SlideShare a Scribd company logo
1 of 28
Download to read offline
Filipino
Unang Markahan- Modyul 2: Mga
Konseptong Pangwika sa mga Napanood
na Sitwasyon sa Telebisyon
11
Filipino – Baitang 11
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika sa Mga Napanood na
Sitwasyon sa Telebisyon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Joseph T. Baluya
Editor: Myrna D. Gornez
Tagasuri: Imelda Villanueva
Tagaguhit: Ihryn Tisara Jaranilla
Tagalapat: LOVELYN T. BEDAYO
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Romelito G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI- Assistant Schools Div. Superentendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Subject Area Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A. Palomo - EPS In Charge of LRMS
Greogorio O. Ruales - ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Subject Area Supervisor
11
Filipino
Modyul 2: Mga Konseptong Pangwika sa
mga Napanood na Sitwasyon sa Telebisyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang _Filipino 11 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Konseptong Pangwika sa mga
Napanood na Sitwasyon sa Telebisyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Mga Konseptong Pangwika sa mga Napanood na
Sitwasyon sa Telebisyon!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay
sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subikin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa aralin
ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat
ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa
Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan
sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin
Magandang araw sa iyo kaibigan!
Naniniwala ka ba na ang wika ang tulay upang maunawaan ang sarili,
karanasan, kapwa tao, paligid, mundo, obhetibong realidad, panlipunang
realidad, politika, ekonomik, at kultura?
Kung gayun, binabati kita!
Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang maunawaan
ang pinakamahalagang kasanayan sa pampagkatuto na:
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na
sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight with
Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the Lourd
(http://lourddeveyra.blogspot.com)-F11PN – Ia – 86 –
Matapos mong masagot ang lahat ng mga gawain ay inaasahang
makamit mo ang mga sumusunod na layunin.
1. Nakasusulat ng sanaysay na nagpapakita ng pagkakaugnay ng
mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga
karanasan.
2. Nakabubuo ng presentasyon na nagpapakita ng pagkakaugnay ng
mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga
karanasan.
Bago natin subukin ang iyong galing sa paksang “Konsepto ng Wika”
ay sagutin mo muna ang mga katanungan sa ibaba. Handa ka na ba?
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang
konseptong pangwika na kinabibilangan ng bawat pahayag o sitwasyon.
1. Kasalukuyang nagaganap ang SONA ni Pangulong Duterte, at libo-
libong tao mula sa iba’t ibang pangkat o grupo ang nanonood at nakikinig.
a. wikang bilinggwalismo c. wikang panturo
b. wikang opisyal d. wikang pambansa
2. Ang iyong guro sa matematika ay kasalukuyang nagtuturo at dinig
na dinig mong gumagamit siya ng Wikang Ingles at Wikang Filipino upang
maipaliwanag nang maayos ang paksa na inyong tinatalakay.
a. wikang panturo c. wikang register
b. wikang heterogeneous d. wikang bilinggwalismo
3. Habang papasok ka ng inyong silid-aralan ay dinig na dinig mo na
ang ingay sa loob ng inyong silid. Mayroong naghihiyawan,
naghahalakhakan at nagtatawanan.
a. wikang opisyal c. wikang bilinggwalismo
b. wikang multilinggwalismo d. wikang homogenous
4. Ginagamit ng isa mong kaklase ang wika na kanyang nakagisnan
ayon sa isang kagamitan at isang gamit lamang.
a. wikang heterogenous c. wikang homogenous
b. wikang opisyal d. wikang bilinggwalismo
5. Lubos mong ikinagulat nang dumating kayo sa Lunsod ng Heneral
Santos dahil sa maraming wika ang maaaring gamitin ng mga tao, ayon sa
layunin at sa gumagamit.
a. wikang register c. wikang opisyal
b. wikang heterogenous d. wikang panturo
6. Narinig mo ang iyong mga gurong nag-uusap sa ilalim ng punong
acasia habang naglalakad ka papuntang silid-aklatan. Pinag-uusapan nila
ang oras at petsa ng pagpasa ng kanilang banghay-aralin o lesson plan, na
kung saan isa sa mga napakahalagang bagay na dapat meron ang mga guro
bago magturo. Anong konseptong pangwika ang kinabibilangan ng salitang
lesson plan?
a. unang wika c. pangalawang wika
b. wikang opisyal d. wikang register
7. Kilala ang Heneral Santos na isa sa mga umuunlad na lugar sa
Rehiyon Dose. Kaya naman, naisipan ng iyong mga magulang na lumipat
kayong pamilya sa nasabing lungsod. Nang makarating na kayo sa nasabing
Subukin
lunsod ay lubos kang namangha dahil halos lahat ng wika na iyong narinig
mula sa iba’t ibang lugar ay umuusbong. Isinaalang-alang nila ang tungkol
sa idyolek, sosyolek, at diyalek ng pangkat ng tao sa nasabing lunsod.
a. unang wika c. wikang bilinggwalismo
b. pangalawang wika d. lingguwistikong komunidad
8. Masarap pakinggan habang nagkukuwento ang iyong bagong
kaklase sa kanyang mga masasayang karanasan sa dating paaralan na
kanyang pinasukan sa South Cotabato dahil naririnig at sinasambit pa
rin ng kanyang mga labi ang ilang salita ayon sa wika na kanyang
nakagisnan.
a. lingguwistikong komunindad c. pangalawang wika
b. wikang opisyal d. unang wika
9. Ipinanganak sa bansang Pilipinas ang inyong kapitbahay na
nakapagtapos ng Senior High School sa Amerika. Kaya naman, nang maisip
ng kanyang mga magulang na bumalik sa Pilipinas at paaralin ito sa
GSCNSAT main ay agad naman siyang pumayag dahil naniniwala siya na
sa kanyang pagbalik ay kaya niya pa ring makipag-usap sa mga taong
napabilang sa iba’t ibang pangkat, dahil kahit nasa Amerika siya ay
nakikinig at nanonood siya ng iba’t ibang programang pantelebisyon na
gawang pinoy.
a. wikang opisyal c. pangalawang wika
b. wikang pambansa d. wikang register
10. Si Abegail na bago mong kaklase ay ipinanganak at lumaki sa
bansang China, ngunit ang kanyang mga magulang ay purong Pinoy. Nang
magkaroon ng malaking problema ang kanilang pamilya ay naisip ng
kanyang mga magulang na bumalik sa bansang Pilipinas at magtayo ng
negosyo sa lunsod ng Heneral Santos. Sa kasalukuyan, ay pinapaaral siya
ng kanyang mga magulang sa mataas na paaralan ng GSCNSAT main. Sa
kadahilanang lumaki siya sa bansang China ay hindi pa siya bihasa sa
paggamit ng Wikang Filipino, kaya naisipan ng kanyang mga magulang na
kumuha ng tutor upang magabayan at maturuan siya sa paggamit at
pagsasalita gamit ang Wikang Filipino.
a. lingguwistikong komunidad c. unang wika
b. wikang opisyal d. pangalawang wika
11. Kasalukuyan ninyong pinag-aaralan ang asignaturang may
kaugnayan sa ating kasaysayan. Nabibighani ka sa pagkakalahad ng mga
nasabing mahalagang pangyayari sa ating bansa dahil ang inyong guro ay
gumagamit ng wika na makatutulong upang mas matatamo ang antas ng
edukasyon.
