1. ILAN PANG TALA TUNGKOL
SA ILOILO
Ang Lalawigan ng Iloilo ayon kay Campos(1990) ay may hatid na ligaya sa
mga turista. Marami ang mga pook na pang-akit, magandang tanawin,
matatandang simbahan at mga bahay, makasaysayang pook, namumukod
na sining, makukulay na kaugalian, at masisiglang pista.
Higit sa lahat, ang Iloilo ay pinanahanan ng masisigla at magigiliwing mga
tao, Ang wika ng mga Ilonggo ay Hiligaynon na may iba-iba ring varayti.
Ang lalawigan ay may kaluwagang laan sa mga turista at manlalakbay.
Sa kasalukuyan ay isang makabagong paliparan ang ipinagmamalaki ng
mga Ilonggo. May mga hotel na hindi rin magpapahuli sa ibang siyudad sa
Pilipinas.
2. WIKA
Ang wika ng mga Ilonggo ay Hiligaynon. Ang Hiligaynon ay may varyti depende
sa bayan ng Iloilo. Karay-a ang isa sa mga dayalekto ng Hiligaynon na may
pinakamaraming tagapagsalita.
Mga Pamahiin, Paniniwala, at Kaugalian ng mga Ilonggo
Tungkol sa Pagdadalan-tao
1. Sa panahon ng paglilihi o "panamkon," kinakailangang ipagkaloob lahat ng lalaki ang
anumang pagkaing mahihiling ng babae sapagkat kung hindi, tiyak na makukunan ang
kanyang asawa.
2. Hindi maaaring magsuot ng kuwintas o maggantsilyo ang isang babaing nagdadalang-tao
sapagkat maaaring maging mahaba ang pusod ng bata at ito ay magiging sanhi ng
kamatayan nito. Ipinagbabawal, din ang pagsusuot ng beads sa leeg o kamay o anuman
na lumilikha ng ganap na bilog. Ipinalalagay na ang saradong bilog ay may masamang
epekto sa isang buntis.
3. 3. Kung lalabas ng bahay sa hapon, kinakailangang maglagay ng tuwalya, patadyong o anumang
bagay sa ulo. Pinaniniwalaang ang isang babaing nagdadalang-tao ay tila isang transparanteng
baso sa paningin ng isang aswang at ang batang nasa loob ng tiyan niya ay lantad sa mata nito.
4. Huwag maupo o mahiga sa may pintuan o hagdanan ng bahay kung nagdadalang-tao pagkat ito
ay maaaring magbunga ng mahirap na panganganak. Hindi dapat magpatawing-tawing sa baitang
ng hagdan.
5. Bawal ang magpalitrato.
6. Ipinagbabawal rin ang pagtingala kung kabilugan ng buwan o kung may eklipse sapagkat baka
magkaroon ng pinsala ang magiging anak, gaya ng pagiging bingot (harelip).
7. Huwag pagtatawanan ang bulag, sungi, o duling at baka sa ganito ay magkakaroon ng kapansanan
ang magiging anak.
8. Huwag paglihian ang mga santo at santa dahil baka mapipi ang magiging anak. Hindi rin mabuting
paglihian ang manyika sa gayong kadahilanan din.
9. Ang babaing buntis ay pinapayuhang tumingin sa mga larawan ng magagandang bata upang ang
kanyang sanggol ay magkaroon din ng magandang kaanyuan. Sa panahon ng kanyang paglilihi,
ang kulay ng pagkaing kanyang kinahuhumalingan ay makakaapekto sa magiging kulay ng kanyang
sanggol. Huwag kakain ng maitim na pagkain tulad ng duhat dahil magiging maitim ang bata.
Kung ibig namang magkaroon ng batang maputi ang kulay, dapat kumain ang naglilihi ng
mapuputing pagkain tulad ng buko, singkamas, at siopao.
4. 10. Ang babaing kumain ng kambal na prutas ay manganganak ng kambal, na
maaaring praternal o identikal. Ang praternal na kambal ay siyang bunga ng
pagkakain ng ina ng ilang uri ng kambal na prutas. Samantalang ang identikal
na kambal ay ipinanganak ng isang inang kumain ng kambal na saging o
anumang prutas na nabibilang sa isang uri.
11. Ang babaing buntis ay di dapat magpagupit ng kanyang buhok sapagkat
maaring manganak siya ng isang sanggol na walang buhok.
12. Ang babaing maaari pang manganak ay hindi hinahayaang kumain ng mga
prutas na hindi pa gaanong napoporma sa takot na makunan ito, gaya ng
paniniwala sa Baryo Sambag, Jaro.
13. Sa munisipyo ng Guimbal ay sinusunod ang paniniwalang ito: Ang isang
bahay ay hindi maaaring kumpunihin kapag ang ina ng tahanan ay buntis
sapagkat tiyak na maghihirap ito sa panganganay.
14. Upang hindi mahirapan sa panganganak, ang babaing buntis ay lumalabas ng
bahay bago sumakabilang-buhay ang naghihingalo.
5. Tungkol sa Pagsisilang ng Sanggol
1. Kapag ang panganganay ay mahirap, ang asawa ng babae o sinuman sa pamilya
ay bababa ng bahay na dumaraan sa bintana at gumagamit ng kawayan bilang
pinakahagdanan. Ang mga mata ay nakatingala sa itaas samantalang ang kamay
ay nakahandang hawakan o kunin ang anumang bagay na madadampot sa lupa.
