng balon, di ka rin kaya maakit na
tuklasin kung ano ang nasa kailaliman niyon? Siguro ay lulusong ka rin sa balong ito, di ba?
Kung ikaw ang nasa lugar ni Don Juan, matapos sumuko ang iba, kayanin mo pa kayang
lumusong sa kailalimang hindi mo alam kung saan ka dadalhin?
Pero likas na may determinasyon si Don Juan. Kaya nang di makayanan ng dalawang
nakatatandang kapatid ang dilim at lalim ng balon, siya ang lumusong hanggang sa napakalayong
kailaliman. Alalahanin mong may lubid na sa ibabaw ng balon, kaya talagang dito nagdaraan ang
mga nanggagaling doon sa kailaliman patungo sa kalupaan sa ibabaw.
Ano ang nakita ni Don Juan sa kalaliman?
Ang nakita ni Don Juan ay isang napakagandang dalaga. Ganito ang paglalarawan sa kanya:
514 Sumisikat na bituin
sa bughaw na panginorin,
nakangiti at magiliw
sa pagsasabog ng ningning!
Pagkakita sa dalaga’y lumitaw ang isa pang katangian ng ating bidang si Don Juan. Mahulaan
mo kaya kung ano ito?
Narito ang usapan ng dalawa:
515 “O marilag na Prinsesa,
ang sa araw na ligaya’t
kabanguhan ng sampaga
sa yapak mo’y sumasamba.”
Nahulaan mo ba ang isa pang katangian ni Don Juan, na ngayon lamang lumitaw? Tama.
Bolero ang ating bida. Matamis ang dila. Mahusay humabi ng mga salitang nakaaakit sa makakarinig.
Kung ikaw ang dalagang inaalayan ng gayon katamis na pananalita, di rin kaya lumambot ang
puso mo sa isang estranghero?
At kung ikaw naman ang nasa katayuan ni Don Juan, gayon din bang mga salita ang agad
mamumutawi sa mga labi mo?
17
Gayon ang suyuan noong araw, noong panahon ng ating mga lolo’t lola, noong hindi pa uso
ang cellphone at texting.
516 “Sa matamis na bati mo’y
nagagalak ang puso ko,
ngunit manghang-mangha ako
sa iyong pagkaparito!”
Sino na ang nagsasalita rito? Tama. Ang dalagang nasa ilalim ng balon. Takang-taka siya
kung paanong nakarating sa ilalim ng balon ang dayuhang binata. Ano ang sagot ni Don Juan?
517 “Ako’y isang pusong aba
na kayakap ng dalita,
inihatid ditong kusa
ng pagsinta kong dakila.
518 “Inimbulog sa itaas
ng malabay niyang pakpak,
saka dito inilapag,
maglingkod sa iyong dilag.
Nagsasabi ba ng totoo si Don Juan sa bahaging ito? Nambobola siya, di ba? Anong pagsinta
itong sinasabi niyang naghatid sa kanya sa mahiwagang balon? Di ba pagkamausisa ang dahilan kung
bakit naakit siyang lumusong sa napakalalim na balon? Gusto lamang niyang tuklasin kung ano ang
nasa kailaliman ng mahiwagang balon. Hindi naman niya alam na may dilag na naninirahan doon.
Pero tila mabisa ang gayong pananalita. Para malaman kung mabisa nga ang mga salita ni
Don Juan, basahin ang reaksyon ng dalaga:
520 Sa pagsamong anong lungkot
ni Don Juang nakaluhod,
ang prinsesang maalindog
ay tinablan ng pag-irog.
Ngunit hindi agad nagpahalata ang prinsesa. Gayon ang kaugaliang Pilipino noon. Hindi agad
tinatanggap ang pagsuyo ng binata. Gayon man, sa lalo pang matatamis na pananalita ng binata,
napilitang umoo ang dalaga.
529 At ang wikang buong suyo:
“Tanggapin mo yaring puso,
pusong iyan pag naglaho’y
nagtaksil ka sa pangako.”
18
Ang sagot ni Don Juan? Siyempre, nangako siya ng habang buhay na pagmamahal na di
kailan man magtataksil.
530 “Magtaksil? Pagtaksilan
ang buhay ng aking buhay?
Prinsesa kong minamahal
Panahon ang magsasaysay.”
Sa puntong ito sinabi ni Juana ang takot sa higanteng nagbabantay sa palasyo. Narito ang
sagot ng matapang na prinsipe:
534 “Prinsesa kong minamahal,
ang matakot ay di bagay,
manghawak sa kapalara’t
sa Diyos na kalooban.”
Dito na biglang dumating ang higante. Narito ang usapan nina Don Juan at ng higante.
539 “Di na pala kailangang
mamundok pa o mamarang
dito man sa aking bahay
ay lumapit na ang pindang.
540 “Salamat nga’t narito na
sa tiyan kong parang kweba
ang kaytagal ko nang pita
ang tatlo man ay kulang pa.”
Nahulaan mo ba kung sino ang bumigkas ng mga pananalita sa S539-540? Tama, ang
higante, na agad humamon sa binatang prinsipe nang bantaan itong kakainin niya. Palagay mo ba ay
nasindak si Don Juan? Syempre, hindi. Heto ang sagot niya sa higante.
541 Sa mga kutyang narinig
si Don Juan ay nagngalit:
“Higante, ‘tikom ang bibig,
ako’y di mo matitiris.
542 “Kung ikaw man ay kilabot
sa pook mong nasasakop
sayang iring pamumundok
pag di kita nailugmok.”
19
Matapang na sagot, di ba? Mapanindigan kaya ni Don Juan ang tapang ng kanyang mga
pananalita? Ano sa palagay mo?
543 “At matapang? May lakas pang
tumawad sa aking kaya?
A, pangahas! Ha, ha, ha, ha
Ngayon mo makikilala.
544 “Nang sa inyo ba’y umalis
nangako ka pang babalik?
Nasayang ang panaginip,
dito kita ililigpit.”
Patuloy ang panggagalit ng higante, di ba? Ano naman ang sagot ni Don Juan?
545 “Ayoko ng angay-angay
lumaban ka kung lalaban!
Kung hangad mo yaring buhay
hangad kong ikaw’y mapatay.”
At naglaban na ang higante at ang tao. Sino kaya ang mananalo?
546 Nagpamook ang dalawa
nagpaspasang parang sigwa,
sa pingkian ng sandata
ang apoy ay bumubuga!
547 Sa mabuting kapalara’t
sa Diyos na kalooban,
ang Higante ay napatay
ng prinsipeng si Don Juan.
Tama ba ang hula mo? Siyempre, ang ating bida, si Don Juan, ang nagwagi. Pero hindi niya
solo ang tagumpay. Paano niya natalo ang higante? Sinagot ito sa S547. Mabuting kapalaran ang
sumakanya dahil ito’y kalooban ng Diyos.
Naaalala mo pa ba ang isang katangian ni Don Juan? Iyon ay ang pananampalataya sa Diyos
at laging pagdalangin sa Birhen. Ang katangiang ito ang nagbigay sa kanya ng tagumpay.
Ipinakita sa mga talakay na ito ang tatlong elemento ng narativ: ang tauhan, tagpuan at
usapan.
20
Ano na nga ba ang tinutukoy ng tauhan? Ito ang gumaganap sa kwento. Sa tauhan umiikot
ang kwento. Maaaring ito ay pangunahing tauhan, tulad ni Don Juan. O tauhang suporta sa
pangunahin, tulad nina Don Pedro at Don Diego.
Ano naman ang tinutukoy ng tagpuan? Ito ang lugar at oras nang maganap ang kwento.
At ang usapan? Tinatawag ding dayalog, ito ang mga sinasabi ng mga tauhan. Mas buhay na
buhay at lutang na lutang ang karakter ng tauhan kapag ipinakita ang tuwirang pagsasalita nito.
Pansinin na ang tuwirang sipi ng sinabi ng tauhan ay ikinukulong sa mga panipi.
Basahin mo uli ang saknong na ito:
429 Bago mitak ang umaga
si Don Jua’y umalis na
wika’y “Ito ang maganda
natatago ang maysala.”
Ano ang ipinapakita sa saknong na ito? Alin sa tauhan, tagpuan o usapan ang isinasaad
dito? Di ba ang magandang katangiang mapagpatawad ng pangunahing tauhan na si Don Juan? Kusa
siyang lumisan ng Berbanya upang pagtakpan ang mga kapatid na siyang nagpakawala sa Ibong
Adarna.
Samakatwid, tauhan ang binibigyang pansin sa saknong na ito.
Napansin mo ba ang pahayag ni Don Juan? Ano ang eksaktong sinabi niya? Di ba, “Ito ang
maganda/natatago ang maysala.” Nakakulong sa panipi (“…”) ang winika niya. Ito ang tinatawag na
tuwirang sipi ng sinabi ng tauhan.
Kung hindi tuwiran ang pagsipi, ganito naman ang pagpapahayag:
Sinabi ni (o Ayon kay/ Winika ni ) Don Juan na maganda ang
gayon upang maitago ang maysala.
Wala nang panipi, di ba?
Kapag tapos na ang saknong, pero patuloy pa ang pagsasalita ng tauhan, walang panipi sa
katapusan ng saknong. Samantala, may panipi sa pagsisimula ng bagong saknong. Tingnan ang mga
halimbawa:
525 “Sukatin mo yaring hirap
ng sa iyo ay paghanap
balong lihim ay di tatap
nilusong kong walang gulat.
21
526 “Hinamak ang kadiliman
at panganib na daratnan,
ngayong kita’y masilaya’y
sawi pa rin yaring buhay!”
Binigyang pansin mo ba – walang panipi sa huling taludtod ng S525. Ibig sabihin, ang
nagsasalita sa S525 ay magpapatuloy ng pagsasalita sa S526. Maliwanag ba?
Sa tuwirang pagsipi ng sinabi ng tauhan, maaaring gumamit ng pariralang nagsasaad kung
sino ang nagsasalita. Halimbawa:
Wika ni Don Juan, “Ito ang maganda/natatago ang maysala.”
Kung minsan, hindi na kailangang sabihin pa kung sino ang nagsasalita. Sa palitan ng dayalog
ng dalawang nag-uusap, mahuhulaan mo na kung sino ang nagsasalita batay sa sinasabi.
Narito ang mga halimbawa:
515 “O marilag na Prinsesa,
ang sa araw na ligaya’t
kabanguhan ng sampaga
sa yapak mo’y sumasamba.”
516 “Sa matamis na bati mo’y
nagagalak ang puso ko,
ngunit manghang-mangha ako,
sa iyong pagkaparito!”
Sa dalawang magkasunod na saknong, hindi binanggit kung sino ang nagsasalita. Mahulaan
mo kaya kung sino ang nagsasalita sa S515? Tama ka kung si Don Juan ang isinagot mo.
Paano mo natiyak na siya nga ang nagsasalita sa saknong na ito? Ang T1 ay nagsasaad kung
sino ang kausap niya, ang magandang prinsesa. Kaya alam mong si Don Juan ang nagsasalita. Alam
mo ring natapos na ang pagsasalita niya dahil may panipi sa hulihan ng saknong.
Sa S516 naman? Di ba ang prinsesa na ang nagsasalita rito? Paano mo natiyak? Dahil sa
nilalaman ng kanyang pahayag, di ba? Ito ang sagot niya sa pagbati ng prinsipe. At pagsasabi na rin
ng pagkabigla niya sa bagong dating na si Don Juan.
Gaya ng nabanggit na, ang tauhan, tagpuan at usapan ay mga elemento ng narativ o
pagsasalaysay. Bakit may mga elemento ng narativ sa ating pinag-aaralang korido?
Uulitin ko, ang korido ay isang mahabang tulang pasalaysay. May sukat at tugma dahil nga
ito’y patula, at may kwento sa tulang ito kaya nga tinawag na pasalaysay.
22
Gamitin
Ngayon, matutukoy mo na ba ang mga saknong na nagpapakita ng kasiya-siyang tauhan, tagpuan,
at usapan?
Basahin mo ang mga saknong at isulat sa iyong sagutang papel kung anong katangian ng tauhan
ang ipinapahayag sa mga ito:
534 “Prinsesa kong minamahal,
ang matakot ay di bagay,
manghawak sa kapalara’t
sa Diyos na kalooban.”
a. nananalig sa Diyos
b. natatakot sa higante
c. nagmamahal sa prinsesa
582 “Hindi kita kailangan
ni makita sa harapan,
umalis ka’t manghinayang
sa makikitil mong buhay.”
a. may malasakit sa kausap
b. mapanghamak
c. magagalitin
Anong mga taludtod ang nagpapahayag ng katangiang pinili mo?
Ano namang uri ng lugar ang inilalarawan sa saknong na ito?
571 Ang palasyo kung munti man
ay malaking kayamanan,
walang hindi gintong lantay
ang doon ay tititigan.
a. palasyong maliit at wala ni ginto
b. palasyong maliit at walang halaga
c. palasyong maliit ngunit malaking kayamanan
Ano ang isinasaad sa usapan sa ibaba:
545 “Ayoko ng angay-angay
lumaban ka kung lalaban!
Kung hangad mo yaring buhay
hangad kong ikaw’y mapatay.”
23
a. pagsuko
b. paghamon
c. pag-iwas
Tingnan mo nga kung tama ang mga sagot mo. Narito ang mga tamang sagot:
S534: a
S582: a. T3-4
S571: c
S545: b
Lagumin
Malinaw na ba sa iyo kung paano mapipili ang mga tiyak na bahagi ng korido na nagpapakita ng
kasiya-siyang tauhan, tagpuan, at usapan
Upang maging mas malinaw pa, narito ang pangunahing puntos ng sub-araling ito:
1. Ang tauhan, tagpuan at usapan ay mga elemento ng narativ na makikita sa isang korido. Ito
ay dahil ang korido ay mahabang tulang nagsasalaysay o nagkukwento kaya taglay nito ang mga
elemento ng narativ.
2. Ang pangunahing tauhan ay si Don Juan. May mga bagong tauhan ang koridong Ibong
Adarna sa pangalawang bahaging ito: sina Juana at Leonora at ang mga tanod nila, ang higante at
ang serpyenteng may pitong ulo.
3. Ang tagpuan ay ang lugar at panahon nang maganap ang kwento. Sa koridong Ibong
Adarna, ang panahon ay noong unang panahon ng mga hari at reyna. Sa pangalawang bahaging ito ng
korido, ang lugar ay ang kabundukan ng Armenya.
4. Ang usapan o dayalog ay nagbibigay-buhay sa mga karakter. Kapag tuwirang sinipi ang
sinabi ng tauhan, ikinukulong ito sa mga panipi.
Ngayong malinaw na ang mga puntos ng sub-araling ito, handa ka na ba sa isang pagsubok?
Subukin
I. Piliin ang tamang sagot. Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel
1) Sino ang pangunahing tauhan sa koridong Ibong Adarna?
24
a. Don Pedro b. Don Diego c. Don Juan
2) Sa ikalawang bahagi ng Ibong Adarna, saan ang tagpuan?
a. Albanya b. Berbanya c. Armenya
3) Sino ang nagpakawala sa Ibong Adarna?
a. Si Don Diego at si Don Pedro
b. Si Don Pedro at si Don Juan
c. Si Don Pedro, si Don Diego at si Don Juan
4) Saan nakarating si Don Juan nang lisanin niya ang kanilang kaharian?
a. Albanya b. Berbanya c. Armenya
5) Anong klaseng balon ang nakita ng magkakapatid?
a. may tubig b. walang tubig
6) Sino ang unang inihugos ng lubid patungo sa kailaliman ng balon?
a. Si Don Diego b. Si Don Pedro c. Si Don Juan
7) Bakit hindi nakarating sa kailaliman si Don Pedro at si Don Diego?
a. Natakot sa dilim at lalim ng balon
b. Nasilaw sa liwanag ng balon
c. Maikli ang lubid na ipinanghugos sa balon
8) Sino ang nakarating sa kailaliman ng balon?
a. Si Don Pedro b. Si Don Diego c. Si Don Juan
9) Sino ang dalagang may bantay na higante”
a. Si Juana b. Si Leonora
10) Sino ang nakapatay sa higante?
a. Si Don Pedro b. Si Don Diego c. Si Don Juan
II. Anong uri ng tauhan ang inilalarawan batay sa kanyang sinasabi:
25
1) 543 “At matapang? May lakas pang
tumawad sa aking kaya?
A, pangahas! Ha, ha, ha, ha
Ngayon mo makikilala.
a. mapangutya b. matapang c. pangahas
2) 515 “O marilag na Prinsesa,
ang sa araw na ligaya’t
kabanguhan ng sampaga
sa yapak mo’y sumasamba.”
a. matamis ang dila
b. matapat magsalita
c. masambahin sa kausap
3) 541 Sa mga kutyang narinig
si Don Juan ay nagngalit:
“Higante, ‘tikom ang bibig,
ako’y di mo matitiris.
a. mapangutya b. mapanghamon c. matakutin
Tama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito:
I. 1) c 6) b
2) c 7) a
3) a 8) c
4) c 9) a
5) b 10) c
II. 1) a 2) a 3) a
Kung tama ang sagot mo sa lahat ng tanong, hindi mo na kailangang sagutan ang susunod na
bahagi, ang Paunlarin.
Paunlarin
1. Sino ang nagsasalita sa mga saknong sa ibaba? Paano mo natukoy kung sino ang
nagsasalita?
26
a. 519 “Ako’y iyong kahabagan
O, Prinsesang minamahal,
at kung ito’y kasalanan
sa parusa’y nakalaan.”
b. 523 Sa laki ng kapanglawan
ang prinsipe’y nanambitan:
“Kung wala kang pagmamahal
kitlin mo na yaring buhay.
c. 524 “Ano pa yaring halaga
kung sawi rin sa pagsinta,
mahanga, O Donya Juana,
hininga ko’y malagot na.”
d. 565 “Anong tamis ng mamatay
kung lugod ng minamahal!
Anong saklap ng mabuhay
kung duwag na tuturingan!
e. 566 “Huwag kang maghihilahil
may awa ang Inang Birhen,
sa magandang nasa natin
ay di niya hahabagin.”
Tama kaya ang mga sagot mo? Kung ganito ang sagot mo, tama ka:
Si Don Juan ang nagsalita sa lahat ng saknong sa itaas. May iba’t ibang paraan para
makilalang si Don Juan ang nagsasalita. Iisa-isahin ang mga ito sa ibaba:
a. Sa S519 T2, tinukoy ang prinsesa na siyang kausap. Kaya siguradong si Don Juan ang
nagsasalita.
b. Sa S523 T2, sinabing ang prinsipe ang nagsasalita: “ang prinsipe’y nanambitan.”
c. Sa S523 T3, binanggit ang ngalan ni Donya Juana na siyang kausap kaya siguradong si Don
Juan ang nagsasalita.
d. Ang S565 ay tunog-macho, di ba? Tunog-pananalita ng isang binata na gustong magpapogi sa
isang dalaga. Lalo na ang T3-4. Hindi ito masasabi ng isang dalaga, lalo pa noong mga unang
panahon. Ang pananalitang ito ang binitiwan ni Don Juan bago siya nagpunta sa palasyo ni Leonora
upang ito naman ang iligtas sa serpyenteng may pitong ulo.
e. Sino ba ang tauhang laging nananawagan sa Inang Birhen? Di ba si Don Juan? Kaya tiyak na
siya ang nagsabi nito. Isa pang clue: Ang saknong na ito ay karugtong ng S565. Napansin mo bang
27
walang paniping nagkukulong sa S565 T4? Ito’y dahil ang susunod na pananalita ay kay Don Juan pa
rin.
Kung ang sagot mo ay si Don Juan ang nagsasalita sa lahat ng saknong sa itaas, tama ang
mga sagot mo. Kung ang katwiran mo naman ay kahawig ng paliwanag sa itaas, tama ka rin.
Sub-Aralin 2:
Idea, Opinyon, Paniniwala
Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang natutukoy mo ang mga
tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng:
• magkatulad na idea
• magkasalungat na idea
• magkatulad na opinyon
• magkasalungat na opinyon
• magkatulad na paniniwala
• magkasalungat na paniniwala
Alamin
Matapang talaga si Don Juan, ano? Akalain mong mapatay niya ang higante? Ang nakaraang
sub-aralin ay dito nagtapos, sa pagkapatay ni Don Juan sa higante. May naaalala ka bang kwento sa
Bibliya tungkol sa ganito ring paghahamok ng higante at tao? Tama. Ang taong si David at ang
higanteng si Goliath. Sino ang nanalo? Di ba si David? Tagumpay ng maliit laban sa malaki.
Sa bahaging ito ng korido, maliit man si Don Juan, laban sa malaking higante, nanalo pa rin
siya, dahil sa tulong ng Diyos na lagi niyang tinatawagan.
Ngayon, ang ililigtas naman niya ay ang kapatid ni Juana na si Leonora. Ang bantay ng
dalaga, hindi higante kundi serpyenteng may pitong ulo. Magwagi kaya uli ang ating bida?
Pinuntahan na ni Don Juan ang palasyo ni Leonora at nakita niya itong nakadungaw sa
bintana. Ito ang kanyang reaksyon nang makita ang dalaga.
574 Natikom ang kanyang bibig
dila ay parang napagkit,
mga matang nakatitig
alitaptap na namitig!
28
Maganda ba ang dalagang nakita niya? Hindi lamang maganda kundi pagkaganda-ganda! Ano
ang ibig sabihin ng T3-4: “mga matang nakatitig/alitaptap na namitig!” Ano pa kundi, hindi na
kumurap ang prinsipe sa pagkakatitig sa dalaga.
575 Kaya lamang nakahuma
nang simulan ni Leonora:
“O, pangahas, sino ka ba
at ano ang iyong pita?”
576 “Aba, palaba ng Buwan,
Tala sa madaling-araw
hingi ko’y kapatawaran
sa aking kapangahasan.
577 “Sa mahal mong mga yapak
alipin mo akong tapat,
humahalik at ang hangad,
maglingkod sa iyong dilag.”
Matamis talaga ang dila ni Don Juan, ano? Basta’t nakakita ng kagandahan ay agad
nakahahabi ng mabulaklak at matamis na pananalita. Alam mo ba kung ano ang palaba? Ito ang halo
o ang bilog na liwanag na nakapaligid sa buwan.
Matamis din ba ang dila ng mga binata sa ngayon? Ikaw, ganyan ka ba?
Sa maikling panahon ng kanilang pagkikilala, agad napaibig ni Don Juan si Leonora. Sa
simula’y nagkunwaring nagagalit ang dalaga sa pangahas na binata pero ito’y pagsubok lamang.
Paano na si Donya Juana? Mahulaan mo kaya?
Naglaban si Don Juan at ang serpyenteng may pitong ulo. Sino kaya ang nanalo? Parang
walang kamatayan ang serpyente dahil ang ulong natagpas ay bumabalik sa katawan. Pero binigyan
ni Leonora si Don Juan ng balsamo na kapag ibinuhos sa ulo ay di na ito makahuhugpong pa uli sa
katawan. Kaya napatay ni Don Juan ang ahas.
Isinama niya sa ibabaw ng balon ang magkapatid na Juana at Leonora at pauwi na sana sila
nang maalala ni Leonora ang singsing na naiwan niya sa palasyo. Bumalik si Don Juan sa ilalim ng
balon upang kunin ang singsing. Ngunit panibagong pagtataksil ang naisipan ni Don Pedro. Pinatid
niya ang lubid na kinakapitan ng kapatid kaya ito ay bumulusok sa balon at nagkabali-bali ang mga
buto.
29
Linangin
May mga idea, opinyon, at paniniwala sa bahaging ito ng korido na tatalakayin sa sub-araling
ito.
Linawin muna natin sa bahaging ito ang pagkakaiba ng tatlong salita.
Ang idea ay alin mang palagay, kuru-kuro, kaalaman o kaisipan tungkol sa alin mang bagay.
Maaaring maging opinyon ang isang idea kung ang kaisipang taglay nito ay sinusuportahan na ng
matinding damdamin o pagkiling batay sa palagay lamang at hindi sa matibay na patunay. Ang
paniniwala ay matibay na pagsuporta sa isang idea, at tiwala na ang ideang ito ay totoong-totoo at di
mababali.
Basahin ang mga saknong sa ibaba. Ang nagsasalita ay si Leonora. Ito ang tugon niya sa
inihahaing pag-ibig ni Don Juan.
610 “Sinusubok ko nga lamang
kung ang puso mo’y marangal,
ugali ng alinlanga’t
alaalang pagtaksilan.
611 “Pagkat marami sa puso
talusira sa pangako,
sa pagsinta’y mapagbiro’t
matuwaing sumiphayo.
612 “Pipitasin ang bulaklak
sa tangkay na nag-iingat,
mahal habang di pa kupas,
pag nalanta ay sa layak!”
Anong mga idea ang ipinapahayag sa mga saknong sa itaas? Ano na nga ang idea? Ito ay
maaaring kuru-kuro, palagay, kaalaman o kaisipan. Di ba may kinalaman sa pag-ibig ang ideang
pinalulutang sa mga saknong sa itaas? Pagsubok kay Don Juan at pag-aalalang baka taksil ang binata.
Naaalala mo pa si Juana? Di ba niligawa’t napaibig din ni Don Juan? Ngayo’y ang kapatid
naman nito ang tinutuhog ng binata.
Dagdag pa ni Leonora sa S611, maraming lalaki ang di tumutupad sa pangako. Ito ang ibig
sabihin ng talusira. Biro lamang ang pag-ibig sa mga lalaki at natutuwa silang magpaibig upang
magpaluha lamang pagkaraan. Ganito nga ba ang mga lalaki?
30
Inihambing ang dalaga sa isang bulaklak na pinipitas ng binata, na habang sariwa ay iniingat-
ingatan pero kapag nalanta na ay itinatapon na lamang sa basurahan. Nag-aalala si Leonora na kapag
nagsawa na ang binata ay iwan na lamang siya at sukat.
Sa kasalukuyang panahon ba ay may ganito rin bang mga pangyayari? Posible, di ba? Hindi
tama, pero nangyayari.
Malinaw na ba sa iyo ang ideang nakapaloob sa mga S610-612? Ito ay ang kataksilan ng mga
lalaki sa pag-ibig.
At ano naman ang kasalungat na idea ng kataksilan? Di ba katapatan? Ang pagiging tapat sa
pag-ibig. Ang katapatan ay maaaring hindi lamang sa pag-ibig kundi sa pamilya, sa bayan, sa
paniniwala.
Anong paniniwala ang pinalulutang sa bahaging ito ng koridong pinag-aaralan? Ano nga ba
ang ibig sabihin ng paniniwala? Kapag iniisip mo o nadarama mong totoong-totoo ang isang bagay o
isang idea, ito ay paniniwala.
Malinaw na isinusulong sa korido ang mataos na paniniwala sa Diyos at sa Inang Birhen.
Kung maaalala mo, ang korido ay karaniwang nagsisimula sa isang panawagan sa isang pintakasi. Sa
Ibong Adarna, ang Birheng matangkakal ang pinanawagan upang gumabay sa kanya sa
pagsasalaysay.
Ang Birhen din ang laging pinananawagan ni Don Juan upang gumabay sa kanya sa tuwi-
tuwina. Ikaw, kanino ka nagdarasal upang gabayan ka lagi sa iyong pag-aaral, sa iyong pang-araw-
araw na pamumuhay, at lalo pa pag nahaharap ka sa problema?
Basahin ang sumusunod na mga saknong na nagpapahayag ng paniniwala:
607 “Pagkat lihim itong balon
sinong taong sakdal-dunong
ang dito’y makatutunton
kundi Diyos ang may ampon?”
Anong paniniwala ang isinasaad dito? Di ba, ang paniniwala sa Diyos? Ano pa? Ang
paniniwala sa kapalaran o sa tadhana di ba? Ang ibig sabihin, itinadhana si Don Juan na makarating
sa mahiwagang balon. Ang pangyayaring ito’y gawa ng isang nasa itaas, ng Diyos, na nagturo sa
kanya sa balon. Hindi siya makararating doon kung sa kanyang sarili lamang dahil nakatago ang
balon at di mararating ng tao kung walang gabay na magtuturo sa kanya.
Sang-ayon ka ba na may gumagabay sa ating mga kilos at siyang nagtuturo ng ating tamang
landas?
31
Ano naman ang kasalungat ng paniniwalang ito? May ilang naniniwala na ang tao ay isang
malayang nilalang. Nasa kanyang mga kamay ang pagbuti niya o pagsama at walang mahiwagang
pwersang gumagabay sa kanya kundi ang sarili niyang konsyensya at pasya.
Alin sa dalawang magkasalungat na paniniwala ang sinusuportahan mo?
Narito pa ang ilang piling saknong na nagpapahayag ng paniniwala sa Diyos:
567 Lumakad nang patuluyan,
puso’y walang agam-agam.
Diyos ang tinatawagang
sa daratning kapalaran.
Sa puntong ito ay patungo na si Don Juan sa palasyo ni Leonora na tinatanuran ng
serpyenteng may pitong ulo. Wala siyang kaba dahil sa malaking paniniwalang di siya pababayaan ng
Diyos.
Kapag nakaharap ka sa malaking pagsubok, kanino ka humihingi ng tulong? Nagdarasal ka
rin ba sa Diyos?
Ang kasalungat na paniniwala nito ay ang pananalig sa sariling kakayahan. Na kung
pinaghandaan mo ang alin mang pagsubok, nasa sarili mong mga kamay ang iyong tagumpay, hindi
sa tulong ng iba.
Alin sa dalawang paniniwala ang sinusuportahan mo?
Sa sumusunod namang mga saknong, naglalaban na ang serpyente at si Don Juan. Parang
pinanghihinaan na ng loob si Don Juan dahil ang serpyente ay “may buhay na sapin-sapi’t/di yata
makikitil.” (S631 T3-4.)
Kaya, ano ang ginawa ni Don Juan?
632 Dito na siya tumawag
sa Diyos, Haring mataas,
sa kabaka niyang ahas
huwag nawang mapahamak.
633 Di man niya maigupo
huwag siyang masiphayo,
ni matigisan ng dugo’t
pagkatao’y maitayo.
32
Ano ang resulta ng gayong pagtawag sa Diyos?
634 Mataimtim palibhasa
ang pagtawag kay Bathala,
sindak niya ay nawala’t
katapangan ay lumubha.
635 Noon din ay naramdamang
nawala ang kanyang pagal,
para bagang bago lamang
sa ahas ay lumalaban.
636 Lalo niyang nakilalang
ang Diyos ay nasa kanya
nang hapuin ang kabaka
hingi’y mamahinga muna.
Ano ang bisa ng dasal ni Don Juan? Dalawa, di ba? Una, sa panig niya, nawala ang takot niya.
Lalo siyang tumapang at nawala ang pagod. Pangalawa, sa panig ng ahas, ito naman ang napagod
kaya hiningi nitong mamahinga muna sila sa paglalaban.
Lalong naniwala si Don Juan na nasa panig niya ang Diyos. Ito ang isinasaad sa S636. Sang-
ayon ka ba?
Ano naman ang kasalungat nitong paniniwala? Na mismong kay Don Juan nagmula ang
tiwalang magagapi niya ang kalaban. Sa mismong kalooban niya nanggaling ang lakas, hindi sa
pwersang nasa labas ng kanyang pagkatao.
Alin sa dalawa ang pinaniniwalaan mo?
Alin naman ang bahaging naglalahad ng opinyon? Ano na nga ba ang opinyon? Ito’y kung
ano ang iniisip ng isang tao tungkol sa isang bagay o pangyayari batay lamang sa kanyang
pakiramdam o nadarama, hindi sa solidong mga patunay.
Basahin ang mga saknong na ito. Bigyang pansin ang mga bahaging may salungguhit.
623 Dinaluhong ng prinsipe
ng espada ang Serpyente,
kasabay ang pagsasabing:
“Ang buhay mo’y mapuputi!”
624 Sagot ng Serpyente’y ito:
“Iyan ang hinahanap ko,
magsisi ka at totoong
makikitil ang buhay mo.”
33
Magkasalungat na opinyon ang inilahad sa dalawang saknong sa itaas, di ba? Sa opinyon ni
Don Juan, mapuputi o mapapatay niya ang buhay ng serpyente. Sa kabilang dako, ang serpyente
naman ay may opinyon na ang prinsipe ang mamamatay sa kanyang pangil. Hindi batay sa patunay
ang opinyon ng isa’t isa kundi salig lamang sa pakiramdam nila. Noon lamang sila nagkaharap at di
pa nila alam ang kakayahan ng isa’t isa
Kaninong opinyon ang nagkatotoo? Tama ka, ang kay Don Juan, dahil siya ang nagwagi sa
labanan at napatay niya ang ahas.
Gamitin
Handa ka na bang gamitin ang iyong mga napag-alaman?
Basahin ang mga saknong sa ibaba at sabihin kung ang inilalahad sa mga pariralang may
salungguhit ay (a) idea, (b) opinyon o (c) paniniwala.
608 “Sa Diyos na ngang talaga
ang sa iyo’y pagkakita,
kaya, mabunying Prinsesa
lunasan mo yaring dusa.”
649 “Di ko kayo huhumpayan
hanggang hindi mangamatay,
ang ulo ko, iisa man
ako ang magtatagumpay.
661 Panibugho at ang imbot
sa puso ay sumusunog,
dibdib ay ibig pumutok
sa sama ng kanyang loob.
678 “Ako nama’y nariritong
umiibig din sa iyo,
maging siya’t maging ako
iisa sa pagkatao.
679 “Kapwa kami mayro’ng dangal
Prinsipe ng aming bayan,
pagkat ako ang panganay
sa akin ang kaharian.”
34
694 Nanunton ang kalooban
sa matandang kasabihang:
Madalas na magbulaan
ang sa taong panagimpan.
Ganito rin ba ang mga sagot mo:
S608: Paniniwala. Paniniwalang talaga ng Diyos ang pagkikita nila.
S649: Opinyon. Hindi nagkatotoo ang opinyong ito ng ahas dahil siya ang napatay ng
kalaban.
S661: Idea. Tungkol sa pag-ibig at imbot.
S678: Idea. Iisa ang mga magulang nina Don Pedro at Don Juan kaya sinabi niya kay Leonora
na “iisa sa pagkatao” kaya pwedeng ipalit ang una (Don Pedro) sa pangalawa (Don Juan) sa puso ni
Leonora.
S679: Idea.
S694: Paniniwala.
Lagumin
Malinaw na ba sa iyo ang sub-araling ito? Upang maging mas malinaw pa, inilahad sa ibaba
ang mga pangunahing puntos ng sub-aralin.
1. Ano ang idea? Ang idea ay alin mang palagay, kuru-kuro, kaalaman o kaisipan
tungkol sa alin mang bagay.
2. Maaaring maging opinyon ang isang idea kung ang kaisipang taglay nito ay
sinusuportahan na ng matinding damdamin o pagkiling batay sa palagay lamang at
hindi sa matibay na patunay.
3. Ang paniniwala ay matibay na pagsuporta sa isang idea, at tiwala na ang ideang ito ay
totoong-totoo at di mababali.
Ngayon, handa ka na ba sa isang pagsubok?
35
Subukin
Sagutin ang mga tanong.
4. Ano ang kinatatakutan ni Leonora kaugnay ng pag-ibig na iniaalay ni Don Juan? Aling
saknong ang nagpapahayag ng pag-aalalang ito?
5. Sino o ano ang nakalaban ni Don Juan sa bahaging ito ng koridong Ibong Adarna?
6. Dalawang bagay ang nakatulong kay Don Juan upang magapi ang serpyente? Ano ang
mga ito?
7. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong.
632 Dito na siya tumawag
sa Diyos, Haring mataas,
sa kabaka niyang ahas
huwag nawang mapahamak.
a. Sino ang siya na tinutukoy sa saknong na ito?
b. Kanino siya tumawag?
c. Ano ang hiniling niya? Aling taludtod ang
nagpapahayag nito?
633 Di man niya maigupo
huwag siyang masiphayo,
ni matigisan ng dugo’t
pagkatao’y maitayo.
a. Hiniling bang mapatay ang ahas?
b. Ayaw bang mapahiya ni Don Juan kaya niya hiniling na
“pagkatao’y maitayo”?(T4)
Tama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito:
1. Pagtataksil ni Don Juan. S610-612.
2. Ang serpyenteng may pitong ulo.
3. Pagtawag sa Diyos at balsamo ni Leonora.
4. S632: a. Don Juan; b. Diyos, Haring mataas; c. “huwag nawang mapahamak,” T4.
S632: a. Kahit hindi niya maigupo o mapatay; b. ayaw niyang mapahiya dahil sa simula pa
lamang ay siniguro na niyang siya ang magwawagi.
36
O, tama ba ang mga sagot mo? Kung tamang lahat ang sagot mo, hindi mo na kailangang sagutin
ang kasunod nitong bahagi, ang Paunlarin.
Paunlarin
Sagutin ang mga tanong.
1. Anong mga idea ang nabasa mo sa bahaging ito ng korido? Ano ang kasalungat nito?
2. Anong mga opinyon ang nabasa mo sa bahaging ito? Ano ang kasalungat nito?
3. Anong mga paniniwala ang nabasa mo sa bahaging ito? Ano ang kasalungat nito?
Tama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito:
1. Taksil sa pag-ibig ang mga lalaki kaya kailangan pang subukin muna ang
katapatan; ang kasalungat nito ay katapatan. Ang isa pa ay ang inggit at pag-
iimbot ni Don Pedro at ang kasalungat naman nito ay ang pagmamahal ni Don
Juan sa kapatid.
2. Na kayang patayin ng isang tao (ni Don Juan) ang napakalaking serpyente na may
pitong ulo. Magkasalungat ang mga opinyon ni Don Juan at ng serpyente. Sa
opinyon ni Don Juan, mapapatay niya ang serpyente; sa opinyon naman ng
serpyente, mapapatay niya si Don Juan.
3. Paniniwala sa Diyos at sa laging paggabay ng Diyos sa sino mang laging tumatawag sa
Kanya. Kasalungat nito ang paniniwalang nasa mga kamay ng tao ang kanyang
kapalaran, wala sa pwersang nasa labas ng kanyang pagkatao.
Sub-Aralin 3:
Mga Pananaw at Tradisyon
Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang nasusuri mo ang
akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bahaging nagpapatunay ng:
• panlipunang pananaw
• pangkulturang pananaw
37
• panrelihiyong pananaw
• mga tradisyon
Alamin
Lalong nagiging kapana-panabik ang mga pangyayari, di ba? Ano na kaya ang mangyayari
kay Don Juan ngayong naiwan siyang bali-bali ang mga buto samantalang naglakbay nang pauwi sa
Berbanya ang dalawa niyang kapatid at ang dalawang dilag na iniligtas niya?
Basahin ang mga saknong na nagsasalaysay ng sumunod pang mga pangyayari. Bigyang
pansin mo ang mga pananaw at tradisyong isinasaad sa teksto.
Kausap ni Don Pedro ang kanyang ama:
714 “Amang makapangyarihan,
puno nitong kaharian,
ang iyo pong kalooban
siya naming igagalang.
715 “Kung ako po’y tatanungin
si Leonora na ang akin;
si Don Diego’y ikasal din
kay Donya Juanang butihin.”
Ani Leonora naman:
717 “Ako po’y di sumusuway
sa atas mo, Haring mahal
ngunit isang kahilingang
iliban muna ang kasal.
718 “Sa aki’y ipahintulot
ng mahal mong pagkukupkop,
na bayaan kong matapos
yaring panata ko sa Diyos.
719 “Mulang ako’y maulila
sa akin pong ama’t ina,
pitong taon kong panatang
mamumuhay nang mag-isa.”
38
Pumayag ang hari at sinabihan ang anak niyang si Don Pedro:
727 “Pairugan si Leonorang
Magpatuloy sa panata;
Pedro’y pasasaan bagang
Di matupad iyang pita.
728 “Tibayan ang kalooba’t
dagdagan ang kabaitan,
taong nagpapakabanal
huwag pagmamalaswaan.”
Idinaos ang kasal nina Don Diego at Donya Juana.
730 Siyam na araw na singkad
buong reyno ay nagalak,
maginoo’t mga hamak
sa kasala’y nagkayakap.
Samantala, si Don Juan ay inalagaan ng Lobo ni Leonora. Kumuha ito ng tubig sa Ilog Herdan at:
739 Buong suyong pinahiran
bawat pasa ng katawan,
gayon din ang mga pilay
na malubha at hindi man.
740 Prinsipe’y agad lumakas
nabahaw ang mga sugat,
nakatindig at ang gilas
ngayon ay lalong tumingkad.
Pagkaraa’y lumisan na ang Lobo at naiwang nag-iisa si Don Juan. Ano ang kanyang ginawa?
749 Dili ang hindi nabakla
ang prinsipe nang mag-isa,
kaya’t agad lumuhod na’t
sa Diyos napakalara.
750 “O Diyos, Haring mataas
Panginoon naming lahat,
sa alipin Mo’y mahabag
na ituro yaong landas.”
39
Dito na dumating ang Ibong Adarna at pinayuhan si Don Juan na hanapin na lamang ang
kanyang kapalaran:
767 “Ngunit anhin pa ba natin
ang nagdaa’y sariwain,
ang marapat ngayong gawin,
ligaya mo ay hanapin.
768 “Limutin sa alaala
ang giliw mong si Leonora
dito ay may lalalo pa
sa karangalan at ganda.”
778 Sa payo nitong Adarna
ang Prinsipe’y lumakad na,
nalimutan si Leonora’t
puso’y na kay Maria Blanca.
Linangin
May mga pananaw at tradisyong nakapaloob sa mga saknong sa itaas.
Ano ba ang pananaw? Ito ang paraan ng pagtingin o ang iyong saloobin sa mga bagay-bagay
at maaaring ito’y kaugnay ng lipunan, kultura at relihiyon. Ang totoo’y magkakaugnay ang tatlong
ito. Di ba lipunan ang lumilikha ng kultura? Ang paniniwala naman tungkol sa isang Maylikha ay
may malaking impluwensya sa uri ng kulturang nabubuo ng isang lipunan.
Ang tradisyon naman ay ang mga pinagkaugalian nang paniniwala o paraan ng pagsasagawa
ng mga bagay-bagay. Maaaring ito’y ritwal, pagdiriwang, atb. Kaugnay pa rin ito ng lipunan, kultura
at relihiyon. Ito ang mga bagay na ginagawa ng isang pangkat ng mga tao kaugnay ng kanilang mga
pinaniniwalaan. Halimbawa, tradisyon na ang marangyang kasalan dahil sa paniniwalang kailangang
ipagsaya ng buong komunidad ang bagong pagsasama ng dalawang nagmamahalan.
Ang S714-715 ay nagpapahayag ng nakaugalian nang paggalang sa mga magulang at
pagsunod sa kanilang pasya, maging sa pag-aasawa. Ang totoo, noong unang panahon ay mga
magulang ang nasusunod sa pag-aasawa ng anak. Ipinagkakasundo ang mga anak kahit mga bata pa.
Kung sino ang gusto ng magulang na mapangasawa ng anak, ay iyon ang pakakasalan ng anak.
Ngayon, nasusunod pa ba ang tradisyong ito? Kung ikaw ang tatanungin, ganito rin ba ang
ibig mong mangyari? Siyempre, hindi na ganyan ngayon. Malaya na ang bawat isa na pumili ng
kanyang gusto.
40
Iginagalang din ni Leonora ang tradisyong ito kaya hindi siya nagpahayag ng pagtutol. Ang
hiniling lamang niya ay palugit upang matupad ang panatang pamumuhay nang mag-isa sa loob ng
pitong (7) taon. Ito naman ay nagpapakita ng panrelihiyong pananaw, na iginalang ng hari.
Nang mga panahong iyon, ang babae ay walang boses maging sa mga bagay na may
kaugnayan sa buhay niya at kaligayahan. Sa lipunan, relihiyon at kultura ng maraming lugar, ang
kababaihan ay sunud-sunuran lamang sa mga lalaki – sa ama hanggang magkaasawa, at sa asawa
kapag siya’y ikinasal na.
Ngayon ba’y ganito pa rin ang nangyayari? Alin ang mas gusto mo, ang pananaw ngayon sa
kababaihan, o ang dati?
Gamitin
Ngayon, ikaw naman ang maglapat ng mga natutuhan mo.
Anong pananaw ang mababakas sa S727-728? Pagpapahalaga sa kababaihan, di ba? Sinunod
niya ang kahilingan ni Leonora. Bukod dito’y pinagbilinan pa niya si Don Pedro na “huwag
pagmamalaswaan” si Leonora.
Ano namang tradisyon ang inilahad sa S730? Di ba ang marangyang kasalang nakaugalian na
sa maraming bansa. Karaniwan, lalo’t mahal na tao, o mga prinsipe at prinsesa ang ikinasal, ang
pagsasaya ay tumatagal nang ilang araw. Ganito rin ba sa inyong bayan?
Samantala, ano namang pananaw ang isinasaad sa S739-740?
Tama ka kung panrelihiyong pananaw ang sagot mo. Hanggang ngayon, marami pang
naniniwala sa mga mahimalang lunas sa sakit. Di ba maraming humihimas o nagpapahid ng panyo sa
Santo Nino at iba pang mga imahe sa paniniwalang malulunasan ang kanilang karamdaman sa
ganitong paraan?
Ano ang nangyari nang mapahiran ang buong katawan ni Don Juan ng tubig mula sa Ilog
Herdan? Di ba mahimalang gumaling ang lahat ng butong nalinsad at naging mas matikas pa siya
kaysa rati?
Sa kanyang pag-iisa, muli, tumawag sa Diyos si Don Juan upang gabayan siya sa tamang
landas. Ito ang ipinapahayag sa S749-750. Anong uri ng pananaw ito? Di ba panrelihiyon?
41
Lagumin
Malinaw na ba sa iyo ang sub-araling ito? Upang maging mas malinaw pa, narito ang mga
pangunahing puntos:
1. Ang pananaw ay ang paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay o ang iyong saloobin dito.
Maaaring ito’y kaugnay ng lipunan, kultura at relihiyon.
2. Ang tradisyon naman ay ang mga pinagkaugalian nang paniniwala o paraan ng
pagsasagawa ng mga bagay-bagay. Maaaring ito’y ritwal, pagdiriwang, atb.
3. Ang bahaging ito ng korido ay nagbibigay ng mga halimbawa ng pananaw na panreliyon,
panlipunan at pangkultura.
Ngayon, handa ka na ba sa isang pagsubok?
Subukin
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang hiniling ni Don Pedro sa kanyang ama pagdating nila sa Berbanya?
2. Pumayag bang pakasal sa kanya si Leonora? Ano ang idinahilan ng dalaga upang
maipagpaliban ang kanilang kasal?
3. Sino ang hinihintay ni Leonora?
4. Pumayag ba ang hari sa kahilingan ni Leonora? Ano ang ipinagbilin ng hari kay Don
Pedro? Tukuyin ang taludtod na nagsasaad nito.
5. Sino ang dumating upang gamutin ang mga pasa at baling buto ni Don Juan?
6. Ano ang ipinayo ng Ibong Adarna kay Don Juan?
7. Alin sa a, b, at c ang pananaw na isinasaad sa sumusunod na mga taludtod:
767 “Ngunit anhin pa ba natin
ang nagdaa’y sariwain,
ang marapat ngayong gawin,
ligaya mo ay hanapin.
a. Kalimutan na ang nakaraan at harapin ang kinabukasan
42
b. Sariwain ang nagdaan
768 “Limutin sa alaala
ang giliw mong si Leonora
dito ay may lalalo pa
sa karangalan at ganda.”
a. Limutin na ang dating giliw at maghanap ng iba
b. Laging alalahanin ang dating kasintahan
Tama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito:
1. Ipakasal siya kay Leonora at si Don Diego naman kay Juana.
2. Hiniling niyang ipagpaliban ang kasal dahil sa kanyang panata.
3. Si Don Juan.
4. Pumayag ang hari. Sinabi niya kay Don Pedro na igalang ang
pagkababae ni Leonora. S728T4.
5. Ang Lobo ni Leonora.
6. Hanapin ang Reyno de los Cristal at ang magandang prinsesang si
Maria Blanca.
7. S767: a; S768: a.
Kung tamang lahat ang sagot mo, hindi mo na kailangang sagutan ang susunod na bahagi, ang
Paunlarin.
Paunlarin
Punan ang mga patlang:
1. Ginamot ng Lobo ang mga pasa ni Don Juan sa tulong ng ______ mula sa Ilog Herdan.
a. langis b. putik c. tubig
2. Ayon sa Ibong Adarna, huwag nang sariwain pa ni Don Juan ang nagdaan. Ang tinutukoy
niya rito’y ang ____________.
43
a. pitong ulo ng serpyente
b. pagkamatay ng higante
c. pagtataksil ni Don Pedro
3. Maghanap na raw siya ng bagong ligaya, at ito ay si _________.
a. Leonora b. Maria Blanca c. Juana
4. Ang lupaing pupuntahan niya ay _________.
a. Reyno de los Cristal b. Berbanya c. Armenya
5. Sa paghahanap niya sa malayong kaharian, tinulungan siya ng ________.
a. magandang prinsesa b. matandang ermitanyo c. batang paslit
Tama kaya ang mga sagot mo? Narito ang mga tamang sagot:
1. c 2. c 3. b 4. a 5. b
Mahal kong estudyante, maligayang bati. Ngayong natapos mo na ang Modyul 12,
magpatuloy ka na sa Modyul 13.
Mga Sanggunian
Rodillo, Gregorio M. et al. 1998. Ibong Adarna: Isang Interpretasyon. Binagong Edisyon.
Maynila: Rex Book Store.
Santillan-Castrence, Pura. 1940. Publikasyon Blg. 26 ng Surian ng Wikang Pambansa.
Maynila: Surian ng Wikang Pambansa.
44
Gaano ka na kahusay?
A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang pangungusap
at M naman kung mali.
1. Si Don Pedro, ang panganay sa tatlong prinsipe, ang bida sa koridong Ibong Adarna.
2. Si Don Diego, ang pangalawang anak, ay sunud-sunuran lamang sa mga pakana ng
panganay na kapatid.
3. Si Don Juan, ang bunso, ang paborito ng amang hari.
4. Si Don Juan ang nagpakanang pawalan ang Ibong Adarna upang iba ang mapagbintangan.
5. Nang makawala ang ibon, kusang nilisan ni Don Juan ang palasyo upang pagtakpan ang
tunay na nagkasala.
6. Hindi ipinahanap ng hari ang bunsong si Don Juan.
7. Masaya ang tatlong magkakapatid nang muling magkita-kita.
8. Tatlo ang nagtangkang lumusong sa mahiwagang balon pero isa lamang ang nakarating sa
kailaliman.
9. Dalawang magandang dalaga ang nakatira sa palasyo sa ilalim ng balon.
10. Binabantayan sila ng isang higante at isang serpyenteng may tatlong ulo.
11. Napatay ni Don Pedro ang higante at ang serpyente.
12. Masayang umuwi sa Berbanya ang tatlong magkakapatid na prinsipe kasama ang
dalawang dilag.
13. Ikinasal si Don Diego kay Juana.
14. Tumangging pakasal si Leonora kay Don Pedro.
15. Samantala, naiwan sa ilalim ng balon si Don Juan.
B. Piliin sa mga salita sa loob ng panaklong ang angkop sa patlang para mabuo ang pangungusap.
1. Ginagamit ang _______ upang ikulong ang tuwirang sinabi ng isang tauhan. (panipi,
panaklong, bracket)
2. Ang _______ay tungkol sa lugar at panahon nang maganap ang isang kwento. (tauhan,
tagpuan, usapan)
3. Dayalog ang isa pang tawag sa _______ (tauhan, tagpuan, usapan).
4. Ang tagpuan ng koridong Ibong Adarna ay noong ___________ (unang panahon,
kasalukuyang panahon, hinaharap na panahon).
5. Ang korido ay mahabang tulang ___________ (nagsasalaysay, naglalahad,
nangangatwiran).
C. Anong katangian ng tauhan ang isinasaad sa sumusunod na mga saknong? Piliin ang sagot sa
ibaba. Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. 466 Kung siya’y may kahinaang
sukat maging kapintasan,
ang pag-ibig na dalisay
45
sa kapatid kailanman.
a) laging mapagmahal sa kapatid
b) palapintas sa kapatid
c) mapaghanap sa kapatid
2. 508 Nasimulan nang gawain
ang marapat ay tapusin,
sa gawang pabinbin-binbin
wala tayong mararating.
a) determinasyong tapusin ang nasimulan
b) gustong ibinbin ang gawain
c) walang gustong marating
3. 522 Gayon pa man ay tinimpi
ang pagsintang ngumingiti
saka siya nagkunwaring
sa prinsipe’y namumuhi.
a) marunong magtimpi
b) mahusay magkunwari
c) madaling mamuhi
D. Basahin ang mga saknong. Anong katangian ng tagpuan ang isinasaad sa bawat saknong sa ibaba?
Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. 444 Tumutubong punungkahoy
mga bungang mapupupol,
matataba’t mayamungmong,
pagkain ng nagugutom.
a) maraming bungangkahoy
b) maraming matataba
c) maraming nagugutom
2. 449 Simoy namang malalanghap
may pabangong pagkasarap,
langhapin mo’t may pagliyag
ng sampaga at milegwas.
a) may bango ng bulaklak ang hangin
b) may paglingap ang hangin
c) may langhap-sarap ang hangin
46
3. 482 Ang lalo pang pinagtakha’y
ang nakitang kalinisan,
walang damo’t mga sukal
gayong ligid ng halaman.
a) malinis ang paligid ng balon
b) masukal ang paligid ng balon
c) madamo ang paligid ng balon
E. Anong idea ang ipinapahayag sa sumusunod na mga saknong? Isulat lamang ang letra ng iyong
sagot sa sagutang papel.
1. 607 “Pagkat lihim itong balon
sinong taong sakdal-dunong
ang dito’y makatutunton,
kundi Diyos ang may ampon?”
Natuklasan ni Don Juan ang balon dahil sa
a) tulong ng Diyos
b) dunong ng Diyos
c) lihim ng dalaga
2. 608 “Sa Diyos na ngang talaga
ang sa iyo’y pagkakita,
kaya, mabunying prinsesa
lunasan mo yaring dusa.”
Nagkita si Don Juan at si Leonora dahil ang pagkikita nila’y
a) talaga ng Diyos
b) lunas sa dusa ng prinsipe
c) hiling ni Don Juan
3. 611 “Pagkat marami sa puso
talusira sa pangako,
sa pagsinta’y mapagbiro’t
matuwaing sumiphayo.
a) maraming lalaking mapaglaro sa pag-ibig
b) maraming lalaking di marunong tumupad sa pangako
c) maraming lalaking natutuwang magpaluha ng babae
d) lahat ng a, b, at c
47
F. Anong paniniwala ang isinasaad sa sumusunod na mga saknong? Isulat lamang ang letra ng iyong
sagot sa sagutang papel.
1. 634 Mataimtim palibhasa
ang pagtawag kay Bathala,
sindak niya ay nawala’t
katapangan ay lumubha.
a) mabisa ang dasal kung taimtim
b) nawawala ang sindak dahil sa dasal
c) tumatapang kapag nagdarasal
2. 636 Lalo niyang nakilalang
ang Diyos ay nasa kanya
nang hapuin ang kabaka
hingi’y mamahinga muna.
a) Lalong nakilala ni Don Juan ang Diyos nang mapagod ang ahas
matapos siyang magdasal
b) Lalong naniwala si Don Juan na nasa panig niya ang Diyos nang
mapagod ang ahas matapos siyang magdasal
c) Lalong naniwala si Don Juan sa Diyos nang mapagod ang ahas
matapos siyang magdasal
3. 694 Nanunton ang kalooban
sa matandang kasabihang
Madalas na magbulaan
ang sa taong panagimpan.
a) Madalas na kabaligtaran ang panaginip.
b) Madalas managinip ang tao.
c) Madalas na magbulaan ang taong nananaginip.
4. 854 “Paalam na, O, Don Juan,
si Leonora ay paalam,
kung talagang ikaw’y patay
magkita sa ibang buhay.”
a) may ibang buhay pa pagkaraang mamatay ang tao
b) ang mga patay ay nagkikita-kita sa ibang buhay
c) nagpapaalam ang mga namamatay
48
G. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong:
1. 730 Siyam na araw na singkad
buong reyno ay nagalak,
maginoo’t mga hamak
sa kasala’y nagkayakap.
a) Ilang araw ang pagdiriwang? Aling taludtod ang nagsasaad nito?
b) Anong salita ang singkahulugan ng reyno?
c) Anong okasyon ang ipinagdiriwang? Aling taludtod ang nagsasaad
ng okasyon?
2. 778 Sa payo nitong Adarna
ang Prinsipe’y lumakad na,
nalimutan si Leonora’t
puso’y na kay Maria Blanca.
a) Sino ang nagpayo kay Don Juan?
b) Sino ang nalimutan na ni Don Juan?
c) Na kanino na ngayon ang puso ni Don Juan?
3. 848 “Tatlong taon nang mahigit
yaring aking pagtitiis
maatim kaya ng dibdib
na makasal sa di ibig?”
a) Ilang taon nang naghihintay si :Leonora kay Don Juan? Aling
taludtod ang nagsasaad nito?
b) Ano ang di maatim ni Leonora? Aling taludtod ang nagsasaad
nito?
49
Modyul 12
Mga Bagong Pakikipagsapalaran
Ano na ang Alam Mo? (Panimulang Pagsusulit)
A.
1. M 6. M 11. T
2. T 7. T 12. M
3. T 8. T 13. T
4. M 9. T 14. T
5. T 10. M 15. T
B. 1. panipi
2. tagpuan
3. usapan
4. unang panahon
5. nagsasalaysay
C. 1. a) D. 1. a) E. 1. a)
2. a) 2. a) 2. a)
3. a) 3. a) 3. d)
F. 1. a)
2. b)
3. a
4. a)
G. 1. a. Siyam (9) na araw. T1.
b. kaharian
c. Kasalan. T4
2. a. Ibong Adarna
b. Leonora
c. Maria Blanca
3. a. 3 taon. T1.
b. Makasal sa di ibig. T4.
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 13
Pagpapahayag ng Pakay/Motibo at Palagay
Pagbuod ng mga Impormasyon,
Pagbabagong Morpoponemiko
2
Modyul 13
Pagpapahayag ng
Pakay/Motibo at Palagay
Pagbuod ng mga Impormasyon,
Pagbabagong Morpoponemiko
Tungkol saan ang modyul na ito?
Madalas kang nakakalahaok sa mga usapan ng magkakaibigan, di ba? Paminsan-minsan, may
mga isyu kayong pinagtatalunan. Sa mga pagkakataong ito nagpapahayag ka ng mga palagay o
opinion, o di kaya ay sinusuri mo ang pakay o motibo ng mga tao sa kanilang ipinahahayag bago ka
magbigay ng iyong palagay.
Mainam na masanay ka sa mga ganitong transaksyonal na pakikipagpalitang-kuro.
Nakapagpapatalas ito ng kaisipan at lumalawak ang kaalaman mo sa maraming bagay.
Ito ang pakay ng modyul na ito: ang sanayin ka sa pagtukoy sa motibo o pakay ng nagsasalita
o ng mga manunulat ng iyong binabasang teksto. Gayundin, hahasain ka ng modyul sa pagbuo ng
mga palagay o opinyon, kasiya-siya man o hindi. Aba, pati paglalagom ng mga ideya ay saklaw din
nito. Itataas din ang iyong kamalayan sa mga pagbabagong nagaganap sa mga salitang Filipino
dahilan sa paglalapi. Pagbabagong morpoponemiko ang tawag dito.
Ang modyul ay binubuo ng tatlong sub-aralin:
Ang Sub-Aralin 1 ay nauukol sa pagsasalita. Sa araling ito ay matututuhan mo ang (1)
pagtukoy sa mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo, at (2) pagkilala at pagbuo ng
mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay.
Ang Sub-Aralin 2 ay nauukol sa pagbasa at dito’y matututuhan mo ang (1) pagkilala ng salita
ayon sa sitwasyong pinaggagamitan at (2) pagpili at paglagom ng mga impormasyong nakapaloob
sa binasa ayon sa sariling pagpapakahulugan.
Sa Sub-Aralin 3 naman ay makikilala mo ang iba’t ibang pagbabagong morpoponemiko na
nagaganap sa mga salita.
Handa ka na ba, kaibigan? Sige, simulan mo na.
3
Ano ang matututunan mo?
Nakasisiyang mabatid na interesado kang pag-aralan ang mga araling nauukol sa mga paksang
binanggit sa itaas. Ngunit, hindi sapat na masabi mong interesado kang matutuhan ang mga ito.
Higit na mahalagang malinang mo ang mga kasanayang nakapaloob dito.
Sa modyul na ito, inaasahan kong magagawa mo ang mga sumusunod:
1. natutukoy ang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo
2. nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-siyang
palagay at di-kasiya-siyang palagay
3. napipili at nalalagom ang mga impormasyong nakapaloob sa binasa
4. nakikilala ang iba’t ibang pagbabagong morpoponemiko na naganap sa
isang salita
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Gaya ng nasabi ko na, marami kang matututunan sa modyul na ito. Bukod dito, magiging
madali para sa iyo ang lahat ng mga aralin at gawain kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba na
magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral.
1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan. Gumamit ka ng
hiwalay na sagutang papel sa pagsagot mo sa mga pagsusulit.
2. Sagutin mo muna ang Panimulang Pagsusulit. Ito ay ang panimulang hakbang upang
masukat at matiyak ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin.
3. Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka
lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung mababa ang markang nakuha mo.
May mga inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak kong makatutulong
sa iyo.
4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing
kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito
sa iyo upang maging mabuti ang pagsagot sa mga gawain.
4
5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutuhan mo ang
aralin. Kunin mong muli sa guro ang Susi sa Pagwawaasto. Muli, maging matapat ka sa
pagwawasto.
6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga
gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap ko na ikaw ay matulungang matuto.
Ano na ba ang alam mo?
Alamin muna natin kung kailangan mo pa ang modyul na ito. Kumuha ka ng sagutang papel
at sundan mo ang pagsagot sa panimulang pagsusulit.
A. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pariralang bubuo
sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata.
1. Maagang nagising si Ryan. Ibig niyang sorpresahin ang kanyang ina. Matapos mailigpit ang
mga gamit sa pagtulog ay inunahan na niya ang kanyang ina sa pagluluto ng almusal. Diniligan
niya ang mga halaman, pinakain ang alagang aso at nilinis ang buong sala. Kailangang
mapasaya ang kanyang ina sa kanyang mga ginawa. Kailangan ding makaalis siya nang maaga
dahil may outing silang magkakabarkada. Wala siyang pera.
Ang pakay o motibo ni Ryan ay ______________________________.
A. humingi ng pera sa kanyang ina.
B. ipagluto ng pagkain ang mga kabarkada.
C. hiramin ang kotse ng kanyang ama.
D. isama ang kanyang ina.
2. Pagkababang-pagkababa ng pasahero sa taksi ay agad na sinabi ni Ace sa driver ang lugar na
kanyang pupuntahan. Pagkaupo ni Ace ay napansin niya ang isang maliit na bag sa bandang
ibaba ng sasakyan. Isang pakete ang laman ng bag. Sa ibabaw nito ay may nakasulat na
pangalan at address. Malapit sa pupuntahan niya ang address na kanyang nabasa.
Naisip ni Ace na __________________________________________.
A. ibigay sa driver ang pakete.
B. bumaba at habulin ang lalaking sakay ng taksi.
C. ipahinto ang taksi sa malapit na police station.
D. ihatid ang pakete sa taong nagmamay-ari ng pakete
5
3. Working student si Lance. Nasa iskul siya mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng
hapon. Mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi ay nagtatrabaho siya bilang crew ng
isang sikat na fastfood center. Madalas na nahuhuli ng kanyang profesor si Lance na
natutulog sa klase kayat madalas din siyang pagsabihan nito.
Ang pakay o motibo ng profesor ay upang ______________________.
A. hiyain si Lance.
B. gawing modelo si Lance.
C. mag-drop si Lance.
D. ipauna kay Lance na mahirap pagsabayin ang pag-aaral sa pagtatrabaho.
4. Ibig mag-aral ni Prince Kelly sa kolehiyo ngunit noon pang isang buwan ay sinabihan na siya
ng kanyang ama na wala siyang ipantutustos sa pag-aaral nito. Ayaw matulad ni Prince Kelly sa
kanyang mga kapatid na hindi nakatapos ng pag-aaral. Sa isang dyaryo ay nabasa ni Prince
Kelly ang tungkol sa Programang Study Now Pay Later Plan. Naunawaan niya ang
mahahalagang impormasyon na nakasaad dito kaya kakausapin niya ang kanyang ama.
Ang pakay o motibo ni Prince Kelly sa pakikipag-usap sa ama ay upang hikayatin itong
____________________.
A. mangutang ng pera.
B. tumira sa boarding house.
C. lumuwas ng Maynila.
D. basahin ang nilalaman ng programa.
5. Dalawang taon pa lamang si John-John nang magtrabaho sa Saudi Arabia ang kanyang ama
bilang isang OFW. Ngayong siya’y labimpitong taong gulang na ay nakatanggap ng balita ang
kanyang ina na babalik na sa Pilipinas ang kanyang ama. Sa halip na matuwa ay parang
walang anumang narinig si John-John. Hindi siya nakapagsalita.
Ang pakay o motibo ni John-John ay upang ipakita sa kanyang ina na
_____________________.
A. maysakit siya.
B. may pangarap din siyang makapagtrabaho sa ibang bansa.
C. sasamahan niya ang ama sa pamamasyal.
D. hindi siya nasasabik makita ang ama.
B. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang
palagay.
1. Gutom na gutom na si Francel. Sitenta pesos na lamang ang laman ng kanyang bulsa. Ibig
niyang makabili ng pagkaing bukod sa mura na ay mabubusog pa siya. Sa unang tindahan na
kanyang pinuntahan ay singkwenta pesos ang halaga ng isang kanin, dalawang ulam. Sa isang
tindahan naman ay sisenta pesos ang dalawang kanin, isang ulam at softdrinks. Pinili ni Francel
ang huling tindahan. Laking tuwa ni Francel. Hindi siya nagsisi sa napiling pagkain.
6
A. Hindi na ako mauulit pang kumain dito.
B. Lutong-bahay. Siguro kababayan ni Inay ang nagluto nito.
C. Parang kulang sa asim ang sinigang.
D. Parang minadali ang pagkakasaing.
2. Walang pasok si Algerou, araw kasi ng Ramadan. Sumama siya kay Michael na mamasyal sa
Quiapo para bumili ng pirated CD. Tamang-tama, nagpapabili rin ang kanyang kapatid ng
bagong CD ni Regine Velasquez. Nagtaka siya sa murang halaga ng mga CD ngunit kabilin-
bilinan ng kanyang kapatid na huwag na huwag bibili ng pirated CD. Kinagabihan, nag-text si
Michael kay Algerou. Nasira ang kanyang component sa bahay. Ano ang sasabihin ni Algerou?
A. Mabuti nga sa iyo. Mahilig kang bumili ng pirated CD, eh.
B. Baka talagang sira ang component ninyo.
C. Isoli mo. Gusto mo, samahan kita?
D. Sa susunod, sa iba na lang tayo bumili.
3. Nahuli sa akto ni Mr. Francisco na ninanakaw ng isang bata ang cellphone ng babaing katabi
niya sa bus. Dahil may alam siya sa self-defense, inaresto niya ang bata. Iniwasan niyang
daanin sa dahas ang pag-aresto. Ipinaalam niya sa bata ang kadahilan ng kanyang pag-aresto.
Ano ang sasabihin ng bata?
A. Bakit mo ako hinuli. Pulis ka ba?
B. Wala akong kinukuha. Sa akin ang cellphone na ito.
C. Bakit, me karapatan ka bang mang-aresto?
D. Mabuti’t hindi ninyo ako sinaktan. Patawarin n’yo na ‘ko.
4. Lalabas na si Genaldo sa rehabilitation center. Tatlong taon din siyang namalagi rito. Ayaw
na niyang umuwi sa kanilang bahay. Nangangamba siya na baka hindi na maging maganda ang
pakikitungo sa kanya ng mga kasama niya sa bahay. Ang akala niya’y siya lamang mag-isa ang
uuwi. Laking gulat niya ng malaman niyang sinusundo na siya ng kanyang magulang at mga
kapatid. Ano ang sasabihin ni Genaldo?
A. Sinorpresa ninyo ako. Salamat po. Hindi ko malilimutan ang araw na ito.
B. Bakit ngayon lang kayo dumating?
C. Susunduin ninyo ako pagkatapos ibabalik n’yo uli ako rito?
D. Dito na lang ako. Ayoko nang umuwi.
5. Pinalad na maging beneficiary ang familya Mangao sa mga proyekto ng Rural Improvement
Center (RIC) ng Kagawaran ng Pagsasaka pagkatapos silang dumalo sa seminar ng wastong
pagbababuyan. Malaking tulong ang ipinagkaloob ng RIC. Ano ang masasabi ng familya
Mangao sa benepisyong kanilang natanggap?
A. Magbababoy na tayo noon, magbababoy pa rin tayo ngayon.
B. Wala nang asenso ang buhay natin.
C. Kung iyong iba natutulungan ng gobyerno, tayo pa kaya?
D. Lalo natin pagsumikapang lumago ang ating negosyo.
7
C. Basahin ang talata sa bawat bilang. Isulat ang lagom nito sa sagutang
papel.
1. Mahirap magutom ang tao. Kadalasan, kapag gutom ang isang tao ay natututo siyang kumain
ng mga pagkaing hindi pa niya nakakain para lamang magkaroon ng laman ang kanyang
sikmura.
Sa Ongpin, China Town sa Binondo ay mabibili ang iba’t ibang hayop
na maaaring lutuin para iulam sa hapag-kainan. Nariyan ang ahas,
cobra, pawikan, at iba pa. Kaya hindi kataka-taka kung may mabili
tayong kare-kareng kriket, tortang anay, sinangag na langgam,
kilawing uwang, ginataang salagubang, adobong balang, atb.
Huwag naman sanang dumating ang panahon na dahil sa kagutuman
ay kainin ng tao maging ang mga damo, halaman at bulaklak.
2. Si Henaral Francisco Soliman Makabulos ang itinuturing na pangunahing bayani ng
Tarlac. Noong panahon ng Kastila ay siya lamang ang tanging nakapagpalaya sa
lalawigan sa kamay ng mga mananakop.
Isinilang si Makabulos sa La Paz, Tarlac. Bagamat elementarya lamang
ang natapos ay kinilala ang kanyang katalinuhan at katapangan sa
pamamagitan ng pagtatatag ng sangay ng Katipunan sa Tarlac. Bilang
manunulat ay nakapaglathala si Makabulos ng mga tula sa El Heraldo
de la Revolucion, ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong
Pilipino. Isinama siya ni Heneral Emilio Aguinaldo nang lagdaan ang
Kasunduan sa Biak na Bato.
Namatay si Makabulos noong Abril 30, 1922 sa Tarlac, Tarlac.
Pagkaraan ng ilang taon, ang kanyang mga labi ay inilipat sa kanyang
monumento na nasa harap ng kapitolyo ng Tarlac.
D. Pag-aralan ang pagbabagong morpoponemikong naganap sa salita sa bawat bilang. Piliin
sa kahon ang sagot. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. Ang pantig ng salita ay nasa
pantig na may salungguhit.
1. madamot maramot
2. pangbahay pambahay
3. buo buung-buo
4. buhay kabuhayan
5. taniman tamnan
8
asimilasyong di-ganap metatesis
pagpapalit ng ponema pagkaltas ng ponema
paglilipat-diin
Kung tapos ka na, kunin mo sa guro ang SUSI SA PAGWAWASTO.
Kumusta? Kung nasagutan mong lahat ang tanong, pwede ka nang pumunta sa susunod na
modyul. Kung marami kang mali, pagbutihin mo ang pag-aaral sa modyul na ito.
Magsimula ka na.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub-Aralin 1
Ano ang Pakay o Motibo? Kasiya-siya ba o
Di - Kasiya-siya ang Palagay?
Layunin
Ang layunin ng araling ito ay ang mga sumusunod:
1. natutukoy ang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo
2. nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-
siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay
Alamin
Bago mo matutuhan ang paraan ng pagsulat ng talaarawan ay kailangang magkaroon ka muna
ng kaalaman ukol sa mga pangungusap na naglalahad ng pakay o motibo. Itinatanong mo kung ano
ang kaugnayan nito sa pagsulat mo ng talaarawan?
9
May malaking kaugnayan, kaibigan. Katulad ngayon, inuna kong mabigyan ka ng
mahahalagang impomasyon ukol sa mga pangungusap. May pakay o motibo ako para gawin iyon.
Ibig kong masanay ka sa pagbuo ng iba’t ibang pangungusap na magagamit mo sa pagsulat ng iyong
talaarawan. Sa kabilang dako, alam ko ring may pakay o motibo ang pagtatanong mo. Tama ba ako?
Bukod sa aking nabanggit, makakabasa ka rin ng mga pangungusap at pahayag na
nagpapakilala ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay. Mahalaga rin ang mga ito sa
pagbuo mo ng mga ideya habang isinusulat mo ang iyong talaarawan.
Magugulat ka kapag nakabasa ka ng mga salitang nabago ang pagkakabaybay na naging sanhi
upang mabago rin ang pagbigkas sa mga ito. Pagbabagong morpoponemik ang tawag dito. Narinig
mo na ba ang salitang ito?
Narito ang tatlong larawan. Pag-isipan mo kung ano ang pakay o motibo ng taong
nakalarawan. Dugtungan mo ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat mo ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ang pakay o motibo ng babae
ay __________________
_______________________.
2. Ang pakay o motibo ng salamangkero
ay ________________________.
3. Ang pakay o motibo ng dalawang
mag- aaral na nagtapos ay
_____________.
10
Narito ang posibleng motibo ng mga tauhan sa bawat bilang:
1. alagaan ang aso
2. magpasaya sa pamamagitan ng majik
3. makahanap ng trabaho
Linangin
Mula sa mga sagot mo, mahihinuha mong ang araling pag-aaralan mo ngayon ay tungkol sa
mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo. Nagamit mo na ba ang ganitong mga
pangungusap? Saang sitwasyon mo nagamit ang mga ito?
Napuna mo ba na kung minsan ay may mga ibig tayong gawin na hindi natin magawa dahil
kailangan pang humingi tayo ng pahintulot sa kinauukulan? Halimbawa, kapag may hinahanp
tayong lugar, itinatanong pa natin sa taong mapagtatanungan natin ang ganito, “Maaari po bang
magtanong?” o sinisimulan natin sa pagsasabi ng “Mawalang-galang na nga po . . .” Ito’y
pagpapatunay lamang na tayo’y likas na magagalang bagama’t alam na ng ating kausap na tayo’y
may pakay o motibo. At ito ay ang makapagtanong.
May mga pagkakataon ding hindi natin masabi-sabi sa ating kausap kung ano ang pakay o
motibo natin kaya nais natin silang kausapin. Madalas na inililihis natin ang ating sadya sa
pamamagitan ng paggamit ng maliligoy na mga pangungusap gaya ng “Kasi ano… Ganito ‘yon…
Alam mo, nahihiya man akong sabihin pero….”
Narito ang ilang sitwasyon na magpapatunay na hindi natin agad nasasabi sa ating kausap ang
ating pakay o motibo.
Sitwasyon 1 Ang Mangungutang
Nagpunta si Mary Grace sa bahay ni Nina.
“Aba, biglang-bigla ang pagdalaw mo. Hindi ka man lang nagpasabi na darating
ka. Ano’ng balita?” tanong ni Nina.
“A, eh . . . Galing ako diyan sa isa kong kaibigan. Malapit lang ang bahay mo
kaya’t naisipan kong dumaan,” sagot ni Mary Grace.
“O, kumusta si Jeff? Kumusta ang mga bata?” tanong ni Nina.
11
“Mabuti naman kaya lang laging mainit ang ulo ni Jeff. Lagi kasi naming
pinagtatalunan iyong kakaunti niyang sahod. Mahal pa naman ang mga bilihin ngayon.
Pati nga mga bata ay madalas na hindi makapasok dahil wala akong maibigay na baon.
Naglalakad na nga lang sila papunta sa eskuwelahan,” sagot ni Mary Grace. “Kung
may mahihiraman nga lamang sana ako ng pera . . .”
Narinig mo na ba ang ganyang mga pangungusap? Ano ang iyong nadama noong marinig mo
iyon? Nainis ka o natawa? Naawa ka ba sa paraang kanyang ginamit?
Ganoon din ba ang istilo mo sa panghihiram ng pera? Maligoy, ano?
Sitwasyon 2 Ang Manliligaw
Junior: Beth, bulaklak, o. Para sa iyo.
Beth: Salamat. Saan galing?
Junior: Binili ko sa kanto.
Beth: Binili mo para sa akin? Bakit?
Junior: Wala lang. Kasi nagagandahan lang ako sa iyo.
Saka mabait ka. Sana kapaga natagpuan ko na
iyong babaing magpapatibok sa puso ko, ang
pipiliin ko’y iyong katulad mo.
Beth: Nanliligaw ka ba?
Junior: Hindi, ah. Wala pa sa isip ko ang bagay na iyan.
Torpe. Tama ang sinabi mo. Torpe si Jun dahil hindi pa niya masabi ang kanyang pakay o
motibo. Kung ikaw si Jun, sisimulan mo rin ba sa pagpapadala ng bulaklak? Hindi ka ba agad
aamin na panliligaw ang pakay mo? Kung ikaw naman si Beth, tama bang itanong mo agad kay Jun
kung nanliligaw ka? Ipararamdam mo ba agad ang kanyang pakay o motibo ?
Sitwasyon 3 Ang Bagong Politiko
Tuwing may bagyo o baha sa kanilang lugar ay laging nagpapadala ng isang
dalawang kilong bigas at tatlong lata ng sardinas si Mr. Mendoza sa Barangay Center.
Ganito ang lagi niyang sinasabi habang inaabot ang kanyang tulong.
“Labis akong nalulungkot sa sinapit ninyong kapalaran. Kayat’t bago dumating
ang tulong ng gobyernong lokal ay bayaan ninyong ako muna ang manguna sa
pagtulong. Tanggapin ninyo ang kaunti kong nakayanan. Higit pa riyan ang pagtulong
na aking gagawin sa mga susunod na taon. Asahan ninyo ang tulong ko. Umaasa rin
ako na ako’y inyong tutulungan kapag ako naman ang nangailangan ng tulong.
Makaaasa ba ako?”
12
Maganda ba ang pakay o motibo ni Mr, Mendoza? Narinig mo na ba ang ganitong mga pahiwatig?
Ano ang nadarama mo kapag nakaririnig ka ng ganito? Naiinis ka ba? Nagagalit? Natutuwa?
Ano ang pakay o motibo mo at ganito ang iyong nadarama? Ipaliwanag mo nga.
Samantala, hindi lamang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo ang dapat na
matutuhan mo. Alam mo ba na may mga pangungusap din na nagpapahayag ng kasiya-siyang
palagay at di-kasiya-siyang palagay? Itinatanong mo kung ano ang ibig sabihin ng palagay?
Ang palagay ay kasingkahulugan ng opinyon, kuru-kuro o pananaw sa isang isyung pinag-
uusapan. Hindi ba’t kung minsan ay may nagtatanong sa iyo ng ganito? Ano sa palagay mo ang
mangyayari kung . . .? Anong palagay mo sa . . . ? Para higit mong matutuhan kung ano ang
palagay ay pag-aralan mo ang ang mga parirala at pangungusap sa tsart na ito:
Paksa Palagay
Ang kaguluhang naganap sa Haciena
Luisita
Sumama sa demonstrasyon ang mga di-
nagtatrabaho sa Hacienda.
Pagtaas ng halaga ng krudo Nakabatay sa pandaigdigang pamilihan ang
pagtaas ng halaga ng krudo.
Sa Palagay 1, Sumama sa demonstrasyon ang mga di-nagtatrabaho sa Hacienda kung kaya’t
naganap ang kaguluhan sa Lusita Hacienda. Katanggap-tanggap ba sa iyo ang palagay na ito?
Kung OO ang sagot mo, sang-ayon kang ang mga di-nagtatrabaho sa Hacienda Luisita ang dahilan
ng kaguluhang naganap sa nasabing lugar. Kung HINDI ang sagot mo, iba ang dahilang naiisip mo
sa kaguluhang naganap sa Hacienda Luisita.
Sa Palagay 2, Nakabatay sa pandaigdigang pamilihan ang pagtaas ng halaga ng krudo,
tinatanggap mo ba ang palagay na ito? Kung OO, sang-ayon kang hindi dapat isisi sa pamahalaan o
sa mga kumpanya ng gasolinahan ang pagtaas ng halaga ng krudo. Kung HINDI ang sagot mo, iba
ang dahilang naiisip mo kung bakit patuloy ang pagtaas ng halaga ng krudo.
Maaaring ang dalawang palagay ay kasiya-siya sa iyo dahil tinatanggap mo. Paano kung
negatibo sa iyo ang mga palagay na ito? Hindi mo matanggap dahil hindi naging kasiya-siya sa iyo,
di ba?
Upang higit mong malinawan ang pagkakaiba ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang
palagay ay pag-aralan mo at paghambingin ang mga pangungusap sa tsart na ito:
13
Paksa Kasiya-siyang Palagay Di-Kasiya-siyang Palagay
Pagdalo ni Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo sa 12th
Asia Pacific Economic
Cooperation Summit sa
Santiago, Chile noong
Nobyembre 21-22.
Nahimok ni Pangulong
Arroyo ang mga imbestor
na mamuhunan sa
Pilipinas.
Maraming problemang pang-
ekonomiya ang dapat munang
tinutukan at nilutas ni
Pangulong Arroyo kaya’t
hindi siya dapat dumalo sa
summit.
Balak ng Department of
Health na suspindihin ang
senior citizens’ discount sa
gamot.
Kikita ang mga botika. Paglabag ito sa R.A. 9257 na
nakatutulong sa mga
matatandang may-sakit at
walang hanap-buhay na
makabili ng gamot sa murang
halaga.
Walang batas ang Pilipinas
ukol sa terorismo.
Hindi pagtatangkaan ng
mga terorista na guluhin
ang katahimikan ng
Pilipinas.
Nakakatakot na baka
pagkatapos ng Amerika ay
Pilipinas naman ang isunod
pasabugin ng mga terorista..
Mula sa mga halimbawang ito, napaghambing mo ba ang kasiya-siyang palagay sa di-kasiya-
siyang palagay?
Alin sa mga palagay na ito ang nakaapekto sa iyo? Bakit?
Upang lalo mo pang matutuhan ang aralin ay pag-aralan mo kung kailan maituturing na
kasiya-siya at di-kasiya-siya ang palagay:
Kasiya-siya ang palagay kung . . .
1. sang-ayon ka sa proposisyon.
2. may mabuting magagawa sa iyo at sa bayan.
3. walang masasaktan o maaagrabyadong tao.
4. makatutulong sa pambansang kapayapaan at pagkakaisa.
5. makatutulong sa mga pagbabagong nagaganap sa bansa.
14
Di-kasiya-siya ang palagay kung . . .
1. hindi ka sang-ayon sa proposisyon.
2. walang mabuting magagawa sa iyo at sa bayan.
3. makakasakit o makakaagrabyado ka ng tao.
4. makapagsisimula ng kaguluhan at pagkakawatak-watak
5. walang maitutulong sa mga pagbabagong nagaganap sa
bansa.
Malinaw na ba sa iyo kung paano mo gagamitin ang mga pangungusap na nagpapakilala ng
kasiya-siya at di-kasiya-siyang palagay?
Gamitin
Subukin mong iaplay ang natutuhan mo.
A. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pariralang bubuo
sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata.
1. Mabagal ang pag-unlad ng mga isyung napagkasunduan ng mga lider ng Asia
Pacific Economic Cooperation (APEC) na ginanap sa Santiago, Chile lalo na para sa
kapakanan ng mga bansang mahihirap na kasapi nito. Ito’y dahil
_____________________.
A. hindi naman mararamdaman ang ekonomiya.
B. walang pakinabang ang naganap na summit.
C. kasama ang Amerika sa summit.
D. hindi ginanap sa Pilipinas ng summit.
2. Hindi na pupunta sa Taiwan si Lester para magtrabaho dahil sa placement’s
fee na NT$120,000. Ang buwanang sasahurin kasi niya’y NT$15,840
lamang. Ang pakay o motibo ni Lester ay para ipamukha sa kanyang mga
kababayan ang nangyayaring ________________________.
A. mabagal na pag-aasikaso ng placement’s fee.
B. magbabawas ngayon ng mga OFW ang Taiwan.
C. hindi maiwi-withdraw ni Lester sa bangko ang malaking bahagi ng
kanyang sahod.
D. ang lalaki-laki ng placement’s fee, ang liit-liit naman ng kanyang sahod.
15
3. Sa panahon ng eleksyon ay ibinoboto ng mga mamamayan ang mga
kandidatong nais nilang manungkulan sa pamahalaan. Gumawa ng pamanahong papel
si G. Batong Jr. Lumabas sa kanyang pag-aaral na pagkatapos ng eleksyon, nangunguna
sa bilangan ang mga sikat o kilalang tao sa larangan ng pelikula, radyo at telebisyon.
Ang pakay o motibo ni G. Batong Jr. ay upang ipaalala sa mga tao na
_______________________.
A. hindi marunong bumoto ang nakararaming mamamayan.
B. hindi marunong pumili ng mga kandidato ang nakararaming mamamayan.
C. kailangang maging artista sa radyo, telebisyon at pelikula ang mga
kandidato para manalo sa eleksyon.
D. sa pagboto, mahalaga sa pagpili ng mga kandidato ang kanilang
kwalipikasyon na magampanan ang mga tungkuling pang-administratibo at
hindi ang maging popular sa larangan ng pelikula, radyo at telebisyon.
4. Bilang isang magaling na cook sa kanilang pamilya, at dala na rin ng kanyang
pamamalagi sa ibang bansa sag awing ito bilang OFW, nagsilbi si Mrs. Mendoza bilang
quality controller ng kanilang negosyo. Pinaninindigan niya ang pagsasabing hindi
niya kayang ibenta ang pagkaing hindi niya gustong kainin. Ang pakay o motibo ni
Mrs. Mendoza ay para ipaalam na _____________.
A. maselan siya sa pagkain.
B. matapat sa tungkulin si Mrs. Mendoza.
C. mahalaga sa kanyang ang kalusugan.
D. ayaw niyang magkasakit.
5. Naglalakad si Mac Mac sa iskinita. Katanghaliang tapat noon. Wala siyang kamalay-
malay na may bigla na lamang humablot ng kanyang cellphone. Sa isang saglit lamang
ay isa na siyang biktima ng snatcher.
Ang pakay o motibo ni MacMac ay upang paalalahanan ang lahat na _____________
A. iwasan ang pagdadala ng cellphone.
B. iwasan ang paglalakad sa iskinita.
C. madaling mawalan ng cellphone.
D. hindi ligtas ang tao sa snatching maging katanghaliang tapat.
B. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang pangungusap na nagapapahayag ng kasiya-
siyang palagay. Titik lamang ang isulat sa dahong sagutan.
1. Napatunayan sa isinagawang pananaliksik na sa 27 publikong paaralan sa
Pasig City ay 8,341 mga mag-aaral ang may mabababang timbang dahil sa
malnutrisyon. Dahil dito ay itinatag sa Pasig City ang programang
“Tsibug Pampalusog”.
16
A. Palulusugin nga ang mga bata, wala naman silang baon.
B. Pera na lang sana ang ibinigay sa mga mag-aaral.
C. Ayaw ng nakararaming mag-aaral na bumigat ang kanilang timbang.
D. Sa wakas, mababawasan o kung di man ay mawawala na ang
malnutrsiyon sa mga paaralan.
2. Ang pagkaing gawa sa buko, gaya ng nata de coco ay inimbento ng
Pilipino subalit ang patent nito ay naibenta sa Japan at ang bansang ito ang
nagparehistro sa pandaigdigang distribusyon.
A. Baka muling sakupin ng Japan ang Pilipinas.
B. Gusto lang magpasikat ang mga Hapon.
C. Dapat mahiya ang gobyerno sa ginagawa ng mga Hapon sa ating
bansa.
D. Kilala na ang Pinoy sa mga imbensyon.
3. Humigit-kumulang ay isang daang liham ang natatanggap ni Mariz bilang
D.J. ng Radio Romance. Isang araw, isang liham ang tinanggap ni Mariz.
Pararangalan siya ng Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas (KBP).
A. Sa wakas, nagkabunga rin ang pagsisikap ni Mariz.
B. Bakit siya ang pararangalan? Bakit hindi ako?
C. Gusto lang sorpresahin ng KBP di Mariz.
D. Napakabata bata naman niya para parangalan.
4. Bagoong na isda ang isa sa mga paboritong sangkap ng mga Pilipino sa
kanilang ulam. Isinasama ito ni Aling Docia sa pinakbet at dinengdeng,
kilalang pagkain ng mga Ilokano.
A. Marunong nga siyang magluto, puro lutong Ilokano naman.
B. Wala kasing ibang ginagawa iyan kundi magluto.
C. Walang ibang alam lutuin iyan kundi pinakbet at dinengdeng.
D. Pampalasa sa mga lutuin ang bagoong na isda.
5. Ang proyektong Kabisig Laban sa Kahirapan ng Comprehensive
and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ng
Department of Social Welfare and Development ay kinapapalooban ng
programa sa patubig, pagpapaelektrisidad at serbisyong pangkalusugan.
A. Palabas lamang iyan ng gobyerno para masabing maka-mahirap ang
mga lider ng bansa.
B. Iyan lang naman ang kayang gawin ng DSWD.
C. Panahon pa ni Magsaysay mayroon na iyan, eh. Wala na bang iba?
D. Malaking tulong iyan sa lahat ng mga mamamayan.
17
Narito ang tamang mga sagot:
A. 1. A B. 1. D
2. D 2. C
3. D 3. A
4. B 4. D
5. D 5. D
Kumusta ang nakuha mo? Kung kailangan ay balik-balikan mo ang mga
sa sub-aralin at nang mamaster mo ang kasanayan.
Lagumin
Mula sa mga araling napag-aralan mo ay natukoy mo ang mga pangungusap na
nagpapakilala ng pakay o motibo, batay sa mga sitwasyong inilahad. Sa mga pangungusap na
nabanggit ay nakadama ka ng iba’t ibang damdamin – pagkalungkot, pagkatuwa, at panghihinayang.
Nakilala, naipaghambing at nakabuo ka ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-siyang
palagay at di-kasiya-siyang palagay.
Subukin
A. Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang titik na nagpapahayag ng pakay o motibo ng
nagsasalaysay. Isulat ang sagot sa dahong sagutan.
1. Marami akong lupa sa Bulacan. Sampung hektarya na ang naipagbili ko. Iyong limang
hektarya ng lupa ko sa Cavite ay sa susunod na linggo ko ibebenta. Nais ng nagsasalaysay
na siya ay ______________.
A. makapagyabang.
B. makipagkaibigan.
C. makitang naghihirap ang kanyang kausap.
D. makilala sa lipunan.
2. Lahat ng mga clippings ukol sa kalusugan at negosyo ay tinitipon ko at maayos kong
itinatago sa isang malaking envelope. Minamarkahan ko ang mga iyon para madaling
mahanap kung kakailanganin ko. Ang pakay o motibo ng nagsasalaysay ay para malaman
ng kanyang kausap na siya’y ___________________.
A. malinis.
B. maasikaso.
C. maraming trabaho.
D. organisado.
18
3. Inirekomenda ni Sen. Manuel Villar Jr. sa mga miyembro ng dalawang kapulungan ng
Konggreso na ayaw magsoli ng kanilang pondo na magtanim na lamang ng mga puno. Ang
pakay o motibo ni Sen. Villar Jr. ay upang __________________.
A. makabawas sa pagkakalbo ng kagubatan.
B. maisantabi ang mga gawain sa dalawang kapulungan.
C. maiwasan ang illegal logging.
D. magamit sa pangangampanya sa susunod na eleksyon.
4. Hindi pabor si Sen. Aquilino Pimentel Jr. sa panukalang isama sa death penalty ang
illegal logging. Ang pakay o motibo ni Sen. Pimentel Jr. ay upang ang mga
pinagdududahang illegal loggers ay __________________.
A. mai-freeze na lamang ang kanilang bank deposits at ari-arian.
B. patawan ng higit na mabigat na parusa.
C. mapangalanan.
D. magsisi at humingi ng kapatawaran sa mga naging biktima ng pagbaha.
5. Sa bagong pormula ng MMDA, gagawing 7am-4pm ang pasok ng mga empleyado ng
gobyerno at 9am-6pm naman sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Ang pakay
o motibo ni MMDA Chairman Bayani ay upang ______________.
A. makapagtipid ang gobyerno.
B. maiklasipika ang mga nagtatrabaho sa gobyerno at sa pribadong sektor.
C. maraming bumili ng mga sasakyan.
D. malunasan ang problema sa trapiko.
B. Basahin ang sitwasyon. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang
damdamin.
1. Ngayong Lunes, Nobyembre 29 ay idineklarang non-working holiday ng Malacanang.
Ang paliwanag ng palasyo, ang Nobyembre 30 na Araw ni Bonifacio at Pambansang
Araw ng mga Bayani na siyang tunay na pista opisyal ay natapat ng Martes. Ipit ang Lunes
sa Linggo na walang pasok.
A. Sayang, wala akong sahod sa araw na walang pasok.
B. Magulo ang magkasabay na selebrasyon ng Araw ni Bonifacio at
Pambansang Araw ng mga Bayani.
C. Mabuti at kinikilala ng Pilipinas ang kabayanihan ni Bonifacio at ng mga bayani ng
ating bansa.
D. Wala na tayong magagawa kung may pagbabagong ginawa ang Malacanang.
19
2. Nagbigay-pugay si Senador Richard Gordon sa libu-libong volunteers ng Olongapo City na
nagsakripisyo upang maipreserba ang mga pasilidad ng Subic Bay matapos abandonahin ng
mga Amerikano ang mga ito bilang naval base.
A. Kung bakit kasi umalis pa ang mga Amerikano. Nawalan tuloy ng hanap-buhay
ang maraming mamamayan ng Olongapo City.
B. Pagod, gutom at puyat ang dinaranas naming mga volunteer.
C. Papuri lamang ang kapalit sa mga ginagawa naming pagvo-volunteer.
D. Ang kusang pagtulong namin ay hindi nangangailangan ng kapalit.
3. Sa unang siyam na buwan ng taong kasalukuyan ay umangat ng 9% ang ani ng mangga
kung saan umabot sa P14,97 bilyon ang kinita ng bansa sa mangga mula sa P14.5
bilyon noong nakaraang taon. Ang mga nangungunang rehiyon sa produksyon ng
mangga ay ang Ilocos Region, Gitnang Luzon at Calabarzon.
A. Bakit hindi nakasama ang aming rehiyon?
B. Sa susunod, huwag lang ang produksyon ng mangga ang bigyan nila
ng papuri. Mataas din ang ani ng saging, dalandan at kopra.
C. Sa isang taon, hihina na ang produksyon ng mangga.
D. Mabuti naman at dahil sa pag-angat ng ani ng mangga ay naragdagan ang kaban ng
bayan.
4. Iba-iba ang naging reaksyon ng mga mamamayan hinggil sa iminungkahi ng isang
kongresista na gawing legal ang pagtatanim ng marijuana bilang legal na alternatibong
gamot sa sakit na kanser.Sang-ayon ako rito.
A. Laban ako sa anumang illegal na droga sa bansa kabilang ang
legalisasyon ng marijuana.
B. Lalong tataas ang bilang ng mga magugumon sa ipinagbabawal
na gamot.
C. Maapruba sana ito sa lalong madaling panahon.
D. Hindi makakakuha ng maraming boto sa Kongreso ang panukala.
5. Bahagyang nagkaroon ng magandang kinahinatnan ang transport strike kahapon sa panig
ng mga tsuper at operators bagama’t perwisyo naman ang idinulot nito sa mga commuters.
A. Hindi lahat ng mga tsuper ay sang-ayon sa strike.
B. Hindi makatarungan ang laging pagtataas ng halaga ng krudo.
C. Sampu sa mga nagwelgang driver ang dinakip ng mga pulis dahil sa
pananakot sa ilang kasamahang driver.
D. Mabibigyan ng diskuwento sa diesel ang mga driver.
20
Iwasto mo ang iyong mga sagot.
A. 1. A B. 1. C
2. D 2. D
3. A 3. D
4. A 4. C
5. D 5. D
Tama ba lahat ang iyong mga sagot? Kung hindi ang sagot mo, ang sagot mo, gawin mo ang
susunod na gawain.
Paunlarin
A. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik
ng pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata.
1. Ako’y taga-Aklan. Ipinababatid ko sa lahat na bukod sa mga yamang-kalikasan ay
mayaman din ang aming lalawigan sa kasaysayan at kultura. Ang pakay o motibo ng
nagsasalaysay ay ___________.
A. makapagyabang.
B. makipagkaibigan.
C. maipahayag ang kasiyahan.
D. iwanan ang Aklan.
2. Ako’y may kapansanan. Ako’y isa sa labintatlong residente ng Makati na may kapansanan na
tinanggap ng kumpanya ng Bench bilang costumer sale assistant. Ang pakay o motibo ng
nagsasalaysay ay upang ipabatid sa lahat na ang kumpanya ng Bench ay ___________.
A. maraming sangay.
B. mapili sa mga empleyado.
C. matulungin sa mga residente ng Makati.
D. tumatanggap ng mga empleyadong may kapansanan.
3. Ang pagpapalabas ng mga malalaswang larawang nakasulat o nakikita ay maaaring pangganyak
sa kabataan upang gumawa ng krimen tulad ng rape. Sanay maiwasan ng print media ang
pagpapalathala ng mga malalaswang larawan. Ang pakay o motibo ng nagsasalaysay ay
___________.
A. magsulat ng mga balita tungkol sa rape.
B. isisi sa print media ang paglaganap ng krimen.
C. purihin ang print media.
D. ibilang ang print media na salik sa paggawa ng krimen.
21
B. Basahin ang sitwasyon. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang damdamin.
1. Ang EcoZone ay tumutulong sa mga manggagawa upang sila’y madaling makahanap ng
trabaho.
A. Salamat at malulunasan na ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
B. Kailangan pa bang magtrabaho sa ibang bansa?
C. Wala naming natapos ang mga nag-aaplay ng trabaho, eh.
D. Kailangang mag-isip tayo kung saan tayo magtatrabaho.
2. Ang buhay ni Rizal ay delikado at masalimuot ngunit kakikitaan ng katapangan at kabayanihan.
A. Idolo ko si Rizal.
B. Sino ang pumapangalawa kay Rizal bilang pambansang bayani?
C. Sino ang higit na matapang, si Rizal o si Bonifacio?
D. Ang Noli Me Tangere ay nobela ng pag-ibig at pakikipagsapalaran.
3. Kapag napag-uusapan ang teknolohiya, ang unang pumapasok sa isipan ng mga tao ay ang
computer. Ito ang gamit sa pagpapadala ng mga mensahe, komentaryo, tanong o dokumento.
A. May negatibong dulot ang teknolohiya.
B. Ang computer ay para lamang sa mga matatalino at mayayaman.
C. Magastos ang magkaroon ng computer.
D. Salamat sa computer at napagaan ang mga trabaho ko.
Iwasto mo ang iyong mga sagot:
A. 1. C B. 1. A
2. D 2. A
3. D 3. C.
Tama ba ang mga sagot mo? Kung OO, binabati kita.
Ipagpatuloy mo ang pag-aaral sa susunod na sub- aralin
Sub-Aralin 2
Paglalagom ng Impormasyon
Layunin
Sa pag-aaral mo ng pangalawang aralin ay nakatitiyak akong matutugunan mo ang sumusunod
na layunin:
1. nakapipili at nakalalagom ng mga impormasyong nakapaloob sa binasa
ayon sa sariling pagpapakahulugan
22
Alamin
Bago ka magkaroon ng impormasyon ukol sa bagong aralin ay pag-aralan mo ang mga salitang
nakakahon.
ulat pamanahong papel book review
rebyu ng pelikula lektyur eksperimento
Sa anong salita mo maiuugnay ang mga salitang nakakahon? Nahihirapan ka bang sagutin?
Sige, hihintayin kitang makapag-isip.
Balikan mong basahin ang mga salitang nabanggit. Hindi ba’t ang mga salita ay isang gawaing
pasulat na ginagawa ng higit pa sa isang oras? Kung gayon, mahabang oras din ang kailangan mo
para mabasa mo ang mga ito. Pagkatapos mong mabasa, ano ang pinakahuling gawain na magagawa
mo para sa mga ito?
Tama, lalagumin o bubuurin mo batay sa mga impormasyong nabasa mo.
Linangin
Mahalagang matutuhan mo ang wastong paglalagom o pagbubuod ng impormasyong nabasa
mo. Ngunit bago mo ito matutuhan, pag-aralan mo muna ang ilang mahahalagang impormasyon ukol
sa paglalagom o pagbubuod:
Ang paglalagom na kasingkahulugan ng pagbubuod ay isang gawaing pasulat na pinaikling
bersyon ng anumang nabasang akda o napanood na pelikula o dula. Ang mga lagom o buod ay
maaaring nilikha mula sa mga aklat, artikulo, pulong at mga ulat. Sa pagsulat ng buod ay laging
kasama ang paksa at mahahalagang detalye.
Ibig mong malaman kung anu-ano ang mga katangian ng isang lagom o buod?
Basahin mo ang halimbawa:
23
Mga Bagong Panukala . . . Maipatupad Kaya?
Dalawang bagong panukala ang inihain sa Kongreso. Ang legalisasyon ng
jueteng at legalisasyon ng paggamit ng marijuana.
Ang dahilan sa jueteng ay para mawala ang katiwalaan sa gobyerno samantalang
idinadahilan sa paggamit ng marijuana na gamot ito sa kanser at iba pang sakit at
karamdaman, bukod sa mapagkukunan ng karagdagang kita ang pamahalaan dito.
Mahihirapan ang mga kongresistang nagpanukala nito na maipasa sa Konggreso
ang dalawang kontrobersyal na panukala. Tiyak na darami ang tututol.
Napuna mo bang ang lagom o buod ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian?
1. Maikli. Ang lagom o buod na maikli at hindi maligoy ay nakasisiyang basahin.
2. Malinaw ang paglalahad. Nasa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap ang ikinalilinaw ng
isang lagom o buod.
3. Malaya. Taglay ng isang lagom o buod ang pangunahing idea o kaisipan kaya’t malaya ang
manunulat na pumili ng paksang kanyang susulatin.
4. Matapat na kaisipan. Ang lagom o buod ay naglalaman ng matapat na pag-unawa sa
orihinal na teksto o pangyayari.
Matapos mong malaman ang mga katangian ng isang mahusay na lagom o buod ay handa ka
nang matutuhan kung paano makapaglalagom ng isang binasang akda, di ba? Sundin mo ang mga
sumusunod na hakbang:
1. Basahin ang buong teksto
Ang mga Manunulat noong Panahon ng Amerikano
Maraming manunulat ang nakilala hindi lamang sa istilo ng kanilang pagsulat
kundi sa wikang kanilang ginamit sa pagpapahayag ng kanuilang isipan at damdamin.
Lima sa maraming manunulat sa Kastila noong Panahon ng Amerikano ang itinuturing
na haligi ng panitikang Filipino, Sila’y ang mga sumusunod:
Cecilio Apostol. Siya’y sumulat ng tulang handog sa mga bayani. Isa sa kanyang
mga isinulat ay ang tulang pumupuri kay Jose Rizal
24
Fernando Ma. Guerrero. Itinipon niya ang kanyang mga tula na pinamagatan
niyang Crisalidas na ang salin sa Filipino ay Mga Hingad.
Jesus Balmori. Itinuturing na pinakamahusay na makata ata mambabalagtas sa
Panahon ng Amerikano.
Manuel Bernabe. Isang makatang liriko, si Manuel Bernabe ay higit na
hinahangaan ng mga mambabasa dahil sa` melodiya ng kanyang mga tula.
Claro M. Recto. Kinilala ang kanyang tinipong mga tula sa aklat na Bajo los
Coconeros.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan sa Panitikang Filipino ang ilan sa kanilang mga
akda.
2. Itala nang maayos ang mahahalagang punto ng teksto.
Maraming manunulat… istilo ng pagsulat… wikang ginamit …
Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Jesus Balmori, Manuel
Bernabe at Claro M. Recto . . . Panitikang Filipino.
3. Isulat sa sariling pananalita ang bawat seksyon o talata ng teksto.
Sa Panahon ng Amerikano ay limang manunulat sa Kastila ang
nakilala. Sila’y sina Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Jesus
Balmori, Manuel Bernabe at Claro M. Recto.
4. Pagsamahin ang pangunahing idea at mga sinusuportahang detalye.
Gumamit ng pang-abay.
Limang manunulat sa Kastila noong Panahon ng Amerikano ang
nakilala: Ceclio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Jesus Balmori,
Manuel Bernabe, at Claro M. Recto.
25
Sa pagbubuod, nawawala ba ang kaisipang nais ipahatid ng sumulat sa babasa nito? Hindi, di
ba? Naroon pa rin ang ideya o kaisipang nakapaloob sa teksto.Siguro nasabi mo sa iyong sarili,
“Ay, ganoon lang pala ang pagbubuod ng isang teksto. Madali, di ba?
Gamitin
Basahin ang talata sa bawat bilang. Ibuod ito sa sagutang papel. Pagkatapos mo, ipakita mo
ang iyong ginawa sa iyong guro.
1. Ang Center for International Trade Exposition (CITEM) ay isang export promotion
agency ng Department of Trade and Industry (DTI). Layunin nitong ipakilala ang
Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan bilang maaasahang pinagmumulan ng ng mga
produktong may mataas na kalidad sa pamamagitan ng trade fair, mga espesyal na eksibit,
mga misyong pangkalakalan at iba pang gawaing panmpromosyon sa loob at labas ng
bansa.
Kabilang sa mga produktong pang-export na matutulungan ng CITEM
sa pamamagitan ng promosyon ay ang mga gamit sa konstruksyon, elektroniks,
pagkain, mga gamit sa bahay, atb.
Sa pamamagitan ng mga programa ng CITEM, patuloy na
nakikilala sa pandaigdigang pamilihan ang mga produktong sariling atin. Malaking
tulong para sa mga negosyanteng Pinoy at sa ekonomiya ng bansa.
2. Kayang-kaya ng mga kumpanya ng langis ang P2.00 diskwento sa diesel na
hinihingi ng mga driver kung gugustuhin ng mga negosyante at susuportahan ng
gobyerno.
Hindi masisisi ang grupo ng mga nag-aalsang driver kung mauulit
muli ang kaguluhang naganap kamakailan kung hindi ipatutupad ang pangako ng mga
negosyante.
Ito ang tamang paglalagom sa binasa mong teksto. Tingnan mo kung malapit dito ang ginawa
mo. Kung napakalayo, ipakita mo sa iyong guro at sasabihin niya sa iyo ang dapat.
1. Ang Center for International Trade Exposition (CITEM) ng Department of Trade and
Industry (DTI) ay gumagawa ng mga produktong pang-export gaya ng mga gamit sa
konstruksyon, elektroniks, mga gamit sa bahay, atb. kaya’t nakikilala ang Pilipinas sa
pandaigdigang pamilihan.
2. Kayang-kaya ng mga kumpanya ng langis ang P2.00 diskwento sa diesel na
hinihingi ng mga driver kung gugustuhin ng mga negosyante at susuportahan ng gobyerno
para hindi na maulit ang kaguluhan.
Tama ba ang paglalagom na sinulat mo? Kuung OO ang sagot mo, magaling!
26
Lagumin
Natatandaan mo pa ang mga kaalamang natutuhan mo sa araling ito? Lagumin natin. Sa
araling ito ay natutuhan mong ang pagbubuod ay isang gawaing pasulat na ginagawa upang
mapaikli ang isang binasang teksto nang hindi nawawala ang kaisipang nais nitong ipahatid sa mga
mambabasa. Sa pagbubuod ng alinmang teksto ay mahalagang mabasa mo muna ang buong teksto.
Kailangang maitala mo nang maayos ang mahahalagang punto ng teksto. Kailangan ding maisulat
mo ang mga kaisipang ito sa sarili mong pangungusap. Bukod dito, mahalagang mapagsama-sama
mo ang mga pangunahing idea at mga sumusuportang idea na gamit ang mga pangatnig.
Subukin
A. Lagumin ang teksto sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Pilipinas ay nahaharap sa napakaraming problema tulad ng kahirapan,
terorismo, destabilisasyon, katiwalian, droga at krisis sa ekonomiya. Ito’y patunay
lamang na hindi nagagampanan ng gobyerno ang gawain nito gayundin ang
pagkakaroon ng mahinang republika. Sinang-ayunan ito ni Esmino (2003) sa kanyang
pahayag na:
2. . . . Ang maraming bilang ng malalaking nakawan na nagaganap maghapon ay pagdagsa
ng mga kontrobersyal na kaso kidnapping at ang nakamamatay na pagsulong ng
karahasan sa lahat ng dako ng bansa ay tanda ng pagkakaroon ng magulong republika.
3. Maraming dahilan kung bakit nagaganap ang mga ganitong kaguluhan sa bansa.
Una, ang pagtanggal sa karapatan ng mga mamamayan. Pangalawa, ang kawalan ng moral
ascedency ng mga ofisyal ng pamahalaan at simbahan na nagiging dahilan ng pagkawala ng
kredibilidad ng mga institusyong kinabibilangan nila. Pangatlo, ang mahinang liderato ng
mga namumuno sa bansa. Pang-apat, ang krisis sa ekonomiya, kasama rito ang patuloy na
pagbagsak ng piso, at ang di-nababayarang utang ng pamahalaan sa ibang bansa na
umaaabot na sa P3.4 bilyon.
4. Totoong hindi madali ang pagkakaroon ng isang matatag na Republika ngunit
kung lahat ng mamamayan ay iisipin ang kapakanan ng ating bayan, ang Pilipinas ay muling
makakabangon sa kahirapan. Disiplina, pagmamahal sa bayan, determinasyon, sipag at
tiyaga. Ang mga ito ang magandang puhunan para sa isang matatag na Republika.
Malapit ba dito ang paglalagom mo sqa mga tekstong iyong binasa?:
1. Ang Pilipinas ay nahaharap sa napakaraming problema kaya’t patunay lamang na
hindi nagagampanan ng gobyerno ang gawain nito kayat mahina ang Republika.
27
2. Tanda ng pagkakaroon ng magulong Republika ang nakawan, kidnapping at
karahasan.
3. Nagaganap ang mga kaguluhan dahil sa pagtanggal ng karapatan, kawalan ng moral
ascedency, mahinang liderato, krisis sa ekonomiya at ang di-nababayarang utang ng
pamahalaan.
Paunlarin
Gawin mo ang sumusunod kung kailangan mo pa.
A. Basahin ang teksto. Isulat sa sagutang papel ang lagom o buod nito.
Wikang Filipino: Wika ng Paglaya at Pagkakaisa
Hayaan ninyong pasalamatan ko ang kaganapan ng aking pananalig na manatiling
malaya at payapa ang ating bayang kaytagal ding naghirap sa kamay ng mga mananakop na
dayuhan.
Sa panahon ng pananakop, ang wikang Filipino ay naging mabisang kasangkapan sa
pakikipaglaban, maging sa mga mayayamang bansa na nais sakupin maging ang ating
kabuhayang pinamuhunanan ng pawis, dugo at luha.
Wika ang tanging daan sa pag-alis ng diwang kolonyal. Kung ang wikang Filipino ay
gagamitin nang naaayon sa ating kagustuhan, paniniwala at mithiin magiging madali ang pag-
uugnayan natin sa isa’t isa tungo sa isang napapanahong pagbabalak at pagpapasya. Dahil sa
wika’y kikilos ang lahat para sa pambansang kalayaan at pagkakaisa.
Bilang pangwakas, masasabi kong ang wika ay matibay na pananggalang laban sa
mga mananakop na nais alisin ang kalayaan at pagkakaisang natatamo natin sa ating
bayan.
Ito ang buod ng tekstong nabasa mo:
Wikang Filipino sa Pambansang Paglaya at Pagkakaisa
Hayaang ninyong pasalamatan ko ang pananatiling malaya at
payapa ng ating bayan.
Sa panahon ng pananakop, ang wikang Filipino ay naging mabisang kasangkapan
sa pakikipaglaban.
Wikang Filipino ang tanging daan sa pag-alis ng diwang kolonyal. Sa paggamit
nito ay magiging madali ang pag-uugnayan ng mga tao.
Ang wika ay matibay na pananggalang laban sa mga mananakop na nais alisin
ang kalayaan at pagkakaisang natatamo natin.
28
B. Bumasa ka ng isang teksto mula sa dyaryo o magasin. Isulat sa sagutang
papel ang buod ng teksto. Ipabasa sa iyong guro ang iyong ginawa.
Sub-Aralin 4
Pagbabagong Morpopomemiko
O kaibigan, alam ko ngayon ay handa ka na para sa huling sub-aralin. Pag-igihan mo, ha?
Layunin
May mga salitang nababago ang pagkakabaybay na nagiging sanhi upang mabago rin ang
pagbigkas ng mga ito. Pagbabagong morpoponemiko ang tawag dito. Narinig mo na ba ang tungkol
dito?
Dahil ibig kong magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa paksang nabanggit, layunin ng araling
ito na:
1. nakikilala ang mga pagbabagong morpoponemiko na nagaganap sa isang
salita
2. nasusuri ang pagbabagong morpoponemikong nagaganap sa isang salita
Alamin
Basahin ang liham na ipinadala ni Mrs. Tapris sa kanyang anak na si Ramoj. Pansinin ang mga
salitang may salungguhit.
Camarines Sur National High School
Pili, Camarines Sur
Enero 3, 2005
Mahal kong Ramoj,
Kumusta ka, anak? Kumusta ang pag-aaral mo sa Maynila? Kung kami ng tatay mo ang
tatanungin mo ay mabuti naman sa awa ng Diyos.
Kumusta ang bahay? Pakisabi sa Kuya Joel mo na aptan ang bubong bago dumating ang
bagyo. Nakabili ba siya ng pamatay ng daga? Nabalitaan ko kasi na libu-libong daga raw ang
naninira ng mga pananim dyan sa Maynila. Pinadalhan ko siya ng pera na pambili ng
pampatay ng mga daga pati na rin pantukod sa mga bintana.
Balitaan mo naman ako ng mga nangyayari riyan
Nagmamahal,
Nanay
29
Pag-aralan mo ang mga salitang may salungguhit. Wala ka bang napansin sa pagkakasulat ng
mga ito?
Pag-usapan natin ang pinanggalingan ng mga salitang nabanggit.
Salitang-ugat
tanong
atip
patay
libo
tanim
diyan
dala
bili
patay
tukod
balita
diyan
Nabuong Salita
tatanungin
aptan
pamatay
libu-libo
pananim
dyan
pinadalhan
pambili
pampatay
panukod
balitaan
riyan
Anong pagbabago ang naganap sa mga salitang-ugat nang bumuo ng bagong salita? Aling
mga salita ang nilapian? May pagbabago rin bang naganap dito?
Linangin
Bago mo matutuhan ang aralin ay nais kong mapag-aralan mo muna ang ilang kaalaman ukol
sa morpolohiya. Ngayon mo lang ba narinig ang salitang ito?
Ang morpolohiya ay pag-aaral ng pagsasama-sama ng mga tunog upang makabuo ng salita.
Inilalarawan sa morpolohiya ang pagkakaroon ng makabuluhang kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng pinagsama-samang mga tunog.
Ang morpema ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.
Ito’y mauuri sa (1) panlapi gaya ng ma- , ka-, pang-, ipang-, atb. sa matubig, kapuso,
pangkulay, at ipanghiram; (2) salitang-ugat gaya ng araw, ulap, sining, atb.; at (3) ponema
gaya ng a sa konsehala, gobernadora, atb.
Dahil sa impluwensya ng kaligiran ng isang morpema ay nagbabagu-bago ang anyo nito.
Ito’y tinatawag na pagbabagong morpoponemiko. Ibig mong malaman ang mga uri nito?
Ituturo ko sa iyo ang limang uri ang pagbabagong morpoponemiko na karaniwang nangyayari
sa salita kapag ito’y nilapian. Ito’y ang mga sumusunod:
30
1. Asimilasyon. Nagaganap ang asimilasyon kapag ang tunog ng isang morpema ay
naaasimila ng isa pang morpema. May dalawang uri ang asimilasyon: ang asimilasyong di-ganap at
ang asimilasyong ganap.
a. asimilasyong di-ganap. Ito’y nakikita sa pagbabagong nagaganap sa isang
morpema sanhi ng posisyong pinal na kasunod na ang bigkas ay pailong. Halimbawa nito ay / n /
ng / pang- / ay nagiging / m / ayon sa kasunod na tunog. Halimbawa:
Panlapi Salitang Nilapian Asimilasyong Di-Ganap
pang- + palasa = pampalasa
pang- + baraha = pambaraha
Napansin mo ba na kapag ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa / p / at / b /
ang pang- ay nagiging pam- ?
Suriin mo naman kung ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa / d, l, r, s, t / gaya
ng mga sumusunod:
Panlapi Salitang Nilapian Asimilasyong Di-Ganap
pang- + duro = panduro
pang - + laba = panlaba
pang- + relo = panrelo
pang- + sayaw = pansayaw
pang- + takip = pantakip
Anong pagbabago ang naganap sa pang- + nang ikapit sa mga salitang nagtatapos sa / d, l,
r,l s, t / ? Magbigay ka ng iba pang salita.
b. asimilasyong ganap. Nagkakaroon ng asimilasyong ganap kapag ang unang ponemang
inuunlapian ay naaasimilang ganap ng huling tunog ng panlapi. Ito’y makikita sa panlaping pang-
na sinusundan ng / p / at / b /:
/ p / tulad ng / pitas /
/ b / tulad ng / bilang /
31
Panlapi Salitang Nilapian Asimilasyong Di-
Ganap
Asimilasyong
Ganap
pang- + pitas = pampitas = pamitas
pang- + bilang = pambilang = pamilang
Ang ilang mga salitang nagsisimula sa / s / at / t / ay nagkakaroon din ng asimilasyong
ganap kung ang inuunlapi ay / pan- / gaya ng mga sumusunod:
/ s / tulad ng / sabong /
/ t / gaya ng / tulak /
Panlapi Salitang Nilapian Asimilasyong Di-Ganap Asimilasyong
Ganap
pang- + sabong = pansabong = panabong
pang- + tulak = pantulak = panulak
2. Pagpapalit ng ponema. Sa pagbubuo ng salita ay may pagkakataong ang ponemang inisyal
ng salita na nilalapian ay nagbabago o napapalitan gaya ng mga sumusunod:
a. d → r
ma- + dami = marami
ma- + dungis = marungis
b. h → n
tawah + an = tawanan
c. o → u
gusto = gustung-gusto
bugso = bugsu-bugso
3. Metatesis. Ang pagpapalit ng posisyon ng letra sa loob ng isang binuong salita ay
tinatawag na metatesis. Ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa / l / o / y / na ginigitlapian
ng / -in- / ay nagkakaroon ng paglilipat ng posisyon ng / n / at ng / l / o / y /.
Halimbawa:
Salitang-ugat Panlapi Salitang Nilapian Nabuong Salita
lingap + -in- = liningap = nilingap
yakap + - in- = yinakap = niyakap
talab + -an- = talaban = tablan
tanim + -an- = taniman = tamnan
32
Napuna mo ba na nagkapalit ng posisyon ang / l / at / n /, / y / at / n /, /l / at / b /, at
/ n / at / m / ? Magbigay ka ng iba pang halimbawa.
4. Pagkakaltas ng ponema. Ito’y nagaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-
ugat na hinuhulapian ay nawawala. Pag-aralan mo ang mga halimbawang ito:
Salitang-ugat Panlapi Salitang Nilapian Nabuong Salita
dakip + -in dakipin = dakpin
bigay + -an bigayan = bigyan
halik + -an halikan = halkan
bukas + -an bukasan = buksan
takip + -an takipan = takpan
Naunawaan mo ba kung paano nakaltas ang ponema ng mga salitang nasa tsart?
Magbigay ka ng ilang halimbawa.
5. Paglilipat-diin. Ang paggamit ng panlapi ay nakapagpapabago ng diin ng salita.
Maaaring mailipat ang diin sa isa o dalawang pantig patungong huling pantig o isang pantig sa
unahan ng salita. Ang pantig na may salungguhit ang may diin. Halimbawa:
Panlapi Salitang-ugat Nabuong Salita
ka . . . an limot kalimutan
pag . . . an sabi pagsabihan
ma . . . an lawak pagtibayin
pag . . . in tibay paglamayan
Kapag binibigkas mo ang mga salitang limot, sabi, lawak, tibay, at lamay ay nasaan ang
diin? Sa unang salita, di ba? Ngunit kapag nilapian ang mga salitang ito ay nalilipat ang diin sa
ikalawang pantig ng salitang-ugat. Pansinin ang diin sa mga salitang sinalungguhitan sa mga
halimbawang ito:
gubat kagubatan
tukso tuksuhin
tagumpay pagtagumpayan
salamat pasalamatan
hinog pahinugin
Matapos mong mabasa ang mga salita ay bigkasin mo naman nang malakas ang mga ito.
Napansin mo ba ang pagbabagong naganap? Ikaw naman ang magbigay ng halimbawa. Magsabi ka
ng salitang ugat at bigkasin. Lagyan mo ng panlapi ang salitang binanggit mo at bigkasin. May
pagbabago bang naganap sa diin ng salita?
33
Lagumin
Natatandaan mo pa ang mga kaalamang natutuhan mo sa araling ito? Lagumin natin.
Sa araling ito ay natutuhan mo ang iba’t ibang uri ng pagbabagong morpoponemiko gaya ng
(1) asimilasyon na nagaganap kapag ang tunog ng isang morpema ay naaasimila ng isa pang
morpema. May dalawang uri ang asimilasyon, ang asimilasyong di-ganap na nagaganap sa isang
morpema sanhi ng posisyong pinal na kasunod ang bigkas na pailong; at ang asimilasyong ganap na
nagaganap kapag ang unang ponemang inuunlapian ay naaasimilang ganap ng huling tunog ng
panlapi; (2) pagpapalit ng ponema na nagaganap kapag ang ponemang inisyal ng salita na nilalapian
ay nagbabago o napapalitan; (3) metatesis na nagaganap kapag nagpapalit ng posisyon ang letra sa
loob ng binuong salita; (4) pagkakaltas ng ponema na nagaganap kung ang huling ponemang patinig
ng salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala; at (5) paglilipat-diin na nagaganap kapag ang
paggamit ng panlapi ay nakapagpapabago ng diin ng salita.
Subukin
A. Isulat sa dahong sagutan ang uri ng pagbabagong morpoponemiko na naganap sa salita sa
bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.
asimilasyong ganap metatesis
asimilasyong di-ganap pagkaltas ng ponema
pagpapalit ng ponema paglilipat-diin
1. siliran sidlan
2. libo libu-libo
3. takipan takpan
4. lumbay kalumbayan
5. pangbukas pambukas
Narito ang tamang sagot:
1. metatesis
2. pagpapalit ng ponema
3. pagkaltas ng ponema
4. paglilipat-diin
5. asimilasyong ganap
Tama ba lahat ang sagot mo? Kung OO, magaling!
34
Paunlarin
A. Isulat sa dahong sagutan ang pagbabagong morpoponemikong naganap sa salita sa bawat
bilang.
1. pangbigay pambigay
2. damahin damhin
3. gamot gamutin
4. kitilin kitlin
5. pangriles panriles
6. lunas lunasan
7. madami marami
8. atipan aptan
9. kuhanin kunin
10. pangdukot pandukot
Ang mga sumusunod ang tamang sagot:
1. asimilasyong di-ganap
2. pagkaltas ng ponema
3. pagpapalit ng ponema
4. pagkaltas ng ponema
5. asimilasyong di-ganap
6. paglilipat-diin
7. pagpapalit ng ponema
8. metatesis
9. pagkaltas ng ponema
10. asimilasyong di-ganap
35
Gaano ka na kahusay?
Alamin natin ngayon kung talagang natutuhan mo ang mga aralin. Sagutan mo ang
pangwakas na pagsusulit Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel.
A.Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pariralang bubuo sa
pangungusap pagkatapos ng bawat talata.
1. Maagang nagising si Ryan. Ibig niyang sorpresahin ang kanyang ina. Matapos mailigpit
ang mga gamit sa pagtulog ay inunahan na niya ang kanyang ina sa pagluluto ng almusal.
Diniligan niya ang mga halaman, pinakain ang alagang aso at nilinis ang buong sala.
Kailangang mapasaya ang kanyang ina sa kanyang mga ginawa. Kailangan ding makaalis siya
nang maaga dahil may outing silang magkakabarkada. Wala siyang pera.
Ang pakay o motibo ni Ryan ay ______________________________.
A. humingi ng pera sa kanyang ina.
B. ipagluto ng pagkain ang mga kabarkada.
C. hiramin ang kotse ng kanyang ama.
D. isama ang kanyang ina.
2.Pagkababang-pagkababa ng pasahero sa taksi ay agad na sinabi ni Ace sa driver ang lugar
na kanyang pupuntahan. Pagkaupo ni Ace ay napansin niya ang isang maliit na bag sa
bandang ibaba ng sasakyan. Isang pakete ang laman ng bag. Sa ibabaw nito ay may
nakasulat na pangalan at address. Malapit sa pupuntahan niya ang addres na kanyang nabasa.
Naisip ni Ace na __________________________________________.
A. ibigay sa driver ang pakete.
B. bumaba at habulin ang lalaking sakay ng taksi.
C. ipahinto ang taksi sa malapit na police station.
D.ihatid ang pakete sa taong nagmamay-ari ng pakete
3.Working student si Lance. Nasa iskul siya mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng
hapon. Mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi ay nagtatrabaho siya bilang crew ng
isang sikat na fast food center. Madalas na nahuhuli ng kanyang profesor si Lance na
natutulog sa klase kayat madalas din siyang pagsabihan nito.
Ang pakay o motibo ng profesor ay upang ______________________.
A. hiyain si Lance.
B. gawing modelo si Lance.
C. mag-drop si Lance.
D. ipaunawa kay Lance na mahirap pagsabayin ang pag-aaral sa pagtatrabaho.
36
4.Ibig mag-aral ni Prince Kelly sa kolehiyo ngunit noon pang isang buwan ay sinabihan na
siya ng kanyang ama na wala siyang ipantutustos sa pag-aaral nito. Ayaw matulad ni Prince
Kelly sa kanyang mga kapatid na hindi nakatapos ng pag-aaral. Sa isang pahayagan ay
nabasa ni Prince Kelly ang tungkol sa Programang Study Now Pay Later Plan. Naunawaan
niya ang mahahalagang inpormasyon na nakasaad dito kaya kakausapin niya ang kanyang
ama.
Ang pakay o motibo ni Prince Kelly sa pakikipag-usap sa ama ay upang hikayatin itong
____________________.
A.mangutang ng pera.
B..tumira sa boarding house.
C.lumuwas ng Maynila.
D.basahin ang nilalaman ng programa.
5.Dalawang taon pa lamang si John-John nang magtrabaho sa Saudi Arabia ang kanyang ama
bilang isang OFW. Ngayong siya’y labimpitong taong gulang na ay nakatanggap ng balita
ang kanyang ina na babalik na sa Pilipinas ang kanyanag ama. Sa halip na matuwa ay
parang walang anumang narinig si John-John. Hindi siya nakapagsalita.
Ang pakay o motibo ni John-John ay upang ipakita sa kanyang ina na
_____________________.
A.maysakit siya.
B.may pangarap din siyang makapagtrabaho sa ibang bansa.
C.sasamahan niya ang ama sa pamamasyal.
D.Hindi siya nasasabik makita ang ama.
B.Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang
palagay.
1.Gutom na gutom na si Francel. Sitenta pesos na lamang ang laman ng kanyang bulsa. Ibig
niyang makabili ng pagkaing bukod sa mura na ay mabubusog pa siya. Sa unang tindahan na
kanyang pinuntahan ay singkwenta pesos ang halaga ng isang kanin, dalawang ulam. Sa
isang tindahan naman ay sisenta pesos ang dalawang kanin, isang ulam at softdrinks. Pinili ni
Francel ang huling tindahan. Laking tuwa ni Francel. Hindi siya nagsisi sa napiling pagkain.
A.Hindi na ako mauulit pang kumain dito.
B.Lutong-bahay. Siguro kababayan ni Inay ang nagluto nito.
C.Parang kulang sa asim ang sinigang.
D.Parang minadali ang pagkakasaing.
2.Walang pasok si Algerou. Araw ng Ramadan. Sumama siya kay Michael na mamasyal sa
Quiapo para bumili ng pirated CD. Tamang-tama. Nagpapabili rin ang kanyang kapatid ng
bagong CD ni Regine Velasquez. Nagtaka siya sa murang halaga ng mga CD. Ngunit
kabilin-bilin ng kanyang kapatid na huwag na huwag bibili ng pirated CD. Kinagabihan, nag-
37
text si Michael kay Algerou. Nasira ang kanyang component sa bahay. Ano ang sasabihin ni
Algerou?
A.Mabuti nga sa iyo. Mahilig kang bumili ng pirated CD, eh.
B.Baka talagang sira ang component ninyo.
C.Isoli mo. Gusto mo, samahan kita?
D.Sa susunod, sa iba na lang tayo bumili.
3.Nahuli sa akto ni Mr. Francisco na ninanakaw ng isang bata ang cellphone ng babaing
katabi niya sa bus. Dahil may alam siya sa self-defense, inaresto niya ang bata. Iniwasan
niyang daanin sa dahas ang pag-aresto. Ipinaalam niya sa bata ang kadahilan ng kanyang
pag-aresto. Ano ang sasabihin ng bata?
A.Bakit mo ako hinuli. Pulis ka ba?
B.Wala akong kinukuha. Sa akin ang cellphone na ito.
C.Bakit, me karapatan ka bang mang-aresto?
D.Mabuti’t hindi ninyo ako sinaktan. Patawarin n’yo na ‘ko.
4.Lalabas na si Genaldo sa rehabilitation center. Tatlong taon din siyang namalagi rito. Ayaw
na niyang umuwi sa kanilang bahay. Nangangamba siya na baka hindi na maging maganda
ang pakikitungo sa kanya ng mga kasama niya sa bahay. Ang akala niya’y siya lamang mag-
isa ang uuwi. Laking gulat niya ng malaman niyang sinusundo na siya ng kanyang magulang
at mga kapatid. Ano ang sasabihin ni Genaldo?
A.Sinorpresa ninyo ako. Salamat po. Hindi ko malilimutan ang araw na ito.
B.Bakit ngayon lang kayo dumating?
C.Susunduin ninyo ako pagkatapos ibabalik n’yo uli ako rito?
D.Dito na lang ako. Ayoko nang umuwi.
5.Pinalad na maging beneficiary ang familya Mangao sa mga proyekto ng Rural
Improvement Center (RIC) ng Kagawaran ng Pagsasaka pagkatapos silang dumalo sa
seminar ng wastong pagbababuyan. Malaking tulong ang ipinagkaloob ng RIC. Ano ang
masasabi ng familya Mangao sa benepisyong kanilang natanggap?
A.Magbababoy na tayo noon, magbababoy pa rin tayo ngayon.
B.Wala nang asenso ang buhay natin.
C.Kung iyong iba natutulungan ng gobyerno, tayo pa kaya?
D.Lalo natin pagsumikapang lumago ang ating negosyo.
C. Basahin ang talata sa bawat bilang. Isulat ang lagom nito sa sagutang papel.
1. Mahirap magutom ang tao. Kadalasan, kapag gutom ang isang tao ay natututo siyang
kumain ng mga pagkaing hindi pa niya nakakain para lamang magkaroon ng laman ang
kanyang sikmura.
Sa Ongpin, China Town sa Binondo ay mabibili ang iba’t ibang hayop na maaaring lutuin
para iulam sa hapag-kainan. Nariyan ang ahas, cobra, pawikan, at iba pa. Kaya hindi
38
kataka-taka kung may mabili tayong kare-kareng kriket, tortang anay, sinangag na
langgam, kilawing uwang, ginataang salagubang, adobong balang, atb.
Huwag naman sanang dumating ang panahon na dahil sa kagutuman ay kainin ng tao
maging ang mga damo, halaman at bulaklak.
2. Si Henaral Francisco Soliman Makabulos ang itinuturing na pangunahing
bayani ng Tarlac. Noong panahon ng Kastila ay siya lamang ang tanging
nakapagpalaya sa lalawigan sa kamay ng mga mananakop.
Isinilang si Makabulos sa La Paz, Tarlac. Bagamat elementarya lamang ang natapos ay
kinilala ang kanyang katalinuhan at katapangan sa pamamagitan ng pagtatatag ng sangay
ng Katipunan sa Tarlac. Bilang manunulat ay nakapaglathala si Makabulos ng mga tula sa
El Heraldo de la Revolucion, ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong Pilipino.
Isinama siya ni Heneral Emilio Aguinaldo nang lagdaan ang Kasunduan sa Biak na Bato.
Namatay si Makabulos noong Abril 30, 1922 sa Tarlac, Tarlac. Pagkaraan ng ilang
taon, ang kanyang mga labi ay inilipat sa kanyang monumento na nasa harap ng kapitolyo
ng Tarlac.
D. Pag-aralan ang pagbabagong morpoponemikong naganap sa salita sa bawat bilang. Piliin
sa kahon ang sagot. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. Ang diin ng salita ay nasa
pantig na may salungguhit.
1. madamot maramot
2. pangbahay pambahay
3. buo buung-buo
4. buhay kabuhayan
5. taniman tamnan
asimilasyong di-ganap metatesis
pagpapalit ng ponema pagkaltas ng ponema
paglilipat-diin
Kung tapos ka na, kunin mo sa guro ang SUSI SA PAGWAWASTO.
39
Modyul 13
Pagpapahayag ng Pakay/Motibo at Palagay
Pagbuod ng mga Impormasyon, Pagbabagong Morpoponemiko
A.
1. A
2. D
3. D
4. D
5. D
B.
1. B
2. C
3. D
4. A
5. D
C.
1. Mahirap magutom ang tao. Kumakain siya para magkaroon ng laman ang
kanyang sikmura.
Sa Ongpin, Chinatown sa Binondo mabibili ang iba’t ibang hayop na maaaring
lutuin para iulam.
2. Si Heneral Francisco Soliman Makabulos ang itinuturing na bayani ng
Tarlac, Tarlac.
Isinilang si Makabulos sa La Paz, Tarlac. Nakapaglathala siya ng mga tula.
Isinama siya ni Heneral Emilio Aguinaldo nang lagdaan ang Kasunduan sa
Biak na Bato.
Namatay si Makabulos sa Tarlac, Tarlac.
D.
1. pagpapalit ng ponema
2. asimilasyong di-ganap
3. pagpapalit ng ponema
4. paglilipat-diin
5. metatesis
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 14
Pagtukoy ng Pangunahing Kaisipan at
Pagbuo ng Hinuha
2
Modyul 14
Pagtukoy ng Pangunahing Kaisipan
at Pagbuo ng Hinuha
Tungkol saan ang modyul na ito?
Kumusta kaibigan? Matanong nga kita. Anu-anong lugar sa Pilipinas ang napuntahan mo?
Maaaring di mo pa napuntahan ang ilan sa maraming lugar sa Pilipinas na kabilang sa pandaigdigang
pamanang kultural ng lahing Pilipipino pero nakita mo na sa mga larawan o sa panoorin. Malalaman
mo sa modyul na ito kung anu- ano ang mga lugar na iyon. Mahalagang malaman ng isang mag-aaral
na tulad mo kung kung bakit hinahangaan ng buong mundo ang mga lugar na iyon. Maipagmamalaki
mo rin kung alam mo, di ba?
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng modyul na ito magagawa mong maglakbay sa mga lugar na
itinuturing na pamana ng mga Pilipino sa kasaysayang pandaigdig. Kasabay ng pag-aaral mo tungkol
dito ang paglinang ng mga kasanayang pangwika, tulad ng pagkilala ng mga salitang
magkasingkahulugan at magkasalungat, pagkilala at pagpapatibay ng isang ideya at pagbubuo ng
hinuha mula sa isang impormasyon. Ginamit din sa modyul na ito ang mga tekstong informativ kaya
malalaman mo rin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang imformativ na teksto.
Madali lang ang mga aralin dito kung maglalaan ka ng oras at konsentrasyon sa pag-aaral.
O, handa ka na ba sa iyong gagawing lakbay-aral? Hangad ko ang iyong tagumpay.
Ano ang matututunan mo?
Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:
1. nakikilala ang mga salitang magkasing kahulugan at magkasalungat
2. natutukoy ang paksa at pangunahing kaisipan na nakapaloob sa teksto
3. naipaliliwanag ang mga katangian ng isang informativ na teksto
4. nakabubuo ng hinuha mula sa binasang teksto
3
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Bago mo simulan ang paggamit ng modyul na ito, basahin mo muna ang mga tuntunin kung
paano gagamitin ito.
1. Basahin at unawain ang mga nakasulat sa modyul.
2. Kung mayroong nais liwanagin o linawin tungkol sa mga gawain, magtanong sa guro o sa
taong may sapat na kaalaman.
3. Ang lahat ng iyong sagot ay isusulat mo sa isang malinis na papel, hindi maaaring sulatan ng
kahit ano ang modyul. Panatilihing malinis ang modyul.
4. Magtala ng mahahalagang impormasyon at kaisipan. Makatutulong ito sa iyong paglalakbay-
aral.
5. Pagkatapos mong isagawa ang mga pagsusulit ( una at huling pagsusulit) maaari mo ng
makuha sa guro ang mga tamang sagot.
Ano na ba ang alam mo?
Bago ka tumungo sa mga gawain kailangang maipakita mo muna kung ano na ang mga taglay
mong kaalaman. Sagutan mo ang paunang pagsusulit. Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang
papel.
A. Panuto: Hanapin sa mga pagpipilian ang kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Ang bawat andana ng lupa ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro.
A. baitang B. haba
C. sukat D. lapad
2. Dalawang pintuan mayroon ang bahay. Ang una ay puwerta, dito pinapasok ang karwahe.
A. pangunahing pintuan B. maliit na pintuan
C. makitid na pintuan D. malapad na pintuan
3. Sa caida pinatutuloy ang mga importanteng bisita.
A. sala B. antesala
C. asoteya D. komedor
4. Maraming katawagang ibinigay ang mga dayuhan sa kamangha-manghang Payaw sa Mt.
Province.
A. hagdan-hagdang palayan B.patyo
C. pook D. tanawin
5. Ang subterenyan ay makikita sa lalawigan ng Palawan.
A. malawak na lupain B. ilog sa ilalim ng lupa
C. makapal na gubat D. malaking bato
4
B. Panuto: Hanapin sa hanay B ang kasalungat ng mga salitang nasa hanay A. Titik
lamang ang isulat sa sagutang papel.
A B
1. hari A. indibidwalistik
2. kooperativ B. alipin
3. kolektiv C. kompetetiv
4. modernisasyon D. datu
5. tradisyunal E. makabago
F. katutubo
C. Pagtukoy ng pangunahing kaisipan
Panuto: Tukuyin kung ano ang pangunahing kaisipan na nakapaloob sa bawat
talata.
1. Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, ang mga katutubong Ifugaw ay gumugol ng mahigit
na 2,000 taon upang matapos ang hagdan-hagdang palayan. Ito ay itinayo sa pamamagitan
ng sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at katutubong
teknolohiya. Ipinagpapalagay na ito ay mahigit 6,000 taong gulang na.
2. Matatagpuan ang Vigan sa bukana ng ilog ng Abra, hilagang kanluran ng baybaying
Luzon. Malapit ito sa bansang Tsina. Dahil sa magandang lokasyon nito naging mahalaga
ang papel ng Vigan sa kalakalan noong panahon ng katutubo hanggang ikalabing siyam
na siglo.
3. Ang Tubbataha Reef ay matatagpuan sa Rehiyon IV, lalawigan ng Palawan sa gitna ng
dagat ng Sulu (sa Valencia). Ang lawak nito ay 33,200 ektarya na kakikitaan ng maraming
uri ng acquatic life, tulad ng 300 uri ng koral, pinakamalaking uri ng coral reef, iba’t
ibang uri ng isda, malalaking uri ng pawikan, lionfish at pating na mas malaki sa
karaniwang laki na makikita sa ibang diving site. Sa lalim na dalawampu’t limang
talampakan kitang - kita ang makukulay at magagandang isda. Labing limang metro mula
sa lugar ng pagtatalunan ( diving) makikita ang sandy slope, ang paboritong lugar na
tinutulugan ng mga pating at lobster. Sa hilagang bahagi makikita ang malalaking coral
garden , coral tower na hindi karaniwan ang laki. Ang lugar na ito ang kakikitaan ng
pinakamaraming uri ng isda sa buong Pilipinas.
D. Paghihinuha:
Panuto: Batay sa mga informasyon na nakalahad sa bawat bilang bumuo ng hinuha kung
tungkol saan ang sanaysay.
1. Hudhud matriyarkal
Ifugao tag-ani, kasalan,lamayan
UNESCO pinakamahusay na obrang pasalita
Pamana sa sangkatauhang mahirap maunawaan.
5
2.
Pangalan Lokasyon Taong Itinatag
San Agustin Intramuros,Manila 1571
La Asuncion Ilocos Sur,Sta. Maria 1765
San Agustin Ilocos Norte, Paoay 1593
Santo Tomas Iloilo, Miag-ao 1731
Tapos ka na ba? Kung gayon, kunin mo na sa guro ang Susi sa Pagwawasto.
Maging matapat ka sana sa pagwawasto, ha?
Ngayon ano ang nakuha mo? Huwag kang mabahala kung marami kang kamalian.
Tutulungan ka ng modyul na ito. Sige, magsimula ka na.
Mga Gawain sa Pagkatuto
Sub Aralin 1
Pagtukoy ng Paksa at Pangunahing Kaisipan
Mga Layunin:
Pagkatapos ng sub- araling ito inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. naipaliliwanag ang mga katangian ng isang informativ na teksto
2. natutukoy ang paksa at pangunahing kaisipan na nakapaloob sa teksto
3. nakapagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salita.
Alamin:
Nakita mo na ba ang hagdan-
hagdang palayan? Siguro ay sa
larawan lang, ano? O, maaaring sa
telebisyon mo ito nakita. Kaya mo
bang ilarawan ito? Alam mo ba kung
gaano katagal at paano ito naitayo?
Alam mo ginamit ng mga Ifugao ang
kanilang kamay sa pagtatayo nito. At
mahigit 2,000 taon nilang trinabaho
ito. Ang tindi, ano? Anu-ano ang iba’t
ibang katawagan dito? Nakilala natin
6
ito sa pangalang hagdan-hagdang palayan. Pero may tawag dito ang mga katutubo. Gusto kong
hanapin mo sa sanaysay kung ano ito. Kinilala rin ito ng UNESCO bilang isa sa pandaigdigang
pamanang kultural. Alam mo ba kung bakit? Malalaman mo rin sa pagbabasa mo.
Linangin
Ngayon basahin mo na ang sanaysay. Tandaan mo ang mga impormasyong iyong hahanapin.
Hagdan-hagdang Palayan
Aurora F. Mambiar
1. Matatarik at matataas na bundok ang makikitang tanawin sa hilagang Luzon,
Rehiyon I. Ngunit sa kabila ng mga katangiang ito nalikha ng mga Ifugaw ang
hinahangaan ng buong mundo sa ngayon. Ito ay ang hagdan-hagdang palayan.
2. Nang makita ito ng mga Amerikano tinawag nila itong rice terraces at isinalin sa
wikang Tagalog na hagdan-hagdang palayan.
3. Taong 1995, kinilala at isinama sa talaan ng UNESCO ( United Nations
Educational, Scientific and Cultural Organization ) ang hagdan-hagdang palayan
bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural ng lahing Pilipino ( world’s cultural
heritage) dahil sa ganda nito at ganap na pakikibagay ng tao sa kalikasan .
4. Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, ang mga katutubong Ifugao ay gumugol ng
mahigit 2,000 taon upang matapos ang hagdan-hagdang palayan. Ito ay itinayo sa
pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga
kamay at katutubong teknolohiya. Ipinagpapalagay na ito ay mahigit na 6,000 taong
gulang na.
5. Ang hagdan-hagdang palayan ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Luzon sa
Pilipinas. Ang layo nito sa Maynila ay 250 kilometro pahilaga (sa Gardner). Ito ay
may habang 18,500 milya, katumbas ng kalahating sirkomferens ng mundo.Ang bawat
andana ng lupa ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro.Tinuturing na mas
mataas ito sa pinakamataas na gusali sa buong mundo.
6. Makikita ang kamangha-manghang kaalaman at kasanayan ng mga katutubo sa
pagsasaka, arkitektura at enjiniring . Ang bawat baitang ay nakaayos sa isang istratejik
na anggulo upang ang mga tanim na palay ay ganap na masikatan ng araw
7
(Enriquez) . Bagama’t libu-libong taon nang naitayo ito, ang mga patubig ay sapat at
nananatiling mataba pa rin ang lupa sa kabila ng mga pag-ulan at natural na
kalamidad.
7. Maraming katawagan ang ibinigay ng mga dayuhan sa kamangha-manghang
likhang - pinoy na ito. Ang iba ay tinawag itong hagdanan patungo sa langit, ang iba
naman ay tinawag itong hagdan patungo sa paraiso, sapagkat ang mga katutubo raw
noon ay hindi naglakbay upang maghanap ng pagkain. Sa halip ginamit nila ang
kalikasan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan. Nanatili ang mga
katutubo sa lugar na ito at hindi na bumaba sa kapatagan. Nagsilbing paraiso sa kanila
ang likhang kamay na ito. Ang iba naman ay tinawag itong Pacific Grand Canyon at
may mga dayuhan ding nagsasabi na matatagpuan sa Pilipinas ang nalalabing
hanging garden of Babylon (members.tripod.com) . Ngunit tinawag itong Pay-yo ng
mga Ifugao na lumikha nito.
8. Ang Pay-yo ang magpapatunay at mangungusap sa lahat kung gaano kayaman
ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas.
Ngayon masasagot mo na ba ang mga katanungang ibinigay sa iyo? Una, ano ang tawag ng
mga katutubo sa hagdan-hagdang palayan? Tama, ang tawag nila dito ay Pay-yo.
Alam mo na rin ba kung bakit ito isinama UNESCO sa kanilang talaan bilang isa sa
pandaigdigang pamanang kultural? Tama ka, isinama nila ito dahil sa ganda at ganap na pakikibagay
ng tao sa kalikasan.
Ano pang pangalan ang ibinigay ng mga dayuhan sa hagdan-hagdang palayan? Tinawag itong
rice terraces ng mga Amerikano at ang iba naman ay tinawag itong Pacific Grand Canyon at
Hanging Garden of Babylon, di ba? Iisang lugar lang ba ang tinutukoy nila ? Oo, iisang lugar lang
ang tinutukoy ng mga pangalang ito.
Narito pa ang ilang tanong tungkol sa iyong binasa. Sagutin ang mga sumusunod.
1. Kailan idineklara ng UNESCO na isa sa pandaigdigang pamanang kultural ng mga
Pilipino ang hagdan-hagdang palayan?
2. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ito?
3. Anu-ano ang iba’t ibang katawagan sa hagdan-hagdang palayan?
4. Sino ang lumikha ng hagdan-hagdang palayan?
5. Bakit ito isinama ng UNESCO sa kanilang talaan bilang isa sa pandaigdigang
pamanang kultural?
Kung ang sagot mo ay ang mga sumusunod, tama ka. Kung hindi, balikan mo ang teksto.
8
1. taong 1995
2. Rehiyon I, lalawigan ng Banaue
3. Pay-yo at hagdanan patungo sa ulap
4. Ifugao
5. Dahil sa ganda nito at ganap na pakikibagay ng tao sa kalikasan.
Suriin mo ang mga tanong sagot. Ano ang hinihinging kasagutan sa bawat
bilang ?
Tama ka. Ang hinihinging sagot sa bilang isa ay petsa , sa ikalawa ay lugar, sa ikatlo ay
pangalan ng tao at sa ikalima ay paliwanag .
Karamihan sa mga tekstong informative ang mga informasyong iyan. Mahalagang masagot
ang mga tanong na iyan sa isang informativ na teksto. Ang tanong na paano ay mahalaga rin.
Paano binuo ng mga Ifugao ang hagdan-hagdang palayan? Binuo nila ito sa pamamagitan ng
sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at katutubong teknolohiya.
Ang bawat baitang ay nakaayos sa isang istratejik na anggulo upang ang mga tanim na palay ay
ganap na masikatan ng araw.
Masasabi mo ba kung saang talata makikita ang nasabing sagot? Nasa ikaapat at ikaanim na
talata, di ba?.
Suriin mo uli ang talata. Napansin mo ba na makikita rin sa talata ang mga tiyak na
deskripsyon , gaya ng gaano katagal ginawa ang hagdan-hagdang palayan at gaano na ito katanda?
Mahigit na 2,000 taong ginawa at mahigit na 6,000 taong gulang na ito. Ang tanda-tanda na, ano?
Ano ang distansya nito mula sa Maynila? Tama, ang layo nito mula sa Maynila ay 250 kilometro
pahilaga .
Gayun din, binanggit ang pagkakaayos ng bawat baitang at ang taas ng bawat baitang. Saang
talata naman ito makikita? Nasa ikalima at ikaanim, di ba?
Ngayon suriin natin ang kaibahan ng informativ na teksto sa iba pang akda tulad
ng maikling kwento? Ang imformativ na teksto ay iba sa ibang uri ng akda , sapagkat ang mga
detalye na nakalahad dito ay bunga ng isang masusing pag-aaral at hindi likhang isip. Katotohanan
ang ipinapahayag ng tekstong informativ. Halimbawa ng mga pahayag na imformativ ay ang mga
sumusunod:
• Mahigit na 2000 taon ang ginugol ng mga katutubong Ifugao upang maitayo ang tanawing
ito.
• Ang layo nito sa Maynila ay 250 kilometro pahilaga.
• Ito ay 18,500 milya katumbas ng kalahating sirkomferens ng mundo.
• Ang bawat andana ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro.
• Nakaayos sa istratejik na anggulo ang bawat baitang.
9
Pagtukoy sa paksa at pangunahing kaisipan
Matapos mong malaman ang tungkol sa informativ na teksto, pag-usapan natin ang pagtukoy
sa paksa ng teksto.
Balikan mong muli ang teksto. Isang katangian ng isang mahusay na mambabasa ay ang
pagtukoy sa paksa ng teksto.
Madaling malaman ang paksa kung itatanong mo sa iyong sarili ang ganito, “ Tungkol saan
ang sanaysay? Ano ang pinag-uusapan?”Ito ang pinag-uusapan sa teksto.
O kaya mo bang ibigay ang sagot sa tanong na, “Tungkol saan ang sanaysay?”
Tama. Tungkol ito sa hagdan-hagdang palayan. Iyan ang paksa.
Ang ikalawang katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na mambabasa ay ang pagtukoy
sa pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa
ng isang talata. Ano ang sinasabi tungkol sa paksa?
Halimbawa, masasabi mo ba kung ano ang pangunahing ideya sa ikaapat na talata(4) at
ikaanim (6) na talata?
Sa ikaapat na talata, ang pangunahing ideya ay matagal nang naitayo ang hagdan-hagdang
palayan.
Sa ikaanim na talata naman, ang pangunahing ideya ay ang pagkakaayos ng lugar na
kakikitaan ng kaalaman sa pagsasaka, arketektura at engineering ng mga Ifugao.
Basahin mo ang dalawang talata na nasa ibaba at tukuyin kung ano ang pangunahing ideya.
1. Ano nga ba ang sinabi ng mga pyramid ng Ehipto, magagarang templo at monumento, tulad
ng Taj Mahal ng India, Angkor Wat ng Cambodia, Ananda Temple ng Burma ( Myanmar) at
Borobudur ng Indonesia kung ihahambing sa ating Pay-yo? Isang buhay na simbulo na ang mga
Pilipino ay mapagmahal sa kalayaan.. Naitayo ito sa pamamagitan ng kolektibo at kooperatibong
paggawa at hindi tulad ng ibang pandaigdigang pamanang kultural na naitayo dahil sa may
naghahari at may inaalipin sa lipunan.
Hindi ito itinayo dahil lamang sa kaligayahan at kapakinabangan ng isa o iilang tao, kundi ito
ay itinayo dahil sa kabutihan at kapakinabangan ng mamamayan. Upang makatugon sa
pangunahing pangangailangan ng buong bayan.
2. Ang proseso ng pagma-mummified ay nagsisimula sa pagpapainom ng napakaalat na inumin
sa isang taong malapit nang mamatay. Kung patay na ito, hinuhugasan ang kanyang katawan at
pinauupo sa silya na yari sa bato na napaliligiran ng mga baga upang lumabas ang lahat ng tubig
sa katawan. Kinakailangan ding bugahan ng usok ng tabako ang bibig nito upang matuyo ang
internal organ ng bangkay. Madalas umaabot ng kung ilang lingo o buwan bago ito maging
10
mummy. Bago ito dalhin sa kweba pinupunasan ang tuyong katawan nito ng mga halamang
gamot.
Ganito ba ang sagot mo?
1.Ang motibo ng mg Ifugao sa pagtatayo ng Pay-yo.
2. Proseso ng pagma-mummified sa Pilipinas.
Gamitin
Ngayon tingnan natin kung kaya mong gamitin ang iyong mga natutunan.
Panuto: Basahin ang tekstong informativ. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa iyong
binasa. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.
1. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang Vigan?
2. Anu-ano ang makikita sa ayos ng plasa ng bayang Vigan?
3. Ilarawan ang mga bahay dito.
4. Kailan kinilala at isinama sa talaan ng UNESCO ang Vigan bilang isa sa
pandaigdigang pamanang kultural?
5. Ilang taong pinag-aralan ng UNESCO ang Vigan bago isinama sa kanilang talaan?
6. Bakit isinama sa talaan ng pandaigdigang pamanang kultural ang Vigan?
Vigan
Noong ipinahayag ng UNESCO na ang Vigan ay isa sa pandaigdigang
pamanang kultural dumagsa ang mga turista dito upang makita ang Vigan. Saan
makikita ang Vigan? Bakit ito kinilala ng UNESCO?
Matatagpuan ang Vigan sa bukana ng ilog ng Abra, hilagang kanluran ng
baybaying Luzon. Malapit ito sa bansang Tsina. Dahil sa magandang lokasyon nito
(www.vigancity.gov.ph) , naging mahalaga ang papel ng Vigan sa kalakalan noong
panahon ng katutubo hanggang ikalabing siyam na siglo.
11
Makikita sa pagkakaayos ng bayan ng Vigan ang malaking impluwensya ng
mga kastila. Ang gitna nito ay ang Plaza Salcedo at nakaangkla sa plasa ang katedral at
arzobispado ( bahay ng arsobispo), sa tapat nito o sa kabilang dulo ng plaza ay ang
munisipyo at ang gusali ng gobernador ( inq7.net) . Magkakalapit o magkakatabi ang
simbahan, munisipyo at plasa, palatandaan na nasakop ito ng mga Kastila.
Kitang-kita rin ang pagtatangi-tanging panlipunan ( social stratification) noong
panahon ng kastila. Ang bahay ng mga ilustrado at mestiso ay nakatayo malapit sa
simbahan, munisipyo at plasa. Malayo sa mga nasabing lugar ang bahay ng mga indyo.
Makikita sa lalakarang kalye ang mga brick na mahigit isang siglong taong gulang na.
Taglay ng bayan ng Vigan ang pinag-isang disenyo at konstruksyon ng mga
gusali sa Asya at Europa (www.vigan.gov.ph) . Isang modelo ito ng pagpapanatili ng
pagkakakilanlan at kasaysayan ng bansa, at ito ay kapansin-pansin sa mga bahay na
matatagpuan sa Vigan.
Paano nga ba nabuo ang mga bahay dito? Noong panahon ng mga katutubo ang
mga bahay ay yari sa kahoy, kawayan, kogon at nipa, ngunit madali itong nasisira
kapag may bagyo. Ikalabing-pitong siglo nang ituro ng mga kastila ang paggawa ng
bahay na yari sa bato, briks at lime mortar (www.vigancity.gov.ph) . Ang ganitong uri
ng mga kagamitan ay hindi madaling masunog ngunit madaling mawasak ng lindol.
Dahil dito, ang mga katutubo ay nakabuo ng bagong disenyo na hindi madaling
masunog at hindi madaling masira ng lindol. Pinagsanib nila ang konsepto ng bahay-
kubo at estilo ng bahay sa Europa, kung kaya hindi madaling masira ang mga ito ng
kalamidad.
Maraming bahagi sa mga bahay dito ang kakikitaan ng pinagsanib na istruktura
at konseptong katutubo at kanluranin. Halimbawa, ang mga bahay sa Vigan ay binubuo
ng dalawang palapag. Ang unang palapag ng bahay ay pinaglalagyan ng karwahe at
bodega.Mayroong dalawang pintuan. Ang una ay tinatawag na puwerta o pangunahing
pintuan. Ito ay malapad kaya kayang ipasok ang karwahe o karosa. Puwertita o maliit
na pituan naman ang tawag sa ikalawang pintuan. Dito pinapapasok ang mga bisita.
Hinihila ang lubid sa ikalawang palapag upang mabuksan ang puwertita. Ang hagdanan
ay may dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay binubuo ng tatlo hanggang apat na
baitang. Dito pinatutuloy ang mga ordinaryong bisita. Ang ikalawang bahagi ay
mahabang hagdanan patungo sa ikalawang palapag. Sa caida o antesala pinatutuloy
ang mga importanteng bisita. Sa sala naman ginaganap ang mga importanteng okasyon
at dito rin nagtitipun-tipon ang pamilya. Itinuturing na pinakaimportanteng bahagi ng
bahay ang sala. Tulad ng bahay-kubo ang kwarto ay matatagpuan sa dulo ng sala o dili
kaya ay nakahiwalay sa komedor, papunta sa kusina. Ang asotea ay makikita sa likod
ng ikalawang palapag. Ito ay ekstensyon ng bahay. Dito nagpupunta ang mga nakatira
sa bahay pagkatapos ng hapunan upang magpahangin o dili kaya dito pinatutuloy ang
mga manliligaw. Malalaki at maluluwang ang mga bintana upang makapasok ang
12
liwanag at hangin. Sa ilalim ng bintana ay may dalawang ventanillas o maliliit na
bintana. Dito sumisilip ang mga bata upang mapanood ang parada o prusisyon. Taglay
nito ang disenyong arkitektural na babagay sa isang tropikal na klima at arkipelagong
bansa.
Matapos ang limang taong pag-aaral at pagbalik-balik ng UNESCO sa Vigan,
taong 1999 kinilala at napasama sa talaan ng UNESCO ang Vigan bilang isa sa
pandaigdigang pamanang kultural. Sa kabila na ang Pilipinas ay naging lugar ng
paglalaban noong ikalawang digmaang pandaigdig, taglay pa rin ng mga bahay dito ang
kakanyahang sining ng mga katutubo, kanluranin at uri ng teknolohiya noong ika-18 at
ika-19 na siglo. Makikita sa disenyong arkitektural ang makabuluhang pagbabago ng
kasaysayan.
Nakita mo ba ang mga tiyak na detalyeng sasagot sa mga tanong? Ibigay mo nga. Tingnan mo
kung ang mga sagot mo ay kahawig ng mga sumusunod. Kung hindi balikan mong muli ang teksto.
a. bukana ng ilog Abra, hilagang kanluran ng baybaying Luzon
b. Makikita sa ayos ng plasa ang malaking impluwensya ng kastila. Magkakatabi ang
simbahan, munisipyo at plasa. Malapit sa mga nasabing lugar ang bahay ng mga
ilustrado at mestiso. Taglay din ng mga bahay sa Vigan ang pinagsanib na istruktura
at konseptong katutubo at kanluranin.
c. Ang bawat bahay ay binubuo ng dalawang palapag. Ang unang palapag ng
bahay ay pinaglalagyan ng karwahe at bodega. Makikita ang dalawang pintuan. Ang
una ay ang pangunahing pintuan na pinapasukan ng karwahe. Ang ikalawang
pintuan ay maliit at dito pinatutuloy ang mga bisita.
Ang unang makikita sa ikalawang palapag ng bahay ay caida o antesala,
kasunod nito ay sala at sa dulong bahagi nito ay kwarto. Sa likod ng ikalawang
palapag ay may ekstensyon at ito ay tinatawag na asotea.
d. taong 1999
Ngayon naman ay sagutin mo ang dalawang tanong sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang
iyong mga sagot.
1. Ano ang paksa ng sanaysay?
2.Ibigay ang pangunahing kaisipan ng mga sumusunod na talata.
a. Makikita sa pagkakaayos ng bayan ng Vigan ang malaking impluwensya ng mga
kastila. Ang gitna nito ay ang Plaza Salcedo at nakaangkla sa plasa ang katedral at
arzobispado (bahay ng arsobispo), sa tapat nito o sa kabilang dulo ng plaza ay ang munisipyo
at ang gusali ng gobernador. Magkakalapit o magkakatabi ang simbahan, munisipyo at plasa,
palatandaan na nasakop ito ng mga kastila.
13
b. Kitang-kita rin ang panlipunang pagtatangi-tangi ( social stratification) noong panahon
ng Kastila. Ang bahay ng mga ilustrado at mestiso ay nakatayo malapit sa simbahan,
munisipyo at plasa. Malayo sa mga nasabing lugar ang bahay ng mga indyo.
Tingnan mo kung ganito ang iyong mga sagot. Tama bang lahat ang iyong sagot? Kung
hindi basahin mo uli ang sub-aralin.
1. Vigan
2. Pangunahing Kaisipan
a. ayos ng bayan ng Vigan
b. lugar na kinatatayuan ng bahay ng mga ilustrado at mestiso
Pagbibigay ng Singkahulugan
Ang teksto ay gumamit ng iba’t ibang salita na magsing kahulugan. Hanapin mo ang
singkahulugan ng mga sumusunod na salita sa sanaysay.
1. andana
2. puwerta
3. caida
4. payaw
5. sala
Kung ang sagot mo ay ang mga sumusunod. Tama ka.
1. andana – baiting
2. puwerta – pangunahing pintuan
3. caida- maliit na sala o antesala
4. payaw – hagdan-hagdang palayan
5. sala – mas malaki sa caida at pinamamahalagang bahagi ng bahay
Lagumin
Tinalakay sa sub-aralin na ito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang imformativ na
teksto. Ang kakanyahang katangiang taglay nito ay naglalaman ng totoong imformasyon at hindi
likhang-isip. Bunga ng isang maingat na pag-aaral ang mga nakalahad dito.
Natutunan mo rin ang pag-alam sa paksa o tapik ng teksto at pagkuha ng pangunahing
kaisipan sa teksto. Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa sanaysay. Ang pangunahing kaisipan naman
ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa.
14
Subukin
Handa ka na marahil sa isang pagsubok. Ang mga informasyong nakatala sa ibaba ay tungkol
sa Puerto Princesa Subterranean River. Basahin mo ang tungkol dito pagkatapos ay sagutin mo ang
mga sumusunod na tanong . Isulat mo sa iyong sagutang papel ang bilang kung saan makikita ang
sagot sa mga tanong.
1. Saan makikita ang Puerto Princesa Subterranean River?
2. Gaano kalawak ang lugar na ito?
3. Ano ang pangunahing katangian nito?
4. Ibigay ang iba’t ibang organismo (habitat for biodiversity) na makikita sa lugar na ito.
5. Kailan ito isinama ng UNESCO sa kanilang talaan bilang isa sa pandaigdigang pamanang
kultural?
6. Anu-ano pa ang mga karangalan na ibinigay dito?
1. Bansa : Pilipinas
2. Pangalan : Puerto Princesa Subterranean River
3. Lokasyong Hiyografikal : * Mga bulubunduking St. Paul
* 8 kilometro hilagang kanluran mula sa siyudad ng Puerto
Princesa
* hilagang baybayin ng Palawan
4. Lawak : 20, 202 ektarya ( core zone – 5, 753 ektarya at buffer zone –
14, 449 ektarya)
5. Diskripsyong Fisikal : * Ilog sa ilalim ng lupa ( subterranean river ) na may 8
kilometrong haba
* 120 metrong lapad at 60 metrong taas
* limestone karst landscape
6. Ecosystem: * 295 uri ng punong kahoy
* 800 uri ng tanim
* 30 uri ng mammals
* 18 uri ng buwaya
* 10 uri ng amphibians
* 62 uri ng coral reef fishes
* 41 uri ng paruparo
* 91 uri ng ibon
* 8 uri ng paniki
* 5 uri ng gubat
Tropical rain forest
Beach forest
Mangroves
Sandy beaches
Coral reefs
15
7. Kasaysayan: 1992 Pinarangalan ng Pacific Asia Travel Association
(PATA) sa kategoryang Environmental Enhancement
1993 Paglilipat ng DENR sa local na pamahalaan ang
pamamahala sa Subterranean River.
1999 Kinilala ng UNESCO bilang isa sa pandaigdigang
pamanang kultural dahil sa likas napakagandang
tanawin at makabuluhang ekolohikal.
Tingnan mo kung ganito ang iyong mga sagot.
1. 3
2. 4
3. 5
4. 6
5. 7
6. 7
Kung sa palagay mo ay kailangan mo pa ng dagdag na pagsasanay pumunta ka sa Paunlarin.
Kung hindi na, maaari mo nang pag-aralan ang sub-aralin 2.
Paunlarin
Narito ang sanaysay tungkol sa mga impormasyon na nakalahad sa Subukin. Basahin at
sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang paksa ng sanaysay?
2. Ibigay ang pangunahing kaisipan sa talata 2,3, 5 at 7.
Ang Ilog sa Ilalim ng Lupa
16
Ang Ilog sa Ilalim ng Lupa
Aurora F. Mambiar
1. Nakabibinging katahimikan at alingawngaw ng kalikasan. Ito ang mararanasan
sa loob ng Puerto Princesa Subterranean River National Park. Isa sa
ipinagmamalaking yaman ng bansang Pilipinas.
2. Ang Puerto Princesa ay dating kilala sa tawag na St. Paul Subterranean River
National Park. Ito ay matatagpuan sa hilagang baybayin ng Palawan. Ito ay
walumpung kilometro, hilagang kanluran (unep-wcmc.org) mula sa siyudad ng
Puerto Princesa. Ang core zone nito ay may 5,753 ektarya at ang buffer zone ay
may 14, 449 ektarya. Sa kabuuan, ito ay may lawak na 20,202 ektarya, kasama na
ang mga sangang ilog ng underground river. Nailipat sa pagmamay-ari ng
pamahalaan ang core zone noong 1992. Inilipat ng DENR ang pamamahala at
pangangalaga nito sa lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa, noong 1993.
3. Ang pangunahing katangian nito ay ang kamangha-manghang ilog sa ilalim
ng lupa na may habang walong kilometro at naglalagos patungo sa dagat. Ito ay
may lapad na 120 metro at taas na 60 metro (unep-wcnc.org) . Kung lalakbayin
ang kahabaan ng ilog, kakikitaan ito ng mapakaraming stalactite at stalagmite .
Kilalang- kilala ito sa taglay na limestone karst landscape. Ang makapal at
masukal na gubat ang nagsisilbing hangganan at harang ng siyudad ng Palawan.
Lalong naging makabuluhan ang taglay nitong katangian dahil pinananahanan ito
ng iba’t ibang organismo ( habitat for biodiversity ).
4. Ayon kay Kuntze sa kanyang ulat sa Manila Times ang lugar na ito ay
kakikitaan ng 295 uri ng punong kahoy, 800 uri ng tanim, 30 uri ng mammals, 18
uri ng buwaya, 10 uri ng amphibians, 62 uri ng coral reef fishies, 41 uri ng
paruparo, 91 uri ng ibon at 8 klase ng paniki. Taglay nito ang malawak na
ecosysytem. Mula sa tropical rainforest at beach forest hanggang sa mangroves,
sandy beaches at coral reefs. itinuturing na iilan ito sa pinakamahalagang gubat sa
Asya.
5. Nagkaroon ng maraming parangal ang lugar na ito. Isa na rito ay ang parangal
na ibinigay ng Pacific Asia Travel Association (PATA) noong 1992 ( unep-
wcnc.org) sa kategoryang Environmental Enhancement. Taong 1999 (unep-
wcnc.org) nang isinama ito ng UNESCO sa kanilang talaan ng pandaigdigang
pamanang kultural dahil sa likas na napakaganda at makabuluhang ekolohikal na
taglay nito.
6. Dahil sa kasikatan ng subterranean , naglunsad ng maraming programa ang
lokal na pamahalaan upang ganap na mapangalagaan ang kalikasan. Ayon sa
17
UNESCO ang mga programa ay maingat at tagumpay na ipinatupad ng
pamahalaan ng Puerto Princesa na nagdala ng maraming karangalan mula sa
nasyonal at internasyonal sa lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor
Edward S. Hagedorn.
7. Ang makabuluhang katangian nito ang nagbunsod kay Mayor Edward S.
Hagedorn upang gawing modelo ang Puerto Princesa para sa ecotorism at
pinaggaganapan ng mga kombensyon sa Pilipinas.
8. Malinaw na mahalaga ang political will upang maisulong ang mga programang
magpoprotekta sa pamana ng lahi tulad ng naipakita ng lokal na pamahalaan ng
Puerto Princesa sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Hagedorn.
Ihambing mo ang mga sagot sa ibaba. Kung tamang lahat ang sagot mo, binabati kita. Kung
hindi balikan mo uli ang teksto.
1. Ang paksa ng sanaysay ay tungkol sa Puerto Princesa Subterranean River
2. Pangunahing kaisipan:
Talata 2: Ang lawak ng sakop nito at nangangalaga sa lugar.
Talata 3: Ang pangunahing katangian at ang mga makikita dito.
Talata 5: Ang tagumpay ng mga programa na inilunsad ng lokal na
pamahalaan.
Talata 7 : Ang kahalagahan ng political will ng namumuno.
Sub – Aralin 2
Pagbibigay - Hinuha
Narito pa ang isang aralin. Makapagpapayaman ito ng mga natamo mo ng kasanayan.
Layunin:
Pagkatapos ng sub-aralin na ito inaasahang magagawa mo na ang mga sumusunod:
1. nakapagbibigay ng mga kahulugan ng salitang magkasalungat
2. nakabubuo ng hinuha mula sa binasang teksto
18
Alamin
Marahil humanga ka sa talino at galing ng ating mga ninuno matapos mong pag-aralan ang
Sub – Aralin 1. Sa kabila ng mga pagbabago at pananakop sa loob ng daan –daang taon hindi
hinayaan ng mga ninuno na tuluyang mawala ang pagkakakilanlan ng lahing Pilipino. Ang patunay
nito ay makikita sa ayos ng mga bahay sa Vigan.
Marahil nagkaroon ka rin ng ideya kung ano ang sibilisasyon ng lipunang Pilipino bago
dumating ang mga Kastila. Ang panahong ito ay tinatawag na panahon ng katutubo. Isa sa tanging
buhay na katibayan nito ay ang hagdan-hagdang palayan.
Ngayon ipagpapatuloy mo ang paglalakbay- aral.
Linangin
Basahin mo ang pamagat. Sa palagay mo, bakit nanganganib ang Pay-yo?
Natatandaan mo ba kung ano ang Pay-yo?
Ang hagdan-hagdang palayan di ba? May mga varying ito.
Bakit kaya ganito. Anu-ano iyon? Tama, ito ay Payaw at Pyew.
Bakit kaya ito nanganganib?
Sige alamin mo sa teksto.
Nanganganib na Pay-yo
Aurora F. Mambiar
1. Hagdan-hagdang palayan, rice terraces, Pacific Grand Canyon at hanging garden of
Babylon ( members.tripod.com ) ay ilan lamang sa maraming katawagan na ibinigay sa
ginawa ng mga Ifugaw. Ano man ang katawagang ibinugay nila dito mahalagang
gamitin ang katawagan ng mga Ifugao sa kanilang ginawa. Ito ay ang Pay-yo. Ang
varyant ng salitang Pay-yo ay Payaw at Payew: Hinangaan ng buong mundo at
ibinilang sa talaan ng UNESCO bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural .
2. Ano nga ba ang sinabi ng mga pyramid ng Ehipto, magagarang templo at
monumento, tulad ng Taj Mahal ng India, Angkor Wat ng Cambodia, Ananda
Temple ng Burma (Myanmar) at Borobudur ng Indonesia kung ihahambing sa ating
Pay-yo?
19
3. Isang buhay na simbulo na ang mga Pilipino ay mapagmahal sa kalayaan. Para sa
mga Pilipino ang lipunan ay nabubuo sa pamamagitan ng kolektiv at kooperativ at
hindi individwalistik at kompetitiv. Naitayo ito sa pamamagitan ng kolektibo at
kooperatibong paggawa at hindi tulad ng ibang pandaigdigang pamanang kultural na
naitayo dahil sa may naghahari at may inaalipin sa lipunan. Hindi ito itinayo dahil
lamang sa kaligayahan at kapakinabangan ng isa o iilang tao, kundi ito ay itinayo
dahil sa kabutihan at kapakinabangan ng mamamayan. Upang makatugon sa
pangunahing pangangailangan ng buong bayan.
4. Inihambing noon sa isang paraiso ang ulap na lupaing ito sapagkat kung tatanawin
sa kalayuan malawak na hagdan-hagdang palayan ang makikita. Kulay berde at
punung - puno ng uhay, ngunit ngayon damo ang makikita sa ibang bahagi ng Pay-yo.
Unti-unti na itong nasisira. Ayon sa ulat ng ilang mananaliksik sira na ang ikatlong
bahagi nito.
5. Nagsimula ang kawalang- interes sa pagsasaka nang buksan ang Solano-Banaue
Road ( Sa Abano) at iba pang daan patungong Banaue. Ang mga daang ito ay simbolo
ng mga alternatibong gawaing pang-industriyal at bunga na rin ng modernisasyon.
Naging madali ang paglikas para sa mga Ifugao lalung- lalo na sa mga kabataan upang
maghanap ng trabaho sa ibang lugar.
6. Ayon kay Gobernor Teddy Baguilat Jr. ( sa Abano, 2002) para sa mga kabataang
Ifugaw ang pagsasaka ay hindi na praktikal at kapakipakinabang. Bukod sa maliit na
kita sa pagsasaka matagal din bago ito maging pera. Dagdag pa nito matagal at
nakapapagod ang pagsasaka. Nangangailangan ng manwal at intensibong paggawa
kaya mas ginugusto pa ng ibang katutubo ang mga gawaing pangturismo tulad ng
paghabi, pag-ukit ng kahoy at paggabay sa mga turista kaysa sa pagsasaka.
Tama ba ang hula na ginawa mo? Oo, kasi unti-unti itong nasisira at sira na
ang ikatlong bahagi ng Pay-yo. Nakalulungkot ano? Ano kaya ang dahilan ng
pagkasira ng ibang bahagi nito? Hulaan mo ang sagot sa tanong.Basahin mo na ang
sanaysay. Tingnan mo kung tama ang iyong hula.
Tama ba ang hula mo? Ano ang dahilan ng unti-unting pagkasira ng Pay-yo?
Tama, dahil sa kawalang interes ng mga kabataang Ifugao sa pagsasaka at bunga rin
ng modernisasyon. Pinabayaan na ang Pay-yo.
Ano kaya sa palagay mo ang posibleng mangyari kung hindi maagapan ang
pagkasira at mapanumbalik ang dating anyo ng Pay-yo?
Ipagpapatuloy mo ang iyong pagbabasa. Tandaan mo ulit ang iyong hula.
20
7. Nagbabala ang International Union for Conservation of Nature (IUCN) at
International Council of Monuments and Sites (Icomos) (Sa Abano) na kapag hindi
naagapan sa loob ng sampung taon ang tuloy – tuloy na pagkasira nito ay posibleng
mawala ito sa talaan ng pandaigdigang pamanang kultural ng Pilipinas.
8. Maging ang mga matatandang Ifugao ay nagsasabi na kailangang mapanatili ang
hagdan-hagdang palayan. Kailangang mapanumbalik at mahikayat ang mga kabataan
na pahalagahan ang pamanang kayamanan na ito. Mahalagang mapanatili at
maipagpatuloy ang talino, kasanayan ng mga ninuno at tradisyunal na paraan ng
pamumuhay ng mga Ifugao.
9. Maraming mungkahi ang nabuo upang mapanumbalik ang dating anyo nito (sa
Abano). Isa na rito ang iminungkahi ng mga matatandang Ifugao. Ayon sa kanila
kailangang sarhan ang mga daan patungong Banaue lalong lalo na ang Solano-Banaue
road.
10. Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Departamento ng Turismo nagsasagawa ng
pamamaraan upang mapanumbalik ang dating anyo ng Pay-yo. Ayon sa ulat, may
nabuong plano na nangangailangan ng 1.31 bilyong piso (sa Enriquez) para sa nasabing
lugar.
11. Ang suliraning ito ay hindi lamang problema ng mga Ifugao kundi problema ito na
dapat harapin at bigyan ng agarang aksyon ng buong nasyon. Sa Pay-yo natitipon ang
talino, kasanayan, pananaw, pilosopiya, at malaking bahagi ng kasaysayan sa panahon
ng katutubo. Ang Pay-yo ay isang buhay na pamana ng lahi, kapag tuluyang nasira ito
ay tuluyan na ring binura ang malaking bahagi ng ating nakaraan.
Tama ba ang hula mo? Ano ang magiging epekto kung hindi maagapan ang
pagkasira ng Pay-yo? Oo, tatanggalin ito sa talaan ng pandaigdigang pamanang
kultural ng Pilipinas. May ginawa kayang hakbang ang mga kinauukulan?
Hulaan mo kung mayroon at anu-ano kaya iyon? Tatapusin
mo ang pagbabasa sa teksto. Tandaan mo ang iyong hula.
Tama ba ang iyong hula? Marahil ay medyo ano? May mga aksyon ba na
ginawa ang mga kinauukulan? Oo, may mga iminungkahi ang mga matatandang
Ifugao at may binuong plano ang pamahalaan upang mapanumbalik ang dating
anyo ng Pya-yo.
21
Ano kaya ang layunin ng awtor sa pagsulat? Tsekan ( ) mo ang bilang ng posibleng layunin
ng awtor.
_____1. Upang ipaalam sa tao na may problema sa Payaw.
_____2. Manawagan sa lahat ng Pilipino na ang problema sa Payaw ay problema
ng buong bansa.
_____3. Tumulong sa mga Ifugao.
_____4. Mahikayat muli ang mga kabataang Ifugao na magsaka sa Payaw.
_____5. Upang magsilbing hamon ito sa lahat na kumilos ng agarang aksyon sa
problema.
Nilagyan mo na ba ng stek ang lahat ng mga bilang? Kung gayon, tama ka. Alam mo
ba na ang mga ginawa mo sa umpisa pa lamang ng Linangin hanggang sa pagtsitsek ay
paghula o pagbuo ng hinuha?
Ang hinuha ay pagbibigay ng sariling opinyon mula sa mga informasyon na nabasa.
Sa pagbibigay hinuha ang mahalagang sangkap ang paggamit ng dating kaalaman at
karanasan. Nakapagbibigay ng tamang hula ang isang mag-aaral kapag marami siyang
nakaimbak na dating kaalaman at karanasan na naiuugnay niya sa bagong imformasyon.
Ngayon balikan mo ang ilang salita may magkakasalungat ang kahulugan na ginamit
sa teksto.
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salitang Magkasalungat
Ang mga salitang magkatapat sa bawat bilang ay magkasalungat ang kahulugan. Hulaan mo
kung ano ang kahulugan ng bawat isa batay sa kung paano ginamit ang mga ito sa teksto. Isulat mo
ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. kolektiv – individwalistik
2. kooperativ – kompetitiv
3. hari – alipin
4. tradisyunal – makabago
5. modernisasyon – katutubong pamumuhay
Kung ang mga sagot mo ay ang mga sumusunod tama ka.
1. Ang kolektiv ay nangangahulugang sama-sama o tulong-tulong, kaya may konsepto
tayo ng bayanihan. Ang idividwalistik naman ay kanya-kanya o walang pakialam sa
iba.
2. Ang kooperativ ay walang kompetensya o walang paligsahan, kaya wala tayong hari at
reyna, walang inaalipin at walang nang-aalipin, walang malakas at walang mahina.
22
Lahat ay nagtutulungan. Samantalang ang kompetitiv ay mayroong kompetensya o
mayroong paligsahan. Kaya mayroong konsepto ng hari at reyna sa ibang bansa.
3. Ang hari ay nangangahulugang ang isang tao ay nasa pribelehiyong katayuan sa
lipunan na may absolut na kapangyariahan. Ang alipin ay nangangahulugang isang
taong nasa pinakamababang antas ng lipunan at walang anumang karapatan.
4. Ang tradisyunal ay makalumang paraan o gawi na hindi pa gaanong napapasukan ng
anumang ideya o paraan ng pamumuhay mula sa labas ng lipunan. Ang makabago
naman ay inobasyon mula sa pagiging tradisyunal.
5. Ang modernisasyon ay transformasyon mula sa pagiging katutubo tungo sa mabilis na
paraan ng pamumuhay. Kaakibat nito ang makabagong teknolohiya at kaalaman.
Samantalang ang katutubong pamumuhay ay ang pagiging puro nito at walang halong
impluwensya ng mga dayuhan.
Narito ang isang bahagi ng balita mula sa Palawan Times. Tuluyan kayang makulong ang
mga nahuling ilegal na mangingisda sa Palawan? Ito kaya ang kauna-unahang pagkakataon na
nangisda sila sa dagat ng Pilipinas?
Basahin mo ang teksto at kumpirmahin mo kung tama ang iyong hula.
Kung ang sagot mo ay ang mga sumusunod. Binabati kita.
1. Hindi sila pakakawalan dahil huli sila sa akto at sa mga katibayan na nakuha. Tuluyan silang
ikukulong .
2. Maraming ulit na silang nangingisda sa karagatan ng Pilipinas. Ayon sa Philippine Navy,
matagal na itong minamanmanan.
Indonesians Huli sa Balabac
ni Joy Tabuada- Asignacion
Nahaharap ngayon sa mga kasong Poaching at Illegal Entry ang
limang Indonesians na nahuli ng Philippine Navy sa Balabac, Palawan
nationals na nangingisda .
Sa panayam kay Provincial Committee on Illegal Entrants (PCIE)
chairman, Col. Jose Balane sinabi nito na pinag-aaralan pa sa ngayon ng
PCIE ang posibilidad ng pagsasampa ng kasong “illegal fishing” maliban
sa poaching at illegal entry sapagkat nahuli nito sa aktong nagtro-trawl
fishing. Nakuha rin sa mga Indonesian fishermen na lulan ng isang
Malaysian fishing boat ang 200 kilong hipon, 100 kilo ng iba’t ibang uri ng
isda.
Palawan Times
Vol.XI No. 237
23
Gamitin
Ngayon tingnan natin kung kaya mong gamitin ang mga natutunan mo. Muli kang bumuo ng
mga hula tungkol sa mga sumusunod.
1. Ano kaya ang posibleng epekto ng quarrying activity sa lungsod ng Puerto Princesa
2. Ano ang quarrying?
Basahin mo na ang bahagi ng balita mula sa Palawan Times at kumpirmahin kung tama ka.
Tingnan mo kung katulad nito ang iyong mga sagot.
1. Ang mga sumussunod ay posibleng mangyari
a. landslide at siltation o pagguho ng mga lupa sa dagat dahil wala ng graba na
magho-hold sa lupa
b. Pagkamatay ng mga yamang dagat kung sakaling magkakaroon ng siltation at
buhay ng mga tao.
c. pagkawala ng mga punong kahoy sa lugar ng pinagka-quarrying
d. Masisira ang mga likas- yaman ng Pilipinas at maaaring bumaba ang katanyagan
ng Palawan.
Quarrying sa Lucbuan Ipinatigil ng PENRO
ni Joy Tabuada-Asignacion
Pinatigil ng Provincial Environment ang Natural Resources
Office ( PENRO) ang pangunguha ng graba at buhangin sa Bgy.
Lucban lungsod ng Puerto Princesa.
Sa panayam ng Manila Times kay PENRO Ivene Reyes, ipinag-
utos niya sa We Eng Construction na itigil na ang kanilang quarrying
activity sa naturang lugar dahil sa ang lupang kanilang pinagkukunan
ng graba ay dineklarang “timberland” . Maliban dito ay walang
maipakitang dokumento tulad ng Environmental Compliance
Certificate (ECC) at permiso buhat sa Pamahalaang Lungsod ang
naturang kompanya.
Palawan Times
Vol. XI No. 237
24
2. Ang quarrying ay pagkuha ng graba sa bundok.
Naririto pa ang isang gawain na magsasanay sa iyo sa pagbubuo ng hinuha. Batay sa mga
informasyon na nakalagay sa kahon, hulaan mo kung ano ang tamang sagot sa mga tanong na nasa
ibaba.
1. Ano ang kahulugan ng salitang Tubbataha?
A. mataas na bato sa gitna ng dagat
B. mahabang bagay na may kaugnayan sa reef
C. iba’t ibang uri ng koral
D. yamang dagat
2. Saan ito matatagpuan?
A. Palawan B. Sulu C. Mindoro D. Cebu
3. Ano ang panganib na nagaganap sa lugar?
A. Maraming nakakapasok na ilegal na mangingisda.
B. Maraming nagaganap na smuggling
C. Maraming namamatay na koral
D. Palala ng palala ang polusyon
4. Ano ang hakbang na isinagawa ng pamahalaan para sa konservasyon ng
Tubbataha reef?
A. Nagtatag ng puwersa na magbabantay sa Tubbataha.
B. Nangangalap ng pondo upang mapanatili ang Tubbataha.
C. Nanghingi ng tulong mula sa ibang bansa.
D. Wala pang hakbang na ginagawa.
5. Bakit kilala ang lugar na ito sa buong mundo?
A. dahil sa ginawa ng Abusayaf
B. dahil sa ganda nito
C. dahil isa ito sa pamanang kultural ng mga Pilipino
D. dahil sa maraming muslim ang nakatira dito.
25
Basahin mo ang sanaysay tungkol sa Tubbataha at alamin kung tama ang iyong mga hula.
Tubbataha Reef
Pilipinas, Rehiyon IV, Palawan
1993- World Heritage Site
Dekada 80 – bumaba ang mga buhay na koral at nakaranas ng pinakamalaking antas
ng pagkasira
1993 – kinilala ng UNESCO
1995- Binuo ang Task Force for the Tubbataha reef
Uri ng aquatic life - 300 uri ng koral, 400 uri ng isda, coral garden, coral tower,
pawikan, lionfish, pating, lobster at iba pa.
26
Tubbataha Reef
Aurora F. Mambiar
1. Tubbataha reef – kauna – unahang tanawin sa Pilipinas na itinalaga ng
UNESCO bilang isa sa World Heritage Site noong 1993 (sa Ledesma at
Mejia) dahil sa taglay nitong globally significant biodiversity.
2. Taong 1998 sa bisa ng Proklama bilang 306 (Sa Valencia) ipinahayag ng
pamahalaan na ang Tubbataha Reef at ang mga malalapit na lugar nito ay
isang National Marine Park.