a. wikang pambansa c. wikang opisyal
b. wikang panturo d. wikang register
12. Nagkakagulo ang iyong mga kaklase habang papunta sila ng
kantina dahil hindi sila nagkakaunawaan sa kanilang pinag-uusapan. Kaya
naman, nagbigay ng suhestiyon ang isa nilang kasamahan na gumamit ng
Wikang Filipino upang sila ay magkakaintindihan.
a. wikang panturo c. unang wika
b. pangalawang wika d. wikang opisyal
13. Habang kayo ay gumagawa ng inyong eksperimento sa laboratoryo
ay napapansin mo ang mga salitang ginagamit ng inyong mga guro ay may
kaugnayan sa mga kagamitan at kemikal na makikita sa nasabing
laboratoryo.
a. wikang pambansa c. wikang opisyal
b. wikang register d. unang wika
14. Nakamamangha ang inyong guro sa Understanding Culture Society
and Politics dahil kahit ipinanganak at lumaki siya sa Pilipinas ay kaya
niyang gumamit ng mahigit sa sampung uri ng salita. Marahil, dahil siya ay
nag-aral at nakapaglibot na sa iba’t ibang bansa.
a. wikang panturo c. unang wika
b. pangalawang wika d. multilingguwalismo
15. Napakasarap mamuhay sa isang komunidad na malaya kang
makapag-isip, malaya kang mapagbahagi ng iyong mga opinyon at malaya
kang makipag-usap sa mga taong nakatira kahit na sila ay napabilang sa
iba’t ibang pangkat ay malayang makagagamit ng kanilang wikang
kinagisnan.
a. unang wika c. pangalawang wika
b. lingguwistikong komunidad d. multilingguwalismo
Aralin
1
Mga Konseptong Pangwika
Balikan
Kumusta po? Nasagot mo ba ang mga katanungan sa Subukin? Ang
lahat ng mga katanungan ay may kaugnayan sa mga konsepto ng wika na
tinalakay noong nakaraang linggo. Pinag-aralan mo na ang mga ito at
binigyan ng mga halimbawa. Kaya, naniniwala akong handa ka na sa ating
mga gagawin sa linggong ito. Ngunit bago natin ipagpatuloy ang ating mga
gawain ay bibigyan muna kita ng isang katanungan. Handa ka na ba?
Bilang isang mamamayan, naniniwala ka bang mahalaga ang wika sa
araw-araw na pakikisalamuha? Bakit?
Ang wika ay daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi, at
lipunan. Ibig sabihin, nasa wika ang tanging paraan upang maisalin ang
kaalaman, karanasan, at alaala ng isang lahi o lipi at lipunan sa iba. Ayon
nga kay Hutch, 1991, ang wika ay isang sistema ng mga tunog, o arbitraryo
na ginagamit sa komunikasyong pantao.
Ngunit, paano nga ba natin maiuugnay ang mga konseptong
pangwika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay? Tuklasin natin sa mga
susunod na gawain.
Mga Tala para sa Guro
Ang Modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral
upang lubusang matuto at maunawaan ang
pinakamahalagang layunin ng pampagkatuto. Naglalaman
din ito ng mga gawain at pagsasanay upang malinang ang
kakayahan ng mga mag-aaral.
Tuklasin
Sa Aking Alaala! Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba at sagutin
ang mga sumusunod na katanungan.
Mga katanungan:
1. Ano ang nakikita mong pangyayari sa bawat larawan?
2. Anong instrumento ang kanilang ginamit upang sila ay
magkaunawaan?
3. Paano sila nakikipag-usap sa isa’t isa?
4. Sa palagay mo, maaari bang magkaroon ng ugnayan ang mga
larawan? Sa paanong paraan?
Suriin
Ngayon ay atin munang balikan ang ating nalalaman tungkol sa
kahulugan ng mga konseptong pangwika. Handa ka na ba?
Tinalakay na natin sa unang lingo ang pagpapakahulugan ng mga konsepto
ng wika. Ngayon ay lalo pa nating unawain ang mga ito sa pamamagitan ng
pagbibigay-kahulugan sa bawat isa.
Narito ang kahulugan ng mga konsepto ng wika.
a. Wika- binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa
pakikipagkomunikasyon upang magkaunawaan.
b. Wikang Pambansa- ang wikang pinagtibay ng pambansang
pamahalaan at ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa
mamamayan.
c. Wikang Panturo- ginagamit upang magtamo ng mataas na antas
ng edukasyon.
d. Wikang Opisyal- ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon,
sa pamahalaan at sa politika, sa komersiyo at industriya.
e. Bilingguwalismo- magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles
bilang mga midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na asignatura.
f. Multilingguwalismo- paggamit ng maraming wika ng isang
indibidwal.
g. Register- baryasyon batay sa gamit at estilo
h. Homogenous- ipinapahayag na may iisang katangian ang wika
tulad ng language universals
i. Heterogenous- iba-iba ang gamit, layunin, at gumagamit. Iba-iba
ang wika dahil sa lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko,
politikal, at edukasyon na katangian ng isang partikular na lugar o
komunidad na gumagamit ng naturang wika.
j. Lingguwistikong komunidad- may kaugnayan sa pagpapaunlad ng
wika. Isinaalang-alang din ang tungkol sa idyolek, sosyolek at diyalek ng
pangkat ng tao sa isang komunidad.
k. Unang wika- wikang natutuhan ng isang tao mula noong kaniyang
kapanganakan.
l. Pangalawang wika- iba pang wikang pinag-aaralan o natutuhan
maliban sa unang wika.
- mula sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Pagyamanin
Oops, Teka Lang! Nagagalak ako sa iyong magandang pagganap sa
mga gawain. Ipagpatuloy mo lamang ito sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga sumusunod na gawain.
A. Panoorin ang isang usapan ng magkakabarkada sa
https://www.youtube.com/watch?v=lFa2FDaj0jA hango sa isang pormal na
usapan nina Mareng Winnie at Mayor Vico Sotto at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
a. Anong uri ng wika ang ginamit nina Mayor Vico Sotto at Maring
Winnie?
b. Tamang wika ba ang ginamit ng dalawang tauhan?Bakit?
c. Iugnay ang wika na kanilang ginamit sa wikang ginagamit mo sa
kasalukuyan kapag nakikipagtalastasan sa mga kaibigan, pamilya,
at mga guro sa pamamagitan ng isang dayagram.
B. Balikan ang mga napanood mong teledrama sa telebisyon. Ano
ang napansin mo sa paraan ng kanilang pag-uusap, maaari mo ba
itong isulat sa loob ng kahon?
Isaisip
Isip-isip! Magkakaugnay ba?
Mula sa iyong napanood na teledrama at video clip, maging sa mga
video na iyong napanood ay mayroon bang pagkakatulad ang wikang
ginagamit natin sa kasalukuyan at ang wika na kanilang ginamit?
Isagawa
Binabati kita! Malapit mo ng matapos ang modyul na ito. Ngunit, bago
tayo magtatapos ay maaari bang pumili ng isang palabas na napanood mo
at isulat ang mga sitwasyong pangwika batay dito.
Tayahin
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang konseptong
pangwika na kinabibilangan ng bawat pahayag o sitwasyon.
1. Kasalukuyan ninyong pinag-aaralan ang asignaturang may
kaugnayan sa ating kasaysayan. Nabibighani ka sa pagkakalahad ng mga
nasabing mahalagang pangyayari sa ating bansa dahil ang inyong guro ay
gumagamit ng wika na makatutulong upang mas matatamo ang antas ng
edukasyon.
a. wikang pambansa c. wikang opisyal
b. wikang panturo d. wikang register
2. Habang papasok ka ng inyong silid-aralan ay dinig na dinig mo na
ang ingay sa loob ng inyong silid. Mayroong naghihiyawan,
naghahalakhakan at nagtatawanan.
a. wikang opisyal c. wikang bilinggwalismo
b. wikang multilinggwalismo d. wikang homogenous
