Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- jovelyn valdez
malalaman sa presentasyong ito ang layunin, Kahulugan, dalawang uri ng paglalarawan, mga halimbawa mga tatlong paraan ng paglalarawanmga kahingian sa epektibong paglalarwan, mga katangian ng mabisang paglalarawan, mga salik at elemento ng paglalarawan, mga katangian ng isang mabisang paglalarawan...

PANUNURING PAMPANITIKAN
Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-tanging kritikong panitikang Filipino noong kanilang panahon.
Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.
Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.
Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika: Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa kritika?
Panunuring Pampanitikan Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.
Ito ay may dalawang sangay
1. Pagdulog
a. pormalistiko o pang-anyo.
b. moralistiko
c.sikolohikal
d. sosyolohikal
2. Pananalig
a. klasisismo
b. romantisismo
c.realismo,
d. naturalismo
e. impresyunalismo
f. ekspresyunalismo
g. simbolismo
h. eksistensiyalismo
i. peminismo
Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.
4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.
Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M. Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa Katutubong Wika sa Pilipinas. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
5. Sa pagsusuri ng tula, ang pana
Pagtalakay sa Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Tekstong Impormatibo
Ang tekstong impormatibo na kung minsan ay tinatawag na ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.
Naglalahad ito ng kwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari. Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan sa diksyunaryo, encyclopedia, almanac, papel-pananaliksik, sa mga journal, siyentipikong ulat at mga balita sa radyo at telebisyon.
Tekstong Deskriptibo
o May layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, karanasan at iba pa
o May malinaw at pangunahing impresyon na iniiwan sa mga mambabasa
o Ito ay maaring Obhetibo o Subhetibo
OBHETIBO- may direktang pagpapakita ng katangian ng makatotohanan at di mapasusubaliang paglalarawan
SUBHETIBO- May pagkiling sa sariling damdaming ipinahahayag at kinapapalooban ng matalinhagang paglalarawan.
o Mahalagang maging ispesipiko at naglalaman ng konkretong detalye
Tekstong Naratibo
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o say. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa

2. ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO?
• Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o
kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa,
pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng
mga detalye na kanyang nararanasan.
• Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay,
pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng
mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.
3. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN
LAYUNIN: Ang paglalarawan ay may layuning makapagpamalas sa isip ng
tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong larawan.
KAHALAGAHAN:
Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil mas nakatutulong ito upang
mas malawak na maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na nais
ipaisip o iparating ng manunulat. Nakakatulong ito upang mas malawak
maipagana ang imahinasyon ng mambabasa. Mas madaling maiintindihan
at ang tekstong binabasa kung malinaw ang pagkakalarawan ng
manunulat.
4. PARAAN NG PAGLALARAWAN
Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga
impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay,
lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga
tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.
Batay sa PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig
Batay sa NARARAMDAMAN - bugso ng damdamin o personal na
saloobin ng naglalarawan.
Batay sa OBSERBASYON - batay sa obserbasyon ng mga nagyayari.
5.
6. KARANIWAN
Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon
ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
Sa Karaniwang Paglalarawan:
Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi
dapat isinasama
Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang
panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga partikular
na detalye sa payak na paraan
7. KARANIWAN
Halimbawa #1
Maganda si Matet. Maamo ang mukha lalo pang
pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi. Mahaba ang ang
kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang.
Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng
kanyang taas.
Halimbawa #2
Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang
katawan at pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay mukhang
bata kaysa sadya niyang gulang. Ang kanyang pagmumukha ay
palaging anyong banal.
8. MASINING
Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan
batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili ang
mga ginagamit na salita sa paglalarawan, kabilang na ang paggamit ng
mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma.
Sa Masining na Paglalarawan:
Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng imah
inasyon, pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay.
may layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o
mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o
sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan
9. MASINING
Halimbawa #1
Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet.
Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang
kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang
buhok na bumagay naman sa kainggit inggit niyang
katawan at taas.
Halimbawa #2
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang
humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding.
(Mula sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes)
10.
11. WIKA
• Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan
niya ang kagandahan ng kanyang modelo, ang isang manunulat
naman ay wika ang ginagamit upang makabuo ng isang malinaw
at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito
ang pang-uri at pangabay
12. MAAYOS NA DETALYE
Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga
bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao,
bagay, pook, o pangyayari. Kapag maayos ang pagkakalahad ng
mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng
pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon upang
mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inillalarawan.
