Patungkol ito sa mga parts na meron ang Tekstong Naratibo
May Layunin ito
Meron din itong Katangian at Kahulugan
Lalong lalo na ang Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
Naglalayong patunayan ang isang argumento sa pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika.
Upang maipagtanggol ang argumento, ang tagapagtanggol o manunulat ay kailangang mailahad ng maayos at malinaw ang ebidensiyang batay sa katotohanan upang mahikayat ang tagapakinig o mambabasa.
- ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO?
- LAYUNIN AT KAHALAGAHAN
- PARAAN NG PAGLALARAWAN
- URI NG PAGLALARAWAN
- APAT NA MAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAGAMIT SA MALINAW NA PAGLALARAWAN
- HALIMBAWA
Tekstong deskriptibo. Karaniwan. Masining. Karaniwang bahagi lang ng ibang teksto and tekstong deskriptibo. Gamit ang cohesive devices o kohesyong gramatikal sa pagsulat ng tekstong deskriptibo.
Pagtalakay sa Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Tekstong Impormatibo
Ang tekstong impormatibo na kung minsan ay tinatawag na ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.
Naglalahad ito ng kwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari. Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan sa diksyunaryo, encyclopedia, almanac, papel-pananaliksik, sa mga journal, siyentipikong ulat at mga balita sa radyo at telebisyon.
Tekstong Deskriptibo
o May layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, karanasan at iba pa
o May malinaw at pangunahing impresyon na iniiwan sa mga mambabasa
o Ito ay maaring Obhetibo o Subhetibo
OBHETIBO- may direktang pagpapakita ng katangian ng makatotohanan at di mapasusubaliang paglalarawan
SUBHETIBO- May pagkiling sa sariling damdaming ipinahahayag at kinapapalooban ng matalinhagang paglalarawan.
o Mahalagang maging ispesipiko at naglalaman ng konkretong detalye
Tekstong Naratibo
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o say. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa

Pagbasa sa iabt ibang uri ng teksto.pptxJudeBlanker
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik Layunin nitong paunlarin ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral sa pananaliksik sa pamamagitan ng pagsusuri sa iba’t ibang uri ng teksto at ang kaugnayan ng mga ito sa sarili, pamilya, pamayanan, bansa, at daigdig. Gagabayan ang mga mag-aaral upang makasulat ng isang makabuluhang pananaliksik kaugnay ng isang napapanahong isyu o phenomenon.
Sanaysay
Ito ay hinango sa salitang Pranses na “ESSAYER”, na ang kahulugan ay sumubok o tangkilikin.
Ang sanaysay ay isang uri ng komposisyon na naglalaman ng mga kuro-kuro o opinyon ng may akda. Ito ay nakatuon lamang sa iisang diwa at pananaw, mayroong tiyak na paksa at laging nakasulat sa anyong prosa. Maaring ito ay isinulat upang magbigay ng impormasyon, manghikayat, o para mailahad ang nais ipabatid at nararamdaman ng manunulat.
Kahulugan ng Sanaysay,Dalawang Uri ng Sanaysay,Layunin ng sanaysay,Mga Katangiang Dapat Taglayin Ng Isang Mananaysay,Sangkap ng Sanaysay at Bahagi ng Sanaysay.
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
Ang unang aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat' ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
I. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza (May-akda) at Aurora E. Batnag (Koordineytor)
2. Tekstong Impormatibo- isang babasahing di-
piksiyon. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang
layunin ay makapagbigay ng impormasyon.
Naglalahad ito ng malinaw na paliwanag sa paksang
tinatalakay. Sinasagot nito ang mga tanong na ano,
kailan, saan, sino at paano. Sa ibang terminolohiya
tinatawag din itong “ekspositori”.
3. Iba’t Ibang Hulwaran o Estraktura ng Tekstong
Impormatibo
1. Depinisyon
2. Pagiisa-isa o Enumerasyon
3. Pagsunod-sunod o Order
4. Paghahambing at Pagkokontrast
5. Problema at Solusyon
6. Sanhi at Bunga
7. Klasipikasyon
4. Tekstong Deskriptibo- May layuning maglarawan
ng tao, bagay, lugar, karanasan at iba pa. Naglalayon
itong bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng mga
mambabasa upang mapalutang ang pagkakakilanlan
nito. Ang tekstong ito ay laging sumasagot sa tanong
na “Ano“.
5. Ang deskripsyon ay maaring: batay sa pandama-
nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig;
batay sa nararamdaman- bugso ng damdamin o
personal na saloobin ng naglalarawan; at batay sa
obserbasyon- obserbasyon ng mga nagyayari. May
malinaw at pangunahing impresyon na naiiwan sa
mga mambabasa ito ay maaring Obhetibo o
Subhetibo.
6. Dalawang Paraan ng Paglalarawan
1. Obhetibo- may direktang pagpapakita ng
katangian ng makatotohanan at di mapasusubaliang
paglalarawan.
Halimbawa::
Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang
pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi. Mahaba
ang ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa
baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na
binagayan naman ng kanyang taas.
7. 2. Subhetibo- may pagkiling sa sariling damdaming
pinapahayag at kinapapalooban ng matalinhagang
paglalarawan.
Halimbawa::
Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet.
Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang
kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alonalon
ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-
inggit niyang katawan at taas.
8. Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda
sa paglalarawan?
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang
inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding.
(Mula sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes)
9. Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-
puti, bilog ang katawan at pagmumukha
dahil sa katabaan. Siya ay mukhang
bata kaysa sadya niyang gulang. Ang
kanyang pagmumukha ay palaging anyong
banal.