3. Habang kayo ay gumagawa ng inyong eksperimento sa laboratoryo
ay napapansin mo ang mga salitang ginagamit ng inyong mga guro ay may
kaugnayan sa mga kagamitan at kemikal na makikita sa nasabing
laboratoryo.
a. wikang pambansa c. wikang opisyal
b. wikang register d. unang wika
4. Napakasarap mamuhay sa isang komunidad na malaya kang
makapag-isip, malaya kang mapagbahagi ng iyong mga opinyon at malaya
kang makipag-usap sa mga taong nakatira kahit na sila ay napabilang sa
iba’t ibang pangkat ay malayang makagagamit ng kanilang wikang
kinagisnan.
a. unang wika c. pangalawang wika
b. lingguwistikong komunidad d. multilingguwalismo
5. Masarap pakinggan habang nagkukuwento ang iyong bagong
kaklase sa kanyang mga masasayang karanasan sa dating paaralan na
kanyang pinasukan sa South Cotabato dahil naririnig at sinasambit pa
rin ng kanyang mga labi ang ilang salita ayon sa wika na kanyang
nakagisnan.
a. lingguwistikong komunindad c. pangalawang wika
b. wikang opisyal d. unang wika
6. Narinig mo ang iyong mga gurong nag-uusap sa ilalim ng punong
acasia habang naglalakad ka papuntang silid-aklatan. Pinag-uusapan nila
ang oras at petsa ng pagpasa ng kanilang banghay-aralin o lesson plan, na
kung saan isa sa mga napakahalagang bagay na dapat meron ang mga guro
bago magturo. Anong konseptong pangwika ang kinabibilangan ng salitang
lesson plan?
a. unang wika c. pangalawang wika
b. wikang opisyal d. wikang register
7. Ginagamit ng isa mong kaklase ang wika na kanyang nakagisnan
ayon sa isang kagamitan at isang gamit lamang.
a. wikang heterogenous c. wikang homogenous
b. wikang opisyal d. wikang bilinggwalismo
8. Kasalukuyang nagaganap ang SONA ni Pangulong Duterte, at libo-
libong tao mula sa iba’t ibang pangkat o grupo ang nanonood at nakikinig.
a. wikang bilinggwalismo c. wikang panturo
b. wikang opisyal d. wikang pambansa
9. Si Abegail na bago mong kaklase ay ipinanganak at lumaki sa
bansang China, ngunit ang kanyang mga magulang ay purong Pinoy. Nang
magkaroon ng malaking problema ang kanilang pamilya ay naisip ng
kanyang mga magulang na bumalik sa bansang Pilipinas at magtayo ng
negosyo sa lunsod ng Heneral Santos. Sa kasalukuyan, ay pinapaaral siya
ng kanyang mga magulang sa mataas na paaralan ng GSCNSAT main. Sa
kadahilanang lumaki siya sa bansang China ay hindi pa siya bihasa sa
paggamit ng Wikang Filipino, kaya naisipan ng kanyang mga magulang na
kumuha ng tutor upang magabayan at maturuan siya sa paggamit at
pagsasalita gamit ang Wikang Filipino.
a. lingguwistikong komunidad c. unang wika
b. wikang opisyal d. pangalawang wika
10. Nagkakagulo ang iyong mga kaklase habang papunta sila ng
kantina dahil hindi sila nagkakaunawaan sa kanilang pinag-uusapan. Kaya
naman, nagbigay ng suhestiyon ang isa nilang kasamahan na gumamit ng
Wikang Filipino upang sila ay magkakaintindihan.
a. wikang panturo c. unang wika
b. pangalawang wika d. wikang opisyal
11. Nakamamangha ang inyong guro sa Understanding Culture Society
and Politics dahil kahit ipinanganak at lumaki siya sa Pilipinas ay kaya
niyang gumamit ng mahigit sa sampung uri ng salita. Marahil, dahil siya ay
nag-aral at nakapaglibot na sa iba’t ibang bansa.
a. wikang panturo c. unang wika
b. pangalawang wika d. multilingguwalismo
12. Kilala ang Heneral Santos na isa sa mga umuunlad na lugar sa
Rehiyon Dose. Kaya naman, naisipan ng iyong mga magulang na lumipat
kayong pamilya sa nasabing lungsod. Nang makarating na kayo sa nasabing
lunsod ay lubos kang namangha dahil halos lahat ng wika na iyong narinig
mula sa iba’t ibang lugar ay umuusbong. Isinaalang-alang nila ang tungkol
sa idyolek, sosyolek, at diyalek ng pangkat ng tao sa nasabing lunsod.
a. unang wika c. wikang bilinggwalismo
b. pangalawang wika d. lingguwistikong komunidad
13. Lubos mong ikinagulat nang dumating kayo sa Lunsod ng Heneral
Santos dahil sa maraming wika ang maaaring gamitin ng mga tao, ayon sa
layunin at sa gumagamit.
a. wikang register c. wikang opisyal
b. wikang heterogenous d. wikang panturo
14. Ang iyong guro sa matematika ay kasalukuyang nagtuturo at
dinig na dinig mong gumagamit siya ng Wikang Ingles at Wikang Filipino
upang maipaliwanag nang maayos ang paksa na inyong tinatalakay.
a. wikang panturo c. wikang register
b. wikang heterogeneous d. wikang bilinggwalismo
15. Ipinanganak sa bansang Pilipinas ang inyong kapitbahay na
nakapagtapos ng Senior High School sa Amerika. Kaya naman, nang maisip
ng kanyang mga magulang na bumalik sa Pilipinas at paaralin ito sa
GSCNSAT main ay agad naman siyang pumayag dahil naniniwala siya na
sa kanyang pagbalik ay kaya niya pa ring makipag-usap sa mga taong
napabilang sa iba’t ibang pangkat, dahil kahit nasa Amerika siya ay
nakikinig at nanonood siya ng iba’t ibang programang pantelebisyon na
gawang pinoy.
a. wikang opisyal c. pangalawang wika
b. wikang pambansa d. wikang register
Maraming salamat dahil natapos mo ang mga gawain ayon sa oras na
itinakda.
Karagdagang Gawain
Panuto: Mula sa dalawang gawain, mamili lamng ng isa batay sa iyong
sariling kakayahan.
A. Para sa mga may kakayahang gumamit ng online site.
Panoorin ang video mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=ZTN05QbNiLc
at pagkatapos mapanood ay bumuo ng venn dayagram na nagpapakita ng
kaugnayan ng wikang ginamit sa napanood at sa mga konsepto ng wika.
Gamiting gabay ang rubric na nasa ibaba.
20
• Napakaraming naisulat sa pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian
ng dalawang pinaghahambing.
• Napakalinis at napakalinaw ng pagkakasulat sa paghahambing.
• Talagang nasunod ang panuto at nagdagdag pa ng mga patunay.
15
• Maraming naisulat sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang
katangiang pinaghahambing.
• Malinaw ang pagkakasulat sa paghahambing, mababakas ang malinis
na pagbubura sa ilang salitang pinalitan.
• Nasunod ang panuto.
10
• Nakasulat ng kaunting pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng
pinaghahambing.
• Bahagyang magulo at marumi ang pagkakasulat ng paghahambing.
• Nasunod ang panuto subalit kulang sa kalidad.
5
• Tig-isa lamang ang naisulat sa paghahambing.
• Marumi at di sigurado sa isinulat.
• Hindi nagtanong sa guro upang matulungan pa sa paghahambing.
B. Para sa mga hindi makapanood ng video sa youtube ay maaring
magmasid ka sa usapan ng iyong pamilya sa bahay. Bumuo ng venn
dayagram nagpapakita ng kaugnayan ng wikang ginamit sa bahay at sa
mga konsepto ng wika.
Sanggunian
Aklat:
 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Jocson,
M.O. Vibal Group, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City .
2016
 Pluma- Wika at Pagbasa para sa Batang Pilipino; Mga Rubric Para sa
mgaa Gawaing Pangkasanayan; Phoenix Publishing House
Incorporation, Quezon City, 2000
Online Site:
 https://www.youtube.com/watch?v=ZTN05QbNiLc
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.
C
2.
D
3.
C
4.
B
5.
C
6.
D
7.
D
8.
D
9.
C
10.D
11.C
12.D
13.C
14.D
15.C
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph
F11_Q1_MODULE_2.pdf