3. Ang salitang tubbataha ay galing sa salitang muslim
(www.tourism.gov.ph) tubba ibig sabihin ay mahaba at taha ibig sabihin ay
bagay na may kaugnayan sa lagun o reef . Matatagpuan ang Tubbataha reef
sa rehiyon IV, lalawigan ng Palawan sa gitna ng dagat ng Sulu (sa
Valencia). Ang lawak nito ay 33,200 ektarya (Valencia) na kakikitaan ng
maraming uri ng cquatic life (ncca.gov.ph) , tulad ng 300 uri ng koral,
pinakamalaking uri ng coral reef, 400 na uri ng isda, malalaking uri ng
pawikan, lionfish at pating na mas malaki sa karaniwang laki na makikita sa
ibang diving site. Sa lalim na dalawampu’t limang talampakan kitang kita
ang makukulay at magagandang isda. Labing limang metro (Valencia) mula
sa lugar ng pagtatalunan (diving) makikita ang sandy slope, ang paboritong
lugar na tinutulugan ng mga pating at lobster. Sa hilagang bahagi makikita
ang malalaking coral garden , coral tower na hindi karaniwan ang laki.
Ang lugar na ito ang kakikitaan ng pinakamaraming uri ng isda sa buong
Pilipinas.
4. Sa kabila ng kalayuan nito hindi pa rin ligtas ang lugar sa mga iligal na
mangingisda. Noong 1989 (Ledesma at Mejia) napag-alaman na bumaba
ang bilang ng mga buhay ng koral at sa dekada 80 (Laedsma at Mejia)
nakaranas ng pinakamataas na antas ng pagkasira sa lugar na ito .
5. Noong July 1995 (sa Valencia) sa ilalim ng administrasyon ng dating
pangulong Fidel V. Ramos binuo ang Task Force for the Tubbataha Reef
National Marine Park na bubuo at magsasagawa ng mga hakbang upang
mapigil ang tuluyang pagkasira ng kalikasan .
Sa mga nakalipas na limang taon magkaakibat ang Philippine Navy
at World Wide Fund for Nature o WWF – Philippines (sa Valencia) sa
pagbabantay ng Tubbataha laban sa mga iligal na gawain.
Sa kasalukuyan magkasanib (Valencia) ang puwersa ng Palawan
Council for Sustainable Development , lokal na pamahalaan at WWF –
Philippines upang mapangalagaan ang lugar. Dagdag nito ang DENR, WWF
27
– Philippines at UN Development Program ay lumagda ng kasunduan para
sa taunang proyektong pondo na nagkakahalagang $750,000 (Sa Valencia)
para mapanatili ang Tubbataha Reef.
Ang resposabilidad ng pagpapanatili sa Tubbataha reef ay
nakasalalay hindi lamang sa lokal, nasyonal na pamahalaan at internasyonal
na organisasyon kundi lalo’t higit sa mga mamamayan na nakatira malapit
sa Tubbataha reef. Kailangang magkaisa ang pamahalaan sa pagpapanatili
ng yaman ng Tubbataha. Sapagkat wala ng ibang matatagpuan sa bansa na
nagtataglay ng parehong yaman at ganda na makikita sa Tubbataha. Hamon
din sa lahat ng Pilipino na pangalagaan ang kalikasan ng bansa.
Narito ang tamang sagot sa mga tanong.
1. B
2. A
3. A
4. A
5. C
Lagumin
Tinalakay natin sa sub-aralin 2 ang pagbibigay ng kasalungat na kahulugan sa salita at
pagbibigay hinuha sa isang tekstong informativ. Ang hinuha ay ang pagbibigay ng matalinong
panghuhula mula sa nabasang informasyon. Ang pagkakaroon ng maraming nakaimbak na
imformasyon ay mahalagang sangkap upang makabuo ng tamang hinuha.
Subukin
Handa ka na marahil sa isa pang pagsubok. Sa pamamagitan ng mga impormsayon sa kahon,
hulaan mo ang tamang sagot sa bawat bilang.
Pambansang yaman ng Pilipinas
Mummy
Benguet
Kweba ng Timbak, Tenangkol, Opdas at iba pa
Isa sa 100 pinakananganganib na bagay sa buong mundo
28
1. Ano ang kahulugan ng mummy?
2. Saan ito matatagpuan?
3. Bakit nanganganib ito?
4. Bakit mahalaga ito sa atin ang mummy?
5. Ano kayang tribo ang kilala sa pagma-mummified?
Basahin mo ang teksto tungkol sa mummy. Pagkatapos balikan mo ang iyong mga hula kung
tama.
Tingnan mo kung tama ang iyong mga sagot.
1. Ang mummy ay patay na katawan ng tao na priniserv sa pamamagitan ng paggamit ng mga
halamang gamot at pagtatanggal ng mga tubig sa katawan nito.
2. Benguet at iba pang lalawigan sa hilagang bahagi ng Pilipinas
3. Sapagkat ninanakaw ang mga ito at ipinagbibili sa labas ng Pilipinas.
4. Sapagkat tinuturing itong Pambansang Yaman ng ating bansa.
5. Ibaloi
Kung sa tingin mo ay kailangan mo pa ng dagdag na pagsasanay pumunta ka sa Paunlarin.
Kung hindi maaari ka nang pumunta sa susunod na modyul.
Itinuturing na Pambansang Yaman ng Pilipinas ang nakitang mga
mummy sa hilagang bahagi ng Luzon, partikular sa kwebang Benguet, kweba
ng Timbak, Tenangkol, Opdas, Kabayan at iba pa. Ang tribong Ibaloi ang
napag-alamang gumagawa ng mummy. Ang muling pagkakatuklas ng mga ito
ay naganap sa pasimula ng mga taong 1900. Napag-alamang marami na ang
nanakaw sa panahon ding ito.
Nabanggit sa ulat ni Laarni Ilagan ng Manila Times (2003) na ang ilan
sa mga ninakaw na mummy sa bayan ng Kabayan ay ipinagbibili sa San
Francisco, California sa halagang 310,000 piso ( $5,637).
Ayon sa Monument Watch ang mga mummy na natuklasan muli sa
Pilipinas ay isa sa 100 Most Endangered Sites in the World. Kasing halaga ito
ng mga pinakananganganib na monumentong pinangangalagaan at itinuturing
na pamana ng lahi.
29
Paunlarin
Batay sa mga impormasyong nakatala sa ibaba bumuo ka ng hinuha kung saan patungkol ang
sanaysay. Isulat mo sa sagutang papel ang iyong hinuha.
Ang sanaysay ay tungkol sa simbahang Nuestra Señora de la Assuncion ng Paoay, Ilocos
Norte bilang isa sa simbahang barok sa Pilipinas at isa sa pamanang kultural ng lahing Pilipino sa
kasaysayan ng daigdig.
Gaano ka na kahusay?
I. Pagpapalawak ng Bokabularyo:
A. Singkahulugan
Panuto: Hanapin sa mga pagpipilian ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Ang bawat andana ng lupa ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro.
A. baitang B. haba
C. sukat D. lapad
2. Dalawang pintuan mayroon ang bahay. Ang una ay puerta, dito pinapasok ang karwahe.
A. pangunahing pintuan B. maliit na pintuan
C. makitid na pintuan D. malapad na pintuan
3. Sa caida pinatutuloy ang mga importanteng bisita.
A. sala B. antesala
C. asoteya D. komedor
4. Maraming katawagang ibinigay ang mga dayuhan sa kamangha-manghang Pay-yo
A. hagdan-hagdang palayan B. payaw
C. payew D. lahat ng nabanggit
Bansa: Pilipinas
Pangalan ng mga simbahan Taong Itinayo
Lalawigan
Sto. Tomas de Villanueva 1797 Iloilo
Nuestra Senora de la Assuncion --- Sta. Maria, Ilocos Sur
San Agustin 1694 Paoay, Ilocos Norte
30
5. Ang subterenyan ay makikita sa lalawigan ng Palawan.
A. malawak na lupain B. ilog sa ilalim ng lupa
C. makapal na gubat D. malaking bato
B. Magkasalungat:
Panuto: Hanapin sa hanay B ang kasalungat ng mga salitang nasa hanay A. Titik
lamang ang isulat sa sagutang papel.
A B
1. hari A. indibidwalistik
2. kooperativ B. alipin
3. kolektiv C. kompetetiv
4. modernisasyon D. datu
5. tradisyunal E. makabago
F. katutubo
II. Pagtukoy ng pangunahing kaisipan
Panuto: Tukuyin kung ano ang paksa at pangunahing kaisipan na nakapaloob sa bawat
talata.
A. Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ang mga katutubong Ifugao ay gumugol ng mahigit
na 2,000 taon upang matapos ang hagdan-hagdang palayan. Ito ay itinayo sa pamamagitan
ng sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at katutubong
teknolohiya. Ipinagpapalagay na ito ay mahigit 6,000 taong gulang na.
1. Matatagpuan ang Vigan sa bukana ng ilog ng Abra, hilagang kanluran ng baybaying Luzon.
Malapit ito sa bansang Tsina. Dahil sa magandang lokasyon nito naging mahalaga ang papel
ng Vigan sa kalakalan noong panahon ng katutubo hanggang ikalabing siyam na siglo.
2. Ang Tubbataha Reef ay matatagpuan sa Rehiyon IV, lalawigan ng Palawan sa gitna ng dagat
ng Sulu (sa Valencia). Ang lawak nito ay 33,200 ektarya na kakikitaan ng maraming uri ng
aquatic life, tulad ng 300 uri ng koral, pinakamalaking uri ng coral reef, iba’t ibang uri ng
isda, malalaking uri ng pawikan, lionfish at pating na mas malaki sa karaniwang laki na
makikita sa ibang diving site. Sa lalim na dalawampu’t limang talampakan kitang kita ang
makukulay at magagandang isda. Labing limang metro mula sa lugar ng pagtatalunan (diving)
makikita ang sandy slope, ang paboritong lugar na tinutulugan ng mga pating at lobster. Sa
hilagang bahagi makikita ang malalaking coral garden , coral tower hindi karaniwan ang
laki. Ang lugar na ito ang kakikitaan ng pinakamaraming uri ng isda sa buong Pilipinas.
31
III. Paghihinuha:
Panuto: Batay sa mga impormasyon na nakalahad sa bawat bilang bumuo ng hinuha kung
tungkol saan ang sanaysay.
1.
2.Mga simbahang nag-aangkin ng kakanyahang disenyong arkitektural at interpretasyon ng mga
Pilipino sa arketekturang barok sa Europa.
Pangalan Lokasyon Taong Itinatag
San Agustin Intramuros,Manila 1571
La Asuncion Ilocos Sur,Sta. Maria 1765
San Agustin Ilocos Norte, Paoay 1593
Santo Tomas Iloilo, Miag-ao 1731
Binabati kita sa iyong tagumpay!
Sanggunian:
Abano, Imelda; http://www.philpost.com/0302pages/rice0302.html
Enriquez, Nestor ; http://:member.tripod.com/philippines/banaue.htm
Gardner, Robert; http://www.aenet.org/ifugao/batad.htm
Ilagan, Laarni S. http://www.manilatimes.net/national/2003/jul/09/prov/20030709pro3.html
Kuntz,Carl; http://www.manilatimes.net/national/2004jan/16/yehey/life/200440/16lif/htm
Ledesma, Micaela C. at Mejia, manuel N. http://www.psdn.org.ph/wetlands/wwd01pres.htm
Melle, Gregory; http://ce.eng.usf.edu/pharos/wonders/natural/index.html
Valencia, Lynda B.; http://www.guampdn.com/communities/news/stories/
20041001/bayanihan/1339046.html
http://www.anglefire.com/folk/hazelmarucot/ifugaohudhud.htm
http://www.lonelyplanet.com/destination/south-east/philippines/culture.htm
http://www.inq7.net/lif/2003may/26/lif-34-1.htm
http://www.outdoorru/unesco/652.php
http://www.starfish.ch/dive/print/palawan-print.html
http://www.unep-wcmc.org/sites/wh/princesa.htm
http://www.vigancity.gov.ph/unesco.htm
http://wondersclub.com/worldwonder/banauehistory.htm
Hudhud matriyarkal
Ifugao tag-ani, kasalan,lamayan
UNESCO pinakamahusay na obrang pasalita
Pamana sa sangkatauhang mahirap maunawaan.
32
Modyul 14
Pagtukoy ng Pangunahing Kaisipan
at Pagbuo ng Hinuha
I. Pagpapalawak ng Bokabularyo
A
6. A
7. A
8. B
9. D
10. B
B
1. B
2. C
3. A
4. F
5. E
II. Pagtukoy ng Pangunahing Kaisipan
1. Paraan ng pagkakagawa sa Pay-yo
2. Lokasyon ng Vigan
3. Lokasyon at katangian ng Tubbataha Reef
III. Pagbibigay Hinuha
1. Ang sanaysay ay patungkol sa Hudhud. Ang epiko ng mga Ifugao na isa sa
hinahangan ng buong mundo.
2. Ang sanaysay ay tumatalakay sa mga simbahang barok sa Pilipinas na nagtataglay ng
kakanyahang likha ng mga Pilipino.
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 15
Pagsasalaysay at Pagbuo ng mga Reaksyon sa
mga Idea, Proposisyon at Panukala
2
Modyul 15
Pagsasalaysay at Pagbuo
ng mga Reaksyon
sa mga Ideya,
Proposisyon at Panukala
Tungkol saan ang modyul na ito?
Mahilig ka bang pumunta sa iba’t ibang lugar?
Kung oo, natutuwa ako para sa iyo. Tiyak na marami kang nakilalang tao at nakuhang
impormasyon sa lugar na iyong pinuntahan. Kaya naman siguradong kawiwilihan mo ang modyul na
ito sapagkat mamasyal tayo. YEHEEY!
Kung hindi “oo” ang iyong sagot huwag kang mag-alala dahil hawak mo ngayon ang
pagkakataong pumunta sa ibang lugar. Kasama kitang mamasyal. YIPEEE!
Saan tayo pupunta?
Ipapasyal kita sa EDSA! Isa ito sa pinakamahabang lansangan sa Metro Manila. Iba’t ibang
sasakyan ang dumadaan dito araw-araw. Maraming matataas na gusali ang matatagpuan dito.
Babalikan natin ang mga nakaraang pangyayari sa Epifanio de los Santos Aveñue o
EDSA kaya marami kang makikilalang personalidad, matutuklasang alaala at matutunang aral mula
sa ating kasaysayan.
Sa tulong ng modyul na ito, masaya mong makikita ang kwento ng mga Pilipino tungkol sa
PeoplePpower sa EDSA noong Pebrero 1986 at Pager Revolution ng EDSA DOS noong Enero
2001.
Gagamitin rin natin ang paksang ito para matamo mo ang ilang kasanayang pangwika.
3
Ano ang matututunan mo?
Alam mo ba na libre ang pag-uusyoso sa bawat kalye kaya kung ako sa iyo samantalahin mo
nang husto para pagkatapos nating mamasyal sa EDSA ay marami kang maikuwento sa kapatid o
kaibigan mo.
Pagkatapos ng modyul na ito, maari mo nang ipagmalaki ang iyong sarili dahil:
1. nakapagkukuwento ka na tungkol sa ating kasaysayan na puno ng pag-asa para sa hinaharap.
2. nakpagpapahayag ka na ng obserbasyon at opinyon sa paraang malinaw upang makabuo ng
positiv na pananaw sa mga bagay-bagay.
3. nakapagbibigay ka na ng puna, panukala at reaksyon tungkol sa binabasang teksto at
proposisyon.
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
1. Basahin at unawain nang mabuti ang gagawin bago magsimula.
2. Lumapit at magtanong sa titser o sino man sa akala mong handang tumulong sa iyo
kung sakaling hindi mo maunawaan ang direksyon sa isang partikular na gawain.
3. Isulat sa sariling notbuk ang mga sagot at iwasang lagyan ng anumang marka ang bawat
pahina dahil gagamitin pa ng iba ang modyul na ito.
4. Tapusin muna ang bawat gawain bago buksan ang kasunod na pahina --maging matiyaga.
5. Kunin sa iyong titser ang listahan ng tamang sagot kapag tapos mo nang sagutang mag-isa
ang panimulang-sulit at panapos-sulit --maging tapat sa sarili.
Ano na ba ang alam mo?
Naranasan mo na ba ang tumawid sa nakabiting tulay o hanging bridge? Isipin mo sa bawat
hakbang ay para kang nakikipagsapalaran katulad ngayon habang tinatawid mo ang panimulang
pagsusulit.
4
A. Piliin ang tamang impormasyon upang makumpleto ang kwento ni Ferdie tungkol sa
nangyari sa EDSA noong 1986. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
Alam n’yo ba ang nanay ko ay kasama sa
(A. People Power B. Pager Revolution C. Peaceful Rally)
1
noong 1986. Ang kwento n’ya, doon siya natulog sa kalye at napakaraming tao na
kahit hindi magkakilala ay ( A. nagyakapan at nag-iyakan
B. nagsayawan at nagkantahan C. nagkwentuhan at nagkantahan).
2 at 3
Hindi ka magugutom dahil ( A. may mga nagtitinda
B. pwedeng umuwi C. bigayan ng pagkain).
4
Magdamagan silang nagvi-vigil para ipagdasa na bumaba na sa puwesto si
( A. Fabian Ver B. Imelda Marcos C. Ferdinand Marcos)
5
kaya naman naiyak sila sa tuwa nang narinig nila sa radyong umalis na
mula sa ( A. Malacañang B. Batasan C.Liwasang Bonifacio)
6
ang mga Marcos bandang alas- ( A.7 B..8 C.9) ng gabi papuntang
7
(A.Guam B. Saipan C. Hong Kong).
8
Tuwang-tuwa si Nanay nang nakamayan ang dalawang mataas na opisyal ng militar
na sina ( A. Enrile at Ramos B. Ver at Honasan C. Ver at Enrile).
9 at 10
Sabi n’ya, “Alam mo anak, pakiramdam ko bayani rin ako!”
5
B. Piliin ang wastong salita/parirala upang mabuo ang pahayag ni Jigs. Isulat sa notbuk
ang titik ng tamang sagot.
Nasagutan mo na ba ang panimulang pagsusulit? Kung oo, maaari mo nang kunin sa iyong
titser ang susi ng Tamang Sagot.
Nalaman mo na ba ang iyong iskor? Kung oo, ano ang iyong pakiramdam?
Maari kang pumili ng isang mukha na angkop para sa nararamdaman mo ngayon at idrowing
ito sa iyong notbuk.
Lahat ng mukha ay tama ayon sa kung ano ang iyong pakiramdam. Tandaan mo na mahalaga
ang damdamin ng bawat tao at dapat itong igalang.
Maganda ang modyul na ito kasi marami kang malalaman tungkol sa EDSA (A. noong
B. habang C. kasi) nagkaroon ng PeoplePpower at PagerRevolution.. Matutuklasan mong nangyari ulit
1
ang people power sa EDSA ( A. pagkalipas B. nagkataon C. katulad) ng halos 15 taon. Ang mga Pilipino
2
ay nagsimulang magkaisa ( A. sapagkat B. dahil sa C. mangyari) pagkamatay ng matapang na lider ng
3
oposisyon na si Ninoy Aquino. Sunud-sunod ang mga demonstrasyon sa lansangan (A. kasi B. pagkaraan
C. hanggang sa ) dumating ang sandali na ( A. tila B. dapat C. totoong) nakonsensya na sina Enrile at
4 5
Ramos ( A. nang B. habang C. subalit) tumiwalag sila sa administrasyon ng diktador na si Marcos
6
( A. noong B. pagkaraan C. hanggang sa) ika-22 ng Pebrero 1986. Grabe, nakakabilib! (A.Dahil B. Dapat
7
C. Subalit) walang dumanak na dugo sa lansangan ng EDSA kahit nagpadala ng ( A. sandaling B. taong
8
C. panahong ) iyon si Marcos ng mga tangke sa labas ng Kampo Krame. Maraming Pilipino, mahirap
9
at mayaman, ang sama-samang nanalangin at nagbantay sa loob ng tatlong araw.
(A. Sa wakas B. Tunay C. Kamakalawa), dumating din ang hinihintay ng taong bayan, bumaba
10
sa pwesto si Marcos bilang pangulo ng Pilipinas bandang alas 9:00 ng gabi. Nagsaya ang buong bansa!
6
Sub-Aralin 1
Pagsasalaysay
Layunin:
Pagkatapos mong daanan ang kalyeng Balik-Tanaw, inaasahang magagawa mo ang mga
sumusunod:
1. natutukoy at nakabubuo ng mga salita/ pangungusap na nagpapakilala ng paraan
ng pagsasalaysay/ pagkukwento.
2. natutukoy at nakabubuo ng mga salita/pangungusap na nagpapakilala
ng pagkamakatotohanan ng ideya.
3. natutukoy ang mga salitang may higit sa isang kahulugan.
4. nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salita na nagwawakas ng ideya.
Alamin
Gawain 1: “Hulaan Mo Kung Sino?”
Magaling ka bang manghula? Dahil iyan ang unang gawain para makilala mo kung sino ang
mga personalidad sa EDSA noong 1986.
Tutulungan kita dahil mayroon akong inihandang MENU. Madali lang ang gagawin,
Piliin mo mula sa MENU ang pangalan ng mga taong nasa larawan.
Handa ka na ba? Sige, simulan mo na.
Isulat sa sariling notbuk ang iyong sagot.
1. ____________ 2. ___________
3. __________ 4. _________
5. ____________ 6. ___________
Naisulat mo ba lahat ang sagot sa iyong notbuk?
Tingnan natin kung tama ang mga hula mo.
Basahin ang mga pangalan ng kilalang personalidad ng People Power sa EDSA noong 1986.
Tandaan mo ang kanilang mukha.
MENU
Presidential Candidate
Corazon C. Aquino
Defense Minister
Juan Ponce Enrile
Deputy Chief of Staff
Fidel V. Ramos
Manila Archbishop
Jaime Cardinal Sin
Chief Security Officer
Gregorio Honasan
Incumbent President
Ferdinand E. Marcos
7
1. Fidel V. Ramos 4. Gregorio Honasan
2. Jaime Cardinal Sin 5. Juan Ponce Enrile
3. Corazon C. Aquino 6. Ferdinand E. Marcos
Tama ba lahat ang hula mo? Kung oo, magaling!
Kung sakaling hindi, makatutulong kung tatandaan mo nang husto ang kanilang pangalan at
mukha para kapag nakita mo uli ang kanilang litrato o nakita mo sila sa telebisyon, hindi ka na
manghuhula dahil kilalang-kilala mo na sila!
Linangin
Kilalanin pa natin nang husto ang mga personalidad sa EDSA noong 1986 sa pamamagitan ng
pagsulat ng angkop na salita at pagdidikit ng kanilang larawan.
Unahin natin ang pagsulat, subukin mong buuin ang mga sumusunod na impormasyon sa loob
ng kahon sa tulong ng mga salita/parirala na nagpapakita ng paraan ng pagsasalaysay. Madali lang
ito.
Nasa tabi mo ako, tingnan mo ang itinuturo ng aking daliri. Iyan ang mga salitang pagpipilian
mo para mabuo ang impormasyon.
Handa ka na ba?
Isulat sa notbuk ang iyong sagot.
• pagkaraan
• noon
• kauna-unahang
• pagkalipas
• pangyayari
• hanggang sa
8
Kumpleto na ba ang sagot mo sa bawat kahon simula bilang 1-6? May nais ka pa bang balikan
at baguhin? Kung mayroon, gawin mo muna bago ka magpatuloy.
Kung wala na, basahin mo nang tahimik ang impormasyon kasama ang angkop na salita na
pinili mo para sa kahon bilang 1-6.
Balikan ang iyong sagot sa notbuk, tingnan kung napili mo ang mga sumusunod na salita
para sa bawat bilang:
Tama ba lahat ang sagot mo? Kung oo, binabati kita!
Isa sa mga pinakamataas na
opisyal ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas na sumuporta kay Enrile
para mag-alsa laban kay Marcos
taong 1986. ____ ______naging
ika-12 pangulo ng Pilipinas
kasunod ni Aquino.
(2)
Makapangyarihang boses ng
simbahang Katoliko ng Pilipinas. Siya
ang humikayat sa mga tao na
pumanig at bantayan ang Katotoha-
nan sa pamamagitan ng pagpunta
__________sa lansangan ng EDSA.
(1)
Anak siya sa labas at lumaki sa hirap
kaya naging matapang na gerilya noong
World War II. Pagkatapos ay naging
sundalo______ ____________
naging mataas na opisyal ng militar.
Tumiwalag sa diktadurya ni
Marcos at nanguna sa People Power.
(3)
Siya ay nagtapos ng magna cum laude
sa U.P. at naglingkod bilang makabayan,
matapang at mahusay na pinuno ng
bansa. Subalit ___________ ng
maraming taon ay nalasing sa
kapangyarihan kaya
naging diktador siya ng bayan.
(5)
Batang-batang opisyal ng militar
bilang hepe ng seguridad ng
Ministro ng Depensa. Nagbunga
ng maraming medalya ang
ipinamalas niyang tapang sa_______
sa EDSA.
(4)
Kabiyak ng tanyag na lider ng oposis
yong si Ninoy Aquino. Pumasok sa
politika dala ng paniniwala niyang
dapat nang wakasan ang diktadurya.
Siya ang________________
babaeng pangulo ng Pilipinas.
(6)
1. noon
2. pagkaraan
3. hanggang sa
4. pangyayari
5. pagkalipas
6. kauna-unahang
9
Kung hindi, tanggapin mo ang hamon na muling sumubok sa susunod na pagkakataon at
matuto sa pagkakamali. Ang mga nakilala mong personalidad sa EDSA noong 1986 ay dumaan din
sa karanasan na minsan ‘tama’ at minsan ‘mali.’ Anuman ang resulta, ang mahalaga ay natuto ka
mula rito.
Dahil buo na ang ideya ng impormasyon ay madali mo nang matutukoy kung sino ang taong
inilalarawan sa loob ng kahon.
Kung mayroon kang makukuhang litrato sa magasin o sa dyaryo, maari mo itong gupitin at
idikit sa iyong notbuk at kopyahin mo mula sa modyul na ito ang tamang impormasyong nauukol sa
bawat larawan.
Kung sakaling wala kang makuhang litrato, mayroon tayong ibang plano/alternatibo. Ganito,
pagmasdan mong mabuti ang mga sumusunod na larawan. Piliin mo kung sino sa kanila ang
tinutukoy sa mga pahayag sa bawat kahon.
Fidel V. Ramos Gregorio Honasan
Jaime Cardinal Sin Juan Ponce Enrile
Corazon C. Aquino Ferdinand E. Marcos
Isulat ang kanilang pangalan sa iyong notbuk at kopyahin ang tamang impormasyon mula sa
modyul na ito.
Tapos ka na? Mayroon ka bang nais baguhin? Gawin mo muna bago magpatuloy.
Kung tapos ka na, tingnan ang mga larawan at pangalan ng personalidad sa loob ng kahon at
alamin kung tama ang mga sagot mo:
Jaime Cardinal Sin
Makapangyarihang boses ng
simbahang Katoliko ng Pilipinas. Siya
ang humikayat sa mga tao na pumanig
at bantayan ang katotohanan sa
pamamagitan ng pagpunta
__noon__ sa lansangan ng EDSA.
(1)
Fidel V. Ramos
Isa sa mga pinakamataas na
opisyal ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas na sumuporta kay Enrile
para mag-alsa laban kay Marcos
taong 1986. Pagkaraan___ ,
naging ika-12 pangulo ng Pilipinas
kasunod ni Aquino.
(2)
10
Tama ba lahat ang sagot mo?
Kung oo, mabilis kang kumilala ng tao, binabati kita!
Kung hindi, mahalagang pagkakataon ito para tandaan mo silang mabuti.
Balikan ang isinulat sa sariling notbuk, kumpleto ba ang mga nakopya mong impormasyon
tungkol sa mga personalidad sa EDSA mula sa modyul na ito?
Narito ang mga palatandaan na kumpleto ang iyong naitala:
✍ nakakahon ang mga isinulat na impormasyon
✍ nakalagay ang bilang 1, 2, 3, 4, 5, 6 sa loob ng kahon
✍ nakasalungguhit ang mga salitang nagpapakilala ng paraan ng pagsasalaysay
✍ nakasulat sa loob ng kahon ang pangalan ng mga personalidad
Ngayon, basahin nating muli ang mga impormasyon sa kahon.
Subukan natin kung naunawaan mo ang kahulugan ng mga salitang may bilog ayon sa gamit
nito sa teksto. Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang may bilog at isulat ito sa sagutang
papel.
Handa ka na bang mag-isip? Kung oo, mabuti! Kung hindi, naniniwala akong kaya mong
subukan.
Juan Ponce Enrile
Anak siya sa labas at lumaki sa hirap
kaya naging matapang na gerilya noong
World War II. Pagkatapos ay naging
sundalo _hanggang sa__ naging
mataas na opisyal ng militar. Tumiwalag
sa diktadurya ni Marcos at nanguna sa
people power.
(3)
Gregorio Honasan
Batang-batang opisyal ng militar
bilang hepe ng seguridad ng
Ministro ng Depensa. Nagbunga
ng maraming medalya ang
ipinamalas niyang tapang sa
pangyayari
sa EDSA.
(4)
Ferdinand E. Marcos
Siya ay nagtapos ng magna cum laude
sa U.P. at naglingkod bilang makabayan,
matapang at mahusay na pinuno ng
bansa. Subalit pagkalipas__ ng
maraming taon ay nalasing sa
kapangyarihan kaya naging diktador siya
ng bayan.
(5)
Corazon C. Aquino
Kabiyak ng tanyag na lider ng
oposisyong si Ninoy Aquino.
Pumasok sa politika dala ng
paniniwala niyang dapat nang
wakasan ang diktadurya. Siya
ang kauna-unahang_ babaeng
pangulo ng Pilipinas.
(6)
11
A. kalahati A. umangat
B. kapatid B. umalma
C. katuwang C. umayaw
A. hindi pinatira sa loob ng bahay A. malakas
B. hindi tinanggap bilang anak B. maimpluwensya
C. hindi kasal ang mga magulang C. maraming koneksyon
A. nahilo, nalito at nataranta
B. nawala sa matinong pag-iisip
C. naging masama at mapang-abuso
Tingnan mo kung tugma ang iyong mga sagot:
Kahon 6, katuwang Kahon 2, umalma
Kahon 3, hindi kasal ang mga magulang Kahon 1, maimpluwensya
Corazon C. Aquino
ng tanyag na lider ng oposisyong si
Ninoy Aquino. Pumasok sa politika dala ng paniniwala
niyang dapat nang wakasan ang diktadurya. Siya ang
kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas.
(6)
Kabiyak
Fidel V. Ramos
Isa sa mga pinakamataas na opisyal ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas na sumuporta kay Enrile
para laban kay Marcos noong 1986.
Pagkaraan, naging ika-12
pangulo ng Pilipinas kasunod ni Aquino.
(2)
mag-alsa
Juan Ponce Enrile
at lumaki sa hirap kaya
naging matapang na gerilya noong World War II.
Pagkatapos ay naging sundalo hanggang sa naging
mataas na opisyal ng militar. Tumiwalag sa diktadurya ni
Marcos at nanguna sa people power.
(3)
Anak siya sa labas
Jaime Cardinal Sin
ng simbahang
Katoliko ng Pilipinas. Siya ang humikayat sa mga tao na
pumanig at bantayan ang katotohanan sa pamamagitan ng
pagpunta noon sa lansangan ng EDSA.
(1)
Makapangyarihang boses
Ferdinand E. Marcos
Siya ay nagtapos ng magna cum laude sa U.P. at naglingkod bilang
makabayan, matapang at mahusay na pinuno ng bansa. Subalit pagkalipas ng
maraming taon ay
kaya naging
diktador siya ng bayan.
(5)
nalasing sa kapangyarihan
12
Kahon 5, naging masama at mapang-abuso
Tama ba lahat ang sagot mo?
Kung oo, ang husay mong mag-isip!
Kung hindi, maaari mong balikan ang mga teksto at suriin ang gamit ng mga salitang may
bilog. Mayroon kang natutunan na mga bagong termino kaya may dahilan ka para magsaya! Bagay
sa iyo ang nakangiti ☺!
Ipagpatuloy natin ang pamamasyal. Gamitin mo ang mga bus sa EDSA para mabalikan ang
nakaraan.
Basahin at ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkasunud-sunod. Isipin mo
ang tamang plate no. para sa bus A, B, C at D. Isulat sa notbuk ang iyong sagot.
A
Taong 1983 nang umuwi sa Pilipinas si Benigno “Ninoy” Aquino subalit bala ng kamatayan
ang sumalubong sa kanya. Marami ang umiyak, naglamay at nakilibing. Umabot ng 11 oras
ang martsa ng mga tao para ihatid lamang ang bangkay ni Ninoy sa sementeryo at sa dami
ng tao ay nagmukha itong biglaang demonstrasyon laban kay Marcos.Pagkatapos, nagka-
isa ang maraming Pilipino sa mga sumunod pang protesta.
B
Sa pangunguna ni Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos ay tumiwalag ang maliit na tropa
ng militar sa ilalim ng administrasyon ni Marcos noong ika-22 ng Pebrero 1986. Katulad ng
inaasahan, nanawagan ang Radio Veritas sa taong bayan. Pagkatapos, dumating ang mga
tao para suportahan ang maliit na barikada nina Enrile sa kampo ng mga sundalo na
matatagpuan sa mahabang lansangan ng EDSA.
C
Magkahiwalay na nagdaos ng inagurasyon sina Aquino at Marcos noong ika-25 ng Pebrero
1986. Gayon pa man, bandang alas 9:00 ng gabi, palihim nang umalis ang pamilya Marcos
mula sa Malacañang patungong Guam sakay ng helikopter. Sa wakas, nagwagi ang people
power ng mga Pilipino laban sa makapangyarihang diktador.
D
Tinangkilik ng simbahang Katoliko ang pagtiwalag nina Enrile sa diktadurya ni Marcos kaya mabilis
na nanawagan si Cardinal Sin sa lahat ng mamamayang Pilipino. Ang lansangan ng EDSA ay napuno
ng tao simula ika-23 ng Pebrero 1986. Nanalangin, nagkwentuhan, nagkantahan,nakinig ng balita,
nagkapit-kamay sa pagpigil ng mga tangke. Yakapan, kamayan at iyakan. Sa bandang huli, walang
dumanak na dugo dahil hindi naging marahas ang pagtatagpo ng militar at taong bayan sa EDSA.
EDSA- 001
EDSA- 002
EDSA- 003
EDSA- 004
13
Naisip mo na ba ang tamang plate no. sa bawat bus? Gusto mo na bang malaman ang tamang
sagot?
Kung oo, narito ang plate no. para sa:
Bus A: Bus C:
Bus B: Bus D:
Napansin mo ba ang mga sumusunod na petsa bilang palatandaan sa pagkasunud-sunod ng
mga pangyayari?
Bus A: taong 1983 Bus C: ika-23 ng Pebrero 1986
Bus B: ika-22 ng Pebrero 1986 Bus D: ika-25 ng Pebrero 1986
Mabuti kung binigyan mo ng halaga ang mga petsang nabanggit dahil tumutulong ito sa
pagtiyak na makatotohanan ang impormasyong binabasa mo.
Kung sakaling hindi mo napansin ang detalyeng ito, makatutulong kung agad mo itong
hahanapin kapag nagbabasa ka ng mga pangyayari tungkol sa kasaysayan o sa iba pang kaugnay na
babasahin.
Mayroong mga palatandaan na maaring makatulong sa iyo upang matukoy kung
makatotohanan ang impormasyon o ideyang binabasa mo, ito ay ang mga sumusunod:
✍ Numero -halimbawa nito ay petsa, oras, bilang, timbang, atbp.
✍ Lugar/Lokasyon - halimbawa nito ay EDSA, Malacañang, Cotabato, Iloilo
mga eksaktong impormasyong nagbibigay-gabay
✍ Kredibilidad -halimbawa nito ay si Cardinal Sin, Corazon Aquino, Jessica Soho
dahil ang kanilang katapatan na ihayag ang katotohanan ay subok
na at mapagkakatiwalaan
Handa ka na para balikan ang mga bus sa EDSA dahil alam mo na ang mga salitang
nagpapakilala ng makatotohanang ideya.
Basahin mo uli ang mga impormasyon sa bus. Hanapin
ang mga salita sa loob nito na nagpapakita
ng aktwal at makatotohanang impormasyon.
Magdrowing sa sariling notbuk ng traffic cone at isulat sa ibabaw nito ang sagot mo:
halimbawa
11 oras
na martsa
EDSA- 001
EDSA- 002
EDSA- 004
EDSA- 003
14
Handa ka na ba? Kung oo, simulan mo nang hanapin ang 10 makatotohanang impormasyon
sa:
Bus A: 1 2
Bus B:
3 4 5
Bus C :
6 7 8
Bus D:
9 10
Kumpleto na ba ang 10 traffic cone sa notbuk mo? Kung oo, maari mo nang tingnan kung
tama ang mga impormasyong nakasulat sa ibabaw nito:
Bus A: taong 1983 nang hinatid ng maraming
bumalik si Ninoy Pilipino ang bangkay
sa Pilipinas ni Ninoy sa sementeryo
Bus B: ika-22 ng Pebrero nanawagan kampo ng mga
1986 nang tumiwa- ang Radio sundalong ma-
lag sina Enrile Veritas tatagpuan sa
at Ramos EDSA
Bus C: alas 9:00 ng gabi ika-25 ng Pebrero Mula sa Malacañang
nang palihim na 1986 nang nagdaos nagtungo sa Guam
umalis ang mga ng magkahiwalay si Marcos kasama
Marcos na inagurasyon sina ang kanyang pamilya
Aquino at Marcos
15
Bus D: nanawagan simula ika-23 ng Pebrero
si Cardinal Sin 1986 napuno ng tao ang
sa mamamayang lansangan ng EDSA
Pilipino
Tama ba lahat ang sagot mo?
Kung oo, binabati kita! Magpatuloy.
Kung hindi, maari mong tulungan ang iyong sarili. Basahin mo ulit ang mga palatandaan ng
makatotohanang impormasyon sa p.14. Inaasahang lagi mo itong tatandaan.
Patuloy mong sabayan sa biyahe ang mga Bus sa EDSA.
Pagmasdan nang mabuti ang mga salita sa loob nito.
Paano tinapos ang bawat talata? Kopyahin mula sa bus A, B, C at D ang buong pangungusap
na nagwawakas ng ideya sa talata.
Isulat sa notbuk ang iyong sagot.
A B
C D
Taong 1983 nang umuwi sa Pilipinas si Benigno “Ninoy”
Aquino subalit bala ng kamatayan ang sumalubong sa
kanya. Marami ang umiyak, naglamay at nakilibing. Umabot
ng 11 oras ang martsa ng mga tao para ihatid lamang ang
bangkay ni Ninoy sa sementeryo at sa dami ng tao ay
nagmukha itong biglaang demonstrasyon laban kay
Marcos.Pagkatapos, nagkaisa ang maraming Pilipino sa
mga sumunod pang protesta.
Sa pangunguna ni Juan Ponce Enrile at Fidel V.
Ramos ay tumiwalag ang maliit na tropa ng militar sa
ilalim ng administrasyon ni Marcos noong ika-22 ng
Pebrero 1986. Katulad ng inaasahan, nanawagan ang
Radio Veritas sa taong bayan. Pagkatapos, dumating
ang mga tao para suportahan ang maliit na barikada
nina Enrile sa kampo ng mga sundalo na matatagpuan
sa mahabang lansangan ng EDSA.
Magkahiwalay na nagdaos ng inagurasyon sina
Aquino at Marcos noong ika-25 ng Pebrero 1986.
Gayon pa man, bandang alas 9:00 ng gabi, palihim
nang umalis ang pamilya Marcos mula sa Malacañang
patungong Guam sakay ng helikopter. Sa wakas,
nagwagi ang people power ng mga Pilipino laban sa
makapangyarihang diktador.
Tinangkilik ng simbahang Katoliko ang pagtiwalag nina
Enrile sa diktadurya ni Marcos kaya mabilis na nanawagan
si Cardinal Sin sa lahat ng mamamayang Pilipino. Ang
lansangan ng EDSA ay napuno ng tao simula ika-23 ng
Pebrero 1986. Nanalangin, nagkwentuhan, nagkantahan,
nakinig ng balita, nagkapit-kamay sa pagpigil ng mga
tangke. Yakapan, kamayan at iyakan. Sa bandang huli,
walang dumanak na dugo dahil hindi naging marahas ang
pagtatagpo ng militar at taong bayan sa EDSA.
16
Tapos mo na bang kopyahin ang mga tamang pangungusap?
Kung oo, tingnan ang mga sumusunod kung nakopya mo sa iyong notbuk:
A B
C D
Anong mga salita ang nagwawakas ng ideya? Tama ka!
Ito ang mga palatandaan na nagwawakas ng ideya:
Gamitin
Masaya ka ba sa natutunan mo sa nakaraang mga gawain? Mabuti kung ganoon.
Tingnan natin kung paano mo gagamitin ang mga salitang nagpapakilala ng pagsasalaysay,
makatotohanang impormasyon at nagwawakas ng ideya.
Gawain 1:
Sumali ka sa Dugtungang-Kwento. Tulungan mo sina Rem at Jeni na mabuo ang kanilang
usapan.
Isulat sa notbuk ang iyong sagot. Handa ka na? Simulan mo na.
- pagkatapos
- sa wakas
- sa bandang huli
Pagkatapos, nagkaisa ang maraming
Pilipino sa mga sumunod pang protesta.
Pagkatapos, dumating ang mga tao para
suportahan ang maliit na barikada nina
Enrile sa kampo ng mga sundalo
na matatagpuan sa mahabang
lansangan ng EDSA.
Sa wakas, nagwagi ang people power ng
mga Pilipino laban sa makapangyarihang
diktador.
Sa bandang huli, walang dumanak na dugo
dahil hindi naging marahas ang pagtatagpo
ng militar at taong bayan sa EDSA.
17
1 2
3
4
5 6
7 8
Paano?
Jeni, alam mo ba,
namasyal ako sa EDSA
noong 1986?
Mabuti ka pa,Tinulungan ako
ng modyul.
Gustung-gusto!
Tingnan mo, handa
na akong makinig!
Gusto mo
kwentuhan kita?
Ano iyon?
(1) 1986, bago magsimula
ang people power sa EDSA,
mayroong mahalagang nangyari.
Bakit mo nasabi ‘yan?
Namatay si Ninoy Aquino nang
bumalik siya sa Pilipinas noong
(2) . Matapang siyang lider
ng oposisyon noong panahon ni
Marcos. Alam mo, masyadong
dinamdam ng mga nanay at tatay
Grabe ang tagal!
Teka, alam kong ang
tawag doon ay people
power.
(4) ng pangyayaring ito,
nagkaisa ang mga Pilipino sa
mga sumunod pang protesta.
Katulad ng nangyari sa EDSA
Kailan iyon?
Galing mo! Tama ka. Nagsimula kasi iyon
nang tumiwalag sina Enrile at Ramos kay
Marcos (5) nanawagan si Cardinal
Sin sa mga tao na pumunta sa EDSA para
sumuporta.
Kasi ang daming Pilipinong
nakipaglibing kay Ninoy.
Isipin mo, umabot ng (3)__
oras ang martsa ng mga tao
papuntang sementeryo.
18
9 10
11
WAKAS
Tapos ka na ba sa pagbuo ng usapan nina Rem at Jeni?
Kung oo, ito rin ba ang mga sagot mo?
1. Noong 6. 22 Pebrero 1986
2. 1983 7. Pagkalipas
3. 11z 8. Sa wakas
4. Pagkaraan 9. Malacañang
5. hanggang sa 10. kauna-unahang
Kumusta? Tama ba ang lahat ng sagot mo? Kung hindi, balikan mo ang mga teksto sa
Linangin.
Anong
nangyari?
Nagsimula ang pag-aalsa noong ika-
_____ (6). Dumating ang
maraming Pilipino, mahirap at
mayaman. Sama-samang nanalangin at
nagkapit-kamay para pigilan ang mga
tangke. (7) ng 3 araw,
dininig ng Diyos ang sama-samang
panalangin ng mga nanay, tatay, lola at
lolo natin.
Bakit?
(8) , bumaba rin sa sa
pwesto si Marcos at tuluyan nanang
umalis mula sa (9).
Napatunayan ng mga Pilipinong
hindi kailangang dumanak ang
dugo para sa isang rebolusyon.
Tunay ngang bayani
ang bawat Pilipino.
Nakakabilib!
Kasi iyon ang (10)
people power ng mga Pilipino.
Ibig sabihin, makapangyarihan
ang pagkakaisa ng bayan para
magkaroon ng mapayapang
paraan ng pagbabago.
19
Lagumin
Ang Pagbabalik-Tanaw sa kasaysayan ng EDSA ay napakainam gawin para matuklasan kung
nasaan nga ba ang iyong sarili, mga mahal sa buhay at kilalang mga personalidad nang maganap ang
people power sa Pilipinas.
Nagamit natin ang kwento ng EDSA para matamo ang mahahalagang kasanayan tulad ng
pagsasalaysay.
Tandaan mo
Makatutulong sa iyong pagsasalaysay ang mga:
1. Pang-abay na pamanahon
halimbawa: noon, kahapon, kanina, nakaraang taon
2. Pangatnig na panapos
halimbawa: sa wakas, pagkatapos, sa bandang huli
3. Palatandaan ng mga aktwal/makatotohanang impormasyon
mga numero : 11 oras, 100 militar, 25 Pebrero 1986
lugar/lokasyon : Edsa, Maynila, Malacañang
kredibilidad : Corazon Aquino, Cardinal Sin
Subukin
Direksyon: Bumuo ng kwento tungkol sa naganap na pangyayari sa EDSA para sa iyong kapatid/
kaibigan. Magdrowing ng speech balloon sa sariling notbuk at doon mo isulat ang iyong kwento.
20
Tapos na ba ang kwento mo tungkol sa EDSA noong 1986?
Tingnan kung nagawa mo ang mga sumusunod:
nakabuo ako ng mga pangungusap na nagpakilala ng paraan ng pagsasalaysay
o pagkukwento
nakabuo ako ng mga pangungusap na nagpakilala ng makatotohanang ideya
nagamit ko ang mga salitang may higit sa isang kahulugan
nagamit ko ang mga salitang nagwawakas ng ideya
naisulat ko ng tamang pangalan at kaukulang impormasyon ng mga persona-
lidad sa EDSA noong 1986
Kung oo, napakahusay mo! Saludo ako!
Kung hindi, may pag-asa ka pang magsanay na bumuo ng kwento. Subukan mo ulit.
Paunlarin
Mayroon ka bang kwento tungkol sa pakikipaglaban ng mga Pilipino para matamo ang
kalayaan?
Isulat mo sa iyong notebook ang isa. Tiyaking nagsasalaysay ang iyong sulatin.
Kung tapos ka na, ipakita mo sa iyong guro ang iyong ginawa. Sasabihin niya kung tama ang
iyong pagkakasulat.
Sub-Aralin 2:
Pagpapahayag ng mga Opinyon/ Pananaw
Ipagpatuloy mo ang pamamasyal sa mahabang lansangan ng EDSA.
Narito ka ngayon sa pangalawang kalye. Sa lugar na ito ay parang kasama o kalahok ka dahil
pakiramdam mo ay isa ka rin sa mga taong nasa lansangan na maraming nakikita o nararanasan.
Tawagin mo ang kalyeng ito ng Lahok-Masid.
Pagkatapos ng bahaging ito ng modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. nakapagpapahayag ng positiv na pananaw sa mga bagay-bagay
2. nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salita/ pangungusap na naglilipat ng isang
ideya sa bagong ideya
21
3. natutukoy at nakabubuo ng mga salita/ pangungusap na nagpapakilala ng opinyon lamang
4. nasasabi ang kahulugan ng mga idyom.
Alamin
Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Pansinin ang maraming Pilipino na lumahok sa EDSA
DOS noong Enero 2001.
Ang daming tao, halika tingnan mo.
© Joei B. Alvarez. 2001. Larawang kasama ng arti kulo ni Alvarez sa ITCorkboard Newsletter. Pebrero 19. Tomo 2 Blg. 3.
http://www.psi.dlsu.edu.ph/…VOL2/NO3/viewpoint.html
Alam mo ba kung ano ang pager revolution?
Ito ang bansag sa ikalawang pagkakataong nagkaisa ang mga Pilipino sa EDSA upang palitan
ang masama o tiwaling pamahalaan. Naging mabilis ang pagdami ng tao dahil gumamit sila ng
cellphone. Isa itong instrumento na naghahatid ng mensahe o pager sa paraang texting.
Halika, ituloy natin ang pag-uusyoso.
Linangin
Pagmasdang mabuti ang mga Pilipino sa lansangan.
22
Ipahayag ang iyong positiv na pananaw sa mga bagay-bagay na nakita mo sa litrato habang
hawak nila ang mga streamer at plakard. Anong magandang katangian ng mga Pilipino ang
naobserbahan mo sa larawan 1, 2, at 3?
Kunin ang iyong notbuk at magdrowing ng speech balloon. Isulat doon ang iyong sagot.
Larawan 1
© Mandy Navasero. 1983. Larawang kuha sa lansangan ng Maynila.
Disyembre23 at 30. EDSA: Mr. & Ms.
Larawan 2:
© Mandy Navasero.1983. Larawang kuha sa
lansangan ng Maynila. Disyembre23 at 30. EDSA: Mr. & Ms.
Larawan 3:
23
© Phillip Bontuyan. 1984. Larawang kuha sa
lansangan ng San Pedro. Pebrero 10. EDSA: Mr. & Ms.
Tapos ka na ba sa tatlong (3) larawan?
Kung oo, basahin ang iyong isinulat sa speech balloon.
Tingnan kung malapit ang iyong isinulat sa mga sumusunod:
Larawan 1: Nakatutuwang pagmasdan na masigla ang mga kabataang Pilipino
habang nasa demonstrasyon.
Nagbibigay inspirasyon ang mensaheng nakasulat sa hawak nilang
streamer tungkol sa pananampalataya at katarungan sa Pilipinas
Larawan 2: Nakapagpapasaya ng kalooban na sabay-sabay kumakain ang lahat
ng meriendang tinapay at tetra pack juice habang nagpapahinga
sa gitna ng rali.
Nagbibigay pag-asa sa musmos na pangarap ng mga bata ang men-
saheng nakasulat sa hawak nilang plakards na palayain ang kani-
kanilang tatay bilang mga bilanggong politikal.
Larawan 3: Nakagagaan ng pakiramdam na matanaw ang abot-tengang ngiti
ng mga Pilipino kahit pagod at pawisan sa gitna ng rali.
Nakapagpapalakas ng loob na may kasamang kaibigan habang
hawak ang plakard na tumutuligsa sa pinunong diktador.
Revyuhin mo ang iyong mga isinulat. Nakapagpapahayag ka ba ng ilang pananaw tungkol sa
mga bagay-bagay?
Nagamit mo ba ang mga sumusunod na ekspresyon o kahawig nito sa pagpapahayag ng iyong
positiv na pananaw sa mga bagay-bagay?
Kung oo, napakainam!
Pagkilala sa mga Modal
- nakatutuwang pagmasdan - nagbibigay pag-asa
- nagbibigay inspirasyon - nakagagaan ng pakiramdam
- nakapagpapasaya ng kalooban - nakapagpapalakas ng loob
24
Alam mo ba na marami tayong salita na maaring gamitin para maghatid ng mensahe sa paraang
maayos at malinaw?
Oo, marami. Ilan sa mga ito ay ang modal. Nagagamit ang mga salitang ito sa paglilipat ng
ideya sa bagong ideya. Katulad ng mga sumusunod:
Subukan mong gamitin ang mga nabanggit na modal sa mga mensaheng nakasulat sa mga
streamer at plakard na nakita mo sa mga litrato.
Handa ka na? Isulat sa sariling notbuk ang iyong sagot.
Tapos ka na? Kung oo, pansinin ang paglakas o paghina ng mensaheng nais iparating kapag
ginamit ang iba’t ibang anyo ng modal:
Streamer ng mga bata (nasa Larawan 1)
Samahan Tungo sa Pananampalataya at Katarungan
Ang Tao, Ang Bayan ay Dapat Manindigan
Kung sang-ayon, ipalit sa may salungguhit:
- dapat - maaring
- ibig - pwedeng
- nais
Kung tutol:
- ayaw - hindi dapat
Plakard ng mga bata (nasa Larawan 2)
Palayain ang Aking Tatay
Kung sang-ayon, idagdag sa unahan:
- dapat - maaring
- ibig - pwedeng
- nais
Kung tutol:
- ayaw - hindi dapat
Plakard ng mga tinedyer (nasa larawan 3)
- nais - dapat - ayaw - hindi - ibig - maari - pwede
25
Ibagsak ang Diktador
Kung sang-ayon, idagdag sa unahan:
- dapat - maaring
- ibig - pwedeng
- nais
Kung tutol:
- ayaw - hindi dapat
Sa nakasulat na mga mensahe sa streamer at plakard ay naililipat ng modal ang ideya sa
paraang:
Ang paggamit ng modal ay kailangang angkop sa sitwasyon ng pag-uusap. Isipin muna kung
sino ang kaharap mo, ano ang pakay sa kanya, paano at saan kayo mag-uusap. Bago ka mamili kung
anong paraan ng paghahatid ng mensahe ang nais mong gamitin: napakalakas, malakas, katamtaman.
Bukod sa modal, mayroon pang ibang salita na makatutulong sa iyo upang higit na maging
epektibo ang paghahatid ng mensahe lalo na kung ito ay may kinalaman sa pagpapahayag ng sarili
mong opinyon.
Maaring gamitin ang mga sumusunod na salita:
napakalakas - dapat / hindi dapat
malakas - nais, ibig / ayaw
katamtaman - maari, pwede / hindi maari, hindi pwede
Tatlong Pang-abay
1. Ang Panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon o pagkiling.
halimbawa:
- oo - tunay
- opo - sadya
- talaga
2. Ang Pananggi ay nagsasaad ng pagtutol o pangtanggi.
halimbawa:
- hindi - ayoko
3. Ang Pang-agam ay nagsasaad ng pag-aalinlangan o di-tiyak.
halimbawa:
- marahil - baka - tila
26
Tingnan mo ulit ang streamer at plakard.
Sa aling mga nakasulat na mensahe sang-ayon ka, hindi ka sang-ayon o mayroon kang pag-
aalinlangan? Ipahayag ang sariling opinyon.
Isulat sa notbuk ang iyong sagot.
Larawan 1
Larawan 2 Larawan 3
27
Tapos ka na? Mayroon ka bang nais balikan at baguhin? Kung sakaling mayroon,
gawin muna bago magpatuloy.
Handa ka na? Tingnan kung nagamit mo ang mga sumusunod na salitang may
salungguhit sa pagpapapahayag ng sariling opinyon:
Larawan 1: Talagang dapat manindigan ang sambayanan para sa kawalan
ng katarungan sa lipunan. Ang pananalangin at mapayapang
rali ay sadyang kailangan para buhay at may kahulugan ang
pananampalataya sa Diyos.
Larawan 2: Opo, kailangang palayain na ang mga tatay ng bata dahil sa
buong mundo ay mayroong ibinibigay na amnestiya para sa
mga bilanggong politikal. Ibig sabihin, pinapatawad ng pa-
mahalaan ang mga aktibista at rebelde sa ilalim ng isang ka-
sunduang pangkapayapaan. Sa ganoon, muling mabuo ang
mga pamilyang nagkahiwa-hiwalay.
Larawan 3: Marahil mayroong mabigat na dahilan kung bakit nais palitan
ng taong bayan ang pinuno ng pamahalaan subalit tila hindi
makatwiran ang paggamit sa plakard ng salitang ibagsak
sapagkat may dala itong mensaheng mayroong masasaktan
sa paraang pisikal. Katulad halimbawa, ibagsak ang bomba!
Kung nagamit mo ang mga salitang may salungguhit sa itaas, tama ka.
Kung hindi, maari mong balikan ang listahan ng mga pang-abay sa p.24 at tingnan kung
nagamit mo ang iba pang nasa listahan.
Nagawa mo ba? Binabati kita!
Kung hindi, kaunting tiyaga pa at makakaya mo rin. Katulad ngayon, subukan mong gamitin
ang mga pang-abay sa pagpapahayag ng sariling opinyon sa mga sumusunod:
“Bawat problema ay nasosolusyonan!”
“Sa pagkakamali ay maraming matututuhan.”
“Ang pagsisinungaling ay laging kasalanan.”
Isulat ang sagot sa iyong notbuk.
Tapos ka na?
Nagamit mo ba ang mga pang-abay? Mabuti, binabati kita!
Tunay na mahabang lansangan ang EDSA kaya naman maraming Pilipino ang nag-iwan ng
yapak dito noong Pebrero 1986 at Enero 2001.
28
Nais mo bang mag-iwan din ng bakas sa EDSA? Gawin ang bawat hakbang para makasama
sa Alay-Lakad habang binabasa ang mga pahayag. Magsimula sa pinakababa.
“Nagawa ko, Yipee!”
Ang mga taong may kaya sa buhay ay lalong
pagpapalain ng Maykapal kung marunong
5 dumamay at magmalasakit sa mahihirap
Maraming Pilipino ang nagdidildil ng asin na dapat
pagtuunan ng pansin ng pamahalaang Arroyo.
4
Sa gitna ng kapangyarihan at kayamanan ni Erap
ay wala siyang nagawa sa biro ng tadhana
nang makasuhan siya sa bintang na korapsyon
3 at walang pahintulot na makapagpyansa.
Suko hanggang langit ang naramdamang galit
ng mga Pilipino kay Marcos kaya lumaganap
noong dekada ’80 ang sigaw ng bayan…
2 “Tama na. Sobra na. Palitan na!”
Dahil sa paninindigan ni Ninoy Aquino
ay hindi siya natalian sa ilong ng dating
1 pangulong Ferdinand Marcos.
Natandaan mo ba ang mga salitang bold ang pagkasulat?
Ito ang mga halimbawa ng idyom:
29
natalian sa ilong
suko hanggang langit
biro ng tadhana
nagdidildil ng asin
may kaya sa buhay
Ano ang idyoma?
Narito ang kahulugan ng limang idyoma na nasalubong mo sa Alay-Lakad :
may tali sa ilong - nasa ilalim ng kapangyarihan, kontrolado
suko hanggang langit - matindi, sobra, sukdulan, labis
biro ng tadhana - pagsubok ng Diyos, matinding problema
nagdidildil ng asin - naghihirap, naghihikahos, nagigipit sa buhay
may kaya sa buhay - mayaman, mariwasa, maginhawa sa buhay
Dagdagan pa natin ng sampung idyoma:
itaga sa bato - isaisip/ tandaan habambuhay
makunat - mahirap hingan, kuripot
panakip-butas - pamalit, pansalo sa nabakanteng kalalagyan
may krus sa dibdib - mapagpatawad, mapagpaumanhin
pabalat-bunga - kunwari lamang, hindi totoo, balatkayo
maagaw ang korona - makuha ang karangalan sa dating kampeon
nahuli sa sariling bibig - nasabi ng sariling bibig ang katotohanan
patabaing baboy - ayaw magtrabaho, tamad
wala sa kalingkingan - malayung-malayo sa pinagpaparisan
hipong tulog - umaasa lamang sa kapalaran
Ngayong alam mo na ang ilang halimbawa ng idyom ay subukan natin kung nauunawaan mo
ang kahulugan ng mga ito.
Kumpletohin ang iniisip ni Deloy. Pumili sa ibaba ng tamang
Idyoma para sa patlang. Isulat sa notbuk ang iyong sagot.
Ang IDYOMA ay mga pahayag na taglay ang natatanging
kahulugan na naiiba sa pariralang pinag-uusapan at hindi pagsasama-
sama ng kahulugan ng mga salitang bumubuo sa mga ito.
Kahit na ______________(1) ang
kahirapan ng isang tao ay mahalaga
na mayroon pa rin siyang prinsipyo
sa buhay at hindi maaring
(2) ng sinuman, kahit na ang mga
(3). Dahil mayroong dignidad sa
gitna ng (4)
kung patuloy na nagsisikap at
nagtityaga. Sa kabila ng pagharap
sa (5) ay patuloy na
umasa at magtiwala para sa
magandang bukas.
30
Napili mo ba ang mga sumusunod na idyoma?
talian sa ilong biro ng tadhana
pagdidildil ng asin suko hanggang langit
may kaya sa buhay
Tama ka!
Gamitin
Masaya ka ba sa natutunan mo sa nakaraang mga gawain? Mabuti kung ganoon.
Tingnan natin kung paano mo gagamitin ang mga salitang makatutulong sa pagpapahayag ng
positiv na pananaw, paglilipat ng isang ideya sa bagong ideya (modal) at paglalahad ng opinyon.
Gawain 1:
Pagmasdang mabuti ang litrato. Kung handa ka na, ilahad ang personal na obserbasyon at
sariling opinyon tungkol dito.
Isulat sa notbuk ang iyong sagot.
31
© http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Noel's%20Images/edsa1.jpg
Tapos ka na?
Nagamit mo ba ang karamihan sa mga sumusunod na salita? Kung oo, binabati kita!
Lagumin
Lagumin natin ang ating natutuhan sa sub-aralin ito;
Tandaan mo
Makatutulong sa paglalahad mo ng paninindigan ang:
1. Mga salitang nagpapahayag ng positiv na pananaw
halimbawa: nakabubuti, nagbibigay pag-asa, nakatutulong
2. Mga Modal
halimbawa: dapat, nais, gusto, maari,pwede, ayaw, hindi
3. Mga Pang-abay
Panang-ayon : oo., opo, tunay, sadya, talaga
Pananggi : hindi, ayoko
Pang-agam : marahil, tila, baka
- nakatutuwang pagmasdan
- nagbibigay inspirasyon
- nakapagpapasaya ng kalooban
- nagbibigay pag-asa
- nakagagaan ng pakiramdam
- nakapagpapalakas ng loob
- nais
- ayaw
- ibig
- dapat
- hindi
- maari
- pwede
- oo
- opo
- tunay
- sadya
- talaga
- hindi
- ayoko
- marahil
- baka
- tila
32
Subukin
Direksyon: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng teksto. Pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong na kasunod:
EDSA DOS
ni: Alona Jumaquio-Ardales
Halos 15 taon ang pagitan ng EDSA DOS noong Enero 2001 sa people power ng EDSA noong
Pebrero 1986. Muling nagtagpo sa Epifanio de los Santos Aveñue o EDSA ang mga Pilipino.
Para sa maraming may cellphone, tinawag na pager revolution ( for good reason) ang EDSA
DOS dahil sa mabilis na pagkalat ng humigit kumulang na 10 milyong text messages kaya ang
resulta ay nagrali ang halos isang milyong Pilipino sa EDSA Shrine upang isigaw ang “ERAP
RESIGN!”
Dahil sama-samang kumilos ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan, gayundin ang mga
propesyunal, doktor, kaguruan, abogado, ngunit, tila hindi kasama ang mga pinakapobreng
Pilipino na naniniwala pa rin sa 63-taong si Joseph Estrada, ay naluklok sa
pagkapangulo ang 53-taong si Gloria Macapagal-Arroyo na dating bise-presidente ng bansa.
Bunga ito ng deklarasyon ng korte suprema, sa pangunguna ng Kataas-taasang Hukom Hilario
Davide, na sundin ang pasya ng taong bayan na magbitiw si Joseph “ERAP”Estrada at
idineklara ng korte na bakante ang posisyon ng presidente kaya legal itong napunta sa
pangalawang pangulo.
Marahil suko hanggang langit ang pagkamuhi ni Gloria sa korapsyon at tiwaling
administrasyon ni Erap kaya naman nangako siya sa kanyang panunumpa bilang bagong
presidente, “we must change the character of our politics to create true reforms and restore
moral standards (dapat nating baguhin ang uri ng politika upang magkaroon ng pagbabago sa
gobyerno at maibalik ang mataas na antas ng moralidad).
Sa gitna nito, nanatiling tahimik si Erap at hindi siya nagbigay ng anumang personal na
pahayag sa publiko. Subalit pagkalipas ng 3 buwan, Mayo 2001, nagkaroon ng marahas na rali
tulad ng pambabato sa tao at gusali, paninira ng sasakyan ng media, pagibitiw ng masasamang
salita, labis na pagdumi sa EDSA Shrine at iba pa. Nagpakilala ang grupong ito bilang mga
33
tagasuporta ni Erap at sa kanilang palagay ay sila ang tunay na masang Pilipino at iyon ang
EDSA 3.
Bibliografi: http://www.time.com/time/asia/magazine/2001/0129/cover1.html
Pagkatapos mong basahin ang teksto tungkol sa EDSA DOS, sang-ayon ka ba
na tawagin itong pager revolution? Bakit?
Totoo kaya na hindi lumahok ang mga pinakapobreng Pilipino sa EDSA DOS?
Tunay kaya ang pagkamuhi si Gloria Arroyo sa korapsyon ni Erap Estrada?
Sadya bang nagkaroon ng EDSA 3?
Bumuo ng sariling paninindigan. Isulat sa notbuk ang iyong sagot.
Kumusta, tapos ka nang magsulat? Mayroon ka pa bang nais balikan at idagdag?
Gawin muna bago magpatuloy.
Kung handa ka na, tingnan kung nagawa mo ang mga sumusunod:
Nakapagpahayag ako ng positiv na pananaw sa mga bagay-bagay.
Nagamit ko nang wasto ang mga modal o salitang naglilipat ng isang ideya
sa bagong ideya.
Nakabuo ako ng mga pangungusap na nagpapakilala ng opinyon.
Nagamit ko ang mga idyom sa pangungusap.
Kung oo, napakahusay mo! Saludo ako!
Kung hindi, may pagkakataon ka pang magsanay para maging malinaw ang iyong
paninindigan. Subukan mo ulit.
Paunlarin
34
Ang pagbabahagi ng sariling opinyon ay mahalaga. Ganoon din naman ang pakikinig sa
opinyon ng iba.
Sikaping makahanap ng pagkakataon na maari mong marinig ang boses ng iyong kaibigan,
kapamilya, kababaryo/kabarangay o kababayan. Mula sa kanila ay mapakikinggan mo ang boses ng
masa tungkol sa kahit anong paksa o usapan, personal man o panlipunan.
Maaari mo itong makuha mula sa mga sumusunod na sitwasyon:
• Panonood ng telebisyon
• Pakikinig ng radyo
• Pagbabasa ng dyaryo
• Pakikinig sa diskusyon
Kopyahin sa notbuk ang listahan. Lagyan ng tsek ang nakuha mong impormasyon habang o
pagkatapos makinig.
“BOSES NG MASA”
Lagyan ng √ ang nakuhang impormasyon.
A. PAKSA NG USAPAN
__ tungkol sa isang tao/pamilya
__ tungkol sa isang grupo/pamayanan
__ tungkol sa buong Pilipinas
B. PARAAN NG PAGBABAHAGI NG OPINYON
__ taglay ang positiv na pananaw (mabuti, magalang)
__ di taglay ang positiv na pananaw (galit, nagmumura)
__ gumamit ng napakalakas na modal (dapat/ di dapat)
__ gumamit ng malakas na modal (nais, ibig/ayaw)
__ gumamit ng katamtamang modal (maari, pwede/di maari)
__ gumamit ng pang-abay na panang-ayon (opo, oo, tunay, sadya,talaga)
__ gumamit ng pang-abay na pananggi (hindi, ayoko)
__ gumamit ng pang-abay na pang-agam (marahil, baka, tila)
35
Makinig nang husto. Pagbutihin!
Sub-Aralin 3
Pagbibigay-Puna/ Reaksyon sa Mga Ideya
Layunin:
Napakaganda ng interes at tiyaga na ipinakita mo sa nakaraang mga gawain. Kaya tuwang-
tuwa ako at narito ka na sa huling bahagi ng modyul.
Tawagin mo ang bahaging ito na Sulyap-Bukas sapagkat nakatingin o nakatanaw sa
kinabukasan ang mga gawaing nakapaloob dito.
Matutuklasan mo rito na kahit bata ay mayroong mahalagang kontribusyon para sa bansa.
Isipin mong mabuti na mayroon kang munting kapangyarihan para baguhin ang Pilipinas tungo sa
mapayapa at masayang buhay.
Kaya pagkatapos ng bahaging ito ng modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. naiuugnay ang paksa/ kaisipang nakalahad sa teksto sa mga pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan
2. nabibigyang-puna ang mga ideya/ kaisipang nakapaloob sa teksto
3. naipapahayag ang mga panukala o proposisyon
4. nabibigyang-reaksyon ang mga panukala o proposisyon
Alamin
Isipin mo na may hawak kang ulap ngayon at espesyal ang pagkakataong ito para bumuo ng
pangarap. Kung ikaw ang magpapasya, ano ang tatlong pangarap na gusto mo para sa mga batang
Pilipino?
Bumuo ng Ulap ng Pangarap.
Isulat sa notbuk ang iyong sagot.
36
Kung tapos ka na, basahin nang tahimik ang isinulat sa notbuk.
Anong pakiramdam mo pagkatapos basahin ang nabuo mong pangarap?
masaya magaan inspirado puno ng pag-asa
Mabuti kung naramdaman mo alinman sa mga ito sapagkat positibong enerhiya ang ibinigay
sa iyo ng emosyong naranasan mo. Mahalaga na mayroong pangarap ang isang batang katulad mo di
ba?
Tungkol saan ang pangarap mo? Narito ang pangarap ng ilang taong tulad mo. Kahawig
nito ang isinulat mo?
May kasama kang nangangarap!
Sana lahat ng batang Pilipino ay may disenteng tirahan,
hindi nagugutom, ginagamot kapag may sakit
at may oras para maglaro.
Sana lahat ng batang Pilipino ay nakapag-aaral nang
maayos, ligtas at at payapang nabubuhay sa kanyang
tahanan at pamayanan.
Sana lahat ng batang Pilipino ay iginagalang, tinatanong
at pinapakinggan sa loob ng bahay gayundin sa telebisyon,
radyo, dyaryo at paaralan.
37
Linangin
Isa sa mga ekspresyon ng pangarap ay makikita sa paglikha ng kanta. Mahalaga ang ritmo at
mensahe ng awit sa buhay ng tao dahil pinagagaan nito ang pakiramdam ng indibidwal sa panahong
tila sinusubukan ng Diyos ang kakayahang magtiwala at umasa sa kanyang biyaya. Kaya naman
naging bahagi ang awit sa kasaysayan ng EDSA dahil nagbigay ito ng inspirasyon sa maraming
Pilipino upang lagpasan ang krisis sa bansa noong panahong iyon. Narito ang lyrics ng awit, basahin:
“MAGKAISA”
Mga Komposer: Tito Sotto, Homer Flores, E. del Peña
Umawit: Virna Lisa
Noon, ganap ang hirap sa mundo
unawa ang kailangan ng tao
ang pagmamahal sa kapwa ilaan
Isa lang ang ugat na ating pinagmulan
tayong lahat ay magkakalahi
sa unos at agos ay huwag padadala
KORO 1
Panahon na ng pagkakaisa
kahit ito ay hirap at dusa
KORO 2
Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)
at magsama (bagong umaga't bagong araw)
kapit-kamay (sa atin s'ya'y nagmamahal)
sa bagong pag-asa
ngayon, may pag-asang natatanaw
may bagong araw, bagong umaga
pagmamahal ng Diyos isipin mo tuwina
[Ulitin KORO 1 & 2]
KORO 3
(Magkaisa) May pag-asa kang matatanaw
(at magsama) bagong umaga't bagong araw
(kapit-kamay) sa atin s'ya'y nagmamahal
(sa bagong pag-asa)
KORO 4
Panahon na (may pag-asa kang matatanaw)
ng pagkakaisa (may bagong araw, bagong
umaga)
kahit ito (pagmamahal ng Diyos isipin mo
tuwina)
ay hirap at dusa
KODA
Magkaisa at magsama
kapit-kamay sa bagong pag-asa
Magkaisa
38
Madalas kantahin ang “Magkaisa” noong nagkaroon ng people power sa EDSA.
Napapanahon pa rin ang mensahe ng awiting ito para sa Pilipinas. Kaya sa ikalawaang pagkakataon,
basahin ulit ang lyrics at kung mayroong cassette tape o compact disc, pakinggan.
Tapos mo na bang basahin o pakinggan ang kanta?
Ano ang pinakamahalagang mensahe ng awit para sa mga Pilipino?
Pagkakaisa, di ba?
Paano maipakikita ng mga Pilipino ang pagkakaisa ayon sa awit?
Unawain at mahalin ang kapwa, tama.
Isa pa? Magkapit-kamay sa hirap at dusa, di ba?
Bakit mahalagang magkaisa ang mga Pilipino batay sa lyrics?
Ganito ba ang sagot mo?
Iisa lang ang Diyos na pinagmulan ng ating lahi
Nagbibigay ito ng bagong pag-asa
Kung oo, tama ka, nakuha mo ang eksaktong sagot.
Isinasabuhay pa ba ng maraming Pilipino ang mensahe ng awit tungkol sa :
pag-unawa at pagmamahal sa kapwa? Sa aking palagay…
Tungkol naman sa pagkakapit-kamay sa gitna ng hirap at dusa?
Batay sa…
May pananalig pa rin ba sa Diyos ang mga Pilipino? Siyempre mayroon. Sa tingin ko…
Sa aking palagay ay mayroon pa ring mga Pilipino na
umuunawa’t nagmamahal sa kapwa dahil may mga programa
sa telebisyon na nagsasagawa nito katulad ng “Kapwa ko,
Mahal ko.”
Batay sa aking pagmamasid, tila hindi isinasabuhay ang
pagkakapit-kamay o pagtutulungan sa gitna ng hirap at dusa
mangyari marami pa ring Pilipino ang walang makain
at matirahan sa kasalukuyan, halimbawa, ang mga pamilyang
natutulog sa kariton o sa gilid ng kalye.
Sa tingin ko, matibay pa rin ang pananampalataya at pag-asa
sa buhay ng mga Pilipino sapagkat lagi pa ring nakangiti
ang nakararami sa kabila ng mga pagsubok sa buhay katulad
ng mga batang lansangan.
39
Balikan mo ang ilang pangungusap sa usapan natin. Ano ang mga salita at parirala ang nakasulat
nang pahilig?
Narito ang listahan.
Mayroon ka bang napansin sa pwesto ng mga salitang ito?
Ang mga pariralang nasa kolum A ay matatagpuan sa pinakaunahan ng talata at ginamit
bilang pananda para ipakilala ang paksa/kaisipang iuugnay sa kasalukuyang panahon.
Samantalang ang mga salitang nasa kolum B ay matatagpuan sa gitnang talata at ginamit
bilang pananda para ilahad ang katwiran o dahilan ng pagkakaugnay o di- pagkakaugnay ng
paksa/kaisipan sa kasalukuyang panahon.
Panghuli, ang mga salitang nasa kolum C ay matatagpuan sa dulong bahagi ng talata
at ginamit bilang pananda para ibigay ang halimbawa o sitwasyong magpapatunay na may tiyak na
kaugnayan ang ideya/kaisipan sa kasalukuyang panahon.
Mabuti kung napansin mo nang husto kung saan nakapwesto at ano ang gamit ng mga salita at
pariralang ito.
Magagamit mo ang mga salita/pariralang ito upang maiugnay ang paksa/kaisipan ng
binabasang teksto sa kasalukuyang panahon.
A B C
Sa aking palagay……………………… dahil………………… katulad
Batay sa aking pagmamasid………… mangyari…………… halimbawa
Sa tingin ko…………………………… sapagkat …………… katulad
A
Sa aking palagay………………
Batay sa aking pagmamasid…..
Sa tingin ko…………………....
B
….……….dahil…….…..…..
………….mangyari……..…..
……….….sapagkat………….
C
……………….katulad….…..
……………….halimbawa…..
40
Makatutulong kung isusulat mo sa iyong notbuk ang mga salitang ito. Kopyahin mo sa
listahan.
Isa pa na maaring gawin sa teksto ay pagbibigay ng puna bukod pa sa pag-uugnay ng paksa/
kaisipan sa kasalukuyang panahon.
Alam mo bang mapabibilis ang pagkilatis sa babasahing teksto kung alam mo ang mga
salitang makatutulong para ilahad nang maayos ang iyong puna?
Ginagamit ang mga sumusunod na salita bilang panimula para ipakilala ang pag- bibigay ng
puna tungkol sa:
Balikan ang lyrics ng “Magkaisa” at bigyan ng puna ang nilalalaman at paraan ng pagkalahad
ng mensahe nito. Hindi kasama ang ritmo ng musika kung sakaling ang oportunidad mo ay
pagbabasa at hindi pakikinig ng awit.
Isulat sa notbuk ang iyong sagot.
Nagamit mo ba ang mga salitang nagpapakilala ng puna sa teksto (lyrics)?
NILALAMAN
(paksa/mensahe ng teksto)
positibo: - maganda
- mainam
- mabuti
- napapanahon
- akmang-akma
- bagay na bagay
- makahulugan
- angkop na angkop
negatibo: - hindi maganda
- hindi mabuti
PARAAN
(paggamit ng wika
at paghahanay ng mga ideya)
positibo: - maayos
- malinaw
- organisado
- maingat
negatibo: - magulo
- malabo
- di maingat
- nakalilito
Napapanahon ang paksa ng awiting “Magkaisa” para sa mga
Pilipino dahil nasa krisis ang bansa. Mainam ito dahil
nakapagbibigay-inspirasyon o bagong pag-asa sa tao. Sadyang
mabuti ang mensaheng ito para sa buong bayan.
41
Mabuti kung ganoon.
Magpatuloy sa paggamit ng mga salitang nabanggit upang higit na maging malinaw ang
pagbibigay ng puna sa mga babasahing texto.
Ang pagbibigay ng puna ay maaring positibo o negatibo. Kung ito ay positibo, magandang
paalala para panatilihin ang taglay na katangian at ideya. Kung sakaling negatibo, mainam na
pagkakataon ito para magsikap, matuto at mapaunlad ang sarili at sitwasyon.
Sa maraming pagkakataon, itinuturing na responsable at tapat ang pagbibigay ng puna kung
ang kasunod nito ay paglalahad ng panukala o proposisyon upang higit na mapabuti ang isang
tao, bagay o sitwasyon. Dahil sa proposisyon nagiging malawak ang pananaw ng tao sa paglutas
ng iba’t ibang suliranin.
Sa pagkakataong ito, hahamunin kitang mag-isip ng panukala o proposisyon para bigyang-
buhay ang diwa ng pagkakaisa sa ating bansa.
Balikan ang personal mong karanasan o obserbasyon tungkol sa mga pangyayari sa Pilipinas.
Mag-isip ng tiyak na proposisyon/ panukala sa mga sumusunod.
Isulat ang sagot sa iyong notbuk.
✍ Pananatiling buo ng pamilyang Pilipino
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
✍ Pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
✍ Pagkakaisa ng mahirap at mayamang Pilipino
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Maingat sa pagpili ng mga termino dahil inisip ang payak,
maikli at makahulugang salita katulad ng unos, agos, ugat
at unawa. Malinaw na nakapagpahayag ng ideya sa paraang
simple at paulit-ulit na pagbanggit ng mga importanteng salita.
42
Tapos ka na? Mayroon ka bang nakalimutan? Idagdag muna bago magpatuloy.
Nakabuo ka na ba ng panukala? Nagamit mo rin ba ang mga salitang matatagpuan sa unang
bahagi ng mga proposisyong katulad nito?
✍ Pananatiling buo ng Pamilyang Pilipino
o Maglaan ng isang araw na sama-samang mananalangin ang buong pamilya.
o Magsagawa sa paaralan ng programang lalahukan ng mga mag-aaral at kapamilya.
o Magpatupad ng batas na nagbibigay proteksyon sa sakramento ng kasal ng mga
Pilipino.
✍ Pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao
o Magsagawa ng tigil-putukan o ceasefire sa mga lugar na maraming sibilyan,
lalo mga bata.
o Magplano ng tunay at tapat na diyalogo para pag-usapan ang problema sa halip na
magbarilan.
o Magbalangkas ang kongreso at senado ng mga batas na direktang pakikinabangan
ng mga ordinaryong tao sa Mindanao.
✍ Pagkakaisa ng mahirap at mayamang Pilipino
o Magkaroon ng mga patalastas sa telebisyon, radyo, cellphone, sinehan, internet
dyaryo, at iba pa, na may mensaheng makatao o para sa kapwa.
o Magplano ang pamahalaan ng mga gawain at programang lalahukan ng mayaman
at mahirap.
o Magtaguyod ang iba’t ibang simbahan ng kapatirang bahaginan ng biyaya sa lupa.
Malapit ba sa mga ito ang iyong sagot?
Kung oo, mahusay kang maglahad ng panukala. Binabati kita!
Malaking tulong sa bisa at linaw ng pagpapahayag ng proposisyon ang paggamit ng mga
sumusunod na salita bilang panimula sa bawat panukala:
-maglaan -magtaguyod
-magplano -magpatupad
-magkaroon -magsagawa
-magbalangkas
43
Higit na mabuti ang natatamong desisyon tungkol sa mga nakahaing panukala para sa isang
suliranin kung ito ay napag-usapan at nakatanggap ng maraming reaksyon mula sa iba’t ibang panig.
Ang pagbibigay ng reaksyon ay hindi para tumuligsa kundi upang maglahad ng obhetibong
pananaw tungkol sa isang bagay na ang pakay o sadya ay tumulong na mapabuti ang tao, bagay at
sitwasyon.
Makatutulong sa pagbibigay ng reaksyon tungkol sa proposisyon ang paggamit ng magalang
na mga ekspresyon bilang panimula:
Subukang kilatisin ang mga sumusunod na reaksyon tungkol sa proposisyong may kinalaman
sa pagkakaisa ng mga pamilya, Kristyano, Muslim, militar, rebelde, mahirap at mayaman sa
Pilipinas.
Alin sa mga sumusunod ang mabuting reaksyon? Kopyahin sa notbuk ang sagot.
Naku! Napakahirap naman ng naisip mo na magplano ang pamahalaan ng gawain
at programg lalahukan ng mga mayaman at mahirap dahil abalang-abala ngayon
ang gobyerno sa ibang mas mahalagang bagay.
May katuwiran ka ngunit maraming pamilyang Pilipino ngayon ay abalang-abala
sa pagtatrabaho para matugunan ang kanilang pangaraw-araw na pangangailangan.
Mawalang galang na, hindi kaya delikado kung may tigil-putukan kasi magka-
karoon ng pagkakataon na samantalahin ito ng masasamang loob katulad ng mga
kidnaper.
Suntok sa buwan (imposible) ang ideya mo! Hindi papayag ang simbahan na ma-
kialam sa biyaya sa lupa dahil ang tuon ng kanilang institusyon ay biyaya sa langit
katulad ng yamang ispritwalidad.
Paumanhin subalit hindi ako sang-ayon na magbalangkas ang senado at kongreso
ng direktang tulong sa Mindanao dahil hindi pa handa ang mga tao roon.
Ito ba ang mga kinopya mo sa notbuk?
May katuwiran ka ngunit maraming pamilyang Pilipino ngayon ay abalang-abala
sa pagtatrabaho para matugunan ang kanilang pangaraw-araw na pangangailangan.
Mawalang galang na……
May katuwiran ka ngunit……
Mainam kung marinig mo rin ang……
Paumanhin subalit hindi ako sang-ayon……
44
Mawalang galang na, hindi kaya delikado kung may tigil-putukan kasi magka-
karoon ng pagkakataon na samantalahin ito ng masasamang loob katulad ng mga
kidnaper.
Paumanhin subalit hindi ako sang-ayon na magbalangkas ang senado at kongreso
ng direktang tulong sa Mindanao dahil hindi pa handa ang mga tao roon.
Tama ka!
Gamitin
Natatandaan mo ba ang mga salitang makatutulong sa iyo para mag-ugnay ng texto sa
kasalukuyang panahon? Magbigay ng puna? Maglahad ng proposisyon at magpahayag ng reaksyon
tungkol dito? Kung nakalimutan, balikan at basahin ulit ang mahahalagang impormasyon sa p.39, 41
at 42. Kung handa na, maari nang magpatuloy.
Tulungan mo si Islaw Batingaw na mabuo ang kanyang pahayag bilang batang Pilipinong
may sariling karanasan, pananaw, panukala at reaksyon tungkol sa Pilipinas.
Isulat sa notbuk ang tamang salita.
Napili mo ba ang mga sumusunod na salita:
(1) sapagkat/ dahil; (2) akma/angkop/napapanahon; (3) magtaguyod/magsagawa;
(4) maglaan/ magkaroon; (5) paumanhin subalit hindi ako sang-ayon
Kung oo, tama ka!
Lagumin
Tandaan mo
Makatutulong sa pagpapahayag mo ng pangarap ang :
Ang pakikipagkapwa sa Pilipinas ay mananatiling buhay (1) buo pa rin ang
pananampalataya at pag-asa ng maraming Pilipino (2) sa kalagayan ng bansa
ngayon na muling sariwain at palaganapin ang mensahe ng awiting “Magkaisa.”
(3) ang gobyerno ng mga programang mabuti para sa lahat ng mamamayan, lalo na sa mga
bata. (4) ng sapat na pondo para sa mga ordinaryong tao, unahin ang edukasyon
at serbisyo publiko. (5) sa tiwaling pamahalaan dahil marami kaming batang
gutom, maysakit at mangmang. Kaya nawa, pakinggan ang aking hiling, kupkupin kami at
pag-aralin.
45
1. Mga salitang pananda sa pag-uugnay ng texto sa kasalukuyan
Sa aking palagay…… dahil…… katulad
Sa tingin ko…… sapagkat …… halimbawa
2.. Mga salitang pantulong sa pagbibigay-puna
mabuti, maganda, napapanahon, hindi maganda (sa halip na ‘pangit’),
hindi mabuti (sa halip na ‘masama’), malinaw, maayos, maingat
3. Mga salitang nagpapakilala ng proposisyon
maglaan, magplano, magkaroon, magsagawa, magtaguyod,
magpatupad, magbalangkas, magbigay
4. Mga magalang na ekpresyon ng reaksyon
mawalang galang na pero…, may katuwiran ka ngunit…,
mainam kung marinig mo rin ang…, paumanhin subalit
hindi ako sang-ayon…
Subukin
Direksyon: Subukang manahimik at mag-isip sa loob ng 5-10 minuto. Kung handa ka na, bumuo ng
sariling KREDO bilang gabay patungo sa pangarap mong Pilipinas. Isulat sa notbuk.
“Aking KREDO”
Ako ay naniniwala na ang bawat Pilipino ay _______________________________
_________________________________________________________________________.
Lubos kong kinikilala ang kanyang ______________________________________
_________________________________________________________________________
Ako ay naniniwala na ang bawat tao ay may ugnayan sa kanyang kapwa. Dahil dito
siya ay ___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Bahagi ang bawat isa ng lipunang Pilipino kaya___________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Kinikilala ko ang ugnayan ng tao sa kalikasan kaya mahalaga na ang bawat Pilipino
ay_______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
May ugnayan tayo sa Poong Maykapal kaya _______________________________
_________________________________________________________________________
Bunga ng lahat ng ito, nakikita ko at kinikilala na ang bawat kabataan ay may res-
ponsabilidad sa ____________________________________________________________
46
_________________________________________________________________________
Tapos ka na ba sa sariling kredo? Kung oo, basahin nang tahimik ang buong teksto.
Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod. Isulat sa notbuk ang sagot.
1. Sa paanong paraan mo masasabing nakaimpluwensya ang Kredo sa ibang tao?
2. Ano ang maaring epekto/dulot ng Kredo sa mga batang tulad mo?
3. Ilang proposisyon ang binanggit ng Kredo? Ano ang masasabi mo tungkol dito?
Nasagutan mo na ba ang lahat ng tanong? Mayroon ka pa bang nais balikan at idagdag?
Gawin muna bago magpatuloy.
Handa ka na? Tingnan kung nagawa mo ang mga sumusunod:
Naiuugnay ang ideya/kaisipan ng texto sa mga pangyayaring nagaganap
sa kasalukuyan.
Nakapagbigay-puna sa mga ideya/ kaisipang nakapaloob sa texto
Nakapagpahayag ng mga panukala o proposisyon.
Nakapagbigay-reaksyon sa mga panukala o proposisyon.
Kung oo, napakahusay mo! Saludo ako!
Paunlarin
Kung may oportunidad, panoorin ang premyadong pelikulang “Munting Tinig” ni Gil M.
Portes sa pangunguna ni Alessandra de Rossi. Tukuyin kung ano ang pangarap ni Melinda at ng mga
bata sa pelikula. Iugnay ito sa kasalukuyang panahon at bigyan ng puna.
Kung sakaling hindi makapanood, mayroong ibang plano/ alternatibo. Makipag-usap sa
pinakamalapit mong kaibigan o kamag-anak. Alamin ang kanyang mga pangarap sa buhay at
pagkatapos ay subukan mong magbigay ng puna at reaksyon sa paraang mabuti at magalang.
Gaano ka na kahusay?
Malapit ka na sa finish line.
47
Subukan natin kung gaano na kalawak ang natutunan mo.
Direksyon: Piliin ang angkop na salita/parirala na nasa palad at isulat sa patlang upang mabuo
ang kwento ni Jigs.
Kasi sapagkat tila pagkaraan panahong
Sa wakas noong nang dahil sa hanggang sa
Direksyon: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng texto at pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat sagutnang papel ang mga sagot.
Nakatutuwa para akong naglakad sa EDSA ___________ nagkaroon
ng people power at pager revolution.
Alam mo ba, naulit ang people power sa EDSA DOS ____________
ng halos 15 taon?
Nagkaisa ang mga Pilipino _____________ pagkamatay ni Ninoy
Aquino, ang matapang na lider ng oposisyon. Marami at sunud-sunod na
demonstrasyon ang nangyari sa mga lansangan _____________ dumating ang
sandali na ________ nakonsensya na sina Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos
________ tumiwalag sila sa administrasyon ng diktador na si Marcos _______
Pebrero 22,1986.
Grabe,nakakabilib! _________walang dumanak na dugo sa lansangan
ng EDSA kahit nagpadala ng _____________ iyon si Marcos ng mga tangke sa
labas ng Kampo Krame. Ang sarap alalahanin na ang lahat ng mga Pilipino,
mahirap at mayaman, ay sama-samang nanalangin at nagbantay sa loob ng 3
araw.
___________, dumating ang hinihintay ng taong bayan, bumaba rin sa
pwesto si Marcos bandang alas 9:00 ng gabi. Nagsaya ang buong bansa!
48
Talumpati ni PGMA bilang Ika-14 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas
EDSA Shrine, Ortigas Aveñue, Enero 20, 2001
Textong hango mula sa orihinal at isinalin sa Filipino
ni: Alona Jumaquio-Ardales
Mga kapatid ko dito sa EDSA at sa buong Pilipinas, buong pagpakumbaba kong
tinatanggap ang pribilehiyo at responsabilidad na gumanap bilang bagong presidente
ng Republika ng Pilipinas.
Natitiyak kong babalikan ng mga Pilipinong hindi pa ipinapanganak ngayon ang naganap dito
sa EDSA 2001 na may pagmamalaki sa ating lahi. Katulad din ng buong paghanga nating paglingon
sa pangyayari sa Mactan, Katipunan at iba pang himagsikan, sa Bataan at Corregidor, at sa EDSA
noong 1986.
Ngunit saan nga ba tayo pupunta mula rito?
Unang nagbigay ng sagot ay si Jose Rizal, pinayuhan niya ang mga Pilipinong mamuhay at
tumupad sa pangakong uunahin ang kapakanan ng bansa bago ang sarili.
Muli kong ihahayag ang aking paniniwala na ang ating pamahalaan ay dapat na:
1. Malakas ang loob na harapin at labanan ang kahirapan.
2. Mapabuti ang moralidad ng gobyerno bilang matibay na pundasyon ng pamamahala.
Mabago ang uri ng politika, hindi na personalidad ang titingnan kundi mga programa
3. at proseso ng diyalogo para sa tao upang makapagsulong ng tunay na reporma.
4. Magpakita ng magandang halimbawa ang pinuno sa pamamagitan ng masigasig
na pagtatrabaho at hindi napapako sa salita, mamuhay ng disente’t may dignidad
Hinihiling ko ang inyong suporta at panalangin.
Sama-sama tayong maghilom ng sugat at magbagong-buhay tungo sa pagkakaisa.
Maraming salamat, pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal.
http://www.opnet.ops.gov.ph/speech-2001jan20.htm
Tanong:
49
1. Bakit nagbigay ng talumpati si PGMA o Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo?
2. Sang-ayon ka ba sa mga paniniwala ni PGMA? Bakit?
3. Sa palagay mo ba, napagbigyan ng mga Pilipino ang kahilingan ni PGMA? Patunayan.
A. Basahin at unawain nang mabuti ang hinihingi sa bawat aytem. Piliin ang
titik ng tamang sagot. Isulat sa notbuk.
1. Itinuring siyang diktador ng bayan noong dekada ’70 at ‘80.
A. B. C.
2. Ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng people power noong 1986.
A. B. C.
3. Ang makapangyarihang boses ng simbahang Katoliko na nanawagan sa mga Pilipino na
pumunta sa lansangan ng EDSA noong 1986 para suportahan sina Enrile, Ramos at iba pang
militar.
A. B. C.
4. Ang ika-12 pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng termino ni Aquino.
A. B. C.
5. Ang umupong pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng EDSA DOS noong Enero 2001.
A. B. C.
50
6. Hinirang siyang hepe ng seguridad ng Ministro ng Depensa ng Pilipinas noong 1986.
A. Fabian Ver B. Gregorio Honasan C. Juan Ponce Enrile
7. Sinuportahan niya ang pasya ang Ministro ng Depensa na tumiwalag sa administrasyon ni
Marcos noong 1986.
A. Fidel Ramos B. Gregorio Honasan C. Juan Ponce Enrile
8. Bilang Ministro ng Depensa ay nagpasya siyang pakinggan ang sigaw ng bayan kaya nanguna
siya sa pagtiwalag sa diktadurya ni Marcos noong 1986.
A. Fidel Ramos B. Jaime Cardinal Sin C. Juan Ponce Enrile
9. Ang lumaban kay Marcos sa eleksyon bunsod ng hangaring ibalik ang demokrasya sa Pilipinas
noong 1980’s.
A. Imelda Marcos B. Corazon Aquino C. Gloria Macapagal-Arroyo
10. Ang dating Pangulo ng Pilipinas na nais pagbitiwin ng taong bayan noong EDSA DOS.
A. Joseph Estrada B. Ferdinand Marcos C. Gloria Macapagal-Arroyo
B. Piliin ang titik ng tamang sagot upang makumpleto ang mga sumusunod na
impormasyon. Isulat sa notbuk ang sagot.
11. Taong 1983 nang umuwi sa Pilipinas si Ninoy Aquino at sinalubong siya ng…
A. banda ng musiko B. bala ng kamatayan C. patong-patong na kaso
12. Umabot sa 11 oras ang martsa ng mga tao para ihatid si Ninoy sa…
A. bahay B. kulungan C. sementeryo
13. Sa pangunguna ni Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos ay tumiwalag ang ilan sa mga pwersang
militar sa ilalim ng administrasyon ni Marcos noong…
A. Pebrero 21, 1986 B. Pebrero 22, 1986 C. Pebrero 23, 1986
14. Sama-samang nagkapit-kamay ang mga Pilipino para pigilan ang mga tangke sa paglusob sa
Kampo Krame kaya sa bandang huli ay…
A. maraming nasaktan
B. walang dumanak na dugo
C. naghanap ng ibang ruta ang mga tangke para makapasok sa kampo
15. Sa gitna ng kaguluhan noong ika-25 ng Pebrero ay magkahiwalay na nagdaos ng inagurasyon
sa pagkapangulo sina Aquino at…
A. Marcos B. Estrada C. Macapagal-Arroyo
51
16. Dahil sa people power ng mga Pilipino at panawagan ng pangulo ng Amerikang si Ronald
Reagan ay bumaba rin sa pwesto si Marcos at nilisan ang Pilipinas sakay ng helikopter
patungong…
A. Guam B. Saipan C. Hong Kong
17. Sa ikalawang pagkakataon, muling nagkaisa ang mga Pilipino laban sa masama o tiwaling
pamahalaan kaya nagkaroon ng pager revolution o EDSA DOS pagkalipas ng …
A. 10 taon B. 15 taon C. 20 taon
18. Sa tulong ng cellphone ay mabilis na dumating sa EDSA Shrine ang mga Pilipinong humigit-
kumulang sa…
A. 500,000 B. 1,000,000 C. 1,500,000
19. Dahil sa bintang na korapsyon, nasampahan ng kaso na walang katumbas na pyansa ang
dating pangulo ng Pilipinas na si…
A. Ferdinand Marcos B. Joseph Estrada C. Pareho
20. Sa naganap na EDSA DOS o pager revolution, nakuha ni Gloria Macapagal-Arroyo ang
posisyong nabakante kaya naupo siya bilang bagong presidente ng Pilipinas noong…
A. Enero 2001 B. Pebrero 2001 C. Mayo 2001
C. Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang talata 1, 2, 3 at 4. Isulat sa notbuk ang sagot.
Talata 1
Ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa kasaysayan ng EDSA ay nasaksihan ng buong
mundo. Nakilala ang (A. gawaing B. pangyayaring C. pagdiriwang) ito bilang People
1
Power at Pager Revolution. Naipamalas ito sa (A. unang B. huling C. makalawang)
2
pagkakataon noong Pebrero 1986 at (A. matapos B. dumaan C. pagkalipas) ng 15 taon
3
ay muling nabuhay sa EDSA DOS (A. noong B. mangyaring C. pagkaraang) Enero 2001.
4
Talata 2
Hindi naging madali ang taong 1986 para sa (A. kabiyak B. kapatid C. katuwang)
5
ni Ninoy na si Cory Aquino na harapin ang taong katulad ni Marcos na (A. nalasing sa
kapangyarihan B. nawala sa matinong pag-iisip C. naging masama at mapang-abuso)
52
6
kaya maraming Pilipino ang nasaktan, naparusahan at namatay. Subalit lahat ng bagay
ay may hangganan dahil dumating din ang panahon ng (A. pag-alsa B. pag-ayaw
7
C. pag-alma) na sinimulan nina Enrile at Ramos na kaagad namang sinuportahan
ni Cardinal Sin bilang (A. maimpluwensya B. maraming koneksyon C. makapangyarihang
8
boses) ng simbahang Katoliko na sinusunod ng maraming Pilipino.
Talata 3
Nakatulong nang husto sa People Power ang kredibilidad ni (A. Butz Aquino
B. Cardinal Sin C. Doy Laurel) nang nanawagan siya sa taong bayan para suportahan
9
sina Enrile at Ramos sa loob ng kampo (A. Krame B. Capinpin C. El Dridge) mula sa
10
pag-atake ng pwersang militar ni Marcos. (A. Pagkatapos B. Pagkalipas C. Pagkasunod)
11
nagsimulang dumami ang tao at napuno ang mahabang lansangan ng EDSA noong
(A. Pebrero 21, 1986 B. Pebrero 22,1986 C. Pebrero 23,1986). Kaya sama-samang
12
nanalangin, nagkwentuhan, nagkantahan at nagkapit-kamay ang mahirap at mayamang
Pilipino.
Talata 4
Patuloy sa pagvi-vigil ang taong bayan para pigilan ang paglusob ng tangke sa
loob ng kampo. (A. Pagkatapos B. Pagkasunod C. Pagkalipas) kausapin at bigyan ng
13
bulaklak ang mga sundalo ng kanilang kapwa Pilipino ay hindi natuloy ang madugong
labanan. (A. Kasunod B. Patuloy C. Sa wakas), bumaba rin si Marcos sa kanyang pwesto
14
at nilisan ang Malacañang. (A. Kinagabihan B. Sa isang iglap C. Sa bandang huli), nag-
15
wagi ang kabutihan laban sa kasamaan kaya tinanghal na bayani ang maraming Pilipino.
Direksyon: Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang diyalogo. Isulat sa notbuk
ang sagot.
53
Diyalogo 1
Matalik na magkaibigan at magkasinggulang ang dalawang tinedyer.
Liam : Tinitingnan mo ba ang larawan?
Sansu : Oo. (A. Nabugnot B. Napatawa C. Gumaan) ang pakiramdam ko habang
16
tinitingnan ko ang litrato.
Liam : Bakit?
Sansu : Dahil sa kabila ng mainit na tensyon ay nagawa ng dalawang Pilipina na
(A. mambola B. magpapansin C. magbigay pag-asa) kahit na anumang
17
oras ay handang lumusob ang sundalo sa Kampo Krame.
Liam : Anong epekto nito?
Sansu : Dahil sa simpleng ngiti at bulaklak ay maaring (A. mainis B. mapikon
18
C. mapayapa) ang tensyonadong kalooban ng sundalo at tiyak na
makapagpapabago ng kanyang kilos o pasya sa oras na iyon.
Liam : Oo nga, tama ka.
Diyalogo 2
Ang edad ng lolo ay 80 samantalang ang kanyang apo ay 15.
Lolo : Kanina ka pa nakatingin diyan (A. baka B. tila C. talagang) nagustuhan mo
19
ang litrato.
Jules : (A. Oo B. Opo C. Ayaw), lolo. Kayo po?
20
Lolo : (A. Oo B. Opo C. Nais) ko rin, apo.
21
Jules : Lolo, sa tingin ko (A. ibig B. dapat C. pwedeng) tanggapin ng sundalo
22
ang ibinibigay na bulaklak ng mga babae bilang tanda ng pakikiisa.
Lolo : Aba! (A. Nais B. Dapat C. Maari) tanggapin ng sundalo ang mga bulaklak
23
dahil tanda ito ng pakikiisa sa taong bayan nang manaig ang kapayapaan sa
ating bansa.
54
Jules : Oo nga lolo, tama kayo.
Diyalogo 3
Magpinsan ang dalawa at matanda ng isang taon si Rey kay Levi.
Rey : Sa palagay mo ba (A. may tali sa ilong B. may krus sa dibdib C. may kaya
24
Sa buhay) ang sundalo sa litrato?
Levi : Maari.
Rey : Sa tingin ko, wala kasi tingnan mo tinanggap niya ‘yong bulaklak na
binigay ng 2 babaeng sibilyan na kasama sa people power.
Levi : Malay mo, baka (A. pabalat-bunga B. panakip-butas C. hipong tulog) lang
25
niya ‘yon.
Rey : Sa tantiya ko, bukal sa loob na tinanggap niya ang mga bulaklak dahil tila
ayaw niyang kalabanin ang kapwa Pilipino.
Levi : May katuwiran ka d’yan.
D. Basahing mabuti ang texto at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na
Tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa notbuk.
Talumpati ni PGMA bilang Ika-14 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas
EDSA Shrine, Ortigas Aveñue, Enero 20, 2001
Textong hango mula sa orihinal at isinalin sa Filipino
ni: Alona Jumaquio-Ardales
Mga kapatid ko dito sa EDSA at sa buong Pilipinas, buong pagpakumbaba kong tinatanggap
ang pribilehiyo at responsabilidad na gumanap bilang bagong presidente ng Republika ng
Pilipinas.
Natitiyak kong babalikan ng mga Pilipinong hindi pa ipinapanganak ngayon ang naganap dito
sa EDSA 2001 na may pagmamalaki sa ating lahi. Katulad din ng buong paghanga nating paglingon
sa pangyayari sa Mactan, Katipunan at iba pang himagsikan, sa Bataan at Corregidor, at sa EDSA
noong 1986.
Ngunit saan nga ba tayo pupunta mula rito?
Unang nagbigay ng sagot ay si Jose Rizal, pinayuhan niya ang mga Pilipinong mamuhay at
tumupad sa pangakong uunahin ang kapakanan ng bansa bago ang sarili.
Muli kong ihahayag ang aking paniniwala na ang ating pamahalaan ay dapat na:
55
1. Malakas ang loob na harapin at labanan ang kahirapan.
2. Mapabuti ang moralidad ng gobyerno bilang matibay na pundasyon ng pamamahala.
Mabago ang uri ng politika, hindi na personalidad ang titingnan kundi mga programa
1. at proseso ng diyalogo para sa tao upang makapagsulong ng tunay na reporma.
2. Magpakita ng magandang halimbawa ang pinuno sa pamamagitan ng masigasig
na pagtatrabaho at hindi napapako sa salita, mamuhay ng disente’t may dignidad
Hinihiling ko ang inyong suporta at panalangin.
Sama-sama tayong maghilom ng sugat at magbagong-buhay tungo sa pagkakaisa.
Maraming salamat, pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal.
http://www.opnet.ops.gov.ph/speech-2001jan20.htm
26. Bakit nagbigay ng talumpati si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo o PGMA?
A. nanalo siya sa eleksyon
B. pinalitan niya sa pwesto ang napatalsik na pangulo
C. tinaguyod ng sambayanang maluklok siya sa Malacañang
27. Paano tinanggap ni PGMA ang kanyang tungkulin bilang bagong pangulo ng Pilipinas?
A. determinado B. buo ang loob C. mapagkumbaba
28. Paano ipinahayag ni PGMA ang kanyang panukala o proposisyon sa pamamahala
ng bansa?
A. malakas B. katamtaman C. napakalakas
29. Sang-ayon ka ba sa mungkahi ni PGMA na “sama-sama tayong maghilom ng sugat at
magbagong-buhay tungo sa pagkakaisa.”
A. Makabubuti para sa lahat ang mungkahing paghilom dahil nagkahiwa-hiwalay ang
paniniwala ng mga Pilipino pagkatapos ng EDSA DOS.
B. Pangit para sa bagong luklok sa pwesto na isabay sa paghilom ng kanyang puso ang hindi
pa magaling na sugat ng mga tagasuporta ng dating pangulo.
C. Hindi mainam para sa lahat ng Pilipino ang mungkahi niyang paghilom kung sariwa pa’t
masakit ang sugat.
30. Sa iyong palagay, napagbigyan ba ng mga Pilipino ang hiling na suporta at panalangin ni
PGMA?
A. Sa aking palagay, hindi napagbigyan ng mga Pilipino ang kahilingan ni PGMA sapagkat
marami pa ring nasasaktan at hindi masaya sa pamahalaan katulad ng mga rebeldeng
Muslim sa Mindanao.
B. Batay sa aking pagmamasid, napagbigyan ng mg Pilipino ang kahilingan ni PGMA dahil
patuloy ang pagsuporta ng tao sa mga programa ng pamahalaan kagaya ng
transportasyong MRT sa kahabaan ng EDSA.
56
C. Sa tingin ko, hindi napagbigyan ng mga Pilipino ang kahilingan ni PGMA kasi hindi lahat
ng Pilipino ay nagdadasal para sa kanya, halimbawa, iba-iba ang relihiyon ng mga
Pilipino.
57
Modyul 15
Pagsasalaysay at Pagbuo
ng mga Reaksyon
sa mga Ideya,
Proposisyon at Panukala
Panimulang Pagsusulit
A. KAALAMANG PANGWIKA
1. A
2. C
3. C
4. C
5. C
6. A
7. C
8. A
9. A
10. A
B. KASANAYANG PANGWIKA
1. A
2. A
3. B
4. C
5. C
6. A
7. A
8. A
9. A
10. A
Pangwakas na Pagsusulit
A. B.
1. A 15. A 1. B 16. C
2. B 16. A 2. A 17. C
3. C 17. B 3. C 18. C
4. B 18. B 4. A 19. B
5. A 19. B 5. A/ C 20. B
6. B 20. A 6. A/ C 21. C
7. A 7. A/ C 22. C
8. C 8. A/ C 23. B
9. B 9. B 24. A
10. A 10. A 25. A
11. B 11. A 26. B
12. C 12. C 27. C
13. B 13. A 28. C
14. B 14. C 29. A/ C
15. C 30. A/ B
Susi sa Pagwawasto
1
Department of Education
Bureau of Secondary Education
CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION
Meralco Ave., Pasig City
(Effective Alternative Secondary Education)
FILIPINO 1
Modyul 16
Pagtsulat ng Anekdota
2
Modyul 16
Pagsulat ng Anekdota
Tungkol saan ang modyul na ito?
Kumusta ka, kaibigan?
Matagumpay mo bang napag-aralan ang mga naunang modyul? Nasagot mo ba nang buong
husay ang mga tanong? Mataas ba ang markang nakuha mo sa pagsusulit?
Magaling kung ganoon! Magsaya ka sapagkat napatunayan mo sa iyong sarili na kaya mong
mag-aral mag-isa.
Itinatanong mo kung bakit masaya ang salitang nababasa mo? Mangyari, inihahanda lang kita
dito sa modyul na pag-aaralan mo. Kung sa mga naunang modyul ay naging seryoso ka habang
binabasa mo ang mga aralin, sa modyul na ito ay medyo mapapangiti ka sapagkat di-seryoso ang
mababasa mong teksto.
Nais mong malaman kung bakit? Simple lang ang aking maisasagot.. Ang pagkadi-seryoso ng
mababasa mong teksto ay isa sa mga katangian ng bagong akda na matututuhan mo. Ang tawag
dito’y anekdota. Ngayon mo lang narinig ang salitang ito? Alam mo ba kung paano ito isinusulat?
Mangyari, ang aralin sa modyul na ito ay nauukol sa pagsulat ng anekdota.
Uulitin ko, ang modyul na ito ay nauukol sa pagsulat ng anekdota kaya’t mahalagang mabasa
mo ang kabuuan ng mga aralin.
Bilang paghahanda sa pagkatuto mo sa tatalakaying paksa at para lubusang magkaroon ka ng
kaalaman sa kahulugan, mga elemento at ang wastong paraan ng pagsulat ng anekdota ay ipinaaalam
ko sa iyo ang nilalaman ng modyul na ito:
Ang kabuuan ng modyul ay binubuo ng tatlong sub-aralin.
Ang sub-aralin 1 ay nauukol sa iba’t ibang mga birong katawa-tawa, na nagiging bahagi ng
iyong karanasan. Maaaring ang mga birong mababasa mo rito ay nabasa mo o narinig mo na. Maaari
rin namang ikaw ang nagkuwento. Hindi ba’t naaaliw ka sa mga birong katawa-tawa na iyong
nababasa, naririnig at naikukuwento?
Ang sub-aralin 2 naman ay nauukol sa araling nagbibig
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE

Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE

  • 1.
    Compilation by Ben: r_borres@yahoo.com              COMPILATION   OF LEARNING MODULES    GRADE 7  (Alternative)    FILIPINO I    Effective and Alternative   Secondary Education  (EASE)  First Year      
  • 2.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 1 Pagkilala sa Tekstong Informativ at Panghihiram ng mga Salita
  • 3.
    2 Modyul 1 Pagkilala saTekstong Informativ at Panghihiram ng mga Salita Tungkol saan ang modyul na ito? Magandang araw sa iyo! Marahil ay nakahanda ka nang magsimula. Ito ang unang modyul na pag-aaralan mo sa Filipino 1. Karaniwan na sa usapan ng mga kabataang tulad mo na marinig ang ganito: “Gigimik ako mamaya, sama ka!” “ May Friendster ka ba?” “Taym na, baka tayo maleyt.” Taglish? Filipino? Filipino ang wikang iyan. May mga hiram na salita nga lamang. Paano ba ang paghiram ng mga salita? Isa ito sa matututuhan mo. Gayundin, matututuhan mong magsuri ng mga sanhi at bunga ng mga pangyayari, at ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pahayag. Sisikapin ng modyul na ito na matulungan kang higit na malinang ang iyong mga kasanayan at pag-unawa sa mga tekstong informativ. Huwag kang mag-alala. Tulad ng sabi ko, tutulungan ka ng modyul na ito. Ano ang matututunan mo? Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan, sa pag-aaral ng modyul na ito: 1. Nababaybay nang wasto ang mga salita batay sa binagong alfabeto 2. Nagagamit nang wasto ang mga salitang hiram batay sa binagong alfabeto 3. Naiuugnay ang mga kaisipan sa tekstong binasa sa mga pansariling karanasan - Aktwal na karanasan - Nasaksihan - Narinig /Nabasa
  • 4.
    3 4. Natutukoy angpunto ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pahayag 5. Nabibigyang-kahulugan ang magkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari Sige, magpatuloy ka. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Narito ang mga tuntuning dapat mong sundin sa paggamit ng modyul: 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. Sige, magsimula ka na!
  • 5.
    4 Ano na baang alam mo? Sagutan ang panimulang pagsusulit. Huwag kang mag-alala, aalamin lang nito kung kailangan mo pa ang modyul na ito o tutuloy ka na sa kasunod. Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel. A. TEKSTONG INFORMATIV Panuto: Basahin mo ang ilang teksto. Piliin mo kung alin sa mga ito ang informativ. Isulat ang I kung informativ, at HI kung hindi. __________1. Palala nang palala ang suliranin tungkol sa karahasan sa mga kabataan. Nararapat lamang na tayo ay makisangkot sa isyung ito. Makakatulong ang inyong suporta sa pagpapadala namin sa mga paaralan ng mga materyales nang libre. Mabubuksan ang isipan ng mga kabataan sa kanilang karapatan. Gayundin, matutukoy nila ang kanilang mga papel bilang mga kabataan ng lipunan. Malayo ang mararating ng inyong donasyon sa aming institusyon . Nagpapasalamat ang aming organisasyon sa patuloy ninyong pagsuporta. __________2. Kung ibig mong mamasyal, maaari mong bisitahin ang Isarog National Park. Ito ay matatagpuan sa Naga City. Malawak ang parke. May kabuuang sukat itong 10,000 ektarya. Napakaraming likas na yamang nakatira rito. Itinatayang mayroong 150 uri ng ibon dito, 33 uri ng mammals at 1,163 uri ng mga halaman. May pirmihang patubigan din itong nagsusuplay sa mga pangangailangang domestik, agrikultural at komersyal. Kailangang-kailangang alagaan at pagyamanin ang parkeng ito. Bihira na ang ganito sa Pilipinas. __________3. Isang mabigat na isyu ang pang-aabuso sa mga bata at kabataan. Maaaring ang pang- aabuso ay pisikal o emusyunal. Kabilang sa pang-aabuso ang sapilitang pagtatrabaho, pornografi, exployteysyon at pagsasamantalang sekswal. Inireport sa The Council of Elders for the Protection of Children na ang prostitusyon, pagiging delingkwente, pagtatangkang magpakamatay, depresyon, mababang pagtingin sa sarili at pagkatakot sa isyung may kaugnayan sa sex ay mga indikasyon at epekto ng pang-aabuso sa mga kabataan. __________4. Pinaniwalaan ng isang bishop noong 1870 na wala nang maaaari pang maimbento ang tao. Sinabi niya ito sa isang presidente ng isang maliit na kolehiyo. Hindi sumang- ayon sa kanya ang presidente at sinabing marami pang dapat tuklasin ang tao. Wika niya, “Darating ang panahong ang tao ay makalilipad tulad ng mga ibon..” Hindi naniniwala ang bishop at sinabing iyon ay paglapastangan sa Diyos. Ayon sa kanya, “Ang paglipad ay para lamang sa mga anghel! Pagkaraan ng 33 taon, pinalipad ng magkapatid na Orville at Wilbur ang kauna-unahang sasakyang mas mabigat pa sa
  • 6.
    5 hangin. Ito angpinagmulan ng eroplano. Sino ang bishop? Si Milton Wright, ang ama ng magkapatid na umimbento ng eroplano! __________5. Mahalagang paunlarin ang iyong sarili. Luma na ang kaisipang kung hindi ka matalino sa Lingguwistika, Matematika o sa Agham ay bobo ka! Lumang kapaniwalaan. Maraming uri ng katalinuhan bukod sa nabanggit na. Mayroon sa musika, sa sayaw, sa pag-arte, sa pagguhit, pakikinig, pagsulat, pagsasalita, at maging sa pagtingin sa buhay at kamatayan. Sino nga ba ang walang ganoong kakayahan? Maaaring dalawa o higit pa ang mayroon ka! Ang gagawin mo lang ay tuklasin ito at idevelop. __________6. Ang timbang ng utak ayon sa proporsyon ng timbang ng katawan ng tao ay kaiba sa mga hayop. Totoong ang timbang ng utak ng isang elepante ay mabigat kaysa sa timbang ng utak ng isang matandang tao. Subalit sa tao, ang timbang ng utak niya ay 1/50th lamang ng kanyang katawan. Samantalang sa elepante, ito ay 1/1000th ng kanyang kabuuang timbang. Kung ang pag-uusapan ay ang proporsyon ng timbang ng katawan ng tao, ang utak ng mga elepante ay mas magaan kaysa sa utak ng tao. B. Panuto: Tukuyin ang wastong baybay ng mga salitang nakabold batay sa binagong alfabeto. Titik lamang ang iyong isulat. 1. Ang mga textbook na ginagamit ng mga mag-aaral ay dapat na ingatan at gamitin nang maayos. a. teksbuk c. textbuk b. txtbuk d. textbook 2. Maraming basura ang pwedeng i-recycle. a. i-recycle c. irecycle b. iresaykel d. iresikulo 3. Malaking usapin sa kasalukuyan ang economics ng bansa. a. ikonomiks c. ekonomics b. ekonomiks d. economics 4. Ang discussion ng mga pulitiko ay nakatuon sa pagtitipid at pagbabayad ng utang ng bansa. a. diskasyon c. diskusyon b. discasyon d. discussion 5.Bumuo sila ng iba’t ibang forum at mga conference tungkol sa pagpapabuti ng ekonomiya ng bansa. a. conference c.konferens b. komperens d. konperens
  • 7.
    6 C. Panuto: Bataysa binagong patnubay ng pagbabaybay, piliin ang salitang gagamitin mo kung hihiramin ang salitang nasa loob ng panaklong. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Masasabing umuunlad na ang (transportation) sa Maynila dahilan sa Metro Rail Transit. a. transporteysyon b. transportasyon c. transportation 2. Nalunasan nito ang sobrang bigat ng (traffic) mula sa Legarda hanggang sa Santolan, Marikina. a. trapiko b. trafik c. traffic 3. Kahit paano, nakararating na ang mga (commuter) sa kanilang pupuntahan sa oras. a. pasahero b. pasajero c. komyuter 4. May mga paalalang sinasabi sa bawat isa patungo sa kanilang (destination) a. destination b. destineysyon c. destinasyon 5. Maganda rin at maayos ang (schedule) ng pagbyahe ng mga tren. a. talatakdaan b. iskedyul c. skedyul D. Panuto: Basahin ang talata. Pag-ugnay-ugnayin ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari. Titik lamang isulat sa sagutang papel. Nanganganib ang kalagayan ng mga yamang-dagat gaya ng mga koral reefs. Ito ay bunga ng mga mapangwasak na gawi ng mga tao.Maraming hindi nakauunawa na ang ganitong gawain ay unti-unting pumapatay sa mga nilalang sa daigdig. Halimbawa, ang pagtatapon ng mga basura at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay lumalason sa kanilang natural na kapaligiran. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay pumapatay kahit sa mga isdang maliliit pa lamang. Dahil dito, nagiging polyuted ang dagat na dahilan naman upang mawasak ang mga koral reefs. Kapag sobra na ang ganitong pang-aabuso, malamang na maubos na ang mga yamang-dagat. 1. Ang mapangwasak na gawi ng mga tao ay nagbubunga ng a. pagtatapon ng mga kemikal sa dagat b. pag-aaway ng mga may-ari ng pabrika c. polusyon sa karagatan d. pagkasira ng kapaligiran
  • 8.
    7 2. Ang mapangwasakna gawi ng mga tao ay nagdudulot ng a. kasiyahan sa kanila. b. kamatayan ng mga nilalang sa daigdig c. kayamanan sa tao. d. kawalan ng malasakit sa paligid. 3. Ang polusyon sa dagat ay sanhi ng a. pagtatapon ng mga basura at kemikal. b. natural na pagkasira ng kapaligiran. c. kapabayaan ng pamahalaan. d. mga taong nakapaligid dito. 4. Ang paggamit ng dinamita ay nagbubunga ng a. malaking kita sa mangingisda. b. pagkalason ng koral reefs. c. pagkamatay ng malilit na isda. d. kamatayan ng mga mangingisda. 5. Ang sobrang pag-aabuso sa karagatan ay magbubunga ng a. kamatayan ng koral reefs. b. pagkaubos ng yamang-dagat. c. pagkagunaw ng mundo. d. kawalan ng kita ng pamahalaan. E. Panuto:. Isulat ang MK kung magkatulad at MI kung magkaiba ang mga pares ng pahayag. ____ 1. Ang paraang teknikal ng pagpoprosesong ginagamit ng kaliwang utak ay simple lamang. Ang kanang utak ay ganoon din. ____ 2. Ang kanang utak ay mas nagpapahalaga sa sining Ang kaliwa naman ay sa agham at matematika. _____3. Ang paningin ng mga taong mas gumagamit ng kaliwang utak ay analitikal . Ang mga taong mas aktibo ang kanang utak ay global naman. . _____4. Nakikita lamang ng tao ang kabuan ng isang gamit sa paggamit ng kanang utak Samantala, ang maka-kaliwa ay ang detalye muna nito bago ang kabuuan. _____5. Ang kanang utak ay napakahalaga para sa pagproseso ng emosyon. Mahalaga rin ang kaliwang utak para maging objektiv ang pananaw sa mga bagay-bagay.
  • 9.
    8 Tapos ka naba? Kunin mo sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Kumusta? Marami kang hindi nasagot? Okey lang ‘yan. Tutulungan ka ng modyul na ito. Mga Gawain sa Pagkatuto Sub-Aralin 1: Pagkilala at Pagsulat ng Tekstong Informativ Layunin: 1. naihahanay nang pasulat ang mga impormasyong nabasa 2. natutukoy at nakikilala ang mga tekstong informativ 3. nakasusulat ng mga tekstong informativ Alamin Nakakita ka na ba ng pating, balyena o dolphin? Alam mo ba ang pagkakaiba-iba nila? Ang pating ay mabangis at kumakain ng malalaking hayop sa dagat at gayundin ng tao. Samantala, ang mga balyena at dolphin ay maaamo, mapaglaro at kadalasan ay nagliligtas ng buhay kung may sakunang nangyayari sa dagat. Marahil, narinig mo na ang tungkol sa mga Butanding? Kung hindi pa, ito ang mga whale sharks na maamo at tunay na kinagigiliwan ng mga turista. Alam mo ba kung saan matatagpuan ang mga Butanding? Sige, basahin mo ang tungkol dito at nang malaman mo. Mga Butanding ng Donsol Ipinakita ng mga taga-Donsol, na maaaring pagkakitaan ang mga likas nating yaman ng hindi pinapatay o nilulustay. Marami sa mga may malasakit sa turismo at kalikasan ang nakakaalam na ang pinakamalaking isda ay ang "Butanding" na mas kilala sa wikang Ingles na
  • 10.
    9 "Whale Shark" aynaninirahan at nakikipaglaro sa mga turista at kababayan ng Donsol, Sorsogon mula Disyembre hanggang Mayo taun-taon. Sadya talagang mapalad ang mga taga-Donsol sapagka’t hindi nila natutuhang kainin ang mga Butanding. ‘Di tulad sa ibang parte ng Pilipinas kung saan ang Butanding ay kinakatay at kinakain. Ang mga Butanding sa Donsol ay tinuturing na isang bagong kaibigan na nagbibigay ng hanapbuhay sa mga naninirahan doon. Ang Butanding ay hindi kumakain ng mas malalaking nilalang tulad ng mga malalaking laman-dagat, isda o tao. Sa mga pag-aaral ng mga siyentipiko, ang kinakain ng Butanding ay mga plankton (maliliit na hayop), at mga hipon. Wala siyang matatalas na ngipin tulad ng ibang pating, at ang kanyang pagkain ay hinihigop ng kanyang napakalaking bibig (mga 8 metro ang lapad) at sinasala ng kanyang mga hasang. Maraming kailangang sundin upang ipakita ang paggalang sa mga Butanding tulad ng hindi paghipo o pagsakay. Hindi gumagamit ng mga scuba gear, at iba pang gamit na makapagtataboy sa kanila. Hindi rin gumagamit ng “flash photography”. Dapat pa ding alalahaning sila ay mga "wild” at hindi turuan. Minsan tumatagal ang mga "encounter" dahil ang mga Butanding ay kumakain. Natatapos ang mga "encounter" ‘pag nagdesisyon ang mga Butanding na lumangoy palayo. (Hango sa BALIKAS, Aklat 9 Bilang 23, 11-17 ng Hunyo, 2004) Ngayong tapos mo nang basahin, saan matatagpuan ang mga Butanding? Tama, sa Donsol, Sorsogon. Nakatatakot ba ang mga Butanding? Syempre, hindi. Dahil sila ay maaamo at palakaibigan. Natandaan mo ba kung anu-ano lamang ang kinakain nila? Tama ka! Maliliit na mga hayop at mga hipon lamang. Ipinakita ng mga taga-Donsol, na maaaring pagkakitaan ang mga likas nating yaman tulad nito, ng hindi pinapatay o kinakatay. Kinakailangan din sigurong maibahagi sa iba ang karanasan ng mga taga-Donsol, Sorsogon, di ba? Daan ito para pangalagaan din nila ang bagong yamang ito. Kahit kasi alagaan sila ng mga taga-Sorsogon, kung sa iba namang daraanan ng mga Butanding ay kakatayin din sila, mawawalan ng silbi ang lahat ng pagsisikap.
  • 11.
    10 Sang-ayon ka barito? Marahil ay walang dudang “Oo” ang sagot mo. Linangin Gawain 1 Panuto: Gamitin ang mga letra ng BUTANDING para sumulat ng mga impormasyon tungkol sa mga ito. B U T nAkikipaglaro sa mga turista piNakamalaking isda D I N G Humigit-kumulang, ganito ang magiging sagot mo: Sa Bayan ng Donsol, Sorsogon maaaring matagpuan Unang inalagaan sa bayang ito Tandaang sila ay mga kaibigan pinAkamalaking isda kumakaiN ng plankton at maliliit na hayop sadyang mapapalad ang mga taga-Donsol walang matatalas na ngIpin palakaibigaN panG-akit sa turista
  • 12.
    11 Ngayon, sumulat kang mga pangungusap na informativ tungkol sa Butanding batay sa mga isinagot mo sa itaas. 1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________ 4. _______________________________________________________ 5. _______________________________________________________ 6. _______________________________________________________ 7. _______________________________________________________ 8. _______________________________________________________ 9. _______________________________________________________ Malapit ba dito ang mga pangungusap na binuo mo? Kung oo, mabuti. Sige, magpatuloy ka. 1. Sa bayan ng Sorsogon, may bagong atraksyon sa mga turista. 2. Unang inalagaan ang mga Butanding sa bayang ito. 3. Tandaang sila ay mga kaibigan. 4. Itinuturing silang pinakamalaking isda. 5. Kumakain sila ng plankton at mga hipon. 6. Sadyang mapapalad ang mga taga-Donsol dahilan sa mga Butanding. 7. Wala silang matatalas na ngipin. 8. Palakaibigan at maaamo ang mga nilalang na ito. 9. Mahusay na pang-akit sa turista at nakatutulong ito sa ating ekonomiya.
  • 13.
    12 Gawain 2 Panuto:Isulat sa loob ng mga bilog ang mga impormasyong hinihingi batay sa binasang artikulo. Paano mo sinagutan ang mga tanong. Binalikan mo ba ang artikulo? Hinanap mo ba ang mga detalye? Tama, ganon nga! Kasi kailangang maging tiyak ang mga sagot mo. Ihambing mo nga rito ang sagot mo. 1. Pinakamalaking isda, walang matatalas na ngipin at may napakalaking bibig na may sukat na mga walong metro 2. Malilit na hayop tulad ng plankton at mga hipon 3. Napakaamo at palakaibigan 4. Nagiging atraksyon sa mga turistang lokal at banyaga kaya nakatutulong ito sa ekonomiya ng bansa Napansin mo marahil na inihanay mo nang maayos ang mga salita bago mo ito isinulat. Bakit? Dahil ang mga ibinigay mo ay mga impormasyon. Ganito ang pagbuo ng mga TEXTONG INFORMATIV. Ano ang itsura nito? Ano ang kinakain nito? Anu-ano ang mga biyayang dulot nito? Paano ito makikipagrelasyon sa tao?
  • 14.
    13 Gawain 3 Higitna magiging malinaw ang mga impormasyon kung ilalagay sa isang talahanayan. Isulat sa angkop na kolum ang mga susing salitang ginamit mo. Ginawa na ang unang bilang para sa iyo. Itsura Pagkain Relasyon sa Tao Biyayang Dulot 1.Pinakamalaking isda Plankton Napakaamo Turismo Siguro ay naging mas madali sa iyo ang paglalagay ng impormasyon sa talahanayan dahil may referens ka na. Ngayon ay alam mo nang kumuha ng mga impormasyon at sumulat ng pangungusap na textong informativ. Ganito ba ang sagot mo? Itsura Pagkain Relasyon sa Tao Biyayang Dulot 1. Pinakamalaking isda 2. Walang matalas na ngipin 3. May napakalaking bibig 4. Mga walong metro ang sukat ng bibig 1. Plankton 2. Maliliit na hayop 3. Hipon 1. Napakaamo 2. Palakaibigan 1. Turismo 2. Ekonomiya Gamitin Gawain 1 Ito naman ang subukin mo. Basahin ang talata at bigyang- pansin ang mga impormasyong inilalahad nito. Malaki ang pinagkaiba ng “whale encounter” na isa sa pangunahing makikita sa “Ocean Adventure” sa Subic. Dito, kailangang ikaw ay magbiyahe papunta sa Zambales, pumasok sa loob ng Subic (ang dating naval base ng mga Amerikano) at pumunta sa Ocean Adventure na matatagpuan sa loob at liblib na lugar. Pinagmamalaki ng mga gumawa ng Ocean Adventure, na ito ang isa sa pinakamaganda at pinakamalapit sa kalikasan ng mga nilalang sa dagat sa buong Timog Silangang Asya o “South East Asia” sapagka’t ito lamang ang itinayo na nasa “open seas” o sa dagat mismo at hindi sa mga higanteng tangke. ( Hango sa BALIKAS, Aklat 9 )
  • 15.
    14 Ano ang paksangpinag-usapan sa teksto? Tama, Ocean Adventure. Ito nga ang paksa ng talata. Isulat sa tapat nito ang mga impormasyong nabasa mo. Mga Impormasyon: 1.________________________________ Ocean Adventure 2. ________________________________ 3. ________________________________ 4. ________________________________ Ihambing mo ang iyong sagot sa nakalista sa ibaba. Kung ganito ang impormasyong nakuha mo, tama ka. Marunong ka nang kumuha ng mga detalyeng informativ. Ocean Adventure: 1. Matatagpuan sa Subic Naval Base sa Zambales. 2. Nasa loob at liblib na lugar sa loob ng base. 3. Isa sa pinakamaganda at pinakamalapit sa kalikasan sa buong Timog Silangang Asya. 4. Itinayo sa “open seas” o sa dagat mismo Gawain 2 Magdrowing ng isang lugar na malapit sa iyo na inaakala mong maaaring idevelop upang maging atraksyon sa mga turista. Kulayan. Dugtungan ang mga parirala upang makabuo ng mga pangungusap na informativ. Sa loob na panaklong ay naroon ang mga mungkahing impormasyon na isusulat mo. Tandaang ang layunin mo sa gawaing ito ay makahikayat ng mga turista. Pagkatapos, ipakita sa iyong titser ang gawain. Siya ang magbibigay ng iyong marka.
  • 16.
    15 1. Matatagpuan sa____________________________(lokasyon ng pook) ang lugar na ito 2. Makikita mo rito ang mga sumusunod:(Mga tanging tanawing makikita rito) ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 3. Kung manggagaling ka sa_____________, (Magbigay ng lugar) maaari mo itong puntahan sa pamamagitan ng ________________ (Uri ng sasakyan). (Magbigay ng direksyon kung kinakailangan.) ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ Lagumin Napag-aralan mo na ang tekstong informativ. Basahin mo ang ilang mahahalagang konseptong dapat mong tandaan sa aralin. 1. Ang tekstong informativ ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na impormasyon, at mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay. 2. Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kaugnay na paksa, dapat na makita ito sa kasunod na talata. 3. Sa pagbasa ng tekstong informativ, magkaroon ng fokus sa mga impormasyong ipinahahayag. Isulat ito kung kinakailangan. 4. Sa pagsulat ng tekstong informativ, tandaang ihanay nang maayos ang mga salita, piliing mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang. Subukin Panuto: Basahin ang mga teksto. Isulat sa sagutang papel ang I kung ito ay informativ, at HI kung hindi . 1. Nakakamit ang malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng balanseng pagkain. Kung hindi tayo kumakain nang tama, magiging sanhi ito ng mga problema. Magiging sakitin tayo. Halimbawa, kung kulang tayo sa vitamin D, maaaring magbunga ito ng pagkabulag. Maraming sakit sa balat at sa ngipin ay dulot ng kakulangan sa vitamin C. Kaya, dapat lamang na kumain tayo nang tama upang maging malusog at mahaba ang buhay.
  • 17.
    16 2. Kung paanohaharapin ang katotohanang ikaw ay nabigo sa isang gawaing pinag-ukulan mo pa naman ng panahon ay isang malaking usapin. Naranasan mo na ba ang ganito? Ano ang ginawa mo? Nagmukmok sa sulok? Hindi yata makatutulong ang ganito. Mas mabuti kung haharapin mo ito at susubuking bigyang-solusyon. 3. May kaunting pagkakaiba ang mga helikopter kaysa sa mga jet. Mas maraming sakay ang mga jet kaya mas mabigat at kumplikado ang paggawa nito. Dahil sa kaliitan ng helikopter, natural na kaunting pasahero lamang ang kayang isakay nito. Ang mga jet ay nakadesayn na maglakbay nang mas malayo, samantalang ang mga helikopter ay pangmalapitan lang. 4. Ang pagsulat ay isang prosesong dapat na sundin nang maayos. Una, pagpasyahan mo kung ibig mong magpadala ng nakasulat na mensahe. Ikalawa, planuhin ang iyong mensahe. Isulat mo ang lahat ng ibig mong ilahad sa iyong dokumento. Organisahin ang iyong mga ideya sa paraang pabalangkas. Pagkaraan, isulat ang iyong unang burador. Pagkatapos, irevyu, irebisa at iedit ang sinulat mo. Sa huli, ibahagi ang iyong isinulat sa taong pinagkakatiwalaan mo para makatulong siya sa pagsusuri. 5. Sa pagdaan ko sa Intaramuros ay hindi ko maiwasang maisip ang nagdaang kasaysayan sa pook na ito. Marahil noon ay napakatahimik at napakaganda ang lugar na iyon. Hindi ko tuloy maiwasang pangaraping sana ay nabuhay na ako noong panahon ng mga Kastila. Mapanghamon siguro ang kalagayan ng lipunan noon. Sa kabilang dako, naisip ko ring hindi bale na lang. Baka hindi ko makayanan ang istilo ng pamumuhay noon. Ganito ba ang naging sagot mo? 1. I 3. I 5. HI 2. HI 4. I Tama ba ang lahat ng sagot mo? Kung “Oo”, tumuloy ka na sa sub-aralin 2. Kung hindi, gawin ang Paunlarin. Paunlarin Panuto: Basahin ang talata tungkol sa mga marine mammals. Bigyang-pansin ang mga impormasyong inilalahad nito. Humandang isa-isahin ito pagkatapos. Milyun-milyong taon na ang nakararaan, ang mga unang hayop ay umalis sa dagat upang subukang manirahan sa lupa. Sa kalaunan, dahilan sa pandaigdigang pagbabago ng heograpiya at klima ay nagpasya silang bumalik sa karagatan. Nag-evolv ang mga mammals hanggang sa makaangkop sila sa kanilang kapaligiran. Ang mga hayop na ito ay kabilang sa pangkat na tinatawag na cetaceans. Kasama rito ang ang mga dolphins, pating at mga balyena. Ang isa pang pangkat ng ganitong uri ng mammals ay kagrupo naman ng pinnipedia family. Kapamilya nito
  • 18.
    17 ang mga sealsat sea lions. Hihinga muna sila sa ibabaw ng dagat saka dadayv nang matagal.Kahanga-hanga kung gaano kahabang oras nakatatagal sa ilalim ng tubig ang mga cetaceans. Sila ay mga mahihinahong hayop at matatalino. Sila ang mga mammals na may pinakamalalaking utak sa buong mundo. May kakayahan silang makipagkomunikasyon at matuto nang mabilis. Ang mga awit nila ay maririnig nang milya-milya mula sa kanilang kinaroroonan. Nakahihiyang isipin na hinuhuli sila ng mga tao upang patayin lamang. 1. Bakit pansamantalang umalis sa karagatan ang mga cetaceans? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 2. Bakit sila nagpasyang bumalik sa karagatan? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 3. Sa pagdaan ng panahon paano nakaangkop ang mga cetaceans sa kanilang kapaligiran? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 4. Anu-ano ang dalawang uri ng pangkat ng mga ganitong uri ng mammals. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 5. Ilarawan ang mga katangian ng cetaceans. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ Ganito ba ang iyong sagot? Sige ihambing mo. 1. Pansamantalang umalis sa karagatan ang mga cetaceans upang subuking manirahan sa kalupaan. 2. Dahilan sa pagbabago ng heograpiya at klima ng daigdig, nagpasya silang bumalik sa karagatan. 3. Sa pagdaan ng panahon, nag-evolv ang mga mammals na ito hanggang sa tuluyan na silang makaangkop sa kanilang kapaligiran. 4. Ang dalawang pangkat ng ganitong uri ng mga mammals ay tinawag na cetaceans at pennipedia family. 5. Ang mga cetaceans ay mahihinahon, matatalino, nakatatagal sa ilalim ng tubig ng mahabang oras, my kakayahang makipagkomunikasyon at nakakaawit. Nakuha mo ba ang mga tamang impormasyon? Marahil ay “Oo.” Maaari ka nang tumuloy sa Sub-aralin 2.
  • 19.
    18 Mga Gawain saPagkatuto Sub- Aralin 2: Pagbabaybay Batay sa Binagong Alfabeto Panghihiram ng mga Salita Layunin: 1. natutukoy at nagagamit ang walong dagdag na letra sa binagong alfabeto 2. naiisa-isa ang mga paraan ng panghihiram ng salita 3. nagagamit nang wasto ang mga salitang hiram batay sa binagong alfabeto Alamin Napansin mo ba na maraming salitang hiram na ginamit sa mga tekstong informativ na binasa mo? Tama ka, marami nga. Pag-aaralan mo naman ngayon ang mga paraan ng panghihiram ng salita. Balikan mo ang ilang bahagi ng textong Mga Butanding ng Donsol. Paano kaya binuo ang mga pangungusap na may terminong banyaga? Obserbahan habang binabasa ang mga talata. Pagtuunan mo ng pansin ang mga salitang may salungguhit. (3) Ang Butanding ay hindi kumakain ng mas malalaking nilalang tulad ng mga malalaking laman- dagat, isda o tao. Sa mga pag-aaral ng mga siyentipiko, ang kinakain ng Butanding ay mga plankton (maliliit na hayop), at mga hipon. Wala siyang matatalas na ngipin tulad ng ibang pating, at ang kanyang pagkain ay hinihigop ng kanyang napakalaking bibig (mga 8 metro ang lapad) at sinasala ng kanyang mga hasang. Ano ang naobserbahan mo? Tama ka. Ang mga salitang may salungguhit ay hiram. Paano ito hiniram? May mga salitang tuwirang hiniram at mayroong binago ang ispeling, di ba? Paano iyon? Huwag kang mag-alala. Iyan ang paksa ng sub-araling ito. Linangin Ituloy mo ang pagbasa ng iba pang talata mula sa Butanding. (4) Kung nais mong maranasan ang kakaibang biyayang ito, kailangang pumunta sa Bicol. Mula sa Maynila kailangang magpunta sa Donsol, Sorsogon, pagdating sa Donsol, Sorsogon, kailangang
  • 20.
    19 magparehistro sa lokalna tanggapan ng turismo, at manood ng isang natatanging palabas tungkol sa mga Butanding. Isang "Butanding Information Officer" o BIO at mga kasama na magpapatakbo ng inyong bangka ang kailangan upang makapaglayag papalapit sa mga mahinahon nating bagong kaibigan. Ituturo sa mga lalangoy na may "diving mask" at "snorkel" ang mga alituntunin bago pa man maglayag papalaot. (5) Maraming kailangang sundin upang ipakita ang paggalang sa mga Butanding tulad ng hindi paghipo o pagsakay. Hindi gumagamit ng mga scuba gear, at iba pang gamit na makapagtataboy sa kanila. Hindi rin gumagamit ng “flash photography”. Dapat pa ding alalahaning sila ay mga "wild” at hindi turuan. Minsan tumatagal ang mga "encounter" dahil ang mga Butanding ay kumakain. Natatapos ang mga "encounter" ‘pag nagdesisyon ang mga Butanding na lumangoy palayo. Subukin mong isulat sa tamang kolum ang mga salitang hiram na nabasa mo. Ang unang kolum ay para sa tuwirang hiniram at ang ikalawa ay para sa may pagbabagong naganap sa ispeling. Ginawa na para sa iyo ang unang bilang. Maaari ka nang magsimula. Tuwirang Hiniram Binago ang Anyo at Ispeling Diving mask siyentipiko Ganito ang posibleng maging sagot mo: Tuwirang Hiniram Binago ang Anyo at Ispeling Diving mask siyentipiko Plankton, Metro Snorkel lokal Wild magparehistro Encounter turismo Flash Photography scuba gear Bicol Ano ang napansin mo? Buung-buo ang panghihiram ng mga salita, di ba? Ano sa palagay mo ang dahilan? May katumbas ba sa Filipino ang mga salitang tuwirang hiniram? Wala ano? Kung mayroon man ay baka hindi makuha ang kahulugan. Suriin natin ang mga sumusunod na pangungusap at subuking tumbasan ang mga salitang nakabold.
  • 21.
    20 Orihinal 1: Mulasa Maynila kailangang magpunta sa Donsol, Sorsogon. Pagdating sa Donsol, Sorsogon, kailangang magparehistro sa local na tanggapan ng turismo. Katumbas: _________________ Orihinal 2: Ituturo sa mga lalangoy na may "diving mask" at "snorkel" ang mga alituntunin bago pa man maglayag papalaot. Katumbas: _________________ _________________ Orihinal 3: Hindi gumagamit ng mga scuba gear, at iba pang gamit na makapagtataboy sa kanila. Katumbas: _________________ Orihinal 4: Hindi rin gumagamit ng “flash photography”. Katumbas: __________________ Orihinal 5: Minsan tumatagal ang mga "encounter" dahil ang mga Butanding ay kumakain. Katumbas: __________________ Kumusta ang panghihiram mo? Naging madali ba? Anu-ano ang mga dinaanan mong proseso? Nag-isip kang mabuti, di ba? Ganoon nga ang nangyayari sa panghihiram. Sa panghihiram, sinusubukan mo munang ihanap ng katumbas sa Filipino hanggang maaari. Kung wala kang maitumbas ay binabaybay mo ayon sa tunog ng salita. Kung hindi ito maaari dahil baka hindi makilala ang orihinal, hinihiram na lamang nang tuwiran ang salita. Humigit-kumulang ganito ang dapat na naging panghihiram mo. Orihinal Salin 1. local lokal 2. snorkel isnorkel 3. diving mask maskarang pandayv 4. scuba gear iskuba gear 5. flash photography flash fotografi 6. encounter enkawnter
  • 22.
    21 May iba kabang naging sagot? Upang higit na malinawan, mahalagang alamin ang mga prosesong dapat na sundin sa panghihiram. Makakatulong sa iyo ang pagbabalik-aral sa 8 dagdag na letra sa ating alfabeto at ang paraan ng paggamit nito. Ang Alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ganito ang ayos: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K ,L, M, N, Ň, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z Sa 28 letrang ito ng alfabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA (A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG. O, P, R, S, T, U, W Y), at 8 letra ang dagdag dito (C, F, J, Ň, Q, V, X, Z) na galing sa mga umiiral na wika at wikain ng Pilipinas at sa iba pang mga wikang banyaga. Ang walong dagdag na letrang ito ang tutulong upang maging madali ang panghihiram ng Filipino sa iba’t ibang wika at wikain. Basahin at pag-aralan mo ang mga tuntunin upang maging gabay mo sa pagbabaybay. May tiyak na mga tuntunin sa gamit ng walong letrang hiram. Narito, pag-aralan mo: 1. Letrang C 1.1 Panatilihin ang letrang C kung ang salita ay hinihiram sa orihinal na anyo. Halimbawa: calculus chlorophyll cellphone carbohydrates de facto corsage May naiisip ka pa bang halimbawa na pwede mong idagdag? 1.2 Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/, at ng letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang C. c s c k Halimbawa: participant partisipant magnetic magnetic central sentral card kard Ano pa ang ibang halimbawa? 2. Letrang Q 2.1 Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo. Narito ang ilang halimbawa:
  • 23.
    22 quo vadis quotationquad quartz quantum opaque 2.2 Palitan ang letrang Q ng KW kung ang tunog ay /kw/ at ng letrang K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Q. q kw q k Narito ang ilang halimbawa: sequester sekwester quota kota Baybayin mo nga sa Filipino ang quarter at quorum. Dapat ang sagot mo ay kwarter at korum. 3. Letrang Ñ Ayon sa patnubay: 3.1 Panatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo. Halimbawa: La Tondeña Sto. Niño El Niño Malacañang La Niña coño 3.2 Palitan ang letrang Ñ ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Ñ. ñ ny Halimbawa: paño panyo Subukin mo ngang baybayin sa Filipino ang sumusunod: piña cariñosa cañon Kung ang sagot mo ay pinya, karinyosa at kanyon, tama ka! 4. Letrang X Magpatuloy tayo. Letrang X naman ngayon. 4.1 Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo. axiom wax export exodus xylem praxis 4.2 Palitan ang letrang X ng KS kung ang tunog ay /ks/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang X.
  • 24.
    23 x ks experimental eksperimentaltexto teksto taxonomy taksonomi exam eksam 5. Letrang F Heto naman ang sinasabi tungkol sa letrang F: Gamitin ang letrang F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita Tofu (Nihonggo) ‘tokwa’ futbol French fries fasiliteytor Idagdag pa ito: lifeguard fraterniti fuddul (Ibanag) ‘maliit na burol’ fokus Ganyan din halos ang sinasabi paras a letrang J, V, at Z. Sige, pag-aralan mo ang halimbawa. Letrang J Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita. jam sabjek juice jaket majahid (Arabic) ‘tagapagtanggol ng Islam’ jornal jantu (Tausug) ‘puso objek Letrang V Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita. vertebrate varayti verbatim volyum Letrang Z Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita. zebra magazin zinc bazar
  • 25.
    24 Alam ko, naninibagoka sa baybay at pagbaybay ng mga salita. Pero, kailangan mong matutunan ito. Ngayon, subukin mong gawin ang mga sumusunod na pagsasanay: Gawain 1: Basahin ang talata at bigyang-pansin ang mga salitang nasa loob ng panaklong. Piliin at isulat sa sagutang papel ang mga salitang binaybay sa Filipino. Sa aking pagpasok sa (school-iskul), nakita ko agad ang aking mga kaklase. Binati ko sila at sabay-sabay na kaming lumakad sa (campus-kampus). Masasaya kaming nag-uusap nang mapuna ko ang isang (advertisement-advertisment) sa (magazine-magazin) na dala ni Kristine. Nangangailangan ng isang (model-modelo) sa isang (commercial-komersyal). Syempre, interesadong-interesado ako kasi matagal ko nang (ambition-ambisyon) na maging artista! Kaya, pagkatapos ng klase, niyaya ko silang alamin ang lahat ng detalye tungkol sa (audition-awdisyon)! Kumusta, hindi ka ba naguluhan? Ang dapat mong maging sagot ay ganito: iskul, kampus, advertisment, magazin, komersyal, ambisyon, awdisyon. Kung nalito ka man, masasagot ang iyong mga tanong ng iba pang mga tuntunin sa panghihiram. Basahin at unawain mo ang mga mahahalagang detalye. Maaari mo rin itong kopyahin sa iyong notbuk. a. Gamitin ang kasulukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga. Halimbawa: Hiram na Salita Filipino attitude Saloobin rule Tuntunin ability Kakayahan wholesale Pakyawan west Kanluran Maibibigay mo ba ang katumbas sa Filipino ng government, mandate, at natural? Ang mga panumbas diyan ay pamahalaan, atas at likas. b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa.
  • 26.
    25 Halimbawa: Hiram na SalitaFilipino hegemony gahum (Cebuano) imagery haraya (Tagalog) husband bana (Hiligaynon) Muslim priest imam (Tausug) Mabuti ba ito? Syempre! Kapag sinunod natin ito, matutuwa ang mga kapwa Pilipino natin dahil nailalahok ang kanilang wika sa pagpapaunlad ng Filipino. c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino. Halimbawa: Kastila Filipino Ingles Filipino (1) (2) Cheque tseke centripetal sentripetal Litro litro commercial komersyal Liquido likido advertising advertayzing education edukasyon economics ekonomiks qilates kilatis radical radikal Iba pang Wika Filipino (3) coup d’etat (French) kudeta chinelas (Kastilas) tsinelas kimono (Japanese) kimono glasnost (Russian) glasnost blitzkrieg (German) blitzkrig Pagsanayan mong bigkasin ang mga orihinal na salita. Malapit ba sa bigkas ng mga ito ang mga salita sa Filipino? Malapit, ‘di ba?
  • 27.
    26 Gamitin Gawain 1 Tingnanmuli kung alam mo na. Panuto: Piliin mula sa listahan ang mga salitang angkop na gamitin sa komiks istrip. Isulat sa patlang. Sitwasyon 1: Sa Kampus paseroks okey pagkamiting asaynment hand-out Sitwasyon 2: Sa Isang Laro ng Basketbol fawl mateknikal mag-overtaym Fawl- kawnted referi Me (1) ________ ka na ba? Wala pa. Magpapaseroks pa ko ng (2) ____eh! Ganon ba? (3)_____ din ako tapos gawa tayo (4) (5) _________. Sige mamaya na lang! Mahirap lang magreklamo baka (4)______ tayo. Kanina pa ‘yung(2) _____ na ‘yun ah. Yung isang pleyer nablak (3) _______ ang tinawag! Mahigpit ang laban, malamang (5)______________. (1)____dapat yun ah! Di tinawag ng referi!
  • 28.
    27 Nasagutan mo banang maayos ang mga pagsasanay?. Ikumpara mo rito ang iyong sagot. Sitwasyon 1: Sa Kampus Sitwasyon 2:Sa Isang Laro ng Basketbol 1. asaynment 1.fawl 2. hand-out 2. referi 3. paseroks 3. fawl-kawnted 4. pagkamiting 4. mateknikal 5. Okey 5. mag-overtaym Paano naman kapag ang hinihiram ay mga salitang teknikal o siyentipiko? Sitwasyon 3: Sa Isang Resort Swimming tayo! Ayoko, marumi yan eh.! Hindi, malinis ‘yan! Paano mo nasigurado? Okey. Ipaliliwanag ko sa iyo…
  • 29.
    28 Reaksyong Kemikal saPool Napakahalagang panatilihing malinis at ligtas ang mga swimming pool. Nagdadala ng sakit ang bacteria. Pinadudumi ng algae ang tubig na nagiging dahilan upang magbara ang mga filter nito. Upang maiwasan ang paglaki at pagdami ng algae at bacteria, karaniwang ginagamit na panlinis ang chlorine. Ang likwid chlorine ay isang solusyong nagtataglay ng hypochlorite (NaClO). Ang dry chlorine ay solid calcium hypochlorite (CaClO) nag hahadrolayz ng tubig at bumubuo ng mahinang klase ng hypochlorous acid ang hypochlorite. ClO- (aq) + H2O(1) HClO(aq) + OH- Para maiwasan ang paglaki at pagdami ng algae at bacteria, dapat na panatilihin ang sapat na konsentrasyon ng hypochlorous acid. Ano ang napansin mo sa mga sumusunod na salitang nakabold? Hindi binago ang ispeling, di ba? Bacteria algae Hypochlorite dry chlorine Solid calcium hypochlorite hypochlorous acid ClO HO ClO- (aq) H2O(1) Ah, ganon ba? Galing mo ah! Salamat.. Tara, swimming na tayo.! O sige, tara na!
  • 30.
    29 Bakit? Narito angpaliwanag. Hinihiram nang buo ang mga pantanging ngalan ng salitang teknikal at siyentipiko, mga salitang may natatanging kahulugang kultural, may iregular na ispeling at mga salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit. Narito ang ilang mga halimbawa ng ganoong salita: cañao jihad pizza lasagña Quezon Avenue Washington D.C. Oxygen Phylum Bago ka tumuloy sa kasunod na bahagi, balikan mo muna ang mga araling hindi gaanong malinaw sa iyo. Kung nauunawaan mo nang lahat, maaari ka nang magpatuloy. Lagumin Natapos mo nang pag-aralan ang mga tuntunin sa ispeling ng binagong alfabeto at panghihiram ng mga salita. Balikan mo ang ilang mga impormasyong dapat mong tandaan. 1. Ang walong dagdag na letra sa alfabetong Filipino ay ang mga sumusunod: C, F, J, N, Q , V, X, Z. Ginagamit ito sa mga salitang banyaga upang maging maluwag ang panghihiram ng wikang Filipino. 2. Sa panghihiram ng salita, dapat tandaan ang mga sumusunod: a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga. b. Kumuha ng mga salita sa iba`t ibang katutubong wika ng bansa. c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino. d. Hiramin nang buo ang mga pantanging ngalan ng salitang teknikal at siyentipiko, mga salitang may natatanging kahulugang kultural, may iregular na ispeling at mga salitang may internasyunal na anyong kinikilala at ginagamit. Kung nauunawaan mo na ito, maaari ka nang tumuloy sa SUBUKIN. Kung kulang pa ang iyong kaalaman, balikan mo ang mga leksyong di-gaanong naintindihan at pag-aralang muli.
  • 31.
    30 Subukin A. Panuto: Isulatsa baybay- Filipino ang mga salitang hiram at gamitin sa pangungusap na informativ. 1. Aquarium ___________________ 6. Chemistry _______________________ 2. Economics ___________________ 7. Deforestation _______________________ 3. Picture ___________________ 8. Accountant ________________________ 4. Subject ___________________ 9. Integration ________________________ 5. Vertical ___________________ 10. Pollutant ________________________ B. Panuto:Lagyan ng tsek ( ) ang kaliwang kahon ng mga salitang hinihiram nang buo at ekis (x) ang mga salitang binago ang ispeling. Sa kanang kahon, isulat ang tamang ispeling kung binago ito. 1. CO2 2. apparatus 3. scientific 4. vertex 5. chromosomes 6. enzyme 7. jihad 8. computer 9. banquet 10. champagne Itsek mo ang iyong sagot. Ihambing mo dito. 1. akwaryum 6. kemistri 2. Ekonomiks 7. deforesteysyon 3. piktyur 8. akawntant 4. sabjek 9. integrasyon 5. vertikal 10. polyutant Paraan ng Panghihiram 1. 6. 2. X - aparatus 7. 3. X - sayantifik 8. X - kompyuter 4. 9.
  • 32.
    31 5. 10. C. Panuto:Isulat ang mga salitang hiram na angkop sa diwa ng mga pangungusap sa talata. elektroniks Law of buoyancy cellphone e-trade segundo texters tv eroplano efisyent komunikasyon imbensyon teknoloji Nakagugulat talaga ang tao at ang kanyang kakayahang mag-isip. Maraming (1)__________________ ang halos hindi mapaniniwalaan lalo na ng mga sinaunang tao. Halimbawa, napalipad ang (2)_____________ gayong napakabigat nito. Napalutang ang barko dahil sa konsepto ng (3)________________________. Naimbento ang telepono, ang radyo, ang (4)________________, ang telepono, ang relo at marami pang iba. Kahanga- hanga! Kahit na kaliiit-liitang bagay ay napag-uukulan ng pansin. Aakalain ba nating ang henerasyong ito ay magiging henerasyon ng (5)__________? Ang bawat mensaheng ipadadala, sa loob lamang ng ilang (6)________________ at matatanggap ng pinadalhan. Nakatutuwa ngang makita na kahit na matatanda ay nagtetext. Hindi ba ang ganitong imbensyon ay dulot ng (7)__________________? Napakalaki ng nagawang pagbabago at pag-unlad nito sa ating buhay. Kung iisipin, hindi lang sa larangan ng komunikasyon nakatulong ito kundi maging sa ekonomiya. Nauso na ang (8)_____________. Mabilis at (9)____________________ ang paraan ng pagnenegosyo. Ang mga transaksyon ay natatapos sa pamamagitan ng (10)___________________. Ano pa kaya ang susunod? Iwasto mo ang iyong sagot. 1. imbensyon 6.segundo 2. eroplano 7. cellphone 3. law of buoyancy 8. e-trade 4. tv 9. efisyent 5. texters 10.elektroniks Marahil ay tama ang lahat ng iyong sagot. Subukin mo naman ang kasunod na pagsasanay. Kung tama ang lahat ng sagot mo, maaari ka nang tumuloy sa Sub-aralin 3. Kung hindi, gawin mo ang PAUNLARIN upang matulungan ka sa mga araling hindi mo gaanong naunawaan.
  • 33.
    32 Paunlarin Gawain 1 Pagbabaybay Panuto:Isulat sa baybay-Filipino ang mga salitang hiram. 1. Algebra __________________ 2. Building __________________ 3. Genetics __________________ 4. Subsistence __________________ 5. Chemical __________________ Gawain 2 Panghihiram ng mga Salita Panuto: Isulat sa patlang ang salitang hiram na angkop sa diwa ng mga pangungusap. bouquet varayti textbuk pizza komunikasyon midyum 1. Gustung-gusto ng mga kabataan ang ______________ dahilan sa ibang lasa nito. 2. Mahalagang magkaroon ng ________________ ang ating kultura upang tayo ay umunlad. 3. Maraming ______________ na ang nasusulat sa Filipino. 4. Binigyan ng _______________ ng mga panauhing pandangal sa pagdiriwang. 5. Ang _____________ ay mabisang daan tungo sa kaunlaran. Gawain 3: Panuto: Pumili ng angkop na salitang hiram sa dayalogo. Isulat sa iyong sagutang papel. Kompyuter mag-email print Microsoft word Friendster log-in paper jam log-out makapag-Internet CPU PC surf
  • 34.
    33 Ganito ba angsagot mo? Kung “ Oo”, tama ka. Gawain 1: Pagbabaybay Gawain 2: 1. Aljebra 1. pizza 2. Bilding 2. varayti 3. Jenetiks 3. texbuk 4. Sabsistens 4. bouquet 5. Kemikal 5. komunikasyon Gawain 3: Panghihiram 1. Friendster 4. log-in 2. makapag-internet 5. virus 3. PC 6. surf Ngayon, maaari ka nang tumuloy sa Sub-aralin 3. Hoy, nagbukas ka na ba ng (1)_________mo? Hindi bale, updeyt na lang kita. Sige, (6)magsu ____ pa ako para sa riserts natin. Isasama na kita rito! Hindi pa. Hindi nga ako (2___________ eh. Down ang (3)____ ko.. (4) Nag___kasi ako kanina, may pumasok na (5_______! Kakaasar!
  • 35.
    34 Mga Gawain saPagkatuto Sub-Aralin 3: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga Pangyayari Layunin: 1. naiuugnay ang mga pansariling karanasan at kaisipan sa tekstong binasa 2. nabibigyang kahulugan ang magkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari 3. natutukoy ang punto ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pahayag Alamin Beybi ka pa lang ay lagi ka nang umiinom ng gatas. Nang nag-aaral ka na, ipinaliwanag ng iyong mga titser ang kahalagahan nito sa katawan. Ngayong nasa hayskul ka na, kailangan mo pa rin ba ito? Ano nga ba ang epekto ng gatas at ng iba pang dairy products sa ating katawan? Ano ang magiging bunga ng kakulangan nito? Malalaman mo ang sagot sa pamamagitan ng seleksyong ito. Tutulungan ka ng modyul na ito na maunawaan ang ugnayang sanhi at bugna sa mga tekstong iyong binabasa. Linangin a. Babasahin mo ngayon ang isang artikulong tumatalakay sa isang uri ng sakit sa buto na maaaring maaagapan at malunasan ng gatas at ng mga kauring pagkain. Tingnan mo kung matatandaan mo ang mga dahilan ng pagkakaroon nito. Maaari ka nang magsimula.
  • 36.
    35 CALCIUM AT OSTEOPOROSIS Natuklasangisa sa apat na babaeng hindi na nireregla ay nababalian ng buto sa edad na 65. Bunga nito ay maaga silang hindi gaanong nakagagawa o nakakikilos na nagdudulot naman sa kanila ng pagkabugnot o pagkainip. Tinatayang 10%-15% naman ng mga kalalakihan ay maaari ring magkaroon ng ganitong sakit sa gulang na 70 taon. Nagkakaroon ng osteoporosis kapag ang level ng calcium at phosphorous ay hindi nakasasapat sa pangangailangan ng katawan. Ito ang mga mineral na kailangan para sa mahusay na pormasyon ng buto.Nagpapatigas ito at nagpapatibay ng framework ng katawan. Ang kakulangan nito ay nagdudulot ng kawalan ng bone mass, na nagiging dahilan upang ang mga buto ay matuyo at maging malutong. Mas apektado nito ang mga babae sapagkat mas magaan ang kanilang buto kaya mas kakaunti ang deposito ng calcium. Sa panahong ang mga babae ay nagbubuntis, malaking porsyento ng calcium ang nawawala sa kanya. Nalilipat ito sa kanyang sanggol kaya lagi silang pinapayuhang uminom ng mga supliment na bitamina. Sa pamamagitan nito, unti-unting mababawi ng ina ang calcium na nawawala sa kanya. Hindi lamang iyon, dahil din dito, mas nagiging malusog ang buto ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis. Ang iba pang mga sanhi ng osteoporosis ay edad, lahing pinagmulan, kasaysayang medikal ng pamilya, mababang suplay ng vitamin D, maliit na pangangatawan, kawalan ng ehersisyo, paninigarilyo at labis na pag-inom ng inuming may alkohol. Bunga nito, pinapayuhan ang lahat na huwag pabayaang bumaba ang suplay ng ng calcium at ng iba pang mga bitamina sa ating katawan. Maaari itong makuha sa mga pagkaing tulad ng keso, gatas, gulay at mga vitamin na supliment. Dapat ding alagaan ang katawan at iwasan ang pagmamalabis sa sigarilyo at alak. Balikan mo ang tanong kanina. Ano ang magagawa ng gatas at iba pang dairy products sa ating katawan? Tama! Pinatitigas nito ang ating mga buto. Nagdudulot ito ng malusog na pangangatawan sa tao. Bunga ito ng pag-inom ng gatas at pagkain ng mga dairy products, di ba? Revyuhin mo nga ulit ang teksto. Bilugan ang pitong salitang banyagang ginamit at hiniram nang tuwiran sa talata. Isulat ang mga salita sa hiwalay na sagutang papel.
  • 37.
    36 M A EJ K L A R K Y M I E M I B O N E M A S S T A N K S C N F T S B R V Z I N C E R E A T R C O T S A I N T S A M T L E A A T L E V E L L I N G I C L M U R A N O B A V I T A M I N E S Y G I F P R E V I T O U G W E Y L A W S O D U D E D M A O D O L L E D W R C C K E D M R B S R E N G E A O M A R I E K Y I S E T E X I T S A V E S S A M C H E M I C A L I G H T A R P H O S P H O R O U S A K Naisulat mo na? Ganito rin ba ang sagot mo? Kung “Oo”, tama ka. Osteoporosis Phosphorous Framework Bone mass Calcium Vitamin Level b. Subukin mong sagutin ang ilan pang mga tanong upang matiyak na nauunawaan mo ang iyong binasa. 1. Kung bababa ang suplay ng calcium sa katawan, ano ang mangyayari? ____________________________________________________________________________ 2. Bakit mas karaniwang umaatake ang osteoporosis sa mga matatandang babae ? Ipaliwanag. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Isa-isahin ang iba pang mga sanhi ng osteoporosis. Mga Sanhi: 1. _____________________________ 2. _____________________________ OSTEOPOROSIS 3. ____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________
  • 38.
    37 Humigit-kumulang ay ganitoang iyong sagot. 1. Kung bababa ang suplay ng calcium sa katawan ng tao, maaaring magkaroon siya ng osteoporosis. 2. Mas karaniwang umaatake ang osteoporosis sa mga matatandang babae dahil sa mas mabilis bumaba ang suplay ng calcium sa kanilang katawan. Nagkakaroon sila ng kakulangan sa calcium bunga ng pagbubuntis. Bukod dito, mas maliliit at magaan ang kanilang mga buto kaya mas kaunti ang deposito ng nasabing mineral. 3. Ang iba pang mga sanhi ng osteoporosis ay ang mga sumusunod: lahing pinagmulan, kasaysayang medikal ng pamilya, hindi aktibong uri ng pamumuhay, labis na paninigarilyo at pag-inom ng alak, mababang suplay ng vitamin D, maliit na pangangatawan at kawalan ng ehersisyo. Nasagutan mo ba nang maayos ang mga tanong? Marahil ay “Oo”. Pero bago mo nagawang sagutan, kinailangan mo pang balikang muli ang talata. Hinanap mo muna ang mga detalyeng naging batayan mo ng mga sagot, di ba? Kasi dapat na ito ay eksakto at hindi gawa-gawa lamang.Tiyak ang mga tanong, kaya dapat ay tiyak din ang mga sagot. Ganito talaga ang nangyayari kapag hinahanap ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Pag-aralan mo ang pangungusap na ginamit kanina: • Kung bababa ang suplay ng calcium sa katawan ng tao, maaaring magkaroon siya ng osteoporosis. Batay sa pangungusap na ito, sagutin ang mga tanong: ☺ Ano ang mangyayari kapag bumaba ang suplay ng calcium sa katawan ng tao? Magkakaroon siya ng osteoporosis, hindi ba? Ito ang magiging bunga ng pagbaba ng suplay ng calcium. ☺ Ano ang sanhi ng osteoporosis? Ang pagbaba ng suplay ng calcium sa katawan ng tao, tama? Ito ang sanhi ng osteoporosis. Suriin mo pa ang isang halimbawang pangungusap: • Mas karaniwang umaatake ang osteoporosis sa mga matatandang babae dahil sa mas mabilis bumaba ang suplay ng calcium sa kanilang katawan.
  • 39.
    38 ☺ Ano angsanhi o dahilan ng malamang na pag-atake ng osteoporosis sa mga babae? Ang mabilis na pagbaba ng suplay ng calcium sa kanilang katawan. Ito marahil ang sagot mo. Kung oo, tama ka. ☺ Ano ang bunga ng mabilis na pagbaba ng suplay ng calcium sa mga babae? Mas nagiging karaniwan sa kanila ang pag-atake ng osteoporosis. Kung ito ang iyong sagot, tama ka. Mula sa mga pangungusap na ito ay malinaw mong makikita ang sanhi o dahilan at bunga ng kilos ng mga pangyayari. May mga salitang ginagamit upang mapag-ugnay ang sanhi at dahilan ng mga pangyayari sa pangungusap. Maaaring gamitin ang: Dahil sa dahil dito sapagkat bunga ng Sa ganitong kadahilanan kaya Tandaan lamang na kapag ginagamit ang mga pang-ugnay na ito, kailangang maayos na nakahanay ang mga sanhi at bungang binabanggit. Ang ibig sabihin, ihanay ang mga salita o parirala ayon sa kanilang gamit sa loob ng pangungusap. Sa halimbawang pangungusap: Mas karaniwang umaatake ang osteoporosis sa mga matatandang babae dahil sa mas mabilis bumaba ang suplay ng calcium sa kanilang katawan. Pansinin na pagkatapos ng dahil sa, kaagad na sumunod ang pariralang naglalahad ng dahilan ng pangyayari. Kung ang paghahanay ng mga parirala ay hindi maayos, maiiba ang diwa ng pangungusap. Tulad nito: Dahil sa mas karaniwang umaatake ang osteoporosis sa mga matatandang babae, mas mabilis bumaba ang suplay ng calcium sa kanilang katawan. Naiba ang kahulugan, di ba? Baligtad! Ito ang dahilan kaya dapat na ihanay nang maayos ang mga salita at parirala. Kaugnay nito, pag-aralan mo naman ngayon ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pahayag.
  • 40.
    39 Basahin ang paresng mga pangungusap na mula sa texto. 1. a. Mas apektado nito (osteoporosis) ang mga babae sapagkat mas magaan ang kanilang buto kaya mas kakaunti ang deposito ng calcium. b. Samantala,tinatayang 10%-15% lamang mga kalalakihan ang maaaring magkaroon ng ganitong sakit sa gulang na 70 taon. Ano ang paksa ng unang pares ng pangungusap? Tama, osteoporosis. Sinu-sino ang pinaghahambing sa dalawang pangungusap? Ang mga babae at lalaki, di ba? Magkatulad ba ang impormasyong sinasabi tungkol sa kanila? Hindi. Ipinakikita ng mga pangungusap ang kaibahan ng kundisyon ng pagkakaroon ng osteoporosis ng mga lalaki at babae. Napansin mo ba na magkasalungat o nagkokontrast ang mga pahayag? Tama, magkaiba nga. Anong salita ang nagpapakita nito? Ang salitang samantala ang nagpakita ng kanilang pagkakaiba, ‘di ba? Ngayon, suriin mo ang ikalawang pares ng pangungusap: 2. a. Ang osteoporosis ay isang malalang kundisyon ng buto na karaniwang umaatake sa mga matatandang babae. b. Nagkakaroon din nito ang mga matatandang lalaki. Ano ang paksa ng mga pangungusap? Osteoporosis, tama ka. Sinu-sino ang pinag-uusapan? Ang mga matatandang lalaki at babae. Magkasalungat ba ang impormasyong sinasabi tungkol sa kanila? Hindi. Kung gayon ay magkatulad o hambingan ang mga pahayag. Anong palatandaan ang ginamit upang maipakita ang pagkakatulad nila? Tama, ang salitang din. Madali lamang malaman kung ang mga magkatulad o magkaiba ang mga pahayag. Una, naghahambing ito ng mga ideya o impormasyon. Maaaring pareho o magkaiba. Ikalawa, ang paghahambing na magkatulad ay gumagamit ng mga salitang tulad ng, kapareho, paris ng, katulad ng, at iba pang kauri. Ang mga paghahambing na magkaiba ay gumagamit ng mas / higit / , di- gaano…kaysa, samantala, habang at iba pa. Marahil ay handa ka na. Subukin mong gawin ang kasunod na pagsasanay. Basahin mo ang talata at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Sa ibang bansa, ang mga matatanda ay inilalagay sa mga institusyon . Ito ay dahilan sa wala na silang gaanong maaaring gawin at wala na ring maaaring mangalaga sa kanila. May mga tauhan at fasilitis doon na sumasagot sa kanilang mga pangangailangan. Subalit sa katagalan, nagiging problema na rin ang pagkuha ng mga empleyadong titingin sa kanila. Kaya, naisipan ng mga imbentor sa Japan na gumamit ng mga robotiks na makatutulong sa paglutas ng suliranin. Naimbento ni Mitsuru Haruyama, ang isang washing machine para sa tao. Ang imbensyon ay bunga na rin ng sariling pangngailangan. Siya mismo ay may kapansanan. Sinasabing nagugustuhan ng mga
  • 41.
    40 matatanda ang humanwashing machine sapagkat nagdudulot ito ng mas efisyent na trabaho. Patuloy na umiimbento ang mga Hapones ng mga robot subalit wala silang balak na alisin ang mga taong maaaring personal na makaunawa sa kanilang pangangailangan bilang tao. 1. Isulat ang mga sanhi ng paglalagay ng mga matatanda sa institusyon sa ibang bansa. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 2. Bunga ng kakulangan ng mga empleyado, ano ang naging hakbang ng mga Hapones? _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ Dugtungan ang mga parirala ng mga impormasyong batay sa binasa. 3. Naimbento ni Mitsuru Hiruyama ang human washing machine bunga ng _________________________________________________________________________________ 4. Nagustuhan ng mga matatanda ang human washing machine dahil sa _________________________________________________________________________________ Ihambing mo ang iyong sagot sa mga sumusunod: 1. Ang mga sanhi ng paglalagay ng mga matatanda sa institusyon ay ang kawalan nila ng kakayahang gumawa at kakulangan ng mga taong mangangalaga sa kanila. 2. Bunga ng kakulangan ng empleyado, ang mga Hapones ay umimbento ng mga robotiks. 3. Naimbento ni Mitsuru Hiruyama ang human washing machine bunga ng sariling pangangailangan. 4. Nagustuhan ng mga matatanda ang human washing machine dahil sa mas efisyent itong magtrabaho.
  • 42.
    41 Gamitin Gawain 1 Isulat angS kung sanhi, at B kung bunga ng mga pariralang nakabold. Tinututulan ng mga Haponesa ang paglalagay sa kanila sa mga institusyon dahil sa (1) mas gusto nilang manatili sa piling ng kanilang pamilya. Sa panig naman ng pamahalaan, mahalaga sa kanila ang ganitong hakbang sapagkat (2)nakikita nila ang pangangailangan sa susunod na henerasyon. Kung iisipin, masasabing mas praktikal nga ito subalit marami pa ring negatibong reaksyon lalo na sa bansang nasanay sa pagiging malapit ng mga pamilya at iba pang kaanak sa isa’t isa.(3.) Nagkakaroon ng ganitong isyu dahil na rin sa natuklasang problema. Walang sapat na tauhang maaaring maempleyo. (4) Naging pansamantalang sagot ang robotiks bunga ng agarang pangangailangan. Mahirap gawan kaagad ng solusyon ang problema (5) dulot ng konserbatibong kultura ng mga taga-silangan na nakaugnay rito. Gawain 2 Tukuyin kung ang mga pangungusap ay magkatulad o magkaiba. Isulat ang kabalikang anyo nito. Halimbawa, kung magkatulad, gawing magkaiba. Bigyang pansin ang mga nakabold na salita. Ito ang tiyak na paksa sa bawat set ng pangungusap. Gawin itong gabay sa pagbuo ng mga pangngusap. Ginawa na ang unang bilang para sa iyo. 1. Ang kultura ng mga taga-kanluran tungkol sa pagpapamilya ay makabago. Ang mga taga- silangan ay konserbatibo. MAGKAIBA. Pangungusap na Magkatulad: Pareho silang nagmamahal sa kanilang mga pamilya. 2. Ang mga kanluranin ay mahuhusay sa sining. Ganoon din ang mga taga-silangan. ____________ Pangungusap na _______________: ___________________________________ _________________________________________________________________ 3. Marahil may kaugnayan ang kalagayan ng pamumuhay sa kaibhan ng kanilang pananaw. Praktikal ang mga taga-kanluran kaysa sa mga taga-silangan. _____________ Pangungusap na ____________: _______________________________________ __________________________________________________________________ Nag-isip at nagsuri ka, di ba? Ganoon talaga. Ihambing mo nga rito ang iyong sagot.
  • 43.
    42 Gawain 1: Sanhiat Bunga 1.S 4. S 2.B 5. S 3.B Gawain 2: Magkatulad at Magkaibang Pahayag (Ganito humigit-kumulang ang mga sagot na pangungusap.) 1. Hambingan Pangungusap na Magkaiba: Ang mga taga-kanluran ay mahusay sa sining na itinatanghal. Ang mga taga-silangan ay magaling sa eskultura. 2.Kontrast Pangungusap na Magkatulad: Pareho silang nagsisikap na mabuhay nang maayos. Sa palagay mo ba, nasagutan mo nang maayos ang mga gawain? Kung hindi, balikan mong muli ang mga aralin. Kung oo, magpatuloy ka na. Lagumin Narito ang ilang mahahalagang punto na dapat tandaan sa iyong pinag-aralan. 1. Matutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga dahilan at naging epekto ng isang kilos. 2. Gumagamit ang mga pangungusap na may sanhi at bunga ng mga salitang tulad ng sapagkat, dahil sa, sa kadahilanang, bunga ng at iba pa. 3. Ang mga pahayag na magkaiba at magkatulad ay makikilala sa pamamagitan ng pagsusuri ng ideyang inilalahad nito. 4. Gumagamit ang mga pahayag na magkaiba ng mga salitang tulad ng mas / higit /lalo, di- gaano…kaysa, samantala, habang at iba pa. Samantala, ang magkatulad ay gumagamit ng kapareho, paris ng, katulad ng, at iba pang kauri. Malinaw na ba sa iyo ang aralin? Kung may bahaging hindi mo gaanong naunawaan, balikan mo. Kung malinaw na, maaari ka nang magpatuloy.
  • 44.
    43 Subukin I. Panuto: Isulatang S kung ang pariralang nakabold ay sanhi at B kung bunga ng isang pangyayari. ___ 1. Nagkakaroon ng lindol dahil sa pagkasira ng pundasyon ng faultline sa ilalim ng lupa. ___ 2. Yumayanig ang lupa bunga ng mga nalilikhang puwang sa pagkilos na ito. ___ 3. Ang isa pang dahilan nito ay ang pagsabog ng mga bulkan. ___4. Bukod dito, maaari ring ibilang ang erosyon o ang unti-unting pagguho ng lupa. ___5. Isang malaganap at malakihang disaster ang dulot nito. II. Panuto: Isulat ang MK kung magkatulad at MI kung magkaiba ang mga pares ng pahayag . ____ 1. a. Ang mga babae ay mababagal kumilos kung mabibigat na gawain ang pag-uusapan. b. Samantala, mabibilis ang mga lalaki. ____ 2. a. Ang mga babae ay mapagmahal sa pamilya. b. Ganoon din ang mga lalaki. ____ 3. a. Karaniwan, ang mga lalaki ay gumagamit ng pangangatwirang lohikal. b. Samantala, ang mga babae ay kadalasang emosyunal. ____ 4. a. Masisipag ang mga babae. b. Katulad din sila ng mga lalaki. ____ 5. a. Sa pagtanda, mas nakapag-iisa ang mga babae. b. Ang mga lalaki naman ay higit na nangangailangan ng masasandigan. Itsek mo ang iyong sagot. Ganito ba? I. Sanhi at Bunga ng Pangyayari II. Magkatulad at Magkaibang Pahayag 1. S 1. MK 2. B 2. MI 3. S 3. MK 4. S 4. MK 5. B 5. MI
  • 45.
    44 Nasagutan mo banang tama ang gawain? Kung hindi, maaari mong basahing muli ang mga aralin. Kumuha ka na rin ng isang notbuk na maaari mong pagsulatan ng mga mahahalagang impormasyon. Pagkatapos, tumuloy ka na sa PAUNLARIN. Sa kabilang dako, maaari mo nang kunin ang panghuling pagsusulit. Paunlarin Piliin mo lamang ang gawaing makatutulong sa iyo. Gawain 1- Sanhi at Bunga Suriin ang mga pangungusap. Tukuyin kung sanhi o bunga ang mga pariralang nakabold. 1. Ang pagbaha sa Metro manila ay bunga ng mababang lokasyon nito. 2. Malapit kasi ito sa dagat at iba pang mga anyong tubig kaya madaling bumaha. 3. Ang isa pang dahilan ay ang pagbabara ng mga kanal at imburnal. 4. Parami nang parami ang problema sa basura kaya ang lahat ay dapat nang kumilos! 5. Ang pamahalaan ay patuloy na naglulunsad ng mga proyekto upang maiwasan ang paglubog ng Metro Manila kung tag-ulan. Gawain 2 Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga Pahayag Isulat ang MK kung magkatulad at MI kung magkaiba ang mga pares ng pahayag. ____ 1. a. Napagaan ng teknoloji ang paraan ng pamumuhay sa daigdig. b. Bumigat naman ang pangangailangang pinansyal ng tao. ____ 2. a. Kailangan ng tao ang lakas ng paggawa ng tao sa alinmang negosyo o industriya. b. Gayundin ang pangangailangan ng modernisadong teknoloji. ____ 3. a. Ang makina ay walang pakiramdam. b. Hindi ito tulad ng tao, na sensitibo! ____ 4. a. Ang tao ay kasama ng kanyang kapwa sa katuwaan man o kalungkutan. b. Ang makinang tulad ng robot ay katulong lamang sa mga gawain. ____ 5. a. Importante ang robot. b. Samantala, mas mahalaga ang tao kaysa kahit na anong uri ng imbensyon.
  • 46.
    45 Marahil ay nauunawaanmo na ang aralin. Ihambing ang iyong sagot dito. Gawain 1: Sanhi at Bunga Gawain 2: Magkatulad at Magkaiba 1. Sanhi 1. MI 2. Bunga 2. MK 3. Sanhi 3. MI 4. Bunga 4. MI 5. Sanhi 5. MI Gaano ka na kahusay? I. TEXTONG INFORMATIV Panuto: Basahin at suriin ang talata. Nilagyan ng bilang ang bawat talata upang maging gabay mo. Isulat ang I kung ang teksto ay informativ at HI kung hindi. 1. Ang Wow Philippines ay isang proyektong nagsusulong ng turismo sa bansa. Pinasimulan ito ng dating Sekretaryo ng Turismo na si G. Dick Gordon. Noong una ay doon lamang ito ginawa sa Subic Naval Base. Ito ang baseng iniwan ng mga Amerikano pagkatapos na magwakas ang isandaang taon ng kasunduang mananatili sila doon. Naging matagumpay ang nasabing proyekto. Bunga nito, nagpatuloy ang programa hanggang madesisyunan ng pamahalaang irestor ang makasaysayang lugar ng Intramuros. Magastos nga lamang subalit sulit naman! Napakaganda ng Intramuros ngayon. Naging pook-pasyalan, hindi lamang ng mga banyaga kundi lalo’t higit ang mga pamilyang Pilipino.Sa kasalukuyan, laganap na laganap sa bawat sulok ng bansa ang pagdedevelop ng mga lugar na maaaring maging atraksyon sa mga turista. 2. Mahirap unawain ang tao. Kung siya ay maputi, gusto niyang magbilad sa araw upang umitim. Kung maitim naman, kung anu-ano ang ginagawa para pumuti. Ang payat ay gustong tumaba, ang mataba ay gustong pumayat. Dagdag ng ilong, dagdag/ bawas ng dibdib. Bawas dito, dagdag doon. Walang kasiyahan! Napakaikli ng buhay para sayangin lamang sa mga walang kabuluhang bagay. 3. Nakapunta ka na ba sa Tinago Falls? Napakagandang lugar nito. Bagay na bagay ang pangalang ibinigay sa pook na ito. Nakatago talaga! Matatagpuan ito sa Iligan City. Mahirap puntahan ngunit sulit ang pagod kapag nakarating ka. Mula sa kapatagan, makikita mo ang karatulang Welcome to Tinago Falls! May mga guide na tutulong sa iyong paglalakbay. Napakatarik ng dadaanan. Tinatayang ang taas nito ay mga 20,000 talampakan. Daang tao lang ang gagamitin mo. Madulas kaya may mga kawayang ginagamit na hawakan. Pasikut-sikot at paikut-ikot ang daan. Sobrang nakakapagod
  • 47.
    46 subalit pagdating saibaba ay talagang kahanga-hanga! Tanggal ang pagod mo. Iyon nga lang, mas nakakapagod ang bumalik sa itaas. Wala kasing ibang daan! 4. Inaprubahan ng Food and Drug Administration ng Amerika ang pagbebenta ng VeriChip, isang kompyuter chip na kasinlaki ng butil ng bigas. Ito ay isa na namang malaking pagtuklas at pag-unlad sa Sayans. Ang chip na ito ay may tiyak na gamit sa larangan ng medisina. Ini-injeksyon ang chip sa balat na tao. Dalawampung minuto ang itinatagal ng proseso bago ito gamitan ng scanner. Pagkatapos daanan ng scanner nagrerejister ang mga codes sa monitor ng kompyuter. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa kundisyon ng katawan ng pasyente. Kahanga-hanga! At hindi magtatagal, mabibili na ito sa karaniwang groseri o tindahan. 5. Kung matanda na ang isang tao, karaniwang mainitin na ang kanyang ulo, sumpungin, mahina ang tenga, malalabo na ang mga mata, lampa at mabagal nang kumilos. Ito ang mga dahilan kung kaya sila kadalasan ay kinaiinisan lalo na ng mga kabataan. Dagdag pa kung ulyanin na sila at dinapuan ng sakit na Alzheimer’s. Sino ba naman ang may gustong mag-alaga ng matandang kumikilos na parang bata? Aasikasuhing parang beybi, eh hindi naman beybi! Kung totoong beybi sana, eh di kyut! Subalit alalahaning hindi ka laging bata. Tatanda ka ring tulad nila. Isipin mo… kung paano mo pinahalagahan o pinabayaan ang matatanda, iyon ang nakikita ng mga bata. Ganoon din ang gagawin nila sa iyo kapag matanda ka na, humigit-kumulang! II. PAGBABAYBAY Panuto: Tukuyin ang wastong baybay ng mga salitang hiram na ginamit sa mga pangungusap. . 1. Isang malaking aquarium ang matatagpuan sa Manila Zoo. a. aquarium c. akwaryum b. akwarium d. aquaryum 2. Bahagi ito ng mga exhibit ng mga tanging mga bagay at hayop na matatagpuan sa Pilipinas. a. eksibit c. exhibit b. exsibit d. exibit 3. Sa Bahay-Tsinoy naman sa Intramuros, ay may mga display na kaugnay nang pinagmulan ng lahing Intsik sa Pilipinas. a. display c. diesplay b. diespley d. displey 4. Ayon sa mga tauhan ng lugar na ito, iyon daw ay authentic. a. awtentik c. otentik b. authentic d. awtentic
  • 48.
    47 5. Kung maymga bumibisita sa mga lugar na ito, maraming maaaring maging reference. a. referens c. reference b. refirence d. reperens III. PANGHIHIRAM NG SALITA Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang hiram na angkop sa mga pangungusap sa talata. Pebrero 23, 1997 nang ihayag ni Ian Wilmut, isang sayantist na 1.(Scottish- Iskatish- Iskatis) sayantist at ng kanyang mga kasama ang isang matagumpay na riserts. Ito ay ang 2.(cloning- kloning-klaning) ng isang tupa.Nalikha nila si Dolly, tupang kamukhang-kamukha ng kanyang ina. Nagkaroon na naman ang 3.(Science-Sayans-Agham) ng isang malaking imbensyon.Noong una, inakala ng lahat na ito ay imposible! Subalit napatunayang si Dolly ay isang 4. (exactong-eksaktong -iksaktong) kopya ng kanyang ina. Sinasabing ang pagsilang niya ay kakaiba dahil galing siya sa isang materyal na 5. (genetic-jenetik- henetika). -Impormasyon mula sa Internet IV. SANHI AT BUNGA NG PANGYAYARI Panuto: Pag-ugnay-ugnayin ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. Sa nakalipas na mga dekada, lumaki nang lumaki ang lupaing sakop ng mga syudad kaya itinatatayang 50% ng populasyon ng mundo ay nakatira na rito. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito. Una, ang patuloy na industriyalisasyon noong ika-19 na siglo na naging dahilan upang magtayo ng maraming pabrika sa lunsod mismo. Ang mga trabahong ito na nangangahulugan ng mas mabuting uri ng pamumuhay, ay naging atraksyon para sa mga taga-lalawigan. Ikalawa, maraming mga paaralang naitayo na sumasagot sa pangangailangan ng mga anak ng mga manggagawa. Ikatlo, ang pangako ng mas maayos na pamumuhay para sa kanilang mga pamilya ay nagiging dahilan upang iwanan ang kanilang mga bukid at manirahan sa mga lunsod. Sa huli, habang lumalaki ang populasyon ng syudad, dumadami rin ang mga establisimento ng mga aliwan at paglilibang tulad ng mga sinehan, stadium, museo at iba pang pasyalan. Para sa maraming tao, ang buhay sa lunsod ay mas nakaaaliw kaysa buhay sa bukid, kaya paunti nang paunti ang mga naninirahan sa mga lalawigan. 1. Ang pagdami ng mga pook-aliwan at libangan sa syudad ay dulot ng a. kagustuhan ng taong mag-aliw b. pagkalat ng maraming bisyo c. karamihan ng tao. d. kahilingan ng mga naninirahan dito.
  • 49.