(Mula sa “Noli Me Ta ngere” ni Jose P. Rizal)
10. Tekstong Naratibo- ang mga mambabasa ay
direktang isinasama ng mga manunulat ng
isang tekstong naratibo at nagiging
saksi sa mga pangyayaring kanyang
isinasalaysay. May iba’t ibang uri ng
naratibo tulad ng maikling kuwento,
nobela, kuwentong-bayan, mitolohiya,
alamat, tulang pasalaysay tulad ng
epiko, dula, mga kuwentong kababalaghan
, anekdota, parabula, science fiction
at iba pa.
11. May iba’t ibang uri subalit may iisang
pagkakapareho: ang bawat isa’y
nagkukuwento o nagsasalaysay.
12. Tekstong Prosidyural- isang espesyal na
uri ng tekstong expositori
(naglalapaliwanag). Naglalahad ng serye
o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain
upang matamo ang inaasahan.
13. Mga dapat taglayin sa pagsulat ng
tekstong prosidyural:
1. May malawak na kaalaman sa paksang
tatalakayin.
2. May malinaw at tamang pagkaka-sunod-
sunod ng dapat gawin.
3. Paggamit ng mga payak ngunit angkop
na salita.
4. Paglakip ng mga larawan o
ilustrasyon.
14. Tekstong Persuweysib- pagpaphayag na
may layuning manghikayat ang mambabasa
na makiayon o tanggapin ang pananaw ng
manunulat. Ito ay isang uri ng di-
piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin
ang mga mambabasa na paniwalaan ang
kaniyang mga sinasabi sa partikular na
paksa.
15. Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi
dapat magpahayag ng mga personal at
walang batayang opinyon ang isang
manunulat. Layon nitong sumang-ayon ang
mga mambabasa at magpakilos ito sa
iisang layunin.
16. Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si
Aristotle ang tatlong paraan ng
panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay
ang sumusunod:
1. Ethos- Ito ay tumutukoy sa
kredibilidad ng isang manunulat. Dapat
makumbinsi ng isang manunulat ang
mambabasa na siya ay may malawak na
kaalaman at karanasan tungkol sa
kanyang isinusulat, kung hindi ay baka
17. 2. Pathos- Tumutukoy ito sa gamit ng
emosyon o damdamin upang mahikayat ang
mambabasa. Ayon kay Aristotle,
karamihan sa mga mambabasa ay madaling
madala ng kanilang emosyon. Ang
paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala
ng mambabasa ay isang epektibong paran
upang makumbinsi sila.
18. 3. Logos– Ito ay tumutukoy sa gamit ng
lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
Kailangang mapatunayan ng manunulat sa
mga mambabasa na batay sa mga
impormasyon at datos na kaniyang
inilatag, ang kaniyang pananaw o punto
ang siyang dapat paniwalaan.
19. Tekstong Argumentatibo- isang uri ng
teksto kung saan kailangan ipagtanggol
ng manunulat ang kanyang posisyon
patungkol sa isang paksa, isyu o
usapin. Ang posisyon ng manunulat ay
nakabatay sa mga ebidensya na maaring
hango mula sa personal na karanasan,
mga literatura, pag-aaral o
pananaliksik.
20. Ang isang mahusay na tekstong
argumentatibo ay nagtataglay ng mga
sumusunod na katangian:
1. Mahalaga at Napapanahon ang Paksa
Ang pagpili ng paksa sa isang
argumentatibo ay mahalaga. Ang tekstong
argumentatibo ay dapat tungkol sa isyu
na napapanahon at makabuluhan. Mahalaga
rin na may interes ang manunulat sa
isang paksa para mabigyan ng magandang
posisyon sa pangangatwiran.
21. 2. Maikli Ngunit Malaman at Malinaw na
Pagtukoy sa Tesis sa Unang Talata ng
Teksto
Ang unang talata ng teksto ay dapat
nagbibigay ng impormasyon sa paksa.
Mababasa dapat dito ang kahalagahan
kung bakit kailangan talakayin ang
napiling paksa. Ang unang talata rin ay
dapat nakakapukaw ng atensyon ng isang
mambabasa.
22. 3. Malinaw at Lohikal na Transisyon sa
Pagitan ng mga Bahagi ng Teksto
Ang transisyon ay tumutukoy sa
pagbubuod ng ideya sa nakaraang bahagi
ng teksto at nagbibigay introduksyon sa
susunod na bahagi ng teksto. Ito ay
nagpapatatag sa pundasyon ng teksto.
Kailangang lohikal na sunod-sunod ang
mga kaisipan sa teksto upang
maintindihan ng mambabasa ang bawat
23. 4. Maayos na Pagkakasunod-sunod ng
Talatang Naglalaman ng mga Ebidensya ng
Argumentatibo
Kinakailangan ding naglalaman ng
ebidensiya ang teksto. Kasabay ng
pagsasaad ng ebidensiya ay kailangang
ipaliwanag ng manunulat ang kanyang
posisyon o opinyon sa mga ito lalo na
kung taliwas ang kanyang paninindigan
sa ebidensiya.
24. 5. Matibay na Ebidensiya Para sa
Argumentatibo
Tandaan na ang tekstong argumentatibo
ay dapat nagtataglay ng tama, detalyado
at napapanahong impormasyon mula sa
pananaliksik. Huwag mag-imbento ng
ebidensiya at banggitin ang pinagmulan
ng ebidensiya.