More Related Content

Similar to F11_Q1_MODULE_2.pdf

KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoLizellRagasa
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfJohnnyJrAbalos1
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfJrJr50
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfCrisElcarte
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfKPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfMARYANNLOPEZ16
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfKPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...PrincessJemimaNaingu2
 
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdfF11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdfMARYANNLOPEZ16
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoKokoStevan
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfjashemar1
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)OLIVERRAMOS29
 
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdfAP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdfDianaRoseDelaCruz6
 

Similar to F11_Q1_MODULE_2.pdf (20)

KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
 
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
 
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfKPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdfKPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
KPWKP_Q1_Module12 Sanaysay.pdf
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
 
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdfF11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng Teksto
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
 
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdfAP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
 

More from AldrinDeocares

october 7 purposive communication, asean literature
october 7 purposive communication, asean literatureoctober 7 purposive communication, asean literature
october 7 purposive communication, asean literatureAldrinDeocares
 
wepik unleashing your potential the art of developing your personality 202310...
wepik unleashing your potential the art of developing your personality 202310...wepik unleashing your potential the art of developing your personality 202310...
wepik unleashing your potential the art of developing your personality 202310...AldrinDeocares
 
ibq w4 gamit ng wika sa adbertisment day 2
ibq w4 gamit ng wika sa adbertisment day 2ibq w4 gamit ng wika sa adbertisment day 2
ibq w4 gamit ng wika sa adbertisment day 2AldrinDeocares
 
State and Non-State Institution.pdf
State and Non-State Institution.pdfState and Non-State Institution.pdf
State and Non-State Institution.pdfAldrinDeocares
 
