May ibang font style na hindi tinatanggap sa aking pag-upload kaya minsan nagbabago ang gamit kung font style na siyang nagiging dahilan kung bakit minsan ay hindi ito malinaw. Mapagpasensiyahan niyo nalang sana.
May ibang font style na hindi tinatanggap sa aking pag-upload kaya minsan nagbabago ang gamit kung font style na siyang nagiging dahilan kung bakit minsan ay hindi ito malinaw. Mapagpasensiyahan niyo nalang sana.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Talumpati. Dito din matatagpuan ang kahulugan, uri at mga halimbawa ng mga Talumpati.
Nawa'y mayroong maitulong sa inyo ang presentasyon na ito. Maaaring makakita kayo ng ilang pagkakamali magkagayon man alam kong ito'y makakatulong pa rin sa inyo. Salamat!
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2Jenita Guinoo
Isang nakawiwiling uri ng akda ang pabula na kapupulutan ng aral.Ang layunin nito ay maturuan ng tamang pagpapahalaga ang bawat isa lalo na ang mga kabataan.
requirement for the subject in TTL 1 kahulugan at mga gawain sa araling elehiya sa kamatayan ni kuya sa Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Gramatika/ Retorika masidhing damdamin
uri ng teksto ng paglalarawan
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Parabula. Dito din matatagpuan ang ilang depinisyon, halimbawa at aktibidad patungkol sa paksang tatalakayin.
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga PahayagJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa pagpapatunay kung Makatotohanan o Di-makatotohanan ang mga pahayag. Kasama rin dito ang ilang aktibidad patungkol sa paksa.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Talumpati. Dito din matatagpuan ang kahulugan, uri at mga halimbawa ng mga Talumpati.
Nawa'y mayroong maitulong sa inyo ang presentasyon na ito. Maaaring makakita kayo ng ilang pagkakamali magkagayon man alam kong ito'y makakatulong pa rin sa inyo. Salamat!
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2Jenita Guinoo
Isang nakawiwiling uri ng akda ang pabula na kapupulutan ng aral.Ang layunin nito ay maturuan ng tamang pagpapahalaga ang bawat isa lalo na ang mga kabataan.
requirement for the subject in TTL 1 kahulugan at mga gawain sa araling elehiya sa kamatayan ni kuya sa Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Gramatika/ Retorika masidhing damdamin
uri ng teksto ng paglalarawan
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Parabula. Dito din matatagpuan ang ilang depinisyon, halimbawa at aktibidad patungkol sa paksang tatalakayin.
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga PahayagJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa pagpapatunay kung Makatotohanan o Di-makatotohanan ang mga pahayag. Kasama rin dito ang ilang aktibidad patungkol sa paksa.
Naglalayong patunayan ang isang argumento sa pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika.
Upang maipagtanggol ang argumento, ang tagapagtanggol o manunulat ay kailangang mailahad ng maayos at malinaw ang ebidensiyang batay sa katotohanan upang mahikayat ang tagapakinig o mambabasa.
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Bryan Ben Orcenado
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024. Ang pampaaralang pahayagang ito ay kuwalipikado para sa National Schools Press Conference 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu ngayong Hulyo.
2. Mga Kasapi sa
Debate
Mga Katangiang
Dapat Taglay ng
Isang Mahusay na
Debater
Uri ng Debate
Mga Katangian ng
Mahusay na
Proposisyon
3. DEBATE
• Ang debate ay pakikipagtalong may
estruktura.
• Isinasagawa ito ng dalawang grupo o pangkat
na may magkasalungat na panig tungkol sa
isang napapanahong paksa; ang dalawang
panig ay ang proposisyon (sumangsang-
ayon) at ang oposisyon (sumalungat).
•May isang moderator na magiging
tagapamagitan upang matiyak na
maging maayos ang daloy ng
debate.
4. • Sa pagtatapos ng debate at may
huradong nagpapasya kung kaninong
panig ang higit na nakapaghihikayat.
• Ang mga hurado ay dapat walang
kinikilingan sa dalawang panig ng mga
nagdedebate at kailangang nakaupo
nang magkalayo sa isa’t isa at hindi
mag-usap-usap bago magbigay ng
kanikanilang hatol upang maiwasang
maimpluwensiyahn ang hatol ng isa’t
isa.
5. •ang pangangatwiran ng
dalawang koponan mula sa
magkasalungat na panig tungkol
sa makabuluhang paksang
napagkaisahang pagtalunan sa
tiyak na oras at lugar na
pangyayarihan.
• Ito ay hindi isang pag-aaway
sapagkat ito’y pagpapaliwanag
lamang ng mga katwiran ng
bawat panig na maaaring
gawing pasulat o pasalita.
6. •Sa paglalahad ng panig sa debate,
laging tandaan na kailangan na
maglahad ng mga matotohanan at
kapani-paniwalang datos.
