PANUNURING PAMPANITIKAN Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-tanging kritikong panitikang Filipino noong kanilang panahon. Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935. Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man. Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika: Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa kritika? Panunuring Pampanitikan Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha. Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay 1. Pagdulog a. pormalistiko o pang-anyo. b. moralistiko c.sikolohikal d. sosyolohikal 2. Pananalig a. klasisismo b. romantisismo c.realismo, d. naturalismo e. impresyunalismo f. ekspresyunalismo g. simbolismo h. eksistensiyalismo i. peminismo Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan 1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan. 2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri. 3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad. 4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat. Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M. Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa Katutubong Wika sa Pilipinas. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan 5. Sa pagsusuri ng tula, ang pana