Pagkilala sa Iba't-ibang gamit ng Pandiwa.pptx
Pagkilala sa Iba't-ibang gamit ng Pandiwa.pptxPagkilala sa Iba't-ibang gamit ng Pandiwa.pptx
Pagkilala sa Iba't-ibang gamit ng Pandiwa.pptxAldrinDeocares
 
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptx
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptxLinggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptx
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptxAldrinDeocares
 

More from AldrinDeocares (14)

october 7 purposive communication, asean literature
october 7 purposive communication, asean literatureoctober 7 purposive communication, asean literature
october 7 purposive communication, asean literature
 
conquer your fears
conquer your fearsconquer your fears
conquer your fears
 
wepik unleashing your potential the art of developing your personality 202310...
wepik unleashing your potential the art of developing your personality 202310...wepik unleashing your potential the art of developing your personality 202310...
wepik unleashing your potential the art of developing your personality 202310...
 
report format kompan
report format kompanreport format kompan
report format kompan
 
ibq w4 gamit ng wika sa adbertisment day 2
ibq w4 gamit ng wika sa adbertisment day 2ibq w4 gamit ng wika sa adbertisment day 2
ibq w4 gamit ng wika sa adbertisment day 2
 
State and Non-State Institution.pdf
State and Non-State Institution.pdfState and Non-State Institution.pdf
State and Non-State Institution.pdf
 
Pagkilala sa Iba't-ibang gamit ng Pandiwa.pptx
Pagkilala sa Iba't-ibang gamit ng Pandiwa.pptxPagkilala sa Iba't-ibang gamit ng Pandiwa.pptx
Pagkilala sa Iba't-ibang gamit ng Pandiwa.pptx
 
W8 day 1.pptx
W8 day 1.pptxW8 day 1.pptx
W8 day 1.pptx
 
3rd-week.pptx
3rd-week.pptx3rd-week.pptx
3rd-week.pptx
 
1st-q2.pptx
1st-q2.pptx1st-q2.pptx
1st-q2.pptx
 
3rd-Q2.pptx
3rd-Q2.pptx3rd-Q2.pptx
3rd-Q2.pptx
 
Gampanin ng Wika.pptx
Gampanin ng Wika.pptxGampanin ng Wika.pptx
Gampanin ng Wika.pptx
 
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptx
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptxLinggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptx
Linggwalismo,Una at Ikalawang Wika.pptx
 
Research Format.docx
Research Format.docxResearch Format.docx
Research Format.docx
 

Recently uploaded

edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxjohnarveedomingo278
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdJoren15
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKALovellAzucenas
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 

Recently uploaded (20)

edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 

F11_Q1_MODULE_2.pdf

  • 1. Filipino Unang Markahan- Modyul 2: Mga Konseptong Pangwika sa mga Napanood na Sitwasyon sa Telebisyon 11
  • 2. Filipino – Baitang 11 Self-Learning Module (SLM) Unang Markahan – Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika sa Mga Napanood na Sitwasyon sa Telebisyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893 E-mail Address: region12@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Joseph T. Baluya Editor: Myrna D. Gornez Tagasuri: Imelda Villanueva Tagaguhit: Ihryn Tisara Jaranilla Tagalapat: LOVELYN T. BEDAYO Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director Romelito G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent Mario M. Bermudez, CESO VI- Assistant Schools Div. Superentendent Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM Leonardo Mission – Subject Area Supervisor Juliet F. Lastimosa - CID Chief Sally A. Palomo - EPS In Charge of LRMS Greogorio O. Ruales - ADM Coordinator Lelita A. Laguda – Subject Area Supervisor
  • 3.
  • 4. 11 Filipino Modyul 2: Mga Konseptong Pangwika sa mga Napanood na Sitwasyon sa Telebisyon
  • 5. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang _Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Konseptong Pangwika sa mga Napanood na Sitwasyon sa Telebisyon! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang- alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 6. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Konseptong Pangwika sa mga Napanood na Sitwasyon sa Telebisyon! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang- akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subikin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
  • 7. malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 8. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Alamin Magandang araw sa iyo kaibigan! Naniniwala ka ba na ang wika ang tulay upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa tao, paligid, mundo, obhetibong realidad, panlipunang realidad, politika, ekonomik, at kultura? Kung gayun, binabati kita! Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang maunawaan ang pinakamahalagang kasanayan sa pampagkatuto na: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com)-F11PN – Ia – 86 – Matapos mong masagot ang lahat ng mga gawain ay inaasahang makamit mo ang mga sumusunod na layunin. 1. Nakasusulat ng sanaysay na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan. 2. Nakabubuo ng presentasyon na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
  • 9. Bago natin subukin ang iyong galing sa paksang “Konsepto ng Wika” ay sagutin mo muna ang mga katanungan sa ibaba. Handa ka na ba? Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang konseptong pangwika na kinabibilangan ng bawat pahayag o sitwasyon. 1. Kasalukuyang nagaganap ang SONA ni Pangulong Duterte, at libo- libong tao mula sa iba’t ibang pangkat o grupo ang nanonood at nakikinig. a. wikang bilinggwalismo c. wikang panturo b. wikang opisyal d. wikang pambansa 2. Ang iyong guro sa matematika ay kasalukuyang nagtuturo at dinig na dinig mong gumagamit siya ng Wikang Ingles at Wikang Filipino upang maipaliwanag nang maayos ang paksa na inyong tinatalakay. a. wikang panturo c. wikang register b. wikang heterogeneous d. wikang bilinggwalismo 3. Habang papasok ka ng inyong silid-aralan ay dinig na dinig mo na ang ingay sa loob ng inyong silid. Mayroong naghihiyawan, naghahalakhakan at nagtatawanan. a. wikang opisyal c. wikang bilinggwalismo b. wikang multilinggwalismo d. wikang homogenous 4. Ginagamit ng isa mong kaklase ang wika na kanyang nakagisnan ayon sa isang kagamitan at isang gamit lamang. a. wikang heterogenous c. wikang homogenous b. wikang opisyal d. wikang bilinggwalismo 5. Lubos mong ikinagulat nang dumating kayo sa Lunsod ng Heneral Santos dahil sa maraming wika ang maaaring gamitin ng mga tao, ayon sa layunin at sa gumagamit. a. wikang register c. wikang opisyal b. wikang heterogenous d. wikang panturo 6. Narinig mo ang iyong mga gurong nag-uusap sa ilalim ng punong acasia habang naglalakad ka papuntang silid-aklatan. Pinag-uusapan nila ang oras at petsa ng pagpasa ng kanilang banghay-aralin o lesson plan, na kung saan isa sa mga napakahalagang bagay na dapat meron ang mga guro bago magturo. Anong konseptong pangwika ang kinabibilangan ng salitang lesson plan? a. unang wika c. pangalawang wika b. wikang opisyal d. wikang register 7. Kilala ang Heneral Santos na isa sa mga umuunlad na lugar sa Rehiyon Dose. Kaya naman, naisipan ng iyong mga magulang na lumipat kayong pamilya sa nasabing lungsod. Nang makarating na kayo sa nasabing Subukin
  • 10. lunsod ay lubos kang namangha dahil halos lahat ng wika na iyong narinig mula sa iba’t ibang lugar ay umuusbong. Isinaalang-alang nila ang tungkol sa idyolek, sosyolek, at diyalek ng pangkat ng tao sa nasabing lunsod. a. unang wika c. wikang bilinggwalismo b. pangalawang wika d. lingguwistikong komunidad 8. Masarap pakinggan habang nagkukuwento ang iyong bagong kaklase sa kanyang mga masasayang karanasan sa dating paaralan na kanyang pinasukan sa South Cotabato dahil naririnig at sinasambit pa rin ng kanyang mga labi ang ilang salita ayon sa wika na kanyang nakagisnan. a. lingguwistikong komunindad c. pangalawang wika b. wikang opisyal d. unang wika 9. Ipinanganak sa bansang Pilipinas ang inyong kapitbahay na nakapagtapos ng Senior High School sa Amerika. Kaya naman, nang maisip ng kanyang mga magulang na bumalik sa Pilipinas at paaralin ito sa GSCNSAT main ay agad naman siyang pumayag dahil naniniwala siya na sa kanyang pagbalik ay kaya niya pa ring makipag-usap sa mga taong napabilang sa iba’t ibang pangkat, dahil kahit nasa Amerika siya ay nakikinig at nanonood siya ng iba’t ibang programang pantelebisyon na gawang pinoy. a. wikang opisyal c. pangalawang wika b. wikang pambansa d. wikang register 10. Si Abegail na bago mong kaklase ay ipinanganak at lumaki sa bansang China, ngunit ang kanyang mga magulang ay purong Pinoy. Nang magkaroon ng malaking problema ang kanilang pamilya ay naisip ng kanyang mga magulang na bumalik sa bansang Pilipinas at magtayo ng negosyo sa lunsod ng Heneral Santos. Sa kasalukuyan, ay pinapaaral siya ng kanyang mga magulang sa mataas na paaralan ng GSCNSAT main. Sa kadahilanang lumaki siya sa bansang China ay hindi pa siya bihasa sa paggamit ng Wikang Filipino, kaya naisipan ng kanyang mga magulang na kumuha ng tutor upang magabayan at maturuan siya sa paggamit at pagsasalita gamit ang Wikang Filipino. a. lingguwistikong komunidad c. unang wika b. wikang opisyal d. pangalawang wika 11. Kasalukuyan ninyong pinag-aaralan ang asignaturang may kaugnayan sa ating kasaysayan. Nabibighani ka sa pagkakalahad ng mga nasabing mahalagang pangyayari sa ating bansa dahil ang inyong guro ay gumagamit ng wika na makatutulong upang mas matatamo ang antas ng edukasyon. a. wikang pambansa c. wikang opisyal b. wikang panturo d. wikang register 12. Nagkakagulo ang iyong mga kaklase habang papunta sila ng kantina dahil hindi sila nagkakaunawaan sa kanilang pinag-uusapan. Kaya