    48 2. Ang industriyalisasyonsa lunsod ay bunga ng a. kawalan ng trabaho. b. mabuting pamumuhay. c. kasipagan ng mga tao. d. karamihan ng mga pabrikang itinayo rito. 3. Ang pagtatayo ng mga paaralan dito ay dahil sa a. kautusan ng pamahalaan. b. pangangailangan ng mga anak ng mga manggagawa. c. patuloy na industriyalisasyon. d. mabuting uri ng pamumuhay. 4. Ang pag-alis ng mga tao sa lalawigan ay dulot ng a. paghahangad na makapag-aral. b. atraksyon sa bahay-aliwan c. pangako ng mas mabuting buhay. d. kawalan ng trabaho. 5. Sa kasalukuyan, paunti nang paunti ang ibig manirahan sa lalawigan dahil sa a. ang buhay sa lunsod ay nakaaaliw. b. mahirap ang trabaho sa bukid. c. 50% ng populasyon ng mundo ay nasa lunsod na. d. pag-aaral ng mga kabataan. V. PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG MGA PAHAYAG Panuto: Isulat ang MK kung magkatulad at MI kumg magkaiba ang pares ng mga pahayag. ____ 1. a. Ang pagsilang ng tao sa pananaw ng relihiyon ay sagrado. b. Sa panig ng Sayans, ito ay isang imbensyon. ____ 2. a. Ang natural na pagsisilang sa tao ay nangangailangan ng 46 na chromosomes. b. Katulad din ito ng kloning. ____ 3. a. Ipinaalam sa mundo ang pagsilang ni Eve, ang kauna-unahang babaeng naklon, noong Disyembre 26, 2002. b. Ayon sa Banal na Kasulatan, si Eba ay hinugot sa tadyang ni Adan, ang kauna- unahang lalaki sa mundo. ____ 4. a. Ang Sayans ay mapanuklas ng iba’t ibang bagay at nag-eeksperimento ng mga proseso. b. Ang relihiyon ay nananatiling nananalig sa kapangyarihan ng Panginoong Lumikha.
  • 50.
    49 _____ 5. a.Maraming eksperto ang nagdududa sa katotohanan ng kloning. b. Marami rin namang naniniwala sa katotohanang hatid ng natural na pagsisilang ng tao. Kunin mo ang Susi ng Pagwawasto sa iyong guro. Tama bang lahat ang naging sagot mo? Kung hindi, balikan mo ang mga bahaging kailangan mo pang pag-aralan. Kung oo, binabati kita! Maaari ka nang tumuloy sa susunod na modyul.
  • 51.
    50 Modyul 1 Pagkilala saTekstong Informativ at Panghihiram ng mga Salita Panimulang Pagsusulit Panghuling Pagsusulit A. Textong Informativ A. Textong Informativ 1.HI 1. I 2. I 2. HI 3. I 3. I 4. I 4. I 5. HI 5. I 6. I B. Pagbabaybay B. Pagbabaybay 1. a 1. c 2. b 2. a 3. b 3. d 4. a 4. a 5. c 5. a C.Panghihiram C. Panghihiram 1. b 1. Scottish 2. b 2. kloning 3. c 3. Sayans 4. c 4. eksaktong 5. b 5. jenetik D. Sanhi at Bunga D. Sanhi at Bunga 1. c 1. a 2. b 2. d 3. a 3. b 4. c 4. c 5. b 5. a E. Magkatulad at Magkaibang Pahayag E. Magkatulad at Magkaibang Pahayag 1. MK 1.MI 2. MI 2. MK 3. MI 3. MI 4. MI 4. MI 5. MI 5. MI Susi sa Pagwawasto
  • 52.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 2 Mga Ponema ng Filipino
  • 53.
    2 Modyul 2 Mga Ponemang Filipino Tungkol saan ang modyul na ito? Mahal kong estudyante, maligayang bati ngayong nasa hayskul ka na. Tiyak, marami kang dati nang alam na ibig mong mapayaman pa ngayong nasa mas mataas na antas ng pag-aaral ka na. Napag-aralan mo na sa elementarya ang alfabeto at ang mga tunog na kinakatawan ng bawat letra nito. Alam mo na rin siguro na ang isang salita ay maaaring magbago ng kahulugan kapag nagkamali ka ng bigkas, halimbawa’y kung naging mabilis ang bigkas mo sa halip na mabagal. O kapag ang isang letra sa isang salita ay nawala o napalitan ng iba. Alam mo na rin ba na bawat salita ay binubuo ng mga makahulugang tunog? Makahulugan dahil maaaring magbago ang kahulugan ng isang salita kapag ang isang tunog ay nawala o kaya nama’y napalitan ng iba. Ito ang tatalakayin sa modyul na ito: Ang mga makahulugang tunog o ponema. May dalawang uri ito: Segmental at suprasegmental. O, huwag kang matakot sa mga salitang ito na parang mahirap intindihin. Maiintindihan mo ang ibig sabihin ng mga salitang iyan sa modyul na ito. Tatalakayin din dito ang mga diptonggo at klaster. Ano ang matututunan mo?? May maiikling tekstong narativ at expositori na babasahin mo sa modyul na ito upang maging daluyan ng mga kaalamang pambalarila na makatutulong sa iyong malinaw at mabisang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga tiyak na kasanayang inaasahang matatamo sa modyul: 1. Nakikilala ang uri at gamit sa pagpapahayag ng mga • ponemang segmental • ponemang suprasegmental
  • 54.
    3 2. Nakikilala atnagagamit nang wasto ang mga salitang may • diptonggo • klaster 3. Natutukoy ang tiyak na uri ng teksto • narativ • ekspositori Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing mabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.
  • 55.
    4 Ano na baang alam mo? Alam mo na ba kung ano ang ponema? Ang diptonggo? Ang klaster? Alam mo na bang gamitin ang mga ito sa malinaw na pakikipag-usap? Alam mo ba kung ano ang tekstong narativ? Ang expositori? Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ng nilalaman ng modyul na ito. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel. A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama at M kung mali ang ideang ipinapahayag sa pangungusap. 1. Ang ponema ay makahulugang tunog. 2. Ang dating Abakada ay may 20 letra. 3. Dalawampu (20) ang ponema sa wikang Filipino. 4. Ang alfabeto ng wikang Filipino ay may 28 letra kaya may 28 ponema rin 5. Lima (5) ang ponemang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/. 6. Ang impit na tunog ay nakapag-iiba sa kahulugan ng salita pero hindi ito makikita sa pagbaybay o ispeling ng salita. 7. Ang mga salitang kulay, daloy, aliw at ayaw ay mga halimbawa ng mga salitang may diptonggo. 8. Ang mga diptonggo sa mga salita sa Blg. 7 ay ay, oy, iw at aw. 9. Ang mga salitang kulayan, kamayin, daluyan at ayawan ay may diptonggo rin. 10. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. 11. Ang mga salitang drama, braso, gripo at trapo ay mga halimbawa ng mga salitang may klaster. 12. Ang mga klaster sa mga salita sa Blg. 11 ay dr, br, gr at tr. 13. Pareho lamang ng kahulugan ang dalawang pangungusap sa ibaba:
  • 56.
    5 • Hindi, akinang kendi sa mesa. • Hindi akin ang kendi sa mesa. 14. Ang tekstong narativ ay nagsasalaysay o nagkukwento. 15. Ang tekstong expositori ay naglalahad o nagpapaliwanag. B. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na diptonggo para mabuo ang mga salita sa ibaba. Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue. 1. sukl_ _ pang-ayos ng buhok 2. bugh_ _ isa sa mga kulay 3. ar_ _ sumisikat tuwing umaga 4. bal_ _ sira ulo 5. bah_ _ tirahan 6. tul_ _ pasok 7. tul_ _ tawiran sa ibabaw ng ilog 8. suh_ _ suporta 9. sal_ _ tugtog na kasabay ng kanta 10. ag_ _ dumi sa bahay 11. sakl_ _ ginagamit ng pilay 12. pil_ _ may baling buto 13. il_ _ nagbibigay ng liwanag 14. sis_ _ anak ng inahen 15. dil_ _ isa sa mga kulay C. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na letra para magkaroon ng klaster ang mga salita sa ibaba. Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue.
  • 57.
    6 1. p _asa liwasan 2. k _ edito utang 3. d _ ama dula 4. p _ eso bilanggo 5. t _ apo basahan 6. p _ enda sangla 7. p _ antsa pang-unat ng damit 8. p _ ito luto sa mantika 9. p _ ato pinggan 10. g _ asya biyaya D. Basahin ang mga pares ng pangungusap sa ibaba. Ituon ang pansin sa mga salitang italisado. Tingnan kung magkapareho ng bigkas ang mga ito. Kung pareho ng bigkas, isulat sa iyong sagutang papel ang P; kung hindi, isulat ang HP. 1. Inuubo siya dahil may butas ang baga niya. May baga pa sa kalan; maiiinit mo roon ang ulam. 2. Ang paso ay taniman ng halaman. Ang paso ay kailangang lagyan ng gamot para di maimpeksyon. 3. Ang pagdinig ay idinaos sa sala ng hukom. Siya, siya nga ang may sala. 4. Hindi na magagamit ang mga kinakalawang na pako. Masustansya ang ensaladsang pako. 5. Pinabili lang siya ng suka sa tindahan. Linisin mo nga ang suka ng bata sa sopa.
  • 58.
    7 E. Magkapareho bang kahulugan ang mga pares ng pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong sagutang papel ang P kung pareho; HP kung hindi. 1. Bukas, luluhod ang mga tala. Bukas luluhod ang mga tala. 2. Aalis kami, bukas. Aalis kami bukas. 3. Bukas kami aalis. Bukas, aalis kami. 4. Hindi, umuulan. Hindi umuulan. 5. Kahapon? Kahapon. F. Alin sa a, b, o c ang angkop para mabuo ang mga pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong sagutang papel ang letra lamang ng iyong sagot. 1. Sa tekstong narativ, mahalaga ang tatlong ito: a. tagpuan, tauhan, banghay b. dayalog, buod, tagapagsalaysay c. sukat, tugma, persona 2. Ang ________ ay halimbawa ng tekstong nagsasalaysay o nagkukwento: a. balagtasan b. talumpati c. maikling kwento 3. Ang tekstong expositori ay __________. a. nangangatwiran b. naglalarawan c. nagpapaliwanag 4. Ang pangunahing layunin ng tekstong expositori ay _________. a. magbigay-impormasyon b. manghikayat c. magbigay-kasiyahan 5. Ang pangunahing layunin ng tekstong narativ ay ___________. a. magbigay-kasiyahan b. magbigay-impormasyon c. manghikayat
  • 59.
    8 Mahal kong estudyante,kung tapos mo na itong sagutan, kunin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kung nasagot mo nang tama ang 49 aytem pataas, hindi mo na kailangang pag-aralan ang modyul na ito. Maaari ka nang magtuloy sa Modyul 3. Pero kung wala pang 49 ang nasagutan mo nang tama, kailangan mo ang modyul na ito. Mga Gawain sa Pagkatuto Sub-Aralin 1: Mga Ponemang Segmental at Suprasegmental Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na mga kasanayan: 1. nakikilala ang uri at gamit sa pagpapahayag ng: • ponemang segmental • ponemang suprasegmental 2. natutukoy ang tiyak na uri ng teksto • narativ Alamin Natatandaan mo pa ba ang dati mong mga aralin tungkol sa heograpiya ng ating bansa? Ang Pilipinas ay isang arkipelago, di ba? Ibig sabihin, binubuo ito ng maraming isla. Ilan nga bang isla ang bumubuo sa Pilipinas? Tama, pitong libo sandaang (7,100) malalaki at maliliit na isla. Maraming ilog at dagat sa Pilipinas; marami ring bundok at bulkan. Sa kabundukan ng Cordillera sa katimugan ng islang Luzon, naninirahan ang mga Kalinga. Kung may mapa ka, tingnan kung nasaan ito. Ang mga Kalinga, tulad din ng mga Ibaloy at Ifugao ay tinatawag ding mga Igorot. Ito ang karaniwang tawag sa kanila sa pangkalahatan. Ang i- sa kanilang mga wika ay nangangahulugang “taga-” o “naninirahan sa.” Ang ibig sabihin naman ng gorot ay “langit.” Kaya, ang salitang “Igorot” ay nangangahulugang “tagalangit.” Ngunit ayaw nilang tinatawag na Igorot. Mas gusto nilang tawaging Kalinga, Apayao, Ibaloy o Ifugao.
  • 60.
    9 Naiiba ang kanilangkultura – pananamit, mga paniniwala, paninindigan. Natatangi rin ang kanilang taniman – ang tinatawag na “hagdan-hagdang palayan,” o payaw sa kanilang wika. Ito’y isa sa mga kababalaghan ng daigdig. Kaya sa ano mang paraan ay ibig nilang ipagtanggol ang pamanang ito ng kanilang mga ninuno. Basahin ang kwento kung paanong nagawang ipagtanggol ng mga kababaihan ang kanilang lupaing ninuno. Kabayanihan ng Kababaihan 1 Hindi maaaring magkamali si Daniway. Boses ng kanyang ina ang narinig niya. Tinatawag siya at ang iba pang mga kababaihan. Ibig sabihin, may dumating na namang mga sundalo at mga kagamitan. Igigiit pa rin nila ang tangkang pagkamkam sa lupaing ninuno, naisip ni Daniway. 2 Dekada ’70 noon. Plano ng rehimeng Marcos na magtayo ng apat na dam sa kahabaan ng Ilog Chico sa bayan ng mga Kalinga. Haharangin ng dam ang daloy ng ilog at palulubugin nito ang mga payaw, gubat at tahanan pati na ang libingan ng mga ninuno sa maraming baryo. Ganito ang ginawa noon sa itinayong dam sa katimugang Cordillera. Ang mga naninirahan doong Ibaloy ay pinaalis sa kanilang mga tahanan at lupaing ninuno. 3 Ayaw ng mga Kalinga na maparis sa mga kapatid na Ibaloy. Nagkawatak-watak ang mga ito nang ilipat sa mga lugar na walang mapagsasakahan at malayo sa tubig. Ang iba’y dinala sa isang isla kung saan laganap ang malarya. 4 Lumiham ang mga Kalinga sa noo’y Pangulong Ferdinand Marcos. Ngunit hindi ito sumagot. Nang dumating ang mga magtatayo ng dam, kasama ang maraming sundalo, nagbarikada ang mga Kalinga. Nang magtayo ng kampo ang mga sundalo, binaklas ng mga tao ang mga tolda at nagmartsa papuntang bayan para ibalik sa kampo ng militar ang mga tolda. 5 Hindi napigilan ni Daniway ang mapaluha nang maalala kung paanong inaresto at ikinulong ang kanilang mga kalalakihan. Dinukot at pinatay ang kanilang mga lider. Isa na rito si Macli-ing Dulag. 6 Ngayo’y nasa kamay nilang mga kababaihan ang pagtatanggol sa lupaing ninuno. Hindi sila pagagapi. Napagkasunduan nilang isa sa kanila ang patuloy na magbabantay sa ilog kahit sa kalaliman ng gabi. Kung may magtatangkang simulan ang proyekto, ang nakabantay ay agad sisigaw at lahat ay hihinto sa ano mang gawain nila upang pigilan ang pagtatayo ng dam. 7 Kaya’t nang marinig ni Daniway ang tinig ng ina, sumigaw din siya bilang babala sa ibang kababaihan na magpunta na sa ilog. Hugos ang lahat ng babae sa ilog. Naabutan nila ang mga manggagawa at sundalo na nagpapasok ng mga kagamitan.
  • 61.
    10 8 Nahiga angmga babae sa daan upang harangan ang mga dumating. Ngunit ayaw papigil ang mga lalaki. Ano ang magagawa ng mahinang kababaihan? 9 Isang matandang babae ang biglang naghubad ng kanyang saplot at umindak. Isa-isa, sumunod ang lahat ng babaeng naroon. Naghubad din sila ng saplot at sama-sama, sabay- sabay na umindak sa harap ng natulalang mga lalaki. 10 Malamig ang hangin ng madaling-araw, nanunuot sa kanilang mga hubad na katawan. Ngunit kailangang ipagtanggol ang lupaing ninuno. Patuloy silang umindak sa saliw ng huni ng mga bundok. Sa indak ng kanilang mga paa at kumpas ng mga kamay, ipinahayag nila ang pasasalamat kapag anihan, ang paghingi ng biyaya kapag taniman. Sama-sama, sabay- sabay sila sa sayaw na ipinamana ng mga ninuno. 11 Napahiya ang mga sundalo at mga manggagawa. Nakayukong lumisan ang mga ito. 12 Nagbunyi ang mga kababaihan. Alam ni Daniway, unang yugto pa lamang ang naipagwagi nila. Ngunit sa madaling-araw na ito, nakasisiya na ang kanilang munting tagumpay. - Aurora E. Batnag Linangin Naibigan mo ba ang kwentong binasa mo? May ilan bang salitang ibig mong linawin ang kahulugan, gaya ng mga sumusunod: • payaw – taniman ng palay na parang hagdan • pagkamkam – pag-angkin o pagkuha sa ari-ariang di iyo • saplot – kasuotan, damit • nagbunyi – nagdiwang, nagsaya • binaklas – sinira • saliw – tugtog na kasama ng awit • sayaw – pag-indak sa saliw ng musika Pansinin mo ang tatlong huling salita: • binaklas • saliw • sayaw
  • 62.
    11 Subuking alisin anghuling tunog sa binaklas. Ano ang huling tunog na ito, di ba /s/? Ano ang nabuo? Binakla, di ba? Nagbago ba ng kahulugan ang salita nang alisin mo ang huling tunog na s? Nagbago nga, tama ka. Ano ba ang ibig sabihin ng binakla? Ito’y nangangahulugang natakot, o nag-alinlangan. Ibang-iba na ang kahulugan, isang tunog lamang ang inalis. Subukin mo ring gawin ang pag-aalis ng isang tunog sa saliw at sayaw. 1. saliw - alisin ang /w/ = sali 2. sayaw – alisin ang /w/ = saya 3. saliw – alisin ang /s/ = aliw 4. sayaw – alisin ang /s/ = ayaw O, nakabuo ka ng ibang mga salita nang magbawas ka ng mga tunog, di ba? Nang mabawasan ng tunog, nagbago rin ng kahulugan ang salita. Bakit kaya? Sapagkat ang mga salita ay binubuo ng mga makahulugang tunog na tinatawag na ponema. Bakit makahulugan? Dahil kapag inalis o pinalitan ang isang ponema, nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan ng salita. Di ba napatunayan mo iyan sa mga halimbawang nabanggit? May dalawang uri ng ponema: • segmental • suprasegmental Bawat wika ay may sariling mga ponema. Ang wikang Filipino ay may dalawampu’t isang (21) ponema. Sa dating Abakada na may 20 letra, bawat titik ay kumkatawan sa isang makahulugang tunog o ponema. Ang pang-21 tunog, na di makikita sa pagbaybay o ispeling ng mga salita, ay ang impit na tunog. Ito ang tunog sa dulo ng mga salitang tulad ng bata, baba, bansa, banta. Ang impit na tunog ang nagpapaiba sa kahulugan ng salitang /batah/ na katumbas ng robe sa Ingles. Kapag ipinalit ang /’/ sa /h/ - /bata’/ ang katumbas na nito sa Ingles ay child. Ngayong 28 letra na ang bumubuo sa Alfabetong Filipino, 21 pa rin ang mga ponema, hindi 28. Alam mo ba kung bakit? Sapagkat magkaiba ang letra at tunog. Ang letrang f, halimbawa, na simula ng salitang Filipino, ay nasa alfabeto. Pero may kinakatawan ba itong makahulugang tunog? May kaibhan ba ang kafe sa kape? Iisang bagay pa rin ang tinutukoy maging ang bigkas ay /kafe/ o /kape/. Samakatwid, sa ngayon, hindi pa makahulugang tunog ang /f/ bagamat ang letrang f ay nasa alfabeto.
  • 63.
    12 Malinaw ba? Pansinin naang mga ponema ay kinukulong sa dalawang pahilis na guhit: / /. Ilan, muli, ang mga ponemang segmental sa wikang Filipino? Tama, dalawampu’t isa. Lima (5) ang ponemang patinig: /a, e, i, o, u/. Labing-anim (16) naman ang ponemang katinig: p, t, k, b, d, g, m, n, ŋ, h, l, r, s, w, y at (?)o impit na tunog sa dulo ng salita. Bakit ponemang segmental ang tawag sa mga makahulugang tunog na bumubuo sa mga salita? Ito’y dahil bawat tunog ay isang segment o bahagi ng salita. Para makabuo ng isang salita, pinagdudugtung-dugtong ang mga tunog. Basahin ang sumusunod na salita: laban. Ilan ang mga letra ng salita? Tama, lima. Ilang tunog ang kumakatawan sa limang letrang iyan? Kung lima ang sagot mo, tama ka. Mga tunog na /l, a, b, a, n/. Sige, kumpeltohin mo nga ang tsart sa ibaba: Salita Bilang ng Letra Bilang ng Tunog 1. kwintas 2. baba (chin sa Ingles) 3. pintas 4. salapi 5. gamut Ganito ba ang sagot mo? Salita Bilang ng Letra Bilang ng Tunog 1. kwintas 7 7 2. baba (chin sa Ingles) 4 5 3. pintas 6 6 4. salapi 6 7 5. gamut 5 5 Lima ang tunog ng salitang baba dahil may impit na tunog ito sa huli. Gayundin, may impit na tunog sa huli ang salitang salapi.
  • 64.
    13 Ngayong maliwanag nasa iyo ang ponemang segmental, dumako naman tayo sa ponemang suprasegmental. Apat ang ponemang suprasegmental sa Filipino: • tono – taas-baba ng bigkas sa pantig ng isang salita • haba – haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig • diin – lakas ng bigkas ng pantig • antala – saglit na pagtigil sa pagsasalita Mga halimbawa: Tono. Bigkasin mo sa sarili ang mga pangungusap sa ibaba: 1. Kahapon? 2. Kahapon. Paano mo binigkas ang Pangungusap Blg. 1? Tama kung may pataas na tono sa hulihan. May tandang pananong kasi ito. Paano naman ang Pangungusap Blg. 2. Di ba, pababa naman ang tono sa dulo? Ano ang ipinapahayag sa Blg. 1? Nagtatanong, di ba? Maaari ring pagdududa sa narinig. Ano naman ang mensahe ng Blg. 2? Hindi ito nagtatanong. Hindi rin nagdududa. Ito’y kompirmasyon. O kaya’y pagsang-ayon. Maaaring sagot sa tanong sa Blg. 1. Magkaiba ng kahulugan ang 1 at 2, kung gayon. Bakit naging magkaiba ng kahulugan? Di ba dahil sa magkaibang tono ng pagbigkas? Samakatwid, makahulugan ang tono sapagkat nagpapabago sa kahulugan ng pahayag. Haba at diin. Ano ang nasabi na tungkol sa haba? Ito ay haba ng pagbigkas sa patinig ng pantig. Ang diin naman? Tama, ito ang lakas ng bigkas sa pantig ng isang salita. Ang tono, haba at diin ay karaniwang nagkakasama-sama sa pagbigkas ng isang pantig ng salita. Balikan ang salitang kahapon. Tatlong pantig mayroon ito: 1. ka 2. ha 3. pon Alin, sa tatlong pantig na ito, ang binibigkas nang mas mataas ang tono at mas malakas?
  • 65.
    14 Tama, ang pantigna ha. Alin namang patinig ang mas pinahahaba? Di ba ang ha din? Subukin mong bigkasin sa sarili ang salitang kahapon na ang tono, haba at diin ay nasa pantig na ka. Mali na ang bigkas mo, di ba? Kapag nagkagayon, baka hindi ka na maintindihan ng kausap mo. Heto pa ang ibang halimbawa ng haba at diin. Pag-aralan ang mga pares ng salita. Bigkasin ayon sa diin o haba. (Ang tuldok (.) pagkatapos ng patinig ay nangangahulugan ng pagpapahaba ng patinig na sinusundan nito.) 1. /bu.hay/ (life) at /buháy/ (alive) 2. /sa.ya/ (skirt) at /sayá/ (joy) 3. /sa.kit/ (suffering) at /sakít/ (illness) 4. /ba.ka/ (cow) at /baká/ (maybe) 5. /magsa.sa.ka/ (will farm) at /magsasaká/ (farmer) 6. /kasa.ma/ (companion) at /kasamá/ (tenant) Malinaw na ba? Kung hindi pa, balik-balikan mo ang aralin. Huwag kang mag-alala. May mga pagsasanay na kasunod para mailapat mo ang iyong matututuhan. Antala. May nasabi na tungkol dito. Tama, ito ang sandaling pagtigil sa pagsasalita. Nakapagpapabago ng kahulugan ang antala. Ang totoo, magkakalituhan kayo ng kausap mo kapag hindi mo nagamit nang wasto ang antala sa iyong pagsasalita. Heto ang isang anekdota. Tinanong ng hukom ang nasasakdal: Hukom: Ikaw ba ang pumatay? Nasasakdal: Hindi, ako! Kung ikaw ang hukom sa anekdotang ito, hindi ka rin kaya malito? Baka hatulan mo tuloy ng bitay ang nasasakdal. Kasi, tumanggi ang nasasakdal nang sabihin niyang “Hindi.” Pero umamin naman nang sabihing “ako!” Ano ang tamang bigkas? Para malinaw ang pagtanggi, dapat ay tuluy-tuloy ang pagsasalita ng nasasakdal: “Hindi ako!” Tama ang obserbasyon mo: dapat ay walang antala.
  • 66.
    15 Samakatwid, ang pagkakaroonng antala sa pangungusap ay maaaring magdagdag ng kahulugang hindi intensyon ng nagsasalita. Heto pa ang isang pares ng pahayag. Suriin mo: a. Namasyal sina Juan, Carlo, Pat at Percy. b. Namasyal sina Juan Carlo, Pat at Percy. Ilang tao ang namasyal sa a? Tama, apat. E, sa b? Tatlo lang dahil isang tao lang si Juan Carlo ‘di ba? O, malinaw na ba ang kahalagahan ng antala sa mabisang pakikipagkomunikasyon? Magagamit mo na ba nang mabisa ang mga ponemang segmental at suprasegmental? Ngayon, balikan mo ang kawili-wiling kwento kung paanong ipinagtanggol ng mga kababaihan ang kanilang lupaing ninuno. Ito ay halimbawa ng tekstong narativ. Ano ba ang narativ? Ang narativ ay ang uri ng teksto na nagsasalaysay o nag-uulat ng mga pangyayari. Ang pangunahing layunin nito ay magbigay-kasiyahan sa mga mambabasa. Paano? Di ba, bilang mambabasa, kawili-wili para sa iyo na malaman ang mga pangyayaring kinasangkutan ng ibang tao? Ang kanilang mga pakikipagsapalaran, ang pagharap nila sa buhay, ang pang-araw-araw na mga dramang nagaganap sa buhay. Pero di ba, ang kawili-wiling kwento ay iyong parang buhay na buhay ang pagkukwento? Hindi iyong parang balita lamang ang binabasa mo. Mas maganda iyong parang nagaganap sa harap mo ang mga pangyayari. Sang-ayon ka ba? Kaya may teknik para sa mabisang narativ. Tatlong elemento ang kailangan para maging buhay at kawili-wili ang tekstong narativ. Ano ang tatlong ito? • Tagpuan. Ang tinutukoy rito’y ang lugar at panahon nang maganap ang pangyayari. • Tauhan. Ito ang mga gumaganap sa kwento. • Banghay. Ito ang balangkas ng mga pangyayari. Ang mga maikling kwento, pabula, kwentong bayan – ay ang mga halimbawa ng tekstong narativ. Ang tagpuan, tauhan at banghay ng “Kabayanihan ng Kababaihan.” Tingnan mo nga kung kaya mong talakayin ang tatlong elemento ng kwentong kababasa mo pa lamang. Ano ang tagpuan sa kwento? Ang ibig sabihin nito ay kung saan at kailan naganap ang mga pangyayari. Di ba sa bayan ng mga Kalinga, sa Cordillera? Kailan? Kung noong Dekada ’70 ang sagot mo, tama ka.
  • 67.
    16 Matutukoy mo baang talataang nagsasaad ng tagpuan ng kwento? Tama, ang talatataan 2. May tiyak na oras bang binanggit? Madaling-araw, di ba? Hanapin mo nga ang talataang nagsasaad nito. Tama, sa talataan 10 ay isinasaad ang ganito: “Malamig ang hangin ng madaling-araw…” Inulit pa ito sa huling pangungusap: “Ngunit sa madaling-araw na ito, nakasisiya na ang kanilang munting tagumpay.” Ang tauhan naman? Sino ang pangunahing tauhan? May pangalan siya, di ba? Si Daniway. Isang babae. Anong bahagi ang nagsasabing babae siya? Tiniyak ito sa talataan 6: “Ngayo’y nasa kamay nilang mga kababaihan ang pagtatanggol sa lupaing ninuno.” Tingnan mo naman ang banghay o ang takbo ng mga pangyayari. Simple lamang , di ba? Ang buong kwento ay nagsimula at natapos isang madaling-araw. Isa-isahin natin ang mga pangyayari. 1. Naghubad ang mga babae at nagsayaw sa harap nila 2. Nahiga sila sa lupa. 3. Nagbunyi ang mga kababaihan 4. Humugos ang mga kababaihan sa ilog. 5. Napilitang umalis ang mga lalaki 6. Naabutan nila ang mga sundalo at manggagawa na nagpapasok ng mga kagamitan. 7. Ayaw papigil ng mga lalaki. 8. Narinig ni Daniway ang tawag ng kanyang ina. Ganito ba ang sagot mo? 1. Narinig ni Daniway ang tawag ng kanyang ina. 2. Humugos ang mga kababaihan sa ilog. 3. Naabutan nila ang mga sundalo at manggagawa na nagpapasok ng mga kagamitan. 4. Nahiga sila sa lupa. 5. Ayaw papigil ng mga lalaki. 6. Naghubad ang mga babae at nagsayaw sa harap nila 7. Napilitang umalis ang mga lalaki 8. Nagbunyi ang mga kababaihan Gusto mo bang malaman kung natuloy ang proyektong pagtatayo ng dam? Ibang kwento na iyan. Kung ibig mo’y saliksikin mo sa mga pahina ng kasaysayan. Ano ba ang kahalagahan ng dam? Sa wikang Kastila, ito ay prinsa. Prinsa rin ang tawag dito sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pinipigil ng dam ang daloy ng tubig para manatili na lamang ito sa isang lugar. Sa kwentong binasa mo, ang dam ay magpapalubog sa mga payaw at lupaing ninuno. Para sa mga Kalinga at mga kapatid nilang etnikong grupo sa Cordillera, mahalaga ang lupaing ninuno at ang pagpapanatili ng mga paniniwala at kaugalian. Kung minsan, ang pag-unlad ay dapat ding magsaalang-alang sa mga kinagisnang kaugalian at paniniwala. Sang-ayon ka ba?
  • 68.
    17 Gamitin Ngayon, ilapat monga ang mga natutuhan mo. Ano ang ibig sabihin ng ponema? Kung ang sagot mo ay “makahulugang tunog,” tama ka. Bakit makahulugan? Kasi, magbabago ng kahulugan ang isang salita kung ang isang tunog dito ay mawawala o mapapalitan. Nasa ibaba ang ilang piling salita at ang katumbas sa Ingles. Subukin mong palitan ang isang tunog sa mga ito: 1. bata ‘child’ 2. aso ‘dog’ 3. lipad ‘fly’ 4. ubas ‘grape’ Ano ang mga posibleng sagot? 1. bata – bato, baso, bota, baba, bara, atb. 2. aso – asa, laso, baso, paso, kaso, atb, 3. lipad – lipat, lipas 4. ubas – ubos, lubos (Ang pinalitan ng tunog na /l/ ay ang impit na tunog na /’/ sa unahan ng salitang ubas. Mayroon ding mga salitang nagkakaiba ng kahulugan dahil sa impit na tunog. May maitatala ka bang mga halimbawa? Nasa ibaba ang ilan: 1. tu.bo ‘tube’ tu.bò ‘profit’ 2. ba.ga ‘ember’ ba.gà ‘lung’ 3. ba.ta ‘bathrobe’ ba.tà ‘child’ 4. pa.to ‘goose’ pa.tò ‘stone used in a game’ May mga salitang kapwa may impit na tunog sa dulo pero ang isa ay mabagal ang bigkas samantalang ang isa naman ay mabilis. Samakatwid, may pagpapahaba sa patinig na a sa unang pantig ang mga salita sa kaliwang kolum. Walang pagpapahaba ang patinig sa unang pantig sa kolum sa kanan. 1. pa.sò ‘burn’ pasô ‘flower pot’ 2. ba.gà ‘lung’ bagâ ‘tumor’ Subukin mo pa nga ang nalalaman mo. Alin ang tama sa dalawang salitang nakakulong sa panaklong. Isulat mo ang angkop na salita sa sagutang papel.
  • 69.
    18 1. Matinding (sa.kit,sakít) ang nadama niya nang lumisan ang boypren niya. 2. (Sa.kit, sakít) sa puso ang ikinamatay ng pasyente. 3. Ang tuberkulosis ay sakit sa (ba.gà, ba.ga). 4. Mahirap na talaga ang (bu.hay, buháy) ngayon; pati basura ay kinakain na mabuhay lamang. Ano ang mga sagot mo? Kung ganito, tama ka: 1. sa.kit 2. sakít 3. ba.gà 4. bu.hay Maipapaliwanag mo ba ang pagkakaiba sa kahulugan ng mga pangungusap sa ibaba? 1. Bukas, lilipad ang mga astronaut. 2. Bukas lilipad ang mga astronaut. Ano ang sagot mo? Tama ka kung ang sagot mo ay ganito: Pangungusap Blg. 1: Sinasabi rito ang araw kung kailan lilipad ang mga astronaut. Pangungusap Blg. 2: Sa pangungusap na ito, sinasabi rin ang araw kung kailan lilipad ang mga astronaut pero may dagdag na impormasyon na “bukas ang lipad, hindi sa ibang araw.” Ibigay mo naman ngayon ang pagkakaiba sa kahulugan ng tatlong pangungusap sa ibaba. 1. Hindi ako siya. 2. Hindi, ako siya. 3. Hindi ako, siya. Ganito ba ang nabuo mong sagot? 1. Ako ay iba. Iba rin siya. Ako ay hindi siya. 2. Hindi (pagtanggi). Ako ay siya rin. 3. Siya, at hindi ako… (ang tinutukoy, o ang binabanggit). Lagumin Malinaw na ba sa iyo ang mga natalakay sa sub-araling ito? Upang maging mas malinaw, narito ang mga pangunahing puntos na inilahad sa anyong Tanong at Sagot. 1. Ano ang ponema? Ito ay makahulugang tunog. 2. Bakit makahulugan? Sapagkat nagbabago ang kahulugan ng isang salita kapag ito ay nawala sa salita o napalitan ng iba.
  • 70.
    19 3. Ilan angponemang segmental sa wikang Filipino? Bawat wika ay may sariling mga ponema. Ang Filipino ay may 21 ponema: 5 ponemang patinig at 16 ponemang katinig. 4. Anu-ano ang mga ponemang suprasegmental sa Filipino: Tono, haba, diin at antala. 5. Bakit itinuturing na mga ponema ang mga ito? Dahil nagkakaroon ng pagbabago ng kahulugan kapag nawala ang mga ito sa pahayag. 6. Ano ang tekstong narativ? Ito ay tekstong nagsasalaysay o nag-uulat ng pangyayari. 7. Ano ang mga elemento ng narativ? Tagpuan, tauhan at banghay. 8. Ano ang tagpuan sa “Kabayanihan ng Kababaihan”? Sa Kalinga, Dekada ’70. 9. Sino ang mga tauhan? Si Daniway at ang iba pang mga kababaihang Kalinga. 10. Isalaysay ang banghay ng nasabing kwento. Pumunta ang mga kababaihan sa ilog upang hadlangan ang pagpapasok ng mga kagamitan sa itatayong dam. Napilitang umalis ang mga sundalo at manggagawa nang maghubad ang mga kababaihan at magsayaw sa harap nila. Malinaw na ba ang mga pangunahing puntos ng sub-araling ito? Kung gayon, handa ka na ba sa isang pagsubok? Subukin 1. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga ponemang segmental na nakapagpapabago sa kahulugan ng sumusunod na mga pares ng salita: a. bansa at banta b. basa at pasa c. bala at pala d. bara at para e. lasa at tasa f. laso at lasa g. mesa at misa h. oso at uso 2. Isulat sa iyong sagutang papel ang Pataas kung may pataas na tono ang pangungusap sa ibaba. Isulat naman ang Pababa kung pababa ang tono. a. Bukas? b. Bukas. c. Kaya? d. Kaya. 3. Isulat sa iyong sagutang papel ang pagkakaiba sa kahulugan ng sumusunod na mga pares ng pangungusap. a. Hindi, siya. Hindi siya. b. Ako ba? Ako, ba. c. Kung hindi, ako siya. Kung hindi ako, siya.
  • 71.
    20 d. Sugod? Sugod! e. Aalissiya? Aalis siya. 4. Sagutin ang mga tanong: a. Kailan at saan naganap ang pangyayaring isinalaysay sa “Kabayanihan ng Kababaihan”? b. Sino ang mga tauhan? c. Nagtagumpay ba ang mga kababaihan na mapigil ang pagtatayo ng dam sa kanilang ilog? d. Bakit nila tinutulan ang pagkakaroon ng dam sa Ilog Chico? Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Dalawampu’t isang (21) aytem ang tanong. Ihambing mo ang iyong sagot sa sumusunod: 1. a. s at t e. l at t b. b at p f. o at a c. b at p g. e at i d. b at p h. o at u 2. a. Pataas b. Pababa c. Pataas d. Pababa 3. a. Pagtanggi (hindi), pagtukoy (siya). Pagtanggi na siya ang sangkot. b. Nagtatanong Pag-amin. Ang ba ay ekspresyon ng pag-amin, hindi pagtatanong. c. Kung hindi (magaganap ang kondisyon o pangyayaring di na binanggit), ako ay siya rin. Kung hindi ako (ang tinutukoy), siya (ang tinutukoy) d. Nagtatanong. Nag-uutos. e. Nagtatanong. Tumitiyak. 4. a. Sa bayan ng mga Kalinga sa Cordillera, noong Dekada’70 b. Si Daniway at ang mga kababaihang Kalinga c. Oo. d. Palulubugin ang kanilang mga baryo, pati mga gubat at payaw. Magkakawatak-watak ang mga Kalinga.
  • 72.
    21 Kung nasagot moang 18 tanong pataas, hindi mo na kailangang sagutan ang susunod na bahagi, ang Paunlarin. Paunlarin Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot. 1. Anong mga ponemang segmental ang nakapagpapabago sa kahulugan ng sumusunod na mga pares ng salita? a. para at pata b. paso at pasa c. baso at basa d. uso at oso e. pila at pita 2. Punan ang patlang sa bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa mga salita sa ibaba. a. Ang tagpuan sa “Kabayanihan ng Kababaihan” ay isang ___________ noong Dekada ’70. b. Ang pangulo ng Pilipinas noon ay si ______________. c. Ang etnikong grupong tumutol sa pagtatayo ng dam sa Ilog Chico ay _________. d. Napaalis ng mga kababaihan ang mga sundalo at manggagawa nang sabay-sabay silang magsayaw nang _________ sa harap ng natulalang mga lalaki. e. Ang ponema ay _________ tunog. Daniway Marcos hubad makahulugang madaling-araw Kalinga Tama kaya ang mga sagot mo? Ihambing mo sa mga sumusunod. Tanong Blg. 1: a. r at t b. o at a c. o at a d. u at o e. l at t Tanong Blg. 2 a. madaling-araw
  • 73.
    22 b. Marcos c. Kalinga d.Hubad e. makahulugang Sub-Aralin 2: Ang mga Diptonggo Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salitang may diptonggo Alamin May mga nagsasabing hindi maisasabatas ang wika. Batay ito sa paniniwalang dila ng tao ang nagdidikta ng gamit ng wika kaya hindi kailangan ang batas kaugnay ng wika. Ngunit sa Pilipinas, may patunay na oo, maaaring magpasa ng batas na magtataguyod sa wika, partikular sa pambansang wika. Basahin ang probisyong pangwika ng Konstitusyong 1987: Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas Artikulo XIV Wika Sek 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
  • 74.
    23 Ang mga wikangpanrehiyon ay pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. Sek. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag- uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika. Linangin Napansin mo ba ang mga salitang italisado sa itaas? Halimbawa ito ng mga salitang may diptonggo. Basahin mong muli, may, batay, kaugnay, patunay, mag-uugnay. Ano ba ang diptonggo? Ang diptonggo ay binubuo ng dalawang tunog na pinagsama: alin mang patinig na sinusundan ng alin sa dalawa: w o y. Ano nga ba ang patinig? Lima ang patinig sa Filipino, di ba? Anu-ano ang mga ito? /a, e, i, o, u/. Alin man sa limang ito, kapag sinundan ng alin sa w o y ay nakabubuo ng diptonggo. Samakatwid, ilan ang diptonggo sa Filipino? Tama ka kung pito (7) ang sagot mo. Anu-ano ang mga ito? Diptonggo Halimbawa • aw sitaw • iw aliw • iy kami’y (pinaikling kami at ay) • ey reyna • ay kaugnay • oy kahoy • uy aruy
  • 75.
    24 Matutukoy mo naba ang mga salitang may diptonggo? Basahin ang maikling talataan sa ibaba: “Mga Kulay at Simoy ng Hunyo” Aurora E. Batnag Sa akin, iba ang kulay ng Hunyo. Natatangi sa lahat ng buwan ang simoy ng Hunyo. Kapag Hunyo, parang nakakiling ang araw. Parang laging uulan pero hindi naman tumutuloy. At dahil Hunyo ang pasukan sa mga eskwela, pinananabikan kong muling makita ang iba’t ibang kulay sa paaralan – ang mga pulang gumamela sa tulay sa gulayan, ang mga dilaw na santan sa malapit sa tagdan, ang puti at rosas na bouganvillea pagdungaw sa bintana ng aming mga silid-aralan. Itala sa iyong sagutang papel ang lahat ng salitang may diptonggo. Salungguhitan ang diptonggo. Ilan ang naitala mo? Tingnan mo nga kung naitala mong lahat ang mga salitang ito: • kulay (2x) • simoy • araw • tumutuloy • tulay • dilaw • pagdungaw Malinaw na ba sa iyo ang diptonggo? Gamitin Napansin mo ba na laging nasa hulihan ng salita ang diptonggo? Ano kaya ang mangyayari kapag dinugtungan ang salitang may diptonggo? Kapag dinugtungan ito ng hulapi? Subukin mo ngang lagyan ng hulapi ang mga salitang may diptonggo. Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang mabubuo kapag nilagyan ng hulapi ang mga salitang may diptonggo na nasa itaas. Anong mga salita ang nabuo mo? Ganito rin ba: • kulayan
  • 76.
    25 • arawan • tuluyan •tulayin • dilawan • dungawin May diptonggo pa rin ba sa mga salitang iyan? Kung wala ang sagot mo, tama ka. Kung oo ang isinagot mo, kailangan sigurong balikan mo pa ang naunang talakay tungkol sa diptonggo. Ano nga ba ang diptonggo? Di ba ito ay binubuo ng dalawang tunog na pinagsama: alin mang patinig (a, e, i, o, u) at alin man sa w o y. Para maging mas malinaw, subukin mo ngang pantigin (o hatiin sa mga pantig) ang mga salita sa itaas. Isulat mo sa iyong sagutang papel ang pagpapantig ng mga salita sa itaas. Gamitin mo ang tuldok (.) para paghiwalayin ang mga pantig. Ganito ba ang naging sagot mo? 1. kulayan – ku.la.yan 2. arawan – a.ra.wan 3. tuluyan – tu.lu.yan 4. tulayin – tu.la.yin 5. dilawan – di.la.wan 6. dungawin – du.nga.win May nakita ka bang diptonggo? Wala, di ba? Ano ang nangyari sa diptonggo na nasa mga salitang pinaghanguan ng Blg. 1-6 sa itaas? Dahil sa pagpapantig ng salita, ang w o y ay naisama na sa kasunod na pantig. Anu-ano ang mga pantig ng salitang kulayan, halimbawa? Di ba ganito: • ku • la • yan Hindi na w o y ang huling tunog salita. Samakatwid, walang diptonggo kapag nilagyan ng hulapi ang salitang may diptonggo. Bakit naging ganito? Dahil ang hulihang w o y ay nagiging kasama na ng kasunod na pantig, ang hulapi. Kitang- kita iyan nang pantigin ang mga salita, di ba? Hindi na magkasama sa pangalawang pantig ang nauunang patinig at ang w o y . Mas malinaw na siguro ngayon, ano? Narito pa ang dagdag na mga tanong para mas maging sanay ka sa diptonggo. O, sanay ka na ha? Di ba may diptonggo ang salitang iyan? Tama, ay ang diptonggo.
  • 77.
    26 Punan ang mgapatlang sa mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel Sa ibaba ng iyong sagot, isulat ang mga salitang may diptonggo mula sa mga tanong pati sa iyong mga sagot. Salungguhitan ang diptonggo. 1. May patunay na pwedeng magpasa ng batas kaugnay ng pambansang wika. Mababanggit ang Konstitusyong 1987 na may probisyon para sa pagpapaunlad ng pambansang wika. 2. Ayon sa Konstitusyong 1987, ang wikang Filipino ay magiging midyum ng opisyal na ________ at wika ng ________ sa sistemang pang-edukasyon. 3. Ayon sa Sek. _ ng Konstitusyong 1987, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. 4. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng ______ at sa iba pang mga ____. 5. Ayon naman sa Sek. 7, “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at _________. 6. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at ______. 7. Isinasaad sa Sek. 9 na dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga ____. Tama ba ang iyong mga sagot? Tingnan mo nga kung ganito rin ang naging mga sagot mo: Sagot sa tanong Salitang may diptonggo 1. walang tanong may (2x), kaugnay 2. komunikasyon, pagtuturo wala 3. 6 ay 4. Pilipinas, wika ay 5. Ingles ay 6. Ingles ay 7. wika mag-uugnay Lagumin
  • 78.
    27 Malinaw na marahilsa iyo kung ano ang diptonggo. Upang maging mas malinaw pa, narito ang mga pangunahing puntos ng sub-araling ito: 1. Ang diptonggo ay dalawang tunog na pinagsama – alin man sa mga patinig /a, e, i, o, u/ at alin man sa w o y. 2. Pito (7) ang diptonggo sa wikang Filipino. Ito ay iw, iy, ey, aw, ay, uy, oy. 3. Kapag hinulapian ang salitang may diptonggo, nawawala ang diptonggo dahil ang w o y ay nagiging kasama na ng kasunod na pantig. Ngayon, handa ka na ba sa pagsubok? Subukin 4. Punan ang patlang sa bawat pangungusap. Isulat ng mga sagot sa iyong sagutang papel. a. Ang ________ ay dalawang tunog na pinagsama – alin man sa mga patinig /a, e, i, o, u/ at alin man sa w o y. b. May diptonggo ang mga salitang may alin man sa mga sumusunod na tunog sa hulihan: (i) __ (ii) __ (iii) __ (iv) __ (v) __ (vi) __ at (vii) __. 5. Piliin sa mga salita sa ibaba ang mga salitang may diptonggo. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel. tunay saysay kulay simoy tuloy suklay duklay saway halimaw baliw reyna mayroon magiliw bistay bilog suhayan pantigin maysakit aliw-iw biya kawayan pantayan aliwan buhayin 6. May diptonggo ang mga salita sa ibaba ng mga pangungusap. Alam mo bang gamitin ang mga ito? Piliin kung alin sa mga ito ang angkop na salitang magagamit sa mga patlang. a. May _______ kung ito ay may kabuluhan b. Ang _______ ay ginagamit na pang-ayos ng buhok. c. Ang _________ ay dapat bigyan ng gamot.
  • 79.
    28 d. Kapag ______ka sa isang tao, ibig sabihin ay may pagmamahal sa iyong kilos. e. Ang _______ ay bilog at may maliliit na butas. f. Ang ______ ay ginang ng hari. suklay suklay bistay magiliw reyna saysay maysakit Narito ang Susi sa Pagwawasto. Tsekan mo nang matapat ang iyong mga sagot. 1. a. diptonggo b. (i) ay, (ii) ey, (iii) iy, (iv) oy, (v) uy, (vi) aw, (vii) iw 2. tunay, saysay, kulay, simoy, tuloy, suklay, duklay, saway, halimaw, baliw, reyna, mayroon, magiliw, bistay, bilog, maysakit, aliw-iw 3. a. saysay b. suklay c. maysakit d. magiliw e. bistay f. reyna Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Naitala mo bang lahat ang mga salitang may diptonggo? Kung nasagot mo nang tama ang lahat ng tanong, hindi mo na kailangang sagutan pa ang mga tanong sa Paunlarin. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na sub-aralin. Paunlarin May diptonggo ang mga salita sa ibaba ng mga pangungusap. Alam mo bang gamitin ang mga ito? Piliin kung alin sa mga ito ang angkop na salitang magagamit sa mga patlang. 5. Alam mo na ba ang bagong patnubay sa _________ o ispeling sa wikang Filipino? 6. Kung hindi pa, dapat mo itong matutuhan upang ikaw ay maging ________ sa pagsulat sa wikang pambansa. 7. Ayon sa Konstitusyon, ang Filipino ay dapat payabungin _____ sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.
  • 80.
    29 8. Ang ______ay nangangahulugang suporta. 9. Ang mga batas ay naglalayong mabigyan ang bawat isa ng _______ na mga karapatan. pantay mahusay batay suhay pagbaybay Nakasagot ka kaya ng tama? Tama ang mga sagot mo kung ganito: 1. pagbaybay 2. mahusay 3. batay 4. suhay 5. pantay Sub-Aralin 3 Ang mga Klaster Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na mga kasanayan: 1. Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salitang may klaster 2. Nakikilala ang tiyak na uri ng tekstong ekspositori Alamin Alam mo ba ang iyong mga karapatan? Alam mo bang kapag ikaw ay dinakip, sa ano mang akusasyon, may sala ka man o wala, may karapatan kang manahimik. Hindi mo kailangang magsalita hangga’t hindi ka napapayuhan ng isang abogado. Bakit kaya ipinagkakaloob ng ating Konstitusyon ang ganitong karapatan? Mahulaan mo kaya?
  • 81.
    30 Ito ay dahilsa harap ng batas, ano mang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo. Kaya para maprotektahan ang isang tao, akusado man o saksi, binibigyan siya ng karapatang hindi magsalita. Ito ang kanyang karapatan laban sa sariling inkriminasyon. Basahin ang tekstong expositori sa ibaba upang malaman mo kung ano ang karapatang ito. Karapatang hindi magsalita, ikinatwiran ng heneral Di kukulangin sa 20 beses, ikinatwiran ni Major General Carlos Garcia ang karapatang hindi magsalita. Sa kanyang unang pagharap sa pagdinig sa Kongreso kahapon, ang taong di umano’y nagkamal ng milyung-milyong di maipaliwanag na yaman, ay umiwas sa mga tanong tungkol sa kanyang mga ari-arian. Sa mga tanong sa kanya, iisa ang tugon ng heneral: “Ang ikinakatwiran ko po’y ang aking karapatan laban sa sariling inkriminasyon.” Malayang salin ng isang balita sa Philippine Daily Inquirer Oktubre 19, 2004 Kilala mo ba si Gen. Garcia? Kung hindi, siya iyong naakusahan ng korupsyon sa military at ng di-maipaliwanag na yaman. Nang siya’y litisin, ano ang itinutugon niya sa mga tanong ng taga- usig. Tama, laging karapatan laban sa sariling inkriminasyon ang kanyang tugon. Right against self- incrimination. Ito ang termino sa Ingles. Ano ba itong karapatang ito na laging binabanggit ni Gen. Garcia. Ang karapatang ito ay itinatadhana sa Seksyon 17, Artikulo III (Bill of Rights) ng Konstitusyong 1987. Isinasaad dito na walang sino mang tao na mapipilit sumaksi laban sa kanyang sarili. May dalawang pangunahing layunin ang karapatang ito, ayon sa isang dating Chief Justice ng Korte Suprema: a. makataong kadahilanan – upang ang sino mang saksi o akusado ay hindi mapwersa ng sino man – sa ano mang paraan, maging ito ay sa paraang pisikal, moral at/o sikolohikal – na makapagbitiw ng mga salitang maaaring mauwi sa sariling kapahamakan b. proteksyon para sa saksi o akusado upang di siya mapilitang magsinungaling o makagawa ng perjury – o ang pagsasabi ng di totoo sa harap ng hukuman.
  • 82.
    31 Kung minsan, angisang tao ay napipilitang magsinungaling upang protektahan ang sarili. Ito’y dahil ang unang batas ng kalikasan ay pangangalaga sa sarili Ang karapatan laban sa sariling inkriminasyon ay magagamit hindi lamang sa mga pag-uusig na kriminal kundi maging sa lahat ng ibang paglilitis ng gobyerno, kabilang na ang mga aksyong sibil at mga imbestigasyong administratibo at lehislatibo. Maaari itong gamitin hindi lamang ng taong akusado sa isang paglabag, kundi maging ng sino mang saksi na pinupukol ng tanong na maaaring magpahamak sa kanya. Ang karapatang ito ay maaari ring maipananggalang sa mga imbestigasyong makatutulong sa lehislasyon na isinasagawa ng dalawang kapulungan ng Kongreso sapagkat ang kapangyarihang ito ng Kongreso ay hindi absoluto o walang hangganan, at nasasagkaan pa rin ng Konstitusyon. Samakatwid, ang mga karapatan ng isang tao sa ilalim ng Bill of Rights ay kailangang igalang, kabilang na ang karapatang hindi mapwersang sumaksi laban sa kanyang sarili. Halaw mula sa PDI Research Philippine Daily Inquirer Oktubre 19, 2004 Linangin Ang tekstong kababasa mo pa lamang ay halimbawa ng tekstong expositori. Ano ba ang tekstong expositori? Ang teminong expositori ay maaari ring tawaging paglalahad o pagpapaliwanag. Kung gayon, ano ang pangunahing layunin ng tekstong ito? Tama ka. Paglalahad o pagpapaliwanag. Paglilinaw sa isang isyu. Sinasagot nito ang mga tanong kaugnay ng mga dapat malaman tungkol sa isang bagay o pangyayari. Ano ang nalinawan mo sa tekstong kababasa mo pa lamang? Di ba ang mga sumususunod: • Bawat mamamayan ay pinoprotektahan ng mga batas sa pamamagitan ng mga karapatan • Isa rito ang karapatan laban sa sariling inkriminasyon o pagpapahamak sa sarili • Ito ang karapatang hindi magsalita kung ang pagsasalita ay maaaring mauwi sa sariling kapahamakan • Ito rin ay karapatang hindi sumaksi laban sa sarili Malinaw na ba sa iyo ang karapatang ito?
  • 83.
    32 Ang klaster. Napansinmo ba ang mga salitang ito na hinango sa teksto sa itaas? maprotektahan/protektahan inkriminasyon mapwersa proteksyon kriminal Konstitusyon administratibo aksyon Bigyang pansin ang mga letrang italisado sa mga salita sa itaas. Mayroon silang pagkakapareho, di ba? Anong katangian itong magkakapareho sa dalawang letrang italisado? Tama, parehong katinig. Dalawang magkasunod na katinig. Kung papantigin ang mga salitang ito, ganito ang lalabas: • maprotektahan – ma.pro.tek.ta.han • mapwersa – ma.pwer.sa • kriminal – kri.mi.nal • administratibo – ad.mi.nis.tra.ti.bo • inkriminasyon – in.kri.mi.na.syon • proteksyon – pro.tek.syon • Konstitusyon – kons.ti.tu.syon • aksyon – ak.syon Ngayong nahati sa mga pantig ang mga salita, mas malinaw mo nang makikita. Ang alin? Ang mga klaster, di ba? Batay sa iyong obserbasyon, ano ang masasabi mo tungkol sa klaster? Tama. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. Kitang- kita iyan sa mga halimbawa sa itaas. Anu-ano ang mga klaster sa mga salitang ito? Isa-isahin mo. maprotektahan – pr mapwersa – pw kriminal – kr administratibo – tr inkriminasyon – kr at sy proteksyon – pr at sy aksyon – sy Napansin mo ba na ang klaster ay maaaring makita sa unahan ng salita, tulad sa salitang kriminal. Maaari rin sa gitna ng salita, tulad sa administratibo.
  • 84.
    33 Maaari ring magkaroonng klaster sa hulihan ng salita, gaya ng makikita sa mga salita sa ibaba: • apartment • nars • kard • park Malinaw na ba ang kahulugan ng klaster? Tandaan mo lamang lagi na ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. Kapag may magkasunod na dalawang katinig sa isang salita, pero hindi naman magkasama sa iisang pantig, hindi klaster ang mga iyon. Tingnan mo ang mga halimbawa sa ibaba. May dalawang magkasunod na katinig sa mga salitang ito, pero hindi magkakasama sa iisang pantig, kaya walang klaster. • asamblea – a.sam.ble.a • sumbat – sum.bat • sumpa – sum.pa Paano naman ang ng? Dalawang katinig nga ito. Pero hindi ito pinagsamang n + g. Ang ng ay kumakatawan sa isang tunog lamang, na makikita sa mga salitang tulad ng ngayon, ngiti, ngiyaw, nguya at iba pa. Kaya ang ng ay hindi klaster. Hindi rin ba pinaghihiwalay ang ng sa pagpapantig? Hindi nga pinaghihiwalay sa pagpapantig. Alam mo ba kung bakit? Tama. Dahil nga iisang tunog ang kinakatawan nito. Gamitin Handa ka na bang ilapat ang mga natutuhan mo? Ano na nga ba ang pangunahing layunin ng tekstong ekspositori? Tama ka kung ang sagot mo ay upang magbigay ng impormasyon. Kompara sa tekstong narativ, ano naman ang ikinaiba ng ekspositori sa narativ? Di ba ang pangunahing layunin ng narativ ay magbigay-kasiyahan? Paano ito naisasagawa? Di ba sa pamamagitan ng tagpuan, tauhan at banghay? Ang tekstong expositori naman ay naglilinaw sa mga bagay, nagpapaliwanag, naglalahad. Ano ang inilahad sa maikling tekstong binasa mo? Di ba ito ay nagpaliwanag tungkol sa karapatan laban sa sariling inkriminasyon? Sakaling mapaharap ka sa sitwasyong dapat kang
  • 85.
    34 humarap sa husgado,magagamit mo ang impormasyong ito para hindi ka sumaksi laban sa iyong sarili, o magbitiw kaya ng mga pananalitang maaaring magamit laban sa iyo. Di ba makatutulong sa iyo sa hinaharap ang impormasyong ito? Tingnan mo naman kung malinaw na sa iyo ang klaster. Nasa ibaba ang ilang salita. Piliin ang mga salitang may klaster at itala ang mga ito sa iyong sagutang papel. Salungguhitan ang mga klaster. diskriminasyon sumbrero suntok soltera praning preno sampal samba prestihiyo edukasyon arte letra klaster simple kredito drama grasya trapo Nasagot mo ba nang tama? Tama ang mga sagot mo kung ganito: diskriminasyon sumbrero praning preno prestihiyo edukasyon letra klaster simple kredito drama grasya trapo Tingnan mo nga kung magagamit mo nang wasto ang mga salitang may klaster. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Punan ng angkop na salitang may klaster ang mga patlang sa bawat pangungusap. Pumili ka ng sagot mula sa talaan sa itaas. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang mga batas ay ginawa upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat at maiwasan ang _____________ bunga ng kalagayang sosyo-ekonomiko. 2. Huwag sanang isipin ng sino man na ang mga taong iginagalang at itinuturing na may _________ ay may higit na karapatan kaysa sa mga taong namumulot lamang ng basura upang may makain. 3. Kaya mahalagang makapagtamo ng __________ ang lahat upang malaman ang kanilang mga karapatan. O, tama ba ang mga sagot mo? Kung ganito ang sagot mo, tama ka: 1. diskriminasyon 2. prestihiyo 3. edukasyon
  • 86.
    35 Huwag kang mag-alala.May karagdagan pang mga pagsasanay upang lalo kang masanay sa paggamit ng klaster. Lagumin Malinaw na ba sa iyo kung ano ang tekstong expositori? Kung ano ang klaster? Upang maging mas malinaw pa, narito ang mga pangunahing puntos ng sub-araling ito: • Ang tekstong expositori ay naglalahad, nagpapaliwanag o naglilinaw. Ang pangunahing layunin nito ay magbigay-impormasyon. • Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. • Kapag may dalawang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, pero hindi naman magkasama sa iisang pantig, ang mga ito ay hindi klaster. • Ang klaster ay matatagpuan sa unahan, gitna at hulihan ng salita. Subukin Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel. 1. Sagutin ang mga tanong: a. Ano itong right against self-incrimination o karapatan laban sa sariling inkriminasyon? b. Saang bahagi ng Konstitusyong 1987 matatagpuan ang tadhana ukol dito? c. Ano ang dalawang pangunahing layunin ng karapatang ito? 2. Piliin ang mga salitang may klaster. Salungguhitan ang klaster. kwento asosasyon sandata sobre sundalo sesyon tradisyon parte test renta prente tostado 3. Punan ang mga patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap. Piliin ang sagot sa mga salita sa ibaba. a. Ang karapatan laban sa sariling __________ ay naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa perjury. b. Malinaw na dapat sundin ang _____ ng batas. c. Pantay-pantay ang lahat ng tao sa mata ng batas; walang _________ salig sa kalagayan sa lipunan.
  • 87.
    36 d. Mahalagang makapagtamong ___________ ang lahat upang matutuhan ang kanilang mga karapatan. Edukasyon letra inkriminasyon diskriminasyon Matapos mong sagutin ang mga tanong, iwasto mo ang iyong mga sagot. Narito ang susi sa pagwawasto. 1. a. Ito ay karapatang manahimik upang hindi makapagbitiw ng mga salitang makapagpapahamak sa sarili. Ito rin ay karapatang hindi sumaksi laban sa sarili b. Seksyon 1, Artikulo III (Bill of Rights) c. Kadahilanang makatao at upang makaiwas sa perjury ang isang akusado o saksi 2. kwento asosasyon sobre sesyon tradisyon Test 3. a. inkriminasyon b. letra c. diskriminasyon d. edukasyon Kumusta? Nasagot mo bang lahat? Kung nasagot mong lahat ang mga tanong, hindi mo na kailangang sagutin ang mga tanong sa Paunlarin. Paunlarin 1. Sagutin ang mga tanong. a. Ano ang perjury? b. Kailan pwedeng gamitin ang karapatan laban sa sariling inkriminasyon? 2. Ibigay ang singkahulugan ng mga salitang italisado. Ang isasagot mo ay mga salitang may klaster. a. Gumamit ka ng basahan sa paglilinis sa kusina. b. 28 na ang titik sa bagong Alfabetong Filipino. c. Maraming nagaganap na dula na kinasasangkutan ng mga politiko. d. Napakalaki na ng utang na panlabas ng ating bansa. e. Ang isa sa mga parusa sa mga napatunayang nagkasala ay ang pagiging bilanggo.
  • 88.
    37 Nasagot mo kayaang mga tanong? Tama ang mga sagot mo kung katulad nito: 1. a. Ang perjury ay pagsasabi ng di totoo sa harap ng hukuman, kapag ikaw ay nakapanumpa nang magsasabi ng katotohanan lamang. b. Magagamit ito ng akusado at ng saksi sa lahat ng uri ng imbestigasyong isinasagawa ng gobyerno, maging ito ay kasong administratibo o lehislatibo, gayon din sa mga aksyong sibil. Magagamit din sa mga pagdinig sa Kongreso. 2. a. trapo b. letra c. drama d. preso O, mahal kong estudyante. Narito ka na sa dulo ng modyul. Handa ka na ba sa pangwaka na pagsusulit? Sige, simulan mo na. Gaano ka na kahusay? A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama at M kung mali ang ideang ipinapahayag sa pangungusap. 1. Ang ponema ay makahulugang tunog. 2. Ang dating Abakada ay may 20 letra. 3. Dalawampu (20) ang ponema sa wikang Filipino. 4. Ang alfabeto ng wikang Filipino ay may 28 letra kaya may 28 ponema rin 5. Lima (5) ang ponemang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/. 6. Ang impit na tunog ay nakapag-iiba sa kahulugan ng salita pero hindi ito makikita sa pagbaybay o ispeling ng salita. 7. Ang mga salitang kulay, daloy, aliw at ayaw ay mga halimbawa ng mga salitang may diptonggo. 8. Ang mga diptonggo sa mga salita sa Blg. 7 ay ay, oy, iw at aw. 9. Ang mga salitang kulayan, kamayin, daluyan at ayawan ay may diptonggo rin. 10. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig. 11. Ang mga salitang drama, braso, gripo at trapo ay mga halimbawa ng mga salitang may klaster. 12. Ang mga klaster sa mga salita sa Blg. 11 ay dr, br, gr at tr.
  • 89.
    38 13. Pareho lamangng kahulugan ang dalawang pangungusap sa ibaba: • Hindi, akin ang kendi sa mesa. • Hindi akin ang kendi sa mesa. 14. Ang tekstong narativ ay nagsasalaysay o nagkukwento. 15. Ang tekstong expositori ay naglalahad o nagpapaliwanag. B. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na diptonggo para mabuo ang mga salita sa ibaba. Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue. 1. sukl_ _ pang-ayos ng buhok 2. bugh_ _ isa sa mga kulay 3. ar_ _ sumisikat tuwing umaga 4. bal_ _ sira ulo 5. bah_ _ tirahan 6. tul_ _ pasok 7. tul_ _ tawiran sa ibabaw ng ilog 8. suh_ _ suporta 9. sal_ _ tugtog na kasabay ng kanta 10. ag_ _ dumi sa bahay 11. sakl_ _ ginagamit ng pilay 12. pil_ _ may baling buto 13. il_ _ nagbibigay ng liwanag 14. sis_ _ anak ng inahen 15. dil_ _ isa sa mga kulay C. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na letra para magkaroon ng klaster ang mga salita sa ibaba. Ibinigay ang kahulugan ng salita bilang clue. 1. p _ asa liwasan 2. k _ edito utang 3. d _ ama dula 4. p _ eso bilanggo 5. t _ apo basahan 6. p _ enda sangla 7. p _ antsa pang-unat ng damit 8. p _ ito luto sa mantika 9. p _ ato pinggan 10. g _ asya biyaya D. Basahin ang mga pares ng pangungusap sa ibaba. Ituon ang pansin sa mga salitang italisado. Tingnan kung magkapareho ng bigkas ang mga ito. Kung pareho ng bigkas, isulat sa iyong sagutang papel ang P; kung hindi, isulat ang HP.
  • 90.
    39 1. Inuubo siyadahil may butas ang baga niya. May baga pa sa kalan; maiiinit mo roon ang ulam. 2. Ang paso ay taniman ng halaman. Ang paso ay kailangang lagyan ng gamot para di maimpeksyon. 3. Ang pagdinig ay idinaos sa sala ng hukom. Siya, siya nga ang may sala. 4. Hindi na magagamit ang mga kinakalawang na pako. Masustansya ang ensaladsang pako. 5. Pinabili lang siya ng suka sa tindahan. Linisin mo nga ang suka ng bata sa sopa. E. Magkapareho ba ng kahulugan ang mga pares ng pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong sagutang papel ang P kung pareho; HP kung hindi. 1. Bukas, luluhod ang mga tala. Bukas luluhod ang mga tala. 2. Aalis kami, bukas. Aalis kami bukas. 3. Bukas kami aalis. Bukas, aalis kami. 4. Hindi, umuulan. Hindi umuulan. 5. Kahapon? Kahapon. F. Alin sa a, b, o c ang angkop para mabuo ang mga pangungusap sa ibaba? Isulat sa iyong sagutang papel ang letra lamang ng iyong sagot. 1. Sa tekstong narativ, mahalaga ang tatlong ito: a. tagpuan, tauhan, banghay b. dayalog, buod, tagapagsalaysay c. sukat, tugma, persona 2. Ang ________ ay halimbawa ng tekstong nagsasalaysay o nagkukwento: a. Balagtasan b. Talumpati c. maikling kwento
  • 91.
    40 3. Ang tekstongexpositori ay __________. a. Nangangatwiran b. Naglalarawan c. Nagpapaliwanag 4. Ang pangunahing layunin ng tekstong expositori ay _________. a. magbigay-impormasyon b. manghikayat c. magbigay-kasiyahan 5. Ang pangunahing layunin ng tekstong narativ ay ___________. a. magbigay-kasiyahan b. magbigay-impormasyon c. manghikayat Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul.
  • 92.
    41 Susi sa Pagwawasto Modyul2 Mga Ponema ng Filipino Ano na ang alam mo (Panimulang Pagsusulit) A. 1. T. 6. T 11. T 2. T 7. T 12. T 3. M 8. T 13. M 4. M 9. M 14. T 5. T 10. T 15. T B. 1. ay 6. oy 11. ay 2. aw 7. ay 12. ay 3. aw 8. ay 13. aw 4. iw 9. iw 14. iw 5. ay 10. iw 15. aw C. 1. l 6. r 2. r 7. l 3. r 8. r 4. r 9. l 5. r 10. r D. 1. HP 2. HP 3. P 4. HP 5. HP E. 1. HP 2. P 3. HP 4. HP 5. HP F. 1. a 2. c 3. c 4. a 5. a Susi sa Pagwawasto
  • 93.
    42 B. Sub-Aralin 1 Subukin 1. a.s at t e. l at t b. b at p f. o at a c. b at p g. e at i d. b at p h. o at u 2. a. Pataas b. Pababa c. Pataas d. Pababa 3. a. Pagtanggi (hindi), pagtukoy (siya). Pagtanggi na siya ang sangkot. b. Nagtatanong Pag-amin. Ang ba ay ekspresyon ng pag-amin, hindi pagtatanong. c. Kung hindi (magaganap ang kondisyon o pangyayaring di na binanggit), ako ay siya rin. Kung hindi ako (ang tinutukoy), siya (ang tinutukoy) d. Nagtatanong. Nag-uutos. e. Nagtatanong. Tumitiyak. 4. a. Sa bayan ng mga Kalinga sa Cordillera, noong Dekada’70 b. Si Daniway at ang mga kababaihang Kalinga c. Oo. d. Palulubugin ang kanilang mga baryo, pati mga gubat at payaw. Magkakawatak-watak ang mga Kalinga. C. Sub-Aralin 2 Subukin 1. a. diptonggo b. (i) ay, (ii) ey, (iii) iy, (iv) oy, (v) uy, (vi) aw, (vii) iw 2. tunay, saysay, kulay, simoy, tuloy, suklay, duklay, saway, halimaw, baliw, reyna, mayroon, magiliw, bistay, bilog, maysakit, aliw-iw 3. a. saysay b. suklay c. maysakit d. magiliw e. bistay f. reyna
  • 94.
    43 D. Sub-Aralin 3 Subukin 1.a. Ito ay karapatang manahimik upang hindi makapagbitiw ng mga salitang makapagpapahamak sa sarili. Ito rin ay karapatang hindi sumaksi laban sa sarili b. Seksyon 1, Artikulo III (Bill of Rights) c. Kadahilanang makatao at upang makaiwas sa perjury ang isang akusado o saksi 2. kwento asosasyon sobre sesyon tradisyon Test 3. a. inkriminasyon b. letra c. diskriminasyon d. edukasyon
  • 95.
    44 Susi sa Pagwawasto Modyul2 Mga Ponema ng Filipino Ano na ang alam mo (Panimulang Pagsusulit) A. 1. T. 6. T 11. T 2. T 7. T 12. T 3. M 8. T 13. M 4. M 9. M 14. T 5. T 10. T 15. T B. 1. ay 6. oy 11. ay 2. aw 7. ay 12. ay 3. aw 8. ay 13. aw 4. iw 9. iw 14. iw 5. ay 10. iw 15. aw C. 1. l 6. r 2. r 7. l 3. r 8. r 4. r 9. l 5. r 10. r G. 1. HP 2. HP 3. P 4. HP 5. HP H. 1. HP 2. P 3. HP 4. HP 5. HP I. 1. a 2. c 3. c 4. a 5. a Susi sa Pagwawasto
  • 96.
    45 E. Sub-Aralin 1 Subukin 1. a.s at t e. l at t b. b at p f. o at a c. b at p g. e at i d. b at p h. o at u 2. a. Pataas b. Pababa c. Pataas d. Pababa 3. a. Pagtanggi (hindi), pagtukoy (siya). Pagtanggi na siya ang sangkot. b. Nagtatanong Pag-amin. Ang ba ay ekspresyon ng pag-amin, hindi pagtatanong. c. Kung hindi (magaganap ang kondisyon o pangyayaring di na binanggit), ako ay siya rin. Kung hindi ako (ang tinutukoy), siya (ang tinutukoy) d. Nagtatanong. Nag-uutos. e. Nagtatanong. Tumitiyak. 4. a. Sa bayan ng mga Kalinga sa Cordillera, noong Dekada’70 b. Si Daniway at ang mga kababaihang Kalinga c. Oo. d. Palulubugin ang kanilang mga baryo, pati mga gubat at payaw. Magkakawatak-watak ang mga Kalinga. F. Sub-Aralin 2 Subukin 1. a. diptonggo b. (i) ay, (ii) ey, (iii) iy, (iv) oy, (v) uy, (vi) aw, (vii) iw 2. tunay, saysay, kulay, simoy, tuloy, suklay, duklay, saway, halimaw, baliw, reyna, mayroon, magiliw, bistay, bilog, maysakit, aliw-iw 3. a. saysay b. suklay c. maysakit d. magiliw e. bistay f. reyna
  • 97.
    46 G. Sub-Aralin 3 Subukin 1.a. Ito ay karapatang manahimik upang hindi makapagbitiw ng mga salitang makapagpapahamak sa sarili. Ito rin ay karapatang hindi sumaksi laban sa sarili b. Seksyon 1, Artikulo III (Bill of Rights) c. Kadahilanang makatao at upang makaiwas sa perjury ang isang akusado o saksi 2. kwento asosasyon sobre sesyon tradisyon Test 3. a. inkriminasyon b. letra c. diskriminasyon d. edukasyon
  • 98.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 3 Pagsusuri sa Kayarian/ Kahulugan ng Salita Pagtukoy sa Sanhi at Bunga at Pagbibigay ng Alternativ na Pamagat
  • 99.
    2 Modyul 3 Pagsusuri saKayarian/ Kahulugan ng Salita Pagtukoy sa Sanhi at Bunga at Pagbibigay ng Alternativ na Pamagat Tungkol saan ang modyul na ito? Magandang araw sa iyo, kaibigan! Kumusta ang pag-aaral mo sa iyong mga unang modyul? Siguro, may mga bahagi na medyo nahirapan ka at may mga bahagi naman na nadalian ka lang at kayang-kaya mo, ano? Ganoon talaga ang pag-aaral, kaibigan. Minsan madali lamang at kung minsan, may hirap din naman. Pero ang mahalaga, may natututunan ka sa bawat modyul na iyong pinag-aaralan. Gaya na lamang ng modyul na ito na magtuturo sa iyo ng mga bagong kaalaman sa wika. Kung sa unang modyul, kaibigan, natutunan mo ang tungkol sa panghihiram ng mga salita, at sa pangalawang modyul ay natutunan mo ang tungkol sa mga ponemang Filipino pati na mga salitang may diptonggo at klaster, sa modyul na ito mo naman matututunan ang tungkol sa mga pares minimal sa Filipino at ang pagbubuo ng salita mula sa punong salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit, at pagtatambal. Hindi lang iyan, matututunan mo rin ang pagbibigay ng kahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap at magkakaroon ka ng kaalaman sa pagtukoy ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. Matututunan mo rin ang pagbibigay ng kahulugan sa pamagat ng isang teksto na bibigyan mo ng isang bago o alternatibong na pamagat. O, eksayting di ba? Alam kong gusto mo nang pag-aralan ang modyul na ito. Sige, simulan mo na. Ano ang matututunan mo? Sa modyul na ito kaibigan, inaasahang magagawa mo ang sumusunod: 1. natutukoy at nagagamit nang angkop ang mga pares minimal sa Filipino 2. nabubuo ang iba’t ibang salita batay sa punong salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit, at pagtatambal
  • 100.
    3 3. nabibigyang-kahulugan angmagkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi ang bunga ng mga pangyayari 4. nasasabi ang kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap 5. natutukoy ang kahulugan ng pamagat at nakapagbibigay ng alternativ Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing mabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.
  • 101.
    4 Ano na baang alam mo? O, kaibigan, sa bahaging ito, aalamin natin kung ano na ang alam mo tungkol sa aralin. Huwag kang mag-aalala, panimulang pagsubok pa lang naman ito. Basta sagutin mo lang ang mga tanong sa abot ng makakaya mo. Kapag tapos ka na sa pagsagot, gaya ng una kong ibinilin sa iyo, kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto at iwasto mo nang matapat ang iyong mga sagot. Handa ka na ba? O sige, simulan mo na ang pagsagot! I. Lagyan mo ng tsek (/) ang mga pares ng salita sa Filipino na maituturing na pares minimal. _____1. pala : bala (shovel : bullet) ______6. benta : binta (sales : vinta) _____2. tila : dila (stopped : tounge) ______7. luha : lupa (tears : soil) _____3. uso : oso (fashion : bear) ______8. kama : dama (bed : felt) _____4. balat : balot (skin : wrapped) ______9. bulok : bulak (rotten : cotton) _____5. patilya : kapilya (sideburns : chapel) _____10. mesa : misa (table : mass) II. Isulat mo kung ang kayarian ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap ay: a. maylapi b. inuulit at c. tambalan. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel. 1. May sarili nang paraan ng pagsamba sa kanilang mga diyos at diyosa ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila sa Pilipinas. 2. Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, bukas-palad natin silang tinanggap. 3. Sila ang nagpakilala sa atin ng kristyanismo. 4. Natutunan ng mga ninuno mula sa mga paring Kastila ang magdasal sa iba’t ibang imahen ng mga santo. 5. Ngunit kahit pinilit ng mga Kastila na maging kristyano ang buong kapuluan ay hinding-hindi sila nagtagumpay. 6. Nanatili kasing kapit-tuko sa pagyakap sa kanilang relihiyon ang mga kapatid nating Muslim sa Mindanao. 7. Kaya naman urong-sulong ang mga Kastila sa pagyapak sa lupain ng mga Muslim sa pangambang manlaban ang mga ito laban sa kanila. 8. Hindi nga sila nagkamali sapagkat totoong handang-handa ang mga Muslim na ipagtanggol ang kanilang relihiyon kahit magbuwis pa sila ng buhay. 9. Dahil dito, ang mga katutubong naninirahan lamang sa mga kapatagan ang narating ng mga Kastila at nabinyagan para maging mga Kristyano. 10. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling buo at matatag sa kanilang pananampalataya ang mga Muslim sa Mindanao.
  • 102.
    5 III. Basahin moat unawain ang teksto. Pagkatapos mong basahin, gawin mo ang isinasaad sa bawat gawain. Nakakahiya… Pero Bahala Na! Marami tayong mga ugali at paniniwala na inaakala nating nagdudulot ng mga negatibong bagay sa atin ngunit maaari rin naman palang magdulot sa atin ng mga positibong resulta lalo pa nga kung maiaaplay natin nang maayos at matalino ang mga ito sa ating buhay. Nagpapakita raw kasi ito ng pagiging irasyunal natin bilang tao. Galing ang salitang bahala na sa “bathala na” na ang kahulugan ay pagpapaubaya sa Diyos ng mga bagay- bagay. Kapag sinabi nating bahala na, hindi na natin iniisip kung ano ang magiging resulta ng ating gagawin sapagkat iniisip natin na Diyos na ang bahala para rito. O kaya nama’y hindi na tayo magsisikap para sa ating sarili at sa halip ay ipauubaya na lamang natin sa Diyos ang ating kapalaran. Taliwas naman ang ganito sa paniniwala ng iba pang Pilipino. Para naman sa kanila, may positibong aspekto ang hiya at bahala na. Ang hiya ay kasasalaminan ng mataas na pagtingin at respeto natin sa ating sarili at sa ibang tao. Nahihiya tayong gawin ang isang bagay sapagkat ayaw nating magdulot ito ng di-mabuti sa ating kapwa at sa ating sarili. Umiiwas tayong makasakit ng damdamin ng ating kapwa sapagkat nirerespeto natin ang kanilang pagkatao. Iniiwasan nating mapintasan tayo ng iba at may masabi silang di-maganda tungkol sa atin sapagkat mataas ang pagtingin natin sa ating dignidad bilang tao.
  • 103.
    6 A. Basahin moat unawain ang bawat pangungusap na nakatala sa ibaba. Pagkatapos, piliin mo sa loob ng panaklong ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel. 1. Magiging kapaki-pakinabang ang ating mabubuting ugali kung maiaaplay natin ang mga ito sa pang-araw-araw nating pamumuhay. (a. magagamit b. mapagtatagumpayan c. mangyayari d. masusukat) 2. Taliwas ang paniniwala ng marami tungkol sa konsepto ng hiya at bahala na. (a. katulad b. kabaliktaran d. kalapit e. kamukha) 3. Nagbubunga ng mga negatibong bagay ang kawalan natin ng hiya. (a. kakulangan b. kalabisan c. di-pagkakaroon e. di-pagdating) 4. Dapat nating pangalagaan ang ating dignidad bilang mga Pilipino. (a. lahi b. identidad c. moralidad d. dangal) 5. May respeto tayo sa ating kapwa kapag nahihiya tayong gumawa ng anumang bagay na makasasakit sa kanilang damdamin. (a. pag-unawa b. paggalang c. pagkilala d. pag-ibig) 6. Iba-iba ang ang konsepto ng mga Pilipino sa salitang hiya. (a. kaisipan b. kahulugan c. katumbas d. kabaligtaran) 7. Kailangan natin ang katatagan ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. (a. pagsusulit b. suliranin c. katanungan d. tanong) 8. Kadalasan ay ikinukunsulta natin sa Diyos, sa pamamagitan ng panalangin, ang magiging bunga ng ating mga gagawin. (a. prutas b. resulta c. epekto d. ugat) Samantala, masasalamin naman sa bahala na ang katatagan ng loob nating mga Pilipino sa paggawa ng kahit na anong bagay at sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. Sa likod ng ating kamalayan ay alam nating anuman ang ating gawin ay laging nariyan ang Diyos upang tayo ay tulungan at gabayan. Nagdarasal muna tayo bago magpasya sa ating gagawin at nagdarasal pa rin pagkatapos natin itong gawin upang magkaroon ito ng mabuting resulta. At dahil kinukunsulta muna natin sa Diyos ang anumang nais nating gawin, tinitiyak natin na ito ay naaayon sa Kanyang kagustuhan. Ang bahala na kung gayon ay hindi pagpapaubaya ng lahat sa Diyos kundi pagpapakita ng ating mataos na pananalig sa Kanya. Pananalig na tutulungan ng Diyos ang sinumang nagsisikap para sa kanyang sarili. Samakatwid, ang hiya at bahala na ay hindi laging negatibo. May positibong aspeto rin ang mga konseptong ito
  • 104.
    7 9. Nakatutulong angpagdarasal bago magpasya sa anumang gagawin. (a. magdesisyon b. magtrabaho c. mag-isip d. magpatulong) 10. Ang bahala na ay nagpapakita din pala ng mataos na pananalig sa Diyos. (a. matibay b. matatag c. matapat d. matapang) B. Sagutin nang maikli ngunit malinaw ang mga sumusunod na tanong batay sa nakasaad sa teksto. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang naidudulot ng pagtataglay ng tao ng labis na hiya? Ano naman ang naidudulot ng kawalan niya ng hiya? 2. Bakit dapat nating iwasan ang ugaling bahala na? 3. Anong positibong aspeto ang masasalamin sa ugaling bahala na ng mga Pilipino? 4. Ano namang positibong aspeto ang masasalamin sa hiya? 5. Saan nanggaling ang konseptong bahala na? C. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salita/pariralang nakahilig batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. 1. Nakita ko na naman ang mga musmos sa kalsada habang papauwi ako kahapon. 2. Nasalamin kong muli sa kanilang mga mata ang kahirapang kanilang dinaranas. 3. Naitanong ko tuloy sa sarili, sino kayang mapagpalang kamay ang kakalinga sa mga batang ito? 4. Mayroon kayang sasagip sa kanila mula sa kaawa-awa nilang kalagayan sa buhay? 5. Nilapitan ako ng isa sa kanila at inalok ng tinda niyang sampaguita. 6. Napilitan tuloy akong bumili kahit kakarampot na lamang ang pera sa aking bulsa. 7. Parang pinipiga ang puso ko habang iniaabot ang bayad sa bata dahil alam kong pansamantala lamang ang tulong kong iyon sa kanya. 8. Kung marami lamang akong pera nang mga oras na iyon ay papakyawin kong lahat ang tinda niyang sampagita. 9. Kaya lang, ako man ay kapos na kapos ding kagaya nila. 10. Ipagdarasal ko na lamang na masilayan din nila ang pag-asa sa bawat umaga. matulungin alagaan nabanaag magliligtas kulang na kulang sa pera kakaunti bibilhing lahat makita bata nakadarama ng matinding awa niyayang bumili
  • 105.
    8 D. Maaaring bigyanng mambabasa ng iba’t ibang alternativ na pamagat ang isang teksto ayon sa sariling interpretasyon o pakahulugan niya sa teksto. Sa iyong palagay, alin kaya sa mga nakatala sa ibaba ang pinakaangkop na alternativ na pamagat para sa tekstong iyong binasa? Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel. a. Mga Pagpapahalagang Pilipino b. Kultura at Tradisyon c. Nahihiya Ka Ba? Sige Lang, Bahala Na! d. Hiya at Bahala Na Bilang mga Ugaling Pilipinong Maipagmamalaki Kahit Kanino at Kahit Saan E. Umisip ka ng iyong sariling alternativ na pamagat para sa tekstong Nakakahiya… Pero Bahala Na! Isulat sa patlang sa ibaba ang naisip mong pamagat. _______________________________________________ (Alternativ na Pamagat) F. Basahin ang teksto at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Edukasyon, Mahalaga Napakahalaga para sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng edukasyon. Naniniwala ang marami na kapag nakatapos ng pag-aaral ang isang tao, magkakaroon siya ng magandang buhay, at kapag hindi naman siya nagkamit ng mataas na edukasyon, mahihirapan siyang umangat sa buhay. Kaya naman, ganoon na lamang ang pagsisikap ng mga magulang na Pilipino na mapag-aral ang kanilang anak. Para sa kanila, ang edukasyon lamang ang pinakamahalagang kayamanang maipamamana nila sa kanilang mga anak. Isa itong kayamanang hindi mananakaw ninuman. Samantala, marami rin ang naniniwala na ang kawalan ng edukasyon ng mga mamamayan ay may malaking epekto sa bansa. Kapag mangmang at walang pinag-aralan ang karamihan sa mga tao, mahihirapan silang makahanap ng trabaho. Kapag wala silang trabaho, tiyak na ang kahirapang kanilang daranasin sa buhay. Kapag laganap ang kahirapan, laganap din ang kaguluhan at iba’t ibang uri ng krimen. Apektado naman nito ang ekonomiya sapagkat walang mga dayuhang mangangalakal ang papasok sa bansa. Kung tutuusin ay hindi naman nagpapabaya ang pamahalaan sa bagay na ito. Sinisikap ng pamahalaan na mapagkalooban ng libreng edukasyon ang mga kabataang Pilipino mula elementarya hanggang sekundarya. Malaking tulong na sa bawat bata ang matutong magsulat, magbasa, at magkwenta. Maililigtas na sila ng mga kaalamang ito sa tiyak na kahirapan pagdating ng araw. 1. Ayon sa paniwala ng marami, ano ang nagiging bunga kapag: a. nakatapos ng pag-aaral ang isang tao? b. hindi nagkamit ng mataas na edukassyon ang isang tao?
  • 106.
    9 2. Ano angsanhi ng: a. hirap sa paghanap ng trabaho ng mga tao? b. di pagpasok ng mga dayuhang mangangalakal sa bansa? Mga Gawain sa Pagkatuto Sub-Aralin 1: Mga Pares Minimal at Kayarian ng Salita sa Filipino: Alamin, Kilalanin Mo! Layunin: Pagkatapos ng sub-araling ito, inaasahan mula sa iyo, kaibigan, na: 1. natutukoy at nagagamit mo nang angkop ang mga pares minimal sa Filipino 2. nakabubuo ka ng iba’t ibang salita batay sa punong salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag- uulit, at pagtatambal Alamin Naaalaala mo pa ba kung sino si Lapulapu? Uy, mahusay ka, ha! Tama. Si Lapulapu nga ang pumatay kay Magellan. Narito ang isang teksto tungkol sa kabayanihan sa Mactan ni Lapulapu. Basahin mo ito at tiyak na maaaliw ka dahil matutuklasan mo kung gaano talaga katapang si Lapulapu. Habang binabasa mo ang teksto, bigyang-pansin at pag-aralan mo na rin ang (a.) mga salitang nakasalungguhit at (b.) mga salitang nakahilig. Sige kaibigan, umpisahan mo na ang pagbasa. Ako si Lapulapu: Ito ang Kasaysayan ng Laban Ko! Mactan. Abril 1521. Isang buwan na ang nakalipas simula nang dumating ang expedisyon na pinamumunuan ni Magellan sa Cebu. Nabalitaan ko na ang pakay ng mga puting banyagang dumating mula sa kung saan ay mangolekta na lamang basta-basta ng buwis para sa pangalan ng isang haring ni wala man lamang akong ideya kung sino. Naisip ko tuloy, “Ano siya, sinuswerte?”
  • 107.
    10 Nabalitaan ko nananggaling ang mga dayuhang ito mula sa kabilang panig ng mundo lulan ng naglalakihang barko. Ito namang si Humabon na Raha ng Cebu, ay ano’t tila yata hangang- hanga sa mga bagong dating. Aba’y isipin mo ba namang agad-agad na sumumpa ng katapatan at nangakong magbabayad nga ng buwis sa isang haring ni hindi man lamang niya kaanu-ano o kahit kakilala man lamang. Bakit ba ganito ang haring ito? Itinuturing ko pa naman sana siyang isang pinuno sapagkat ako’y kanyang vassal. Ako si Lapulapu. Ako ang pinuno ng Bulaia, ang pinakamalaking bayan sa Mactan. Wala akong ibang itinuturing na hari o sinumang nakatataas pa sa akin. Kahit pa si Humabon. Hindi ako katulad ni Humabon na bilib na bilib sa mga kanyon at baril at makikintab na baluti ng mga dayuhang dumating. Nakipagkasi-kasi siya sa kapitan ng hukbong iyon na nagngangalang Ferdinand Magellan. Nakipagsanduguan pa siya, at ang masama’y nagpabinyag pa siya sa kanilang paraan ng pagsamba, sampu ng kanyang asawa, anak at limang daan ng kanyang kinasasakupan! Hindi ako katulad niya! Bawal para sa akin ang makipagsundo sa sinumang dayuhang hindi ko alam kung ano ang pakay sa aking inang-bayan. Oo, nalulungkot ako sa ginawang pagtugis ni Magellan sa aking bayan. Sinunog niya ang buong Bulaia. Iniluluha ko ang kawalan ng tahanan ng aking kinasasakupan, ngunit umaapoy rin ang aking kalooban sa galit! Ibig niya akong takutin! Ibig din niyang magyabang kay Humabon na kaya niyang tugisin ang isang tulad ko! Subalit nakahanda akong hadlangan ang anumang tangka niya. Nakahanda na ang tatlong libo kong mga tauhan. Armado sila ng mga sibat na may matutulis na metal kundi man, ng matutulis na kahoy na sadyang pinatigas ng apoy. Handa na rin ang kanilang mga pana at palaso, at kampilang kumikinang sa bawat tama ng liwanag. Sa isang bahagi ng karagatan na sadyang pinili ko upang maging lugar ng labanan ay tinambakan ko ng iba’t ibang bato at korales. Tiyak na hindi na makakasampa sa baybay-dagat ang kanilang bangka. Mapipilitan silang lumusong sa tubig. At sa dalampasigan naman ay inutusan ko na rin ang aking mga tauhan na gumawa ng malalaking hukay upang magsilbing bitag. At buong husay naman nilang nagawa ito. Mag-uumaga na. Narito na ang mga kalaban. Minsan pa’y nagpasabi si Magellan na hindi niya ibig makipaglaban, sa halip ay ibig lamang niyang mangolekta ng buwis para sa kanyang hari. Ngunit, ako, si Lapulapu, ay gustong makipaglaban. Walang nagawa ang puting kapitan kundi tugunin ang aking hamon. Lumulusong na ang mga kalaban. Ibinigay ko na ang aking hudyat.
  • 108.
    11 Kumilos ang akingmga tauhan upang palibutan sila. Umulan ang mga sibat, pana at palaso sa mga mananakop. Pumutok din ang kanilang mga maliit na baril ngunit wala itong laban sa aming mga pana, sibat, maging bato at putik na aming inihagis sa kanila. Masyadong malayo ang kanilang mga bangka sa amin para kami’y tamaan ng kanilang mga bala. Ngunit, isang tunay na kawal itong si Magellan. Bagamat marami sa kanyang mga kawal ang mga nangabuwal na, nanatili pa rin ito sa unahan ng kanyang mga kawal at nakikipaglaban. Tinamaan siya sa hita ng isang palasong may lason, ngunit patuloy pa rin siya sa paglaban, habang pinauuna niyang umatras ang kanyang mga kawal. Ayaw silang tigilan ng aking mga tauhan. Patuloy sila sa pagsalakay. Umatras pabalik sa karagatan ang takot na takot na mga puting kawal. Muli, tinamaan na naman si Magellan, sa pagkakataong ito ay sa kanyang punong braso naman. Nakilala siya ng aking mga tauhan. Agad siyang dinumog ng mga ito. Tiyak na ang kanyang pagkalupig! Buong giting na lumaban ang puting kapitan. Isa siyang bayani para sa kanyang mga tauhan. Ngunit kailangan ko ring ipaglaban ang aking bayan para muli nitong masilayan ang bukang-liwayway! Hango sa malayang salin ni Raquel Sison-Buban ng “The Battle of Mactan According to Lapu-Lapu” (MLK) Filway’s Philippine Almanac, 1991 O, nakawiwili bang basahing muli ang isang bahagi ng ating kasaysayan? Talagang nakawiwili nga, lalo pa’t nagkukwento ito ng tungkol sa katapangan ng isang bayaning tulad ni Lapulapu, na itinuturing na bayani ng Cebu. Alamin mo ngayon kung naunawaan mo nang lubos ang teksto. Subukin mong sagutin ang mga tanong sa ibaba. 1. Anong bayan sa Mactan ang pinamunuan ni Lapulapu? 2. Bakit galit si Lapulapu kay Haring Humabon? 3. Bakit naman galit si Lapulapu kay Magellan at ayaw niyang kilalanin ito bilang bagong hari? 4. Ano ang ipinasabi ni Magellan kay Lapulapu bago dumating ang oras ng kanilang labanan? 5. Pumayag ba si Lapulapu sa nais mangyari ni Magellan? 6. Ano ang mas ibig mangyari ni Lapulapu?
  • 109.
    12 7. Ilan angbilang ng mga tauhang inihanda ni Lapulapu para lumaban kina Magellan? 8. Anong uri ng armas ang ginamit ni Lapulapu at ng kanyang mga tauhan sa pakikipaglaban kina Magellan? 9. Anong uri ng bitag ang ipinahanda ni Lapulapu sa kanyang mga tauhan sa dalampasigan? 10. Ano ang tumama sa hita ni Magellan sa oras ng labanan? Kumusta ang iyong pagsagot sa mga tanong? Ihambing mo rito ang mga sagot mo. 1. Bulaia 2. dahil tinugis ni Magellan ang kanyang bayan, sinunog ang buong bayan ng Bulaia na ikinawala ng tahanan ng kanyang mga nasasakupan at nagyayabang ito kay kay Haring Humabon na kaya niyang tugisin ang isang tulad ni Lapulapu 3. dahil nakipagkasundo ito kay Magellan 4. na hindi niya ibig makipaglaban kay Lapulapu, ang ibig lamang niya ay mangolekta ng buwis para sa kanyang hari 5. hindi 6. makipaglaban kay Magellan at sa mga tauhan nito 7. 3,000 8. mga sibat na may matutulis na metal at matutulis na kahoy na sadyang pinatigas ng apoy 9. malalaking hukay 10. palasong may lason O, siguro, nadalian ka lang, ano? Binabati kita kung tama lahat ng sagot mo! Isa lang ang ibig sabihin nito, naunawaan mong mabuti ang tekstong iyong binasa. Kung hindi naman, huwag kang mag-alaala. Balikan mong muli ang teksto at hanapin ang bahaging sumasagot sa mga tanong. Linangin Ngayon, gamitin mo ang teksto sa pag-aaral ng mga pares minimal sa Filipino at sa pagbubuo ng mga salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit, at pagtatambal. Magsisimula ka na rito: 1. Mga Pares Minimal Anu-anong salita sa tekstong binasa mo kanina tungkol kay Lapulapu ang nakalimbag nang pahilig? Napansin mo ba ang mga sumusunod na pares ng salita: bawal : kawal bangka : tangka hukay : husay
  • 110.
    13 Basahin mo angmga pares ng salita. Ang pantig na may salungguhit ang may diin. Ano ang napansin mo? Magkatulad ba ng bigkas? Tama. Magkatulad nga. Magkatulad ba ng kahulugan? Magkaiba ang kahulugan, di ba? Ano kaya ang nagpaiba sa kahulugan? Napansin mo siguro na sa isang tunog lang na nasa iisang posisyon magkaiba ang bawat pares. Ang pagkakaibang ito sa isang tunog ng bawat pares ang nagpaiba sa kahulugan. Ang pares ng salita na may magkaibang kahulugan pero magkatulad sa bigkas maliban sa isang tunog o ponema sa magkatulad na posisyon ay tinatawag na pares minimal. Suriin mo naman ang mga pares ng nga salitang ito: tulo : kulo bigla : sigla hangin : bangin Basahin mong muli. Magkatulad ba ang bigkas? Hindi magkatulad ang bigkas ng mga salitang ito, di ba? Tama, kaya hindi ito maituturing na pares minimal. Tingnan mo naman ngayon ang mga pares ng salitang: kape : kafe dito : rito noon : nuon Muli mong bigkasin ang mga pares ng salita. Nagpaiba bas a kahulugan ng kape ang pagpapalit ng p sa f? Hindi nga. E, ang pagpapalit ng d at r? Hindi rin. Ang o at u? Hindi rin, di ba? Napansin mo rin siguro na magkatulad o iisa lang ang kahulugan ng mga ito. Dahil dito, hindi rin maituturing na pares minimal ang mga salitang ito. Basta tandaan mo lang na, para maging pares minimal ang pares ng salita, kailangang magkaiba ang kahulugan pero magkatulad ang bigkas maliban sa isang tunog na nasa isang posisyon lamang. Tingnan ko nga kung naintindihan mo. Bilugan mo ang bilang na nagpapakita ng pares minimal. 1. pato : pito (duck : whistle) 2. ginto : hinto (gold : stop) 3. lampa : dampa (weak : hut) 4. ubo : ulo (cough : head) 5. luha : suha (tears : pomelo) Anu-anong bilang ang binilugan mo? Kung bilang 1, 2, at 5 ang binilugan mo, tamang lahat ang sagot mo! Binabati kita dahil naintindihan mo ang aralin sa pares minimal. Pupunta ka naman ngayon sa susunod mong aralin.
  • 111.
    14 2. Pagbubuo ngmga salita a. Paglalapi o Maylapi Nakita mo ba sa teksto ang ilan sa mga nakasalungguhit na salita tulad ng: nagawa pumutok tugisin May napansin ka ba sa mga salitang ito? Oo, binubuo ang mga salitang ito ng punong salita at panlapi. Maylapi ang tawag sa salitang binubuo ng isang punong salita at panlapi. Narito pa ang ilang halimbawa ng mga salita mula sa teksto na binubuo ng panlapi: Panlapi Punong Salita = Salitang Maylapi ma- + isip = naisip -um- + putok = pumutok -in + tugis = tugisin Napansin mo ba ang pagbabago sa panlaping ma- na naging na- sa unang halimbawa? Banghay kasi ito sa aspektong pangnagdaan kaya ang m ay naging n. Lagi mong tandaan na kapag ang pandiwa ay banghay sa aspektong pangnagdaan, ang panlaping ma- ay nagiging na-. Tingnan mo naman ang mga salitang ito: Unlapi + Punong Salita = Salita ma- + liit = maliit nang- + galing = nanggaling pag- + samba = pagsamba ma- + isip = maisip Saan nakakabit ang panlapi? Sa unahan ba ng salita? Gitna? Hulihan? Oo, sa unahan nga ng punong salita nakakabit ang panlapi. Unlapi ang tawag sa panlaping ikinakabit sa unahan ng punong salita. Narito pa ang ilang halimbawa ng mga salitang may unlapi: matayog, nanggaling, panggabi, nahuli, pagkanta, magsimba Ang mga salitang ito naman ang pag-aralan mo: Gitlapi + Punong Salita = Salita -um- + dating = dumating -in- + puno = pinuno -um- + lusong = lumusong -in- + sunog = sinunog
  • 112.
    15 Sa mga halimbawangito, sa gitna ng punong salita nakakabit ang panlapi, di ba? Gitlapi ang tawag sa ganitong panlapi. Isinisingit ang gitlapi sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig sa salita. Tandaan mo na nagagamit lamang ang gitlapi kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa katinig. Narito pa ang ilang halimbawa: pinuna, lumusong, pumalakpak, binati, sumama, pinitik, tumagilid Narito pa ang ilang halimbawa ng salita na gusto kong pagmasdan mo ang kayarian: Hulapi + Punong Salita = Salita -an + tama = tamaan -in + isip = isipin -han + una = unahan -an + tigil = tigila Saan naman nakakabit ang panlapi sa mga halimbawang ito? Tama ka, sa hulihan nga ng punong salita nakakabit ang panlapi. Hulapi ang tawag sa panlaping ito. Ikinakabit ang hulapi sa hulihan ng punong salita. Narito ang ilang halimbawa ng salitang may hulapi: basain, layasan, kabahan, sabayan, libangin Nalaman mo ngayon na may tatlong pangkalahatang uri ang panlapi: ang unlapi, gitlapi, at hulapi. Tingnan natin kung nakuha mo. Isulat mo sa sagutang papel kung ang ikinabit na panlapi sa mga punong salita ay unlapi, gitlapi o hulapi. 1. matapang 3. silipin 5. bantayan 2. kinilala 4. sumunod Ihambing mo rito ang mga sagot mo 1. unlapi 3. hulapi 5. hulapi 2. gitlapi 4. gitlapi Susunod mong pag-aaralan ang iba pang paraan ng paglalapi bukod sa napag-aralan mo nang pagkakabit ng unlapi, gitlapi, at hulapi.. Sikapin mong unawaing mabuti.ang mga ito, ha? a. pag-uunlapi at pagigitlapi Unlapi Gitlapi Punong Salita i- + -in- + bili = ibinili mag- + -um- + sikap = magsumikap
  • 113.
    16 Sa pag-uunlapi atpaggigitlapi, kinakabitan ng unlapi at gitlapi ang salita. Kagaya rin ito ng mga salitang ikinuha, nagsumigaw, isinabit, at magdumali. b. pag-uunlapi at paghuhulapi (kabilaan) Unlapi Punong Salita Hulapi mag- + kain + -an = magkainan ma- + tuklas + -an = matuklasan Sa pag-uunlapi at paghuhulapi naman, marahil napansin mo na unlapi at hulapi ang ikinakabit sa salita. Ang iba pang halimbawa nito ay magtawanan, nagsisihan, at pagdikitin. c. paggigitlapi at paghuhulapi Gitlapi Punong Salita Hulapi -in- + silip + -an = sinilipan -in- + bilin + -an = binilinan Sa paggigitlapi at paghuhulapi, ang salita ay kinakabitan ng gitlapi at hulapi gaya ng mga salitang sinayawan, kinindatan, at sinabihan. O ngayon, alam mo nang ang iba pang paraan ng paglalapi ay pag-uunlapi at paggigitlapi, pag-uunlapi at paghuhulapi o kabilaan at paggigitlapi at paghuhulapi Tingnan ulit natin kung naunawaan mo. Isulat sa sagutang papel kung ang paglalapi sa punong salita ay sa pamamagitan ng a.) pag-uunlapi at paggigitlapi b.) pag-uunlapi at paghuhulapi o kabilaan at c.) paggigitlapi at paghuhulapi. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel. 1. kinuhanan 3. ikinuha 5. ipagsigawan 2. pagsikapan 4. magtalunan Tingnan mo kung nakuha mo ang mga tamang sagot. 1. c 3. a 5. b 2. b 4. b b. Pag-uulit o Inuulit Mula pa rin sa tekstong binasa mo kanina, natitiyak kong napag-ukulan mo rin ng pansin ang mga salitang nakasalungguhit na ito:
  • 114.
    17 basta-basta hangang-hanga kaanu-anobilib na bilib agad-agad Ano ang pagkakatulad ng mga salitang ito? Lahat ay inuulit, di ba? Ang isa sa mga paraan ng pagbubuo ng salita ay sa pamamagitan ng pag-uulit. Pag-uulit ang tawag sa pagbubuo ng salita kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit. May dalawang pangkalahatang uri ng pag-uulit batay sa kung anong bahagi ng salita ang inuulit: a.) ganap na pag-uulit at b.) di-ganap o parsyal na pag-uulit. Pag-aralan mo ito. a. Ganap na Pag-uulit Ganap ang pag-uulit kapag inuulit nang buo ang punong salita. Sa pag-uulit na ganap, may mga salitang nagbabago ang diin kapag inuulit, mayroon namang ilan na nananatili ang diin. Narito ang mga halimbawa ng salitang inuulit na walang pagbabago sa diin: Punong Salita Pag-uulit buhay buhay-buhay isa isa-isa Narito naman ang mga halimbawa ng salitang inuulit na may pagbabago sa diin: Punong Salita Salita sabi sabi-sabi bahay bahay-bahay May isang bagay, kaibigan, na dapat kang tandaan sa pag-uulit ng punong salitang nagtatapos sa patinig na /o/. Ang /o/ sa unang hati ng salita ay nagiging /u/ samantalang nananatili naman ang /o/ sa ikalawang hati. Narito ang ilang halimbawa: Punong Salita Pag-uulit ano anu-ano sino sinu-sino putol putul-putol
  • 115.
    18 b. Di-ganap oParsyal na Pag-uulit Di-ganap o parsyal ang pag-uulit kapag ang inuulit ay bahagi lamang ng punong salita. May iba’t ibang paraan ng pag-uulit na di-ganap o parsyal: 1.) pag-uulit ng unang pantig ng salita Halimbawa: Punong Salita Pag-uulit sayaw sasayaw ulan uulan ikot iikot 2.) pag-uulit ng unang dalawang pantig ng salita Halimbawa: Punong Salita Pag-uulit kanina kani-kanina simula simu-simula kabila kabi-kabila 3.) pag-uulit ng unang katinig at patinig o KP ng salitang may pantig na nasa kayariang katinig, patinig, katinig o KPK Halimbawa: Punong Salita Pag-uulit suntok susuntok laktaw lalaktaw pinta pipinta 4.) pag-uulit ng unang dalawang pantig ng salita, ngunit sa ikalawang pantig, ang inuulit lamang ay ang unang KP kapag ang pantig ay nasa kayariang KPK Halimbawa: Punong Salita Pag-uulit baluktot balu-baluktot baligtad bali-baligtad kalampag kala-kalampag
  • 116.
    19 b. Pagtatambal oTambalan Kung aalalahanin mo ulit ang teksto ukol kay Lapulapu, tiyak na maaalaala mo ang mga nakasalungguhit na salitang ito: baybay-dagat inang-bayan bukang-liwayway Ano ang kapansin-pansin sa mga salitang ito? Tama! May katambal ngang ibang salita. Tambalan ang tawag sa mga salitang ito. Pagtatambal naman ang tawag sa pagsasama ng dalawang magkaibang salita para makabuo ng isa lamang salita. Kung may iba’t ibang uri ang mga salitang maylapi at inuulit, may dalawang uri naman ang mga tambalang salita. a. Dalawang salitang pinagtatambal na nananatili ang kahulugan. Sa uring ito, ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal ay hindi nawawala. Walang ikatlong kahulugang nabubuo sa pagtatambal. Halimbawa: bahay + kubo = bahay-kubo ingat + yaman = ingat-yaman kulay + dugo = kulay-dugo b. Dalawang salitang pinagtatambal na nagkakaroon ng ikatlong kahulugan o ng kahulugang iba sa isinasaad ng mga salitang pinagtambal Halimbawa: basag + ulo = basagulo bahag + hari = bahaghari hampas + lupa = hampaslupa Balikan mo ang mga halimbawa sa itaas. May napansin ka bang pagkakaiba sa paraan ng pagsulat ng mga ito? Ano ang napansin mo? Tama ka. Ang mga salitang nananatili ang kahulugan kapag pinagtatambal ay isinusulat nang may gitling. Samantala, ang mga salita namang pinagtatambal na nagkakaroon ng ikatlong kahulugan ay isinusulat nang walang gitling. Tandaan mo ang natutunan mo sa araling ito: may tatlong pangkalahatang paraan ng pagbubuo ng salita – ang paglalapi, pag-uulit, at pagtatambal. Sa wakas! Natapos na rin ang una mong aralin. Medyo may kahabaan nang kaunti pero madali lang namang intindihin, di ba? Ang mahalaga, alam mo na ngayon kung ano ang mga pares minimal sa Filipino at kung paano nabubuo ang mga salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit, at pagtatambal. O sige, magpahinga ka muna nang kaunting minuto. Pagkatapos, simulan mo nang gawin ang susunod na gawain.
  • 117.
    20 Gamitin Sa bahaging ito,susubukin mong gamitin ang mga natutunan mo sa Linangin. Sikapin mong gawin lahat ang mga nakasaad sa bawat gawain, ha! Gaya ng ipinaalala ko sa iyo sa unahang bahagi ng modyul na ito, basahin at unawain mong mabuti ang bawat panuto para di ka magkamali sa pagsagot. Kung mayroon kang katanungan, huwag kang mahiyang lumapit at magtanong sa iyong guro. Nariyan lang siya para alalayan at gabayan ka sa pagsagot mo sa modyul na ito. Kung handa ka na ay maaari ka nang magsimula. A. Hanapin mo sa loob ng panaklong ang salitang maaaring ipares sa salitang nakasulat sa bawat bilang upang makabuo ng isang pares minimal. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel. 1. kuto : ______ (a. puto b. buto) 6. latay : _______ (a. patay b. batay) 2. pula : ______ (a. bula b. kula) 7. kaway : ______ (a. saway b. laway 3. pato: ______ (a. bato b. pito) 8. hila : _______ (a. sila b. pila) 4. sinta : _____ (a. pinta b. tinta) 9. piling : ______ (a. duling b. hiling) 5. layo : _____ (a. lago b. dayo) 10. lapag : ______ (a. hapag b. papag) B. Isulat mo kung ang pag-uulit ng salita ay a. ganap at b. di-ganap. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel. 1. taun-taon 4. kami-kami 7. pupunta 2. minu-minuto 5. kala-kalahati 8. pala-palagay 3. lalayo 6. bukas na bukas 9. tawa nang tawa 10. kabi-kabila C. Isulat mo kung ang punong salita ay nabuo sa pamamagitan ng: a. unlapi d. pag-uunlapi at paggigitlapi b. gitlapi e. pag-uunlapi at paghuhulapi c. hulapi f. paggigitlapi at paghuhulapi Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel. 1. magdamayan 6. amuin 11. sinuhulan 2. sinilaban 7. isinuko 12. maglaba 3. pagtayo 8. pagtalunan 13. kinawayan 4. ibinili 9. tanggalin 14. paglayuin 5. lumapit 10. magsumamo 15. sumigaw Kung tapos ka na ay iwasto mo ang iyong papel. Narito ang mga wastong sagot. Tingnan mo kung tama ang mga naging sagot mo. Uulitin ko na, huwag kang mag-alaala kung hindi mo pa makuha lahat ang tamang sagot. Mayroon pa akong nakahandang mga pagsasanay para sa iyo. A. 1. a 2. b 5. a 7. a 9. b 2. b 3. a 6. b 8. b 10. a
  • 118.
    21 B 1. a3. b 5. b 7. b 9. a 2. b 4. a 6. a 8. b 10. b C. 1. e 3. a 5. b 7. d 9. c 11. f 13. f 15. b 2. f 4. d 6. c 8. e 10. d 12. a 14. e Lagumin Sa sub-araling ito, nakilala mo ang mga pares minimal sa Filipino at natutunan mo ang pagbubuo ng salita mula sa isang punong salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit, o pagtatambal. Narito ang mahahalagang konseptong tinalakay sa aralin: Pares minimal ang tawag sa pares ng salitang magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang tunog o ponema sa magkatulad na posisyon. Maylapi ang tawag sa salitang binubuo ng punong salita at panlapi. Paglalapi ang tawag sa pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama ng punong salita at panlapi. Unlapi ang tawag sa panlaping ikinakabit sa unahan ng punong salita. Gitlapi ang tawag sa panlaping isinisingit sa pagitan ng unang katinig at kasunod na patinig ng punong salita. Hulapi ang tawag sa panlaping ikinakabit sa hulihan ng punong salita. Pag-uulit ang tawag sa pagbubuo ng salita kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit. Ganap ang pag-uulit kapag inuulit nang buo ang punong salita. Di-ganap o parsyal ang pag-uulit kapag ang inuulit ay bahagi lamang ng punong salita. Pagtatambal ang tawag sa pagsasama ng dalawang magkaibang salita para makabuo ng isa lamang salita. Tambalan ang tawag sa dalawang salitang pinagsama at nakabuo ng isa lamang salita. Tandaan mo ang mahahalagang konseptong ito. Malaking tulong ito sa pagpapaunlad mo ng gamit ng wika.
  • 119.
    22 Subukin Narito ang ilangpagsasanay na susubok pa rin sa kaalamang natamo mo sa sub-araling ito. Katulad kanina, subukin mo ulit sagutin ang mga ito sa abot ng iyong makakaya. Oooopppsss! Teka muna. Gaya ng napagkasunduan natin, huwag kang mahiyang magtanong sa iyong guro kung mayroon kang hindi naintindihan, ha? A. Gawin mong nasa anyong maylapi ang mga sumusunod na punong salita sa pamamagitan ng pagkakabit ng unlapi, gitlapi at hulapi. Maaaring magkaroon ng iba’t ibang sagot sa bawat bilang pero isang sagot lamang ang hinihingi sa iyo. Halimbawa: 1. layo (gitlapi) sagot: lumayo 2. asa (unlapi) pag-asa o iasa (maaaring isa lamang ang sagot) Simulan mo rito: 1. bato (gitlapi) 6. sisi (unlapi) 2. putol (unlapi) 7. sara (unlapi 3. kain (hulapi) 8. kaway (gitlapi) 4. sayaw (hulapi) 9. pantay (hulapi) 5. dukot (gitlapi) 10. laba (unlapi) B. Alamin mo kung ang pagbubuo sa mga sumusunod na salita ay: a. pag-uunlapi at paggigitlapi b. pag-uunlapi at paghuhulapi c. paggigitlapi at paghuhulapi Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel. 1. magtawanan 4. matabunan 7. sinayawan 10. tinalunan 2. kinuhaan 5. magsumikap 8. ibinili 3. nagdumali 6. napagsawaan 9. napaglumaan C. Hanapin mo sa loob ng panaklong ang katambal ng salita sa bawat bilang. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. bantay___________ (a. salakay b. tulog) 2. akyat____________ (a. puno b. bahay) 3. buhay___________ (a. langit b. alamang) 4. urong___________ (a. sulong b. uwi) 5. atras____________ (a. talikod b. abante) 6. balitang _________ (a. kutsero b. tsismis) 7. bahay ___________ (a. lungga b. kubo) 8. bahag __________ (a. hari b. damit) 9. ingat ___________ (a. yaman b. salapi) 10. hanap __________ (a. swerte b. buhay)
  • 120.
    23 D. Umisip kang salitang maaaring ipares sa salitang nakatala sa bawat bilang para ito maging pares minimal. Isulat mo ang sagot sa sagutang papel. 1. silya : _________________ 6. siko : ___________________ 2. siksik : _________________ 7. pakpak : __________________ 3. bitaw : _________________ 8. pantay : __________________ 4. nuno : _________________ 9. dukha : __________________ 5. dakip : _________________ 10. tangkay : __________________ Kung tapos ka na, iwasto mo ang iyong papel. Narito ang mga tamang sagot. A. (Alinman sa mga sumusunod ay tama) Kung may sagot ka, na sa palagay mo ay tama, pero wala rito, ipakita mo ito sa iyong guro. 1. binato, bumato 6. masisi, nasisi 2. naputol, maputol, nagputol, magputol 7. masara, nasara, nagsara, magsara, isara 3. kainin, kainan 8. kumaway 4. sayawin, sayawan 9. pantayan, pantayin 5. dinukot, dumukot 10. naglaba, ilaba, maglaba, paglaba B. 1. b 3. a 5. a 7. c 9. b 2. c 4. b 6. b 8. a 10. c C. 1. a 3. b 5. b 7. b 9. a 2. b 4. a 6. a 8. a 10. b D. (Alinman sa mga sumusunod ay tamang sagot) Muli, ipakita mo sa iyong guro ang mga sagot mo na maaaring tama pero wala rito. 1. pilya 6. piko 2. dikdik, tiktik 7. dakdak, laklak, saksak 3. litaw 8. lantay, bantay 4. puno 9. mukha 5. lakip, takip 10. bangkay, langkay O, mas mataas na siguro ang nakuha mong marka ngayon, ano? Pero kung sa palagay mo ay kailangan mo pa ng pagsasanay, gawin mo ang Paunlarin. Pwedeng magpahinga ka muna sandali, kung gusto mo bago mo ito gawin.
  • 121.
    24 Paunlarin Kaibigan, layunin ngbahaging ito na mas palalimin at palawakin pa ang iyong nalalaman sa tinalakay na paksa sa sub-araling ito. Handa ka na ba? Sige, simulan mo na. A. Hanapin mo sa loob ng kahon sa ibaba ang salitang maaaring itambal sa salita sa bawat bilang para mabuo ang bagong kahulugan nitong taglay. Sa sagutang papel mo isulat ang iyong sagot. 1. taus_________________ 9. bukam__________________ 2. bukod_______________ 10. lingkod_________________ 3. isip _________________ 11. kapus___________________ 4. dapit________________ 12. dalagang________________ 5. pantawid_____________ 13. bungang________________ 6. bahay_______________ 14. daang__________________ 7. silid_________________ 15. pampalubag_____________ 8. batang_______________ lansangan gutom palad araw bibig tangi ampunan bata puso bayan bukid hapon aralan bakal loob B. Isulat mo kung ang salitang nakahilig sa bawat bilang ay nabuo sa pamamagitan ng a. paglalapi b. pag-uulit at c. pagtatambal. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel. 1. Hindi matatawaran ang kabayanihang ipinakita ng mga bayaning Pilipino noong panahon ng himagsikan. 2. Iba’t ibang paraan ng paglaban ang kanilang ginawa laban sa mga mananakop na dayuhan. 3. Ngunit ang mas madalas na pinaghahambing ay ang magkaibang paraang ginamit nina Rizal at Bonifacio sa kanilang pakikipaglaban sa mga Kastila. 4. Pinagtatalunan pa nga ng ilang Pilipino kung sino nga ba kina Rizal at Bonifacio ang mas karapat-dapat na tanghaling pambansang bayani ng Pilipinas. 5. Sang-ayon sa mga maka-Rizal, siya talaga ang nararapat na maging pambansang bayani dahil sa kanyang katalinuhan at pagiging mahinahon. 6. Samantala, si Bonifacio, na isang anakpawis ay ipinagpalagay ng iba na higit na nababagay maging pambansang bayani dahil sa paggamit niya ng tabak at tahasang paglaban sa mga Kastila. 7. Para naman sa iba, walang itulak-kabigin sa dalawa sapagkat pareho silang naghandog ng kanilang buhay para sa bayan. 8. Ayon pa sa marami, hindi lamang sina Rizal at Bonifacio ang dapat na ituring na pambansang bayani kundi ang lahat ng mga bayani ng ating lahi na naghandog ng kanilang buhay alang- alang sa bayan. 9. Hindi natin dapat kalimutang gunitain ang pagpapasakit ng ating mga bayani. 10. Taus-puso natin silang pasalamatan sa kalayaang tinatamasa natin sa kasalukuyan.
  • 122.
    25 C. Isulat mokung a. ganap o b. di-ganap ang pag-uulit ng salita. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. bukas na bukas 5. sasali 9. makinis na makinis 2. iiyak 6. lutung-luto 10. kakanta 3. maling-mali 7. pala-palagay 4. kabi-kabila 8. kulang-kulang D. Lagyan ng ekis (x) ang pares ng salita sa Filipino na maituturing na pares minimal _____1. kanta : banta (song : threat) 6. pitsel : pinsel (pitcher : paint brush) _____2. sinta : pinta (sweetheart : painting) 7. pula : pulo (red : island) _____3. bigay : bitay (gift : execution) 8. baso : basa (glass : read) _____4.. diles : riles (anchovy : railroad) 9. bigo : ligo (frustrated : bath) _____5.. lukso : tukso (leap : temptation) 10. lanta : kanta (withered : song) Narito ang mga tamang kasagutan. Iwasto mo ulit ang iyong mga sagot. A. 1. puso 6. ampunan 11. palad 2. tangi 7. aralan 12. bukid 3. bata 8. lansangan 13. araw 4. hapon 9. bibig 14. bakal 5. gutom 10. bayan 15. loob B. 1. a 3. a 5. a 7. c 9. a 2. b 4. b 6. c 8. b 10. c C. 1. a 3. a 5. b 7. b 9. b 2. b 4. b 6. a 8. a 10. b D. 1. 3. 5. x 7. 9. 2. x 4. x 6. x 8. x 10. x Sub-Aralin 2 Kahulugan ng Salita, at Sanhi at Bunga ng Pangyayari, Sabihin Mo! Teksto, Bigyan Mo ng Pamagat na Alternativo! Layunin: Pagkatapos ng sub-araling ito, inaasahan, kaibigan, na: 1. nasasabi mo ang kahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap 2. natutukoy mo ang kahulugan ng pamagat at nakapagbibigay ka ng isang alternativ
  • 123.
    26 3. nabibigyang-kahulugan moang magkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi at bunga ng pangyayari Alamin Kapag nabasa o narinig mo ang salitang “ahas,” ano ang una mong naiisip? Tao ba? Hayop? Pareho? Maaaring maisip mo kaagad ay ang hayop na nasa mga kagubatan o madamong lugar, nanunuklaw at makamandag. Pero, pwede rin namang ang maisip mo ay isang taong taksil, traydor o masama, di ba? O kaya, halos sabay mong maisip ang dalawang ito. Pero kung nasa loob ng pangungusap ang salitang “ahas,” matitiyak mo kaagad kung ano ang ibig sabihin nito batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Halimbawa: 1. Ibinigay nila sa Manila Zoo ang nahuli nilang ahas sa kanilang bakuran. 2. Hindi ko alam na ahas pala siya, matapos kong patirahin sa amin ay ninakawan pa ako. Ano ang kahulugan ng salitang “ahas” batay sa pagkakagamit nito sa unang pangungusap? Tama ka, hayop ang tinutukoy na “ahas” sa unang pangungusap. Ipinahiwatig ito ng pariralang ibinigay sa Manila Zoo. Mga hayop lamang kasi at hindi tao ang ibinibigay sa Manila Zoo para maproteksyunan at maalagaan ang mga ito, di ba? Ano naman ang kahulugan ng salitang “ahas” sa pangalawang pangungusap? Tao, hindi ba? Anong klaseng tao? Hindi ba’t traydor? Ipinahiwatig ito ng pariralang ninakawan pa ako. Traydor ang taong matapos mong gawan ng mabuti ay pagnanakawan ka pa. Isa pa, walang kakayahang magnakaw ang ahas, kaya tiyak kaagad na tao ang tinutukoy sa pangalawang pangungusap. Mula sa mga halimbawang pangungusap, masasabing nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan ang isang salita batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Linangin Basahin at unawain mo ang tekstong nakasulat sa bahaging ito. Habang binabasa mo, isipin mo na rin kung ano ang kahulugan ng mga salitang nakahilig batay sa pagkakagamit ng mga ito sa pangungusap. Simulan mo na ang pagbasa ngayon.
  • 124.
    27 Pananalig sa Diyos:Pag-asa sa Panahon ng Krisis Marami na tayong naririnig at nababalitaan tungkol sa mga di-magandang nangyayari sa Pilipinas sa kasalukuyan gaya ng banta ng terorismo, pagdukot sa mga Pilipinong manggagawa sa Gitnang Silangan, katiwalian sa gobyerno, pagbulusok ng halaga ng piso laban sa dolyar, at kakulangan sa hanapbuhay ng mga mamamayan. Patuloy na bumabagsak ang ekonomiya ng Pilipinas na nagdudulot ng krisis sa bansa. Ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay nagiging dahilan kung bakit lumilipad ang presyo ng mga bilihin na halos di na kayang abutin ng mga ordinaryong mamamayan. Marami sa kanila ang nawawalan na ng pag-asang umangat sa buhay dahil sa matinding kahirapang nararanasan sa kasalukuyan. Titirik na lamang daw ang kanilang mata ay hindi pa sila makatitikim ng ginhawa sa buhay. Para sa karamihan, madilim na ang buhay na kanilang hinaharap. Wala na ring tiwala ang mga mamamayan sa ilan sa mga pinuno ng bayan dahil sa pagiging tiwali at korap ng mga ito. Ang nakalulungkot, hindi lamang ang mga nakaupo sa pamahalaan ang nagsasamantala sa kaban ng bayan, kundi pati na rin ang matataas na opisyal ng pulisya at militar. Hindi na tuloy alam ng mga mamamayan kung kanino sila lalapit at hihingi ng tulong sa sandali ng kagipitan at pangangailangan. Ang tingin kasi nila sa mga pinunong ito ay lintang sumisipsip sa dugo ng mga Pilipino. Hindi naman natin masisisi ang mga mamamayan kung maging ganito man ang kanilang damdamin sapagkat lantaran na rin ang paggawa ng masasamang bagay ng mga politito at mga opisyal ng pulisya at militar gaya ng pakikisangkot nila sa kidnaping, pagtulak ng droga, karnaping, ekstorsyon, at iba pang imoralidad. Ang iba naman ay nasasangkot sa protistusyon kundi man mga batang ibinabahay o sinusustentuhann. Kung iisipin, tila wala na nga yatang pag-asang makabangon pa ang Pilipinas mula sa krisis na kinalalagyan natin ngayon. Pero ang totoo, malaki pa ang pag-asa natin kung magtutulung-tulong lamang ang lahat at magsisikap na paunlarin ang sarili nang hindi na palaging umaasa sa gobyerno. Ang paglipad ng mga Pilipino patungo sa ibang bansa ay isang alternatibong solusyon sa kasalukuyang problemang pang- ekonomiya ng Pilipinas. Ang dolyar na kanilang kikitain at ipadadala sa Pilipinas ay makatutulong sa paglago ng reserbang dolyar ng bansa na makatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Ang pagsusunog ng kilay ng mga kabataan habang may pagkakataon pa silang mag-aral ay makatutulong din para hindi na sila maging pasanin pa ng gobyerno pagdating ng araw. Ang paghihigpit ng sinturon habang may pambansang krisis tayong dinaranas ay makatutulong din. Tipirin din natin ang paggamit sa kuryente, tubig, gasolina, at langis. Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ito na lamang ang mahalagang bagay na natitira sa atin kaya’t huwag nating hayaang pati ito ay mawala pa sa atin. Higit at lalo sa lahat, huwag din tayong bibitiw sa Diyos. Sa panahon ng mga problema at di- magagandang pangyayaring nagaganap sa ating paligid, tanging ang Diyos lamang ang maaari nating sandalan at mahingan ng tulong. Habang patuloy tayong nagsisikap at nagpapakasipag ay patuloy din tayong manalangin dahil nariyan lamang Siya at patuloy na nakasubaybay at nakaalalay sa atin. Ibibigay Niya ang ating mga kahilingan sa Kanyang panahon at sa Kanyang sariling kaparaanan. Sa pagpupunyagi at pananalangin, laging may pag-asa tayong kakamtin.
  • 125.
    28 Naritong muli angilang katanungang makatutulong sa iyo para matiyak kung naunawaan mo ang tekstong iyong binasa. Subukin mong sagutin ang bawat tanong. 1. Anu-anong patunay ang ibinigay ng sumulat para palitawing may krisis nga o problemang dinaranas ang Pilipinas? 2. Bakit daw hindi naniniwala ang iba na naghihirap ang bansa? 3. Bakit nawawalan ng tiwala sa ilang politiko ang mga mamamayan? 4. Sa palagay ng awtor, may pag-asa pa bang makaahon sa krisis ang bansa? Anu-anong patunay ang kanyang ibinigay para masabi ito? 5. Para sa awtor, anong bagay ang di natin dapat kalimutan sapagkat ito ang magbibigay sa atin ng pag-asa? Isang pagbati ang ibinibigay ko sa iyo kung ang mga sumusunod ang sagot mo sa bawat tanong. Kung hindi mo naman nakuha lahat ng tamang sagot, huwag kang malungkot. Basahin mo na lang ulit ang teksto para mahanap mo ang mga sagot na ito. 1. ang patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin na halos di na kayang abutin ng mga ordinaryong mamamayan, at ang kawalan ng pag-asa ng mga mamamayan 2. marami pa ring mayaman at patuloy na yumayaman 3. dahil sa maruming gawain ng mga politiko gaya ng pagsasamantala sa mahihirap at pagnanakaw sa pera ng bayan 4. oo, naniniwala ang awtor na may pag-asa pang umunlad ang Pilipinas kailangan lamang magtulung-tulong at magkaisa ang mga Pilipino, patunay din ang pagtatrabaho ng mga Pilipino sa ibang bansa, ang pag-aaral na mabuti ng mga estudyante, ang pagtitipid ng mga mamamayan 5. pagdarasal sa Diyos Ano ang naramdaman mo matapos mong basahin ang teksto? Nalungkot ka ba dahil sa problemang kinakaharap ng bansa? Maaari. Nagalit ka ba dahil sa pagbabale-wala ng ilang politiko sa pangangailangan ng mga mamamayan? Marahil. Natuwa ka ba dahil sa kabila ng lahat ay may pag-asa pa ang bansa natin sapagkat hindi tayo pababayaan ng Diyos na lumikha sa atin? Sigurado. Pwede ring naramdaman mo nang sabay-sabay ang lahat ng ito, di ba? Nakatulong ang masining na paggamit ng salita ng sumulat para madama mo ang nilalaman ng teksto. Kung nadama mo ang nilalaman ng teksto, ibig sabihin ay naunawaan mo rin ito at nakuha mo ang kahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit ng mga ito sa pangungusap.
  • 126.
    29 A. Pagkuha ngKahulugan ng Salita Batay sa Pagkakagamit sa Pangungusap Balikan mo ang unang talata sa teksto at hanapin mo ang mga salitang nakasulat nang pahilig. Maibibigay mo ba ang kahulugan ng bawat salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap? 1. pagdukot sa mga manggagawang Pilipino 4. titirik ang mata nang walang 2. bumabagsak na ekonomiya nadaramang pag-asa 3. lumilipad na presyo ng mga bilihin 5. makatitikim ng ginhawa sa buhay Tama ka kung ang mga sumusunod ang iyong sagot: 1. pagkidnap 4. mamamatay 2. patuloy na humihina 5. makararanas 3. walang tigil sa pagtaas Sa pagkakataong ito ay ikaw naman ang magbibigay ng kahulugan ng iba pang salitang nakahilig sa teksto. 1. madilim na kinabukasan 6. ipagpatuloy ang pagsusunog ng kilay 2. lintang sumisipsip sa dugo ng Pilipino 7. huwag maging pasanin ng gobyerno 3. batang ibinabahay 8. paghihigpit ng sinturon ng mamamayan 4. pag-asang makabangon sa kahirapan 9. huwag bibitiw sa Diyos 5. paglipad sa ibang bansa 10. sinasagot ng Diyos ang mga panalangin Iwasto mo ang iyong nga sagot. Tingnan mo kung ganito ang naging mga sagot mo: 1. kawalan ng pag-asa, kahirapan 6. pag-aaral na mabuti 2. mapagsamantala, manghuhuthot 7. pabigat 3. kerida, kabit 8. pagtitipid 4. magkaroon ng maayos o mabuting pamumuhay 9. laging magtiwala sa Diyos 5. pagtungo sa ibang bansa o pangingibang-bayan 10. dinidinig o pinagbibigyan Nakuha mo bang lahat ng tamang sagot? Masaya ako para sa iyo kung mas marami kang nakuhang tamang sagot. Kung hindi naman, walang problema, okey lang. May susunod pa namang mga gawaing katulad nito sa pagpapatuloy mo sa pagbuklat ng modyul na ito. Natitiyak kong mas mataas na ang markang makukuha mo mamaya. B. Pagbibigay ng Pamagat na Alternativ Ano kaya sa palagay mo ang ibig sabihin ng pamagat na Pananalig sa Diyos: Pag-asa sa Panahon ng Krisis? Kung pagbabatayan ang nilalaman ng teksto, mangangahulugan ang pamagat na huwag tayong mawalan ng pag-asa gaano man kabigat ng krisis na kinakaharap natin sa kasalukuyan. Nariyan palagi ang Diyos upang tayo ay tulungan basta ‘t manalig lamang tayo sa Kanya. Ang krisis
  • 127.
    30 ay bahagi ngbuhay, di ito magtatagal at laging may mahahanap na solusyon para rito sa tulong ng Diyos. Ang pag-asa ay palaging kakambal ng anumang krisis, problema o pagsubok. Tandaan mo na ang anumang teksto o babasahin ay palaging nakalantad sa iba’t ibang interpretasyon o pagkaunawa ng mambabasa. Maaaring ang awtor mismo ay may sariling pakahulugan sa kanyang isinulat pero hindi niya mapipigil ang mambabasa na magbigay ng sarili nitong pakahulugan o interpretasyon batay sa sarili niyang pagkaunawa sa teksto. Halimbawa, kung mas nagbigay-pansin ang mambabasa sa unang bahagi ng teksto, maaaring ang ibigay niyang pamagat ay isa sa mga sumusunod: a. Mga Problema ng Bansa, Lumalala b. Iba’t Ibang Suliranin ng Pilipinas c. Ang Krisis sa Pilipinas d. Pilipinas, Nahaharap sa Krisis Samantala, kung ang huling bahagi naman ng teksto ang mas binigyan niya ng pansin, ano kayang pamagat na alternativ ang ibibigay niya para rito? Maaaring alinman sa mga sumusunod ang ibigay niya: a. Panalangin Kontra Suliranin b. Sa Diyos Tayo Lagi Tumawag c. Walang Bibitiw sa Panalangin d. Diyos ang Pag-asa sa Panahon ng Krisis Maaaring maging ikaw ay magkaroon ng ibang interpretasyon o pag-unawa sa tekstong kababasa mo lang, hindi ba? Halimbawa, kung sasabihin ko sa iyong bigyan mo ng isang bago o alternativ na pamagat ang teksto, maaaring ang pagbabatayan mo ng pamagat na iyong ibibigay ay kung ano ang pagkaunawa mo sa teksto. Isang paraan ito ng pagbibigay ng alternativ na pamagat. Sige nga, kung pabibigyan sa iyo ng pamagat na alternativ ang tekstong Pananalig sa Diyos: Pag-asa sa Panahon ng Krisis, ano ang ibibigay mo? Isulat mo ang iyong sagot sa patlang. ____________________________________________ (Pamagat na Alternativ) Suriin mo ngayon ang pamagat na iyong ibinigay batay sa mga sumusunod: 1. May kaugnayan ba ang iyong pamagat sa nilalaman ng teksto? Kung mayroon, hindi ba nito ibinubunyag ang kabuuan ng teksto? 2. Maikli lamang ba ang ito? Madali ba itong tandaan? 3. Nakakukuha ba ito ng atensyon ng mambabasa? 4. Malinaw ba at madaling maunawaan ang mga salitang ginamit mo? 5. Pinag-isip ba nito ang mambabasa?
  • 128.
    31 Kung ang sagotmo sa lahat ng tanong sa itaas ay oo, isa lamang ang ibig sabihin nito, taglay ng iyong ibinigay na pamagat na alternativ ang mga katangian ng isang mabuting pamagat. Mahalagang may kaugnayan ang pamagat sa teksto upang sa pamagat pa lamang ay magkaroon na ng paunang impormasyon ang mambabasa kung tungkol saan ba ang babasahin niyang teksto. Ngunit hindi naman nangangahulugang ibinubunyag na ng pamagat ang nilalaman ng teksto dahil kung magkakaganito, mawawalan na ng interes ang sinumang mambabasa na tunghayan at basahin ang kabuuan ng teksto kung alam na niya sa pamagat pa lamang kung ano ang nilalaman nito. Kailangang maikli lamang ang pamagat. Mas maganda kung madaling matandaan. Dapat ding nakakagaganyak ito at nagbibigay ng interes sa mambabasa. Sa pamagat kasi nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa teksto o hindi. Importante ring malinaw at madaling maunawaan ang mga salitang gagamitin sa pamagat. Kung hindi naiintindihan ng mambabasa ang pamagat, aakalain niyang ganoon din ang buong teksto kaya mas malamang na hindi na niya itutuloy ang pagbasa. Higit sa lahat, ang isang mabuting pamagat ay humihikayat sa mambabasa na mag-isip at maging kritikal o mapanuri. Kailangang mahamon nito ang talino ng mambabasa na pag-isipan sa pamagat pa lamang kung ano ang nakatakdang niyang basahin pati na ang kahalagahan nito. C. Pagtukoy sa Sanhi at Bunga Balikan mo ang mga pahayag na ito mula sa teksto: a. Patuloy na bumabagsak ang ekonomiya ng Pilipinas na nagdudulot ng krisis sa bansa. b. Ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay nagiging dahilan kung bakit lumilipad ang presyo ng mga bilihin. c. Marami sa kanila ang nawawalan na ng pag-asang umangat sa buhay dahil sa matinding kahirapang nararanasan sa kasalukuyan. Ano ang bunga ng patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas? Tama. Nagdudulot ito ng krisis sa bansa. Ano ang sanhi ng paglipad ng presyo ng mga bilihin? Magaling. Dulot ito ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Samantala, ano naman ang sanhi kung bakit nawawalan ng pag-asang umangat sa buhay ang mga Pilipino? Mahusay. Dahil nga ito sa matinding kahirapang nararanasan nila sa kasalukuyan. Kapansin-pansin na ang mga pangungusap na ito ay nagsasabi ng sanhi at bunga, hindi ba? Ang pagtukoy sa sanhi at bunga ay pagkilala sa relasyong namamagitan sa mga sitwasyong a at b, na ang ibig sabihin, ang sitwasyong a ang siyang sanhi ng pagkakaroon ng sitwasyong b. O maaari namang, ang sitwasyong b ang bunga o epekto ng sitwasyon a. Isa-isahin natin ang mga halimbawang pangungusap sa itaas:
  • 129.
    32 Sitwasyon a -patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas (sanhi) Sitwasyon b - krisis sa bansa (bunga) Sitwasyon a – sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis (sanhi) Sitwasyon b – paglipad ng presyo ng mga bilihin (bunga) Sitwasyon a - matinding kahirapang nararanasan sa kasalukuyan (sanhi) Sitwasyon b - marami ang nawawalan ng pag-asang umangat sa buhay (bunga) Pag-aralan mo ang ilustrasyong ito: 1. ang a ang sanhi o dahilan ng b 3. ang b ang bunga o resulta ng a 2. dahil sa a, nangyari o naganap ang b Tandaan mo na ang relasyong sanhi at bunga ay may kaugnayan sa pagsagot sa tanong na “bakit?” o “ano ang dahilan?” sa mga pangyayari o sitwasyong nagaganap. Halimbawa: Bakit nawawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa mga pinuno ng bansa? Ano ang dahilan ng pangingibang-bayan ang mga mangagawang Pilipino? Bakit hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa? Ginagamit ang mga pangatnig na dahil sa, bunga ng, bilang resulta, kung kaya, kapag, sanhi ng, kasi, kaya naman, sapagkat, at iba pa upang ipakita ang relasyong sanhi at bunga. Gamitin Susubukin mong gamiting muli sa bahaging ito ang mga natutunan mo sa Linangin. Katulad sa Sub-Aralin 1, sikapin mong gawing lahat ang mga nakasaad sa bawat gawain. Kung mayroon kang tanong, huwag kang mahiyang lumapit sa iyong guro para magabayan at matulungan ka niya. Simulan mo na ang pagsagot sa mga gawain kung handa ka na. Basahin mo ang teksto, pagkatapos, sagutin mo ang mga tanong na kaugnay nito. Sa Asya isinilang ang lahat ng mga pangunahing relihiyon sa daigdig. Ang bawat relihiyong ito ay may iba’t ibang paniniwala at paraan ng pagsamba ngunit lahat ay may iisang paniniwala na may isa lamang makapangyarihang lumikha ng lahat ng bagay sa daigdig. Ang paniniwalang ito ng mga Asyano ang nagsisilbing liwanag sa paggawa ng kabutihan. Ito rin ang naging pamantayan nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Naranasan na ng mga Asyano ang iba’t ibang hamon sa buhay tulad ng mga kalamidad, pananakop at pagsasamantala ng mga makapangyarihang bansa, matinding kahirapan, at mga karamdaman na naging dahilan kung bakit kinailangan nila ng relihiyong kanilang masasandigan. Naghahanap ang mga Asyano ng katotohanan, kaligtasang ispiritwal, at kapayapaan ng buhay, at bilang resulta, nagkaroon ng mahigit sa isang relihiyon sa bahaging ito ng mundo.
  • 130.
    33 Sa Kanlurang Asya,tatlong malalaking rehiyon ang sumilang – Judaismo, Kritiyanismo, at Islam. Sa Timog Asya nagmula ang Hinduismo at Budhismo. Bukod sa mga ito, may iba pang relihiyon ang matatagpuan sa Asya, ito ay ang Zoroastrianismo, Sikhismo, Jainismo, at Sufismo. Sa bansang Tsina, kinikilalang relihiyon ang pinagsamang paniniwala at seremonyang may kinalaman sa Confucianismo at Taoismo. Ang mga tao naman sa bansang Hapon ay naniniwala sa relihiyong Shintoismo Bagamat iba’t iba ang paniniwala ng mga relihiyong ito sa Asya, malinaw na nagkakaisa naman ang mga ito sa layuning mapabuti ang sangkatauhan. Anuman ang relihiyong kinabibilangan ng isang tao, mahalagang matutunan na igalang ito ng iba. Ito ay hindi dapat ipilit o idikta ng sinuman sapagkat bawat isa ay may karapatang pumili at maging myembro ng relihiyong magbibigay sa kanya ng katiwasayan ng puso at isip. Hindi rin natin dapat ituring na iba sa atin ang isang taong may ibang relihiyon o paniwala sa atin dahil anuman ang relihiyong kinaaaniban ng isang tao at anuman ang ritwal o seremonyang sinusunod ng isang relihiyon sa pagsamba, iisa pa rin ang Diyos na pinapupurihan natin sa mga biyayang ating natatanggap, at dinarasalan at tinatawag nating lahat sa oras na tayo’y nangangailangan ng tulong at kalinga. Tingnan natin kung naunawaan mo ang teksto. Isulat mo ang sagot sa bawat tanong sa iyong sagutang papel. A. 1. Saan isinilang ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig? 2. Ano ang iisang paniniwala ng iba’t ibang relihiyon sa daigdig? 3. Anu-ano ang tatlong malalaking relihiyon sa Kanlurang Asya? 4. Anu-anong relihiyon ang nagmula sa Timog Asya? 5. Ano ang kinikilalang relihiyon sa bansang Tsina? 6. Ano naman ang pinaniniwalaang relihiyon sa bansang Hapon? 7. Anu-ano pa ang ibang relihiyong matatagpuan sa Asya? 8. Ano ang layunin ng lahat ng mga relihiyon sa Asya? 9. Maliban sa pagbibigay ng liwanag sa paggawa ng kabutihan, ano pa ang kahalagahan ng relihiyon sa mga Asyano? 10. Ano ang ginagawa natin kapag tayo ay: a. tumatanggap ng biyaya mula sa Diyos b. nangangailangan ng tulong at kalinga ng Diyos
  • 131.
    34 a. _______________________________________________________________________________ b. _______________________________________________________________________________ Tiyakinnaman natin ngayon kung naunawaan mo ang aralin. Sagutin mo ang mga tanong. B. 1. Ano ang kahulugan ng salitang isinilang sa unang pangungusap? Bilugan mo ang titik ng wastong sagot a. sumulpot b. ipinanganak c. itinatag 2. Ano ang kahulugan ng salitang liwanag sa pangtlong pangungusap? Bilugan mo ang titik ng wastong sagot. a. ilaw b. gabay c. kuryente 3. Ano ang kahulugan ng salitang hamon sa pangtlong pangungusap? Bilugan mo ang titik ng wastong sagot. a. pagsubok b. palaisipan c. kaguluhan 4. Ano ang kahulugan ng salitang masasandigan sa ikalimang pangungusap? Bilugan mo ang wastong sagot. a. makukuhanan ng lakas b. pader c. masisilungan 5. Ano ang sanhi ng pangangailangan ng mga asyano ng relihiyong masasandigan? 6. Ano ang bunga ng paghahanap ng mga Asyano ng katotohanan, kaligtasang ispiritwal, at kapayapaan ng buhay? 7. Bakit hindi dapat ipilit o idikta sa sinuman ang pagsali sa isang uri relihiyon? 8. Bakit hindi natin dapat ituring na iba sa atin ang isang taong may ibang relihiyon o paniwala sa atin? 9. Ano ang pinakaangkop na pamagat para sa teksto? Bilugan mo ang wastong sagot. a. Buhay Asyano b. Mga Relihiyon sa Asya C. Bakit May Relihiyon 10. Ano ang hindi angkop na pamagat para sa teksto? Bilugan mo ang tamang sagot. a. Iba’t Ibang Relihiyon ng mga Asyano b. Asya: Tahanan ng mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig c. Ang mga Diyos ng mga Asyano Narito ang mga tamang sagot. Nakuha mo kayang lahat ang mga ito?
  • 132.
    35 A. 1. Asya 2.isa lamang ang makapangyarihang lumikha ng lahat ng bagay sa daigdig 3. Judaismo, Kristiyanismo at Islam 4. Hinduismo at Budhismo 5. Confucianismo at Taoismo 6. Shintoismo 7. Zoroastrianismo, Sikhismo, Jainismo, at Sufismo 8. mapabuti ang sangkatauhan 9. nagiging pamantayan nila ang relihiyon sa pang-araw-araw na pamumuhay 10. a. pinapupurihan ang Diyos b. dinarasalan at tinatawag natin ang Diyos para hingan ng tulong at kalinga B. 1. c 2. b 3. a 4. a 5. ang naranasan nilang iba’t ibang hamon sa buhay tulad ng mga kalamidad, pananakop at pagsasamantala ng mga makapangyarihang bansa, matinding kahirapan, at mga karamdam 6. nagkaroon ng mahigit sa isang relihiyon sa bahaging ito ng mundo 7. sapagkat bawat isa ay may karapatang pumili at maging myembro ng relihiyong magbibigay sa kanya ng katiwasayan ng puso at isip 8. dahil anuman ang relihiyong kinaaaniban ng isang tao at anuman ang ritwal o seremonyang sinusunod ng isang relihiyon sa pagsamba, iisa pa rin ang Diyos na pinapupurihan natin sa mga biyayang ating natatanggap, at tinatawag nating lahat sa oras na tayo’y nangangailangan ng tulong at kalinga 9. b 10. c Lagumin Sa sub-araling ito, natutunan mo ang pagkilala sa kahulugan ng salita, ang pagbibigay ng alternativ na pamagat, at ang pagtukoy sa sanhi at bunga. Narito ang mahahalagang konseptong pinag-aralan mo: Nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan ang isang salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Karaniwang nakabatay sa pagkaunawa ng mambabasa sa nilalaman ng teksto ang pagbibigay ng alternativ na pamagat. Ang mga sumusunod ang katangian ng isang mabuting pamagat: a. may kaugnayan sa nilalaman ng teksto b. hindi nagbubunyag ng kabuuan ng teksto
  • 133.
    36 c. maikli atmadaling tandaan d. nakakakuha ng atensyon ng mambabasa e. malinaw at madaling maunawaan ang mga salitang ginamit f. pinag-iisip ang mambabasa Tinatawag na pagkilala sa sanhi at bunga ang pagkilala sa relasyong namamagitan sa mga sitwasyong a at b, na ang ibig sabihin, ang sitwasyong a ang siyang sanhi ng pagkakaroon ng sitwasyong b. O maaari namang, ang sitwasyong b ang bunga o epekto ng sitwasyon a. Naipakikita rin ang relasyong sanhi at bunga sa pamamagitan ng ilustrasyong ito: 1. ang a ang sanhi o dahilan ng b 2. dahil sa a, nangyari o naganap ang b 3. ang b ang bunga o resulta ng a Subukin Kaibigan, narito pa ang ilang gawaing makatutulong sa iyo para sa ganap na pag-unawa mo sa iyong aralin. Katulad kanina, sagutin mo ulit sa abot ng iyong makakaya ang mga pagsasanay sa bahaging ito, ha? Iwasan mo sanang magmadali sa pagsagot para hindi ka magkamali. Lumapit ka lang at magtanong sa iyong guro kung mayroon kang hindi maunawaan. O, handa ka na ba ulit sa pagsagot? Sige, simulan mo na. I. Piliin mo sa loob ng kahon ang angkop na pangatnig para sa bawat pangungusap upang maipakita ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Ayon sa mga kwento, mababait ang lahat ng mga tao noong araw (_____1_____) kapag sila’y namatay, nagiging anghel sila sa langit. Wala raw kaluluwang gumagala sa kalupaan (_____2_____) lahat ng namatay ay napupunta sa kalangitan. Si Lucifer, ang pinakamatalinong anghel sa lahat (______3_____) pinili siya ng Diyos upang maging lider o pinuno ng mga anghel sa langit. Nang magtagal, naging mayabang na anghel si Lucifer. Akala niya ay makakaya niyang talunin ang Diyos, at (______4______), palagi niyang hinahamon ang Diyos sa isang duwelo. Naging malala pa ang pagiging mayabang ni Lucifer sa paglipas ng mga araw (______5______) tinanggap na ng Diyos ang hamon nito. Ngunit bago maganap ang duwelo, pinulong ng Diyos ang lahat ng mga anghel sa langit (______6______) gusto niyang pumili ang mga anghel kung kanino sila kakampi, kung sa Kanya ba o kay Lucifer. Dalawa lamang ang pamimilian ng mga anghel, ang Diyos o si Lucifer, pero nahati sila sa tatlong grupo. Ang unang grupo ay kumampi sa Diyos. Ang pangalawang grupo ay kumampi kay Lucifer. Ang pangatlong grupo naman ay walang kinampihan sinuman sa Diyos at kay Lucifer. Natatakot silang magkamali, at (______7______) wala silang kinampihan sinuman sa dalawa. . Naganap ang duwelo ng Diyos at ni Lucifer, at (______8______), nanalo ang Diyos at natalo si Lucifer. Si Lucifer at ang mga kumampi sa kanya ay inihulog ng Diyos sa impyerno. Si Lucifer ang kilala natin ngayon bilang Satanas. Ang grupo ng mga anghel na walang kinampihan ay inihulog
  • 134.
    37 ng Diyos samundo. Ang iba sa kanila ay nahulog sa karagatan at naging mga sirena at syokoy, ang iba ay sa kagubatan naman napunta at naging mga ada, diwata, kapre, tikbalang, tyanak at nuno sa punso. Ang iba naman ay napunta sa kabayanan at naging mga duwende (______9_____) raw may mga duwende tayong kasa-kasama sa ating bahay. Samantala, ang mga anghel na kumampi sa Diyos ay muli Niyang pinabalik sa kalangitan (_____ 10______) nanatili silang mga anghel sa langit. Sila ang mga anghel na nagbabantay at nangangalaga sa atin sa anumang oras. kaya bunga nito sapagkat dahil dito kaya naman dahil bilang resulta II. Sumulat ka ng limang pamagat na naangkop sa teksto. 1. _____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ 3. _____________________________________________________ 4. _____________________________________________________ 5. _____________________________________________________ Alamin mo kung talagang naunawaan mo na ang aralin. Narito ang mga tamang kasagutan, iwasto mo ang iyong mga sagot. I. 1. kaya, dahil dito 5. kaya 9. kaya 2. sapagkat, dahil 6. dahil, sapagkat 10. kaya naman 3. kaya 7. bunga nito 4. dahil dito, bunga nito 8. bilang resulta II. Ipatsek mo sa iyong guro ang iyong mga isinulat na alternativ na pamagat.. Sasabihin niya sa iyo kung angkop ba para sa teksto ang mga inilista mong pamagat. Kumusta ang iyong mga sagot, kaibigan? Mataas ba ang nakuha mong marka? Kung may mga bahaging hindi mo pa nakuha ang wastong sagot, huwag ka ulit malungkot. Sagutin mo lang ang mga gawain sa Paunlarin. Makatutulong ito sa iyo para mas maunawaan mo pang mabuti ang iyong aralin. Pero kung sa palagay mo ay mataas na ang markang nakuha mo, maaari nang huwag mong gawin ang mga gawain sa Paunlarin, at sa halip, magtuloy ka na sa pagsagot ng ikaapat na modyul.
  • 135.
    38 Paunlarin Simulan mo nangsagutin mo ang mga gawain sa bahaging ito kung tapos ka nang magpahinga para makita mo kung gaano ka na kahusay. I. Basahin mo ang teksto at pagkatapos, gawin mo ang mga gawaing kaugnay nito na naksulat sa Ibaba Ang Islam Ang Islam ang pinakabatang relihiyon sa daigdig. Ito ay tinatawag ding Mohamedanismo, galing sa tagapagtatag na si Mohammed. Itinatag ni Mohammed ang relihiyong Islam matapos na gugulin niya ang panahon sa pagmumuni-muni sa mga suliraning panlipunan ng Mecca. Sa isa sa mga pagmumuning ito ay nagpakita sa kanya si Arkanghel Gabriel na nag-iwan ng mensaheng “walang ibang Diyos kundi si Allah”. Ngunit dahil iba’t ibang diyos ang pinaniniwalaan ng mga Arabe noong panahong iyon, pinagtawanan at tinuligsa nila si Mohammed. Kaya noong 622 AD, siya at ang kanyang mga tagasunod ay lumikas patungong Yatrib na pinangalanang Medina o ang “Lungsod ng Propeta”. Ang paglalakbay na iyon ay tinawag na Hegira o Hijra. Sa Medina, si Mohammed ay tinanggap bilang pinuno at mambabatas bukod pa sa pagiging propeta. Pinagsanib niya ang pangangaral at pakikibaka. Unti-unting lumago ang bagong relihiyon kasabay ng pagwawagi ng mga Muslim laban sa mga taga-Mecca. Noong 630 AD, matagumpay silang nakabalik sa Mecca at pinagsisira nila ang mga imahe roon. Sa Mecca niya itinatag ang sentro ng relihiyong Islam. Ang Koran ay ang sagradong aklat na naglalaman ng mahahalagang aral ni Mohammed para sa mga Muslim. Kung gaano kahalaga sa mga Kristiyano ang Biblia, ganoon din kahalaga ang Koran sa mga nananalig kay Allah. Ayon kay Mohammed, ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat at siyang lumikha ng sandaigdigan. Isinugo ng Diyos ang mga propeta upang turuan at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan. Ang kabutihan at katarungan sa Islam ay nagsisimula sa paggalang sa magulang. Sa tahanan nagsisimula ang pagtuturo ng pagkamagalang, kabutihan, at iba pang kabutihang asal. Tulad ng mga Kristyano, naniniwala rin ang mga Muslim sa paghuhukom. Ang mabubuting tao ay makatatamo ng buhay na walang-hanggan at ang masasamang tao ay patuloy na maghihirap. Muli, sagutin mo ang mga tanong upang malaman mo kung naunawaan mo nang ganap ang teksto.
  • 136.
    39 A. 1. Sino angnagtatag ng relihiyong Islam? 2. Kailan niya itinatag ang relihiyong islam? 3. Ano pa ang isang tawag sa relihiyong islam? 4. Ano ang iniwang mensahe ni Anghel Gabriel kay Mohammed nang magpakita ito sa kanya? 5. Ano ang sanhi ng pagtuligsa at pagtawa kay Mohammed ng mga Arabe? 6. Ano ang naging bunga ng pagtuligsa at pagtatawang iyon kay Mohammed ng mga Arabe? 7. Ano ang tawag sa paglalakbay na isinagawa ni Mohammed? 8. Ano ang naging bunga ng paglalakbay ni Mohammed sa Medina? 9. Ano ang Koran? 10. Ano ang pagkakatulad ng Kristyanismo sa relihiyong Islam? II. Pumili ka ng sampung salita sa teksto at ibigay mo ang kahulugan batay sa pagkakagamit ng mga ito sa pangungusap. Salita Kahulugan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap 1. _____________________ _____________________________________________ 2. _____________________ _____________________________________________ 3. _____________________ _____________________________________________ 4. _____________________ _____________________________________________ 5. _____________________ _____________________________________________ 6. _____________________ _____________________________________________ 7. _____________________ _____________________________________________ 8. _____________________ _____________________________________________ 9. _____________________ _____________________________________________ 10. ____________________ _____________________________________________ III. Umisip ka ng dalawang alternativ na pamagat para sa teksto. Alternartiv na Pamagat 1: ____________________________________________________________ Alternativ na Pamagat 2: ____________________________________________________________
  • 137.
    40 Iwasto mong muliang iyong mga sagot. I. 1. Mohammed 2. Mohamedanismo 3. matapos niyang gugulin ang panahon sa pagmumuni-muni sa mga suliraning panlipunan ng Mecca 4. “walang ibang Diyos kundi si Allah’ 5. dahil iba’t ibang diyos ang pinaniniwalaan ng mga Arabe noong panahong iyon 6. siya at ang kanyang mga tagsunod ay lumikas noong 622AD patungong Medina 7. Hegira o Hijra 8. unti-unting lumago ang bagong relihiyong Mohamedanismo kasabay ng pagwawagi ng mga Muslim laban sa mga taga-Mecca 9. sagradong aklat na naglalaman ng mahahalagang aral ni Mohammed sa mga Muslim 10. ang mga Kristyano at Muslim ay parehong naniniwala sa paghuhukom. Pareho ding naniniwala ang dalawang relihiyong ito na ang mabubuting tao ay makatatamo ng buhay na walang-hanggan at ang masasamang tao ay patuloy na maghihirap. II. Ipatsek mo sa iyong guro ang iyong sagot. Sasabihin niya sa iyo kung tama ang mga ibinigay mong kahulugan sa mga salitang napili mo. III. Ipatsek mo sa iyong guro ang sagot. Sasabihin niya sa iyo kung angkop sa teksto ang dalawang alternativ na pamagat na iyong ibinigay. O, alam kong mataas ang markang nakuha mo kaya binabati kita. Binabati din kita sa iyong pagsisikap at pagtitiyagang matuto. Gusto kong sabihin sa iyo na, natutuwa ako dahil matagumpay mong natapos ang modyul na ito. Ngayon ay natitiyak kong handang-handa ka na para sa ikaapat na modyul. Hangad ko para sa iyo ang isang masaya at matagumpay na pag-aaral sa ikaapat mong modyul. Pero bago iyon, kailangang sagutin mo muna ang pangwakas na pagsusulit na inihanda ko para sa iyo. Madali lamang ito at alam kong kayang-kaya mo! Kaibigan, bago mo sagutin ang pangwakas na pagsusulit, magpapaalam na muna ako sa iyo. Hanggang dito na muna ang ating pagsasama. Hanggang sa muli, kaibigan. Magandang araw sa iyo!
  • 138.
    41 Gaano ka nakahusay? I. Hanapin mo sa Kolum B ang isinasaad sa Kolum A. Letra lamang ang isulat mo sa sagutang papel. Kolum A Kolum B A. 1. Tawag sa panlaping isinisingit sa pagitan ng unang a. maylapi katinig at kasunod na patinig ng punong salita b. hulapi 2. Tawag sa salitang binubuo ng punong salita at panlapi c. unlapi 3. Tawag sa panlaping ikinakabit sa hulihan ng punong salita d. pares minimal 4. Tawag sa panlaping ikinakabit sa unahan ng punong salita e. gitlapi 5. Tawag sa pares ng salitang magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang tunog o ponema sa magkatulad na posisyon B. 1. Tawag sa pagbubuo ng salita kung ang kabuuan nito o ang a. tambalan isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit b. ganap na pag-uulit 2. Tawag sa pag-uulit ng bahagi lamang ng punong salita c. paglalapi 3. Tawag sa dalawang salitang pinagsama at nakabuo ng isa d. di-ganap o parsyal lamang salita na pag-uulit 4. Tawag sa pag-uulit nang buo sa punong salita e. pag-uulit 5. Tawag sa pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama ng punong salita at panlapi II. Hanapin mo sa kolum B ang karugtong ng parirala sa kolum A upang mabuo ang pangungusap at maipakita ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Letra lamang ang isulat mo sa iyong sagutang papel. 1. Pulu-pulo kasi ang Pilipinas at watak-watak a. pagwawakas ng pananakop ng watak ang damdamin ng mga Pilipino, mga Kastila sa loob ng tatlong at bunga nito… daang taon. 2. Naging mapang-abuso ang mga prayle at b. nagbuwis sila ng buhay upang guardia civil sa mga Pilipino na muling mabawi ang kalayaang nagresulta ng…. inagaw ng mga dayuhang 3. Likas na mapagmahal sa kalayaan ang Kastila. mga Pilipino, kaya… c. pakikibaka at paghihimasik ng 4. Ang katapangan, kagitingan, at pagmamahal mga Pilipino laban sa kanila. sa bayang ipinakita ng mga Pilipino ay d. madali tayong nasakop ng mga ay nagbunga ng… dayuhang Kastila. 5. Ngunit bago pa man dumating ang mga e. naimpluwensyahan tayo ng Kastila, matagal na tayong nakipagkalakalan dayuhang sumakop sa atin
  • 139.
    42 sa mga Tsino,at dahil dito…. f. pagnanais na magkaroon ng 6. Naiba ang anyo ng mga Pilipino ngayon sa mas mataas na sweldo at mas anyo ng mga katutubong Pilipino noong maunlad na buhay at para unang panahon dahil sa… makaiwas sa kahirapan. 7. Nabago din ang maraming bagay sa atin g. mahal nila ang kanilang bansang tulad ng paraan ng ating pamumuhay, sinilangan at ayaw nilang malayo pananamit, pagkain, at iba pa, sapagkat… sa mga mahal nila sa buhay. 8. Nagkaroon din ng kaisipang kolonyal ang h. namana natin ang marami nilang mga Pilipino sa dahilang… mga kaugalian at paniniwala. 9. Kaya naman ngayon, maraming Pilipino i. naniwala tayong mas magaling at ang nangangarap manirahan sa ibang mas mabuti ang kultura ng ibang bansa bunga ng… lahi kaysa sarili nating kultura. 10. Gayon pa man, may ilan pa ring mga j. pagpapakasal ng mga katutubong Pilipino ang naniniwalang mas gusto Pilipino noong araw sa mga nilang manatili sa bansa sapagkat… dayuhang nanirahan sa Pilipinas. III. Idrowing mo ang ☺ sa bilang ng pares ng salitang maituturing na pares minimal. ________1. lamay : kamay (wake : hand) ________2. baso : laso (glass : ribbon) ________3. pagod : hagod (tired : massaging) ________4. suka : suko (vinegar : surrender) ________5. kulot : pulot (curly : honey) ________6. sampa : sumpa (climb : curse) ________7. lagay : tagay (condition : toast) ________8. lalim : talim (depth : blade) ________9. hukay : buhay (pit : life) _______10. bangga : sangga (collision : shield) _______11. damayan : kamayan (to give feeling of sympathy : to shake one’s hand) _______12. pila : hila (line : pull) _______13. pinto : hinto (door : stop) _______14. puto : kuto (rice cake : louse/lice) _______15. katok : batok (knock : nape) IV. Isulat mo kung ang pagkakabuo sa punong salita ay sa pamamagitan ng a. paglalapi b. pagtatambal at c. pag-uulit. Letra lamang ang isulat mo sa sagutang papel. 1. masayang-masaya 6. tatalun-talon 11. asahan 2. kakaunti 7. kinilala 12. nilangaw 3. akyat-panaog 8. bulaklakin 13. kasa-kasama 4. layu-layo 9. basag-ulo 14. bantay-salakay 5. sirang-sira 10. kapit-bisig 15. unti-unti
  • 140.
    43 V. Basahin moang teksto. Pagkatapos, gawin mo ang mga gawaing kaugnay nito na nakasulat sa ibaba. Ang Relihiyong Buddhismo Ang relihiyong Buddhismo ay sumilang noong ika-6 na siglo sa Hilagang India. Si Siddharta Gautama Buddha na ipinanganak noong 560 BC sa may Timog Nepal ang nagpasimula ng relihiyong ito. Ikinabit sa kanyang pangalan ang Buddha na ang ibig sabihin ay “Ang Naliwanagan”. Si Siddharta ay isang prinsipe na nagtataglay ng lahat ng bagay upang maging masaya sa buhay. Ngunit sa edad na 29, iniwan niya ang lahat ng ito at maging ang kanyang pamilya upang hanapin ang kasagutan sa mga katanungan niya tungkol sa paghihirap ng tao. Lumabas siya sa palasyo, naglakbay siya sa loob ng anim na taon at nabuhay sa pamamagitan ng pamamalimos. At dito siya ganap na naliwanagan. Sa loob ng 49 na araw ay nagbulay-bulay siya at nadama niya ang susi sa hinahanap na dahilan sa paghihirap ng mga tao. Matapos ito, ipinangaral ni Siddharta ang Apat na Dakilang Katotohanan o ang Four Noble Truths. Layunin ng Buddhismo na makawala ang tao sa walang katapusang gulong ng buhay at kamatayan. Makakamit ng tao ang Nirvana o ang walang hanggang kaligayahan kung masusunod niya ang landas patungo rito. Hindi inisip ni Saddharta na magtayo ng isang bagong relihiyon. Nais lamang niya na baguhin ang Hinduismo: tanggalin ang kontrol ng mga Brahman sa relihiyon at bigyan ng pag-asa ang mga nasa mababasang caste. Ngunit nang siya ay pumanaw itinuring siyang isang diyos ng kanyang mga tagasunod at naging isang relihiyon ang Buddhismo. Sa kasalukuyan, ang relihiyong Buddhismo ay laganap sa mga bansang tulad ng Vietnam, Cambodia, Mongolia, Korea, Tsina, at Thailand. A. Sagutin mo ang mga tanong. 1. Anong relihiyon ang sumilang sa Hilagang India noong ika-6 na siglo? 2. Sino ang nagpasimula ng relihiyong Buddhismo? 3. Ano ang kahulugan ng pangalang “Buddha?” 4. Bakit lumabas ng palasyo si Siddharta? 5. Paano nabuhay si Siddharta sa labas ng palasyo? 6. Ano ang bunga ng pagbubulay-bulay ni Siddharta sa loob ng 49 na araw?
  • 141.
    44 7. Ano angipinangaral ni Siddharta? 8. Ano ang layunin ng Buddhismo? 9. Ano ang naging bunga ng pagsisikap ni Saddharta na mabago ang kalagayan ng mga tao? 10. Saan-saang bansa laganap ngayon ang relihiyong Buddhismo? B. Hanapin mo sa kolum B ang kahulugan ng mga salitang nakahilig sa kolum A. Letra lamang ang isulat mo sa sagutang papel. A B 1. nagpasimula ng relihiyon a. nag-isip nang mabuti 2. ikinabit sa pangalan b. walang katapusan 3. lumabas sa palasyo c. nanguna 4. ganap na naliwanagan d. daan 5. nagbulay-bulay siya e. isinama 6. nadama ang susi f. namatay 7. makawala ang tao g. nangibang-bayan 8. walang hanggang kaligayahan h. kasagutan 9. siya ay pumanaw i. nabuksan ang isip 10. landas patungo dito j. makalaya C. Bigyan mo ng alternativ na pamagat ang teksto. . ___________Ang Relihiyong Buddhismo__________ (Orihinal na Pamagat) ____________________________________________ (Alternativ na Pamagat)
  • 142.
    45 Modyul 3 Pagsusuri saKayarian/ Kahulugan ng Salita Pagtukoy sa Sanhi at Bunga at Pagbibigay ng Alternativ na Pamagat I. A. 1. e 2. a 3. b 4. c 5. d B. 1. e 2. d 3. a 4. b 5. c II. 1. d 3. b 5. h 7. e 9. f 2. c 4. a 6. j 8. i 10. g III 1. 4. ☺ 7. 10. ☺ 13. ☺ 2. ☺ 5. ☺ 8. 11. 14. ☺ 3. 6. 9. ☺ 12. ☺ 15. IV. 1. c 6. c 11. a 2. a 7. a 12. a 3. b 8. a 13. c 4. c 9. b 14. b 5. c 10. b 15. c V. A. 1. Buddhismo 2. Siddharta Gautama Buddha 3. “Ang Naliwanagan” 4. upang hanapin ang kasagutan sa mga katanungan niya tungkol sa paghihirap ng tao 5. sa pamamagitan ng pamamalimos 6. nadama niya ang susi sa hinahanap na dahilan sa paghihirap ng tao 7. Ang “Apat na Dakilang Katotohanan” o “Four Noble Truths” 8. makawala ang tao sa walang katapusang gulong ng buhay at kamatayan 9. itinuring siyang Diyos nang siya’y pumanaw at naging relihiyon ang Buddhismo 10. Vietnam, Cambodia, Mongolia, Korea, Tsina, at Thailand. B. 1. c 3. g 5. a 7. j 9. f 2. e 4. i 6. h 8. b 10. d C. Para sa guro: Itsek ang alternativ na pamagat na ibinigay ng estudyante para sa teksto. Susi sa Pagwawasto
  • 143.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 4 Ang Pagkilala at Pagbuo ng Iba’t Ibang Pangungusap
  • 144.
    2 Modyul 4 Ang Pagkilalaat Pagbuo ng Iba’t Ibang Pangungusap Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta na, kaibigan? Binabati kita sapagkat umabot ka na sa modyul na ito. Sigurado akong handa ka na para dagdagan ang iyong kaalaman at kasanayan sa Filipino. Sa nakaraang modyul, natutuhan mo kung ano ang salita at paano ito nabubuo. Sa modyul na ito, matutuhan mo naman ang tungkol sa pangungusap. Naghanda ako ng mga aralin at gawain na makatutulong sa iyo upang lalo mong maintindihan ang paksa. Mayroon din itong mga pagsasanay upang lalo kang humusay sa pagbuo at paggamit nito. Ano ang matututunan mo? Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Nakabubuo ng mga pangungusap batay sa tiyak na balangkas - payak - tambalan - hugnayan - langkapan 2. Nakikilala at nakabubuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap batay sa layon - naglalarawan - nagsasalaysay - naglalahad - nangangatwiran. 3. Naipaliliwanag ang katwiran sa pagsalungat o pagsang-ayon sa isang ideya 4. Natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan sa tekstong binasa.
  • 145.
    3 Paano mo gagamitinang modyul na ito? Bago ang lahat, balikan mo ang mga panuto kung paano gamitin ang modyul na ito. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay ng sagutang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo muna ang panimulang pagsusulit. 3. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat lamang sa pagwawasto. 4. Basahin at unawain mabuti ang mga teksto at panuto bago sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. 5. Huwag maglalaktaw ng sub-aralin at gawain. Pag-aralang mabuti ang mga paksa na lilinang sa iyong mga kasanayan. 6. Sagutin mo ang mga pangwakas na pagsusulit upang matiyak mo kung natutuhan mo ang aralin. 7. Bigyang halaga mo sana ang modyul na ito. Sikapin mong sagutin ang mga gawain nang may pagsisikap upang ikaw ay lubusang matuto. Ano na ba ang alam mo? Marahil, iniisip mo na madali lang ang paksa ng modyul na ito. Araw-araw mo nga naman kasing ginagamit ang pangungusap. Kung kaya’t bibigyan muna kita ng panimulang pagsubok upang malaman ko ang iyong kaalaman tungkol dito. Simulan mo na! Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel. Kumpletuhin mo ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ang _____________ ay salita o mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. a. letra b. parirala c. pangungusap
  • 146.
    4 2. Ang mgasalitang “batang babae” ay halimbawa ng _____________. a. parirala. b. pandiwa. c. kataga. 3. Ang dalawang batayang bahagi ng pangungusap ay _____________________ a. pang-uri at pangngalan. b. paksa at panaguri. c. parirala at pandiwa. 4. Ang pangungusap na “Si Jenny ay nag-aaral.” ay halimbawa ng pangungusap na ____________. a. payak. b. tambalan. c. hugnayan. 5. Ang pagpapaliwanag ay isang uri ng: a. pagsasalaysay b. paglalarawan. c. paglalahad. 6. Ang pangungusap na ________________ ay pinagsamang pangungusap na tambalan at hugnayan. a. payak b. tambalan c. langkapan 7. Isang halimbawa ng pangungusap na tambalan ang __________________. a. Sina John at Joan ay magkapatid. b. Ang librong ibinigay mo sa akin ay nawala. c. Si Art ay umaawit at si Bing ay sumasayaw. 8. ____________________ ang pangungusap kung ito ay nagkukuwento. a. Nagsasalaysay b. Naglalarawan c. Nangangatwiran
  • 147.
    5 Mahalaga ang mgahayop sa buhay ng tao. Marami silang pakinabang sa atin. Sa kanila tayo kumukuha ng pagkain tulad ng karne. Ang kanilang balat ay nagagamit natin sa paggawa ng damit at sapatos. Nakatutulong din sila sa ating mga gawain. 9. Ang tatlong sangkap ng pagsulat ay ____________________. a. lapis, papel at pambura b. pangungusap, salita at parirala c. kaisahan, pagkakaugnay-ugnay at diin 10. Piliin ang titik ng pangunahing ideya ng talata sa ibaba. a. Kumukuha tayo ng pagkain sa hayop. b. Mahalaga ang hayop sa buhay natin. c. Magagamit natin ang balat ng hayop. Nasagot mo ba ang lahat ng tanong? Sige, kunin mo na ang Susi sa Pagwawasto sa guro at iwasto mo ang iyong mga sagot. Tingnan kung ano ang iyong iskor. Kung nakakuha ka ng: 8 – 10 Binabati kita! Natitiyak kong magiging madali sa iyo ang mga aralin! 1 – 7 Huwag kang mag-alala. Makatutulong sa iyo ang modyul na ito upang maunawaan mo ang paksang tatalakayin. Sige, pumunta ka na sa mga gawain. Mga Gawain sa Pagkatuto
  • 148.
    6 Ang Pinya ngTagaytay Ang bayan ng Tagaytay ay matatagpuan sa probinsiya ng Cavite. Kilala ang Tagaytay dahil sa bulkan ng Taal, ang pinakamaliit na bulkan sa mundo. Ngunit kilala rin ang Tagaytay dahil sa kanyang pinya. Ang pinya ang kanyang pangunahing produkto. Maraming lupain sa Tagaytay ang may taniman ng pinya. Kilala sa pagiging matamis ang kanilang mga pinya. Ang mga ito ay kanilang kinakalakal. Ipinagbibili nila ito sa iba’t ibang bayan sa Pilipinas. Ipinagbibili rin nila ito sa labas ng bansa. Sub-Aralin 1 Pagkilala sa Pangungusap Layunin Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod: 1. nasasabi ang kahulugan ng pangungusap 2. naibibigay ang mga dalawang bahagi ng pangungusap 3. nakikilala ang dalawang ayos ng pangungusap 4. natutukoy ang pangungusap at hindi pangungusap Alamin “Magandang araw sa iyo, kaibigan.” Sigurado akong naintindihan mo ang bati ko sa iyo. Pero kapag sinabi kong “araw sa iyo,” hindi mo tiyak kung ano ang gusto kong sabihin. Marahil, hindi lang sa pagkakataong ito hindi mo naunawaan ang sinasabi ng iyong kausap. Sapagkat maaaring hindi pangungusap ang kanilang sinasabi. Ito ang halaga ng pag-alam kung pangungusap o hindi ang iyong maririnig o mababasa. Basahin mo ang maikling talata sa kabilang pahina. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ng mga grupo ng salita sa itaas? Natitiyak kong oo sapagkat buo ang kanilang diwa. Kailan sinasabi na buo ang diwa? Kapag malinaw ang ideyang kanilang isinasaad. Ang tawag sa mga grupo ng salitang ito ay pangungusap.
  • 149.
    7 Linangin Ang pangungusap aymay dalawang bahagi: ang paksa at panaguri. Ang paksa ang pinag- uusapan sa pangungusap. Ang panaguri naman ay nagbibigay komento o tumatalakay sa paksa. Suriin mo ang pangungusap sa ibaba. Alin ang paksa at panaguri sa pangungusap? Ang tinapay ay masarap. Kung sinabi mong “Ang tinapay” ang paksa, tama ka! Kung sinabi mo naman na “masarap” ang panaguri, tama ka ulit! Ang paksa ng pangungusap ay ang tinapay. Sinasabi naman ng panaguri na ito ay masarap. Ngayon naman ay suriin mo ang dalawa pang pangungusap sa ibaba. Ang kahon ay punung-puno ng laruan. Ang bata ay nagmamadaling umuwi. Ano ang paksa sa una at ikalawang pangungusap? Tama ka. Ang paksa sa unang pangungusap ay “Ang kahon” samantalang sa ikalawa ay “Ang bata.” Ngayon, pansinin mo ang nasa unahan ng dalawang paksa. Ano ang salitang nasa unahan ng mga ito? Tama ka kung “Ang” ang iyong sagot. Ito ang madalas na nasa unahan ng paksa. Ibig sabihin, ito ang pananda ng paksa. Ginagamit ito kapag isa lamang ang pinag-uusapan sa pangungusap. Kapag maramihan naman ang pinag-uusapan sa pangungusap, ang mga salitang “Ang mga” ang ginagamit. Tingnan mo ang dalawang halimbawa ng pangungusap na may paksang maramihan. Ang mga bata ay umaawit. Ang mga alaga ni Jose ay malulusog. Suriin mo ang dalawang pangungusap. Anong mga salita ang nasa unahan ng paksa? Si Duday ay mabait na bata. Sina Arnold at Roger ay magkaklase. Tama ka. Nagsisimula ang unang pangungusap sa salitang “Si” at “Sina” naman ang ikalawa. Ang mga salitang Si at Sina ay mga pananda din ng paksa. Kailan ginagamit ang Si at Sina? Ginagamit ang Si at Sina kapag ang paksa sa pangungusap ay mga tao na may tiyak na pangalan. Ang Si ay ginagamit kapag iisa ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ang Sina naman ay ginagamit kapag maramihan ang pinag-uusapan sa pangungusap. Tingnan mo ang ilang halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng Si at Sina.
  • 150.
    8 Si Kris aymaganda at matalino. Sina Roy, Bong at Rowel ay pumunta sa simbahan. Ano ang napansin mo sa ayos ng mga paksa at panaguri? Tama. Nauuna ang paksa sa panaguri. Kapag ang paksa ay nauuna sa panaguri, ang pangungusap ay nasa ayos na di- karaniwan. Suriin mo naman ang dalawang pangungusap sa ibaba. Ano ang ayos ng mga pangungusap? Naglalaro ng taguan ang mga bata. Mabilis tumakbo ang aso. Hindi ba’t nauuna ang panaguri sa paksa? Kapag ang panaguri ay nauuna sa paksa, ang ayos ng pangungusap ay karaniwan. Sa ayos ding ito, hindi rin ginagamit ang panandang ay. Tingnan mo ang dalawang pangungusap sa ibaba. Alin ang nasa ayos na di-karaniwan at ayos na karaniwan? Si Jose ay matangkad. Matangkad si Jose. Tama ka kung ang sinabi mong nasa ayos na di-karaniwan ang unang pangungusap at nasa ayos na karaniwan ang ikalawa. Magkapareho ang dalawang pangungusap. Magkaiba lang ang kanilang ayos. Ano ang isa pang pananda na ang pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos? Tama, ang “ang.” Basahin mo nang malakas ang dalawang pangungusap. Alin sa dalawa ang natural sa iyong pandinig? Kung sinabi mong ang pangalawa, tama ka. Sa mga Pilipino, higit na natural na unahin sa karaniwang usapan ang panaguri kaysa sa paksa. Kaya tinawag itong karaniwan. Medyo kakaiba naman sa pandinig kung nauuna ang paksa sa panaguri. Kaya tinawag itong di-karaniwan. Minsan, may pangungusap na binubuo lamang ng isang salita. Halimbawa ng mga ito ay: a. Takbo! b. Umuulan. c. Bakit? Bakit sila itinuturing na pangungusap? Mga pangungusap sila sapagkat buo o malinaw ang kanilang diwa o ideyang isinasaad. Kung kaya, ang pangungusap ay salita o grupo ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa. Ngunit hindi lahat ng salita o grupo ng mga salita ay pangungusap. Pansinin ang mga salita sa ibaba: a. ang magkapatid b. magandang-maganda c. kusang humarap
  • 151.
    9 Malinaw ba saiyo ang kanilang mga diwa o ideya? Hindi. Hindi mo sila lubos na maintindihan sapagkat hindi buo ang kanilang diwa o ideya. Ang tawag sa kanila ay parirala. Ang ilan pang halimbawa ng parirala ay ang mga sumusunod: a. pula at puti b. matamis na prutas Suriin mo naman ang mga grupo ng salitang nasa ibaba. Alin-alin ang mga pangungusap at parirala? a. Ang guro ay nagbabasa nang tahimik. b. Bumili ng sapatos ang manlalaro ng basketball. c. sina Gina at Gino d. mataas na puno Kung sinabing mong ang una at ikalawa ang pangungusap, tama ka. Siyempre, ang ikatlo at ikaapat naman ay parirala. Gamitin Tingnan natin kung naintindihan mo ang tinalakay sa itaas. Sagutin mo ang mga sumusunod na gawain. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. A. Isulat sa sagutang papel ang PK kung ang mga salitang may salungguhit ay paksa at PN kung panaguri. _____1. Maganda at mayaman ang Pilipinas. _____2. Ang mga tanawin sa Pilipinas ay maipagmamalaki natin. _____3. Ang talon ng Pagsanjan ay kayganda sa paningin. _____4. Kaakit-akit ang bulkang Mayon sa Bicol. _____5. Ang Parke ng Pasonanca ay puno ng makukulay na bulaklak. B. Isulat sa sagutang papel kung ang bawat pangungusap ay nasa ayos na di-karaniwan o karaniwan. 1. Kilalang-kilala ang mangga ng Pilipinas. 2. Ang mangga ng Pilipinas ay ibinibenta sa ibang bansa. 3. Galing sa Isla ng Guimaras ang ibinibentang matatamis na mangga. 4. Ligtas at walang sakit ang mangga ng Guimaras. 5. Ang rehiyon ng Davao ay nagbebenta rin ng mangga. C. Piliin at isulat sa sagutang papel ang mga pangungusap sa ibaba.
  • 152.
    10 1. Ang kangkong 2.Maraming benepisyong makukuha sa kangkong. 3. Ang halamang kangkong ay gamot sa puso. 4. saluyot at toge 5. Pinabababa ng ginseng ang kolesterol sa katawan. Nasagot mo ba ang lahat? Ihambing mo kung katulad ng nasa ibaba ang iyong mga sagot. Para sa A: 1. PN 3. PA 5. PN 2. PA 4. PA Para sa B: 1. karaniwan 3. karaniwan 5. di-karaniwan 2. di-karaniwan 4. karaniwan Para sa C. Ang mga pangungusap ay nasa bilang 2, 3 at 5 Kung hindi mo nasagot lahat, balikan mong muli ang aralin. Lagumin Madaling maunawaan ang pangungusap kung tatandaan mo ang mga sumusunod na ideya. Tandaan mo na ang pangungusap ay salita o grupo ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa. Binubuo ito ng paksa at panaguri na may sinasabi tungkol sa paksa. Tandaan mo rin na maaaring isulat ang pangungusap sa dalawang ayos o paraan. Sa ayos na di-karaniwan, nauuna ang paksa sa panaguri. Sa ayos na karaniwan, nauuna ang panaguri sa paksa at wala ang panandang ay. Napag-aralan mo rin na hindi lahat ng salita o grupo ng mga salita ay pangungusap. Hindi pangungusap sapagkat hindi buo ang kanilang diwa. Ngayon, handa ka na bang sagutin ang pagsusulit sa Subukin? Simulan mo na. Subukin A. Isulat muli ang mga pangungusap sa iyong sagutang papel. Salungguhitan ang paksa at bilugan ang panaguri. 1. Mahusay na siyentipiko si Dr. Rafael Guerrero III. 2. Ang tilanggit ay isa sa kanyang mga eksperimento. 3. Madali lang ang paggawa ng tilanggit. 4. Ang tilanggit ay pinaikling tilapiyang dinanggit. 5. Ang tilanggit ay maaaring ibenta ng P25 hanggang P40 kada kilo.
  • 153.
    11 B. Isulat sasagutang papel ang mga pangungusap sa ayos na karaniwan. 1. Ang harana ay bahagi ng ating romantikong tradisyon. 2. Ang tradisyon ng harana ay galing sa Espanya at Mehiko. 3. Ang pag-ibig ng lalaki sa babae ay ipinararating sa harana. 4. Ang madalas na instrumento sa harana ay gitara. 5. Ang hinaranang babae ay maaaring mahilinging umawit. C. Isulat sa sagutang papel ang mga pangungusap sa ayos na di-karaniwan. 1. Nagpunta sa Europa ang grupong Bayanihan. 2. Mga mag-aaral sa kolehiyo ang mga miyembro ng grupo. 3. Nagtanghal ng mga katutubong sayaw ang grupo. 4. Natuwa at humanga sa kanilang galing ang mga manonood. 5. Si Dr. Helena Benitez ang tagapagtatag ng grupong Bayanihan. D. Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang mga salita ay pangungusap at ekis (×) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. _____1. mga prutas. _____2. Mahalaga ang nutrisyon sa katawan. _____3. May makukuhang protina sa gatas, keso, itlog at isda _____4. bitamina at mineral _____5. Masustansyang gulay. Nasagot mo ba ang lahat? Katulad ba ng nasa ibaba ang iyong mga sagot? A. 1. Mahusay na siyentipiko si Dr. Rafael Guerrero III. 2. Ang tilanggit ay isa sa kanyang mga eksperimento. 3. Madali lang ang paggawa ng tilanggit. 4. Ang tilanggit ay pinaikling tilapiyang dinanggit. 5. Ang tilanggit ay maaaring ibenta ng P25 hanggang P40 kada kilo. B. 1. Bahagi ng ating romantikong tradisyon ang harana. 2. Galing sa Espanya at Mehiko ang tradisyon ng harana. 3. Ipinararating sa harana ang pag-ibig ng lalaki sa babae. 4. Gitara ang madalas na instrumento sa harana.
  • 154.