•Sa madaling salita, kailangan na
hindi lamang opinyon ang ilalahad.
•Kailangan ng pagpapatotoo
upang mahikayat ang tagapakinig
at mambabasa ng iyong
pinapanigan hinggil sa isyu.
7. Pinakapangunahing layunin ng debate
•na makahikayat ng tagapakinig sa panig na iyong
pinaninindigan at pinaniniwalaan.
•Kaya gawin ito sa paraang makumbinsi mo ang
tagabasa at tagapakinig.
•Inilalahad ang ideya sa debate sa pamamagitan ng
pasanaysay na anyo.
•Sa madaling salita, mayroon itong introduksyon,
katawan kung saan makikita ang mga patunay sa
iyong panig at konklusyon
8. Mga Kasapi sa Debate
1. Proposisyon o panig ng sumasang-
ayon
2. Oposisyon o panig ng sumasalungat
3. Moderator o tagapamagitan upang
maging maayos ang daloy ng debate
4. Time keeper o tagabantay sa oras na
inilalaan sa bawat panig sa paglalahad
ng patotoo at pagpapabulaan o
rebuttal
5. Hurado ang magpapasyo kung
kaninong panig ang higit na
nakapanghikayat.
10. Mga Katangiang Dapat Taglay ng Isang Mahusay na Debater
1. Paksa o nilalaman
-Kailangan niya ng sapat na panahon upang mapaghandaan
ang malawakang pagbabasa, pananaliksik, at pangangalap
ng datos at ebidensya tungkol sa paksa upang magbigay ng
bigat at patunay sa katotohanan ng kaniyang ipinapahayag.
11. Mga Katangiang Dapat Taglay ng Isang Mahusay na Debater
2.Estilo
-Kailangang mahusay ang isang debater sa pagsasalita, sa
pagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng
pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin
sa debate. Kasama na dito ang linaw at lakas ng boses,
husay ng tindig at tiwala sa sarili.
12. Mga Katangiang Dapat Taglay ng Isang Mahusay na Debater
3. Estratehiya
-Ang husay sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento at
kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang
proposisyon ay makikita dito. Ang pagkakaisa ng pangkat
lalo na sa depensa ng pagpapatotoo at pagpapabulaan ay
kailangang matibay at nagkaisa.
13. URI NG DEBATE
May dalawang kariniwang ginagamit ng mga mag-aaral.
1.Debateng Oxford - Minsan lang magsasalita
ang mga kalahok maliban nalang sa unang
tagapagsalita .Sa pagtinding ng bawat
kalahok upang magsalita ay magkasama na
nitong ilalahad ang kaniyang patotoo
(constructive remark) at pagpapabulaan
(rebuttal).
14. URI NG DEBATE
May dalawang kariniwang ginagamit ng mga mag-aaral.
2. Debateng Cambridge - Ang bawat kalahok
any dalawang beses titinding upang
makapagsalita. Una ay ipapahayag ang
kanyang patotoo (constructive remark) at sa
ikawala ay para ilahad ang kanyang
pagpapabulaan (rebuttal).
15. May iba pang uri ng debate kagaya ng Mock Trail,
Impromptu Debate, Turncoat Debate at iba pa.
Ang mock trail ay isang uri ng debate kung saan ang mga
kalahok ay nagpapanggap na nga manananggol o mga
attorney sa isang paglilitis.
Ang impromptu debate ay binibigay ang paksa sa mga
kalahok 15 minuto bago magsisimula ang debate.
Pagkatapos, magsasalita sa loob ng limang minute ang
bawat isa sa bawat panig ng salitan hanggang matapos
ang lahat.
Ang turncoat debate ay ginagawa ng isang tao lamang.
Ilalahad niya ang kanyang proposisyon ng dalawang
minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa oposisyon
ng dalawang minuto.
16. Mga Katangian ng Mahusay na Proposisyon
1. Maydulot na kapakipakinabang at napapanahonang
paksa
2. Kawili-wili sa mga nakikinig
3. Pantay at walang kinikilingan
4. Malinaw at tiyak ang mga salitang napagkaloob sa
proposisyon
5. Hindi pa ito nagpapasyahan
6. May makakalap na datos tungkol sa paksa
7. Maaring patunayan ng ebidensya
8. Nagtataglay ng isang ideya sa isang argumento
17. Sa pagpapahayag ng proposisyon, isaalang-
alang ang mga sumusunod:
1. Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.
2. Ibigay ito sa payak at paturol na
pangungusap na may isa lamang suliraning
patutunayan.
3. Ipahayag ito sa isang paraang walang
salitang pag-aalinlanganan ang kahulugan.
4. Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon
18. Mga Tagapagsalita o Speaker
1. Beneficiallity – ang ibinibigay ng talumpati ng
tagapagsalita ay kung anong mga benipisyong
makukuha sa proposisyong pinagtatalunan
2. Practicability – ibinibigay ng talumpating
tagapagsalita kung bakit possible ba o praktikal
na maisakatuparan ang hinihingi.