Ang bagay na madampot ay pinakukuluan sa tubig at kinukuha ng ina.
Ang kaugaliang ito ay sinasabing makapagpapagaan at makakapagpadali sa
panganganak ng ina.
2. Kapag ang panganganak ay mahirap, inaakala na ang babae ay may nagawang
kasalanan na malulunasan kapag nangako siyang magtitika ng kanyang nagawa
sa harap ng pinagkasalanan. O di kaya naman ay pinabababa nang pagapang,
una ang ulo ng asawang lalaki sa may hagdanan.
3. Ang ina ay binibigyan ng masustansiyang pagkain kapag siya ay nanganganay.
Siya ay pinakakain ng hilaw na pula ng itlog na pinaniniwalaang magsisilbing
lubrikante upang madaling lumabas ang bata.
6. 4. Ang pagkulapol ng puti ng itlog sa sikmura ng buntis na babae sa panganganay nito ay
magpapagaan at magpapadali sa kanyang panganganak.
5. Pagkatapos na mailabas ang bata, iniitsa ito nang paitaas nang dahan- dahan ng
komadrona. Sa paggawa nito, ang bata ay hindi malulula o mahihilo sa pagtungo sa
matataas na lugar.
6. Sa Baryo Balantang, Jaro, pagkalabas na ng bata, ang puso ng saging ay ipinapahid sa labi
nito upang hindi ito maging maitim.
7. Ang mga hipon at ulang, sariwa pa mula sa tubig ay ipinapahid sa bibig ng bagong silang na
anak. Sa pamamagitan nito, ang bata raw ay magiging masigla at maliksi.
8. Kapag ang isang bata ay ipinanganak nang nauuna ang mga paa. ipinalalagay na ito ay
magkakaroon ng kapangyarihang makalunas sa mga natinik sa lalamunan. Ang tawag dito
ay suli sa Ilonggo at suwi naman sa mga Tagalog.
7. 9. Sa pagsilang ng isang bata, ang mga matatanda ay naniniwala sa mga ilang
palatandaan at kalagayan at hinuhulaan ang magiging kapalaran ng bata.
a. Ang bata halimbawa na ipinanganak sa gabi ay matapang at di
katatakutan ang dilim at anumang panganib sa hinaharap.
b. Ang batang ipinanganak sa araw ay magiging mahina.
c. Angpagsilang ng isang sanggol na may kapinsalaan ay pinaniniwalaang
maghahatid ng suwerte sa pamilya.
d. Kapag ang bata ay slit-eyes at lubhang tahimik, ito ay malamang na
makahumalingan ng mga tamawo o mga diwata at kung ito ay maging
dalaga na ay pipintuhuin ng mga ito.
e. Suwerte raw ang pagsisilang ng tatlong anak na lalaki nang sunud-sunod.
f. Ang pagsilang ng unang anak na lalaki ay tiyak na maghahatid ng suwerte
sa kanyang mga magulang.mabawi niya ang kaniyang lakas.
8. 10. Sabaw ng manok ang idinudulog sa bagong kapapanganak na ina upang
11. Sa loob ng siyam na araw pagkatapos ng panganganak, ang nagpapasusong ina ay
umiiwas sa pagkain ng nilagang berdeng saging at "calocalo" o sinangag na kanin sapagkat
ang mga pagkaing ito ay inaakalang makababawas ng gatas ng ina.
12. Pagkapanganak ng ina, kinakailangan siyang kumain ng iba't ibang prutas upang
magkaroon ng maraming gatas.
13. Sinisikap ng bagong kapapanganak na ina na gumawa nang kaunti ng mga mabibigat na
trabaho sa bahay, gaya ng paglalaba ng damit, pag-sisibak ng kahoy, at pag-iiigib ng tubig
upang ang lahat ng trabaho ng ganitong uri sa kalaunan ay hindi magiging sanhi ng
pagkabinat na kung minsan ay nauuwi sa lalo pang kapinsalaan. Ang kaugaliang ito ay
tinatawag na "padungan."
14. Ang unang paligo ng ina ay may mga sangkap ng pinakuluang dahon ng pomelo, bunlao,
alibjon, at tanglad. Ito ay ginagawa upang di-umano ay hindi mabinat ang ina.
9. 15. Sabaw ng manok ang idinudulog sa bagong kapapanganak na ina upang mabawi niya ang
kaniyang lakas.
16. Sa loob ng siyam na araw pagkatapos ng panganganak, ang nagpapasusong ina ay
umiiwas sa pagkain ng nilagang berdeng saging at "calocalo" o sinangag na kanin sapagkat
ang mga pagkaing ito ay inaakalang makababawas ng gatas ng ina.
17. Pagkapanganak ng ina, kinakailangan siyang kumain ng iba't ibang prutas upang
magkaroon ng maraming gatas.
18. Sinisikap ng bagong kapapanganak na ina na gumawa nang kaunti ng mga mabibigat na
trabaho sa bahay, gaya ng paglalaba ng damit, pag-sisibak ng kahoy, at pag-iigib ng tubig
upang ang lahat ng trabaho ng ganitong uri sa kalaunan ay hindi magiging sanhi ng
pagkabinat na kung minsan ay nauuwi sa lalo pang kapinsalaan. Ang kaugaliang ito ay
tinatawag na "padungan."
19. Ang unang paligo ng ina ay may mga sangkap ng pinakuluang dahon ng pomelo, bunlao,
alibjon, at tanglad. Ito ay ginagawa upang di-umano ay hindi mabinat ang ina.