    12 5. Maaaring mahihilingingumawit ang hinaranang babae. C. 1. Ang grupong Bayanihan ay nagpunta sa Europa. 2. Ang mga miyembro ng grupo ay mga mag-aaral sa kolehiyo. 3. Ang grupo ay nagtanghal ng mga katutubong sayaw. 4. Ang mga manonood ay ay natuwa at humanga sa kanilang galing. 5. Ang tagapagtatag ng grupong Bayanihan ay si Dr. Helena Benitez. D. __x__1. mga prutas. __ __2. Mahalaga ang nutrisyon sa katawan. __ __3. May makukuhang protina sa gatas, keso, itlog at isda __x__4. bitamina at mineral __x__5. Masustansyang gulay. Kung nakakuha ka ng labing-anim (16) o higit pang tamang sagot, binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa Sub-Aralin 2. Kung mas mababa sa labing-anim (16), balikan ang aralin at sagutan ang mga tanong sa Paunlarin. Paunlarin Kung kailangan mo pa ng dagdag na pagsasanay, sagutin mo ang mga gawaing ito. A. Bumuo ng isang pangungusap para sa larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Salungguhitan mo ang paksa at bilugan ang panaguri sa bawat pangungusap na binuo mo.
  • 155.
    13 Kung tama angiyong ginawa, maaari ka nang magpatuloy sa Sub-aralin 2. Kung hindi, balikan mo ang aralin. Sub-Aralin 2 Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian Layunin Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod: 1. nakikilala ang mga pangungusap batay sa kayarian - payak - tambalan - hugnayan - langkapan 2. nakabubuo ng mga pangungusap na payak, tambalan, hugnayan at langkapan. Alamin Masaya ako dahil umabot ka na sa araling ito. Ngayon ay handa ka nang madagdagan pa ang iyong kaalaman. Tulad ng isang gusali, ang pangungusap may iba’t ibang uri o balangkas. Basahin mo ang maikling talata. Integrasyon ng Ekonomiya: Susi ng Kaunlaran ni Tereso Tullao Ayon sa mga ekonomista ng pamahalaan ang matamlay na record ng ating ekonomiya ay bunga ng mga dahilang external at internal. Sa labas ng bansa, naririyan ang malalang resesyon sa Estados Unidos, at iba pang industriyalisadong bansa na nakaapekto sa ting exports. Sa loob ng bansa, ang malaking ibinabayad sa utang, mahinang record ng export, mga industriyang nakatali sa pag-aangkat, at mahinang pagpasok ng dayuhang capital ay siyang nagpahina sa ekonomiya. Halaw sa Malay, 1996 Ano ang pinapaksa ng talata?
  • 156.
    14 Ano ang napansinmo sa mga pangungusap? Hind ba’t may mahaba at maikli. Mayroon ding simple at may kumplikado, ayon sa kayarian. Iyan ang pag-aaralan mo. Linangin May apat na balangkas ang pangungusap. Ang mga ito ay payak, tambalan, hugnayan at langkapan. Suriin mo ang dalawang pangungusap sa ibaba. Ilan ang paksa at panaguri sa bawat isa? 1. Ako ay naglalaba . 2. Namasyal ang pamilya. Kung sinabi mong may isang paksa at may isang panaguri ang bawat isa, tama ka. Mga halimbawa ito ng payak na pangungusap. Ano ang payak na pangungusap? Ang payak na pangungusap ay mayroon lamang isang buong diwa o kaisipan. Ang payak na pangungusap ay maaari ring may iisang paksa at dalawang panaguri o dalawang paksa at iisang panaguri. Halimbawa: 1. Si Kris at Tin ay magkaibigan. 2. Umaawit at sumasayaw si Jerome. Maaari rin naman na magkaroon ito ng dalawang paksa at dalawang panaguri. Halimbawa: 1. Si Jo at Ann ay nagwawalis at nagbubunot. 2. Malaki at makulay ang gusali at bahay. Madali lang, hindi ba? Ngayon, pansinin mo naman ang pangungusap sa ibaba 1. Si Jose ay umaawit at si Rina ay nagpipiyano. 2. Ako ang nagwawalis samantalang si Kuya ang naglalaba. Ano ang napapansin mo sa dalawang pangungusap? Tama ka. Ang bawat pangungusap sa itaas ay binubuo ng dalawang ganap na sugnay. Sa unang pangungusap, ang dalawang ganap na sugnay ay “Si Jose ay umaawit” at “Si Rina ay nagpipiyano.” Sa ikalawa naman, ang dalawang ganap na sugnay y “Ako ang nagwawalis” at “Si Kuya ang naglalaba.” Ano ‘ka mo ang sugnay? Ito ay grupo ng salita na may paksa at panaguri. Ang sugnay ay ganap kung kaya nitong makapag-isa at may buong diwa. Sa madaling salita, ang ganap na sugnay ay pangungusap na payak. Ano ang tawag sa pangungusap na binubuo ng dalawang ganap na sugnay o pangungusap na payak? Ang tawag sa pangungusap na may ganitong kayarian ay pangungusap na tambalan.
  • 157.
    15 Suriin mo angmga pangungusap na tambalan sa ibaba: 1. Sila ay masaya at kami ay malungkot. 2. Gusto kong mamasyal ngunit wala akong kasama. Ano ang mga pangungusap na payak sa bawat isa? Sa unang pangungusap, ang dalawang pangungusap na payak ay “Sila ay masaya” at “Kami ay malungkot.” Sa ikalawa naman, ang dalawang pangungusap na payak ay “Gusto kong mamasyal” at “Wala akong kasama.” Ano naman ang mga salitang nag-uugnay sa mga pangungusap na payak? Sa unang pangungusap ay at samantalang sa ikalawa ay ngunit. Ang tawag sa mga ito ay pangatnig. Marami pang salitang nag-uugnay sa mga pangungusap na payak. Anu-ano ang mga ito? Naitala mo ba ang mga salitang saka, pati, ngunit, habang, samantala, at datapwa’t? Ngayon, subukin mo ngang bumuo ng pangungusap na tambalan sa pamamagitan ng mga sumunod na pangungusap na payak 1. Si Juan ay tumatawa. Si Mateo ay umiiyak. 2. Natutulog ang tigre. Naglalaro ang matsing. Kumakain ang elepante. 3. Makulay ang kanyang kuwarto. Maayos ang kanyang mga gamit. Kung ang mga sagot mo ay ang katulad ng mga nasa ibaba, binabati kita. Tama ang iyong mga sagot. 1. Si Juan ay tumatawa samantalang si Mateo ay umiiyak. 2. Natutulog ang tigre, naglalaro ang matsing habang kumakain ang elepante. 3. Makulay ang kanyang kuwarto at malinis ang kanyang mga gamit. Madali lang makilala at bumuo ng pangungusap na tambalan, hindi ba? Suriin mo naman ang pangungusap sa ibaba. Pansinin mo rin ang mga salitang nakahilig at nakasalungguhit. 1. Ang hayop na tinulungan niya ay alaga ko. 2. Kung sasamahan mo ako, tutulungan kita. Ang kayarian ng mga pangungusap sa itaas ay hugnayan. Ano ang mga bumubuo sa dalawang pangungusap na hugnayan? Ang dalawang pangungusap ay binubuo ng isang ganap na sugnay at isang di-ganap na sugnay. Ang mga salitang nakasalungguhit ay ganap na sugnay. Ang mga salitang nakahilig naman ay mga di-ganap na sugnay. Naaalala mo pa ba ang ibig sabihin ng ganap na sugnay? Ito ay grupo ng salita na may paksa at panaguri. Kaya nitong makapag-isa at may buong diwa. Tinatawag din itong punong sugnay dahil ito ang pinakamahalagang sangkap sa pangungusap at kayang mag-isa. Ano ang ibig sabihin nito? Kayang tumayo nang mag-isa ang ganap na sugnay kahit wala ang di-ganap na sugnay. Pansinin mo ang mga katulad na pangungusap sa ibaba na wala ang mga di-ganap na sugnay.
  • 158.
    16 Ang hayop ayalaga ko. Tutulungan kita. Ano naman ang di-ganap na sugnay? Kaiba sa ganap na sugnay, ang di-ganap na sugnay ay hindi kayang makapag-isa. Tinatawag din itong katulong na sugnay. Ano ang ibig sabihin nito? Balikan mo ang dalawang pangungusap na tambalan sa itaas. Sa unang pangungusap, ang di-ganap o katulong na sugnay na “na tinulungan niya” ay nagbibigay-turing sa pangngalan na “hayop.” Ang iba pang halimbawa nito ay ang mga sumusunod. Ang mga salitang nakahilig ay mga di-ganap na sugnay. 1. Pumunta si Robert sa bahay na lilipatan nila. 2. Ang gurong nagtuturo sa amin ay napakabuti. Sa ikalawang pangungusap naman, ang di-ganap na sugnay na “Kung sasamahan mo ako” ay nagbibigay-turing sa pandiwang “tutulungan.” Ang iba pang halimbawa nito ay ang mga sumusunod. Ang mga salitang nakahilig ay mga di-ganap na sugnay. 1. Siya ay nakauwi na nang dumating kami. 2. Natuwa si Mel dahil nakatanggap siya ng regalo. Suriin mo ang mga pangungusap na hugnayan sa ibaba. Salungguhitan minsan ang punong sugnay at makalawa ang mga di-ganap o katulong na sugnay. 1. Bibili siya kung wala pang cake. 2. Ang babaeng nagbigay ng cake ay taga-Bulacan. 3. Bumili siya ng cake na ibibigay sa kanyang kapatid. 4. Maglilinis ako bago siya dumating. Katulad ba ng nasa ibaba ang iyong mga sagot? 1. Bibili siya kung wala pang cake. =============== 2. Ang babaeng nagbigay ng cake ay taga-Bulacan. ============== 3. Bumili siya ng cake na ibibigay sa kanyang kapatid. ====================== 4. Maglilinis ako bago siya dumating. ============== Pansinin mo naman ang pangungusap sa ibaba. Ano ang napapansin mo sa bawat pangungusap? Matutuwa si Inay kung darating ang kanyang kapatid na taga-Baguio. Tama ka. Ang pangungusap ay binubuo ng isang ganap na sugnay, ang “Matutuwa si Inay” at dalawang di ganap na sugnay, ang “kung darating ang kanyang kapatid” at “na taga-Baguio.”
  • 159.
    17 Ang Jollibug (1) Kahanga-hangaang Jollibug Corporation. (2) Kahit saan ka magpunta ka, mayroon itong restawrant na laging puno ng tao. (3) Ang pagkain dito ay katakam-takam. (4) Kung gutom ka, mayroon ditong manok, palabok at hamburger na gustung-gusto ng mga bata. (5) Ang mascot nitong si Jollibug ay sikat. Magalang ang staff dito at malinis ang paligid. (6) Dahil dito, maraming tao ang napupunta sa Jollibug. Pansinin mo naman ang isa pang pangungusap sa ibaba. Mayroon din ba itong ganap at di-ganap na sugnay? Ilan ang ganap at di-ganap na sugnay na makikita rito? Nagulat si Ervin at nagtago si Milo nang tumayo ang kalabaw na alaga ni Rico. Tama ka. Ang pangungusap ay mayroong dalawang ganap na sugnay at di-ganap na sugnay. Ang dalawang ganap na sugnay ay “Nagulat si Ervin” at “Nagtago si Milo.” Ang dalawang di-ganap na sugnay naman ay “nang tumayo ang kalabaw” at “na alaga ni Rico.” Anong uri ng mga pangungusap ang nasa itaas? Ito ay tinatawag na langkapan. Binubuo ito ng isa o higit pang ganap na sugnay at isa o higit pang di-ganap na sugnay. Tingnan mo ang dalawa pang halimbawa ng pangungusap na langkapan sa ibaba. Matutukoy mo ba kung alin ang mga ganap na sugnay at di-ganap na sugnay sa bawat isa? Nagbabasa si Jose at nagpapaturo si Paolo kapag malapit na ang pagsusulit. Si Koy ay aawit at sasayaw si Ning kung tutugtog ka ng piyanong bigay ni Tiya. Sa unang pangungusap, ang dalawang ganap na sugnay ay “Nagbabasa si Jose” at ang “Nagpapaturo si Paolo.” Ang di-ganap na sugnay naman ay “kapag malapit na ang pagsusulit.” Sa ikalawa naman, ang dalawang ganap na sugnay ay “Si Koy ay aawit” at “Sasayaw si Ning.” Ang dalawang di-ganap na sugnay naman ay “kung tututog ka ng piyano” at “bigay ni Tiya.” Ito rin ba ang mga sagot mo? Kung oo, sagutin mo ang mga gawain sa Gamitin. Kung hindi, basahin mong muli ang paliwanag. Gamitin 1. Basahin ang teksto. Sabihin kung ano ang kayarian ng bawat pangungusap. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 2. Sabihin kung ganap na sugnay o di-ganap na sugnay ang mga nakasalungguhit na bahagi ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Kris & Tell nina Catherine delos Santos, Mary Elaine Genito, Jeanelaine Loang at Patrick Montalbo Ang industriyang Pilipino ay hindi nawawalan ng tsismis. Araw-araw ay may bagong intriga, pagbabatikos at mga mainit na balitaktakan lalong-lalo na sa mundo ng showbiz. Isa itong dahilan sa walang humpay na pagsulpot ng mga talk shows sa telebisyon. May mga isyung hinahayaan na lamang lumipas samantalang mayroon namang binibigyan ng linaw. - halaw sa aklat na Magpahayag Ka
  • 160.
    18 Tapos ka naba? Sige, iwasto mo na. Katulad ba ng nasa ibaba ang iyong mga sagot? A. Payak: (1) Kahanga-hanga ang Jollibug Corporation. (3) Ang pagkain dito ay katakam-takam. Tambalan: (6) Magalang ang staff dito at malinis ang paligid. Hugnayan: (7) Dahil dito, maraming tao ang nagpupunta sa Jollibug. (5) Ang mascot nitong si Jollibug ay sikat. Langkapan: (4) Kung gutom ka, mayroon ditong manok, palabok at hamburger na gustung-gusto ng mga bata. (2) Kahit saan ka magpunta ka, mayroong restawrant na laging puno ng tao. B: Ang industriyang Pilipino ay hindi nawawalan ng tsismis. (ganap na sugnay). lalong-lalo na sa mundo ng showbiz. (di-ganap na sugnay) sa walang humpay na pagsulpot ng mga talk shows sa telebisyon (di-ganap na sugnay) May mga isyung hinahayaan na lamang lumipas (ganap) Tama bang lahat ang iyong sagot? Kung oo, magpatuloy ka sa susunod na bahagi. Kung hindi, balikan mo ang aralin. Lagumin Sa araling ito, natutunan mo na may apat na balangkas ng pangungusap. Ang payak na pangungusap ay mayroon lamang isang buong diwa o kaisipan. Ito ay maaaring may iisang paksa at iisang panaguri. Ngunit maaari rin itong magkaroon ng iisang paksa
  • 161.
    19 Si Itay atInay (1) Masipag ang mga magulang ko. (2) Tuwing umaga, nagpupunta sila sa palengke. (3) Nagtitinda ng manok si Itay at naglalako ng kakanin si Inay. (4) Pagdating ng gabi, sila ay may pasalubong na pagkaing paborito ko. (5) Kung may sakit ako, hindi sila umaalis. (6) Magluluto ng sabaw si Inay habang magbabantay si Itay. (7) Si Itay ay bibili ng mga prutas at Si Inay naman ay magbabasa ng kuwentong mula sa libro. (8) Mahal ko sila. at dalawang panaguri o dalawang paksa at iisang panaguri. Maaari na buuin ito ng ng dalawang paksa at dalawang panaguri. Ang pangungusap na tambalan naman ay mayroong dalawa o higit pang ganap na sugnay. Ang sugnay ay grupo ng salita na may paksa at panaguri. Ganap na sugnay ito kapag kayang makapag-isa at may buong diwa. Sa madaling salita, ang ganap na sugnay ay payak na pangungusap. Ang di-ganap na sugnay ay hindi kayang makapag-isa ngunit may tulong ito sa pangungusap. Gumagamit ng mga pangatnig sa pagbuo ng pangungusap na tambalan. Ang pangungusap na hugnayan naman ay binubuo ng isang ganap na sugnay at ng isa di- ganap na sugnay. Ang pangungusap na langkapan naman ay binubuo ng isa o mahigit pang ganap na sugnay at ng dalawa o mahigit pang di-ganap na sugnay. Malinaw ba sa iyo ang lahat? Kung oo, sagutan mo na ang pagsusulit sa Subukin. Kung hindi, balikan mo ang aralin. Subukin a. Sabihin kung ang bawat pangungusap sa talata ay payak, tambalan, hugnayan at langkapan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. b. Gawing tambalan ang sumusunod na pangungusap. 1. Si Jose ay taga-Santa Cruz. Si Arvin ay taga-Sampaloc. 2. Malaki ang bahay ni Arvin. Maliit ang bahay ni Jose. 3. Tahimik si Jose. Masalita naman si Arvin. 4. Mahilig umawit si Jose. Mahusay maggitara si Arvin.
  • 162.
    20 5. Magkaklase sinJose at Arvin. . Sila ay magkasama sa banda. c. Bumuo ng isang talata tungkol sa larawan. Gamitin ang iba’t ibang balangkas ng pangungusap. Pagkatapos mong isulat ang talata, ipakita mo ito sa iyong guro para maiwsto. Nasagot mo ba ang lahat? Tingnan mo kung katulad ng nasa ibaba ang iyong mga sagot. a. 1. Payak 5. Hugnayan 2. Hugnayan 6. Tambalan 3. Tambalan 7. Langkapan 4. Langkapan 8. Payak b. 1. Si Jose ay taga-Santa Cruz at si Arvin ay taga-Sampaloc. 2. Malaki ang bahay ni Arvin habang maliit ang bahay ni Jose. 3. Tahimik si Jose ngunit masalita naman si Arvin. 4. Mahilig umawit si Jose at mahusay maggitara si Arvin. 5. Magkaklase sina Jose at Arvin at sila ay magkasama sa banda. Kung nasagutan mong lahat ang mga gawain, binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa Sub- Aralin 3. Kung sa palagay ay kailangan mo, balikan ang tinalakay sa Linangin at sagutan ang mga tanong sa Paunlarin. Paunlarin
  • 163.
    21 Biyaheng Tarlac Nagpunta kamisa Tarlac na probinsiya ni Inay. Malayo ang Tarlac kung kaya’t mahaba ang aming biyahe. Nagbabasa ako ng libro habang natutulog si Ate. Nagkukuwentuhan naman sina Inay at Itay. Pagdating sa Tarlac, sinalubong kami ng aming mga kamag-anak. Kung kinakailangan, makatutulong ang mga gawain dito upang lalo mong maunawaan ang aralin. Simulan mo na, kaibigan. A. Sabihin kung ang mga salitang may salungguhit ay ganap o di-ganap na sugnay. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Tingnan ang mga larawan tungkol sa mga kaugalian ng mga Ilokano. Bumuo ng tig-isang pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan. (larawan 1:) (larawan 2) (larawan 3) Tingnan mo kung tama ang iyong mga sagot. Para sa A. 1. na probinsiya ni Inay (di-ganap na sugnay) 2. Malayo ang Tarlac (ganap na sugnay) 3. habang natutulog si Ate (di-ganap na sugnay)
  • 164.
    22 Quentin ni Rogelio. Sikat Baluktotang kaliwa niyang kamay. Higit siyang mababa sa aming dalawa ni Ben, at higit na matanda pa, kaipala. Nakaternong kupas na khaki siya, nanlalampot, at ang manggas ay nakabolga sa mga galang. Mahaba ang kanyang buhok na halos ay 4. Nagkukuwentuhan naman sina Inay at Itay. (ganap na sugnay) 5. sinalubong kami ng aming mga kamag-anak. (ganap na sugnay) Para sa B. Ang mga pangungusap na maaaring mabubuo mo tungkol sa larawan ay ang mga sumusunod. 1. Maganda ang basket at ipinagbibili sa palengke. 2. Ang lalaki ay mahusay umukit ng estatwang gawa sa kahoy. 3. Ang mga matatanda sa pamayanana ay sumasayaw habang tumutugtog naman ng gong ang mga kabataan. Kung nakakuha ka ng labindalawa (6) o higit pang tamang sagot, binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa Sub-aralin 2. Kung mas mababa sa labindalawa, balikan ang mga pinag-aralan sa Sub-aralin 1. Sub-Aralin 3: Uri ng Pangungusap batay sa Layon Layunin Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod: 1. Sa araling ito, inaasahan na makilala mo ang mga pangungusap batay sa layon: - naglalarawan - nagsasalaysay - naglalahad - nangangatwiran. 2. Gayundin, makabuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap na naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad at nangangatwiran. Alamin Alam mo na ngayon kung paano bumuo ng pangungusap. Pag-aaralan mo naman ngayon ang mga uri ng pangungusap ayon sa layon. May iba’t ibang layunin ang mga pangungusap. Maaring naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad o nangangatwirn. Iyan an gating pag-aaralan sa Sub-araling ito. Linangin Basahin mo ang maiking talata sa susunod na pahina.
  • 165.
    23 Tungkol saan angtalata? Tungkol sa isang tao, di ba? Nabubuo ba sa iyong isip ang hitsura ng taong inilalarawan? Anu-anong mga salita ang nakatulong sa pagbuo mo ng imahen ng taong iyan. Tama, baluktot, mababa, kupas, nanlalampot, mahaba at malalapad. Malinaw, hindi ba? Ang talatang ito ay naglalarawan. Basahin mo naman ang isang talata mula sa isang kuwento. Nasundan mo ba ang mga pangyayari sa talatang iyong binasa? Anu-ano ang mga ito? Ano, samakatuwid ang layunin ng talata? Magsalaysay ba ang iyong sagot? Kung gayon, tama ka. May mga pananda ba na nagpahiwatig na ito ay pasalaysay? Anu-ano iyon? Tama ka ulit. Ang mga ito ay karaniwang mga pandiwa tulad ng pagkaalis, natuwa, tumigil, natahimik at bumalik. Ang mga salitang ito ay nagsasaad ng mga pangyayari. Ama ni Pando ni Enrico C. Torralba Pagkaalis ni Kuyang, lumabas si Ama sa bahay. Hindi niya alam, lihim ko siyang sinundan. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita: nakangiti si Ama at parang may ibinubulong na awit. Natuwa ako ngunit sandali lamang. Tumigil si Ama sa pabulong na pag-awit at nakita kong nawala ang kanyang ngiti. Natahimik siya at malungkot na tumanaw sa malayo. Agad akong bumalik sa bahay nang makitang kong pabalik na rin si Ama.
  • 166.
    24 Isang araw aylumabas ng bahay si Pilo upang magtanim. Una, binungkal niya ang lupa para ito ay lumambot. Pagkatapos ay ibinaon niya ang mga binhi at diniligan. Mayamaya ay bumalik na siya sa loob ng bahay. Ang pangungusap ay maaaring isang salita o grupo ng mga salita na nagpapahayag ng iisang buong kaisipan at may paksa at panaguri. Sa pagsasalaysay ng mahigit sa isang pangyayari, mainam na gumamit ng mga pangatnig. Ang pangatnig ay mga salitang nag-uugnay sa mga ideya ng pangungusap. Nakatutulong ito upang maging madulas ang daloy ng pagsasalaysay. Basahin mo ang talata sa ibaba. Malinaw, di ba? Anu-ano ang mga pangatnig na ginamit? Naitala mo ba ang una, pagkatapos at maya-maya? Madali mong nasundan ang mga pangyayari dahil sa mga pangatnig. Basahin at pag-aralan mo ang talatang ito. Ang ubo ay hindi sakit. Sintoma lamang ito ng isang kondisyon sa baga. Maraming sanhi ng ubo. Puwedeng ito ay dala lamang ng allergy, upper respiratory tract infection, o TB. Puwede rin itong dulot ng kanser sa baga, bronchitis, emphysema at pulmonya. Halaw sa Usapang Medikal ni Luis Gatmaitan, M.D., Liwayway, Enero 19, 1998 Anu-ano ang naging malinaw sa iyo tungkol sa ubo? Marami! Halimbawa, hindi ito sakit kundi sintoma lamang ng isang kondisyon sa baga. Ano pa? Tama. Ang ubo ay maaaring dalang allergy, upper respiratory tract infection o TB. Malinaw ang pagpapaliwanag, di ba? Iyan ang layunin ng talatang iyong binasa. Ang ikatlong talata ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad. Ang pangungusap na naglalahad ay may layuning na magpaliwanag o maglinaw ng isang gawain, proseso, pangyayari, salita, kahulugan o konsepto. Maraming anyo ng paglalahad. Ang ilan ay ang mga sumusunod: a. Pagbibigay-kahulugan
  • 167.
    25 Hamon sa mgaEstudyanteng Manunulat Magpadala ng limang pahinang sanaysay, kalakip ang retrato ng awtor at maikling paglalarawan sa sarili. Ang malalathalang sanaysay ay may premyo ng P500. Ipadala ang inyong sanaysay sa Tinedyer c/o KAAKBAY MAG, # 1831 Milagros St., Cubao, Quezon City. Kung tutuusin, iisa nga dakilang layunin ng Panitikan—ang maging tanda ng pagkakaisa ng kalooban sa isang bayan. Higit sa ibang sining, panitikan ang pinakamalinaw at pinakabuhay na salamin ng kaloobang ito, sapagkat binubuo ng wika, at sa wika nalalaman, ang tunay na talambuhay ng isang lahi. Halaw Panitikan para sa Kaisahan ng Bayan ni Rolando Tinio, Magpahayag Ka Paano mo malalaman kung ang isang salita o grupo ng salita ay pangungusap? Hindi ba’t kailangan ay may buo itong kaisipan? Maliwanag itong sinabi ng pangungusap sa itaas, hindi ba? b. Panuto: Ukol kanino ang anunsyo sa itaas? Tama, para sa mga estudyanteng manunulat. Malinaw ba ang mga dapat gawin ng isang estudyanteng manunulat kung nais magpadala ng sanaysay? Malinaw! Sapagkat isa-isang ipinaliwanag ng anunsyo ang mga hakbang. c. Sanaysay Ano ang paksa ng sanaysay na iyong binasa? Tama ka! Panitikan ang paksa ng sanaysay. Ano ang ipinaliliwanag ng awtor tungkol sa panitikan? Tama ka ulit! Ipinaliliwanag ng awtor ang dakilang layunin ng panitikan na “maging tanda ng pagkakaisa ng kalooban sa isang bayan.” Bakit panitikan? Ayon sa awtor, “ang panitikan ang pinakamalinaw at pinakabuhay na salamin ng kaloobang ito, sapagkat binubuo ng wika, at sa wika nalalaman, ang tunay na talambuhay ng isang lahi.” Ayos ba?
  • 168.
    26 Ipinag-utos kahapon niPangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapaigting sa distribusyon ng mga kupon sa pagkain sa mga mahihirap na pamilya, kasunod ng ulat ng Social Weather Station (SWS) survey na 15.1 porsiyento ng mga Pinoy ang dumaranas ng pagkagutom sa kasalukuyan. Ang mga libreng rasyon ng pagkain ay makukuha umano sa bawat lokal na tanggapan ng nasabing ahensiya kapalit ng ipi-presentang kupon. Halaw sa Kupon sa mga Gutom, Ikakalat nina Rose Miranda, Boyet Jadulco, Eralyn Prado Abante, Oktubre 6, 2004 d. Balita Ang paglalahad ay pagsasabi ng katotohanan. Ito ay nagbibigay ng impormasyon o kaalaman. Anu-ano ang mga impormasyong ibinigay ng balitang binasa mo? Sino ang nag-utos sa DSWD na ipamahagi ang kupon sa pagkain? Para saan ang ipamamahaging kupon? Paano makakakuha ng pagkain sa pamamagitan ng kupon? Tama ang iyong sagot kung sinabi mong si Pangulong Arroyo ang nag-utos sa DSWD na ipamahagi ang kupon sa pagkain sa mga mahihirap na pamilya. Tama rin kung ang sagot mo na makukuha ang pagkain kung ipagpapalit ang kupon sa bawat lokal na tanggapan ng ahensiyang namamahala nito. Ang mga impormasyong ito ay nakuha mo nang malinaw dahil ipinaliwanag ng balita. Sa paglalahad, may ilang bagay na dapat mong tandaan. • Gumamit ng angkop na bahagi ng panalita • Gawing tiyak, payak at malinaw ang pangungusap • Tiyaking ang sasabihin ay batay sa matalinong panukala.
  • 169.
    27 “Ekonomiks ng Kapaligiran” niDr. Tereso Tullao Sa sanaysay na ito ay naipakita ang kahalagahan ng pangangalaga ng ating likas- yaman at kapaligiran. Ang kakanyahan ng ekonomya na mapanatili ang kabuhayan at kaunlaran ng mga mamamayan nito ay nakasalalay sa mga likas-yaman. Ang maaksaya at labis na paggamit ng mga likas-yaman ay may matinding epekto sa sistemang ekolohikal na maaaring pigilin ang patuloy na paglaki ng ekonomya. Halaw sa Malay 1996 • Kung higit pa sa isang pangungusap, tiyakin na may wastong pagkakasunud-sunod ang mga ito. Minsan naman ay hindi lang paglalahad ang iyong ginagawa. Kinakailangan ka ring mangatwiran. Basahin mo ang talata sa ibaba. Sang-ayon ka ba na may kaugnayan ang likas-yaman sa kabuhayan at kaunlaran ng mga mamamayan? Naniniwala ka ba na ang labis na paggamit nito ay maaaring makapigil sa paglaki ng ekonomiya. Iyan ang mga katwiran ni Dr. Tullao dahil ang layunin niya ay mangatwiran o mangumbinsi. Basahin mo naman ang mga talata sa kabilang pahina. Pambubugbog ng Asawa, Hindi Tama Sa mga mag-asawa, hindi maiiwasan na magkaroon ng paminsan-minsang pag-aaway. Ngunit iba na ang usapan kung may halo itong pambubugbog, lalo na kung ito ay malimit. Katwiran ng isang lalaking nambubugbog ng asawa, natural lang ang ganoon. Siya ang lalaki. Siya ang mas malakas. Nararapat lamang na pumailalim sa kanyang kapangyarihan ang asawa. “Nasa bibliya nga ito,” sabi niya. Totoo. Sinabi ng bibliya na “Babae, pasakop ka sa iyong asawa.” Ngunit sinabi din ng bibliya na “Lalaki, mahalin mo ang iyong asawa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Ibig sabihin, dapat tiyakin ng lalaki na mamumuhay nang marangal, ligtas at tahimik ang kanyang asawa. Hindi ba’t ang kahulugan ng pag-aasawa ay “lumagay sa tahimik.” Tungkol saan ang binasa mo? Ano ang pananaw ng awtor tungkol sa paksa? Sang-ayon ba siya o hindi? Ano ang kanyang mga dahilan o katwiran?
  • 170.
    28 Tama ka kungsasabihin mong tungkol sa pambubugbog ang akdang binasa. Malinaw na hindi sang-ayon ang awtor sa gawaing ito. Basahin mo ang nagpapatunay dito. Hindi ba’t sinabi niya na “dapat tiyakin ng lalaki na mamumuhay nang marangal, ligtas at tahimik ang kanyang asawa.” Pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa nakasaad sa bibliya. Sang-ayon ka ba sa kanyang mga katwiran o argumento? Ano ang layunin ng mga pangungusap sa talatang iyong binasa? Pangangatwiran ang layunin ng binasa mo. Ang pangungusap na nangangatwiran ay nanghihikayat o nangungumbinsi na tanggapin ng kausap ang isang ideya o kaisipan. Upang maabot ang layuning ito, kailangan mayroong pantulong na ideya o matibay na katwiran para sa pangunahing ideya. Ilan pang halimbawa ng pangungusap na nangangatwiran ay ang mga sumusunod.: a. Magandang ituro ang matematika sa wikang katutubo dahil mas madali itong maiintindihan ng mga mag-aaral. b. Mas mahusay sumayaw si GV kaysa kay MN sapagkat mas marami siyang alam na galaw. Ano ang pangunahing ideya sa bawat pangungusap? Ano ang mga pansuportang dahilan, patunay o argumento sa bawat pangunahing ideya. Sa unang pangungusap, ang pangunahing ideya ay ang kagandahan ng paggamit ng wikang katutubo sa pagtuturo ng matematika. Ang dahilan ng ganitong pananaw ay ang madaling pagkatuto o pagkaintindi ng mga mag-aaral sa matematika. Sa ikalawa naman, ang pangunahing ideya ay ang pagiging mas mahusay na mananayaw ni GV kaysa kay MN. Nasabi ito dahil sa mas maraming alam na galaw ang una kaysa sa huli. Batay sa mga sinabi sa itaas, mapapansin mo na may dalawang bahagi ang isang pangungusap na nangangatwiran. Ano ang dalawang bahaging ito? Ang unang bahagi ay ang pangunahing ideya o ang pinakagustong sabihin. Ang pangalawang bahagi ay ang pantulong na ideya o ang katwiran na magpapatibay sa pangunahing ideya. Ano ang mga salitang makikita sa unahan ng pantulong na ideya o katwiran? Madalas, ang mga salitang sapagkat, dahil at upang ang ginagamit Ano ang pangunahing ideya at pantulong na ideya sa bawat pangungusap sa ibaba? Kailangan nang umuwi sapagkat malapit nang dumilim. Mag-aaral ako nang mabuti upang makatulong sa aking mga magulang. Tama, ang pangunahing ideya sa unang pangungusap ay “Kailangan nang umuwi” at ang pantulong na ideya o katwiran ay “sapagkat malapit nang dumilim.” Sa ikalawang pangungusap naman, ang pangunahing ideya ay “Mag-aaral ako nang mabuti” at ang pantulong na ideya o katwiran ay “upang makatulong sa aking mga magulang.” May apat na uri ng pangungusap ayon sa layon: naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad at nangangatwiran.
  • 171.
    29 Mas Mahalaga KaysaUno Ni F. Villarin Kahit maaga pa’y napakarami na ang taong paroo’t parito. Nangingibabaw ang ingay at mababakas ang kasiglahan ng mga tindera sa pagsalubong sa isa namang bagong araw. Katakamtakam tingnan ang mga sariwang gulay, ang kumikinang-sa- kasariwaang mga isda, mga bagong dating na karne, prutas at iba pa. Makalipas ang ilang sandaling pamimili ng aking tiya sa kanyang iba’t ibang suki, hinila niya ako upang dalhin naman sa tagiliran ng pamilihan. Halaw sa Binhi, UP Press Ang rehiyon ng Ilocos ay unang tinirhan ng mga Ayta. Napilitan silang umakyat sa kabundukan nang dumating ang mga Malay. Iba’t ibang grupo ng Malay ang dumating: Isneg, Tinggian at Ilocano. Ang Ilocano ay namalagi sa dalampasigan. Ang mga Isneg at Tinggian naman ay tumuloy sa looban ng rehiyon. Dumating ang mga Kastila sa rehiyon noong 1572 at sinakop ang mga Basahin mong muli ang talata tungkol kay Quentin. Ano ang layunin ng mga pangungusap? Tulas ng nasabi na ang mga ito ay naglalarawan. Anu-ano ang inilarawan kay Quentin? Tass, edad, pananamit, anyo. Tama ka. Ang pangungusap na naglalarawan ay may layuning ipakita ang ayos, hugis, anyo, kulay ng isang tao, pook, pangyayari o damdamin. Isa pang halimbawa ng paglalarawan ang talata sa ibaba. Basahin mo, kaibigan, at hulaan kung anong pook ito. Nahulaan mo ba na pamilihan o palengke ang inilalarawan sa talata? Anu-ano ang mga salitang tumulong sa iyo? Ang mga salitang mga “tao,” “tindera,” “gulay,” “isda,” “karne,” “prutas” at “suki” ay nagpapahiwatig na palengke ang pook. Ngunit mas luminaw ang larawan ng eksenang ito dahil sa mga salitang “paroo’t parito,” “katakam-takam,” “sariwa,” at “kumikinang-sa- kasariwaan.” Angkop ang mga salitang ginamit, hindi ba? Gamitin Upang mas maintindihan mo ang napag-aralan, sagutan ang sumusunod na gawain. A. Tukuyin kung ang bawat talata ay naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad o nangangatwiran. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Ang paninigarilyo ay ang paghitit ng tabako at isa nang malaganap at malubhang epidemya. Sa bawat pamilya, may isa o dalawang taong naninigarilyo. Magsisimula ito sa pakikipagkaibigan sa marunong manigarilyo. Pagkatapos, ang pagsubok ng sigarilyo upang mapabilang sa grupo o makaiwas sa pangmamaliit ng mga kasama.
  • 172.
    30 Kahanga-hanga ang amingsimbahan. Sa labas ay makikita ang malalaking estatwang bato ng mga anghel. Sa loob naman ay makikita ang mga antigong larawan ni Hesus, Birheng Maria at iba’t ibang santo. Sa harapan ay makikita ang makulay na altar. Ano ang iyong mga sagot? Kung sinabi mong naglalahad ang unang talata, tama ka sapagkat ipinaliliwanag nito kung ano ang paninigarilyo. Nagsasalaysay naman ang ikalawa sapagkat ikinukuwento nito kung paano nabuo ang rehiyon ng Ilocos. Ang ikatlo naman ay nangangatwiran sapagkat ibinibigay nito ang mga katwiran kung bakit mabuti ang pagsali sa mga isports. Sa huli naman, ang talata ay naglalarawan sapagkat ipinapakita nito ang hitsura at ayos ng isang simbahan. B. Piliin ang pangungusap na naglalarawan sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. 2. Ang tigre ay isang uri ng hayop. Malaki ito at mayroong matalim na pangil at matutulis na kuko. Dapat mag-ingat sa tigre. Bibilhin ni Tatay ang kotse ni Tiyo Raul. Pagdating sa bahay ni Tiyo Raul, nagbago ang isip ni Tatay. Sira pala ang kotse. Dapat ba tayong sumali sa isports o palakasan? Sa aking palagay ay oo. Una, nakabubuti ito sa atin. Ang isport tulad ng volleyball ay nagpapalakas ng ating katawan. Ang chess naman ay nagpapatalas ng ating isip. Bukod dito, may matututunan din tayong pagpapahalaga tulad ng kooperasyon, pagkakaisa, disiplina at pagiging matapat.
  • 173.
    31 3. 4. 5. Ang pinili mobang pangungusap na naglalarawan ay ang mga sumusunod? 1. Malaki ito at mayroong matalim na pangil at matutulis na kuko. 2. Sira pala ang kotse. 3. Payat at maputla si Ate Tina. 4. Maliit ngunit malakas ang liwanag ng bumbilya. 5. Masarap ang cake. Kung oo, sagutin mo ang susunod na gawain. Kung hindi, balikan mo ang mga pinag-aralan. C. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa ibaba. Isulat ang layunin ng mga pangungusap. a. Maya-maya ay may narinig akong malakas na pagsabog. b. Pagdating ko doon, tumingin-tingin ako sa mga paninda. c. Bigla akong napatakbo papalabas ng palengke d. Kanina, pumunta ako sa palengke. Ganito ba ang mga sagot mo: d, b, a, d? Kung oo, tama ka. Ano ang layunin ng teksto? Tama, nagsasalaysay. Nagkasakit si Ate Tina. Pumunta agad kami sa kanilang bahay. Pagdating namin doon, nasa kama siya at may hawak na bulaklak. Payat at maputla si Ate Tina. Napundi ang ilaw sa kuwarto. Nagkabit ng bumbilya si Kuya. Maliit ngunit malakas ang liwanag ng bumbilya. Muling lumiwanag ang paligid. Masarap ang cake. Madalas na ito ang handa namin tuwing may kaarawan. Si nanay ang gumagawa nito.
  • 174.
    32 D. Pagtambalin angmga parirala upang mabuo ang mga pangungusap na naglalahad. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot. ____1. Ang tula a. ang malayang taludturan. ____2. May tugma at sukat b. sa lumilikha ng tula. ____3. Walang tugma at sukat c. ang tradisyunal na tula. ____4. Makata ang tawag d. ay mga tulang pasalaysay. ____5. Ang mga epiko e. ay isang anyo ng panitikan. Ganito ba ang mga nabuo mong pangungusap? 1. Ang tula ay isang anyo ng panitikan. 2. May tugma at sukat ang tradisyonal na tula. 3. Walang tugma at sukat ang malayang taludturan. 4. Makata ang tawag sa lumilikha ng tula. 5. Ang mga epiko ay mga tulang pasalaysay. E. Piliin ang angkop na pangungusap na nangangatwiran sa mga pangungusap sa ibaba. 1. Kailangan nating bumili ng payong. a. Babagay ito sa suot ko. b. Nainggit ako sa katabi ko. c. Panahon na naman ng ulan at bagyo. 2. Maganda kung may takip ang aklat. a. Maaari na itong pampabigat sa mga papel. b. Ito ay proteksyon sa aklat mismo. c. Maiinggit ang mga kaibigan ko. 3. Dapat ay matulog ka nang maaga. a. Alas-7 ng umaga ang pasok mo bukas. b. Kung hindi ay magagalit ako. c. Dahil gusto ko. 4. Mas mahusay ang cellphone na Dimsung kaysa Hokia. a. Mas mataas ang presyo nito. b. Dahil regalo ito sa akin ng lola.
  • 175.
    33 c. Matibay angpagkakagawa ng Dimsung. 5. Ang paglilinis ng kapaligiran ay mahalaga. a. Makatutulong ito sa pag-iwas sa sakit. b. Wala kasi akong magawa ngayon. c. May pabuya kasing ibibigay. Ihambing dito ang sagot mo: 1.) c 2.) b 3.) a 4.) c 5.) a Kumusta ang iyong mga sagot? Kung hindi mo nasagot lahat, balikan mong muli ang mga aralin. Lagumin May apat na uri ng pangungusap ayon sa layon. Ang pangungusap na naglalarawan ay may layuning ipakita ang ayos, hugis, anyo, kulay ng isang tao, pook, pangyayari o damdamin. Ang pangungusap na nagsasalaysay ay may layunin na magkuwento o magsabi ng pangyayari. Pagpapaliwanag o pagbibigay linaw sa isang gawain, proseso, pangyayari, salita, kahulugan o konsepto ang layunin ng pangungusap na naglalahad. Manghikayat o mangumbinsi naman ang layunin ng pangungusap na nangangatwiran. Malinaw ba? Kung hindi pa, balikan mo ang aralin. Kung oo, sagutin mo ang mga pagsusulit sa Subukin. Subukin Basahin mong mabuti ang mga panuto. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. A. Tingnan ang larawan at bumuo ng tatlong (3) pangungusap na naglalarawan tungkol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. B. Ang larawan sa ibaba ay tungkol sa isang alamat. Bumuo ng mga pangungusap na nagsasalaysay tungkol sa larawan.
  • 176.
    34 (1) Nanood kaming dula kagabi pagkatapos maghapunan. (2) Ang dula ay tungkol sa isang epiko ng mga Manobo. (3) Ang tanghalang aming pinanooran ay malaki at malinis. (3) Magandang panoorin ang dulang ito sapagkat marami kang malalaman tungkol sa kultura ng mga Manobo. C. Basahin ang isyu sa ibaba. Sino ang dapat masunod sa tahanan? Ang babae o lalaki? Pumili ng isang panig at bumuo ng tatlong pangungusap na nangangatwiran tungkol dito. Sundin ang ganitong paraan ng pagkakasulat : Ang ________________ ang dapat masunod sa tahanan sapagkat ________________. D. Tukuyin kung ang bawat pangungusap sa talata ay naglalarawan, nagsalaysay, naglalahad o nangangatwiran. Tapos ka na ba? Sige, iwasto mo na ang iyong sagot. Para sa A: Ang tatlong pangungusap na nabuo mo ay maaaring katulad ng nasa ibaba. 1. Mas maliit ang kubo kaysa sa mansion.
  • 177.
    35 (1) Magandang matutuhanang paggamit ng kompyuter dahil maraming pakinabang makukuha dito. (2) Ang desktop ay isang uri ng kompyuter na ginagamit sa opisina, paaralan o tahanan. (3) Ang ganitong uri ng kompyuter ay malaki at mabigat. (4) Noong isang araw ay bumili ng kompyuter ang aming tatay. 2. Ang kubo ay gawa sa kahoy at pawid. 3. Ang mansion ay gawa sa bato at tisa. Para sa B: Ang tatlong pangungusap na nabuo mo ay maaaring katulad ng nasa ibaba. 1. Nagtanong ang lalaki sa matanda kung saan ang terminal ng bus. 2. Itinuro ng matanda sa lalaki kung saan matatagpuan ang terminal ng bus. 3. Nagpasalamat ang lalaki sa matanda. Para sa C: Ang tatlong pangungusap na nabuo mo ay maaaring katulad ng nasa ibaba. Kung panig ka sa lalaki: 1. Ang lalaki ang dapat masunod sa tahanan sapagkat mas malakas siya kaysa sa babae. 2. Ang lalaki ang dapat masunod sa tahanan sapagkat iyan ang ating kultura. 3. Ang lalaki ang dapat masunod sa tahana sapagkat siya ang haligi ng tahanan. Kung panig ka sa babae: 1. Ang babae ang dapat masunod sa tahanan sapagkat siya ang may kakayahang manganak. 2. Ang babae ang dapat masunod sa tahanan sapagkat siya ang namamahala sa bahay. 3. Ang babae ang dapat masunod sa tahanan sapagkat siya ang nag-aalaga sa mga bata. Pwede mo ring ipakita o ipawasto sa guro ang mga sagot mo sa A, B, at C. Para sa D: 1. Nagsasalaysay 2. Naglalahad 3. Naglalarawan 4. Nangangatwiran Nagtagumpay ka ba kaibigan? Kung oo, binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa Sub- Aralin 4. Kung hindi naman, balikan ang tinalakay sa Linangin at sagutan ang mga tanong sa Paunlarin. Paunlarin Makatutulong ang mga gawain dito upang lalo mong maunawaan ang mga uri ng pangungusap batay sa layon. Simulan mo na, kaibigan. a. Tukuyin kung ang pangungusap ay nagsasalaysay, naglalarawan, naglalahad o nangangatwiran.
  • 178.
    36 b. Kumpletuhin moang mga pangungusap na nangangatwiran sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na parirala. dahil nakasasama ito sa katawan. at maaaring maging sanhiito ng pagbabara ng mga kanal. sapagkat sila ang ating likas na yaman. dahil mabagal ang takbo ng trapiko. upang makakuha ng magandang marka sa klase. 1. Kailangan alagaan ang mga puno at halaman_________. 2. Dapat pigilin ang pagkalat ng bawal na gamot_________________. 3. Kailangang magsipag sa pag-aaral _____________ 4. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan ____________. 5. Nahuli ako sa pagdating sa klase _________ c. Bumuo ng tatlong pangungusap na naglalarawan tungkol sa larawan sa ibaba. Iwasto mo na ang iyong mga sagot. Para sa A:
  • 179.
    37 1. Nangangatwiran 2.Naglalahad 3. Naglalarawan 4. Nagsasalaysay Para sa B: 1. Kailangan alagaan ang mga puno at halaman sapagkat sila ang ating likas na yaman. 2. Dapat pigilin ang pagkalat ng bawal na gamot dahil nakasasama ito sa katawan 3. Kailangang magsipag sa pag-aaral upang makakuha ng magandang marka sa klase. 4. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan at maaaring maging sanhi ito ng pagbabara ng mga kanal. 5. Nahuli ako sa pagdating sa klase dahil mabagal ang takbo ng trapiko. Para sa C: Ang mga pangungusap na nabuo ay maaaring katulad ng nasa ibaba: 1. Malalaki ang mga billboard sa tabi ng lansangan. 2. Maraming halaman sa harapan ng mga billboard. 3. Kaunti lamang ang taong makikita sa lansangan. Kung nakakuha ka ng siyam (9) o higit pang tamang sagot, binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa Sub-aralin 4. Kung mas mababa sa siyam (9), balikan ang mga pinag-aralan sa Sub- aralin 3 Sub-Aralin 4: Ang Mahusay na Pangangatwiran Layunin Sa araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na layunin: 1. naipaliliwanag ang katwiran sa pagsalungat o pagsang-ayon sa isang ideya. 2. natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan sa tekstong binasa. Alamin Kumusta na, kaibigan? Kung ikaw ang papipiliin, saan mo gustong manirahan? Sa lungsod ba o sa lalawigan? Paano mo ako makukumbinsi na tanggapin ang iyong pinili? Sa araling ito, malalaman mo kung paano ka magiging epektibo sa pangangatwiran. Basahin mo ang isang halimbawa ng mahusay na pangangatwiran.
  • 180.
    38 Tamad Nga BaAng Pinoy? Panahon pa ng mga kastila ay naging usapin na ang katamaran ng mga Pilipino. Ayon sa sanaysay ni Rizal, sinasabi ng mga prayle na tamad ang mga Pilipino. Nasabi nila ito dahil nakikita nilang natutulog ang mga magsasaka sa bukid bago dumating ang tanghali. Ngunit sinabi naman ni Rizal na mali ang kanilang obserbasyon. Aniya, hindi alam ng mga prayle na madilim pa lamang ay nasa bukid na ang mga magsasaka at nagtatrabaho. Ang dahil kung bakit natutulog sila sa ilalim ng puno ay dahil sa pagod at matindi ang init ng araw. Sa kasalukuyan, masasabi mo bang tamad ang mga Pilipino kaya naghihirap? Tamad ba ang nagtatrabaho ng walong oras buong araw? Minsan pa nga ay mahigit pa. Ang karamihan naman ay pitong araw sa isang linggo kung magtrabaho. Ang iba ay mayroong dalawa o tatlong trabaho upang kumita lamang ng pera. Baka naman may ibang dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pilipino? Ano ang paksa ng maikling sanaysay na binasa mo? Tama ka, tungkol sa pagiging tamad ng mga Pilipino. Ayon sa sanaysay, tamad nga ba ang mga Pilipino? Hindi, di ba? Ano ang mga dahilan kung bakit sinasabi sa sanaysay na hindi tamad ang mga Pilipino? Una, hindi alam ng mga prayle ang paraan ng pagtatrabaho ng mga Pilipino magsasaka. Pangalawa, ang mga Pilipino sa kasalukuyan ay walong oras o higit pa kung magtrabaho. Ang ilan ay may higit sa isa pang trabaho. Maayos bang naipahayag ang mga katwiran sa sanaysay? Oo naman. Linangin Napakahalaga na maging maayos at mabisa ang pangangatwiran. Dahil sa pangangatwiran, ang ideya mo ay maaaring tanggapin ng iba o hindi. Halimbawa, kung bakit ka nahuli sa klase o kaya ay kung bakit dapat kumain ng gulay at hindi lang puro karne. Pansinin mo sa talatang binasa ang kahusayan sa wika ng nagsulat. Sa kaso mo, malaking tulong kung bihasa ka sa wikang Filipino. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng kasanayan sa pagbuo ng mga pangungusap. Natatandaan mo pa ba ang mga natutuhan mo sa pagbuo ng mga pangungusap? Kung nais mong ipaliwanag ang iyong katwiran sa pagsang-ayon o pagsalungat sa isang ideya, mahalaga na taglayin mo ang mga sumusunod: a. Kaalaman sa paksa Nasubukan mo na bang magpaliwanag o magbigay-katwiran sa isang paksa kung kaunti o wala kang alam tungkol dito? Napakahirap, hindi ba? Maaaring wala kang maibigay na katwiran o liwanag kung wala kang batayan. Kaya mahalaga na magkaroon ka ng kaalaman sa paksang
  • 181.
    39 tinatalakay. Makukuha itosa pamamagitan ng pananaliksik o kaya ay pagbabalik-aral sa mga dating natutuhan. Maaari mo ring gamitin ang iyong mga karanasan at gunita. b. Tiwala sa sarili Hindi sapat na marami kang alam sa paksa. Kailangan mo rin ng tiwala sa sarili, lalo na kung ikaw ay haharap sa maraming tao. Paano na lang kung maganda ang iyong ideya o isinulat ngunit hindi mo ito maipahahatid sa pamamagitan ng pagsasalita? Sayang, hindi ba? c. Wasto, tiyak at malinaw na ideya Sapat na ba ang pagkakaroon ng kaalaman sa paksa at tiwala sa sarili? Hindi. Kailangan rin ng pagiging wasto, tiyak at malinaw ng iyong ideya. Sa madaling salita, katotohanan dapat ang iyong ipahahayag. Hindi kasinungalingan o kathang-isip. Hindi rin ito dapat nakalilito o nakagugulo. d. Maayos na pagkakahanay ng mga katwiran. Naranasan mo ba na hindi ka maintindihan ng iyong kausap kahit wasto, tiyak at malinaw ang iyong ideya? Hindi ba’t nakakalungkot ito lalo na kung kumpleto pa ang iyong mga impormasyon? Ang isang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong hindi pagkaunawaan ay ang hindi maayos na pagkakahanay ng mga katwiran. Kinakailangan din na lohikal at madaling sundan ang iyong mga sasabihin. Dapat sinisigurado na maayos ang daloy ng mga ideya. Basahin mo ang talata sa ibaba. Nakatutulong ang gulay sa pagpapalakas ng katawan. Nakapagpapakinis ito ng kutis at nagpapalinaw ng mata. Nakatutulong din ito sa pag-iwas sa sakit. Kung kaya, ang gulay ay mahalaga sa tao. Ano ang pangunahing ideya sa talata? Kung sinabi mong “ang pagiging mahalaga ng gulay sa katawan ng tao,” tama ka! Saan ito makikita? Ito ay nasa katapusan ng talata. Ang mga unang binanggit ay mga pantulong pangungusap. Ito ang mga pangungusap na sumusuporta sa pangunahing ideya. Ilang pantulong na pangungusap mayroon sa talata? Tatlo nga, tama. Dito, naunang tinalakay ang mga pantulong na ideya. Hinanay ang mga pantulong na ideyang ito patungo sa pangunahing ideya na mahalaga ang gulay sa katawan ng tao. Alam mo ba ang tawag sa pangangatwirang ito? Ito ay ang indaktibo o pangangatwirang pabuod. Ibig sabihin, magsisimula, gagamitin at pagsasama-samahin ang mga maliit o tiyak na ideya patungo sa panlahat at pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ang siyang sentro o pinakabuod ng gusto mong sabihin. Ang mga tiyak o pantulong na ideya ang siyang sumusuporta sa pangunahing ideya. May isang pang uri ng pangangatwiran. Ano ito? Ito ay ang dedaktibo o pangangatwirang pasaklaw. Dito, magsisimula ka sa panlahat ng tuntunin o ideya. Susundan naman ito ng
  • 182.
    40 maliliit na detalyeupang suportahan ang pangunahing ideya. Kung gagamitin ulit ang naunang talatang tinalakay, ganito naman ang magiging ayos. Mahalaga ang ulay sa katawan ng tao. Nakatutulong ito sa pagpapalakas ng katawan. Nakatutulong din ito sa pagpapakinis ng kutis at tumutulong din ito sa pag-iwas sa sakit. Ilan lamang ito sa mga batayang kasanayan upang maging mabisa ka sa pangangatwiran. Matutukoy mo ba kung anong uri ng pangangatwiran ang mga nasa ibaba? Subukan mo. a. Ang wikang Filipino ang dapat na maging wika sa pagtuturo at pagkatuto. Una, nakasaad ito sa Konstitusyong 1987. Bukod dito, may mga pananaliksik na nagpapatunay na madaling matuto ang mga mag-aaral kung wikang Filipino ang ginagamit. b. Kung wala kang pera at gusto mong bumili, maaari mong gamitin ang credit card. Kung gusto mo naman magwidrow ngunit sarado ang bangko o malayo ito, maaari ka namang gumamit ng ATM card. Kapag ikaw naman ay nasa ospital, hindi mo na kailangan ng malaking pera. Makababawas sa gastusin kung mayroon kang health card. Tunay ngang kailangan natin ang plastik na kard. Kung sinabi mong dedaktibo ang unang talata, tama ka. Unang ipinahayag ang pangunahing ideya na wikang Filipino ang dapat na maging wika sa pagtuturo at pagkatuto. Sinundan ito ng pantulong na pangungusap tulad ng tungkol sa konstitusyon at pananaliksik. Ang pangalawa ay indaktibo dahil una munang ipinahayag ang mga pantulong na ideya tulad ng kredit kard, ATM kard at health kard. Pagkatapos, ipinahayag ang pangunahing ideya na tunay ngang kailangan natin ang plastik na kard. Balikan mo ang binasa mong balita sa talata a at b. Kaya mo bang isulat ang unang talata sa paraang indaktibo? Kaya mo rin bang isulat ang pangalawang talata sa paraang dedaktibo? Subukan mo. Kung ganito ang mga sagot mo, tama ka. a. Nakasaad sa Konstitusyong 1987 na Filipino ang wikang pambansa. Ayon naman sa isang pananaliksik, mas madaling matuto ang bata kung wikang Filipino ang gagamitin. Kung kaya, wikang Filipino ang dapat na maging wika sa pagtuturo at pagkatuto.
  • 183.
    41 b. Tunay ngangkailangan natin ng plastik na kard. Kung wala kang pera at gusto mong bumili, maaari mong gamitin ang credit card. Kung gusto mo naman magwidrow ngunit sarado ang bangko o malayo ito, maaari ka namang gumamit ng ATM card. Kung ikaw naman ay nasa ospital, hindi mo na kailangan ng malaking pera. Makababawas sa gastusin kung mayroon kang health card. Malinaw na ba? Kung oo, sagutan mo na ang mga gawain sa ibaba. Kung hindi pa, balikan mo ang aralin. Gamitin A. Tukuyin kung alin sa dalawang talata ang nasa paraang indaktibo at nasa paraang dedaktibo. 1. Magandang mag-aral sa Mataas na Paaralan ng Macario Sakay. Mahusay magturo ang mga guro doon. Maganda rin ang mga pasilidad nito. At higit sa lahat, mababait ang mga tao. 2. Sa pagbabasa, malalaman mo ang mga bagay na hindi mo pa alam. Madadagdagan din ang mga dati mo nang alam. Maaaring marating mo rin ang maraming lugar na hindi umaalis sa iyong kinalalagyan. Bukod dito, magkakaroon ka pa ng kasiyahan. Tunay na mahalaga ang pagbabasa. B. Tukuyin sa bawat set ng mga pangungusap ang pangunahin at pantulong na ideya. 1. Maganda si Lyrah. Mapungay ang kanyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong at napaganda niyang ngumiti. 2. Madilim pa lang ay nagsasaka na si Rodel. Pagdating ng hapon, paliliguan niya ang kalabaw. Pagkatapos ay didiligan niya ang kanyang gulayan. Napakasipag ni Rodel. Ganito ba ang iyong mga sagot? Para sa A: 1. dedaktibo 2. indaktibo Para sa B: 1. Pangunahing ideya: Maganda si Lyrah Pantulong na ideya: Mapungay ang kanyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong at napakaganda niyang ngumiti. 2. Pangunahing ideya: Napakasipag ni Rodel. Pantulong na ideya: Madilim pa lang ay nagsasaka na si Rodel. Pagdating ng hapon, paliliguan niya ang kalabaw. Pagkatapos ay didiligan niya ang kanyang gulayan.
  • 184.
    42 Kung oo, magpatuloyka sa susunod na bahagi. Kung hindi, balikan mo ang mga aralin. Lagumin Maraming pagkakataon na nasasayang ang magandang ideya. Isang dahilan nito ay ang hindi pagiging marunong, mahusay o may alam sa pangangatwiran. Kung kaya’t mahalaga na alam mo kung paano mangatwiran nang maayos. Sa pangangatwiran, mahalagang taglayin ang mga sumusunod: a. Kaalaman sa paksa b. Tiwala sa sarili c. Wasto, tiyak at malinaw na ideya d. Maayos na pagkakahanay ng mga katwiran. e. May suporta ng dalubhasa o eksperto sa paksa ang mga katwiran. Maaaring indaktibo o dedaktibo ang paraan ng pagpapaliwanag ng katwiran. Ang indaktibo o pangangatwirang pabuod ay magsisimula sa mga maliit o tiyak na ideya patungo sa panlahat at pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ang siyang sentro o pinakabuod ng gusto mong sabihin. Ang mga tiyak o pantulong na ideya ang siyang sumusuporta sa pangunahing ideya. Ang dedaktibo o pangangatwirang pasaklaw naman sa panlahat ng tuntunin o ideya at susundan ng maliliit na detalye upang suportahan ang pangunahing ideya. Kung malinaw na ang lahat, maaari mo nang sagutan ang Subukin. Subukin A. Basahin ang bawat talata. Tukuyin kung indaktibo o dedaktibo ang paraang ginagamit sa sa bawat isa. 1. Mahusay ang aming barangay. Laging malinis ang lahat ng kalye. Malulusog naman ang mga halaman sa tabi. Dahil dito, binigyan ang aming barangay ng premyo at pagkilala. Nagawa ito ng aming barangay dahil sa aming kooperasyon at pagtutulungan. 2. Napansin kong wala nang laman ang kabinet ng mga de-lata. Nang tingnan ko ang refrigerator, nakita ko na wala nang karne ng baboy. Nakita ko rin na na papaubos na ang mga gulay. Napansin ko rin na kaunti na lamang ang laman ng mga bote ng toyo at patis. Kailangan ko na talagang mamalengke. B. Tukuyin ang pangunahin at mga pantulong na ideya sa bawat talata sa itaas.
  • 185.
    43 C. Sabihin mokung sang-ayon ka o hindi sa usaping nakasaad sa ibaba. Bumuo ng isang talatang may tatlong pangungusap na nagsasaad ng iyong panig. Dapat bang gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas? Tapos ka na ba? Sige, iwasto mo na ang iyong mga sagot. Katulad ba ng nasa ibaba ang iyong mga sagot? Para sa A. 1. dedaktibo 2. indaktibo Para sa B. 1. Pangunahing ideya: Mahusay ang aming barangay. Mga pantulong na ideya: a. Laging malinis ang lahat ng kalye. b. Malulusog naman ang mga halaman sa tabi. c. Dahil dito, binigyan ang aming barangay ng premyo at pagkilala. d. Nagawa ito ng aming barangay dahil sa aming kooperasyon at pagtutulungan. 2. Pangunahing ideya: Kailangan ko na talagang mamalengke. Mga pantulong na ideya: a. Napansin kong wala nang laman ang kabinet ng mga de-lata. b. Nang tingnan ko ang refrigerator, nakita ko na wala nang karne ng baboy. c. Nakita ko rin na papaubos na ang mga gulay. d. Napansin ko rin na kaunti na lamang ang laman ng mga bote ng toyo at patis. Para sa C. Ang iyong talata ay maaaring katulad ng nasa ibaba. Hindi dapat gawing ligal ang diborsiyo sa Pilipinas. Hindi dapat sapagkat nagbibigay ito ng ideya na hindi na malulutas ang problemang mag-asawa. Maaaari rin itong makaapekto sa mga anak, lalo na kung sila ay ba pa. Ngunit higit sa lahat, naniniwala akong hindi dapat paghiwalayin ang pinagbuklod ng Diyos. Kung malayo dito ang iyong isinulat, ipakita mo sa iyong guro para maiwasto niya ang ginawa mo. Kung nakakuha ka ng labing-isa (11) o higit pang tamang sagot, binabati kita! Maaari ka nang magpatuloy sa Pangwakas na Pagsusulit. Kung mas mababa sa labing-isa (11), balikan ang mga pinag-aralan sa Sub-aralin 4 at sagutin ang mga gawain sa Paunlarin. Paunlarin
  • 186.
    44 A. Muling isulatang talata sa indaktibong paraan. Tunay na maraming pakinabang na makukuha sa paglalakad. Ehersisyo sa katawan ang paglalakad. Sa paglalakad, mapapansin mo pa ang mga maliliit na bagay na hindi mo mapapansin kapag nasa loob ng mabilis na sasakyan. Bukod dito, malaking kabawasan din ito sa gastusin sa pamahase. B. Muling isulat ang talata sa dedaktibong paraan. Ang mga bata ay masayang nakikilahok sa parlor games. Ang paligid ay napapalamutian ng mga lobo at makukulay na dekorasyon. Ang mesa ay puno ng pagkain tulad ng spaghetti, sandwich, juice at cake. Mayroon pang payasong nagpapatawa. Napakasaya ng pagdiriwang iyon. C. Tukuyin ang pangunahin at pantulong na ideya sa talata. Marami akong kilalang magulang na marami ang anak. Lagi nilang reklamo ang hirap ng buhay. Madalas ay isang malaking problema sa kanila ang paghahanap ng pagkain sa araw-araw. Dagdag pa dito ang malaking gastusin sa paaralan. Kung kaya’t kailangan nilang isubsob ang sarili sa trabaho. Bunga nito, hindi nila nababantayan ang paglaki ng kanilang mga anak. Ito ang dahilan kung bakit naniniwala ako na magandang magkaroon ng maliit ang pamilya. Katulad ba ng nasa ibaba ang iyong mga sagot? Para sa A: Ehersisyo sa katawan ang paglalakad. Sa paglalakad, mapapansin mo pa ang mga maliliit na bagay na hindi mo mapapansin kapag nasa loob ng mabilis na sasakyan. Bukod dito, malaking kabawasan din ito sa gastusin sa pamahase. Tunay na maraming pakinabang na makukuha sa paglalakad. Para sa B: Napakasaya ng pagdiriwang iyon. Ang mga bata ay masayang nakikilahok sa parlor games. Ang paligid ay napapalamutian ng mga lobo at makukulay na dekorasyon. Ang mesa ay puno ng pagkain tulad ng spaghetti, sandwich, juice at cake. Mayroon pang payasong nagpapatawa. Para sa C:
  • 187.
    45 Pangunahing ideya: Magandangmagkaroon ng maliit na pamilya. Pantulong na ideya: Marami akong kilalang magulang na marami ang anak. Lagi nilang reklamo ang hirap ng buhay. Madalas ay isang malaking problema sa kanila ang paghahanap ng pagkain sa araw-araw. Dagdag pa dito ang malaking gastusin sa paaralan. Kung kaya’t kailangan nilang isubsob ang sarili sa trabaho. Bunga nito, hindi nila nababantayan ang paglaki ng kanilang mga anak. Kung tama ang iyong mga sagot, maaari mo nang sagutin ang Pangwakas na Pagsusulit. Kung hindi, balikan mo ang aralin. Matapos nito’y maari ka nang humakbang patungo sa susunod na modyul. Gaano ka na kahusay? Ngayon kaibigan, narito ang isang pagsubok upang malaman ko ang iyongnatutuhan sa modyul na ito. Simulan mo na! Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel. Basahing mabuti ang mga panuto at sagutan ang pagsusulit. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. A. Isulat muli ang mga pangungusap sa ibaba. Salungguhitan ang paksa at bilugan ang panaguri. 1. Ang arabong misyonaryo na si Sharif Makhdum ang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas. 2. Ang Sultanate ng Sulu ay itinatag ni Abu Bakr noong 1450. 3. Si Raha Soliman ang pinuno ng mga sultan sa Luzon. 4. Ang kaharian ni Raha Soliman ay sinalakay ng mga Kastila noong Hunyo 1571. 5. Ipinagtanggol ni Raha Soliman laban sa kastila ang kanyang kaharian. B. Gawing nasa ayos na karaniwan ang pangungusap kung ito ay nasa ayos na di-karaniwan. Gayundin, gawing nasa ayos na di-karaniwan ang pangungusap kung ito ay nasa ayos na karaniwan. 1. Isa sa mga pinakatanyag na pook sa Maynila ay ang Divisoria. 2. Maraming murang bilihin ang makikita rito. 3. Ang Divisoria ay kilala rin bilang makasaysayang lugar. 4. Ang katipunerong si Andres Bonifacio ay sa Divisoria ipinanganak. 5. May estatwa ni Bonifacio sa harap ng Tutuban Mall sa Divisoria. C. Tukuyin kung ang pangungusap ay payak, tambalan, hugnayan o langkapan. 1. Ako ay Pilipino at sa aking mga ugat ay nananalaytay ang dugong kayumanggi. 2. Ang aking ama at ina ay ipinanganak sa Mindanao. 3. Matatag ang kanilang kabuhayan sapagkat sila’y nagkakaisa, malakas at di nahahati. 4. Mahal ko ang aking bayan.
  • 188.
    46 Mahalaga ang mgahayop sa buhay ng tao. Marami silang pakinabang sa atin. Sa kanila tayo kumukuha ng pagkain tulad ng karne. Ang kanilang balat ay nagagamit natin sa paggawa ng damit at sapatos. Nakatutulong din sila sa ating mga gawain. 5. Ako ay namamanata sa watawat ng Pilipinas bagama’t bumibili ng mga imported na tsokolate; maliban na lamang kung chocnut ito. D. Tukuyin kung ang pangungusap ay naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad o nangangatwiran. 1. Ang batang nakita namin kahapon ay matangkad ngunit payat. 2. Dapat igalang ang mga bata dahil sila ay may damdamin din. 3. Tuwing umaga ay dumadaan ang bata sa simbahan upang magdasal. 4. Ang Tulong Paslit ay organisasyong tumutulong sa mga bata. 5. Nagtungo ang Tulong Paslit sa bahay ng bata kinabukasan. E. Tukuyin ang pangunahin at pantulong na ideya sa talata.
  • 189.
    47 Modyul 4 Ang Pagkilalaat Pagbuo ng Iba’t Ibang Pangungusap A. 1. Ang arabong misyonaryo na si Sharif Makhdum ang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas. 2. Ang Sultanate ng Sulu ay itinatag ni Abu Bakr noong 1450. 3. Si Raha Soliman ang pinuno ng mga sultan sa Luzon. 4. Ang kaharian ni Raha Soliman ay sinalakay ng mga Kastila noong Hunyo 1571. 5. Ang kanyang kaharian ay ipinagtanggol ng mga tao. B. 1. Ang Divisoria ay isa sa mga pinakatanyag na pook sa Maynila. 2. Ang makikita rito ay maraming murang bilihin. 3. Kilala rin bilang makasaysayang lugar ang Divisoria. 4. Sa Divisoria ipinanganak ang katipunerong si Andres Bonifacio.. 5. Sa harap ng Tutuban Mall sa Divisoria ay may estatwa ni Bonifacio C. a. tambalan b. payak c. hugnayan d. payak e. langkapan D. 1. naglalarawan 2. nangangatwiran 3. nagsasalaysay 4. naglalahad 5. nagsasalaysay E. 1. Pangunahing idea: Mahalaga ang mga hayop sa buhay ng tao. Pantulong na idea: 1. Marami silang pakinabang sa atin. 2. Sa kanila tayo kumukuha ng pagkain tulad ng karne. 3. Ang kanilang balat ay nagagamit natin sa paggawa ng damit at sapatos. 4. Nakatutulong din sila sa ating mga gawain. Susi sa Pagwawasto
  • 190.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 5 Pagsulat ng Talambuhay
  • 191.
    2 Modyul 5 Pagsulat ngTalambuhay Tungkol saan ang modyul na ito? Magandang araw sa iyo! Narito na naman ako upang magbigay ng mahahalagang kaalaman na magagamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay. Simple lang ang aralin sa bahaging ito ng modyul. Kailangan lamang na mag-ukol ka ng kaunting oras upang matagumpay mong matugunan ang mga pangangailangan ng araling ito. Natitiyak kong marami kang idol o mga hinahangaang artista, politiko, atleta, o kaya’y mga pangkaraniwang tao sa inyong lugar, na nakagagaawa ng mga mabubuti at kapaki-pakinabang na bagay sa iba. Sila ang iyong inspirasyon upang magsikap din sa iyong pag-aaral at makamit din ang kanilang mga nakamit. Nais mong maging tulad nila balang-araw, isang taong hinahangaan, tinitingala, at huwaran ng kabataan. Sa modyul na ito, ikaw ay magsusulat ng iyong sariling talambuhay at talambuhay ng ibang tao. Makikilala mo rin sa mga aralin na inihanda ko ang mga taong tiyak na magbibigay sa iyo ng dagdag na inspirasyon sa buhay. Sila ang mga taong buong husay na gumanap sa kanilang mga tungkulin bilang mga Pilipino. Nakagawa sila ng mabubuting bagay na nakatulong nang malaki sa maraming Pilipino upang makilala nila ang kaniyang sarili, at angking kultura. Kinilala sila hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa ibang bansa. Handa ka na bang kilalanin sila? Sige pero bago mo basahin ang kanilang talambuhay, iyo munang gawin ang ilan sa mga kailangang kahandaan at gawain. Isang masayang pag-aaral sa iyo!
  • 192.
    3 Ano ang matututunanmo? Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito, maisasagawa mo ang mga sumusunod: 1. Nakikilala ang mga tiyak na katangian ng dalawang uri ng talambuhay a. pansarili b. talambuhay ng ibang tao 2. Nababatid ang mga katangiang dapat taglayin ng isang masining na talambuhay 3. Naipapakita ang pagiging malikhain sa pagsulat ng talambuhay bilang isang pasulat na komunikasyon Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing mabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.
  • 193.
    4 7. Kung maymalabong panuto o anumang bahagi ng modyul, magtanong sa iyong guro o kung sinumang may ganap na kaalaman. 8. Itala ang mahahalagang impormasyon at kaisipan sa isang hiwalay na kuwaderno. Makatutulong ito upang madali mong mababalikan ang mga liksyon. Maraming salamat kaibigan! Ano na ba ang alam mo? Pero bago mo simulan ang mga gawain sa modyul na ito, gusto ko munang alamin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pang-unang pagsusulit. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang iyong makuha. Ang layunin ko lamang ay masukat ang iyong kaalaman sa mga araling iyong kakaharapin sa modyul na ito. Kaya’t maging matapat ka sana sa iyong pagsagot. Maaari ka nang magsimula. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pagbibigay-kahulugan. Piliin sa kahon ang letra ng salitang tumutukoy sa bawat isa. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot. 1. Tumatalakay ito sa kasaysayan o kuwento ng buhay ng isang tao. 2. Dalawang salitang pinanggalingan ng salitang talambuhay. 3. Talambuhay ng ibang tao 4. Talambuhay na pansarili 5. Nagsisilbi itong pagtnubay sa pagsulat ng talambuhay. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga detalye o kaisipan. 6. Ito ay ang nagpapayaman at tumutulong upang maging makatotohanan ang isang talambuhay. 7. Ito ay isang hakbang upang makakuha ng mga impormasyon ukol sa isang taong nais gawan ng talambuhay kung siya ay nabubuhay pa. 8. Katumbas ng salitang talambuhay sa Ingles. 9. Isang paraan ito upang mapakinis o mapaganda ang isinusulat na talambuhay. Kasama dito ang pagwawasto ng mga gamit ng salita at iba pa.
  • 194.
    5 10. Ito ayprodukto ng malikhaing-isip ng tao na kanyang ginagamit sa pagpapahayag ng kanyang kaisipan o damdamin. Mga Gawain sa Pagkatuto Sub-Aralin 1: Pagkilala sa Tiyak na Katangian ng Dalawang Uri ng Talambuhay: Pansarili at Talambuhay ng Ibang Tao Layunin Pagkatapos ng sub-aralin na ito, magagawa mo ang sumusunod: 1. nakikilala ang mga tiyak na katangian ng dalawang uri ng talambuhay a. pansarili b. talambuhay ng ibang tao 2. napahahalagahan ang naiambag ng mga bayani sa kasaysayan 3. 4. nakagagawa ng balangkas batay sa tekstong binasa tala at buhay talambuhay biography interbyu autobiography sining impormasyon balangkas detalye pormularyo tape recorder rebisyon
  • 195.
    6 Alamin Likas na makabayanang mga Pilipino. Patunay dito ang mga bayaning nag-alay ng kanilang sariling buhay upang makamit lamang ang minimithing kalayaan. Ikaw? Sino ang iyong iniidolong bayani ng ating bansa? Bakit mo siya naging idolo? Anu- anong mga katangian niya ang iyong lubos na hinahangaan? Bakit? Anu-ano ang kanyang mga nagawa para sa bayan? Sa araling ito, iyong makikilala si Marcelo H. del Pilar. Alamin mo ang tungkol sa kanya. Isang makabuluhang pagbabasa at pag-aaral! MARCELO H. DEL PILAR “Ipagtanggol mo ang matuwid at huwag mong alalahanin ang pananalo o ang pagkatalo.” Si Marcelo H. del Pilar ay ipinanganak noong ika-30 ng Agosto ng 1850 sa Kupang, Bulakan, Bulakan. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid na anak ni Don Julian H. del Pilar at Donya Blasa Gatmaitan. Nag-aaral siya hanggang magtapos sa pagkamanananggol. Kilalang-kilala siya bilang si Plaridel isang matalentong tao, marunong tumugtog ng piyano, biyolin at flute. Mahusay din siya sa larong fencing. Kumakanta siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolin tuwing Flores de Mayo. Nais ni del Pilar ang pagtatatag ng mga paaralan upang ang masasamang bunga ng kamangmangan ay maputol, kung hindi man lubusang mapawi. Ipinalagay ng mga Kastila na si del Pilar ay kalaban ng Espanya dahil sa kanyang mga hinihinging ito kaya’t tinangkang siya ay ipahuli at ipapiit. Ang mga kamag-anak ni del Pilar na madaling nakaalam ng balak na pagpapahuli ay dali-daling humikayat sa kanya na umalis at iligtas ang kanyang buhay.
  • 196.
    7 Dahil sa paliwanagna ito, si del Pilar ay umalis ng Bulakan isang gabi. Tumungo siya sa Maynila at nanuluyan sa bahay ng isang kaibigan. Matapos ang mga ilang araw na paninirahan sa Maynila, lumulan siya sa unang bapor na patungong Espanya. Mabigat sa kanyang loob ang lumisan. Hindi niya halos matitigan ang pasigan ng kanyang bayang lilisanin ngunit palibhasa’y lalaki at may pagmamahal sa bayan, ang lahat ay tiniis at binata ang lungkot ng paglayo. Sa Espanya ay pinangasiwaan ni del Pilar ang pahayagang La Solidaridad. Sa pahayagang ito ay nakuha niyang maipakilala sa España ang mga Pilipino at ang lunggati ng bayang Pilipinas. Isiniwalat niya ang hindi mabuting ginagawa ng mga taong dito ay ipinadala upang mamuno at dahil dito’y hiningi niyang ang ipadala rito’y mga tunay na ginoo na marunong dumama sa tunay na damdaming bayan. Si del Pilar ay naghirap at namulubi. Ang kanyang mga kababayan ay hindi makapagpadala sa kanya ng abuloy ibigin mang gawin ang gayon, sapagkat lubhang napakahirap magpadala ng tulong sa mga kababayang nasa malayong España. Paniniwalaan ba ninyong halos wala siyang maibili ng pagkain? Gayon ma’y tiniis niya ang lahat sa pag-asang kaalakbay ng kanyang mga hirap ang pagsikat ng araw ng tagumpay at ang kanyang bayan ay mapadadalhan ng mga taong katugon ng ating damdamin. Si del Pilar ay katulad ni Bonifacio sa paniniwala. Ibig niya ang maghimagsik, ngunit si Dr. Rizal ay kalaban sa ganitong balak. Si Rizal ay naniniwalang hindi pa handa ang bayan sa isang himagsikan. Nang umabot sa kaalaman ni del Pilar ang balitang pagbangon ng kanyang bayan sa pamumuno ni Bonifacio, tinangka niya ang umuwi sa Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio. Datapwat ang kanyang balak na pagbabalik sa tinubuang lupa ay nabigo. Sa Barcelona ay dinapuan siya ng sakit na kanyang ikinamatay, nang hindi man lang nakita ang kanyang mga anak at asawang minamahal. Pumanaw siya noong ika-4 ng Hulyo 1896 sa Barcelona, España sa sakit na tuberkulosis. Ngunit nagpatuloy na mabuhay ang kanyang kabayanihan sa puso ng mga Pilipino at ng bayang kanyang iniibig. Ang iyong binasang teksto ay isang talambuhay. Anu-ano ang napansin mong pagkakaiba nito sa ibang sulatin? Marami, hindi ba? Isa na rito ay ang totoong pagsasalaysay nito tungkol sa buhay ng isang tao.
  • 197.
    8 Subukin mong sagutinang mga sumusunod na tanong: 1. Kailan at saan ipinanganak si Marcelo H. del Pilar? 2. Sino ang kanyang mga magulang? 3. Anu-ano ang natatanging talento ni del Pilar? 4. Bakit nagpunta si del Pilar sa Barcelona? 5. Kailan pumanaw si del Pilar? Kung ang iyong sagot ay ang mga sumusunod, ay tama ka. Kung hindi, balikan mo ang teksto. • Agosto 30,1850 • Don Julian H. del Pilar at Donya Blasa Gatmaitan • Marunong tumugtog ng piyano, biyolin at flute si del Pilar. Mahusay din siya sa larong fencing. Kumakanta siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolin tuwing Flores de Mayo. • Dahil ipinalagay ng mga Kastila na si del Pilar ay kalaban ng Espanya. • Hulyo 4, 1896 Anong mga impormasyon ang ibinigay sa bawat bilang? Edad, mga magulang, mga talento, gawain, pagkamatay, di ba? Ang mga impormasyon na iyong isinagot ay mga detalyeng mahalagang maisama sa pagsulat ng isang talambuhay. Ito ay ilan lamang sa mga impormasyon o detalye tungkol sa isang tao na maaaring maisama sa pagsulat ng isang talambuhay. Makatutulong ito upang makilalang mabuti ng mambabasa ang pagkatao, pag-uugali, paniniwala o prinsipyo ng isang taong ginawan ng talambuhay. Ano pang mga impormasyon ang pwedeng isama? Kung ang iyong iniisip ay ang mga sumusunod ay tama ka. • Pangarap sa buhay, pamilya at bansa • Paniniwala o pilosopiya sa buhay
  • 198.
    9 • Mga karanasangdi malilimutan Ito ay mga detalyeng lalong magpapatingkad sa buhay ng isang taong gagawan ng talambuhay. Batay sa ating ginawang unang pagtalakay, masasabi mo na ba ang kahulugan ng talambuhay? Ano nga ba ang talambuhay? Ang talambuhay ay kuwento o kasaysayan ng buhay ng isang taong pinapaksa. Ang salitang talambuhay ay galing sa dalawang salitang tala at buhay, kung kaya nauukol sa kasaysayan ng isang tao. Ito ay ang ating panumbas sa salitang ingles na biography. Ang pagsasalaysay tungkol sa taong pinapaksa ay puwedeng isagawa ng ibang tao o kaya’y ng may katawan na rin. May dalawang uri ng talambuhay: talambuhay ng ibang tao at talambuhay na pansarili. Anong uri ng talambuhay ang iyong binasa? Tama ka! Ito ay talambuhay ng ibang tao (biography) dahil kasaysayan o kuwento ito ng buhay, pangarap, mithiin at karanasan ng isang tao na isinulat ng iba. Tulad ng pansariling talambuhay, ito ay nagbibigay rin ng mga impormasyon ukol sa tao, di malilimutang bahagi ng kanyang buhay, mga plano, mithiin, karanasan (kung ang taong ito ay nabubuhay pa) o sa panahon ng kanyang kamatayan. Tukuyin sa binasang talambuhay ni del Pilar ang mga sumusunod: Mithiin Karanasan Di malilimutang bahagi ng buhay Kung ang iyong sagot ay kahawig ng mga sumusunod, ay tama ka: • Mithiin ni del Pilar ang pagtatatag ng mga paaralan upang ang masasamang bunga ng kamangmangan ay maputol, kung hindi man lubusang mapawi. • Sa kanyang paglisan, mabigat ang loob ni del Pilar. Hindi niya halos matitigan ang pasigan ng kanyang bayan ngunit tiniis at binata niya ang lungkot ng paglayo. • Si del Pilar ay nagdalita, naghirap at namulubi sa Barcelona.
  • 199.
    10 Ang mga impormasyongito tungkol sa buhay ay makatutulong upang maging mas makatotohanan ang isang talambuhay. Mas magkakaroon ng kurot sa mambabasa kung babanggitin ang mga karanasang tunay na naiiba o natatangi ng pinapaksang tao. Mga karanasang kapupulutan ng aral o inspirasyon sa buhay. Ang ikawalang uri ng talambuhay ay tinatawag na talambuhay na pansarili (autobiography). Ang awtor mismo ang sumulat ng kanyang sariling buhay, mga pangarap, hangarin at mga karanasang di malilimutan na maaaring masaya o may kalungkutan. Anu-ano naman ang dapat taglayin ng talambuhay na pansarili? Sagutin mo ang mga sumusunod batay sa iyong sariling karanasan at kaalaman: Pangalan mo Petsa at Lugar ng iyong Kapangakan Pangalan ng iyong mga magulang Pang-ilan sa inyong magkakapatid? Mga pangarap at balak sa hinaharap. Paniniwala ukol sa buhay? Ang iyong mga tugon sa mga tanong ko ay mahalagang taglayin ng isang talambuhay na pansarili. Nauunawaan mo ba? Ang mga sinabi mong detalye ay makatutulong upang maging malaman at may sinasabi ang iyong talambuhay. Marahil ay gustong-gusto mo nang isulat ang iyong talambuhay, ano? Teka lang, hindi pa ito ang tamang panahon. Kailangan mo munang pag-aralan ang paggawa ng balangkas o outline. Makatutulong ito sa iyo upang maging maayos ang daloy ng kaisipan ng iyong isusulat na pansariling talambuhay. Ano nga ba ang balangkas? Paano ito ginagawa? Paano ito nakatutulong sa pagsulat ng talambuhay
  • 200.
    11 Ang balangkas ayang magsisilbi mong patnubay sa pagsulat mo ng talambuhay. Tulad ng isang bahay bago ito itayo, kailangan nito ang maayos na plano na susundan o babasahin ng arkitekto. Ganito rin ang gamit ng balangkas. Ito ang plano kung paano mo ilalahad ang mahahalagang impormasyon sa isang talambuhay. Makatutulong ito upang magkaroon ng kaisahan ang iyong isusulat na talumpati. Pag-aralan mong mabuti ang halimbawa ng balangkas sa ibaba. MARCELO H. DEL PILAR I. Mahahalagang Impormasyon Tungkol kay del Pilar a. Petsa at Lugar ng Kapanganakan b. Mga Magulang c. Natatangi niyang mga Talento II. Pangarap ni Del Pilar a. Pagtatayo ng Paaralan III. Mga Pagsubok ni del Pilar a. Pagtugis sa kanya ng mga Kastila b. Paglisan niya ng Pilipinas IV. Mga Karanasan ni del Pilar sa Barcelona a. Pangangasiwa niya sa La Solidaridad b. Paghihirap ni del Pilar sa Barcelona V. Si del Pilar sa Panahon ng Rebolusyon a. Pagkakasundo ni del Pilar at Bonifacio Ukol sa Himagdikan b. Pagnanais na Umuwi ni del Pilar VI. Huling Bahagi ng Buhay ni del Pilar a. Petsa at Lugar ng kanyang Kamatayan Ano ang iyong mga napansin sa ipinakita kong balangkas? Hindi ba’t kung ano ang pagkakasunud-sunod nito ay ganoon din sa binasa mong talambuhay? Ang balangkas na ipinakita ko ay parang buto o kalansay lamang, iyo itong lalagyan ng laman sa proseso ng iyong pagsulat. Dahil sa balangkas na ito, makatatayo bilang isang maayos na talambuhay ang iyong akda.
  • 201.
    12 Ngayon, sa palagayko’y sapat na ang iyong kaalaman upang masagutan ang mga susunod na gawain. Ngunit kung sa palagay mo ay hindi ka pa handa, maaari mong balikang muli at basahin ang aking mga sinabi sa unahan bago mo sagutan ang mga gawain. Hindi naman tayo nagmamadali. Linangin Narito ang isang talambuhay tungkol sa akin na isinulat ko mismo. Basahin mo itong mabuti at gawan ng balangkas pagkatapos. MUNTING PANGARAP Nagsimula lamang ang lahat bilang munting pangarap. Nais kong makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng isang magandang trabaho. Ako si Genaro R. Gojo Cruz. Ako ay ipinanganak at lumaki sa San Jose del Monte, Bulacan noong ika-16 ng Disyembre 1976. Bunso sa siyam na magkakapatid. Ang aking mga magulang ay sina Dominga Ruiz at Thomas Gojo Cruz na kapwa namayapa na. Mahirap ang aming pamilya, kung kaya ang aking mga kapatid at maging ako ay namulat sa mga gawain at maagang pagtatrabaho. Natatandaan ko, lagi akong umaakyat sa mga puno noon upang manguha ng mga bungang-kahoy, tulad ng santol, mangga, sinigwelas, sampalok, at iba pa na maaaring pagkakitaan at ipagbili. Hindi ko na hinihingi sa aking mga magulang ang aking ibinabaon sa eswkelahan. Ayokong maging pabigat sa kanila. Sa eskwelahan, sinisikap kong maging mahusay. Bagamat hindi ako matalino, nagtitiyaga akong matuto. Ito ang natutunan ko sa aking Tatay, na kailangang magsikap at magtiyaga upang magtagumpay. Nakatapos ako ng hayskul dahil sa sarili kong pagsisikap at pagtitiyaga. Alam kong tuwang-tuwa rin si Nanay nang ako’y nakatapos. Siya ang nagsabit sa akin ng parangal bilang pinakamasipag na mag-aaral. Sa kolehiyo, panibagong hamon ang aking hinarap. Hindi na ito biro dahil kailangan kong mag-Maynila upang mag-aral. Matinding pagtitipid ang aking ginawa. Pero sa tulong ng aking mga kapatid at ng mga taong handang tumulong at mga kaibigang nakauunawa sa aking kalagayan, matagumpay rin akong nakatapos ng aking pag-aaral sa Kolehiyo. Nagtapos ako ng pagkaguro sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
  • 202.
    13 Nagustuhan mo baang talambuhay na iyong binasa? Ano ang iyong masasabi sa buhay ng awtor? Anong aral ang iyong natutunan? Marahil, masasabi mong madrama ang buhay ng sumulat o punung-puno ng kulay. Natutunan mong sa pamamagitan ng pagsisikap, makakamit ang mga pangarap. Anong uri ng talambuhay ang iyong binasa? Tama! Ito ay pansariling talambuhay o autobiography sa ingles. Isinulat mismo ng awtor ang kanyang talambuhay. Anu-anong impormasyon ang isinama ng awtor sa kanyang talambuhay? Ito ay ang mga sumusunod: Tungkol sa kanyang sarili at pamilya Pag-aaral niya sa elementari at hayskul Pag-aaral niya sa kolehiyo Ang kanyang talento Sa aking pag-aaral sa kolehiyo, natuklasan ko ang isang talento na magiging dahilan pala upang ako’y makilala – ang pagsusulat. Ginamit ko ang aking mga sariling karanasan sa buhay sa aking pagsusulat. Mahilig akong magsulat ng tula at maikling-kuwentong pambata. Sa katunayan, ang kuwento kong “Ang Lumang Aparador” ay nagwagi ng unang gantimpala sa 2002 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literture. Isang karangalan itong tunay kong ipinagmamalaki. Sa kasalukuyan, ako ay nagtuturo sa Pamantasang De La Salle – Maynila at Pamantasang Normal ng Pilipinas. Ngayon sa tuwing maiisip ko ang aking mga pinagdaanan sa buhay, lagi akong nangingiti at nagpapasalamat dahil lalo akong naging matatag. Siyempre, naaalala ko rin ang aking mga kapatid at mga kaibigang tumulong upang ako ay magtagumpay. Sa mga karanasan ko, napatunayan kong lahat ng tagumpay sa buhay ay nasisimula sa munting pangarap lamang.
  • 203.
    14 Kasalukuyan Paniniwala sa buhay Ngayon,handa ka na bang gumawa ng balangkas ng talambuhay na iyong binasa? Kung handa ka na, kumuha ka ng isang buong papel at simulan ang iyong balangkas. Ngunit kung hindi ka pa handa, maaari ka munang saglit na magpahinga. Kung ang balangkas na ginawa mo ay kahawig o hindi nalalayo sa aking balangkas sa ibaba, ay binabati kita! MUNTING PANGARAP I. Panimula II. Mga Personal na Impormasyon a. Pangalan b. Petsa at Lugar na Kapanganakan c. Bilang ng Magkakapatid d. Mga Magulang III. Pamilya a. Mahirap na Pamilya b. Maagang Pagtatrabaho IV. Eskwelahan a. Pagsisikap na Maging Mahusay b. Pagtatamo ng Karangalan V. Buhay Kolehiyo a. Panibagong Hamon b. Pagtulong ng mga Kapatid at Kaibigan VI. Pagtuklas sa Talento a. Pagsulat b. Parangal na Nakamit VII. Kasalukuyan VIII. Wakas
  • 204.
    15 Ano ang iyongnapansin sa balangkas? Ano ang nadagdag? Tama! Nagkaroon ng panimula at wakas. Sa pagsulat mo ng talambuhay ng ibang tao o maging ng iyong sariling talambuhay, nakadaragdag sa kasiningan nito kung magbibigay ka ng panimula o ng maikling introduksyon. Nakatutulong ito upang maihanda ang mambabasa at hindi sila mabigla. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng wakas dahil nakatutulong ito upang may maiwan at tumatak sa isipan ng mambabasa. Gamitin Mula sa binasa mong talambuhay sa LINANGIN, itala ang mahahalagang datos na binanggit ng awtor tungkol sa kanya. Sundan ang format sa ibaba. Pangalan : ___________________________________________________ Petsa at Lugar ng Kapanganakan: ___________________________________________________ Mga Magulang : ___________________________________________________ Pang-ilan sa Magkakapatid : ___________________________________________________ Pagpapakilala sa Sarili ng Awtor a. Pamilya _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ b. Eskwelahan _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ c. Talento/ _______________________________________________________________________ Parangal _______________________________________________________________________ d. Kasalukuyan _______________________________________________________________________ ________________________________________________________________________
  • 205.
    16 Ngayong napunan mona ng mahahalagang datos ang pormularyo, tiyak na alam mo na ang mahahalagang dapat lamanin ng isang talambuhay. Ito ang pangkaraniwang mga mga datos o impormasyon na isinasama sa pagsulat ng talambuhay. Handa ka na bang isulat ang iyong sariling talambuhay? May inihanda akong gawain sa iyo sa SUBUKIN. Mahalagang gawin mo muna ito. Sana’y magtagumpay ka sa iyong mga gagawin! Lagumin Sa sub-araling ito, iyong nakikilala ang mga tiyak na katangian ng dalawang uri ng talambuhay: talambuhay ng ibang tao at pansarili. Ang talambuhay ng ibang tao (biography) ay nagsasalaysay tungkol sa buhay, pangarap, mithiin at karanasan ng isang tao na isinulat ng iba. Ang talambuhay na pansarili (autobiography) naman ay nagsasalaysay ngunit ang awtor mismo ang sumulat ng kanyang sariling buhay, mga pangarap, hangarin at mga karanasang di malilimutan na maaaring masaya o may kalungkutan. Ang dalawang uri na ito ng talambuhay ay nagbibigay rin ng mga impormasyon ukol sa tao, di malilimutang bahagi ng buhay, mga plano at pangarap, mithiin, karanasan (kung ang taong ito ay nabubuhay pa.) Sa pamamagitan din ng sub-araling ito, iyong nalaman ang kahalagahan ng balangkas o outline bilang pasimulang hakbang sa pagsulat ng talambuhay. Ang balangkas ang nagsisilbing patnubay ng awtor upang magkaroon ng kaisahan ang kanyang akda. Higit sa lahat, iyong nakilala nang lubusan ang kinikilala nating bayani, si Marcelo H. del Pilar. Iyong nalaman ang kanyang mga naiambag sa pagkakamit ng ating kalayaan. Ang kanyang buhay ay tiyak na magiging inspirasyon sa iyo. Ngayon, handa ka na bang isulat ang iyong sariling talambuhay? Alam kong hindi madaling gawin ito dahil ang pagsulat ng sariling talambuhay ay magbubukas ng ating sarili sa ibang tao. Pero kung iisipin nating mabuti, dapat hangaan ang mga taong naglakas-loob na isalaysay ang tungkol sa kanila. Nais nilang ibahagi at makapagdulot ng mabubuting aral sa buhay ng ibang tao. Aalalayan kita sa iyong pagsusulat. May mga inihanda akong gawain sa SUBUKIN na makatutulong sa iyo sa pagsulat ng talambuhay.
  • 206.
    17 Tiyak na maymga kasama ka na nasasabik na mabasa ang tungkol sa iyo. Subukin Panuto: Punan ng mga impormasyon tungkol sa iyo ang balangkas sa ibaba. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga tugon ayon sa balangkas na aking inihanda para sa iyo. Sikapin mo sanang maging matapat sa iyong mga tugon. Kung may mga bahagi ng balangkas na hindi mo mapupunan, ayos lang. Kung mayroon naman akong nakaligtaang isama na mahalaga para sa iyo, isama mo na rin. I. Ang Mga Tungkol sa Akin a. Petsa at Lugar ng aking Kapanganakan b. Pangalan ng aking mga Magulang c. Ang Aking mga Talento II. Ako sa Paaralan a. Paborito Kong Guro at Sabjek b. Ang Aking Mga Kaibigan c. Mga Natamong Karangalan/Pagkilala III. Ang Aking Mga Pangarap a. Sa Sarili b. Sa Pamilya c. Sa Bansa IV. Ang Aking Mga Pananaw/Paniniwala a. Sa Buhay b. Sa Diyos V. Ang Aking mga Plano sa Hinaharap a. Pag-aaral b. Bilang Pilipino Kung nagawa mo na ang mga hinihingi ng balangkas na ito. Maaari mo nang simulan ang pagsulat ng iyong talambuhay.
  • 207.
    18 Pagkatapos mo itongmaisulat, ipabasa mo ito sa iyong kaklase. Itala mo ang kanyang mga puna at mungkahi tungkol sa iyong talambuhay. Gamitin mo ito sa parerevays ng iyong sulatin. Pagkatapos, ibigay mo sa iyong guro para mapahalagahan ang inyong isinulat. Paunlarin Panuto: Gamit ang iyong ginawang balangkas, isulat mo na ang iyong talambuhay sa isa pang hiwalay na papel. Ang balangkas na iyong ginawa sa LINANGIN ang iyo ngayong magsisilbing patnubay sa pagsulat mo ng iyong talambuhay. Gawin pa ang mga sumusunod na hakbang: 1. Huwag ka ring masyadong magpakulong sa balangkas. Maaaring sa proseso ng iyong pagsulat ay mayroon kang maisip na magandang maidagdag sa iyong talambuhay na sa palagay mo ay ikakaganda ng iyong akda. 2. Sikaping maging simple o payak ang mga salitang gagamitin dahil nakatutulong ito upang maging kawili-wiling basahin ang iyong akda. 3. Huwag mong gamitin ang mga salitang hindi mo alam gamitin dahil makagugulo lamang ito sa kabuuan ng iyong talambuhay. 4. Mag-isip ng magandang pamagat sa iyong sariling talambuhay. 5. Pagkatapos mong maisulat ang iyong talambuhay, ipabasa ito sa iba at hilingin ang kanilang komento sa iyong akda. Pagkatapos, maaari mong gamitin ang mga ito sa pagsulat mo ng final draft ng iyong akda. SUB-ARALIN 2: Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Masining na Talambuhay Layunin Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang magagawa mo ang sumusunod: 1. nakababatid ang mga katangiang dapat taglayin ng isang masining na talambuhay. 2. nabibigyang-halaga ang sining bilang lunsaran ng kulturang Pilipino. 3. nakasusulat ng talambuhay ng ibang tao.
  • 208.
    19 Alamin Tunay na malikhainang mga Pilipino. Mababakas ito sa mga likhang sining na kanilang nilikha. Di na mabibilang ang mga Pilipinong nabigyan ng pagkilala at parangal dahil sa natatangi nilang ambag sa sining tulad ng panitikan, iskultura, pagguhit, pag-awit, pagsayaw at iba pa. Sa mga sining na ito masasalamin ang kultura nating mga Pilipino. Dahil sa mga likhang-sining nagiging malinaw ang kaibahan natin sa ibang lahi sa mundo. Nakikilala natin ang ating mga sarili bilang Pilipino. Ano nga ba ang pagkakaiba ng ating sining sa sining na likha ng ibang lahi? Paano naiiba ang mga Pilipino sa paglikha? Tiyak na marami kang nakikitang pagkakaiba natin. Patunay lamang na nagkakaiba ang sining dahil nagkakaiba ng kultura ang mga tao. Sino pang alagad ng sining ang iyo nang kilala? Paano mo siya nakilala? Anu-ano ang mga nalalaman mo tungkol sa kanya? Paano nakatulong ang pagbasa mo ng kanyang talambuhay sa pagpapahalaga mo sa sining? Sa sub-araling ito, makilala mo si Napoleon Abueva, isang kinikilalang iskultor ng ating bansa. Tukuyin mo ang kanyang pagkakaiba sa ibang iskultor kung kaya’t itinuturing na natatangi ang kanyang mga likhang-sining. Kung bakit ibang-iba ang kanyang istilo? At kung saan niya hinuhugot ang kagalingang ito? Tulad ng binabanggit kong sining, ang isang talambuhay ay kailangan din magtaglay din ng kasiningan. Isang masayang pag-aaral sa iyo kaibigan! “Hard work isn’t enough. The death of my parents maybe. Eventually, I translate emotions and transform these into pieces of wood, marble, clay, and so on.” - Napoleon Abueva NAPOLEON ABUEVA, BATO AT SENTIMIENTO ni Ces Rodriguez Ding! Ang Bato! Hindi ‘yung nilululon ni Ate Narda para maging superhero, ha, kundi isang blokeng marmol o adobe, o puwede rin namang semento. Basta’t maihuhubog ng National Artist for Sculpture na si Napoleon Abueva, kahit na anong klaseng bato, handa niyang bakbakin para gawing obra.
  • 209.
    20 Sa katunayan, samarmol niya hinubog ang 1953 iskultura niyang Kaganapan at ang Mother and Child noong 1987. Adobe naman ang ginamit niya para sa iskultura niyang Torso noong 1972, at sa mahigit na sampung works of art niya, simpleng semento lang ang gamit niya. Payak o simple lang ang mga trabaho ni Abueva. Malayung- malayo ang istilo niya sa titser niyang si Guillermo Tolentino, ang kauna-unahang National Artist for Sculpture na kilalang gumawa ng Oblation ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at ng tintawag na monumento na matatagpuan SA Monumento sa Caloocan. Kung tradisyonal si Tolentino, moderno naman si Abueva. Kilala siya bilang Father of Modern Philippine Sculpture. Kung hindi man true-to-life ang rendition ng kanyang mga iskultura, matalinghaga at kawili-wili namang pagmasdan ang linis ng mga hubog nito. Maliban sa bato, umuukit din si Abueva sa kahoy na katulad ng molave at nara, tanso, bakal, salamin at kung-anu-ano pa. Minsan, pinaghahalo-halo rin niya ang mga materyales, isang istilo na una rinG hinangaan sa kanya. Ipinanganak si Napoleon Abueva noong Enero 26, 1930 sa Tagbilaran, Bohol. Noong bata pa siya, gumagawa na siya ng mga hugis ng hayop sa putik. Ang paborito niyang hayop na hubugin ay ang kalabaw. Bigatin ang pamilya ni Abueva. Isang Kongresista ang kanyang tatay at presidente naman ng Women’s Auxiliary Service ang kanyang nanay. Ngunit isang kagimbal-gimbal na karanasan ang sinapit ng kanyang pamilya noong panahon ng Hapon. Siya at ang kanyang kuya, ay napilitang pakinggan ang mga daing at paghihirap ng kanilang mga magulang sa kamay ng mga Kempati o ng Japanese Military Police. Pagkatapos nito, siya at ang kuya niya mismo ang naghanap ng bangkay ng kanilang mga magulang sa isang lugar na pinagtambakan ng mga taong pinatay ng malulupit na Hapon. “Masakit,” ani Abueva sa isang interbyu. “As an artist, naiba ang pananaw ko sa buhay dahil sa mga karanasan ko. Naghanap ako ng bagong paraan para i-express ang mga ideya ko as a way of dealing with the pain.”
  • 210.
    21 Torso 1972, Volcanic Stone 60x 425 cm National Museum Collections (Pinagkunan: Tipong Pinoy, Vol. 1, No.3, p.3) Pagmasdan mong mabuti ang mga larawan sa ibaba. Ano ang nakikita mong pagkakahawig ng mga larawan? Ano ang tawag sa mga ipinakikita ng mga larawan? Umikot lang kayo sa Maynila, makikita na ang kanyang mga obra. Ilan lamang ang Transfiguration sa Eternal Gardens Memorial Park, ang Sunburst sa kisame ng lobby ng Manila Peninsula Hotel, at ang Nine Muses sa harap ng UP Faculty Center. Matatagpuan din ang kanyang obra sa UN Headquarters sa New York, at sa National Museum sa Singapore. Pagkatapos nito, lalo pang kinilala si Abueva sa larangan ng iskultura. Tuluy-tuloy ang pagtanggap niya ng mga karangalan at paglikha niya ng mga obra. Naging Dekano siya ng College of Fine Arts sa UP at noong 1976, sa edad na 46, siya ang pinakabatang pinarangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining o National Artist. Sa kasalukuyan, sa edad na 74, patuloy pa rin si Abueva sa paglikha ng mga natatanging iskultura. Isa sa mga bago niyang dinisenyo ay ang Burol, ang trophy na ibinigay sa nakaraang Cinemanila Film Festival na ginanap sa Makati noong Hulyo 2004. Kaya, Ding, bato man ’yan o kahoy, bakal man o semento, isang bagay ang malinaw: importante ang mga ito para kay Napoleon Abueva. Narito ang isang halimbawa ng likhang sining ni Napoleon Abueva.
  • 211.
    22 Tama ka! Sayaw,pagpinta, iskultura at musika. Lahat ito ay itinuturing na sining. Ano nga ba ang sining? Paano malalaman na ang isang bagay ay likhang-sining? Maraming maaaring ipakahulugan sa salitang sining. Bawat tao ay may kanya-kanyang pagpapakahulugan dito. Maaaring ang sining sa akin ay hindi sining para sa iba. Ikaw? Tiyak kong mayroon ka ring sariling kahulugan ng salitang sining. Ang sining ay produkto ng malikhaing pag-iisip ng tao. Ipinahahayag niya ang kanyang damdamin o kaisipan sa naiibang paraan. Nasasabi niya ang kanyang nais ipahayag sa paraang naiiba at masining. Tulad ng mga larawan sa itaas, bawat larangang ito ay itinuturing na sining. Sa pamamagitan nito, nakalilikha ang tao ng mabubuting bagay na nakapagbibigay-lugod at saya sa ibang tao. Nagagamit niya ang sining sa pagpapahayag ng kanyang damdamin sa paarang hindi ginagawa ng maraming tao.
  • 212.
    23 Ang pagsulat ayisa ring uri ng sining. Sa pagsulat ng mga malikhaing akda tulad ng talambuhay, mahalagang magtaglay din ito ng kasiningan. Ngunit tandaan mong kailangang mangibabaw pa rin ang katotohanan ng akda sa pagtalakay sa buhay ng isang taong isusulat. Halimbawa: Alin sa dalawang pahayag ang masining? 1. Nagtipid siya sa Maynila. 2. Naghigpit siya ng sinturon sa Maynila. Kung ang iyong pinili ay ang ikalawang bilang, tama ka. Mas nagtataglay ng kasiningan ang ikawalang pahayag kung kaya’t magandang gamitin ito. Isa pang halimbawa: Bilugan ang pahayag na nagtataglay ng kasiningan. 1. Nagsunog siya ng kilay upang matuwa ang kanyang tatay. 2. Nag-aral siyang mabuti upang matuwa ang kanyang tatay. Kung ang iyong binilugan ay ang ikalawang bilang, tama ka. Mas masining ang ikalawang pahayag dahil hindi nito direktang sinasabi ang gustong sabihin. Pinag-iisip nito ang mga mambabasa. Ang kasiningan ng isang talambuhay ay hindi lamang maipapakita sa pamamagitan ng matatalinghagang pahayag, kundi sa kung paano ito nabuo. Sa nagdaang sub-aralin ay napag-aralan mo na ang tungkol sa paggawa ng balangkas, hindi ba? Maipapakita rin ang kasiningan ng talambuhay sa kung paano ito binuo ng awtor. Halimbawa: Maaari mong simulan ang iyong isusulat na talambuhay sa pamamagitan ng isang kawikaan tulad ng ng mga sumusunod: Ang taong tumatakbo nang matulin, kung matinik ay malalim. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.
  • 213.
    24 Siguruhin mo lamangna ang kawikaan na iyong gagamitin ay may malaking kaugnayan sa taong isusulat mo ang talambuhay. Maaari mo ring simulan ang talambuhay sa pamamagitan ng direktang pahayag ng mismong gagawan mo ng talambuhay o kaya’y ng isang kinikilala, tulad halimbawa: Maaari ring mga linya mula sa isang sikat na awitin: Ako’y isang pinoy sa puso’t diwa Pinoy na isinilang sa ating bansa Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga Ako’y pinoy na mayroong sariling wika. - Ako’y Pinoy, Florante O kaya’y isang bahagi ng balitang nabasa mo sa dyaryo: Ilang araw na ang nakalilipas nang makahanap ang mga residente ng mga piraso ng ginto sa ilalim ng Felix Brigde sa Brgy. Del Monte sa balita ay dagling sumugod ang daan-daang mga residente sa ilog na tinatambakan ng basura. - Libre, Oktubre 5, 2004 Ang paggamit ng mga ito sa simula ng talambuhay ay makatutulong upang maging masining ang isinusulat na talambuhay. Ngunit tandaan na kailangan itong may kinalaman o kaugnayan sa paksa at maging sa taong ginagawan ng talambuhay. Huwag din kalilimutang isama kung saan kinuha o kung sino ang nagsabi ng kinuhang pahayag. “Maano kung tayo ay mamatay sa gitna o sa katapusan ng ating matinik na paglalakbay? Hindi tayo masisising kabataang hahalili sa tin. At sa halip nito ay mga luha ng pagmamahal at pasasalmat ang ididilig nila sa ating mga libingan.” - Apolinario Mabini
  • 214.
    25 Linangin Basahing mabuti angsusunod na talambuhay na aking isinulat. Pag-aralan kung paano ko ito sinimulan at winakasan. Masasabi mo bang epektibo ang ganitong istilo sa pagsulat ng talambuhay? Bakit? Pangarap na Natupad ni Genaro R. Gojo Cruz "Nagbagong-hugis ang PNU nang magsimulang manungkulan si Dr. Nilo Rosas bilang pangulo. Nakipagpalagayang-loob muna siya sa mga guro, estudyante, kawani at staff. Mula sa pagbabagong-bihis ng pasilidad hanggang sa mga bagong proyektong pang-akademiko ay natatangi ang kanyang nagawa. Ang hindi ko malilimutan kay Sir ay ang pagdalaw niya sa mga retiradong propesor ng PNU na naging propesor niya. Nakatataba ng puso dahil sabi niya, kundi dahil sa mga propesor niya ay wala siya sa kinalalagyan niya ngayon." Pat V. Villafuerte NAGSIMULA ang lahat sa isang pangarap. At ang mga pangarap na ito'y unti- unting natupad dahil sa ipinamalas niyang sipag at tiyaga sa pag-aaral, maging sa anumang tungkuling kanyang gampanan. Ito ang kuwento ni dating Education Undersecretary Nilo L. Rosas na ngayon ay presidente ng Philippine Normal University (PNU), isa sa mga pangunahing unibersidad sa Pilipinas na humuhubog ng mga magagaling na guro ng ating bansa. Tubong Torrijos, Marinduque, si Dr. Rosas ay panganay sa pitong magkakapatid. Naniniwala si Dr. Rosas na ang pagkakaroon ng wastong edukasyon ang makapag-aahon sa kahirapan ng isang tao. Sabi niya, hindi niya gaanong na-enjoy ang kanyang buhay bata dahil wala siyang oras sa paglalaro. Ang kanyang oras ay ibinuhos niya sa pag-aaral at pagtulong sa kanyang mga magulang. Kuwento ni Dr. Rosas, "Laki ako sa hirap. Grade 6 lang ang natapos ng nanay ko at ang tatay ko naman ay second year hayskul lang. Nagtitinda ng kakanin ang aking Nanay sa eskwelahan na pinapasukan ko at ang tatay ko ay janitor. Ang struggle ko sa buhay noon ang naging inspirasyon ko upang magsikap sa buhay." Pangarap niya noon ang makatapos ng pag-aaral at bumalik sa Marinduque upang maging isang simpleng guro. Ngunit kailangan niyang maglagi sa Maynila at maghanap ng mabuting trabaho upang matulungan ang kanyang pamilya.
  • 215.
    26 Nang makatapos siya,tinulungan niya ang kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagtulong sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Ipinagmamalaki si Dr. Rosas ng kanyang mga kapatid dahil nakatapos din ang mga ito tulad niya. Hindi naman siya nabigo dahil ngayon ay may kapatid na siyang doktor, engineer, Board Member ng Marinduque at Director ng isang nursing service sa US. Nagtapos si Dr. Nilo L. Rosas ng kursong BSE Education, magna cum laude sa Philippine Normal College (PNC). Bilang isang mag-aaral noon ng PNC, isa siyang aktibong lider at iskolar kung kaya't natanggap din niya ang Jose Rizal Leadership Award. Pagkatapos niyang magretiro sa gobyeno noong June 2000, naging Visiting Scholar at Lecturer siya sa Department of International and Transcultural Studies at sa Department of Curriculum and Teaching sa Teachers College sa Columbia University sa New York. Dito niya natamo ang kanyang Ph. D. in Teacher Education. Bilang ikawalong presidente ng PNU, nais ni Dr. Rosas na lalong iangat ang kalidad ng pagtuturo rito. Ayon kay Mrs. Ibarra, appointment Secretary ni Dr. Rosas, "In general, mabait siya sa lahat ng bagay. Magalang ang pakikitungo niya sa bawat isa at napakasipag ni Sir." Marahil, sasabihin mong epektibo ang simula at wakas ng talambuhay dahil sinimulan ito ng pahayag mula sa ibang tao ukol sa taong ginawan ng talambuhay. Ang mga pahayag ay nakatulong upang ganap na makilala ng mambabasa ang taong ginawan ng talambuhay. Gawin ang mga susunod na gawain sa GAMITIN. Gamitin Isulat sa hiwalay na papel ang ginamit na panimula at pangwakas sa talambuhay na iyong binabasa. Magbigay ng maikling reaksyon ukol sa simula at wakas ng talambuhay. Nakatulong ba ang ganitong istilo upang maging masining ang talambuhay? Bakit? Kung ikaw ang susulat na talambuhay na ito, anong salawikain/kasabihan sa ibaba ang iyong pipiliin gamitin:
  • 216.
    27 1. Kung pukulinka ng bato, tinapay ang iganti mo. 2. Hangga't makitid ang kumot, magtiis mamaluktot. 3. Tikatikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw. 4. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. 5. Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman. 6. Ang nauuna ay nagsisisi, nagkukumamot ang nahuhuli. 7. Ang pagkakataon sa buhay ay madalang dumating. Kapag narito na, ating samantalahin. Kung ang iyong itinugon ay ang mga bilang 2, 5, at 7, ay tama ka. Ang mga salawikain/kasabihan na ito ay may malaking kaugnayan sa talambuhay na iyong binasa. Kung gagamitin mo ang mga ito, makadaragdag ito ng kasiningan sa akda. Alin naman ang gagamitin mong pangwakas ng talambuhay kung ikaw ang susulat nito. Pumili sa mga sumusunod: 1. Kasalanan bang Humingi ako sa langit ng Isang himala? Pangarap ko'y Liwanag ng umaga Naglalambing Sa iyong mga mata - Himala, Rivermaya 2. Marami ang tao at kakaunti ang pagkain. Ito ang malinaw na nakikita. Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong magugutom. Kung ganoon, dapat na magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para mapigil ang pagdami ng mga tao. - Editoryal, Pilipino Star Ngayon 10/07/2004
  • 217.
    28 3. “Kailangan ko angbawat Pilipino upang magkaisa, makiisa at isa-isang lunasan ang mga sugat ng kahapon. Kailangan ko ang bawat Pilipino upang lumakas ang sambayanan para sa mga hamon ng bukas.” - Pang. Gloria Macapagal-Arroyo Kung ang iyong napili ay ang bilang 3, ay tama ka. Ang ikatlong bilang ay may malaking kinalaman sa talambuhay na iyong binasa. Kung isasama mo ito bilang pangwakas ng talambuhay, masasabing ang kagalingan ng taong ginawan ng talambuhay ay pagsunod sa panagawan ng ating pangulo na kailangang tumupad ang mga Pilipino sa kani-kanilang tungkulin upang makayanang lagpasan ang mga hamon ng bukas. Ang taong ginawan ng talambuhay ay katuwang ng ating pamahalaan sa mga mabubuting misyon nito para sa sambayanan. Lagumin Sa sub-araling ito, iyong natutunan ang mga katangiang dapat taglayin ng isang masining na talambuhay. Tulad ng ibang uri ng sining, ay pagsulat ay isa ring sining dahil ginagamit ng awtor ang kanyang malikhaing isip upang maipahayag ang kanyang damdamin o kaisipan sa paraan hindi ginagawa o naiisip ng ibang karaniwang tao. Iyo rin nalaman ang iba’t ibang paraan kung paano maaaring simulan at wakasan ang isinusulat na talambuhay upang lalo itong magtaglay ng kasiningan. Maaaring mong simulan at wakasan ang isinusulat na talambuhay sa pamamagitan ng salawikain/kasabihan, ilang linya mula sa mga awitin, balitang nabasa, o magagandang sinabi ng ibang tao. Ngunit dapat lamang na siguruhin na may malaking maitutulong ang mga ito kung isasama sa talambuhay na isinusulat. Ngayong may sapat ka ng kaalaman ukol sa pagsulat ng talambuhay, tiyak na makasusulat ka na ng talambuhay ng ibang tao. Ngunit bago mo gawin ito, may inihanda akong gawain para sa iyo. Ito ay unang hakbang na makatutulong sa iyo sa pagsulat ng talambuhay. Gawin mo muna ang gawain sa SUBUKIN bago puntahan ang gawain sa PAUNLARIN. Ang gawain sa SUBUKIN ay makatutulong sa iyo upang magawa mo ang gawain sa PAUNLARIN. Subukin Panuto: Gayahin ang pormularyo sa ibaba at saka pasagutan sa iyong kaklase na gusto mong gawan ng talambuhay. Maaari mo ring dagdagan ang nasa pormularyo kung may mga detalye o impormasyong nais mo maisama sa iyong isusulat na talambuhay.
  • 218.
    29 Pangalan : ___________________________________________________ Petsaat Lugar ng Kapanganakan: ___________________________________________________ Mga Magulang : ___________________________________________________ Pang-ilan sa Magkakapatid : ___________________________________________________ Pagpapakilala sa Sarili a. Pamilya _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ b. Eskwelahan _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ c. Talento/ ______________________________________________________________________ Parangal ______________________________________________________________________ d. Mga ______________________________________________________________________ Karanasang ______________________________________________________________________ Di Malili- ______________________________________________________________________ mutan ______________________________________________________________________ e. Paniniwala _______________________________________________________________________ sa Buhay _______________________________________________________________________
  • 219.
    30 Pagkatapos mong mapasagutanang pormularyo sa iyong kaklase, simulan mo na ang pagsulat ng kanyang talambuhay sa isa pang hiwalay na papel. Siguraduhin mong tama ang mga detalye o impormasyon na kinopya mo mula sa pormularyo. Kung minsan kasi, dahil sa kawalan ng ingat ng awtor, nagkakaroon ng kamalian sa mga detalye o impormasyon tungkol sa taong ginagawan ng talambuhay. Kung kaya upang maiwasan ito, maging maingat. Kung may kalabuan ang sagot, tanungin mo muli ang iyong kaklase upang matiyak ang kawastuan nito. Bukod dito, maaari kang pumili ng mga salawikain/kasabihan sa ibaba upang lalo mong mapaganda ang iyong isusulat na talambuhay. Siguruhin lamang na may kinalaman o kaugnayan ito sa iyong kaklase o sa kanyang buhay. 1. Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago; mabuti pa ang bahay kubo ang nakatira ay tao. 2. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. 3. Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw. 4. Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot. 5. Ang mababa ay maganda, may dangal at puri pa. 6. Ang kalusugan ay kayamanan. 7. Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit. 8. Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo. Pagkatapos mong maisulat ang talambuhay, ipabasa ito sa iyong kaklase. Hingan siya ng mga komento ukol sa iyong akda. Kung mayroon siyang mga komento, ikonsidera mo ang mga ito sa susunod na pagsulat mo ng talambuhay. Makatutulong ito upang lalo mo pang mapakinis ang iyong kakayahan sa pagsulat. Kung may oras pa, hilingin mo sa iyong guro na payagan kang basahin ang talambuhay na isinulat mo sa harap ng inyong klase. Binabati kita sa iyong matagumpay na pagtupad sa mga kahilingan ng sub-aralin na ito. Hanggang sa susunod na aralin.
  • 220.
    31 Sub-Aralin 3: Pagiging Malikhainsa Pagsulat ng Talambuhay Bilang Isang Pasulat na Komunikasyon Layunin Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang nagagawa mo ang sumusunod: 1. Nakapagpapakita ng pagiging malikhain sa pagsulat ng talambuhay bilang isang pasulat na komunikasyon. 2. Napahahalagahan ang mga ambag ng manunulat na Pilipino. 3. Nakapagsasagawa ng interbyu sa isang taong nais gawan ng talambuhay. Alamin Usong-usong ngayon ang mga programa sa telebisyon na tumatalakay sa tunay na buhay ng mga kilalang tao o personalidad. Halimbawa nito ay ang programang Magpakailanman ng GMA 7 at ang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN. Linggu-linggo, iba’t ibang tao ang kanilang ipinakikilala sa atin. Patok na patok sa mga Pinoy ang mga ganitong palabas dahil sa pagtatangka nitong maipakita ang katotohanan at karanasan ng isang tao sa mga manonood. Kuhang-kuha ng mga palabas na ito ang interes ng mga manonood. Maituturing ding isang talambuhay ang palabas na ito ngunit sa ibang paraan nga lamang sinabi o inilahad sa tao. Ito ay sa pamamagitan ng telebisyon. Ngunit anuman ang gamiting midyum sa pagpapakilala ng tao at ng kanyang buhay, iisa ang layunin nito, ang makapaglahad ng katotohanan at makapagbigay ng aral sa iba. Bagamat aminin ko sa iyong may mga taong handang magbayad, gawan lamang ng talambuhay upang mapaganda o mapabango sila sa madla kahit iba sa totoong buhay ang kanilang ginagawa. Sa sub-aralin na ito, makikilala mo nang lubusan si Nick Joaquin, isang kinikilalang manunulat na Pilipino. Susulat ka rin ng talambuhay ng ibang tao mula sa labas ng iyong klasrum o eskwelahan. Ngunit bago mo isagawa ito, tatalakayin muna natin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng interbyu at paghahanda ng mga tanong.
  • 221.
    32 Isa muling matagumpayna pag-aaral sa iyo! NICK JOAQUIN, PAMBANSANG ALAGAD NG SINING ni Tony M. Maghirang Bihira ang hindi nakakakilala kay Nick Joaquin, ang premyadong manunulat sa likod ng maiikling kuwentong May Day Eve at Summer Solstice, ng tanyag na dulang “A Portrait of the Artist as Filipino” at ang nobelang “The Woman Who Had Two Navels”. Si Nick Joaquin ay ipinanganak sa Paco, Manila, noong May 4, 1947. Ang kanyang mga magulang ay sina Leocadio Joaquin, isang abogado at koronel ng Philippine Revolution at ang kanyang ina na si Salome Marquez, isang guro. Panahon ng batas militar nang tanghaling National Artist for Literature si Nick Joaquin noong 1976 at tinaguriang siyang pinakamaimpluwensyang manunulat ng ika-20 siglo. Maigting noon ang sensorsyip kaya tinanggap na lamang niya ang parangal nang pagbigyan ang kanyang kahilingang palayain ang isang kaibigang manunulat. Kahit nasa awdyens ang makapangyarihang mga Marcoses, walang takot niyang tinuligsa sa kanyang pagtanggap na pananalita ang paniniil sa freedom of expression. Nagsimulang magsulat si Joaquin ng mga tula, sanaysay at maikling kuwento taong 1934. Pagkatapos ng isang taon, ang una niyang obra ay lumabas sa Tribune habang nagtatrabaho bilang isang proofreader sa Taliba- Vanguardia-Tribune nang panahong iyon. Nagsulat din siya ng mga maiikling kwento para sa Philippine Free Press at Herald: Midweek Magazine. Pagkatapos ng digmaan, patuloy siyang nagsulat ng mga investigative reports sa Philippines Free Press sa pangalang mas kilala bilang Quijano de Manila. Taong 1957, nanalo siya ng isang fellowship grant mula sa Harper Publishing Company at habang nasa Amerika siya, sinulat niya ang award- winning na “The Woman Who had Two Navels” na nanalo ng unang Harry Stonehill Novel Award. Noong 1996, iginawad naman sa kanya ang Ramon Magsaysay Award for Literature bilang pagkilala sa 60 taon ng kanyang pagsulat ng mga sulating tumatalakay sa buhay ng mga Pilipino.
  • 222.
    33 Dito makikita nahindi elitista ang pagtingin ni Nick Joaquin sa pang- araw-araw na panulat o pamamahayag. Siya nga mismo ay sumulat ng maiikling akda tungkol sa peronalidad na tinatangkilik ng mga tinatawag na bakya crowd, gaya nina Nora Aunor, Erap Estrada at iba pang artista na may malaking gampanin sa buhay ng pangkaraniwang-Pinoy. Naging mamamahayag at editor siya ng Philippine Graphic nunit pinili niyang labanan ang pamunuan ng publikasyong ito at sumama sa piketlayn upang iprotesta ang mababang pasahod sa mga manggagawa. Ilan lamang ito sa masasabing pagkakaiba ni Nick sa ibang manunulat. Hindi siya mahilig sa rangya at sa mga pangaral. Mas masaya siya kung ang kanyang mga kausap ay ang mga karaniwang tao, tulad ng mga piyon, taxi drivers at mga obrero. Masang-masa siya. Kilala rin si Nick Joaquin sa kanyang pagkahilig sa pag-inom ng San Miguel Beer, isang katangian na hindi niya ikinahihiya. Hindi maikakailang isa si Nick Joaquin sa pinakamagaling na manunulat ng bansa. Nasasalamin sa kanyang panulat ang pagmamahal niya sa Maynila ng kanyang kabataan. Lagi’y nasasaling niya ang mga temang may kaugnayan sa kontradiksyon: babae at lalake, katotohanan at imahinasyon, panitikan at lipunan, noon at ngayon. May puwang pa kaya si Nick Joaquin sa kasalukuyang panahon? Ngayong usung-uso ang internet, e-mail, chat, at text, at kakaunti na lamang ang gustong magbasa. Mas gusto ng mga kabataan sa kasalukuyan ang mag- kompyuter, mag-Ragnarok o kaya ay mag-text. Masyadong mabilis ang panahon kung kaya itinuturing na ngayong makaluma ang kanyang mga akda. Ngunit sa mga nahihilig basahin ni Nick Joaquin, tiyak na nakikita nilang malaki ang ginagampanan ng mga akda sa pagkilala nila sa kanilang pagka- Pilipino. Sumakabilang buhay si Nick Joaquin noong Abril 29, 2004 sa edad na 86. Sa luksang-parangal na ibinigay sa kanya, imimungkahi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na bilang pag-alala kay Nick, magsama-sama ang lahat ng mga Pilipino upang bumuo ng isang lipunang nagpapahalaga sa ating mga kinikilalang bayani, sa mga manunulat at sa mga natatanging alagad ng sining. Dahil sila ang mga natatanging Pilipino na nagpapanatili at nagpapayabong ng ating kultura at pagka-Pilipino. (Pinagkunan: Tipong Pinoy, Vol. 1, No.5, p.4)
  • 223.
    34 Sa iyong palagay,ano kaya ang mga hakbang na isinagawa ng awtor ng talambuhay ni Nick Joaquin upang makakuha ng mga inpormasyon tungkol sa magaling na manunulat? Tama ka! Nagsaliksik ang awtor. Saan-saan kaya siya nagsaliksik? Kung ang naiisip mo ay sa aklatan, internet, at iba pang mga babasahin ay tama ka. Maging maingat sa pagkuha ng mga datos o impormasyon upang maiwasan ang pagkakamali. Ngunit kung buhay pa ang taong gustong gawan ng talambuhay, maaari kang magsagawa ng interbyu o panayam. Ano ba ang interbyu o panayam? Ito ay isang paraan ng pagkuha ng mga detalye o impormasyon sa isang tao na ginagawan mismo ng talambuhay. Sa pamamagitan nito, ikaw at ang taong gagawan ng talambuhay ay magkaharap na nag-uusap. Personal mong nakukuha ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya. Sa pagsasagawa ng interbyu, may mga hakbang na kailangan isakatuparan muna. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Dumating sa tamang oras na napagkasunduan. 2. Magdala ng bolpen at papel. Kung may tape recorder ay mas mabuti. 3. Isulat na sa isang papel ang mga tanong na nais itanong sa taong kakapanayanim. 4. Maging magaling sa pag-iinterbyu. 5. Magpasalamat pagkatapos ng interbyu. Paano ba inihahanda ang mga tanong para sa isang interbyu? Madali lamang. Kailangan nagmula muna sa mga tanong tungkol sa sarili, nakamit at mga karanasan sa buhay, pangarap o mga palano, patungo sa mahihirap na tanong tulad sa paniniwala o pilosopiya sa buhay, mga pagtingin sa mga isyu. Unahin mo muna ang mga tanong na kailangan sa talambuhay tulad buong pangalan, petsa at lugar kapanganakan, mga magulang, natapos at iba pa. Ihuli mo ang mga tanong na mahihirap, ito ay upang maihandang mabuti ang kinakapanayam. Nabanggit ko na sa sub-aralin na ito, ikaw ay mag-iinterbyu ng isang tao sa labas ng inyong klasrum o paaralan. Siya ay maaaring may katungkulan sa inyong lugar o simpleng mamamayan na may mabubuting at kapaki-pakinabang na gawain sa inyong pook. Ngunit bago mo siya puntahan at kapanayamin, aalalayan muna kitang gumawa ng mga tanong. Gawain ang pagsasanay sa LINANGIN.
  • 224.
    35 Linangin Panuto: Mag-isip ngisang tao na maaari mong kapanayamin upang gawan ng talambuhay. Tiyak na sa inyong lugar ay may mga kinikilalang personalidad o mamamayan o kaya’y mga pangkaraniwang tao na may naitutulong na malaki sa iba tao at sa lipunan. Kung nahihirapan kang mag-isip kung sino ang iyong kakapanayamin, tignan mo ang susunod na talaan ng mga taong maaari mong gawan ng talambuhay: 1. Isang amang nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo 2. Isang maliit negosyante sa inyong lugar na umunlad dahil sa pagsisikap 3. Isang dating service crew na nakatapos na ng pag-aaral sa kolehiyo 4. Isang dating valedictorian sa inyong paaralan na ngayo’y matagumpay na sa kanyang larangan 5. Isang kilalang modista sa inyong pook 6. Isang kinikilalang barangay tanod Kung natukoy mo na ang taong gusto mong kapanayamin upang gawan ng talambuhay, maghanda ka ng sampung (10) tanong para sa kanya. Ipakita mo muna sa iyong guro ang mga tanong na iyong ginawa. Tandaan na posibleng sa panahon ng panayam ay may mga tanong kang wala sa iyong inihanda na magandang maitanong. Ayos lang! Isulat ang mga tanong sa isang hiwalay na papel. Huwag kalilimutang dalhin ang mga tanong na ito sa araw na itinakda ang panayam. At siyempre, huwag na huwag mong kalilimutan ang magdala ng bolpen at papel, o kaya’y ng tape recorder kung mayroon. Maging maingat sa pagsusulat o pagtatala ng mga datos at impormasyong binabanggit ng kinakapanayam. Gamitin Pero bago mo puntahan ang taong nais mong kapanayamin. Iyo munang pag-aralan ang wastong pagtatanong. Pag-aralan ang tsart sa ibaba. Mga Ginagamit sa Pagtatanong Kaukulan o Gamit 1. Ano Ginagamit sa pagtatanong ng ngalan ng bagay o pangyayari. 2. Sino Ginagamit sa pagatatanong ng ngalan ng tao. 3. Ilan Ginagamit sa pagtatanong ng bilang.
  • 225.
    36 4. Saan Ginagamitsa pagtatanong ng pook. 5. Kanino Ginagamit sa pagtatanong ng ngalan ng tao 6. Kailan Ginagamit sa pagtatanong ng panahon 7. Gaano Ginagamit sa pagtatanong ng timbang o sukat 8. Paano Ginagamit sa pagtatanong ng paraan 9. Alin Ginagamit sa pagtatanong kung alin ang pipiliin 10. Bakit Ginagamit sa pagtatanong ng dahilan Panuto: Punan ng wastong panandang pananong ang mga sumusunod: 1. ______________ ang mga isinulat ni Nick Joaquin? 2. ______________ ipinanganak si Nick Joaquin? 3. ______________ ang mga magulang ni Nick Joaquin? 4. ______________ ang unang obra ni Nick Joaquin? 5 ______________ sinasabing naiiba si Nick Joaquin sa ibang manunulat? 6 ______________ tinanggap ni Nick Joaquin ang parangal bilang National Artist noong 1976? 7 ______________ ang mga tema/paksa na madalas talakayin ni Nick Joaquin sa kanyang mga akda? 8 ______________ sumakabilangbuhay si Nick Joaquin? 9 ______________ ipinakita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pakikiramay sa namayapang manunulat? 10 ______________ taon si Nick Joaquin nang pumanaw? Narito ang mga wastong sagot. 1. Ano 6. Bakit 2. Kailan/Saan 7. Ano 3. Sino 8. Kailan 4. Ano 9. Paano 5. Bakit 10. Ilan Kung ang iyong nakuha ay higit sa lima (5), maaari mo nang gawin puntahan ang LAGUMIN. Pero kung ang nakuha mo ay apat (4) pababa, pag-aralan mong muli ang tsart ukol sa wastong pagtatanong. Lagumin Sa sub-aralin na ito, iyong natutunan ang mga hakbang upang maging malikhain ang iyong isinusulat na talambuhay. Malaki ang maitutulong ng pananaliksik upang maging makatotohan ang iyong akda. Nalaman mo rin ang kahalagahan ng pagiging maingat sa mga datos at impormasyon. Tinalakay din natin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng interbyu sa isang taong nais gawan ng talambuhay. Kailangan ang pagiging handa at laging nasa oras sa panayam upang maiwasang makaabala sa taong hinihingan ng pabor.
  • 226.
    37 Natutunan mo rinang wastong pagtatanong. Kailangan itong magmula sa madadali patungo sa mahihirap na tanong. Ito ay upang maihanda at hindi mabigla ang taong tinatanong. Marahil, nasasabik ka nang sumulat. Subukin Ngayong hawak mo na ang mga datos o impormasyon, simulan mo na ang paggawa ng balangkas o outline. Isulat ang balangkas sa isang hiwalay na papel. Pag-isipan mo na rin kung paano mo sisimulan at wawakasan ang talambuhay na iyong isusulat. Maghanap ng babagay na salawikain sa taong iyong kinapanayam o maaari rin namang isang linya ng sikat na awitin. Alam kong taglay mo rin ang malikhaing-isip upang maging masining ang iyong akda. Marahil, nasasabik ka nang lagyan ng laman ang balangkas na iyong ginawa. Sige ito na ang panahon ng iyong pagsusulat. Paunlarin Ngayong kumpletong-kumpletong na ang lahat, maaari mo nang simulan ang pagsulat ng iyong talambuhay. Gamitin mo ang mga kasanayang iyong natutunan sa mga nagdaang sub-aralin upang maging masining ang iyong akda. Pagkatapos mong maisulat ang talambuhay, hilingin mo sa iyong guro na babasahin mo ito sa harap ng klase. Tulad uli ng dati, kung mayroong mga mungkahi ang mga iyong mga kaklase at guro sa iyong isinulat na talambuhay, gamitin mo ang mga ito. Makatutulong ito upang mapakinis mo pa ang iyong akda. Mas maganda rin kung bibigyan mo ng kopya ng iyong akda ang taong iyong kinapanayam. Tiyak kong matutuwa siyang mabasa ang iyong akda na iyong pinaghirapan. Binabati kita sa iyong matiyagang pag-aaral sa modyul na ito. Sagutin mo ang panghuling pagsusulit sa GAANO KA NA KAHUSAY? para matiyak natin ang iyong natutuhan sa aralin.
  • 227.
    38 Gaano ka nakahusay? I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pagbibigay-kahulugan. Piliin sa kahon ang letra ng salitang tumutukoy sa bawat isa. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot. 1. Tumatalakay ito sa kasaysayan o kuwento ng buhay ng isang tao. 2. Dalawang salitang pinanggalingan ng salitang talambuhay. 3. Talambuhay ng ibang tao 4. Talambuhay ng pansarili 5. Nagsisilbi itong pagtnubay sa pagsulat ng talambuhay. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga detalye o kaisipan. 6. Ito ay ang mga nagpapayaman at tumutulong upang maging makatotohanan ang isang talambuhay. 7. Ito ay isang hakbang upang makakuha ng mga impormasyon ukol sa isang taong nais gawan ng talambuhay kung siya ay nabubuhay pa. 8. Katumbas ng salitang talambuhay sa ingles. 9. Isang paraan ito upang mapakinis o mapaganda ang isinusulat na talambuhay. Kasama dito ang pagwawasto ng mga gamit ng salita at iba pa. 10. Ito ay produkto ng malikhaing-isip ng tao na kanyang ginagamit sa pagpapahayag ng kanyang kaisipan o damdamin. tala at buhay talambuhay biography interbyu autobiography sining impormasyon balangkas detalye pormularyo tape recorder rebisyon
  • 228.
    39 II. Punan ngwastong tandang pananong ang mga sumusunod: 1. ______________ ang mga talento ni Marcelo H. del Pilar? 2. ______________ nais ni del Pilar na magtatag ng mga paaralan? 3. ______________ ginamit ni del Pilar ang La Solidaridad bilang tagapangasiwa? 4. ______________ nabigo ang balak na pagbabalik ni del Pilar sa Pilipinas? 5. ______________ pumanaw si del Pilar? 6. ______________ hinubog ni Napoleon Abueva ang iskultura niyang Kaganapan at Mother & Child? 7. _____________ naiiba ang iskultura ni Abueva sa kanyang titser na si Guillermo Tolentino? 8. ______________ kalupit ang dinanas ng pamilya ni Abueva sa panahon ng pananakop ng mga Hapon? 9. ______________ ang mga magulang ni Abueva? 10. _____________ makikita ang mga obra ni Abueva? Pagkatapos mong masagutan ang pagsusulit, hingin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Ihambing ang iyong mga kasagutan. Kung ang iyong nakuha sa pagsusulit ay 10 pataas, maaari mo ng gawin ang susunod na modyul. Kung ang iyong nakuha naman ay 9 pababa, iminumungkahi kong balikan mo ang ilan sa mga sub-aralin sa modyul na ito. Maraming salamat kaibigan!
  • 229.
    40 Modyul 5 Pagsulat ngTalambuhay Ano na ba ang alam mo? 1. talambuhay 2. tala at buhay 3. biography 4. autobiography 5. balangkas 6. detalye/impormarsyon 7. interbyu 8. biography 9. rebisyon 10. sining Gaano ka na kahusay? I. II. 1. talambuhay 1. Ano 2. tala at buhay 2. Bakit 3. biography 3. Paano 4. autobiography 4. Bakit 5. balangkas 5. Kailan 6. detalye/impormasyon 6. Saan/Paano 7. interbyu 7. Paano 8. biography 8. Gaano 9. rebisyon 9. Sino 10. sining 10. Saan Susi sa Pagwawasto
  • 230.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 6 Ang Tatlong Prinsipe at ang Mahiwagang Ibon
  • 231.
    2 Modyul 6 Ang TatlongPrinsipe at ang Mahiwagang Ibon Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Mahal kong estudyante, tiyak, marami ka nang nabasa at napag-aralang tula, kwento, sanaysay at nobela. Tiyak din, may alam ka tungkol sa mga superheroes, tulad nina Batman, Superman, Catwoman, Darna at iba pa – mga bayaning may kapangyarihang supernatural, o nakagagawa ng mga kababalaghang di kayang gawin ng mga ordinaryong tao tulad mo. Lumawak ba ang karanasan mo sa pagbabasa tungkol sa mga pakikipagsapalaran nila? Gumalaw ba ang imahinasyon at nakalipad ka sa ere kasama nila? Kung gayon, halika, hayaang dalhin ka sa makulay na daigdig ng awit ng Adarna at ng pag- ibig ng tatlong magkakapatid na prinsipe. Sa tulong ng modyul na ito, gisingin mo ang haraya o imahinasyon at makinig sa awit ng mahiwagang Ibong Adarna. Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang unang bahagi ng koridong Ibong Adarna. Ang korido ay mahabang tulang pasalaysay tungkol sa mga pakikipagsapalarang hindi nagaganap sa tunay na buhay pero nabibigyang buhay ng mayamang imahinasyon. Ano ang Matututunan Mo? Ang kwento tungkol sa mahiwagang ibon at sa tatlong mararangal na prinsipe ay magiging daluyan ng mga kasanayang inaasahang matatamo sa modyul na ito. Inaasahang matututuhan mo sa modyul na ito na makilala ang korido at masuri ang Ibong Adarna batay sa mga tiyak na katangian at pamantayan tulad ng sukat at tugma. Narito ang mga tiyak na kasanayang inaasahang matatamo sa modyul:
  • 232.
    3 1. Nakikila atnasusuri ang korido at ang mga katangian nito 2. Nakabubuo ng mga patunay sa tulong ng mga tiyak na bahaging: a. naglalarawan ng tauhan at pag-uugali ng tao (masama o mabuti) b. nagsasalaysay ng kanilang mga pakikipagsapalaran 3. Nakapagsusuri nang kritikal sa tulong ng mga tiyak na bahaging nagpapakita ng: a. sanhi at bunga kaugnay ng mga pangyayari at kinahinatnan b. pakay at motibo ng bawat tauhan c. mga paniniwalang inilahad O, hindi mahirap iyan. Kayang-kaya mo basta’t hakbang-hakbang mong susundan ang bawat bahagi ng modyul. Huwag kang mag-alala. Nasa sarili mong mga kamay ang bilis o bagal ng pag-unlad mong matamo ang mga kasanayang inaasahan sa iyo. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing mabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto.
  • 233.
    4 6. Bigyang-halaga mosana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. Ano na ba ang alam mo? Nabasa mo na ba ang Ibong Adarna? O marahil ay may narinig ka nang kwento tungkol sa isang mahiwagang ibon na ang awit ay nakapagpapagaling ng maysakit. Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ng nilalaman ng modyul na ito. Tandaan: Hindi mo susulatan ang modyul. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali. 1. Ang korido ay maikling tulang pasalaysay. 2. Ang korido ay tulang may sukat at tugma. 3. Ang korido ay tungkol sa pakikipagsapalarang posibleng maganap sa tunay na buhay. 4. Kapag sinabing may sukat ang tula, pare-pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. 5. Sinasabing di tiyak ang sukat ng tula kapag hindi pare-pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. 6. Magkatugma ang mga salitang pusa at puso dahil parehong may impit na tunog sa dulo. 7. Ang mga tauhan sa isang korido ay karaniwang mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa at iba pang mga mahal na tao. 8. Magkatugma ang mga salitang lawiswis at pagaspas dahil parehong s ang dulong tunog. 9. Magkakatugma ang mga salitang taksil, sutil at bilbil. 10. Ang Ibong Adarna ay isang korido.
  • 234.
    5 B. Isulat sasagutang papel ang tamang salita sa mga patlang. Piliin ang sagot sa mga salitang nakakulong sa parentesis. 1. Tatlong magkakapatid ang tauhan sa Ibong Adarna. Ang bida ay ang _______ (panganay, pangalawa, bunso). 2. Ang paborito ng amang hari ay ang _______(panganay, pangalawa, bunso). 3. Sa paghahanap sa mahiwagang ibon, ang nagtagumpay ay ang _________ (panganay, pangalawa, bunso). 4. Dalawa sa tatlong magkakapatid ang naging bato. Sila ay ang __________(panganay at pangalawa, panganay at bunso, pangalawa at bunso). 5. Ang bunsong prinsipe ay nagtagumpay dahil laging siyang nananalangin at humihingi ng gabay at patnubay sa __________ (Mahal na Birhen, Panginoong Hesukristo, San Jose). 6. Nakatulong sa bunsong prinsipe ang isang _________ (matandang lalaki, matandang babae, munting bata). 7. Naging bato ang dalawang nakatatandang kapatid dahil napatakan sila ng _______ (dumi, laway, balahibo) ng Ibong Adarna. 8. Nang magkasakit ang Hari, ang tanging lunas ay ang _____ (laway, awit, itlog) ng Ibong Adarna. 9. Hindi nakasabay sa pag-uwi ng mga kapatid ang bunso dahil ___________ (binugbog siya ng 2 kapatid, binugbog siya ng mga magnanakaw, binugbog siya ng taong bayan). 10. Nang makauwi na ang bunso at umawit na ang Adarna, ang Hari ay biglang _______ (gumaling, naglubha, namatay). C. Basahin ang ilang piling saknong at piliin sa mga salita sa ibaba ang katangiang ipinapahayag sa bawat saknong. 47 Si Don Pedro’y tumalima sa utos ng Haring ama, iginayak kapagdaka kabayong sasakyan niya. (a) masunurin (b) mapagpakumbaba (c) matulin
  • 235.
    6 146 Sa lalagya’ydinukot na yaong tinapay na dala, iniabot nang masaya sa matandang nagdurusa (a) mapagkawanggawa (b) maramot (c) masayahin 231 Nang sila ay magpaalam ay lumuhod si Don Juan hiniling na bendisyunan ng Ermitanyong marangal. Ang bendisyon ay: (a ) patnubay ng matanda (b) pagluhod sa matanda (c) paghiling sa matanda 290 “Sa akin po ay ano na sinadlak man nga sa dusa, kung may daan pang magkita pag-ibig ko’y kanila pa.” (a) mapagpatawad (b) malilimutin (c) matampuhin 394 “Malaki man po ang sala sa aki’y nagawa nila, yaon po ay natapos na’t dapat kaming magkasama.” (a) mapagtanim ng galit (b) mapagpahalaga sa pagsasama ng magkakapatid (c) mapag-isip ng masama sa kapatid D. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Alin ang sanhi at alin ang bunga sa dalawang pangyayaring inilalahad sa bawat pangungusap? 1. Pagod si Don Pedro kaya nakatulog agad. Sanhi _________________ Bunga ______________ 2. Di nakalilimot humingi ng patnubay si Don Juan kaya laging may tumutulong sa kanya.
  • 236.
    7 Sanhi ________________ Bunga________________ 3. Ayaw umawit ng Ibong Adarna, kasi’y di nakasama sa pag-uwi sa Berbanya ang tunay na nakahuli sa kanya. Sanhi _______________ Bunga _________________ 4. Mainggitin si Don Pedro kaya siya nag-isip ng masama laban sa sariling kapatid. Sanhi _______________ Bunga _________________ 5. Gumaling ang hari nang marinig ang awit ng Ibong Adarna. Sanhi _______________ Bunga _________________ 6. S18 T1-2: “Sa pag-ibig ng magulang/ mga anak ay dumangal.” Sanhi_______________ Bunga _____________________ E. Anong paniniwala ang inilalahad sa sumusunod na mga saknong: 19 May paniwala ang ama na di ngayo’t Hari siya, maging mangmang man ang bunga sa kutya ay ligtas sila. a. kapag anak ng hari, igagalang kahit hindi nakapag-aral b. kahit anak ng hari ay kailangang mag-aral c. kapag anak ng hari ay ligtas sa pagkutya 20 Alam niyang itong tao kahit puno’t maginoo kapag hungkag din ang ulo batong agnas sa palasyo. a. mahalaga ang may mataas na pinag-aralan ang mga namumuno ng kaharian b. mahalagang walang laman ang ulo ng mga namumuno c. mahalaga ang maging puno’t maginoo 30 Ngunit itong ating buhay talinghagang di malaman matulog ka nang mahusay magigising nang may lumbay.
  • 237.
    8 a. isang palaisipanang buhay b. kapag masaya kang natulog, may problema paggising mo c. paggising mo ay laging may problema Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kung nakakuha ka ng 28 pataas, di mo na kailangang pag-aralan ang modyul na ito. Maaari ka nang magpatuloy sa Modyul 7. Pero kung wala pang 28 ang nasagutan mo nang tama, kailangan mo ang modyul na ito. Mga Gawain sa Pagkatuto Sub-Aralin 1 Ang Korido at ang mga Katangian Nito Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang nakikilala at nasusuri mo ang korido at ang mga katangian nito. Alamin Nabanggit na sa unahan ng modyul ang korido. Natatandaan mo pa ba kung ano na ang nabanggit tungkol sa korido? Tama. Ito ay mahabang tulang pasalaysay. May iba pa kayang katangian ang korido? Ipagpatuloy mo ang pagbasa upang malaman ang sagot. Narito ang iba pang mga katangian ng korido: 1. May sukat at tugma. Sinasabing may sukat ang tula kung pare-pareho ang bilang ng pantig ng mga salitang bumubuo sa bawat taludtod o linya ng tula. Bilangin mo nga ang mga pantig sa unang saknong ng Ibong Adarna:
  • 238.
    9 O Birheng kaibig-ibig Inanaming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa layo’y di malihis. Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod? Walo, di ba? Pare-parehong walo ang pantig sa bawat taludtod. Kapag korido ang pinag-uusapan, laging walong pantig mayroon sa bawat taludtod. May tugma naman kung ang mga dulong salita sa bawat taludtod ay magkakapareho ng tunog. Balikan mo ang saknong sa itaas. Ano ang mga salita sa dulo ng bawat taludtod? Di ba kaibig- ibig, langit, isip at malihis? Ano ang dulong tunog? Di ba g, t, p at s? Magkakatugma ang mga katinig na iyan. Pero pansinin mo rin na ang patinig bago ang mga dulong tunog na nabanggit ay pawang i. Kung hindi magkapareho ang huling patinig, hindi masasabing magkatugma ang dalawang salita. May iba pa bang katangian ang korido? Mayroon pa. Magpatuloy ka. 1. Ito’y sadyang para basahin, hindi awitin 2. Kapag inawit, mabilis ang himig o allegro. Ito ay dahil maiikli ang mga taludtod; wawaluhing pantig lamang. 3. Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural, o may kakayahang magsagawa ng mga kababalaghang di kayang gawin ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok sa isang magdamag lamang 4. Malayong maganap sa tunay na buhay ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan. Ang Ibong Adarna ang itinuturing na pinakapopular na korido. Ayon kay Pura Santillan- Castrence (Publikasyon Blg. 26, Surian ng Wikang Pambansa, 1940), ang kwento ng mahiwagang ibong ito ay maaaring hinango sa mga kwentong bayan ng ibang bansa, gaya ng Germany, Denmark, Romania, Finland, Indonesia at iba pa. Kung mayroon kang mapa ng daigdig, pwede mong tingnan ang lokasyon ng mga bansang ito. Sa palagay mo, ginaya nga lamang kaya sa ibang bansa ang kwento tungkol sa mahiwagang ibon? Maaaring oo, maaari rin namang hindi. Isa lamang iyan sa mga pananaw kaugnay ng Ibong Adarna. May iba pang pananaw. Sinasabi naman ng mga foklorista na ang mga kwentong bayan, saan mang dako ng daigdig, ay sadyang may pagkakahawig, may iisang motif o sinusunod na balangkas. Gayon man, nagkakaiba ang mga ito sa mga detalye. Bakit? Nahulaan mo. Siguro, dahil sa kultura at mga halagahan ng partikular na bansang bumuo nito, di ba?
  • 239.
    10 Samakatwid, kahit mgaprinsipe at prinsesa mula sa malalayong bayan ang mga bida sa korido, kitang-kita pa rin sa mga kilos, pananalita at paniniwala ang kanilang pagka-Pilipino. Mapapatunayan mo ito sa pag-aaral ng Ibong Adarna. Ang Ibong Adarna ay may 1717 saknong. Hinati ito sa apat na bahagi. Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang unang bahagi. Narito ang buod ng unang bahagi ng Ibong Adarna: Ang ganda ng kwento, di ba? Unang bahagi pa lamang iyan. Napaglalaro mo ba sa isip ang larawan ng tatlong prinsipe? Aling talata ang nagpapakilala sa mga pangunahing tauhan? Tama, ang unang talata. Ano na nga ang mga pangalan nila? Don Pedro, Don Diego at Don Juan, di ba? May problemang dumating sa kaharian. Ano ito? Kung ang sagot mo ay ang pagkakasakit ng hari, tama ka. Ano naman daw ang solusyon? Kailangan daw hulihin ang mahiwagang Ibong Adarna! Nailalarawan mo ba sa isip ang hirap na dinanas ng tatlong prinsipe para lamang magtagumpay sa kanilang misyon? Alam mo ba kung ano lamang ang sasakyan nang mga panahong iyon? Tama ka. Kabayo. Tatlong prinsipe ang mga anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana ng Berbanya: sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Isang masamang panaginip ang nagbunga ng malubhang pagkakasakit ng hari, na ang tanging lunas ay ang awit ng mahiwagang Ibong Adarna. Unang naghanap sa ibon ang panganay na si Don Pedro at pagkaraan ay ang pangalawang si Don Diego. Kapwa sila naging bato. Nang ang bunsong si Don Juan naman ang naghanap, dalawang matanda ang nakatulong upang mahuli nito ang ibon at maging taong muli ang dalawang kapatid. Nang pauwi na sila, binugbog ng dalawang kapatid si Don Juan at iniwan itong hindi makabangon. Pagdating sa kaharian, tumangging umawit ang Adarna, na naging isang napakapangit na ibon. Samantala, isang matanda ang tumulong kay Don Juan kaya ito gumaling at nakauwi. Pagdating niya sa palasyo, inawit ng ibon ang naging pagtataksil ng nakatatandang mga kapatid. Nakiusap si Don Juan na patawarin ng hari ang dalawa. Mula noon, gabi-gabing pinabantayan ng hari ang ibon sa tatlong anak na halinhinan sa pagbabantay.
  • 240.
    11 Para mas mapahalagahanmo ang koridong pinag-aaralan, basahin ang ilang tiyak na saknong sa ibaba. Sa pagtukoy sa mga saknong, gagamitin ang S upang katawanin ang salitang Saknong at ang T naman para sa Taludtod. Kaya kapag nabasa mo ang S1 T2, ang tinutukoy nito ay ang Saknong 1 Taludtod 2. Ang simula ng korido. May paraan ng pagsisimula ang isang korido. Mahulaan mo kaya kung paano sinisimulan ang korido? Tama. Sa isang panawagan o sa isang paghahandog, na karaniwan ay sa isang patrong pintakasi. Mayroon bang patrong pintakasi sa inyong lugar? Sa koridong ito, sino kaya ang patrong pinipintakasi? Magpatuloy ka ng pagbasa. Basahing muli ang unang saknong. 1 O, Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa iyo’y di malihis. Kanino nananawagan ang makata? Di ba sa Birhen? Si Birheng Maria na ina ng lahat ang tinatawagan ng makata. Ano naman ang ipinapahayag ng mga kasunod na saknong? 2 Ako’y isang hamak lamang taong lupa ang katawan, mahina ang kaisipan at maulap ang pananaw. 3 Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay pahidwa. 4 Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa baka kung mapalaot na ang mamangka’y di makaya. Ano ang mga ideang ipinapahayag sa mga saknong sa itaas? Kung ang sagot mo ay (a) pagpapakumbaba at (b) pagmaliit sa sariling kakayahan, tama ka. Sinasabi sa mga saknong 2-4 na kailangan ng makata ng pamamatnubay upang hindi siya magkamali sa pagsasalaysay. Magpatuloy ka.
  • 241.
    12 5 Kaya, Inangmatangkakal, ako’y iyong patnubayan, nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay. Bigyang pansin ang Birheng kaibig-ibig sa S1, at ang Inang matangkakal sa S5. Dalawang magkaibang patron kaya sila? Tama ka, iisa lamang sila, na walang iba kundi ang Mahal na Birheng Maria. Batay sa binasa mong saknong, ano ang kahulugan ng salitang matangkakal? Kung di mo pa alam, ito’y nangangahulugang mapagtangkilik, o siyang nag-aalaga at laging pumapatnubay sa mga nilalang ng Diyos. Ganito ang karaniwang simula ng korido, ang paghingi ng makata ng patnubay sa Birhen upang di magkamali sa gagawing pagsasalaysay. Ideang relihiyoso ito, di ba? Karaniwan din na ang bidang nagtatagumpay sa pakikipagsapalaran ay iyong madasalin, di nakalilimot sa Diyos, at maawain sa kapwa. Bakit kaya ganito? Di ba panahon ng Kastila nang isinulat ang korido? Ano ang isa sa mga dahilan ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas? Kung ang sagot mo ay upang magpalaganap ng kaisipang Kristiyano, tama ka. Kaya nga ang korido at iba pang mga anyong pampanitikan nang panahon ng pananakop ng mga Kastila ay may temang relihiyoso. Sa palagay mo, pumapasok na ba rito ang kultura at halagahang una nang nabanggit na bahagi ng pagkakaiba-iba sa detalye ng mga kwentong bayan ng iba’t ibang bansa? Kung oo ang sagot mo, tama ka na naman. Kung hindi, suriin mong mabuti ang iyong sarili. Di ba bahagi ng kulturang Pilipino ang pagdarasal sa tuwi-tuwina, maging ang tinatawagan ay ang Panginoong Diyos, si Yahweh, o si Allah? Linangin Nabanggit na sa bahaging Alamin ang tungkol sa sukat at tugma. May karagdagan ka pa kayang kaalamang dapat ding matutuhan kaugnay pa rin ng sukat at tugma? May mga tanong sigurong nabubuo sa isip mo na ibig mong liwanagin. Para masagot ang mga tanong mo, basahin ang S12, na naglalarawan sa reyna ng Kahariang Berbanya:
  • 242.
    13 Kabiyak ng pusoniya ay si Donya Valeriana, ganda’y walang pangalawa’t sa bait ay uliran pa. Bigyang pansin ang T1. Ilang pantig ang nabilang mo? Pito lamang? Hindi, walo pa rin ang pantig sa taludtod na iyon. Kasi, ang salitang niya ay binibigkas noon na may dalawang pantig: ni-ya. Mabilis ang bigkas na ang diin ay nasa pangalawang pantig na YA. May ibang tula (hindi korido) na hindi pare-pareho ng bilang ng pantig ang mga taludtod. Sinasabing ito’y walang tiyak na sukat. Balikan mo naman ang tugma sa saknong ding nabanggit. Ano ang magkakatugmang tunog sa dulo ng bawat taludtod? A, di ba? Pero teka, di ba ang huling salita sa T3 ay pangalawa’t? Samakatwid ay t ang huling tunog? Ang pangalawa’t ay pinaikling pangalawa at. Ang itinuturing pa ring huling tunog ay a at di ang huling tunog ng idinagdag at pinaikling at. Maaaring magkakatugma ang lahat ng taludtod sa isang saknong – ito ang tinatawag na tugmaang a a a a. Ang halimbawa nito ay ang saknong sa itaas. Sa isang korido, ang tugmaan ay a a a a. Basahin naman ang halimbawa sa ibaba: “Sirena ng Pasig” 1. Umaawit ang sirena 2. sa pampang ng ilog Pasig. 3. Ang puso niya’y lumuluha 4. sa paglisan ng pag-ibig -- Aurora E. Batnag (Nilagyan ng mga bilang ang mga taludtod para lamang para kung alin ang tinutukoy.)
  • 243.
    14 Napansin mo baang magkakatugmang dulong salita: sirena (T1) at lumuluha (T 3)? Gayon din ang Pasig at pag-ibig (T2 at T4)? Samakatwid, anong mga taludtod ang magkakatugma sa saknong sa itaas? Di ba ang T1 at T3, T2 at T4? Kung ang magkatugma ay taludtod 1 at taludtod 3, taludtod 2 at taludtod 4, ang tugmaan ay a b a b. Balikan naman ang S3: Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay pahidwa. Ano namang mga tunog ang magkakatulad sa apat na taludtod sa itaas? Kung ang sagot mo ay a, tama ka. Ngunit pansinin mo rin na pawang may impit na tunog sa dulo ng makagawa, pasaliwa, ninanasa at pahidwa. Kung walang impit na tunog sa dulo, hindi katugma ng mga salitang nabanggit. Upang maging mas malinaw pa, balikan ang S4. Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa baka kung mapalaot na ang mamangka’y di makaya. Anu-ano ang dulong tunog? Di ba a rin ang huling tunog sa mga salitang pangangamba, mag-isa, na at makaya sa S4? Ngunit ang mga salitang ito ay hindi katugma ng mga dulong salita sa S3. Masasabi mo ba kung bakit? Tama. Dahil ang mga dulong salita sa S3 ay pawang may impit na tunog. Samakatwid, ang mga salitang may impit na tunog ay di katugma ng mga salitang walang impit na tunog. Maliwanag na ba? Kung oo, handa ka na sa susunod na gawain. Sige, magpatuloy ka. Pero kung di pa maliwanag sa iyo, balikan mo ang aralin. Gamitin Ngayon, ilalapat mo na ang mga natutuhan mo. 1. Sukat: Pagbilang ng mga pantig. Basahin ang ilang piling bahagi ng tula/awit sa ibaba. Bilangin ang pantig ng bawat taludtod. Isulat ang bilang ng bawat taludtod sa iyong sagutang papel.
  • 244.
    15 “Lupang Hinirang” 1. Bayangmagiliw 2. Perlas ng silanganan 3. Alab ng puso 4. Sa dibdib mo’y buhay 5. Lupang hinirang 6. Duyan ka ng magiting 7. Sa manlulupig 8. Di ka pasisiil Bahagi ng “Pambansang Awit” “Bayan Ko” 1. Ang bayan kong Pilipinas 2. Lupain ng ginto’t bulaklak 3. Pag-ibig ang sa kanyang palad 4. Nag-alay ng ganda’t dilag 5. At sa kanyang yumi at ganda 6. Dayuhan ay nahalina 7. Bayan ko, binihag ka 8. Nasadlak sa dusa Bahagi ng “Bayan Ko” ni Jose Corazon de Jesus 2. Tugma: Isulat din sa iyong sagutang papel ang huling tunog sa bawat taludtod. Pagkatapos mong maitala ang mga ito, isulat ang iyong pagsusuri kung may sukat at tugma ang tula/awit. Ano ang mga sagot mo? Katulad ba ng nasa ibaba? “Lupang Hinirang” – Ang bilang ng mga pantig ay: T1 – 5; T2 – 7; T3 – 5; T4 – 6; T5 -5; T6 – 7; T7 – 5; at T8 – 6. Ang mga dulong tunog ay: T1 – w; T2 – n; T3 – o; T4 – y; T5 - g; T6 – g; T7 - g; at T8 - l. “Bayan Ko” – Ang bilang ng mga pantig ay: T1 – 8; T2 – 9; T3 – 9; T4 – 8; T5 – 9; T6 -8; T7 – 7; at T8 – 6. Ang mga dulong tunog ay: T1 – s; T2 – k; T3 – d; T4 – g; T5 – a; T6 – a; T6 – a; at T8 – a.
  • 245.
    16 Ano ang napansinmo tungkol sa bilang ng pantig at sa mga dulong tunog? Di magkakapareho, di ba? Hindi magkakapareho ang bilang ng pantig at ang mga dulong tunog. O kung may ilan mang pagkakatulad ng dulong tunog ay di naman masasabing may sinusunod na pattern. Ano ngayon ang mabubuo mong kongklusyon batay sa naitala mo? Ito ba ang sagot mo: Ang “Lupang Hinirang” at “Bayan Ko” ay kapwa walang tiyak na sukat sapagkat hindi pare-pareho ang mga bilang ng pantig sa bawat taludtod. Napansin mo rin sigurong walang tugma dahil hindi magkakapareho ng tunog sa dulo ng taludtod. Sige, tingnan mo nga kung talagang malinaw na ang tugmaan sa iyo. Heto pa ang isang pagsasanay. Balikan ang S1-5 at itala ang magkakatugmang tunog. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1 O, Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa iyo’y di malihis. 2 Ako’y isang hamak lamang taong lupa ang katawan, mahina ang kaisipan at maulap ang pananaw. 3 Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay pahidwa. 4 Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa baka kung mapalaot na ang mamangka’y di makaya. 5 Kaya, Inang matangkakal, ako’y iyong patnubayan, nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay. Lagumin Malinaw na marahil sa iyo kung ano ang korido at ang mga katangian nito. Upang maging mas malinaw, narito ang mga pangunahing puntos ng sub-aralin na inilahad sa anyong Tanong at Sagot.
  • 246.
    17 1. Ano angkorido? • mahabang tulang pasalaysay. • may sukat at tugma • sadyang para basahin, hindi para awitin • kapag inawit, ang himig ay mabilis o allegro • ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural • malayong maganap sa tunay na buhay. 2. Kapag sinabing may sukat at tugma ang isang tula, ibig sabihin ba’y • pare-pareho ng bilang ng pantig ang lahat ng taludtod • magkakapareho ang mga dulong tunog ng mga taludtod 3. Ano ang sukat o bilang ng pantig sa bawat taludtod ng Ibong Adarna? • Walong pantig bawat taludtod. 4. Ang Ibong Adarna ba ay isang halimbawa ng korido? • Oo. Taglay nito ang mga katangian ng isang korido. Ang totoo, ang Ibong Adarna ang itinuturing na pinakapopular na korido. 5. Paano nagsisimula ang isang korido? • Sa isang panawagan sa isang patrong pintakasi o sa Mahal na Birhen. 6. Sa isang korido, ano ang mga katangian ng bida, o ng tauhang nagtatagumpay sa kanyang mithi? • Karaniwang siya ay madasalin, di nakalilimot manawagan at humingi ng patnubay sa Birhen, magalang sa matatanda, mapagkawanggawa, mapagmahal at iba pang positibong katangian 7. Ano ang dahilan kung bakit nangingibabaw ang mga ideang relihiyoso sa mga korido? • Upang magpalaganap ng mga kaisipang Kristiyano Malinaw na ba ang mga pangunahing puntos ng Sub-Aralin 1? Kung gayon, handa ka na ba sa isang pagsubok? Subukin 1. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong: 1 O Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagin yaring isip nang sa layo’y di malihis.
  • 247.
    18 i. Kanino nananawaganang makata? ii. Iisa ba ang Birheng kaibig-ibig at ang Inang nasa langit? iii. Ang layo’y sa T4 ay alin sa dalawa: (1) layon ay, (2) layo ay iv. Magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa pinili mong sagot sa (c ) v. Ilan ang bilang ng mga pantig sa S1? 4 Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa, baka kung mapalaot na ang mamangka’y di makaya. a. Ang salitang pangangamba ay nagsasaad ng (1) takot, (2) yabang, (3) lungkot b. Ang gagawing pagsasalaysay ng makata ay inihambing niya sa (1) paglalakbay sa dagat o ilog, (2) paglalakbay sa bundok, (3) paglalakbay sa ere c. Ang mga salitang sumusuporta sa sagot sa (b) ay (1) _______, (2) __________ at (3) ____________. d. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga huling salita sa bawat taludtod ng S4. 8 Sa kanyang pamamahala kaharia’y nanagana, maginoo man at dukha tumanggap ng wastong pala. a. Anong klaseng Hari ang namumuno sa kaharian: (1) masamang mamahala, (2) mahusay mamahala b. Sa kaharian ay (1) may pagkakapantay-pantay ang mga mahirap at mayaman, (2) walang pagkakapantay-pantay c. Hindi dumaranas ng taggutom ang mga tao sa kahariang ito. Ang salitang nagpapatunay nito ay ___________.
  • 248.
    19 d. May impitna tunog ang mga huling patinig sa bawat taludtod ng S8. Tama o mali? 2. Bilangin ang mga pantig sa bawat taludtod ng tula sa ibaba: Nakikita ko ang sarili ko sa iyo: Isang bulaklak na minsang may pitlag, Lumulukso sa kaway ng hangin O yakap ng ulan, Iniinggit ang mga bituin, Pinangingimbulo maging ang araw. Mula sa “Kuwadrong Walang Pangalan” ni Elynia S. Mabanglo 3. Alin sa mga salita sa ibaba ang magkakatugma? Pangkatin ang mga ito ayon sa pagiging magkatugma. pag-ibig Pasig Pilipinas luha palad ganda dusa sirena dilag halina ligaya basbas paspas lawiswis pagaspas bagwis lipad lipas hangin bangin urong sulong giliw baliw (Kailangang makabuo ka ng anim (6) na pangkat ng magkakatugmang salita.) 4. Buuin ang pangungusap: 1. Ang mga salitang pagaspas at lawiswis, kahit parehong nagtatapos sa s ay di magkatugma dahil _____________________________.
  • 249.
    20 2. Ang dusaay katugma ng ligaya; magkatugma rin ang dalita at dukha ngunit ang dusa at dukha ay di magkatugma dahil ____________. Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kung nakakuha ka ng 15 pataas, maaaring patuluyin ka ng iyong guro sa Sub-Aralin 2. Di mo na kailangang sagutan ang Paunlarin. Pero kung wala pang 15 ang nakuha mong marka, kailangang sagutan mo ang Paunlarin. Paunlarin 1. Basahin ang mga saknong sa ibaba at sagutin ang mga tanong. 5 Kaya, Inang matangkakal ako’y iyong patnubayan nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay. a. Sino ang tinutukoy na “Inang matangkakal” b. Ano ang ibig sabihin ng “matangkakal”? c. May nauna na bang bahagi ng sub-aralin na nagpapaliwanag ng salitang ito? Saang pahina? d. Ang salitang “buhay” sa T4 ay maaaring tumutukoy sa (1) buhay ng Inang matangkakal, (2) buhay ng makata, (3) buhay ng prinsesa at prinsipeng isasalaysay ng makata. 6 At sa tanang nariritong nalilimping maginoo kahilinga’y dinggin ninyo buhay na aawitin ko. a. Ang ‘tanang naririto’ sa T1 ay nangangahulugang _________ (lahat ng naririto, mga tumakas na naririto, mga nagtatagong naririto)
  • 250.
    21 b. Ang ‘nalilimpi’ay nangangahulugang ___________ (nagkakatipon, nagagapi, napipipi) c. Ano ang kahilingang nakasaad sa saknong? (1) pakinggan ng mga maginoo ang aawitin niyang buhay, (2) pakinggan ang buhay niya. 9 Bawat utos na balakin kaya lamang pairalin kung kanya nang napaglining na sa bayan ay magaling. a. Ano ang ibig sabihin ng ‘napaglining’ sa T3? Ito ba ay (1) napag-isipan, (2) nabalitaan, (3) naipatupad. b. Laging iniisip ng hari ang (1) kagalingan ng bayan, (2) pag-uutos sa bayan, (3) pagpapairal ng batas. c. Sa palagay mo, ang haring tinutukoy rito ay __________ (mabuti o masama) kasi __________________. 2. Nasa ibaba ang S22 mula “Kay Celia,” ang bahaging Paghahandog ng makata ng kanyang mahabang tulang Florante at Laura. Basahin ang saknong at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ikaw na bulaklak niring dili-dili Celiang sagisag mo’y ang M.A.R. sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi ng tapat mong lingkod na si F.B. a. Sa koridong Ibong Adarna, ang korido ay nagsisimula sa isang panawagan sa ____________. b. Sa Florante at Laura, nananawagan din ang makata ngunit hindi sa Birhen kundi kay _________. c. Ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng Florante ay ____ samantalang sa Ibong Adarna, ang bilang ng mga pantig ay ____. d. Ang tugmaan sa Ibon ay a a a a, na may iisang tugma ang apat na taludtod; samantala, sa Florante, ang tugmaan ay _______ (pareho sa Ibon, di pareho sa Ibon).
  • 251.
    22 Mga Sagot 1. Saknong 5: a.Mahal na Birheng Maria b. Mapagtangkilik c. Mayroon. Pahina 10. d. (3) buhay ng prinsesa at prinsipeng isasalaysay ng makata Saknong 6: a. lahat ng naririto b. nagkakatipon c. pakinggan ng mga maginoo ang aawitin niyang buhay Saknong 9: a. napag-isipan b. kagalingan ng bayan c. mabuti, kasi laging nag-iisip ng kagalingan ng bayan. 2. a. Mahal na Birhen b. Celia c. 12, 8 d. a a a a Sub-Aralin 2: Pagsusuri sa mga Tauhan: Kung Ugali ay Maganda Layunin Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang ikaw ay nakabubuo ng mga patunay sa tulong ng mga tiyak na bahaging: • naglalarawan ng tauhan at pag-uugali ng tao (masama o mabuti) • nagsasalaysay ng mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan
  • 252.
    23 Alamin Tatlong magkakapatid naprinsipe ang mga tauhan sa unang bahaging ito ng Ibong Adarna. Sinu-sino ang mga ito? Di ba sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan? Ang isa sa kanila ang bida. Mahulaan mo kaya kung sino, ngayon pa lamang? Ang panganay kaya, ang pangalawa, o ang bunso? Silang tatlo’y nagtamo ng tamang edukasyong angkop sa isang magiging hari. Naturuan din sila ng wastong asal. Ngunit may pagkakaiba sila sa pagkatao, gaya ng makikita sa paglalarawan sa kanila sa sumusunod na mga saknong. 14 Si Don Pedro ang panganay may tindig na pagkainam, gulang nito ay sinundan ni Don Diegong malumanay. 15 Ang pangatlo’y siyang bunso si Don Juan na ang puso’y sutlang kahit na mapugto ay puso ring may pagsuyo. 16 Anak na kung palayawa’y Sumikat na isang Araw, kaya higit kaninuman, sa ama ay siyang mahal. O ngayon, tiyak mo na kung sino ang bida sa tatlong magkakapatid? Sino ang pinakamahal ng ama? Kung ang sagot mo’y si Don Juan, tama ka. Balikan mo ang saknong na nagsasaad nito. Tama, ito ay S16. Pero teka, tama ba naman iyong may paboritismo ang ama? Ano sa palagay mo? Kung ikaw ang paborito, okey lang, di ba? Paano kung hindi ikaw? Maging mainggitin ka kaya? Siyempre, hindi, dahil alam mong hindi tama ang maging mainggitin. Napansin mo rin ba na samantalang iisang saknong ang iniukol sa dalawang nakatatandang kapatid, dalawang saknong ang nakaukol kay Don Juan? Kasi, siya ang bida. Magpatuloy ka ng pagbabasa. Isang gabi, nanaginip ang Hari. Ang pinakamamahal daw niyang bunsong anak ay nililo at pinatay ng dalawang tampalasan. Mula noon, hindi na nakakain ang Hari hanggang sa manghina at maratay. Ang tanging lunas: ang awit ng Ibong Adarna, isang mahiwagang ibon na ang napakatamis na awit ay nakapagpapagaling ng maysakit. Inutusan ang panganay na hanapin ang ibon.
  • 253.
    24 Agad namang sumunodang panganay. Ang laki ng responsibilidad ng isang panganay, di ba? Siya ang unang isinusuong sa panganib. Ngunit wala naman siyang tutol dahil mahal niya ang ama. Sa pag-akyat sa isang bundok, masamang kapalaran ang inabot niya: namatay ang kabayo ni Don Pedro. Ano ang ginawa niya? Itinigil na ba niya ang paghahanap at umuwi na lamang? Hindi. Ipinagpatuloy niya ang paglalakbay hanggang makarating sa Bundok Tabor, at nakita niya ang isang punong kumikinang. Sa tindi ng pagod, naupo siya sa ilalim nito at di namalayan ang pagdating ng Ibong Adarna, na pagdapo sa sanga ng puno ay pitong beses na umawit at pitong beses ding nagpalit ng balahibo. Hindi ito nasaksihan ni Don Pedro dahil tulog na tulog siya habang nagaganap ang magandang palabas. Kinulang kasi siya ng tiyaga sa paghihintay sa ibon. Kaya, ano ang nangyari sa kanya? Matapos umawit, dumumi ang ibon at napatakan ang tulog pa ring prinsipe, na agad naging bato. Si Don Diego naman ang naatasang maghanap sa ibon. Dumanas din ng hirap ang pangalawang anak at namatay rin ang kabayo niya. Sa matinding pagod na di nakayanan kaya namatay ang kabayo. Ano ang ginawa ng pangalawang anak? Tama, ipinagpatuloy niya ang paghahanap hanggang sa wakas ay nakita niya ang makinang na punong Piedras Platas na tirahan ng Adarna. Nakita niya ang pagdating ng ibon. Agad siyang nagsabing: “Ikaw ngayo’y pasasaan/at di sa akin nang kamay.” (S102). Hindi magandang ugali ito, di ba? Sabi nga, hindi mo pa dapat angkinin ang tagumpay hangga’t di mo pa hawak sa kamay. Sang- ayon ka ba? Kaya, ano ang nangyari kay Don Diego? Sa tamis ng awit ng ibon, nakatulog siya, napatakan ng dumi nito, at naging bato tulad ni Don Diego. Kung si Don Pedro’y nagkulang sa tiyaga, kaya agad natulog di pa man humahapon ang Adarna, si Don Diego naman, sobra ang tiwala sa sarili pero hindi napaglabanan ang antok nang marinig ang awit ng ibon. Si Don Juan naman ang naglakbay upang hanapin, hindi lamang ang ibong lunas sa sakit ng ama, kundi pati ang dalawang nakatatandang kapatid. Ngunit iba si Don Juan sa dalawang nauna. Alam mo ba kung ano ang ikinaiba niya? Tingnan mo nga kung ganito rin ang naiisip mo. 1. Una, bago umalis si Don Juan, humingi ng bendisyon sa ama: 123 Si Don Jua’y lumuhod na sa haring may bagong dusa, “Bendisyon mo, aking ama, babaunin kong sandata.”
  • 254.
    25 Bakit mahalaga kayDon Juan ang bendisyon ng ama? Tama, dahil ito raw ang babaunin niyang sandata. Di ba iyan ay tradisyong Pilipino, tanda ng pagkamagalangin sa matanda ng ating bidang prinsipe?. Ikaw rin ba’y sumusunod sa ugaling ito? 2. Hindi rin siya gumamit ng kabayo, sapagkat nakahanda siya sa malaking hirap, gaya ng nakasaad sa S126. 126 Di gumamit ng kabayo sa paglalakbay na ito, tumalaga nang totoo sa hirap na matatamo. 127 Matibay ang paniwalang di hamak magpakaaba, pag matapat ka sa nasa umaamo ang biyaya. Naniniwala siyang matatamo ang mithi kung talagang paghihirapan. Hanapin mo nga kung saang mga taludtod nakasaad ang ideang ito. Tama ka kung T3-4 ang sagot mo. Ganito rin ba ang paniniwala mo? 3. Laging nagdarasal si Don Juan at di nakalilimot na humingi ng patnubay ng Birhen. 129 Habang kanyang binabagtas ang parang na malalawak sa puso ay nakalimbag ang Birheng Inang marilag. 130 Hinihinging patnubayan ang ulila niyang lagay, hirap ay mapagtiisan sa pag-ibig sa magulang. Ano ang hiningi niya? Di ba patnubay? Nag-iisa kasi siya sa gubat kaya sinabing “ang ulila niyang lagay.” Kaugnay pa rin ng di nawawalang tiwala sa patnubay ng Diyos kaya sa tuwi-tuwina’y lumuluhod siya at nagdarasal.
  • 255.
    26 135 Sinapit dingmaginhawa ang landas na pasalunga; si Don Jua’y lumuhod na’t sa Birhe’y napakalara. 136 “Ako’y iyong kahabagan, Birheng kalinis-linisan, nang akin ding matagalan itong matarik na daan!” 137 Nang sa Birhe’y makatawag ay sandaling namanatag, kumai’t nagpasalamat sa Diyos, Haring mataas. Napansin mo ba, dahil sa pananalig sa Birhen, hindi nakaisip ng gutom ang prinsipe. 138 Sa baong limang tinapay ang natira’y isa na lang, di rin niya gunamgunam na sa gutom ay mamatay. Limang tinapay lamang ang baon ni Don Juan ngunit may natira pang isa makaraan ang apat na buwang paglalakbay. Samakatwid, isang tinapay lamang isang buwan ang ikinabuhay niya. Kapani-paniwala ba ito? Kababalaghan yata. Ang pagiging mapagkawanggawa ay pinatunayan ni Don Juan nang makakita siya ng isang matandang leproso na humingi ng pagkain sa kanya. Ang mga leproso o ketongin ay pinakaiiwasan nang mga panahong iyon sapagkat walang gamot sa ketong at pinaniniwalaan pang ito’y nakahahawa. Nandiri ba si Don Juan? Nahulaan mo. Hindi. Nilapitan ni Don Juan ang leproso at masayang ibinigay rito ang natitira niyang tinapay. Naniniwala ka ba na ang mabuting gawa ay nagbubunga ng isa pa uling mabuting gawa? Napatunayan ito ni Don Juan. Paano? Dahil ang matandang nilimusan niya ang nagturo sa kanya sa isang ermitanyo na nagpayo kung paano mahuhuli ang Ibong Adarna. Ngayon, basahin mo ang mga saknong na nagsasalaysay kung paano nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna. Upang hindi makatulog sa matamis na awit ng ibon, sinunod ni Don Juan ang payo ng
  • 256.
    27 ermitanyo na tuwingmatatapos ng isang awit ang ibon ay hiwain niya (ni Don Juan) ang daliri at patakan ng dayap. Sa palagay mo ba’y makatutulong ito? Makirot na nga ang sugat, papatakan pa ng dayap Aba, sa matinding sakit, makakatulog ba siya? Tiyak, hindi. Narito ang mga saknong tungkol sa paghuli sa Ibong Adarna. Tiyak na makatutulong sa iyong mabasa ang ilang piling saknong sa korido para mas mapahalagahan at maunawaan mo ang aralin. 207 Napawi ang pag-aantok dahil sa tindi ng kirot; si Don Juan ay lumuhod, nagpasalamat sa Diyos. 208 Pitong kanta nang malutas nitong ibong sakdal-dilag, pito rin ang naging sugat ni Don Juang nagpupuyat. 209 Ang ibon ay nagbawas na ugali pagtulog niya, sa Prinsipe nang makita’y inilagan kapagdaka. 210 Kaya hindi tinamaa’t naligtas sa kasawian, inantay nang mapahimlay ang Adarnang susunggaban. 211 Kung matulog ang Adarna ang pakpak ay nakabuka, dilat ang dalawang mata kaya’t gising ang kapara. Ano ang ginawa ni Don Juan para mapawi ang antok? Ilang beses kumanta ang ibon? Ano ang ugali ng ibon bago matulog? Ano ang hinintay ni Don Juan? Paano kung matulog ang Adarna?
  • 257.
    28 212 Nang siPrinsipeng matatap tulog ng ibo’y panatag, dahan-dahan nang umakyat sa puno ng Piedras Platas. 213 Agad niyang sinunggaban sa paa’y biglang tinangnan at ginapos nang matibay ng sintas na gintong lantay. 214 Sa katuwaang tinamo halos di magkantututo, ang Adarna ay pinangko’t dinala sa Ermitanyo. 215 Magalak namang kinuha ang nahuli nang Adarna, at hinimas pang masaya nang ipasok na sa hawla. 216 Saka anang Ermitanyo: “Iyang banga ay kunin mo, madali ka at sa iyo’y merong iuutos ako. 217 “Punin mo ng tubig iya’t ang dalawang bato’y busan, nang sa bato’y magsilitaw ang dalawang iyong mahal.” 218 Si Don Juan ay sumalok ng tubig na iniutos at sa batong nakapuntod dahan-dahang ibinuhos. 219 Si Don Pedro ay nagtindig at niyakap ang kapatid sa pagkadaop ng dibdib kapwa sila nananangis. 220 Isinunod si Don Diego na nang siya’y maging tao di mawari itong mundo kung ang dati o nabago. Nang tulog na ang ibon, ano ang ginawa ni Don Juan? Saan dinala ni Don Juan ang ibon? May ipinakuha ang ermitanyo kay Don Juan, ano ito? Para saan? Ano ang nangyari nang mabuhusan ng tubig ang bato?
  • 258.
    29 221 Gaano angpagtatalik nitong tatlong magkapatid bawat isa ay may sambit na sa puso ay pag-ibig. 222 Lalo na nga ang dalawang sa dalita’y natubos na, anuman ang ialala kay Don Juan ay kulang pa. Ngayong nahuli na ang Ibong Adarna, makauwi na kaya ang tatlong magkakapatid? Gumaling kaya ang amang hari kapag nakauwi na sila at narinig ang awit ng mahiwagang ibon? Ano sa palagay mo? Linangin Nagustuhan mo ba ang mga bahaging binasa mo? Siyempre naman, di ba? Kasi’y talaga namang kawili-wili ang kwento tungkol sa paghahanap sa Ibong Adarna. Bukod sa maganda na nga ang ikinukwento, maganda pa ang paraan ng pagkukwento. Ito ay patula. Natatandaan mo ba kung ilan nga ang bilang ng pantig sa bawat taludtod? Walo, di ba? At may tugma o magkakatulad na dulong tunog sa bawat taludtod. Matapos mong basahin ang ilang piling saknong, mailalarawan mo na ba ang mga tauhan batay sa mga tiyak na bahagi ng korido? Paano na nga inilarawan ang panganay na si Don Pedro? Di ba sa pagbanggit sa kanyang tindig na pagkainam? Guwapo, ano? Matikas. Tindig-prinsipe. Aling saknong at taludtod ang naglalahad nito? Kung ang sagot mo ay S14 T1-2, tama ka. Si Don Diego naman, ano naman ang sinasabi tungkol sa kanya? Anong salita ang ginamit sa paglalarawan sa kanya? Malumanay, di ba? Matutukoy mo ba ang saknong na nagsasaad nito? Tama, S14 T4. Mas detalyado at mahaba ang paglalarawan sa pagkatao ni Don Juan. Ano ang palayaw ng ama niya sa kanya? Di ba Sumikat na isang Araw. Ang galing, ano? Araw – nagbibigay liwanag sa mundo. Aling saknong ang nagsasaad nito? Ang sagot mo ba’y S16? Tama ka. May mga katangian o magagandang ugali si Don Juan na tila wala sa mga kapatid. Nakatala ito sa ibaba. Hanapin mo ang mga saknong na nagpapatunay ng mga ito: 1. Naniniwala sa bendisyon ng magulang 2. Nakahanda sa hirap Ano ang nasabi ng magkakapatid sa isa’t isa?
  • 259.
    30 3. Laging nagdarasal 4.Mapagmahal Tama ka kung ganito ang mga sagot mo: 1. S 123 2. S 126-127 3. S 129-130, 136-138 4. S 15 Mayroon namang kapintasan ang dalawang nakatatandang kapatid. Kaya siguro hindi sila nagtagumpay sa paghuli sa Adarna. Ano ang kapintasang ito? Naalala mo pa ba? Di ba si Don Pedro ay nagkulang sa tiyaga? Sa matinding pagod ay natulog na agad siya sa ilalim ng Piedras Platas at di na nahintay ang Adarna. Hayun, nabagsakan tuloy ng dumi ng ibon. Si Don Diego naman? Sobrang tiwala sa sarili ang nagpahamak sa kanya. Pagkakita sa Adarna ay tiniyak na agad na mahuhuli niya ito. Iyon pala, hindi niya napaglabanan ang antok nang umawit ang ibon. Kaya naging bato ring tulad ng kapatid. Gamitin Basahin ang sumusunod na mga saknong. Piliin mo kung alin sa mga ito ang naglalarawan ng pag-uugali ng tao at alin ang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng tauhan. Itala sa iyong sagutang papel ang mga sagot. 82 Baon sa puso at dibdib ay makita ang kapatid, magsama sa madlang sakit sa ngalan ng amang ibig. 83 Parang, gubat, bundok, ilog tinahak nang walang takot tinutunton ang bulaos ng Tabor na maalindog. 87 Salungahing matatarik inaakyat niyang pilit ang landas man ay matinik inaaari ring malinis.