  • 11. naman, nagbigay ng suhestiyon ang isa nilang kasamahan na gumamit ng Wikang Filipino upang sila ay magkakaintindihan. a. wikang panturo c. unang wika b. pangalawang wika d. wikang opisyal 13. Habang kayo ay gumagawa ng inyong eksperimento sa laboratoryo ay napapansin mo ang mga salitang ginagamit ng inyong mga guro ay may kaugnayan sa mga kagamitan at kemikal na makikita sa nasabing laboratoryo. a. wikang pambansa c. wikang opisyal b. wikang register d. unang wika 14. Nakamamangha ang inyong guro sa Understanding Culture Society and Politics dahil kahit ipinanganak at lumaki siya sa Pilipinas ay kaya niyang gumamit ng mahigit sa sampung uri ng salita. Marahil, dahil siya ay nag-aral at nakapaglibot na sa iba’t ibang bansa. a. wikang panturo c. unang wika b. pangalawang wika d. multilingguwalismo 15. Napakasarap mamuhay sa isang komunidad na malaya kang makapag-isip, malaya kang mapagbahagi ng iyong mga opinyon at malaya kang makipag-usap sa mga taong nakatira kahit na sila ay napabilang sa iba’t ibang pangkat ay malayang makagagamit ng kanilang wikang kinagisnan. a. unang wika c. pangalawang wika b. lingguwistikong komunidad d. multilingguwalismo
  • 12. Aralin 1 Mga Konseptong Pangwika Balikan Kumusta po? Nasagot mo ba ang mga katanungan sa Subukin? Ang lahat ng mga katanungan ay may kaugnayan sa mga konsepto ng wika na tinalakay noong nakaraang linggo. Pinag-aralan mo na ang mga ito at binigyan ng mga halimbawa. Kaya, naniniwala akong handa ka na sa ating mga gagawin sa linggong ito. Ngunit bago natin ipagpatuloy ang ating mga gawain ay bibigyan muna kita ng isang katanungan. Handa ka na ba? Bilang isang mamamayan, naniniwala ka bang mahalaga ang wika sa araw-araw na pakikisalamuha? Bakit? Ang wika ay daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi, at lipunan. Ibig sabihin, nasa wika ang tanging paraan upang maisalin ang kaalaman, karanasan, at alaala ng isang lahi o lipi at lipunan sa iba. Ayon nga kay Hutch, 1991, ang wika ay isang sistema ng mga tunog, o arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao. Ngunit, paano nga ba natin maiuugnay ang mga konseptong pangwika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay? Tuklasin natin sa mga susunod na gawain.
  • 13. Mga Tala para sa Guro Ang Modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang lubusang matuto at maunawaan ang pinakamahalagang layunin ng pampagkatuto. Naglalaman din ito ng mga gawain at pagsasanay upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral.
  • 14. Tuklasin Sa Aking Alaala! Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Mga katanungan: 1. Ano ang nakikita mong pangyayari sa bawat larawan? 2. Anong instrumento ang kanilang ginamit upang sila ay magkaunawaan? 3. Paano sila nakikipag-usap sa isa’t isa? 4. Sa palagay mo, maaari bang magkaroon ng ugnayan ang mga larawan? Sa paanong paraan?
  • 15. Suriin Ngayon ay atin munang balikan ang ating nalalaman tungkol sa kahulugan ng mga konseptong pangwika. Handa ka na ba? Tinalakay na natin sa unang lingo ang pagpapakahulugan ng mga konsepto ng wika. Ngayon ay lalo pa nating unawain ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa bawat isa. Narito ang kahulugan ng mga konsepto ng wika. a. Wika- binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon upang magkaunawaan. b. Wikang Pambansa- ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayan. c. Wikang Panturo- ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon. d. Wikang Opisyal- ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan at sa politika, sa komersiyo at industriya. e. Bilingguwalismo- magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na asignatura. f. Multilingguwalismo- paggamit ng maraming wika ng isang indibidwal. g. Register- baryasyon batay sa gamit at estilo
  • 16. h. Homogenous- ipinapahayag na may iisang katangian ang wika tulad ng language universals i. Heterogenous- iba-iba ang gamit, layunin, at gumagamit. Iba-iba ang wika dahil sa lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal, at edukasyon na katangian ng isang partikular na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika. j. Lingguwistikong komunidad- may kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika. Isinaalang-alang din ang tungkol sa idyolek, sosyolek at diyalek ng pangkat ng tao sa isang komunidad. k. Unang wika- wikang natutuhan ng isang tao mula noong kaniyang kapanganakan. l. Pangalawang wika- iba pang wikang pinag-aaralan o natutuhan maliban sa unang wika. - mula sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Pagyamanin Oops, Teka Lang! Nagagalak ako sa iyong magandang pagganap sa mga gawain. Ipagpatuloy mo lamang ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na gawain. A. Panoorin ang isang usapan ng magkakabarkada sa https://www.youtube.com/watch?v=lFa2FDaj0jA hango sa isang pormal na
  • 17. usapan nina Mareng Winnie at Mayor Vico Sotto at sagutin ang mga sumusunod na tanong. a. Anong uri ng wika ang ginamit nina Mayor Vico Sotto at Maring Winnie? b. Tamang wika ba ang ginamit ng dalawang tauhan?Bakit? c. Iugnay ang wika na kanilang ginamit sa wikang ginagamit mo sa kasalukuyan kapag nakikipagtalastasan sa mga kaibigan, pamilya, at mga guro sa pamamagitan ng isang dayagram. B. Balikan ang mga napanood mong teledrama sa telebisyon. Ano ang napansin mo sa paraan ng kanilang pag-uusap, maaari mo ba itong isulat sa loob ng kahon?
  • 18. Isaisip Isip-isip! Magkakaugnay ba? Mula sa iyong napanood na teledrama at video clip, maging sa mga video na iyong napanood ay mayroon bang pagkakatulad ang wikang ginagamit natin sa kasalukuyan at ang wika na kanilang ginamit?
  • 19. Isagawa Binabati kita! Malapit mo ng matapos ang modyul na ito. Ngunit, bago tayo magtatapos ay maaari bang pumili ng isang palabas na napanood mo at isulat ang mga sitwasyong pangwika batay dito. Tayahin Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang konseptong pangwika na kinabibilangan ng bawat pahayag o sitwasyon. 1. Kasalukuyan ninyong pinag-aaralan ang asignaturang may kaugnayan sa ating kasaysayan. Nabibighani ka sa pagkakalahad ng mga nasabing mahalagang pangyayari sa ating bansa dahil ang inyong guro ay gumagamit ng wika na makatutulong upang mas matatamo ang antas ng edukasyon. a. wikang pambansa c. wikang opisyal b. wikang panturo d. wikang register 2. Habang papasok ka ng inyong silid-aralan ay dinig na dinig mo na ang ingay sa loob ng inyong silid. Mayroong naghihiyawan, naghahalakhakan at nagtatawanan. a. wikang opisyal c. wikang bilinggwalismo b. wikang multilinggwalismo d. wikang homogenous