3. Necessity – ang ibinibigay ng talumpating
tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang
kailanagn at tunay na solusyon
19. Debate Miyerkules: Dapat bang ibalik ang death
penalty Akontra krimen?
Published September 24, 2014 7:38am
Tila dumarami na naman ang mga marahas na
krimen gaya ng pagpatay at rape, na halos
gabi-gabi nating napapanood sa telebisyon.
Laganap na rin ang pagawaan ng droga sa
bansa, tulad ng huling napaulat na shabu lab
sa Pampanga. 'Di kaya maiging ibalik muli ang
death penalty, at baka makabawas ito sa mga
ganitong krimen?
20. PILI NA! Pumili kung alin sa mga pares ng larawan ang
iyong mas naiibigan at bigyan ito ng pangangatwiran.
21. PILI NA! Pumili kung alin sa mga pares ng larawan ang
iyong mas naiibigan at bigyan ito ng pangangatwiran.
22. PARA SAAN ANG LABAN NA ‘TO? Kung ikaw ang magiging
hurado sa labanang magaganap sa pagitan ng dalawang larawan sa
ibaba. Sino ang magwawagi at bakit?
23. Pagtatapat-tapat: Hanapin sa Hanay B ang katumbas ng mga pahayag
sa Hanay A. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Uri ng debate kung saan ang kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. A. Debate
2. Uri ng debate kung saan ang kalahok ay isang beses lamang titindig. B. Estilo
3. Paglalahad ng opinyon ng dalawang magkasalungat na panig C. Oposisyon
4. Ang kalahok na ito ay nasa panig ng di-sang-ayon D. Oxford
5. Taglay niya ang katangiang di natitinag at may tiwala sa sarili. E. Cambridge
6. Mga paninindigang ibinabato ng kalahok sa kabilang panig. F. Argumento
7. Ito ang dapat paghandaan ng debater para makapagbigay ng bigat at patunay sa
katotohanang kanyang ipinapahayag.
G. Debater
8. Tagapagbantay sa iginugugol na panahon sa bawat debater. H. Time keeper
9. Pamamaraan ng pangkat na ipakita ang tibay ng kanilang paninindigan. I. Paksa
10. Ang taong naglalahad ng pangangatwiran sa isang paksa o pinagtatalunan. J. Estratehiya
24. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
_________1. Ito ay naglalahad ng mga patotoo at sariling
paninindigan hinggil sa paksang pinagtatalunan.
_________ 2. Mahalagang hindi naiimpluwensiyahan ng iba
ang kanyang hatol.
_________ 3. Ang linaw ng tinig at tikas ng tindig ay bahagi ng
katangiang ito.
_________ 4. Ang mga ito ang ginagamit ng mga mag-aaral na
format ng debate.
_________ 5. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng
isang taong mahusay makipagdebate?
25. Pagpupuno sa patlang: Punan ang patlang ng angkop na salita
upang mabuo ang kaisipan. Piliin mula sa kahon ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
26. Ang debate ay isang paglalahad ng (1.) _____________ sa pagitang ng dalawang
panig. Ang panig ng (2.) ___________ at ng (3.) ____________. Nagiging maayos ang daloy
ng pagpapalitan ng ideya ng dalawang panig dahil sa (4.) _________ na siyang
tagapamagitan at ng (5.) _________ na nagbabantay sa oras ng pagsasalita ng bawat
kalahok. Mahalaga rin ang papel ng (6.) __________ na siyang magpapasya kung aling
panig ang higit na nakapanghikayat.
Sa pagdedebate, napakahalagang taglay ng (7.) __________ ang
malawak na (8.) _________________ upang maipagtanggol ang kanyang patotoo sa
paglalahad ng mabibigat na (9.) _____________. Kailangang mahusay ang isang debater sa
(10.) _________ kasama na dito ang lakas at linaw ng boses.
Sa uri ng debateng Cambridge, ilalahad niya sa unang pagtayo ang kanyang
patotoo. Ang kanyang (11.) _________________ naman ay ilalahad sa kanyang ikalawang
pagtayo. Ang debateng Oxford ay (12.) ______ beses lamang tatayo ang bawat kalahok.
Ilan pang uri ng debate ay ang (13,) _______ na parang attorney, (14.) ________________ na
ginagawa ng isang tao lamang at (15.) ________ binibigay ang paksa sa mga kalahok 15
minuto bago magsisimula ang debate.
A. Rebuttal B. Moderator C. Debater D. Kaalaman E. Pagsasalita
F. Sumasalungat G. Hurado H. Patunay I. Time keeper J. Pangangatwiran
K. Sumasang-ayon L. isang M. Mock Trail N. Impromptu Debate O. Turncoat Debate