  • 260.
    31 105 Sa batongkinauupa’y mahimbing na nagulaylay, naengkanto ang kabagay, nagahis nang walang laban. 109 Katulad din ni Don Pedro siya’y biglang naging bato, magkatabi at animo’y mga puntod na may multo. 146 Sa lalagya’y dinukot na yaong tinapay na dala, iniabot nang masaya sa matandang nagdurusa. 185 Kung tunay po ang pahayag titiisin ko ang lahat, maging hangga man ng palad tutupdin ko yaring hangad. O, naisulat mo na ba? Tingnan mo kung ganito ang mga sagot mo. Ang mga Saknong 82, 146 at 185 ay tungkol sa pag-uugali ni Don Juan. Ang S82 ay nagsasaad ng determinasyon ni Don Diego na hanapin ang Adarna at pati na ang kapatid na di niya alam ay naging bato kaya hindi nakauwi. Nakahanda siya sa hirap matupad lamang ang misyon. Sa S146 naman, ang pagiging mapagkawanggawa ni Don Juan ang inilalahad. Si Don Juan pa rin ang inilalarawan sa S185. Ano ang sinasabi rito? Na nakahanda siyang magtiis hanggang kamatayan para makuha ang ibong lunas sa ama. Tungkol naman sa pakikipagsapalaran, aling mga saknong ang napili mo? Kung ang sagot mo ay S83 at S87, tama ka uli. Ang nabanggit na mga saknong ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni Don Pedro sa pagtugpa sa Bundok Tabor. Ang S105 at S109 naman? Tama ka. Ang mga ito ay tungkol pa rin sa pakikipagsapalaran ni Don Diego sa paghanap sa Ibong Adarna. Ano ang kinahinatnan niya? Di ba naging bato? Lagumin Sa sub-araling ito, anu-ano ang napag-aralan mo? Tingnan mo nga kung katulad ng nasa ibaba ang naiisip mo: 1. Paglalarawan sa tatlong prinsipe:
  • 261.
    32 • Si DonPedro, ang panganay, ay may tindig na pagkainam. • Si Don Diego, ang pangalawa, ay malumanay • Si Don Juan, ang bunso, ay “Sumikat na isang Araw,” laging may pagsuyo at siyang paborito ng ama. • May kapintasan ang 2 nakatatandang prinsipe kaya di nagtagumpay sa paghuli sa ibon: Si Don Pedro ay kinulang sa tiyaga; si Don Diego naman ay may sobrang tiwala sa sarili. • May positibong ugali din naman sina Don Pedro at Don Diego: Kapwa masunurin sa atas ng ama na hanapin ang ibon, at kapwa rin tumalaga sa hirap sa paglalakbay sa kabundukan 2. Pakikipagsapalaran ng 3 prinsipe • Silang tatlo’y isa-isang naghanap sa Ibong Adarna • Pawang dumanas ng hirap sa pag-akyat sa bundok. • Si Don Juan ang nagtagumpay dahil sa mga positibong pag-uugali niya at mga katangian tulad ng pagiging madasalin, pagkamapagkawanggawa, atb. Subukin Handa ka na bang sumagot sa mga tanong? 1. Basahin ang saknong at sagutin ang mga tanong. 19 May paniwala ang ama na di ngayo’t Hari siya, maging mangmang man ang bunga sa kutya ay ligtas sila. a. Sino ang amang tinutukoy rito? b. Ano o sino naman ang bungang tinutukoy sa T3? c. Ang S19 ay tungkol sa paniwala ng Hari na (1) mahalaga ang pag-aaral ng mga prinsipe, (2) pagkutya ng mga taong bayan 20 Alam niyang itong tao kahit puno’t maginoo kapag hungkag din ang ulo batong agnas sa palasyo. a. Sino ang tinutukoy ng niya sa T1? b. Ano ang ibig sabihin ng puno sa T2: (1) punungkahoy, (2) puno o ulo ng isang kaharian c. Ano naman ang ibig sabihin ng maginoo: (1) taong magalang at pinong kumilos, (2) mataas na uring tao sa isang kaharian
  • 262.
    33 d. “Kapag hungkagdin ang ulo,” ibig sabihi’y (1) walang alam, (2) walang pinag-aralan, (3) parehong (1) at (2) e. Ang “batong agnas sa palasyo” ay nangangahulugang (1) batong nabubulok, (2) makasisira sa kaharian 2. Batay sa mga nabasa mo, sagutin ang mga tanong: a. Ano ang ginawa ni Don Juan para di makatulog sa awit ng Ibong Adarna? Tukuyin ang bilang ng saknong na nagsasaad nito. b. Ilang beses umawit ang Adarna? Aling saknong ang nagsasaad nito? c. Ano ang ginawa ng ibon pagkatapos ng pitong kanta? Tukuyin kung aling saknong ang nagsasalaysay nito. d. Ano ang ipinantali ni Don Juan sa Adarna? Sa aling saknong makikita ang detalyeng ito? 3-4. Bakit hindi nagtagumpay sa paghuli sa Adarna sina Don Pedro at Don Diego? Tapusin ang pangungusap: Kasi, si Don Diego ay ____________________ samantalang si Don Pedro naman ay _______________________________. Kung nasagot mo nang tama ang lahat ng tanong, hindi mo na kailangang sagutan ang susunod na bahagi. Paunlarin Basahin ang mga saknong at ibigay ang ugaling isinasaad sa mga ito: 207 Napawi ang pag-aantok dahil sa tindi ng kirot si Don Juan ay lumuhod, nagpasalamat sa Diyos. 208 Ang ibon ay nagbawas na ugali pagtulog niya, sa Prinsipe nang makita’y inilagan kapagdaka. 209 Kaya hindi tinamaa’t naligtas sa kasawian, inantay nang mapahimlay ang Adarnang susunggaban.
  • 263.
    34 Mga sagot: S207: pagdarasal,laging pagpapasalamat sa Diyos S208: ibon - pagdumi bago matulog; Don Juan – pagkamaagap S209: tiyaga sa paghihintay Sub-Aralin 3: Sanhi at Bunga, Pakay at Motibo at mga Paniniwala Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang ikaw ay nakapagsasagawa ng pag-aanalisang kritikal sa tulong ng mga tiyak na bahaging nagpapakita ng: • sanhi at bunga kaugnay ng mga pangyayari at kinahinatnan • pakay at motibo ng bawat tauhan • mga paniniwalang inilahad Alamin Nahuli na nga ang Ibong Adarna at pauwi na ang tatlong magkakapatid. Ngunit may iba pa palang mukha ang pagkatao ni Don Pedro. Ano ito? Tuklasin mo sa mga sumusunod na saknong. 233 Nagsilakad na ang tatlo katuwaa’y nag-ibayo datapwat si Don Pedro’y may masama palang tungo. 234 Nagpahuli kay Don Jua’t kay Don Diego umagapay, ito’y kanyang binulungan ng balak na kataksilan. Bakit nagpahuli si Don Pedro? Ano ang balak niya? Di ba kataksilan? Saang taludtod mo makikita ang salitang ito? Tama. Sa T4.
  • 264.
    35 235 “Mabuti pangdili hamak si Don Juan,” anyang saad, “at sa ama nating liyag ay marangal na haharap. Bakit marangal daw na haharap sa kanilang ama si Don Juan? Tama. Kasi nga, siya ang nakahuli sa Ibong Adarna. Samantala, ang mga nakatatandang kapatid – ano ang nahuli nila? Di ba naging bato nga? Naalala mo pa bang panganay si Don Pedro? Kaya mas malaki ang responsibilidad niya. Pero hindi siya ang nagtagumpay. Sa palagay mo, ito ba ang dahilan kung bakit nakaisip siya ng di mabuti? 236 “Pagkat ipaglihim nama’y mabubunyag din ang tunay ang Adarna’y kay Don Jua’t ang sa ati’y kabiguan. 237 “Kaya ngayon ang magaling si Don Juan ay patayin, kung patay na’y iwan nati’t ang Adarna nama’y dalhin.” Ano ang balak ni Don Pedro? Saang saknong at taludtod ito makikita? Tama ka kung ang sagot mo ay S237 T2. At ano naman ang naging reaksyon ni Don Diego? Magpatuloy ka. 238 Si Don Diego ay nasindak sa mungkahing kahahayag, matagal ding nag-apuhap ng panagot na marapat. Nasindak si Don Diego sa balak, di ba? Aling taludtod ang nagsasaad nito? T1, di ba? Pumayag ba siya agad? Hindi siya nakasagot nang matagal, di ba? Sa sarili’y inamin niyang may “…matuwid/kay Don Juan ay mainggit/.” Bakit kaya? Ganito ang paglalarawan sa karakter ni Don Diego. 242 Nakahambing ni Don Diego yaong si Bernardo Carpio, nagpipilit na matalo ang nag-uumpugang bato.
  • 265.
    36 243 Datapwat sadahilang ang tao’y may kahinaan, ayaw man sa kasamaa’y nalihis sa kabutihan. Di nagawang sumalungat ni Don Diego sa masamang balak ng panganay. Angkop kaya ang salitang malumanay na ginamit sa paglalarawan sa kanya sa S14? Ang ibig sabihin ng salitang ito ay marahan ang pagkilos at di padalus-dalos. Ngunit tila hindi gayon lamang si Don Diego, kundi wala ring paninindigan. Sang-ayon ka ba? Hindi pinatay ng dalawa ang bunsong kapatid. Ngunit itinuloy pa rin ang masamang balak. Hindi nga pinatay ngunit ano ang ginawa nila? Binugbog nila si Don Juan. Lumaban ba ang bunsong prinsipe? Ni hindi siya nagtangkang lumaban. Iniwan siyang hindi makagulapay sa daan, samantalang iniuwi ng dalawang nakatatandang kapatid ang Adarna. Ano naman kaya ang mararamdaman ng isang kabataang tulad mo, na namumuhay sa kasalukuyang siglo, o may 300 taon na makalipas ang tagpuan ng korido, kung ikaw ang bugbugin ng sarili mong mga kapatid mapasakanila lamang ang karangalang pinaghirapan mo? Ang sakit naman! Parang ang hirap magpatawad. Ngunit iyon ang ginawa ni Don Juan. Ikaw, kaya mo iyon? Kung ikaw si Don Juan, ano ang gagawin mo? Maghihiganti ka ba? Gagantihan rin ba na katapat na kasamaan ang ginawa ng kapatid mo? Sa isang banda, mas mabuti nang magpatawad, di ba? Magkakapatid naman kayo. May iisang pinagmulan. Sabi nga ni Don Juan sa S396 T3-4: “kami’y pawang anak naman/sa lingap mo nananangan.” Sa gitna ng paghihirap dahil sa bugbog na natamo, ganito pa ang sinabi ni Don Juan: 289 “Sila nawa’y patawarin ng Diyos na maawain kung ako man ay tinaksil kamtan nila ang magaling.” Sa halip na mag-isip ng masama laban sa dalawang kapatid, ang inisip pa rin niya ay ang kagalingan ng mga ito. Ngunit pagdating sa Berbanya, di naging lunas sa maysakit ang ibon. Bakit kaya? Ayaw kasi nitong umawit at naging napakapangit pa. Samantala, muli, isang matanda ang tumulong kay Don Juan para gumaling sa mga bugbog at makauwi sa Berbanya. Bakit kaya laging matanda ang nakakatulong sa bida? Dahil kaya sa kulturang Pilipino, lubos na iginagalang ang matatanda at may tanging lugar sa lipunan? Ano sa palagay mo?
  • 266.
    37 Nang makauwi nasi Don Juan, biglang umawit ang Ibong Adarna. Isinalaysay nito ang mga nangyari, mula nang mahuli siya ni Don Juan hanggang sa ginawang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego. Nang malaman ng hari ang lahat, malupit na parusa ang ibig niyang ipataw sa magkapatid. Ano kaya ito? Aniya: “Ipatapon at bawian/ng lahat ng karapatan.” (S391.) Naipatupad ba ang parusa? Tama, hindi. Bakit? Sino ang namagitan para di maparusahan ang dalawang nagkasala? Tama ang sagot mo. Mismong si Don Juan ang humiling sa kanilang ama na patawarin ang dalawang nagkasala. Basahin ang mga saknong na nagpapakita ng kabaitan at pagiging mapagpatawad ni Don Juan: 392 Ang hatol nang maigawad si Don Juan ay nahabag, sa ama agad humarap at hiningi ang patawad. 393 Lumuluha nang sabihing: “O, ama kong ginigiliw, ang puso mong mahabagin sa kanila’y buksan mo rin. Ano ang sinabi ni Don Juan na buksan ng hari? Di ba ang pusong mahabagin ng ama? 394 “Malaki man po ang sala sa aki’y nagawa nila, yaon po ay natapos na’t dapat kaming magkasama. Ano ang dahilan ni Don Juan sa paghingi ng tawad para sa dalawang kapatid? Di ba dahil sa samahan ng magkakapatid na masisira kung lalayo ang dalawa? Mahalaga para sa bunso ang lagi silang magkakasama. Gayon din ba sa inyong pamilya? 395 “Ako naman ay narito buhay pa ri’t kapiling mo wala rin ngang nababago sa samahan naming tatlo. 396 “Sila’y aking minamahal karugtong ng aking buhay, kami’y pawang anak naman sa lingap mo nananangan.
  • 267.
    38 Ano pa rinang damdamin ng bunso sa mga kapatid sa kabila ng nagawa ng mga ito sa kanya? Di ba pagmamahal pa rin? Ikaw, kaya mo iyon? Dapat, di ba? 397 “Hindi ko po mababatang sa aki’y malayo sila, kaya po ibigay mo na ang patawad sa kanila.” Nabagbag naman ang puso ng hari kaya sinabi niya: 399 Haring ama’y nagsalita, mabalasik yaong mukha: “Kayo ngayon ay lalaya, sa pangakong magtatanda. 400 “Sa araw na kayo’y muling magkasala kahit munti, patawarin kayo’y hindi sinuman nga ang humingi.” Matupad kaya ang banta ng hari na di na niya muling patatawarin ang dalawang anak na taksil? Hindi pa natin malalaman sa modyul na ito kundi sa mga susunod na bahagi na ng Ibong Adarna. Pero mahulaan mo kaya ang sagot ngayon pa lamang? Linangin Ngayo’y nakilala mo na ang tunay na pagkatao nina Don Pedro at Don Diego. Anong mga salita ang masasabing naglalarawan ng pagkatao ng panganay at ng pangalawang anak? Mainggitin ba ang nasa isip mong salitang maikakapit kay Don Pedro? Tama. Kay Don Diego naman? Tila mahina ang kanyang karakter at madaling mahikayat sa kasamaan, di ba? Ano na nga ang sinasabi sa S243? Di ba ganito: “ayaw man sa kasamaa’y/nalihis sa kabutihan.” Bakit naman kaya naging mainggitin si Don Pedro? Iniisip mo bang dahil si Don Juan ang paborito at hindi siya? Posible iyan. Di ba sa lipunang Pilipino, mabigat ang responsibilidad ng panganay pero sa bunso ay puro pagmamahal ang ipinapakita, nang walang inaasahang responsibilidad. Maaaring iyan ang ugat ng inggit ni Don Pedro. Si Don Diego naman, dahil panggitnang anak, di gaanong napapansin, kaya naging mahina ang karakter.
  • 268.
    39 Samakatwid, bakit nagbalakng masama si Don Pedro kay Don Juan? Kasi, bilang panganay, siya ang higit na inaasahang makapag-uuwi ng ibon. Pero nadaig siya ng bunso. Ang sanhi ng masamang balak niya sa bunsong kapatid ay inggit. Ano naman ang ibinunga nito? Di ba ang ginawa nga nilang pagtataksil sa bunso – ang pagbugbog dito at pag-iwan sa daan samantalang iniuwi nila ang ibon. Ang mga iya’y dugtung-dugtong na mga pangyayari ng sanhi at bunga at motibo ng mga tauhan. Gamitin Subuking muli kung alam mo nang magpakahulugan sa mga ideang isinasaad sa mga saknong. Tingnan mo nga kung ano naman ang isinasaad sa sumusunod na mga saknong: 296 Lahat dito’y pasaliwa walang hindi balintuna, ang mabuti ay masama’t ang masama ay dakila. 298 Kaya naging kasabihan ng lahat na ng lipunan, sa langit ang kabanalan sa lupa ang kasalanan. Si Don Juan ang nagsasalita sa mga saknong na iyan. Marahil, kahit mapagpatawad at wika nga’y may malaking puso, hindi pa rin naiwasan ni Don Juan ang maghinanakit. Kaya niya nabigkas ang mga pananalita sa mga saknong sa itaas. Ano ba ang ideang nakapaloob sa S296? Na baligtad ang mundo. Ang masama ang kinikilalang mabuti at ang mabuti ang nagiging masama. Sa S297 naman, tila yata kailangan mo pang mamatay muna para makita ang tunay na kabutihan na sa langit lamang matatagpuan. Ganyan din ba ang naging interpretasyon mo? Kung gayon, tama ang iyong mga hinuha. Ngunit sang-ayon ka ba? Pinaniniwalaan mo ba ang mga ideang nakapaloob sa mga saknong na ito? Marahil ay hindi, ano? Ano man ang mangyari, malalampasan mo, basta’t may determinasyon kang magtagumpay. Gaya ni Don Juan, huwag mong kalilimutang humingi ng patnubay sa iyong mga magulang o sino mang nakatatanda, at sino mang nasa itaas na kinikilala mo at dinadasalan.
  • 269.
    40 Tungkol naman sapagsasama ng magkakapatid, maganda ang paniniwalang inilahad ni Don Juan. Ano ito? Balikan mo ang S 394-397. Dapat laging buo ang samahan ng magkakapatid ano man ang naging kasalanan ng isa o dalawa sa kanila. Sang-ayon ka ba? Sa gitna ng matinding sakit ng katawang pinagdaraanan ni Don Juan, nanawagan siya. Kanino kaya siya nanawagan? 303 “O, ina kong mapagmahal kung ngayon mo mamamasdan, ang bunso mong si Don Juan malabis kang magdaramdam.” Sinong ina ang kinakausap ni Don Juan sa saknong sa itaas? Ang Inang Birhen ba, gaya ng dati na niyang pinananawagan? Hindi, ang kanyang tunay na ina ang naalala niya sa mga sandaling ito. Natatandaan mo pa ba ang pangalan ng kanyang ina? Donya Valeriana, di ba? Lagumin Ano ang napag-aralan mo sa sub-araling ito? Gaya ba ng nasa ibaba ang nabubuo sa isip mo? 1. Mga pangyayari: • Binugbog nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan at iniwan itong di makagulapay sa daan • Iniuwi ng dalawang nakatatandang kapatid ang Ibong Adarna • Ayaw umawit ng ibon dahil hindi kasama ang tunay na nakahuli sa kanya • Tinulungan si Don Juan ng isang matanda at himalang gumaling ang mga sugat niya at nakauwi siya • Umawit ang ibon at nalaman ng hari ang katotohanan • Hiniling ni Don Juan na patawarin ang kanyang mga kapatid • Mula noon, gabi-gabi’y halinhinan ang tatlo sa pagbabantay sa ibon 2. Sanhi at bunga: • Mainggitin si Don Pedro at ito’y nagbunga ng masamang balak laban sa bunsong kapatid • Ayaw umawit ng Adarna kaya hindi pa rin gumaling ang hari • Humingi ng tawad si Don Juan para sa mga kapatid kaya hindi sila naipatapon ng hari
  • 270.
    41 3. Motibo ngtauhan • Ibig ni Don Pedro’y mapasakanya ang karangalan sa paghuli sa Adarna kaya siya nagbalak ng masama laban sa bunsong kapatid • Mahina naman ang karakter ni Don Diego. Kaya madali siyang nahila sa kasamaan. 4. Paniniwalang inilahad • Sa labis na sama ng loob ay nakapagpahayag si Don Juan ng ganito: Na sa mundong ito, ang masama ang nagiging mabuti sa mata ng tao samantalang ang mabuti naman ang nagiging masama; na tila sa langit na lamang matatamo ang tunay na kabutihan. • Dapat laging buo ang samahan ng magkakapatid kaya’t kailangang matutong magpatawad kung may nagkamali sa kanila Subukin Handa ka na ba sa pagsubok sa iyong natutuhan? 1. Sagutin ang mga tanong: a. Ano ang binalak ni Don Pedro laban kay Don Juan? b. Ano ang motibo niya sa balak na ito? c. Sino ang kinasapakat niya? d. Pumayag ba ito? e. Ano ang ginawa nila kay Don Juan? f. Ano ang nangyari sa Ibong Adarna nang maiuwi na ito sa Berbanya? g. Ano ang dahilan ng ibon? h. Sino ang tumulong kay Don Juan upang gumaling at makauwi sa Berbanya? i. Ano ang isinalaysay ng ibon sa kanyang awit? j. Ano ang naging hatol ng hari sa dalawang nagkasalang anak? k. Ano naman ang ginawa ni Don Juan para sa dalawang kapatid? l. Ano ang katwiran o paniniwala niya tungkol sa magkakapatid?
  • 271.
    42 4. Anong paniniwalaang inilalahad sa saknong sa ibaba? 317 Diyos nga’y di natutulog at ang tao’y sinusubok ang salari’y sinusunog! ang banal ay kinukupkop! Ang paniniwala bang nakasaad dito ay tulad din ng nasa S296 at S298? Ang dalawang saknong na nabanggit ay tungkol sa pananalitang nasambit ni Don Juan sa tindi ng paghihirap niya. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng dalawa. Kung nasagot mo nang tama ang lahat ng tanong, hindi mo na kailangang sagutan ang Paunlarin. Maaari ka nang magpatuloy sa Modyul 7. Paunlarin Ilahad ang mga paniniwalang nakasaad sa sumusunod na mga saknong: 329 “Utang ko sa inyong habag ang buhay kong di nautas, ano kaya ang marapat iganti ng abang palad?” 330 Ang matanda ay tumugon: “Kawanggawa’y hindi gayon kung di iya’y isang layon ang damaya’y walang gugol. 331 “Saka iyang kawanggawa na sa Diyos na tadhana, di puhunang magagawa nang sa yama’y magpasasa. 332 “Huwag tayong mamantungan sa ugaling di mainam, na kaya kung dumaramay ay nang upang madamayan.
  • 272.
    43 333 “Lalong banalna tungkulin nasa dusa’y tangkilikin; sa mundo ang buhay nati’y parang nagdaraang hangin.” Gaano ka na kahusay? Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano natutunan mo sa modyul na ito. Tandaan: Hindi mo susulatan ang modyul. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali. 1. Ang korido ay maikling tulang pasalaysay. 2. Ang korido ay tulang may sukat at tugma. 3. Ang korido ay tungkol sa pakikipagsapalarang posibleng maganap sa tunay na buhay. 4. Kapag sinabing may sukat ang tula, pare-pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. 5. Sinasabing di tiyak ang sukat ng tula kapag hindi pare-pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. 6. Magkatugma ang mga salitang pusa at puso dahil parehong may impit na tunog sa dulo. 7. Ang mga tauhan sa isang korido ay karaniwang mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa at iba pang mga mahal na tao. 8. Magkatugma ang mga salitang lawiswis at pagaspas dahil parehong s ang dulong tunog. 9. Magkakatugma ang mga salitang taksil, sutil at bilbil. 10. Ang Ibong Adarna ay isang korido.
  • 273.
    44 B. Isulat sasagutang papel ang tamang salita sa mga patlang. Piliin ang sagot sa mga salitang nakakulong sa parentesis. 11. Tatlong magkakapatid ang tauhan sa Ibong Adarna. Ang bida ay ang _______ (panganay, pangalawa, bunso). 12. Ang paborito ng amang hari ay ang _______(panganay, pangalawa, bunso). 13. Sa paghahanap sa mahiwagang ibon, ang nagtagumpay ay ang _________ (panganay, pangalawa, bunso). 14. Dalawa sa tatlong magkakapatid ang naging bato. Sila ay ang __________(panganay at pangalawa, panganay at bunso, pangalawa at bunso). 15. Ang bunsong prinsipe ay nagtagumpay dahil laging siyang nananalangin at humihingi ng gabay at patnubay sa __________ (Mahal na Birhen, Panginoong Hesukristo, San Jose). 16. Nakatulong sa bunsong prinsipe ang isang _________ (matandang lalaki, matandang babae, munting bata). 17. Naging bato ang dalawang nakatatandang kapatid dahil napatakan sila ng _______ (dumi, laway, balahibo) ng Ibong Adarna. 18. Nang magkasakit ang Hari, ang tanging lunas ay ang _____ (laway, awit, itlog) ng Ibong Adarna. 19. Hindi nakasabay sa pag-uwi ng mga kapatid ang bunso dahil ___________ (binugbog siya ng 2 kapatid, binugbog siya ng mga magnanakaw, binugbog siya ng taong bayan). 20. Nang makauwi na ang bunso at umawit na ang Adarna, ang Hari ay biglang _______ (gumaling, naglubha, namatay). C. Basahin ang ilang piling saknong at piliin sa mga salita sa ibaba ang katangiang ipinapahayag sa bawat saknong. 48 Si Don Pedro’y tumalima sa utos ng Haring ama, iginayak kapagdaka kabayong sasakyan niya. (a) masunurin (b) mapagpakumbaba (c) matulin
  • 274.
    45 147 Sa lalagya’ydinukot na yaong tinapay na dala, iniabot nang masaya sa matandang nagdurusa (a) mapagkawanggawa (b) maramot (c) masayahin 232 Nang sila ay magpaalam ay lumuhod si Don Juan hiniling na bendisyunan ng Ermitanyong marangal. Ang bendisyon ay: (a ) patnubay ng matanda (b) pagluhod sa matanda (c) paghiling sa matanda 291 “Sa akin po ay ano na sinadlak man nga sa dusa, kung may daan pang magkita pag-ibig ko’y kanila pa.” (a) mapagpatawad (b) malilimutin (c) matampuhin 395 “Malaki man po ang sala sa aki’y nagawa nila, yaon po ay natapos na’t dapat kaming magkasama.” (a) mapagtanim ng galit (b) mapagpahalaga sa pagsasama ng magkakapatid (c) mapag-isip ng masama sa kapatid D. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Alin ang sanhi at alin ang bunga sa dalawang pangyayaring inilalahad sa bawat pangungusap? 21. Pagod si Don Pedro kaya nakatulog agad. Sanhi _________________ Bunga ______________ 22. Di nakalilimot humingi ng patnubay si Don Juan kaya laging may tumutulong sa kanya. Sanhi ________________ Bunga ________________
  • 275.
    46 23. Ayaw umawitng Ibong Adarna, kasi’y di nakasama sa pag-uwi sa Berbanya ang tunay na nakahuli sa kanya. Sanhi _______________ Bunga _________________ 24. Mainggitin si Don Pedro kaya siya nag-isip ng masama laban sa sariling kapatid. Sanhi _______________ Bunga _________________ 25. Gumaling ang hari nang marinig ang awit ng Ibong Adarna. Sanhi _______________ Bunga _________________ 26. S18 T1-2: “Sa pag-ibig ng magulang/ mga anak ay dumangal.” Sanhi_______________ Bunga _____________________ E. Anong paniniwala ang inilalahad sa sumusunod na mga saknong: 19 May paniwala ang ama na di ngayo’t Hari siya, maging mangmang man ang bunga sa kutya ay ligtas sila. a. kapag anak ng hari, igagalang kahit hindi nakapag-aral b. kahit anak ng hari ay kailangang mag-aral c. kapag anak ng hari ay ligtas sa pagkutya 20 Alam niyang itong tao kahit puno’t maginoo kapag hungkag din ang ulo batong agnas sa palasyo. a. mahalaga ang may mataas na pinag-aralan ang mga namumuno ng kaharian b. mahalagang walang laman ang ulo ng mga namumuno c. mahalaga ang maging puno’t maginoo 31 Ngunit itong ating buhay talinghagang di malaman matulog ka nang mahusay magigising nang may lumbay.
  • 276.
    47 a. isang palaisipanang buhay b. kapag masaya kang natulog, may problema paggising mo c. paggising mo ay laging may problema Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul. Mga Sanggunian Rodillo, Gregorio M. et al. 1998. Ibong Adarna: Isang Interpretasyon. Binagong Edisyon. Maynila: Rex Book Store. Santillan-Castrence, Pura. 1940. Publikasyon Blg. 26 ng Surian ng Wikang Pambansa. Maynila: Surian ng Wikang Pambansa.
  • 277.
    48 Modyul 6 Ang TatlongPrinsipe at ang Mahiwagang Ibon Ano na ba ang alam mo (Panimulang Pagsusulit) A. 1. M 6. M 2. T 7. T 3. M 8. M 4. T 9. T 5. T 10. T B. 1. bunso 6. matandang lalaki 2. bunso 7. dumumi 3. bunso 8. awit 4. panganay at bunso 9. binugbog siya ng 2 kapatid 5. Mahal na Birhen 10. gumaling C. S 47: a. masunurin S146: a. mapagkawanggawa S 231: a.patnubay ng matanda S 290: a. mapagpatawad S 394: b. mapagpahalaga sa pagsasama ng magkakapatid D. 1. Sanhi: Pagod si Don Pedro. Bunga: Nakatulog agad. 2. Sanhi: Di nakalilimot humingi ng patnubay Bunga: Laging may tumutulong sa kanya 3. Sanhi: Di nakasama sa pag-uwi sa Berbanya ang tunay na nakahuli sa kanya Bunga: Ayaw umawit ng Ibong Adarna Susi sa Pagwawasto
  • 278.
    49 4. Sanhi: Mainggitinsi Don Pedro Bunga: Nag-isip ng masama laban sa sariling kapatid 5. Sanhi: Narinig ang awit ng Ibong Adarna Bunga: Gumaling ang hari 6. Sanhi: Pag-ibig ng magulang Bunga: Mga anak ay dumangal E. S 19: b. kahit anak ng hari ay kailangang mag-aral S 20: a. mahalaga ang may mataas na pinag-aralan ang mga namumuno ng kaharian S 30: a. isang palaisipan ang buhay Sub-Aralin 1 1. S 1 a. Sa Birhen b. Oo, iisa. c. (1) layon ay d. Ang layon ay nangangahulugang dahilan o mithing ibig makamit. Ang layo ay nangangahulugang ‘agwat.’ Ang ibig sabihin ng makata ay ang dahilan kung bakit siya tumutula. e. Walo (8) S 4 a. Takot b. (1) paglalakbay sa dagat o ilog c. (1) lumayag, (2) mapalaot, (3) mamangka S 8 a. (1) mahusay mamahala b. (1) may pagkakapantay-pantay ang mga mahirap at mayaman c. Nanagana d. Tama 2. T1 – 13 T4 – 6 T2 – 11 T5 – 10 T3 – 10 T6 – 11
  • 279.
    50 3. Mga magkakatugmangsalita pag-ibig palad dusa basbas lawiswis Pasig Pilipinas ganda pagaspas bagwis dilag sirena lipad halina lipas ligaya hangin bangin giliw baliw 4. 1. Magkaiba ang mga dulong patinig: a sa pagaspas at i sa lawiswis. 2. Ang dusa ay walang impit na tunog pero ang dukha ay mayroon. Di magkatugma ang may impit at ang walang impit na tunog. Sub-Aralin 2 1. S 19 a. amang hari b. anak ng hari c. (1) mahalaga ang pag-aaral ng mga prinsipe S 20 a. ang haring tinutukoy sa S19 b. (2) puno o ulo ng isang kaharian c. (2) mataas na uring tao sa isang kaharian d. (3) parehong 1 at 2 e. (3) makasisira sa kaharian 2. a. Hiniwa ang palad at pinatakan ng dayap b. Pito (7). S 208 c. Nagbawas o dumumi. S209 d. Gintong sintas. S 213 3. Nagkulang sa tiyaga. 4. Sobra ang tiwala sa sarili.
  • 280.
    51 Sub-Aralin 3 1. a. Patayinsi Don Juan b. Para mapasakanila ni Don Diego ang karanglan sa pag-uuwi ng ibon c. Si Don Diego d. Hindi e. Binugbog nila si Don Juan f. Pumangit at ayaw umawit g. Hindi kasama sa pag-uwi sa Berbanya ang tunay na nakahuli sa kanya h. Isang matandang lalaki i. Ang tunay na nangyari: ang pagkakahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna, ang pagbugbog nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan at pag-iwan dito sa daan, ang pagsisinungaling sa amang hari. j. Ipatapon at bawian ng lahat ng karapatan k. Humingi ng tawad sa hari para kina Don Pedro at Don Diego l. Dapat na magkakasama ang magkakapatid 2. Kabaligtaran ng S296 at S298
  • 281.
    Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 7 Pagbibigay ng Opinyong Positiv at Negativ at Pagpapahayag ng Dami, Lawak at Lokasyon
  • 282.
    2 Modyul 7 Pagbibigay ngOpinyong Positiv at Negativ at Pagpapahayag ng Dami, Lawak at Lokasyon Tungkol saan ang modyul na ito? Magandang araw sa iyo! Binabati kita sa pagtatapos mo ng mga nakaraang modyul. Madalas ay naririnig o napapanood mo ang mga taong nagtatalo o nagdedebate tungkol sa isang isyu. Halimbawa, ang mga kabataan ay pabor sa paggamit ng cellphone, samantalang ang mga katandaan ay hindi. Sinasabi nilang istorbo lang iyan sa pag-aaral bukod sa dagdag gastos. Sabi naman ng mga kabataan ay hindi totoo iyon. Paano mo nga ba maipagtatanggol ang iyong panig o paniniwala? Isa ito sa mga matututuhan mo sa modyul na ito. Matututuhan mo ring kilalanin at suriin ang mga positiv at negativ na opinyon. Bukod dito, tuturuan ka ring gumamit ng mga salitang naglalahad ng dami, lawak at lokasyon. Sisikapin ng modyul na ito na matulungan kang higit na maunawaan ang tekstong argyumentativ. Marahil ay nakahanda ka na. Huwag kang mag-aalala, tutulungan ka ng modyul na ito. Ano ang matututunan mo? Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito. 1. nakikilala ang mga talatang may tekstong argyumentativ 2. nakasusulat ng mga tekstong argyumentativ 3. napipili ang mga positiv at negativ na opinyon sa loob ng teksto 4. natutukoy at nagagamit nang wasto sa pagpapahayag ang mga salitang nagsasaad ng a. Dami o lawak (tiyak at di-tiyak) b. Lokasyon o direksyon Sige magpatuloy ka.
  • 283.
    3 Paano mo gagamitinang modyul na ito? Narito ang mga tuntuning dapat mong sundin sa paggamit ng modyul: 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. Sige, magsimula ka na! Ano na ba ang alam mo? Sagutan ang panimulang pagsusulit. Huwag kang mag-alala, aalamin lang nito kung kailangan mo pa ang modyul na ito o tutuloy ka na sa susunod. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel. I. Panuto Isulat ang A kung argyumentativ, at H kung hindi argyumentativ ang teksto. _____ 1. Dapat na kondenahin ang walang pahintulot at labag sa batas na paggamit ng kompyuter. Isa itong panganib sa ekonomiyang pandaigdig. Dahil sa walang pakundangang paggamit nito, nalalagay sa hindi mabuting sitwasyon ang mga bangko at korporasyon. Maaaring mabangkrap ang mga kumpanya dahilan dito.Dagdag pa, pati ang mga pribadong buhay
  • 284.
    4 ng mga mamamayanat dokumento ng mga ahensya ng gobyerno ay nalalagay sa panganib na magamit nang labag sa batas. Isa pa ay nagkakaroon ng pagnanakaw na intelektwal. Sa palagay ko, dapat lamang na maparusahan ang mga kriminal at abusado sa paggamit ng kompyuter. _____ 2. Sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, may alternatibong maaaring ikonsidera ang Pilipinas. Ito ay ang paggamit ng natural gas. Ang Department of Science and Technology sa pamamagitan ng Philippine Council for Energy Research and Development ay sumusuporta sa pagsusulong nito. Natagpuan sa Palawan ang isang mina ng natural gas na may 3.4 trillion cubic feet. Sinasabing makasasapat ito sa 20 taong suplay ng kuryente kung idedevelop. Noong Oktubre 16, 2002, inilunsad ni Presidente Arroyo ang Natural Gas Vehicle Program for Public Transport bilang unang hakbang tungo sa paggamit ng nasabing alternatibo. _____ 3. Ang preserbasyon ng pagkain ay unang natuklasan ng isang French chemist na si Nicholas Appert. Naobserbahan niya na ang mga pagkaing ininit sa selyadong lalagyan ay hindi nasisira kung hindi ito bubuksan o mapapasukan ng kahit na hangin man lamang. Dito nagsimula ang malawakang pag-unlad ng preserbasyon ng pagkain. Limampung taon matapos ng pagtuklas, isa na namang Pranses ang nakaimbento ng isa pang paraan. Ito ay tinawag na pasteurization, hango sa pangalan ni Louis Pasteur. Siya naman ang nakakita ng relasyon ng microorganism at pagkasira ng pagkain. Mula rito, nagsimula ang preserbasyon sa paglalata ng mga pagkain. _____ 4. Ang pagpaparami ng pagkain sa pamamagitan ng jenetiks ay isang malaking isyung dapat talakayin. Dapat ba o hindi dapat na gamitin ito? Ayon sa ilan, ito raw ay magaling at nakatutulong nang malaki sa buhay ng tao. Samantalang ang sabi ng iba, marami raw itong ibubungang makasasama sapagkat hindi gumagamit ng likas na paraan ng produksyon. Maaari raw itong makasira sa prodaktiviti ng lupa at makalason sa mga katabing halaman. _____ 5. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng mundo. Dapat bang kontrolin ang pagdami ng tao sa pamamagitan ng kontraseptivs? Naniniwala akong hindi dapat. Una, ang likas na pagpaparami ng tao ay mula sa Diyos kaya hindi dapat labagin. Ikalawa, ang kalikasan ay may sariling paraan ng pagbabalanse ng kaganapan sa daigdig kaya hindi natin ito dapat problemahin. Ikatlo, kung ang problema ay pagkakaroon ng kakulangan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan… pagsisikap at pagmamalasakit lamang ang solusyon diyan. II. Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang teksto. Isulat sa sagutang papel na nakalaan. Samakatwid Samantala upang kapag Sapagkat kung gayon ngunit
  • 285.
    5 Makabubuti nga bao makasasama ang mga imbensyong ginagawa ng mga pangunahing kumpanya sa Japan? Marami ang naniniwalang ito ay kakaiba at nakatutuwa, (1)______________ ay nakatutulong.(2) ______________, ang iba ay nagsasabing ito ay isang banta sa kaligtasan ng buhay ng tao at isang panganib sa lipunan. Kunin nating halimbawa ang bagong imbensyon ng Sony. Tinawag nila itong SDR-4X. Isang robot na may kakayahang sumayaw at kumanta. May taas itong halos dalawang talampakan, may dalawang paa at 38 sugpungan (body joints). Dahil dito, kaya nitong mag-boogie. Maaari rin itong makakilala ng 10 mukha ng tao at mabati sila nang personal. Sa kasalukuyan, tinatangka ng mga siyentista ng Sony na maging interaktiv ang SDR-4X (3)________________ tuluyan itong magkaroon ng kakayahang makisalamuha sa mga tao. Halimbawa, (4)_______________ kapag binati mo ito nang maayos,gayundin ang kanyang gagawin. Kapag inabuso mo, iiyak naman. Paano kung katulad ng ibang imbensyon, magkaroon ng pagkakamaling hindi naman inaaasahan? Paano kung maging marahas ang reaksyon ng mga robot? Magwasak ito ng mga ari- arian, at ang pinakamasama sa lahat, manakit o pumatay ng tao? Kung magkakaganoon, hindi ba napakalaking panganib ang ibibigay nito? (5)_______________, nararapat lang na pag-ukulan na masusing pagsusuri ang mga imbensyong katulad nito. III. Panuto: Isulat ang POS kung positiv, at NEG kung negativ ang mga pahayag. _____ 1. Makabubuti sa kaunlaran ng bansa ang pagkakaroon ng mga disiplinadong mamamayan. _____ 2. Tunay na mahalaga ang pakikisangkot sa mga isyu ng lipunan. _____ 3. Hindi maaaring umunlad ang mga taong walang pakialam sa nangyayari sa paligid. _____ 4. Salungat ako sa proposisyong paggamit ng kontraseptivs upang makontrol ang paglaki ng populasyon. _____ 5. Ang mararahas na programa sa telebisyon ay may masamang epekto sa isipan ng mga bata at kabataan.
  • 286.
    6 IV. Panuto: Isulatkung ang mga salitang nakabold ay tumutukoy sa dami, lawak o lokasyon. Isla ng Camiguin Ang pangalang Camiguin ay nanggaling sa salitang Kamagong, isang uri ng puno na karaniwan noon (1) sa isla.Ang mga Manobo mula sa Surigao ang unang nanirahan dito. Ayon sa mga dokumentong natagpuan noong Panahon ng Kastila, ang mga dakilang manlalakbay na sina Ferdinand Magellan at Miguel Lopez de Legaspi ay nakarating (2)dito noong 1521 at 1565. Ang Camiguin ay isang pulong volkanik na matatagpuan sa Dagat ng Bohol, (3)54 na kilometro sa hilagang Mindanao. Dahilan sa pagsabog ng (4) pitong bulkan, nabuo ang napakagandang isla kaya binansagang“Isinilang ng Apoy.” Wala pang matatagpuang lugar sa Timog-Silangang Asya na maaaring makapantay sa kagandahan ng lugar na ito.Itinatayang may sukat itong (5)238 kilometro kwadrado. Ang mga kalsada ay may sirkumperensyang (6) 64 na kilometro. Naging bahagi ang Camiguin ng Misamis Oriental hanggang noong 1968. Pagkatapos ay naging hiwalay na parte ng Rehiyon X o (7)Hilagang Mindanao. Sa kasalukuyan, may (8)70,000 na ang populasyon nito. Itinuturing itong isa sa (9) 25 pinakamagagandang isla ng Pilipinas na paboritong destinasyon ng mga turista.Ibinilang din itong ika-7 sa pinakamahuhusay na diving spot sa buong mundo. Isang paraisong hindi pa naaabuso ng tao at ng modernisasyon.Nasa (10)gitna ng dagat, may maiinit at malalamig na mga bukal ng tubig, naggagandahang mga talon, malinis na kapaligiran, mayamang kagubatan at halamanan, at kahanga- hangang lokasyon. V. Sumulat ng isang tekstong argyumentativ, gamit ang mga sumusunod na gabay. Maaaring umisip ng paksang higit mong naiibigan o pumili ng nakatala sa ibaba. Ipatsek sa iyong guro. May katumbas itong 20 puntos. Panood ng mga Bata ng Anime: Nakasasama o Hindi? Dapat Parusahan ng Kamatayan ang mga Taong Gumagawa ng Karumal-dumal na Krimen Ang mga Batang Lansangan ay Repleksyon ng Uri ng Pamamalakad ng Pamahalaan _________________________________________ (Pamagat) Tatalakayin ko rito ang _________________________________(Paksa).
  • 287.
    7 May dalawang panigito: __________________________________(unang panig) at _____________________________________________________(Ikalawang panig). Naniniwala akong _____________________________________ (Ang iyong panig) Narito ang aking mga patunay. Una, ____________________________________ _______________________________________________. Nasabi ko ito dahil ___ ____________________________(Ipaliwanag ang unang patunay). Ikalawa, _____ ________________________________________________________. (Ilahad ang ikalawang patunay). ______________________________________(Magbigay ng halimbawa sa ikalawang patunay).____________________________________. At sa huli, __________________________________________ (ang ikatlong patunay). Bilang konklusyon, masasabi kong ___________________________________ (panghuling paliwanag at depensa). Kaya, naninindigan akong _________________ ________________________________________ (Pagbibigay-diin sa iyong panig). Mga Gawain sa Pagkatuto Sub-Aralin 1: Pagkilala at Pagsulat ng Tekstong Argyumentativ Mga Salitang Nag-uugnay ng mga Kaisipan Layunin: 1. nakikilala ang mga tekstong argyumentativ at ang mga katangian nito 2. nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay ng mga kaisipan 3. nakasusulat ng mga tekstong argyumentativ Alamin Mahilig ka bang mag-video games? Gumagamit ka ba ng cellphone? Marahil ay oo. Nakalilibang ito, hindi ba? Ang galing talaga ng tao! Mahusay umimbento lalo na sa larangan ng teknoloji. Ang telebisyon ay isa pa sa produkto ng teknoloji. Halos lahat ng mg bahay ay mayroon na nito. Ano ang paborito mong programa? Siguro ay kartuns, drama, aksyon, basketbol o telenovela.
  • 288.
    8 Naisip mo bakung anu-ano ang maaaring idulot ng mga makabagong teknoloji sa iyong buhay? Sige, basahin mo ang artikulong ito nang magkaroon ka ng ideya. Teknoloji: Nakasasama o Nakabubuti sa Buhay at Pamilya? 1. Madalas na pinagtatalunan ng mga tao kung ang teknoloji ay nakasasama o nakabubuti. Marami ang nagsasabing napagiginhawa at napauunlad nito ang uri ng pamumuhay ng tao, samantalang ayon sa iba, ito ay nakasisira. Sa aking opinyon, ang dalawang pananaw ay parehong tama subalit may mga limitasyon. Higit pa rito, naniniwala ako na ang dapat suriin ay kung paano ginagamit ng tao ang produkto ng teknoloji. 2. Gagamitin kong halimbawa ang telebisyon. Maraming dekada na ang nagdaan at hanggang sa kasalukuyan, inaakusahan pa rin ang telebisyon na siyang sumisira sa pamilya at nagwawasak ng kaisipang ng mga batang manonood. “Idiot box,” ang taguri sa Ingles. Pinaninindigan ko, kahit na ang telebisyon ay nasasangkot dito, ang problema ay hindi nag-uugat sa teknoloji kung hindi sa mga taong gumagamit nito. 3. Una, hinahayaan ng mga taong patakbuhin nito ang kanilang buhay. Nakapagdidikta ang telebisyon ng mga gawi, kilos at lenggwahe ng mga manonood. Pinaniniwalaan ko ito sapagkat ang mga magulang, hindi ang telebisyon, ang nagpapahintulot sa kanilang mga anak na umupo sa harap ng telebisyon at manatili roon ng mahabang oras. Ikalawa, ang mga magulang din ang nagpapabayang mapalitan ang oras na para sa pamilya ng walang kabuluhang oras ng panonood. Sa halip na magkaroon ng “bonding” ang pamilya, ang bawat isa ay abala sa panonood ng mga paboritong programa. Karagdagan rito, hindi rin napipili ng mga magulang o sinumang nakatatanda sa bahay, ang mga programang dapat na panoorin ng mga bata sa bahay. 4. Ang mga konsepto at kaisipang napapanood ay hindi nasasala. Sa halip, ito ay tuwirang pumapasok sa isip ng mga kabataan. Kung ito ay tungkol sa karahasan at pang-aabuso, walang nakapagpoproseso nito sa batang manonood. 5. Sa katotohanan, hindi ang teknoloji ang dapat sisihin kung hindi ang mga taong tumatangkilik at gumagamit nito. Samakatwid, ang telebisyon ang bahagi lamang ng suliraning pampamilya, gayundin ng pagkawasak ng kaisipan ng mga bata. Bilang konklusyon, ang masamang paghatol ng taong nanonood ng telebisyon, o ang mga nagpapabayang magulang ang dapat sisihin, hindi ang teknoloji.
  • 289.
    9 Ngayong tapos monang basahin, anu-ano ang mga naidudulot sa iyo ng programang iyong pinapanood? Tama. Nalilibang ka at lumilipas ang oras nang hindi mo namamalayan. Nakatutulong ba ang telebisyon sa iyong sarili at pamilya? Tama ka. Kung minsan ay oo, kung minsan ay hindi. Kahit na nakalilibang ang panonood ng telebisyon, nababawasan o nawawalan naman ng oras para magkalapit ang magkakapamilya. Sinasabi sa artikulo na ang mga magulang na nagpapahintulot sa mga anak na manood ng telebisyon ang dapat sisihin sa halip na ang teknoloji, hindi ba? Narito ang ilang mga pananalitang ginagamit sa teksto. Basahin mo ang bawat isa. Gawain 1 Pangkatin mo ang mga pananalita. Isulat sa kolum A ang may kaugnayan sa magulang, at sa kolum B ang sa teknoloji. Nagpapabaya Hindi napoproseso ang panoorin Nakalilibang Nakasisira ng pamilya Nagpapahintulot na manood Idiot box Nagwawasak ng kaisipan Napagiginhawa Walang kabuluhang programa Hindi nasasala ang konsepto Napauunlad Kolum A: Magulang Kolum B: Teknoloji Ganito, humigit-kumulang ang magiging sagot mo. Kolum A: Magulang Nagpapabaya Hindi napoproseso ang panoorin Nagpapahintulot na manood Hindi nasala ang konsepto Kolum B: Teknoloji Nakalilibang Idiot box Walang kabuluhang programa Napauunlad Nakasisira ng pamilya Nagwawasak ng kaisipan Napagiginhawa
  • 290.
    10 Tama ba angklasifikasyon mo? Kung hindi, basahin mo ulit ang teksto. Ngayon, balikan mo ang mga salita at pariralang nakita mo sa teksto. Paano ito ginamit? Ginamit ito sa pagpapaliwanag sa punto ng argumento. Dahil hindi naniniwala ang manunulat na ang teknoloji ay dapat sisihin sa mga problemang pampamilya at personal, kinailangang patunayan niya ang kanyang panig. Magbigay ka nga ng ilang pagpapatunay na inilahad ng awtor. Ganito ba ang isinulat mo? Ginamit niyang halimbawa ang telebisyon bilang isang produkto ng teknoloji. Sinabi niya na ang mga manonood ang nagdedesisyon kung ano ang panonoorin at gaano kahabang oras ang ginugugol nila sa panonood. Kung ganoon, tao ang dapat sisisihin kung may nagiging masamang epekto ang telebisyon, hindi ang teknoloji. Sige magpatuloy ka upang higit mong maunawaan. Pag-usapan natin ang paksa ng teksto. Saang talata ito makikita? Nasa talata 1, di ba? Ano naman ang pangunahing isyung inilahad? Teknoloji. Tama. Ngayon, napansin mo ba na binigyan ng dalawang panig ang isyu? Anu-ano ang mga ito? Kung nakabubuti o nakasasama, di ba? Sagutan mo nga ang tatlong tanong na ito. 1. Ilahad ang panig ng manunulat. 2. Itala ang tatlong dahilan kung bakit ito ang panig niya. a. b. c. 3. Ano ang kanyang kongklusyon? Paano mo sinagutan ang mga tanong? Binasa mong muli ang teksto, hindi ba? Hinanap mo ba ang tiyak ng mga dahilang inilahad ng manunulat? Kung Oo, tama ang mga paraang ginamit mo. Ganoon nga. Kailangang maging tiyak at detalyado ang mga sagot. Malapit ba rito ang iyong mga sagot? Kung ganoon, tama ka. 1. Ilahad ang panig ng manunulat. Hindi ang teknoloji ang dapat sisihin sa pagkasira ng isip ng mga bata at sa pagkawasak ng pamilya. 2. Itala ang tatlong dahilan kung bakit a. Hinahayaan ng mga taong patakbuhin nito ang kanilang buhay.
  • 291.
    11 ito ang panigniya. b. Napapabayaan ng mga magulang g mapalitan ng telebisyon ang oras na pampamilya. c. Hindi napipili ng mga magulang ang mga programang dapat panoorin ng mga bata. 3. Ano ang kanyang kongklusyon? Hindi ang teknoloji ang dapat sisihin. Napansin mo marahil na inunawa mo munang mabuti ang mga pahayag bago mo ito naisulat. Makalawa mo sigurong binasa o higit pa, bago mo tuluyang itinala ang mga sagot. Tama ang ginawa mo.Ganito kasi ang kailangan sa pagbabasa. Suriin mo ang teksto. Kabilang ito sa uring argyumentativ. Ang tekstong argyumentativ ay naglalahad ng mga isyu. Maingat ding inilalahad ng sumulat ang panig ng isyung pinaniniwalaan o pinaninindigan niya. Layunin kasi nitong makumbinse o mahikayat ang iba, sumang-ayon sa mga katotohanang inilalahad, makibahagi sa valyung pinaninindigan at tanggapin ang argumento at konklusyon ng manunulat. Balikan mo ang ilang bahagi ng teksto upang higit mong maunawaan. • Madalas na pinagtatalunan ng mga tao kung ang teknoloji ay nakasasama o nakabubuti. Ito ang unang pangungusap sa teksto na naglahad kung ano ang paksa at ang isyu. Hindi ba ang paksa ay teknoloji? Ano naman ang isyu? Tama! Kung ito ay nakabubuti o nakasasama. Sa pagsulat ng tekstong argyumentativ dapat na mailahad kaagad sa unang pangungusap pa lamang ang paksa at isyung tatalakayin. Suriin mo ang mga kasunod na pangungusap. • Marami ang nagsasabing napagiginhawa at napauunlad nito ang uri ng pamumuhay ng tao, samantalang ayon sa iba, ito ay nakasisra. Sa aking opinyon, ang dalawang pananaw ay parehong tama subalit may mga limitasyon. Higit pa rito, naniniwala ako na ang dapat suriin ay kung paano ginagamit ng tao ang produkto ng teknoloji. Pansinin na naglahad ng dalawang panig ang manunulat – ang opinyon ng sumasang-ayon at ng di-sumasang-ayon. Pagkatapos ay nagbigay siya ng sariling opinyon – na parehong tama ang dalawang panig subalit may limitasyon. Binigyang-diin niya ang kasunod na paniniwala sa pamamagitan ng paggamit ng pang-ugnay na higit pa rito. Sa bahaging ito ay nagsisimula na ang manunulat na buuin ang kanyang argumento. Nasusundan mo ba? Ganito ang paraan sa unti- unting pagbuo ng tekstong argyumetativ. Ngayon basahin mo naman ang ikatlong talata. Bigyang-pansin mo ang mga salitang nakabold.
  • 292.
    12 • Una, hinahayaanng mga taong patakbuhin nito ang kanilang buhay. Nakapagdidikta ang telebisyon ng mga gawi, kilos at lenggwahe ng mga manonood. Pinaniniwalaan ko ito sapagkat ang mga magulang, hindi ang telebisyon, ang nagpapahintulot sa kanilang mga anak na umupo sa harap ng telebisyon at manatili roon ng mahabang oras. Ikalawa, ang mga magulang din ang nagpapabayang mapalitan ang oras na para sa pamilya ng walang kabuluhang oras ng panonood. Sa halip na magkaroon ng “bonding” ang pamilya, ang bawat isa ay abala sa panonood ng mga paboritong programa. Karagdagan rito, hindi rin napipili ng mga magulang o sinumang nakatatanda sa bahay, ang mga programang dapat na panoorin ng mga bata sa bahay. Ang mga konsepto at kaisipang napapanood ay hindi nasasala. Sa halip ito ay tuwirang pumapasok sa isip ng mga kabataan. Kung ito ay tungkol sa karahasan at pang- aabuso, walang nakapagpoproseso nito sa batang manonood. Ano ang napansin mo sa kabuuan ng talatang ito? Tama ka. Inisa-isa nito ang mga patunay sa panig ng manunulat. Ang mga salitang una, ikalawa, karagdagan, ay nagsilbing pananda o marker nito. Sa bahaging ito nagkaroon ng mas malawak na paliwanag at patunay kung bakit naniniwala ang manunulat na ang mga tao ang nagiging dahilan ng ikasasama o ikabubuti ng paggamit ng teknoloji. Ito rin mismo ang isinulat mo sa kolum na sinagutan mo kanina kaya lang ay may elaborasyon. Tingnan mo naman ngayon ang huling talata. Pansinin mo rin ang mga salitang nakabold pati ang daloy ng paghahanay ng mga kaisipan. Simulan mo. • Sa katotohanan, hindi ang teknoloji ang dapat sisihin kung hindi ang mga taong tumatangkilik at gumagamit nito. Samakatwid, ang telebisyon ay bahagi lamang ng suliraning pampamilya, gayundin ng pagkawasak ng kaisipan ng mga bata. Bilang kongklusyon, ang masamang paghatol ng taong nanonood ng telebisyon, o ang mga nagpapabayang magulang ang dapat sisihin, hindi ang teknoloji. Ang unang pangungusap ay gumagamit ng pariralang sa katotohanan, bilang pagpapatibay sa puntong hindi ang teknoloji ang dapat sisihin kung hindi ang tao. Nagtuluy-tuloy ang lohikal na paghahanay ng kaisipan sa pamamagitan ng pagsasabing ang telebisyon ay bahagi lamang ng suliranin. Nagkaroon ng koneksyon ang magkasunod na pangungusap. Paano? Sa pamamagitan ng salitang samakatwid. Sa huli, nagkaroon ng linaw ang teksto sa pamamagitan ng pariralang bilang kongklusyon at binigyang-diing muli ang panig ng manunulat na – hindi teknoloji ang dapat sisihin kung hindi ang masamang paghatol ng tao sa paggamit nito. Kumusta ang iyong pagsusuri? May malabo ba? Kung mayroon, balikan mo ang mga bahaging hindi mo gaanong maintindihan. Sa kabuuan, tandaan mong may tatlong bahagi ang tekstong argyumentativ: 1. Paksa at isyung pinapanigan 2. Paglalahad ng tatlong patunay na susuporta sa iyong isyu o argumento
  • 293.
    13 3. Pagbibigay-diin saiyong punto at pagbanggit na muli ng iyong panig Lagi mong tandaan na ang paghahanay ng kaisipan ay dapat na maayos at lohikal. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na pang-ugnay upang maipakita ang koneksyon ng mga ideyang inilalahad: Una – para sa unang patunay Ikalawa – para sa ikalawang patunay Karagdagan dito/doon Higit pa rito/roon para sa mga kasunod ayon Lalo`t higit sa digri ng pagpapatunay Bukod ditto Halimbawa: Lalo`t higit na dapat bantayan ang mga taong gumagawa at nagbebenta ng bawal na gamot. Sila ay salot sa lipunan. Iba rin naman ang gamit ng mga sumusunod: Ngunit Bagamat Datapwat Subalit Halimbawa: Nagkamali nga ang mga adik subalit hindi ba sila maaaring bigyang muli ng pagkakataon? Sa pagtatapos o kongklusyon ng argumento, maari mong gamitin ang mga sumusunod na parirala: Sa pagbubuod Bilang konklusyon Sa kabuuan Sa pagtatapos Samakatwid Bilang paglalagom Halimbawa: Bilang paglalagom, nais kong bigyang-diin na hindi dapat lubusang sisihin ang mga sugapa sa bawal na gamot. Biktima lamang sila. Ang lahat ng ito ay makatutulong upang makabuo ng mga tekstong argyumentativ. Subukin mong gawin ang mga pagsasanay na sumusunod. Gamitin Tingnan mo kung mailalapat mo ang iyong natutuhan. Gawain 1 Basahin mo ang talata at bigyang pansin ang mga pang-ugnay na nasa panaklong. Piliin ang angkop sa diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel. Para sa pagbibigay daan sa mga nagsasalungatang pahayag na gagamiting patunay
  • 294.
    14 Parusang Kamatayan: Makatarungano Hindi? Pinakamalalang anyo ng pagpaparusa ang kamatayan. Tinatawag din itong parusang kapital o korporal (1. sapagkat, bagamat) nangangailangan ng alagad ng batas (2. subalit,upang) maisagawa ang aktwal na pagpatay. (3. Ngunit, Bagamat) hindi ba ang mga tumutulong sa pagpapatupad ng parusang kapatayan ay mga kriminal din? May mahahalagang isyung matagal nang pinagtatalunan kaugnay nito. (4. Sa kabuuan, Una) ay ang deterens teori. Sinasabi nito na ang isang taong rasyonal o nasa tamang pag-iisip ay matatakot na gumawa ng krimen kung ang kaparusahang matatamo niya ay mas mabigat kaysa sa kapakinabangang makukuha. Sa kasong ito, kamatayan nga. (5. Kasunod, Karagdagan dito), ang retribusyon. Ito ay ang pangangailangan ng lipunan na magpahayag ng matibay at sapat na pagkondena sa mga karumal-dumal na krimen. (6. Ikalawa, Ikatlo), ang pagiging arbitrari o kawalang katwiran ng nagpapatupad ng batas. Ito ang higit na pagpapairal sa bugso ng damdamin kaysa sa katwiran ng katarungan. Nagkakaroon ng pagkiling o bias sa pagpapatupad ng batas. (7. Panghuli, Sa wakas) ay ang panganib na magkamali sa paghatol. Kahit na gaano pa kaingat sa pagsusuri at paghatol ang hustisya, nagkakamali pa rin. Ilang beses nang nangyari na matapos na maipatupad ang parusang kamatayan, lumilitaw ang tunay na nagkasala (8. dahil sa, datapwat) nakukunsensya. Ang kaibahan ng parusang kamatayan sa iba pang uri ng kaparusahan ay hindi na ito nababago. Wala nang bawian. Naniniwala ako na nararapat lamang ng magkaroon ng parusang magtuturo ng leksyon (9. subalit, bagamat), naniniwala rin akong dapat na ito ay maging parehas. (10. Samakatwid, Sapagkat) ang parusang kamatayan ay hindi makatarungan. Ganito ba ang iyong sagot? Itsek mo. 1. Sapagkat 6. Ikatlo 2. upang 7. Panghuli 3. Ngunit 8. Dahil sa 4. Una 9. Subalit 5. Kasunod 10. Samakatwid Gawain 2: Heto pa ang isa. Basahin ang teksto. Punan ang patlang ng mga wastong pang- ugnay upang maging lohikal ang paghahanay ng mga kaisipan. Ikalawa Una Sa katotohanan Karagdagan dito Bilang paglalagom Samakatwid
  • 295.
    15 Dapat na maglaanang pamahalaan ng mas malaking suportang pinansyal sa mga Day Care Centers. (1) ____________, ang mga Centers na tulad nito ay tumutulong sa development ng mga paslit. Arito ang mga dahilan: (2) ____________, nagbibigay ito ng pagkakataon upang makahalubilo nila ang mga kapwa bata. Nagbibigay ito ng oportunidad na magkaroon sila ng kasanayang sosyal. (3) ____________, mas nagiging responsable ang mga bata at hindi gaanong umaasa sa kanilang mga magulang sa maliliit na mga bagay.(4) ____________, ang mga magulang ay nakapagtatrabaho. (5) ____________, mas nagiging produktibo at nakatutulong sila sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. (6) ____________, naniniwala akong dapat na magbigay ng mas malaking badyet ang gobyerno sa mga Day Care Centers. Ihambing mo ang iyong sagot dito. 1. Sa katotohanan 4. Karagdagan dito 2. Una 5. Samakatwid 3. Ikalawa 6. Bilang paglalagom Tama ba ang lahat ng sagot mo? Kung Oo, sige, magpatuloy ka. Kung kailangan mong balikan ang teksto, sige gawin mo. Gawain 3 Balikan mo ang tekstong Parusang Kamatayan: Makatarungan o Hindi? Basahin itong muli at suriing mabuti. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang paksa ng artikulo? 2. Anu-ano ang dalawang panig ng isyu? 3. Ilahad ang panig ng manunulat. 4. Itala ang tatlong dahilan kung bakit ito ang panig niya. 5. Ano ang kanyang kongklusyon?
  • 296.
    16 Ganito ba angiyong sagot? Itsek mo. 1. Ano ang paksa ng artikulo? Parusang Kamatayan 2. Anu-ano ang dalawang panig ng isyu? Makatarungan ba o Hindi? 3. Ilahad ang panig ng manunulat. Naniniwala ang manunulat na itoay hindi makatarungan. 4. Itala ang tatlong dahilan kung bakit ito ang panig niya. Ginamit niyang dahilan ang mga sumusunod: a. deterens teori b. retribusyon c. pagiging arbitrari 5. Ano ang kanyang kongklusyon? Ang parusang kamatayan ay hindi makatarungan. Gawain 4: Sumulat ng isang tekstong argyumentativ, gamit ang mga sumusunod na gabay. Maaaring umisip ng paksang higit mong naiibigan o pumili ng nakatala sa ibaba. Ipatsek sa iyong guro. May katumbas itong 20 puntos. Pagbabawas ng Pork Barrel ng mga Mambabatas: Nakasasama o Nakatutulong sa Mamamayang Pilipino? Dapat Parusahan ng Kamatayan ang mga Taong Gumawa ng mga Karumal- dumal na Krimen Ang Jueteng ay Dapat na Maging Legal sa Pilipinas _________________________________________ (Pamagat) Tatalakayin ko rito ang _________________________________(paksa). May dalawang panig ito: __________________________________(Unang panig) at ____________________________________________________ (Ikalawang panig). Naniniwala akong _____________________________________ (Ang iyong panig) Narito ang aking mga patunay: Una, ____________________________________
  • 297.
    17 _______________________________________________. Nasabi koito dahil ___ ____________________________(Ipaliwanag ang unang patunay). Ikalawa, _____ ________________________________________________________. (Ilahad ang ikalawang patunay). ______________________________________(Magbigay ng halimbawa sa ikalawang patunay).____________________________________. At sa huli, __________________________________________(Ang ikatlong patunay). Bilang kongklusyon, masasabi kong __________________________________ (panghuling paliwanag at depensa). Kaya, naninindigan akong _________________ ________________________________________ (Pagbibigay-diin sa iyong panig). Ang mga sagot ay depende sa piniling paksa ng mga mag-aaral. Ipakita sa guro ang iyong isinulat. Ang guro mo ang magwawasto ng isinulat na tekstong argyumentativ sa tulong ng patnubay na format. May katumbas itong 20 puntos. Lagumin Natapos mo nang pag-aralan ang katangian ng tekstong argyumentativ at ang paraan sa pagsulat nito. Balikan mo ang ilang mahahalagang impormasyong dapat mong tandaan. 1. Ang tekstong argyumentativ ay naglalahad ng panig ng isyung pinaniniwalaan. Ito ay may layuning makahikayat na sumang-ayon ang mambabasa sa panig ng manunulat. 2. Ito ay dapat na may mga patunay na batay sa isang pag-aaral at/o pananaliksik upang maging matibay ang mga ebidensyang sumusuporta sa argumento. 3. Dapat na maayos at lohikal ang paghahanay ng mga kaisipan upang maging mabisa ang argumento. 4. Gumagamit ng mga tiyak na pang-ugnay ang paglalahad upang maipakita ang koneksyon ng mga kaisipan sa iba pang mga ideya sa talata. Maaaring gamitin ang mga pang-ugnay na tulad ng: ngunit, bagamat, subalit, datapwat, at mga salita o pariralang gaya ng: una, ikalawa, sa paglalagom, bilang konklusyon, samakatwid at iba pang kauri nito. Subukin A. Basahin at suriin ang mga teksto. Isulat sa sagutang papel ang A kung argyumentativ, at H kung hindi. ____1. Malayo na ang nararating ng Japan kung sayans at teknoloji ang pag-uusapan.
  • 298.
    18 Maraming imbensyon naang kanilang nagawa lalo na sa larangan ng robotiks. Iba- ibang uri ang nagawa na nila para sa iba-iba ring pangangailangan ng tao. ____2. Ang mga robot ay isang malaking insulto sa kakayahan ng mga tao. Bagamat masasabing ang mga ito ay nakatutulong sa pagpapagaan ng gawain ng tao, hindi maikakailang inaagawan nito ng hanapbuhay ang tao. Halimbawa sa halip na mag-empleo ng mga tauhang may kakayahang mag-ayos at magsuri ng mga rekord ng isang kumpanya, bumibili na lamang ng kompyuter. Ang gawain ng isang grupo ay madaling nagagawa sa isang kompyuter lamang. May katangian din itong napagsasabay-sabay ang maraming gawain. Nakatitipid nga ang mga kumpanya subalit paano kung masira o magbug-down ito? ____3. Ang labis na paggamit ng cellphone ng mga kabataan ay nakasasama. Una, mapapabayaan nilang gawin ang mas mahahalagang mga bagay tulad ng pag-aaral at pagtulong sa mga gawaing-bahay. Ikalawa, higit silang nagiging magastos. Kung minsan, kahit na ang badyet na para sa kanilang pagkain ay nagagamit para lang magka-load. Karagdagan pa rito, tulad ng kompyuter, ang mga cellphones ay may radiation na mabilis na nakapagpapalabo ng mata. ____4. Tinatayang hihigit sa 50% ng populasyon ng Pilipinas ang magkakaroon ng sariling cellphone sa darating na taon. Nangangahulugang mga 42 milyong Pilipino ang tatangkilik sa mga higanteng komyunikeysyon network na nakabase rito. Batay sa inisyal na report, ang Globe Telecom at Smart Communications ay may 31 milyon nang subscribers sa kasalukuyan. Ang Sun Cellular Network naman ay mayroon nang 1 milyong tagatangkilik at inaasahang mabilis na madaragdagan pa ito sa susunod na taon. ____5. Ang nauudlot na pagpapataw ng buwis sa text messages ay tila matutuloy na. Kapag nagkataon, mahihirapan ang mga taong nasanay nang magtext maya’t maya sapagkat naging bahagi na ito ng kanilang pang-araw-araw na gawain. Ang Pilipinas ay itinuturing na Text Capital of the World dahilan sa pambihirang rekord nito ng bilyong bilang ng naipadalang text messages sa isang araw. Kung magkakabuwis nga ito, paano na ang mga estudyante at ang iba pang mahilig magtext pero wala namang hanapbuhay? B. Isulat ang mga angkop na pang-ugnay upang magkaroon ng lohikal na paghahanay ng kaisipan ang talata. Una Subalit Kung gayon Ikalawa Samakatwid Karagdagan pa Naniniwala akong dapat na may sapat na parusang makapagtuturo ng leksyon sa mga kriminal. Personal kong pinaninindigan noon na ang parusang kamatayan ay makatarungan. (1)________ matapos kong masuri ang maraming impormasyon, nabago ang aking paniniwala. Naunawaan ko na ang parusang kapital tulad ng kamatayan ay walang gaanong buting naidudulot. (2) ________, maaari itong maging bias o may pinapaborang panig. (3) ________, iniiwas nito ang kriminal na magdusa nang habambuhay sa bilangguan. Nagiging mas magaan pa nga ang kanilang parusa kung tutuusin. (4) ________, kung minsan hindi rin napaparusahan ang tunay na
  • 299.
    19 maysala tulad ngnangyari na sa ilang mga kaso. Samakatwid, (5) ________ ako ay naniniwalang hindi dapat igawad ang parusang kamatayan sa mga kriminal. C. Sumulat ng isang tekstong argyumentativ, gamit ang mga sumusunod na gabay. Maaaring umisip ng paksang higit mong naiibigan o pumili ng nakatala sa ibaba. Ipatsek sa iyong guro. May katumbas itong 20 puntos. Kloning: Nakasasama o Nakatutulong sa Sanlibutan? Dapat Parusahan ng Kamatayan ang mga Taong Nang-aabusong Sekswal sa mga Bata at Kabataan Ang Prostitusyon ay Sagot sa Kahirapan kaya Dapat na Maging Legal _________________________________________ (Pamagat) Tatalakayin ko rito ang _________________________________(paksa). May dalawang panig ito: __________________________________(Unang panig ) at _____________________________________________________ (Ikalawang). Naniniwala akong _____________________________________ (Ang iyong panig) Narito ang aking mga patunay. Una, ____________________________________ _______________________________________________. Nasabi ko ito dahil ___ ____________________________(ipaliwanag ang unang patunay). Ikalawa, _____ ________________________________________________________. (Ilahad ang ikalawang patunay). ______________________________________(Magbigay ng halimbawa sa ikalawang patunay).____________________________________. At sa huli, __________________________________________ (Ang ikatlong patunay). Bilang kongklusyon, masasabi kong __________________________________ (panghuling paliwanag at depensa). Kaya, naninindigan akong _________________ ________________________________________ (Pagbibigay-diin sa iyong panig). Itsek mo ang iyong mga sagot. Ganito ba? A. C. Ang mga sagot ay depende sa piniling paksa ng mga mag-aaral. 1. H Ang guro ang magwawasto ng 2. A isinulat na tekstong argyumentativ.
  • 300.
    20 3. A satulong ng patnubay na format. 4. H May katumbas itong 20 puntos. 5. H B. 1. Subalit 2. Una 3. Ikalawa 4. Karagdagan pa 5. Samakatwid Tama bang lahat ang iyong mga sagot? Kung Oo, maaari ka nang tumuloy sa sub-aralin 2. Kung hindi, balikan mo ang mga bahaging hindi gaanong naging malinaw sa iyo. Pagkatapos, sagutan mo ang mga gawain sa Paunlarin. Paunlarin Piliin lamang ang mga gawaing makatutulong sa iyo, Gawain 1 Basahin ang teksto. Pagkatapos sagutin ang mga tanong sa kolum A. isulat ang mga sagot sa kolum B. Maaaring susing salita o parirala lamang ang isulat. Ang jenetik engineering ay nakabubuti sa sanlibutan. Ito ay isang modernong proseso, at katulad ng kahit na anong uri ng pagbabago, natural lamang na ito ay tutulan ng marami. Totoong marami pang dapat idevelop dito bago tuluyang gamitin subalit ang riserts at development na ang bahalang magsagawa nito. Samakatwid, ang produkto ng mas malawakang pag-aaral at riserts ang nagpapahintulot na nagkaroon ng mas maraming pagpipilian o opsyon ang mga tao. Kung gayon ang jenetik engineering ay mas nakabubuti kaysa nakasasama. Anu-ano ang mga kabutihang naidudulot nito? Una, posible na ang mga mag-asawang hindi magkaanak at ayaw namang mag-ampon ay magkaroon ng anak na may relasyong bayolojikal sa kanila. Una, mabibigyan nito ng pagkakataon ang mga mag-asawang nakahandang magmahal at mag-aruga ng sarili nilang anak. Ang teknoloji sa reproduksyon ay instrumento lamang upang matupad ang isang pangarap. Ikalawa, ang kloning ay magagamit upang magkaroon ng anak na hindi kailanman madadapuan ng sakit. Ang pag- aalis ng depektibong genes ay isang kasiguruhang hindi siya magkakasakit at mabubuhay siya nang maligaya. Ikatlo, maaaring magklon ng isang tao na magpoprodyus ng isang bahagi ng katawang magliligtas sa isang maysakit. Ang jenetik engineering ay isang halimbawa kung paanong ang imposible ay nagiging posible. Ito ay ginagamit upang lalong mapaunlad ang uri ng pamumuhay ng tao. Maaaring may mga nang-aabuso sa paggamit nito, subalit mas matimbang ang mga benepisyong nagagawa nito kaysa sa kasamaan. Sa pagkakataong ito, matibay kong pinaninindigan na ang jenetik engineering ay nakabubuti sa sangkatauhan. (Saling-halaw sa http://www..planetpapers.com/Assets/)
  • 301.
    21 1. Ano angpaksa ng teksto? 2. Anu-ano ang dalawang panig ng isyu? 3. Ilahad ang panig ng manunulat. 4. Itala ang tatlong patunay na ginamit niya a. b. c. 5. Ano ang kanyang kongklusyon? Gawain 2 Piliin ang mga angkop na pang-ugnay upang maihanay nang lohikal ang mga kaisipan. Dapat na tuklasin ng tao ang hindi niya nalalaman (1. sapagkat, subalit) dapat siyang maging maingat. Naniniwala ako sa agham (2. dahil sa, ngunit) hindi ko ipagpapalit dito ang aking pananalig sa Diyos. Malayo na ang narrating ng tao, (3. sapagkat, datapwat) hindi sapat iyon upang akalain niyang siya ay makapangyarihan. (4. Bukod dito, Sa paglalagom), ang tao ay hindi kailanman magiging higit sa Lumikha sa kanya. Ang totoo, dapat tayong magtulungaa at magmahalan upang makasama Niya sa Kanyang kaharian. (5. Sa kabuuan, Lalo`t higit), masasabi kong ang tao ay nilikhang may kakulangan sapagkat ang kanyang kapupunan ay nasa kanyang kapwa. Itsek ang iyong sagot. Gawain 1 Tekstong Argyumentativ 1. Ano ang paksa ng teksto? Jenetik engineering 2. Anu-ano ang dalawang panig ng isyu? Nakabubuti o nakasasama
  • 302.
    22 3. Ilahad angpanig ng manunulat Nakabubuti ang jenetik engineering. 4. Itala ang tatlong patunay na ginamit niya a. Posibleng magkaanak ang mag-asawang walang kakayahang magkaanak. b. Hindi dadapuan ng sakit ang klon. c. Maaaring magprodyus ng bahagi ng katawang defektiv. 5. Ano ang kanyang konklusyon? Nakabubuti ang jenetik engineering Gawain 2 Salitang Nag-uugnay Gawain 3 Argyumentativ o Hindi 1. Subalit 1. H 2. ngunit 2. A 3. datapwat 3. A 4. Bukod dito 4. A 5. Sa kabuuan 5. A Marahil ay malinaw na sa iyo ang araling ito. Ngayon, maaari ka nang magpatuloy sa Sub-aralin 2. Sub-Aralin 2: Pagkilala sa Positiv at Negativ na Opinyon Pagsulat ng Positiv at Negativ na Opinyon Layunin: 1. napipili ang mga positiv na opinyon sa loob ng teksto 2. natutukoy ang mga negativ na opinyon sa loob ng teksto 3. nakasusulat ng mga positiv at negativ na opinyon Alamin Sa kasalukuyan napakakaraniwan nang marinig na may malubhang sakit ang isang tao. Kanser! Nakatatakot at nakapangingilabot na sakit, di ba? Napakahirap at napakagastos pa. Ang problema, wala pang natutuklasang lunas o mga tiyakang paraan upang maiwasan ito.
  • 303.
    23 Dapat harapin nangbuong tatag ang ganitong sakit tulad din ng iba pang mga pagsubok sa buhay. Manalig sa Panginoon. Paano nga ba kung ang isang miyembro ng pamilya mo ang magkaroon ng sakit na walang lunas? Mahirap, di ba? Huwag naman sana. Kung labis na ang paghihirap ng pasyente sa loob ng mahabang panahon, papayag ka ba sa mercy killing? Euthanasia ang katawagang teknikal sa mercy killing. Sa palagay mo ba dapat nang gamitin sa kanya ang euthanasia? Ano ang opinyon ng ibang tao tungkol dito? Payag ba sila o hindi? Malalaman mo ang pananaw nila sa artikulong ito. Linangin Sige, simulan mo na ang pagbabasa. Alamin mo ang mga opinyong inilahad. Euthanasia Ang opinyon ng publiko tungkol sa euthanasia at pagpapakamatay sa tulong ng mga doktor ay hati. Isang sarbey na ginawa ng Gallup Organization sa Canada noong Hulyo 1995 ang nagpatunay na unti-unti nang natatanggap ng mga tao ang mga kabutihang nagagawa nito. Ang isa sa mga itinanong ay ganito: Kung ang isang tao ay may sakit na wala nang lunas, may bantang mamatay na kaagad at nagpapahirap pa nang lubos sa pasyente, sa tingin nyo pwede na ba siyang patayin dahilan sa awa (mercy killing)? Ipagpalagay na ang pasyente ay may nakasulat na hiling. Sarisari ang naging sagot dito: “Hindi dapat. Hintayin ang tamang oras na siya ay kukunin ng Diyos.” “Oo, kung labis na siyang nahihirapan.” “Talagang dapat na, kung mismong ang pasyente ang humihiling.” “Ayoko nakatatakot iyon.” “Tunay na mas mabuti kaysa maghirap siya nang matagal. Maawa tayo sa kanya.” “Ayaw ko, labag yan sa kautusan ng Diyos.” Napatunayan ng tanong na hati nga ang opinyon ng publiko subalit napapansin na mayroon nang mas pumapabor dito. Ang ikatlong bahagi ng populasyong sinarbey ay naniniwalang dapat na masunod ang desisyon ng pasyente. Paano nga ba kung halimbawang matapos maibigay ang gamot na tatapos sa buhay ng pasyente, may nabasa kang bagong tuklas na lunas sa sakit niya ilang araw bago ang pagpatay? Kung ikaw ay miyembro ng pamilya ng pasyente, ano kaya ang mararamdaman mo? (Saling-halaw mula sa http://www.123helpme.com/view.esp?id)
  • 304.
    24 Balikan mo angtanong kanina. Papayag ka ba sa mercy killing? Mahirap sagutin, hindi ba? Marahil ay nagtatalo ang iyong isip kung sasang-ayon ka o hindi. Tinitimbang-timbang mo ang buti at samang maaaring idulot nito. Tama, ganoon nga! Bago mo sang-ayunan o hindi sang- ayunan ang isang ideya dapat na pag-isipan mo itong mabuti. Ano kaya ang opinyon ng iba tungkol dito? Sige, alamin mo naman kung ano ang sinasabi nila tungkol sa euthanasia. Isulat ang mga opinyon ng mga sumang-ayon sa euthanasia sa unang kolum, sa ikalawa ang hindi sumang-ayon. Sang-ayon Hindi Sang-ayon 1. 2. 3. 1. 2. 3. Ganito rin ba ang naging sagot mo? Ihambing mo nga. Sang-ayon Hindi Sang-ayon 1. “Oo, kung labis na siyang nahihirapan.” 2. “Talagang dapat na kung mismong mga pasyente na ang humihiling.” 3.”Tunay na mas mabuti kaysa maghirap pa siya nang matagal.” 1. “Hindi dapat, hintayin ang tamang oras na siya ay kukunin ng Lumikha.” 2. “Ayoko, nakatatakot iyon.” 3. “Ayaw ko, labag ‘yan sa kautusan ng Diyos.” Tama bang lahat ang sagot mo? Marahil. Anu-ano ang napansin mo sa mga sagot sa dalawang kolum? Magkaiba ng opinyon, di ba? Paano mo nalamang magkaiba? Syempre, dahil sa magkasalungat na opinyon tungkol sa isang isyu. Ang sang-ayong panig ay tawagin mong POSITIV na opinyon at ang hindi sang-ayon ay NEGATIV naman. Pansinin na may mga palatandaan o marker upang matiyak kung anong uri ng opinyon ang ipinahahayag sa artikulo. Anu-ano ang ginamit sa positiv? Tama ka. Ginamit ang mga salitang: Oo, Talaga at Tunay. Samantala sa negativ ay ginamit naman ang: Hindi, Ayoko at Ayaw ko. Ang mga salitang ginagamit sa positiv na opinyon ay tinatawag na salitang panang-ayon. Naglalahad ito ng pagpayag sa isang ideya o kaisipan. Kabilang din dito ang mga salitang tulad ng: Opo, tunay na tunay, talagang-talaga, dapat, sang-ayon, payag, pwede at iba pang kauri nito. Halimbawa: 1. Opo, sasama ako sa kampanya laban sa paglaganap ng bawal na gamot. 2. Sang-ayon ako sa ideya mong dapat na unawain ang mga sugapa sa bawal na gamot.
  • 305.
    25 Sa pagpapahayag namanng negativ na opinyon ay ginagamit ang mga salitang pananggi. Naipapahayag naman ito sa pamamagitan ng mga salitang tulad na: hindi sang-ayon, salungat, kontra, wala, hindi maaari, hindi pwede at iba pang kauri nito. Halimbawa: 1. Hindi maaaring lumiban sa miting tungkol sa kapayapaan sa susunod na linggo. 2. Salungat ako sa ideyang pagbomba`t pagpatay sa mga rebelde. Naunawaan mo ba ang aralin? Subukin mo ngang gawin ang mga pagsasanay. Gamitin Gawain 1 Isulat sa patlang ang POS kang positiv ang opinyon at NEG kung negativ. Bilugan ang panandang salitang ginamit dito. ______1. Oo, dapat tayong magtipid sa kuryente para makatulong sa ekonomiya ng bansa. ______2. Talagang nagsisikap ang pamahalaang makaahon sa kahirapan ang bansa. ______3. Hindi makatutulong ang pagtitipid sa ganitong sitwasyon. ______4. Walang mangyayari sa bansang hindi tunay na malaya. ______5. Kontra sa loob ko ang pag-aambag ng karaniwang empleyado sa kaban ng bayan upang malutas ang suliranin. Itsek mo ang iyong sagot. 1. POS – Oo 4. NEG – Wala 2. POS – Talaga 5. NEG – Kontra 3. NEG – Hindi Kumusta? Nadalian ka ba? Sige, magpatuloy ka. Gawain 2 Suriin ang mga opinyon. Isulat sa patlang ang nawawalang uri nito. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel. POSITIV NEGATIV 1. Dapat na gawing sabdibisyon ang mga lupaing agrikultural. 2. ______________________ ______________________ 3. Digmaan ang sagot sa terorismo. 1. _____________________________ _____________________________ 2. Hindi ako sang-ayon na gawing legal ang aborsyon.
  • 306.
    26 4. ______________________ ______________________ 5. ______________________ ______________________ 3._____________________________ _____________________________ 4. Walang kahihinatnan ang bayang may mga mamamayang walang malasakit sa sarili. 5. Kontra ako sa anumang hakbang na papabor sa mga negosyante. Humigit-kumulang, ganito ang iyong magiging sagot. 1. Negativ – Hindi dapat na gawing sabdibisyon ang mga lupaing agrikultural. 2. Positiv – Sang-ayon ako na gawing legal ang aborsyon. 3. Negativ – Hindi digmaan ang sagot sa terorismo. 4. Positiv – May kahihinatnan ang bayang walang malasakit sa sarili. 5. Positiv – Sang-ayon ako sa anumang hakbang na papabor sa mga negosyante. Lagumin Tapos mo nang pag-aralan ang pagkilala at pagtukoy sa mga positiv at negativ na opinyon. Mahalagang matandaan mo ang mga sumusunod na impormasyon. 1. Dalawang paraan ang paglalahad ng opinyon – positiv at negativ. 2. Ang positiv na opinyon ay nagpapahayag ng pagpayag o pagsang-ayon sa isang kaisipan, bagay o kilos. Maaaring gamitin ang mga salitang tulad ng : Oo, tunay, talaga, sigurado, sang-ayon at iba pang hawig nito na may himig ng pagsang-ayon. 3. Ang negativ na opinyon ay naglalahad ng pagsalungat o pagtanggi. Maaaring gamitin ang mga salitang tulad ng: hindi, wala, ayaw, ayoko, salungat at iba pang kauri nito. Subukin A. Panuto: Isulat ang POS kung positiv at NEG kung negativ ang opinyong inilalahad ng mga pangungusap. ______ 1. Tama lamang na alamin ang problema at ang solusyon dito. ______ 2. Kailangang manatiling mulat sa mga pangyayari. ______ 3. Huwag kondenahin kaagad ang mga rebelde. ______ 4. Naniniwala ako na sila rin ay may mga lehitimong isyu.
  • 307.
    27 ______ 5. Hindika dapat na magbulag-bulagan. B. Panuto: Suriing mabuti ang teksto. Pumili ng tatlong positiv at tatlong negativ na opinyon mula rito. Isulat sa hiwalay na sagutang papel. Hindi sagot ang digmaan sa terorismo. Kung papatayin ba ang mga terorista, tuluyan nang mawawala ang problema? Gaano naman tayo kasigurado na mapapatay ang lahat ng “nanggugulo?” Dapat tayong manindigan. Huwag nating panoorin lamang ang mga pangyayari tulad ng isang pelikula. Makiisa tayo sa mga hakbanging lulutas sa tunay na problema. Talagang magiging magulo ang daigdig kung walang magmamalasakit. Alamin ang kanilang isyu at maging bahagi ng solusyon. Hindi sila dapat ipagwalambahala. Makisangkot! Ihambing ang iyong sagot dito. A. POS – NEG 1. POS 4. POS 2. POS 5. NEG 3. NEG B. Positiv Negativ 1. Dapat tayong manindigan. 2. Makiisa tayo sa nga hakbanging lulutas sa tunay na problema. 3. Alamin ang kaniang isyu at maging bahagi ng solusyon. 4. Makisangkot ! 1. Hindi sagot ang digmaan sa terorismo. 2. Huwag nating panoorin lamang ang mga pangyayari tulad ng isang pelikula. 3. Hindi dapat magwalambahala. Kung tama ang iyong mga sagot, maaari ka nang tumuloy sa Sub-aralin 3. Kung mayroon pang hindi gaanong malinaw, balikan ang bahaging ito. Pagkatapos gawin na ang mga pagsasanay sa Paunlarin. Paunlarin Piliin lamang ang mga bahaging kailangan mo.
  • 308.
    28 Gawain 1: Isulatang POS kung positiv at NEG kung negativ ang opinyong inilalahad ng mga pangungusap. ______ 1. Wala na tayong magagawa tungkol sa paghihirap ng bansa. ______ 2. Hindi dapat parusahan ang mga mamamayang naghihirap. ______ 3. Talagang darating ang panahong makaaahon tayo kung magkakaisa. ______ 4. Kontra ako sa mungkahing solusyon ng konggreso. ______ 5. Dapat na magtulungan ang sambayanan upang makaahon sa kahirapan. Gawain 2: Suriin ang mga opinyon. Isulat sa patlang ang nawawalang uri nito. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel. POSITIV NEGATIV 1. Kailangan puksain ang mga taong nasa likod ng bawal na gamot. 2. _________________________ _________________________ _________________________ 3. _________________________ _________________________ 4. Tunay na malikhain at dakila ang mga imbentor. 5. Tunay na tunay kailangan natin ng mga robot. 1. ________________________ ________________________ ________________________ 2. Hindi maaaring paalisin ang mga dayuhang negosyante sa bansa. 3. Hindi dapat na digmain ang mga rebelde. 4. ________________________ ________________________ 5. ________________________ ________________________ Ganito, humigit-kumulang ang iyong sagot. Itsek mo. A. POS – NEG 1. NEG 4. NEG 2. NEG 5. POS 3. POS B. 1. Negativ – Hindi dapat puksain ang mga taong nasa likod ng bawal na gamot. 2. Positiv – Dapat paalisin ang mga dayuhang negosyante sa bansa. 3. Positiv – Dapat nadigmain ang mga rebelde. 4. Negativ – Hindi malikhain at dakila ang mga imbentor. 5. Negativ – Hindi natin kailangan ang mga robot.
  • 309.
    29 Sub-Aralin 3: Pagkilala atPaggamit ng mga Salitang Nagpapahayag ng Dami, Lawak at Lokasyon Layunin: Natutukoy at nagagamit nang wasto sa pagpapahayag ang mga salitang naglalahad ng: 1. dami o lawak (tiyak o di-tiyak) 2. lokasyon o direksyon Alamin Ang Pilipinas ay may mahabang kasaysayan ng pananakop ng mga dayuhan. Alam mo ba kung sinu-sino ang mga banyagang sumakop dito? Tama ka. Ang mga Kastila, Hapones at mga Amerikano. Bakit kaya gustung-gusto ng mga dayuhang maangkin ang ating bansa? Masagana kasi ito sa likas na yaman bukod pa sa mababait ang mga Pilipino.Ito nga lamang kaya ang tunay na mga dahilan? Alam mo bang isang malaking dahilan din ng kanilang interes ay ang istratehikong lokasyon nito sa mapang pandaigdig? Marahil ay nirerevyu mo sa iyong isip ang lokasyon nito, ano? Bakit nga ba? Malalaman mo ang sagot sa artikulong babasahin mo. Linangin Ang teksto ay tumatalakay sa lokasyon ng Pilipinas at iba pang mga mahahalagang impormasyon tungkol dito. Tingnan mo nga kung matatandaan mo ang mga detalyeng kaugnay nito. Maaari ka nang magsimula. Pilipinas: Tulay at Lagusan ng Ugnayang Pandaigdig Ang arkipelago ng Pilipinas ay binubuo ng 7,107 isla. Matatagpuan ito sa bandang itaas ng ekweytor sa Timog-Silangang Asya sa pagitan ng latitude na 4o 23” at 21o 25” sa hilaga at longitude na 116o at 127o sa silangan. Ito ay may kabuuang sukat na 300,000 kilometro kwadrado.
  • 310.
    30 Sa sulyap palamang sa mapang pandaigdig, ay kaagad na mapapansing ito ay may istratehikong lokasyon. Hindi nakapagtataka na ang mga banyagang sumakop sa Pilipinas sa iba’t ibang panahon ay naging makapangyarihan sa daigdig – at humina kaagad ang kanilang pwersa pagkatapos nilang umalis dito. Dahilan sa istratehikong lokasyong ito, ang Pilipinas ay nakatakdang gumanap ng mahalagang papel sa kasaysayan ng daigdig. Una, ang Pilipinas ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng kultura ng Silangan at Kanluran. Ikalawa, matatagpuan ito sa gitna ng internasyonal na daang panghimpapawid at pandagat. Ikatlo, gumaganap itong matibay na depensa ng demokrasya sa isang lugar na maraming diktador at kung saan ang komunismo ay nakapangingibabaw sa mga bansa sa Asya. Ikaapat, ito ang moog ng Kristyanismo sa pagitan ng maraming Kristiyano sa Kaunlaran at kakaunting Kristiyano sa Silangan. Kung gayon ay nagsisilbi itong “Liwanag ng Kristiyanismo sa Daigdig.” Dahilan sa ito ay matatagpuan sa halos gitna ng Asya, ito ay ideyal na lugar para sa kaunlurang industriyal, teknolojikal at exportasyon. Maraming mga banyagang imbentor ang nahihikayat na mamuhunan dito. Ipinagmamalaki ng Pilipinas ang murang pwersa ng paggawa at ang mataas na antas ng literasi. Ang mga manggagawa ay may mataas na pinag-aralan, madaling sanayin at marunong mag-Ingles. May malawak din itong “manpower” na may mataas na kasanayan sa paggamit ng kompyuter at kasanayang teknikal. Ang komunikasyon sa bansa ay patuloy na dinidevelop at pinauunlad upang mabisang magamit sa kalakalan. Sa kasalukuyan ang populasyon nito ay umaabot sa 84.6 milyong Pilipino. Masasabing patuloy na sinisikap ng mga Pilipino na mapataas pa ang antas ng pamumuhay sa Pilipinas sa kabila ng napakaraming mga suliraning humahadlang dito. (Saling-halaw mula sa http://www.garmentasia.com) Pamilyar ba sa iyo ang mga nabasa mo? Marahil ay oo. Ngayon, balikan mo ang ilang mga tanong kanina. Bakit malaking dahilan din ng interes ng mga dayuhan ang istratehikong lokasyon ng Pilipinas? Dahil sa kanilang pulitikal na interes, madaling maging daanan ang Pilipinas patungo sa iba’t ibang direksyon sa daigdig di ba? Ito rin ay nagsisilbing pinto tungo sa kaunlarang ekonomiko, di ba?
  • 311.
    31 Ipagpatuloy mo paang pagsusuri. Gawain 1: Punan mo nga ng mga impormasyon ang dialog box batay sa binasang artikulo. 1. 2. 3. 4. 5. Ganito ba ang iyong sagot? Itsek mo. 1. Sa bandang itaas ng ekweytor, sa Timog-Silangang Asya. 2. Nasa pagitan ito ng latitude na 4o 23” at 21o 25” sa hilaga at longitude na 116o at 127o sa silangan. 3. 300,000 kilometro kwadrado. 4. Tatlo. Luzon, Visayas, Mindanao. 5. Tinatayang 84.6 milyon na. Ngayon, suriin mo nang isa-isa ang mga tanong at sagot mo. Saan matatagpuan ang Pilipinas? Tiyakin mo nga ang lokasyon nito sa mapang pandaigdig. Ilan ang pinakamalalaking pulo nito? Anu-ano? Gaano karami ang populasyon ng Pilipinas? Ano ang kabuuang sukat ng teritoryo ng Pilipinas?
  • 312.
    32 • Saan matatagpuanang Pilipinas? Anong impormasyon ang hinihingi ng tanong? Lugar, di ba? Itinatanong ang lokasyon kung saan makikita ang Pilipinas. Ano ang naging sagot mo? Sa bandang itaas ng ekweytor, sa Timog-Silangang Asya. Nagbigay ka naman ng tiyak na deskripsyon ng lugar. Kung may globo o mapa nga pala dyan sa lugar na pinag-aaralan mo, tingnan mo ang lokasyon ng Pilipinas. Heto naman ang ikalawang tanong: • Tiyakin mo nga ang lokasyon nito sa mapang pandaigdig. Ang naging sagot mo ay: Nasa pagitan ito ng latitude na 4o 23” at 21o 25” sa hilaga at longitude na 116o at 127o sa silangan.Mas naging tiyak o ispesifik ang tanong di ba? Kaya nagbigay ka naman ng tiyak ding sagot. Kung may mapang hawak ang babasa, madaling makikita ang lokasyon nito. Pansinin ang paraan ng pagsagot. Anu-ano ang mga susing salitang ginamit? Tama. Sa bandang itaas, sa Timog-silangang Asya, sa pagitan ng, sa hilaga. Ganitong mga salita ang ginagamit upang maipakita o maituro ang LOKASYON o DIREKSYON ng lugar. Marami pang mga salitang maaaring gamitin tulad ng: sa kaliwa, sa dulo, sa gilid, sa ilalim, sa ibabaw, sa tabi at iba pang kauri nito. Halimbawa: Sa bandang kanan, gitna ng mapa ng Luzon, matatagpuan ang Isla ng Mindoro. Tingnan mo naman ang mga kasunod na tanong: • Ano ang kabuuang sukat ng teritoryo ng Pilipinas? Kabuuang sukat naman ang hinihingi, di ba? Kung gayon ay LAWAK ng nasasakupang lupain ang dapat isagot. Sinagot mo ito ng 300,000 kilometro kwadrado. Tama ka. Bilang ang sagot at dapat na TIYAK ito. Sinundan ito ng mga tanong na: • Ilan ang malalaking pulo nito? Tatlo ang sagot mo, tama? Pagkatapos ay: • Gaano karami ang populasyon nito? Sinagot mo naman ng: 84.6 milyon. Napansin mo marahil na DAMI naman ang hinihinging impormasyon kaya bilang ang sagot . Tandaan mo na kapag dami o lawak ang pinag-uusapan, bilang ang sagot. Maraming mga salitang maaaring gamitin upang makapaglahad ng ganitong impormasyon.
  • 313.
    33 Nahahati ito sadalawang uri: Tiyak at di-tiyak. Kung tiyak, nagbibigay ito ng eksaktong bilang. Halimbawa: Dalawampu’t dalawa, iisa, kalahating dosena, isang milyon at iba pa. Pangungusap: Ang isang gawa ng pagmamalasakit sa kapwa ay maaaring magbunga ng marami pang kabutihan. Kung hindi tiyak, nagbibigay lamang ito ng estimasyon, walang ispesifikong bilang. Halimbawa: marami, kakaunti, lahat, iilan at iba pang kauri nto. Pangungusap: Iilang tao lamang ang tumugon sa panawagan ng pamahalaan. Maaari rin itong gamitan ng mga salitang nagmumungkahi ng bilang tulad ng: mga tatlo (maaaring dalawa, tatlo o higit pa marahil), humigit-kumulang ay isandaan(anumang bilang mula marahil sa siyamnapu hanggang isandaan at labinlima.), nasa lima, siguro mga… Pangungusap: Mga limang grupo siguro ang nakakuha ng benepisyo sa programang inilunsad ng pamahalaan. Naunawaan mo ba? Kung oo, magpatuloy ka. Gamitin Tingnan mo kung mailalapat mo ang iyong natutuhan. Subuking gawin ang mga pagsasanay. Gawain 1 Suriin ang teksto. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang mga salita o pariralang nagpapahayag ng lokasyon o direksyon. Ang arkipelago ng Pilipinas ay mga 800 kilometro mula sa mainland ng Asya. Ito ay nasa pagitan ng Taiwan at Borneo. Kung maglalakbay mula sa San Francisco, California patungo sa Maynila, ito ay may 10,000 kilometro. Mula naman sa Honolulu, Hawaii ay 8,000 kilometro, sa Tokyo, Japan ay 2,900 kilometro, mula sa Singapore ay 2,400 kilometro at 1,000 kilometro mula sa Taiwan at Hongkong. Napansin mo marahil na ang nilalaman ng teksto ay halos lokasyon o direksyon lang. Ganito ang mga sagot: 1. mga 800 kilometro mula sa mainland ng Asya 2. nasa pagitan ng Taiwan at Borneo 3. mula sa San Francisco tungo sa Maynila ay 10,000 kilometro 4. mula sa Hawaii, 8,000 kilometro 5. mula sa Tokyo, Japan 2,900 kilometro 6. mula sa Singapore, 2,400 kilometro
  • 314.
    34 7. mula saHongkong at Taiwan, 1,000 kilometro Gawain 2 Basahin ang teksto. Isulat sa kolum A ang mga salita o pariralang nagpapahayag ng lawak, sa kolum B ang dami. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel. Ang labing-isang pinakamalalaking pulo sa Pilipinas ay may 94% na kabuuang sukat ng lupa. Ang Luzon ay may kabuuang sukat na 105,000 kilometro kwadrado. Ang kasunod ay Mindanao sa 94,600 kilometro kwadrado naman. Ang mga isla ay karaniwang may makikitid na kapatagan. Maraming din itong mga aktibong ilog ngunit kakaunti lamang ang maaaring gamiting transportasyon. May mga baybayin ito na hindi naman gaanong malawak.Iilan na lamang ang mga kagubatang maraming puno dahil sa iligal na pagtotroso. LAWAK DAMI Ganito, humigit-kumulang ang iyong magiging sagot. LAWAK DAMI 105,000 kilometro kwadrado 94,600 kilometro kwadrado 11 pulo 94% sukat ng lupa maraming ilog kakaunting ilog pantransportasyon iilang kagubatan Gawain 3 Isulat sa patlang ang angkop na salitang nagpapahayag ng dami, lawak at lokasyon batay sa kaisipang nasa talata. Pumili ng isasagot sa sumusunod na listahan. mas malaki malaki(-ng) isa(-ng) karagatan kailaliman Atlantic Ocean kakaunti(-ng) doon ituktok marami(-ng) doon dito Atlantis Naimapa at napag-aralan na ng mga sattelites ang bawat sulok ng mundo. Subalit magpahangga ngayon, nananatiling (1)__________ katanungan ang nawawalang kontinente: Atlantis, Totoo ba o likhang-isip lamang? Si Plato, (2)__________ pilosopong Griyego ang ama ng ideyang may Atlantis. Mababasa ito sa kanyang isinulat na Timateus at Critias. Matatagpuan daw ito sa (3)___________ (lokasyon). Ipinagpapalagay niya na may sukat itong (4)__________ pa kung pagsasamahin ang Africa at Asia Minor. Ayon sa alamat, ang isla ng Atlantis ay marahan na itinapon sa (5)___________ ng pwersa ng kalikasan. Ang (6)___________ nakaligtas dito ay
  • 315.
    35 lumangoy tungo sapinakamalapit na baybayin at sila ang nagkuwento ng mga pangyayari. (7)____________ espekulasyon ang naganap matapos nito. Naroong ang Atlantis daw ay (8)___________ matatagpuan noong araw sa Espanya, Mongolia, Palestine at Greenland. May naniniwala namang ito ay nasa Netherlands, Sweden at Yucatan. Ang (9)___________ ng globo ay sinasaliksik – kaliwa, kanan, ibabaw, bawat sulok. Doon sa (10)____________ ng bundok, sa mainit na disyerto, sa (11)kailaliman(lokasyon) ng dagat at kahit na ang walang swipag na lupa ng Antartika. Ngunit nanatili pa ring walang sagot. Atlantis, totoo ba o likhang isip lamang? (Saling-halaw mula sa Atlantis: We Will Never Know http://www.planetpaper.com/Asset) Itsek mo ang iyong sagot: 1. malaking 6. kakaunting 2. isang 7. Maraming 3. Atlantic Ocean 8. doon 4. malaki 9. kabuuan 5. karagatan 10. ituktok Lagumin Natapos mo na ang pag-aaral tungkol sa mga salitang nagpapahayag ng dami, lawak, lokasyon o direksyon. Mahalagang matandaan ang ilang mahahalagang impormasyon. 1. Kapag ang hinihinging impormasyon ay tungkol sa lokasyon o direksyon, ang tinutukoy ay lugar o pook. Maaaring gamitin ang mga salitang nagtuturo ng direksyon tulad ng: sa kaliwa, sa itaas, sa tabi, sa dulo, sa gitna at iba pang kauri nito. 2. Kapag ang pinag-uusapan ay dami o lawak, ang ginagamit na mga salita ay may kaugnayan sa bilang. Maaari itong maging tiyak o hindi tiyak. Ang mga tiyak na bilang ay tulad ng: dalawa, kalahati, sangkapat, isang dosena, sampu, sandaan at iba pa. Samantala, sa di-tiyak ay maaaring gamitin ang: iilan, kaunti, marami, lahat, at iba pang kauri nito. Subukin Basahin ang teksto. Isulat sa kolum A ang mga salita o pariralang nagpapahayag ng lawak, sa kolum B ang dami at C ang lokasyon o direksyon. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel. Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong grupo ng malalaking pulo: Luzon, Visayas at Mindanao. Ang mga isla ng Luzon ay may apat na nasasakupan: ang Luzon mismo, Mindoro, Palawan at Masbate. Ang Visayas naman ay may ilang maliliit na isla rin tulad ng Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte at Samar. Ang isla ng Mindanao ay Mindanao din mismo, kasama ang
  • 316.
    36 Arkipelago ng Sulukung saan matatagpuan ang Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. Ang mga pulo ay volkanik, bahagi kasi ito ng Pacific Ring of Fire. Karamihan din ay bulubundukin. Ang pinakamataas na bahagi ay ang ituktok ng Bundok ng Apo sa Mindanao na may sukat na 2,945 metro sa ibabaw ng level ng dagat. Ang ikalawang pinakamataas ay nasa Luzon, ang Bundok Pulog na may taas na 2,842 metro sa ibabaw ng level ng dagat. May kabuuang sukat ang teritoryo nito na 300,000 kilometro kwadrado. Ang lawak ng nasasakupang lupa ay 298,170 kilometro kwadrado samantalang ang tubig ay 1,830 kilometro kwadrado. Ang buong baybayin nito ay 36,289 kilometro kwadrado. Ganito ba ang iyong sagot? DAMI LAWAK LOKASYON tatlo 2,945 metro sa ibabaw ng level ng dagat apat 2,842 metro ituktok ng bundok ilan 36,289 kilometro kwadrado sa baybayin Pacific Ring of Fire karamihan 298,170 kilometro kwadrado sa lupa Bundok ng Apo sa Mindanao 1,830 kilometro kwadrado sa tubig Bundok Pulog sa Luzon Kung tama ang lahat ng iyong sagot, maaari ka nang kumuha ng Panghwakas na Pagsusulit. Kung hindi, balikan ang mga bahaging kinakailangang mong irevyu. Pagkatapos gawin ang pagsasanay sa Paunlarin. Paunlarin Gawain: Isulat ang mga nawawalang salitang tumutukoy sa lawak, dami at lokasyon na angkop sa kaisipang tinatalakay sa talata. Negros Occidental Negros Occidental 7,926.07 kilometro kwadrado 13 Hilagang-kanluran 125 kilometro kwadrado Dagat ng Sulu Isla ng Panay gitna(-ng) Matatagpuan ang Negros Occidental malapit sa( 1.) _________bahagi ng Pilipinas. Isa ito sa limang lalawigang nasasakupan ng Visayas o Rehiyon VI. Ito ay nasa (2) __________ng Isla ng Negros.Sa hilaga nito ay ang Dagat ng Visaya, at sa timog ay ang (3)__________. Ito ay nasa timog-silangan ng (4)___________ na ang tanging naghihiwalay ay ang Guimaras Strait. Sa silangan nito ay makikita ang Tanon Strait at ang Negros Oriental. Ang (5)____________ ay isang mahabang lawak ng lupain na itinatayang may sukat na 372 kilometro kwadrado mula sa dulong pa-hilaga. May hugis itong parang sapatos na boots kung titingnan sa mapa. Sa kabuuan, ito ay may sukat ng lupain na (6)___________ o 792,607.00
  • 317.
    37 ektarya. Binubuo itong (7)__________ syudad. Ang Lunsod ng Kabankalan ay pinakamalaki ay 726.40 kilometro kwadrado. Samantala, ang Lunsod ng Escalante ay siyang pinakamaliit at may sukat na (8) ______________. Itsek ang iyong sagot: 1. gitna(-ng) 5. Negros Occidental 2. hilagang kanluran 6. 7,926.07 kilometro kwadrado 3. Dagat ng Sulu 7. 13 4. Isla ng Panay 8. 125 kilometro kwadrado Gaano ka na kahusay? I. Panuto: Isulat ang A kung argyumentativ, at H kung hindi argyumentativ ang teksto. _____ 1. Dapat na kondenahin ang walang pahintulot at labag sa batas na paggamit ng kompyuter. Isa itong panganib sa ekonomiyang pandaigdig. Dahil sa walang pakundangang paggamit nito, nalalagay sa hindi mabuting sitwasyon ang mga bangko at korporasyon. Maaaring mabangkrap ang mga kumpanya dahilan dito.Dagdag pa, pati ang mga pribadong buhay ng mga mamamayan at dokumento ng mga ahensya ng gobyerno ay nalalagay sa panganib na magamit nang labag sa batas. Isa pa ay nagkakaroon ng pagnanakaw na intelektwal. Sa palagay ko, dapat lamang na maparusahan ang mga kriminal at abusado sa paggamit ng kompyuter. _____ 2. Sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, may alternatibong maaaring ikonsidera ang Pilipinas. Ito ay ang paggamit ng natural gas. Ang Department of Science and Technology sa pamamagitan ng Philippine Council for Energy Research and Development ay sumusuporta sa pagsusulong nito. Natagpuan sa Palawan ang isang mina ng natural gas na may 3.4 trillion cubic feet. Sinasabing makasasapat ito sa 20 taong suplay ng kuryente kung idedevelop. Noong Oktubre 16, 2002, inilunsad ni Presidente Arroyo ang Natural Gas Vehicle Program for Public Transport bilang unang hakbang tungo sa paggamit ng nasabing alternatibo. _____ 3. Ang preserbasyon ng pagkain ay unang natuklasan ng isang French chemist na si Nicholas Appert. Naobserbahan niya na ang mga pagkaing ininit sa selyadong lalagyan ay hindi nasisira kung hindi ito bubuksan o mapapasukan ng kahit na hangin man lamang. Dito nagsimula ang malawakang pag-unlad ng preserbasyon ng pagkain. Limampung taon matapos ng pagtuklas, isa na namang Pranses ang nakaimbento ng isa pang paraan. Ito ay tinawag na pasteurization, hango sa pangalan ni Louis Pasteur. Siya naman ang nakakita ng relasyon ng microorganism at pagkasira ng pagkain. Mula rito, nagsimula ang preserbasyon sa paglalata ng mga pagkain. _____ 4. Ang pagpaparami ng pagkain sa pamamagitan ng jenetiks ay isang malaking isyung dapat talakayin. Dapat ba o hindi dapat na gamitin ito? Ayon sa ilan, ito raw ay magaling at nakatutulong nang malaki sa buhay ng tao. Samantalang ang sabi ng iba, marami raw
  • 318.
    38 itong ibubungang makasasamasapagkat hindi gumagamit ng likas na paraan ng produksyon. Maaari raw itong makasira sa prodaktiviti ng lupa at makalason sa mga katabing halaman. _____ 5. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng mundo. Dapat bang kontrolin ang pagdami ng tao sa pamamagitan ng kontraseptivs? Naniniwala akong hindi dapat. Una, ang likas na pagpaparami ng tao ay mula sa Diyos kaya hindi dapat labagin. Ikalawa, ang kalikasan ay may sariling paraan ng pagbabalanse ng kaganapan sa daigdig kaya hindi natin ito dapat problemahin. Ikatlo, kung ang problema ay pagkakaroon ng kakulangan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan… pagsisikap at pagmamalasakit lamang ang solusyon diyan. II. Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang teksto. Isulat ang sagot sa sagutang papel na nakalaan. Samakatwid Samantala upang kapag Sapagkat kung gayon ngunit Makabubuti nga ba o makasasama ang mga imbensyong ginagawa ng mga pangunahing kumpanya sa Japan? Marami ang naniniwalang ito ay kakaiba at nakatutuwa, (1)______________ ay nakatutulong.(2) ______________, ang iba ay nagsasabing ito ay isang banta sa kaligtasan ng buhay ng tao at isang panganib sa lipunan. Kunin nating halimbawa ang bagong imbensyon ng Sony. Tinawag nila itong SDR-4X. Isang robot na may kakayahang sumayaw at kumanta. May taas itong halos dalawang talampakan, may dalawang paa at 38 sugpungan (body joints). Dahil dito, kaya nitong mag-boogie. Maaari rin itong makakilala ng 10 mukha ng tao at mabati sila nang personal. Sa kasalukuyan, tinatangka ng mga siyentista ng Sony na maging interaktiv ang SDR-4X (3)________________ tuluyan itong magkaroon ng kakayahang makisalamuha sa mga tao. Halimbawa, (4)_______________ kapag binati mo ito nang maayos,gayundin ang kanyang gagawin. Kapag inabuso mo, iiyak naman. Paano kung katulad ng ibang imbensyon, magkaroon ng pagkakamaling hindi naman inaaasahan? Paano kung maging marahas ang reaksyon ng mga robot? Magwasak ito ng mga ari- arian, at ang pinakamasama sa lahat, manakit o pumatay ng tao? Kung magkakaganoon, hindi ba napakalaking panganib ang ibibigay nito? (5)_______________, nararapat lang na pag-ukulan na masusing pagsusuri ang mga imbensyong katulad nito. III. Panuto: Isulat ang POS kung positiv, at NEG kung negativ ang mga pahayag. _____ 1. Makabubuti sa kaunlaran ng bansa ang pagkakaroon ng mga disiplinadong mamamayan. _____ 2. Tunay na mahalaga ang pakikisangkot sa mga isyu ng lipunan. _____ 3. Hindi maaaring umunlad ang mga taong walang pakialam sa nangyayari sa paligid. _____ 4. Salungat ako sa proposisyong paggamit ng kontraseptivs upang makontrol ang paglaki ng populasyon.
  • 319.
    39 _____ 5. Angmararahas na programa sa telebisyon ay may masamang epekto sa isipan ng mga bata at kabataan. IV. Panuto: Isulat kung ang mga salitang nakabold ay tumutukoy sa dami, lawak o lokasyon. Isla ng Camiguin Ang pangalang Camiguin ay nanggaling sa salitang Kamagong, isang uri ng puno na karaniwan noon (1) sa isla.Ang mga Manobo mula sa Surigao ang unang nanirahan dito. Ayon sa mga dokumentong natagpuan noong Panahon ng Kastila, ang mga dakilang manlalakbay na sina Ferdinand Magellan at Miguel Lopez de Legaspi ay nakarating (2)dito noong 1521 at 1565. Ang Camiguin ay isang pulong volkanik na matatagpuan sa Dagat ng Bohol, (3)54 na kilometro sa hilagang Mindanao. Dahilan sa pagsabog ng (4) pitong bulkan, nabuo ang napakagandang isla kaya binansagang“Isinilang ng Apoy.” Wala pang matatagpuang lugar sa Timog-Silangang Asya na maaaring makapantay sa kagandahan ng lugar na ito.Itinatayang may sukat itong (5)238 kilometro kwadrado. Ang mga kalsada ay may sirkumperensyang (6) 64 na kilometro. Naging bahagi ang Camiguin ng Misamis Oriental hanggang noong 1968. Pagkatapos ay naging hiwalay na parte ng Rehiyon X o (7)Hilagang Mindanao. Sa kasalukuyan, may (8)70,000 na ang populasyon nito. Itinuturing itong isa sa (9) 25 pinakamagagandang isla ng Pilipinas na paboritong destinasyon ng mga turista.Ibinilang din itong ika-7 sa pinakamahuhusay na diving spot sa buong mundo. Isang paraisong hindi pa naaabuso ng tao at ng modernisasyon.Nasa (10)gitna ng dagat, may maiinit at malalamig na mga bukal ng tubig, naggagandahang mga talon, malinis na kapaligiran, mayamang kagubatan at halamanan, at kahanga-hangang lokasyon. IV. Sumulat ng isang tekstong argyumentativ, gamit ang mga sumusunod na gabay. Maaaring umisip ng paksang higit mong naiibigan o pumili ng nakatala sa ibaba. Ipatsek sa iyong guro. May katumbas itong 20 puntos.
  • 320.
    40 Panood ng mgaBata ng Anime: Nakasasama o Hindi? Dapat Parusahan ng Kamatayan ang mga Taong Gumagawa ng Karumal-dumal na Krimen Ang mga Batang Lansangan ay Repleksyon ng Uri ng Pamamalakad ng Pamahalaan _________________________________________ (Pamagat) Tatalakayin ko rito ang _________________________________(paksa). May dalawang panig ito: __________________________________(una) at _____________________________________________________ (ikalawa). Naniniwala akong _____________________________________ (Ang iyong panig) Narito ang aking mga patunay. Una, ____________________________________ _______________________________________________. Nasabi ko ito dahil ___ ____________________________(ipaliwanag ang unang patunay). Ikalawa, _____ ________________________________________________________. (Ilahad ang ikalawang patunay). ______________________________________(Magbigay ng halimbawa sa ikalawang patunay).____________________________________. At sa huli, __________________________________________ (ang ikatlong patunay). Bilang konklusyon, masasabi kong ___________________________________ (panghuling paliwanag at depensa). Kaya, naninindigan akong _________________ ________________________________________ (Pagbibigay-diin sa iyong panig).
  • 321.
    41 Modyul 7 Pagbibgay ngOpinyong Positiv at Negativ At Pagpapahayag ng Dami, Lawak at Lokasyon I. A o HA III. . POS-NEG a. A 1. POS b. HA 2. POS c. HA 3. NEG d. A 4. NEG e. A 5. NEG II. Pang-ugnay IV. Dami, Lawak, Lokasyon 1. kung gayon 1. lokasyon 2. Samantala 2. lokasyon 3. upang 3. lawak 4. kapag 4. dami 5. Samakatwid 5. lawak 6. lawak 7. lokasyon 8. dami 9. dami 10.lokasyon V. Ang guro ang magwawasto ng bahaging ito sa tulong ng patnubay na format. Ang katumbas nito ay 20 puntos. Susi sa Pagwawasto
  • 322.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 8 Pagbibigay-kahulgan sa mga Simbolo, Pahiwatig at Imahe
  • 323.
    2 Modyul 8 Pagbibigay-kahulgan sa mgaSimbolo, Pahiwatig at Imahe Tungkol saan ang modyul na ito? Magandang araw sa iyo kaibigan! Heto ang panibagong modyul para sa iyo. Tulad ng ibang modyul, madali lamang ang modyul na ito. Mahalaga lamang na magfokus at maglaan ka ng kaunting oras upang matagumpay mong matugunan ang mga pangangailangan ng modyul na ito. Bakit kaya mas kinagigiliwan ng iba ang manood na lamang ng telebisyon, makinig ng balita sa radyo at magbasa ng mga tabloid? Bakit kaya mas gusto nilang mag-ubos ng maraming oras sa harap ng kompyuter upang maglaro ng video game o kaya ay makipag-chat kaysa magbasa ng mga akdang pampanitikan? Bakit kaya kinatatamaran nila ang pagbabasa? Isang dahilan kung bakit kinatatamaran ng marami ang pagbabasa ng mga akdang- pampanitikan ay dahil sa mahirap daw itong maunawaan. Bukod sa mga malalalim na salita, gumagamit pa ito ng mga simbolo, imahe, at pahiwatig na kailangang pag-isipang mabuti ng mambabasa upang maintindihan niya ang kabuuan ng akda. Kaya sa modyul na ito, tuturuan kitang kumilala sa mga simbolo/imahe, at mga pahiwatig na ginamit ng awtor sa kanyang akda. Kaugnay din nito, ituturo ko rin ang pagbibigay-kahulugan sa mga salitang ginamit sa akda batay sa konotasyon at denotasyong kahulugan nito. Tuturuan din kitang matukoy ang pangunahing paksa ng isang teksto at kung paano mo maipapahayag ang iyong saloobin ukol dito, positivo o negativo man. Malalaman mo ang paggamit ng mga keyword upang maipahayag mo ang iyong saloobin o kuru-kuro ukol sa isang paksa na tinalakay sa teksto. Handa ka na ba? Ang dami, ano? Pero huwag kang mag-alala. Kaya mo ‘to. Isang masayang pag-aaral sa iyo!
  • 324.
    3 Ano ang matututunanmo? Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito, maisasagawa mo ang mga sumusunod: 1. Nakikilala at nabibigyang halaga ang mga salita/pahayag na nagpapahiwatig ng simbolo, imahe, at pahiwatig 2. Natutukoy ang mga keyword na nagpapakila ng paksa, proposisyon, positiv at negativ na pahayag 3. Nabibigyang kahulugan ang mga salita ayon sa konotasyon at denotasyong kahulugan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Ngayong hawak mo ang modyul na ito, gawin ang mga sumusunod: 1. Kung may malabong panuto o anumang bahagi ng modyul, magtanong sa iyong guro o kung sinumang may ganap na kaalaman. 2. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga sagot sa mga pagsusulit at iba pang gawain. Huwag itutupi ang mga pahina ng modyul dahil gagamitin pa ito ng iba. 3. Itala ang mahahalagang impormasyon at kaisipan sa isang hiwalay na kuwaderno. Makatutulong ito upang madali mong mababalikan ang mga liksyon. 4. Basahing mabuti ang mga babasahin o teksto. Malaking tulong ito upang makamit mo ang mataas na antas na kaalaman. 5. Ang mga tamang sagot (answer key) sa panimula at pangwakas na pagsusulit ay kukunin sa guro pagtakapos mong masagutan ang mga aytem. Maraming salamat kaibigan!
  • 325.
    4 Ano na baang alam mo? Ngunit bago mo simulan ang mga gawain sa modyul na ito, gusto ko munang alamin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pang-unang pagsusulit. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang iyong makuha. Ang layunin ko lamang ay masukat ang iyong kaalaman sa mga araling iyong kakaharapin sa modyul na ito. Kaya’t maging matapat ka sana sa iyong pagsagot. Maaari ka nang magsimula. I. Piliin ang wastong sagot sa kahon. Isulat ang salita ng iyong sagot sa isang hiwalay na papel. keyword pahiwatig paksa denotasyon proposisyon konotasyon simbolo _____1. Ito ang kahulugang tahas o literal na depinisyon ng salita na kadalasang nakikita sa diksyunaryo _____2. Mga salita na kapag binanggit sa isang akda ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan ang mambabasa _____3. Istilong ginagamit ng mga manunulat upang sabihin ang kanilang mga nais sabihin sa paraang hindi lantad o hayagan _____4. Ito ay ang mas malawak na pagpapakahulugan sa salita, nagtataglay ng simbolo o pahiwatig na kahulugan ang salita _____5. Pangunahing kaisipan ng kuwento na nais ipabatid ng may-akda sa mambabasa _____6. Mga tanda o ibang salita na ginagamit ng may-akda upang lalong mapalutang ang kanyang paksa _____7. Isang pahayag na nagbibigay ng mungkahi. II. Ano ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod? Piliin ang titik ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang papel. _____1. Ibig kong magsaka na ang aanihin ikabuhay ko ma’y sa pawis ko galing. - Rogelio Sicat, Malaya a. paghingi ng tulong sa ibang tao b. pagsisikap sa sariling paraan c. gawing mag-isa ang isang gawain d. hindi paghingi ng tulong sa iba
  • 326.
    5 _____2. Dalawampung taongnabangkay ang laya, laksa ang nasukol na diwa at puso. -Teo T. Antonio, Babang-Luksa a. marami ang nakakulong b. mahabang panahon ng pananakop ng mga dayuhan c. maraming taon na ang tao ay walang layang magsalita d. pang-aabuso sa mga Pilipino _____3. May isang bagay na malinaw na malinaw kong natatandaan tungkol kay Tata More – hindi pa siya pumupunta sa amin nang hindi niya taglay ang ingay at halakhak. - Genoveva E. Matute, Tata More a. Masayahing tao si Tata More b. Maraming naiinis kay Tata More c. Mahirap kalimutan si Tata More d. Mahilig humalakhak si Tata More _____4. Noon ay kataimtimang minamalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na matuwid katulad ng isang bangkay. - Epifanio G. Matute, Impong Sela a. Patay na ang apo ni Impong Sela b. Natutulog ang apo ni Impong Sela c. Paralisado ang katawan ng apo ni Impong Sela d. May malubhang sakit ang apo ni Impong Sela _____5. Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan. - Rogelio Sicat, Impeng Negro a. siya ay natalo b. patas lang ang labanan c. nagtagumpay siya sa labanan d. hindi niya matanggap ang pagkatalo _____6. Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat. - Edgardo M. Reyes, Lugmok na ang Nayon a. maysakit b. sobrang init ng panahon c. sensitibong ang balat b. matinding sikat ng araw
  • 327.
    6 _____7. Ilang hakbanglamang ang nakapagitan sa silid ng ama ko at sa akin, ilang hakbang lamang at maaari ko nang mabuksan ang pinto at itulak iyong upang makita ang nasa loob. Subalit ang mga hakbang ko ay karaniwang mabibigat. - Buenaventura S. Medina, Jr., Dayuhan a. masama ang loob niya sa kanyang ama b. may galit siya sa kanyang ama c. hindi niya kapalagayang loob ang ama d. nahihiya siya sa kanyang ama _____8. Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan, Dahon ko’y ginawang korona sa hukay. - Jose Corazon de Jesus, Ang Punungkahoy a. kamatayan b. katandaan c. pagsisisi d. pamamaalam III. Ano ang isinisimbolo ng mga salitang may salungguhit? Isulat ang titik ng iyong sagot. _____1. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, Dagiti’t dumagit saan man sumuot… - Ildefonso Santos, Ang Guryon a. pagsubok sa buhay b. problema/suliranin c. isang laruan d. pangarap _____2. At sa kubong butas-butas ay naglagos ang pangarap. - Teo T. Antonio, Kasal ni Kikay a. tahanan/bahay b. pamilya c. kahirapan d. kayamanan _____3. Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito’y nagisnan na naming magkakapatid. - Edgardo M. Reyes, Ang Gilingang Bato a. katandaan b. panahon c. pamana d. kabuhayan
  • 328.
    7 _____4. Sa bawattao ay may naghihintay na lupa ng sariling bayang sinilangan. - Rogelio Sicat, Sa Lupa ng Sariling Bayan a. lupang sinilangan b. lupang sakahan c. lupang lilibingan d. lupang pagkukunan ng kabuhayan _____5. May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon: ang Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng malaking bayakan na sumisipsip ng dugo ng tao. - Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit a. katakawan b. kabulastugan c. gahaman sa yaman d. kasakiman _____6. Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa - Amado V. Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan a. damdamin b. mga pasakit/pagdurusa ng bayan c. pag-ibig sa bayan d. pagliligtas sa bayan IV. Isulat ang + kung positiv at – naman kung negativ ang mga sumusunod na pangungusap. _____1. Pinalaya na nang walang pinsala noong Martes ang Pilipinong si Angelito Nayan at dalawa pang UN workers, na dinukot sa Afghanistan. _____2. Simula Sabado, magbibigay ang 100 himpilan ng Petron, Pilipinas Shell at Caltex Philippines ng 50 sentimong diskwento kada litro ng diesel. _____3. May ibang hindi maka-concentrate sa klase o nakararamdam ng sobrang pagod kaya hindi makapag-aral nang mabuti. _____4. Masayang tinanggap ng karamihan ng mga mag-aaral ng UP ang pagkakahalal ng bagong pangulo. _____5. Kung ihahambing sa mga ibang pangunahing pamantasan sa Asya, ang kalidad ng pagtuturo sa Pilipinas ay patuloy na bumabagsak nitong mga nakaraang taon. _____6. Ang kasalukuyang pinakamalubhang suliranin ng UP ay ang kakulangan ng sapat na salapi. _____7. Kahit ang kongkretong tulay na nagdudugtong sa Real at Infanta, Quezon ay hindi sinanto ng matinding agos noong kasagsagan ng bagyong “Winnie”. _____8. Bumaba sa kalahati ang bilang ng mga nakidnap na Filipino-Chinese sa buong bansa ngayong taon. _____9. Hindi papapasukin sa Pilipinas ang mga imported na poultry products mula Vietnam at Japan.
  • 329.
    8 _____10. Sumobra naang lawak ng Nestle kung kaya’t hindi na makapasok pa ang ibang local na suplayer at prodyuser sa industriya. V. Isulat ang P kung proposisyon at HP kung hindi proposisyon ang mga sumusunod na pangungusap. _____1. Gumamit ng filter o kaya’y pakuluan muna ang tubig bago inumin. _____2. Mag-imbak ng makakain, kumot, pagkain ng bata at gamut – at manalanging magpalit ng ruta ang bagyo. _____3. Mayroong mahigit na sandaang dialekto na kalat sa mahigit na 7,100 na pulo ng Pilipinas. _____4. Ugaliing matulog. _____5. Susuungin ng mga motorista ang kadalasang masikip na Taft Avenue kapag nagtalumpati na si Pangulong Macapagal-Arroyo sa Quirino Grandstand sa Rizal Park.. _____6. Hangga’t maaari, umiwas sa kape paglagpas ng tanghali. _____7. Sa dami ng ating dialects, nagkawatak-watak daw ang mga Pinoy. _____8. Maaari ninyong ganapin ang espesyal na okasyon sa kani-kaniyang mga bahay. _____9. Sa mabilis na pagdami ng mga Pilipino, kailangan talagang makapagdevelop ng binhing matibay sa bagyo. _____10. Ang wika ay lumalago, nagbabago at umuunlad batay na rin sa paggamit natin. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto, huwag kang mag-alala kung mababa man ang iyong nakuha, dahil ang layunin ko lamang ay ang masukat ang iyong nalalaman. Sana’y mas pagtuunan mo ng pansin ang mga bahaging nahirapan ka sa iyong gagawing pag- aaral sa modyul na ito. Maaari ka nang magsimula.
  • 330.
    9 Sub Aralin 1 Pagkilalasa mga Simbolo/Imahen at Pahiwatig Pagkatapos ng sub-aralin na ito, magagawa mo ang sumusunod: 1. nakikilala at nabibigyang halaga ang mga salita/pahayag na nagpapahiwatig ng simbolo/ imahe, at pahiwatig 2. napahahalagahan at naiuugnay sa sarili ang mensaheng nais iparating ng tula 3. nakaiisip ng iba pang simbolo at imahe na maaaring iugnay sa mga salitang binanggit sa akdang binasa Nasabi na sa unahan na isa sa mga nagpapaganda sa akdang binabasa ang paggamit ng manunulat ng mga simbolo/imahe at pahiwatig. Pinag-iisip nito ang mga mambabasa at dinadala sa mayamang mga imahinasyon. Isa sa mga manunulat na gumamit nito ay si Amado V. Hernandez. Kinilala siyang bilang “Makata ng Manggagawa”. Isinilang siya noong Setyembre 13, 1903 sa Tondo at pumanaw noong Marso 24, 1970. Bukod sa pagiging makata, isa rin siyang mamamahayag, unyonista at makabansa. Itinuturing siyang higante ng panitikang Pilipino. Ang kanyang hindi mapapantayang pagmamahal sa bayan at sa uring manggagawa ay napatunayan nang ikinulong siya ng lima at kalahating taon mula 1951 hanggang 1956. Pinawalang-sala lamang siya ng Korte Suprema noong 1964. Alamin Narito ang isang tula niya na may pamagat na “Tinapay”. Basahin mong mabuti ang tula. Bakit kaya tinapay ang pamagat nito? Tinapay ni Amado V. Hernandez Siya’y nakakulong na ilan nang taon, tanikalang bakal mandin ng panahon na sa kanyang buhay nagkabuhul-buhol. Putol na tinapay at santabong sabaw sa nabuksang pinto’y iniwan ng bantay,
  • 331.
    10 halos ay sinaklotng maruming kamay. Noong isusubo ng abang bilanggo, tinapay ay basa ng luhang tumulo, nasalang na bigla ang sugat ng puso. Naisip kung bakit siya napipiit: minsan ay nagnakaw ng sanlatang biskwit pagkat dumaraing ang bunsong may sakit. Nagtangkang umiwas sa kamay ng bata, at ang tumutugis ay kanyang inutas… di na nakabalik sa piling ng anak! Nasayang ang buhay sa isang tinapay; may tinapay siya ngayon araw-araw, subalit ang anak – sa gutom namatay! Nagustuhan mo ba ang tula? Bakit? Anu-anong mga katangian ng tula ang iyong nagustuhan? Hindi ba’t napapanahon pa rin ang mensaheng nais iparating ng tula? Sino ang nagsasalita sa tula? Ang bilanggo, di ba? Anu-anong mga paghihirap ang dinaranas ng bilanggo sa loob ng tanikalang bakal? Bakit siya nakakulong? Ano ang kanyang pagkakasala? Hindi ba’t tila isang tao na posibleng nasa loob o labas ng tanikalang bakal ang nagsasalita sa tula dahil kilalang-kilala niya ang bilanggo. Alam din niya ang putol na tinapay at santabong sabaw na iniwan ng bantay sa pintuan na sinaklot ng maruming kamay ng bilanggo. Nasabi rin niyang ang pagnanakaw ng sanlatang biskwit para sa bunsong may sakit ang dahilan ng pagkakabilanggo ng lalaki. Maaari rin namang sabihin, na ang nagsasalita sa tula ay ang mismong bilanggo o ang awtor. Alalahanin nating si Amado V. Hernandez ay naging isa ring bilanggo. Balikan mo ang pamagat na “Tinapay”. Sa iyong palagay, bakit kaya ito ang naisip na pamagat ng makata? May nakikita ka bang mas malalim na dahilan? Marahil sa ibang mambabasa, ang pamagat na “Tinapay” ay tumutukoy lamang sa tinapay na pagkain at nagbibigay-kabusugan sa isang tao. Ngunit kung pag-iisipang mabuti, may mas malalim na nais ipabatid sa mambabasa ang pamagat ng tula.
  • 332.
    11 Anu-ano ang pumasoksa isipan mo nang mabasa mo ang pamagat ng tula na “Tinapay”? Lagyan mo ng tsek ang iyong mga naisip: _____ bata _____ almusal o meryenda _____ pagkain _____ isang pamilya _____ kahirapan ng buhay Kung ang iyong nilagyan ng tsek ay ang kahirapan ng buhay, ay binabati kita dahil marunong ka nang kumilala ng simbolo sa isang akda. Linangin Ano ba ang simbolo o imahen? Ang simbolo ay mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan tulad halimbawa ng tula ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa. Ngunit ang pagpapakahulugan ng mambabasa ay kailangang hindi malayo sa tunay na intensyon ng makata sa kanyang tula. Halimbawa, ang puti ay sumisimbolo sa kalinisan o kadalisayan; samantalang ang pula naman ay sumisimbolo sa katapangan o kaguluhan. Madalas, gumagamit din ang mga makata ng isang babae sa kanilang mga tula upang magbigay-imahen sa bansang Pilipinas. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolo o imahen, mas nauunawaan ng mambabasa ang pangkaisipan at pandamdaming implikasyon ng tula. Malinaw na ba sa iyo ang ibig sabihin ng simbolo o imahen? Kung hindi pa, narito ang ilan pang halimbawa. Ibigay mo ang simbolo o imaheng nais iparating ng mga ito. tanikalang bakal putol na tinapay at santabong sabaw maruming kamay sugat ng puso Anu-ano ang sinisimbolo ng mga ito? Kung ang iyong sagot ay kaugnay o hindi nalalayo sa mga ito, ay tama ka. Ang tanikalang bakal ay sumisimbolo sa kawalan ng kalayaan. Ang putol na tinapay at santabong sabaw ay sa mga paghihirap ng bilanggo sa loob ng bilangguan.
  • 333.
    12 Ang maruming kamayay sumisimbolo sa nagawang kasalanan. Ang sugat ng puso naman ay sumisimbolo sa pagtitiis at matinding pananabik. Ngayong nakapagbibigay ka na ng kahulugan sa mga simbolo/imahen ng ginamit ng makata sa tula, nakita mo na ba ang mahalagang gampanin ng mga simbolo/imahen sa isang akdang pampanitikan? Hindi ba’t sa pamamagitan ng mga ito ay napag-iisip ka. Nagagamit mo ang iyong malikhaing pag-iisip upang maunawaan mo ang kabuuan ng tula, ang nais nitong iparating sa iyo. Lahat ng mga bagay na isinama ng makata sa kanyang tula ay may malalim na kahulugan bukod sa literal nitong kahulugan. Napatunayan mo ito sa tulang “Tinapay” ni Amado V. Hernandez, hindi ba? Bukod sa simbolo/imahen maituturing din mahalagang sangkap ng isang akdang pampanitikan ay ang pahiwatig. Ano ba ang pahiwatig? Teka, bago ko sabihin sa iyo kung ano ang pahiwatig, basahin mo muna ang ikalawang tula, “Ang Panday” ni Amado V. Hernandez. Ang Panday ni Amado V. Hernandez Kaputol na bakal na galing sa bundok, sa dila ng apoy kanyang pinalambot; sa isang pandaya’y matyagang pinukpok; at pinagkahugis sa nasa ng loob. Walang anu-ano’y naging kagamitan, araro na pala ang bakal na iyan; ang mga bukiri’y payapang binungkal hanggang nang malaon ay masayang tamnan. Nguni’t isang araw’y nagkaroon ng gulo at ang buong bayan ay bulkang sumubo, tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo pagkat’t may laban nang nag-aalimpuyo. Ang lumang araro’y pinalambot uli at saka pinanday nang nagmamadali, naging tabak naman tila humihingi! ng paghihiganti, sa maraming puti! Kaputol na bakal na kislap ma’y wala, ngunit ang halaga’y hindi matingkala;
  • 334.
    13 ginawang araro: pangbuhaysa madla, ginawang sandata: pananggol ng bansa! Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi, bakal na hindi man makapagmalaki; subali’t sa kanyang kamay na marumi ay naryan ang buhay at pagsasarili. Pansinin ang mga sumusunod na linya mula sa tulang iyong binasa. Ang mga ito ay nagbibigay ng pahiwatig sa mambabasa. Nguni’t isang araw’y nagkaroon ng gulo 1 at ang buong bayan ay bulkang sumubo. 2 Ang lumang araro’y pinalambot uli 3 at saka pinanday nang nagmamadali 4 naging tabak naman tila humihingi 5 ng paghihiganti, sa maraming puti! 6 Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi, 7 bakal na hindi man makapagmalaki; 8 subali’t sa kanyang kamay na marumi 9 ay naryan ang buhay at pagsasarili. 10 Ano ang ipinahihiwatig ng una at ikalawang linya? Nang dumating ang mga mananakop na dayuhan sa ating bansa, nabulabog ang ating tahimik na pamumuhay. Maraming mga Pilipino ang nagpahayag ng pagkagalit sa pamamagitan ng pakikipaglaban, gamit ng tabak. Ano ang ipinahihiwatig ng ika-6 na linya? Ginamit ng mga Pilipino ang tabak upang makipaglaban o kaya ay makapaghiganti sa mga Amerikanong dumating sa ating bansa na sinasabing mabuting kaibigan ngunit sa totoo pala’y masasama at traydor na kaibigan. Ano ang ipinahihiwatig ng ika-7 at ika-8 linya? Ano ang isinisimbolo ng panday? Kung ang sagot mo ay sa mga Pilipino, tama ka. Ang panday sa tula ay ang mga mamamayan o masang Pilipino na walang yaman o anumang materyal na bagay na maipagmamalaki, kundi ang kalayaan lamang ng sariling bansa. At ano naman ang nais ipahiwatig ng ika-9 at ika-10 linya ng tula?
  • 335.
    14 Bagama’t walang anumangmaipagmamalaki ang masang Pilipino na sumisimbolo sa panday sa tula, sa kanilang mga kamay na marumi, nakasalalay ang buhay at pagsasarili ng bansang Pilipinas. Silang mga hinahamak ang kikilos upang makamit ang maayos na buhay at ganap na kalayaan mula sa mga dayuhang Amerikano. Batay sa aking mga ibinigay na halimbawa, maibibigay mo na ba ang kahulugan ng pahiwatig? Ang pahiwatig ay maituturing na mahalagang sangkap ng anumang akdang pampanitikan tulad ng maikling-kuwento at tula. Ang pahiwatig ay isang istilong ginagamit ng makata upang sabihin ang kanyang gustong sabihin sa paraang hindi lantad o hayagan, di ba? Sa tula, may mga sinasabi ang makata na hindi naman niya direktang sinasabi. Bahala ang mambabasa na alamin o tuklasin ang mga nakatagong kahulugan. Sa pamamagitan ng pahiwatig, mas nagiging matimpi ang isang akda. Hindi nagiging kabagut-bagot sa mambabasa dahil hindi sinasabi sa kanya ang lahat-lahat. Kumbaga, may mga misteryo o kahiwagaan na kailangan niyang tuklasin sa pagbabasa. Nagiging malikhain ang mambabasa dahil naiiwan sa kanyang guniguni o imahinasyon ang pagbibigay-kahulugan sa tula. Bukod sa tula, madalas ding gamitin ang pahiwatig sa maikling kuwento. Alamin ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na bahagi ng kuwento: Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko… Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon. Maaangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay ay wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa… (Liwayway A. Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa) Ano ang nais ipahiwatig ng linyang ito: “Sabihin mo mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko…” Kung ang iyong sagot ay pag-aagaw buhay ng isang ama ay tama ka. Hindi direktang sinabi ng awtor na ang ama ay nag-aagaw buhay o malapit nang mamatay.
  • 336.
    15 Namatay ba nangmaligaya ang ama? Basahin mo ang pariralang patunay dito. Nakita mo ba ang huling dalawang linya: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa… Pansinin ang mga ginawang paglalarawaan ng awtor sa sitwasyon: Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko… Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon. Maaangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama. Nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay ay wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon. Natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa… Ang mga pahayag na ito ay pahiwatig na ang ama sa kuwento ay yumao o namatay na. Bagamat puno ng kalungkutan ang huling bahagi ng kuwento, nakamit naman ng lumisang ama ang tunay na kaligayahan. Tapos na rin ang kanyang paghihirap. Narito ang iba pang halimbawa: Isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaligid sa kanya. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito. Ang nababakas niya’y paghanga. Ang nakita niya’y pangingimi. Pinangingimian siya! May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha. Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan. (Rogelio Sikat, Impeng Negro) Ano ang ipinahihiwatig ng bahaging ito ng kuwentong Impeng Negro?
  • 337.
    16 Mahihinuhang maraming taoang nakapaligid kay Ogor at sang-ayon sila sa ginawa ni Ogor na pagtatanggol sa kanyang sarili. Ngunit maaaring itanong mo kung bakit ko ito nasabi? Ano ang mga patunay ko? Pansinin ang mga ginamit na paglalarawan ng awtor kay Ogor: May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay nagpapahiwatig ng pagiging tagumpay ng pangunahing bida na si Impen sa isang labanan? Idinagdag pa ang paglalarawang ito: Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan. Ang matinding sikat ay sumisimbolo sa galit ni Impen kay Ogor na matagal niyang kinimkim. Bagamat si Impen ay mandirigmang sugatan ngunit natuklasan niya ang kanyang kakayahan, ang kakayahang ipagtanggol ang sarili laban sa pang-aalipusta ng iba. Ito ay isang tagumpay para sa kanya. At hindi na siya papayag na muling apihin ninuman. Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa sa bayan at wasak ang suwiter sa katawan at saka pulinas. Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat subalit ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala. Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y hindi malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.
  • 338.
    17 Si Marcos aynakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nababahala. Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig. Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang matapang niyang kalabaw. “Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong. (Deogracias A. Rosario, Walang Panginoon) Ano ang ipinahihiwatig ng mga paglalarawan ng awtor kay Don Teong? Pansinin ang mga sumusunod na paglalarawan: Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa sa bayan. Wasak ang suwiter sa katawan at saka pulinas. Sa halip na direktang sabihin na matindi ang ginawang pagpaslang kay Don Teong, ay inilarawan ito sa masining na pamamaraan. Pinagana ng awtor ang imahinasyon ng mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lasug-lasog ang katawan at wasak ang suwiter. Ano naman ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na paglalarawan sa kuwento? Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nababahala. Mahihinuhang ang hindi paggalaw o hindi pagkabahala ni Marcos ay nagpapahiwatig ng matinding galit ni Marcos kay Don Teong. Maaaring itanong mo kung ano ang patunay ko? Pansinin ang paglalarawang ito ng awtor: Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig. Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang matapang niyang kalabaw. “Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong.
  • 339.
    18 Hindi ba’t sahalip na idalangin ang kaluluwa ni Don Teong sa pagtugtog ng kampana, ay mas naisip niya ang kanyang matapang na kalabaw. Marahil, hindi mo magugustuhan si Marcos sa bahaging ito, ngunit sa pamamagitan ng huli niyang pahayag na “Mapalad na hayop na walang panginoon,” mahihinuhang hindi mabuting tao si Don Teong at karapat-dapat lamang ang kanyang sinapit. Isipin mong walang taong may takot sa Diyos ang may kayang pumaslang sa kanya kundi isang hayop na walang Diyos o hindi naniniwala sa Diyos. Batay sa aking ibinigay na mga halimbawa, masasabi mo bang mahalagang sangkap ng maikling kuwento ang paggamit ng mga pahiwatig? Paano ito nakatutulong upang maging masining ang isang kuwento? Sa pamamagitan ng pahiwatig, napag-iisip ang mambabasa. Nagagamit niya ang kanyang malikhaing pag-iisip upang bigyang kahulugan ang mga pahayag o paglalarawan sa kuwento. Hindi lamang iisang pahiwatig ang matatagpuan sa isang kuwento. Madalas, gumagamit ang awtor ng maraming pahiwatig. Ngayong naiintindihan mo na ang gamit ng mga simbolo/imahen at pahiwatig sa tula maging sa maikling kuwento, at nasasabi mo na rin ang nais iparating ng mga ito, maaari mo nang puntahan ang mga susunod na gawain. Makatutulong ito sa iyo upang lalo mo pang malinang ang kasanayang iyong natamo sa sub-araling ito. Isang masayang pagsasagot! Gamitin I. Alamin ang simbolo/imahen ng lupa sa mga sumusunod na bahagi ng tula. Piliin ang sagot sa kahon. Isulat muli ang iyong sagot sa isang hiwalay na papel. a. buhay d. kabataan b. pagsamba sa Diyos e. kamatayan c. kasaganaan sa buhay f. kabuhayan g. pag-ibig sa bayan _____1. Di na ako yaong basal na bahagi ng daigdig, kundi lupang nalinang na ng kalabaw at ng bisig; ang datihang pagka-gubat ay hinawan at nalinis. - Lope K. Santos, Ako’y si Bukid
  • 340.
    19 _____2. Aling pag-ibigpa ang hihigit kaya Sa pagdalisay at pagdakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. - Andres Bonifacio, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa _____3. Nakayapak, mahilig tayong tumahak sa lupa. Lupang mahalumigmig, malambot, marangya. - Lamberto E. Antonio, Lupa _____4. Hindi ko na ibig na maging halaman na namumulaklak ng may bango’t kulay. At sa halip nito’y ibig ko na lamang maging lupa ako’t magsilbing taniman. - David T. Mamaril, Lupa at Halaman _____5. Nakalaan akong maglamay: lupa ang simula ng lahat ng bagay, diyan din sisibol ang binhi ng bagong pag-asa at buhay. - Amado V. Hernandez, Lupa _____6. Sa maghapon, tatlong ulit yumukod Ang kaniyang palaspas pahalik sa lupa. - Rio Alma, Sa Panahon ng Babaylan Ano ang iyong napansin? Hindi ba’t nagbabago ang simbolo/imahe ng lupa sa bawat tula? Bawat makata’y may kanya-kanyang simbolo/imahen ng lupa. Kung kaya, bilang mambabasa, mahalagang taglayin mo ang kasanayang kumilala sa mga simbolo/imahen na piniling gamitin ng makata sa kanyang tula. Makatutulong ito upang maunawaan mo ang kabuuan ng tula. Tandaan mong lagi na magkakaiba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat sa mga bagay- bagay sa kanilang paligid. Magkakaiba ang kanilang mga pagtingin sa bagay na kung minsan ay pareho nilang ginamit sa kanilang mga akda. Ngayon, puntahan naman natin ang pahiwatig.
  • 341.
    20 II. Piliin mosa loob ng kahon ang damdaming ipinahihiwatig ng mga tuwirang-banggit o dayalogo na galing sa mga maikling kuwento. Isulat na lamang ang titik ng iyong sagot. a. pagtatanong f. pagtutol b. panunuya g. paghihimatong c. pag-aalala h. paniniyak d. paninisi i. pagbibilin e. pagpapaliwanag j. pagsang-ayon _____1. “Sisiyasatin muna kung totoong lahat ang inyong sinasabi. Kung tunay nga, kayo’y bibigyan ng gawain, ang inyong asawa’y ipagagamot at ang dalawa ninyong anak ay padadala sa bahay-ampunan.” (Clodualdo del Mundo, Gutom) _____2. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto niyo’y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.” (Fanny Garcia, Sandaang Damit) _____3. “Baka magkasakit na kayo niyan. Hindi masamang tumulong sa kapwa, kaya lang, talagang malaki na ang ipinangayayat ninyong dalawa.” (Genoveva E. Matute, Jesus, Nariyan Ka Pa Ba?) _____4. “Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing pagatul- gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong pitaka.” (Benjamin P. Pascual, Ang Kalupi) _____5. “May dalawang oras na yata tayong naglalakad,a. Baka hindi natin nalalaman, e, nasa Siberia na tayo.” (Edgardo Reyes, Lugmok na ang Nayon) _____6. “Talagang sira ang ulo mo? Kahusay-husay ng tayo mo rito, hahanap ka ng sakit ng katawan!” (Liwayway A. Arceo, Bakit Nagiging Banyaga ang Anak sa Sariling Tahanan?) _____7. “Eh, bakit parang karnabal? Ano’t ang bawat libing ay nagtitimpalak sa maraming palamuti, sa ilaw at bulaklak? Hanggang dito ba naman ay umaabot ang kapalaluan ng tao?” (Amado V. Hernandez, Pagdidili-dili) _____8. “Kasalanan ninyo ang masalimuot na kasamaan ng panahong ito!” Isinigaw niya sa mukha ng matanda. (Rosario De Guzman-Lingat, Ano’ng Ginagawa Mo?)
  • 342.
    21 _____9. “Oo, anak,mabait ang iyong Itay. Mahal ka niya, tulad din ng pagmamahal na iniuukol ko sa iyo.” (Domingo G. Landicho, May Naghihintay na Pasko) _____10. “Sa kanyang pagdating, Epang, huwag mong kalilimutang sabihing hinintay ko siya…hanggang huli…huwag mong kalilimutang sabihin, Epang…huwag mong kalilimutan…” (Genoveva E. Matute, Puti ang Kulay ng Pananalig) Ano ang iyong napansin sa mga dayalogo na kinuha ko sa iba’y ibang kuwento? Hindi ba’t pinagsikapan mong alamin ang kahulugan o ang tunay na intensyon ng manunulat sa likod ng pahayag na ito? Ito ang katangian ng pahiwatig, kailangan mong alamin ang tunay na kahulugan sa likod ng mga pahayag. Ngayon, narito na ang wastong sagot sa gawaing ito. Iwasto mo ang iyong sariling papel. I II 1. f 1. e 2. g 2. f 3. c 3. c 4. a 4. h 5. d 5. b 6. b 6. g 7. a 8. d 9. j 10. i Kung ang iyong nakuhang tamang sagot ay higit sa kalahati, maaari kang magpatuloy sa modyul na ito. Pero kung kulang sa kalahati ang iyong nakuhang tamang sagot, iminumungkahi kong balikan mo ang aking sinabi tungkol sa simbolo/imahen at pahiwatig, marahil may mga bahagi ng sub-aralin na hindi mo pa ganap na naiintindihan. Lagumin Sa sub-araling ito, iyong natutunan ang pagbibigay-kahulugan sa mga simbolo o imahen ng isang akdang pampanitikan tulad ng tula. Natutunan mo na ring alamin ang tunay na kahulugan ng mga pahiwatig na taglay ng mga pahayag o dayalogo mula sa kuwento.
  • 343.
    22 Napag-aralan mo naang simbolo/imahen ay ang larawang-diwa (imagery) na nabubuo sa isipan ng mambabasa kapag binanggit ang isang bagay sa isang akda. Bukod sa literal na kahulugan ng isang bagay, mayroon pa itong mas malalim na kahulugan na maaaring maiugnay sa iba pa, tulad ng pag-uugnay nito sa buhay, pag-ibig, o kaya ay sa bayan. Isipin na hindi dapat malayo sa tunay na intensyon ng sumulat ang pagpapakahulugan sa mga bagay na ginamit sa akda. Natutunan mo na rin ang pagbibigay-kahulugan sa mga pahiwatig ng mga pahayag. Ang pahiwatig ay istilong ginagamit ng mga manunulat upang sabihin sa paraang hindi tahasan o direkta ang kanilang gustong sabihin. Sa pamamagitan ng pahiwatig nagiging matimpi at kapana-panabik sa mga mambabasa ang isang akda. Nagagamit nila ang kanilang imahinasyon sa pagbibigay pagbibigay kahulugan sa akda. Ang simbolo/imahen at pahiwatig ay mahahalagang sangkap ng isang akda. Sa pamamagitan ng mga ito, nagiging mas masining o malikhain ang isang akda. Ngayong natutukoy mo na ang kahulugan ng mga simbolo/imahen at ng mga pahayag, sana ay maging dahilan ito upang magbasa ka pa ng iba pang akdang pampanitikan. Tiyak kong sa iyong pagbabasa, isang bagong mundo ang malilikha. Subukin I. Narito ang iba pang mga bagay na madalas ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akda. Alamin ang simbolo/imahen ng mga ito kapag ginamit sa isang akda. Isulat ang titik ng iyong sagot sa isang hiwalay na papel. A B ______1. silid-aklatan a. mahirap na buhay ______2. ulan b. kadiliman /kawalan ng pag-asa ______3. bulaklak c. matigas ang loob ______4. kalapati d. pagsubok/patibong ______5. ilaw e. pagmamahal/pag-ibig ______6. bagyo f. babae ______7. bato g. karunungan/kaalaman ______8. gabi h. ina ng tahanan ______9. bukid i. kasaganaan ______10. alamang j. kalungkutan/kabiguan k. kalayaan II. Piliin ang titik na nagpapaliwanag sa pahiwatig ng mga nakahilig na salita/parirala. ___1. Madali kasi siyang napakagat sa pain. a. naloko b. napakain c. napahanga d. napaniwala
  • 344.
    23 ___2. Madali nilangnakamit ang tagumpay, magkataling-puso kasi sila. a. magkaibigan b. magkasundo c. mag-asawa d. magkakilala ___3. Hindi niya matanggap ang kasawiang-palad na inabot ng kanyang pamilya. a. aksidente c. naputulan ng kamay b. kamalasan d. nawalan ng suwerte ___4. Magkasundung-magkasundo sila sa lahat ng bagay, pano’y kumakain sila sa iisang pinggan. a. magkaibigan c. magkasalong palagi b. ayaw maghugas ng pinggan d. iisang pinggan ang ginagamit ___5. Umuwi siya isang gabing parang lantang bulaklak. a. walang lakas c. nawalan ng puri b. hinang-hina d. nanlalata ___6. Di dapat silang magsama dahil sila ay parang langis at tubig. a. nag-aasaran c. mainit ang dugo sa isa’t isa b. laging nagbabangayan d. magkaaway Ngayon, iwasto mo ang iyong sariling papel. Narito ang mga wastong sagot sa gawaing ito. I. II. 1. g 1. a 2. j 2. c 3. f 3. b 4. k 4. a 5. h 5. c 6. d 6. d 7. c 8. b 9. i 10. a Muli, kung ang iyong nakuhang tamang sagot ay highit sa kalahati, maaari mo nang puntahan ang gawain sa PAUNLARIN. Ngunit kung hindi umabot sa kalahati ang iyong nakuhang tamang sagot, balikan mo ang ilan sa mga nakalipas na gawain sa sub-aralin na ito. Salamat!
  • 345.
    24 Paunlarin I. Piliin angtitik ng mga bagay na maaaring maging simbolo ng mga salita sa kaliwa. Isulat ang iyong sagot sa isang hiwalay na papel. Maaaring higit sa isa ang iyong sagot. 1. PAG-IBIG - a. bulaklak b. puso c. panyo d. awit 2. BANSA - a. babae b. ibon c. bandila d. mapa 3. KABATAAN - a. binhi b. libro c. punla d. puno 4. KATANDAAN - a. kadiliman b. orasan c. puting buhok d. kulubot na balat 5. YAMAN - a. bukid b. lupa c. pera d. talento 6. PAG-ASA - a. bahaghari b. ilaw c. sanggol d. bukangliwayway 7. LUNGKOT - a. panyo b. gabi c. buwan d. bangka 8. SIGALOT - a. pula b. dugo c. bangkay d. armas Narito ang isang tulang mayaman sa pahiwatig. Kung babasahin ang tula sa literal na pamamaraan, maaaring sabihing ito ay tula lamang tungkol sa pagkain ng paksiw na ayungin. Pero kung pakakaisiping mabuti, may iba pang malalim na sinasabi ang tula. Handa ka na bang tuklasin ang mga nakatagong kahulugan sa bawat linya ng tula? Narito ang isang tanyag na tulang “Ang Guryon” na isinulat ng isang mahusay na makata na si Ildefonso Santos. Basahin mo itong mabuti. Ang Guryon ni Ildefonso Santos Tanggapin mo, anak, itong munting guryon Na yari sa patpat at “Papel de Hapon” Magandang laruang pula, puti’t asul, Na may pangalan mong sa gitna naroon. Ang hiling ko lamang bago paliparin Ang guryon mong itong ay pakatimbangin; Ang dulo’t palo’y sukating magaling Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling. Saka, pag humihip ang hangin, ilabas
  • 346.
    25 At sa papawiri’ybayaang lumipad; Datapwat ang pisi’y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw Ay mapapabuyong makipagdagitan; Makipaglaban ka, subalit tandaan Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal. At kung ang guryon mo’y sakaling madaig, Matangay ng iba o kaya’y mapatid; Kung saka-sakaling di na mapabalik Maawaing kamay nawa ang magkamit! Ang buhay ay guryon; marupok, malikot, Dagiti’t dumagit saan man sumuot… O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos, Bago patuluyang sa lupa’y sumubsob. I. Ano ang isinisimbolo ng mga sumusunod? Sa isang hiwalay ng papel, isulat ang titik ng iyong sagot. A B ______1. munting guryon a. matulungin/mapakalinga ______2. papawirin b. pagkakaroon ng pasensya/pagiging matiyaga ______3. pisi c. pag-ibig ______4. hanging malakas d. mga gintong aral ______5. maawaing kamay e. pagiging mapagkumbaba ______6. lupa f. buhay g. suliranin sa buhay/pagsubok II. Ano naman ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na linya mula sa tulang “Ang Guryon”? Isulat lamang ang titik ng iyong sagot. ___1. Tanggapin mo, anak, itong munting guryon Na yari sa patpat at “Papel de Hapon” a. pamanang materyal na bagay b. regalong saranggola c. gintong aral na magagamit sa buhay d. sermon o pangaral
  • 347.
    26 ___2. Magandang laruangpula, puti’t asul Na may pangalan mong sa gitna naroon a. ibinibigay ng ama ang lahat ng naisin ng anak b. espesyal ang guryon na bigay ng ama c. hindi kailanman mangyayaring malilimutan ng ama ang sariling anak d. maraming kulay ang guryon ___3. Saka pagsumimo’y ang hangin, ilabas Na sa papawiri’t bayaang lumipad a. tumuklas pa ng mabubuting bagay o kaalaman b. mangarap at makipagsapalaran c. samantalahin ang hangin upang makalipad d. iwasan ang pagiging mahangin o mayabang ___4. Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw Ay mapapabuyong makipagdagitan a. mahalagang maing matapang sa labanan b. darating ang panahong kailangang makipaglaban sa hamon ng buhay c. hindi dapar isipin ang pagkatalo d. ang buhay ay puno ng suliranin at kailangan itong lutasin ___5. Makipaglaban ka, subalit tandaan Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal a. hindi masama kung minsan ay maging masama b. hindi nagwawagi ang gumagawa ng masama c. ang makipaglaban ay gawain lamang ng masasama d. ang tapat at mabuti ang laging nagtatagumpay ___6. At kung ang guryon mo’y sakaling madaig, Matangay ng iba o kaya’y mapatid; a. maligaw ng landas b. makalimot sa mga pangaral ng magulang c. kung sakaling maging bigo sa buhay o sa pakikipagsapalaran d. mahina ang pagkakagawa ng saranggola ___7. Kung saka-sakaling di na mapabalik Maawaing kamay nawa ang magkamit! a. kunin ng ibang masamang kamay b. pagkuha ng mga bagay na pag-aari ng iba c. saan man mapadpad, isang may mabuting loob sana ang mag-alaga d. sa mabubuting tao napupunta ang mabuti ring tao
  • 348.
    27 ___8. Ang buhayay guryon; marupok, malikot, Dagiti’t dumagit saan man sumuot… a. mahirap ang mabuhay b. ang buhay ay puno ng pasakit o suliranin c. kailangang pag-ingatan ang buhay d. bahagi ng buhay ang tagumpay at kasawian ___9. O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos, Bago patuluyang sa lupa’y sumubsob. a. lahat ng tao ay mamamatay b. lagi’t lagi may bagong simula c. maging mapagkumbaba marating man ang tagumpay d. huwag kalilimutan ang Diyos, ang tagumpay man o kabiguan Tapos ka na bang magsagot? Kung tapos ka na, maaari mo nang iwasto ang iyong papel. Tingnan kung ganito ang iyong mga sagot: I II 1. d 1. c 7. c 2. f 2. c 8 d 3. b 3. b 9. d 4. g 4. b 5. a 5. d 6. e 6. c Kung ang iyong nakuhang tamang sagot ay higit sa kalahati, maaari mo nang puntahan ang susunod na gawain. Ngunit kung hindi umabot sa kalahati ang iyong nakuhangamang sagot, hinihiling kong balikan mo ang katatapos na aralin. Marahil ay hindi mo pa lubusang naiintindihan ang aralin. Para rin ito sa iyo. Dito nagtatapos ang ating aralin. Nawa’y marami kang natutunan sa sub-aralin na ito. Marahil sa iyong pagbabasa pa ng ibang mga akdang-pampanitikan, tulad ng tula at maikling kuwento, ay lubos mo na itong maiintindihan. Tulad ng nasabi ko, sa pagbabasa marami kang matutuklasang magagandang bagay na magpapayaman sa iyong kaisipan. Lalawak din ang iyong pananaw sa buhay. Sa pagbabasa rin, makapupunta tayo sa isang lugar na tahimik at may kapayapaan. May kakayahang ang panitikan upang dalhin tayo sa ibang mundo. Nagagawang posible ng panitikan ang mga imposible sa buhay. Isang masayang pagbabasa para sa iyo. Kita-kita tayo sa susunod na aralin. Salamat!
  • 349.
    28 Sub-Aralin 2 Pagtukoy angmga Keywords na Nagpapakilala ng Paksa, Proposisyon, Positiv at Negativ na Pahayag Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang magagawa mo ang sumusunod: 1. natutukoy ang mga keyword na nagpapakilala ng paksa, proposisyon positiv at negativ na pahayag 2. nabibigyang kahulugan ang mga salita ayon sa kahulugang konotasyon at denotasyon 3. napahahalagahan ang aral ng kuwentong binasa at naiiugnay ito sa kasalukuyang sitwasyon Alamin Marahil, malimit kang makakita ng mga batang-lansangan. Nakararamdam ka ng lungkot sa tuwing makikita mo silang namamalimos, sumasabit sa mga dyip upang magpunas ng mga sapatos ng mga pasahero, natutulog sa mga kalye, at nanlilimahid sa sobrang dumi. Gusto mo silang tulungan pero hindi mo alam kung paano. Narito ang isang kuwento na tumatalakay sa buhay ng isang batang-lansangan. Basahin mo itong mabuti at pagkatapos mo itong mabasa, ibigay ang mga aral na iyong nakamit na maaari mong magamit sa iyong pang-araw-araw na buhay. Isang masayang pagbabasa sa iyo, Kaibigan! Linangin MAY GULONG NA BAHAY* ni Genaro R. Gojo Cruz IBANG-IBA SA ibang bahay ang aming bahay. Wala itong malaking haligi at mataas na bubong. Wala rin itong bintana at pinto na kailangang isara kapag kami ay natutulog. Pero kahit ganito ang aming bahay, bahay pa rin ito para sa amin ni Tatay.
  • 350.
    29 Magaling magmaneho ngaming bahay ang aking Tatay. Kahit sa maliit na iskinita, kayang-kaya niyang sumingit. Kahit sa pagitan ng mga sasakyan, nakakalusot kami ng walang gasgas o daplis. At kapag gusto naman naming umidlip, ipaparada lang ito ni Tatay. Minsan sa ilalim ng isang puno sa parke, minsan sa likod ng palengke, at minsan naman sa isang waiting shed na bakante. Gustung-gusto kong magmaneho si Tatay. Masarap sa tenga ang businang-sipol niya. Di tulad ng drayber ng mga kaskaserong dyip na nakabibingi ang busina. Kahit saan kami magpunta, lagi naming kasama ni Tatay ang aming Bahay. May gamit din naman ang aming bahay tulad ng ibang bahay. May dalawa kaming pinggan, dalawang baso, isang kutsara’t platito, isang maliit na kaldero at yuping takure. May isang kahon din kami ng damit, isang boteng makulay at may kakaibang hugis, pati litrato ng iba’t ibang tao. PAG GABI NA. “Aking Bunsong-bulinggit, sumampa na’t aking ikakabit ang bubungan nating plastik,” ang sasabihin ni Tatay. Sa aking pagtulog, laging may kwento si Tatay. Sabi ni Tatay, noon daw, noong matagal na matagal na, lahat daw ng bahay ay pareho ng aming bahay. Lahat ng tao, nagtutulak ng bahay. Pero naging tamad daw ang mga tao, ayaw nilang magtulak ng kanilang bahay. Kaya huminto na sila sa isang lugar. Ngayon, konti na lang ang tulad ng aming bahay. Sabi ni Tatay, gusto na rin niyang itigil ang aming bahay sa isang lugar, pero ubos na raw ang lupa. At sa pagtulog, kitang-kita sa bubungan naming plastik ang malawak na langit. PAG-UMAGA NA. “Aking Bunsong-bulinggit, gising na’t aking aalisin ang bubungan nating plastik”, ang sasabihin ni Tatay. Mag-iinit si Tatay ng tubig sa takure at bibili ng apat na pandesal sa malapit na panaderya. Hihigop kami ng kape at kakain ng mainit na pandesal. “Ngayon ay araw ng linggo kaya magsisimba tayo sa Binondo’” ang balita sa akin ni Tatay.
  • 351.
    30 Naligo kami niTatay sa tubig na galing sa butas ng tubo. Ang lamig-lamig ng tubig. Tapos, kinusut-kusot ni Tatay ang mga hinubad naming damit. IPINARADA MUNA ni Tatay ang aming bahay sa gilid ng simbahan. Hawak ni Tatay ang aking kamay nang pumasok kami sa lumang simbahan. Ang laki ng bubong ng simbahan, ang taas ng mga dingding, may mga ibon pang lumilipad at naghahabulan, ang ganda ng damit ‘nung nasa altar, parang damit ‘nung mga bata na nakita ko sa santakrusan. Si Tatay, tahimik na tahimik. Nakatingin sa may magagandang damit sa altar habang nakaluhod. Pagkatapos, lumabas kami ni Tatay. Pero laking gulat namin, nawawala ang aming bahay! “Naku! Bunso ko, may kumuha ng ating bahay!” “Sinong kumuha Tay?” “Kinuha ng mga Tanod kanina. Nandun!” ang biglang_sabi ng babaeng nagtitinda ng kandila’t rosaryo. Tumakbo kami ni Tatay patungo sa itinuro ng babae. At nakita nga namin, hatak-hatak ng isang puting sasakyan ang aming bahay, kadugtong ng iba pang bahay na tulad ng aming bahay. “Hayaan mo Bunso, babawiin natin ang ating bahay.” PINUNTAHAN NAMIN ni Tatay ang aming bahay sa Baranggay. Nakita ko ang bahay namin, nakaparada lang sa isang tabi. Nilapitan namin ang isang lalaking parang buntis ang tiyan. “Kelangan kang magbayad ng multa,” ang sabi ng lalaki. “Wala po akong ibabayad sa multa,” ang sabi ni Tatay. “Lugi naman ‘yung iba!” sabay singa ng lalaki sa nakabukas na bintana. “Ipapangako ko na lang po na itatabi ko nang maayos sa susunod,” pangako ni Tatay.
  • 352.
    31 “Di pupwede!” angmalakas na sabi ng lalaki. Umalis na kami ni Tatay. “Hayaan mo Bunso, mababawi rin natin ang ating bahay,” ang sabi sa akin ni Tatay. ‘NUNG GABI, sa gilid ng isang tindahang sarado kami nahiga ni Tatay. Di ako makatulog. Kahit anong gawin ko, di pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang aming bahay, ang aming mga gamit. Ang dalawa naming panggan at baso, ang aming kutsara’t platito, ang aming kaldero’t takure, ang kahon ng aming damit, ang boteng makulay at pati ang mga litrato. Paggising namin, walang mainit na kape, walang mainit na pandesal. SA BUONG maghapon, nagkargador si Tatay. Isinama ako ni Tatay minsan. Pagkatapos na maibaba ang lahat ng gulay, ng mga karne naman, ng mga damit, ng mga tela, ng mga bihon at harina, ng mga mantel, batya at palanggana kaya paghapon na, hapung-hapo si Tatay. Pinaiwan na lang ako ni Tatay sa harap ng simbahan. Tapos bukas uli, bukas uli at bukas uli. “Huwag kang lalayo, ‘pag-uwi ko masarap na tukneneng ang pasalubong ko,” ang bilin sa akin ni Tatay. Iniisip ko pa rin ang aming may gulong na bahay. AT ISANG hapon, laking gulat ko nang iparada ni Tatay sa aking harapan ang aming bahay. Isang drayber na uli si Tatay, nabawi na rin namin ang aming bahay. Isa-isa kong tinignan ang aming mga gamit. “Sa wakas!” ang nasigaw ko. Pinasakay ako ni Tatay sa aming bahay at saka niya ito minaneho patungo sa aming pinagliliguan. Inalis namin ang aming mga gamit at saka inisis ni Tatay ang loob at labas, ako naman sa manibela. Sinabon at saka binuhusan ng tubig. Tapos naging matingkad na asul ang aming bahay. “Ang bangong higaan!” ang lumabas sa aking bibig. MULA NOON, lagi kong binabantayan ang aming bahay. Ako rin ang nagpapaalala kay Tatay kung bawal itong iparada.
  • 353.
    32 Tuwing gabi, dipa rin nauubos ang kwento ni Tatay tungkol sa mga may gulong na bahay. At habang nakahiga kami sa mabangong higaan at natatanaw ang malawak na langit, ay sinabi ni Tatay, “Ngayon, aking Bunso, hinding-hindi na mahihiwalay sa atin ang ating munting bahay, ang ating mabango at may gulong na bahay.” Habang bumababa ang mga asul na ulap. (Alay ko kay Cecille Tan, ang batang nakatira sa may gulong na bahay na laging nakaparada sa gilid ng Simbahan ng Binondo.) * Karangalang Banggit, 2004 PBBY – Salanga Prize Ang iyong binasa ay isang maikling kuwento. Tulad ng pagluluto ng ulam, ang maikling kuwento ay mayroon ding sangkap upang ito ay maging isang ganap na kuwento. Alam mo ba ang mga sangkap na ito? Isa sa mga sangkap ng maikling kuwento ay ang paksa. Kung minsan tinatawag din itong tema. Ano ba ang paksa? Paano mo matutukoy ang paksa ng isang kuwentong iyong binasa? Ang paksa ay ang pangunahing kaisipan ng kuwento na nais ipabatid ng may-akda sa mambabasa. Bagamat hindi direktang sinasabi ng may-akda ang paksa ng kanyang akda, madali pa rin itong matutukoy dahil sa mga keyword na ginamit niya. Ang keyword ay mga tanda o ibang salita na ginagamit ng may-akda upang lalong magpalutang sa kanyang paksa. Halimbawa: Basahin ang bahaging ito ng kuwento: IBANG-IBA SA ibang bahay ang aming bahay. Wala itong malaking haligi at mataas na bubong. Wala rin itong bintana at pinto na kailangang isara kapag kami ay natutulog. Pero kahit ganito ang aming bahay, bahay pa rin ito para sa amin ni Tatay. Ano ang paksa ng bahaging ito ng kuwento? Ang bahay ang paksa ng bahaging ito ng kuwento. Pero kung pag-iisipang mabuti, hindi lamang tungkol sa bahay ang paksa ng bahaging ito ng kuwento. Ang bahay lamang ang inilalarawan sa bahaging ito.
  • 354.
    33 Alin sa sumusunodang sa palagay mo ay paksa ng bahaging ito ng kuwento? • kakaibang bahay na tinitirhan ng bata • kawalan ng bubong, bintana, at pinto ng bahay na tinitirhan ng bata • kawalan ng maayos na bahay/tirahan dahil sa kahirapan • masayang paglalarawan ng bata sa kanilang bahay Kung ang iyong napili ay ang ika-3, tama ka. Anu-anong mga keyword ang ginamit ng may-akda upang masabing ang paksa ng bahaging ito ng kuwento ay kahirapan? Isa-isahin mo nga ang mga keyword na ginamit ng awtor. Kung ang mga keyword na natukoy mo ay tulad ng mga sumusunod, tama ka. Ibang-iba sa ibang bahay Walang haligi at mataas na bubong Walang bintana at pinto Ito ay mga keyword na nagpapatunay na kahirapan ang paksa ng bahaging ito ng kuwento. Saan ka nga ba makakakita ng bahay na walang haligi, bubong, bintana, at pinto? Hindi ba’t sa kuwento lamang na ito na ang mag-ama ay nakatira sa kariton, na itinuturing nilang kanilang bahay? Ngunit kariton man ang bahay nila, bahay pa rin ito para sa bata. Bukod sa pagtukoy sa keyword upang matukoy ang paksa, maaari ring magamit ang keyword upang matukoy ang proposisyong positiv at negativ na pahayag. Ano ba ang proposisyon? Ang proposisyon ay isang pahayag na nagbibigay ng mungkahi. Kadalasang ang mga keyword na positivo na ginagamit dito ay nararapat, naniniwala, ganito, dapat, at iba pa. Bukod sa positiv, mayroon ding negativ na pahayag. Ang negatibong pahayag ay gumagamit ng mga salitang nagpapahayag ng pagtanggi, halimbawa nito ay hindi/di, ayaw/ayoko, at iba pa. Ginagamit din dito ang mga salitang nagpapapahayag ng pagsalungat tulad ng di sang-ayon, pero, ngunit, at iba pa.
  • 355.
    34 Alin sa mgasumusunod na pangungusap ang positiv at alin naman ang negativ? 1. “Di pupwede!” 2. “Kelangan kang magbayad ng multa.” 3. “Wala po akong ibabayad sa multa.” 4. “Hayaan mo Bunso, babawiin natin ang ating bahay.” 5. Di ako makatulog. Ang mga pangungusap bilang 2 at 4 ay positiv at ang mga pangungusap bilang 1, 3 at 5 naman ay negativ. Malinaw na ba sa iyo ang proposisyong positiv at negativ? Natutukoy mo na bang kung alin ang positiv at negativ na pahayag? Kung hindi pa, pag-aralan ang susunod na kadalasang ginagamit bilang panimula upang maipahayag ang positiv at negativ na opinyon ukol sa isang isyu. 1. Ganap na pagsang-ayon sa sinasabi ng iba Lubos ang akong sumasang-ayon sa… Sang-ayon ako sa… 2. Sumasang-ayon pero may alinlangan Sinasang-ayunan ko ang ginawa nila, ngunit… May katwiran sila, pero… 3. Di pagsang-ayon nang lubusan Di ako naniniwala sa… Hindi makatao ang kanilang … Di makatarungan ang … 4. Magalang na pagsalungat Posibleng tama sila, ngunit … Iginagalang ko ang ginawa nila, subalit … Naiintindihan sana ng … 5. Sumasalungat o sumasang-ayon Sumasang-ayon ako sa ginawa nila, pero… May dahilan sila, ngunit … Inuulit ko, ang mga ito ay maaari mong gamitin sa pagpapahayag. Ang mga ito ay mga keyword na magagamit sa positiv at negativ na pagpapahayag. Mahalaga lamang na siguruhin mong ginamit mo ito sa tiyak at wastong sitwasyon.
  • 356.
    35 Halimbawa: Basahin ang bahagingito ng kuwento at magpahayag ng sariling saloobin pagkatapos. Pagkatapos, lumabas kami ni Tatay. Pero laking gulat namin, nawawala ang aming bahay! “Naku! Bunso ko, may kumuha ng ating bahay!” “Sinong kumuha Tay?” “Kinuha ng mga Tanod kanina. Nandun!” ang biglang_sabi ng babaeng nagtitinda ng kandila’t rosaryo. Tumakbo kami ni Tatay patungo sa itinuro ng babae. At nakita nga namin, hatak-hatak ng isang puting sasakyan ang aming bahay, kadugtong ng iba pang bahay na tulad ng aming bahay. “Hayaan mo Bunso, babawiin natin ang ating bahay.” Kung positiv ang iyong pahayag sa sitwasyong kinuha ng mga tanod ang bahay na kariton ng mag-ama, alin sa mga sumusunod na keyword o panimula ang iyong gagamitin? Alin naman ang iyong gagamitin kung ganap na pagsalungat o negativ ang iyong tugon? 1. May katwiran sila, pero – 2. Sang-ayon ako sa – 3. Di ako naniniwala sa – 4. Hindi makatao ang kanilang– 5. Sinasang-ayunan ko ang ginawa nila, ngunit – 6. Di makatarungan ang – 7. Lubos ang akong sumasang-ayon sa – Kung ang iyong sagot ay tulad nito, tama ka Bilang 2 at 7 para sa positibong pahayag o pagsang-ayon. Bilang 3 at 6 naman para sa negatibong pahayag o ganap na pagsalungat. Ang mga ito ay mga keyword na maaari mong magamit bilang panimula upang maipahayag mo ang iyong saloobin ukol sa isang isyu.
  • 357.
    36 Isa sa mgasusi upang maintindihan ang kabuuan ng isang kuwento ay nasa pag-unawa rin sa kahulugan ng mga salitang ginamit ng may-akda. May dahilan ang may-akda sa paggamit niya ng bawat salita sa kanyang kuwento. Bagama’t hindi direktang sinasabi ng may-akda ang kanyang intensyon sa paggamit ng mga salitang ito, mahihinuha ng mambabasa ang dahilan sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahulugan at kaugnayan ng salita sa kabuuan ng kuwento. May dalawang paraan upang mabigyang kahulugan ang mga salita. Ito ay sa pamamagitan ng denotasyon at konotasyong pagpapakahulugan. Ano ba ang denotasyon? Kung pag-uusapan ang pagkakahulugan ng isang salita, karaniwan nang tinutukoy ay ang literal o konseptwal nitong kahulugan. Ito ay ang kahulugang nag-uugnay sa salita sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. Ang ganitong pagpapakahulugan sa salita ay tinatawag denotasyon. Halimbawa: Ang denotasyong kahulugan ng salitang bahay ay tirahan ng tao – isang gusali na itinayo upang maging proteksyon ng tao. Malinaw na ba sa iyo ang denotasyon? Lagi mo lamang tatandaan na kapag denotasyon, nananatili ang literal na kahulugan ng salita sa anumang konteksto ito gamitin. Hindi nawawala ang sentral o pangunahing kahulugan ng salita. Ano naman ang konotasyon? Bukod sa denotasyong kahulugan, ang salita ay maaari ring magtaglay ng konotasyong kahulugan. Sa uring ito, ang isang salita ay maaaring magtaglay ng iba pang mas malalim na kahulugan bukod sa literal nitong kahulugan. Halimbawa: Ang konotasyong kahulugan ng salitang bahay ay kaligayahan. Maaaring itanong mo kung bakit naging kaligayahan ang kahulugan ng salitang bahay? Kung pagbabatayan natin ang kuwentong “May Gulong na Bahay,” hindi ba’t naging malungkot ang bata nang kunin ng barangay ang kanilang bahay? Hindi man ito direktang sinabi ng may-akda, mahihinuhang ang may gulong na bahay ng mag-ama ang nagdudulot ng saya sa bata. Kung kaya, masasabing ang konotasyong kahulugan ng bahay ay kaligayahan. Naiintindihan mo na ba ang konotasyon? At ang pagkakaiba nito sa denotasyon? Tandaan mo lamang na sa konotasyon, maaaring magtaglay ng mga pahiwatig o emosyonal na kahulugan ang isang salita. Ang salitang bahay ay maaaring magtaglay ng ibang konotasyong
  • 358.
    37 kahulugan sa ibangakda, ayon sa intensyon o layunin ng may-akda. Sa pagpapakahulugang ito, nagbabago ang kahulugan ng salita ayon sa konteksto ng pagkakagamit nito. Madalas, itinatago ng may-akda ang kahulugan ng isang salita sa kanyang akda. Dahil dito, nahihikayat ang mambabasa na mag-isip at tuklasin ang kahulugan ng salita sa isang akda. Ano ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng simbahan sa kuwentong “May Gulong na Bahay”? Denotasyon Simbahan – isang banal na lugar na pinupuntahan ng mga tao upang magsimba o magdasal. Konotasyon Simbahan – pinagkukunan ng pag-asa ng ama sa kuwento Malinaw na ba sa iyo ang araling itinuro ko sa sub-aralin na ito? Naghanda ako ng mga gawain para sa iyo upang lalo mo pang mahasa ang iyong kasanayang natamo. Linangin I. Tukuyin ang paksa ng mga sumusunod na bahagi ng kuwentong iyong binasa. Sa isang hiwalay na papel, isulat mo ang iyong mga sagot. ____1. SA BUONG maghapon, nagkargador si Tatay. Isinama ako ni Tatay minsan. Pagkatapos na maibaba ang lahat ng gulay, ng mga karne naman, ng mga damit, ng mga tela, ng mga bihon at harina, ng mga mantel, batya at palanggana kaya paghapon na, hapung-hapo si Tatay. a. masipag ang ama ng bata b. nagtrabaho ang ama ng bata c. pagod na pagod ang ama ng bata d. maraming ibinababang kalakal ang ama ng bata ____2. AT ISANG hapon, laking gulat ko nang iparada ni Tatay sa aking harapan ang aming bahay. Isang drayber na uli si Tatay, nabawi na rin namin ang aming bahay. Isa-isa kong tinignan ang aming mga gamit. “Sa wakas!” ang nasigaw ko. a. may bahay na uli ang mag-ama b. nabawi na ng ama ang kanilang bahay c. sinorpresa ng ama ang kanyang anak d. nagsikap ang ama upang mabawi ang kanilang bahay
  • 359.
    38 ____3. ‘NUNG GABI,sa gilid ng isang tindahang sarado kami nahiga ni Tatay. Di ako makatulog. Kahit anong gawin ko, di pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang aming bahay, ang aming mga gamit. a. maselan ang bata b. nalulungkot ang bata sa kanilang kalagayan c. nangangamba ang bata na baka di na nila mabawi ang kanilang bahay d. hindi sanay ang bata na matulog sa gilid ng saradong tindahan ____4. Ang laki ng bubong ng simbahan, ang taas ng mga dingding, may mga ibon pang lumilipad at naghahabulan, ang ganda ng damit ‘nung nasa altar, parang damit ‘nung mga bata na nakita ko sa santakrusan. a. naiinggit ang bata sa ganda ng simbahan b. ikinukumpara ng bata ang kanilang bahay sa simbahan c. gusto ng bata na maging tulad ng simbahan ang kanilang bahay d. humahanga ang bata sa kagandahan ng simbahan ____5. Pinasakay ako ni Tatay sa aming bahay at saka niya ito minaneho patungo sa aming pinagliliguan. Inalis namin ang aming mga gamit at saka inisis ni Tatay ang loob at labas, ako naman sa manibela. Sinabon at saka binuhusan ng tubig. Tapos naging matingkad na asul ang aming bahay. a. lilinisin ng mag-ama sa kanilang bahay b. masaya ang ama dahil nabawi na nila ang kanilang bahay c. sabik na sabik ang mag-ama sa kanilang bahay d. malinis sa bahay ang mag-ama II. Isulat kung positiv o negativ ang mga sumusunod na pahayag/pangungusap mula sa kuwentong binasa: ___________1. Di tulad ng drayber ng mga kaskaserong dyip na nakabibingi ang busina. ___________2. “Ngayon, aking Bunso, hinding-hindi na mahihiwalay sa atin ang ating munting bahay, ang ating mabango at may gulong na bahay.” ___________3. Paggising namin, walang mainit na kape, walang mainit na pandesal. ___________4. “Hayaan mo Bunso, babawiin natin ang ating bahay.” ___________5. Pero naging tamad daw ang mga tao, ayaw nilang magtulak ng kanilang bahay. III. Piliin sa ibaba ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng mga sumusunod na salita batay sa kuwentong iyong binasa. tirahan/bahay kahirapan nakikita sa langit pangarap pag-asa bahay-dalanginan kapalaran proteksyon sa hamog destinasyon/pupuntahan pag-ibig kaligtasan kapahamakan
  • 360.
    39 Salita Denotasyon Konotasyon 1.simbahan 2. ulap 3. kariton 4. manibela 5. bubungang plastik Tapos ka na ba? Narito ang mga wastong sagot. Iwasto mo ang iyong sariling papel. I II III 1. b 1. negativ 1. bahay-dalanginan;pag-asa 2. b 2. positiv 2. nakikita sa langit;pangarap 3. c 3. negativ 3. tirahan/bahay;kahirapan 4. d 4. positiv 4. destinasyon/pupuntahan;kapalaran 5. a 5. negativ 5. proteksyon sa hamog;kaligtasan Kung ang iyong nakuha sa gawaing ito ay higit sa kalahati, maaari mo nang puntahan ang susunod na gawain, ngunit kung hindi umabot sa kalahati ang iyong nakuhang tamang sagot, hinihikayat kitang balikan ang ating isinagawang pagsasanay. Marahil, may mga bahaging Malabo pa sa iyo. Salamat! Gamitin Narito ang mahahalagang bahagi ng iyong kuwentong binasa. Magbigay ng positiv at negativ na pahayag sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga keyword. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong sagot. SA BUONG maghapon, nagkargador si Tatay. Isinama ako ni Tatay minsan. Pagkatapos na maibaba ang lahat ng gulay, ng mga karne naman, ng mga damit, ng mga tela, ng mga bihon at harina, ng mga mantel, batya at palanggana kaya paghapon na, hapung-hapo si Tatay. Pinaiwan na lang ako ni Tatay sa harap ng simbahan. Tapos bukas uli, bukas uli at bukas uli. 1. Bumilib ako sa ginawa ng ama dahil _________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 2. Hindi ko nagustuhan ang desisyon ng ama sapagkat ____________________________________ _________________________________________________________________________________
  • 361.