13. PANANAW NG PAGLALARAWAN
Maaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay,
pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong
naglalarawan. Ang isang pook, halimbawa, ay maaring maganda
sa isang naglalarawan habang ang isa maman ay hindi kung ito ay
nagdulot sakanya ng isang di magandang karanasan.
14. ISANG KABUOAN O IMPRESYON
Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na
larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang
naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o
tagapakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil
sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos
na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng naglalarawan.
.
15. PAGLALAGOM
• Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o
kakintalang likha ng pandama.
• Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan o isang konseptong bisw
al ng mga bagay-bagay.
• kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.
PARAAN NG PAGLALARAWAN
•Batay sa Pandama
•Batay sa Nararamdaman
•Batay sa Obserbasyon
URI NG PAGLALARAWAN:
1.) KARANIWAN - Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon
ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
2.) MASINING - Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay
na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda.
MAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAG
AMIT SA MALINAW NAPAGLALARAWAN
•Wika
•Maayos na detalye
•Pananaw ng paglalarawan
•Isang kabuoan o impresyon
16. Sa mga bulubundukin ng Timog Cotabato ay naninirahan ang isang pangkat-
etnikong kung tawagin ay T’boli. Mapayapa sila at di mapaghinala sa mga
dayuhan. Sila ay may sariling kalinangan at paraan ng pamumuhay. Mapalamuti
at makulay ang kanilang kasuotan. Ang hikaw, kuwintas, at makulay na make-up
ay pahiyas ng kanilang katauhan. Sa lahat ng mga tribu sa Pilipinas, ang T’boli ay
maaaring hirangin bilang isa sa may pinakamakulay sa kasuotan at hiyas at
katawan.
HALIMBAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
17. KALIKASAN
Ang tekstong binasa ay naglalayong makapaglahad ng larawan o
ideya tungkol sa mga katangiang taglay ng pangkat-etnikong T-boli na
matatagpuan sa Timog Cotabato, Mindanao.
KATANGIAN
Ang tekstong binasa ay naglalaman ng mga salita at pangungusap na
ginamit sa paglalarawan ng pamumuhay, pananamit, at pag-uugali ng
mga taong kabilang sa pangkat-etnikong T-boli.
PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA:
18. ANYO
Tekstong Deskriptibo
PAKSA
Katangian ng pangkat-etnikong T’boli
KAISIPANG NAKAPALOOB SA TEKSTO:
Ang pangkat etnikong T’boli ay mayroong mapayapa at simpleng
pamumuhay.
Ang T’boli ay maaaring hirangin bilang isa sa may pinakamakulay sa larangan ng
kasuotan at hiyas at katawan.
PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA:
19. Mahalaga ito…
Sarili – upang magkaroon tayo ng ideya sa kung paano nga ba namumuhay ang
mga pangkat-etnikong tulad ng T’boli sa bansa at mas maisasaisip natin sa kung
ano-ano ang katangiang kanilang taglay.
Pamilya – Upang magkaroon tayong mas malalim na pag-unawa at kaalaman
sa ng mga katutubong etniko na matatagpuan sa bansa.
Komunidad – upang ating mas makikilala ang mga pangkat-etniko na
naninirahan sa ibang lugar na malayo sa lungsod.
SURIIN AYON SA KAUGNAYAN NITO SA:
20. Mahalaga ito…
Bansa –Upang ito ay magsilbing daan tungo sa pagpapaunlad ng ating kultura at
ating tulungan na mas lalo pa itong pagyamanin at pangalagaan.
Daigdig – Upang maipamalas at maipagmalaki natin sa lahat ang galing at talento
ng ating mga katutubong pangkat tulad ng T’boli sa buong daigdig.
Sa kabuuan, ang tekstong ito ay may layuning bigyan tayo ng ideya o konsepto
sa kung paano nga ba namumuhay ang mga pangkat-etnikong tulad ng T’boli sa
Pilipinas.
SURIIN AYON SA KAUGNAYAN NITO SA:
22. Mga pinagkunan:
Marquez, S.T. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teskto tungo sa Panana
liksik. Sibs Publishing House
http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-paglalarawan-na-pagpapaha
yag.html