  • 20. 3. Habang kayo ay gumagawa ng inyong eksperimento sa laboratoryo ay napapansin mo ang mga salitang ginagamit ng inyong mga guro ay may kaugnayan sa mga kagamitan at kemikal na makikita sa nasabing laboratoryo. a. wikang pambansa c. wikang opisyal b. wikang register d. unang wika 4. Napakasarap mamuhay sa isang komunidad na malaya kang makapag-isip, malaya kang mapagbahagi ng iyong mga opinyon at malaya kang makipag-usap sa mga taong nakatira kahit na sila ay napabilang sa iba’t ibang pangkat ay malayang makagagamit ng kanilang wikang kinagisnan. a. unang wika c. pangalawang wika b. lingguwistikong komunidad d. multilingguwalismo 5. Masarap pakinggan habang nagkukuwento ang iyong bagong kaklase sa kanyang mga masasayang karanasan sa dating paaralan na kanyang pinasukan sa South Cotabato dahil naririnig at sinasambit pa rin ng kanyang mga labi ang ilang salita ayon sa wika na kanyang nakagisnan. a. lingguwistikong komunindad c. pangalawang wika b. wikang opisyal d. unang wika 6. Narinig mo ang iyong mga gurong nag-uusap sa ilalim ng punong acasia habang naglalakad ka papuntang silid-aklatan. Pinag-uusapan nila ang oras at petsa ng pagpasa ng kanilang banghay-aralin o lesson plan, na kung saan isa sa mga napakahalagang bagay na dapat meron ang mga guro bago magturo. Anong konseptong pangwika ang kinabibilangan ng salitang lesson plan? a. unang wika c. pangalawang wika b. wikang opisyal d. wikang register
  • 21. 7. Ginagamit ng isa mong kaklase ang wika na kanyang nakagisnan ayon sa isang kagamitan at isang gamit lamang. a. wikang heterogenous c. wikang homogenous b. wikang opisyal d. wikang bilinggwalismo 8. Kasalukuyang nagaganap ang SONA ni Pangulong Duterte, at libo- libong tao mula sa iba’t ibang pangkat o grupo ang nanonood at nakikinig. a. wikang bilinggwalismo c. wikang panturo b. wikang opisyal d. wikang pambansa 9. Si Abegail na bago mong kaklase ay ipinanganak at lumaki sa bansang China, ngunit ang kanyang mga magulang ay purong Pinoy. Nang magkaroon ng malaking problema ang kanilang pamilya ay naisip ng kanyang mga magulang na bumalik sa bansang Pilipinas at magtayo ng negosyo sa lunsod ng Heneral Santos. Sa kasalukuyan, ay pinapaaral siya ng kanyang mga magulang sa mataas na paaralan ng GSCNSAT main. Sa kadahilanang lumaki siya sa bansang China ay hindi pa siya bihasa sa paggamit ng Wikang Filipino, kaya naisipan ng kanyang mga magulang na kumuha ng tutor upang magabayan at maturuan siya sa paggamit at pagsasalita gamit ang Wikang Filipino. a. lingguwistikong komunidad c. unang wika b. wikang opisyal d. pangalawang wika 10. Nagkakagulo ang iyong mga kaklase habang papunta sila ng kantina dahil hindi sila nagkakaunawaan sa kanilang pinag-uusapan. Kaya naman, nagbigay ng suhestiyon ang isa nilang kasamahan na gumamit ng Wikang Filipino upang sila ay magkakaintindihan. a. wikang panturo c. unang wika b. pangalawang wika d. wikang opisyal
  • 22. 11. Nakamamangha ang inyong guro sa Understanding Culture Society and Politics dahil kahit ipinanganak at lumaki siya sa Pilipinas ay kaya niyang gumamit ng mahigit sa sampung uri ng salita. Marahil, dahil siya ay nag-aral at nakapaglibot na sa iba’t ibang bansa. a. wikang panturo c. unang wika b. pangalawang wika d. multilingguwalismo 12. Kilala ang Heneral Santos na isa sa mga umuunlad na lugar sa Rehiyon Dose. Kaya naman, naisipan ng iyong mga magulang na lumipat kayong pamilya sa nasabing lungsod. Nang makarating na kayo sa nasabing lunsod ay lubos kang namangha dahil halos lahat ng wika na iyong narinig mula sa iba’t ibang lugar ay umuusbong. Isinaalang-alang nila ang tungkol sa idyolek, sosyolek, at diyalek ng pangkat ng tao sa nasabing lunsod. a. unang wika c. wikang bilinggwalismo b. pangalawang wika d. lingguwistikong komunidad 13. Lubos mong ikinagulat nang dumating kayo sa Lunsod ng Heneral Santos dahil sa maraming wika ang maaaring gamitin ng mga tao, ayon sa layunin at sa gumagamit. a. wikang register c. wikang opisyal b. wikang heterogenous d. wikang panturo 14. Ang iyong guro sa matematika ay kasalukuyang nagtuturo at dinig na dinig mong gumagamit siya ng Wikang Ingles at Wikang Filipino upang maipaliwanag nang maayos ang paksa na inyong tinatalakay. a. wikang panturo c. wikang register b. wikang heterogeneous d. wikang bilinggwalismo
  • 23. 15. Ipinanganak sa bansang Pilipinas ang inyong kapitbahay na nakapagtapos ng Senior High School sa Amerika. Kaya naman, nang maisip ng kanyang mga magulang na bumalik sa Pilipinas at paaralin ito sa GSCNSAT main ay agad naman siyang pumayag dahil naniniwala siya na sa kanyang pagbalik ay kaya niya pa ring makipag-usap sa mga taong napabilang sa iba’t ibang pangkat, dahil kahit nasa Amerika siya ay nakikinig at nanonood siya ng iba’t ibang programang pantelebisyon na gawang pinoy. a. wikang opisyal c. pangalawang wika b. wikang pambansa d. wikang register Maraming salamat dahil natapos mo ang mga gawain ayon sa oras na itinakda. Karagdagang Gawain Panuto: Mula sa dalawang gawain, mamili lamng ng isa batay sa iyong sariling kakayahan. A. Para sa mga may kakayahang gumamit ng online site. Panoorin ang video mula sa https://www.youtube.com/watch?v=ZTN05QbNiLc at pagkatapos mapanood ay bumuo ng venn dayagram na nagpapakita ng kaugnayan ng wikang ginamit sa napanood at sa mga konsepto ng wika. Gamiting gabay ang rubric na nasa ibaba.
  • 24. 20 • Napakaraming naisulat sa pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng dalawang pinaghahambing. • Napakalinis at napakalinaw ng pagkakasulat sa paghahambing. • Talagang nasunod ang panuto at nagdagdag pa ng mga patunay. 15 • Maraming naisulat sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang katangiang pinaghahambing. • Malinaw ang pagkakasulat sa paghahambing, mababakas ang malinis na pagbubura sa ilang salitang pinalitan. • Nasunod ang panuto. 10 • Nakasulat ng kaunting pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng pinaghahambing. • Bahagyang magulo at marumi ang pagkakasulat ng paghahambing. • Nasunod ang panuto subalit kulang sa kalidad. 5 • Tig-isa lamang ang naisulat sa paghahambing. • Marumi at di sigurado sa isinulat. • Hindi nagtanong sa guro upang matulungan pa sa paghahambing.
  • 25. B. Para sa mga hindi makapanood ng video sa youtube ay maaring magmasid ka sa usapan ng iyong pamilya sa bahay. Bumuo ng venn dayagram nagpapakita ng kaugnayan ng wikang ginamit sa bahay at sa mga konsepto ng wika.
  • 26. Sanggunian Aklat:  Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Jocson, M.O. Vibal Group, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City . 2016  Pluma- Wika at Pagbasa para sa Batang Pilipino; Mga Rubric Para sa mgaa Gawaing Pangkasanayan; Phoenix Publishing House Incorporation, Quezon City, 2000 Online Site:  https://www.youtube.com/watch?v=ZTN05QbNiLc Susi sa Pagwawasto Subukin 1. C 2. D 3. C 4. B 5. C 6. D 7. D 8. D 9. C 10.D 11.C 12.D 13.C 14.D 15.C
  • 27. PAHATID-LIHAM Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management System (LRMS) Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email Address: region12@deped.gov.ph