    40 Sabi ni Tatay,noon daw, noong matagal na matagal na, lahat daw ng bahay ay pareho ng aming bahay. Lahat ng tao, nagtutulak ng bahay. Pero naging tamad daw ang mga tao, ayaw nilang magtulak ng kanilang bahay. Kaya huminto na sila sa isang lugar. Ngayon, konti na lang ang tulad ng aming bahay. Sabi ni Tatay, gusto na rin niyang itigil ang aming bahay sa isang lugar, pero ubos na raw ang lupa. 3. Nakatutuwa ang ikinuwento ng ama sa kanyang anak, kung kaya __________________________ _________________________________________________________________________________ 4. Sa aking palagay, ginawang palusot ng ama ang kuwentong ito kaya _______________________ _________________________________________________________________________________ Kahit saan kami magpunta, lagi naming kasama ni Tatay ang aming Bahay. May gamit din naman ang aming bahay tulad ng ibang bahay. May dalawa kaming pinggan, dalawang baso, isang kutsara’t platito, isang maliit na kaldero at yuping takure. May isang kahon din kami ng damit, isang boteng makulay at may kakaibang hugis, pati litrato ng iba’t ibang tao. 5. Hinahangaan ko ang mag-ama dahil _________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 6. Nakakaawa ang kalagayan ng mag-ama, pero _________________________________________ _________________________________________________________________________________ Gustung-gusto kong magmaneho si Tatay. Masarap sa tenga ang businang-sipol niya. Di tulad ng drayber ng mga kaskaserong dyip na nakabibingi ang busina. 7. Sang-ayon akong taglay ng bata ang makulay na karanasan sa buhay kaya __________________ _________________________________________________________________________________ 8. Di dapat makuntento ang ama sa kanilang kalagayan, kailangang _________________________ _________________________________________________________________________________ MULA NOON, lagi kong binabantayan ang aming bahay. Ako rin ang nagpapaalala kay Tatay kung bawal itong iparada.
  • 362.
    41 9. Talagang maymaganda at positibong pananaw sa buhay ang bata dahil ___________________ _________________________________________________________________________________ 10. Tunay na mahalaga sa bata ang kanilang kariton, kaya lang, sana ay______________________ _________________________________________________________________________________ Matapos mong kumpletuhin ang mga keyword upang maipahayag ang iyong positibo at negatibong pahayag, ipakita mo ang iyong papel sa iyong guro. Siya ang magsasabi kung alin ang wasto at alin ang mali sa iyong mga isinulat. Lagumin Sa sub-aralin na ito, pinag-aralan mo ang pagtukoy sa mga keywords na nagpapakilala paksa, proposisyon positiv at negativ na pahayag. Ang keywords ay mga salita na gumaganap bilang mga tanda na na ginamit ng may-akda upang mapalutang ang kanyang intensyon sa pagpapahayag o upang mapalutang ang kanyang paksa. Ang paksa naman ay ang pangunahing kaisipan ng kuwento na nais ipabatid ng may-akda sa mambabasa. Bagamat hindi direktang sinasabi ng may-akda ang paksa ng kanyang akda, madali pa rin itong matutukoy dahil sa mga keywords na ginamit niya. Natutunan mo rin ang ukol sa proposisyon. Ito ay mga pahayag na nagbibigay ng mungkahi. Kadalasang ang mga keywords na positiv na ginagamit dito ay nararapat, naniniwala, ganito, dapat, at iba pa. Bukod sa positiv ay mayroon ding negativ na gumagamit ng mga salitang nagpapahayag ng pagtanggi, halimbawa, hindi/di, ayaw/ayoko, at iba pa. Ginagamit din dito ang mga salitang nagpapapahayag ng pagsalungat tulad ng di sang-ayon, pero, ngunit, at iba pa. Bukod sa mga ito, sinikap mo ring basahin ang kuwento “May Gulong na Bahay” na gumamit ng mga salitang binigyan mo ng kahulugan ayon sa denotasyon at konotasyong nitong kahulugan. Ang denotasyon ay ang literal o konseptwal na kahulugan ng isang salita. Ito ay ang kahulugang nag-uugnay sa salita sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. Ang kahulugan ng isang salita ay kung ano ang makikita/matatagpuan sa diksyunaryo. Ang konotasyon naman ay ang mas malalim na kahulugan ng isang salita. Bukod sa literal na kahulugan ng salita, mayroon pa itong mga nakatagong kahulugan na maaaring maiugnay sa buhay na kadalasang hindi direktang sinasabi ng may-akda. Ang isang salita ay may simbolo o ipinahihiwatig sa kabuuan ng isang akda.
  • 363.
    42 Subukin Narito ang isangbalita. Basahin mo itong mabuti. Ahon Bata sa Lansangan Program Dahil sa kritikal na kondisyon at kapahamakang kinakaharap ng mga batang- lansangan, inilunsad kamakailan ng pamahalaan ang “Ahon Bata sa Lansangan Program” bilang pagkilala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pangunahing karapatan ng mga batang Pilipino. Layunin ng proyekto na patuloy na mapalakas ang pagsisikap ng pamahalaan na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga batang-lansangan o street children. Sa pamamagitan ng programa, umaasa ang pamahalaan na tutulong sa mga batang lansangan ang iba't ibang sektor ng lipunan. Kabilang sa mga ipagkakaloob na tulong sa mga batang-lasangan ang sumusunod: pagkakaloob ng tahanan, pagbibigay ng payo, serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at mga gawain o trabaho na kanilang mapagkakakitaan at iba pang serbisyo para sa kanilang pamilya, upang kahit papaano ay matulungan silang makaalis sa kanilang kinasasadlakang kahirapan. Kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na inatasang magpatupad ng programa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Health (DOH). (Pinagkunan: http://www.pia.gov.ph/infobits/ib031727.htm) I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng wastong sagot sa isang hiwalay na papel. _____1. Ano ang paksa ng balita? a. mga batang lansangan b. pagtulong sa mga batang lansangan c. paglulunsad ng isang proyekto para sa mga batang lansangan d. mga ahensya ng pamahalaan na magpapatupad ng programa _____2. Alin sa mga sumusunod na keyword ang hindi ganap na nagpakilala sa paksa ng balita? a. inilunsad b. karapatan ng mga batang Pilipino c. pagkilala d. pamahalaan
  • 364.
    43 _____3. Alin samga sumusunod ang hindi positivong pahayag? a. mapalakas ang pagsisikap ng pamahalaan b. matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga batang-lansangan c. umaasa ang pamahalaan na tutulong ang iba't ibang sektor ng lipunan d. kapahamakang kinakaharap ng mga batang-lansangan, _____4. Ano ang denotasyong kahulugan ng “Ahon-Bata sa Lansangan Program”? a. programa b. pagliligtas c. pagtulong d. pagsagip _____5. Ano ang konotasyong kahulugan ng “Ahon-Bata sa Lansangan Program”? a. programa b. pagliligtas c. pagtulong d. pagsagip _____6. Alin sa mga sumusunod na salita ang positibo? a. kritikal b. mapalakas c. kapahamakan d. kahirapan II. Dugtungan ang mga sumusunod na keyword upang mabuo ito. Piliin ang titik ng sagot sa ibaba. _____1. Lubos ang akong natutuwa sa proyekto dahil ____________________________________ _____2. Gusto ko ang proyektong ito, ngunit ____________________________________________ _____3. Di ako naniniwala na magiging epektibo ang programa sapagkat _____________________ _____4. Dapat sigurong tiyakin ng pamahalaan ang ______________________________________ _____5. Tiyak na magiging maganda ang resulta ng proyekto kung ____________________ a. lubhang napakaraming batang-lansangan sa kasalukuyan ang nagkalat lalo na sa Maynila. b. hindi ako sigurado kung seryoso ang pamahalaan sa proyektong ito, baka sa simula lamang ito. c. hihilingin ng pamahalaan sa mga ahensya nito na makipagtulungan d. sapat na badyet upang matustusan ang proyekto at nang makaabot sa mas maraming bilang ng batang-lansangan. e. tiyak na marami itong matutulungang mga batang lansangan.
  • 365.
    44 III. Tukuyin kungang mga pangungusap bilang 1-5 sa Pagsasanay II ay positive/negativ. Isulat ang (┼) kung positiv ang pangungusap at (–) naman kung negativ ang pangungusap. Tapos ka na ba? Narito ang mga wastong sagot sa gawaing ito. Iwasto mo ang iyong sariling papel. Nawa’y maging tapat ka. I II III 1. c 1. e 1. + 2. c 2. b 2. – 3. d 3. a 3. – 4. a 4. d 4. + 5. d 5. c 5. + 6. b Muli, kung iyong nakuhang wastong sagot ay higit sa kalahati, puwede mo nang puntahan ang panghuling pagsusulit. Ngunit kung hindi nakaabot sa kalahati ang iyong nakuhang tamang sagot, pumunta ka sa Paunlarin. Ito ay para rin sa iyong ikahuhusay. Hindi naman tayo nagmamadali. Nais kong masiguro na bago mo iwan ang isang aralin ay lubos mo itong naiintindihan. Maraming salamat sa iyo, kaibigan! Paunlarin Narito ang ilang bahagi ng balitang iyong binasa sa Subukin. Isulat ang iyong palagay sa isang hiwalay na papel. Ang iyong palagay ay maaaring positiv o negativ. Gumamit ng mga keyword. Ano ang iyong masasabi sa mga sumusunod na bahagi ng balita? 1. Dahil sa kritikal na kondisyon at kapahamakang kinakaharap ng mga batang-lansangan, inilunsad kamakailan ng pamahalaan ang “Ahon Bata sa Lansangan Program” bilang pagkilala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pangunahing karapatan ng mga batang Pilipino. 2. Layunin ng proyekto na patuloy na mapalakas ang pagsisikap ng pamahalaan na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga batang-lansangan o street children. Sa pamamagitan ng programa, umaasa ang pamahalaan na tutulong sa mga batang lansangan ang iba't ibang sektor ng lipunan.
  • 366.
    45 3. Kabilang samga ipagkakaloob na tulong sa mga batang-lasangan ang sumusunod: pagkakaloob ng tahanan, pagbibigay ng payo, serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at mga gawain o trabaho na kanilang mapagkakakitaan at iba pang serbisyo para sa kanilang pamilya, upang kahit papaano ay matulungan silang makaalis sa kanilang kinasasadlakang kahirapan. 4. Kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na inatasang magpatupad ng programa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Health (DOH). Matapos mong maisulat ang iyong opinyon/palagay o kuro-kuro, tukuyin mo kung ang mga ito ba ay positivo o negativo. Pagkatapos, bilugan mo ang mga keywords na nagpapatunay na ito ay positivo o negativo. Ipakita mo sa iyong guro ang iyong papel at titignan niya kung wasto ang iyong ginawa. Sa bahaging ito nagtatapos ang ating pag-aaral, pero bago tayo tuluyang maghiwalay, sagutin mo muna ang panghuling pagsusulit sa GAANO KA NA KAHUSAY? para matiyak natin ang iyong mga natutuhan sa modyul na ito. Gaano ka na kahusay? I. Piliin ang wastong sagot sa kahon. Isulat ang salita ng iyong sagot sa isang hiwalay na papel. keywords pahiwatig paksa denotasyon proposisyon konotasyon simbolo _____1. Ito ang kahulugang tahas o literal na depinisyon ng salita na kadalasang nakikita sa diksyunaryo _____2. Mga salita na kapag binanggit sa isang akda ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan ang mambabasa _____3. Istilong ginagamit ng mga manunulat upang sabihin ang kanilang mga nais sabihin sa paraang hindi lantad o hayagan _____4. Ito ay ang mas malawak na pagpapakahulugan sa salita, nagtataglay ng simbolo o pahiwatig na kahulugan ang salita _____5. Pangunahing kaisipan ng kuwento na nais ipabatid ng may-akda sa mambabasa
  • 367.
    46 _____6. Mga tandao ibang salita na ginagamit ng may-akda upang lalong mapalutang ang kanyang paksa _____7. Isang pahayag na nagbibigay ng mungkahi. II. Ano ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod? Piliin ang titik ng iyong sagot. _____1. Ibig kong magsaka na ang aanihin ikabuhay ko ma’y sa pawis ko galing. - Rogelio Sicat, Malaya a. paghingi ng tulong sa ibang tao b. pagsisikap sa sariling paraan c. gawing mag-isa ang isang gawain d. hindi paghingi ng tulong sa iba _____2. Dalawangpung taong nabangkay ang laya, laksa ang nasukol na diwa at puso. -Teo T. Antonio, Babang-Luksa a. marami ang nakakulong b. mahabang panahon ng pananakop ng mga dayuhan c. maraming taon na ang tao ay walang layang magsalita d. pang-aabuso sa mga Pilipino _____3. May isang bagay na malinaw na malinaw kong natatandaan tungkol kay Tata More – hindi pa siya pumupunta sa amin nang hindi niya taglay ang ingay at halakhak. - Genoveva E. Matute, Tata More a. Masayahing tao si Tata More b. Maraming naiinis kay Tata More c. Mahirap kalimutan si Tata More d. Mahilig humalakhak si Tata More _____4. Noon ay kataimtimang minamalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na matuwid katulad ng isang bangkay. - Epifanio G. Matute, Impong Sela a. Patay na ang apo ni Impong Sela b. Natutulog ang apo ni Impong Sela c. Paralisado ang katawan ng apo ni Impong Sela d. May malubhang sakit ang apo ni Impong Sela
  • 368.
    47 _____5. Sa matindingsikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan. - Rogelio Sicat, Impeng Negro a. siya ay natalo b. patas lang ang labanan c. nagtagumpay siya sa labanan d. hindi niya matanggap ang pagkatalo _____6. Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat. - Edgardo M. Reyes, Lugmok na ang Nayon a. maysakit b. sobrang init ng panahon d. sensitibong ang balat e. matinding sikat ng araw _____7. Ilang hakbang lamang ang nakapagitan sa silid ng ama ko at sa akin, ilang hakbang lamang at maaari ko nang mabuksan ang pinto at itulak iyong upang makita ang nasa loob. Subalit ang mga hakbang ko ay karaniwang mabibigat. - Buenaventura S. Medina, Jr., Dayuhan a. masama ang loob niya sa kanyang ama b. may galit siya sa kanyang ama c. hindi niya kapalagayang loob ang ama d. nahihiya siya sa kanyang ama _____8. Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan, Dahon ko’y ginawang korona sa hukay. - Jose Corazon de Jesus, Ang Punungkahoy a. kamatayan b. katandaan c. pagsisisi d. pamamaalam III. Ano ang isinisimbolo ng mga salitang may salungguhit? Piliin ang titik ng iyong sagot. _____1. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, Dagiti’t dumagit saan man sumuot… - Ildefonso Santos, Ang Guryon a. pagsubok sa buhay b. problema/suliranin c. isang laruan d. pangarap
  • 369.
    48 _____2. At sakubong butas-butas ay naglagos ang pangarap. - Teo T. Antonio, Kasal ni Kikay a. tahanan/bahay b. pamilya c. kahirapan d. kayamanan _____3. Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito’y nagisnan na naming magkakapatid. - Edgardo M. Reyes, Ang Gilingang Bato a. katandaan b. panahon c. pamana d. kabuhayan _____4. Sa bawat tao ay may naghihintay na lupa ng sariling bayang sinilangan. - Rogelio Sicat, Sa Lupa ng Sariling Bayan a. lupang sinilangan b. lupang sakahan c. lupang lilibingan d. lupang pagkukunan ng kabuhayan _____5. May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon: ang Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng malaking bayakan na sumisipsip ng dugo ng tao. - Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit a. katakawan b. kabulastugan c. gahaman sa yaman d. kasakiman _____6. Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa - Amado V. Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan a. damdamin b. mga pasakit/pagdurusa ng bayan c. pag-ibig sa bayan d. pagliligtas sa bayan
  • 370.
    49 IV. Ano angkahulugang denotasyon ng mga sumusuod na salita/bagay? Isulat ang titik ng iyong sagot. A B _____1. guryon a. tinataniman ng mga halaman _____2. kubo b. isang uri ng ibon _____3. gilingang-bato c. saranggola _____4. lupa d. bahay na yari sa pawid _____5. agila e. ginagamit sa paggawa ng mga kakanin _____6. luha f. natatagpuan sa ilog g. likidong lumalabas sa mata kapag umiiyak V. Isulat ang + kung positiv at – naman kung negativ ang mga sumusunod na pangungusap. _____1. Pinalaya na nang walang pinsala noong Martes ang Pilipinong si Angelito Nayan at dalawa pang UN workers, na dinukot sa Afghanistan. _____2. Simula Sabado, magbibigay ang 100 himpilan ng Petron, Pilipinas Shell at Caltex Philippines ng 50 sentimong diskwento kada litro ng diesel. _____3. May ibang hindi maka-concentrate sa klase o nakararamdam ng sobrang pagod kaya hindi makapag-aral nang mabuti. _____4. Masayang tinanggap ng karamihan ng mga mag-aaral ng UP ang pagkakahalal ng bagong pangulo. _____5. Kung ihahambing sa mga ibang pangunahing pamantasan sa Asya, ang kalidad ng pagtuturo sa Pilipinas ay patuloy na bumabagsak nitong mga nakaraang taon. _____6. Ang kasalukuyang pinakamalubhang suliranin ng UP ay ang kakulangan ng sapat na salapi. _____7. Kahit ang kongkretong tulay na nagdudugtong sa Real at Infanta, Quezon ay hindi sinanto ng matinding agos noong kasagsagan ng bagyong “Winnie”. _____8. Bumaba sa kalahati ang bilang ng mga nakidnap na Filipino-Chinese sa buong bansa ngayong taon. _____9. Hindi papapasukin sa Pilipinas ang mga imported na poultry products mula Vietnam at Japan. _____10. Sumobra na ang lawak ng Nestle kung kaya’t hindi na makapasok pa ang ibang local na suplayer at prodyuser sa industriya. VI. Isulat ang P kung proposisyon at HP kung hindi proposisyon ang mga sumusunod na pangungusap. _____1. Gumamit ng filter o kaya’y pakuluan muna ang tubig bago inumin. _____2. Mag-imbak ng makakain, kumot, pagkain ng bata at gamut – at manalanging magpalit ng ruta ang bagyo. _____3. Mayroong mahigit na sandaang dialekto na kalat sa mahigit na 7,100 na pulo ng Pilipinas. _____4. Ugaliing matulog. _____5. Susuungin ng mga motorista ang kadalasang masikip na Taft Avenue kapag nagtalumpati na si Pangulong Macapagal-Arroyo sa Quirino Grandstand sa Rizal Park. _____6. Hangga’t maaari, umiwas sa kape paglagpas ng tanghali.
  • 371.
    50 _____7. Sa daming ating dialects, nagkawatak-watak daw ang mga Pinoy. _____8. Maaari ninyong ganapin ang espesyal na okasyon sa kani-kaniyang mga bahay. _____9. Sa mabilis na pagdami ng mga Pilipino, kailangan talagang makapag-develop ng binhing matibay sa bagyo. _____10. Ang wika ay lumalago, nagbabago at umuunlad batay na rin sa paggamit natin. Pagkatapos mong sagutan ang panghuling pagsusulit na ito, kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sariling papel. Mas mataas na ba ang nakuha mo kaysa sa unang pagsusulit? Kung tumaas ay binabati kita ngunit kung mas bumaba, maaari mo pa ring balikan ang mga nakalipas na aralin. Muli, ito ay para rin sa iyo. Hindi naman tayo nagmamadali. Mas mahalaga para sa akin ang matututo ka. O sige na kaibigan, sandali munang akong mamamaalam sa iyo. Hanggang sa susunod na modyul. Salamat!
  • 372.
    51 Modyul Blg. 8 Pagbibigay-kahulgansa mga Simbolo, Pahiwatig at Imahe ANO NA BA ANG ALAM MO? I. 1. denotasyon 2. simbolo 3. pahiwatig 4. konotasyon 5. paksa 6. proposisyon II. III. 1. b 1. a 2. c 2. c 3. a 3. b 4. d 4. a 5. c 5. c 6. b 6. b 7. c 8. a IV. 1. + 6. – 2. + 7. – 3. – 8. + 4. + 9. – 5. – 10. – V. 1. P 6. P 2. P 7. HP 3. HP 8. P 4. P 9. P 5. HP 10. HP GAANO KA NA KAHUSAY? I. 1. denotasyon 4. konotasyon 2. simbolo 5. paksa 3. pahiwatig 6. proposisyon II. III. 1. b 5. c 1. a 2. c 6. b 2. c 3. a 7. c 3. b 4. d 8. a 4. a 5. c 6. b IV. 1. c 4. a 2. d 5. g 3. e V. 1. + 6. – 2. + 7. – 3. – 8. + 4. + 9. – 5. – 10. – VI. 1. P 6. P 2. P 7. HP 3. HP 8. P 4. P 9. P 5. HP 10. HP Susi sa Pagwawasto
  • 373.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 9 Pagsusuri at Pagtukoy sa Kaisipan, Mensahe at Damdamin sa Teksto
  • 374.
    2 Modyul 9 Pagsusuri atPagtukoy sa Kaisipan, Mensahe at Damdamin sa Teksto Tungkol saan ang modyul na Ito? Kumusta ka na kaibigan? Marahil ay marami ka nang natutunan sa mga modyul na pinag- aralan nitong mga nakaraang araw. Dagdagan pa natin ha? May inihanda akong bagong modyul para sa iyo. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko dito. Bagong kasanayan ang ituturo nito sa iyo tulad ng pag-unawa sa paksa ng teksto na iyong binabasa maging ang pagkuha ng pangunahing kaisipan nito. Matutulungan ka rin nitong maipaliwanag ang paksa ng iyong binabasang teksto sa pamamagitan ng pamagat, pangunahing kaisipan at mga pansuportang detalye. Makikilala mo rin ang mga pangungusap na nagpapahayag ng damdamin, kaisipan / mensahe. Madaragdagan din ang iyong kaalaman sa uri ng teksto at higit sa lahat ang pagsusuri dito. Makakikilala ka ng isang bagong uri ng teksto pati na ang mga katangian nito. Ang dami, ano? Pero di bale, para sa iyo ito. Sige ituloy mo na. Ano ang matututunan mo? Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahan kong matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan. 1. Natutukoy ang mga pangungusap na nagpapahayag ng damdamin, kaisipan / mensahe 2. Natutukoy at naipaliliwanag ang paksa ng teksto sa tulong ng pamagat, pangunahing kaisipan at mga pantulong na detalye 3. Nasusuri ang tekstong binasa batay sa tiyak na uri nito 4. Nakikilala ang mga salitang nagpapakita ng pagsang-ayon at pagsalungat 5. Nakapagpapakita ng pagtutol o pagsang-ayon sa isang isyu
  • 375.
    3 Paano mo gagamitinang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo kaibigan, sa modyul na ito ay marami kang matutunan at magiging madali para sa iyo ang lahat ng ito kung matamang susundin ang mga tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin ito at unawaing mabuti. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel sa pagsagot sa mga pagsusulit. 1. Sagutin mo muna ang Panimulang Pagsusulit. Ito ay ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin. 2. Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung mababa ang markang nakuha mo. May mga inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak kong makatutulong sa iyo. 3. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito sa iyo upang maging madali ang pagsagot sa mga gawain. 4. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, Kunin mong muli sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 5. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap ko na ikaw ay matulungang matuto. Ano na ba ang alam mo? Bago ka pumunta sa mga gawaing inihanda ko, subukan mo munang sagutin ang pagsusulit sa ibaba upang masukat ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin. A. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang ng bawat bilang kung Tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis ( x ) kung Mali. ______1. Ang paksa ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung tungkol saan o kanino ang tekstong binasa.
  • 376.
    4 ______2. Ang kaisipanng isang teksto ay agad na maibibigay sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa sa una at huling pangungusap nito. ______ 3. Ang pangunahing kaisipan / ideya ay ang paksa ng teksto. ______ 4. Mahalagang basahin nang may pang-unawa ang anumang teksto upang matukoy ang pangunahing kaisipan nito. ______ 5. Ang paksa ng isang teksto ay hindi laging makikita sa pamagat nito. B. Panuto: Piliin sa ibaba ang angkop nang salitang sumasang-ayon o sumasalungat at isulat ito sa patlang upang mabuo ang pangungusap. 1. __________ kong pakinggan ang mga sasabihin niya. 2. __________ ko matatanggap ang mga paliwanag mo. 3. __________ lamang na sundin mo ang utos ng iyong magulang. 4. __________ kang sasabihin kundi ang totoong nangyari lang. 5. __________ tinatanggap ko nang maluwag sa aking kalooban ang nangyari. C. Basahin at unawain. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Itigil Niyo na Yan! Patuloy na pinagtatalunan ang pagbabawal sa pagpapalabas ng mga malalaswang pelikula sa lahat ng sinehan na pag-aari ng SM. Ayon sa tagapamahala ng SM ang mga ganitong uri ng pelikula ay hindi makatutulong sa pagpapataas ng uri ng industriya sa pelikula manapa’y lalo lamang bababa ang tingin sa ating mga Pilipino ng mga dayuhan. Ito’y sinang-ayunan ng higit na nakararaming Pilipino. Sa aking pananaw, tama lang ang naging desisyon ng SM Management dahil ang mga ganitong klase ng pelikula ay talagang nakapagpapababa ng ating Hindi Ayaw Tama Wala Oo
  • 377.
    5 moralidad. Ang mgakabataang bagama’t nasa hustong gulang pag nakapanood ng ganitong pelikula ay nakapag-aasawa nang wala sa oras. Nagiging dahilan din ito para makalikha ng krimen ang ibang tao. Panahon na upang baguhin ang imahe ng industriya ng pelikulang Pilipino. Ngunit sa kabila ng magandang hangaring ito ng SM Management, maraming artista ang tumutol dito. Paano nga naman, mawawalan ng kita ang mga artistang hindi naman bihasa sa pag-arte at tanging pagbibilad lamang ng katawan ang alam na gawin. Dahil din dito ay mapipilitan din ang mga prodyuser na gumawa ng pelikulang de kalibre at may makabuluhang istorya. Kung magkagayo’y lalaki ang gastos nila sa bawat pelikulang gagawin. Hindi nila masang-ayunan na sila’y gumastos nang malaki dahil sa pangambang kumita lamang sila nang maliit. Tama na yan! Kung gusto ninyo talagang kumita hindi na kailangan pa ang paghuhubad sa pelikula. Dapat ay gumawa ng mga pelikulang makapagpapabago ng masamang pag-uugali at mag-aangat sa kalagayang panlipunan ng mga Pilipino. 1. Ano ang isyung inilahad sa teksto? a. Ang pagbabawal sa pagpapalabas ng malalaswang pelikula sa mga sinehan ng SM b. Masamang dulot ng malalaswang pelikula. c. Kawalan ng kita ng mga prodyuser. 2. Ano ang tawag sa tekstong humihikayat sa mambabasang tanggapin ang kanyang posisyon sa isyu? a. narativ b. informativ c. argumentative 3. “Tama lang ang desisyon ng SM Management dahil ang ganitong pelikula ay nakapagpapababa ng ating moralidad.” Ang pangungusap na ito’y nagpapahayag ng a. pagsang-ayon b. pagtutol c. pag-aalinlangan 4. Saang bahagi ng teksto unang makikita ang paninindigan ng sumulat hinggil sa isyu? a. unang talata b. gitnang talata c. pangwakas na talata
  • 378.
    6 5. “Hindi nilamasang-ayunan na sila’y gumastos nang malaki dahil sa pangambang kumita lamang sila nang maliit.” Anong damdamin ang nangibabaw sa pangungusap na ito? a. pagkalungkot b. pagka-awa c. pag-aalala Kunin mo na sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Nasagot mo bang lahat ang tanong? Kung hindi, huwag kang mamroblema. Pag-aralan mo na ang modyul na ito. Mga Gawain sa Pagkatuto Sub – Aralin 1: Mga Salita/Pangungusap na Nagpapakilala ng Damdamin, Kaisipan/ Mensahe Handa ka na ba kaibigan? Dumako na tayo sa isa sa mga mahahalagang bahagi ng modyul na ito. Sa bahaging ito’y tiyak kong marami kang matututunan. Isipin mo lamang na malaki ang kapakinabangan nito sa iyo. Layunin: Ang araling ito’y magtuturo sa iyo ng mga salita / pangungusap na nagpapakilala ng damdamin, kaisipan/ mensahe sa tekstong iyong binabasa. Hinding-hindi ka mahihirapan dahil ipaliliwanag ko sa iyo kung anu-ano ito at bibigyan kita ng mga halimbawa. A. Alamin
  • 379.
    7 Galit, panghihinayang, pandidiri,kalungkutan, takot at kasiyahan… minsan mo na ba itong naramdaman? Paano mo ito ipinakikita o ipinahahayag? Basta na lamang ba ito pumapasok sa iyong isip? Tama ka kaibigan! Ang mga emosyong binanggit ko ay mga damdaming galing sa puso at hindi dikta ng isip. Sa buhay natin ay may iba’t ibang pangayayaring dumarating. Minsan ang iba’y hindi natin inaasahan. Ang mga pangyayaring ito’y maaring magbigay sa atin ng sari-saring damdamin. Tingnan mo ang mga larawan at pag-aralan ang mga pahayag ng mga tauhan. Ano ang damdaming ipinahahayag sa bawat larawan? Mahal ko… bakit mo ako iniwan? Labis pa rin akong nalulungkot kapag minamasdan ang larawan na tanging alaala mo sa akin? Yehey! Sa wakas ako rin ang nanalo!
  • 380.
    8 Ibigay mo sa akinang lahat ng pera mo kundi papatayin kita!!! Huwag po.. maawa na po kayo sa akin… kunin n’yo na po ang lahat ng gusto n’yo wag n’yo lang po akong patayin… Galit na galit ako sa iyo!!! May araw ka rin sa akin!!! Palimos po ng konting barya… pambili ko lang po ng pagkain… O heto, kawawa ka naman bumili ka na ng makakin mo…
  • 381.
    9 Naipakita ba samga dayalog ang nararamdaman ng mga tauhan? Ano ang ipinahahayag sa una? Tama, kalungkutan. Anong mga salita ang nagpapahayag nito? Oo, sa mga salitang “labis pa rin akong nalulungkot” ipinahayag ng tauhan ang kalungkutang kanyang nadarama. Ano naman ang ipinahahayag sa ikalawang dayalogo? Kaligayahan nga! Tama, hindi ba’t ang salitang “yehey”ay nagpapahayag ng kasiyahan? Sa ikatlong dayalog, ano naman ang ipinahahayag ng lalaking naholdap? Tama, takot. Ano namang mga salita ang nagpahayag nito? Ganoon nga, ang mga salitang “Kunin n’yo na po ang lahat sa akin, wag n’yo lang akong patayin.” Malinaw na naipahayag ng tauhan ang kanyang naramdaman. Ano naman ang ipinahahayag sa ikaapat na dayalog? Tama, matinding galit. Anong mga salita ang nagpahayag nito? Yun nga, ang mga salitang “galit na galit ako sa iyo” ang nagpapatunay na ito nga ang nadarama ng tauhan. Sa ikalimang dayalog, anong damdamin naman ang ipinahayag ng babaeng nagbigay ng limos sa batang pulubi? Tama, pagkaawa. Tiyak kong naunawaan mo agad ito sa ipinahayag niyang mga salita tulad ng “kawawa ka naman”, hindi ba? Ito ang malinaw na mensaheng hatid ng mga pag-uusap sa larawan. Kung susuriin mo ang ekspresyon ng mukha ng mga tauhan ay tiyak kong masasabi mo rin ang kanilang nararamdaman. Upang matulungan tayo na higit na maunawaan ng ating kapwa, mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos ang ating nararamdaman. Gayundin sa pagpapahayag ng emosyon o damdamin, gumagamit tayo ng mga salitang naglalarawan ng ating mga nadarama. Halimbawa: takot, galit, saya, lungkot, awa, kaba, panghihinayang atbp. B. Linangin: Naunawaan mo ba ang mga ipinaliwanag ko? Tandaan na hindi lamang sa ekspresyon ng mukha at kilos ng katawan maipakikita ang ating damdamin o nararamdaman. Higit sa lahat sa mga pananalitang ating binibitiwan. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na talata. Anu-anong damdamin ang ipinakikita nito?
  • 382.
    10 Tunay na Diwang Paglalaro Josua A. Bedana Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres Nakatutuwang pagmasdan ang mga batang walang kapaguran. Kita sa kanilang mga mukha ang kaligayahan at hindi sila kakikitaan ng pagkasawa sa kanilang ginagawa. Maya maya’y maririnig mula sa kanila ang kantiyawan at inisan. Wika ng batang natalo ‘‘nadaya kasi ako eh!’’ ‘’ang sabihin mo hindi ka talaga marunong’’, sabay ang matunog na tawanan. Patuloy ako sa pagmamasid. Nang biglang ang pinakamaliit na bata sa nagsisigpaglarong iyon ay nawalan ng panimbang sa kanyang pagtalon at bigla siyang bumaliktad. Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga kalarong bata, agad siyang binuhat ng mga ito at inihatid sa kanilang tahanan. Makikita sa kanilang mukha ang takot at awa sa kanilang kalaro. Itinigil nila ang kanilang ginagawa at sama-samang naupo sa isang sulok na punung-puno ng kalungkutan. Sa mga batang ito, makikita ang tunay na kahulugan ng paglalaro. Isang bagay na maipagmamalaki at nararapat tularan. Napansin mo ba ang damdaming ipinahayag ng talatang binasa? Sa talatang binasa, pansinin mo ang mga salitang may salungguhit tulad ng nakatutuwa, kaligayahan, takot, awa, kalungkutan. Ang mga salitang ito ay pawang nagpapahayag ng damdamin ng tao. Alam kong minsan sa buhay mo ay naramdaman mo na ang mga ito. Ano naman ang ipinahahayag ng pangungusap na “Nadaya kasi ako eh!” ? Maaaring galit, hindi ba? Halimbawa lamang iyan kaibigan ng sinasabi kong mga pananalitang nagpapakilala ng damdamin.
  • 383.
    11 Ano naman kayaang tawag sa nais ipaabot ng may-akda sa tekstong ating binasa? MENSAHE / KAISIPAN – ito ang diwang nais ipaabot ng tekstong ating binabasa. Hindi lamang ang damdamin ang dapat na unawain. Kasabay dito ang pag-unawa sa mensaheng nais ipahatid. Narito ang isa pang teksto. Basahin mo ang pamagat. Ano ang kahulugan ng mapapako? Tama, hindi matutupad. Ano kaya ang ipinangako? Alamin mo sa iyong pagbabasa. Bago Magbitiw ng Pangako Tiyakin na Hindi Mapapako! BINABATIKOS ngayon ng ilang civil society group si Presidente Arroyo dahil sa pagbabago ng isip nito tungkol sa mga bibitayin ngayong taon. Una kasi ay naghayag ang Malacañang na hindi ito magbibigay ng reprieve o pagpapaliban sa pagbitay sa mga death convict. Nakatakda sanang bitayin sa Setyembre 30 si Ruben Suriaga, nagkasala sa kasong kidnap-for-ransom. Pero dahil lumambot ang puso ng Malacañang ay iniutos nito na sa Disyembre 29 na lang ipagpatuloy ang pagsaksak ng lethal injection kay Suriaga. Kaya naman maraming grupo ang ang nagtaas ng kilay nang baguhin ng Malacañang ang desisyon nito. Wika nga nila eh, “Ano ba talaga Ate?” Oho, may kapangyarihan ang ating pangulo na ipagpaliban ang itinakdang araw sa pagbitay sa mga detah convict. Ito ang isa sa kanilang kapangyarihan. Pero sana ay hindi na nagbibitiw pa ng mga pangako o salita nang sa ganoon ay hindi ito nasisilip ng ilang grupo. Hindi po ba mas maigi iyong tahimik ka lang para kung may gusto kang ibahin sa iyong plano e magagawa mo ito nang hindi makakakuha ng puna sa iba. Lumalabas kasi na kapag nangako ka at pagkatapos ay iibahin mo - wala kang isang salita, ‘di po ba?
  • 384.
    12 Naunawaan mo baang iyong binasa? Bakit binabatikos ng ilang civil society groups si Presidente Arroyo? Dahil sa pagbabago sa isip niya tungkol sa mga bibitayin ngayong taon. Ano nga ba ang kanyang ipinangako? Tama ka, ang pagbitay sa mga death convicts sa Setyembre 30 na ipinagpaliban at iniutos na ituloy na lamang sa Disyembre 29. Ano ang mensahe /kaisipan ng teksto? Malinaw na ipinaaabot ng sumulat nito na labis na ikinagagalit ng ilang civil society groups ang pagbibitiw ng pangako ng pangulo na hindi naman natupad o napako! Anong mga pangako ng pangulo ang napako? Tama, napako ang mga pangako ng pangulo na pagbitay sa mga death convicts ngayong Setyembre at ang pagsasaksak ng lethal injection kay Ruben Suriaga na nagkasala sa kasong kidnap for ransom. Pag-aralan mong mabuti ang ilang pahayag mula sa teksto. Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Anong damdamin ang ipinahahayag sa bawat pangungusap? 1. Binabatikos ngayon ng ilang civil society group si Presidente Arroyo dahil sa pagbabago ng isip nito sa mga bibitayin ngayong taon. 2. Dahil lumambot ang puso ng Malacañang ay iniutos ng pangulo na sa Disyembre na lang ipagpatuloy ang pagbitay. 3. Maraming grupo ang nagtaas ng kilay nang baguhin ng Malacañang ang desisyon nito. 4. Wika nga ng ilan eh, “Ano ba talaga Ate Glo?” 5. Kapag nangako ka at pagkatapos ay iibahin mo, ay lalabas na wala kang isang salita! Di po ba? Sa pangungusap bilang isa, GALIT ang damdaming nangibabaw at madali mo itong makikilala dahil sa salitang BINABATIKOS na nangangahulugan ng labis na pagtutol. Sa ikalawang pangungusap naman ay PAGKAAWA ang naramdaman ng Malacañang kung kaya’t ipinagpaliban na ang pagbitay. PAGKAINIS naman ang ipinahahayag ng ikatlo hanggang ikalimang pangungusap dahil sa pabagu-bagong desisyon ng pangulo.
  • 385.
    13 Ito rin baang iyong sagot? Kung gayon ay naunawaan mo nga ang ating tinalakay. Marahil ang mga salitang may salungguhit ang nakatulong sa iyo upang tukuyin ang damdaming nangibabaw sa bawat pangungusap. C. Gamitin Talaga nga bang natutunan mo na ang aralin? Subukan mong gawin ito. Basahin mo ang sumusunod na teksto. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kasunod. Kabataan at Droga Ma. Kristina M. Molera Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres Disyembre, 2003 1. Galit , panghihinayang , pandidiri , kalungkutan at takot... sari-saring mga emosyong siyang umaalipin sa akin tuwing mababanggit ang salitang droga. Wasak na kinabukasan lamang ang tanging naidudulot nito na ang higit na napipinsala ay ang mga kabataan. 2. Madalas natatapos, ang aking pag-iisip sa pagbangon ng galit sa aking dibdib dahil sa kaalamang napakaraming kabataang tulad ko ang nahuhumaling sa bawal na gamot lalo pa’t ang karaniwang dahilan lamang ng paggamit nito ay upang saglit na makalimot sa kanilang mga suliranin na hindi kailanman matatakasan! 3. Tuwing masasaksihan ko sa mga programang tumatalakay sa mga dulot ng bawal gamot sa mga kabataan, nababalot ng panghihinayang ang aking puso. Lubos akong naaawa hindi lamang sa mga biktima nito ngunit higit sa ating bansa. Nasaan na ang mga kabataang sinasabing pag-asa ng bayan? Higit akong nangangamba kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap kung magpapatuloy ang paglaganap ng salot na ito.
  • 386.
    14 4. Habang lumalawakang kaalaman ko tungkol sa masasamang dulot ng droga, hindi lamang mga ipis at daga ang aking pinandidirihan kundi pati na rin ang mga taong kasangkot sa patuloy na paglaganap nito na tunay na winawasak ang buhay at kinabukasan ng mga biktima ng bawal na gamot. Hindi ko lubos maisip na karamihan sa mga maykapangyarihan at nagpapatupad ng batas na nararapat mangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan ay siya pang napatutunayang nagpalaganap ng bawal na gamot. 5. Ibayong kalungkutan ang sa tuwina’y nararamdaman ko habang naglalaro sa aking isipan ang ilan sa mga nakaririmarim na kinahihinatnan ng kapusukang dulot nito . Pinatutunayan lamang ito ng mga krimeng karaniwang may kagagawan ay mga taong lulong sa droga. Karamihan pa sa mga biktima ay ang mga kabataang babae na ginagahasa at pagkatapos ay pinapatay o di kaya’y mga patayan o massacre na kung minsan ay buong pamilya pa. 6. Kung isang matatag na republika ang ninanais ng lahat, ngayon pa lamang ay kailangan nang putulin ang kahibangan ng mga taong ito dahil wala namang mabuting naidudulot sa katawan lalo’t higit sa isipan sa halip ay isa pa itong kasangkapan na pumipigil sa kaunlaran ng lahat ng sektor ng lipunan ng ating bansa. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Pansinin mo ang pamagat nito, “Kabataan at Droga” Tungkol saan ito? Sa masamang dulot ng droga sa mga kabataan? Tama, ang teksto ay naglalaman ng mga hindi magagandang dulot ng droga sa mga kabataan. Anu-anong mensahe ang nais ipabatid ng may-akda sa iyo? Suriin mo ang teksto. Ganito rin ba ang sagot mo? Malinaw na ipinababatid ng may akda na: • Wasak na kinabukasan ang dulot ng droga. • Ang mga krimeng nangyayari sa paligid ay kagagawan ng mga taong lulong sa droga. • Kailangang putulin na ang kahibangan ng tao sa droga dahil wala naman itong buting maidudulot sa katawan at isipan. • Ang droga ay pumipigil sa kaunlaran ng lahat ng sektor ng lipunan ng bansa. Anu-anong mga salita/pangungusap sa teksto ang nagpapahayag ng sumusunod na damdamin: panghihinayang, awa, pangamba, pandidiri at lungkot.
  • 387.
    15 Sa ikatlong talata,sa pangungusap na, “Tuwing masasaksihan ko ang mga programang tumatalakay sa mga dulot ng bawal na gamot sa mga kabataan nababalot ng panghihinayang ang aking puso”. Malinaw na PANGHIHINAYANG ang damdaming nangibabaw dito, di ba? Samantalang AWA naman ang naramdaman ng may-akda nang sabihin niyang “Lubos akong naaawa hindi lamang sa mga biktima ngunit higit sa ating bansa.” PANGAMBA naman ang damdaming nangibabaw sa pangungusap na, “Nasaan na ang mga kabataang sinasabing pag-asa ng bayan?” Hindi ba’t ang pangungusap na ito ay naglalarawan ng pangamba dahil sa maraming kabataan na sinasabing pag-asa ng bayan ang nalululong sa droga at pinangangambahan ng may-akda na kung magpapatuloy ang ganito ay ano pa ang mangyayari sa hinaharap. PANDIDIRI naman ang ipinahahayag sa ikaapat na talata, sa pangungusap na, “Hindi lamang mga ipis at daga ang aking pinandidirihan kundi pati na rin ang mga taong kasangkot sa patuloy na paglaganap nito na tunay na winawasak ang buhay at kinabukasan ng mga biktima ng bawal na gamot.” KALUNGKUTAN naman ang ipinahahayag ng ikalimang talata sa pangungusap na, “Ibayong kalungkutan ang sa tuwina’y nararamdaman ko habang naglalaro sa aking isipan ang ilan sa mga nakaririmarim na kinahihinatnan ng kapusukang dulot nito”. Ganito rin ba ang iyong naging kasagutan? Kung hindi mo nakuha ang mga tamang sagot ipagpatuloy mo lang ang iyong pag-aaral. D. Lagumin Narito kaibigan ang mga dapat pang idagdag sa iyong kaalaman tungkol sa mga araling tinalakay. Tandaan mo na sa pamamagitan ng mga salita o pananalitang nagpapahayag ng damdamin, malinaw at maayos mong maipapahayag ang iyong nadarama. Sa tulong nito ay madali mo na ring mauunawaan ang damdamin ng iyong kausap at ang mensahe na nais niyang ipabatid sa iyo. Sa kabuuan, narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan at isaalang-alang upang madaling matukoy ang damdamin ng kausap at mensaheng hatid ng tekstong binasa: • Ang isang damdamin ay maaaring maipahayag sa iba’t ibang paraan. • Sa anumang pakikipag-usap, mahalagang isipin natin ang sinasabi ng kausap upang madali mong maunawaan ang kanyang nadarama. • Ang ekspresyon ng mukha ng ating kausap ay makapagbibigay sa atin ng signal kung anong mensahe at damdamin ang kanyang nais na ipahayag.
  • 388.
    16 • Makatutulong dinsa pagtukoy sa damdamin at intensiyon ng kausap ang kaalaman sa iba’t ibang pananalitang kanyang ipinahahayag. Naunawaan mo na ba kaibigan? Kung hindi mo ito gaanong naunawaan, maaari mong balikan ang mga tinalakay na aralin at ihanda ang iyong sarili sa pagsagot sa SUBUKIN ng araling ito. Handa ka na ba? Simulan mo na. E. Subukin I. Panuto: Punan mo ng angkop na salitang nagpapahayag ng damdamin ang mga patlang. 1. Ipinahayag ng hurado na nanalo ka sa “singing contest” na iyong sinalihan. Nabigla ka at napatalon sa sobrang ____________________. 2. Matagal nang nasa ibang bansa ang iyong ama. Sa wakas ay muli siyang bumalik kung kaya’t nag-uumapaw na _______________ang iyong nadama. 3. Ang isa sa iyong mga kaibigan ay naaksidente. Nagluksa kayo at _________________ sa pagpanaw niya. 4. ___________ ang nadarama mo sa tuwing maaalala mo ang karumal-dumal na sinapit ng batang hinoldap kung kaya’t hindi ka na rin nagpapagabi sa daan. 5. Nabunggo ng sasakyan ang isang batang babae. Mabilis na umalis ang tsuper sa lugar ng aksidente kung kaya’t ___________ na hinabol ito ng mga pulis. II. Panuto: Basahin ang sumusunod na teksto. Tukuyin ang mensahe / kaisipan nito. Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. a. Matutong magtipid upang hindi makaranas ng paghihirap. b. Hanggat may panggastos dapat lang na bilhin anuman ang naisin. c. Marami ng taong naghihirap dahil sa labis na paggastos. “Pag may isinuksok, may madudukot “ sa panahon ngayon na kung saan ay nakararanas tayo ng kahirapan, itaga natin sa bato na ang bawat sentimong ating ginagastos ay napakalaking bagay upang tayo’y mabuhay. Huwag nating hayaang mabutas ang ating bulsa nang dahil lamang sa walang kabuluhang paggastos ng sa gayo’y mabawasan na ang mga taong naghihirap sa ating bansa.
  • 389.
    17 2. a. Ang mgaPilipino ay may likas na pagpapahalaga sa edukasyon. b. Dapat magsunog ng kilay sa pag-aaral. c. Ang edukasyon ay mahalaga. 3. a. Ang pagtanaw ng utang na loob ay isa sa mga kaugaliang pinahahalagahan natin. b. Tumulong sa nangangailangan upang ikaw din ay tulungan kung mangailangan. c. Ang buhay ay puno ng pagsubok kaya dapat na magpakatatag. 4. a. Maraming kabataan sa ngayon ang di gumagamit ng po at opo. b. Ang po at opo tulad ng pagmamano ay mga ugaling nagpapakita ng paggalang. c. Ang musikang Pilipino ay magandang pandinig sa mga matatanda. Likas na sa ating mga Pilipino lalung-lalo na sa mga kabataan ang magsunog ng kilay para sa kinabukasan. Sa ganitong pagkakataon, pinatutunayan lamang na ang bawat isa sa atin ay may pagpapahalaga sa edukasyon. Edukasyon na siyang magagamit upang maging maayos ang pamamalakad ng ating bansa. Sa bawat pagtahak natin sa buhay, dumarating ang pagkakataon na nangangailangan tayo ng tulong sa ating kapwa. Tulong na ang kapalit ay ang simpleng “pagtanaw ng utang na loob.” Hindi ba’t isa rin ito sa mga pinahahalagahan nating kaugalian? Sinasabi ngang “ ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” Po at Opo. Mga katagang tila isang magandang musika sa pandinig ng mga nakatatanda sa atin.Musikang sinasaliwan ng isang magandang hakbang tulad ng pagmamano. Ang mga ito’y ilan lamang sa mga gawaing nagpapakita ng paggalang hindi lamang sa mga matatanda kundi pati na rin sa ating sarili.
  • 390.
    18 5. a. Laging isipinang kaugaliang mañana habit. b. Ang pag-unlad ng bansa ay nasa ating mga kamay. c. Huwag ipagpaliban pa ang magagawa mo ngayon. 6. a. Tangkilikin ang sariling atin upang tayo ay umunlad. b. Basta’t imported matibay. c. Ang mga produktong Pinoy ay mas maunlad na. Kung natapos ka na sa pagsagot, ihambing mo ang iyong sagot sa mga paliwanag sa ibaba. Matapat na iwasto ang iyong mga kasagutan. Narito ang mga tamang sagot para sa Pagsusulit I : Kaligayahan / tuwa ang dapat na isinagot mo sa una at ikalawang bilang. Ang ganitong damdamin ang nadarama ng tao kung nananalo sa isang paligsahan o kung nakitang muli ang mahal sa buhay na matagal na nawalay sa iyo, hindi ba? Nalungkot naman ang sagot sa ikatlong bilang dahil likas naman sa tao ang malungkot kung may namatay tayong kaibigan o mahal sa buhay. Takot naman ang nadarama natin kung may krimen na “Anumang gawain ay gumagaan sa tuluy – tuloy na pamamaraan.” Ito ang lagi nating isaisip sa tuwing ipinagpapaliban natin ang gawaing kaya namang gawin ngayon. Talagang nakatatak na sa ating isipan ang kaugaliang mañana habit. “Colonial Mentality” -ito’y isa pang kaugaliang hindi maiwasan ng mga Pilipino. Ika nga “imported eh, kaya matibay, sikat!” Minsan nakakalimutan na nating tangkilikin ang sariling atin. Ang mga mata nati’y nakatuon na lamang sa mga produktong dayuhan at kung magkakagayon, mas mauunahan pa nila tayong umunlad. Pero bago mangyari yon, “Tangkilikin ang sariling atin.”
  • 391.
    19 naganap lalo’t atinpa itong nasaksihan. Galit naman ang sagot sa ikalimang bilang dahil nga sa sinapit ng bata na tinakbuhan pa ng mga nakabundol dito. Pagsusulit II. 1. A 2. A 3. A 4. B 5. C 6. A Ilan ang nakuha mong tamang sagot? Kung nakakuha ng anim na tamang sagot pataas, ay maaari ka ng magtungo sa ikalawang aralin ng modyul na ito. Kung lima pababa ang iyong iskor, pumunta ka sa Paunlarin. Inihanda ko ito upang mabalikan mo sa iyong alaala ang araling tinalakay. F. Paunlarin Basahin at unawain mo ang tekstong ito. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Hugis ng Ating Pagkatao Joselyn B. Racusa Ang Sulo-Disyembre, 2002 1. Maraming kahulugang ibinibigay ang mga sikologo sa malalim na pag- uugali ng isang indibidwal. Ang ating paboritong hugis , ang lungkot, galit, kaba at ang mga hindi natin nagugustuhan ay may kanya-kanyang kahulugan. 2. Ayon kay Susan Dellinger , Shape at Personality Theorist , ang hugis ay isang batayang elemento sa araw-araw na pamumuhay at may malalim na kaugnayan ito sa ating kamulatan. Ang isang hugis na pinakaiiwasan ng isang tao ay nagpapakita ng kanyang personalidad. 3. Sinasabing ang hindi sang-ayon sa hugis tatsulok ay masayahin at madaling makihalubilo sa kapwa. Taglay rin ang ugaling “bahala na” at malugod na tinatanggap ang lahat ng bagay na mayroon na. 4. Madali kang kumilos kung ang parihabang hugis ay hindi kaaya-aya para sa iyo. Madaling makiayon sa mga taong nasa kapangyarihan at matibay ang kanilang pagtitiwala sa sarili.
  • 392.
    20 5. Habang iniska naman sa hugis bilog ikaw ay tapat na kaibigan. Maingat kang pumili ng iyong kaibigan. May kakayahan kang gawin silang masaya at maging ang pagmamahal at pagkalinga mo sa kanila ay itinuturing mong isang karangalan. 6. Kung sa tingin mo ang paliku-likong hugis ay hindi kaakit-akit, masasabing ika’y masayang tagapamagitan at tagasunod, mahusay na tagapagsalita at masusing tagapakinig sa lahat. 7. Kung kwadrado naman ang pinakaayaw mo, kalayaan at kasarinlan ang iyong mga nais. Malikhain at masayahin kang tao at nais mong mailabas ang kakayahan ng iyong imahinasyon. 8. Sa lahat ng nilalang ng Diyos, ang tao ang sinasabing natatangi, hindi lamang dahil sila’y may kakayahang mag-isip kundi dahil mayroong higit na pagnananis na mapaunlad ang kanilang sarili. Maging anuman ang hugis ng ating pagkatao, nasa ating mga kamay pa rin nakasalalay ang pagkakamit ng ating tagumpay. A. Panuto: Punan ng tamang sagot ang tsart. Talata Salita/Pananalitang Nagpapahayag ng Damdamin Blg. 1 Blg. 3 Blg. 5 Blg. 6 Blg. 7 B. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang ng mga mensahe/ kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. _____1. Ang paboritong hugis ng tao ay nagpapakita ng kanyang personalidad. _____2. Sinasabi ng mga sikologo na sa paboritong hugis maibibigay ang malalim na pag-uugali ng isang indibidwal. _____3. Sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao ang sinasabing natatangi dahil sila’y may kakayahang mag-isip.
  • 393.
    21 _____4. Ang taoay mayroong higit na pagnanais na mapaunlad ang sarili. _____5. Ang parihabang hugis ay higit na kaaya-aya kaysa iba pang hugis. _____6. Maging anuman ang hugis n gating pagkatao, nasa ating mga kamay pa rin nakasalalay ang pagkakamit ng tagumpay. Muli kaibigan, iwasto mo ang iyong mga sagot, ihambing mo ito sa mga sagot sa ibaba. A. Talata Salita/Pananalitang Nagpapahayag ng Damdamin Blg. 1 Lungkot, galit, kaba Blg. 3 Masayahin Blg. 5 Inis, masaya Blg. 6 Masaya Blg. 7 Masayahin B. Ang mga sumusunod na bilang ang dapat na nilagyan mo ng tsek (/). Ito ang mga mensahe/kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. 1. Sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao ang sinasabing natatangi dahil sila’y may kakayahang mag-isip. 2. Ang tao ay mayroong higit na pagnanais na mapaunlad ang sarili. 3. Maging anuman ang hugis ng ating pagkatao, nasa ating mga kamay pa rin nakasalalay ang pagkakamit ng tagumpay.
  • 394.
    22 Sub – Aralin2: Pagtukoy sa Paksa ng Teksto sa Tulong ng Pamagat, Pangunahing Kaisipan at Pansuportang Detalye Layunin: Nawili ka ba sa pag-aaral sa unang aralin? Dumako na tayo sa ikalawang araling inihanda ko. Tiyak kong magiging kawili-wili rin ito para sa iyo. Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa ibayong paglinang ng iyong kasanayan sa pang-unawa sa tekstong iyong binabasa. Inilalahad sa araling ito ang ilang tiyak na teknik para sa mabisang pagtukoy sa paksa ng teksto sa tulong ng pamagat, pangunahing kaisipan at pansuportang detalye. Halina’t basahin mo at unawaing mabuti ang mga paliwanag ko tungkol dito. A. Alamin Ano ang unang ginagawa ng isang mahusay na mambabasa? Ang unang ginagawa ng mahusay na mambabasa tungo sa pag-unawa ay ang pagtukoy sa paksa ng tekstong binasa. Ano ang paksa? Ito ang nagsasaad kung ano ang ideyang pinagtutuunan ng pansin . Alam mo ba ang paraan para matukoy mo ang paksa ng teksto? Isa na rito ang pagsusuri sa pamagat. Kapag nakuha mo ang paksa, madali nang kunin ang pangunahing ideya. O, huwag kang panghinaan ng loob. Iyan ang ituturo sa iyo ng modyul na ito. Sige, magpatuloy ka na.
  • 395.
    23 B. Linangin Ang isangteknik na makatutulong sa pagtukoy sa paksa ay ang pagkilatis sa pamagat. Maraming mambabasa ang hindi gaanong nagbibigay-pansin sa pamagat ng teksto. Sa katunayan, malimit na ipinahihiwatig ng pamagat ang paksa ng isang teksto. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Pansinin ang pamagat: Ano sa palagay mo ang paksa? Siguro ay pagpapatupad ng curfew sa Maynila, di ba? Basahin mo ang teksto at tingnan kung tungkol nga sa pagpapatupad ng curfew sa Maynila ang paksa nito. Tama ang hula natin, ano?Tungkol nga sa pagpapatupad ng curfew sa Maynila ang paksa ng teksto. Malinaw nga na natukoy ang paksa ng teksto sa tulong ng pamagat. Pagkatapos mong matiyak ang paksa ng isang teksto, ang susunod na dapat mong itanong sa sarili ay ganito: “Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa? Ang sagot sa tanong na ito ay ang pangunahing ideya o kaisipan ng teksto. Ang pangunahing ideya / kaisipan ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang teksto. Curfew: Ipinatutupad na sa Maynila Isang ordinansa ang ipinaiiral ngayon ng pamahalaang Lungsod ng Maynila. Ito ay ang pagpapatupad ng curfew sa Maynila. Malinaw na ipinatutupad ang curfew sa mga kabataang may 17 taong gulang pababa sa Lungsod ng Maynila. Magsisimula ito ng ika - 10 ng gabi hanggang ika - 4 ng umaga. Aarestuhin at parurusahan ang mga kabataang lalabag sa curfew. “Curfew: Ipinatutupad na sa Maynila”
  • 396.
    24 Magiging madali angpagtukoy sa pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto kung itatanong mo sa iyong sarili ang sumusunod na mga tanong. Ano ang paksa o tapik ? Ano ang nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa? (Ang pangunahing ideya ang sagot sa tanong na ito). Mahalaga ang pagtukoy sa paksa at pangunahing ideya ng isang teksto para sa lubusang pag- unawa nito. Ang isang teksto ay binubuo rin ng mga pangungusap na nagtataglay ng mga pansuportang detalye. Ang mga pansuportang detalye ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito nang lubos. Ang mga pansuportang detalye ay nagtataglay ng mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang tekstong binasa. Gayundin nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos, istatistika at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigay-suporta sa pangunahing ideya. Mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng suporta sa pangunahing ideya / kaisipan dahil sa: 1. ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing ideya / kaisipan. 2. nakatutulong ang mga ito para madaling matandaan ang mahalagang impormasyon sa isang teksto. 3. makatutulong din ito upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto. Ang pagtatamo ng mga kasanayan sa pagtukoy sa paksa, pangunahing ideya / kaisipan at mga pansuportang detalye ng isang teksto ay isang magandang simula upang ikaw ay maging epektibong mambabasa. Naging malinaw ba sa iyo ang mga ipinaliwanag ko? Tingnan natin. Heto pa ang isang teksto. Basahin mong mabuti at alamin ang paksa o tapik. Tukuyin o buuin ang pangunahing ideya / kaisipan nito, pagkatapos.
  • 397.
    25 Musika...Musika...Musika... Mary Dimple S.Dolatoa Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres Nobyembre, 2002 Musika...musika...musika... isang himig na napakasarap sa pandinig. Alam ba ninyo na bukod sa nagpapagaan ito ng ating damdamin ay may malaking naiaambag din sa larangan ng medisina? Napag-alaman ng mga siyentipiko na ang kapangyarihan ng musika ay kayang magpaalis ng stress sa isang tao. Dahil sa pamamagitan nito naipapahinga ng indibidwal ang kanyang katawan at maging ang pag-iisip kaya naman ito ay nakababawas sa kanyang mga alalahanin. Ayon sa propesor na si Richard Fratianne, ang musika ay nakababawas din sa sakit at kirot na nararamdaman ng isang pasyente matapos ang isang operasyon. Nakatutulong din ito na mapabilis ang paggaling ng taong maysakit. Kaugnay nito, ang mga manggagamot noong unang panahon ay gumagamit ng musika upang gamutin ang ilang problema sa puso, maialis ang depression at maging ang insomia o hindi pagkatulog ay nagagamot din nito. Samantala, naniniwala naman ang mga babaeng nagdadalang-tao na ang sanggol ay dapat na pinakikinig ng musika habang nasa sinapupunan pa lamang upang ito ay lumaking aktibo at matalino. Mas makabubuti sa mga sanggol kung inyong iparirinig ay musikang instrumental tulad ng mga likha nila Mozart at Beethoven. Sa kasalukuyan, may mga katibayang nagpapatunay na ang musika rin ay tumutulong sa pagpapagana ng ilang bahagi ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba pa. Sadyang makapangyarihan ang musika hindi lamang sa puso kundi maging sa pag-iisip ng isang tao. O, kayo, buksan na ang inyong mga radyo upang mapatunayan ang tunay na galing ng musika! Ano ang paksa ng binasa mo? Ang malaking ambag ng musika sa larangan ng medisina, di ba? Nakuha mo rin ba ang pangunahing kaisipan? Sa anong talata ito makikita? Talata ___, talma. At ano ang pangunahing kaisipan? Ang sagot mo ay _____. Mga natuklasan ng mga siyentipiko na kapangyarihan ng musika
  • 398.
    26 Anong karagdagang impormasyonang nais na ipabatid ng may- akda upang lubusan mong maunawaan ang pangunahing ideya? Ang tanong na ito ay madali mong masasagot kung bubuo ka ng isang tanong na maglalahad ng pansuportang detalye tulad ng tanong na ito: Pag-aralan mo ang mga sagot sa tanong na ito kung tumutugon sa pangunahing ideya ng teksto. Napag-aralan ng mga siyentipiko ang kapangyarihan ng musika: 1. kayang magpaalis ng stress sa isang tao. 2. nakababawas din sa sakit at kirot na nararamdaman ng isang pasyente matapos ang operasyon. 3. nakagagamot ang problema sa puso, ng depression maging ng insomia o di pagkatulog. 4. nakatutulong na lumaking aktibo at matalino ang sanggol na nakikinig ng musika habang nasa sinapupunan ng ina. 5. nakapagpapagana ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba pa. Ngayon kaibigan, naunawaan mo na ba ang tekstong iyong binasa? C. Gamitin Lahat ng binabasa mo, maging ito’y babasahing pangwika o pampanitikan ay nagbibigay ng mga detalye. Napakahalaga ng mga ito sa pagbibigay ng pangunahing ideya. Unawain mong mabuti ang halimbawang ito at itala sa iyong notbuk ang pangunahing detalye. Narito ang detalye sa tekstong binasa: Anu-anong kapangyarihan ng musika ang natuklasan ng mga siyentipiko? Hindi mabilang ang namatay at nagkadurug-durog na katawan sa tatlong napakalakas na pagsabog na naganap kaninang hatinggabi sa isang gusali sa Davao. Ang pagsabog na dulot umano ng isang napakalakas na bomba ay nangyari dakong alas 11:30 ng hatinggabi sa loob ng isang gusali sa Davao City kung saan nakitang nagkalat ang mga bangkay. Hindi pa matiyak kung ilan lahat ang nasawi dahil nagkapira-piraso ang katawan ng mga biktima.
  • 399.
    27 1. Hindi mabilangang namatay at nagkadurug-durog na katawan. 2. Tatlong napakalakas na pagsabog ang naganap kaninang hatinggabi sa isang gusali sa Davao City. 3. Ang pagsabog ay dulot ng napakalakas na bomba. 4. Hindi pa tiyak kung ilan lahat ang namatay dahil nagkapira-piraso ang katawan ng mga biktima. Kung katulad nito ang iyong mga sagot ay talaga ngang mahusay ka nang umunawa ng tekstong iyong binabasa. Tandaan na maging maikli o mahaba ang teksto, agad mo itong mauunawaan kung tutukuyin mo muna ang paksa nito, ang pangunahing ideya/kaisipan at ang mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan. Narito pa ang isang teksto. Basahin mo itong mabuti. Itala sa iyong notbuk ang pangunahing kaisipan at ang mga detalyeng sumusuporta dito. Mangosteen:Mahika ng Kalikasan Ni Ligaya Tiamzon Rubin Liwayway, Disyembre – 2003 May mga nagtataguri sa mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat kakaiba at natatangi ito. Maaari ring ito ang prutas na sinasabing paborito ni Reyna Victoria ng Great Britain. Hugis piramido ang tuktok ng puno ng mangosteen. May katagalan itong lumaki. Brown na papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay dilaw na dagta. Pinaniniwalaang magiging mapakla ito kapag natalsikan ng dagta nito ang bunga. May mga daho itong manilaw-nilaw na berde, makapal, madulas, makinis at hugis oblong. May kumpul-kumpol itong bulaklak na may tulduk-tuldok na pula. Kaakit-akit tingnan ang mga petalyo nito na kulay berde sa labas at kulay dilaw sa loob. Tulad ito sa mga ornamental na bulaklak. Ayon sa mga tala, mula sa Thailand ang mangosteen. May mga nagsasabi naman na mula ito sa peninsula ng Malay, Molucca at Sunda Island. Karaniwang makikita ang mga taniman ng mangosteen sa Mindanao. Sa mga tropical na bansa ito madalas na tumutubo.
  • 400.
    28 Ano ang pangunahingkaisipan ng binasang teksto?Tama, Ang mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat kakaiba at natatangi ito. Anu-ano namang mga detalye ang inilahad sa teksto na nagsasabing kakaiba at natatangi ang mangosteen? Sagutin mo ang tanong na ito upang madali mong mailahad ang pansuportang detalye sa tekstong binasa. Nasagot mo ba ang tanong? Ihambing mo ang iyong sagot dito. Ito ang mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng tekstong binasa. Itinataguri ang mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat kakaiba at natatangi ito dahil sa: 1. hugis piramido ang tuktok ng puno nito. 2. may katagalan itong lumaki. 3. pinaniniwalaang magiging mapakla ito kapag natalsikan ng dagta ang bunga nito. 4. brown na papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay dilaw na dagta. 5. sa mag tropical na bansa ito madalas tumubo. D. Lagumin Sapat na kaya ang mga naipaliwanag ko sa iyo upang maunawaan mo ang paksa ng tekstong iyong binabasa? Natatandaan mo pa kaya ang mga ito? Tandaan mo na napakahalaga ang detalyeng nakapaloob sa iyong binabasa, sinusuportahan ng mga detalyeng ito ang pangunahing ideya / kaisipan ng teksto. Bakit sinasabing kakaiba at natatangi ang mangosteen?
  • 401.
    29 Sa kabuuan ngaraling ito, madali mong mauunawaan ang tekstong iyong binabasa kung susundin mo ang dayagram na nasa ibaba. Naunawaan mo na ba ito? Tingnan ko kung ano na ang natutunan mo sa mga araling tinalakay. Sagutin mo ang pagsasanay na nasa ibaba tungkol dito. E. Subukin A. Panuto: Unawaing mabuti ang mga aytem na nasa ibaba. Piliin ang tamang sagot upang mabuo ang nais ipahayag nito. 1. Ano ang gustong ipaalam o ipaunawa ng sumulat o may akda tungkol sa teksto? Ang sagot sa tanong na ito ay ang _________. a. detalye b. paksa c. pangunahing ideya / kaisipan d. pamagat PAKSA / PAMAGAT (Tungkol saan o kanino ang teksto?) PANGUNAHING KAISIPAN (Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?) MGA PANSUPORTANG DETALYE (Sumasagot sa mga tanong na:) Sino? Ano? Saan? Kailan? Bakit? Paano?
  • 402.
    30 2. Ang ___________ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung tungkol saan ang teksto. a. detalye b. kaisipan c. mensahe d. paksa 3. Isang teknik na makatutulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagkilala sa ____________________ ng teksto. a. detalye b. mensahe c. paksa d. pamagat 4. Ito ang pinakamahalagang kaisipan tngkol sa paksa ng isang teksto. a. paksa b. pangunahing ideya / kaisipan c. pansuportang detalye d. pamagat 5. Ang mga ______________________ ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito ng lubos. a. paksa b. pangunahing ideya / kaisipan c. pansuportang detalye d. pamagat B. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na teksto. Isulat ang pangunahing kaisipan ng bawat isa at pagkatapos ay itala ang pansuportang detalye. A. Pangunahing Kaisipan: _______________________________ Pansuportang Detalye: _______________________________ Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang masustansyang prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C? Ayon sa mga dalubhasa, and madalas na pagkain ng kamatis ay nakakatulong upang makaiwas sa kanser sa tiyan.
  • 403.
    31 B. Pangunahing Kaisipan:______________________________________ Pansuportang Detalye:_____________________________________ C. Pangunahing Kaisipan: _____________________________________ Pansuportang Detalye: _____________________________________ Pagkatapos mong sagutin ang pagsusulit na ito, ihambing mo ang mga naging kasagutan sa ibaba. Para sa Pagsusulit A. 1. C 2. D 3. D 4. C 5. C Ang isdang tuna ay isang malaking salik sa pagpasok ng dolyar sa ating bansa. Ang Pilipinas ang nangunguna sa pagluluwas ng mga de latang tuna sa iba’t ibang panig ng daigdig. Mahigit 50% ng mga tunang ito ay nanggagaling sa Mindanao o sa timog na bahagi ng bansa. Kabilang na rito ang Golpo ng Moro , Dagat Sulo, Dagat Bohol, Look ng Batangas at Golpo ng Ragay. Saging ang pinakamasustansyang prutas na malaki ang naitutulong sa pagpapalaki ng kalamnan ng ating katawan. Marami ang nagsasabi na ang saging ay hindi prutas kundi isang uri ng “berry” ang puno nito ay itinuturing na isang uri ng “herb” Nagtataglay rin ito ng mga sustansyang tumutulong sa pagpapabilis ng pagbuo ng mga nasirang tisyu sa ating katawan .
  • 404.
    32 Para sa PagsusulitB, narito ang mga pangunahing kaisipan at pansuportang detalyeng inilahad sa bawat teksto: Teksto A. Pangunahing Kaisipan: Ang kamatis ay nagtataglay ng bitamina A at C. Pansuportang Detalye: Ang madalas na pagkain ng kamatis ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser sa tiyan. Teksto B. Pangunahing Kaisipan: Ang Pilipinas ang nangunguna sa pagluluwas ng mga de latang tuna sa iba’t ibang panig ng daigdig. Pansuportang Detalye: Mahigit 50% ng mga tunang ito ay nanggagaling sa Mindanao o sa timog na bahagi ng bansa. Teksto C. Pangunahing Kaisipan: Ang saging ang pinakamasustansiyang prutas na malaki ang naitutulong sa pagpapalaki ng kalamnan ng ating katawan. Pansuportang Detalye: Nagtataglay ito ng mga sustansiyang tumutulong sa pagpapabillis ng pagbuo ng mga nasirang tisyu ng ating katawan. Ilan ang nakuha mong tamang sagot? Kung tama ang lahat ng sagot mo, maaari ka ng magpunta sa ikatlong Sub-aralin ng modyul na ito. Kung hindi naman,huwag kang mabahala. Sagutin mo ang pagsusulit sa Paunlarin. Inihanda ko ito upang mabalikan mo sa iyong alaala ang araling tinalakay.
  • 405.
    33 F. Paunlarin Ang pagtukoysa paksa ay mahalagang hakbang sa pag-unawa, ngunit kailangang tiyakin na alam at nauunawaan mo rin ang kahulugan ng pamagat ng tekstong binabasa. Huwag isipin na maibibigay mo agad ang pangunahing ideya / kaisipan ng isang teksto sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa sa una at huling pangungusap nito. Kailangang basahin mong mabuti ang kabuuan ng teksto upang matiyak ang pangunahing ideya. Tandaan na ang pangunahing ideya / kaisipan ay ang pinag-uusapan sa alinmang teksto. Ito ang iniikutan ng talakay. Mahalagang basahin nang may pang-unawa ang anumang teksto upang matukoy ang pangunahing ideya nito. Basahin at unawain ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Batas ng Lansangan Manilyn A. Sison Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres Disyembre, 2002 Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng barangay curfew mula ika-10 ng gabi hanggang ikaapat ng umaga sa may 897 barangay sa anim na distrito ng Maynila sa mga kabataang 17 taong gulang pababa batay sa City Ordinance No.8046 na itinakda ni manila 6th District Councilor Julio Logarta. Layunin ng ipinatutupad na curfew na mapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang elemento tulad ng pagtutulak at pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot at mga marahas na pangkat na gumagala sa lansangan tuwing gabi. Makabuluhan ang layunin ng ordinansang ito- ang pangalagaan ang mga kabataan at maiiwas sa pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot, pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsusugal, mailayo sa maimpluwensiyang barkada at lalo’t higit sa lumalalang karahasan sa bansa na karaniwang nagaganap tuwing gabi.
  • 406.
    34 Kaugnay nang pagpapatupadna ito, may mga kaparusahan sa mga mahuhuling kabataang nasa labas ng bahay sa ganitong oras ng gabi. Tunay na malaking tulong ang barangay curfew sa paghubog ng mga pag-asa ng bayan. Magkakaroon ang mga kabataan ng disiplinang pansarili, katangiang makapagpapaunlad sa kanilang katauhan at paghahanda sa pagiging responsableng mamamayan ng bansa. Ano ang paksa ng teksto? Tama ka kaibigan, ang paksa ng teksto ay ang pagpapatupad ng curfew na agad na matatagpuan sa unang talata ng teksto. Ano naman ang pangunahing ideya nito? Di ba, “Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng curfew sa Lungsod ng Maynila. Ang mga sumusunod na talata ay nagbigay sa atin ng mga pansuportang detalye sa pangunahing ideya. Lagyan ng tsek ang bilang ng mga pansuportang detalye?” _____1. Mapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang elemento tulad ng pagtutulak at pagkalulong sa bawal na gamot. _____2. Mabawasan ang mga kabataang nagkakalat sa kalye. _____3. Maiwas sa pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsusugal ang mga kabataan. _____4. Mailayo ang mga kabataan sa impluwensiya ng barkada. _____5. Mapalaki ang kita ng mga panggabing negosyo. _____6. Ipatutupad ang curfew sa 897 barangays sa anim na distrito ng Maynila. _____7. Ang curfew ay para lamang sa mga kabataan sa mga baranggay na sakop ng ika-anim na distrito ng Maynila. _____8. Ang mga kabataang 17 taong gulang pababa ay sakop ng curfew. _____9. Mula ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga ipatutupad ang curfew. _____10. May mga kaparusahan sa mga kabataang lalabag sa ordinansa.
  • 407.
    35 Ihambing dito angsagot. Ang mga bilang na ito ang dapat na nilagyan mo ng tsek. Ito ang mga pansuportang detalye sa tekstong binasa. 1 3 4 6 8 9 10 Anong mga tanong ang babagay sa bawat pansuportang detalye? Ganito ba ang sagot mo? 1. Ano ang layunin ng pagpapatupad ng curfew? 2. Saan ito ipatutupad 3. Sinu – sino ang maapektuhan nito? 4. Kailan ito ipatutupad? 5. Paano magiging makabuluhan ang ordinansang ito sa Maynila? Kung nasagot mo ang mga tanong, pwede mo nang ipagpatuloy ang pag-aaral sa ikatlong aralin ng modyul na ito. Kung hindi, balikan mo ang aralin. Sub – Aralin 3: Mga Salita / Pangungusap na Nagpapakita ng Pagsang-ayon at Pagsalungat Kumusta kang muli kaibigan? Ngayon ay nasa ikatlong bahagi ka na ng modyul na ito. Sana ay patuloy mo itong gamitin at tiyak na marami ka pang matututunan. Layunin: Sa modyul na ito ay inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Nasusuri ang teksto batay sa tiyak na uri nito 2. Nakikilala ang mga salitang nagpapakita ng pagsang-ayon at pagsalungat 3. Nakapagpapakita ng pagtutol o pagsang-ayon sa isang isyu
  • 408.
    36 A. Alamin Minsan makababasaka ng tekstong tumatalakay ng mga kuru-kuro at opinyon / reaksyon ng sumulat tungkol sa isang isyu. Kasabay nito ay makakikilala ka rin ng mga salita / pangungusap na nagpapakita ng pagsang-ayon at pagsalungat at kung paano at kailan ito ginagamit. Masusubukan mo ring makapagpahayag ng isang mabisang pangangatuwiran tungkol sa isang napapanahong isyu o paksa. Iba’t ibang uri na ng teksto ang nakilala mo sa mga nagdaang aralin. Alam mo bang ang mga tekstong ito ay makikilala rin batay sa kanilang layunin at nilalaman? Handa ka na ba? Sige simulan mo na. Pag-aralan natin ang tekstong ARGUMENTATIV. Isa sa layunin ng tekstong argumentativ ay ang hikayatin ng may-akda ang mambabasang tanggapin ang kanyang paninindigan sa isyu. Ang nilalaman nito ay ang isyu, ang paninindigan ng may-akda sa isyu at ang kanyang mga argumentong sumusuporta sa kanyang posisyon. Ito ang isang espesyal na uri ng tekstong PERSWEYSIV na gumagamit ng katwirang lohikal. B. Linangin: Ang tekstong argumentativ, tulad ng ibang teksto ay binubuo ng simula, gitna at wakas na talata. Upang higit mong malinawan ito, basahin at unawain mo ang tekstong ito. Alamin ang pangunahing paksa. Katarungan Laban sa Karahasan Mary Grace O. Isorena Ang Kalahi – Mataas na Paaralang Torres Enero, 2003 Talagang isang makabuluhang tugon ang muling pagpapatupad ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa parusang kamatayan bunga ng lumulubhang paglaganap ng kriminalidad sa mga Tsinoy sa bansa. Oo, magkahalong damdamin ang ibinubunga ng deklarasyong ito: pag-asa para sa mga pamilyang nabiktima ng pandurukot na makamit ang katarungan at malaking pagtutol sa panig
  • 409.
    37 ng simbahan dahiltaliwas ito sa banal na kautusan ng Diyos habang kalungkutan naman ang bumalot sa puso ng karamihan sapagkat kinakailangan pang kumitil ng buhay ala-alang sa katiwasayan ng bansa. Isinasaad sa Saligang Batas ng 1987 ang pagsasawalang-bisa ng parusang kamatayan subalit muli itong ipinatupad ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1994 kung saan si Leo Echegaray ang pinatawan ng parusang kamatayan sa salang panghahalay sa kanyang sariling anak. Sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Joseph E. Estrada ay muling inalis ang death penalty dahil hindi siya naniniwalang sapat ito upang mabawasan ang karahasan sa bansa subalit ngayon sa pamumuno ni Pangulong Arroyo ayaw niyang ipagpaliban sa taong 2004 ang pagpapataw ng nasabing parusa kung saan tinatayang 191 ng death convicts ang nakahanay sa death row – patunay lamang na laganap pa rin ang kriminalidad sa bansa. Samantala, dalawang bagay lamang ang maaaring dahilan kung bakit ipatutupad ang batas sa death penalty. Ang una’y tunay na ninanais ng pamahalaan na mabigyang katarungan ang mga nabiktima ng pandurukot habang ang ikalawa’y naniniwala ang ating Pangulo na sa pamamagitan nito’y mababawasan ang kriminalidad sa bansa. Opo, ang pag-aalis sa moratorium ng parusang kamatayan ay ang nalalabing paraan upang maitaguyod ang matahimik, maunlad at matatag na republika. Gayundin naman, tungkulin natin bilang mga mamamayan na pangalagaan ang ating mga sarili at makiisa sa mga kampanyang inilulunsad ng pamahalaan laban sa kriminalidad at karahasan. Tungkol saan ang teksto? Tama, ito ay tungkol sa isyu ng parusang kamatayan. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Ang iyong binasa ay isang tekstong argumentativ. Ano ang paninindigan ng awtor tungkol sa isyu? Ang pagpapatupad nito ang kanyang pinaniniwalaan, di ba? Saang bahagi makikita ang tungkol dito? Malinaw na inilahad sa unang talata ang isyu at ang posisyon ng may-akda sa isyu ng parusang kamatayan- ang pagpapatupad nito ang kanyang pinaniniwalaan. Bakit nasabing ito ang kanyang pinaniniwalaan? Ang mga sumusunod na talata ay sumusuporta sa kanyang paninindigan. Anu-ano ang mga iyon?
  • 410.
    38 Una ang pagpapatupaddaw nito ay isang makabuluhang tugon sa lumulubhang paglaganap ng kriminalidad sa bansa. Ikalawa, ang pag-alis daw ng moratorium ng parusang kamatayan ay ang nalalabing paraan upang maitaguyod ang matahimik, maunlad at matatag na republika. Makikita itong muli sa huling talata. Sa palagay mo bakit niya ito inulit? Okey, Gusto niyang hikayatin ang mambabasa na tanggapin at makiisa sa kanyang pinaniniwalaan tungkol sa kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at karahasan. Kung iyong mapapansin may mga salita sa teksto na may salungguhit; talaga, tunay, oo, ano ang ipinahahayag ng mga ito? Ito ay mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon, hindi ba? Ano naman ang sinasabi ng hindi, ayaw? Pagtanggi, tama. Ano ang kahalagahan ng mga salitang ito sa pagbubuo ng isang tekstong argumentativ? Malaki, sapagkat ang mga salitang ito ay makatutulong upang mapagtibay ng sumulat anuman ang kanyang posisyon sa isyung tinatalakay, kung siya’y sumasang-ayon o sumasalungat dito. Sa bawat pagsang-ayon o pagtutol ng tao, napatutunayan ang kalayaang pumili kung sino ang papanigan, paniniwalaan, sasalungatin o tatanggihan. Nasa atin ang pagtitimbang-timbang at pasya kung alin ang pipiliin, hindi ba? Narito pa ang ilang mga pang-abay na panang-ayon; Oo, opo, oho, tunay, talaga, sadyang, totoo at iba pa. Halimbawa: 1. Opo, nangangailangan tayo ng higi na maraming mag-aaral sa taong ito. 2. Oo, hihintayin ko ang iyong pagsuporta. 3. Tunay na maraming kabataan ang nahihilig sa kompyuter. 4. Sadyang magkaiba ang mga kabataan noon at ngayon.
  • 411.
    39 Sa pagpapahayag ngpagtutol gumagamit ng mga pang-abay na pananggi. Ito ay ang mga pang- abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagbabawal tulad ng hindi / di, huwag, ayaw, wala at iba pa. 1. ___________ papayagan ng ina na mapahamak ang kanyang anak. 2. ___________ na niyang alalahanin pa ang kanyang masamang karanasan. 3. ___________ nagnanais na ganyan ang mangyari sa kanya. 4. ___________ sana ‘yan ang sinpit mo kung nakinig ka lang sa akin? 5. ___________ mo nang dagdagan pa ang problema ko. Subukan mong lagyan ng angkop na pananggi ang patlang para mabuo ang mga pangungusap na pananggi. Ganito ba ang sagot mo? 1. Hindi papayagan ng ina na mapahamak ang kanyang anak. 2. Ayaw na niyang alalahanin pa ang kanyang masamang karanasan. 3. Wala nagnanais na ganyan ang mangyari sa kanya. 4. Di sana ‘yan ang sinpit mo kung nakinig ka lang sa akin? 5. Huwag mo nang dagdagan pa ang problema ko. C. Gamitin Ipahayag ang inyong pagsang-ayon o pagsalungat sa sumusunod na mga sitwasyon. Itala ang sagot sa iyong notbuk. 1. Naniniwala ka sa opinyon ng inyong pangulo sa klase. 2. Hindi ka sang-ayon sa naging pasya ng inyong asosasyon. 3. Sa isang pulong, salungat ka sa mungkahi ng isang kasapi ng inyong samahan. 4. Tama para sa iyo ang parusang pagsususpindi at pagpapaalis sa paaralan ng sinumang mag- aaral na mahuling kasapi ng isang fraternity o sorority.
  • 412.
    40 5. Ikinatutuwa moang paghihigpit sa mga mag-aaral ng magsuot ng ID sa lahat ng oras sa loob ng kampus. Naipahayag mo ba nang maayos ang iyong pagsalungat o pagsang-ayon sa mga aytem sa itaas? Malapit ba ang iyong sagot dito? 1. Iyan ang nararapat. Ganyan din ang palagay ko. 2. Hindi ako sang-ayon sa desisyon ng pangkat. 3. Hindi maaari ang iminumungkahi mo. 4. Ganoon nga. Tama lang na suspindihin at paalisin ang sinumang mag-aaral na kasapi ng isang fraternity o sorority. 5. Talagang nakatutuwa ang desisyon ng paaralan sa paghihigpit ng pagpapasuot ng ID sa loob ng paaralan. Kung ganito rin halos ang iyong mga naging kasagutan, tunay na naunawaan mo na ang araling tinalakay. Ipagpatuloy mo pa ang pag-aaral. D. Lagumin Pag-aralan mo ang dayagram sa kabilang pahina. Mabubuod mo ang paksang ating tinalakay tungkol sa tekstong argumentativ sa tulong nito.
  • 413.
    41 Tandaan mo naang tekstong argumentativ ay maaaring naglalaman ng mga salita / pangungusap na nagpapakilala ng pagsang-ayon at pagsalungat. Maliwanag na inilalahad ang isyu at ang paninindigan sa isyu ng awtor at kanyang mga argumento. E. Subukin A. Panuto: Suriin ang mga katangian inilalahad sa bawat pangungusap. Lagyan ng bituin ( * ) ang OO kung ito’y totoo sa tekstong argumentativ at HINDI kung hindi ito katangian ng tekstong ito. OO HINDI 1. Isa itong ispeyal na uri ng tekstong persweysiv. 2. Nanghihikayat na tanggapin ang posisyon ng may akda sa isang isyu. 3. Gumagamit na argumentong lohikal 4. Nabubuo mula sa mga tiyak na katotohan at opinyon ng eksperto. 5. Sa panimulang talaa pa lamg ay inilalahad na ang posisyon ng may akda sa isyu. PANIMULA Pambungad (Isyu) Posisyon (sa isyu): UNANG ARGUMENTO Kongklusyon:_________________________ Mga Batayan:_________________________ IKALAWANG ARGUMENTO Kongklusyon: ________________________ Mga Batayan: ________________________ IKATLONG ARGUMENTO Kongklusyon________________________ MgaBatayan:________________________ KONGKLUSYON
  • 414.
    42 B. Panuto: Piliinsa pangungusap at isulat sa sagutang papel ang mga salitang nagpapahayag ng pagsalungat at pagsang-ayon 1. Walang mangyayari kung paiiralin ang diskriminasyon sa pagpili ng mga mag-aaral na tatanggapin sa paaralan. 2. Maaari mo nang ipahayag ang saloobing itinago mo sa mahabang panahon. 3. Dapat lamang na kilalanin natin ang kanyang kadakilaan. 4. Hindi kailanman malulutas ang suliranin ng panibagong suliranin. 5. Tumututol ang lahat sa ginawa sa kanya ng kasamahang guro. C. Panuto: Narito ang isang paniniwala na madalas pinagtatalunan ng mga Pilipino. Ipahayag mo ang iyong pagsang-ayon o pagsalungat dito. Tapos ka na ba sa pagsagot kaibigan? Ihambing mo ang iyong mga sagot dito: Sa Pagsusulit A, dapat lahat ng bilang sa ilalim ng Oo ay nilagyang mo ng bituin (*) dahil ang lahat ng isinasaad nito’y mga katangian ng tekstong argumentativ. Sa Pagsusulit B, ang salitang ito ang nagpapahayag ng pagsalungat at pagsang-ayon: Sa bilang 1. walang 2. maaari 3. dapat 4. hindi 5. tumututol Sa Pagsusulit C, maaaring ganito ang sagot mo. • Hindi ako sang-ayon sa paniniwalang yan. Naniniwala akong dapat tangkilikin ang mga local na produkto dahil gawa ito ng ating mga kababayan. Alisin na ang mga kaisipang kolonyal na nagpapahirap sa ating bayan. • Ganyan ang paniniwala ko. Kailangang tayo ang manguna sa pagtangkilik sa mga produktong atin. • Iyan ang nararapat. Dapat nang mamulat ang kaisipan natin. Hindi tayo makatutulong sa pag-unlad ng ating bansa dahil sa pinayayaman natin ang ibang bansa. • Talagang kailangan natin ang pagkakaisa. Unahin ang sariling atin bago ang iba. Mas mahusay ang mga imported na produkto kaysa mga produktong gawa ng Pinoy.
  • 415.
    43 Nakuha mo balahat ng tamang sagot? Huwag kang mag-alala, kung hindi. Narito ang isa pang pagsasanay na makatutulong sa iyo upang mabalikan at lubos pang maunawaan ang araling tinalakay. F. Paunlarin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sagutin ang tanong pagkatapos. Wikang Ingles: Bilang Midyum ng Pagtuturo? Naging isang mainit na usapin ang iniutos ng pangulo na pagpapagamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan. Hangad ng pangulo na maibalik ang wikang Ingles dahil sa rekognisyon at pakikipagkumperensiya ng mga Pilipino sa daigdig. Ayon sa pangulo, tama lang na pag-ukulan nang pansin ang bumababang antas ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino. Subalit, para sa akin ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo ay hindi naman sagabal sa pagpapataas ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino. Sa halip na gawing Ingles ang midyum ng pagtuturo ay paghusayan na lamang ang pagtuturo ng Ingles sa elementarya patungo sa mataas na lebel. Patuloy na humubog ng mga magagaling na gurong magtuturo ng sabjek na ito. Ang panukalang ito ng pangulo ay hindi sinang-ayunan ng guro sa Filipino. Marami sa kanila ang nagsabi na ang isang mag-aaral ay matututo sa sarili niyang wika o wikang kinagisnan. Natututo siya ng dayuhang wika kapag alam na niya ang sariling wika. Ayaw nilang tanggapin ang pananaw na ang paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan ang dahilan ng pagbaba ng kaalaman sa Ingles. Tunay na maganda ang layunin ng pangulo na isulong ang Wikang Ingles upang madali ang pakikipagtalastasan sa iba’t ibang panig ng mundo sa pag-asang ito ang magiging susi ng pag-unlad ng ating bansa. Subalit dapat nating isipin na higit nating kailangan ang isang pambansang wika na magsisilbing pwersa na magbubuklod sa atin bilang isang lahi at isang bansa.
  • 416.
    44 Huwag nating hayaangmapabayaan ang wikang nagbibigkis sa puso at diwa ng sambayanang Pilipino para sa pinakamimithing pagkakaisa at pagkakaunawaan. Paunlarin at palaganapin ang paggamit ng Wikang Filipino. Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? a. Narativ b. Argumentativ c. Informativ d. Prosijural 2. Anong isyu ang inilahad sa teksto? a. Pagpapagamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo sa paaralan. b. Pagpapagamit ng Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa paaralan. c. Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. d. Pagbaba ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino. 3. Ano ang paninindigan ng awtor tungkol sa isyu? a. Ang paggamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo ang kanyang pinaniniwalaan. b. Ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo ay nakapagpababa sa kaalaman sa Ingles ng mga Pilipino. c. Ang paggamit ng Filipino bilang midyum sa pagtuturo ang kanyang pinaniniwalaan. d. Ang paggamit ng Ingles ay makatutulong sa pag-unlad ng mga Pilipino.
  • 417.
    45 4. Saang bahagimakikita ang tungkol dito? a. Sa ikalawang talata b. Sa unang talata c. Sa ikatlong talata d. Sa una at huling talata. 5. Alin-alin ang mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng pagsang-ayon? ng pagtutol? Muli kaibigan, iwasto mo ang iyong sagot. Ihambing mo ang ito sa mga sagot sa ibaba. 1. b 2. a 3. c 4. d 5. Mga salita / pangungusap na nagpapahayag ng pagsang-ayon: a. Tama lang na pag-ukulan nang pansin ang bumababang antas ng literasi sa Ingles ng mga Pilipino. b. Tunay na maganda ang layunin ng pangulo na isulong ang Wikang Ingles upang maging madali ang pakikipagtalastasan sa iba’t ibang panig ng mundo. c. Dapat natin isipin na higit nating kailangan ang isang pambansang wika na magbubuklod sa atin bilang isang lahi at isang bansa. Mga salita / pangungusap na nagpapahayag ng pagtanggi: a. Ang panukalang ito ay hindi sinang-ayunan ng mga guro sa Filipino. b. Ayaw nilang tanggapin ang pananaw na ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan ay ang dahilan ng pagbaba ng kaalaman sa Ingles. c. Huwag nating hayaang mapabayaan ang wikang nagbibigkis sa puso at diwa ng sambayanang Pilipino.
  • 418.
    46 Gaano ka nakahusay? Binabati kita kaibigan! Ngayon ay nasa huling bahagi ka na ng modyul na ito. Ang bahaging ito ay susukat sa kung ano ang natutunan mo sa modyul na ito. Handa ka na ba? Simulan mo nang sagutin ito. I. Panuto: Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang ipinahahayag ng bawat pangungusap. ______1. Ang damdamin ay ang emosyon o anumang bagay na galing sa puso at hindi sa isip. ______ 2. Ang nadarama ng tao ay di lamang makikita sa ekspresyon ng mukha. ______ 3. Mahalaga ang pagtukoy sa paksa at pangunahing ideya ng isang teksto para sa lubusang pag-unawa nito. ______ 4. Sa pahapyaw na pagbasa sa una at huling pangungusap ay agad na maibibigay mo ang pangunahing kaisipan ng teksto. _______5. Ang pamagat ng teksto ay makatutulong sa pagtukoy sa paksa. II. Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap.Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung ano ang isinulat ng awtor. a. paksa b. pamagat c. pangunahing kaisipan d. detalye 2. Ito ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa. a. paksa b. pamagat c. pangunahing kaisipan d. detalye 3. Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon na tumutulong na bigyang linaw ang pangunahing ideya. a. pangunahing kaisipan b. paksa c. pamagat d. pansuportang detalye 4. Isang uri ng teksto na ang nilalaman ay ang isyu, ang posisyon ng may-akda sa isyu at ang kanyang argumentong sumusuporta sa kanyang paninindigan. a. narativ b. infromativ c. argumentativ d.prosijural 5. Isang usapin na may dalawang panig. a. isyu b. kongklusyon c. paninindigan d. paksa
  • 419.
    47 III. Panuto: Ayusinang mga salitang nasa kahon sa tamang hanay sa ibaba. Salitang Nagpapahayag ng Pagsang-ayon Salitang Nagpapahayag ng Pagsalungat 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5. IV. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Yakap, Sandigan ng Pagkakaisa at Pagmamahalan Napakagandang kaugalian ito ng lahat ng bansa. Tunay na ipinadarama nila ang kanilang emosyon... malungkot o hindi sa mahigpit na yakap. Sa mga paalam at salubungan ang mahigpit na yakap ay talo ang isang libong salita. Para sa mga sanggol at matanda ang yakap ay pahiwatig ng pagmamahal subalit sa magkalaguyo ay hindi pagmamahal kundi nakaw na pag- ibig. Sa matagal na pagkakalayo at pangungulila ng nagmamahalang mga puso ay nadarama ang higpit ng yakap. Iyon ang nararapat Huwag na lang. Hindi totoong lahat yan. Ganoon nga. Walang pakinabang na dulot yan! Tama ang sinabi mo. Sang – ayon ako dyan Hindi maaari yan. Oo, maganda yan! Ayaw ko nga.
  • 420.
    48 Sa pakikiramay, angyakap ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso. Naroon ang matinding yakap na nakaaalis ng sugat ng puso. Ang yakap ay nangangahulugan ng pagpapatawad. Iyong dibdib sa dibdib na yakap ay nakaaalis ng sama ng loob, ng galit, ng inggit,ng hinanakit at marami pang iba. Sa isang ama na nawala nang maraming taon at naroon sa hapag-kainan makikita ang amang puno ng luha. Naroon ang kanyang mag-ina na hindi umaasa na darating ang isang araw na makapiling nila ang kanilang ama. Sa isang ina na nagbalik pagkatapos iwan ang kanyang mag-aama nang mahabang panahon ay mainit na yakap ang naghihintay hudyat ang matinding pagkagiliw sa kanyang mga mahal sa buhay. Ang yakap ay simbulo ng pagmamahal, pagkakaisa, pakikiramay, pagpapatawad at pagsisisi. Ito ay pahatid ng Poong Maykapal sa mga pusong nagmamahalan. A. Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Ang paksa ng teksto ay ______________. a. init b. pagkakaisa c. pagmamahal d. yakap 2. Ang mainit na yakap ng nawalay na ina ay hudyat ng matinding pagkagiliw sa kanyang mahal sa buhay. Ang salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng _______. a. kalungkutan b. pagkaawa c. kaligayahan d. kasawian 3. Ang pangunahing kaisipan ng tekstong binasa ay matatagpuan sa _____ talata. a. una b. huli c. ikatlo d. ikaapat 4. Ang luha sa mata ng ama na matagal na nawalay sa mahal sa buhay ay nagpapahayag ng _____________. a. kaligayahan b. kalungkutan c. kasawian d. katapatan 5. Nais ipabatid ng teksto sa mambabasa na ang yakap ay nangangahulugan ng ______. a. pakikiramay b. pagmamahal c. pagpapatawad d. lahat ng mga ito
  • 421.
    49 B. Panuto: Piliinang letra ng mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng teksto. a. Sa mga paalam at salubungan ang mahigpit na yakap ay talo ang isang libong salita. b. Mahalagang mayakap palagi ang mga mahal sa buhay. c. Ang mahigpit na yakap sa kaaway aynagpapahayag ng pakikipagkasundo. d. Sa matagal na pagkakalayo at pangungulila ng mga nagmamahalang puso ay nadarama ang higpit ng yakap. e. Sa pakikiramay, ang yakap ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso. f. Ang luha sa mata ay nagpapahayag nang matagal na pagkawalay sa mahal sa buhay. g. Ang yakap ay nangangahulugan ng pagpapatawad. Iwasto mo na ang iyong sagot. Kunin ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. Ano, nasagutan mo bang lahat? Kung maraming mali, balikan mo ulit ang mga aralin. Maraming salamat sa iyo kaibigan. Sana ay may naitulong sa iyo ang mga aralin sa modyul na ito.
  • 422.
    50 Modyul 9 Pagsusuri atPagtukoy sa Kaisipan, Mensahe at Damdamin sa Teksto I. 1. T 2. T 3. T 4. M 5. T II. 1. B - pamagat 2. A - paksa 3. D - pansuportang detalye 4. C - argumentativ 5. A - isyu III. Mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon 1. iyon ang nararapat 2. ganoon nga 3. sang-ayon ako dyan 4. oo, maganda yan 5. tama ang sinabi mo Mga salitang nagpapahayag ng pagsalungat 1. hindi tooong lahat yan 2. walang pakinabang na dulot yan 3. huwag na lang 4. ayaw ko nga 5. hindi maaari yan IV.(A.) (B.) A, D, E, G 1. D 2. C 3. B 4. B 5. D Susi sa Pagwawasto
  • 423.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 10 Pagpapahayag ng Kaalaman sa mga Tekstong Narativ at Informativ
  • 424.
    2 Modyul 10 Pagpapahayag ngKaalaman sa mga Tekstong Narativ at Informativ Tungkol saan ang modyul na ito? Mahal na mag-aaral, siguro ay alam mo ang kahalagahan ng wika sa paghahatid ng informasyon. Sa pamamagitan ng wika tulad ng Filipino, naililipat sa iyo, bilang mambabasa, ang mayamang kaalaman tungkol sa iba’t ibang paksang malapit sa iyo kabilang ang edukasyon at kabuhayan, dalawang mahahalagang kaisipan. Gayundin ang usaping kalakalan at istatistiks at ang mga pagpapaliwanag na taglay ng teksto. Maaaring gumamit ng salita at pangungusap, maaaring gumamit ng mga bilang at numeriko o istatistiks sa paraaang pasulat o pasalaysay. Importanteng maging alerto ka sa mga paraan ng wika sa paghahatid sa iyo ng mga kaalaman sa pamamagitan ng modyul na ito. Tiyak sa aktibo mong pagtugon sa mga kahingian ng bawat aralin, marami kang matutuhang bago, kundi man, karagdagan sa dati mo nang alam. Ano ang matututunan mo? Pagkatapos ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. nakapagpapakahulugan sa mga salita/pangungusap, gayundin sa mga numeriko para matukoy ang dami/lawak, tiyak/di tiyak at lokasyon/direksy 2. natutukoy ang mga tekstong informativ at narativ 3. nabibigyan ng kahulugan ang mga salita sa tulong ng konteksto 4. nabibigyang-kahulugan ang mga informasyong ipinahihiwatig ng dayagram, graf, tsart, concept web 5. naibabahagi ang sariling karanasan o observasyon mula sa binasa
  • 425.
    3 Huwag kang malulasa haba ng listahan. Ituring itong hamon sa iyong talino, sipag at tiwala sa sariling kakayahan. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tandaan na ang materyal na inihanda para sa iyo ay tumutulong na umunlad ka batay sa sariling sikap at kakayahan. May ilang direksyong ipinaalala sa iyo para maging tagumpay ang pag- aaral mo. Nasa ibaba ang ilang panutong dapat mong sundin. 1. Maaari mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito sa loob at/o labas ng silid-aralan batay sa panahon at pangangailangan mo. Ingatang mapanatiling malinis at walang pilas ang mga pahina nito. 2. Basahing mabuti ang bawat bahagi at unawain kung ano ang hinihingi o ipinapagawa ng mga ito. 3. Sagutin ang panimulang pagsubok. Hindi inaasahang masasagot mo nang wasto ang lahat ng tanong. Gawain ito para malaman at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksa at wika. 4. May 3 aralin ang modyul at may laya kang balikan ang araling inaakala mong hindi pa sapat ang kasanayang hinihiling sa iyo. 5. Isulat sa hiwalay na papel ang mga sagot mo sa bawat aralin. Huwag susulatan ang modyul. 6. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Makukuha sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Lagyan ng tsek (/ ) kung wasto ang sagot; ekis ( x ) kung mali. 7. Maging tapat sa sarili. Ang modyul na ito ay laan para sa sariling pagkatuto. 8. Pagkatapos ng pag-aaral mo sa modyul na ito, ibigay ito kasama ang iyong papel ng mga sagot sa iyong guro. Handa ka na ba sa unang gawain? Sige, magsimula ka na. Teka, gusto mo bang matiyak kung gaano na ang alam mo sa mga aralin ng modyul? Magpasimulang pagsubok ka muna.
  • 426.
    4 Ano na baang alam mo? Alamin muna natin kung kailangan mo pa ang modyul na ito. Sagutan mo ang panimulang pagsusuliot na ito. A. Kahulugan ng Salita sa Konteksto Nito Piliin ang tamang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa kahon sa ibaba. Tandaang sa hiwalay na papel isulat ang mga sagot. 1. Napapatulala sa problema ang ibang tao dahil parang walang solusyon para dito. 2. Kaya ako nag-aaral kasi ayokong matawag na kawawang mangmang. 3. Dapat ay may pinag-aralan ka at nang hindi ka apak-apakan ng iba. 4. Sinisiyasat ang lifestyle ng mga politiko tulad ng pag-alam sa kanilang ari-arian at negosyo para malaman ang may maluhong pamumuhay. 5. Isang narativ ang telenobela, kaiba sa isang editoryal sa dyaryo. B. Tekstong Informativ at Narativ Isulat ang N kung narativ o pasalaysay ang bawat bilang; isulat naman ang I kung informativ. ____ 1. Kaylungkot ng kabukiran. Kung maiiwan lamang niya ang pagpapaani ay iniwan na sana. Kinabukasan din ay aalis siya upang magbalik sa masayang Maynila. ____ 2. Ayon sa DOLE naragdagan ang empleyado sa malalaking korporasyon sa Pilipinas. ____ 3. At si Andong ay nagbalik uli sa dating kalagayan. Minsa’y dumulog sa dating pinagtratrabahuhan, nagmamakaamong papasukin muli, ngunit hindi nangangailangan ng tao kaya siya’y hindi natanggap. ____ 4. Ang kauna-unahang international master sa chess sa Asya ay isang Pilipino. Siya si Rodolfo Cardoso na tubong Anda, Pangasinan. aapihin di nakapag-aral kuwento matipid napapatunganga magastos
  • 427.
    5 ____ 5. Isangpangunahing dahilan sa pagtaas ng halaga ng langis ay ang pang-ekonomiyang paglawak ng China na nagpadagdag sa pangangailangan ng langis sa daigdig. Tumataas din ang paggamit sa India at patuloy na nakikihati sa Asya ang Estados Unidos para sa suplay. ____ 6. Patuloy na naghintay si Leonora sa pagbabalik ng minamahal na prinsipe. ____ 7. Grabe ang air pollution at dapat lamang na hindi na mag-atubili ang pamahalaan sa pagpapatupad ng Clean Air Act. ____ 8. Sinusuri pa rin ng DepEd ang mga librong may maling informasyon. Magpupulong muli ang mga ebalweytor ng mga materyal na panturo sa susunod na linggo. Pagkatapos, gagawa ng mga hakbang ang pamunuan para hindi na maulit muli ang nangyari. ____ 9. Tatlong Filipino pupil ang nagwagi sa isang world painting competition sa Athens, Greece at tumanggap ng mga medalya ng karangalan. Mapapalad na nakapag-uwi ng medalya sa naganap na 10th International Exhibition of Childrens’ Painting sa Athens, ayon sa Department of Foreign Affairs. ___ 10. Nagtapos ako sa Cecilio Apostol Elementary School. Ang tatay ko’y taga-Hagonoy, Bulacan. Magaling mag-Tagalog ang tatay ko; ang mga lolo ko, ang Impong Paciang ko, naku, ang ganda-gandang managalog. C. Salita/Parirala na Nagpapahayag ng Dami/Lawak, Lokasyon/Direksyon Basahin ang bawat bilang. Piliin ang mga salita/parirala na pahayag ng dami o lawak at markahan ng Dami o Lawak, ang mga salita/parirala na nauugnay sa lokasyon o direksyon na mamarkahang Lokasyon o Direksyon. Pagkatapos, uriin ang bawat sagot kung ekspresyong tiyak o di tiyak. Maaaring higit sa isang sagot bawat ekspresyon ang makikita. Sundin ang halimbawang ito. May minanang lupaing 10 hektarya ang magulang nina Kyla at Marty. Sagot: 10 hektarya – Dami/Lawak, tiyak. 1. Kung ang mga nagrarali hindi man lang makatuntong sa Chino Roces Bridge sa Mendiola, Maynila kahapon, tinulak ni Fr. Robert Reyes, ang running priest, ang kanyang kaisa-isang kariton sa Mabini Hall ng Malacañang. 2. Nagtala ng 1.9 porsyentong pagtaas sa lakas-paggawa ang 3,300 na pinakamataas na korporasyon sa Metro Manila mula Abril hanggang Hunyo, 2004. 3. Sinakop ng serbey mula Hulyo hanggang Agosto ang 500 kumpanya, ngunit 476 lang ang tumugon.
  • 428.
    6 4. Ayon saAlliance of Concerned Teachers, sa isang taon ay aabot sa 60,000 ang pagkukulang sa mga guro at humigit-kumulang na 50,000 naman sa silid-aralan, batay sa inilabas ng DepEd sa budget hearing ng kongreso. 5. Mas mataas daw ito kaysa kakulangan ng kasalukuyan 39,535 na guro at 51,947 na klasrum. 6. Ang kakulangan ng klasrum at titser ay mangangahulugan ng dalawang bagay sa edukasyon – mas malalaking bilang ng estudyante bawat klasrum at mas maraming oras ng pagtatrabaho. Magiging larawan ito sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. 7. Sa ganitong hinaharap importante rin na matuto ang lahat ng mag-aaral na maging malikhain sa dalawahan o magkakapares na pag-aaral o kung kaya ay pangkatan. Ang bawat sulok ay paaralan ay gawing aralan. 8. Alam mo ba na ang dengue, kilala ring “Breakbone Fever”, ay isang viral infection na matatagpuan sa 100 bansa at nagdudulot ng mga kalahating milyong pasyente sa pagkarami-raming hospital. Nagdudulot din ito ng milyun-milyong kamatayan bawat taon. 9. Ayon sa National Epidemiology Center, may 2,332 kaso ng dengue sa loob ng unang anim na buwan sa taong 2004 na inireport sa mga hospital sa buong bansa. 10. May pinakamaraming kaso ng dengue sa NCR, Rehiyon III, Rehiyon V at Rehiyon VII. Ang mga nabibiktima ng epidemyang ito ay ‘yung nasa edad 1 buwan hanggang 75 taon. D. Ang concept webbing ay isang paraan ng paghahatid ng mensahe sa biswal na paraan. Ilipat ang mensaheng hatid nito sa anyong talataan. Nasa loob ng bilog ang panlahat na paksa. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ mga batang manggagawa klasipikadong di bayarang manggagawa ng familya tumutulong sa mga magulang pagkatapos ng klase tagatahi ng mga butas para sa sintas o tali ng sapatos tagagupit ng mga suwelas ng sapatos tagadikit ng mga bahagi ng sapatos
  • 429.
    7 Makukuha mo saiyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Sasabihin niya sa iyo kung kailangan mo pang pag-aralan ang modyul na ito. Mga Gawain sa Pagkatuto Sub-Aralin 1: Paggamit ng mga Salitang Nagpapahayag ng Dami o Lawak, Direksyon o Lokasyon sa Tekstong Informativ Layunin: Sa pamamagitan ng sub-araling ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod: 1. natutukoy at nagagamit ang mga salita/parirala ng dami o lawak, lokasyon o direksyon sa tiyak o di tiyak na ekspresyon 2. naipapaliwanag ang mga istatistiks sa simpleng paraan 3. natutukoy ang panlahat at tiyak na datos sa isang pagpapahayag 4. nauuri ang mensaheng informativ Alamin Nababahala na ang sambayanan sa paglaki ng populasyon. Nagsusulong pa nga ang isang grupo ng mambabatas na magpanukala ng 2 – child policy. Alam mo ba ang kahulugan nito? Hanggang dalawa lang ang dapat mong maging anak. May mga tumutol dito. Ang sabi ng ilan, yaman daw ang mga anak at kaloob ng Maykapal. Sino kaya ang may katuwiran? Alamin natin sa kasunod na teksto.
  • 430.
    8 Linangin Talaga bang dapatna mabahala ang bayan sa kalagayan ng populasyon? Basahin mo ang teksto sa ibaba at nang malaman mo. “Ang Paglaki ng Populasyon at Trabaho” Mayroong mahigit na 60 milyong tao sa ating bansa batay sa census noong 1995. Sa taong 2004, may 82 milyon na tayo sa Pilipinas. Ang National Capital Region, Central Luzon at Southern Tagalog ang mga rehiyong may pinakamalaking populasyon na bumubuo sa 37% ng buong populasyon ng Pilipinas. Ang mga rehiyong may pinakamaliit na populasyon ay ang Cordillera Autonomous Region, Autonomous Region ng Muslim Mindanao at Rehiyon X11. Ang mga taong nasa larangan ng produksyon o paggawa ay siyang bumubuo sa mahigit sa kalahati ng populasyon ng bansa. Samantala, ang mga kabataan ay may 40% at ang mga elderly ay nasa 3%. Sa taong 1995 pa rin, itinuturing na 68% ang may trabaho o aktibong naghahanap ng trabaho. Ang average rate ng walang trabaho sa bansa ay tinatayang 12%. (IBON Philippine Profile 1995.) Narito ang ilang tanong tungkol sa iyong binasa. Pag-aralan mo at sagutan. 1. Anu-anong rehiyon sa bansa ang siksikan sa tao? Anu-ano naman ang may maliiit na bilang ng tao? Rehiyong siksikan sa tao __________________________________ __________________________________ __________________________________ Rehiyong kaunti ang tao __________________________________ __________________________________ __________________________________ Nakuha mo ba ang marami sa mga pangalan ng rehiyong matao at hindi matao? Narito ang mga tamang sagot. Rehiyong siksikan sa tao NCR Central Luzon Southern Tagalog Rehiyong kaunti ang tao CAR ARRM Rehiyon X11
  • 431.
    9 2. Gaano kalakiang populasyon ng (a) nasa paggawa , (b) kabataan, at (c) matatanda? Igawa ito ng pie chart. Okey, nahati-hati mo ba ang pie para maipakita ang hati ng populasyon ng 3 sektor? Nasa ibaba muli ang tamang sagot. Ano ang ipinakita sa pie chart? Mahigit kalahati ng pie ang para sa mga may hanapbuhay, 40% naman sa kabataan at ang maliit na porsyento ay matatanda o elderly sector. Malinaw ba sa iyo? Ganito naman ang report sa isang balita mula sa KABAYAN (Setyembre 16, 2004. Vol. V1 No. 41). Unemployment Nabawasan – NSO Bumaba ang unemployment rate sa bansa ng 11.7 porsyento hanggang katapusan ng Hulyo 2004 kumpara noong Hulyo 2003 mula 12.6 porsyento, ayon sa National Statistics Office kahapon. Ang bilang ng unemployment noong Hulyo ay mas mababa rin sa jobless rate na umabot sa 13.7 porsyento. Niliwanag ng NSO na sa 35.83 milyong manggagawa mula Hulyo, may 4.39 noong 2003. Noong Hulyo 2003, ang naiulat na manggagawa ay umabot sa 34.8 milyon. (AFP) 50% ++ (a) 40% (b) 3% (c)
  • 432.
    10 Malaking report istatistiksang binanggit sa unahan. Kung titingnan naman natin ang bawat familya, malungkot na tanawin ang bubulaga sa atin. Tinatantya ng pamahalaan na may 39.7% ng ating populasyon ang mahirap at batay ito sa kita o sahod ng familya. Pero para sa IBON, isang non-governmental agency, ang kahirapan ay totoong laganap daw at higit pa sa kalahati ng populasyon ang bumubuo nito. Karamihan g mula sa trabahong di agrikultural. Ang mga lupaing agrikultural ay lumiliit na sa pagsulpot ng mga subdibisyon at pabrika sa kasalukuyan. Matapos mong malaman ang mga istatistiks sa paglaki ng populasyon, nakita mo rin ang naging efekto nito sa employment o pagtatrabaho, di ba? Sa pagbasa ng teksto, totoo nga bang nakakabahala ang sitwasyon ng populasyon natin? Siguradong positibo ang sagot mo! Nalaman mo kung gaano ang paglaki ng populasyon. Kung malaki ang populasyon, dapat marami ring trabahong mahahanap ang tao, di ba? O, nabasa mo rin siguro ang isyu tungkol sa trabaho ng mga tao sa bansa mo. Sagutin mo naman ang mga tanong tungkol sa ikalawang teskto. 1. Paghambingin ang unemployment rate noong Hulyo 2003 at 2004 batay sa report ng NSO. Gaano ang pagbaba? Hulyo 2003 Hulyo 2004 Pagbaba _____________ ______________ _______ Ganito ba ang mga sagot mo? Hulyo 2003 Hulyo 2004 Pagbaba 12.6 11.7 0.9 2. Paghambingin din ang report tungkol sa porsyento ng mahihirap sa bansa batay sa report ng (a) gobyerno, at (b) IBON? Sa palagay mo, sino ang mas tama? Bakit? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Narito naman ang sagot sa Bilang 2. (a) 39.7% ang mahirap (b) Higit sa 50% ng populasyon Mas tama marahil ang IBON dahil sa mga nasusulat sa ibang lathalaing pang-araw- araw at sa pagmamasid lamang sa paligid, marami talagang makikita.
  • 433.
    11 Pareho ba tayong sagot? 3. Bakit lumiliit ang oportunidad sa pagkuha ng trabahong agrikultural? Sapagkat ginagawang mga subdibisyon at pabrika ang mga lupain, di ba? Sa binasa mong teksto, may mga salita o parirala na ginamit para magpahayag ng informasyon tungkol sa (1) dami o lawak, (2) lokasyon o direksyon, at (3) mga ekspresyong tiyak o di tiyak. Tingnan ang mga sumusunod na gamit para sa dami o lawak: 37% ng populasyon 40% kabataan 3% elderly 68% may trabaho 12% walang trabaho May mga ekspresyon namang tumutukoy sa lokasyon o direksyon tulad ng National Capital Region at Central Luzon. May napansin ka pa bang iba na binanggit sa teskto? Narito pa ang ilan. Kung hindi mo nakita ang mga ito, balikan mo ang teksto. Southern Tagalog Cordillera Autonomous Region Autonomous Region ng Muslim Mindanao Rehiyon X11 Samantala, may mga salita o parirala na tiyak ang tukoy sa dami tulad ng 82 milyon. Tukuyin mo nga ang iba pa. 34.8 milyon at 3 beses, hindi ba? May mga eskpresyon namang di tiyak ang informasyong dala. Halimbawa nito ang malaking report istatistiks at higit pa sa kalahati ng populasyon. Nakita mo ba ang pagkakaiba ng mga ekspresyong TIYAK at DI TIYAK sa mga halimbawa sa itaas? Pag sinabing malaki tulad ng malaking report istatistiks, walang katiyakan ang informasyon sa dami o lawak ng kalakihan nito. May iba’t ibang interpretasyon ang bawat humuhusga sa dami kung basta MALAKI ang gagamiting salita. Ganoon din ang higit pa sa kalahati ng populasyon? Gaano kalaki ang higit sa kalahati? Hindi tiyak, di ba? May gumagamit pa ng ekspresyong humigit-kumulang o kaya’y mga kasunod ang bilang tulad ng “may humigit-kumulang na 10 kaso ang naisampa sa korte”; “may mga 10 kaso ang naipasa sa Korte Suprema”. Hindi rin tiyak ang dami at lawak, ano? Sa isang banda, ang paglalagay ng eksaktong dami tulad ng bilang na 82 milyon, 34.8 milyon at 3 beses ay may katiyakan sa inihahatid na dami o lawak ng dami.
  • 434.
    12 Totoo rin itosa lokasyon o direksyon. Pag sinabing Ilocos Sur, o Lungsod ng Baguio, may tiyak na lugar na tinutukoy. Pero pag sinabing sa may bandang Baguio City o malapit sa Ilocos Sur, tipong may kalituhang hatid ang informasyon, di ba? Narito ang mga ehersisyong binubuo ng teksto. Teksto ang tawag sa pahayag na lampas o mas mahaba sa isang pangungusap, di ba? Siguradong kayang-kaya mo ito! Basahin ang bawat isa. Piliin at isulat sa angkop na kahon ang ekspresyong nagpapahayag ng (1) dami o lawak, (2) lokasyon o direksyon sa bawat bilang, saka tsekan kung tiyak o di tiyak ang bawat entri sa kahon 1. Dahil sa sobrang lamig na naranasan sa Dhaka umabot sa 90 katao ang namatay sa nakalipas na araw. May 49 katao naman ang nasawi noong nakaraang Biyernes sa hilagang bahagi ng Bangladesh na umabot na sa 91 bilang ng biktimang nasawi. (BALITA, 1/5/04) 2. Mawawalan ang Pilipinas ng mga 3,000 trabaho sa Iraq kung hindi aalisin ang ban sa mga Pilipinong nagtatrabaho roon, ayon sa isang recruitment agency kahapon. Noong Biyernes, daan- daang Pilipino ang nagprotesta para alisin ang ban. Ayon sa mga demonstrator, mas nanaisin nilang makipagsapalaran sa Middle East kaysa magtiiis na walang trabaho dito sa bansa na ang unemployment rate ay umabot na sa 14 percent. (KABAYAN, 8/22/04) 3. Labindalawang katao ang naapektuhan, isa ang patay at 11 ang nasa iba’t ibang pagamutan ngayon,matapos malason sa ininom na tubig sa isang liblib na lugar sa Purok 2, Barangay Comonal, 20 kilometro mula sentro ng bayang ito. 4. Sa loob lamang ng ilang buwan mula nang mahirang siyang chairman ng VRB ay nabawasan ang bilang ng insidente ng pamimirata ng CD at VCD sa kalakhang Maynila ng 50% bago matapos ang taong kasalukuyan. 5. Isang airline ang may arawang paglipad mula Singapore at Maynila na nagpapataas ng pagkokonekta sa Changi sa Maynila mula 35 hanggang 42 lingguhang paglipad ng eroplano. Ang Changi ay nag-uugnay sa 140 lungsod sa 49 na bansa sa pamamagitan ng 61 airlines. Dami/Lawak Tiyak Di Tiyak Lokasyon/Direksyon Tiyak Di Tiyak 1. 2. 3.
  • 435.
    13 4. 5. O nagawa moba nang maayos ang nasa itaas? Marahil, malapit dito ang mga isinagot mo. Kung hindi, basahin mong muli ang teksto at nang Makita mo ang informasyon. Dami/Lawak Tiyak Di Tiyak Lokasyon/Direksyon Tiyak Di Tiyak 1. 90 katao hilagang bahagi 49 katao Dhaka 91 bilang 2. mga 3000 Middle East Daang-daang Pilipino Bansa 14 % 3. 12 katao iba’t ibang pagamutan isang patay liblib na lugar sa Purok 20 kilometro 4. ilang buwan 50 % nabawasang bilang Kalakhang Maynila 5. 35-42 linggo Singapore, Maynila 140 lunsod 49 bansa Balikan natin ang artikulong binasa mo. Iyan ay isang informativ na teksto. Bakit ito informativ? Informativ ito kasi nagtataglay ng iba’t ibang ideya, kaisipan at kaalaman tungkol sa isang panlahat na paksa.
  • 436.
    14 Basahing muli nangmabilis ang teksto tungkol sa “Paglaki ng Populasyon at Trabaho” Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng ( ) tsek ang bilang kung ang mensahe ng pangungusap ay informasyong nabasa mo sa “Ang Paglaki ng Populasyon at Trabaho”. ___ 1. Sa pagitan ng taong 1995 at 2004, nagkaroon ng 22 milyong paglaki ng populasyon sa Pilipinas. ___ 2. Ang may pinakamalaking porsyento sa populasyon ay ang mga kabataan. ___ 3. Isang ahensyang labas sa gobyerno ang IBON. ___ 4. Marami sa mga familyang Pilipino ay nagtatrabaho labas sa mga kabukiran o palaisdaan. ___ 5. Karamihan sa kita ng populasyon ay buhat sa sahod at trabahong agrikultural. ___ 6. Ang sabi ng NSO, nabawasan ang walang trabaho, pero hindi ito tinatanggap ng IBON Foundation. ___ 7. Napakalaki ng porsyento ng trabahong nakukuha sa pagbubukid at marahil pati sa paggugubat. ___ 8. Ang mga report istatistiks ay mga pagtatantya para ilarawan ang iba’t ibang sitwasyong panlipunan. ___ 9. Ang laki ng populasyon ay hindi natatapatan ng dami ng trabaho. ___10. Ang NSO ang tanggapang pampamahalaan na nagbibigay ng datos at bilang tungkol sa populasyon at maging sa bilang ng kalagayan sa paggawa. Tsinekan mo ba ang mga bilang ---- 1, 3, 4, 6, 10? Ito ang mga pangungusap na naglalaman ng informasyon mula sa teksto.
  • 437.
    15 Gamitin A. Paghambingin angmga istatistiks sa talaan ng mga presyo ng bilihin sa dalawang taon. Ipinakikita sa mga talaan ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng average ng mga presyo ng mga bilihin na kinokonsumo ng ordinaryong mamimili sa loob ng isang taon. TALAAN 1 TALAAN 2 Presyo ng mga Bilihin (1993) Presyo ng mga Bilihin (1994) Uri ng Bilihin Presyo Bigat Uri ng Bilihin Presyo Bigat Pagkain P 100 0.60 Pagkain P 150 0.60 Damit P 200 0.10 Damit P 220 0.10 Ilaw at Tubig P 500 0.30 Ilaw at Tubig P560 0.30 (Hango sa Tullao, Jr. 2002. Ekonomiya, tao, mundo, at ang ekonomistang guro. DLSU Press) 1. Anu-anong mga bilihin ang itinala sa dalawang talaan? ________________________________________________________ ________________________________________________________ 2. Paghambingin ang presyo ng mga bilihin sa dalawang taon. ________________________________________________________ ________________________________________________________ 3. Ano ang maibibigay mong pahayag sa ganitong pagbabago sa istatistiks ng 1993 at 1994? Isulat ang sagot sa sagutang papel. ________________________________________________________ ________________________________________________________ Ganito ba ang mga sagot mo? 1. Ang mga bilihing itinala sa dalawang taon ay pagkain, damit, ilaw at tubig. 2. Sa dalawang taon, tumaas ang presyon ng pagkain sa P 50; ang damit ay tumaas din sa halagang P 20, samantalang ang ilaw at tubig ay may pagtaas ng P 60. 3. Batay sa istatistiks na nasa talaan, tumaas ang presyo o halaga ng tatlong pangunahing gastusin ng tao. Basahin ang bawat pangungusap/talata at hanapin ang mga ekspresyon ng dami o lawak, direksyon o lokasyon. Ilista sa Kolum A ang ukol sa dami o lawak, sa Kolum B ang ukol sa direksyon o lokasyon. Sa sulatang papel ilagay ang mga sagot.
  • 438.
    16 1. Mga 40kilometro timog – silangan ng Maynila ang dating walang kabuhay-buhay na bayan ng Angono. Dating bahagi ng Rizal, ang may 236 na taong Angono ay maaabot mula sa Maynila sa pamamagitan ng pagdaan ng Pasig-Cainta Floodway. Kolum A Kolum B ____________________ _________________ 2. Ipinagdiriwang ng Angono ang kapistahan ng santo nitong si San Clemente tuwing ika- 23 ng Nobyembre, at pinag-uukulan talaga ito ng preparasyon ng sambayanan. Kolum A Kolum B _______________________ __________________ 3. Noong 1965, nadiskubre ni National Artist for Visual Arts Carlos “Botong” Francisco ang ilang 127 carvings o ukit sa mga pader ng mababaw na kuweba sa Angono, Rizal. Kolum A Kolum B _______________________ __________________ 4. Tinawag ang mga ukit na ito na petroglyphs na sinasabing pinakamatandang artworks sa Pilipinas, na noon pang 3rd millenniun, BC. Kolum A Kolum B ______________________ __________________ 5. Ang mga ukit na may edad 3,000 taon ay binubuo ng mga pigurang tao na may bilugang ulo na nakapatong sa katawang hugis V o rektanggulo na walang leeg at paa. Kolum A Kolum B _______________________ __________________ Nasagutan mo ba? Tingnan mo nga kung ang mga sagot mo ay katulad ng sumusunod: 1. Kolum A Kolum B 40 kilometro timog – silangan ng Maynila bayan ng Angono bahagi ng Rizal pagdaan ng Pasig-Cainta Floodway 2. Kolum A Kolum B Angono 3. Kolum A Kolum B
  • 439.
    17 Ilang 127 carvingso ukit sa mga pader ng mababaw na kuweba 4. Kolum A Kolum B Pilipinas 5. Kolum A Kolum B may edad 3,000 taon nakapatong sa katawang hugis V Kung katulad ng nasa itaas ang sagot mo, tama ka! Subukin Handa ka na marahil sa isa pang pagsubok. Tiyakin natin kung natutuhan mo ang aralin. A. Alam kong marami ka ng pagsasanay sa unahan kaya magiging magaaan at marahil exciting ang aplikasyong ito. Nasa bawat bilang ang ilang maiikling informasyon na magagamit mo sa paghahatid ng mensahe. Pag-aralan ang set ng informasyon at bumuo ng mga pangungusap. 1. unang nanirahan dito ang mga 800 magsasaka-mangingisda sa kapatagan mahuhusay sila sa paggiik ng palay kung panahon ng anihan tinawag silang “mga taga-giik” hindi mabigkas ng mga Kastilang kongkistadores noong 1571 ang “taga-giik” magaan sa kanilang sabihin ang “tagui-ig” (bigkas na /tagig/) kaya naging Taguig ang pangalan ng lugar (Hango sa Taguig Pocket Profile, Taguig Tourism Office/Department of Tourism- NCR) 2. maraming kuwentong alamat at teorya sa pinagmulan ng Pasig pinakakapani-paniwala ang kay Dr. Jose Villa Panganiban si Panganiban, isang linggwista at maraming nasasalitang wika ang Pasig daw ay isang matandang salitang Sanskrit may kahulugang ilog na dumadaloy mula sa isang lagusan ng tubig tungo sa isa pang lagusan sa Pasig River, dumadaloy ang tubig mula Laguna De Bay tungo sa Manila Bay (Hango sa Pasig Pocket Profile, Pasig City Tourism Office/Department of Tourism- NCR)
  • 440.
    18 B. Nakagawa kaba ng mga pangungusap na nagbibigay ng mga informasyon? Marahil malapit dito ang mga sagot mo. Kung malayo, ipakita mo sa guro para maipaliwanag niya ang kakulangan. 1. Noong araw, unang nanirahan dito ang mga 800 magsasaka-mangingisda sa kapatagan. Mahuhusay sila sa paggiik ng palay lalo na kung panahon ng anihan. Dahil doon, tinawag silang “mga taga-giik”. Kaso hindi mabigkas ng mga Kastilang kongkistadores noong 1571 ang “taga- giik”. Mas madali nilang masabi ang “tagig” kaya naging Taguig ang pangalan ng lugar.. 2. Maraming kuwentong alamat at teorya sa pinagmulan ng Pasig. Sa mga ito, ang pinakakapani- paniwala ang kay Dr. Jose Villa Panganiban. Isa siyang linggwista at araming nasasalitang wika. Sa kuwento, ang Pasig daw ay isang matandang salitang Sanskrit na may kahulugang ilog na dumadaloy mula sa isang lagusan ng tubig tungo sa isa pang lagusan. Kita ito sa Pasig River na dumadaloy ang tubig mula Laguna De Bay tungo sa Manila Bay. C. Narito naman ang ilang kaalaman tungkol sa mga istasyon ng radyo at telebisyon sa Pilipinas. Alam mong mahalagang midya ang mga ito sa paghahatid ng informasyon, libangan, sining at maraming paksa. Pag-aralan ang talaan sa ibaba. Pagkatapos, sumulat ng interpretasyon o pagpapaliwanag ng mga istatistiks dito. Number of Stations Area AM FM Total Radio TV TOTAL Philippines 234 84 318 60 378 Metro Manila 27 19 46 5 51 Luzon 82 30 112 17 129 Visayas 53 20 73 16 89 Mindanao 72 15 87 22 109 (PIA, Media Studies Division Research Department. 1987) 1. Ilan ang kabuuang bilang ng istasyong panradyo at pantelebisyon sa Pilipinas? 2. Paano hinati ang buong bansa ayon sa pulo? Bakit kaya ihiniwalay ang Metro Manila? 3. Sa tatlong pulo ng bansa, alin ang may pinakamalaking bilang ng AM radio stations? Alin ang pumangalawa, pumangatlo? Ano ang bilang ng sa Metro Manila? 4. Ilarawan ang datos para sa FM stations ayon sa may pinakamaliit tungo sa pinakamalaking bilang. 5. Paano hinati-hati ang 60 dami ng istasyong pantelebisyon sa bansa? Dapat halos ganito ang nasulat mong sagot. Malapit na malapit ba rito ang sagot mo, mahal na mag- aaral? 1. May kabuuang 378 na istasyong panradyo at pantelebisyon sa buong Pilipinas. 2. May tatlong pulo – Luzon, Visayas at Mindanao. Ang Metro Manila ay ihiniwalay kasi sentro ito ng komunikasyon, komersyo at pamahalaan ng bansa.
  • 441.
    19 3. May pinakamalakingbilang ng AM stations ang Luzon, pangalawa ang Mindanao at pangatlo ang Visayas. May 27 ang AM stations sa Metro Manila. 4. Sa bilang ng FM stations, may pinakamaliit ang sa Mindanao, mas malaki nang bahagya ang Metro Manila, kasunod ang sa Visayas, at ang may pinakamalaking bilang ay sa Luzon. 5. Sa kabuuang 60 istasyong pantelebisyon, may pinakamalaking bilang ang sa Mindanao, pangalawa sa laki ang sa Luzon, kasunod ang Visayas at panghuli ang Metro Manila. Lagumin Sinikap ng modyul na ito na magkaroon ka ng mga sumusunod na kasanayang pangwika: nagagamit ang angkop na mga tiyak at di tiyak na salita/parirala upang magpapahayag ng dami/lawak at direksyon/lokasyon nakagagawa ng simpleng pagpapaliwanag ng istatistiks na bahagi rin ng tekstong informativ natutukoy ang panlahat at ispesifiko o tiyak na datos sa isang pagpapahayg nasasagot ang mga tanong sa tekstong binasa Sa palagay mo, natutuhan mo bang lahat iyan? Kung hindi, puwede mong balikan ang sub-aralin. Paunlarin Basahin mo ang maikling bahagi ng editoryal o pangulong tudling mula sa isang tabloid sa Filipino at humandang sagutin ang ilang tanong tungkol ito. Editoryal Ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ay ipinagdiriwang ang International Literacy Day sa Setyembre 8 ng bawat taon. Ang tema sa taong ito ay “Literacy as Freedom: A Challenge for the 21st Century”. Ang literacy ay bukas na pintuan at pagkakataon para sa mga kabataan na mag-asam ng katuparan at produktibong buhay. Bilang pundasyon ng malayang pag-iisip, ito ay aktibong sinusuportahan para maipatupad. Sa patuloy na pagsusumikap ng lahat ng konsernadong mamamayan, ang pandaigdigang illiteracy rate ay bumaba na. Ito ay pambihirang tagumpay, lalo pa’t ang nabanggit na panahon, ang populasyon ng mundo ay patuloy na tumataas. (BALITA/ Setyembre 8, 2004) 1. Ano ang ipinagdiriwang ng UNESCO kung Setyembre 8? _______________________________________________
  • 442.
    20 2. Sa temangbinanggit, anu-ano kaya ang mga kaisipan, ideya at kaalaman ang dapat talakayin? Pansinin ang malalaking konseptong nasa pamagat - - literacy o ang kakayahang bumasa at sumulat, kalayaan, hamon. ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ 3. Bakit kaya sinabing bukas na pintuan ang literacy? Kapag marunong ka bang bumasa at sumulat, siyempre pati magkompyut sa matematiks, anu-ano ang pakinabang mo sa ganitong kakayahan? __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ 4. Bumaba raw ang illiteracy rate! Paano nagawa ito? Naniniwala ka bang mas marami ngang literate ngayon kaysa noong araw? __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ 5. Sinu-sino ba itong tinawag na konsernadong mamamayan, puwede ring isama ang mga institusyon marahil? __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ Kung ganito ang sagot mo, tama ka! 1. International Literacy Day ang ipinagdiriwang ng UNESCO. 2. Kapag may literacy may kalayaang magpahayag ng kaalaman, saloobin, at nadarama May panawagan na ang buong sambayanan ay maghangad magkaroon ng literasi na maiaaplay sa pang-araw-araw na buhay Hinihikayat na lumahok ang lahat para itaguyod ang literasi 3. Ang pintuan ay kumakatawan sa oportunidad para umasenso o sumulong sa iba’t ibang aspekto ng buhay. Mga larangan sa buhay ito na puwedeng pasukin ng isang nilalang. Kapag may literacy ang tao, lalo’t mataas, makasasalamuha siya sa talakayan sa iba’t ibang paksa. Magkakaroon din siya ng tsansang magkatrabaho at lumago sa kabuhayan.
  • 443.
    21 4. Sa tulunganmarahil ng lahat o ng maraming sektor sa lipunan – paaralan, tahanan, gobyerno, simbahan at institusyong pangkawanggawa, napababa ang illiteracy rate. 5. Ang mga konsernadong mamamayan – bawat individwal na Pilipino, lider at naglilingkuran sa edukasyon, ang media, simbahan, gobyerno lalo na para maglaan ng malaking badyet sa edukasyon. O, ayan tapos mo na ang unang sub-aralin! Pagbati sa iyo! Masaya ka ba sa nakuha mong mga marka sa mga gawain? Simulan mo na ang susunod na Sub-Aralin. Sub-Aralin 2: Pagbuo ng talata mula sa webbing ng mga ideya at konsepto at Pagsasaayos ng mga Pangyayari nang Kronolohikal Layunin: Sa pamamagitan ng sub-araling ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod: 1. nakabubuo ng mga pangungusap mula sa presentasyong biswal o webbing 2. naisasaayos ang mga pangyayari ng isang narativ nang kronolohikal Alamin Mayaman ang mga documentary tv shows sa paglalarawan ng tunay na kalagayan sa lipunan. May ipinalabas tungkol sa isang manggagawa sa konstruksyon at ikinuwento niya ang karanasan. Ang tagpuan ay mismo sa isang napakataas na gusali na may bahagi siya sa paggawa nito. At sinabi niyang may bruskong sikyo na ayaw siyang papasukin dahil sa kasuotan niya. Tipong ang gusto lamang papasukin ng guwardiya ay ‘yung mga nakakurbatang may maayos na pananamit at mabango ang amoy! Ay, naku, paano na ang isang manggagawa kahit na siya ay bahagi ng konstruksyon ng gusaling nakatayo. Di siya pinapasok, kasi wala raw siyang ID!
  • 444.
    22 Linangin Narito ang isangteksto tungkol sa buhay ng isang ama ng tahanan na taga-National Capital Region, sa kalakhang Maynila. Kahawig ito ng documentary tv show na binanggit sa unahan. Tingnan kung ganito rin ang nakikita mong larawan sa iyong paligid. Sabi ni Mang Juan Hindi masama ang mangarap ni Jennelyne Sicabalo (BALITA, Setyembre 22, 2004, p.5) Hawak ang martilyo, pukpok dito, pukpok doon, pala rito, pala roon, halo rito, halo roon. Maghapong pagal ang katawan, puro paltos ang mga kamay, bilad ang katawan sa arawan, madalas inaabutan pa ng ulan. Sa P300 kita sa isang araw, napapatulala si Mang Juan, bumubulung-bulong mag-isa. Mabuti raw sana kung dire-diretso ang gawa sa loob ng isang linggo, depende kung okey ang budget ng nagpapagawa, ngunit kung minamalas-malas ay tatlong beses lang sa isang linggo ang patrabaho. Di pa man napapasakamay ang suswelduhin, binabudget na ng asawa, nakahihinga nang maluwat kung sasapat naman. Napapabuntunghininga kapag bitin pala. Masipag umekstra-ekstra si Mang Juan. Kapag walang gawa, maghahanap ng maeeskstrahan, huwag lang mabakante. Pangarap niya kasing mapag-aral ang dalawang anak kahit mapagtapos man lang ng vocational course, nang sa ganon ay hindi matulad sa kanya na lumaking mangmang. Kung bakit daw kasi hindi siya nakinig sa mga pangaral ng magulang. Paulit-ulit ang pagkukwento niya sa mga anak ng kanyang kabataan upang magsilbing paalala na mahalaga ang may pinag-aralan nang sa ganon hindi mangyaring aapak-apakan ka lang ng ibang tao. Kapos man ay nagsisilbing inspirasyon ang mga pangarap para sa mga minamahal na anak. Masuwerte rin siya dahil masipag tumulong sa paghahanap-buhay ang asawang si Aling Celia. Naglalako-lako ito kapag umaga ng mga gulay kaya naman nakakakain din nang tama ang mga anak. Hindi man maluho ang pagkain ngunit sapat naman huwag lang kakalam-kalam ang tiyan. Minsan naglalakad siya pauwi ng bahay galing sa trabaho. Araw-araw siyang napapadaan sa harap ng Sta. Lucia East Mall (Cainta, Rizal). Napapahinto siya at madalas niya itong minamalas buhat sa di kalayuan. Napapangiti siya at buong pagmamalaking iniisip na, “Isa ako sa mga gumawa niyan. Ang napakatayog na building na ‘yan,” ang kasiyahan sa mukha’y lumalamlam, napawi ang mga ngiti sa labi. Dahil mula pala noong nagbukas ito ay hindi pa siya nakakapasok dito. Minsan niya nang sinubukang pumasok dito ngunit hinarang siya ng guard, bawal daw kasi ang naka-tsinelas sabay tingin mula ulo hanggang paa. Nagmakaawa siya kahit saglit lang tutal naman daw isa siya sa mga gumawa nito. Ngunit hindi pa rin siya pinayagan sa halip sinagot pa siya nito ng “Bakit, binayaran ka naman ah?” Pinapangarap niya balang araw na makakapasok din sila doon kasama ang asawa’t mga anak. Nagpatuloy na siya sa paglalakad na punung-puno ng mga pangarap at umaasang sana’y matupad ito sa pamamagitan ng mga anak
  • 445.
    23 O, nabagbag baang damdamin mo? Siguro medyo napaluha ka ano? Nakita mo ang kahalagahan ng pag-aaral at pagtatapos ng pinag-aralan? Bakit mahalaga ang edukasyon? Kasi kung walang pinag-aralan ang isang tao mahihirapan siyang magkaroon ng isang matatag na hanapbuhay gaya ng naranasan ni Mang Juan, di ba? Pero, mabuti at may pangarap pa rin siya. Importante ang pangarap o layunin sa buhay. May pupuntahan kang tiyak na direksyon. Ikaw, may pangarap ka ba? Dapat! Narito ang ilang tanong para matsek mo ang dapat pinagtuunan ng pansin sa kuwento ni Mang Juan. 1. Ilang araw sa loob ng isang linggo ang pagtatrabaho ni Mang Juan? Bakit kaya hindi anim na araw ang patrabaho sa kanya? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Anu-ano kaya ang isinasama sa pagbabadyet ng kita ng isang familya? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 3. Bakit ganoon na lamang ang pagsisikap ni Mang Juan na huwag mabakante sa trabaho? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 4. Ano ang silbi ng mga pangarap sa kanilang familya? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 5. Ikuwento ang naging karanasan niya sa Sta. Lucia East Mall. Ano ang naging damdamin mo pagkabasa sa bahaging ito ng kanyang narativ? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Ganito ang puwedeng sagot mo. 1. Hindi dire-diretso ang pagtrabaho ni Mang Juan; mga tatlong araw lang depende sa patrabaho ng nagpapagawa. Kung malaki ang badyet, mas maraming araw siyang makapagtatrabaho. 2.Ang para sa pagkain, edukasyon ng mga anak, pamasahe sa pagpasok, damit, gamut kung magkasakit. 3. Para may pantustos siya sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang familya, lalo na ang pagpapaaral sa mga anak.
  • 446.
    24 4. Habang maypangarap, may dahilan sa pagharap sa buhay, para magsikap na mapabuti ang buhay nila sa araw-araw na pagkilos. Kasama sa pangarap ang makatapos ng kahit vocational course dahil kailangan ito sa paghahanap ng trabaho. 5. Hindi siya pinapasok sa mall dahil hindi akma ang kaayusan niya. Sobrang paghamak sa tao ang ginawa ng guard. Nalungkot ako para kay Mang Juan. Pero may iniwang maganda ito sa kanya, ang pagsisikap para hindi na niya, pati ang familya, na huwag danasin ang nangyari sa kanya. Nasagot mo bang lahat nang tama? Kung hindi, revyuhin mo ang teksto. Isang paraan ng paglalahad ng informasyon ay sa pamamagitan ng tinatawag ng concept webbing gaya ng nasa ibaba. Kung susundan mo ang web o sapot ng mga konsepto o informasyon, makabubuo ka ng isang talata. Subukin mo nga na bumuo ng isang talata o lipon ng mga pangungusap tungkol sa “Paggawa ng Sapatos”? pangunahing pinagkakakitaan ng familya kumikita ng P900 pero hindi araw-araw may kitang P300 sa bawat halos P50 bawat pares ng magawang sapatos pares sa kitang P900 maghahati-hati bawat grupo ng pamilya, nakakabuo ang bawat miyembro ng familyang ng 3 pares bawat araw gumawa Marahil, ganito ang naisulat mong talata, ano? Ang paggawa ng sapatos ang pangunahing pinagkakakitaan ng bawat familya. Sa bawat araw na paggawa ng sapatos, nakakatatlong pares ang familya at dito’y may P900 sila. Pero may hatian pa ito kaya lalabas na halos P50 lang bawat pares. Hindi sila araw-araw kumikita kasi may mga buwan lamang na malakas ang pamimili ng mga tao. Kapag bago magpasukan sa klase at kapaskuhan, medyo may kita ang manggagawa. paggawa ng sapatos
  • 447.
    25 Gamitin Isang narativ angbuhay ni Mang Juan. Subuking buuin ang kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1 – 10 sa mga pangyayari sa ibaba. Isalaysay itong pa-kronolohikal, mula sa inaakalang unang nangyari hanggang sa huli. ___ Nakita niya ang hirap ng walang pinag-aralan sa pagkuha ng magandang trabaho. ___ Kaya naglalako ang asawa para makatulong sa maliit na kita ni Mang Juan. ___ Pinag-aaral si Juan ng kanyang magulang pero hindi siya nakinig sa mga pangaral. ___ Wala siyang napag-aralan kahit vocational course man lang dahil sa hindi pagsisikap makatapos. ___ Nang matapos ang gusaling Sta. Lucia East Mall, pinangarap niyang makapasok dito. ___ Naging manggagawa sa mga konstruksyon si Mang Juan pero kulang ang kita para sa sariling familya. ___ Napasok siya sa isang kompanya na may malaking proyekto, isang mataas na gusali ang itatayo. ___ Alam niyang matutupad ang pangarap niya kung makapagtatapos ang mga anak sa pag-aaral. ___ Ngunit nang minsang magtangka siyang pumasok sa natapos na gusaling mall, hinarang siya ng mayabang na sikyu. ___ Mula noon, pinangarap niyang makapasok din siya rito sa pamamagitan ng mga anak na nagsisikap na makapag-aral dahil madalas niyang ikuwento ang kabiguan niya sa pag-aaral. Sa kronolohikal na pagsasalaysay, ganito ang ayos ng mga pangyayari. 3 Nakita niya ang hirap ng walang pinag-aralan sa pagkuha ng magandang trabaho. 5 Kaya naglalako ang asawa para makatulong sa maliit na kita ni Mang Juan. 1 Pinag-aaral si Juan ng kanyang magulang pero hindi siya nakinig sa mga pangaral. 2 Wala siyang napag-aralan kahit vocational course man lang dahil sa hindi pagsisikap makatapos.
  • 448.
    26 7 Nang mataposang gusaling Sta. Lucia East Mall, pinangarap niyang makapasok dito. 4 Naging manggagawa sa mga konstruksyon si Mang Juan pero kulang ang kita para sa sariling familya. 6 Napasok siya sa isang kompanya na may malaking proyekto, isang mataas na gusali ang itatayo. 10 Alam niyang matutupad ang pangarap niya kung makapagtatapos ang mga anak sa pag-aaral. 8 Ngunit nang minsang magtangka siyang pumasok sa natapos na gusaling mall, hinarang siya ng mayabang na sikyu. 9 Mula noon, pinangarap niyang makapasok din siya rito sa pamamagitan ng mga anak na nagsisikap na makapag-aral dahil madalas niyang ikuwento ang kabiguan niya sa pag-aaral. Isang narativ naman ng inang may gifted child ang isalaysay mo. Alam mo ba na ang gifted child ay isang nilalang na may espesyal na talino? May iba’t ibang uri ng talinong maaaring taglayin ng isang gifted child. Lagyan ng bilang ang mga pangyayaring ikinwento ng nanay ni Justin Cebrain (Liwayway, Marso 3, 2003). ___ a. Ceasarian delivery nang ipanganak ko siya. Nasa nursery pa lang siya marami na’ng nakapuna na lagi siyang nakadilat na di tulad ng ibang baby na laging nakapikit. ___ b. Noong nagbubuntis ako sa panganay kong si Justin, lagi akong nagbabasa nang malakas ng kahit anong libro habang may background na classical music. ___ c. Hindi rin siya iyakin. Kung ano ang tulog ng matanda, gano’n din siya. Maghapon siyang dilat at sa gabi siya natutulog nang mahimbing. ___ d. Noon, palagi ko siyang binabasahan ng story book na maraming pictures at mahilig din siyang magbakat ng mga letra ng headlines ng diyaryo. ___ e. Pag may nakita akong nakatatanggap ng award sa school, lagi kong sinasabi sabay himas sa tiyan: “Sana anak, paglaki mo, ganyan ka rin katalino,” sabi ni Mrs. Cebrian, dating guro sa Social Studies sa isang publikong paaralan. ___ f. Sa gulang na 12 ay mahilig pa ring maglaro at makihalubilo sa kapwa bata si Justin.
  • 449.
    27 ___ g. Nasathird year high school na siya ngayon sa Arellano High School, pero hindi niya masyadong iniisip na gifted child siya, kasi naniniwala raw siya na lahat ng tao ay gifted. ___ h. Sa gulang na isa, matatas na siyang magsalita, at siya rin sa sarili niya ang nakatuklas na marunong na siyang magbasa at magsulat sa gulang na 2. ___ i. Tumanggap siya ng Special Award nang sumapit ang graduation dahil kahit siya ang pinakabata sa klase at patapos na ang taon nang magsimula, siya naman ang pinakamatalino. ___ j. Gustung-gusto na niyang pumasok sa paaralan, kaya kahit Disyembre noon at 3 taon pa lang si Justin ipinasok na siya sa isang Day Care Center sa Cavite. Ganito ang pagkakasunud-sunod ng kuweno ng ina ni Justin. b d e j a i c f h g Lagumin Ngayong naharap ka sa maraming pagsasanay, tiyak madali mong natutuhan ang mga kasanayang pangwika sa ibaba: 1. nakabubuo ng talataan mula sa pantulong na biswal tulad ng webbing ng mga konsepto 2. naisasaayos ang mga pangyayaring narativ nang kronolohikal Paunlarin Nasa ibaba ang concept web tungkol sa panlahat na paksang “Ang Mga Bata sa Marikina” (Hango mula sa IBON Facts & Figures, June 30, 2001).
  • 450.
    28 Bumuo ng talatatungkol sa mga konsepto o informasyong ipinapakita ng mga parirala sa web. kumikita sa paggawa isang komunidad sa Marikina River ng sapatos binabaha kapag 4-5 anak bawat malakas ang ulan familya may 80-100 familya _____________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ Isang talataan ang maaaring katulad nito sa ibaba. Kahawig ba nito ang nabuo mo? Ang Barrio Malanday ay isang komunidad sa Marikina River na dahil sa kalapitan nito sa tubig ay binabaha kung tag-ulan. May mga 80 – 100 na familyang nakatira ditto. Bawat familya ay may 4 – 5 anak na katulong ng mga magulang sa paghanap – buhay. Ang ikinabubuhay nila ay paggawa ng sapatos. Kilala ang Marikina sa produksyon ng sapatos. O, ayan natapos mo nang lahat ang pagsasanay sa Sub-Aralin 2. Pagbati! Sub-Aralin 3: Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Inilahad ng Teksto Layunin: Sa pamamagitan ng sub-araling ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. naiuugnay ang pansariling karanasan na malapit sa karanasang inilahad sa teksto 2. nakabubuo ng usapan o dayalog ng mga tauhan batay sa sitwasyon 3. nakagagamit ng mga salitang hango sa ibang wika at natatapatan ng salitang Filipino Barrio Malanday
  • 451.
    29 Alamin Kung nagsa-shopping kayong mga magulang o mga kapatid mo, maging ng mga kaibigan mo, anu-anong seksyon ang gusto mong puntahan? Sa mga kasuotan ba? Sa mga sapatos? Bags? CDs at DVDs at mga tapes na musical? Tumitingin ka ba sa mga brand name? Hinahanap mo ba ‘yung brand na imported o tumitingin ka rin ng lokal na brand? Linangin Sige, basahin mo ang teksto at alamin ang hamon sa mga kabataang katulad mo kaugnay ng pagsa-shopping. Tangkilikin Produktong Pinoy Sa pagtatapos ng Second Buy Pinoy Trade Fair and Exhibit sa SM Megamall, isang kilalang megamall, naging panauhing tagapagsalita si Jose de Venecia, ang pangunahing ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Hinikayat ng ispiker ang mga konsumer ng Pilipino na bumili ng mga produktong yari sa Pilipinas para makatipid at makalikha ng mga trabaho sa kanayunan sa gitna ng paghina pangglobal. Hinamon din niya ang mga lokal na industriya para lalo nilang palawakin ang mga produkto at pagbutihin pa ang pagkilos sa pakikipagkompetensya sa mga prodyuser na dayuhan. Idinagdag pa niya, “Dapat nating ipagpatuloy na pagyamanin ang mga sariling likha. Walang ibang magmamahal sa ating bayan kundi tayong mga Pilipino”. Nagkakaisa ang ispiker at mga industriyalistang dumalo sa seremonya na ang pagbuo at ekspansyon ng maliliit at midyum na industriya ay isang tugon sa kakulangan ng mga trabaho. Buhat dito, maikokomberte ngayon ito sa paglikha ng mga bagong trabaho at paglaon ay ang pagtaas ng kapasidad sa pamimili para sa milyong mga Pilpinong konsumer. Nanawagan din ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na paangatin ang kamalayan ng publiko. Sinabi rin ng organisasyon na tangkilikin ang mga produktong yari ng Pinoy para makatulong sa pagpapanatiling buhay ng mga lokal na industriya at makasulong ang ating ekonomiya. Tinuran pa ng bise presidente ng FFCCCII at tagapangulo ng Buy Pinoy Movement Ad Hoc Working Committee, “Ang tumataas na benta ay hinihikayat sa mga negosyanteng Pilipino na magprodyus pa ng mga produktong kayang bilhin ng marami at may mas mabuting kalidad at mga serbisyo tungo sa pagiging globally competitive natin”.
  • 452.
    30 Ang mga entrepreneurna Pilipino sa kasalukuyan ay nahaharap sa matinding kompetisyon dala ng pagbaba ng tarifa, at sa komitment ng bansa sa World Trade Organization. Dahil dito, nagiging madali ang pagpasok sa bansa ng mga imported na produkto na lumalabas na mas mababa pa ang presyo kaysa mga produktong gawa sa sariling bayan. Ang pagkahibang din ng mga Pilipino sa mga produktong imported at gawa sa ibang bansa ay lalong nagpapahina sa mga produktong gawang Pinoy. Subalit binanggit din ng bise presidente ng FFCCCII na hindi lamang Pilipinas ang dumadanas ng resesyong ekonomiko pagkatapos ng atake ng mga terorista sa Estados Unidos kundi pati na rin ang mga pangunahing partner natin sa kalakalan. (Hango sa Buy Filipino products, JdV urges, Manila Bulletin, Disyembre 4, 2002) Siguro, familyar na familyar sa iyo ang paksa ng teksto sa itaas, ano? Tiyak, marami kang maibabahaging karanasan. O, nakita mo ang diwa ng teksto na humihikayat sa lahat na tangkilikin ang mga likhang lokal, hindi laging ‘yung mga angkat sa ibang bansa ang bibilhin. Nalaman mo na maging ang mga namumuno sa pamahalaan ay nagsasabing importanteng mga Pilipino mismo ang magtulungan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. May mga salita sa teksto na hango sa ibang wika, partikular sa Ingles. Bago natin pag-usapan ang nilalaman ng babasahin, pag-aralan muna natin ang kahulugan ng mga salitang hiram. Ibigay ang pinagmulang salitang Ingles ng mga salitang Filipino na nasa Kolum A. Pagkatapos, hanapin sa Kolum B kung alin ang kahulugan ng bawat salita sa Kolum A. Kolum A Salitang Ingles Kolum B 1. konsumer a. pangunahing kongresista 2. ispiker ng Kongreso b. grupong gumagawa ng mga bagay na mabibili 3. prodyuser c. bagay na yari sa ibang bansa 4. industriya d. buwis 5. produkto e. mamimili 6. imported f. paglawak 7. ekspansyon g. pangkabuhayan na namumuhunan at gumagawa 8. tarifa h. anumang yaring bagay/yaring lokal o dayo i. gawaing pang-organisasyon
  • 453.
    31 Tingnan mo ngakung kahawig nito ang mga sagot mo. Talasalitaan Salitang Ingles Kahulugan 1. konsumer consumer e. 2. ispiker ng Kongreso Speaker of the House a. 3. prodyuser producer b. 4. industriya industries g. 5. produkto products h. 6. imported import c. 7. ekspansyon expansion f. 8. tarifa tariffs d. May mga salita pa bang di mo nauunawaan? Ano ang kahulugan ng entrepreneur? Nakita mo ba ito sa diksyunaryo? Kung walang diskyunaryo, patulong ka sa iyong guro. Pumunta na tayo sa nilalaman ng teksto. Tingnan kung naunawaan mo ang binasa. 1. Saan naging panauhin ang Ispiker ng Mababang Kapulungan? 2. Anu-ano ang sinabi niya sa mga konsumer at prodyuser sa trade fair? 3. Para sa ispiker at industriyalista, paano magkakaroon ng maraming trabaho ang mga Pilipino? 4. Bakit importante ang FFCCII sa kalakalan? 5. Nakabuti ba o nakasama ang pagsali ng Pilipinas sa World Trade Organization? Bakit? Ganito ba ang mga sagot mo? 1. Sa pagtatapos ng Second Buy Pinoy Trade Fair and Exhibit, nagging panauhin si Jose De Venecia, ispiker ng Mababang Kapulungan. 2. Hinikayat niya ang mga konsumer na bumili ng mga produktong lokal at mga prodyuser ang lumikha ng mga gawang pantapat sa global na pamilihan. 3. Para sa kanila, kailangang bumuo at magpalawak ng maliliit at midyum na industriya para dumami ang trabaho sa bansa.
  • 454.
    32 4. Importante angFFCCC11 para iangat ang kamalayan ng publiko sa pagtangkilik sa sariling produkto at nang makasulong ang lokal na industriya natin na puwedeng lumaban sa mga yari sa ibang bansa. 5. Hindi nakabuti sa lokal na ekonomiya natin ang WTO na sinalihan. Madaling nakapapasok sa bansa ang mga angkat na produkto at nagkakaroon ng kompetensya sa mga lokal na prodyuser. Gustung-gusto ng Pinoy ang imported kahit na peke kaya hind mabili ang yaring Pinoy. Maraming katotohanan sa balitang binasa mo ang tungkol sa mga pananaw ng mga Pinoy sa pamimili at sa ekonomiya sa pangkalahatan. Tsekan mo nga kung alin dito ang may katotohanan batay sa mga karanasan mo. a. Mas gusto ng Pinoy bumili ng produktong may kilalang marka, ‘yun bang branded. b. Kasi raw, mas matibay kahit medyo mas mahal kaysa lokal ‘yung branded. c. Huwag nga lang mapepeke ka, maraming imitasyon sa mga panindahan sa tabi-tabi. d. May mahigpit na kompetisyon ang mga lokal na prodyuser sa mga imported na produktong pumapasok sa bansa. Siguro tsinekan mo ang lahat ng titik ano? Tama, lahat ay nagsasabi ng katotohanan sa buhay-Pinoy kaugnay ng pamimili. Pag-aralan mo naman ang isang sitwasyon. Pansinin ang katangian ng mga nag-uusap at paksa ng pag-uusap, gayundin ng tagpuan. Ganito ang paggawa ng usapan o dayalog. Nagpaplanong mamili sina Patty at Lorna para sa kanilang class party habang nasa kantina sila ng paaralan. Pinag-uusapan nila ang bibilhing mga gamit sa parti. Gusto ni Patty na sa Ukay- Ukay sila mamili. Mura daw kasi, lalabhan naman muli ang blusa at paldang kailangan niya. Gusto ni Lorna na sa mall sila mamili ng isusuot sa parti. Gusto niya kasi may brand dahil nakakahiya raw kung hindi kilala ang brand. Igawa sila ng diskusyong padayalog. Nasa kantina sina Patty at Lorna isang hapon. Patty: O, kelan tayo mamimili ng susuot natin para sa class party natin? Lorna: Oo, nga. Gusto mo sa Saturday na? Saan tayo magsa-shopping? Patty: Sa Ukay-Ukay tayo pumunta. May alam ako. Mainam doon, mura. Lorna: E di ba mga luma na ang tinda doon? Patty: E, di pumili tayo ng hindi mukhang luma. Basta ibibilad muna natin sa araw para maalis ang amoy at labhang mabuti. Kailangan ko ng palda at blouse.
  • 455.
    33 Lorna:Ay, ayoko doon.Gusto ko sa mall. Para naman may style. Nakakahiya naman kung hindi branded ang isusuot ko. Patty: Ay, naku. Sige na nga. Samahan mo ako sa Ukay-Ukay at sasamahan kita sa mall. O, may napansin ka bang mga salitang hiram sa Ingles? Paano mo ito ipapahayag sa Filipino? Nakita mo ba ang mga sinalita ng nag-uusap na class party, Saturday. shopping, blouse, branded, mall? May mga katapat ba silang lahat sa Filipino? Ibigay mo nga. Ganito ba ang sagot mo? Saturday – Sabado blouse – blusa class party – pagdiriwang ng klase Hindi lahat ay may katapat sa Filipino, di ba? Mas malinaw kung hihiramin ang shopping (syaping), branded at mall. Nakita mo ang dayalog. Kaya mo na bang sumulat ng isa?. Basta intindihin ang sitwasyon, sinu-sino ang nag-uusap, saan sila nag-uusap, at ano ang pinag-uusapan. Importante rin alamin kung paano sisimulan ang dayalog, paano idedevelop ang usapan at paano magtatapos ito. O, handa ka na ba sa pagsasanay. Tingnan ko kung kaya mong igawa ng usapan ang susunod na sitwasyon. Sitwasyon: Nasa shopping center sina Elmer at Darius dahil kailangan nilang mamili ng pandekorasyon sa klasrum nila. Sila ang nautusang mamili ng mga palamuting pamasko. Nagtatalo sila sa mga pipiliing dekorasyon. Gusto ni Elmer ang parol na yaring Pampanga kasi popular itong bayan sa ganoon. Kulang daw ang pera nila kaya iminungkahi ni Darius na gumawa na lang ang klase. May alam siyang bilihan ng mga papel, kawayan, glue at mga pang-ilaw. Ayaw ni Elmer, kasi baduy daw, hindi class. Sisikapin ni Darius na kumbinsihin si Elmer. Gamitin O, naunawaan mo ba ang aralin? Ngayon, subukan natin kung mailalapat mo ang iyong natutuhan. May programa ang isang kapisanan sa inyong paaralan. Tinawag ang proyekto nila na BUY PINOY at plano nilang magdispley ng eksibit. Kung ganito ang tema ng kanilang proyekto, anu-ano kaya ang dapat na maging ideya/kaisipang ikokonsidera ng kapisanan? Lagyan ng ☺ ang mga bilang na inaakala mong makatotohanang maglalarawan ng tema ng BUY PINOY ng kapisanan. O, handa ka na ba? Sige, basahing mabuti ang bawat aytem ha?
  • 456.
    34 ____ 1. Gumawang poster na may mga banyagang bumibili ng native goods ng Pilipino. ____ 2. Magdispley ng mga T-shirt na may magagandang tanawin ng New York, Hawaii, San Francisco at Washington, D.C. ____ 3. Ilabas lamang ang mga bag, slip on o tsinelas, wallet na yari sa Tsina at Taiwan. ____ 4. Magpatugtog ng awitin ni Aiza Seguerra at kilalang artistang Pilipino. ____ 5. Magpaskil ng mga larawan ng magagandang produkto sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. ____ 6. Piliing magbenta ng mga produkto mula sa Mindanaw at Visayas lamang. ____ 7. Taasan ang presyo ng mga produktong imported para mabili ang lokal na gawa. ____ 8. Magdala ng mga produktong ukit mula sa Paete, gayundin ng mga taka o papier maché na gawa. ____ 9. Tapatan ng branded na produkto ang bawat native product. ____10. Magpamigay ng mga shopping bag na yari sa banig, abaka, katsa, at iba pa. O, ganito mo bang sinagot ang mga tanong sa itaas? May ☺ ang mga bilang na 1, 4, 5, 7, 8, 9, 10. Subukin Basahin ang isang entri sa talaarawan ng isang kabataang katulad mo. Pagkatapos, isulat kung alin sa mga bahagi nito ang kanarasan mo rin sa isang pamamasyal mo sa anumang lugar sa paligid mo. Sumulat ng isang talatang pang-entri sa talaarawan. Ang talaarawan ay pagsulat ng anumang karanasang totoo sa iyo. Para sa iyo ang pagsulat dito. Pero puwede mo rin namang ibahagi sa guro mo ang nilalaman nito. Okey ba sa iyo?
  • 457.
    35 Isulat mo saibaba ang iyong entri sa talaarawan mo na nagpapahayag ng karanasan sa isang paglalakbay o pamamasyal. Tiyak nagsasabi tio ng ilang katotohanang naobserbahan mo. Ipakita mo sa guro ang isinulat mo. Lagumin Pagkatapos ng mayamang pagsasanay, inaasahang natutuhan mo nang malalim ang mga sumusunod na kasanayang pangwika: 1. naiuugnay ang pansariling karanasan na malapit sa karanasang inilahad sa teksto 2. nagagamit ang mga salitang hiram sa Ingles ay nahahanapan ng katapat sa Filipino 3. nakasusulat ng dayalog ayon sa hinihingi ng sitwasyon Nobyembre 5 Dear Diary, Kahapon ay isinama ako ng Auntie ko sa Intramuros, ang tinatawag na “Walled City” at dito ay bakas pa ang impluwensya ng Kastila sa ating panahon. Ang magandang napasyalan namin dito ay ang mga eksibit ng produktong gawa sa CALABARZON. Ang daming produktong gawa sa mga probinsya ng rehiyon. Gustung-gusto ko ng buko pie ng Laguna, ng panutsang may mani na gawa sa Batangas. Marami rin kaming nabiling native bags at souvenir items. Sana ganito kasagana sa ibang probinsya natin at maraming mamimili para kumita naman ang mga gumawa nito.
  • 458.
    36 Paunlarin Bilang panghuling pagsasanay,sikaping unawain ang kagandahan ng isang tuklas sa transportasyon na hango sa www.gov.ph / The Official Government Portal of the Republic of the Philippines. Humandang sagutin ang ilang tanong pagkatapos. Handa ka na ba? Magandang Balita: 900 na vehikulo ng gobyerno gumagamit na ng coco-diesel! Inireport ng Department of Energy (DOE) na may 900 vehikulo ng gobyerno ang nagsimula nang gumamit ng 1 porsyentong coco-methyl (CME) blend para nakatugon ang gobyerno sa programang pagdevelop ng alternatibong hanguan ng gas para sa sektor transportasyon. Ang CME, isang materyal na hango sa coconut oil, ay ginagamit bilang diesel additive o blend o panghalo. Isa itong pinakamahusay na pampatakbo ng makina ng sasakyan, environment friendly fuel, wika nga sa Ingles. Ayon sa DOE, ang paggamit ng CME bilang pandagdag sa diesel ay nagreresulta ng mas mabuting combustion o pagningas, nababawasan ang pagbubuga ng usok at higit na nagiging mabuti ang takbo ng makina ng sasakyan. A. 1. Ano ang alternatibong hanguan ng gas sa pagpapatakbo ng mga sasakyan? 2. Paano ito nakabubuti sa kapaligiran natin, environment friendly, ‘ika nga? 3. Gaano karami na ang gumagamit nitong CME? B. 1. Maibibigay mo ba ang pinaghanguang salitang Ingles ng mga sumusunod? a. vehikulo ______________ b. programa ______________ c. alternatibo _____________ d. transportasyon __________ e. makina ________________ C. 2. Kaya mo naman bang tapatan ng Filipino ang mga sumusunod? a. coconut oil _____________________ b. environment friendly _______________ c. blend _____________________ d. department ________________ e. energy ________________ Ganito ba ang sagot mo?
  • 459.
    37 A. 1. Anoang alternatibong hanguan ng gas sa pagpapatakbo ng mga sasakyan? 2. Paano ito nakabubuti sa kapaligiran natin, environment friendly, ‘ika nga? 3. Gaano karami na ang gumagamit nitong CME? B. 1. Maibibigay mo ba ang pinaghanguang salitang Ingles ng mga sumusunod? a. vehikulo - vehicle b. programa - program c. alternatibo - alternative d. transportasyon - transportation e. makina - machine C. 2. Kaya mo naman bang tapatan ng Filipino ang mga sumusunod? a. coconut oil – langis ng niyog b. environment friendly – mabuti sa kapaligiran c. blend - halo d. department – kagawaran, departamento e. energy – lakas, enerhiya Binabati kita sa iyong masikhay na pag-aaral nang indipendyente. Pagpalain ka. Ngayon naman ang panghuling pagsubok mo para sa modyul na ito! Gaano ka na kahusay? Ngayon ay panahon na upang alamin natin kung marami kang natutuhan sa modyul na ito. Sagutan mo ang pangwakas na pagsusulit na ito. A. Kahulugan ng Salita sa Konteksto Nito Piliin ang tamang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa kahon sa ibaba. Tandaang sa hiwalay na papel isulat ang mga sagot. 1. Napapatulala sa problema ang ibang tao dahil parang walang solusyon para dito. 2. Kaya ako nag-aaral kasi ayokong matawag na kawawang mangmang. 3. Dapat ay may pinag-aralan ka at nang hindi ka apak-apakan ng iba. 4. Sinisiyasat ang lifestyle ng mga politiko tulad ng pag-alam sa kanilang ari-arian at negosyo para malaman ang may maluhong pamumuhay. 5. Isang narativ ang telenobela, kaiba sa isang editoryal sa dyaryo.
  • 460.
    38 B. Tekstong Informativat Narativ Isulat ang N kung narativ o pasalaysay ang bawat bilang; isulat naman ang I kung informativ. ____ 1. Kaylungkot ng kabukiran. Kung maiiwan lamang niya ang pagpapaani ay iniwan na sana. Kinabukasan din ay aalis siya upang magbalik sa masayang Maynila. ____ 2. Ayon sa DOLE naragdagan ang empleyado sa malalaking korporasyon sa Pilipinas. ____ 3. At si Andong ay nagbalik uli sa dating kalagayan. Minsa’y dumulog sa dating pinagtratrabahuhan, nagmamakaamong papasukin muli, ngunit hindi nangangailangan ng tao kaya siya’y hindi natanggap. ____ 4. Ang kauna-unahang international master sa chess sa Asya ay isang Pilipino. Siya si Rodolfo Cardoso na tubong Anda, Pangasinan. ____ 5. Isang pangunahing dahilan sa pagtaas ng halaga ng langis ay ang pang-ekonomiyang paglawak ng China na nagpadagdag sa pangangailangan ng langis sa daigdig. Tumataas din ang paggamit sa India at patuloy na nakikihati sa Asya ang Estados Unidos para sa suplay. ____ 6. Patuloy na naghintay si Leonora sa pagbabalik ng minamahal na prinsipe. ____ 7. Grabe ang air pollution at dapat lamang na hindi na mag-atubili ang pamahalaan sa pagpapatupad ng Clean Air Act. ____ 8. Sinusuri pa rin ng DepEd ang mga librong may maling informasyon. Magpupulong muli ang mga ebalweytor ng mga materyal na panturo sa susunod na linggo. Pagkatapos, gagawa ng mga hakbang ang pamunuan para hindi na maulit muli ang nangyari. ____ 9. Tatlong Filipino pupil ang nagwagi sa isang world painting competition sa Athens, Greece at tumanggap ng mga medalya ng karangalan. Mapapalad na nakapag-uwi ng medalya sa naganap na 10th International Exhibition of Childrens’ Painting sa Athens, ayon sa Department of Foreign Affairs. ___ 10. Nagtapos ako sa Cecilio Apostol Elementary School. Ang tatay ko’y taga-Hagonoy, Bulacan. Magaling mag-Tagalog ang tatay ko; ang mga lolo ko, ang Impong Paciang ko, naku, ang ganda-gandang managalog. aapihin di nakapag-aral kuwento matipid napapatunganga magastos
  • 461.
    39 C. Salita/Parirala naNagpapahayag ng Dami/Lawak, Lokasyon/Direksyon Basahin ang bawat bilang. Piliin ang mga salita/parirala na pahayag ng dami o lawak at markahan ng Dami o Lawak, ang mga salita/parirala na nauugnay sa lokasyon o direksyon na mamarkahang Lokasyon o Direksyon. Pagkatapos, uriin ang bawat sagot kung ekspresyong tiyak o di tiyak. Maaaring higit sa isang sagot bawat ekspresyon ang makikita. Sundin ang halimbawang ito. May minanang lupaing 10 hektarya ang magulang nina Kyla at Marty. Sagot: 10 hektarya – Dami/Lawak, tiyak. 1. Kung ang mga nagrarali hindi man lang makatuntong sa Chino Roces Bridge sa Mendiola, Maynila kahapon, tinulak ni Fr. Robert Reyes, ang running priest, ang kanyang kaisa-isang kariton sa Mabini Hall ng Malacañang. 2. Nagtala ng 1.9 porsyentong pagtaas sa lakas-paggawa ang 3,300 na pinakamataas na korporasyon sa Metro Manila mula Abril hanggang Hunyo, 2004. 3. Sinakop ng serbey mula Hulyo hanggang Agosto ang 500 kumpanya, ngunit 476 lang ang tumugon. 4. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers, sa isang taon ay aabot sa 60,000 ang pagkukulang sa mga guro at humigit-kumulang na 50,000 naman sa silid-aralan, batay sa inilabas ng DepEd sa budget hearing ng kongreso. 5. Mas mataas daw ito kaysa kakulangan ng kasalukuyan 39,535 na guro at 51,947 na klasrum. 6. Ang kakulangan ng klasrum at titser ay mangangahulugan ng dalawang bagay sa edukasyon – mas malalaking bilang ng estudyante bawat klasrum at mas maraming oras ng pagtatrabaho. Magiging larawan ito sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. 7. Sa ganitong hinaharap importante rin na matuto ang lahat ng mag-aaral na maging malikhain sa dalawahan o magkakapares na pag-aaral o kung kaya ay pangkatan. Ang bawat sulok ay paaralan ay gawing aralan. 8. Alam mo ba na ang dengue, kilala ring “Breakbone Fever”, ay isang viral infection na matatagpuan sa 100 bansa at nagdudulot ng mga kalahating milyong pasyente sa pagkarami-raming hospital. Nagdudulot din ito ng milyun-milyong kamatayan bawat taon. 9. Ayon sa National Epidemiology Center, may 2,332 kaso ng dengue sa loob ng unang anim na buwan sa taong 2004 na inireport sa mga hospital sa buong bansa. 10. May pinakamaraming kaso ng dengue sa NCR, Rehiyon III, Rehiyon V at Rehiyon VII. Ang mga nabibiktima ng epidemyang ito ay ‘yung nasa edad 1 buwan hanggang 75 taon.
  • 462.
    40 D. Ang conceptwebbing ay isang paraan ng paghahatid ng mensahe sa biswal na paraan. Ilipat ang mensaheng hatid nito sa anyong talataan. Nasa loob ng bilog ang panlahat na paksa. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ Maari ka nang humakbang patungo sa susunod na modyul. Malugod kitang binabati! mga batang manggagawa klasipikadong di bayarang manggagawa ng familya tumutulong sa mga magulang pagkatapos ng klase tagatahi ng mga butas para sa sintas o tali ng sapatos tagagupit ng mga suwelas ng sapatos tagadikit ng mga bahagi ng sapatos
  • 463.
    41 Modyul 10 Pagpapahayag ngKaalaman sa mga Tekstong Narativ at Informativ A. Kahulugan ng salita sa konteksto nito 1. napapatunganga 2. di nakapag-aral 3. aapihin 4. magastos 5. kuwento B. Tekstong Informativ at Narativ 1. N 6. N 2. I 7. I 3. N 8. N 4. I 9. I 5. I 10. N C. Salita/Parirala sa pahayag ng dami.lawak, direksyon/lokasyon 1. Chino Roces Bridge, Mendiola, Maynila - lokasyon, tiyak, kaisa-isa – dami, tiyak Mabini Hall, Malacañang – lokasyon, tiyak 2. 1.9 porsyento – dami, tiyak/ 3,300 – dami, tiyak 3. 500 kumpanya - dami, tiyak/ 476 – dami, tiyak 4. 60,000 – dami, tiyak/ humigit-kumulang sa 50,000 – dami, di tiyak 5. 39,535 guro – dami, tiyak/ 51,947 klasrum – dami, tiyak 6. dalawang bagay – dami, tiyak/ mas maraming oras – lawak, di tiyak iba’t ibang rehiyon – lokasyon, di tiyak 7. dalawahan o magkakapares – lawak, tiyak/ pangkatan – lawak, di tiyak 8. isang viral infection – dami, tiyak mga kalahating milyon – dami, di tiyak milyun-milyong kamatayan – dami, di tiyak 9. 2,332 kaso – lawak/dami – tiyak/ unang anim na buwan - lawak, tiyak/ buong bansa – lokasyon, tiyak 10. pinakamaraming kaso – lawak, di tiyak NCR, Rehiyon 111, Rehiyon V, Rehiyon V11 – lokasyon, tiyak D. Talata mula sa concept webbing tungkol sa “Mga Batang Manggagawa” Ang mga batang tumutulong sa paggawa sa mga magulang ay klasifikong di bayarang manggagawa ng familya. Pagkatapos ng klase, tagadikit sila ng sapatos, tagagupit ng mga suwelas ng sapatos at tagatahi ng mga butas para sa sintas o tali ng sapatos. Susi sa Pagwawasto
  • 464.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 11 Pagsulat ng Iba’t ibang Uri ng Liham
  • 465.
    2 Modyul 11 Pagsulat ngIba’t ibang Uri ng Liham Tungkol saan ang modyul na ito? Magandang araw sa iyo kaibigan! Heto na naman ako upang magbahagi ng mga kaalaman na magagamit mo sa iyong pang- araw-araw na buhay. Madali lamang ang modyul na ito. Kailangan lamang na mag-ukol kang muli ng kaunting oras upang matagumpay mong matugunan ang mga pangangailangan ng modyul na ito. Sumusulat ka ba sa iyong kaibigan? Nakakatanggap ka ba naman ng liham mula sa kanya? Natitiyak kong nasasayahan ka kapag nakakatanggap ka ng liham mula sa isang kaibigan. Sabik na sabik kang mabasa ang nilalaman ng liham na ito. Kadalasan, itinatabi mo pa ito at binabasa kung minsan lalo na’t wala kang ginagawa. Tama ba ako? Bukod sa liham pangkaibigan, marahil nakatatanggap ka rin ng ibang liham na may mahalagang mensaheng ipinaaalam sa iyo. Tulad ng ibang akda, mahalagang maging maayos at malinaw ang isang liham. Kadalasan, nangangailangan din ng kasagutan mula sa iyo ang liham na iyong natanggap. Sa modyul na ito, tuturuan kitang sumulat ng iba’t ibang uri liham. Bagama’t uso ngayon ang paggamit ng e-mail at text messaging sa paghahatid ng mensahe at naipadadala ito isang iglap lamang, mahalaga pa ring matutunan mo ang pagsulat ng liham. Tulad halimbawa ng pag-aaplay ng trabaho na makatutulong upang pormal mong maipabatid sa isang kompanya ang iyong intensyon sa isang posisyon. Sa pamamagitan naman ng liham-aplikasyon, nalalaman ng isang kompanya ang iyong kwalipikasyon para sa isang posisyon. Malaki ang gamit ng modyul na ito sa iyong hinaharap. Lalo na’t nalalapit na ang panahon na ikaw ay maghahanap ng trabaho. Siyempre, bago mo makuha ang pinakaaasam mong trabaho, kailangang ipakita mo ang iyong pagiging interesado sa posisyon. Mapakikita lamang ito sa pamamagitan ng isang maayos na liham-aplikasyon. Handa ka na ba? Nawa’y magustuhan mong muli ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Isang masayang pag-aaral sa iyo!
  • 466.
    3 Ano ang matututunanmo? Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito, maisasagawa mo ang mga sumusunod: 1. Nakikilala ang mga tiyak na bahagi ng isang liham 2. Nabibigyang-halaga ang wastong paggamit ng bantas sa pagsulat ng liham 3. Nakapagdadaglat ng magagalang na pantawag sa mga taong susulatan. 4. Nalilinang ang pagkamalikhain sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng liham 5. Nakikilala ang mga anyo ng liham na maaaring gamitin sa pagsulat ng liham-aplikasyon 6. Naipakikita ang sariling istilo sa pagsulat ng liham Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Ngayong hawak mo ang modyul na ito, gawin ang mga sumusunod: 1. Kung may malabong panuto o anumang bahagi ng modyul, magtanong sa iyong guro o kung sinumang may ganap na kaalaman. 2. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga sagot sa mga pagsusulit at iba pang gawain. Huwag itutupi ang mga pahina ng modyul dahil gagamitin pa ito ng iba. 3. Itala ang mahahalagang impormasyon at kaisipan sa isang hiwalay na kuwaderno. Makatutulong ito upang madali mong mabalikan ang mga liksyon. 4. Basahing mabuti ang mga babasahin o teksto. Malaking tulong ito upang makamit mo ang mataas na antas na kaalaman. 5. Ang mga tamang sagot (answer key) sa panimula at pangwakas na pagsusulit ay kukunin sa guro pagtakapos mong masagutan ang mga aytem. Maraming salamat kaibigan!
  • 467.
    4 Ano na baang alam mo? Pero bago mo simulan ang mga gawain sa modyul na ito, gusto ko munang tiyakin ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang iyong makuha. Ang layunin ko lamang ay masukat ang iyong kaalaman sa mga aralin. Kaya’t maging matapat ka sana sa iyong pagsagot. Maaari ka nang magsimula. I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pagbibigay-kahulugan. Piliin sa kahon ang letra ng sagot. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong sagot. ________1. Nakasaad dito ang wastong panawag o pamitagan at ang pangalan ng taong sinulatan. ________2. Ito ay ang bahagi ng pamamaalam ng sumulat. ________3. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng liham dahil dito nakasaad ang paksa o ang layunin ng may liham. Mahalaga itong maging malinaw, magalang at tapat upang magkaroon ng tumpak na pagpapakahulugan ang babasa. ________4. Nakasaad dito ang pangalan ng tao o tanggapang padadalhan ng liham. ________5. Nakasaad dito ag tinitirhan ng sumulat at ang petsa kung kailan isinulat ang liham. ________6. Ipinapakilala rito ang sumulat. ________7. Liham na kailangan sa paghahanap ng trabaho ________8. Liham na naglalahad ng saloobin o pananaw ukol sa isang mahalang isyu na nabasa, napanood, napakinggan o kaya ay personal na nasaksihan ng isang tao ________9. Liham na naglalahad ng reklamo ng isang taong direktang nakaranas o naapektuhan ng isang pangyayari, tulad halimbawa ng maling produkto at iba pa ________10. Liham na nagtatanong at nangangailangan ng madaliang kasagutan mula sa sinulatan ________11. Liham na nagpapasalamat sa isang samahan o institusyon na nagbigay ng donasyon, serbisyo, o ng anumang tulong na hindi matutumbasan ng salapi ________12. Ito ay isang liham na nagsasabi kung ano ang inoorder o kaya’y hinihiling sa isang institusyon, organisasyon o kaya’y ng isang samahan o opisina.
  • 468.
    5 Patutunguhan Liham-Karaingan PamitagangPangwakas Liham-Aplikasyon Liham sa Patnugot Katawan ng Liham Liham-Pasasalamat Liham-Pagtatanong Pamuhatan Liham-Kahilingan Lagda Bating Pambungad II. Piliin ang sagot sa hanay B. Isulat ang letra ng bantas na ginagamit sa: A B _____1. bating panimula ng liham-pangangalakal. a. panipi (“”) _____2. pamagat na kasama sa pangungusap. b. kudlit (‘) _____3. hulihan ng mga salitang pinaikli o dinaglat. c. gitling (-) _____4. dulo ng pangungusap na patanong. d. tandang pananong (?) _____5. hulihan ng pangungusap na padamdam. e. kuwit (,) _____6. petsa upang ihiwalay ang araw sa taon. f. tutuldok (:) _____7. pahayag ng isang tao na isinama sa pangungusap. g. tandang panamdam (!) _____8. pagitan ng panlaping ika at tambilang. h. tuldok (.) _____9. panghalili sa isang kinaltas na titik. _____10. hulihan ng pangungusap na pasalaysay. III. Isulat sa sagutang papel kung anong anyo ng liham ang mga sumusunod. Piliin ang sagot sa ibaba. A. Semi-Blak B. Ganap na Blak C. Modifay Blak (Semi-Block Style) (Full Block Style) (Modified Block Style) 1. 2. 3. Kung tapos ka na, kunin mo na sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Kamusta ang performans mo sa pagsusulit? Palagay ko, kailangan mo pa ang modyul na ito. Sige, simulan mo na. ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ___________________ _______________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________________________________________________ ___________________________________________________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ___________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ___________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ ________________ ________________
  • 469.
    6 Mga Gawain saPagkatuto Sub Aralin 1: Mga Bahagi ng Liham Mga Layunin Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang nagagawa mo ang sumusunod: 1. Nakikilala ang mga tiyak na bahagi ng isang liham 2. Naisasaalang-alang ang mga bahagi ng liham sa pagsulat 3. Nakasusulat ng isang liham-pangkaibigan Alamin Ang pagsulat ng liham ay isang kasanayang mahalaga mong matutunan. Sa pamamagitan ng liham, maaari mong maihatid sa isang taong nasa malayong lugar ang mensaheng nais mong sabihin sa kanya. Dahil layunin ng liham ang maghatid ng mensahe, mahalagang maging maayos ito. Nakatataba ng puso ang makatanggap ng liham, sapagkat hindi tulad e-mail o text-messaging, masasabing tunay na pinagbuhusan ng oras at panahon ng sumulat ang liham. Kailangan pa niyang mag-isip ng magandang panimula at pangwakas, maghanap ng magandang papel at sobre, at personal na pumunta sa post office upang maihulog ang liham. Kung minsan, may sarili pa siyang istilo ng pagtutupi ng papel at gumagamit ng mababangong papel at bolpen. At bumibilang pa ng ilang araw bago matanggap ng pinadalhan ang liham ng pinaghirapan ng sumulat. Dahil sa mga ito, maituturing din isang sining ang pagsulat ng liham. Ano, gusto mo bang malaman kung paano ka makasusulat ng isang maayos na liham? Halika, at tutulungan ka ng moyul na ito Handa ka na ba? Sige, simulan mo na sa pamamagitan ng pagbasa sa halimbawang liham ibaba.
  • 470.
    7 Linangin Dapat siguro aybalikan natin ang mga bahagi ng liham. Basahin mo ang halimbawang ito: 45 Rue de Maubege Paris Ika-12 ng Hulyo, 1889 Sr. D. M. H. Del Pilar, Minamahal kong kaibigan: Tinanggap ko ang sulat mo sampu ng mga salin ng “Defensa ni Blumentritt.” Mabuti at mahusay ang pagkalimbag, kaya nga malaki ang aking pasasalamat sa inyong lahat diyan. Ako’y galing sa Londres, kaya hindi ko natanggap sa kapanahunan ang iyong sulat. Kalakip nito ang dalawang daang pesetang iniaalay sa Sol. Ng mga kababayan kong taga-Kalamba. Higit sa rito ang kanilang ipinadala sa aking gamitin sa bala kong ibigin: ngunit kinikipkip ko ang iba ay ako’y may pinaglalaanang sukat pagkagastahan. Ang dalawang daang pesetang ito’y inyong itago para sa perio. La Sol. Huwag kayong makalimot magpadala ng mga sipi sa Kalamba, D. Mateo Elejorde, boticario del pueblo. Malaki ang pagmamahal nila sa ating matapang na Sol. Gayon din naman, padalhan ninyong palagi si Pedro Ramos sa Londres 21 Billiter Street, kalakip ang ipadadala kay Regidor sapakat si Ramos ay nagbayad sa akin ngayon ng kanyang trimester I, 25. Nagkukulang daw siya ng No.8. Si Abarca dito ay nagkukulang ng No.8 at 1, at ako’y nagkukulang ng No.10 o ng katapusan ng aking sulat kay Desbarrantes, ani mo. Mamatamisin ko sanang ako’y padalhan mong lagi ng maraming sipi sapagkat aking ipinadadala sa Filipinas ang lahat. Doon dapat itong basahin. Pag-ingatan ninyo ang pagpapadala sa Maynila, sapagkat balita ko ay sinusunog daw ng Cpn. Heneral ang mga siping dumarating. Baluting magaling at imisin. Gayon din naman, kinatutuwaang totoo doon ang mga librito at iba’t iba pang sulat. Mula sa susunod na bilang ay magpapadala ako sa bawat isa ng artikulo. Upang huwag kayong totoong magastahan sa pagpapadala ng mga sipi rito sa Paris, ay ganito ang magagawa. Dalawang tali, isa kay Luna at sa mga Pardo, at isa sa akin, Ventura, Abarca, Trinidad, etc., etc. Sabihin ninyo sa aking kung kinakapos ng salapi ang Sol. Isasabay kong ipadadala ang Memoria ni Blumentritt na aking ipalilimbag at aking pagkakagastahan. Ako ang maghuusay ng mga puweba. Sabihin sa akin kung magkano ang magagasta sa isang libong salin. Ibati ninyo ako kay D. Teodoro Sandiko. Sa banta ko ay akin siyang kakilalang malaon doon pa sa Pandakan o sa Ateneo Municipal; isa manding mahagway na lalaki, mahawas ang mukha, magaan ang kilos. Kung sakali at hindi siya yaon, gayon ma’y kikilalanin niya sa akin ang isa mong kababayan at kaibigan, at isang namamangha sa lahat ng kanyang ginawa sa Malolos. Ang mag-aral ng Filosofia at Letras ay isang totoong mabuting akala, at ang mga binatang paris niya ay makapapasa-Madrid at maaasahang hindi masisira sa masamang hanging sumisimoy doon. Dapat lamang bumalik sa Pilipinas.
