1. MGA GABAY SA PAGHUBOG NG
KAGANDAHANG ASAL SA ANAK
5. Ang Pagpuri Sa Bata
o Bigyan ng pansin ang mga bagay
na natutuhan ng bata.
o Ang pagpapakita ng inyong
paghanga at pagmamalaki sa
kanyang mga nagawa ay sapat na
upang madama niya ang inyong
paghanga
2. 6. Pananakit Sa Kapwa
o Laging ipapaalala sa bata na hindi tama
ang manakit sa kapwa.
o Kailangang ipaalam sa kanya na hindi
tama ang ganitong gawain upang hindi nia
ito makamihasnan.
3. 7. Pagsasalita ng Malakas
o Laging punahin at sawayin ang
batang malakas magsalita,mahilig
sumigaw o tumili.
o Kung ang paulit ulit ninyong
pagpansin sa malakas niyang boses
ay hindi niya sinusunod,
makabubuting patingnan siya sa
doktor at baka may kapansanan ang
kanyang pandinig.
4. 8.Pagsasalita ng Masama
o Ang salitang masama ay
karaniwang naririnig at natutuhan ng
mga bata sa mga kasama sa bahay,
sa TV at sa mga tao sa paligid niya.
o Pagsabihan at pigilin ang bata
upang hindi mamihasa at hindi nito
dalhin sa kanyang paglaki.
5. 9. Ang Batang Bugnutin
o Pansinin at pagsabihan ang
batang madaling mag init ang ulo,
barumbado,lumalaban,
sumasagot, nang pabalang-balang
at naghahampas kapag
pinagsabihan ng magulang o ng
kasambahay.
o Ipamulat sa bata ang pagsunod at
paggalang sa awtoridad.
6. 10. Ang Pagsisinungaling
o Turuan ang bata na maging
matapat sa kanyang mga
sinasabi at bigyang diin sa
kanya na masama ang
pagsisinungaling.
o Laging paalalahanan ang bata
na ang pagiging matapat sa
mga sinasabi ay marangal at
hinahangaan ng lahat.
7. 11. Ang Kababaang-loob
o Ipamulat sa bata ang
kababaang loob.
o Huwag pamihasahin ang bata
na “magbuhat ng kanyang
sariling bangko”
o Ang mga bagay na ito ay
madaling matututuhan ng bata
kung makikita niya ang
magandang halimbawa ng
magulang.
8. o Sa paglalaro, turuan ang bata ng
mapag kumbabang pagtanggap ng
pagkatalo.
o Maipakikita ang pagtanggap ng
pagkatalo o sportmanship sa
pamamagitan ng pagkamay sa kalaro.
12. Sportmanship o Maluwag sa Loob na
Pagtanggap ng Pagkatalo
9. 13. Pakikisama sa Ibang Tao
o Sa tahanan unang natututunan ang
pakikisama sa ibang tao.
o Umpisahang turuan ang bata ng pagtulong
sa mga kasama sa bahay habang siya ay
maliit pa.
o Sa kanyang paglaki,makakagiliwan, at
hahangaan siya sa kanyang magandang
pakikisama sa ibang tao
10. 14. Pakkitungo sa mga Taong May
Kapansanan
o Ituro sa bata ang pagiging maunawain
sa mga bagay na hindi kayang gawin ng
taong may kapansanan at ituro din ang
wastong pakikitungo sa mga taong
katulad nito.
a.)Ipaliwanag sa bata na ang taong may
kapansanan ay mayroon ding kahanga
kahangang mga katangian na tulad ng sa
normal na tao.
11. TAMANG PAKIKITUNGO SA TAONG
MAY KAPANSANAN
1. Sa taong naka wheel chair,
huwag itulak ang wheel chair
nito nang hindi humihingi ng permiso
sa taong nakasakay dito.
12. TAMANG PAKIKITUNGO SA TAONG
MAY KAPANSANAN
2. Sa taong hindi nakakarinig o bingi,
kausapin ito nang nakaharap sa kanya
upang mabasa nito ang buka ng inyong
bibig, ekspresyon ng mukha at galaw ng
katawan para mas madali niyang
maintindihan.
13. 3. Huwag gugulatin ang taong bulag sa
pamamagitan ng pagtatago at biglang
pagsigaw
4. Sa mga taong may ibang
kapansanan na may kasa kasamang
guide dog o asong tumutulong sa
kanya,huwag hawakan,
tuksuhin,tawagin,o kausapin ang
hayop.
Ang buhay ng taong iyon ay
nakasalalay sa kanyang guide dog at
hindi dapat mawala ang atensyon nito
sa alagang tao na may kapansanan.
TAMANG PAKIKITUNGO SA TAONG
MAY KAPANSANAN