2. Ang pagdamay sa kapuwa ay isang
gawaing kinalulugdan ng Diyos.Ang
magagandang karanasan sa pagtulong na
naibabahagi sa iba ay maaaring kapulutan
ng magandang halimbawa ng ibang mga
kabataan.
3. Ang Kuwento ni Mina
Kataka-takang
walang imik boung araw si
Lydia. Napansin kong
buong araw ay hindi man
lang siya nakibahagi sa
mga talakayan.
4. Sa mga pangkatang gawain
ay hindi rin siya nakilahok.
Wala man lang ngiti sa
kaniyang mukha. Bakas sa
kaniyang mga mata na siy
ay umiyak. Hindi ako sanay
na makitang ganito si Lydia.
5. Nang lapitan ko siya ay
bigla siyang umiyak. Tinapik
ko ang kaniyang mga balikat
at tumabi sa kaniya.
Nagsimula siyang mag-
kuwento na ngayon ang ika-
isang taon ng pagkamatay ng
kaniyang mahal na tatay.
6. Tahimik kaming dalawa habang
nakaupo pagkatapos niyang
magkuwento na noong buhay pa
ang kaniyang tatay ay hindi nito
nakaligtaang mag-uwi ng
pasalubong mula sa kaniyang
trabaho kahit ito ay kendi lang,
pansit na hindi naubos o di kaya’y
lapis na maaaring gamitin ni
Lydia sa paaralan.
7. Tinapik ko ang
kaniyang balikat sabay
sabi: “Lydia,ganyan
talaga angbuhay.
Lahat tayo ay pahiram
lang sa mundo. Nauna
lang ang tatay mo.
8. Magpasalamat na lang
tayo at minsan ay
naranasan natin ang
pagmamahal ng ating
tatay.May mga bata nga
na hindi pa nila nakita o
nakilala man lang ang
kanilang magulang.
9. 1.Kilalanin mo sina
Mina at Lydia batay
sa binasang
kuwento. Magbigay
ng mga katangian
nilang dalawa.
10. 2. Mula sa mga katangiang iyong
binanggit, masasabi mo ba kung
sino sa kanila ang nagpakita ng
pag—unawa sa damdamin ng
kapuwa? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
3.May maibabahagi ka bang
karanasan tulad ng kay Mina?
Ikuwento ito sa klase.
16. 2. Gamit ang iyong kuwaderno, gumuhit ng dalawang
puso.
3. Sa unang puso, isulat kung ano ang iyong
nararamdaman tungkol sa mga larawan A,B,C,D. Sa
ikalawang puso isulat kung paano mo maipakikita
ang iyong pagdamay.
Damdamin ko para sa
aking kapuwa
a. b.
c. d.
18. Ayon sa inyong ibinahaging karanasan sa
pagdamay sa kapuwa,alam mo na ngayon
kung sino ang nangangailangan ng iyong
pang-unawa.Dugtungan mo ang isang
panalangin para sa kanila.
Gawin mo ito sa iyong
kuwaderno.
19. Panginoon,bigyan mo po ng lakas ng
loob ang mga batang nawawalan ng pag-asa
sabuhay.______________________________
______________________________________
______________________________________
______________________.
20. TANDAAN:
Bawat tao ay maaaring
magkaroon ng oras na siya ay
masayang-masaya,ngunit may mga
panahon din na siya ay malungkot
dahil sa problema. Sa ganitong
pagkakataon, kakailanganin niya ng
taong puwedeng dumamay sa kaniya.
21. Dahil bawat tao ay gumagalaw sa
isang komunidad,marapat na siya
ay makipag-ugnayan o makibahagi
sa ibang tao. Sa kaniyang
pakikibahagi,natutuhan niya ang
pagdamay at pag—unawa sa
damdamin ng iba,hanggang sa
maipamamalas niya ang paglalagay
ng kaniyang sarili sa kinalalagyan
ng ibang tao.Sa paraang ito ay
nakatutulong na siya.
22. Maaaring materyal na
bagay ang tulong na
maibabahagi natin ngunit hindi
laging ito ang kailangan ng
iba.May mga panahon na
kailangan ng isang kaibigan na
makikinig ng payo.Kung minsan
nama’y kasama sa isang
tagumpay ang kailangan ng tao.
23. Sa lahat ng pagkaka-
taon,kailangan lang maging
sensitibo sa damdamin at
pangangailangan ng kapuwa.Ito
ang pinakamabuting paraan
upang maipadama natin ang
pagmamahal at pag-unawa na
kinakailangan ng ating kapuwa
na walang anumang hinihintay
na kapalit.
25. Gagawa kayo ng talaarawan
upang itala kung paano kayo
nagpakita ng pag-unawa o
pagdamay sa kanila. Ipapasa ito
minsan sa isang linggo upang
lagdaan ng inyong guro. Tularan
ang talaaarawaan sa ibaba.
26. TALAARAWAN NG PAG-UNAWA
Kapuwa kong
nabigyan ng pag-
nawa
Suliranin ng
aking kapuwa
Paraan ng pagpapakita ko ng
pag-unawa
LUNES
MARTES
MIYERKOLE
S
HUWEBES
BIYERNES
Lagda ng Guro
29. Masayang-masaya ang nanalo
sa paligsahang ito. Ano kaya sa
palagay mo ang damdamin ng hindi
pinalad na manalo? Gumawa ka ng
isang sanaysay para sa natalong
kandidata at iparamdam mo sa
kniya ang iyong pag-unawa.
30. Gawain 2:
Malungkot ang iyong kamag-aral na si
Mico.Napagalitan siya ng kaniyang magulang
sapagkat bumaba ang kaniyang marka.Kasama siya
dati sa mga nangunguna sa klase subalit dahil sa
pagbaba ng kaniyang marka ay hindi siya
nakasama.Ano ang maaari mong sabihin kay Mico?