  • 471.
    8 Hindi ko nakakausapsi Rojas, sapagkat ako’y bagong galing sa Londres, pagod at may munting damdam. Ipalimbag mong madali ang kay Desbarrantes at nang maipadala sa Maynila ang mga librito. Katulong ako sa paggasta. Gayon din naman ang Por Telefono. Ano ang ginagawa ni Graciano at hindi tumutulong? Yaong artikulong “Diputado Por Filipinas” na gawa ni Regidor ay mabuti, ngunit sinabi ko sa kanya na di dapat niyang gisingin ang regionalismo o provincialismo. Kapag mayroon tayong mabuting ugali o puri ay dapat nating iparatang sa lahat ng provincia, sa lahat ng anak ng Pilipinas. Isasama ko rito ang sulat ni Blumentritt. Ipadala ninyo sa kanya ang sagot sa kanya, gayon din sa akin ang sagot sa akin. Inaasahan kong pinadalhan ninyo ng maraming salin si Blumentritt ng kanyang Defensa. Sa mga marinerong napasasa Maynila ay magpadala kayo ng marami, sa Correo, at iba’t iba pang daan. Huwag nating limutin na doon tayo dapat magtanim kung ibig nating pumitas ng bunga. Ipanatanto ko sa aming mga provincia ang tunay mong pangalan sampu ng iyong ukol. Inaasahan kong ang halimbawa mo at ang guhit ng iyong pluma ay makagigising sa marami. Sa lagay mong iyan ay hindi ka makauurong. Namatay ang isa kong bayaw sa kolera, at dahil sa ngalan ko’y hindi inilibing sa Campo Santo. Ito’y hindi ko dinaramdam, talastas mo na ang isipan ko sa bagay na ito, ang pamilya ko ay gayon din, ngunit ang masamang akala ang dapat kong siyasatin at usigin. Ito na lamang muna, at ibati mo ako sa lahat ng ating kaibigan at kababayan. Ano ang lagay ni Panganiban? Ang iyong kaibigan, Rizal Natutuwa ako sa balita mo na si Rogers ay tutulong; sa banta ko ay ang halimbawa ninyo ang nakahihikayat sa kanya; walang paris ang mabuting halimbawa. Dapat sana naming si Canon ay tumulong. Sagutin mo ako kung iyong tinanggap ang salapi. Vale. Sino ang sumulat ng liham? Si Jose Rizal nga. Napakaraming liham ang naisulat ni Dr. Jose Rizal para sa mga iba’t ibang tao. Sa katunayan, may isang librong naglalaman lamang ng mga liham na kanyang naisulat. Ang mga liham na ito ay mahalaga dahil gumanap ito ng mahahalagang papel sa kasaysayan ng ating bansa. Taglay din ng mga liham ni Rizal ang kasiningan kung kaya’t nakawiwili itong basahin.
  • 472.
    9 Sino sa mgabinanggit na pangalan sa liham ang kilala mo? Binanggit mo ba sina del Pila, Blumentritt, Graciano (Lopez Jaena) at Sandiko? Lahat sila ay may mahalagang papel sa kasaysayan n gating bansa, di ba? Ano ang nilalaman ng liham ni Rizal? Ang suporta at ang mga tagubilin tungkol sa paglalahatla ng La Solidaridad di ba? Gayundin ang paghihikayat na palaganapain sa Pilipinas ang nilalaman ng La Solidaridad. Nagustuhan mo ba ang nilalaman ng liham? Kapansin-pansin ang mahigpit na pagsunod ni Rizal sa mga bahagi na dapat taglayin ng isang liham. Nalalaman mo ba ang mga bahagi ng liham na aking sinasabi? Kung hindi pa, subukan mong gawin ang mga ipagagawa ko sa iyo. Mula sa liham na iyong binasa, tukuyin mo ang pamuhatan. Kung ang sagot mo ay ang sumusunod, ay tama ka. 45 Rue de Maubege Paris Ika-12 ng Hulyo, 1889 Ang pamuhatan ay nagsasaad ng tinitirhan ng sumulat at petsa nang sulatin ang liham. Ngayon, tukuyin mo naman ang bating panimula. Kung ang iyong sagot ay ang sumusunod, ay tama ka. Minamahal kong kaibigan Ang Minamahal kong kaibigan ang napiling gamitin ni Rizal sa kanyang liham. Ang bating panimula ay magalang na pagbati na maaari ring pinangungunahan ng Ginoo, Ginang, Mahal na Ginoo o Mahal na Ginang. Mahalaga na angkop sa taong padadalhan ng liham ang bating panimula na gagamitin. Kung natukoy mo ang unang dalawang bahagi ng liham, tiyak na alam mo na ang katawan ng liham. Ang katawan ng liham ay naglalaman ng pinakamahalagang mensahe na nais ipabatid ng sumulat sa sinusulatan. Kumbaga sa pagkain, ito ang sustansya na mahalagang makuha natin. Siyempre, kung mayroong bating panimula, mayroon ding bating pangwakas. Tukuyin mo nga ang bating pangwakas na ginamit ni Rizal sa kanyang liham? Kung ang iyong sagot ay ang sumusunod, tama ka. Ang iyong kaibigan, Ang bating pangwakas ay ang bahagi ng pamamaalam ng sumulat. Ito ay tinatapos ng kuwit.
  • 473.
    10 Siyempre, hindi puwedengmawala ang lagda ng sumulat. Ito ang pangalan ng sumulat ng liham. Ngayon, isa-isahin mo nga ang mga bahagi ng liham. Ang mga bahagi ng liham ay ang mga sumusunod: Pamuhatan Bating panimula Katawan ng liham Bating pangwakas Lagda Kung nasasabi at nauunawaan mo na ang mga ito, tiyak na magiging madali na ang mga susunod na gawain na inihanda ko para sa iyo. Ngunit bago mo puntahan ang mga gawain, iyo munang alamin ang ilang mga halimbawa sa ibaba: Mga halimbawa ng bating panimula: Mahal kong _____________, (ginagamit sa mga impormal na liham) Kgg. na ______________, (ginagamit sa may matataas na katungkulan) Mga halimbawa ng bating pangwakas: Lubos na gumagalang, Matapat na sumasainyo, Sumasaiyo, Mahalagang angkop sa taong padadalhan mo ng liham ang bating panimula at pangwakas na iyong gagamitin. Kadalasan kasing nadidismaya ang taong nakatanggap ng liham kung mali o di angkop ang ginamit na bating panimula at pangwakas ng sumulat. Narito pa ang mga dapat mong tandaan: 1. Gamitin/Isulat ang pangalan ng buwan sa halip na bilang ng buwan. Halimbawa: Wasto: Disyembre 16, 2004 Mali: 12/16/04
  • 474.
    11 2. Gamitin/Isulat angpetsa ng buwan sa halip na ngalan ng araw. Wasto: Oktubre 17, 2004 Mali: Sabado 3. Maging maingat sa kawastuan ng anumang isinusulat sa liham. 4. Kinakailangang maging tiyak ang nilalaman ng liham. Ngayong alam mo na ang ilan sa mahahalagang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng liham, maaari mo nang puntahan ang susunod na gawain. Tukuyin mo naman kung anong bahagi ng liham ang mga sumusunod. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong sagot. 1. Brgy. Calaoan, Sta. Cruz Ilocos Sur Ika-17 ng Oktubre, 2004 2. Matalik kong kaibigan, 3. Rowena Mendol 4. Ipagpaumanhin mo ang aking madalang na pagsulat ito ay dahil sa masyadong akong abala sa aking pag-aaral. Alam kong ikaw rin ay abala sa iyong pag-aaral at isa pa, naibalita mo sa aking kasapi sa bilang manunulat ng inyong pahayagan. Ayos naman dito, wala pa ring nagbabago. Malapit na nga pala ang piyesta. Makauwi ka sana. Balak nga pala ng ating mga kaklase na magkaroon tayo ng reunion sa aming bahay sa darating na piyesta. Sana makauwi ka at magkita-kita tayong muli. Siyempre, hinding-hindi mawawala ang mahabang-mahabang nating kwentuhang magkakaklase. Ang batch lang ‘ata natin ang may magandang pagsasamahan di ba? Alam kong sasang-ayon ka sa akin. O sige na, pasensya ka na kung medyo maikli ang liham ko. Gusto ko lamang kitang kamustahin at ipaalam din na ayos naman ditto sa ating lugar. 5. Ang matapat mong kaibigan,
  • 475.
    12 Kung ang iyongsagot ay tulad ng mga sumusunod, ay tama ka. 1. pamuhatan (heading) 2. bating panimula (salutation) 3. lagda (signature) 4. katawan ng liham (body of the letter) 5. bating pangwakas (complementary close) Gamitin 1. Matapos mong matukoy ang mga bahagi ng liham, kumuha muli ng isang buong papel at ayusin ang ikalawang liham. Ayusin ito tulad ng ginawang pagkakaayos ni Jose Rizal ng kanyang liham para kay Marcelo H. del Pilar. Brgy. Calaoan, Sta. Cruz Ilocos Sur Ika-17 ng Oktubre, 2004 Matalik kong kaibigan, Rowena Mendol Ipagpaumanhin mo ang aking madalang na pagsulat ito ay dahil sa masyadong akong abala sa aking pag-aaral. Alam kong ikaw rin ay abala sa iyong pag-aaral at isa pa, naibalita mo sa aking kasapi sa bilang manunulat ng inyong pahayagan. Ayos naman dito, wala pa ring nagbabago. Malapit na nga pala ang piyesta. Makauwi ka sana. Balak nga pala ng ating mga kaklase na magkaroon tayo ng reunion sa aming bahay sa darating na piyesta. Sana makauwi ka at magkita-kita tayong muli. Siyempre, hinding-hindi mawawala ang mahabang-mahabang nating kwentuhang magkakaklase. Ang batch lang ‘ata natin ang may magandang pagsasamahan di ba? Alam kong sasang-ayon ka sa akin. Sige na, pasensya ka na kung medyo maikli ang liham ko. Gusto ko lamang kitang kamustahin at ipaalam din na ayos naman ditto sa ating lugar. Ang matapat mong kaibigan, Ihambing mo rito ang iyong ginawa.
  • 476.
    13 Brgy. Calaoan, Sta.Cruz Ilocos Sur Ika-17 ng Oktubre, 2004 Matalik kong kaibigan, Ipagpaumanhin mo ang aking madalang na pagsulat ito ay dahil sa masyadong akong abala sa aking pag-aaral. Alam kong ikaw rin ay abala sa iyong pag-aaral at isa pa, naibalita mo sa aking kasapi sa bilang manunulat ng inyong pahayagan. Ayos naman dito, wala pa ring nagbabago. Malapit na nga pala ang piyesta. Makauwi ka sana. Balak nga pala ng ating mga kaklase na magkaroon tayo ng reunion sa aming bahay sa darating na piyesta. Sana makauwi ka at magkita-kita tayong muli. Siyempre, hinding-hindi mawawala ang mahabang-mahabang nating kwentuhang magkakaklase. Ang batch lang ‘ata natin ang may magandang pagsasamahan di ba? Alam kong sasang- ayon ka sa akin. O sige na, pasensya ka na kung medyo maikli ang liham ko. Gusto ko lamang kitang kamustahin at ipaalam din na ayos naman ditto sa ating lugar. Ang matapat mong kaibigan, Rowena Mendol 2. Sumulat ka sa isang kaibigan. Ibalita mo sa kanya ang ilang kawili-wiling kaganapan sa inyong pook o sa iyong sarili. Pagkatapos mo, ipakita ang nabuong liham sa guro para malaman mo kung tama o hindi. Lagumin Natutuhan mo sa sub-araling ito ang mga bahagi ng liham: Pamuhatan – nakasaad dito ang tirahan ng sumulat at kung kailan isinulat ang liham Bating panimula – pagbati sa sinusulatan Katawan ng liham – nakasaad dito ang paksa o mahalagang mensahe nais iparating ng sumulat sa kanyang sinulatan Bating pangwakas – bating pangwakas ng sumulat ng liham
  • 477.
    14 Lagda – pangalanng sumulat Ang lahat ng ito ay mahahalagang bahagi ng liham na kailangan mong isaalang-alang sa pagsulat. Subukin Marahil, may mga kaibigan kang nais mong sulatan ngunit kadalasan ay wala kang oras o panahon. Ito na ang panahon upang sulatan mo siya. Alam kong nais mo siyang kamustahin at mapasaya sa pamamagitan ng liham mo sa kanya. Sa isang hiwalay na papel, ilista ang pangalan ng lima (5) mong kaibigan na gusto mong sulatan. Pagkatapos, sabihin mo sa ilang pangungusap/parirala kung ano ang gusto mong sabihin sa kanila. Gayahin ang format sa susunod na pahina. Pangalan ng Kaibigan Gustong Sabihin 1. 2. 3. 4. 5. Mula sa limang kaibigan mo, piliin mo ang isang kaibigan na sa palagay mo ay mahalaga mong masulatan sa lalong madaling panahon. Isang kaibigan na talagang madalang na mong nakikita o nakakasama. Marahil, marami kang gustong sabihin sa kanya tungkol sa iyong sarili, sa iyong mga pangarap sa buhay, sa inyong mga karanasan bilang magkaibigan, at marami pang iba. Kung masusulatan mo siya, sigurado akong matutuwa siya. Handa ka na bang sulatan ang iyong kaibigan? Kung handa ka na, mag-isip ng magandang bating panimula at pangwakas na angkop na angkop sa iyong kaibigan. Ayusin mo na rin sa iyong isip ang mga nais mong sasabihin sa kanya. Pagkatapos mong isulat ang liham, muli mo itong ipakita sa iyong guro para mapahalagahan.
  • 478.
    15 Paunlarin Ngayong alam mona ang kaibigang nais mong sulatan, simulan mo na sa isang hiwalay na papel ang iyong liham. Maaari kang gumamit ng mga magaganda at mababangong papel. Matapos mong maisulat ang liham, ipakita mo ito sa iyong guro. At kung hindi naman masyadong personal ang laman ng iyong liham, hinihiling kong basahin mo ito sa harap ng isang kaklase. Siyempre, kailangan ang kaunting introduksyon sa taong iyong sinulatan. Ito ay upang magkaroon naman ng ideya ang iyong kaklase sa taong iyong piniling sulatan. Binabati kita dahil natapos mo na ang unang sub-aralin sa modyul na ito. Nawa’y lalo pang madagdagan ang iyong kasipagan sa susunod na sub-aralin. Tuluy-tuloy lang kaibigan. Ang lahat ng ito ay para rin sa iyo. Sub-Aralin 2: Wastong Paggamit ng mga Bantas sa Pagsulat ng Liham Mga Layunin Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang nagagawa mo ang sumusunod: 1. Nabibigyang-halaga ang wastong paggamit ng bantas sa pagsulat ng liham 2. Nasasabi ang saloobin ukol sa isang mahalagang isyu sa pamamagitan ng liham sa patnugot 3. Nakasusulat ng liham sa patnugot Alamin Maraming nagaganap sa iyong kapaligiran na kadalasan ay nakaaapekto sa iyo. Tulad halimbawa ng pagtataas ng pamasahe at mga bilihin, kaguluhan sa Mindanao at iba pa. Bilang isang kabataang Pilipino, kung minsan ay naglalahad ka ng iyong opinyon at saloobin ukol sa mga ito. Sa iyong pagbabasa ng diyaryo, panonood ng telebisyon, at pakikinig sa radyo, nalalaman mo ang mga maseselang isyu o usapin na sa palagay mo ay may malaking epekto sa iyo bilang isang mamamayang Pilipino. Nagpapatunay lamang ito na malay ka o alam mo ang mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Ngunit sapat bang sabihin mo lamang sa iyong kausap ang iyong mga opinyon o saloobin ukol sa mahalagang isyu na iyong nabasa sa dyaryo? Paano mo ito maipaparating sa mas maraming bilang ng mga Pilipino? Gusto mo bang maiparating sa kinauukulan ang mga ito? Paano?
  • 479.
    16 Isang epektibong paraanay ang pagsulat ng liham sa editor ng isang pahayagan. Kaya mo ba itong gawin? Sa sub-aralin na ito, tuturuan kitang gumawa ng liham na naglalahad ng iyong opinyon o saloobin ukol sa isang mahalagang isyu o paksa. Tuturuan din kitang gumamit ng mga bantas upang lalong maging epektibo at maayos ang iyong liham sa patnugot. Handa ka na ba? Linangin Sige, simulan mo ito sa pamamagitan ng pagbasa sa balita sa ibaba. Taas ng Presyo ng Bilihin Tuloy sa '05 - BSP Marie Gaddi / Allan Nam-Ay Tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa susunod na hati ng taong 2005 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas). Ito ang sinabi ni BSP Deputy Governor at officer-in charge Armando L.Suratos sa isinagawang budget hearing sa House of Representatives committee on appropriations. Gayunpaman, umaasa si Suratos na mapipirme sa apat hanggang limang porsiyento ang implasyon taong 2004 hanggang 2006 at nangakong magpatuloy sa kanilang pamamalakad maliban kung magkakaroon ng inflationary pressures, ayon kay Suratos. Tinawag na “inflationary pressures” ang pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, at pamasahe. Wala pa ring katiyakan kung kailan titigil sa pagtaas ng presyo ng langis ng mga bansang mayayaman sa langis kagaya ng Middle East at Nigeria. Sa pinakahuling datos na inilabas ng New York Mercantile Exchange, aabot sa $53.48 ang halaga kada bariles ang langis, sabi ng BSP. Sinabi pa ni Suratos sa nasabing pagdinig na patuloy sa pag-monitor ang BSP bago sila gumawa ng kaukulang pagbabago sa pamamalakad. Ayon naman kay BSP Assistant Governor Diwa C. Guinigundo, “nakasalalay sa policy- making body ang mga pamamalakad, kung babaguhin o hindi ang klase ng polisiya nang ahensya”. Hindi nagbago ang singil na 6.75 porsiyento sa overnight borrowing at 9 porsiyento sa overnight lending sa 12 taon.
  • 480.
    17 Pinipilit ng InternationalMonetary Fund sa BSP na bantayang mabuti at labanan ang mga inflationary pressure at maglabas ng mga bagong patakaran sa paniningil kung kinakailangan kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng mga interest rate at presyo ng langis. (Pinagkunan: Pinoy Weekly, Oktubre 13, 2004) Ano ang isyung inilahad sa balita? Ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tama ka! Pagkatapos, pag-aralan kung paano nagbigay ng kanyang sariling saloobin o opinyon ukol sa isyu ang sumulat ng liham sa patnugot. Ika-17 ng Oktubre, 2004 Rogelio L. Ordoñes Editor, Pinoy Weekly Unit-5, 3890 L. Roces Street, Sampaloc, Manila G. Ordoñes: Isang magandang araw po sa inyo. Nabasa ko po ang balita sa isang isyu ninyo ng Pinoy Weekly noong ika-13 ng Oktubre 2004, na may pamagat na “Taas ng Presyo ng Bilihin Tuloy sa '05 – BSP” na isinulat nina Marie Gaddi at Allan Nam-Ay. Lubha po akong nabahala sa sinasasi ng balita. Sa kasalukuyan, wala pong tigil ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, kung kaya, ang dating kasyang-kasyang kinikita ng aking Tatay, ngayon po ay kulang na kulang na. Kailangan po naming isakripisyo ang ilang mga bagay upang matugunan ang mas mahahalagang pangangailangan ng aming pamilya. Ibayong pagtitipid na rin po ang ginagawa ng aking pamilya upang mapagkasya ang kakarampot na suweldo ng aking Tatay. Bilang isang kabataang Pilipino, hindi po maialis sa akin ang lubos na mabahala. Ang mga bilihin po ang patuloy sa pagtaas ngunit ang kinikita naman po ng aking Tatay ay tulad pa rin ng dati. Habang tumatagal po, parang lalong nababaon sa hirap ang aking pamilya. May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? Kung matutuloy po ang sinasabi ng balita na pagtaas ng presyo ng bilihin sa taong 2005, tiyak ko pong sobrang hirap ang daranasin ng aking pamilya. Sana’y gawin ng mga may mga katungkulan ang kanilang makakaya upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Pagtuunan sana nila ng pansin ang tumitinding problema ng kahirapan sa ating bansa.
  • 481.
    18 Anong uri ngliham ang iyong binasa? Paano ito naiiba sa ibang liham? Ang iyong binasa ay isang halimbawa ng liham sa patnugot ng isang pahayagan. Ito ay isang uri ng liham na naglalahad ng sariling opinyon o pananaw ng mambabasa sa isang mahalagang isyu o paksa. Ano ang damdamin ng sumulat tungkol sa isyu ng pagtaas ng bilihin? Pagkabahala di ba? May halong takot. Bakit siya nababahala? Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na sumusuporta rito: 1. Maliit lang ang kita ng kanyang Tatay. 2. Maaga silang makakaaho sa kahirapan. 3. Pataas nang pataas ang bilihin pero ang sweldo ay hindi nagbabago. 4. Kumikilos ang pamahalaan para malutas ang problema. 5. Sobrang hirap an daranasin ng kanyang pamilya. Nilagyan mo ba ng tsek ang 1, 3, at 5? Tama ka kung gayon. Tulad ng liham-pangkaibigan na ating natalakay na, mahalaga ring taglayin ng liham sa patnugot ang mga sumusunod na bahagi: Pamuhatan Bating panimula Katawan ng liham Bating pangwakas Lagda Ngunit bukod sa mga ito, ano pang imformayon ang ibinigay ng sumulat? Ano ang ipinakikita nito?
  • 482.
    19 Hindi ba’t pagkataposng lagda ay isama ng sumulat ang kanyang tirahan. Ito ay nagpapakita ng pagiging tapat at handa sa anumang maging resulta ng liham kapag nailathala na. Bukod sa mga ito, ano pa sa palagay mo ang dapat taglayin ng isang maayos na liham? Paano magiging malinaw ang mahalagang sinasabi nito? Kung ang iyong iniisip ay ang wastong paggamit ng bantas, tama ka. Ang paggamit ng bantas ay nakatutulong upang maging maayos ang iyong liham. Ano ba ang mga bantas? Ang mga bantas ay mga simbolo at gabay na ginagamit sa pagsulat. Anu-anong bantas ang nakita mong ginamit sa liham? Okey, kabilang dito ang: tuldok (.) kuwit (,) tandang pananong (?) tutuldok (:) tandang panamdam (!) panipi(“”) gitling (-) at kudlit (‘) Alam mo na ba ang gamit ng mga ito? Kung hindi pa, pag-aralan mo ang mga ibinigay kong halimbawa. 1. Unahin natin ang tuldok (.). Saan-saan ito ginamit? Napansin mo ba ito a.) Sa hulihan ng mga salitang pinaikli o dinaglat? Mga Halimbawa: G. (Ginoo) Bb. (Binibini) b.) Sa inisyal ng pangalan? Halimbawa: G.M.A. (Gloria Macapagal – Arroyo) c.) Sa hulihan ng mga pangungusap na pasalaysay, pautos at pakiusap? Mga Halimbawa: Lubha po akong nabahala sa sinasasi ng balita. Pagtuunan sana nila ng pansin ang tumitinding problema ng kahirapan sa ating bansa. 2. Ang tandang pananong (?) naman, hindi ba’t inilalagay ito sa dulo ng pangungusap na patanong? Halimbawa: May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? Saan naman ginagamit ang tandang panamdam (!)? Halimbawa: Maraming salamat po!
  • 483.
    20 3. Pansinin monaman ang gamit ng kuwit (,). Nakita mo ba na gamit ito sa: a.) Petsa upang ihiwalay ang araw sa taon? Halimbawa: Oktubre 13, 2004 b.) Paghihiwalay ng tuwirang sinabi ng nagsasalita sa iba pang bahagi ng pangungusap? Halimbawa: Ayon naman kay BSP Assistant Governor Diwa C. Guinigundo, “nakasalalay sa policy-making body ang mga pamamalakad, kung babaguhin o hindi ang klase ng polisiya nang ahensya”. c.) Paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay talaan? Mga Halimbawa: Tinawag na “inflationary pressures” ang pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, at pamasahe. Sa kasalukuyan, wala pong tigil ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, kung kaya, ang dating kasyang-kasyang kinikita ng aking Tatay, ngayon po ay kulang na kulang na. d.) Paghihiwalay ng bayan at lalawigan o ng bayan at lungsod? Mga Halimbawa: Muzon, San Jose del Monte City Sampaloc, Manila e.) Bating-panimula at bating pangwakas ng liham? Mga Halimbawa: Lubos na gumagalang, Mahal kong kaibigan, f.) Hulihan ng panimulang salita, parirala o sugnay? Mga Halimbawa: Gayunpaman, umaasa si Suratos na mapipirme sa apat hanggang limang porsiyento ang implasyon taong 2004 hanggang 2006. At bilang isang kabataang Pilipino, ako po’y mag-aaral na mabuti. 4. Ginagamit din ang tutuldok (:)sa bating panimula ng liham-pangangalakal, di ba? Halimbawa: G. Ordoñez: 5. Ang panipi (“”) naman ay gamit sa: a.) pamagat na kasama sa pangungusap. Mga Halimbawa: Nabasa ko po ang balita sa isang isyu ninyo ng Pinoy Weekly noong ika-13 ng Oktubre 2004, na may pamagat na “Taas ng Presyo ng Bilihin Tuloy sa '05 – BSP”. b.) pahayag ng isang tao na isinama sa pangungusap. Halimbawa:
  • 484.
    21 Ayon naman kayBSP Assistant Governor Diwa C. Guinigundo, “nakasalalay sa policy-making body ang mga pamamalakad, kung babaguhin o hindi ang klase ng polisiya nang ahensya”. 6. Saan naman ginamit ang gitling (-)? a.) Ginamit ito sa pagitan ng panlaping ika at tambilang. Halimbawa: ika-13 ng Oktubre 2004 b.) Sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig. Halimbawa: mag-aaral c.) Sa pagitan ng salitang inuulit. Halimbawa: kasyang-kasyang tuloy-tuloy 7. Ginagamit naman ang kudlit (‘ bilang panghalili sa isang kinaltas na titik. Mga Halimbawa: sana’y (sana ay) nawa’y (nawa ay) Ang paggamit ng wastong bantas ay mahalaga sa anumang uri ng liham na isusulat. Nakatutulong ito upang maging malinaw ang pagpapahayag mo ng iyong saloobin o pananaw ukol sa isang mahalagang isyu. Ang kawalan ng ingat sa paggamit ng mga bantas ay kadalasang nagreresulta sa maling pagtanggap ng mensahe na taong sinusulatan. Ngayong sapat na iyong kaalaman sa paggamit at kahalagahan ng bantas sa pagsulat ng liham, handa ka na sa susunod na gawain. Linangin Sa isang malinis na papel, kopyahin at lagyan ng wastong bantas ang liham na ito. Ika 17 ng Nobyembre 2004 Segundo D Matias General Manager Lampara Books 300 Biak na Bato St SFDM Brgy Manresa 1115 Quezon City G Matias
  • 485.
    22 Nawa y datnanpo kayo ng liham na ito na nasa mabuti at ligtas na kalagayan Ang Brgy Muzon ng San Jose del Monte Bulacan ay magtatayo po ng isang pampublikong aklatan sa taong ito Kaugnay po nito nais naming malaman ang presyo ng mga sumusunod na aklat pambata na inyong inilalathala Alam naming ang mga aklat na ito ay nararapat na maisama sa itatayong pampublikong aklatan sa aming Baranggay Narito ang pamagat ng mga aklat 1 Isda Para sa Dalawa ni Becky Bravo 2 Mga Lihim sa Gabi ni Ruming ni Rhandee Garlitos 3 Og Uhog ni Christine S. Bellen 4 Ang Lumang Aparador ni Lola ni Genaro R. Gojo Cruz 5 Spectacular Tree ni Robert Magnuson Kung maaari po ay mapadalhan ninyo kami ng kopya ng listahan ng presyo ng iba pa ninyong mga aklat Malaking tulong po ito upang mailaan ang kaukulang badyet para sa pagbili ng mga aklat Inaasahan po namin ang inyong dagliang pagtugon Maraming salamat po Lubos na gumagalang Inocencio C Albia Ganito ba ang iyong sagot? Itama mo ang iyong liham sa pamamagitan ng liham sa ibaba. Anong bantas ang iyong nakalimutan? Kung marami ang iyong hindi nasagot, maaari mong balikan ang aralin sa paggamit ng bantas kung sa palagay mo ay hindi pa malinaw sa iyo ang paggamit ng mga ito. Kung kakaunti naman ang iyong mali, maaari mo nang puntahan ang susunod na aralin. Ika-17 ng Nobyembre 2004 Segundo D. Matias General Manager Lampara Books 300 Biak na Bato St., SFDM, Brgy. Manresa 1115 Quezon City G. Matias; Nawa’y datnan po kayo ng liham na ito na nasa mabuti at ligtas na kalagayan.
  • 486.
    23 Ang Brgy. Muzonng San Jose del Monte, Bulacan ay magtatayo po ng isang pampublikong aklatan sa taong ito. Kaugnay po nito, nais naming malaman ang presyo ng mga sumusunod na aklat- pambata na inyong inilalathala. Alam naming ang mga aklat na ito ay nararapat na maisama sa itatayong pampublikong-aklatan sa aming Baranggay. Narito ang pamagat ng mga aklat: 1 Isda Para sa Dalawa ni Becky Bravo 2 Mga Lihim sa Gabi ni Ruming ni Rhandee Garlitos 3 Og Uhog ni Christine S. Bellen 4 Ang Lumang Aparador ni Lola ni Genaro R. Gojo Cruz 5 Spectacular Tree ni Robert Magnuson Kung maaari po ay mapadalhan ninyo kami ng kopya ng listahan ng presyo ng iba pa ninyong mga aklat. Malaking tulong po ito upang mailaan ang kaukulang badyet para sa pagbili ng mga aklat. Inaasahan po namin ang inyong dagliang pagtugon. Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, Inocencio C. Albia Kung tama ang iyong sagot, ay maaari kang magpatuloy sa mga susunod na gawain. Kung hindi, hinihiling kong balikan mo ang ating talakayan bago ka magpatuloy. Salamat kaibigan. Gamitin Sa isang hiwalay na papel, ayusin ang mga sumusunod sa anyo ng isang liham. Isaalang- alang ang paggamit ng wastong bantas. Gayahin ang format ng liham sa patnugot ng iyong binasa. Umaasa sa iyong tulong Sana’y mabigyan ninyo ako ng epektibong solusyon ukol sa suliranin kong ito. Mahal kong Tita Rowena, Kami po ay nakatira dito sa mismong Poblacion at may kapitbahay na mayaman na may alagang aso. Tuwing gabi, kahul nang kahol ang asong ito. Pinuntahan ko na po ang aking kapitbahay at sinabi kong maaaring patahimikan niya ang kanyang alagang aso pero wala rin pong nangyari. Maingay pa rin ang kanyang alagang aso lalo na sa gabi. Sumulat po ako sa Kapitan ng aming Barangay pero walang naging kasagutan. Nagtungo na rin po ako kay Major Ruiz, ang pinuno ng mga pulis dito sa
  • 487.
    24 amin pero walapa ring nangyari. Ano kaya ang mabuti kong gawin? Nakakaapekto po nang husto ang ingay ng aso, di lamang sa akin kundi pati sa aking mga kasambahay. Kailangan naming makapagpahinga at makatulog nang maayos upang makapagtrabaho kinabukasan at para pong bingi at walang pakialam sa kalagayan ng iba ang aking mayamang kapitbahay. Nawa’y matulungan ninyo ako kahit alam kong madalas ay mga problema sa puso ang tinatalakay ninyo sa iyong pitak. Sally Pob San Jose del Monte City Bulacan, ika 16 ng Disyembre 2004 Ano kayang uri ng liham ito? Tama ka! Ito ay isang halimbawa ng liham na humihingi ng payo. Ginagawa ito ng mga taong nais makakuha ng payo mula sa isang taong eksperto o may sapat na kaalaman tungkol sa isang bagay. Halimbawa, problema sa kalusugan, buhay at relasyon, hanapbuhay at iba pa. Layunin nitong mabigyang solusyon ang problema ng isang tao. Lagumin Sa sub-aralin na ito, natutunan mo ang wastong paggamit ng mga bantas sa pagsulat ng liham. Nakatutulong ang wastong paggamit ng mga bantas upang maging malinaw ang iyong paglalahad ng mga nais sabihin sa taong susulatan. Naragdagan din ang iyong kaalaman ukol sa uri ng liham. Una, ay ang liham sa patnugot. Ito ay ang liham na nagbibigay ng saloobin o pananaw ng isang tao ukol sa mahahalaga at maseselang isyu na maaaring malapit sa kanya. Ikalawa, ay ang liham na humihingi ng payo. Ito naman ay liham na humihingi ng payo sa isang taong eksperto sa isang larangan. Layunin ng ganitong uri ng liham ang mabigyang solusyon ang isang suliranin. Marahil, sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa wastong pagbabantas at sa ilang uri ng liham. Handa ka na bang subukan ang iyong kakayanan o natutunan sa sub-aralin na ito? Kung sa palagay mo ay handing-handa ka na, maaari mo nang puntahan ang SUBUKIN. Ngunit kung sa palagay mo ay mayroon pang malabo sa iyong isipan, hinihiling kong balikan mo ang ating talakayan o maaari kang magtanong sa iyong guro. Subukin Pumili ng isang balita sa ibaba at sumulat ng isang liham sa patnugot. Piliin ang balitang malapit sa iyong karanasan upang makapagbigay ka ng iyong mga opinyon o saloobin. Isaalang- alang ang mga bahagi ng liham at bantas na iyo nang napag-aralan. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong liham. Pagkatapos, basahin mo ito sa harap ng iyong klase.
  • 488.
    25 Umakyat sa $5.5Bang mga Padala ng OFWs UMAKYAT ng 48 porsyento noong Agosto kaya umabot sa kabuuang $5.5 bilyon ang mga perang pauwi ng overseas Filipino workers (OFWs), sang-ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Idinugtong ni Gobernor Rafael Buenaventura ng BSP na naragdagan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa kaya lumaki ang padala nilang pera na nakatulong upang maging magaan nang kaunti ang bigat ng pagtaas ng halaga ng krudo sa daigdig. Ang pauwi ng OFWs mula Enero-Agosto ay 9.42 porsiyento ang higit kaysa sa $5.1 bilyong natala noong Enero-Agosto, 2003, sabi ng BSP.Sang-ayon kay Buenaventura, ang mga pauwi ng OFWs ay galing sa Hong Kong, Hapon, Singapore,Italya, United Kingdom, United Arab Emirates at Saudi Arabia. (Pinagkunan: Kabayan, Oktobre 18, 2004) Kahirapan, Balakid pa rin sa Edukasyon ni Xyra Maria Cecilia G. de Leon NakaLUlungkot isipin na 60 porsiyento lamang ng mga estudyante ang nakatatapos sa elementarya sa bansa. Kakulangan sa pondo ang dahilan. Sa nakuhang statistics noong 2001-2002, mula sa 133,000 estudyante ng grade 1 na nag- enrol sa iba't ibang elementarya sa Southern Mindanao, humigit-kumulang 80,000 lamang ang nakatapos ng Grade VI o 60 porsiyento ng kabuuang populasyon ng mga estudyante. Ayon kay Felina de Leon, DepEd statistician, ang pagbaba ay sanhi ng kahirapan at hindi na makayanang sustentuhan ng mga magulang ang mga kailangan ng kanilang mg anak sa eskuwelahan. Kahit na gustong pumasok ng mga bata sa paaralan, wala silang magagawa kundi tumigil at tulungan ang kanilang mga magulang na magtrabaho sa kanilang murang edad. Ayon naman kay Leonilo Villanueva, statistician para sa sekondarya, 76,946 o 95 porsiyento sa 80,453 na nakapagtapos ng Grade VI, ang nakapag-enrol sa high school noong nakaraang taon. Kahit bumababa ang mga numero, marami pa ring mga kabataan sa rehiyon na pumapasok dahil naniniwala sila na ang pagtatapos nila sa elementarya ay makatutulong upang makamit nila ang kanilang mga pangarap sa buhay dahil pagkatapos ng anim na mahabang taon sa paaralan, nalampasan na nila ang mga pagsubok at kahirapan. At ngayo'y handa na sila sa susunod na baytang sa edukasyon-ang high school. Ang mga magulang na nakasaksi sa mga anak nilang nakatapos ay may sapat nang dahilan upang magsaya. (Pinagkunan: http://www.kabayanonline.com/current/EDU/CEDU051401.htm) Bagong Guidelines Ukol sa Nawawalang Textbooks ni Xyra Maria Cecilia de leon
  • 489.
    26 Ayon sa bagongpatakaran ng Department of Education, magbibigay ng amnestiya sa mga estudyante na nakawala ng isang textbook dahil sa bagyo, baha, lindol o dahil sa mga aksidente gaya ng sunog o pagnanakaw. Kailangang magsumite ang estudyante ng isang sulat na nagpapaliwanag sa pagkakawala ng libro o mga libro at ibibigay ito sa kanyang teacher-adviser sa loob ng 15 araw mula nang nawala ang libro. Ang teacher-adviser ay dapat sumulat sa custodian upang ipaalam ang pagkawala ng mga textbook dahil sa paglipat o pagdrop-out ng mga estudyante na hindi nagsauli ng mga libro na ibinigay sa kanya simula pa ng klase. Dapat ding ipaliwanag ang partikular na rason at mabigyang katwiran ang pagkawala ng libro upang mawalan siya nang kahit na anong responsibilidad (cleared off any accountability), ayon sa memorandum. Subalit kung ang pagkawala ng libro ay dahil sa kapabayaan ng estudyante, kaukulang bayad na salapi ang ipapatong dito. Ang presyo ng mga libro ay nakuha mula sa Social Expenditure Management Project (SEMP), Third Elementary Education Project (TEEP), o Secondary Education Development and Improvement Project (SEDIP) ay ibabase ayon sa halaga ng nasa Price List of Textbooks sa ilalim ng Different Procedure Initiatives. Samantala, ang mga librong hindi kasali sa programang ito, ay babayaran base sa presyo batay sa Department of Education Order No. 32 na ipinalabas noong 2002. Kung ang nawalang libro ay nagamit ng mahigit isang taon, ang presyong babayaran ng estudyante ay malalaman sa straight line method depreciation. May opisyal na resibo na ibibigay at ang kaukulang bayad ay dapat iremita gaya ng kung paano binabayaran ang mga ari-arian ng gobyerno na itinakda ng Commission on Audit (COA). Noon ay binigyan ng amnestiya ni Roco ang mga estudyante at mga guro na nakawala ng mga libro ngunit nakapagbigay na ng sulat sa school custodian. (Pinagkunan: http://www.kabayanonline.com/current/EDU/CEDU051402.htm) Taglay ba ng liham na iyong isinulat ang mga sinabi kong katangian? Kung oo, binabati kita. Ngunit kung sa tingin mo ay kulang pa sa mga katangian ito ang iyong isinulat na liham sa patnugot, may pagkakataon ka pang pagandahin ito. Pagkatapos, hilingin mo sa iyong guro ang iyong isinulat na liham sa patnugot para maiwasto. Paunlarin Sa iyong pagsulat ng liham, tiyakin mo na taglay nito ang mga sumusunod na katangian ng isang maayos na liham: 1. Malinaw (clear) Ang pagiging malinaw ng isang liham ay makikita sa kung paano mo pinagsunud- sunod ang iyong mga ideya. Ang isang liham ay hindi dapat na maging sobrang haba o maligoy. Higit na epektibo ang maikling pangungusap. Laging mong tandaan na ang kasimplihan ay daan sa madaling pagkaunawa.
  • 490.
    27 2. Wasto (correct) Lagimong isaisip na anumang liham ay dapat magtalglay ng angkop at tiyak na impormasyon. Tiyakin mo na wasto ang iyong bawat pahayag o sasabihin sa iyong liham. Kasama rin sa kawastuhan ang tamang pagbabantas. 3. Buo ang kaisipan (complete idea) Siguruhin buo at sapat ang mga impormasyong isinama sa liham. Ang kasapatan ng mga impormasyon ng isang liham ay nakatutulong upang maging buo ang kaisipan o ideya na nais ipabatid nito. 4. Magalang (courteous) Maging magalang sa anumang uri ng liham na isinusulat. Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng paggalang lalo na kung wala kang sapat na kaalaman sa taong iyong sinusulatan. 5. Maikli (concise) Sikapin na ang bawat salitang iyong ginamit sa iyong liham ay nakatutulong sa pagbabatid ng nais mong sabihin. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan at hindi makatutulong sa nais mong sabihin. 6. Kombersasyonal (conversational) Masasabing mahusay ang pagkakasulat ng isang liham kung ang bumabasa nito’y parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa paraang natural ang mga nais mong sabihin upang higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan. Lagi mong tandaan na ang iyong liham ay nagsisilbing repleksyon ng iyong sarili o pagkatao. Kung kaya mahalagang suriin muna itong mabuti at iwasto ang mga pagkakamali bago ipadala sa taong padadalhan. Anumang magandang katangian ng iyong liham ay masasabing katangian mo na rin bilang isang tao. Dito natatapos ang sub-aralin 2, binabati kita sa iyong kasipagan. Kita-kits sa susunod na sub-aralin. Sub-Aralin 3: Pagsulat ng Liham-Aplikasyon Mga Layunin Pagkatapos ng sub-aralin na ito, inaasahang nagagawa mo ang sumusunod: 1. nakikilala ang iba’t ibang uri ng liham 2. natutukoy ang mga anyo ng liham na maaaring gamitin sa pagsulat ng liham-aplikasyon 3. naipakikita ang sariling istilo sa pagsulat ng liham
  • 491.
    28 Alamin Ilang taon nalamang ay magtatrabaho ka na rin. Kikita ka na ng sarili pera na galing sa iyong pagtatrabaho at pagsisikap. Ilan taon mula ngayon, magsisimula ka nang maghahanap ng trabaho na gusto mo o naaayon sa iyong kwalipikasyon at kakayahan. Ngunit bago mo makamit ang trabahong ito, may isang kasanayang mahalaga mong matutunan upang pormal mo nang masabi na ikaw ay nararapat sa isang trabaho o posisyon. Ito ay sa pamamagitan ng isang liham-aplikasyon. Sa sub-aralin na ito, aalalayan kitang sumulat ng liham- aplikasyon. Bukod dito, tatakayin ko rin ang iba’t ibang uri at anyo ng liham. Sana’y gawin mo ang iyong makakaya sa sub-aralin na ito. Ang mga kasanayang iyong matutunan dito ay tiyak na iyong magagamit sa hinaharap. Linangin Narito ang isang halimbawa ng liham-aplikasyon, basahin mo itong mabuti ang alamin ang mga katangian nito. 82 Pastol, Muzon San Jose del Monte City 3023 Bulacan Ika-20 Oktubre 2004 Judy S. Javier Tagapamahala Gintong Aral Publications Selya Street, Pandacan, Manila Gng. Javier: Kapayapaan! 1 Nabasa ko po sa pahayagang Kabayan noong Oktubre 18, 2004, na kayo ay nangangailangan ng isang manunulat at mananaliksik para sa inyong magasing Batingaw at Tinig. 2 Ako po si Genaro R. Gojo Cruz, 27 taong gulang at nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in Social Science noong 2002 sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Kumukuha rin po ako sa kasalukuyan ng Masteral Major in Philippine Studies sa Pamantasang De La Salle – Maynila. 3 Malawak po ang aking kaalaman sa pagsusulat at pananaliksik. Bukod po sa ako ay nakapagturo na ng asignaturang Filipino at Araling Panlipunan sa PNU, nakapaglathala na
  • 492.
    29 rin po akosa iba’t ibang aritkulo sa mga pahayagan na may pambansang sirkulasyon, tulad ng Kabayan, Liwayway, Panorama, Sunday Inquirer at iba pa. May sapat din po akong kaalaman sa paggamit ng kompyuter at layouting. 4 Sana’y maging karapat-dapat po ako sa mga kwalipikasyong hinihanap ninyo. Nakahanda po akong mainterbyu sa araw at oras na gusto ninyo. 5 Kalakip po ng liham kong ito ang aking resume, kung may nais pa kayong malaman tungkol sa akin. Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, Genaro R. Gojo Cruz Anong uri ng liham ang iyong binasa? Tama ka! Ito ay isang liham-aplikasyon. Anong Gawain ang inaaplayan? Manunulat at mananaliksik tama. Ang liham aplikasyon ay isang hakbang sa pagkuha ng trabaho. Sa ibang pagkakataon, cover letter ang tawag para sa liham na “nagbebenta sa iyong sarili”, liham na naglalahad kung ano ang iyong maibabahagi sa isang kompanya o kung ikaw ang nararapat o sagot sa hinihanap nilang empleyado. Kadalasang mayroong limang (5) bahagi ang isang liham-aplikasyon. Ito ay ang sumusunod: Introduksyon Personal na datos Kwalipikasyon sa inaaplayang trabaho Pinagkunan ng impormasyon tungkol sa inaaplayang trabaho/Pangalan ng referens Kahilingan sa isang tugon o interbyu Suriin natin ang liham ni Gojo Cruz. Ano ang kanyang introduksyon? _____________ Anong personal na datos ang angkop na isama niya sa Liham? _______________ May kwalipikasyon ba siya para sa interbyu? Kung oo ang sagot mo, sa anong talata ito ipinahayag? Sa ika-4 nga! Anong bahagi ang hindi niya tinugunan? Tama, ang pangalan ng referens. Narito ang mga dapat isipin o tandaan sa pagsulat ng isang liham-aplikasyon:
  • 493.
    30 1. Sino angsusulatan? Sa pagsulat ng liham-aplikasyon, mahalagang nakaadres ito sa tamang tao, kadalasang ang puno o tagapangulo ng departamento o ng personnel officer ng kompanya. 2. Ano ang dapat lamanin ng liham? Ilimita sa isang pahina lamang ang liham. Iwasang ulitin ang mga impormasyon na mababasa sa iyong resume sa liham-aplikasyon. Ngunit puwede mong banggitin sa simula ng iyong liham ang posisyong inaaplayan mo kahit nasa resume na ito. Siyempre, hinding-hindi dapat mawala ang pagbanggit sa iyong pinakamalakas na katangiang pang-akademiko o pang-empleo. Importanteng maisaad mo sa liham ang iyong kagustuhan sa trabahong inadvertays at kung paano mo maayos na magagampanan ang trabaho ito dahil sa iyong taglay na katangian. Ngunit siguruhing hindi nagmumukhang mayabang ang iyong dating sa pagsasabi ng iyong mga katangian. Mahalagang magtaglay ng pagpapakumbaba ang iyong liham. Matapos na maisulat ang isang liham-aplikasyon, mahalagang i-kritik ito ng mismong sumulat. Kailangang matiyak ang malinaw na pagkakasulat nito. Tulad ng sabi ni J. Grice sa kanyang Cooperative Principle, (1) sabihin lamang ang kailangan at wala nang iba; (2) maging malinaw; (3) maging makatotohanan; at (4) maging makabuluhan. Maaari mong wakasan o tapusin ang liham sa magalang na paghiling ng interbyu mula sa inaaplayan o employer. Bukod sa mga ito, ang isang liham-aplikasyon ay hindi lamang nasusukat sa nilalaman nito kundi maging sa taglay nitong panlabas na presentasyon. Pansinin ang liham-aplikasyon na iyong binasa? Paano ito binuo? Hindi ba’t kapansin- pansin ang kaayusan ng mga margin nito? May tatlong kadalasang anyo na ginagamit sa pagsulat ng liham-aplikasyon. Ito ay ang mga sumusunod. Pag-aaralan kung saan lamang nagkakaiba-iba ang bawat isa. Ganap na Blak (Full-Block Style) ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ___________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ ________________ ________________
  • 494.
    31 Semi-Blak (Semi-Block Style)Modifyad Blak (Modified Block Style) Ngayong alam mo na ang tatlong (3) anyo ng liham na kadalasang ginagamit sa liham- palikasyon, matutukoy mo na ba ang anyo ng liham-aplikasyon na iyong binabasa? Tama ka! Ito ay gumamit ng anyong Modifyad Blak. Anumang anyo ng liham ay maari mong gamitin sa pagsulat ng liham-aplikasyon. Bukod sa liham-aplikasyon, nais ko ring ituro sa iyo ang iba pang uri ng liham na posible mong matanggap o isulat sa hinaharap. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Liham-Pagtatanong Ito ay isang liham na nagtatanong ng mga presyo, akomodasyon, basiko at panlahat na impormasyon na ipinagkakaloob ng isang institusyon, organisasyon o kaya’y ng isang samahan o opisina. Humihingi ang liham na ito ng madaliang katugunan. 2. Liham-Kahilingan o Pag-order Ito ay isang liham na nagsasabi kung ano ang inoorder o kaya’y hinihiling sa isang institusyon, organisasyon o kaya’y ng isang samahan o opisina. Mahalagang ang liham na ito ay maging eksakto sa deskripsyon ng bagay, laki o dami, kulay, presyo, at iba pa. Importanteng isaad sa liham ang paraan ng pagkuha at paghahatid ng aytem o bagay, at kung paano ang gagawing sistema ng pagbabayad. 3. Liham-Karaingan Ito ay isang liham na naglalahad ng karaingan o reklamo ng isang tao na direktang naapektuhan ng isang pangyayari. May mga taong nagrereklamo sa produktong nabili, tulad ng mga pagkain, damit, sapatos at iba pa, maging sa mga programa at komersyal sa telebisyon. Mahalagang magkaroon ng matibay na dahilan at ebidensya sa pagrereklamo. ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ___________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ___________________ ____________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ____________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ____________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ ________________
  • 495.
    32 4. Liham-Pasasalamat Ito ayisang liham na naglalahad ng pasasalamat sa isang tao o sa isang institusyon, organisasyon o kaya’y ng isang samahan o opisina na maaaring nagkaloob ng donasyon, serbisyo, o ng anumang tulong na hindi matutumbasan ng salapi. Sabihin kung anong uri ng liham ang nararapat sa mga sumusunod na sitwasyon: 1. Nais mong malaman ang halaga ng ipinagbibiling mga gamit ng opisinang magsasara na. 2. Gusto mong magpasalamat sa isang NGO na nagbigay ng mga damit at pagkain sa mga pamilyang nasalanta ng malakas na bagyo. 3. Nais mong ireklamo ang dumaraming bilang ng mga computer centers na nagiging dahilan ng hindi pagpasok sa tamang oras ng mga mag-aaral sa eskwelahan. 4. Gusto mong maibahagi ang iyong pananaw sa balitang nabasa mo sa isang pahayagan tungkol sa Food Coupon na programa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. 5. Nakabasa ka ng anunsyo na nangangailangan ng service crew sa branch ng Jollibee na itinatayo malapit sa inyo. Gusto mong magtrabaho at makatulong sa iyong pamilya. 6. Gusto kang ibili ng kompyuter ng iyong nanay na nasa ibang bansa ng kompyuter. Sabi niya, mas makakamura kung dito na lamang sa Pilipinas bumili ng kompyuter, pero wala kang ideya kung magkano ito. 7. May depekto ang kabibili ninyong rice cooker. 8. Nais mong bumili ng isang bagong kompyuter. Naibigay mo sa kompanya ang model ng iyong gusting bilhin. 9. Pinalagyan ng ilaw ang lahat ng poste sa inyong barangay. Nais mong purihin ang magandang hakbang na ito ng mga opisyal ng inyong barangay. 10. Gusto mong kamustahin ang iyong kaibigan na nag-aaral sa ibang bansa. Kung ang iyong sagot ay tulad ng mga sumusunod, tama ka. 1. Liham-Pagtatanong 6. Liham-Pagtatanong 2. Liham-Pasasalamat 7. Liham-Karaingan 3. Liham-Karaingan 8. Liham-Kahilingan 4. Liham sa Patnugot 9. Liham-Pasasalamat 5. Liham-Aplikasyon 10. Liham-Pangkaibigan Gamitin Tukuyin ang mga sumusunod mula sa iyong liham-aplikasyon na binasa. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong sagot. Gayahin ang format sa ibaba: Bahagi ng Liham-Aplikasyon 1. Introduksyon
  • 496.
    33 2. Personal naDatos 3. Kwalipikasyon sa inaaplayang trabaho 4. Pinagkunan ng impormasyon tungkol sa inaaplayang trabaho/pangalan ng referens 5. Kahilingan sa isang tugon/interbyu Kung ang iyong tugon ay tulad ng mga sumusunod, ay tama ka. Introduksyon Kapayapaan! Personal na Datos Ako po si Genaro R. Gojo Cruz, 27 taong gulang at nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in Social Science noong 2002 sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Kumukuha rin po ako sa kasalukuyan ng MA major in Philippine Studies sa Pamantasang De La Salle – Maynila. Kwalipikasyon sa Inaaplayang Trabaho Malawak po ang aking kaalaman sa pagsusulat at pananaliksik. Bukod po sa ako ay nakapagturo na ng asignaturang Filipino at Araling Panlipunan sa PNU, nakapaglathala na rin po ako sa iba’t ibang aritkulo sa mga pahayagan na may pambansang sirkulasyon, tulad ng Kabayan, Liwayway, Panorama, Sunday Inquirer at iba pa. May sapat din po akong kaalaman sa paggamit ng kompyuter at layouting. Pinagkunan ng Impormasyon Tungkol sa Inaaplayang Trabaho/Pangalan ng Referens Nabasa ko po sa pahayagang Kabayan noong Oktubre 18, 2004, na kayo ay nangangailangan ng isang manunulat at mananaliksik para sa inyong magasing Batingaw at Tinig. Kahilingan sa Isang Tugon/Interbyu Sana’y maging karapat-dapat po ako sa mga kwalipikasyong hinihanap ninyo. Nakahanda po akong mainterbyu sa araw at oras na gusto ninyo. Ang mga bahaging ito ang mahalagang isaalang-alang mo sa pagsulat ng isang liham- aplikasyon.
  • 497.
    34 Lagumin Sa sub-araling ito,iyong napag-aralan ang tungkol sa pagsulat ng liham-aplikasyon. Ang liham aplikasyon ay isang hakbang sa pagtatamo ng trabaho. Tinatawag ding cover letter ang liham- aplikasyon na “nagbebenta sa iyong sarili” at naglalahad kung ano ang maibabahagi ng nag-aaplay ng trabaho sa isang kompanya. May limang (5) bahagi ang isang liham-aplikasyon. Ito ay ang sumusunod: Introduksyon Personal na datos Kwalipikasyon sa inaaplayang trabaho Pinagkunan ng impormasyon tungkol sa inaaplayang trabaho/Pangalan ng referens Kahilingan sa isang tugon o interbyu Nalaman mo rin na matapos na maisulat ang isang liham-aplikasyon, mahalagang itong i- kritik mismo ng sumulat. Kailangang matiyak ang malinaw na pagkakasulat nito. Mahalagang tandaan ang sinabi ni J. Grice sa kanyang Cooperative Principle: 1. sabihin lamang ang kailangan at wala nang iba 2. maging malinaw 3. maging makatotohanan 4. maging makabuluhan Natutunan mo rin ang tatlong anyo ng liham na ginagamit sa pagsulat ng liham-aplikasyon. Ito ay ang mga sumusunod: Ganap na Blak (Full-Block Style) Semi-Blak (Semi-Block Style) Modifyad Blak (Modified Block Style) Bukod sa liham-aplikasyon, nalaman mo rin iba pang uri ng liham na maaari mong matanggap o isulat sa hinaharap batay sa sitwasyong iyong kinapapalooban. Ito ay ang mga sumusunod: Liham-Pagtatanong Liham-Kahilingan o Pag-order Liham-Karaingan Liham-Pasasalamat
  • 498.
    35 Ngayong may sapatka ng kaalaman tungkol sa pagsulat ng liham-aplikasyon, subukan mong gawin ang mga susunod na gawain sa sub-aralin na ito. Sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda ko para sa iyo, iyong masusubok at magagamit ang mga kasanayang natutunan mo sa sub-aralin na ito. Kung may mga bahagi ng aralin na malabo pa para iyo, maaari mong balikan ang mga ito bago mo puntahan ang SUBUKIN. Mahirap gawin ang isang bagay kung hindi ka pa handa. Ngunit kung sa palagay mo ay sapat na iyong natutunan at handa ka ng gamitin ang mga ito, puntahan mo na ang mga susunod na gawain sa SUBUKIN. Sige puntahan mo na ang gawain sa SUBUKIN at hinihintay na kita doon. Subukin Balikan mo ang liham-aplikasyon na iyong binasa sa sub-aralin na ito. Sa dalawang hiwalay na papel, muli mo itong isulat sa anyong ganap na blak (Full-Block Style) at semi-blak (Semi-Block Style). Pagkatapos mong maisulat ang mga liham, ipakita mo sa iyong guro. Paunlarin Narito ang mga ginupit kong Classified Ads mula sa peryodiko na naghahanap ng aplikante sa trabaho. Pumili ng isa sa mga ito at sumulat ng isang liham-aplikasyon. Isaalang-alang ang mga natalakay na natin tungkol sa pagsulat ng liham-aplikasyon.
  • 499.
    36 Matapos mong maisulatang iyong liham-aplikasyon, balikan mo ito. Tignan kung nasasagot ba ng liham mo ang mga sumusunod na tanong. 1. Nakaeenganyo bang basahin ang liham?
  • 500.
    37 2. Magalang atmalinaw ba ang iyong liham? 3. Magiging interesado ba ang babasa sa iyong maitutulong sa kompanya? 4. Hindi ba gaanong nagpapakumbaba ang iyong liham? 5. Hindi ba nagyayabang ang iyong liham? 6. Hindi naglalahad ng pagiging angat sa iba? 7. Binanggit mo ba ang iyong pinakamalakas na katangian? Kung nasasagot ng iyong liham ang mga tanong na ito, masasabi kong puwedeng-puwede na ang iyong liham. Tiyak kong matatanggap ka na sa trabahong iyong inaaplayan. Ipakita mo nga rin pala sa iyong guro at ng maiwasto. Nawa’y makatulong sa iyo sa hinaharap ang mga kasanayang iyong natamo sa modyul na ito. Lagi mong tandaan na masasalamin ang iyong katangian o personalidad sa liham na iyong inihanda, kung kaya mahalagang maging maayos at malinaw ito. Binabati kita sa iyong matiyagang pag-aaral sa modyul na ito. Pero bago uli tayo maghiwalay, sagutin mo ang panghuling pagsusulit sa GAANO KA NA KAHUSAY? para matiyak ko ang iyong natutuhan sa aralin. Maraming salamat sa iyo kaibigan. Gaano ka na kahusay? I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pagbibigay-kahulugan. Piliin sa kahon ang letra ng sagot. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong sagot. ________1. Nakasaad dito ang wastong panawag o pamitagan at ang pangalan ng taong sinulatan. ________2. Ito ay ang bahagi ng pamamaalam ng sumulat. ________3. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng liham dahil dito nakasaad ang paksa o ang layunin ng may liham. Mahalaga itong maging malinaw, magalang at tapat upang magkaroon ng tumpak na pagpapakahulugan ang babasa. ________4. Nakasaad dito ang pangalan ng tao o tanggapang padadalhan ng liham. ________5. Nakasaad dito ag tinitirhan ng sumulat at ang petsa kung kailan isinulat ang liham. ________6. Ipinapakilala rito ang sumulat. ________7. Liham na kailangan sa paghahanap ng trabaho ________8. Liham na naglalahad ng saloobin o pananaw ukol sa isang mahalang isyu na nabasa, napanood, napakinggan o kaya ay personal na nasaksihan ng isang tao ________9. Liham na naglalahad ng reklamo ng isang taong direktang nakaranas o naapektuhan ng isang pangyayari, tulad halimbawa ng maling produkto at iba pa ________10. Liham na nagtatanong at nangangailangan ng madaliang kasagutan mula sa sinulatan ________11. Liham na nagpapasalamat sa isang samahan o institusyon na nagbigay ng donasyon, serbisyo, o ng anumang tulong na hindi matutumbasan ng salapi ________12. Ito ay isang liham na nagsasabi kung ano ang inoorder o kaya’y hinihiling sa isang institusyon, organisasyon o kaya’y ng isang samahan o opisina.
  • 501.
    38 Patutunguhan Liham-Karaingan PamitagangPangwakas Liham-Aplikasyon Liham sa Patnugot Katawan ng Liham Liham-Pasasalamat Liham-Pagtatanong Pamuhatan Liham-Kahilingan Lagda Bating Pambungad II. Piliin ang sagot sa hanay B. Isulat ang letra ng bantas na ginagamit sa: A B _____1. bating panimula ng liham-pangangalakal. a. panipi (“”) _____2. pamagat na kasama sa pangungusap. b. kudlit (‘) _____3. hulihan ng mga salitang pinaikli o dinaglat. c. gitling (-) _____4. dulo ng pangungusap na patanong. d. tandang pananong (?) _____5. hulihan ng pangungusap na padamdam. e. kuwit (,) _____6. petsa upang ihiwalay ang araw sa taon. f. tutuldok (:) _____7. pahayag ng isang tao na isinama sa pangungusap. g. tandang panamdam (!) _____8. pagitan ng panlaping ika at tambilang. h. tuldok (.) _____9. panghalili sa isang kinaltas na titik. _____10. hulihan ng pangungusap na pasalaysay. III. Isulat sa sagutang papel kung anong anyo ng liham ang mga sumusunod. Piliin ang sagot sa ibaba. A. Semi-Blak B. Ganap na Blak C. Modifay Blak (Semi-Block Style) (Full Block Style) (Modified Block Style) 1. 2. 3. IV. Pumili ng liham na gusting isulat. Sundi ang pamatayan sa pagsulat ng liham a. liham-pangkaibigan b. liham sa patnugot c. liham-aplikasyon d. liham-pasasalamat ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ___________________ _______________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ _______________________________________________________ ___________________________________________________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ___________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ___________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________ ________________ ________________
  • 502.
    39 Hayaang basahin ngiyong guro ang liham na isinulat mo. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Kung ang iyong nakuhang tamang sagot sa pagsusulit I-III ay 15 pataas, maaari mo nang gawin ang susunod na modyul. Ngunit kung 14 pababa ang iyong nakuha, hinihiling kong balikan mo ang mga nakalipas na sub-aralin, lalo na sa mga bahaging sa palagay mo ay malabo para sa iyo. Muli, ito ay para sa iyong kabutihan. Salamat kaibigan!
  • 503.
    40 Modyul 11 Pagsulat ngIbat’ Ibang Uri ng Liham Gaano ka na kahusay? I. 1. bating pambungad 2. pamitagang wakas 3. katawan ng liham 4. patutunguhan 5. pamuhatan 6. lagda 7. liham-aplikasyon 8. liham sa patnugot 9. liham-karaingan 10. liham-pagtatanong 11. liham-pasasalamat 12. liham-pagtatanong II. 11. f 12. a 13. h 14. d 15. g 16. c 17. a 18. c 19. b 20. h III. 1. Ganap na Blak (Full Block Style) 2. Semi-Blak (Semi-Block Style) 3. Modifayd Blak (Modified Block Style) IV. Ipakita sa guro ang iyong liham na naisulat upang maiwasto ito. Susi sa Pagwawasto
  • 504.
    Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 12 Mga Bagong Pakikipagsapalaran
  • 505.
    2 Modyul 12 Mga BagongPakikipagsapalaran Tungkol saan ang modyul na ito? Heto na naman tayo sa pag-aaral ng Ibong Adarna. Natatandaaan mo pa ba ang tungkol sa tatlong prinsipe? Sinu-sino nga sila? Oo, sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Ipagpatuloy na natin ngayon ang pag-alam sa naging buhay nila. Nakabasa ka na marahil o nakarinig na ng mga kwento tungkol sa kabayong lumilipad, asong may tatlong ulo, taong ibon, sirena at syokoy, at iba pang mga karakter na may kapangyarihang di kayang gawin ng karaniwang taong tulad mo. Kawili-wili ang ganitong mga kwento, di ba? Lumalawak ba ang iyong pananaw, lumilipad ang iyong imahinasyon at wari’y nakapaglalakbay ka rin sa malalayong kabundukan, tulad ng mga karakter na ito? Kung gayon, halika, makipagsapalaran kang kasama nila sa pamamagitan ng pagbabasa. Sa tulong ng modyul na ito, tuklasin mo ang hiwaga ng isang malalim na balon na tinitirhan ng isang higante at isang serpyenteng may pitong ulo. Sila ang mga bantay ng magkapatid na dilag na makakatagpo ng tatlong magkakapatid na prinsipe. Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikalawang bahagi ng koridong Ibong Adarna. Natatandaan mo ba kung ano ang korido? Ang korido ay mahabang tulang pasalaysay tungkol sa mga pakikipagsapalarang hindi nagaganap sa tunay na buhay pero nabibigyang buhay ng mayamang imahinasyon. Ano ang matututunan mo? May panibagong mga pakikipagsapalaran ang tatlong mararangal na prinsipe na nakatagpo mo sa isang naunang modyul. Ang kwento tungkol sa kanilang mga pakikipagsapalaran ang magiging daluyan ng mga kasanayang inaasahang matatamo mo sa modyul na ito. Inaasahang matututuhan mo sa modyul na makilala at masuri ang ikalawang bahagi ng Ibong Adarna batay sa mga tiyak na katangian at pamantayan. Narito ang mga tiyak na kasanayang inaasahang matatamo sa modyul:
  • 506.
    3 1. Nakapipili ngmga tiyak na bahagi na nagpapakita ng kasiya-siyang: • tauhan • tagpuan • usapan 2. Natutukoy ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng: • magkatulad na idea • magkasalungat na idea • magkatulad na opinyon • magkasalungat na opinyon • magkatulad na paniniwala • magkasalungat na paniniwala 3. Nasusuri ang akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bahaging nagpapatunay ng • panlipunang pananaw • pangkulturang pananaw • panrelihiyong pananaw • mga tradisyon Para bang mahirap? Hindi mahirap iyan. Kayang-kaya mo basta’t hakbang-hakbang mong susundan ang bawat bahagi ng modyul. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo, kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo ang modyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing mabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot mo sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito.
  • 507.
    4 3. Kunin mosa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mng mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutuhan mo ang aralin. Kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. Ano na ba ang alam mo? Natatandaan mo pa ba ang unang bahagi ng Ibong Adarna? Nakilala mo sa unang bahagi ang tatlong mararangal na prinsipe ng kahariang Berbanya at ang kanilang paghahanap sa isang mahiwagang ibon. Sa bahaging ito, nahaharap sa panibagong mga pakikipagsapalaran ang tatlong magkakapatid. Saan kaya sila dadalhin ng mga bagong abentura? Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ng nilalaman ng modyul na ito. Tandaan: Hindi mo susulatan ang modyul. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel. A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali. 1. Si Don Pedro, ang panganay sa tatlong prinsipe, ang bida sa koridong Ibong Adarna. 2. Si Don Diego, ang pangalawang anak, ay sunud-sunuran lamang sa mga pakana ng panganay na kapatid. 3. Si Don Juan, ang bunso, ang paborito ng amang hari. 4. Si Don Juan ang nagpakanang pawalan ang Ibong Adarna upang iba ang mapagbintangan. 5. Nang makawala ang ibon, kusang nilisan ni Don Juan ang palasyo upang pagtakpan ang tunay na nagkasala.
  • 508.
    5 6. Hindi ipinahanapng hari ang bunsong si Don Juan. 7. Masaya ang tatlong magkakapatid nang muling magkita-kita. 8. Tatlo ang nagtangkang lumusong sa mahiwagang balon pero isa lamang ang nakarating sa kailaliman. 9. Dalawang magandang dalaga ang nakatira sa palasyo sa ilalim ng balon. 10. Binabantayan sila ng isang higante at isang serpyenteng may tatlong ulo. 11. Napatay ni Don Pedro ang higante at ang serpyente. 12. Masayang umuwi sa Berbanya ang tatlong magkakapatid na prinsipe kasama ang dalawang dilag. 13. Ikinasal si Don Diego kay Juana. 14. Tumangging pakasal si Leonora kay Don Pedro. 15. Samantala, naiwan sa ilalim ng balon si Don Juan. B. Piliin sa mga salita sa loob ng panaklong ang angkop sa patlang para mabuo ang pangungusap. 1. Ginagamit ang _______ upang ikulong ang tuwirang sinabi ng isang tauhan. (panipi, panaklong, bracket) 2. Ang _______ay tungkol sa lugar at panahon nang maganap ang isang kwento. (tauhan, tagpuan, usapan) 3. Dayalog ang isa pang tawag sa _______ (tauhan, tagpuan, usapan). 4. Ang tagpuan ng koridong Ibong Adarna ay noong ___________ (unang panahon, kasalukuyang panahon, hinaharap na panahon). 5. Ang korido ay mahabang tulang ___________ (nagsasalaysay, naglalahad, nangangatwiran). C. Anong katangian ng tauhan ang isinasaad sa sumusunod na mga saknong? Piliin ang sagot sa ibaba. Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. 466 Kung siya’y may kahinaang sukat maging kapintasan, ang pag-ibig na dalisay sa kapatid kailanman. a) laging mapagmahal sa kapatid b) palapintas sa kapatid c) mapaghanap sa kapatid 2. 508 Nasimulan nang gawain ang marapat ay tapusin, sa gawang pabinbin-binbin wala tayong mararating.
  • 509.
    6 a) determinasyong tapusinang nasimulan b) gustong ipagpaliban ang gawain c) walang gustong marating 3. 522 Gayon pa man ay tinimpi ang pagsintang ngumingiti saka siya nagkunwaring sa prinsipe’y namumuhi. a) marunong magtimpi b) mahusay magkunwari c) madaling magalit D. Basahin ang mga saknong. Anong katangian ng tagpuan ang isinasaad sa bawat saknong sa ibaba? Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. 444 Tumutubong punungkahoy mga bungang mapupupol, matataba’t mayamungmong, pagkain ng nagugutom. a) maraming bungangkahoy b) maraming matataba c) maraming nagugutom 2. 449 Simoy namang malalanghap may pabangong pagkasarap, langhapin mo’t may pagliyag ng sampaga at milegwas. a) may bango ng bulaklak ang hangin b) may paglingap ang hangin c) may langhap-sarap ang hangin 3. 482 Ang lalo pang pinagtakha’y ang nakitang kalinisan, walang damo’t mga sukal gayong ligid ng halaman.
  • 510.
    7 a) malinis angpaligid ng balon b) masukal ang paligid ng balon c) madamo ang paligid ng balon E. Anong idea ang ipinapahayag sa sumusunod na mga saknong? Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. 607 “Pagkat lihim itong balon sinong taong sakdal-dunong ang dito’y makatutunton, kundi Diyos ang may ampon?” Natuklasan ni Don Juan ang balon dahil sa a) tulong ng Diyos b) dunong ng Diyos c) lihim ng dalaga 2. 608 “Sa Diyos na ngang talaga ang sa iyo’y pagkakita, kaya, mabunying prinsesa lunasan mo yaring dusa.” Nagkita si Don Juan at si Leonora dahil ang pagkikita nila’y a) talaga ng Diyos b) lunas sa dusa ng prinsipe c) hiling ni Don Juan 3. 611 “Pagkat marami sa puso talusira sa pangako, sa pagsinta’y mapagbiro’t matuwaing sumiphayo. a) maraming lalaking mapaglaro sa pag-ibig b) maraming lalaking di marunong tumupad sa pangako c) maraming lalaking natutuwang magpaluha ng babae d) lahat ng a, b, at c
  • 511.
    8 F. Anong paniniwalaang isinasaad sa sumusunod na mga saknong? Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. 634 Mataimtim palibhasa ang pagtawag kay Bathala, sindak niya ay nawala’t katapangan ay lumubha. a) mabisa ang dasal kung taimtim b) nawawala ang sindak dahil sa dasal c) tumatapang kapag nagdarasal 2. 636 Lalo niyang nakilalang ang Diyos ay nasa kanya nang hapuin ang kabaka hingi’y mamahinga muna. a) Lalong nakikilala ni Don Juan ang Diyos nang mapagod ang ahas matapos siyang magdasal b) Lalong naniwala si Don Juan na nasa panig niya ang Diyos nang mapagod ang ahas matapos siyang magdasal c) Lalong naniwala si Don Juan sa Diyos nang mapagod ang ahas matapos siyang magdasal 3. 694 Nanunton ang kalooban sa matandang kasabihang Madalas na magbulaan ang sa taong panagimpan. a) Madalas na kabaligtaran ang panaginip. b) Madalas managinip ang tao. c) Madalas na magbulaan ang taong nananaginip. 4. 854 “Paalam na, O, Don Juan, si Leonora ay paalam, kung talagang ikaw’y patay magkita sa ibang buhay.”
  • 512.
    9 a) may ibangbuhay pa pagkaraang mamatay ang tao b) ang mga patay ay nagkikita-kita sa ibang buhay c) nagpapaalam ang mga namamatay G. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong: 1. 730 Siyam na araw na singkad buong reyno ay nagalak, maginoo’t mga hamak sa kasala’y nagkayakap. a) Ilang araw ang pagdiriwang? Aling taludtod ang nagsasaad nito? b) Anong salita ang singkahulugan ng reyno? c) Anong okasyon ang ipinagdiriwang? Aling taludtod ang nagsasaad ng okasyon? 2. 778 Sa payo nitong Adarna ang Prinsipe’y lumakad na, nalimutan si Leonora’t puso’y na kay Maria Blanca. a) Sino ang nagpayo kay Don Juan? b) Sino ang nalimutan na ni Don Juan? c) Na kanino na ngayon ang puso ni Don Juan? 3. 848 “Tatlong taon nang mahigit yaring aking pagtitiis maatim kaya ng dibdib na makasal sa di ibig?” a) Ilang taon nang naghihintay si :Leonora kay Don Juan? Aling taludtod ang nagsasaad nito? b) Ano ang di maatim ni Leonora? Aling taludtod ang nagsasaad nito? Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kung nakakuha ka ng 38 pataas, di mo na kailangang pag-aralan ang modyul na ito. Maaari ka nang magpatuloy sa Modyul 13. Pero kung wala pang 38 ang nasagutan mo nang tama, kailangan mo ang modyul na ito.
  • 513.
    10 Mga Gawain saPagkatuto Sub-Aralin 1: Tauhan, Tagpuan, Usapan Layunin: Pagkatapos mo ng modyul na ito, inaasahang nakapipili ka ng mga tiyak na bahagi na nagpapakita ng kasiya-siyang: • tauhan • tagpuan • usapan Alamin Natatandaan mo pa ba kung ano ang nangyari sa unang bahagi ng Ibong Adarna? Para maalala mo ang mga naunang pangyayari, narito ang buod ng unang bahagi: Nagkasakit si Haring Fernando at ang tanging lunas ay ang awit ng mahiwagang Ibong Adarna. Ang bunso, si Don Juan, ang nakahuli nito. Ngunit nagpakana sina Don Pedro at Don Diego, ang dalawang nakatatandang kapatid. Iniuwi nila ang ibon at iniwang lugmok si Don Juan. Nakauwi rin si Don Juan. Noon lamang umawit ang ibon. Gumaling ang hari. Gabi-gabi, halinhinang pinabantayan ng hari sa tatlong magkakapatid ang Ibong Adarna.
  • 514.
    11 Lumitaw sa unangbahagi ang uri ng pagkatao ng tatlong magkakapatid. Silang tatlo’y pawang mapagmahal sa ama at nakahandang magpakasakit makita lamang ang mahiwagang ibong lunas sa sakit ng kanilang ama. Pero si Don Pedro pala ay mainggitin. Unang lumabas ang masamang ugaling ito nang magpakana siya laban kay Don Juan para palitawin sa amang hari na siya, ang panganay, ang nakahuli sa ibon. Si Don Diego naman, ang pangalawa, ay sunud-sunuran lamang sa nakatatandang kapatid. Nalaman din ng hari ang katotohanan sa bandang huli. Si Don Juan pa mismo ang humiling sa kanilang amang hari na patawarin ang mga nagkasala. Sa ikalawang bahagi, lilitaw na naman ang masamang ugali ni Don Pedro at ang kagandahang asal at pagiging mapagpatawad naman ni Don Juan. Narito naman ang buod ng ikalawang bahagi ng Ibong Adarna: 1 Muli, nagpakana si Don Pedro laban kay Don Juan. Pinawalan nila ni Don Diego ang Ibong Adarna upang palitawing si Don Juan ang nagpabaya. 2 Nang matuklasan ni Don Juan na nakawala ang ibon, agad niyang nahulaan kung sino ang may kagagawan. Kusa siyang lumisan sa palasyo upang mapagtakpan ang mga kapatid. 3 Ipinahanap siya ng hari sa dalawang nakatatandang kapatid. Masayang nagkita-kita ang tatlo sa kabundukan ng Armenya. Ipinasya nilang doon na manirahan. 4 Isang araw, inakyat nila ang isang bundok at doo’y may nakita silang isang mahiwagang balon na napakalalim pero walang tubig. Ibig nilang tuklasin kung ano ang nasa ilalim ng balon. Sa pamamagitan ng lubid na nasa ibabaw ng balon, unang inihugos si Don Pedro. Pero hindi siya nakarating sa kailaliman dahil natakot siya sa dilim at lalim ng balon. Gayon din si Don Diego. 5 Si Don Juan ang nakarating sa kailaliman, “isang pook na marikit” na ang lupa ay “kristal na kumikinang,” may mga halama’t bulaklak at may nakatirik na palasyong kumikinang sa ginto’t pilak. 6 Dalawang dilag ang nananahan dito, ang magkapatid na si Juana at si Leonora. Ang una ay binabantayan ng isang higante at ang pangalawa naman, ng isang serpyenteng may pitong ulo. Napatay ni Don Juan ang mga bantay kaya nakalaya ang dalawang dilag. Isinama niya ang mga ito sa ibabaw ng balon. 7 Muli, nagpakana si Don Pedro. Nang muling bumaba sa balon si Don Juan upang balikan ang singsing ni Leonora, pinatid nila ni Don Diego ang lubid na kinakapitan ni Don Juan kaya ang huli’y naiwan sa ilalim ng balon na bali-bali ang
  • 515.
    12 mga buto. Sakabutihang palad, tinulungan siya ng isang lobo na pinapunta roon ni Leonora. 8 Umuwi sa Berbanya sina Don Pedro at Don Diego kasama sina Juana at Leonora. Ikinasal si Juana kay Don Diego. Si Leonora, sa kabilang dako, ay tumangging pakasal kay Don Pedro dahil ibig niyang hintayin ang pagbabalik ni Don Juan. 9 Samantala, dinalaw ng Ibong Adarna si Don Juan. Sinabihan itong magtungo sa Reyno de los Cristal dahil doon matatagpuan ang isang napakagandang dalaga. Isang matanda ang naglimos sa binata ng tinapay at tubig at pinapunta siya sa isang ermitanyo, na makatutulong sa kanyang paghahanap sa nasabing reyno. Ang ganda ng kwento, di ba? Napaglalaro mo ba sa isip ang larawan ng isang napakalalim na balon, na papunta pala sa isang mahiwagang lupain? Paano na nga inilarawan ang ilalim ng balon? Tama, “isang pook na marikit.” Aling talata ang nagsasaad nito? Tama ka, ang talata 5. Dahil ilalim nga ng balon, siguro’y hindi ito nasisikatan ng araw, di ba? Pero maliwanag sa lugar na iyon. Bakit kaya? Tama ka, dahil ang lupa ay “kristal na kumikinang.” Matutukoy mo ba kung saang talata ito binanggit? Nasa talata 5 pa rin, diba? Isinasaad din sa nasabing talata na may palasyong nakatirik sa pook na iyon. Paano naman inilarawan ang palasyo? Di ba “kumikinang sa ginto’t pilak”? Napakayaman siguro ng nakatira roon, ano? Pero mapanganib ang magtungo roon. Bakit? Dahil sa mga bantay. Saang talata isinasaad ang tungkol sa mga dalaga at sa mga nagtatanod sa kanila? Tama ka kung ang sagot mo ay talata 6. Sino ang bantay ni Juana? Di ba ang higante? At si Leonora naman, sino o ano ang tanod niya? Tama, serpyenteng pito ang ulo! Ano ba ang ibig sabihin ng serpyente? Tama ka kung ahas ang sagot mo. At ang serpyenteng ito ay nakapagsasalita! Bukod pa rito, kapag tinagpas ang isang ulo nito, kusang bumabalik ang ulong natagpas at nabubuo uli. Kaya tila walang kamatayan. Ngunit sa tulong ng balsamo ni Leonora, na ibinuhos ni Don Juan, ang ulong natagpas ay di na uli nabalik sa katawan kaya ang serpyente’y napatay ng matapang na prinsipe. Matapang talaga ang ating bida. Ngunit ano na naman ang pakana ni Don Pedro? Aling talata ang nagsasaad nito? Kung ang sagot mo ay talata 7, tama ka. Pero tama ba namang magpakana laban sa sariling kapatid? Siyempre, hindi, ano? Kaya mo bang gawin ang ginawa ni Don Pedro sa bunsong kapatid? At kasapakat pa mandin ang panggitnang kapatid na may kahinaan ang paninindigan. Huwag naman sana itong maganap sa tunay na buhay.
  • 516.
    13 Pero ang “marikitna pook” na sinasabi sa bahaging ito, ang galing sigurong puntahan iyon, ano? Kahit sa imahinasyon lamang. Linangin Ngayon, basahin mo ang ilang piling saknong na nagpapakita ng kasiya-siyang tauhan, sitwasyon, tagpuan at usapan. Bigyang pansin ang gagamiting mga pagpapaikli: S – saknong T – taludtod Kaya kapag sinabing S429 T1, ang tinutukoy ay Saknong 429, Taludtod 1. Maliwanag ba? 429 Bago mitak ang umaga si Don Jua’y umalis na wika’y “Ito ang maganda natatago ang maysala.” Lumisan si Don Juan matapos matuklasang may nagbukas ng hawla ng Ibong Adarna. Nahulaan na niya agad kung sino ang maysala, na tinukoy sa T4. Ikaw, alam mo rin ba kung sino ang nagpalabas sa ibon sa kanyang hawla? Tama, si Don Pedro na kinasapakat si Don Diego. Nabanggit ito sa unang talata ng buod, di ba? Balikan mo ang buod kung nawala sa isip mo. Anong magandang katangian ni Don Juan ang pinatutunayan sa S429? Tama ka. Talagang mapagpatawad sa kapatid si Don Juan. Isang magandang pook ang kabundukan ng Armenya. Sa lugar na ito nanirahan si Don Juan nang lisanin ang Berbanya. Basahin ang mga saknong na naglalarawan sa kagandahan ng Armenya. 443 Itong bundok ng Armenya’y isang pook na maganda, naliligid ng lahat ng tanawing kaaya-aya. Ano kaya itong mga tanawing kaaya-aya sa bundok ng Armenya? Mahulaan mo kaya? Magpatuloy ka ng pagbabasa upang malaman mo.
  • 517.
    14 444 Tumutubong punungkahoy mgabungang mapupupol matataba’t mayamungmong, pagkain ng nagugutom. Sagana sa mga halamang pagkain, kung gayon. Maraming bungangkahoy na mapagkukunan ng pantawid-gutom. 445 Pagbubukangliwayway na mga ibon ay may kanta, maghapunang masasaya’t nadapo sa mga sanga. 446 At kung hapon, sa damuhan lalo’t hindi umuulan, mga maya, pugo’t kalaw may pandanggo at kumintang. 447 Sa taas ng papawirin, mga limbas, uwak, lawi’y makikitang walang maliw sa palitan ng paggiliw. 448 Sa batisan yaong tubig pakinggan mo’t umaawit, suso’t batong magkakapit may suyuang matatamis. Sa lupa, tubig at papawirin, matatamis na awitan ng mga ibon at ng ganda ng kalikasan ang papawi sa pagod at lumbay. Isang ideal na lugar, di ba? Walang nakayayamot na ingay kundi musika ng kalikasan ang maririnig. Ang hangin naman? Malinis din kaya? 449 Simoy namang malalanghap may pabangong pagkasarap langhapin mo’t may pagliyag ng sampaga at milegwas.
  • 518.
    15 Halimuyak ng bulaklakang malalanghap mo sa paligid! Talagang magandang lugar na maaari mong pagpalipasan ng mga oras. 450 Munting bagay na makita isang buhay at pagsinta, iyong kunin at wala kang maririnig na pagmura. 451 Doo’y payapa ang buhay malayo ka sa ligamgam sa tuwina’y kaulayaw ang magandang kalikasan. Nasubok mo na bang matulog na ang bubong mo ay ang langit at ang ilaw mo’y mga bituin? Ganito siguro ang naranasan ni Don Juan. 452 Matutulog ka sa gabi na langit ang nag-iiwi, sa magdamag ay katabi ang simoy na may pagkasi. 453 Magigising sa umaga, katawan mo ay masigla, kausap na tumatawa ang araw na walang dusa. Araw at gabing laging walang problema. Kung ikaw ang tatanungin, gustuhin mo kayang tumira sa isang pook na ganito? Nang magkita-kita ang tatlong magkakapatid, ipinasya nilang doon na manirahan sa kabundukan ng Armenya. Hindi ka naman magtataka sa kanilang pasya dahil nga sa kagandahan ng kapaligiran ng Armenya. Isang araw, nakakita sila ng isang balong “malalim ay walang tubig/sa ibabaw ay may lubid.” (S481 T3-4). Narito pa ang dagdag na paglalarawan ng balon: 482 Ang lalo pang pinagtakha’y ang nakitang kalinisan, walang damo’t mga sukal gayong ligid ng halaman. 483 Ang bunganga ay makinis batong marmol na nilalik,
  • 519.
    16 mga lumot sapaligid mga gintong nakaukit. Paano na nga inilarawan ang paligid ng balon? Malinis, di ba? Walang kalat, kahit maraming tanim na halaman sa paligid. At ang bunganga ng balon – ano ang ginamit dito? Marmol. Na may palamuti pang gintong nakaukit, ano? Mahiwaga, di ba? Kung ikaw ang nakatuklas ng gayong uri ng balon, di ka rin kaya maakit na tuklasin kung ano ang nasa kailaliman niyon? Siguro ay lulusong ka rin sa balong ito, di ba? Kung ikaw ang nasa lugar ni Don Juan, matapos sumuko ang iba, kayanin mo pa kayang lumusong sa kailalimang hindi mo alam kung saan ka dadalhin? Pero likas na may determinasyon si Don Juan. Kaya nang di makayanan ng dalawang nakatatandang kapatid ang dilim at lalim ng balon, siya ang lumusong hanggang sa napakalayong kailaliman. Alalahanin mong may lubid na sa ibabaw ng balon, kaya talagang dito nagdaraan ang mga nanggagaling doon sa kailaliman patungo sa kalupaan sa ibabaw. Ano ang nakita ni Don Juan sa kalaliman? Ang nakita ni Don Juan ay isang napakagandang dalaga. Ganito ang paglalarawan sa kanya: 514 Sumisikat na bituin sa bughaw na panginorin, nakangiti at magiliw sa pagsasabog ng ningning! Pagkakita sa dalaga’y lumitaw ang isa pang katangian ng ating bidang si Don Juan. Mahulaan mo kaya kung ano ito? Narito ang usapan ng dalawa: 515 “O marilag na Prinsesa, ang sa araw na ligaya’t kabanguhan ng sampaga sa yapak mo’y sumasamba.” Nahulaan mo ba ang isa pang katangian ni Don Juan, na ngayon lamang lumitaw? Tama. Bolero ang ating bida. Matamis ang dila. Mahusay humabi ng mga salitang nakaaakit sa makakarinig. Kung ikaw ang dalagang inaalayan ng gayon katamis na pananalita, di rin kaya lumambot ang puso mo sa isang estranghero? At kung ikaw naman ang nasa katayuan ni Don Juan, gayon din bang mga salita ang agad mamumutawi sa mga labi mo?
  • 520.
    17 Gayon ang suyuannoong araw, noong panahon ng ating mga lolo’t lola, noong hindi pa uso ang cellphone at texting. 516 “Sa matamis na bati mo’y nagagalak ang puso ko, ngunit manghang-mangha ako sa iyong pagkaparito!” Sino na ang nagsasalita rito? Tama. Ang dalagang nasa ilalim ng balon. Takang-taka siya kung paanong nakarating sa ilalim ng balon ang dayuhang binata. Ano ang sagot ni Don Juan? 517 “Ako’y isang pusong aba na kayakap ng dalita, inihatid ditong kusa ng pagsinta kong dakila. 518 “Inimbulog sa itaas ng malabay niyang pakpak, saka dito inilapag, maglingkod sa iyong dilag. Nagsasabi ba ng totoo si Don Juan sa bahaging ito? Nambobola siya, di ba? Anong pagsinta itong sinasabi niyang naghatid sa kanya sa mahiwagang balon? Di ba pagkamausisa ang dahilan kung bakit naakit siyang lumusong sa napakalalim na balon? Gusto lamang niyang tuklasin kung ano ang nasa kailaliman ng mahiwagang balon. Hindi naman niya alam na may dilag na naninirahan doon. Pero tila mabisa ang gayong pananalita. Para malaman kung mabisa nga ang mga salita ni Don Juan, basahin ang reaksyon ng dalaga: 520 Sa pagsamong anong lungkot ni Don Juang nakaluhod, ang prinsesang maalindog ay tinablan ng pag-irog. Ngunit hindi agad nagpahalata ang prinsesa. Gayon ang kaugaliang Pilipino noon. Hindi agad tinatanggap ang pagsuyo ng binata. Gayon man, sa lalo pang matatamis na pananalita ng binata, napilitang umoo ang dalaga. 529 At ang wikang buong suyo: “Tanggapin mo yaring puso, pusong iyan pag naglaho’y nagtaksil ka sa pangako.”
  • 521.
    18 Ang sagot niDon Juan? Siyempre, nangako siya ng habang buhay na pagmamahal na di kailan man magtataksil. 530 “Magtaksil? Pagtaksilan ang buhay ng aking buhay? Prinsesa kong minamahal Panahon ang magsasaysay.” Sa puntong ito sinabi ni Juana ang takot sa higanteng nagbabantay sa palasyo. Narito ang sagot ng matapang na prinsipe: 534 “Prinsesa kong minamahal, ang matakot ay di bagay, manghawak sa kapalara’t sa Diyos na kalooban.” Dito na biglang dumating ang higante. Narito ang usapan nina Don Juan at ng higante. 539 “Di na pala kailangang mamundok pa o mamarang dito man sa aking bahay ay lumapit na ang pindang. 540 “Salamat nga’t narito na sa tiyan kong parang kweba ang kaytagal ko nang pita ang tatlo man ay kulang pa.” Nahulaan mo ba kung sino ang bumigkas ng mga pananalita sa S539-540? Tama, ang higante, na agad humamon sa binatang prinsipe nang bantaan itong kakainin niya. Palagay mo ba ay nasindak si Don Juan? Syempre, hindi. Heto ang sagot niya sa higante. 541 Sa mga kutyang narinig si Don Juan ay nagngalit: “Higante, ‘tikom ang bibig, ako’y di mo matitiris. 542 “Kung ikaw man ay kilabot sa pook mong nasasakop sayang iring pamumundok pag di kita nailugmok.”
  • 522.
    19 Matapang na sagot,di ba? Mapanindigan kaya ni Don Juan ang tapang ng kanyang mga pananalita? Ano sa palagay mo? 543 “At matapang? May lakas pang tumawad sa aking kaya? A, pangahas! Ha, ha, ha, ha Ngayon mo makikilala. 544 “Nang sa inyo ba’y umalis nangako ka pang babalik? Nasayang ang panaginip, dito kita ililigpit.” Patuloy ang panggagalit ng higante, di ba? Ano naman ang sagot ni Don Juan? 545 “Ayoko ng angay-angay lumaban ka kung lalaban! Kung hangad mo yaring buhay hangad kong ikaw’y mapatay.” At naglaban na ang higante at ang tao. Sino kaya ang mananalo? 546 Nagpamook ang dalawa nagpaspasang parang sigwa, sa pingkian ng sandata ang apoy ay bumubuga! 547 Sa mabuting kapalara’t sa Diyos na kalooban, ang Higante ay napatay ng prinsipeng si Don Juan. Tama ba ang hula mo? Siyempre, ang ating bida, si Don Juan, ang nagwagi. Pero hindi niya solo ang tagumpay. Paano niya natalo ang higante? Sinagot ito sa S547. Mabuting kapalaran ang sumakanya dahil ito’y kalooban ng Diyos. Naaalala mo pa ba ang isang katangian ni Don Juan? Iyon ay ang pananampalataya sa Diyos at laging pagdalangin sa Birhen. Ang katangiang ito ang nagbigay sa kanya ng tagumpay. Ipinakita sa mga talakay na ito ang tatlong elemento ng narativ: ang tauhan, tagpuan at usapan.
  • 523.
    20 Ano na ngaba ang tinutukoy ng tauhan? Ito ang gumaganap sa kwento. Sa tauhan umiikot ang kwento. Maaaring ito ay pangunahing tauhan, tulad ni Don Juan. O tauhang suporta sa pangunahin, tulad nina Don Pedro at Don Diego. Ano naman ang tinutukoy ng tagpuan? Ito ang lugar at oras nang maganap ang kwento. At ang usapan? Tinatawag ding dayalog, ito ang mga sinasabi ng mga tauhan. Mas buhay na buhay at lutang na lutang ang karakter ng tauhan kapag ipinakita ang tuwirang pagsasalita nito. Pansinin na ang tuwirang sipi ng sinabi ng tauhan ay ikinukulong sa mga panipi. Basahin mo uli ang saknong na ito: 429 Bago mitak ang umaga si Don Jua’y umalis na wika’y “Ito ang maganda natatago ang maysala.” Ano ang ipinapakita sa saknong na ito? Alin sa tauhan, tagpuan o usapan ang isinasaad dito? Di ba ang magandang katangiang mapagpatawad ng pangunahing tauhan na si Don Juan? Kusa siyang lumisan ng Berbanya upang pagtakpan ang mga kapatid na siyang nagpakawala sa Ibong Adarna. Samakatwid, tauhan ang binibigyang pansin sa saknong na ito. Napansin mo ba ang pahayag ni Don Juan? Ano ang eksaktong sinabi niya? Di ba, “Ito ang maganda/natatago ang maysala.” Nakakulong sa panipi (“…”) ang winika niya. Ito ang tinatawag na tuwirang sipi ng sinabi ng tauhan. Kung hindi tuwiran ang pagsipi, ganito naman ang pagpapahayag: Sinabi ni (o Ayon kay/ Winika ni ) Don Juan na maganda ang gayon upang maitago ang maysala. Wala nang panipi, di ba? Kapag tapos na ang saknong, pero patuloy pa ang pagsasalita ng tauhan, walang panipi sa katapusan ng saknong. Samantala, may panipi sa pagsisimula ng bagong saknong. Tingnan ang mga halimbawa: 525 “Sukatin mo yaring hirap ng sa iyo ay paghanap balong lihim ay di tatap nilusong kong walang gulat.
  • 524.
    21 526 “Hinamak angkadiliman at panganib na daratnan, ngayong kita’y masilaya’y sawi pa rin yaring buhay!” Binigyang pansin mo ba – walang panipi sa huling taludtod ng S525. Ibig sabihin, ang nagsasalita sa S525 ay magpapatuloy ng pagsasalita sa S526. Maliwanag ba? Sa tuwirang pagsipi ng sinabi ng tauhan, maaaring gumamit ng pariralang nagsasaad kung sino ang nagsasalita. Halimbawa: Wika ni Don Juan, “Ito ang maganda/natatago ang maysala.” Kung minsan, hindi na kailangang sabihin pa kung sino ang nagsasalita. Sa palitan ng dayalog ng dalawang nag-uusap, mahuhulaan mo na kung sino ang nagsasalita batay sa sinasabi. Narito ang mga halimbawa: 515 “O marilag na Prinsesa, ang sa araw na ligaya’t kabanguhan ng sampaga sa yapak mo’y sumasamba.” 516 “Sa matamis na bati mo’y nagagalak ang puso ko, ngunit manghang-mangha ako, sa iyong pagkaparito!” Sa dalawang magkasunod na saknong, hindi binanggit kung sino ang nagsasalita. Mahulaan mo kaya kung sino ang nagsasalita sa S515? Tama ka kung si Don Juan ang isinagot mo. Paano mo natiyak na siya nga ang nagsasalita sa saknong na ito? Ang T1 ay nagsasaad kung sino ang kausap niya, ang magandang prinsesa. Kaya alam mong si Don Juan ang nagsasalita. Alam mo ring natapos na ang pagsasalita niya dahil may panipi sa hulihan ng saknong. Sa S516 naman? Di ba ang prinsesa na ang nagsasalita rito? Paano mo natiyak? Dahil sa nilalaman ng kanyang pahayag, di ba? Ito ang sagot niya sa pagbati ng prinsipe. At pagsasabi na rin ng pagkabigla niya sa bagong dating na si Don Juan. Gaya ng nabanggit na, ang tauhan, tagpuan at usapan ay mga elemento ng narativ o pagsasalaysay. Bakit may mga elemento ng narativ sa ating pinag-aaralang korido? Uulitin ko, ang korido ay isang mahabang tulang pasalaysay. May sukat at tugma dahil nga ito’y patula, at may kwento sa tulang ito kaya nga tinawag na pasalaysay.
  • 525.
    22 Gamitin Ngayon, matutukoy mona ba ang mga saknong na nagpapakita ng kasiya-siyang tauhan, tagpuan, at usapan? Basahin mo ang mga saknong at isulat sa iyong sagutang papel kung anong katangian ng tauhan ang ipinapahayag sa mga ito: 534 “Prinsesa kong minamahal, ang matakot ay di bagay, manghawak sa kapalara’t sa Diyos na kalooban.” a. nananalig sa Diyos b. natatakot sa higante c. nagmamahal sa prinsesa 582 “Hindi kita kailangan ni makita sa harapan, umalis ka’t manghinayang sa makikitil mong buhay.” a. may malasakit sa kausap b. mapanghamak c. magagalitin Anong mga taludtod ang nagpapahayag ng katangiang pinili mo? Ano namang uri ng lugar ang inilalarawan sa saknong na ito? 571 Ang palasyo kung munti man ay malaking kayamanan, walang hindi gintong lantay ang doon ay tititigan. a. palasyong maliit at wala ni ginto b. palasyong maliit at walang halaga c. palasyong maliit ngunit malaking kayamanan Ano ang isinasaad sa usapan sa ibaba: 545 “Ayoko ng angay-angay lumaban ka kung lalaban! Kung hangad mo yaring buhay hangad kong ikaw’y mapatay.”
  • 526.
    23 a. pagsuko b. paghamon c.pag-iwas Tingnan mo nga kung tama ang mga sagot mo. Narito ang mga tamang sagot: S534: a S582: a. T3-4 S571: c S545: b Lagumin Malinaw na ba sa iyo kung paano mapipili ang mga tiyak na bahagi ng korido na nagpapakita ng kasiya-siyang tauhan, tagpuan, at usapan Upang maging mas malinaw pa, narito ang pangunahing puntos ng sub-araling ito: 1. Ang tauhan, tagpuan at usapan ay mga elemento ng narativ na makikita sa isang korido. Ito ay dahil ang korido ay mahabang tulang nagsasalaysay o nagkukwento kaya taglay nito ang mga elemento ng narativ. 2. Ang pangunahing tauhan ay si Don Juan. May mga bagong tauhan ang koridong Ibong Adarna sa pangalawang bahaging ito: sina Juana at Leonora at ang mga tanod nila, ang higante at ang serpyenteng may pitong ulo. 3. Ang tagpuan ay ang lugar at panahon nang maganap ang kwento. Sa koridong Ibong Adarna, ang panahon ay noong unang panahon ng mga hari at reyna. Sa pangalawang bahaging ito ng korido, ang lugar ay ang kabundukan ng Armenya. 4. Ang usapan o dayalog ay nagbibigay-buhay sa mga karakter. Kapag tuwirang sinipi ang sinabi ng tauhan, ikinukulong ito sa mga panipi. Ngayong malinaw na ang mga puntos ng sub-araling ito, handa ka na ba sa isang pagsubok? Subukin I. Piliin ang tamang sagot. Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel 1) Sino ang pangunahing tauhan sa koridong Ibong Adarna?
  • 527.
    24 a. Don Pedrob. Don Diego c. Don Juan 2) Sa ikalawang bahagi ng Ibong Adarna, saan ang tagpuan? a. Albanya b. Berbanya c. Armenya 3) Sino ang nagpakawala sa Ibong Adarna? a. Si Don Diego at si Don Pedro b. Si Don Pedro at si Don Juan c. Si Don Pedro, si Don Diego at si Don Juan 4) Saan nakarating si Don Juan nang lisanin niya ang kanilang kaharian? a. Albanya b. Berbanya c. Armenya 5) Anong klaseng balon ang nakita ng magkakapatid? a. may tubig b. walang tubig 6) Sino ang unang inihugos ng lubid patungo sa kailaliman ng balon? a. Si Don Diego b. Si Don Pedro c. Si Don Juan 7) Bakit hindi nakarating sa kailaliman si Don Pedro at si Don Diego? a. Natakot sa dilim at lalim ng balon b. Nasilaw sa liwanag ng balon c. Maikli ang lubid na ipinanghugos sa balon 8) Sino ang nakarating sa kailaliman ng balon? a. Si Don Pedro b. Si Don Diego c. Si Don Juan 9) Sino ang dalagang may bantay na higante” a. Si Juana b. Si Leonora 10) Sino ang nakapatay sa higante? a. Si Don Pedro b. Si Don Diego c. Si Don Juan II. Anong uri ng tauhan ang inilalarawan batay sa kanyang sinasabi:
  • 528.
    25 1) 543 “Atmatapang? May lakas pang tumawad sa aking kaya? A, pangahas! Ha, ha, ha, ha Ngayon mo makikilala. a. mapangutya b. matapang c. pangahas 2) 515 “O marilag na Prinsesa, ang sa araw na ligaya’t kabanguhan ng sampaga sa yapak mo’y sumasamba.” a. matamis ang dila b. matapat magsalita c. masambahin sa kausap 3) 541 Sa mga kutyang narinig si Don Juan ay nagngalit: “Higante, ‘tikom ang bibig, ako’y di mo matitiris. a. mapangutya b. mapanghamon c. matakutin Tama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito: I. 1) c 6) b 2) c 7) a 3) a 8) c 4) c 9) a 5) b 10) c II. 1) a 2) a 3) a Kung tama ang sagot mo sa lahat ng tanong, hindi mo na kailangang sagutan ang susunod na bahagi, ang Paunlarin. Paunlarin 1. Sino ang nagsasalita sa mga saknong sa ibaba? Paano mo natukoy kung sino ang nagsasalita?
  • 529.
    26 a. 519 “Ako’yiyong kahabagan O, Prinsesang minamahal, at kung ito’y kasalanan sa parusa’y nakalaan.” b. 523 Sa laki ng kapanglawan ang prinsipe’y nanambitan: “Kung wala kang pagmamahal kitlin mo na yaring buhay. c. 524 “Ano pa yaring halaga kung sawi rin sa pagsinta, mahanga, O Donya Juana, hininga ko’y malagot na.” d. 565 “Anong tamis ng mamatay kung lugod ng minamahal! Anong saklap ng mabuhay kung duwag na tuturingan! e. 566 “Huwag kang maghihilahil may awa ang Inang Birhen, sa magandang nasa natin ay di niya hahabagin.” Tama kaya ang mga sagot mo? Kung ganito ang sagot mo, tama ka: Si Don Juan ang nagsalita sa lahat ng saknong sa itaas. May iba’t ibang paraan para makilalang si Don Juan ang nagsasalita. Iisa-isahin ang mga ito sa ibaba: a. Sa S519 T2, tinukoy ang prinsesa na siyang kausap. Kaya siguradong si Don Juan ang nagsasalita. b. Sa S523 T2, sinabing ang prinsipe ang nagsasalita: “ang prinsipe’y nanambitan.” c. Sa S523 T3, binanggit ang ngalan ni Donya Juana na siyang kausap kaya siguradong si Don Juan ang nagsasalita. d. Ang S565 ay tunog-macho, di ba? Tunog-pananalita ng isang binata na gustong magpapogi sa isang dalaga. Lalo na ang T3-4. Hindi ito masasabi ng isang dalaga, lalo pa noong mga unang panahon. Ang pananalitang ito ang binitiwan ni Don Juan bago siya nagpunta sa palasyo ni Leonora upang ito naman ang iligtas sa serpyenteng may pitong ulo. e. Sino ba ang tauhang laging nananawagan sa Inang Birhen? Di ba si Don Juan? Kaya tiyak na siya ang nagsabi nito. Isa pang clue: Ang saknong na ito ay karugtong ng S565. Napansin mo bang
  • 530.
    27 walang paniping nagkukulongsa S565 T4? Ito’y dahil ang susunod na pananalita ay kay Don Juan pa rin. Kung ang sagot mo ay si Don Juan ang nagsasalita sa lahat ng saknong sa itaas, tama ang mga sagot mo. Kung ang katwiran mo naman ay kahawig ng paliwanag sa itaas, tama ka rin. Sub-Aralin 2: Idea, Opinyon, Paniniwala Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang natutukoy mo ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng: • magkatulad na idea • magkasalungat na idea • magkatulad na opinyon • magkasalungat na opinyon • magkatulad na paniniwala • magkasalungat na paniniwala Alamin Matapang talaga si Don Juan, ano? Akalain mong mapatay niya ang higante? Ang nakaraang sub-aralin ay dito nagtapos, sa pagkapatay ni Don Juan sa higante. May naaalala ka bang kwento sa Bibliya tungkol sa ganito ring paghahamok ng higante at tao? Tama. Ang taong si David at ang higanteng si Goliath. Sino ang nanalo? Di ba si David? Tagumpay ng maliit laban sa malaki. Sa bahaging ito ng korido, maliit man si Don Juan, laban sa malaking higante, nanalo pa rin siya, dahil sa tulong ng Diyos na lagi niyang tinatawagan. Ngayon, ang ililigtas naman niya ay ang kapatid ni Juana na si Leonora. Ang bantay ng dalaga, hindi higante kundi serpyenteng may pitong ulo. Magwagi kaya uli ang ating bida? Pinuntahan na ni Don Juan ang palasyo ni Leonora at nakita niya itong nakadungaw sa bintana. Ito ang kanyang reaksyon nang makita ang dalaga. 574 Natikom ang kanyang bibig dila ay parang napagkit, mga matang nakatitig alitaptap na namitig!
  • 531.
    28 Maganda ba angdalagang nakita niya? Hindi lamang maganda kundi pagkaganda-ganda! Ano ang ibig sabihin ng T3-4: “mga matang nakatitig/alitaptap na namitig!” Ano pa kundi, hindi na kumurap ang prinsipe sa pagkakatitig sa dalaga. 575 Kaya lamang nakahuma nang simulan ni Leonora: “O, pangahas, sino ka ba at ano ang iyong pita?” 576 “Aba, palaba ng Buwan, Tala sa madaling-araw hingi ko’y kapatawaran sa aking kapangahasan. 577 “Sa mahal mong mga yapak alipin mo akong tapat, humahalik at ang hangad, maglingkod sa iyong dilag.” Matamis talaga ang dila ni Don Juan, ano? Basta’t nakakita ng kagandahan ay agad nakahahabi ng mabulaklak at matamis na pananalita. Alam mo ba kung ano ang palaba? Ito ang halo o ang bilog na liwanag na nakapaligid sa buwan. Matamis din ba ang dila ng mga binata sa ngayon? Ikaw, ganyan ka ba? Sa maikling panahon ng kanilang pagkikilala, agad napaibig ni Don Juan si Leonora. Sa simula’y nagkunwaring nagagalit ang dalaga sa pangahas na binata pero ito’y pagsubok lamang. Paano na si Donya Juana? Mahulaan mo kaya? Naglaban si Don Juan at ang serpyenteng may pitong ulo. Sino kaya ang nanalo? Parang walang kamatayan ang serpyente dahil ang ulong natagpas ay bumabalik sa katawan. Pero binigyan ni Leonora si Don Juan ng balsamo na kapag ibinuhos sa ulo ay di na ito makahuhugpong pa uli sa katawan. Kaya napatay ni Don Juan ang ahas. Isinama niya sa ibabaw ng balon ang magkapatid na Juana at Leonora at pauwi na sana sila nang maalala ni Leonora ang singsing na naiwan niya sa palasyo. Bumalik si Don Juan sa ilalim ng balon upang kunin ang singsing. Ngunit panibagong pagtataksil ang naisipan ni Don Pedro. Pinatid niya ang lubid na kinakapitan ng kapatid kaya ito ay bumulusok sa balon at nagkabali-bali ang mga buto.
  • 532.
    29 Linangin May mga idea,opinyon, at paniniwala sa bahaging ito ng korido na tatalakayin sa sub-araling ito. Linawin muna natin sa bahaging ito ang pagkakaiba ng tatlong salita. Ang idea ay alin mang palagay, kuru-kuro, kaalaman o kaisipan tungkol sa alin mang bagay. Maaaring maging opinyon ang isang idea kung ang kaisipang taglay nito ay sinusuportahan na ng matinding damdamin o pagkiling batay sa palagay lamang at hindi sa matibay na patunay. Ang paniniwala ay matibay na pagsuporta sa isang idea, at tiwala na ang ideang ito ay totoong-totoo at di mababali. Basahin ang mga saknong sa ibaba. Ang nagsasalita ay si Leonora. Ito ang tugon niya sa inihahaing pag-ibig ni Don Juan. 610 “Sinusubok ko nga lamang kung ang puso mo’y marangal, ugali ng alinlanga’t alaalang pagtaksilan. 611 “Pagkat marami sa puso talusira sa pangako, sa pagsinta’y mapagbiro’t matuwaing sumiphayo. 612 “Pipitasin ang bulaklak sa tangkay na nag-iingat, mahal habang di pa kupas, pag nalanta ay sa layak!” Anong mga idea ang ipinapahayag sa mga saknong sa itaas? Ano na nga ang idea? Ito ay maaaring kuru-kuro, palagay, kaalaman o kaisipan. Di ba may kinalaman sa pag-ibig ang ideang pinalulutang sa mga saknong sa itaas? Pagsubok kay Don Juan at pag-aalalang baka taksil ang binata. Naaalala mo pa si Juana? Di ba niligawa’t napaibig din ni Don Juan? Ngayo’y ang kapatid naman nito ang tinutuhog ng binata. Dagdag pa ni Leonora sa S611, maraming lalaki ang di tumutupad sa pangako. Ito ang ibig sabihin ng talusira. Biro lamang ang pag-ibig sa mga lalaki at natutuwa silang magpaibig upang magpaluha lamang pagkaraan. Ganito nga ba ang mga lalaki?
  • 533.
    30 Inihambing ang dalagasa isang bulaklak na pinipitas ng binata, na habang sariwa ay iniingat- ingatan pero kapag nalanta na ay itinatapon na lamang sa basurahan. Nag-aalala si Leonora na kapag nagsawa na ang binata ay iwan na lamang siya at sukat. Sa kasalukuyang panahon ba ay may ganito rin bang mga pangyayari? Posible, di ba? Hindi tama, pero nangyayari. Malinaw na ba sa iyo ang ideang nakapaloob sa mga S610-612? Ito ay ang kataksilan ng mga lalaki sa pag-ibig. At ano naman ang kasalungat na idea ng kataksilan? Di ba katapatan? Ang pagiging tapat sa pag-ibig. Ang katapatan ay maaaring hindi lamang sa pag-ibig kundi sa pamilya, sa bayan, sa paniniwala. Anong paniniwala ang pinalulutang sa bahaging ito ng koridong pinag-aaralan? Ano nga ba ang ibig sabihin ng paniniwala? Kapag iniisip mo o nadarama mong totoong-totoo ang isang bagay o isang idea, ito ay paniniwala. Malinaw na isinusulong sa korido ang mataos na paniniwala sa Diyos at sa Inang Birhen. Kung maaalala mo, ang korido ay karaniwang nagsisimula sa isang panawagan sa isang pintakasi. Sa Ibong Adarna, ang Birheng matangkakal ang pinanawagan upang gumabay sa kanya sa pagsasalaysay. Ang Birhen din ang laging pinananawagan ni Don Juan upang gumabay sa kanya sa tuwi- tuwina. Ikaw, kanino ka nagdarasal upang gabayan ka lagi sa iyong pag-aaral, sa iyong pang-araw- araw na pamumuhay, at lalo pa pag nahaharap ka sa problema? Basahin ang sumusunod na mga saknong na nagpapahayag ng paniniwala: 607 “Pagkat lihim itong balon sinong taong sakdal-dunong ang dito’y makatutunton kundi Diyos ang may ampon?” Anong paniniwala ang isinasaad dito? Di ba, ang paniniwala sa Diyos? Ano pa? Ang paniniwala sa kapalaran o sa tadhana di ba? Ang ibig sabihin, itinadhana si Don Juan na makarating sa mahiwagang balon. Ang pangyayaring ito’y gawa ng isang nasa itaas, ng Diyos, na nagturo sa kanya sa balon. Hindi siya makararating doon kung sa kanyang sarili lamang dahil nakatago ang balon at di mararating ng tao kung walang gabay na magtuturo sa kanya. Sang-ayon ka ba na may gumagabay sa ating mga kilos at siyang nagtuturo ng ating tamang landas?
  • 534.
    31 Ano naman angkasalungat ng paniniwalang ito? May ilang naniniwala na ang tao ay isang malayang nilalang. Nasa kanyang mga kamay ang pagbuti niya o pagsama at walang mahiwagang pwersang gumagabay sa kanya kundi ang sarili niyang konsyensya at pasya. Alin sa dalawang magkasalungat na paniniwala ang sinusuportahan mo? Narito pa ang ilang piling saknong na nagpapahayag ng paniniwala sa Diyos: 567 Lumakad nang patuluyan, puso’y walang agam-agam. Diyos ang tinatawagang sa daratning kapalaran. Sa puntong ito ay patungo na si Don Juan sa palasyo ni Leonora na tinatanuran ng serpyenteng may pitong ulo. Wala siyang kaba dahil sa malaking paniniwalang di siya pababayaan ng Diyos. Kapag nakaharap ka sa malaking pagsubok, kanino ka humihingi ng tulong? Nagdarasal ka rin ba sa Diyos? Ang kasalungat na paniniwala nito ay ang pananalig sa sariling kakayahan. Na kung pinaghandaan mo ang alin mang pagsubok, nasa sarili mong mga kamay ang iyong tagumpay, hindi sa tulong ng iba. Alin sa dalawang paniniwala ang sinusuportahan mo? Sa sumusunod namang mga saknong, naglalaban na ang serpyente at si Don Juan. Parang pinanghihinaan na ng loob si Don Juan dahil ang serpyente ay “may buhay na sapin-sapi’t/di yata makikitil.” (S631 T3-4.) Kaya, ano ang ginawa ni Don Juan? 632 Dito na siya tumawag sa Diyos, Haring mataas, sa kabaka niyang ahas huwag nawang mapahamak. 633 Di man niya maigupo huwag siyang masiphayo, ni matigisan ng dugo’t pagkatao’y maitayo.
  • 535.
    32 Ano ang resultang gayong pagtawag sa Diyos? 634 Mataimtim palibhasa ang pagtawag kay Bathala, sindak niya ay nawala’t katapangan ay lumubha. 635 Noon din ay naramdamang nawala ang kanyang pagal, para bagang bago lamang sa ahas ay lumalaban. 636 Lalo niyang nakilalang ang Diyos ay nasa kanya nang hapuin ang kabaka hingi’y mamahinga muna. Ano ang bisa ng dasal ni Don Juan? Dalawa, di ba? Una, sa panig niya, nawala ang takot niya. Lalo siyang tumapang at nawala ang pagod. Pangalawa, sa panig ng ahas, ito naman ang napagod kaya hiningi nitong mamahinga muna sila sa paglalaban. Lalong naniwala si Don Juan na nasa panig niya ang Diyos. Ito ang isinasaad sa S636. Sang- ayon ka ba? Ano naman ang kasalungat nitong paniniwala? Na mismong kay Don Juan nagmula ang tiwalang magagapi niya ang kalaban. Sa mismong kalooban niya nanggaling ang lakas, hindi sa pwersang nasa labas ng kanyang pagkatao. Alin sa dalawa ang pinaniniwalaan mo? Alin naman ang bahaging naglalahad ng opinyon? Ano na nga ba ang opinyon? Ito’y kung ano ang iniisip ng isang tao tungkol sa isang bagay o pangyayari batay lamang sa kanyang pakiramdam o nadarama, hindi sa solidong mga patunay. Basahin ang mga saknong na ito. Bigyang pansin ang mga bahaging may salungguhit. 623 Dinaluhong ng prinsipe ng espada ang Serpyente, kasabay ang pagsasabing: “Ang buhay mo’y mapuputi!” 624 Sagot ng Serpyente’y ito: “Iyan ang hinahanap ko, magsisi ka at totoong makikitil ang buhay mo.”
  • 536.
    33 Magkasalungat na opinyonang inilahad sa dalawang saknong sa itaas, di ba? Sa opinyon ni Don Juan, mapuputi o mapapatay niya ang buhay ng serpyente. Sa kabilang dako, ang serpyente naman ay may opinyon na ang prinsipe ang mamamatay sa kanyang pangil. Hindi batay sa patunay ang opinyon ng isa’t isa kundi salig lamang sa pakiramdam nila. Noon lamang sila nagkaharap at di pa nila alam ang kakayahan ng isa’t isa Kaninong opinyon ang nagkatotoo? Tama ka, ang kay Don Juan, dahil siya ang nagwagi sa labanan at napatay niya ang ahas. Gamitin Handa ka na bang gamitin ang iyong mga napag-alaman? Basahin ang mga saknong sa ibaba at sabihin kung ang inilalahad sa mga pariralang may salungguhit ay (a) idea, (b) opinyon o (c) paniniwala. 608 “Sa Diyos na ngang talaga ang sa iyo’y pagkakita, kaya, mabunying Prinsesa lunasan mo yaring dusa.” 649 “Di ko kayo huhumpayan hanggang hindi mangamatay, ang ulo ko, iisa man ako ang magtatagumpay. 661 Panibugho at ang imbot sa puso ay sumusunog, dibdib ay ibig pumutok sa sama ng kanyang loob. 678 “Ako nama’y nariritong umiibig din sa iyo, maging siya’t maging ako iisa sa pagkatao. 679 “Kapwa kami mayro’ng dangal Prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa akin ang kaharian.”
  • 537.
    34 694 Nanunton angkalooban sa matandang kasabihang: Madalas na magbulaan ang sa taong panagimpan. Ganito rin ba ang mga sagot mo: S608: Paniniwala. Paniniwalang talaga ng Diyos ang pagkikita nila. S649: Opinyon. Hindi nagkatotoo ang opinyong ito ng ahas dahil siya ang napatay ng kalaban. S661: Idea. Tungkol sa pag-ibig at imbot. S678: Idea. Iisa ang mga magulang nina Don Pedro at Don Juan kaya sinabi niya kay Leonora na “iisa sa pagkatao” kaya pwedeng ipalit ang una (Don Pedro) sa pangalawa (Don Juan) sa puso ni Leonora. S679: Idea. S694: Paniniwala. Lagumin Malinaw na ba sa iyo ang sub-araling ito? Upang maging mas malinaw pa, inilahad sa ibaba ang mga pangunahing puntos ng sub-aralin. 1. Ano ang idea? Ang idea ay alin mang palagay, kuru-kuro, kaalaman o kaisipan tungkol sa alin mang bagay. 2. Maaaring maging opinyon ang isang idea kung ang kaisipang taglay nito ay sinusuportahan na ng matinding damdamin o pagkiling batay sa palagay lamang at hindi sa matibay na patunay. 3. Ang paniniwala ay matibay na pagsuporta sa isang idea, at tiwala na ang ideang ito ay totoong-totoo at di mababali. Ngayon, handa ka na ba sa isang pagsubok?
  • 538.
    35 Subukin Sagutin ang mgatanong. 4. Ano ang kinatatakutan ni Leonora kaugnay ng pag-ibig na iniaalay ni Don Juan? Aling saknong ang nagpapahayag ng pag-aalalang ito? 5. Sino o ano ang nakalaban ni Don Juan sa bahaging ito ng koridong Ibong Adarna? 6. Dalawang bagay ang nakatulong kay Don Juan upang magapi ang serpyente? Ano ang mga ito? 7. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong. 632 Dito na siya tumawag sa Diyos, Haring mataas, sa kabaka niyang ahas huwag nawang mapahamak. a. Sino ang siya na tinutukoy sa saknong na ito? b. Kanino siya tumawag? c. Ano ang hiniling niya? Aling taludtod ang nagpapahayag nito? 633 Di man niya maigupo huwag siyang masiphayo, ni matigisan ng dugo’t pagkatao’y maitayo. a. Hiniling bang mapatay ang ahas? b. Ayaw bang mapahiya ni Don Juan kaya niya hiniling na “pagkatao’y maitayo”?(T4) Tama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito: 1. Pagtataksil ni Don Juan. S610-612. 2. Ang serpyenteng may pitong ulo. 3. Pagtawag sa Diyos at balsamo ni Leonora. 4. S632: a. Don Juan; b. Diyos, Haring mataas; c. “huwag nawang mapahamak,” T4. S632: a. Kahit hindi niya maigupo o mapatay; b. ayaw niyang mapahiya dahil sa simula pa lamang ay siniguro na niyang siya ang magwawagi.
  • 539.
    36 O, tama baang mga sagot mo? Kung tamang lahat ang sagot mo, hindi mo na kailangang sagutin ang kasunod nitong bahagi, ang Paunlarin. Paunlarin Sagutin ang mga tanong. 1. Anong mga idea ang nabasa mo sa bahaging ito ng korido? Ano ang kasalungat nito? 2. Anong mga opinyon ang nabasa mo sa bahaging ito? Ano ang kasalungat nito? 3. Anong mga paniniwala ang nabasa mo sa bahaging ito? Ano ang kasalungat nito? Tama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito: 1. Taksil sa pag-ibig ang mga lalaki kaya kailangan pang subukin muna ang katapatan; ang kasalungat nito ay katapatan. Ang isa pa ay ang inggit at pag- iimbot ni Don Pedro at ang kasalungat naman nito ay ang pagmamahal ni Don Juan sa kapatid. 2. Na kayang patayin ng isang tao (ni Don Juan) ang napakalaking serpyente na may pitong ulo. Magkasalungat ang mga opinyon ni Don Juan at ng serpyente. Sa opinyon ni Don Juan, mapapatay niya ang serpyente; sa opinyon naman ng serpyente, mapapatay niya si Don Juan. 3. Paniniwala sa Diyos at sa laging paggabay ng Diyos sa sino mang laging tumatawag sa Kanya. Kasalungat nito ang paniniwalang nasa mga kamay ng tao ang kanyang kapalaran, wala sa pwersang nasa labas ng kanyang pagkatao. Sub-Aralin 3: Mga Pananaw at Tradisyon Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang nasusuri mo ang akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bahaging nagpapatunay ng: • panlipunang pananaw • pangkulturang pananaw
  • 540.
    37 • panrelihiyong pananaw •mga tradisyon Alamin Lalong nagiging kapana-panabik ang mga pangyayari, di ba? Ano na kaya ang mangyayari kay Don Juan ngayong naiwan siyang bali-bali ang mga buto samantalang naglakbay nang pauwi sa Berbanya ang dalawa niyang kapatid at ang dalawang dilag na iniligtas niya? Basahin ang mga saknong na nagsasalaysay ng sumunod pang mga pangyayari. Bigyang pansin mo ang mga pananaw at tradisyong isinasaad sa teksto. Kausap ni Don Pedro ang kanyang ama: 714 “Amang makapangyarihan, puno nitong kaharian, ang iyo pong kalooban siya naming igagalang. 715 “Kung ako po’y tatanungin si Leonora na ang akin; si Don Diego’y ikasal din kay Donya Juanang butihin.” Ani Leonora naman: 717 “Ako po’y di sumusuway sa atas mo, Haring mahal ngunit isang kahilingang iliban muna ang kasal. 718 “Sa aki’y ipahintulot ng mahal mong pagkukupkop, na bayaan kong matapos yaring panata ko sa Diyos. 719 “Mulang ako’y maulila sa akin pong ama’t ina, pitong taon kong panatang mamumuhay nang mag-isa.”
  • 541.
    38 Pumayag ang hariat sinabihan ang anak niyang si Don Pedro: 727 “Pairugan si Leonorang Magpatuloy sa panata; Pedro’y pasasaan bagang Di matupad iyang pita. 728 “Tibayan ang kalooba’t dagdagan ang kabaitan, taong nagpapakabanal huwag pagmamalaswaan.” Idinaos ang kasal nina Don Diego at Donya Juana. 730 Siyam na araw na singkad buong reyno ay nagalak, maginoo’t mga hamak sa kasala’y nagkayakap. Samantala, si Don Juan ay inalagaan ng Lobo ni Leonora. Kumuha ito ng tubig sa Ilog Herdan at: 739 Buong suyong pinahiran bawat pasa ng katawan, gayon din ang mga pilay na malubha at hindi man. 740 Prinsipe’y agad lumakas nabahaw ang mga sugat, nakatindig at ang gilas ngayon ay lalong tumingkad. Pagkaraa’y lumisan na ang Lobo at naiwang nag-iisa si Don Juan. Ano ang kanyang ginawa? 749 Dili ang hindi nabakla ang prinsipe nang mag-isa, kaya’t agad lumuhod na’t sa Diyos napakalara. 750 “O Diyos, Haring mataas Panginoon naming lahat, sa alipin Mo’y mahabag na ituro yaong landas.”
  • 542.
    39 Dito na dumatingang Ibong Adarna at pinayuhan si Don Juan na hanapin na lamang ang kanyang kapalaran: 767 “Ngunit anhin pa ba natin ang nagdaa’y sariwain, ang marapat ngayong gawin, ligaya mo ay hanapin. 768 “Limutin sa alaala ang giliw mong si Leonora dito ay may lalalo pa sa karangalan at ganda.” 778 Sa payo nitong Adarna ang Prinsipe’y lumakad na, nalimutan si Leonora’t puso’y na kay Maria Blanca. Linangin May mga pananaw at tradisyong nakapaloob sa mga saknong sa itaas. Ano ba ang pananaw? Ito ang paraan ng pagtingin o ang iyong saloobin sa mga bagay-bagay at maaaring ito’y kaugnay ng lipunan, kultura at relihiyon. Ang totoo’y magkakaugnay ang tatlong ito. Di ba lipunan ang lumilikha ng kultura? Ang paniniwala naman tungkol sa isang Maylikha ay may malaking impluwensya sa uri ng kulturang nabubuo ng isang lipunan. Ang tradisyon naman ay ang mga pinagkaugalian nang paniniwala o paraan ng pagsasagawa ng mga bagay-bagay. Maaaring ito’y ritwal, pagdiriwang, atb. Kaugnay pa rin ito ng lipunan, kultura at relihiyon. Ito ang mga bagay na ginagawa ng isang pangkat ng mga tao kaugnay ng kanilang mga pinaniniwalaan. Halimbawa, tradisyon na ang marangyang kasalan dahil sa paniniwalang kailangang ipagsaya ng buong komunidad ang bagong pagsasama ng dalawang nagmamahalan. Ang S714-715 ay nagpapahayag ng nakaugalian nang paggalang sa mga magulang at pagsunod sa kanilang pasya, maging sa pag-aasawa. Ang totoo, noong unang panahon ay mga magulang ang nasusunod sa pag-aasawa ng anak. Ipinagkakasundo ang mga anak kahit mga bata pa. Kung sino ang gusto ng magulang na mapangasawa ng anak, ay iyon ang pakakasalan ng anak. Ngayon, nasusunod pa ba ang tradisyong ito? Kung ikaw ang tatanungin, ganito rin ba ang ibig mong mangyari? Siyempre, hindi na ganyan ngayon. Malaya na ang bawat isa na pumili ng kanyang gusto.
  • 543.
    40 Iginagalang din niLeonora ang tradisyong ito kaya hindi siya nagpahayag ng pagtutol. Ang hiniling lamang niya ay palugit upang matupad ang panatang pamumuhay nang mag-isa sa loob ng pitong (7) taon. Ito naman ay nagpapakita ng panrelihiyong pananaw, na iginalang ng hari. Nang mga panahong iyon, ang babae ay walang boses maging sa mga bagay na may kaugnayan sa buhay niya at kaligayahan. Sa lipunan, relihiyon at kultura ng maraming lugar, ang kababaihan ay sunud-sunuran lamang sa mga lalaki – sa ama hanggang magkaasawa, at sa asawa kapag siya’y ikinasal na. Ngayon ba’y ganito pa rin ang nangyayari? Alin ang mas gusto mo, ang pananaw ngayon sa kababaihan, o ang dati? Gamitin Ngayon, ikaw naman ang maglapat ng mga natutuhan mo. Anong pananaw ang mababakas sa S727-728? Pagpapahalaga sa kababaihan, di ba? Sinunod niya ang kahilingan ni Leonora. Bukod dito’y pinagbilinan pa niya si Don Pedro na “huwag pagmamalaswaan” si Leonora. Ano namang tradisyon ang inilahad sa S730? Di ba ang marangyang kasalang nakaugalian na sa maraming bansa. Karaniwan, lalo’t mahal na tao, o mga prinsipe at prinsesa ang ikinasal, ang pagsasaya ay tumatagal nang ilang araw. Ganito rin ba sa inyong bayan? Samantala, ano namang pananaw ang isinasaad sa S739-740? Tama ka kung panrelihiyong pananaw ang sagot mo. Hanggang ngayon, marami pang naniniwala sa mga mahimalang lunas sa sakit. Di ba maraming humihimas o nagpapahid ng panyo sa Santo Nino at iba pang mga imahe sa paniniwalang malulunasan ang kanilang karamdaman sa ganitong paraan? Ano ang nangyari nang mapahiran ang buong katawan ni Don Juan ng tubig mula sa Ilog Herdan? Di ba mahimalang gumaling ang lahat ng butong nalinsad at naging mas matikas pa siya kaysa rati? Sa kanyang pag-iisa, muli, tumawag sa Diyos si Don Juan upang gabayan siya sa tamang landas. Ito ang ipinapahayag sa S749-750. Anong uri ng pananaw ito? Di ba panrelihiyon?
  • 544.
    41 Lagumin Malinaw na basa iyo ang sub-araling ito? Upang maging mas malinaw pa, narito ang mga pangunahing puntos: 1. Ang pananaw ay ang paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay o ang iyong saloobin dito. Maaaring ito’y kaugnay ng lipunan, kultura at relihiyon. 2. Ang tradisyon naman ay ang mga pinagkaugalian nang paniniwala o paraan ng pagsasagawa ng mga bagay-bagay. Maaaring ito’y ritwal, pagdiriwang, atb. 3. Ang bahaging ito ng korido ay nagbibigay ng mga halimbawa ng pananaw na panreliyon, panlipunan at pangkultura. Ngayon, handa ka na ba sa isang pagsubok? Subukin Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang hiniling ni Don Pedro sa kanyang ama pagdating nila sa Berbanya? 2. Pumayag bang pakasal sa kanya si Leonora? Ano ang idinahilan ng dalaga upang maipagpaliban ang kanilang kasal? 3. Sino ang hinihintay ni Leonora? 4. Pumayag ba ang hari sa kahilingan ni Leonora? Ano ang ipinagbilin ng hari kay Don Pedro? Tukuyin ang taludtod na nagsasaad nito. 5. Sino ang dumating upang gamutin ang mga pasa at baling buto ni Don Juan? 6. Ano ang ipinayo ng Ibong Adarna kay Don Juan? 7. Alin sa a, b, at c ang pananaw na isinasaad sa sumusunod na mga taludtod: 767 “Ngunit anhin pa ba natin ang nagdaa’y sariwain, ang marapat ngayong gawin, ligaya mo ay hanapin. a. Kalimutan na ang nakaraan at harapin ang kinabukasan
  • 545.
    42 b. Sariwain angnagdaan 768 “Limutin sa alaala ang giliw mong si Leonora dito ay may lalalo pa sa karangalan at ganda.” a. Limutin na ang dating giliw at maghanap ng iba b. Laging alalahanin ang dating kasintahan Tama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito: 1. Ipakasal siya kay Leonora at si Don Diego naman kay Juana. 2. Hiniling niyang ipagpaliban ang kasal dahil sa kanyang panata. 3. Si Don Juan. 4. Pumayag ang hari. Sinabi niya kay Don Pedro na igalang ang pagkababae ni Leonora. S728T4. 5. Ang Lobo ni Leonora. 6. Hanapin ang Reyno de los Cristal at ang magandang prinsesang si Maria Blanca. 7. S767: a; S768: a. Kung tamang lahat ang sagot mo, hindi mo na kailangang sagutan ang susunod na bahagi, ang Paunlarin. Paunlarin Punan ang mga patlang: 1. Ginamot ng Lobo ang mga pasa ni Don Juan sa tulong ng ______ mula sa Ilog Herdan. a. langis b. putik c. tubig 2. Ayon sa Ibong Adarna, huwag nang sariwain pa ni Don Juan ang nagdaan. Ang tinutukoy niya rito’y ang ____________.
  • 546.
    43 a. pitong ulong serpyente b. pagkamatay ng higante c. pagtataksil ni Don Pedro 3. Maghanap na raw siya ng bagong ligaya, at ito ay si _________. a. Leonora b. Maria Blanca c. Juana 4. Ang lupaing pupuntahan niya ay _________. a. Reyno de los Cristal b. Berbanya c. Armenya 5. Sa paghahanap niya sa malayong kaharian, tinulungan siya ng ________. a. magandang prinsesa b. matandang ermitanyo c. batang paslit Tama kaya ang mga sagot mo? Narito ang mga tamang sagot: 1. c 2. c 3. b 4. a 5. b Mahal kong estudyante, maligayang bati. Ngayong natapos mo na ang Modyul 12, magpatuloy ka na sa Modyul 13. Mga Sanggunian Rodillo, Gregorio M. et al. 1998. Ibong Adarna: Isang Interpretasyon. Binagong Edisyon. Maynila: Rex Book Store. Santillan-Castrence, Pura. 1940. Publikasyon Blg. 26 ng Surian ng Wikang Pambansa. Maynila: Surian ng Wikang Pambansa.
  • 547.
    44 Gaano ka nakahusay? A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali. 1. Si Don Pedro, ang panganay sa tatlong prinsipe, ang bida sa koridong Ibong Adarna. 2. Si Don Diego, ang pangalawang anak, ay sunud-sunuran lamang sa mga pakana ng panganay na kapatid. 3. Si Don Juan, ang bunso, ang paborito ng amang hari. 4. Si Don Juan ang nagpakanang pawalan ang Ibong Adarna upang iba ang mapagbintangan. 5. Nang makawala ang ibon, kusang nilisan ni Don Juan ang palasyo upang pagtakpan ang tunay na nagkasala. 6. Hindi ipinahanap ng hari ang bunsong si Don Juan. 7. Masaya ang tatlong magkakapatid nang muling magkita-kita. 8. Tatlo ang nagtangkang lumusong sa mahiwagang balon pero isa lamang ang nakarating sa kailaliman. 9. Dalawang magandang dalaga ang nakatira sa palasyo sa ilalim ng balon. 10. Binabantayan sila ng isang higante at isang serpyenteng may tatlong ulo. 11. Napatay ni Don Pedro ang higante at ang serpyente. 12. Masayang umuwi sa Berbanya ang tatlong magkakapatid na prinsipe kasama ang dalawang dilag. 13. Ikinasal si Don Diego kay Juana. 14. Tumangging pakasal si Leonora kay Don Pedro. 15. Samantala, naiwan sa ilalim ng balon si Don Juan. B. Piliin sa mga salita sa loob ng panaklong ang angkop sa patlang para mabuo ang pangungusap. 1. Ginagamit ang _______ upang ikulong ang tuwirang sinabi ng isang tauhan. (panipi, panaklong, bracket) 2. Ang _______ay tungkol sa lugar at panahon nang maganap ang isang kwento. (tauhan, tagpuan, usapan) 3. Dayalog ang isa pang tawag sa _______ (tauhan, tagpuan, usapan). 4. Ang tagpuan ng koridong Ibong Adarna ay noong ___________ (unang panahon, kasalukuyang panahon, hinaharap na panahon). 5. Ang korido ay mahabang tulang ___________ (nagsasalaysay, naglalahad, nangangatwiran). C. Anong katangian ng tauhan ang isinasaad sa sumusunod na mga saknong? Piliin ang sagot sa ibaba. Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. 466 Kung siya’y may kahinaang sukat maging kapintasan, ang pag-ibig na dalisay
  • 548.
    45 sa kapatid kailanman. a)laging mapagmahal sa kapatid b) palapintas sa kapatid c) mapaghanap sa kapatid 2. 508 Nasimulan nang gawain ang marapat ay tapusin, sa gawang pabinbin-binbin wala tayong mararating. a) determinasyong tapusin ang nasimulan b) gustong ibinbin ang gawain c) walang gustong marating 3. 522 Gayon pa man ay tinimpi ang pagsintang ngumingiti saka siya nagkunwaring sa prinsipe’y namumuhi. a) marunong magtimpi b) mahusay magkunwari c) madaling mamuhi D. Basahin ang mga saknong. Anong katangian ng tagpuan ang isinasaad sa bawat saknong sa ibaba? Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. 444 Tumutubong punungkahoy mga bungang mapupupol, matataba’t mayamungmong, pagkain ng nagugutom. a) maraming bungangkahoy b) maraming matataba c) maraming nagugutom 2. 449 Simoy namang malalanghap may pabangong pagkasarap, langhapin mo’t may pagliyag ng sampaga at milegwas. a) may bango ng bulaklak ang hangin b) may paglingap ang hangin c) may langhap-sarap ang hangin
  • 549.
    46 3. 482 Anglalo pang pinagtakha’y ang nakitang kalinisan, walang damo’t mga sukal gayong ligid ng halaman. a) malinis ang paligid ng balon b) masukal ang paligid ng balon c) madamo ang paligid ng balon E. Anong idea ang ipinapahayag sa sumusunod na mga saknong? Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. 607 “Pagkat lihim itong balon sinong taong sakdal-dunong ang dito’y makatutunton, kundi Diyos ang may ampon?” Natuklasan ni Don Juan ang balon dahil sa a) tulong ng Diyos b) dunong ng Diyos c) lihim ng dalaga 2. 608 “Sa Diyos na ngang talaga ang sa iyo’y pagkakita, kaya, mabunying prinsesa lunasan mo yaring dusa.” Nagkita si Don Juan at si Leonora dahil ang pagkikita nila’y a) talaga ng Diyos b) lunas sa dusa ng prinsipe c) hiling ni Don Juan 3. 611 “Pagkat marami sa puso talusira sa pangako, sa pagsinta’y mapagbiro’t matuwaing sumiphayo. a) maraming lalaking mapaglaro sa pag-ibig b) maraming lalaking di marunong tumupad sa pangako c) maraming lalaking natutuwang magpaluha ng babae d) lahat ng a, b, at c
  • 550.
    47 F. Anong paniniwalaang isinasaad sa sumusunod na mga saknong? Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. 634 Mataimtim palibhasa ang pagtawag kay Bathala, sindak niya ay nawala’t katapangan ay lumubha. a) mabisa ang dasal kung taimtim b) nawawala ang sindak dahil sa dasal c) tumatapang kapag nagdarasal 2. 636 Lalo niyang nakilalang ang Diyos ay nasa kanya nang hapuin ang kabaka hingi’y mamahinga muna. a) Lalong nakilala ni Don Juan ang Diyos nang mapagod ang ahas matapos siyang magdasal b) Lalong naniwala si Don Juan na nasa panig niya ang Diyos nang mapagod ang ahas matapos siyang magdasal c) Lalong naniwala si Don Juan sa Diyos nang mapagod ang ahas matapos siyang magdasal 3. 694 Nanunton ang kalooban sa matandang kasabihang Madalas na magbulaan ang sa taong panagimpan. a) Madalas na kabaligtaran ang panaginip. b) Madalas managinip ang tao. c) Madalas na magbulaan ang taong nananaginip. 4. 854 “Paalam na, O, Don Juan, si Leonora ay paalam, kung talagang ikaw’y patay magkita sa ibang buhay.” a) may ibang buhay pa pagkaraang mamatay ang tao b) ang mga patay ay nagkikita-kita sa ibang buhay c) nagpapaalam ang mga namamatay
  • 551.
    48 G. Basahin angmga saknong at sagutin ang mga tanong: 1. 730 Siyam na araw na singkad buong reyno ay nagalak, maginoo’t mga hamak sa kasala’y nagkayakap. a) Ilang araw ang pagdiriwang? Aling taludtod ang nagsasaad nito? b) Anong salita ang singkahulugan ng reyno? c) Anong okasyon ang ipinagdiriwang? Aling taludtod ang nagsasaad ng okasyon? 2. 778 Sa payo nitong Adarna ang Prinsipe’y lumakad na, nalimutan si Leonora’t puso’y na kay Maria Blanca. a) Sino ang nagpayo kay Don Juan? b) Sino ang nalimutan na ni Don Juan? c) Na kanino na ngayon ang puso ni Don Juan? 3. 848 “Tatlong taon nang mahigit yaring aking pagtitiis maatim kaya ng dibdib na makasal sa di ibig?” a) Ilang taon nang naghihintay si :Leonora kay Don Juan? Aling taludtod ang nagsasaad nito? b) Ano ang di maatim ni Leonora? Aling taludtod ang nagsasaad nito?
  • 552.
    49 Modyul 12 Mga BagongPakikipagsapalaran Ano na ang Alam Mo? (Panimulang Pagsusulit) A. 1. M 6. M 11. T 2. T 7. T 12. M 3. T 8. T 13. T 4. M 9. T 14. T 5. T 10. M 15. T B. 1. panipi 2. tagpuan 3. usapan 4. unang panahon 5. nagsasalaysay C. 1. a) D. 1. a) E. 1. a) 2. a) 2. a) 2. a) 3. a) 3. a) 3. d) F. 1. a) 2. b) 3. a 4. a) G. 1. a. Siyam (9) na araw. T1. b. kaharian c. Kasalan. T4 2. a. Ibong Adarna b. Leonora c. Maria Blanca 3. a. 3 taon. T1. b. Makasal sa di ibig. T4. Susi sa Pagwawasto
  • 553.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 13 Pagpapahayag ng Pakay/Motibo at Palagay Pagbuod ng mga Impormasyon, Pagbabagong Morpoponemiko
  • 554.
    2 Modyul 13 Pagpapahayag ng Pakay/Motiboat Palagay Pagbuod ng mga Impormasyon, Pagbabagong Morpoponemiko Tungkol saan ang modyul na ito? Madalas kang nakakalahaok sa mga usapan ng magkakaibigan, di ba? Paminsan-minsan, may mga isyu kayong pinagtatalunan. Sa mga pagkakataong ito nagpapahayag ka ng mga palagay o opinion, o di kaya ay sinusuri mo ang pakay o motibo ng mga tao sa kanilang ipinahahayag bago ka magbigay ng iyong palagay. Mainam na masanay ka sa mga ganitong transaksyonal na pakikipagpalitang-kuro. Nakapagpapatalas ito ng kaisipan at lumalawak ang kaalaman mo sa maraming bagay. Ito ang pakay ng modyul na ito: ang sanayin ka sa pagtukoy sa motibo o pakay ng nagsasalita o ng mga manunulat ng iyong binabasang teksto. Gayundin, hahasain ka ng modyul sa pagbuo ng mga palagay o opinyon, kasiya-siya man o hindi. Aba, pati paglalagom ng mga ideya ay saklaw din nito. Itataas din ang iyong kamalayan sa mga pagbabagong nagaganap sa mga salitang Filipino dahilan sa paglalapi. Pagbabagong morpoponemiko ang tawag dito. Ang modyul ay binubuo ng tatlong sub-aralin: Ang Sub-Aralin 1 ay nauukol sa pagsasalita. Sa araling ito ay matututuhan mo ang (1) pagtukoy sa mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo, at (2) pagkilala at pagbuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay. Ang Sub-Aralin 2 ay nauukol sa pagbasa at dito’y matututuhan mo ang (1) pagkilala ng salita ayon sa sitwasyong pinaggagamitan at (2) pagpili at paglagom ng mga impormasyong nakapaloob sa binasa ayon sa sariling pagpapakahulugan. Sa Sub-Aralin 3 naman ay makikilala mo ang iba’t ibang pagbabagong morpoponemiko na nagaganap sa mga salita. Handa ka na ba, kaibigan? Sige, simulan mo na.
  • 555.
    3 Ano ang matututunanmo? Nakasisiyang mabatid na interesado kang pag-aralan ang mga araling nauukol sa mga paksang binanggit sa itaas. Ngunit, hindi sapat na masabi mong interesado kang matutuhan ang mga ito. Higit na mahalagang malinang mo ang mga kasanayang nakapaloob dito. Sa modyul na ito, inaasahan kong magagawa mo ang mga sumusunod: 1. natutukoy ang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo 2. nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay 3. napipili at nalalagom ang mga impormasyong nakapaloob sa binasa 4. nakikilala ang iba’t ibang pagbabagong morpoponemiko na naganap sa isang salita Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Gaya ng nasabi ko na, marami kang matututunan sa modyul na ito. Bukod dito, magiging madali para sa iyo ang lahat ng mga aralin at gawain kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel sa pagsagot mo sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo muna ang Panimulang Pagsusulit. Ito ay ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin. 3. Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung mababa ang markang nakuha mo. May mga inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak kong makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito sa iyo upang maging mabuti ang pagsagot sa mga gawain.
  • 556.
    4 5. Sagutin moagad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutuhan mo ang aralin. Kunin mong muli sa guro ang Susi sa Pagwawaasto. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap ko na ikaw ay matulungang matuto. Ano na ba ang alam mo? Alamin muna natin kung kailangan mo pa ang modyul na ito. Kumuha ka ng sagutang papel at sundan mo ang pagsagot sa panimulang pagsusulit. A. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata. 1. Maagang nagising si Ryan. Ibig niyang sorpresahin ang kanyang ina. Matapos mailigpit ang mga gamit sa pagtulog ay inunahan na niya ang kanyang ina sa pagluluto ng almusal. Diniligan niya ang mga halaman, pinakain ang alagang aso at nilinis ang buong sala. Kailangang mapasaya ang kanyang ina sa kanyang mga ginawa. Kailangan ding makaalis siya nang maaga dahil may outing silang magkakabarkada. Wala siyang pera. Ang pakay o motibo ni Ryan ay ______________________________. A. humingi ng pera sa kanyang ina. B. ipagluto ng pagkain ang mga kabarkada. C. hiramin ang kotse ng kanyang ama. D. isama ang kanyang ina. 2. Pagkababang-pagkababa ng pasahero sa taksi ay agad na sinabi ni Ace sa driver ang lugar na kanyang pupuntahan. Pagkaupo ni Ace ay napansin niya ang isang maliit na bag sa bandang ibaba ng sasakyan. Isang pakete ang laman ng bag. Sa ibabaw nito ay may nakasulat na pangalan at address. Malapit sa pupuntahan niya ang address na kanyang nabasa. Naisip ni Ace na __________________________________________. A. ibigay sa driver ang pakete. B. bumaba at habulin ang lalaking sakay ng taksi. C. ipahinto ang taksi sa malapit na police station. D. ihatid ang pakete sa taong nagmamay-ari ng pakete
  • 557.
    5 3. Working studentsi Lance. Nasa iskul siya mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi ay nagtatrabaho siya bilang crew ng isang sikat na fastfood center. Madalas na nahuhuli ng kanyang profesor si Lance na natutulog sa klase kayat madalas din siyang pagsabihan nito. Ang pakay o motibo ng profesor ay upang ______________________. A. hiyain si Lance. B. gawing modelo si Lance. C. mag-drop si Lance. D. ipauna kay Lance na mahirap pagsabayin ang pag-aaral sa pagtatrabaho. 4. Ibig mag-aral ni Prince Kelly sa kolehiyo ngunit noon pang isang buwan ay sinabihan na siya ng kanyang ama na wala siyang ipantutustos sa pag-aaral nito. Ayaw matulad ni Prince Kelly sa kanyang mga kapatid na hindi nakatapos ng pag-aaral. Sa isang dyaryo ay nabasa ni Prince Kelly ang tungkol sa Programang Study Now Pay Later Plan. Naunawaan niya ang mahahalagang impormasyon na nakasaad dito kaya kakausapin niya ang kanyang ama. Ang pakay o motibo ni Prince Kelly sa pakikipag-usap sa ama ay upang hikayatin itong ____________________. A. mangutang ng pera. B. tumira sa boarding house. C. lumuwas ng Maynila. D. basahin ang nilalaman ng programa. 5. Dalawang taon pa lamang si John-John nang magtrabaho sa Saudi Arabia ang kanyang ama bilang isang OFW. Ngayong siya’y labimpitong taong gulang na ay nakatanggap ng balita ang kanyang ina na babalik na sa Pilipinas ang kanyang ama. Sa halip na matuwa ay parang walang anumang narinig si John-John. Hindi siya nakapagsalita. Ang pakay o motibo ni John-John ay upang ipakita sa kanyang ina na _____________________. A. maysakit siya. B. may pangarap din siyang makapagtrabaho sa ibang bansa. C. sasamahan niya ang ama sa pamamasyal. D. hindi siya nasasabik makita ang ama. B. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay. 1. Gutom na gutom na si Francel. Sitenta pesos na lamang ang laman ng kanyang bulsa. Ibig niyang makabili ng pagkaing bukod sa mura na ay mabubusog pa siya. Sa unang tindahan na kanyang pinuntahan ay singkwenta pesos ang halaga ng isang kanin, dalawang ulam. Sa isang tindahan naman ay sisenta pesos ang dalawang kanin, isang ulam at softdrinks. Pinili ni Francel ang huling tindahan. Laking tuwa ni Francel. Hindi siya nagsisi sa napiling pagkain.
  • 558.
    6 A. Hindi naako mauulit pang kumain dito. B. Lutong-bahay. Siguro kababayan ni Inay ang nagluto nito. C. Parang kulang sa asim ang sinigang. D. Parang minadali ang pagkakasaing. 2. Walang pasok si Algerou, araw kasi ng Ramadan. Sumama siya kay Michael na mamasyal sa Quiapo para bumili ng pirated CD. Tamang-tama, nagpapabili rin ang kanyang kapatid ng bagong CD ni Regine Velasquez. Nagtaka siya sa murang halaga ng mga CD ngunit kabilin- bilinan ng kanyang kapatid na huwag na huwag bibili ng pirated CD. Kinagabihan, nag-text si Michael kay Algerou. Nasira ang kanyang component sa bahay. Ano ang sasabihin ni Algerou? A. Mabuti nga sa iyo. Mahilig kang bumili ng pirated CD, eh. B. Baka talagang sira ang component ninyo. C. Isoli mo. Gusto mo, samahan kita? D. Sa susunod, sa iba na lang tayo bumili. 3. Nahuli sa akto ni Mr. Francisco na ninanakaw ng isang bata ang cellphone ng babaing katabi niya sa bus. Dahil may alam siya sa self-defense, inaresto niya ang bata. Iniwasan niyang daanin sa dahas ang pag-aresto. Ipinaalam niya sa bata ang kadahilan ng kanyang pag-aresto. Ano ang sasabihin ng bata? A. Bakit mo ako hinuli. Pulis ka ba? B. Wala akong kinukuha. Sa akin ang cellphone na ito. C. Bakit, me karapatan ka bang mang-aresto? D. Mabuti’t hindi ninyo ako sinaktan. Patawarin n’yo na ‘ko. 4. Lalabas na si Genaldo sa rehabilitation center. Tatlong taon din siyang namalagi rito. Ayaw na niyang umuwi sa kanilang bahay. Nangangamba siya na baka hindi na maging maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga kasama niya sa bahay. Ang akala niya’y siya lamang mag-isa ang uuwi. Laking gulat niya ng malaman niyang sinusundo na siya ng kanyang magulang at mga kapatid. Ano ang sasabihin ni Genaldo? A. Sinorpresa ninyo ako. Salamat po. Hindi ko malilimutan ang araw na ito. B. Bakit ngayon lang kayo dumating? C. Susunduin ninyo ako pagkatapos ibabalik n’yo uli ako rito? D. Dito na lang ako. Ayoko nang umuwi. 5. Pinalad na maging beneficiary ang familya Mangao sa mga proyekto ng Rural Improvement Center (RIC) ng Kagawaran ng Pagsasaka pagkatapos silang dumalo sa seminar ng wastong pagbababuyan. Malaking tulong ang ipinagkaloob ng RIC. Ano ang masasabi ng familya Mangao sa benepisyong kanilang natanggap? A. Magbababoy na tayo noon, magbababoy pa rin tayo ngayon. B. Wala nang asenso ang buhay natin. C. Kung iyong iba natutulungan ng gobyerno, tayo pa kaya? D. Lalo natin pagsumikapang lumago ang ating negosyo.
  • 559.
    7 C. Basahin angtalata sa bawat bilang. Isulat ang lagom nito sa sagutang papel. 1. Mahirap magutom ang tao. Kadalasan, kapag gutom ang isang tao ay natututo siyang kumain ng mga pagkaing hindi pa niya nakakain para lamang magkaroon ng laman ang kanyang sikmura. Sa Ongpin, China Town sa Binondo ay mabibili ang iba’t ibang hayop na maaaring lutuin para iulam sa hapag-kainan. Nariyan ang ahas, cobra, pawikan, at iba pa. Kaya hindi kataka-taka kung may mabili tayong kare-kareng kriket, tortang anay, sinangag na langgam, kilawing uwang, ginataang salagubang, adobong balang, atb. Huwag naman sanang dumating ang panahon na dahil sa kagutuman ay kainin ng tao maging ang mga damo, halaman at bulaklak. 2. Si Henaral Francisco Soliman Makabulos ang itinuturing na pangunahing bayani ng Tarlac. Noong panahon ng Kastila ay siya lamang ang tanging nakapagpalaya sa lalawigan sa kamay ng mga mananakop. Isinilang si Makabulos sa La Paz, Tarlac. Bagamat elementarya lamang ang natapos ay kinilala ang kanyang katalinuhan at katapangan sa pamamagitan ng pagtatatag ng sangay ng Katipunan sa Tarlac. Bilang manunulat ay nakapaglathala si Makabulos ng mga tula sa El Heraldo de la Revolucion, ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong Pilipino. Isinama siya ni Heneral Emilio Aguinaldo nang lagdaan ang Kasunduan sa Biak na Bato. Namatay si Makabulos noong Abril 30, 1922 sa Tarlac, Tarlac. Pagkaraan ng ilang taon, ang kanyang mga labi ay inilipat sa kanyang monumento na nasa harap ng kapitolyo ng Tarlac. D. Pag-aralan ang pagbabagong morpoponemikong naganap sa salita sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang sagot. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. Ang pantig ng salita ay nasa pantig na may salungguhit. 1. madamot maramot 2. pangbahay pambahay 3. buo buung-buo 4. buhay kabuhayan 5. taniman tamnan
  • 560.
    8 asimilasyong di-ganap metatesis pagpapalitng ponema pagkaltas ng ponema paglilipat-diin Kung tapos ka na, kunin mo sa guro ang SUSI SA PAGWAWASTO. Kumusta? Kung nasagutan mong lahat ang tanong, pwede ka nang pumunta sa susunod na modyul. Kung marami kang mali, pagbutihin mo ang pag-aaral sa modyul na ito. Magsimula ka na. Mga Gawain sa Pagkatuto Sub-Aralin 1 Ano ang Pakay o Motibo? Kasiya-siya ba o Di - Kasiya-siya ang Palagay? Layunin Ang layunin ng araling ito ay ang mga sumusunod: 1. natutukoy ang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo 2. nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya- siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay Alamin Bago mo matutuhan ang paraan ng pagsulat ng talaarawan ay kailangang magkaroon ka muna ng kaalaman ukol sa mga pangungusap na naglalahad ng pakay o motibo. Itinatanong mo kung ano ang kaugnayan nito sa pagsulat mo ng talaarawan?
  • 561.
    9 May malaking kaugnayan,kaibigan. Katulad ngayon, inuna kong mabigyan ka ng mahahalagang impomasyon ukol sa mga pangungusap. May pakay o motibo ako para gawin iyon. Ibig kong masanay ka sa pagbuo ng iba’t ibang pangungusap na magagamit mo sa pagsulat ng iyong talaarawan. Sa kabilang dako, alam ko ring may pakay o motibo ang pagtatanong mo. Tama ba ako? Bukod sa aking nabanggit, makakabasa ka rin ng mga pangungusap at pahayag na nagpapakilala ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay. Mahalaga rin ang mga ito sa pagbuo mo ng mga ideya habang isinusulat mo ang iyong talaarawan. Magugulat ka kapag nakabasa ka ng mga salitang nabago ang pagkakabaybay na naging sanhi upang mabago rin ang pagbigkas sa mga ito. Pagbabagong morpoponemik ang tawag dito. Narinig mo na ba ang salitang ito? Narito ang tatlong larawan. Pag-isipan mo kung ano ang pakay o motibo ng taong nakalarawan. Dugtungan mo ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ang pakay o motibo ng babae ay __________________ _______________________. 2. Ang pakay o motibo ng salamangkero ay ________________________. 3. Ang pakay o motibo ng dalawang mag- aaral na nagtapos ay _____________.
  • 562.
    10 Narito ang posiblengmotibo ng mga tauhan sa bawat bilang: 1. alagaan ang aso 2. magpasaya sa pamamagitan ng majik 3. makahanap ng trabaho Linangin Mula sa mga sagot mo, mahihinuha mong ang araling pag-aaralan mo ngayon ay tungkol sa mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo. Nagamit mo na ba ang ganitong mga pangungusap? Saang sitwasyon mo nagamit ang mga ito? Napuna mo ba na kung minsan ay may mga ibig tayong gawin na hindi natin magawa dahil kailangan pang humingi tayo ng pahintulot sa kinauukulan? Halimbawa, kapag may hinahanp tayong lugar, itinatanong pa natin sa taong mapagtatanungan natin ang ganito, “Maaari po bang magtanong?” o sinisimulan natin sa pagsasabi ng “Mawalang-galang na nga po . . .” Ito’y pagpapatunay lamang na tayo’y likas na magagalang bagama’t alam na ng ating kausap na tayo’y may pakay o motibo. At ito ay ang makapagtanong. May mga pagkakataon ding hindi natin masabi-sabi sa ating kausap kung ano ang pakay o motibo natin kaya nais natin silang kausapin. Madalas na inililihis natin ang ating sadya sa pamamagitan ng paggamit ng maliligoy na mga pangungusap gaya ng “Kasi ano… Ganito ‘yon… Alam mo, nahihiya man akong sabihin pero….” Narito ang ilang sitwasyon na magpapatunay na hindi natin agad nasasabi sa ating kausap ang ating pakay o motibo. Sitwasyon 1 Ang Mangungutang Nagpunta si Mary Grace sa bahay ni Nina. “Aba, biglang-bigla ang pagdalaw mo. Hindi ka man lang nagpasabi na darating ka. Ano’ng balita?” tanong ni Nina. “A, eh . . . Galing ako diyan sa isa kong kaibigan. Malapit lang ang bahay mo kaya’t naisipan kong dumaan,” sagot ni Mary Grace. “O, kumusta si Jeff? Kumusta ang mga bata?” tanong ni Nina.
  • 563.
    11 “Mabuti naman kayalang laging mainit ang ulo ni Jeff. Lagi kasi naming pinagtatalunan iyong kakaunti niyang sahod. Mahal pa naman ang mga bilihin ngayon. Pati nga mga bata ay madalas na hindi makapasok dahil wala akong maibigay na baon. Naglalakad na nga lang sila papunta sa eskuwelahan,” sagot ni Mary Grace. “Kung may mahihiraman nga lamang sana ako ng pera . . .” Narinig mo na ba ang ganyang mga pangungusap? Ano ang iyong nadama noong marinig mo iyon? Nainis ka o natawa? Naawa ka ba sa paraang kanyang ginamit? Ganoon din ba ang istilo mo sa panghihiram ng pera? Maligoy, ano? Sitwasyon 2 Ang Manliligaw Junior: Beth, bulaklak, o. Para sa iyo. Beth: Salamat. Saan galing? Junior: Binili ko sa kanto. Beth: Binili mo para sa akin? Bakit? Junior: Wala lang. Kasi nagagandahan lang ako sa iyo. Saka mabait ka. Sana kapaga natagpuan ko na iyong babaing magpapatibok sa puso ko, ang pipiliin ko’y iyong katulad mo. Beth: Nanliligaw ka ba? Junior: Hindi, ah. Wala pa sa isip ko ang bagay na iyan. Torpe. Tama ang sinabi mo. Torpe si Jun dahil hindi pa niya masabi ang kanyang pakay o motibo. Kung ikaw si Jun, sisimulan mo rin ba sa pagpapadala ng bulaklak? Hindi ka ba agad aamin na panliligaw ang pakay mo? Kung ikaw naman si Beth, tama bang itanong mo agad kay Jun kung nanliligaw ka? Ipararamdam mo ba agad ang kanyang pakay o motibo ? Sitwasyon 3 Ang Bagong Politiko Tuwing may bagyo o baha sa kanilang lugar ay laging nagpapadala ng isang dalawang kilong bigas at tatlong lata ng sardinas si Mr. Mendoza sa Barangay Center. Ganito ang lagi niyang sinasabi habang inaabot ang kanyang tulong. “Labis akong nalulungkot sa sinapit ninyong kapalaran. Kayat’t bago dumating ang tulong ng gobyernong lokal ay bayaan ninyong ako muna ang manguna sa pagtulong. Tanggapin ninyo ang kaunti kong nakayanan. Higit pa riyan ang pagtulong na aking gagawin sa mga susunod na taon. Asahan ninyo ang tulong ko. Umaasa rin ako na ako’y inyong tutulungan kapag ako naman ang nangailangan ng tulong. Makaaasa ba ako?”
  • 564.
    12 Maganda ba angpakay o motibo ni Mr, Mendoza? Narinig mo na ba ang ganitong mga pahiwatig? Ano ang nadarama mo kapag nakaririnig ka ng ganito? Naiinis ka ba? Nagagalit? Natutuwa? Ano ang pakay o motibo mo at ganito ang iyong nadarama? Ipaliwanag mo nga. Samantala, hindi lamang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo ang dapat na matutuhan mo. Alam mo ba na may mga pangungusap din na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay? Itinatanong mo kung ano ang ibig sabihin ng palagay? Ang palagay ay kasingkahulugan ng opinyon, kuru-kuro o pananaw sa isang isyung pinag- uusapan. Hindi ba’t kung minsan ay may nagtatanong sa iyo ng ganito? Ano sa palagay mo ang mangyayari kung . . .? Anong palagay mo sa . . . ? Para higit mong matutuhan kung ano ang palagay ay pag-aralan mo ang ang mga parirala at pangungusap sa tsart na ito: Paksa Palagay Ang kaguluhang naganap sa Haciena Luisita Sumama sa demonstrasyon ang mga di- nagtatrabaho sa Hacienda. Pagtaas ng halaga ng krudo Nakabatay sa pandaigdigang pamilihan ang pagtaas ng halaga ng krudo. Sa Palagay 1, Sumama sa demonstrasyon ang mga di-nagtatrabaho sa Hacienda kung kaya’t naganap ang kaguluhan sa Lusita Hacienda. Katanggap-tanggap ba sa iyo ang palagay na ito? Kung OO ang sagot mo, sang-ayon kang ang mga di-nagtatrabaho sa Hacienda Luisita ang dahilan ng kaguluhang naganap sa nasabing lugar. Kung HINDI ang sagot mo, iba ang dahilang naiisip mo sa kaguluhang naganap sa Hacienda Luisita. Sa Palagay 2, Nakabatay sa pandaigdigang pamilihan ang pagtaas ng halaga ng krudo, tinatanggap mo ba ang palagay na ito? Kung OO, sang-ayon kang hindi dapat isisi sa pamahalaan o sa mga kumpanya ng gasolinahan ang pagtaas ng halaga ng krudo. Kung HINDI ang sagot mo, iba ang dahilang naiisip mo kung bakit patuloy ang pagtaas ng halaga ng krudo. Maaaring ang dalawang palagay ay kasiya-siya sa iyo dahil tinatanggap mo. Paano kung negatibo sa iyo ang mga palagay na ito? Hindi mo matanggap dahil hindi naging kasiya-siya sa iyo, di ba? Upang higit mong malinawan ang pagkakaiba ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay ay pag-aralan mo at paghambingin ang mga pangungusap sa tsart na ito:
  • 565.
    13 Paksa Kasiya-siyang PalagayDi-Kasiya-siyang Palagay Pagdalo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa 12th Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa Santiago, Chile noong Nobyembre 21-22. Nahimok ni Pangulong Arroyo ang mga imbestor na mamuhunan sa Pilipinas. Maraming problemang pang- ekonomiya ang dapat munang tinutukan at nilutas ni Pangulong Arroyo kaya’t hindi siya dapat dumalo sa summit. Balak ng Department of Health na suspindihin ang senior citizens’ discount sa gamot. Kikita ang mga botika. Paglabag ito sa R.A. 9257 na nakatutulong sa mga matatandang may-sakit at walang hanap-buhay na makabili ng gamot sa murang halaga. Walang batas ang Pilipinas ukol sa terorismo. Hindi pagtatangkaan ng mga terorista na guluhin ang katahimikan ng Pilipinas. Nakakatakot na baka pagkatapos ng Amerika ay Pilipinas naman ang isunod pasabugin ng mga terorista.. Mula sa mga halimbawang ito, napaghambing mo ba ang kasiya-siyang palagay sa di-kasiya- siyang palagay? Alin sa mga palagay na ito ang nakaapekto sa iyo? Bakit? Upang lalo mo pang matutuhan ang aralin ay pag-aralan mo kung kailan maituturing na kasiya-siya at di-kasiya-siya ang palagay: Kasiya-siya ang palagay kung . . . 1. sang-ayon ka sa proposisyon. 2. may mabuting magagawa sa iyo at sa bayan. 3. walang masasaktan o maaagrabyadong tao. 4. makatutulong sa pambansang kapayapaan at pagkakaisa. 5. makatutulong sa mga pagbabagong nagaganap sa bansa.
  • 566.
    14 Di-kasiya-siya ang palagaykung . . . 1. hindi ka sang-ayon sa proposisyon. 2. walang mabuting magagawa sa iyo at sa bayan. 3. makakasakit o makakaagrabyado ka ng tao. 4. makapagsisimula ng kaguluhan at pagkakawatak-watak 5. walang maitutulong sa mga pagbabagong nagaganap sa bansa. Malinaw na ba sa iyo kung paano mo gagamitin ang mga pangungusap na nagpapakilala ng kasiya-siya at di-kasiya-siyang palagay? Gamitin Subukin mong iaplay ang natutuhan mo. A. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata. 1. Mabagal ang pag-unlad ng mga isyung napagkasunduan ng mga lider ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na ginanap sa Santiago, Chile lalo na para sa kapakanan ng mga bansang mahihirap na kasapi nito. Ito’y dahil _____________________. A. hindi naman mararamdaman ang ekonomiya. B. walang pakinabang ang naganap na summit. C. kasama ang Amerika sa summit. D. hindi ginanap sa Pilipinas ng summit. 2. Hindi na pupunta sa Taiwan si Lester para magtrabaho dahil sa placement’s fee na NT$120,000. Ang buwanang sasahurin kasi niya’y NT$15,840 lamang. Ang pakay o motibo ni Lester ay para ipamukha sa kanyang mga kababayan ang nangyayaring ________________________. A. mabagal na pag-aasikaso ng placement’s fee. B. magbabawas ngayon ng mga OFW ang Taiwan. C. hindi maiwi-withdraw ni Lester sa bangko ang malaking bahagi ng kanyang sahod. D. ang lalaki-laki ng placement’s fee, ang liit-liit naman ng kanyang sahod.
  • 567.
    15 3. Sa panahonng eleksyon ay ibinoboto ng mga mamamayan ang mga kandidatong nais nilang manungkulan sa pamahalaan. Gumawa ng pamanahong papel si G. Batong Jr. Lumabas sa kanyang pag-aaral na pagkatapos ng eleksyon, nangunguna sa bilangan ang mga sikat o kilalang tao sa larangan ng pelikula, radyo at telebisyon. Ang pakay o motibo ni G. Batong Jr. ay upang ipaalala sa mga tao na _______________________. A. hindi marunong bumoto ang nakararaming mamamayan. B. hindi marunong pumili ng mga kandidato ang nakararaming mamamayan. C. kailangang maging artista sa radyo, telebisyon at pelikula ang mga kandidato para manalo sa eleksyon. D. sa pagboto, mahalaga sa pagpili ng mga kandidato ang kanilang kwalipikasyon na magampanan ang mga tungkuling pang-administratibo at hindi ang maging popular sa larangan ng pelikula, radyo at telebisyon. 4. Bilang isang magaling na cook sa kanilang pamilya, at dala na rin ng kanyang pamamalagi sa ibang bansa sag awing ito bilang OFW, nagsilbi si Mrs. Mendoza bilang quality controller ng kanilang negosyo. Pinaninindigan niya ang pagsasabing hindi niya kayang ibenta ang pagkaing hindi niya gustong kainin. Ang pakay o motibo ni Mrs. Mendoza ay para ipaalam na _____________. A. maselan siya sa pagkain. B. matapat sa tungkulin si Mrs. Mendoza. C. mahalaga sa kanyang ang kalusugan. D. ayaw niyang magkasakit. 5. Naglalakad si Mac Mac sa iskinita. Katanghaliang tapat noon. Wala siyang kamalay- malay na may bigla na lamang humablot ng kanyang cellphone. Sa isang saglit lamang ay isa na siyang biktima ng snatcher. Ang pakay o motibo ni MacMac ay upang paalalahanan ang lahat na _____________ A. iwasan ang pagdadala ng cellphone. B. iwasan ang paglalakad sa iskinita. C. madaling mawalan ng cellphone. D. hindi ligtas ang tao sa snatching maging katanghaliang tapat. B. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang pangungusap na nagapapahayag ng kasiya- siyang palagay. Titik lamang ang isulat sa dahong sagutan. 1. Napatunayan sa isinagawang pananaliksik na sa 27 publikong paaralan sa Pasig City ay 8,341 mga mag-aaral ang may mabababang timbang dahil sa malnutrisyon. Dahil dito ay itinatag sa Pasig City ang programang “Tsibug Pampalusog”.
  • 568.
    16 A. Palulusugin ngaang mga bata, wala naman silang baon. B. Pera na lang sana ang ibinigay sa mga mag-aaral. C. Ayaw ng nakararaming mag-aaral na bumigat ang kanilang timbang. D. Sa wakas, mababawasan o kung di man ay mawawala na ang malnutrsiyon sa mga paaralan. 2. Ang pagkaing gawa sa buko, gaya ng nata de coco ay inimbento ng Pilipino subalit ang patent nito ay naibenta sa Japan at ang bansang ito ang nagparehistro sa pandaigdigang distribusyon. A. Baka muling sakupin ng Japan ang Pilipinas. B. Gusto lang magpasikat ang mga Hapon. C. Dapat mahiya ang gobyerno sa ginagawa ng mga Hapon sa ating bansa. D. Kilala na ang Pinoy sa mga imbensyon. 3. Humigit-kumulang ay isang daang liham ang natatanggap ni Mariz bilang D.J. ng Radio Romance. Isang araw, isang liham ang tinanggap ni Mariz. Pararangalan siya ng Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas (KBP). A. Sa wakas, nagkabunga rin ang pagsisikap ni Mariz. B. Bakit siya ang pararangalan? Bakit hindi ako? C. Gusto lang sorpresahin ng KBP di Mariz. D. Napakabata bata naman niya para parangalan. 4. Bagoong na isda ang isa sa mga paboritong sangkap ng mga Pilipino sa kanilang ulam. Isinasama ito ni Aling Docia sa pinakbet at dinengdeng, kilalang pagkain ng mga Ilokano. A. Marunong nga siyang magluto, puro lutong Ilokano naman. B. Wala kasing ibang ginagawa iyan kundi magluto. C. Walang ibang alam lutuin iyan kundi pinakbet at dinengdeng. D. Pampalasa sa mga lutuin ang bagoong na isda. 5. Ang proyektong Kabisig Laban sa Kahirapan ng Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ng Department of Social Welfare and Development ay kinapapalooban ng programa sa patubig, pagpapaelektrisidad at serbisyong pangkalusugan. A. Palabas lamang iyan ng gobyerno para masabing maka-mahirap ang mga lider ng bansa. B. Iyan lang naman ang kayang gawin ng DSWD. C. Panahon pa ni Magsaysay mayroon na iyan, eh. Wala na bang iba? D. Malaking tulong iyan sa lahat ng mga mamamayan.
  • 569.
    17 Narito ang tamangmga sagot: A. 1. A B. 1. D 2. D 2. C 3. D 3. A 4. B 4. D 5. D 5. D Kumusta ang nakuha mo? Kung kailangan ay balik-balikan mo ang mga sa sub-aralin at nang mamaster mo ang kasanayan. Lagumin Mula sa mga araling napag-aralan mo ay natukoy mo ang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo, batay sa mga sitwasyong inilahad. Sa mga pangungusap na nabanggit ay nakadama ka ng iba’t ibang damdamin – pagkalungkot, pagkatuwa, at panghihinayang. Nakilala, naipaghambing at nakabuo ka ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay. Subukin A. Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang titik na nagpapahayag ng pakay o motibo ng nagsasalaysay. Isulat ang sagot sa dahong sagutan. 1. Marami akong lupa sa Bulacan. Sampung hektarya na ang naipagbili ko. Iyong limang hektarya ng lupa ko sa Cavite ay sa susunod na linggo ko ibebenta. Nais ng nagsasalaysay na siya ay ______________. A. makapagyabang. B. makipagkaibigan. C. makitang naghihirap ang kanyang kausap. D. makilala sa lipunan. 2. Lahat ng mga clippings ukol sa kalusugan at negosyo ay tinitipon ko at maayos kong itinatago sa isang malaking envelope. Minamarkahan ko ang mga iyon para madaling mahanap kung kakailanganin ko. Ang pakay o motibo ng nagsasalaysay ay para malaman ng kanyang kausap na siya’y ___________________. A. malinis. B. maasikaso. C. maraming trabaho. D. organisado.
  • 570.
    18 3. Inirekomenda niSen. Manuel Villar Jr. sa mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Konggreso na ayaw magsoli ng kanilang pondo na magtanim na lamang ng mga puno. Ang pakay o motibo ni Sen. Villar Jr. ay upang __________________. A. makabawas sa pagkakalbo ng kagubatan. B. maisantabi ang mga gawain sa dalawang kapulungan. C. maiwasan ang illegal logging. D. magamit sa pangangampanya sa susunod na eleksyon. 4. Hindi pabor si Sen. Aquilino Pimentel Jr. sa panukalang isama sa death penalty ang illegal logging. Ang pakay o motibo ni Sen. Pimentel Jr. ay upang ang mga pinagdududahang illegal loggers ay __________________. A. mai-freeze na lamang ang kanilang bank deposits at ari-arian. B. patawan ng higit na mabigat na parusa. C. mapangalanan. D. magsisi at humingi ng kapatawaran sa mga naging biktima ng pagbaha. 5. Sa bagong pormula ng MMDA, gagawing 7am-4pm ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno at 9am-6pm naman sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Ang pakay o motibo ni MMDA Chairman Bayani ay upang ______________. A. makapagtipid ang gobyerno. B. maiklasipika ang mga nagtatrabaho sa gobyerno at sa pribadong sektor. C. maraming bumili ng mga sasakyan. D. malunasan ang problema sa trapiko. B. Basahin ang sitwasyon. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang damdamin. 1. Ngayong Lunes, Nobyembre 29 ay idineklarang non-working holiday ng Malacanang. Ang paliwanag ng palasyo, ang Nobyembre 30 na Araw ni Bonifacio at Pambansang Araw ng mga Bayani na siyang tunay na pista opisyal ay natapat ng Martes. Ipit ang Lunes sa Linggo na walang pasok. A. Sayang, wala akong sahod sa araw na walang pasok. B. Magulo ang magkasabay na selebrasyon ng Araw ni Bonifacio at Pambansang Araw ng mga Bayani. C. Mabuti at kinikilala ng Pilipinas ang kabayanihan ni Bonifacio at ng mga bayani ng ating bansa. D. Wala na tayong magagawa kung may pagbabagong ginawa ang Malacanang.
  • 571.
    19 2. Nagbigay-pugay siSenador Richard Gordon sa libu-libong volunteers ng Olongapo City na nagsakripisyo upang maipreserba ang mga pasilidad ng Subic Bay matapos abandonahin ng mga Amerikano ang mga ito bilang naval base. A. Kung bakit kasi umalis pa ang mga Amerikano. Nawalan tuloy ng hanap-buhay ang maraming mamamayan ng Olongapo City. B. Pagod, gutom at puyat ang dinaranas naming mga volunteer. C. Papuri lamang ang kapalit sa mga ginagawa naming pagvo-volunteer. D. Ang kusang pagtulong namin ay hindi nangangailangan ng kapalit. 3. Sa unang siyam na buwan ng taong kasalukuyan ay umangat ng 9% ang ani ng mangga kung saan umabot sa P14,97 bilyon ang kinita ng bansa sa mangga mula sa P14.5 bilyon noong nakaraang taon. Ang mga nangungunang rehiyon sa produksyon ng mangga ay ang Ilocos Region, Gitnang Luzon at Calabarzon. A. Bakit hindi nakasama ang aming rehiyon? B. Sa susunod, huwag lang ang produksyon ng mangga ang bigyan nila ng papuri. Mataas din ang ani ng saging, dalandan at kopra. C. Sa isang taon, hihina na ang produksyon ng mangga. D. Mabuti naman at dahil sa pag-angat ng ani ng mangga ay naragdagan ang kaban ng bayan. 4. Iba-iba ang naging reaksyon ng mga mamamayan hinggil sa iminungkahi ng isang kongresista na gawing legal ang pagtatanim ng marijuana bilang legal na alternatibong gamot sa sakit na kanser.Sang-ayon ako rito. A. Laban ako sa anumang illegal na droga sa bansa kabilang ang legalisasyon ng marijuana. B. Lalong tataas ang bilang ng mga magugumon sa ipinagbabawal na gamot. C. Maapruba sana ito sa lalong madaling panahon. D. Hindi makakakuha ng maraming boto sa Kongreso ang panukala. 5. Bahagyang nagkaroon ng magandang kinahinatnan ang transport strike kahapon sa panig ng mga tsuper at operators bagama’t perwisyo naman ang idinulot nito sa mga commuters. A. Hindi lahat ng mga tsuper ay sang-ayon sa strike. B. Hindi makatarungan ang laging pagtataas ng halaga ng krudo. C. Sampu sa mga nagwelgang driver ang dinakip ng mga pulis dahil sa pananakot sa ilang kasamahang driver. D. Mabibigyan ng diskuwento sa diesel ang mga driver.
  • 572.
    20 Iwasto mo angiyong mga sagot. A. 1. A B. 1. C 2. D 2. D 3. A 3. D 4. A 4. C 5. D 5. D Tama ba lahat ang iyong mga sagot? Kung hindi ang sagot mo, ang sagot mo, gawin mo ang susunod na gawain. Paunlarin A. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata. 1. Ako’y taga-Aklan. Ipinababatid ko sa lahat na bukod sa mga yamang-kalikasan ay mayaman din ang aming lalawigan sa kasaysayan at kultura. Ang pakay o motibo ng nagsasalaysay ay ___________. A. makapagyabang. B. makipagkaibigan. C. maipahayag ang kasiyahan. D. iwanan ang Aklan. 2. Ako’y may kapansanan. Ako’y isa sa labintatlong residente ng Makati na may kapansanan na tinanggap ng kumpanya ng Bench bilang costumer sale assistant. Ang pakay o motibo ng nagsasalaysay ay upang ipabatid sa lahat na ang kumpanya ng Bench ay ___________. A. maraming sangay. B. mapili sa mga empleyado. C. matulungin sa mga residente ng Makati. D. tumatanggap ng mga empleyadong may kapansanan. 3. Ang pagpapalabas ng mga malalaswang larawang nakasulat o nakikita ay maaaring pangganyak sa kabataan upang gumawa ng krimen tulad ng rape. Sanay maiwasan ng print media ang pagpapalathala ng mga malalaswang larawan. Ang pakay o motibo ng nagsasalaysay ay ___________. A. magsulat ng mga balita tungkol sa rape. B. isisi sa print media ang paglaganap ng krimen. C. purihin ang print media. D. ibilang ang print media na salik sa paggawa ng krimen.
  • 573.
    21 B. Basahin angsitwasyon. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang damdamin. 1. Ang EcoZone ay tumutulong sa mga manggagawa upang sila’y madaling makahanap ng trabaho. A. Salamat at malulunasan na ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. B. Kailangan pa bang magtrabaho sa ibang bansa? C. Wala naming natapos ang mga nag-aaplay ng trabaho, eh. D. Kailangang mag-isip tayo kung saan tayo magtatrabaho. 2. Ang buhay ni Rizal ay delikado at masalimuot ngunit kakikitaan ng katapangan at kabayanihan. A. Idolo ko si Rizal. B. Sino ang pumapangalawa kay Rizal bilang pambansang bayani? C. Sino ang higit na matapang, si Rizal o si Bonifacio? D. Ang Noli Me Tangere ay nobela ng pag-ibig at pakikipagsapalaran. 3. Kapag napag-uusapan ang teknolohiya, ang unang pumapasok sa isipan ng mga tao ay ang computer. Ito ang gamit sa pagpapadala ng mga mensahe, komentaryo, tanong o dokumento. A. May negatibong dulot ang teknolohiya. B. Ang computer ay para lamang sa mga matatalino at mayayaman. C. Magastos ang magkaroon ng computer. D. Salamat sa computer at napagaan ang mga trabaho ko. Iwasto mo ang iyong mga sagot: A. 1. C B. 1. A 2. D 2. A 3. D 3. C. Tama ba ang mga sagot mo? Kung OO, binabati kita. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral sa susunod na sub- aralin Sub-Aralin 2 Paglalagom ng Impormasyon Layunin Sa pag-aaral mo ng pangalawang aralin ay nakatitiyak akong matutugunan mo ang sumusunod na layunin: 1. nakapipili at nakalalagom ng mga impormasyong nakapaloob sa binasa ayon sa sariling pagpapakahulugan
  • 574.
    22 Alamin Bago ka magkaroonng impormasyon ukol sa bagong aralin ay pag-aralan mo ang mga salitang nakakahon. ulat pamanahong papel book review rebyu ng pelikula lektyur eksperimento Sa anong salita mo maiuugnay ang mga salitang nakakahon? Nahihirapan ka bang sagutin? Sige, hihintayin kitang makapag-isip. Balikan mong basahin ang mga salitang nabanggit. Hindi ba’t ang mga salita ay isang gawaing pasulat na ginagawa ng higit pa sa isang oras? Kung gayon, mahabang oras din ang kailangan mo para mabasa mo ang mga ito. Pagkatapos mong mabasa, ano ang pinakahuling gawain na magagawa mo para sa mga ito? Tama, lalagumin o bubuurin mo batay sa mga impormasyong nabasa mo. Linangin Mahalagang matutuhan mo ang wastong paglalagom o pagbubuod ng impormasyong nabasa mo. Ngunit bago mo ito matutuhan, pag-aralan mo muna ang ilang mahahalagang impormasyon ukol sa paglalagom o pagbubuod: Ang paglalagom na kasingkahulugan ng pagbubuod ay isang gawaing pasulat na pinaikling bersyon ng anumang nabasang akda o napanood na pelikula o dula. Ang mga lagom o buod ay maaaring nilikha mula sa mga aklat, artikulo, pulong at mga ulat. Sa pagsulat ng buod ay laging kasama ang paksa at mahahalagang detalye. Ibig mong malaman kung anu-ano ang mga katangian ng isang lagom o buod? Basahin mo ang halimbawa:
  • 575.
    23 Mga Bagong Panukala. . . Maipatupad Kaya? Dalawang bagong panukala ang inihain sa Kongreso. Ang legalisasyon ng jueteng at legalisasyon ng paggamit ng marijuana. Ang dahilan sa jueteng ay para mawala ang katiwalaan sa gobyerno samantalang idinadahilan sa paggamit ng marijuana na gamot ito sa kanser at iba pang sakit at karamdaman, bukod sa mapagkukunan ng karagdagang kita ang pamahalaan dito. Mahihirapan ang mga kongresistang nagpanukala nito na maipasa sa Konggreso ang dalawang kontrobersyal na panukala. Tiyak na darami ang tututol. Napuna mo bang ang lagom o buod ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian? 1. Maikli. Ang lagom o buod na maikli at hindi maligoy ay nakasisiyang basahin. 2. Malinaw ang paglalahad. Nasa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap ang ikinalilinaw ng isang lagom o buod. 3. Malaya. Taglay ng isang lagom o buod ang pangunahing idea o kaisipan kaya’t malaya ang manunulat na pumili ng paksang kanyang susulatin. 4. Matapat na kaisipan. Ang lagom o buod ay naglalaman ng matapat na pag-unawa sa orihinal na teksto o pangyayari. Matapos mong malaman ang mga katangian ng isang mahusay na lagom o buod ay handa ka nang matutuhan kung paano makapaglalagom ng isang binasang akda, di ba? Sundin mo ang mga sumusunod na hakbang: 1. Basahin ang buong teksto Ang mga Manunulat noong Panahon ng Amerikano Maraming manunulat ang nakilala hindi lamang sa istilo ng kanilang pagsulat kundi sa wikang kanilang ginamit sa pagpapahayag ng kanuilang isipan at damdamin. Lima sa maraming manunulat sa Kastila noong Panahon ng Amerikano ang itinuturing na haligi ng panitikang Filipino, Sila’y ang mga sumusunod: Cecilio Apostol. Siya’y sumulat ng tulang handog sa mga bayani. Isa sa kanyang mga isinulat ay ang tulang pumupuri kay Jose Rizal
  • 576.
    24 Fernando Ma. Guerrero.Itinipon niya ang kanyang mga tula na pinamagatan niyang Crisalidas na ang salin sa Filipino ay Mga Hingad. Jesus Balmori. Itinuturing na pinakamahusay na makata ata mambabalagtas sa Panahon ng Amerikano. Manuel Bernabe. Isang makatang liriko, si Manuel Bernabe ay higit na hinahangaan ng mga mambabasa dahil sa` melodiya ng kanyang mga tula. Claro M. Recto. Kinilala ang kanyang tinipong mga tula sa aklat na Bajo los Coconeros. Sa kasalukuyan, pinag-aaralan sa Panitikang Filipino ang ilan sa kanilang mga akda. 2. Itala nang maayos ang mahahalagang punto ng teksto. Maraming manunulat… istilo ng pagsulat… wikang ginamit … Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Jesus Balmori, Manuel Bernabe at Claro M. Recto . . . Panitikang Filipino. 3. Isulat sa sariling pananalita ang bawat seksyon o talata ng teksto. Sa Panahon ng Amerikano ay limang manunulat sa Kastila ang nakilala. Sila’y sina Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Jesus Balmori, Manuel Bernabe at Claro M. Recto. 4. Pagsamahin ang pangunahing idea at mga sinusuportahang detalye. Gumamit ng pang-abay. Limang manunulat sa Kastila noong Panahon ng Amerikano ang nakilala: Ceclio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Jesus Balmori, Manuel Bernabe, at Claro M. Recto.
  • 577.
    25 Sa pagbubuod, nawawalaba ang kaisipang nais ipahatid ng sumulat sa babasa nito? Hindi, di ba? Naroon pa rin ang ideya o kaisipang nakapaloob sa teksto.Siguro nasabi mo sa iyong sarili, “Ay, ganoon lang pala ang pagbubuod ng isang teksto. Madali, di ba? Gamitin Basahin ang talata sa bawat bilang. Ibuod ito sa sagutang papel. Pagkatapos mo, ipakita mo ang iyong ginawa sa iyong guro. 1. Ang Center for International Trade Exposition (CITEM) ay isang export promotion agency ng Department of Trade and Industry (DTI). Layunin nitong ipakilala ang Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan bilang maaasahang pinagmumulan ng ng mga produktong may mataas na kalidad sa pamamagitan ng trade fair, mga espesyal na eksibit, mga misyong pangkalakalan at iba pang gawaing panmpromosyon sa loob at labas ng bansa. Kabilang sa mga produktong pang-export na matutulungan ng CITEM sa pamamagitan ng promosyon ay ang mga gamit sa konstruksyon, elektroniks, pagkain, mga gamit sa bahay, atb. Sa pamamagitan ng mga programa ng CITEM, patuloy na nakikilala sa pandaigdigang pamilihan ang mga produktong sariling atin. Malaking tulong para sa mga negosyanteng Pinoy at sa ekonomiya ng bansa. 2. Kayang-kaya ng mga kumpanya ng langis ang P2.00 diskwento sa diesel na hinihingi ng mga driver kung gugustuhin ng mga negosyante at susuportahan ng gobyerno. Hindi masisisi ang grupo ng mga nag-aalsang driver kung mauulit muli ang kaguluhang naganap kamakailan kung hindi ipatutupad ang pangako ng mga negosyante. Ito ang tamang paglalagom sa binasa mong teksto. Tingnan mo kung malapit dito ang ginawa mo. Kung napakalayo, ipakita mo sa iyong guro at sasabihin niya sa iyo ang dapat. 1. Ang Center for International Trade Exposition (CITEM) ng Department of Trade and Industry (DTI) ay gumagawa ng mga produktong pang-export gaya ng mga gamit sa konstruksyon, elektroniks, mga gamit sa bahay, atb. kaya’t nakikilala ang Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan. 2. Kayang-kaya ng mga kumpanya ng langis ang P2.00 diskwento sa diesel na hinihingi ng mga driver kung gugustuhin ng mga negosyante at susuportahan ng gobyerno para hindi na maulit ang kaguluhan. Tama ba ang paglalagom na sinulat mo? Kuung OO ang sagot mo, magaling!
  • 578.
    26 Lagumin Natatandaan mo paang mga kaalamang natutuhan mo sa araling ito? Lagumin natin. Sa araling ito ay natutuhan mong ang pagbubuod ay isang gawaing pasulat na ginagawa upang mapaikli ang isang binasang teksto nang hindi nawawala ang kaisipang nais nitong ipahatid sa mga mambabasa. Sa pagbubuod ng alinmang teksto ay mahalagang mabasa mo muna ang buong teksto. Kailangang maitala mo nang maayos ang mahahalagang punto ng teksto. Kailangan ding maisulat mo ang mga kaisipang ito sa sarili mong pangungusap. Bukod dito, mahalagang mapagsama-sama mo ang mga pangunahing idea at mga sumusuportang idea na gamit ang mga pangatnig. Subukin A. Lagumin ang teksto sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang Pilipinas ay nahaharap sa napakaraming problema tulad ng kahirapan, terorismo, destabilisasyon, katiwalian, droga at krisis sa ekonomiya. Ito’y patunay lamang na hindi nagagampanan ng gobyerno ang gawain nito gayundin ang pagkakaroon ng mahinang republika. Sinang-ayunan ito ni Esmino (2003) sa kanyang pahayag na: 2. . . . Ang maraming bilang ng malalaking nakawan na nagaganap maghapon ay pagdagsa ng mga kontrobersyal na kaso kidnapping at ang nakamamatay na pagsulong ng karahasan sa lahat ng dako ng bansa ay tanda ng pagkakaroon ng magulong republika. 3. Maraming dahilan kung bakit nagaganap ang mga ganitong kaguluhan sa bansa. Una, ang pagtanggal sa karapatan ng mga mamamayan. Pangalawa, ang kawalan ng moral ascedency ng mga ofisyal ng pamahalaan at simbahan na nagiging dahilan ng pagkawala ng kredibilidad ng mga institusyong kinabibilangan nila. Pangatlo, ang mahinang liderato ng mga namumuno sa bansa. Pang-apat, ang krisis sa ekonomiya, kasama rito ang patuloy na pagbagsak ng piso, at ang di-nababayarang utang ng pamahalaan sa ibang bansa na umaaabot na sa P3.4 bilyon. 4. Totoong hindi madali ang pagkakaroon ng isang matatag na Republika ngunit kung lahat ng mamamayan ay iisipin ang kapakanan ng ating bayan, ang Pilipinas ay muling makakabangon sa kahirapan. Disiplina, pagmamahal sa bayan, determinasyon, sipag at tiyaga. Ang mga ito ang magandang puhunan para sa isang matatag na Republika. Malapit ba dito ang paglalagom mo sqa mga tekstong iyong binasa?: 1. Ang Pilipinas ay nahaharap sa napakaraming problema kaya’t patunay lamang na hindi nagagampanan ng gobyerno ang gawain nito kayat mahina ang Republika.
  • 579.
    27 2. Tanda ngpagkakaroon ng magulong Republika ang nakawan, kidnapping at karahasan. 3. Nagaganap ang mga kaguluhan dahil sa pagtanggal ng karapatan, kawalan ng moral ascedency, mahinang liderato, krisis sa ekonomiya at ang di-nababayarang utang ng pamahalaan. Paunlarin Gawin mo ang sumusunod kung kailangan mo pa. A. Basahin ang teksto. Isulat sa sagutang papel ang lagom o buod nito. Wikang Filipino: Wika ng Paglaya at Pagkakaisa Hayaan ninyong pasalamatan ko ang kaganapan ng aking pananalig na manatiling malaya at payapa ang ating bayang kaytagal ding naghirap sa kamay ng mga mananakop na dayuhan. Sa panahon ng pananakop, ang wikang Filipino ay naging mabisang kasangkapan sa pakikipaglaban, maging sa mga mayayamang bansa na nais sakupin maging ang ating kabuhayang pinamuhunanan ng pawis, dugo at luha. Wika ang tanging daan sa pag-alis ng diwang kolonyal. Kung ang wikang Filipino ay gagamitin nang naaayon sa ating kagustuhan, paniniwala at mithiin magiging madali ang pag- uugnayan natin sa isa’t isa tungo sa isang napapanahong pagbabalak at pagpapasya. Dahil sa wika’y kikilos ang lahat para sa pambansang kalayaan at pagkakaisa. Bilang pangwakas, masasabi kong ang wika ay matibay na pananggalang laban sa mga mananakop na nais alisin ang kalayaan at pagkakaisang natatamo natin sa ating bayan. Ito ang buod ng tekstong nabasa mo: Wikang Filipino sa Pambansang Paglaya at Pagkakaisa Hayaang ninyong pasalamatan ko ang pananatiling malaya at payapa ng ating bayan. Sa panahon ng pananakop, ang wikang Filipino ay naging mabisang kasangkapan sa pakikipaglaban. Wikang Filipino ang tanging daan sa pag-alis ng diwang kolonyal. Sa paggamit nito ay magiging madali ang pag-uugnayan ng mga tao. Ang wika ay matibay na pananggalang laban sa mga mananakop na nais alisin ang kalayaan at pagkakaisang natatamo natin.
  • 580.
    28 B. Bumasa kang isang teksto mula sa dyaryo o magasin. Isulat sa sagutang papel ang buod ng teksto. Ipabasa sa iyong guro ang iyong ginawa. Sub-Aralin 4 Pagbabagong Morpopomemiko O kaibigan, alam ko ngayon ay handa ka na para sa huling sub-aralin. Pag-igihan mo, ha? Layunin May mga salitang nababago ang pagkakabaybay na nagiging sanhi upang mabago rin ang pagbigkas ng mga ito. Pagbabagong morpoponemiko ang tawag dito. Narinig mo na ba ang tungkol dito? Dahil ibig kong magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa paksang nabanggit, layunin ng araling ito na: 1. nakikilala ang mga pagbabagong morpoponemiko na nagaganap sa isang salita 2. nasusuri ang pagbabagong morpoponemikong nagaganap sa isang salita Alamin Basahin ang liham na ipinadala ni Mrs. Tapris sa kanyang anak na si Ramoj. Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Camarines Sur National High School Pili, Camarines Sur Enero 3, 2005 Mahal kong Ramoj, Kumusta ka, anak? Kumusta ang pag-aaral mo sa Maynila? Kung kami ng tatay mo ang tatanungin mo ay mabuti naman sa awa ng Diyos. Kumusta ang bahay? Pakisabi sa Kuya Joel mo na aptan ang bubong bago dumating ang bagyo. Nakabili ba siya ng pamatay ng daga? Nabalitaan ko kasi na libu-libong daga raw ang naninira ng mga pananim dyan sa Maynila. Pinadalhan ko siya ng pera na pambili ng pampatay ng mga daga pati na rin pantukod sa mga bintana. Balitaan mo naman ako ng mga nangyayari riyan Nagmamahal, Nanay
  • 581.
    29 Pag-aralan mo angmga salitang may salungguhit. Wala ka bang napansin sa pagkakasulat ng mga ito? Pag-usapan natin ang pinanggalingan ng mga salitang nabanggit. Salitang-ugat tanong atip patay libo tanim diyan dala bili patay tukod balita diyan Nabuong Salita tatanungin aptan pamatay libu-libo pananim dyan pinadalhan pambili pampatay panukod balitaan riyan Anong pagbabago ang naganap sa mga salitang-ugat nang bumuo ng bagong salita? Aling mga salita ang nilapian? May pagbabago rin bang naganap dito? Linangin Bago mo matutuhan ang aralin ay nais kong mapag-aralan mo muna ang ilang kaalaman ukol sa morpolohiya. Ngayon mo lang ba narinig ang salitang ito? Ang morpolohiya ay pag-aaral ng pagsasama-sama ng mga tunog upang makabuo ng salita. Inilalarawan sa morpolohiya ang pagkakaroon ng makabuluhang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pinagsama-samang mga tunog. Ang morpema ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan. Ito’y mauuri sa (1) panlapi gaya ng ma- , ka-, pang-, ipang-, atb. sa matubig, kapuso, pangkulay, at ipanghiram; (2) salitang-ugat gaya ng araw, ulap, sining, atb.; at (3) ponema gaya ng a sa konsehala, gobernadora, atb. Dahil sa impluwensya ng kaligiran ng isang morpema ay nagbabagu-bago ang anyo nito. Ito’y tinatawag na pagbabagong morpoponemiko. Ibig mong malaman ang mga uri nito? Ituturo ko sa iyo ang limang uri ang pagbabagong morpoponemiko na karaniwang nangyayari sa salita kapag ito’y nilapian. Ito’y ang mga sumusunod:
  • 582.
    30 1. Asimilasyon. Nagaganapang asimilasyon kapag ang tunog ng isang morpema ay naaasimila ng isa pang morpema. May dalawang uri ang asimilasyon: ang asimilasyong di-ganap at ang asimilasyong ganap. a. asimilasyong di-ganap. Ito’y nakikita sa pagbabagong nagaganap sa isang morpema sanhi ng posisyong pinal na kasunod na ang bigkas ay pailong. Halimbawa nito ay / n / ng / pang- / ay nagiging / m / ayon sa kasunod na tunog. Halimbawa: Panlapi Salitang Nilapian Asimilasyong Di-Ganap pang- + palasa = pampalasa pang- + baraha = pambaraha Napansin mo ba na kapag ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa / p / at / b / ang pang- ay nagiging pam- ? Suriin mo naman kung ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa / d, l, r, s, t / gaya ng mga sumusunod: Panlapi Salitang Nilapian Asimilasyong Di-Ganap pang- + duro = panduro pang - + laba = panlaba pang- + relo = panrelo pang- + sayaw = pansayaw pang- + takip = pantakip Anong pagbabago ang naganap sa pang- + nang ikapit sa mga salitang nagtatapos sa / d, l, r,l s, t / ? Magbigay ka ng iba pang salita. b. asimilasyong ganap. Nagkakaroon ng asimilasyong ganap kapag ang unang ponemang inuunlapian ay naaasimilang ganap ng huling tunog ng panlapi. Ito’y makikita sa panlaping pang- na sinusundan ng / p / at / b /: / p / tulad ng / pitas / / b / tulad ng / bilang /
  • 583.
    31 Panlapi Salitang NilapianAsimilasyong Di- Ganap Asimilasyong Ganap pang- + pitas = pampitas = pamitas pang- + bilang = pambilang = pamilang Ang ilang mga salitang nagsisimula sa / s / at / t / ay nagkakaroon din ng asimilasyong ganap kung ang inuunlapi ay / pan- / gaya ng mga sumusunod: / s / tulad ng / sabong / / t / gaya ng / tulak / Panlapi Salitang Nilapian Asimilasyong Di-Ganap Asimilasyong Ganap pang- + sabong = pansabong = panabong pang- + tulak = pantulak = panulak 2. Pagpapalit ng ponema. Sa pagbubuo ng salita ay may pagkakataong ang ponemang inisyal ng salita na nilalapian ay nagbabago o napapalitan gaya ng mga sumusunod: a. d → r ma- + dami = marami ma- + dungis = marungis b. h → n tawah + an = tawanan c. o → u gusto = gustung-gusto bugso = bugsu-bugso 3. Metatesis. Ang pagpapalit ng posisyon ng letra sa loob ng isang binuong salita ay tinatawag na metatesis. Ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa / l / o / y / na ginigitlapian ng / -in- / ay nagkakaroon ng paglilipat ng posisyon ng / n / at ng / l / o / y /. Halimbawa: Salitang-ugat Panlapi Salitang Nilapian Nabuong Salita lingap + -in- = liningap = nilingap yakap + - in- = yinakap = niyakap talab + -an- = talaban = tablan tanim + -an- = taniman = tamnan
  • 584.
    32 Napuna mo bana nagkapalit ng posisyon ang / l / at / n /, / y / at / n /, /l / at / b /, at / n / at / m / ? Magbigay ka ng iba pang halimbawa. 4. Pagkakaltas ng ponema. Ito’y nagaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang- ugat na hinuhulapian ay nawawala. Pag-aralan mo ang mga halimbawang ito: Salitang-ugat Panlapi Salitang Nilapian Nabuong Salita dakip + -in dakipin = dakpin bigay + -an bigayan = bigyan halik + -an halikan = halkan bukas + -an bukasan = buksan takip + -an takipan = takpan Naunawaan mo ba kung paano nakaltas ang ponema ng mga salitang nasa tsart? Magbigay ka ng ilang halimbawa. 5. Paglilipat-diin. Ang paggamit ng panlapi ay nakapagpapabago ng diin ng salita. Maaaring mailipat ang diin sa isa o dalawang pantig patungong huling pantig o isang pantig sa unahan ng salita. Ang pantig na may salungguhit ang may diin. Halimbawa: Panlapi Salitang-ugat Nabuong Salita ka . . . an limot kalimutan pag . . . an sabi pagsabihan ma . . . an lawak pagtibayin pag . . . in tibay paglamayan Kapag binibigkas mo ang mga salitang limot, sabi, lawak, tibay, at lamay ay nasaan ang diin? Sa unang salita, di ba? Ngunit kapag nilapian ang mga salitang ito ay nalilipat ang diin sa ikalawang pantig ng salitang-ugat. Pansinin ang diin sa mga salitang sinalungguhitan sa mga halimbawang ito: gubat kagubatan tukso tuksuhin tagumpay pagtagumpayan salamat pasalamatan hinog pahinugin Matapos mong mabasa ang mga salita ay bigkasin mo naman nang malakas ang mga ito. Napansin mo ba ang pagbabagong naganap? Ikaw naman ang magbigay ng halimbawa. Magsabi ka ng salitang ugat at bigkasin. Lagyan mo ng panlapi ang salitang binanggit mo at bigkasin. May pagbabago bang naganap sa diin ng salita?
  • 585.
    33 Lagumin Natatandaan mo paang mga kaalamang natutuhan mo sa araling ito? Lagumin natin. Sa araling ito ay natutuhan mo ang iba’t ibang uri ng pagbabagong morpoponemiko gaya ng (1) asimilasyon na nagaganap kapag ang tunog ng isang morpema ay naaasimila ng isa pang morpema. May dalawang uri ang asimilasyon, ang asimilasyong di-ganap na nagaganap sa isang morpema sanhi ng posisyong pinal na kasunod ang bigkas na pailong; at ang asimilasyong ganap na nagaganap kapag ang unang ponemang inuunlapian ay naaasimilang ganap ng huling tunog ng panlapi; (2) pagpapalit ng ponema na nagaganap kapag ang ponemang inisyal ng salita na nilalapian ay nagbabago o napapalitan; (3) metatesis na nagaganap kapag nagpapalit ng posisyon ang letra sa loob ng binuong salita; (4) pagkakaltas ng ponema na nagaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala; at (5) paglilipat-diin na nagaganap kapag ang paggamit ng panlapi ay nakapagpapabago ng diin ng salita. Subukin A. Isulat sa dahong sagutan ang uri ng pagbabagong morpoponemiko na naganap sa salita sa bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. asimilasyong ganap metatesis asimilasyong di-ganap pagkaltas ng ponema pagpapalit ng ponema paglilipat-diin 1. siliran sidlan 2. libo libu-libo 3. takipan takpan 4. lumbay kalumbayan 5. pangbukas pambukas Narito ang tamang sagot: 1. metatesis 2. pagpapalit ng ponema 3. pagkaltas ng ponema 4. paglilipat-diin 5. asimilasyong ganap Tama ba lahat ang sagot mo? Kung OO, magaling!
  • 586.
    34 Paunlarin A. Isulat sadahong sagutan ang pagbabagong morpoponemikong naganap sa salita sa bawat bilang. 1. pangbigay pambigay 2. damahin damhin 3. gamot gamutin 4. kitilin kitlin 5. pangriles panriles 6. lunas lunasan 7. madami marami 8. atipan aptan 9. kuhanin kunin 10. pangdukot pandukot Ang mga sumusunod ang tamang sagot: 1. asimilasyong di-ganap 2. pagkaltas ng ponema 3. pagpapalit ng ponema 4. pagkaltas ng ponema 5. asimilasyong di-ganap 6. paglilipat-diin 7. pagpapalit ng ponema 8. metatesis 9. pagkaltas ng ponema 10. asimilasyong di-ganap
  • 587.
    35 Gaano ka nakahusay? Alamin natin ngayon kung talagang natutuhan mo ang mga aralin. Sagutan mo ang pangwakas na pagsusulit Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel. A.Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata. 1. Maagang nagising si Ryan. Ibig niyang sorpresahin ang kanyang ina. Matapos mailigpit ang mga gamit sa pagtulog ay inunahan na niya ang kanyang ina sa pagluluto ng almusal. Diniligan niya ang mga halaman, pinakain ang alagang aso at nilinis ang buong sala. Kailangang mapasaya ang kanyang ina sa kanyang mga ginawa. Kailangan ding makaalis siya nang maaga dahil may outing silang magkakabarkada. Wala siyang pera. Ang pakay o motibo ni Ryan ay ______________________________. A. humingi ng pera sa kanyang ina. B. ipagluto ng pagkain ang mga kabarkada. C. hiramin ang kotse ng kanyang ama. D. isama ang kanyang ina. 2.Pagkababang-pagkababa ng pasahero sa taksi ay agad na sinabi ni Ace sa driver ang lugar na kanyang pupuntahan. Pagkaupo ni Ace ay napansin niya ang isang maliit na bag sa bandang ibaba ng sasakyan. Isang pakete ang laman ng bag. Sa ibabaw nito ay may nakasulat na pangalan at address. Malapit sa pupuntahan niya ang addres na kanyang nabasa. Naisip ni Ace na __________________________________________. A. ibigay sa driver ang pakete. B. bumaba at habulin ang lalaking sakay ng taksi. C. ipahinto ang taksi sa malapit na police station. D.ihatid ang pakete sa taong nagmamay-ari ng pakete 3.Working student si Lance. Nasa iskul siya mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi ay nagtatrabaho siya bilang crew ng isang sikat na fast food center. Madalas na nahuhuli ng kanyang profesor si Lance na natutulog sa klase kayat madalas din siyang pagsabihan nito. Ang pakay o motibo ng profesor ay upang ______________________. A. hiyain si Lance. B. gawing modelo si Lance. C. mag-drop si Lance. D. ipaunawa kay Lance na mahirap pagsabayin ang pag-aaral sa pagtatrabaho.
  • 588.
    36 4.Ibig mag-aral niPrince Kelly sa kolehiyo ngunit noon pang isang buwan ay sinabihan na siya ng kanyang ama na wala siyang ipantutustos sa pag-aaral nito. Ayaw matulad ni Prince Kelly sa kanyang mga kapatid na hindi nakatapos ng pag-aaral. Sa isang pahayagan ay nabasa ni Prince Kelly ang tungkol sa Programang Study Now Pay Later Plan. Naunawaan niya ang mahahalagang inpormasyon na nakasaad dito kaya kakausapin niya ang kanyang ama. Ang pakay o motibo ni Prince Kelly sa pakikipag-usap sa ama ay upang hikayatin itong ____________________. A.mangutang ng pera. B..tumira sa boarding house. C.lumuwas ng Maynila. D.basahin ang nilalaman ng programa. 5.Dalawang taon pa lamang si John-John nang magtrabaho sa Saudi Arabia ang kanyang ama bilang isang OFW. Ngayong siya’y labimpitong taong gulang na ay nakatanggap ng balita ang kanyang ina na babalik na sa Pilipinas ang kanyanag ama. Sa halip na matuwa ay parang walang anumang narinig si John-John. Hindi siya nakapagsalita. Ang pakay o motibo ni John-John ay upang ipakita sa kanyang ina na _____________________. A.maysakit siya. B.may pangarap din siyang makapagtrabaho sa ibang bansa. C.sasamahan niya ang ama sa pamamasyal. D.Hindi siya nasasabik makita ang ama. B.Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay. 1.Gutom na gutom na si Francel. Sitenta pesos na lamang ang laman ng kanyang bulsa. Ibig niyang makabili ng pagkaing bukod sa mura na ay mabubusog pa siya. Sa unang tindahan na kanyang pinuntahan ay singkwenta pesos ang halaga ng isang kanin, dalawang ulam. Sa isang tindahan naman ay sisenta pesos ang dalawang kanin, isang ulam at softdrinks. Pinili ni Francel ang huling tindahan. Laking tuwa ni Francel. Hindi siya nagsisi sa napiling pagkain. A.Hindi na ako mauulit pang kumain dito. B.Lutong-bahay. Siguro kababayan ni Inay ang nagluto nito. C.Parang kulang sa asim ang sinigang. D.Parang minadali ang pagkakasaing. 2.Walang pasok si Algerou. Araw ng Ramadan. Sumama siya kay Michael na mamasyal sa Quiapo para bumili ng pirated CD. Tamang-tama. Nagpapabili rin ang kanyang kapatid ng bagong CD ni Regine Velasquez. Nagtaka siya sa murang halaga ng mga CD. Ngunit kabilin-bilin ng kanyang kapatid na huwag na huwag bibili ng pirated CD. Kinagabihan, nag-
  • 589.
    37 text si Michaelkay Algerou. Nasira ang kanyang component sa bahay. Ano ang sasabihin ni Algerou? A.Mabuti nga sa iyo. Mahilig kang bumili ng pirated CD, eh. B.Baka talagang sira ang component ninyo. C.Isoli mo. Gusto mo, samahan kita? D.Sa susunod, sa iba na lang tayo bumili. 3.Nahuli sa akto ni Mr. Francisco na ninanakaw ng isang bata ang cellphone ng babaing katabi niya sa bus. Dahil may alam siya sa self-defense, inaresto niya ang bata. Iniwasan niyang daanin sa dahas ang pag-aresto. Ipinaalam niya sa bata ang kadahilan ng kanyang pag-aresto. Ano ang sasabihin ng bata? A.Bakit mo ako hinuli. Pulis ka ba? B.Wala akong kinukuha. Sa akin ang cellphone na ito. C.Bakit, me karapatan ka bang mang-aresto? D.Mabuti’t hindi ninyo ako sinaktan. Patawarin n’yo na ‘ko. 4.Lalabas na si Genaldo sa rehabilitation center. Tatlong taon din siyang namalagi rito. Ayaw na niyang umuwi sa kanilang bahay. Nangangamba siya na baka hindi na maging maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga kasama niya sa bahay. Ang akala niya’y siya lamang mag- isa ang uuwi. Laking gulat niya ng malaman niyang sinusundo na siya ng kanyang magulang at mga kapatid. Ano ang sasabihin ni Genaldo? A.Sinorpresa ninyo ako. Salamat po. Hindi ko malilimutan ang araw na ito. B.Bakit ngayon lang kayo dumating? C.Susunduin ninyo ako pagkatapos ibabalik n’yo uli ako rito? D.Dito na lang ako. Ayoko nang umuwi. 5.Pinalad na maging beneficiary ang familya Mangao sa mga proyekto ng Rural Improvement Center (RIC) ng Kagawaran ng Pagsasaka pagkatapos silang dumalo sa seminar ng wastong pagbababuyan. Malaking tulong ang ipinagkaloob ng RIC. Ano ang masasabi ng familya Mangao sa benepisyong kanilang natanggap? A.Magbababoy na tayo noon, magbababoy pa rin tayo ngayon. B.Wala nang asenso ang buhay natin. C.Kung iyong iba natutulungan ng gobyerno, tayo pa kaya? D.Lalo natin pagsumikapang lumago ang ating negosyo. C. Basahin ang talata sa bawat bilang. Isulat ang lagom nito sa sagutang papel. 1. Mahirap magutom ang tao. Kadalasan, kapag gutom ang isang tao ay natututo siyang kumain ng mga pagkaing hindi pa niya nakakain para lamang magkaroon ng laman ang kanyang sikmura. Sa Ongpin, China Town sa Binondo ay mabibili ang iba’t ibang hayop na maaaring lutuin para iulam sa hapag-kainan. Nariyan ang ahas, cobra, pawikan, at iba pa. Kaya hindi
  • 590.
    38 kataka-taka kung maymabili tayong kare-kareng kriket, tortang anay, sinangag na langgam, kilawing uwang, ginataang salagubang, adobong balang, atb. Huwag naman sanang dumating ang panahon na dahil sa kagutuman ay kainin ng tao maging ang mga damo, halaman at bulaklak. 2. Si Henaral Francisco Soliman Makabulos ang itinuturing na pangunahing bayani ng Tarlac. Noong panahon ng Kastila ay siya lamang ang tanging nakapagpalaya sa lalawigan sa kamay ng mga mananakop. Isinilang si Makabulos sa La Paz, Tarlac. Bagamat elementarya lamang ang natapos ay kinilala ang kanyang katalinuhan at katapangan sa pamamagitan ng pagtatatag ng sangay ng Katipunan sa Tarlac. Bilang manunulat ay nakapaglathala si Makabulos ng mga tula sa El Heraldo de la Revolucion, ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong Pilipino. Isinama siya ni Heneral Emilio Aguinaldo nang lagdaan ang Kasunduan sa Biak na Bato. Namatay si Makabulos noong Abril 30, 1922 sa Tarlac, Tarlac. Pagkaraan ng ilang taon, ang kanyang mga labi ay inilipat sa kanyang monumento na nasa harap ng kapitolyo ng Tarlac. D. Pag-aralan ang pagbabagong morpoponemikong naganap sa salita sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang sagot. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. Ang diin ng salita ay nasa pantig na may salungguhit. 1. madamot maramot 2. pangbahay pambahay 3. buo buung-buo 4. buhay kabuhayan 5. taniman tamnan asimilasyong di-ganap metatesis pagpapalit ng ponema pagkaltas ng ponema paglilipat-diin Kung tapos ka na, kunin mo sa guro ang SUSI SA PAGWAWASTO.
  • 591.
    39 Modyul 13 Pagpapahayag ngPakay/Motibo at Palagay Pagbuod ng mga Impormasyon, Pagbabagong Morpoponemiko A. 1. A 2. D 3. D 4. D 5. D B. 1. B 2. C 3. D 4. A 5. D C. 1. Mahirap magutom ang tao. Kumakain siya para magkaroon ng laman ang kanyang sikmura. Sa Ongpin, Chinatown sa Binondo mabibili ang iba’t ibang hayop na maaaring lutuin para iulam. 2. Si Heneral Francisco Soliman Makabulos ang itinuturing na bayani ng Tarlac, Tarlac. Isinilang si Makabulos sa La Paz, Tarlac. Nakapaglathala siya ng mga tula. Isinama siya ni Heneral Emilio Aguinaldo nang lagdaan ang Kasunduan sa Biak na Bato. Namatay si Makabulos sa Tarlac, Tarlac. D. 1. pagpapalit ng ponema 2. asimilasyong di-ganap 3. pagpapalit ng ponema 4. paglilipat-diin 5. metatesis Susi sa Pagwawasto
  • 592.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 14 Pagtukoy ng Pangunahing Kaisipan at Pagbuo ng Hinuha
  • 593.
    2 Modyul 14 Pagtukoy ngPangunahing Kaisipan at Pagbuo ng Hinuha Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta kaibigan? Matanong nga kita. Anu-anong lugar sa Pilipinas ang napuntahan mo? Maaaring di mo pa napuntahan ang ilan sa maraming lugar sa Pilipinas na kabilang sa pandaigdigang pamanang kultural ng lahing Pilipipino pero nakita mo na sa mga larawan o sa panoorin. Malalaman mo sa modyul na ito kung anu- ano ang mga lugar na iyon. Mahalagang malaman ng isang mag-aaral na tulad mo kung kung bakit hinahangaan ng buong mundo ang mga lugar na iyon. Maipagmamalaki mo rin kung alam mo, di ba? Sa pamamagitan ng pag-aaral ng modyul na ito magagawa mong maglakbay sa mga lugar na itinuturing na pamana ng mga Pilipino sa kasaysayang pandaigdig. Kasabay ng pag-aaral mo tungkol dito ang paglinang ng mga kasanayang pangwika, tulad ng pagkilala ng mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat, pagkilala at pagpapatibay ng isang ideya at pagbubuo ng hinuha mula sa isang impormasyon. Ginamit din sa modyul na ito ang mga tekstong informativ kaya malalaman mo rin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang imformativ na teksto. Madali lang ang mga aralin dito kung maglalaan ka ng oras at konsentrasyon sa pag-aaral. O, handa ka na ba sa iyong gagawing lakbay-aral? Hangad ko ang iyong tagumpay. Ano ang matututunan mo? Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod: 1. nakikilala ang mga salitang magkasing kahulugan at magkasalungat 2. natutukoy ang paksa at pangunahing kaisipan na nakapaloob sa teksto 3. naipaliliwanag ang mga katangian ng isang informativ na teksto 4. nakabubuo ng hinuha mula sa binasang teksto
  • 594.
    3 Paano mo gagamitinang modyul na ito? Bago mo simulan ang paggamit ng modyul na ito, basahin mo muna ang mga tuntunin kung paano gagamitin ito. 1. Basahin at unawain ang mga nakasulat sa modyul. 2. Kung mayroong nais liwanagin o linawin tungkol sa mga gawain, magtanong sa guro o sa taong may sapat na kaalaman. 3. Ang lahat ng iyong sagot ay isusulat mo sa isang malinis na papel, hindi maaaring sulatan ng kahit ano ang modyul. Panatilihing malinis ang modyul. 4. Magtala ng mahahalagang impormasyon at kaisipan. Makatutulong ito sa iyong paglalakbay- aral. 5. Pagkatapos mong isagawa ang mga pagsusulit ( una at huling pagsusulit) maaari mo ng makuha sa guro ang mga tamang sagot. Ano na ba ang alam mo? Bago ka tumungo sa mga gawain kailangang maipakita mo muna kung ano na ang mga taglay mong kaalaman. Sagutan mo ang paunang pagsusulit. Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel. A. Panuto: Hanapin sa mga pagpipilian ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Ang bawat andana ng lupa ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro. A. baitang B. haba C. sukat D. lapad 2. Dalawang pintuan mayroon ang bahay. Ang una ay puwerta, dito pinapasok ang karwahe. A. pangunahing pintuan B. maliit na pintuan C. makitid na pintuan D. malapad na pintuan 3. Sa caida pinatutuloy ang mga importanteng bisita. A. sala B. antesala C. asoteya D. komedor 4. Maraming katawagang ibinigay ang mga dayuhan sa kamangha-manghang Payaw sa Mt. Province. A. hagdan-hagdang palayan B.patyo C. pook D. tanawin 5. Ang subterenyan ay makikita sa lalawigan ng Palawan. A. malawak na lupain B. ilog sa ilalim ng lupa C. makapal na gubat D. malaking bato
  • 595.
    4 B. Panuto: Hanapinsa hanay B ang kasalungat ng mga salitang nasa hanay A. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. A B 1. hari A. indibidwalistik 2. kooperativ B. alipin 3. kolektiv C. kompetetiv 4. modernisasyon D. datu 5. tradisyunal E. makabago F. katutubo C. Pagtukoy ng pangunahing kaisipan Panuto: Tukuyin kung ano ang pangunahing kaisipan na nakapaloob sa bawat talata. 1. Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, ang mga katutubong Ifugaw ay gumugol ng mahigit na 2,000 taon upang matapos ang hagdan-hagdang palayan. Ito ay itinayo sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at katutubong teknolohiya. Ipinagpapalagay na ito ay mahigit 6,000 taong gulang na. 2. Matatagpuan ang Vigan sa bukana ng ilog ng Abra, hilagang kanluran ng baybaying Luzon. Malapit ito sa bansang Tsina. Dahil sa magandang lokasyon nito naging mahalaga ang papel ng Vigan sa kalakalan noong panahon ng katutubo hanggang ikalabing siyam na siglo. 3. Ang Tubbataha Reef ay matatagpuan sa Rehiyon IV, lalawigan ng Palawan sa gitna ng dagat ng Sulu (sa Valencia). Ang lawak nito ay 33,200 ektarya na kakikitaan ng maraming uri ng acquatic life, tulad ng 300 uri ng koral, pinakamalaking uri ng coral reef, iba’t ibang uri ng isda, malalaking uri ng pawikan, lionfish at pating na mas malaki sa karaniwang laki na makikita sa ibang diving site. Sa lalim na dalawampu’t limang talampakan kitang - kita ang makukulay at magagandang isda. Labing limang metro mula sa lugar ng pagtatalunan ( diving) makikita ang sandy slope, ang paboritong lugar na tinutulugan ng mga pating at lobster. Sa hilagang bahagi makikita ang malalaking coral garden , coral tower na hindi karaniwan ang laki. Ang lugar na ito ang kakikitaan ng pinakamaraming uri ng isda sa buong Pilipinas. D. Paghihinuha: Panuto: Batay sa mga informasyon na nakalahad sa bawat bilang bumuo ng hinuha kung tungkol saan ang sanaysay. 1. Hudhud matriyarkal Ifugao tag-ani, kasalan,lamayan UNESCO pinakamahusay na obrang pasalita Pamana sa sangkatauhang mahirap maunawaan.
  • 596.
    5 2. Pangalan Lokasyon TaongItinatag San Agustin Intramuros,Manila 1571 La Asuncion Ilocos Sur,Sta. Maria 1765 San Agustin Ilocos Norte, Paoay 1593 Santo Tomas Iloilo, Miag-ao 1731 Tapos ka na ba? Kung gayon, kunin mo na sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka sana sa pagwawasto, ha? Ngayon ano ang nakuha mo? Huwag kang mabahala kung marami kang kamalian. Tutulungan ka ng modyul na ito. Sige, magsimula ka na. Mga Gawain sa Pagkatuto Sub Aralin 1 Pagtukoy ng Paksa at Pangunahing Kaisipan Mga Layunin: Pagkatapos ng sub- araling ito inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. naipaliliwanag ang mga katangian ng isang informativ na teksto 2. natutukoy ang paksa at pangunahing kaisipan na nakapaloob sa teksto 3. nakapagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salita. Alamin: Nakita mo na ba ang hagdan- hagdang palayan? Siguro ay sa larawan lang, ano? O, maaaring sa telebisyon mo ito nakita. Kaya mo bang ilarawan ito? Alam mo ba kung gaano katagal at paano ito naitayo? Alam mo ginamit ng mga Ifugao ang kanilang kamay sa pagtatayo nito. At mahigit 2,000 taon nilang trinabaho ito. Ang tindi, ano? Anu-ano ang iba’t ibang katawagan dito? Nakilala natin
  • 597.
    6 ito sa pangalanghagdan-hagdang palayan. Pero may tawag dito ang mga katutubo. Gusto kong hanapin mo sa sanaysay kung ano ito. Kinilala rin ito ng UNESCO bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural. Alam mo ba kung bakit? Malalaman mo rin sa pagbabasa mo. Linangin Ngayon basahin mo na ang sanaysay. Tandaan mo ang mga impormasyong iyong hahanapin. Hagdan-hagdang Palayan Aurora F. Mambiar 1. Matatarik at matataas na bundok ang makikitang tanawin sa hilagang Luzon, Rehiyon I. Ngunit sa kabila ng mga katangiang ito nalikha ng mga Ifugaw ang hinahangaan ng buong mundo sa ngayon. Ito ay ang hagdan-hagdang palayan. 2. Nang makita ito ng mga Amerikano tinawag nila itong rice terraces at isinalin sa wikang Tagalog na hagdan-hagdang palayan. 3. Taong 1995, kinilala at isinama sa talaan ng UNESCO ( United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization ) ang hagdan-hagdang palayan bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural ng lahing Pilipino ( world’s cultural heritage) dahil sa ganda nito at ganap na pakikibagay ng tao sa kalikasan . 4. Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, ang mga katutubong Ifugao ay gumugol ng mahigit 2,000 taon upang matapos ang hagdan-hagdang palayan. Ito ay itinayo sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at katutubong teknolohiya. Ipinagpapalagay na ito ay mahigit na 6,000 taong gulang na. 5. Ang hagdan-hagdang palayan ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Luzon sa Pilipinas. Ang layo nito sa Maynila ay 250 kilometro pahilaga (sa Gardner). Ito ay may habang 18,500 milya, katumbas ng kalahating sirkomferens ng mundo.Ang bawat andana ng lupa ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro.Tinuturing na mas mataas ito sa pinakamataas na gusali sa buong mundo. 6. Makikita ang kamangha-manghang kaalaman at kasanayan ng mga katutubo sa pagsasaka, arkitektura at enjiniring . Ang bawat baitang ay nakaayos sa isang istratejik na anggulo upang ang mga tanim na palay ay ganap na masikatan ng araw
  • 598.
    7 (Enriquez) . Bagama’tlibu-libong taon nang naitayo ito, ang mga patubig ay sapat at nananatiling mataba pa rin ang lupa sa kabila ng mga pag-ulan at natural na kalamidad. 7. Maraming katawagan ang ibinigay ng mga dayuhan sa kamangha-manghang likhang - pinoy na ito. Ang iba ay tinawag itong hagdanan patungo sa langit, ang iba naman ay tinawag itong hagdan patungo sa paraiso, sapagkat ang mga katutubo raw noon ay hindi naglakbay upang maghanap ng pagkain. Sa halip ginamit nila ang kalikasan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan. Nanatili ang mga katutubo sa lugar na ito at hindi na bumaba sa kapatagan. Nagsilbing paraiso sa kanila ang likhang kamay na ito. Ang iba naman ay tinawag itong Pacific Grand Canyon at may mga dayuhan ding nagsasabi na matatagpuan sa Pilipinas ang nalalabing hanging garden of Babylon (members.tripod.com) . Ngunit tinawag itong Pay-yo ng mga Ifugao na lumikha nito. 8. Ang Pay-yo ang magpapatunay at mangungusap sa lahat kung gaano kayaman ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Ngayon masasagot mo na ba ang mga katanungang ibinigay sa iyo? Una, ano ang tawag ng mga katutubo sa hagdan-hagdang palayan? Tama, ang tawag nila dito ay Pay-yo. Alam mo na rin ba kung bakit ito isinama UNESCO sa kanilang talaan bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural? Tama ka, isinama nila ito dahil sa ganda at ganap na pakikibagay ng tao sa kalikasan. Ano pang pangalan ang ibinigay ng mga dayuhan sa hagdan-hagdang palayan? Tinawag itong rice terraces ng mga Amerikano at ang iba naman ay tinawag itong Pacific Grand Canyon at Hanging Garden of Babylon, di ba? Iisang lugar lang ba ang tinutukoy nila ? Oo, iisang lugar lang ang tinutukoy ng mga pangalang ito. Narito pa ang ilang tanong tungkol sa iyong binasa. Sagutin ang mga sumusunod. 1. Kailan idineklara ng UNESCO na isa sa pandaigdigang pamanang kultural ng mga Pilipino ang hagdan-hagdang palayan? 2. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ito? 3. Anu-ano ang iba’t ibang katawagan sa hagdan-hagdang palayan? 4. Sino ang lumikha ng hagdan-hagdang palayan? 5. Bakit ito isinama ng UNESCO sa kanilang talaan bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural? Kung ang sagot mo ay ang mga sumusunod, tama ka. Kung hindi, balikan mo ang teksto.
  • 599.
    8 1. taong 1995 2.Rehiyon I, lalawigan ng Banaue 3. Pay-yo at hagdanan patungo sa ulap 4. Ifugao 5. Dahil sa ganda nito at ganap na pakikibagay ng tao sa kalikasan. Suriin mo ang mga tanong sagot. Ano ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang ? Tama ka. Ang hinihinging sagot sa bilang isa ay petsa , sa ikalawa ay lugar, sa ikatlo ay pangalan ng tao at sa ikalima ay paliwanag . Karamihan sa mga tekstong informative ang mga informasyong iyan. Mahalagang masagot ang mga tanong na iyan sa isang informativ na teksto. Ang tanong na paano ay mahalaga rin. Paano binuo ng mga Ifugao ang hagdan-hagdang palayan? Binuo nila ito sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at katutubong teknolohiya. Ang bawat baitang ay nakaayos sa isang istratejik na anggulo upang ang mga tanim na palay ay ganap na masikatan ng araw. Masasabi mo ba kung saang talata makikita ang nasabing sagot? Nasa ikaapat at ikaanim na talata, di ba?. Suriin mo uli ang talata. Napansin mo ba na makikita rin sa talata ang mga tiyak na deskripsyon , gaya ng gaano katagal ginawa ang hagdan-hagdang palayan at gaano na ito katanda? Mahigit na 2,000 taong ginawa at mahigit na 6,000 taong gulang na ito. Ang tanda-tanda na, ano? Ano ang distansya nito mula sa Maynila? Tama, ang layo nito mula sa Maynila ay 250 kilometro pahilaga . Gayun din, binanggit ang pagkakaayos ng bawat baitang at ang taas ng bawat baitang. Saang talata naman ito makikita? Nasa ikalima at ikaanim, di ba? Ngayon suriin natin ang kaibahan ng informativ na teksto sa iba pang akda tulad ng maikling kwento? Ang imformativ na teksto ay iba sa ibang uri ng akda , sapagkat ang mga detalye na nakalahad dito ay bunga ng isang masusing pag-aaral at hindi likhang isip. Katotohanan ang ipinapahayag ng tekstong informativ. Halimbawa ng mga pahayag na imformativ ay ang mga sumusunod: • Mahigit na 2000 taon ang ginugol ng mga katutubong Ifugao upang maitayo ang tanawing ito. • Ang layo nito sa Maynila ay 250 kilometro pahilaga. • Ito ay 18,500 milya katumbas ng kalahating sirkomferens ng mundo. • Ang bawat andana ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro. • Nakaayos sa istratejik na anggulo ang bawat baitang.
  • 600.
    9 Pagtukoy sa paksaat pangunahing kaisipan Matapos mong malaman ang tungkol sa informativ na teksto, pag-usapan natin ang pagtukoy sa paksa ng teksto. Balikan mong muli ang teksto. Isang katangian ng isang mahusay na mambabasa ay ang pagtukoy sa paksa ng teksto. Madaling malaman ang paksa kung itatanong mo sa iyong sarili ang ganito, “ Tungkol saan ang sanaysay? Ano ang pinag-uusapan?”Ito ang pinag-uusapan sa teksto. O kaya mo bang ibigay ang sagot sa tanong na, “Tungkol saan ang sanaysay?” Tama. Tungkol ito sa hagdan-hagdang palayan. Iyan ang paksa. Ang ikalawang katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na mambabasa ay ang pagtukoy sa pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang talata. Ano ang sinasabi tungkol sa paksa? Halimbawa, masasabi mo ba kung ano ang pangunahing ideya sa ikaapat na talata(4) at ikaanim (6) na talata? Sa ikaapat na talata, ang pangunahing ideya ay matagal nang naitayo ang hagdan-hagdang palayan. Sa ikaanim na talata naman, ang pangunahing ideya ay ang pagkakaayos ng lugar na kakikitaan ng kaalaman sa pagsasaka, arketektura at engineering ng mga Ifugao. Basahin mo ang dalawang talata na nasa ibaba at tukuyin kung ano ang pangunahing ideya. 1. Ano nga ba ang sinabi ng mga pyramid ng Ehipto, magagarang templo at monumento, tulad ng Taj Mahal ng India, Angkor Wat ng Cambodia, Ananda Temple ng Burma ( Myanmar) at Borobudur ng Indonesia kung ihahambing sa ating Pay-yo? Isang buhay na simbulo na ang mga Pilipino ay mapagmahal sa kalayaan.. Naitayo ito sa pamamagitan ng kolektibo at kooperatibong paggawa at hindi tulad ng ibang pandaigdigang pamanang kultural na naitayo dahil sa may naghahari at may inaalipin sa lipunan. Hindi ito itinayo dahil lamang sa kaligayahan at kapakinabangan ng isa o iilang tao, kundi ito ay itinayo dahil sa kabutihan at kapakinabangan ng mamamayan. Upang makatugon sa pangunahing pangangailangan ng buong bayan. 2. Ang proseso ng pagma-mummified ay nagsisimula sa pagpapainom ng napakaalat na inumin sa isang taong malapit nang mamatay. Kung patay na ito, hinuhugasan ang kanyang katawan at pinauupo sa silya na yari sa bato na napaliligiran ng mga baga upang lumabas ang lahat ng tubig sa katawan. Kinakailangan ding bugahan ng usok ng tabako ang bibig nito upang matuyo ang internal organ ng bangkay. Madalas umaabot ng kung ilang lingo o buwan bago ito maging
  • 601.
    10 mummy. Bago itodalhin sa kweba pinupunasan ang tuyong katawan nito ng mga halamang gamot. Ganito ba ang sagot mo? 1.Ang motibo ng mg Ifugao sa pagtatayo ng Pay-yo. 2. Proseso ng pagma-mummified sa Pilipinas. Gamitin Ngayon tingnan natin kung kaya mong gamitin ang iyong mga natutunan. Panuto: Basahin ang tekstong informativ. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa iyong binasa. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot. 1. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang Vigan? 2. Anu-ano ang makikita sa ayos ng plasa ng bayang Vigan? 3. Ilarawan ang mga bahay dito. 4. Kailan kinilala at isinama sa talaan ng UNESCO ang Vigan bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural? 5. Ilang taong pinag-aralan ng UNESCO ang Vigan bago isinama sa kanilang talaan? 6. Bakit isinama sa talaan ng pandaigdigang pamanang kultural ang Vigan? Vigan Noong ipinahayag ng UNESCO na ang Vigan ay isa sa pandaigdigang pamanang kultural dumagsa ang mga turista dito upang makita ang Vigan. Saan makikita ang Vigan? Bakit ito kinilala ng UNESCO? Matatagpuan ang Vigan sa bukana ng ilog ng Abra, hilagang kanluran ng baybaying Luzon. Malapit ito sa bansang Tsina. Dahil sa magandang lokasyon nito (www.vigancity.gov.ph) , naging mahalaga ang papel ng Vigan sa kalakalan noong panahon ng katutubo hanggang ikalabing siyam na siglo.
  • 602.
    11 Makikita sa pagkakaayosng bayan ng Vigan ang malaking impluwensya ng mga kastila. Ang gitna nito ay ang Plaza Salcedo at nakaangkla sa plasa ang katedral at arzobispado ( bahay ng arsobispo), sa tapat nito o sa kabilang dulo ng plaza ay ang munisipyo at ang gusali ng gobernador ( inq7.net) . Magkakalapit o magkakatabi ang simbahan, munisipyo at plasa, palatandaan na nasakop ito ng mga Kastila. Kitang-kita rin ang pagtatangi-tanging panlipunan ( social stratification) noong panahon ng kastila. Ang bahay ng mga ilustrado at mestiso ay nakatayo malapit sa simbahan, munisipyo at plasa. Malayo sa mga nasabing lugar ang bahay ng mga indyo. Makikita sa lalakarang kalye ang mga brick na mahigit isang siglong taong gulang na. Taglay ng bayan ng Vigan ang pinag-isang disenyo at konstruksyon ng mga gusali sa Asya at Europa (www.vigan.gov.ph) . Isang modelo ito ng pagpapanatili ng pagkakakilanlan at kasaysayan ng bansa, at ito ay kapansin-pansin sa mga bahay na matatagpuan sa Vigan. Paano nga ba nabuo ang mga bahay dito? Noong panahon ng mga katutubo ang mga bahay ay yari sa kahoy, kawayan, kogon at nipa, ngunit madali itong nasisira kapag may bagyo. Ikalabing-pitong siglo nang ituro ng mga kastila ang paggawa ng bahay na yari sa bato, briks at lime mortar (www.vigancity.gov.ph) . Ang ganitong uri ng mga kagamitan ay hindi madaling masunog ngunit madaling mawasak ng lindol. Dahil dito, ang mga katutubo ay nakabuo ng bagong disenyo na hindi madaling masunog at hindi madaling masira ng lindol. Pinagsanib nila ang konsepto ng bahay- kubo at estilo ng bahay sa Europa, kung kaya hindi madaling masira ang mga ito ng kalamidad. Maraming bahagi sa mga bahay dito ang kakikitaan ng pinagsanib na istruktura at konseptong katutubo at kanluranin. Halimbawa, ang mga bahay sa Vigan ay binubuo ng dalawang palapag. Ang unang palapag ng bahay ay pinaglalagyan ng karwahe at bodega.Mayroong dalawang pintuan. Ang una ay tinatawag na puwerta o pangunahing pintuan. Ito ay malapad kaya kayang ipasok ang karwahe o karosa. Puwertita o maliit na pituan naman ang tawag sa ikalawang pintuan. Dito pinapapasok ang mga bisita. Hinihila ang lubid sa ikalawang palapag upang mabuksan ang puwertita. Ang hagdanan ay may dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay binubuo ng tatlo hanggang apat na baitang. Dito pinatutuloy ang mga ordinaryong bisita. Ang ikalawang bahagi ay mahabang hagdanan patungo sa ikalawang palapag. Sa caida o antesala pinatutuloy ang mga importanteng bisita. Sa sala naman ginaganap ang mga importanteng okasyon at dito rin nagtitipun-tipon ang pamilya. Itinuturing na pinakaimportanteng bahagi ng bahay ang sala. Tulad ng bahay-kubo ang kwarto ay matatagpuan sa dulo ng sala o dili kaya ay nakahiwalay sa komedor, papunta sa kusina. Ang asotea ay makikita sa likod ng ikalawang palapag. Ito ay ekstensyon ng bahay. Dito nagpupunta ang mga nakatira sa bahay pagkatapos ng hapunan upang magpahangin o dili kaya dito pinatutuloy ang mga manliligaw. Malalaki at maluluwang ang mga bintana upang makapasok ang
  • 603.
    12 liwanag at hangin.Sa ilalim ng bintana ay may dalawang ventanillas o maliliit na bintana. Dito sumisilip ang mga bata upang mapanood ang parada o prusisyon. Taglay nito ang disenyong arkitektural na babagay sa isang tropikal na klima at arkipelagong bansa. Matapos ang limang taong pag-aaral at pagbalik-balik ng UNESCO sa Vigan, taong 1999 kinilala at napasama sa talaan ng UNESCO ang Vigan bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural. Sa kabila na ang Pilipinas ay naging lugar ng paglalaban noong ikalawang digmaang pandaigdig, taglay pa rin ng mga bahay dito ang kakanyahang sining ng mga katutubo, kanluranin at uri ng teknolohiya noong ika-18 at ika-19 na siglo. Makikita sa disenyong arkitektural ang makabuluhang pagbabago ng kasaysayan. Nakita mo ba ang mga tiyak na detalyeng sasagot sa mga tanong? Ibigay mo nga. Tingnan mo kung ang mga sagot mo ay kahawig ng mga sumusunod. Kung hindi balikan mong muli ang teksto. a. bukana ng ilog Abra, hilagang kanluran ng baybaying Luzon b. Makikita sa ayos ng plasa ang malaking impluwensya ng kastila. Magkakatabi ang simbahan, munisipyo at plasa. Malapit sa mga nasabing lugar ang bahay ng mga ilustrado at mestiso. Taglay din ng mga bahay sa Vigan ang pinagsanib na istruktura at konseptong katutubo at kanluranin. c. Ang bawat bahay ay binubuo ng dalawang palapag. Ang unang palapag ng bahay ay pinaglalagyan ng karwahe at bodega. Makikita ang dalawang pintuan. Ang una ay ang pangunahing pintuan na pinapasukan ng karwahe. Ang ikalawang pintuan ay maliit at dito pinatutuloy ang mga bisita. Ang unang makikita sa ikalawang palapag ng bahay ay caida o antesala, kasunod nito ay sala at sa dulong bahagi nito ay kwarto. Sa likod ng ikalawang palapag ay may ekstensyon at ito ay tinatawag na asotea. d. taong 1999 Ngayon naman ay sagutin mo ang dalawang tanong sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot. 1. Ano ang paksa ng sanaysay? 2.Ibigay ang pangunahing kaisipan ng mga sumusunod na talata. a. Makikita sa pagkakaayos ng bayan ng Vigan ang malaking impluwensya ng mga kastila. Ang gitna nito ay ang Plaza Salcedo at nakaangkla sa plasa ang katedral at arzobispado (bahay ng arsobispo), sa tapat nito o sa kabilang dulo ng plaza ay ang munisipyo at ang gusali ng gobernador. Magkakalapit o magkakatabi ang simbahan, munisipyo at plasa, palatandaan na nasakop ito ng mga kastila.
  • 604.
    13 b. Kitang-kita rinang panlipunang pagtatangi-tangi ( social stratification) noong panahon ng Kastila. Ang bahay ng mga ilustrado at mestiso ay nakatayo malapit sa simbahan, munisipyo at plasa. Malayo sa mga nasabing lugar ang bahay ng mga indyo. Tingnan mo kung ganito ang iyong mga sagot. Tama bang lahat ang iyong sagot? Kung hindi basahin mo uli ang sub-aralin. 1. Vigan 2. Pangunahing Kaisipan a. ayos ng bayan ng Vigan b. lugar na kinatatayuan ng bahay ng mga ilustrado at mestiso Pagbibigay ng Singkahulugan Ang teksto ay gumamit ng iba’t ibang salita na magsing kahulugan. Hanapin mo ang singkahulugan ng mga sumusunod na salita sa sanaysay. 1. andana 2. puwerta 3. caida 4. payaw 5. sala Kung ang sagot mo ay ang mga sumusunod. Tama ka. 1. andana – baiting 2. puwerta – pangunahing pintuan 3. caida- maliit na sala o antesala 4. payaw – hagdan-hagdang palayan 5. sala – mas malaki sa caida at pinamamahalagang bahagi ng bahay Lagumin Tinalakay sa sub-aralin na ito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang imformativ na teksto. Ang kakanyahang katangiang taglay nito ay naglalaman ng totoong imformasyon at hindi likhang-isip. Bunga ng isang maingat na pag-aaral ang mga nakalahad dito. Natutunan mo rin ang pag-alam sa paksa o tapik ng teksto at pagkuha ng pangunahing kaisipan sa teksto. Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa sanaysay. Ang pangunahing kaisipan naman ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa.
  • 605.
    14 Subukin Handa ka namarahil sa isang pagsubok. Ang mga informasyong nakatala sa ibaba ay tungkol sa Puerto Princesa Subterranean River. Basahin mo ang tungkol dito pagkatapos ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong . Isulat mo sa iyong sagutang papel ang bilang kung saan makikita ang sagot sa mga tanong. 1. Saan makikita ang Puerto Princesa Subterranean River? 2. Gaano kalawak ang lugar na ito? 3. Ano ang pangunahing katangian nito? 4. Ibigay ang iba’t ibang organismo (habitat for biodiversity) na makikita sa lugar na ito. 5. Kailan ito isinama ng UNESCO sa kanilang talaan bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural? 6. Anu-ano pa ang mga karangalan na ibinigay dito? 1. Bansa : Pilipinas 2. Pangalan : Puerto Princesa Subterranean River 3. Lokasyong Hiyografikal : * Mga bulubunduking St. Paul * 8 kilometro hilagang kanluran mula sa siyudad ng Puerto Princesa * hilagang baybayin ng Palawan 4. Lawak : 20, 202 ektarya ( core zone – 5, 753 ektarya at buffer zone – 14, 449 ektarya) 5. Diskripsyong Fisikal : * Ilog sa ilalim ng lupa ( subterranean river ) na may 8 kilometrong haba * 120 metrong lapad at 60 metrong taas * limestone karst landscape 6. Ecosystem: * 295 uri ng punong kahoy * 800 uri ng tanim * 30 uri ng mammals * 18 uri ng buwaya * 10 uri ng amphibians * 62 uri ng coral reef fishes * 41 uri ng paruparo * 91 uri ng ibon * 8 uri ng paniki * 5 uri ng gubat Tropical rain forest Beach forest Mangroves Sandy beaches Coral reefs
  • 606.
    15 7. Kasaysayan: 1992Pinarangalan ng Pacific Asia Travel Association (PATA) sa kategoryang Environmental Enhancement 1993 Paglilipat ng DENR sa local na pamahalaan ang pamamahala sa Subterranean River. 1999 Kinilala ng UNESCO bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural dahil sa likas napakagandang tanawin at makabuluhang ekolohikal. Tingnan mo kung ganito ang iyong mga sagot. 1. 3 2. 4 3. 5 4. 6 5. 7 6. 7 Kung sa palagay mo ay kailangan mo pa ng dagdag na pagsasanay pumunta ka sa Paunlarin. Kung hindi na, maaari mo nang pag-aralan ang sub-aralin 2. Paunlarin Narito ang sanaysay tungkol sa mga impormasyon na nakalahad sa Subukin. Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang paksa ng sanaysay? 2. Ibigay ang pangunahing kaisipan sa talata 2,3, 5 at 7. Ang Ilog sa Ilalim ng Lupa
  • 607.
    16 Ang Ilog saIlalim ng Lupa Aurora F. Mambiar 1. Nakabibinging katahimikan at alingawngaw ng kalikasan. Ito ang mararanasan sa loob ng Puerto Princesa Subterranean River National Park. Isa sa ipinagmamalaking yaman ng bansang Pilipinas. 2. Ang Puerto Princesa ay dating kilala sa tawag na St. Paul Subterranean River National Park. Ito ay matatagpuan sa hilagang baybayin ng Palawan. Ito ay walumpung kilometro, hilagang kanluran (unep-wcmc.org) mula sa siyudad ng Puerto Princesa. Ang core zone nito ay may 5,753 ektarya at ang buffer zone ay may 14, 449 ektarya. Sa kabuuan, ito ay may lawak na 20,202 ektarya, kasama na ang mga sangang ilog ng underground river. Nailipat sa pagmamay-ari ng pamahalaan ang core zone noong 1992. Inilipat ng DENR ang pamamahala at pangangalaga nito sa lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa, noong 1993. 3. Ang pangunahing katangian nito ay ang kamangha-manghang ilog sa ilalim ng lupa na may habang walong kilometro at naglalagos patungo sa dagat. Ito ay may lapad na 120 metro at taas na 60 metro (unep-wcnc.org) . Kung lalakbayin ang kahabaan ng ilog, kakikitaan ito ng mapakaraming stalactite at stalagmite . Kilalang- kilala ito sa taglay na limestone karst landscape. Ang makapal at masukal na gubat ang nagsisilbing hangganan at harang ng siyudad ng Palawan. Lalong naging makabuluhan ang taglay nitong katangian dahil pinananahanan ito ng iba’t ibang organismo ( habitat for biodiversity ). 4. Ayon kay Kuntze sa kanyang ulat sa Manila Times ang lugar na ito ay kakikitaan ng 295 uri ng punong kahoy, 800 uri ng tanim, 30 uri ng mammals, 18 uri ng buwaya, 10 uri ng amphibians, 62 uri ng coral reef fishies, 41 uri ng paruparo, 91 uri ng ibon at 8 klase ng paniki. Taglay nito ang malawak na ecosysytem. Mula sa tropical rainforest at beach forest hanggang sa mangroves, sandy beaches at coral reefs. itinuturing na iilan ito sa pinakamahalagang gubat sa Asya. 5. Nagkaroon ng maraming parangal ang lugar na ito. Isa na rito ay ang parangal na ibinigay ng Pacific Asia Travel Association (PATA) noong 1992 ( unep- wcnc.org) sa kategoryang Environmental Enhancement. Taong 1999 (unep- wcnc.org) nang isinama ito ng UNESCO sa kanilang talaan ng pandaigdigang pamanang kultural dahil sa likas na napakaganda at makabuluhang ekolohikal na taglay nito. 6. Dahil sa kasikatan ng subterranean , naglunsad ng maraming programa ang lokal na pamahalaan upang ganap na mapangalagaan ang kalikasan. Ayon sa
  • 608.
    17 UNESCO ang mgaprograma ay maingat at tagumpay na ipinatupad ng pamahalaan ng Puerto Princesa na nagdala ng maraming karangalan mula sa nasyonal at internasyonal sa lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Edward S. Hagedorn. 7. Ang makabuluhang katangian nito ang nagbunsod kay Mayor Edward S. Hagedorn upang gawing modelo ang Puerto Princesa para sa ecotorism at pinaggaganapan ng mga kombensyon sa Pilipinas. 8. Malinaw na mahalaga ang political will upang maisulong ang mga programang magpoprotekta sa pamana ng lahi tulad ng naipakita ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Hagedorn. Ihambing mo ang mga sagot sa ibaba. Kung tamang lahat ang sagot mo, binabati kita. Kung hindi balikan mo uli ang teksto. 1. Ang paksa ng sanaysay ay tungkol sa Puerto Princesa Subterranean River 2. Pangunahing kaisipan: Talata 2: Ang lawak ng sakop nito at nangangalaga sa lugar. Talata 3: Ang pangunahing katangian at ang mga makikita dito. Talata 5: Ang tagumpay ng mga programa na inilunsad ng lokal na pamahalaan. Talata 7 : Ang kahalagahan ng political will ng namumuno. Sub – Aralin 2 Pagbibigay - Hinuha Narito pa ang isang aralin. Makapagpapayaman ito ng mga natamo mo ng kasanayan. Layunin: Pagkatapos ng sub-aralin na ito inaasahang magagawa mo na ang mga sumusunod: 1. nakapagbibigay ng mga kahulugan ng salitang magkasalungat 2. nakabubuo ng hinuha mula sa binasang teksto
  • 609.
    18 Alamin Marahil humanga kasa talino at galing ng ating mga ninuno matapos mong pag-aralan ang Sub – Aralin 1. Sa kabila ng mga pagbabago at pananakop sa loob ng daan –daang taon hindi hinayaan ng mga ninuno na tuluyang mawala ang pagkakakilanlan ng lahing Pilipino. Ang patunay nito ay makikita sa ayos ng mga bahay sa Vigan. Marahil nagkaroon ka rin ng ideya kung ano ang sibilisasyon ng lipunang Pilipino bago dumating ang mga Kastila. Ang panahong ito ay tinatawag na panahon ng katutubo. Isa sa tanging buhay na katibayan nito ay ang hagdan-hagdang palayan. Ngayon ipagpapatuloy mo ang paglalakbay- aral. Linangin Basahin mo ang pamagat. Sa palagay mo, bakit nanganganib ang Pay-yo? Natatandaan mo ba kung ano ang Pay-yo? Ang hagdan-hagdang palayan di ba? May mga varying ito. Bakit kaya ganito. Anu-ano iyon? Tama, ito ay Payaw at Pyew. Bakit kaya ito nanganganib? Sige alamin mo sa teksto. Nanganganib na Pay-yo Aurora F. Mambiar 1. Hagdan-hagdang palayan, rice terraces, Pacific Grand Canyon at hanging garden of Babylon ( members.tripod.com ) ay ilan lamang sa maraming katawagan na ibinigay sa ginawa ng mga Ifugaw. Ano man ang katawagang ibinugay nila dito mahalagang gamitin ang katawagan ng mga Ifugao sa kanilang ginawa. Ito ay ang Pay-yo. Ang varyant ng salitang Pay-yo ay Payaw at Payew: Hinangaan ng buong mundo at ibinilang sa talaan ng UNESCO bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural . 2. Ano nga ba ang sinabi ng mga pyramid ng Ehipto, magagarang templo at monumento, tulad ng Taj Mahal ng India, Angkor Wat ng Cambodia, Ananda Temple ng Burma (Myanmar) at Borobudur ng Indonesia kung ihahambing sa ating Pay-yo?
  • 610.
    19 3. Isang buhayna simbulo na ang mga Pilipino ay mapagmahal sa kalayaan. Para sa mga Pilipino ang lipunan ay nabubuo sa pamamagitan ng kolektiv at kooperativ at hindi individwalistik at kompetitiv. Naitayo ito sa pamamagitan ng kolektibo at kooperatibong paggawa at hindi tulad ng ibang pandaigdigang pamanang kultural na naitayo dahil sa may naghahari at may inaalipin sa lipunan. Hindi ito itinayo dahil lamang sa kaligayahan at kapakinabangan ng isa o iilang tao, kundi ito ay itinayo dahil sa kabutihan at kapakinabangan ng mamamayan. Upang makatugon sa pangunahing pangangailangan ng buong bayan. 4. Inihambing noon sa isang paraiso ang ulap na lupaing ito sapagkat kung tatanawin sa kalayuan malawak na hagdan-hagdang palayan ang makikita. Kulay berde at punung - puno ng uhay, ngunit ngayon damo ang makikita sa ibang bahagi ng Pay-yo. Unti-unti na itong nasisira. Ayon sa ulat ng ilang mananaliksik sira na ang ikatlong bahagi nito. 5. Nagsimula ang kawalang- interes sa pagsasaka nang buksan ang Solano-Banaue Road ( Sa Abano) at iba pang daan patungong Banaue. Ang mga daang ito ay simbolo ng mga alternatibong gawaing pang-industriyal at bunga na rin ng modernisasyon. Naging madali ang paglikas para sa mga Ifugao lalung- lalo na sa mga kabataan upang maghanap ng trabaho sa ibang lugar. 6. Ayon kay Gobernor Teddy Baguilat Jr. ( sa Abano, 2002) para sa mga kabataang Ifugaw ang pagsasaka ay hindi na praktikal at kapakipakinabang. Bukod sa maliit na kita sa pagsasaka matagal din bago ito maging pera. Dagdag pa nito matagal at nakapapagod ang pagsasaka. Nangangailangan ng manwal at intensibong paggawa kaya mas ginugusto pa ng ibang katutubo ang mga gawaing pangturismo tulad ng paghabi, pag-ukit ng kahoy at paggabay sa mga turista kaysa sa pagsasaka. Tama ba ang hula na ginawa mo? Oo, kasi unti-unti itong nasisira at sira na ang ikatlong bahagi ng Pay-yo. Nakalulungkot ano? Ano kaya ang dahilan ng pagkasira ng ibang bahagi nito? Hulaan mo ang sagot sa tanong.Basahin mo na ang sanaysay. Tingnan mo kung tama ang iyong hula. Tama ba ang hula mo? Ano ang dahilan ng unti-unting pagkasira ng Pay-yo? Tama, dahil sa kawalang interes ng mga kabataang Ifugao sa pagsasaka at bunga rin ng modernisasyon. Pinabayaan na ang Pay-yo. Ano kaya sa palagay mo ang posibleng mangyari kung hindi maagapan ang pagkasira at mapanumbalik ang dating anyo ng Pay-yo? Ipagpapatuloy mo ang iyong pagbabasa. Tandaan mo ulit ang iyong hula.
  • 611.
    20 7. Nagbabala angInternational Union for Conservation of Nature (IUCN) at International Council of Monuments and Sites (Icomos) (Sa Abano) na kapag hindi naagapan sa loob ng sampung taon ang tuloy – tuloy na pagkasira nito ay posibleng mawala ito sa talaan ng pandaigdigang pamanang kultural ng Pilipinas. 8. Maging ang mga matatandang Ifugao ay nagsasabi na kailangang mapanatili ang hagdan-hagdang palayan. Kailangang mapanumbalik at mahikayat ang mga kabataan na pahalagahan ang pamanang kayamanan na ito. Mahalagang mapanatili at maipagpatuloy ang talino, kasanayan ng mga ninuno at tradisyunal na paraan ng pamumuhay ng mga Ifugao. 9. Maraming mungkahi ang nabuo upang mapanumbalik ang dating anyo nito (sa Abano). Isa na rito ang iminungkahi ng mga matatandang Ifugao. Ayon sa kanila kailangang sarhan ang mga daan patungong Banaue lalong lalo na ang Solano-Banaue road. 10. Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Departamento ng Turismo nagsasagawa ng pamamaraan upang mapanumbalik ang dating anyo ng Pay-yo. Ayon sa ulat, may nabuong plano na nangangailangan ng 1.31 bilyong piso (sa Enriquez) para sa nasabing lugar. 11. Ang suliraning ito ay hindi lamang problema ng mga Ifugao kundi problema ito na dapat harapin at bigyan ng agarang aksyon ng buong nasyon. Sa Pay-yo natitipon ang talino, kasanayan, pananaw, pilosopiya, at malaking bahagi ng kasaysayan sa panahon ng katutubo. Ang Pay-yo ay isang buhay na pamana ng lahi, kapag tuluyang nasira ito ay tuluyan na ring binura ang malaking bahagi ng ating nakaraan. Tama ba ang hula mo? Ano ang magiging epekto kung hindi maagapan ang pagkasira ng Pay-yo? Oo, tatanggalin ito sa talaan ng pandaigdigang pamanang kultural ng Pilipinas. May ginawa kayang hakbang ang mga kinauukulan? Hulaan mo kung mayroon at anu-ano kaya iyon? Tatapusin mo ang pagbabasa sa teksto. Tandaan mo ang iyong hula. Tama ba ang iyong hula? Marahil ay medyo ano? May mga aksyon ba na ginawa ang mga kinauukulan? Oo, may mga iminungkahi ang mga matatandang Ifugao at may binuong plano ang pamahalaan upang mapanumbalik ang dating anyo ng Pya-yo.
  • 612.
    21 Ano kaya anglayunin ng awtor sa pagsulat? Tsekan ( ) mo ang bilang ng posibleng layunin ng awtor. _____1. Upang ipaalam sa tao na may problema sa Payaw. _____2. Manawagan sa lahat ng Pilipino na ang problema sa Payaw ay problema ng buong bansa. _____3. Tumulong sa mga Ifugao. _____4. Mahikayat muli ang mga kabataang Ifugao na magsaka sa Payaw. _____5. Upang magsilbing hamon ito sa lahat na kumilos ng agarang aksyon sa problema. Nilagyan mo na ba ng stek ang lahat ng mga bilang? Kung gayon, tama ka. Alam mo ba na ang mga ginawa mo sa umpisa pa lamang ng Linangin hanggang sa pagtsitsek ay paghula o pagbuo ng hinuha? Ang hinuha ay pagbibigay ng sariling opinyon mula sa mga informasyon na nabasa. Sa pagbibigay hinuha ang mahalagang sangkap ang paggamit ng dating kaalaman at karanasan. Nakapagbibigay ng tamang hula ang isang mag-aaral kapag marami siyang nakaimbak na dating kaalaman at karanasan na naiuugnay niya sa bagong imformasyon. Ngayon balikan mo ang ilang salita may magkakasalungat ang kahulugan na ginamit sa teksto. Pagbibigay Kahulugan sa mga Salitang Magkasalungat Ang mga salitang magkatapat sa bawat bilang ay magkasalungat ang kahulugan. Hulaan mo kung ano ang kahulugan ng bawat isa batay sa kung paano ginamit ang mga ito sa teksto. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. kolektiv – individwalistik 2. kooperativ – kompetitiv 3. hari – alipin 4. tradisyunal – makabago 5. modernisasyon – katutubong pamumuhay Kung ang mga sagot mo ay ang mga sumusunod tama ka. 1. Ang kolektiv ay nangangahulugang sama-sama o tulong-tulong, kaya may konsepto tayo ng bayanihan. Ang idividwalistik naman ay kanya-kanya o walang pakialam sa iba. 2. Ang kooperativ ay walang kompetensya o walang paligsahan, kaya wala tayong hari at reyna, walang inaalipin at walang nang-aalipin, walang malakas at walang mahina.
  • 613.
    22 Lahat ay nagtutulungan.Samantalang ang kompetitiv ay mayroong kompetensya o mayroong paligsahan. Kaya mayroong konsepto ng hari at reyna sa ibang bansa. 3. Ang hari ay nangangahulugang ang isang tao ay nasa pribelehiyong katayuan sa lipunan na may absolut na kapangyariahan. Ang alipin ay nangangahulugang isang taong nasa pinakamababang antas ng lipunan at walang anumang karapatan. 4. Ang tradisyunal ay makalumang paraan o gawi na hindi pa gaanong napapasukan ng anumang ideya o paraan ng pamumuhay mula sa labas ng lipunan. Ang makabago naman ay inobasyon mula sa pagiging tradisyunal. 5. Ang modernisasyon ay transformasyon mula sa pagiging katutubo tungo sa mabilis na paraan ng pamumuhay. Kaakibat nito ang makabagong teknolohiya at kaalaman. Samantalang ang katutubong pamumuhay ay ang pagiging puro nito at walang halong impluwensya ng mga dayuhan. Narito ang isang bahagi ng balita mula sa Palawan Times. Tuluyan kayang makulong ang mga nahuling ilegal na mangingisda sa Palawan? Ito kaya ang kauna-unahang pagkakataon na nangisda sila sa dagat ng Pilipinas? Basahin mo ang teksto at kumpirmahin mo kung tama ang iyong hula. Kung ang sagot mo ay ang mga sumusunod. Binabati kita. 1. Hindi sila pakakawalan dahil huli sila sa akto at sa mga katibayan na nakuha. Tuluyan silang ikukulong . 2. Maraming ulit na silang nangingisda sa karagatan ng Pilipinas. Ayon sa Philippine Navy, matagal na itong minamanmanan. Indonesians Huli sa Balabac ni Joy Tabuada- Asignacion Nahaharap ngayon sa mga kasong Poaching at Illegal Entry ang limang Indonesians na nahuli ng Philippine Navy sa Balabac, Palawan nationals na nangingisda . Sa panayam kay Provincial Committee on Illegal Entrants (PCIE) chairman, Col. Jose Balane sinabi nito na pinag-aaralan pa sa ngayon ng PCIE ang posibilidad ng pagsasampa ng kasong “illegal fishing” maliban sa poaching at illegal entry sapagkat nahuli nito sa aktong nagtro-trawl fishing. Nakuha rin sa mga Indonesian fishermen na lulan ng isang Malaysian fishing boat ang 200 kilong hipon, 100 kilo ng iba’t ibang uri ng isda. Palawan Times Vol.XI No. 237
  • 614.
    23 Gamitin Ngayon tingnan natinkung kaya mong gamitin ang mga natutunan mo. Muli kang bumuo ng mga hula tungkol sa mga sumusunod. 1. Ano kaya ang posibleng epekto ng quarrying activity sa lungsod ng Puerto Princesa 2. Ano ang quarrying? Basahin mo na ang bahagi ng balita mula sa Palawan Times at kumpirmahin kung tama ka. Tingnan mo kung katulad nito ang iyong mga sagot. 1. Ang mga sumussunod ay posibleng mangyari a. landslide at siltation o pagguho ng mga lupa sa dagat dahil wala ng graba na magho-hold sa lupa b. Pagkamatay ng mga yamang dagat kung sakaling magkakaroon ng siltation at buhay ng mga tao. c. pagkawala ng mga punong kahoy sa lugar ng pinagka-quarrying d. Masisira ang mga likas- yaman ng Pilipinas at maaaring bumaba ang katanyagan ng Palawan. Quarrying sa Lucbuan Ipinatigil ng PENRO ni Joy Tabuada-Asignacion Pinatigil ng Provincial Environment ang Natural Resources Office ( PENRO) ang pangunguha ng graba at buhangin sa Bgy. Lucban lungsod ng Puerto Princesa. Sa panayam ng Manila Times kay PENRO Ivene Reyes, ipinag- utos niya sa We Eng Construction na itigil na ang kanilang quarrying activity sa naturang lugar dahil sa ang lupang kanilang pinagkukunan ng graba ay dineklarang “timberland” . Maliban dito ay walang maipakitang dokumento tulad ng Environmental Compliance Certificate (ECC) at permiso buhat sa Pamahalaang Lungsod ang naturang kompanya. Palawan Times Vol. XI No. 237
  • 615.
    24 2. Ang quarryingay pagkuha ng graba sa bundok. Naririto pa ang isang gawain na magsasanay sa iyo sa pagbubuo ng hinuha. Batay sa mga informasyon na nakalagay sa kahon, hulaan mo kung ano ang tamang sagot sa mga tanong na nasa ibaba. 1. Ano ang kahulugan ng salitang Tubbataha? A. mataas na bato sa gitna ng dagat B. mahabang bagay na may kaugnayan sa reef C. iba’t ibang uri ng koral D. yamang dagat 2. Saan ito matatagpuan? A. Palawan B. Sulu C. Mindoro D. Cebu 3. Ano ang panganib na nagaganap sa lugar? A. Maraming nakakapasok na ilegal na mangingisda. B. Maraming nagaganap na smuggling C. Maraming namamatay na koral D. Palala ng palala ang polusyon 4. Ano ang hakbang na isinagawa ng pamahalaan para sa konservasyon ng Tubbataha reef? A. Nagtatag ng puwersa na magbabantay sa Tubbataha. B. Nangangalap ng pondo upang mapanatili ang Tubbataha. C. Nanghingi ng tulong mula sa ibang bansa. D. Wala pang hakbang na ginagawa. 5. Bakit kilala ang lugar na ito sa buong mundo? A. dahil sa ginawa ng Abusayaf B. dahil sa ganda nito C. dahil isa ito sa pamanang kultural ng mga Pilipino D. dahil sa maraming muslim ang nakatira dito.
  • 616.
    25 Basahin mo angsanaysay tungkol sa Tubbataha at alamin kung tama ang iyong mga hula. Tubbataha Reef Pilipinas, Rehiyon IV, Palawan 1993- World Heritage Site Dekada 80 – bumaba ang mga buhay na koral at nakaranas ng pinakamalaking antas ng pagkasira 1993 – kinilala ng UNESCO 1995- Binuo ang Task Force for the Tubbataha reef Uri ng aquatic life - 300 uri ng koral, 400 uri ng isda, coral garden, coral tower, pawikan, lionfish, pating, lobster at iba pa.
  • 617.
    26 Tubbataha Reef Aurora F.Mambiar 1. Tubbataha reef – kauna – unahang tanawin sa Pilipinas na itinalaga ng UNESCO bilang isa sa World Heritage Site noong 1993 (sa Ledesma at Mejia) dahil sa taglay nitong globally significant biodiversity. 2. Taong 1998 sa bisa ng Proklama bilang 306 (Sa Valencia) ipinahayag ng pamahalaan na ang Tubbataha Reef at ang mga malalapit na lugar nito ay isang National Marine Park. 3. Ang salitang tubbataha ay galing sa salitang muslim (www.tourism.gov.ph) tubba ibig sabihin ay mahaba at taha ibig sabihin ay bagay na may kaugnayan sa lagun o reef . Matatagpuan ang Tubbataha reef sa rehiyon IV, lalawigan ng Palawan sa gitna ng dagat ng Sulu (sa Valencia). Ang lawak nito ay 33,200 ektarya (Valencia) na kakikitaan ng maraming uri ng cquatic life (ncca.gov.ph) , tulad ng 300 uri ng koral, pinakamalaking uri ng coral reef, 400 na uri ng isda, malalaking uri ng pawikan, lionfish at pating na mas malaki sa karaniwang laki na makikita sa ibang diving site. Sa lalim na dalawampu’t limang talampakan kitang kita ang makukulay at magagandang isda. Labing limang metro (Valencia) mula sa lugar ng pagtatalunan (diving) makikita ang sandy slope, ang paboritong lugar na tinutulugan ng mga pating at lobster. Sa hilagang bahagi makikita ang malalaking coral garden , coral tower na hindi karaniwan ang laki. Ang lugar na ito ang kakikitaan ng pinakamaraming uri ng isda sa buong Pilipinas. 4. Sa kabila ng kalayuan nito hindi pa rin ligtas ang lugar sa mga iligal na mangingisda. Noong 1989 (Ledesma at Mejia) napag-alaman na bumaba ang bilang ng mga buhay ng koral at sa dekada 80 (Laedsma at Mejia) nakaranas ng pinakamataas na antas ng pagkasira sa lugar na ito . 5. Noong July 1995 (sa Valencia) sa ilalim ng administrasyon ng dating pangulong Fidel V. Ramos binuo ang Task Force for the Tubbataha Reef National Marine Park na bubuo at magsasagawa ng mga hakbang upang mapigil ang tuluyang pagkasira ng kalikasan . Sa mga nakalipas na limang taon magkaakibat ang Philippine Navy at World Wide Fund for Nature o WWF – Philippines (sa Valencia) sa pagbabantay ng Tubbataha laban sa mga iligal na gawain. Sa kasalukuyan magkasanib (Valencia) ang puwersa ng Palawan Council for Sustainable Development , lokal na pamahalaan at WWF – Philippines upang mapangalagaan ang lugar. Dagdag nito ang DENR, WWF
  • 618.
    27 – Philippines atUN Development Program ay lumagda ng kasunduan para sa taunang proyektong pondo na nagkakahalagang $750,000 (Sa Valencia) para mapanatili ang Tubbataha Reef. Ang resposabilidad ng pagpapanatili sa Tubbataha reef ay nakasalalay hindi lamang sa lokal, nasyonal na pamahalaan at internasyonal na organisasyon kundi lalo’t higit sa mga mamamayan na nakatira malapit sa Tubbataha reef. Kailangang magkaisa ang pamahalaan sa pagpapanatili ng yaman ng Tubbataha. Sapagkat wala ng ibang matatagpuan sa bansa na nagtataglay ng parehong yaman at ganda na makikita sa Tubbataha. Hamon din sa lahat ng Pilipino na pangalagaan ang kalikasan ng bansa. Narito ang tamang sagot sa mga tanong. 1. B 2. A 3. A 4. A 5. C Lagumin Tinalakay natin sa sub-aralin 2 ang pagbibigay ng kasalungat na kahulugan sa salita at pagbibigay hinuha sa isang tekstong informativ. Ang hinuha ay ang pagbibigay ng matalinong panghuhula mula sa nabasang informasyon. Ang pagkakaroon ng maraming nakaimbak na imformasyon ay mahalagang sangkap upang makabuo ng tamang hinuha. Subukin Handa ka na marahil sa isa pang pagsubok. Sa pamamagitan ng mga impormsayon sa kahon, hulaan mo ang tamang sagot sa bawat bilang. Pambansang yaman ng Pilipinas Mummy Benguet Kweba ng Timbak, Tenangkol, Opdas at iba pa Isa sa 100 pinakananganganib na bagay sa buong mundo
  • 619.
    28 1. Ano angkahulugan ng mummy? 2. Saan ito matatagpuan? 3. Bakit nanganganib ito? 4. Bakit mahalaga ito sa atin ang mummy? 5. Ano kayang tribo ang kilala sa pagma-mummified? Basahin mo ang teksto tungkol sa mummy. Pagkatapos balikan mo ang iyong mga hula kung tama. Tingnan mo kung tama ang iyong mga sagot. 1. Ang mummy ay patay na katawan ng tao na priniserv sa pamamagitan ng paggamit ng mga halamang gamot at pagtatanggal ng mga tubig sa katawan nito. 2. Benguet at iba pang lalawigan sa hilagang bahagi ng Pilipinas 3. Sapagkat ninanakaw ang mga ito at ipinagbibili sa labas ng Pilipinas. 4. Sapagkat tinuturing itong Pambansang Yaman ng ating bansa. 5. Ibaloi Kung sa tingin mo ay kailangan mo pa ng dagdag na pagsasanay pumunta ka sa Paunlarin. Kung hindi maaari ka nang pumunta sa susunod na modyul. Itinuturing na Pambansang Yaman ng Pilipinas ang nakitang mga mummy sa hilagang bahagi ng Luzon, partikular sa kwebang Benguet, kweba ng Timbak, Tenangkol, Opdas, Kabayan at iba pa. Ang tribong Ibaloi ang napag-alamang gumagawa ng mummy. Ang muling pagkakatuklas ng mga ito ay naganap sa pasimula ng mga taong 1900. Napag-alamang marami na ang nanakaw sa panahon ding ito. Nabanggit sa ulat ni Laarni Ilagan ng Manila Times (2003) na ang ilan sa mga ninakaw na mummy sa bayan ng Kabayan ay ipinagbibili sa San Francisco, California sa halagang 310,000 piso ( $5,637). Ayon sa Monument Watch ang mga mummy na natuklasan muli sa Pilipinas ay isa sa 100 Most Endangered Sites in the World. Kasing halaga ito ng mga pinakananganganib na monumentong pinangangalagaan at itinuturing na pamana ng lahi.
  • 620.
    29 Paunlarin Batay sa mgaimpormasyong nakatala sa ibaba bumuo ka ng hinuha kung saan patungkol ang sanaysay. Isulat mo sa sagutang papel ang iyong hinuha. Ang sanaysay ay tungkol sa simbahang Nuestra Señora de la Assuncion ng Paoay, Ilocos Norte bilang isa sa simbahang barok sa Pilipinas at isa sa pamanang kultural ng lahing Pilipino sa kasaysayan ng daigdig. Gaano ka na kahusay? I. Pagpapalawak ng Bokabularyo: A. Singkahulugan Panuto: Hanapin sa mga pagpipilian ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Ang bawat andana ng lupa ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro. A. baitang B. haba C. sukat D. lapad 2. Dalawang pintuan mayroon ang bahay. Ang una ay puerta, dito pinapasok ang karwahe. A. pangunahing pintuan B. maliit na pintuan C. makitid na pintuan D. malapad na pintuan 3. Sa caida pinatutuloy ang mga importanteng bisita. A. sala B. antesala C. asoteya D. komedor 4. Maraming katawagang ibinigay ang mga dayuhan sa kamangha-manghang Pay-yo A. hagdan-hagdang palayan B. payaw C. payew D. lahat ng nabanggit Bansa: Pilipinas Pangalan ng mga simbahan Taong Itinayo Lalawigan Sto. Tomas de Villanueva 1797 Iloilo Nuestra Senora de la Assuncion --- Sta. Maria, Ilocos Sur San Agustin 1694 Paoay, Ilocos Norte
  • 621.
    30 5. Ang subterenyanay makikita sa lalawigan ng Palawan. A. malawak na lupain B. ilog sa ilalim ng lupa C. makapal na gubat D. malaking bato B. Magkasalungat: Panuto: Hanapin sa hanay B ang kasalungat ng mga salitang nasa hanay A. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. A B 1. hari A. indibidwalistik 2. kooperativ B. alipin 3. kolektiv C. kompetetiv 4. modernisasyon D. datu 5. tradisyunal E. makabago F. katutubo II. Pagtukoy ng pangunahing kaisipan Panuto: Tukuyin kung ano ang paksa at pangunahing kaisipan na nakapaloob sa bawat talata. A. Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ang mga katutubong Ifugao ay gumugol ng mahigit na 2,000 taon upang matapos ang hagdan-hagdang palayan. Ito ay itinayo sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at katutubong teknolohiya. Ipinagpapalagay na ito ay mahigit 6,000 taong gulang na. 1. Matatagpuan ang Vigan sa bukana ng ilog ng Abra, hilagang kanluran ng baybaying Luzon. Malapit ito sa bansang Tsina. Dahil sa magandang lokasyon nito naging mahalaga ang papel ng Vigan sa kalakalan noong panahon ng katutubo hanggang ikalabing siyam na siglo. 2. Ang Tubbataha Reef ay matatagpuan sa Rehiyon IV, lalawigan ng Palawan sa gitna ng dagat ng Sulu (sa Valencia). Ang lawak nito ay 33,200 ektarya na kakikitaan ng maraming uri ng aquatic life, tulad ng 300 uri ng koral, pinakamalaking uri ng coral reef, iba’t ibang uri ng isda, malalaking uri ng pawikan, lionfish at pating na mas malaki sa karaniwang laki na makikita sa ibang diving site. Sa lalim na dalawampu’t limang talampakan kitang kita ang makukulay at magagandang isda. Labing limang metro mula sa lugar ng pagtatalunan (diving) makikita ang sandy slope, ang paboritong lugar na tinutulugan ng mga pating at lobster. Sa hilagang bahagi makikita ang malalaking coral garden , coral tower hindi karaniwan ang laki. Ang lugar na ito ang kakikitaan ng pinakamaraming uri ng isda sa buong Pilipinas.
  • 622.
    31 III. Paghihinuha: Panuto: Bataysa mga impormasyon na nakalahad sa bawat bilang bumuo ng hinuha kung tungkol saan ang sanaysay. 1. 2.Mga simbahang nag-aangkin ng kakanyahang disenyong arkitektural at interpretasyon ng mga Pilipino sa arketekturang barok sa Europa. Pangalan Lokasyon Taong Itinatag San Agustin Intramuros,Manila 1571 La Asuncion Ilocos Sur,Sta. Maria 1765 San Agustin Ilocos Norte, Paoay 1593 Santo Tomas Iloilo, Miag-ao 1731 Binabati kita sa iyong tagumpay! Sanggunian: Abano, Imelda; http://www.philpost.com/0302pages/rice0302.html Enriquez, Nestor ; http://:member.tripod.com/philippines/banaue.htm Gardner, Robert; http://www.aenet.org/ifugao/batad.htm Ilagan, Laarni S. http://www.manilatimes.net/national/2003/jul/09/prov/20030709pro3.html Kuntz,Carl; http://www.manilatimes.net/national/2004jan/16/yehey/life/200440/16lif/htm Ledesma, Micaela C. at Mejia, manuel N. http://www.psdn.org.ph/wetlands/wwd01pres.htm Melle, Gregory; http://ce.eng.usf.edu/pharos/wonders/natural/index.html Valencia, Lynda B.; http://www.guampdn.com/communities/news/stories/ 20041001/bayanihan/1339046.html http://www.anglefire.com/folk/hazelmarucot/ifugaohudhud.htm http://www.lonelyplanet.com/destination/south-east/philippines/culture.htm http://www.inq7.net/lif/2003may/26/lif-34-1.htm http://www.outdoorru/unesco/652.php http://www.starfish.ch/dive/print/palawan-print.html http://www.unep-wcmc.org/sites/wh/princesa.htm http://www.vigancity.gov.ph/unesco.htm http://wondersclub.com/worldwonder/banauehistory.htm Hudhud matriyarkal Ifugao tag-ani, kasalan,lamayan UNESCO pinakamahusay na obrang pasalita Pamana sa sangkatauhang mahirap maunawaan.
  • 623.
    32 Modyul 14 Pagtukoy ngPangunahing Kaisipan at Pagbuo ng Hinuha I. Pagpapalawak ng Bokabularyo A 6. A 7. A 8. B 9. D 10. B B 1. B 2. C 3. A 4. F 5. E II. Pagtukoy ng Pangunahing Kaisipan 1. Paraan ng pagkakagawa sa Pay-yo 2. Lokasyon ng Vigan 3. Lokasyon at katangian ng Tubbataha Reef III. Pagbibigay Hinuha 1. Ang sanaysay ay patungkol sa Hudhud. Ang epiko ng mga Ifugao na isa sa hinahangan ng buong mundo. 2. Ang sanaysay ay tumatalakay sa mga simbahang barok sa Pilipinas na nagtataglay ng kakanyahang likha ng mga Pilipino. Susi sa Pagwawasto
  • 624.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 15 Pagsasalaysay at Pagbuo ng mga Reaksyon sa mga Idea, Proposisyon at Panukala
  • 625.
    2 Modyul 15 Pagsasalaysay atPagbuo ng mga Reaksyon sa mga Ideya, Proposisyon at Panukala Tungkol saan ang modyul na ito? Mahilig ka bang pumunta sa iba’t ibang lugar? Kung oo, natutuwa ako para sa iyo. Tiyak na marami kang nakilalang tao at nakuhang impormasyon sa lugar na iyong pinuntahan. Kaya naman siguradong kawiwilihan mo ang modyul na ito sapagkat mamasyal tayo. YEHEEY! Kung hindi “oo” ang iyong sagot huwag kang mag-alala dahil hawak mo ngayon ang pagkakataong pumunta sa ibang lugar. Kasama kitang mamasyal. YIPEEE! Saan tayo pupunta? Ipapasyal kita sa EDSA! Isa ito sa pinakamahabang lansangan sa Metro Manila. Iba’t ibang sasakyan ang dumadaan dito araw-araw. Maraming matataas na gusali ang matatagpuan dito. Babalikan natin ang mga nakaraang pangyayari sa Epifanio de los Santos Aveñue o EDSA kaya marami kang makikilalang personalidad, matutuklasang alaala at matutunang aral mula sa ating kasaysayan. Sa tulong ng modyul na ito, masaya mong makikita ang kwento ng mga Pilipino tungkol sa PeoplePpower sa EDSA noong Pebrero 1986 at Pager Revolution ng EDSA DOS noong Enero 2001. Gagamitin rin natin ang paksang ito para matamo mo ang ilang kasanayang pangwika.
  • 626.
    3 Ano ang matututunanmo? Alam mo ba na libre ang pag-uusyoso sa bawat kalye kaya kung ako sa iyo samantalahin mo nang husto para pagkatapos nating mamasyal sa EDSA ay marami kang maikuwento sa kapatid o kaibigan mo. Pagkatapos ng modyul na ito, maari mo nang ipagmalaki ang iyong sarili dahil: 1. nakapagkukuwento ka na tungkol sa ating kasaysayan na puno ng pag-asa para sa hinaharap. 2. nakpagpapahayag ka na ng obserbasyon at opinyon sa paraang malinaw upang makabuo ng positiv na pananaw sa mga bagay-bagay. 3. nakapagbibigay ka na ng puna, panukala at reaksyon tungkol sa binabasang teksto at proposisyon. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? 1. Basahin at unawain nang mabuti ang gagawin bago magsimula. 2. Lumapit at magtanong sa titser o sino man sa akala mong handang tumulong sa iyo kung sakaling hindi mo maunawaan ang direksyon sa isang partikular na gawain. 3. Isulat sa sariling notbuk ang mga sagot at iwasang lagyan ng anumang marka ang bawat pahina dahil gagamitin pa ng iba ang modyul na ito. 4. Tapusin muna ang bawat gawain bago buksan ang kasunod na pahina --maging matiyaga. 5. Kunin sa iyong titser ang listahan ng tamang sagot kapag tapos mo nang sagutang mag-isa ang panimulang-sulit at panapos-sulit --maging tapat sa sarili. Ano na ba ang alam mo? Naranasan mo na ba ang tumawid sa nakabiting tulay o hanging bridge? Isipin mo sa bawat hakbang ay para kang nakikipagsapalaran katulad ngayon habang tinatawid mo ang panimulang pagsusulit.
  • 627.
    4 A. Piliin angtamang impormasyon upang makumpleto ang kwento ni Ferdie tungkol sa nangyari sa EDSA noong 1986. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. Alam n’yo ba ang nanay ko ay kasama sa (A. People Power B. Pager Revolution C. Peaceful Rally) 1 noong 1986. Ang kwento n’ya, doon siya natulog sa kalye at napakaraming tao na kahit hindi magkakilala ay ( A. nagyakapan at nag-iyakan B. nagsayawan at nagkantahan C. nagkwentuhan at nagkantahan). 2 at 3 Hindi ka magugutom dahil ( A. may mga nagtitinda B. pwedeng umuwi C. bigayan ng pagkain). 4 Magdamagan silang nagvi-vigil para ipagdasa na bumaba na sa puwesto si ( A. Fabian Ver B. Imelda Marcos C. Ferdinand Marcos) 5 kaya naman naiyak sila sa tuwa nang narinig nila sa radyong umalis na mula sa ( A. Malacañang B. Batasan C.Liwasang Bonifacio) 6 ang mga Marcos bandang alas- ( A.7 B..8 C.9) ng gabi papuntang 7 (A.Guam B. Saipan C. Hong Kong). 8 Tuwang-tuwa si Nanay nang nakamayan ang dalawang mataas na opisyal ng militar na sina ( A. Enrile at Ramos B. Ver at Honasan C. Ver at Enrile). 9 at 10 Sabi n’ya, “Alam mo anak, pakiramdam ko bayani rin ako!”
  • 628.
    5 B. Piliin angwastong salita/parirala upang mabuo ang pahayag ni Jigs. Isulat sa notbuk ang titik ng tamang sagot. Nasagutan mo na ba ang panimulang pagsusulit? Kung oo, maaari mo nang kunin sa iyong titser ang susi ng Tamang Sagot. Nalaman mo na ba ang iyong iskor? Kung oo, ano ang iyong pakiramdam? Maari kang pumili ng isang mukha na angkop para sa nararamdaman mo ngayon at idrowing ito sa iyong notbuk. Lahat ng mukha ay tama ayon sa kung ano ang iyong pakiramdam. Tandaan mo na mahalaga ang damdamin ng bawat tao at dapat itong igalang. Maganda ang modyul na ito kasi marami kang malalaman tungkol sa EDSA (A. noong B. habang C. kasi) nagkaroon ng PeoplePpower at PagerRevolution.. Matutuklasan mong nangyari ulit 1 ang people power sa EDSA ( A. pagkalipas B. nagkataon C. katulad) ng halos 15 taon. Ang mga Pilipino 2 ay nagsimulang magkaisa ( A. sapagkat B. dahil sa C. mangyari) pagkamatay ng matapang na lider ng 3 oposisyon na si Ninoy Aquino. Sunud-sunod ang mga demonstrasyon sa lansangan (A. kasi B. pagkaraan C. hanggang sa ) dumating ang sandali na ( A. tila B. dapat C. totoong) nakonsensya na sina Enrile at 4 5 Ramos ( A. nang B. habang C. subalit) tumiwalag sila sa administrasyon ng diktador na si Marcos 6 ( A. noong B. pagkaraan C. hanggang sa) ika-22 ng Pebrero 1986. Grabe, nakakabilib! (A.Dahil B. Dapat 7 C. Subalit) walang dumanak na dugo sa lansangan ng EDSA kahit nagpadala ng ( A. sandaling B. taong 8 C. panahong ) iyon si Marcos ng mga tangke sa labas ng Kampo Krame. Maraming Pilipino, mahirap 9 at mayaman, ang sama-samang nanalangin at nagbantay sa loob ng tatlong araw. (A. Sa wakas B. Tunay C. Kamakalawa), dumating din ang hinihintay ng taong bayan, bumaba 10 sa pwesto si Marcos bilang pangulo ng Pilipinas bandang alas 9:00 ng gabi. Nagsaya ang buong bansa!
  • 629.
    6 Sub-Aralin 1 Pagsasalaysay Layunin: Pagkatapos mongdaanan ang kalyeng Balik-Tanaw, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. natutukoy at nakabubuo ng mga salita/ pangungusap na nagpapakilala ng paraan ng pagsasalaysay/ pagkukwento. 2. natutukoy at nakabubuo ng mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng pagkamakatotohanan ng ideya. 3. natutukoy ang mga salitang may higit sa isang kahulugan. 4. nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salita na nagwawakas ng ideya. Alamin Gawain 1: “Hulaan Mo Kung Sino?” Magaling ka bang manghula? Dahil iyan ang unang gawain para makilala mo kung sino ang mga personalidad sa EDSA noong 1986. Tutulungan kita dahil mayroon akong inihandang MENU. Madali lang ang gagawin, Piliin mo mula sa MENU ang pangalan ng mga taong nasa larawan. Handa ka na ba? Sige, simulan mo na. Isulat sa sariling notbuk ang iyong sagot. 1. ____________ 2. ___________ 3. __________ 4. _________ 5. ____________ 6. ___________ Naisulat mo ba lahat ang sagot sa iyong notbuk? Tingnan natin kung tama ang mga hula mo. Basahin ang mga pangalan ng kilalang personalidad ng People Power sa EDSA noong 1986. Tandaan mo ang kanilang mukha. MENU Presidential Candidate Corazon C. Aquino Defense Minister Juan Ponce Enrile Deputy Chief of Staff Fidel V. Ramos Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin Chief Security Officer Gregorio Honasan Incumbent President Ferdinand E. Marcos
  • 630.
    7 1. Fidel V.Ramos 4. Gregorio Honasan 2. Jaime Cardinal Sin 5. Juan Ponce Enrile 3. Corazon C. Aquino 6. Ferdinand E. Marcos Tama ba lahat ang hula mo? Kung oo, magaling! Kung sakaling hindi, makatutulong kung tatandaan mo nang husto ang kanilang pangalan at mukha para kapag nakita mo uli ang kanilang litrato o nakita mo sila sa telebisyon, hindi ka na manghuhula dahil kilalang-kilala mo na sila! Linangin Kilalanin pa natin nang husto ang mga personalidad sa EDSA noong 1986 sa pamamagitan ng pagsulat ng angkop na salita at pagdidikit ng kanilang larawan. Unahin natin ang pagsulat, subukin mong buuin ang mga sumusunod na impormasyon sa loob ng kahon sa tulong ng mga salita/parirala na nagpapakita ng paraan ng pagsasalaysay. Madali lang ito. Nasa tabi mo ako, tingnan mo ang itinuturo ng aking daliri. Iyan ang mga salitang pagpipilian mo para mabuo ang impormasyon. Handa ka na ba? Isulat sa notbuk ang iyong sagot. • pagkaraan • noon • kauna-unahang • pagkalipas • pangyayari • hanggang sa
  • 631.
    8 Kumpleto na baang sagot mo sa bawat kahon simula bilang 1-6? May nais ka pa bang balikan at baguhin? Kung mayroon, gawin mo muna bago ka magpatuloy. Kung wala na, basahin mo nang tahimik ang impormasyon kasama ang angkop na salita na pinili mo para sa kahon bilang 1-6. Balikan ang iyong sagot sa notbuk, tingnan kung napili mo ang mga sumusunod na salita para sa bawat bilang: Tama ba lahat ang sagot mo? Kung oo, binabati kita! Isa sa mga pinakamataas na opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sumuporta kay Enrile para mag-alsa laban kay Marcos taong 1986. ____ ______naging ika-12 pangulo ng Pilipinas kasunod ni Aquino. (2) Makapangyarihang boses ng simbahang Katoliko ng Pilipinas. Siya ang humikayat sa mga tao na pumanig at bantayan ang Katotoha- nan sa pamamagitan ng pagpunta __________sa lansangan ng EDSA. (1) Anak siya sa labas at lumaki sa hirap kaya naging matapang na gerilya noong World War II. Pagkatapos ay naging sundalo______ ____________ naging mataas na opisyal ng militar. Tumiwalag sa diktadurya ni Marcos at nanguna sa People Power. (3) Siya ay nagtapos ng magna cum laude sa U.P. at naglingkod bilang makabayan, matapang at mahusay na pinuno ng bansa. Subalit ___________ ng maraming taon ay nalasing sa kapangyarihan kaya naging diktador siya ng bayan. (5) Batang-batang opisyal ng militar bilang hepe ng seguridad ng Ministro ng Depensa. Nagbunga ng maraming medalya ang ipinamalas niyang tapang sa_______ sa EDSA. (4) Kabiyak ng tanyag na lider ng oposis yong si Ninoy Aquino. Pumasok sa politika dala ng paniniwala niyang dapat nang wakasan ang diktadurya. Siya ang________________ babaeng pangulo ng Pilipinas. (6) 1. noon 2. pagkaraan 3. hanggang sa 4. pangyayari 5. pagkalipas 6. kauna-unahang
  • 632.
    9 Kung hindi, tanggapinmo ang hamon na muling sumubok sa susunod na pagkakataon at matuto sa pagkakamali. Ang mga nakilala mong personalidad sa EDSA noong 1986 ay dumaan din sa karanasan na minsan ‘tama’ at minsan ‘mali.’ Anuman ang resulta, ang mahalaga ay natuto ka mula rito. Dahil buo na ang ideya ng impormasyon ay madali mo nang matutukoy kung sino ang taong inilalarawan sa loob ng kahon. Kung mayroon kang makukuhang litrato sa magasin o sa dyaryo, maari mo itong gupitin at idikit sa iyong notbuk at kopyahin mo mula sa modyul na ito ang tamang impormasyong nauukol sa bawat larawan. Kung sakaling wala kang makuhang litrato, mayroon tayong ibang plano/alternatibo. Ganito, pagmasdan mong mabuti ang mga sumusunod na larawan. Piliin mo kung sino sa kanila ang tinutukoy sa mga pahayag sa bawat kahon. Fidel V. Ramos Gregorio Honasan Jaime Cardinal Sin Juan Ponce Enrile Corazon C. Aquino Ferdinand E. Marcos Isulat ang kanilang pangalan sa iyong notbuk at kopyahin ang tamang impormasyon mula sa modyul na ito. Tapos ka na? Mayroon ka bang nais baguhin? Gawin mo muna bago magpatuloy. Kung tapos ka na, tingnan ang mga larawan at pangalan ng personalidad sa loob ng kahon at alamin kung tama ang mga sagot mo: Jaime Cardinal Sin Makapangyarihang boses ng simbahang Katoliko ng Pilipinas. Siya ang humikayat sa mga tao na pumanig at bantayan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpunta __noon__ sa lansangan ng EDSA. (1) Fidel V. Ramos Isa sa mga pinakamataas na opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sumuporta kay Enrile para mag-alsa laban kay Marcos taong 1986. Pagkaraan___ , naging ika-12 pangulo ng Pilipinas kasunod ni Aquino. (2)
  • 633.
    10 Tama ba lahatang sagot mo? Kung oo, mabilis kang kumilala ng tao, binabati kita! Kung hindi, mahalagang pagkakataon ito para tandaan mo silang mabuti. Balikan ang isinulat sa sariling notbuk, kumpleto ba ang mga nakopya mong impormasyon tungkol sa mga personalidad sa EDSA mula sa modyul na ito? Narito ang mga palatandaan na kumpleto ang iyong naitala: ✍ nakakahon ang mga isinulat na impormasyon ✍ nakalagay ang bilang 1, 2, 3, 4, 5, 6 sa loob ng kahon ✍ nakasalungguhit ang mga salitang nagpapakilala ng paraan ng pagsasalaysay ✍ nakasulat sa loob ng kahon ang pangalan ng mga personalidad Ngayon, basahin nating muli ang mga impormasyon sa kahon. Subukan natin kung naunawaan mo ang kahulugan ng mga salitang may bilog ayon sa gamit nito sa teksto. Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang may bilog at isulat ito sa sagutang papel. Handa ka na bang mag-isip? Kung oo, mabuti! Kung hindi, naniniwala akong kaya mong subukan. Juan Ponce Enrile Anak siya sa labas at lumaki sa hirap kaya naging matapang na gerilya noong World War II. Pagkatapos ay naging sundalo _hanggang sa__ naging mataas na opisyal ng militar. Tumiwalag sa diktadurya ni Marcos at nanguna sa people power. (3) Gregorio Honasan Batang-batang opisyal ng militar bilang hepe ng seguridad ng Ministro ng Depensa. Nagbunga ng maraming medalya ang ipinamalas niyang tapang sa pangyayari sa EDSA. (4) Ferdinand E. Marcos Siya ay nagtapos ng magna cum laude sa U.P. at naglingkod bilang makabayan, matapang at mahusay na pinuno ng bansa. Subalit pagkalipas__ ng maraming taon ay nalasing sa kapangyarihan kaya naging diktador siya ng bayan. (5) Corazon C. Aquino Kabiyak ng tanyag na lider ng oposisyong si Ninoy Aquino. Pumasok sa politika dala ng paniniwala niyang dapat nang wakasan ang diktadurya. Siya ang kauna-unahang_ babaeng pangulo ng Pilipinas. (6)
  • 634.
    11 A. kalahati A.umangat B. kapatid B. umalma C. katuwang C. umayaw A. hindi pinatira sa loob ng bahay A. malakas B. hindi tinanggap bilang anak B. maimpluwensya C. hindi kasal ang mga magulang C. maraming koneksyon A. nahilo, nalito at nataranta B. nawala sa matinong pag-iisip C. naging masama at mapang-abuso Tingnan mo kung tugma ang iyong mga sagot: Kahon 6, katuwang Kahon 2, umalma Kahon 3, hindi kasal ang mga magulang Kahon 1, maimpluwensya Corazon C. Aquino ng tanyag na lider ng oposisyong si Ninoy Aquino. Pumasok sa politika dala ng paniniwala niyang dapat nang wakasan ang diktadurya. Siya ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas. (6) Kabiyak Fidel V. Ramos Isa sa mga pinakamataas na opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sumuporta kay Enrile para laban kay Marcos noong 1986. Pagkaraan, naging ika-12 pangulo ng Pilipinas kasunod ni Aquino. (2) mag-alsa Juan Ponce Enrile at lumaki sa hirap kaya naging matapang na gerilya noong World War II. Pagkatapos ay naging sundalo hanggang sa naging mataas na opisyal ng militar. Tumiwalag sa diktadurya ni Marcos at nanguna sa people power. (3) Anak siya sa labas Jaime Cardinal Sin ng simbahang Katoliko ng Pilipinas. Siya ang humikayat sa mga tao na pumanig at bantayan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpunta noon sa lansangan ng EDSA. (1) Makapangyarihang boses Ferdinand E. Marcos Siya ay nagtapos ng magna cum laude sa U.P. at naglingkod bilang makabayan, matapang at mahusay na pinuno ng bansa. Subalit pagkalipas ng maraming taon ay kaya naging diktador siya ng bayan. (5) nalasing sa kapangyarihan
  • 635.
    12 Kahon 5, nagingmasama at mapang-abuso Tama ba lahat ang sagot mo? Kung oo, ang husay mong mag-isip! Kung hindi, maaari mong balikan ang mga teksto at suriin ang gamit ng mga salitang may bilog. Mayroon kang natutunan na mga bagong termino kaya may dahilan ka para magsaya! Bagay sa iyo ang nakangiti ☺! Ipagpatuloy natin ang pamamasyal. Gamitin mo ang mga bus sa EDSA para mabalikan ang nakaraan. Basahin at ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkasunud-sunod. Isipin mo ang tamang plate no. para sa bus A, B, C at D. Isulat sa notbuk ang iyong sagot. A Taong 1983 nang umuwi sa Pilipinas si Benigno “Ninoy” Aquino subalit bala ng kamatayan ang sumalubong sa kanya. Marami ang umiyak, naglamay at nakilibing. Umabot ng 11 oras ang martsa ng mga tao para ihatid lamang ang bangkay ni Ninoy sa sementeryo at sa dami ng tao ay nagmukha itong biglaang demonstrasyon laban kay Marcos.Pagkatapos, nagka- isa ang maraming Pilipino sa mga sumunod pang protesta. B Sa pangunguna ni Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos ay tumiwalag ang maliit na tropa ng militar sa ilalim ng administrasyon ni Marcos noong ika-22 ng Pebrero 1986. Katulad ng inaasahan, nanawagan ang Radio Veritas sa taong bayan. Pagkatapos, dumating ang mga tao para suportahan ang maliit na barikada nina Enrile sa kampo ng mga sundalo na matatagpuan sa mahabang lansangan ng EDSA. C Magkahiwalay na nagdaos ng inagurasyon sina Aquino at Marcos noong ika-25 ng Pebrero 1986. Gayon pa man, bandang alas 9:00 ng gabi, palihim nang umalis ang pamilya Marcos mula sa Malacañang patungong Guam sakay ng helikopter. Sa wakas, nagwagi ang people power ng mga Pilipino laban sa makapangyarihang diktador. D Tinangkilik ng simbahang Katoliko ang pagtiwalag nina Enrile sa diktadurya ni Marcos kaya mabilis na nanawagan si Cardinal Sin sa lahat ng mamamayang Pilipino. Ang lansangan ng EDSA ay napuno ng tao simula ika-23 ng Pebrero 1986. Nanalangin, nagkwentuhan, nagkantahan,nakinig ng balita, nagkapit-kamay sa pagpigil ng mga tangke. Yakapan, kamayan at iyakan. Sa bandang huli, walang dumanak na dugo dahil hindi naging marahas ang pagtatagpo ng militar at taong bayan sa EDSA. EDSA- 001 EDSA- 002 EDSA- 003 EDSA- 004
  • 636.
    13 Naisip mo naba ang tamang plate no. sa bawat bus? Gusto mo na bang malaman ang tamang sagot? Kung oo, narito ang plate no. para sa: Bus A: Bus C: Bus B: Bus D: Napansin mo ba ang mga sumusunod na petsa bilang palatandaan sa pagkasunud-sunod ng mga pangyayari? Bus A: taong 1983 Bus C: ika-23 ng Pebrero 1986 Bus B: ika-22 ng Pebrero 1986 Bus D: ika-25 ng Pebrero 1986 Mabuti kung binigyan mo ng halaga ang mga petsang nabanggit dahil tumutulong ito sa pagtiyak na makatotohanan ang impormasyong binabasa mo. Kung sakaling hindi mo napansin ang detalyeng ito, makatutulong kung agad mo itong hahanapin kapag nagbabasa ka ng mga pangyayari tungkol sa kasaysayan o sa iba pang kaugnay na babasahin. Mayroong mga palatandaan na maaring makatulong sa iyo upang matukoy kung makatotohanan ang impormasyon o ideyang binabasa mo, ito ay ang mga sumusunod: ✍ Numero -halimbawa nito ay petsa, oras, bilang, timbang, atbp. ✍ Lugar/Lokasyon - halimbawa nito ay EDSA, Malacañang, Cotabato, Iloilo mga eksaktong impormasyong nagbibigay-gabay ✍ Kredibilidad -halimbawa nito ay si Cardinal Sin, Corazon Aquino, Jessica Soho dahil ang kanilang katapatan na ihayag ang katotohanan ay subok na at mapagkakatiwalaan Handa ka na para balikan ang mga bus sa EDSA dahil alam mo na ang mga salitang nagpapakilala ng makatotohanang ideya. Basahin mo uli ang mga impormasyon sa bus. Hanapin ang mga salita sa loob nito na nagpapakita ng aktwal at makatotohanang impormasyon. Magdrowing sa sariling notbuk ng traffic cone at isulat sa ibabaw nito ang sagot mo: halimbawa 11 oras na martsa EDSA- 001 EDSA- 002 EDSA- 004 EDSA- 003
  • 637.
    14 Handa ka naba? Kung oo, simulan mo nang hanapin ang 10 makatotohanang impormasyon sa: Bus A: 1 2 Bus B: 3 4 5 Bus C : 6 7 8 Bus D: 9 10 Kumpleto na ba ang 10 traffic cone sa notbuk mo? Kung oo, maari mo nang tingnan kung tama ang mga impormasyong nakasulat sa ibabaw nito: Bus A: taong 1983 nang hinatid ng maraming bumalik si Ninoy Pilipino ang bangkay sa Pilipinas ni Ninoy sa sementeryo Bus B: ika-22 ng Pebrero nanawagan kampo ng mga 1986 nang tumiwa- ang Radio sundalong ma- lag sina Enrile Veritas tatagpuan sa at Ramos EDSA Bus C: alas 9:00 ng gabi ika-25 ng Pebrero Mula sa Malacañang nang palihim na 1986 nang nagdaos nagtungo sa Guam umalis ang mga ng magkahiwalay si Marcos kasama Marcos na inagurasyon sina ang kanyang pamilya Aquino at Marcos
  • 638.
    15 Bus D: nanawagansimula ika-23 ng Pebrero si Cardinal Sin 1986 napuno ng tao ang sa mamamayang lansangan ng EDSA Pilipino Tama ba lahat ang sagot mo? Kung oo, binabati kita! Magpatuloy. Kung hindi, maari mong tulungan ang iyong sarili. Basahin mo ulit ang mga palatandaan ng makatotohanang impormasyon sa p.14. Inaasahang lagi mo itong tatandaan. Patuloy mong sabayan sa biyahe ang mga Bus sa EDSA. Pagmasdan nang mabuti ang mga salita sa loob nito. Paano tinapos ang bawat talata? Kopyahin mula sa bus A, B, C at D ang buong pangungusap na nagwawakas ng ideya sa talata. Isulat sa notbuk ang iyong sagot. A B C D Taong 1983 nang umuwi sa Pilipinas si Benigno “Ninoy” Aquino subalit bala ng kamatayan ang sumalubong sa kanya. Marami ang umiyak, naglamay at nakilibing. Umabot ng 11 oras ang martsa ng mga tao para ihatid lamang ang bangkay ni Ninoy sa sementeryo at sa dami ng tao ay nagmukha itong biglaang demonstrasyon laban kay Marcos.Pagkatapos, nagkaisa ang maraming Pilipino sa mga sumunod pang protesta. Sa pangunguna ni Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos ay tumiwalag ang maliit na tropa ng militar sa ilalim ng administrasyon ni Marcos noong ika-22 ng Pebrero 1986. Katulad ng inaasahan, nanawagan ang Radio Veritas sa taong bayan. Pagkatapos, dumating ang mga tao para suportahan ang maliit na barikada nina Enrile sa kampo ng mga sundalo na matatagpuan sa mahabang lansangan ng EDSA. Magkahiwalay na nagdaos ng inagurasyon sina Aquino at Marcos noong ika-25 ng Pebrero 1986. Gayon pa man, bandang alas 9:00 ng gabi, palihim nang umalis ang pamilya Marcos mula sa Malacañang patungong Guam sakay ng helikopter. Sa wakas, nagwagi ang people power ng mga Pilipino laban sa makapangyarihang diktador. Tinangkilik ng simbahang Katoliko ang pagtiwalag nina Enrile sa diktadurya ni Marcos kaya mabilis na nanawagan si Cardinal Sin sa lahat ng mamamayang Pilipino. Ang lansangan ng EDSA ay napuno ng tao simula ika-23 ng Pebrero 1986. Nanalangin, nagkwentuhan, nagkantahan, nakinig ng balita, nagkapit-kamay sa pagpigil ng mga tangke. Yakapan, kamayan at iyakan. Sa bandang huli, walang dumanak na dugo dahil hindi naging marahas ang pagtatagpo ng militar at taong bayan sa EDSA.
  • 639.
    16 Tapos mo nabang kopyahin ang mga tamang pangungusap? Kung oo, tingnan ang mga sumusunod kung nakopya mo sa iyong notbuk: A B C D Anong mga salita ang nagwawakas ng ideya? Tama ka! Ito ang mga palatandaan na nagwawakas ng ideya: Gamitin Masaya ka ba sa natutunan mo sa nakaraang mga gawain? Mabuti kung ganoon. Tingnan natin kung paano mo gagamitin ang mga salitang nagpapakilala ng pagsasalaysay, makatotohanang impormasyon at nagwawakas ng ideya. Gawain 1: Sumali ka sa Dugtungang-Kwento. Tulungan mo sina Rem at Jeni na mabuo ang kanilang usapan. Isulat sa notbuk ang iyong sagot. Handa ka na? Simulan mo na. - pagkatapos - sa wakas - sa bandang huli Pagkatapos, nagkaisa ang maraming Pilipino sa mga sumunod pang protesta. Pagkatapos, dumating ang mga tao para suportahan ang maliit na barikada nina Enrile sa kampo ng mga sundalo na matatagpuan sa mahabang lansangan ng EDSA. Sa wakas, nagwagi ang people power ng mga Pilipino laban sa makapangyarihang diktador. Sa bandang huli, walang dumanak na dugo dahil hindi naging marahas ang pagtatagpo ng militar at taong bayan sa EDSA.
  • 640.
    17 1 2 3 4 5 6 78 Paano? Jeni, alam mo ba, namasyal ako sa EDSA noong 1986? Mabuti ka pa,Tinulungan ako ng modyul. Gustung-gusto! Tingnan mo, handa na akong makinig! Gusto mo kwentuhan kita? Ano iyon? (1) 1986, bago magsimula ang people power sa EDSA, mayroong mahalagang nangyari. Bakit mo nasabi ‘yan? Namatay si Ninoy Aquino nang bumalik siya sa Pilipinas noong (2) . Matapang siyang lider ng oposisyon noong panahon ni Marcos. Alam mo, masyadong dinamdam ng mga nanay at tatay Grabe ang tagal! Teka, alam kong ang tawag doon ay people power. (4) ng pangyayaring ito, nagkaisa ang mga Pilipino sa mga sumunod pang protesta. Katulad ng nangyari sa EDSA Kailan iyon? Galing mo! Tama ka. Nagsimula kasi iyon nang tumiwalag sina Enrile at Ramos kay Marcos (5) nanawagan si Cardinal Sin sa mga tao na pumunta sa EDSA para sumuporta. Kasi ang daming Pilipinong nakipaglibing kay Ninoy. Isipin mo, umabot ng (3)__ oras ang martsa ng mga tao papuntang sementeryo.
  • 641.
    18 9 10 11 WAKAS Tapos kana ba sa pagbuo ng usapan nina Rem at Jeni? Kung oo, ito rin ba ang mga sagot mo? 1. Noong 6. 22 Pebrero 1986 2. 1983 7. Pagkalipas 3. 11z 8. Sa wakas 4. Pagkaraan 9. Malacañang 5. hanggang sa 10. kauna-unahang Kumusta? Tama ba ang lahat ng sagot mo? Kung hindi, balikan mo ang mga teksto sa Linangin. Anong nangyari? Nagsimula ang pag-aalsa noong ika- _____ (6). Dumating ang maraming Pilipino, mahirap at mayaman. Sama-samang nanalangin at nagkapit-kamay para pigilan ang mga tangke. (7) ng 3 araw, dininig ng Diyos ang sama-samang panalangin ng mga nanay, tatay, lola at lolo natin. Bakit? (8) , bumaba rin sa sa pwesto si Marcos at tuluyan nanang umalis mula sa (9). Napatunayan ng mga Pilipinong hindi kailangang dumanak ang dugo para sa isang rebolusyon. Tunay ngang bayani ang bawat Pilipino. Nakakabilib! Kasi iyon ang (10) people power ng mga Pilipino. Ibig sabihin, makapangyarihan ang pagkakaisa ng bayan para magkaroon ng mapayapang paraan ng pagbabago.
  • 642.
    19 Lagumin Ang Pagbabalik-Tanaw sakasaysayan ng EDSA ay napakainam gawin para matuklasan kung nasaan nga ba ang iyong sarili, mga mahal sa buhay at kilalang mga personalidad nang maganap ang people power sa Pilipinas. Nagamit natin ang kwento ng EDSA para matamo ang mahahalagang kasanayan tulad ng pagsasalaysay. Tandaan mo Makatutulong sa iyong pagsasalaysay ang mga: 1. Pang-abay na pamanahon halimbawa: noon, kahapon, kanina, nakaraang taon 2. Pangatnig na panapos halimbawa: sa wakas, pagkatapos, sa bandang huli 3. Palatandaan ng mga aktwal/makatotohanang impormasyon mga numero : 11 oras, 100 militar, 25 Pebrero 1986 lugar/lokasyon : Edsa, Maynila, Malacañang kredibilidad : Corazon Aquino, Cardinal Sin Subukin Direksyon: Bumuo ng kwento tungkol sa naganap na pangyayari sa EDSA para sa iyong kapatid/ kaibigan. Magdrowing ng speech balloon sa sariling notbuk at doon mo isulat ang iyong kwento.
  • 643.
    20 Tapos na baang kwento mo tungkol sa EDSA noong 1986? Tingnan kung nagawa mo ang mga sumusunod: nakabuo ako ng mga pangungusap na nagpakilala ng paraan ng pagsasalaysay o pagkukwento nakabuo ako ng mga pangungusap na nagpakilala ng makatotohanang ideya nagamit ko ang mga salitang may higit sa isang kahulugan nagamit ko ang mga salitang nagwawakas ng ideya naisulat ko ng tamang pangalan at kaukulang impormasyon ng mga persona- lidad sa EDSA noong 1986 Kung oo, napakahusay mo! Saludo ako! Kung hindi, may pag-asa ka pang magsanay na bumuo ng kwento. Subukan mo ulit. Paunlarin Mayroon ka bang kwento tungkol sa pakikipaglaban ng mga Pilipino para matamo ang kalayaan? Isulat mo sa iyong notebook ang isa. Tiyaking nagsasalaysay ang iyong sulatin. Kung tapos ka na, ipakita mo sa iyong guro ang iyong ginawa. Sasabihin niya kung tama ang iyong pagkakasulat. Sub-Aralin 2: Pagpapahayag ng mga Opinyon/ Pananaw Ipagpatuloy mo ang pamamasyal sa mahabang lansangan ng EDSA. Narito ka ngayon sa pangalawang kalye. Sa lugar na ito ay parang kasama o kalahok ka dahil pakiramdam mo ay isa ka rin sa mga taong nasa lansangan na maraming nakikita o nararanasan. Tawagin mo ang kalyeng ito ng Lahok-Masid. Pagkatapos ng bahaging ito ng modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. nakapagpapahayag ng positiv na pananaw sa mga bagay-bagay 2. nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salita/ pangungusap na naglilipat ng isang ideya sa bagong ideya
  • 644.
    21 3. natutukoy atnakabubuo ng mga salita/ pangungusap na nagpapakilala ng opinyon lamang 4. nasasabi ang kahulugan ng mga idyom. Alamin Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Pansinin ang maraming Pilipino na lumahok sa EDSA DOS noong Enero 2001. Ang daming tao, halika tingnan mo. © Joei B. Alvarez. 2001. Larawang kasama ng arti kulo ni Alvarez sa ITCorkboard Newsletter. Pebrero 19. Tomo 2 Blg. 3. http://www.psi.dlsu.edu.ph/…VOL2/NO3/viewpoint.html Alam mo ba kung ano ang pager revolution? Ito ang bansag sa ikalawang pagkakataong nagkaisa ang mga Pilipino sa EDSA upang palitan ang masama o tiwaling pamahalaan. Naging mabilis ang pagdami ng tao dahil gumamit sila ng cellphone. Isa itong instrumento na naghahatid ng mensahe o pager sa paraang texting. Halika, ituloy natin ang pag-uusyoso. Linangin Pagmasdang mabuti ang mga Pilipino sa lansangan.
  • 645.
    22 Ipahayag ang iyongpositiv na pananaw sa mga bagay-bagay na nakita mo sa litrato habang hawak nila ang mga streamer at plakard. Anong magandang katangian ng mga Pilipino ang naobserbahan mo sa larawan 1, 2, at 3? Kunin ang iyong notbuk at magdrowing ng speech balloon. Isulat doon ang iyong sagot. Larawan 1 © Mandy Navasero. 1983. Larawang kuha sa lansangan ng Maynila. Disyembre23 at 30. EDSA: Mr. & Ms. Larawan 2: © Mandy Navasero.1983. Larawang kuha sa lansangan ng Maynila. Disyembre23 at 30. EDSA: Mr. & Ms. Larawan 3:
  • 646.
    23 © Phillip Bontuyan.1984. Larawang kuha sa lansangan ng San Pedro. Pebrero 10. EDSA: Mr. & Ms. Tapos ka na ba sa tatlong (3) larawan? Kung oo, basahin ang iyong isinulat sa speech balloon. Tingnan kung malapit ang iyong isinulat sa mga sumusunod: Larawan 1: Nakatutuwang pagmasdan na masigla ang mga kabataang Pilipino habang nasa demonstrasyon. Nagbibigay inspirasyon ang mensaheng nakasulat sa hawak nilang streamer tungkol sa pananampalataya at katarungan sa Pilipinas Larawan 2: Nakapagpapasaya ng kalooban na sabay-sabay kumakain ang lahat ng meriendang tinapay at tetra pack juice habang nagpapahinga sa gitna ng rali. Nagbibigay pag-asa sa musmos na pangarap ng mga bata ang men- saheng nakasulat sa hawak nilang plakards na palayain ang kani- kanilang tatay bilang mga bilanggong politikal. Larawan 3: Nakagagaan ng pakiramdam na matanaw ang abot-tengang ngiti ng mga Pilipino kahit pagod at pawisan sa gitna ng rali. Nakapagpapalakas ng loob na may kasamang kaibigan habang hawak ang plakard na tumutuligsa sa pinunong diktador. Revyuhin mo ang iyong mga isinulat. Nakapagpapahayag ka ba ng ilang pananaw tungkol sa mga bagay-bagay? Nagamit mo ba ang mga sumusunod na ekspresyon o kahawig nito sa pagpapahayag ng iyong positiv na pananaw sa mga bagay-bagay? Kung oo, napakainam! Pagkilala sa mga Modal - nakatutuwang pagmasdan - nagbibigay pag-asa - nagbibigay inspirasyon - nakagagaan ng pakiramdam - nakapagpapasaya ng kalooban - nakapagpapalakas ng loob
  • 647.
    24 Alam mo bana marami tayong salita na maaring gamitin para maghatid ng mensahe sa paraang maayos at malinaw? Oo, marami. Ilan sa mga ito ay ang modal. Nagagamit ang mga salitang ito sa paglilipat ng ideya sa bagong ideya. Katulad ng mga sumusunod: Subukan mong gamitin ang mga nabanggit na modal sa mga mensaheng nakasulat sa mga streamer at plakard na nakita mo sa mga litrato. Handa ka na? Isulat sa sariling notbuk ang iyong sagot. Tapos ka na? Kung oo, pansinin ang paglakas o paghina ng mensaheng nais iparating kapag ginamit ang iba’t ibang anyo ng modal: Streamer ng mga bata (nasa Larawan 1) Samahan Tungo sa Pananampalataya at Katarungan Ang Tao, Ang Bayan ay Dapat Manindigan Kung sang-ayon, ipalit sa may salungguhit: - dapat - maaring - ibig - pwedeng - nais Kung tutol: - ayaw - hindi dapat Plakard ng mga bata (nasa Larawan 2) Palayain ang Aking Tatay Kung sang-ayon, idagdag sa unahan: - dapat - maaring - ibig - pwedeng - nais Kung tutol: - ayaw - hindi dapat Plakard ng mga tinedyer (nasa larawan 3) - nais - dapat - ayaw - hindi - ibig - maari - pwede
  • 648.
    25 Ibagsak ang Diktador Kungsang-ayon, idagdag sa unahan: - dapat - maaring - ibig - pwedeng - nais Kung tutol: - ayaw - hindi dapat Sa nakasulat na mga mensahe sa streamer at plakard ay naililipat ng modal ang ideya sa paraang: Ang paggamit ng modal ay kailangang angkop sa sitwasyon ng pag-uusap. Isipin muna kung sino ang kaharap mo, ano ang pakay sa kanya, paano at saan kayo mag-uusap. Bago ka mamili kung anong paraan ng paghahatid ng mensahe ang nais mong gamitin: napakalakas, malakas, katamtaman. Bukod sa modal, mayroon pang ibang salita na makatutulong sa iyo upang higit na maging epektibo ang paghahatid ng mensahe lalo na kung ito ay may kinalaman sa pagpapahayag ng sarili mong opinyon. Maaring gamitin ang mga sumusunod na salita: napakalakas - dapat / hindi dapat malakas - nais, ibig / ayaw katamtaman - maari, pwede / hindi maari, hindi pwede Tatlong Pang-abay 1. Ang Panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon o pagkiling. halimbawa: - oo - tunay - opo - sadya - talaga 2. Ang Pananggi ay nagsasaad ng pagtutol o pangtanggi. halimbawa: - hindi - ayoko 3. Ang Pang-agam ay nagsasaad ng pag-aalinlangan o di-tiyak. halimbawa: - marahil - baka - tila
  • 649.
    26 Tingnan mo ulitang streamer at plakard. Sa aling mga nakasulat na mensahe sang-ayon ka, hindi ka sang-ayon o mayroon kang pag- aalinlangan? Ipahayag ang sariling opinyon. Isulat sa notbuk ang iyong sagot. Larawan 1 Larawan 2 Larawan 3
  • 650.
    27 Tapos ka na?Mayroon ka bang nais balikan at baguhin? Kung sakaling mayroon, gawin muna bago magpatuloy. Handa ka na? Tingnan kung nagamit mo ang mga sumusunod na salitang may salungguhit sa pagpapapahayag ng sariling opinyon: Larawan 1: Talagang dapat manindigan ang sambayanan para sa kawalan ng katarungan sa lipunan. Ang pananalangin at mapayapang rali ay sadyang kailangan para buhay at may kahulugan ang pananampalataya sa Diyos. Larawan 2: Opo, kailangang palayain na ang mga tatay ng bata dahil sa buong mundo ay mayroong ibinibigay na amnestiya para sa mga bilanggong politikal. Ibig sabihin, pinapatawad ng pa- mahalaan ang mga aktibista at rebelde sa ilalim ng isang ka- sunduang pangkapayapaan. Sa ganoon, muling mabuo ang mga pamilyang nagkahiwa-hiwalay. Larawan 3: Marahil mayroong mabigat na dahilan kung bakit nais palitan ng taong bayan ang pinuno ng pamahalaan subalit tila hindi makatwiran ang paggamit sa plakard ng salitang ibagsak sapagkat may dala itong mensaheng mayroong masasaktan sa paraang pisikal. Katulad halimbawa, ibagsak ang bomba! Kung nagamit mo ang mga salitang may salungguhit sa itaas, tama ka. Kung hindi, maari mong balikan ang listahan ng mga pang-abay sa p.24 at tingnan kung nagamit mo ang iba pang nasa listahan. Nagawa mo ba? Binabati kita! Kung hindi, kaunting tiyaga pa at makakaya mo rin. Katulad ngayon, subukan mong gamitin ang mga pang-abay sa pagpapahayag ng sariling opinyon sa mga sumusunod: “Bawat problema ay nasosolusyonan!” “Sa pagkakamali ay maraming matututuhan.” “Ang pagsisinungaling ay laging kasalanan.” Isulat ang sagot sa iyong notbuk. Tapos ka na? Nagamit mo ba ang mga pang-abay? Mabuti, binabati kita! Tunay na mahabang lansangan ang EDSA kaya naman maraming Pilipino ang nag-iwan ng yapak dito noong Pebrero 1986 at Enero 2001.
  • 651.
    28 Nais mo bangmag-iwan din ng bakas sa EDSA? Gawin ang bawat hakbang para makasama sa Alay-Lakad habang binabasa ang mga pahayag. Magsimula sa pinakababa. “Nagawa ko, Yipee!” Ang mga taong may kaya sa buhay ay lalong pagpapalain ng Maykapal kung marunong 5 dumamay at magmalasakit sa mahihirap Maraming Pilipino ang nagdidildil ng asin na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaang Arroyo. 4 Sa gitna ng kapangyarihan at kayamanan ni Erap ay wala siyang nagawa sa biro ng tadhana nang makasuhan siya sa bintang na korapsyon 3 at walang pahintulot na makapagpyansa. Suko hanggang langit ang naramdamang galit ng mga Pilipino kay Marcos kaya lumaganap noong dekada ’80 ang sigaw ng bayan… 2 “Tama na. Sobra na. Palitan na!” Dahil sa paninindigan ni Ninoy Aquino ay hindi siya natalian sa ilong ng dating 1 pangulong Ferdinand Marcos. Natandaan mo ba ang mga salitang bold ang pagkasulat? Ito ang mga halimbawa ng idyom:
  • 652.
    29 natalian sa ilong sukohanggang langit biro ng tadhana nagdidildil ng asin may kaya sa buhay Ano ang idyoma? Narito ang kahulugan ng limang idyoma na nasalubong mo sa Alay-Lakad : may tali sa ilong - nasa ilalim ng kapangyarihan, kontrolado suko hanggang langit - matindi, sobra, sukdulan, labis biro ng tadhana - pagsubok ng Diyos, matinding problema nagdidildil ng asin - naghihirap, naghihikahos, nagigipit sa buhay may kaya sa buhay - mayaman, mariwasa, maginhawa sa buhay Dagdagan pa natin ng sampung idyoma: itaga sa bato - isaisip/ tandaan habambuhay makunat - mahirap hingan, kuripot panakip-butas - pamalit, pansalo sa nabakanteng kalalagyan may krus sa dibdib - mapagpatawad, mapagpaumanhin pabalat-bunga - kunwari lamang, hindi totoo, balatkayo maagaw ang korona - makuha ang karangalan sa dating kampeon nahuli sa sariling bibig - nasabi ng sariling bibig ang katotohanan patabaing baboy - ayaw magtrabaho, tamad wala sa kalingkingan - malayung-malayo sa pinagpaparisan hipong tulog - umaasa lamang sa kapalaran Ngayong alam mo na ang ilang halimbawa ng idyom ay subukan natin kung nauunawaan mo ang kahulugan ng mga ito. Kumpletohin ang iniisip ni Deloy. Pumili sa ibaba ng tamang Idyoma para sa patlang. Isulat sa notbuk ang iyong sagot. Ang IDYOMA ay mga pahayag na taglay ang natatanging kahulugan na naiiba sa pariralang pinag-uusapan at hindi pagsasama- sama ng kahulugan ng mga salitang bumubuo sa mga ito. Kahit na ______________(1) ang kahirapan ng isang tao ay mahalaga na mayroon pa rin siyang prinsipyo sa buhay at hindi maaring (2) ng sinuman, kahit na ang mga (3). Dahil mayroong dignidad sa gitna ng (4) kung patuloy na nagsisikap at nagtityaga. Sa kabila ng pagharap sa (5) ay patuloy na umasa at magtiwala para sa magandang bukas.
  • 653.
    30 Napili mo baang mga sumusunod na idyoma? talian sa ilong biro ng tadhana pagdidildil ng asin suko hanggang langit may kaya sa buhay Tama ka! Gamitin Masaya ka ba sa natutunan mo sa nakaraang mga gawain? Mabuti kung ganoon. Tingnan natin kung paano mo gagamitin ang mga salitang makatutulong sa pagpapahayag ng positiv na pananaw, paglilipat ng isang ideya sa bagong ideya (modal) at paglalahad ng opinyon. Gawain 1: Pagmasdang mabuti ang litrato. Kung handa ka na, ilahad ang personal na obserbasyon at sariling opinyon tungkol dito. Isulat sa notbuk ang iyong sagot.
  • 654.
    31 © http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Noel's%20Images/edsa1.jpg Tapos kana? Nagamit mo ba ang karamihan sa mga sumusunod na salita? Kung oo, binabati kita! Lagumin Lagumin natin ang ating natutuhan sa sub-aralin ito; Tandaan mo Makatutulong sa paglalahad mo ng paninindigan ang: 1. Mga salitang nagpapahayag ng positiv na pananaw halimbawa: nakabubuti, nagbibigay pag-asa, nakatutulong 2. Mga Modal halimbawa: dapat, nais, gusto, maari,pwede, ayaw, hindi 3. Mga Pang-abay Panang-ayon : oo., opo, tunay, sadya, talaga Pananggi : hindi, ayoko Pang-agam : marahil, tila, baka - nakatutuwang pagmasdan - nagbibigay inspirasyon - nakapagpapasaya ng kalooban - nagbibigay pag-asa - nakagagaan ng pakiramdam - nakapagpapalakas ng loob - nais - ayaw - ibig - dapat - hindi - maari - pwede - oo - opo - tunay - sadya - talaga - hindi - ayoko - marahil - baka - tila
  • 655.
    32 Subukin Direksyon: Basahin atunawaing mabuti ang nilalaman ng teksto. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kasunod: EDSA DOS ni: Alona Jumaquio-Ardales Halos 15 taon ang pagitan ng EDSA DOS noong Enero 2001 sa people power ng EDSA noong Pebrero 1986. Muling nagtagpo sa Epifanio de los Santos Aveñue o EDSA ang mga Pilipino. Para sa maraming may cellphone, tinawag na pager revolution ( for good reason) ang EDSA DOS dahil sa mabilis na pagkalat ng humigit kumulang na 10 milyong text messages kaya ang resulta ay nagrali ang halos isang milyong Pilipino sa EDSA Shrine upang isigaw ang “ERAP RESIGN!” Dahil sama-samang kumilos ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan, gayundin ang mga propesyunal, doktor, kaguruan, abogado, ngunit, tila hindi kasama ang mga pinakapobreng Pilipino na naniniwala pa rin sa 63-taong si Joseph Estrada, ay naluklok sa pagkapangulo ang 53-taong si Gloria Macapagal-Arroyo na dating bise-presidente ng bansa. Bunga ito ng deklarasyon ng korte suprema, sa pangunguna ng Kataas-taasang Hukom Hilario Davide, na sundin ang pasya ng taong bayan na magbitiw si Joseph “ERAP”Estrada at idineklara ng korte na bakante ang posisyon ng presidente kaya legal itong napunta sa pangalawang pangulo. Marahil suko hanggang langit ang pagkamuhi ni Gloria sa korapsyon at tiwaling administrasyon ni Erap kaya naman nangako siya sa kanyang panunumpa bilang bagong presidente, “we must change the character of our politics to create true reforms and restore moral standards (dapat nating baguhin ang uri ng politika upang magkaroon ng pagbabago sa gobyerno at maibalik ang mataas na antas ng moralidad). Sa gitna nito, nanatiling tahimik si Erap at hindi siya nagbigay ng anumang personal na pahayag sa publiko. Subalit pagkalipas ng 3 buwan, Mayo 2001, nagkaroon ng marahas na rali tulad ng pambabato sa tao at gusali, paninira ng sasakyan ng media, pagibitiw ng masasamang salita, labis na pagdumi sa EDSA Shrine at iba pa. Nagpakilala ang grupong ito bilang mga
  • 656.
    33 tagasuporta ni Erapat sa kanilang palagay ay sila ang tunay na masang Pilipino at iyon ang EDSA 3. Bibliografi: http://www.time.com/time/asia/magazine/2001/0129/cover1.html Pagkatapos mong basahin ang teksto tungkol sa EDSA DOS, sang-ayon ka ba na tawagin itong pager revolution? Bakit? Totoo kaya na hindi lumahok ang mga pinakapobreng Pilipino sa EDSA DOS? Tunay kaya ang pagkamuhi si Gloria Arroyo sa korapsyon ni Erap Estrada? Sadya bang nagkaroon ng EDSA 3? Bumuo ng sariling paninindigan. Isulat sa notbuk ang iyong sagot. Kumusta, tapos ka nang magsulat? Mayroon ka pa bang nais balikan at idagdag? Gawin muna bago magpatuloy. Kung handa ka na, tingnan kung nagawa mo ang mga sumusunod: Nakapagpahayag ako ng positiv na pananaw sa mga bagay-bagay. Nagamit ko nang wasto ang mga modal o salitang naglilipat ng isang ideya sa bagong ideya. Nakabuo ako ng mga pangungusap na nagpapakilala ng opinyon. Nagamit ko ang mga idyom sa pangungusap. Kung oo, napakahusay mo! Saludo ako! Kung hindi, may pagkakataon ka pang magsanay para maging malinaw ang iyong paninindigan. Subukan mo ulit. Paunlarin
  • 657.
    34 Ang pagbabahagi ngsariling opinyon ay mahalaga. Ganoon din naman ang pakikinig sa opinyon ng iba. Sikaping makahanap ng pagkakataon na maari mong marinig ang boses ng iyong kaibigan, kapamilya, kababaryo/kabarangay o kababayan. Mula sa kanila ay mapakikinggan mo ang boses ng masa tungkol sa kahit anong paksa o usapan, personal man o panlipunan. Maaari mo itong makuha mula sa mga sumusunod na sitwasyon: • Panonood ng telebisyon • Pakikinig ng radyo • Pagbabasa ng dyaryo • Pakikinig sa diskusyon Kopyahin sa notbuk ang listahan. Lagyan ng tsek ang nakuha mong impormasyon habang o pagkatapos makinig. “BOSES NG MASA” Lagyan ng √ ang nakuhang impormasyon. A. PAKSA NG USAPAN __ tungkol sa isang tao/pamilya __ tungkol sa isang grupo/pamayanan __ tungkol sa buong Pilipinas B. PARAAN NG PAGBABAHAGI NG OPINYON __ taglay ang positiv na pananaw (mabuti, magalang) __ di taglay ang positiv na pananaw (galit, nagmumura) __ gumamit ng napakalakas na modal (dapat/ di dapat) __ gumamit ng malakas na modal (nais, ibig/ayaw) __ gumamit ng katamtamang modal (maari, pwede/di maari) __ gumamit ng pang-abay na panang-ayon (opo, oo, tunay, sadya,talaga) __ gumamit ng pang-abay na pananggi (hindi, ayoko) __ gumamit ng pang-abay na pang-agam (marahil, baka, tila)
  • 658.
    35 Makinig nang husto.Pagbutihin! Sub-Aralin 3 Pagbibigay-Puna/ Reaksyon sa Mga Ideya Layunin: Napakaganda ng interes at tiyaga na ipinakita mo sa nakaraang mga gawain. Kaya tuwang- tuwa ako at narito ka na sa huling bahagi ng modyul. Tawagin mo ang bahaging ito na Sulyap-Bukas sapagkat nakatingin o nakatanaw sa kinabukasan ang mga gawaing nakapaloob dito. Matutuklasan mo rito na kahit bata ay mayroong mahalagang kontribusyon para sa bansa. Isipin mong mabuti na mayroon kang munting kapangyarihan para baguhin ang Pilipinas tungo sa mapayapa at masayang buhay. Kaya pagkatapos ng bahaging ito ng modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. naiuugnay ang paksa/ kaisipang nakalahad sa teksto sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan 2. nabibigyang-puna ang mga ideya/ kaisipang nakapaloob sa teksto 3. naipapahayag ang mga panukala o proposisyon 4. nabibigyang-reaksyon ang mga panukala o proposisyon Alamin Isipin mo na may hawak kang ulap ngayon at espesyal ang pagkakataong ito para bumuo ng pangarap. Kung ikaw ang magpapasya, ano ang tatlong pangarap na gusto mo para sa mga batang Pilipino? Bumuo ng Ulap ng Pangarap. Isulat sa notbuk ang iyong sagot.
  • 659.
    36 Kung tapos kana, basahin nang tahimik ang isinulat sa notbuk. Anong pakiramdam mo pagkatapos basahin ang nabuo mong pangarap? masaya magaan inspirado puno ng pag-asa Mabuti kung naramdaman mo alinman sa mga ito sapagkat positibong enerhiya ang ibinigay sa iyo ng emosyong naranasan mo. Mahalaga na mayroong pangarap ang isang batang katulad mo di ba? Tungkol saan ang pangarap mo? Narito ang pangarap ng ilang taong tulad mo. Kahawig nito ang isinulat mo? May kasama kang nangangarap! Sana lahat ng batang Pilipino ay may disenteng tirahan, hindi nagugutom, ginagamot kapag may sakit at may oras para maglaro. Sana lahat ng batang Pilipino ay nakapag-aaral nang maayos, ligtas at at payapang nabubuhay sa kanyang tahanan at pamayanan. Sana lahat ng batang Pilipino ay iginagalang, tinatanong at pinapakinggan sa loob ng bahay gayundin sa telebisyon, radyo, dyaryo at paaralan.
  • 660.
    37 Linangin Isa sa mgaekspresyon ng pangarap ay makikita sa paglikha ng kanta. Mahalaga ang ritmo at mensahe ng awit sa buhay ng tao dahil pinagagaan nito ang pakiramdam ng indibidwal sa panahong tila sinusubukan ng Diyos ang kakayahang magtiwala at umasa sa kanyang biyaya. Kaya naman naging bahagi ang awit sa kasaysayan ng EDSA dahil nagbigay ito ng inspirasyon sa maraming Pilipino upang lagpasan ang krisis sa bansa noong panahong iyon. Narito ang lyrics ng awit, basahin: “MAGKAISA” Mga Komposer: Tito Sotto, Homer Flores, E. del Peña Umawit: Virna Lisa Noon, ganap ang hirap sa mundo unawa ang kailangan ng tao ang pagmamahal sa kapwa ilaan Isa lang ang ugat na ating pinagmulan tayong lahat ay magkakalahi sa unos at agos ay huwag padadala KORO 1 Panahon na ng pagkakaisa kahit ito ay hirap at dusa KORO 2 Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw) at magsama (bagong umaga't bagong araw) kapit-kamay (sa atin s'ya'y nagmamahal) sa bagong pag-asa ngayon, may pag-asang natatanaw may bagong araw, bagong umaga pagmamahal ng Diyos isipin mo tuwina [Ulitin KORO 1 & 2] KORO 3 (Magkaisa) May pag-asa kang matatanaw (at magsama) bagong umaga't bagong araw (kapit-kamay) sa atin s'ya'y nagmamahal (sa bagong pag-asa) KORO 4 Panahon na (may pag-asa kang matatanaw) ng pagkakaisa (may bagong araw, bagong umaga) kahit ito (pagmamahal ng Diyos isipin mo tuwina) ay hirap at dusa KODA Magkaisa at magsama kapit-kamay sa bagong pag-asa Magkaisa
  • 661.
    38 Madalas kantahin ang“Magkaisa” noong nagkaroon ng people power sa EDSA. Napapanahon pa rin ang mensahe ng awiting ito para sa Pilipinas. Kaya sa ikalawaang pagkakataon, basahin ulit ang lyrics at kung mayroong cassette tape o compact disc, pakinggan. Tapos mo na bang basahin o pakinggan ang kanta? Ano ang pinakamahalagang mensahe ng awit para sa mga Pilipino? Pagkakaisa, di ba? Paano maipakikita ng mga Pilipino ang pagkakaisa ayon sa awit? Unawain at mahalin ang kapwa, tama. Isa pa? Magkapit-kamay sa hirap at dusa, di ba? Bakit mahalagang magkaisa ang mga Pilipino batay sa lyrics? Ganito ba ang sagot mo? Iisa lang ang Diyos na pinagmulan ng ating lahi Nagbibigay ito ng bagong pag-asa Kung oo, tama ka, nakuha mo ang eksaktong sagot. Isinasabuhay pa ba ng maraming Pilipino ang mensahe ng awit tungkol sa : pag-unawa at pagmamahal sa kapwa? Sa aking palagay… Tungkol naman sa pagkakapit-kamay sa gitna ng hirap at dusa? Batay sa… May pananalig pa rin ba sa Diyos ang mga Pilipino? Siyempre mayroon. Sa tingin ko… Sa aking palagay ay mayroon pa ring mga Pilipino na umuunawa’t nagmamahal sa kapwa dahil may mga programa sa telebisyon na nagsasagawa nito katulad ng “Kapwa ko, Mahal ko.” Batay sa aking pagmamasid, tila hindi isinasabuhay ang pagkakapit-kamay o pagtutulungan sa gitna ng hirap at dusa mangyari marami pa ring Pilipino ang walang makain at matirahan sa kasalukuyan, halimbawa, ang mga pamilyang natutulog sa kariton o sa gilid ng kalye. Sa tingin ko, matibay pa rin ang pananampalataya at pag-asa sa buhay ng mga Pilipino sapagkat lagi pa ring nakangiti ang nakararami sa kabila ng mga pagsubok sa buhay katulad ng mga batang lansangan.
  • 662.
    39 Balikan mo angilang pangungusap sa usapan natin. Ano ang mga salita at parirala ang nakasulat nang pahilig? Narito ang listahan. Mayroon ka bang napansin sa pwesto ng mga salitang ito? Ang mga pariralang nasa kolum A ay matatagpuan sa pinakaunahan ng talata at ginamit bilang pananda para ipakilala ang paksa/kaisipang iuugnay sa kasalukuyang panahon. Samantalang ang mga salitang nasa kolum B ay matatagpuan sa gitnang talata at ginamit bilang pananda para ilahad ang katwiran o dahilan ng pagkakaugnay o di- pagkakaugnay ng paksa/kaisipan sa kasalukuyang panahon. Panghuli, ang mga salitang nasa kolum C ay matatagpuan sa dulong bahagi ng talata at ginamit bilang pananda para ibigay ang halimbawa o sitwasyong magpapatunay na may tiyak na kaugnayan ang ideya/kaisipan sa kasalukuyang panahon. Mabuti kung napansin mo nang husto kung saan nakapwesto at ano ang gamit ng mga salita at pariralang ito. Magagamit mo ang mga salita/pariralang ito upang maiugnay ang paksa/kaisipan ng binabasang teksto sa kasalukuyang panahon. A B C Sa aking palagay……………………… dahil………………… katulad Batay sa aking pagmamasid………… mangyari…………… halimbawa Sa tingin ko…………………………… sapagkat …………… katulad A Sa aking palagay……………… Batay sa aking pagmamasid….. Sa tingin ko………………….... B ….……….dahil…….…..….. ………….mangyari……..….. ……….….sapagkat…………. C ……………….katulad….….. ……………….halimbawa…..
  • 663.
    40 Makatutulong kung isusulatmo sa iyong notbuk ang mga salitang ito. Kopyahin mo sa listahan. Isa pa na maaring gawin sa teksto ay pagbibigay ng puna bukod pa sa pag-uugnay ng paksa/ kaisipan sa kasalukuyang panahon. Alam mo bang mapabibilis ang pagkilatis sa babasahing teksto kung alam mo ang mga salitang makatutulong para ilahad nang maayos ang iyong puna? Ginagamit ang mga sumusunod na salita bilang panimula para ipakilala ang pag- bibigay ng puna tungkol sa: Balikan ang lyrics ng “Magkaisa” at bigyan ng puna ang nilalalaman at paraan ng pagkalahad ng mensahe nito. Hindi kasama ang ritmo ng musika kung sakaling ang oportunidad mo ay pagbabasa at hindi pakikinig ng awit. Isulat sa notbuk ang iyong sagot. Nagamit mo ba ang mga salitang nagpapakilala ng puna sa teksto (lyrics)? NILALAMAN (paksa/mensahe ng teksto) positibo: - maganda - mainam - mabuti - napapanahon - akmang-akma - bagay na bagay - makahulugan - angkop na angkop negatibo: - hindi maganda - hindi mabuti PARAAN (paggamit ng wika at paghahanay ng mga ideya) positibo: - maayos - malinaw - organisado - maingat negatibo: - magulo - malabo - di maingat - nakalilito Napapanahon ang paksa ng awiting “Magkaisa” para sa mga Pilipino dahil nasa krisis ang bansa. Mainam ito dahil nakapagbibigay-inspirasyon o bagong pag-asa sa tao. Sadyang mabuti ang mensaheng ito para sa buong bayan.
  • 664.
    41 Mabuti kung ganoon. Magpatuloysa paggamit ng mga salitang nabanggit upang higit na maging malinaw ang pagbibigay ng puna sa mga babasahing texto. Ang pagbibigay ng puna ay maaring positibo o negatibo. Kung ito ay positibo, magandang paalala para panatilihin ang taglay na katangian at ideya. Kung sakaling negatibo, mainam na pagkakataon ito para magsikap, matuto at mapaunlad ang sarili at sitwasyon. Sa maraming pagkakataon, itinuturing na responsable at tapat ang pagbibigay ng puna kung ang kasunod nito ay paglalahad ng panukala o proposisyon upang higit na mapabuti ang isang tao, bagay o sitwasyon. Dahil sa proposisyon nagiging malawak ang pananaw ng tao sa paglutas ng iba’t ibang suliranin. Sa pagkakataong ito, hahamunin kitang mag-isip ng panukala o proposisyon para bigyang- buhay ang diwa ng pagkakaisa sa ating bansa. Balikan ang personal mong karanasan o obserbasyon tungkol sa mga pangyayari sa Pilipinas. Mag-isip ng tiyak na proposisyon/ panukala sa mga sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong notbuk. ✍ Pananatiling buo ng pamilyang Pilipino __________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ✍ Pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao __________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ✍ Pagkakaisa ng mahirap at mayamang Pilipino ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ Maingat sa pagpili ng mga termino dahil inisip ang payak, maikli at makahulugang salita katulad ng unos, agos, ugat at unawa. Malinaw na nakapagpahayag ng ideya sa paraang simple at paulit-ulit na pagbanggit ng mga importanteng salita.
  • 665.
    42 Tapos ka na?Mayroon ka bang nakalimutan? Idagdag muna bago magpatuloy. Nakabuo ka na ba ng panukala? Nagamit mo rin ba ang mga salitang matatagpuan sa unang bahagi ng mga proposisyong katulad nito? ✍ Pananatiling buo ng Pamilyang Pilipino o Maglaan ng isang araw na sama-samang mananalangin ang buong pamilya. o Magsagawa sa paaralan ng programang lalahukan ng mga mag-aaral at kapamilya. o Magpatupad ng batas na nagbibigay proteksyon sa sakramento ng kasal ng mga Pilipino. ✍ Pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao o Magsagawa ng tigil-putukan o ceasefire sa mga lugar na maraming sibilyan, lalo mga bata. o Magplano ng tunay at tapat na diyalogo para pag-usapan ang problema sa halip na magbarilan. o Magbalangkas ang kongreso at senado ng mga batas na direktang pakikinabangan ng mga ordinaryong tao sa Mindanao. ✍ Pagkakaisa ng mahirap at mayamang Pilipino o Magkaroon ng mga patalastas sa telebisyon, radyo, cellphone, sinehan, internet dyaryo, at iba pa, na may mensaheng makatao o para sa kapwa. o Magplano ang pamahalaan ng mga gawain at programang lalahukan ng mayaman at mahirap. o Magtaguyod ang iba’t ibang simbahan ng kapatirang bahaginan ng biyaya sa lupa. Malapit ba sa mga ito ang iyong sagot? Kung oo, mahusay kang maglahad ng panukala. Binabati kita! Malaking tulong sa bisa at linaw ng pagpapahayag ng proposisyon ang paggamit ng mga sumusunod na salita bilang panimula sa bawat panukala: -maglaan -magtaguyod -magplano -magpatupad -magkaroon -magsagawa -magbalangkas
  • 666.
    43 Higit na mabutiang natatamong desisyon tungkol sa mga nakahaing panukala para sa isang suliranin kung ito ay napag-usapan at nakatanggap ng maraming reaksyon mula sa iba’t ibang panig. Ang pagbibigay ng reaksyon ay hindi para tumuligsa kundi upang maglahad ng obhetibong pananaw tungkol sa isang bagay na ang pakay o sadya ay tumulong na mapabuti ang tao, bagay at sitwasyon. Makatutulong sa pagbibigay ng reaksyon tungkol sa proposisyon ang paggamit ng magalang na mga ekspresyon bilang panimula: Subukang kilatisin ang mga sumusunod na reaksyon tungkol sa proposisyong may kinalaman sa pagkakaisa ng mga pamilya, Kristyano, Muslim, militar, rebelde, mahirap at mayaman sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang mabuting reaksyon? Kopyahin sa notbuk ang sagot. Naku! Napakahirap naman ng naisip mo na magplano ang pamahalaan ng gawain at programg lalahukan ng mga mayaman at mahirap dahil abalang-abala ngayon ang gobyerno sa ibang mas mahalagang bagay. May katuwiran ka ngunit maraming pamilyang Pilipino ngayon ay abalang-abala sa pagtatrabaho para matugunan ang kanilang pangaraw-araw na pangangailangan. Mawalang galang na, hindi kaya delikado kung may tigil-putukan kasi magka- karoon ng pagkakataon na samantalahin ito ng masasamang loob katulad ng mga kidnaper. Suntok sa buwan (imposible) ang ideya mo! Hindi papayag ang simbahan na ma- kialam sa biyaya sa lupa dahil ang tuon ng kanilang institusyon ay biyaya sa langit katulad ng yamang ispritwalidad. Paumanhin subalit hindi ako sang-ayon na magbalangkas ang senado at kongreso ng direktang tulong sa Mindanao dahil hindi pa handa ang mga tao roon. Ito ba ang mga kinopya mo sa notbuk? May katuwiran ka ngunit maraming pamilyang Pilipino ngayon ay abalang-abala sa pagtatrabaho para matugunan ang kanilang pangaraw-araw na pangangailangan. Mawalang galang na…… May katuwiran ka ngunit…… Mainam kung marinig mo rin ang…… Paumanhin subalit hindi ako sang-ayon……
  • 667.
    44 Mawalang galang na,hindi kaya delikado kung may tigil-putukan kasi magka- karoon ng pagkakataon na samantalahin ito ng masasamang loob katulad ng mga kidnaper. Paumanhin subalit hindi ako sang-ayon na magbalangkas ang senado at kongreso ng direktang tulong sa Mindanao dahil hindi pa handa ang mga tao roon. Tama ka! Gamitin Natatandaan mo ba ang mga salitang makatutulong sa iyo para mag-ugnay ng texto sa kasalukuyang panahon? Magbigay ng puna? Maglahad ng proposisyon at magpahayag ng reaksyon tungkol dito? Kung nakalimutan, balikan at basahin ulit ang mahahalagang impormasyon sa p.39, 41 at 42. Kung handa na, maari nang magpatuloy. Tulungan mo si Islaw Batingaw na mabuo ang kanyang pahayag bilang batang Pilipinong may sariling karanasan, pananaw, panukala at reaksyon tungkol sa Pilipinas. Isulat sa notbuk ang tamang salita. Napili mo ba ang mga sumusunod na salita: (1) sapagkat/ dahil; (2) akma/angkop/napapanahon; (3) magtaguyod/magsagawa; (4) maglaan/ magkaroon; (5) paumanhin subalit hindi ako sang-ayon Kung oo, tama ka! Lagumin Tandaan mo Makatutulong sa pagpapahayag mo ng pangarap ang : Ang pakikipagkapwa sa Pilipinas ay mananatiling buhay (1) buo pa rin ang pananampalataya at pag-asa ng maraming Pilipino (2) sa kalagayan ng bansa ngayon na muling sariwain at palaganapin ang mensahe ng awiting “Magkaisa.” (3) ang gobyerno ng mga programang mabuti para sa lahat ng mamamayan, lalo na sa mga bata. (4) ng sapat na pondo para sa mga ordinaryong tao, unahin ang edukasyon at serbisyo publiko. (5) sa tiwaling pamahalaan dahil marami kaming batang gutom, maysakit at mangmang. Kaya nawa, pakinggan ang aking hiling, kupkupin kami at pag-aralin.
  • 668.
    45 1. Mga salitangpananda sa pag-uugnay ng texto sa kasalukuyan Sa aking palagay…… dahil…… katulad Sa tingin ko…… sapagkat …… halimbawa 2.. Mga salitang pantulong sa pagbibigay-puna mabuti, maganda, napapanahon, hindi maganda (sa halip na ‘pangit’), hindi mabuti (sa halip na ‘masama’), malinaw, maayos, maingat 3. Mga salitang nagpapakilala ng proposisyon maglaan, magplano, magkaroon, magsagawa, magtaguyod, magpatupad, magbalangkas, magbigay 4. Mga magalang na ekpresyon ng reaksyon mawalang galang na pero…, may katuwiran ka ngunit…, mainam kung marinig mo rin ang…, paumanhin subalit hindi ako sang-ayon… Subukin Direksyon: Subukang manahimik at mag-isip sa loob ng 5-10 minuto. Kung handa ka na, bumuo ng sariling KREDO bilang gabay patungo sa pangarap mong Pilipinas. Isulat sa notbuk. “Aking KREDO” Ako ay naniniwala na ang bawat Pilipino ay _______________________________ _________________________________________________________________________. Lubos kong kinikilala ang kanyang ______________________________________ _________________________________________________________________________ Ako ay naniniwala na ang bawat tao ay may ugnayan sa kanyang kapwa. Dahil dito siya ay ___________________________________________________________________ _________________________________________________________________________. Bahagi ang bawat isa ng lipunang Pilipino kaya___________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ Kinikilala ko ang ugnayan ng tao sa kalikasan kaya mahalaga na ang bawat Pilipino ay_______________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ May ugnayan tayo sa Poong Maykapal kaya _______________________________ _________________________________________________________________________ Bunga ng lahat ng ito, nakikita ko at kinikilala na ang bawat kabataan ay may res- ponsabilidad sa ____________________________________________________________
  • 669.
    46 _________________________________________________________________________ Tapos ka naba sa sariling kredo? Kung oo, basahin nang tahimik ang buong teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod. Isulat sa notbuk ang sagot. 1. Sa paanong paraan mo masasabing nakaimpluwensya ang Kredo sa ibang tao? 2. Ano ang maaring epekto/dulot ng Kredo sa mga batang tulad mo? 3. Ilang proposisyon ang binanggit ng Kredo? Ano ang masasabi mo tungkol dito? Nasagutan mo na ba ang lahat ng tanong? Mayroon ka pa bang nais balikan at idagdag? Gawin muna bago magpatuloy. Handa ka na? Tingnan kung nagawa mo ang mga sumusunod: Naiuugnay ang ideya/kaisipan ng texto sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan. Nakapagbigay-puna sa mga ideya/ kaisipang nakapaloob sa texto Nakapagpahayag ng mga panukala o proposisyon. Nakapagbigay-reaksyon sa mga panukala o proposisyon. Kung oo, napakahusay mo! Saludo ako! Paunlarin Kung may oportunidad, panoorin ang premyadong pelikulang “Munting Tinig” ni Gil M. Portes sa pangunguna ni Alessandra de Rossi. Tukuyin kung ano ang pangarap ni Melinda at ng mga bata sa pelikula. Iugnay ito sa kasalukuyang panahon at bigyan ng puna. Kung sakaling hindi makapanood, mayroong ibang plano/ alternatibo. Makipag-usap sa pinakamalapit mong kaibigan o kamag-anak. Alamin ang kanyang mga pangarap sa buhay at pagkatapos ay subukan mong magbigay ng puna at reaksyon sa paraang mabuti at magalang. Gaano ka na kahusay? Malapit ka na sa finish line.
  • 670.
    47 Subukan natin kunggaano na kalawak ang natutunan mo. Direksyon: Piliin ang angkop na salita/parirala na nasa palad at isulat sa patlang upang mabuo ang kwento ni Jigs. Kasi sapagkat tila pagkaraan panahong Sa wakas noong nang dahil sa hanggang sa Direksyon: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng texto at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sagutnang papel ang mga sagot. Nakatutuwa para akong naglakad sa EDSA ___________ nagkaroon ng people power at pager revolution. Alam mo ba, naulit ang people power sa EDSA DOS ____________ ng halos 15 taon? Nagkaisa ang mga Pilipino _____________ pagkamatay ni Ninoy Aquino, ang matapang na lider ng oposisyon. Marami at sunud-sunod na demonstrasyon ang nangyari sa mga lansangan _____________ dumating ang sandali na ________ nakonsensya na sina Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos ________ tumiwalag sila sa administrasyon ng diktador na si Marcos _______ Pebrero 22,1986. Grabe,nakakabilib! _________walang dumanak na dugo sa lansangan ng EDSA kahit nagpadala ng _____________ iyon si Marcos ng mga tangke sa labas ng Kampo Krame. Ang sarap alalahanin na ang lahat ng mga Pilipino, mahirap at mayaman, ay sama-samang nanalangin at nagbantay sa loob ng 3 araw. ___________, dumating ang hinihintay ng taong bayan, bumaba rin sa pwesto si Marcos bandang alas 9:00 ng gabi. Nagsaya ang buong bansa!
  • 671.
    48 Talumpati ni PGMAbilang Ika-14 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas EDSA Shrine, Ortigas Aveñue, Enero 20, 2001 Textong hango mula sa orihinal at isinalin sa Filipino ni: Alona Jumaquio-Ardales Mga kapatid ko dito sa EDSA at sa buong Pilipinas, buong pagpakumbaba kong tinatanggap ang pribilehiyo at responsabilidad na gumanap bilang bagong presidente ng Republika ng Pilipinas. Natitiyak kong babalikan ng mga Pilipinong hindi pa ipinapanganak ngayon ang naganap dito sa EDSA 2001 na may pagmamalaki sa ating lahi. Katulad din ng buong paghanga nating paglingon sa pangyayari sa Mactan, Katipunan at iba pang himagsikan, sa Bataan at Corregidor, at sa EDSA noong 1986. Ngunit saan nga ba tayo pupunta mula rito? Unang nagbigay ng sagot ay si Jose Rizal, pinayuhan niya ang mga Pilipinong mamuhay at tumupad sa pangakong uunahin ang kapakanan ng bansa bago ang sarili. Muli kong ihahayag ang aking paniniwala na ang ating pamahalaan ay dapat na: 1. Malakas ang loob na harapin at labanan ang kahirapan. 2. Mapabuti ang moralidad ng gobyerno bilang matibay na pundasyon ng pamamahala. Mabago ang uri ng politika, hindi na personalidad ang titingnan kundi mga programa 3. at proseso ng diyalogo para sa tao upang makapagsulong ng tunay na reporma. 4. Magpakita ng magandang halimbawa ang pinuno sa pamamagitan ng masigasig na pagtatrabaho at hindi napapako sa salita, mamuhay ng disente’t may dignidad Hinihiling ko ang inyong suporta at panalangin. Sama-sama tayong maghilom ng sugat at magbagong-buhay tungo sa pagkakaisa. Maraming salamat, pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal. http://www.opnet.ops.gov.ph/speech-2001jan20.htm Tanong:
  • 672.
    49 1. Bakit nagbigayng talumpati si PGMA o Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo? 2. Sang-ayon ka ba sa mga paniniwala ni PGMA? Bakit? 3. Sa palagay mo ba, napagbigyan ng mga Pilipino ang kahilingan ni PGMA? Patunayan. A. Basahin at unawain nang mabuti ang hinihingi sa bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa notbuk. 1. Itinuring siyang diktador ng bayan noong dekada ’70 at ‘80. A. B. C. 2. Ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng people power noong 1986. A. B. C. 3. Ang makapangyarihang boses ng simbahang Katoliko na nanawagan sa mga Pilipino na pumunta sa lansangan ng EDSA noong 1986 para suportahan sina Enrile, Ramos at iba pang militar. A. B. C. 4. Ang ika-12 pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng termino ni Aquino. A. B. C. 5. Ang umupong pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng EDSA DOS noong Enero 2001. A. B. C.
  • 673.
    50 6. Hinirang siyanghepe ng seguridad ng Ministro ng Depensa ng Pilipinas noong 1986. A. Fabian Ver B. Gregorio Honasan C. Juan Ponce Enrile 7. Sinuportahan niya ang pasya ang Ministro ng Depensa na tumiwalag sa administrasyon ni Marcos noong 1986. A. Fidel Ramos B. Gregorio Honasan C. Juan Ponce Enrile 8. Bilang Ministro ng Depensa ay nagpasya siyang pakinggan ang sigaw ng bayan kaya nanguna siya sa pagtiwalag sa diktadurya ni Marcos noong 1986. A. Fidel Ramos B. Jaime Cardinal Sin C. Juan Ponce Enrile 9. Ang lumaban kay Marcos sa eleksyon bunsod ng hangaring ibalik ang demokrasya sa Pilipinas noong 1980’s. A. Imelda Marcos B. Corazon Aquino C. Gloria Macapagal-Arroyo 10. Ang dating Pangulo ng Pilipinas na nais pagbitiwin ng taong bayan noong EDSA DOS. A. Joseph Estrada B. Ferdinand Marcos C. Gloria Macapagal-Arroyo B. Piliin ang titik ng tamang sagot upang makumpleto ang mga sumusunod na impormasyon. Isulat sa notbuk ang sagot. 11. Taong 1983 nang umuwi sa Pilipinas si Ninoy Aquino at sinalubong siya ng… A. banda ng musiko B. bala ng kamatayan C. patong-patong na kaso 12. Umabot sa 11 oras ang martsa ng mga tao para ihatid si Ninoy sa… A. bahay B. kulungan C. sementeryo 13. Sa pangunguna ni Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos ay tumiwalag ang ilan sa mga pwersang militar sa ilalim ng administrasyon ni Marcos noong… A. Pebrero 21, 1986 B. Pebrero 22, 1986 C. Pebrero 23, 1986 14. Sama-samang nagkapit-kamay ang mga Pilipino para pigilan ang mga tangke sa paglusob sa Kampo Krame kaya sa bandang huli ay… A. maraming nasaktan B. walang dumanak na dugo C. naghanap ng ibang ruta ang mga tangke para makapasok sa kampo 15. Sa gitna ng kaguluhan noong ika-25 ng Pebrero ay magkahiwalay na nagdaos ng inagurasyon sa pagkapangulo sina Aquino at… A. Marcos B. Estrada C. Macapagal-Arroyo
  • 674.
    51 16. Dahil sapeople power ng mga Pilipino at panawagan ng pangulo ng Amerikang si Ronald Reagan ay bumaba rin sa pwesto si Marcos at nilisan ang Pilipinas sakay ng helikopter patungong… A. Guam B. Saipan C. Hong Kong 17. Sa ikalawang pagkakataon, muling nagkaisa ang mga Pilipino laban sa masama o tiwaling pamahalaan kaya nagkaroon ng pager revolution o EDSA DOS pagkalipas ng … A. 10 taon B. 15 taon C. 20 taon 18. Sa tulong ng cellphone ay mabilis na dumating sa EDSA Shrine ang mga Pilipinong humigit- kumulang sa… A. 500,000 B. 1,000,000 C. 1,500,000 19. Dahil sa bintang na korapsyon, nasampahan ng kaso na walang katumbas na pyansa ang dating pangulo ng Pilipinas na si… A. Ferdinand Marcos B. Joseph Estrada C. Pareho 20. Sa naganap na EDSA DOS o pager revolution, nakuha ni Gloria Macapagal-Arroyo ang posisyong nabakante kaya naupo siya bilang bagong presidente ng Pilipinas noong… A. Enero 2001 B. Pebrero 2001 C. Mayo 2001 C. Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang talata 1, 2, 3 at 4. Isulat sa notbuk ang sagot. Talata 1 Ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa kasaysayan ng EDSA ay nasaksihan ng buong mundo. Nakilala ang (A. gawaing B. pangyayaring C. pagdiriwang) ito bilang People 1 Power at Pager Revolution. Naipamalas ito sa (A. unang B. huling C. makalawang) 2 pagkakataon noong Pebrero 1986 at (A. matapos B. dumaan C. pagkalipas) ng 15 taon 3 ay muling nabuhay sa EDSA DOS (A. noong B. mangyaring C. pagkaraang) Enero 2001. 4 Talata 2 Hindi naging madali ang taong 1986 para sa (A. kabiyak B. kapatid C. katuwang) 5 ni Ninoy na si Cory Aquino na harapin ang taong katulad ni Marcos na (A. nalasing sa kapangyarihan B. nawala sa matinong pag-iisip C. naging masama at mapang-abuso)
  • 675.
    52 6 kaya maraming Pilipinoang nasaktan, naparusahan at namatay. Subalit lahat ng bagay ay may hangganan dahil dumating din ang panahon ng (A. pag-alsa B. pag-ayaw 7 C. pag-alma) na sinimulan nina Enrile at Ramos na kaagad namang sinuportahan ni Cardinal Sin bilang (A. maimpluwensya B. maraming koneksyon C. makapangyarihang 8 boses) ng simbahang Katoliko na sinusunod ng maraming Pilipino. Talata 3 Nakatulong nang husto sa People Power ang kredibilidad ni (A. Butz Aquino B. Cardinal Sin C. Doy Laurel) nang nanawagan siya sa taong bayan para suportahan 9 sina Enrile at Ramos sa loob ng kampo (A. Krame B. Capinpin C. El Dridge) mula sa 10 pag-atake ng pwersang militar ni Marcos. (A. Pagkatapos B. Pagkalipas C. Pagkasunod) 11 nagsimulang dumami ang tao at napuno ang mahabang lansangan ng EDSA noong (A. Pebrero 21, 1986 B. Pebrero 22,1986 C. Pebrero 23,1986). Kaya sama-samang 12 nanalangin, nagkwentuhan, nagkantahan at nagkapit-kamay ang mahirap at mayamang Pilipino. Talata 4 Patuloy sa pagvi-vigil ang taong bayan para pigilan ang paglusob ng tangke sa loob ng kampo. (A. Pagkatapos B. Pagkasunod C. Pagkalipas) kausapin at bigyan ng 13 bulaklak ang mga sundalo ng kanilang kapwa Pilipino ay hindi natuloy ang madugong labanan. (A. Kasunod B. Patuloy C. Sa wakas), bumaba rin si Marcos sa kanyang pwesto 14 at nilisan ang Malacañang. (A. Kinagabihan B. Sa isang iglap C. Sa bandang huli), nag- 15 wagi ang kabutihan laban sa kasamaan kaya tinanghal na bayani ang maraming Pilipino. Direksyon: Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang diyalogo. Isulat sa notbuk ang sagot.
  • 676.
    53 Diyalogo 1 Matalik namagkaibigan at magkasinggulang ang dalawang tinedyer. Liam : Tinitingnan mo ba ang larawan? Sansu : Oo. (A. Nabugnot B. Napatawa C. Gumaan) ang pakiramdam ko habang 16 tinitingnan ko ang litrato. Liam : Bakit? Sansu : Dahil sa kabila ng mainit na tensyon ay nagawa ng dalawang Pilipina na (A. mambola B. magpapansin C. magbigay pag-asa) kahit na anumang 17 oras ay handang lumusob ang sundalo sa Kampo Krame. Liam : Anong epekto nito? Sansu : Dahil sa simpleng ngiti at bulaklak ay maaring (A. mainis B. mapikon 18 C. mapayapa) ang tensyonadong kalooban ng sundalo at tiyak na makapagpapabago ng kanyang kilos o pasya sa oras na iyon. Liam : Oo nga, tama ka. Diyalogo 2 Ang edad ng lolo ay 80 samantalang ang kanyang apo ay 15. Lolo : Kanina ka pa nakatingin diyan (A. baka B. tila C. talagang) nagustuhan mo 19 ang litrato. Jules : (A. Oo B. Opo C. Ayaw), lolo. Kayo po? 20 Lolo : (A. Oo B. Opo C. Nais) ko rin, apo. 21 Jules : Lolo, sa tingin ko (A. ibig B. dapat C. pwedeng) tanggapin ng sundalo 22 ang ibinibigay na bulaklak ng mga babae bilang tanda ng pakikiisa. Lolo : Aba! (A. Nais B. Dapat C. Maari) tanggapin ng sundalo ang mga bulaklak 23 dahil tanda ito ng pakikiisa sa taong bayan nang manaig ang kapayapaan sa ating bansa.
  • 677.
    54 Jules : Oonga lolo, tama kayo. Diyalogo 3 Magpinsan ang dalawa at matanda ng isang taon si Rey kay Levi. Rey : Sa palagay mo ba (A. may tali sa ilong B. may krus sa dibdib C. may kaya 24 Sa buhay) ang sundalo sa litrato? Levi : Maari. Rey : Sa tingin ko, wala kasi tingnan mo tinanggap niya ‘yong bulaklak na binigay ng 2 babaeng sibilyan na kasama sa people power. Levi : Malay mo, baka (A. pabalat-bunga B. panakip-butas C. hipong tulog) lang 25 niya ‘yon. Rey : Sa tantiya ko, bukal sa loob na tinanggap niya ang mga bulaklak dahil tila ayaw niyang kalabanin ang kapwa Pilipino. Levi : May katuwiran ka d’yan. D. Basahing mabuti ang texto at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na Tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa notbuk. Talumpati ni PGMA bilang Ika-14 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas EDSA Shrine, Ortigas Aveñue, Enero 20, 2001 Textong hango mula sa orihinal at isinalin sa Filipino ni: Alona Jumaquio-Ardales Mga kapatid ko dito sa EDSA at sa buong Pilipinas, buong pagpakumbaba kong tinatanggap ang pribilehiyo at responsabilidad na gumanap bilang bagong presidente ng Republika ng Pilipinas. Natitiyak kong babalikan ng mga Pilipinong hindi pa ipinapanganak ngayon ang naganap dito sa EDSA 2001 na may pagmamalaki sa ating lahi. Katulad din ng buong paghanga nating paglingon sa pangyayari sa Mactan, Katipunan at iba pang himagsikan, sa Bataan at Corregidor, at sa EDSA noong 1986. Ngunit saan nga ba tayo pupunta mula rito? Unang nagbigay ng sagot ay si Jose Rizal, pinayuhan niya ang mga Pilipinong mamuhay at tumupad sa pangakong uunahin ang kapakanan ng bansa bago ang sarili. Muli kong ihahayag ang aking paniniwala na ang ating pamahalaan ay dapat na:
  • 678.
    55 1. Malakas angloob na harapin at labanan ang kahirapan. 2. Mapabuti ang moralidad ng gobyerno bilang matibay na pundasyon ng pamamahala. Mabago ang uri ng politika, hindi na personalidad ang titingnan kundi mga programa 1. at proseso ng diyalogo para sa tao upang makapagsulong ng tunay na reporma. 2. Magpakita ng magandang halimbawa ang pinuno sa pamamagitan ng masigasig na pagtatrabaho at hindi napapako sa salita, mamuhay ng disente’t may dignidad Hinihiling ko ang inyong suporta at panalangin. Sama-sama tayong maghilom ng sugat at magbagong-buhay tungo sa pagkakaisa. Maraming salamat, pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal. http://www.opnet.ops.gov.ph/speech-2001jan20.htm 26. Bakit nagbigay ng talumpati si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo o PGMA? A. nanalo siya sa eleksyon B. pinalitan niya sa pwesto ang napatalsik na pangulo C. tinaguyod ng sambayanang maluklok siya sa Malacañang 27. Paano tinanggap ni PGMA ang kanyang tungkulin bilang bagong pangulo ng Pilipinas? A. determinado B. buo ang loob C. mapagkumbaba 28. Paano ipinahayag ni PGMA ang kanyang panukala o proposisyon sa pamamahala ng bansa? A. malakas B. katamtaman C. napakalakas 29. Sang-ayon ka ba sa mungkahi ni PGMA na “sama-sama tayong maghilom ng sugat at magbagong-buhay tungo sa pagkakaisa.” A. Makabubuti para sa lahat ang mungkahing paghilom dahil nagkahiwa-hiwalay ang paniniwala ng mga Pilipino pagkatapos ng EDSA DOS. B. Pangit para sa bagong luklok sa pwesto na isabay sa paghilom ng kanyang puso ang hindi pa magaling na sugat ng mga tagasuporta ng dating pangulo. C. Hindi mainam para sa lahat ng Pilipino ang mungkahi niyang paghilom kung sariwa pa’t masakit ang sugat. 30. Sa iyong palagay, napagbigyan ba ng mga Pilipino ang hiling na suporta at panalangin ni PGMA? A. Sa aking palagay, hindi napagbigyan ng mga Pilipino ang kahilingan ni PGMA sapagkat marami pa ring nasasaktan at hindi masaya sa pamahalaan katulad ng mga rebeldeng Muslim sa Mindanao. B. Batay sa aking pagmamasid, napagbigyan ng mg Pilipino ang kahilingan ni PGMA dahil patuloy ang pagsuporta ng tao sa mga programa ng pamahalaan kagaya ng transportasyong MRT sa kahabaan ng EDSA.
  • 679.
    56 C. Sa tinginko, hindi napagbigyan ng mga Pilipino ang kahilingan ni PGMA kasi hindi lahat ng Pilipino ay nagdadasal para sa kanya, halimbawa, iba-iba ang relihiyon ng mga Pilipino.
  • 680.
    57 Modyul 15 Pagsasalaysay atPagbuo ng mga Reaksyon sa mga Ideya, Proposisyon at Panukala Panimulang Pagsusulit A. KAALAMANG PANGWIKA 1. A 2. C 3. C 4. C 5. C 6. A 7. C 8. A 9. A 10. A B. KASANAYANG PANGWIKA 1. A 2. A 3. B 4. C 5. C 6. A 7. A 8. A 9. A 10. A Pangwakas na Pagsusulit A. B. 1. A 15. A 1. B 16. C 2. B 16. A 2. A 17. C 3. C 17. B 3. C 18. C 4. B 18. B 4. A 19. B 5. A 19. B 5. A/ C 20. B 6. B 20. A 6. A/ C 21. C 7. A 7. A/ C 22. C 8. C 8. A/ C 23. B 9. B 9. B 24. A 10. A 10. A 25. A 11. B 11. A 26. B 12. C 12. C 27. C 13. B 13. A 28. C 14. B 14. C 29. A/ C 15. C 30. A/ B Susi sa Pagwawasto
  • 681.
    1 Department of Education Bureauof Secondary Education CURRICULUM DEVELOPMENT DIVISION Meralco Ave., Pasig City (Effective Alternative Secondary Education) FILIPINO 1 Modyul 16 Pagtsulat ng Anekdota
  • 682.
    2 Modyul 16 Pagsulat ngAnekdota Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka, kaibigan? Matagumpay mo bang napag-aralan ang mga naunang modyul? Nasagot mo ba nang buong husay ang mga tanong? Mataas ba ang markang nakuha mo sa pagsusulit? Magaling kung ganoon! Magsaya ka sapagkat napatunayan mo sa iyong sarili na kaya mong mag-aral mag-isa. Itinatanong mo kung bakit masaya ang salitang nababasa mo? Mangyari, inihahanda lang kita dito sa modyul na pag-aaralan mo. Kung sa mga naunang modyul ay naging seryoso ka habang binabasa mo ang mga aralin, sa modyul na ito ay medyo mapapangiti ka sapagkat di-seryoso ang mababasa mong teksto. Nais mong malaman kung bakit? Simple lang ang aking maisasagot.. Ang pagkadi-seryoso ng mababasa mong teksto ay isa sa mga katangian ng bagong akda na matututuhan mo. Ang tawag dito’y anekdota. Ngayon mo lang narinig ang salitang ito? Alam mo ba kung paano ito isinusulat? Mangyari, ang aralin sa modyul na ito ay nauukol sa pagsulat ng anekdota. Uulitin ko, ang modyul na ito ay nauukol sa pagsulat ng anekdota kaya’t mahalagang mabasa mo ang kabuuan ng mga aralin. Bilang paghahanda sa pagkatuto mo sa tatalakaying paksa at para lubusang magkaroon ka ng kaalaman sa kahulugan, mga elemento at ang wastong paraan ng pagsulat ng anekdota ay ipinaaalam ko sa iyo ang nilalaman ng modyul na ito: Ang kabuuan ng modyul ay binubuo ng tatlong sub-aralin. Ang sub-aralin 1 ay nauukol sa iba’t ibang mga birong katawa-tawa, na nagiging bahagi ng iyong karanasan. Maaaring ang mga birong mababasa mo rito ay nabasa mo o narinig mo na. Maaari rin namang ikaw ang nagkuwento. Hindi ba’t naaaliw ka sa mga birong katawa-tawa na iyong nababasa, naririnig at naikukuwento? Ang sub-aralin 2 naman ay nauukol sa araling nagbibig