Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa araling Epiko. Dito din matatagpuan ang kahulugan, mga katangian at mga gawain patungkol sa paksang Epiko.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa araling Epiko. Dito din matatagpuan ang kahulugan, mga katangian at mga gawain patungkol sa paksang Epiko.
“Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang akdang patula tulad ng tulang- panudyo, tugmaang de-gulong, bugtong at palaisipan, at iba pang kaalamang-bayan.”
Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata. Sa pagsisimula ng isang bugtong sa wikang Tagalog, karaniwang sinasabi muna ang katagang "bugtong-bugtong" bago sabihin ang aktuwal na bugtong at madalas itong may tugma. Isang halimbawa ang sumusunod:
Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo
ang sumusunod:
a. naiisa-isa ang mga uri at katangian ng karunungang bayan;
b. natutukoy ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa
karunungang bayan; at
c. naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa
karunungang bayan sa mga pangyayari sa tunay na
Alam mo ba na ang karunungang bayan ay kabilang sa panitikan ng
mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Español? Itinuturing ito na
isang mabuting paraan sa pagbibigay ng payo na nag-iiwan ng aral sa
buhay at nakatutulong din ito para patalasin ang ating isipan sa
pamamagitan ng lohikal at matalinong pag-iisip. Karunungang Bayan – Paraan ng pagpapahayag ng kaisipan ng mga
taong nabibilang sa bawat tribo/pangkat o lahi na may
pagpapahalaga sa kamalayang tradisyonal at kultural. Mga uri ng karunungang bayan at mga halimbawa nito:
1. Palaisipan (Logic) - Paraan ng paglutas ng isang suliranin sa
pamamagitan ng lohikal na paraan gamit ang matalitong pag-iisp. Hal. Ano ang mas mabigat isang kilong bulak o isang kilong bigas?
Sagot: Pareho, Dahil parehas silang isang kilo
2. Bugtong (Riddle) - Isang nakalilibang na pahulaan gamit ang
salitang naglalarawan sa isang bagay, pook at pangyayari na
binibuo ng isa o dalawang maikling taludtod na may sukat at
tugma. Hal. Hayan na hayan na Sagot: Hangin
Hindi mo pa nakikita
3. Kasabihan/Pamahiin (Saying) - Isang makaluma at maiksing
pariralang nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan bilang
gabay sa pang-araw-araw na buhay. Hal. Bawal isukat ang damit pangkasal, baka hindi matuloy ang
kasal. Bawal magwalis tuwing gabi, nawawala ang suwerte
4. Salawikain (Proverbs) - Isang patalinhagang salita o pahayag na
naglalayong mangaral at magturo ng mabuting asal. Hal. Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga
Ang lahat ng ito ay mga karunungang bayan na may nakapaloob na
mahahalagang kaisipan o ideya. Hindi ito magkakaroon ng maliwanag na
kabuluhan kung hindi natin ito maiuugnay sa tunay na buhay. Papaano
nga ba ito maiu
10. ANO ANG TUGMANG DE GULONG?
- Ito ay mga simpleng paalala sa
mga pasahero na maaari nating
matagpuan sa mga pampublikong
sasakyan tulad ng jeepney,
bus at traysikel.
-maaari itong nasa anyo ng
salawikain, maikling tula o
kasabihan
12. HALIMBAWA
Ang ‘di magbayad sa
pinanggalingan, di makakarating sa
paroroonan.
Ms. na sexy, kung gusto mo'y libre
sa drayber ka tumabi.
Ang 'di magbayad walang
problema, sa karma palang bayad
kana
13. HALIMBAWA
• Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay
sa pinto, sambitin ang “para” sa
tabi tayo hihinto.
• Huwag kang magdekwatro, ang
dyip ko’y di mo kwarto.
17. ANO NGA BA ANG TULANG
PANUDYO?
Ito ay isang uri ng karunungang bayan
na ang kayarian ay may sukat at tugma.
Ang layunin nito ay mambuska o
manudyo.
Nagpapakilala ito na ang ating mga
ninuno ay may makulay na
kamusmusan.
21. BUGTONG
Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay
isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang
isang palaisipan (tinatawag
ding palaisipanang bugtong).
22. BUGTONG
May dalawang uri ang bugtong:
mga talinghaga o enigma, bagaman
tinatawag ding enigma ang bugtong, mga
suliraning ipinapahayag sa isang metapora o
ma-alegoryang wika na nangangailangan ng
katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay
para sa kalutasan, at mga palaisipan (o
konumdrum), mga tanong na umaasa sa
dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa
sagot
27. ANO ANG PALAISIPAN?
Ito ay isang suliranin uri ng bugtong na
sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas
nito.
Sa karaniwang palaisipan, inaasahang
malutas ito sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga piraso sa
isang lohikal na paraan para mabuo ang
solusyon.
28. ANO ANG
PALAISIPAN?
• Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng
libangan, nunit maaari din namang magmula
ito sa seryosong matematikal at lohistikal na
suliranin.
29. HALIMBAWA
Anong meron sa aso na meron din sa pusa,
na wala sa ibon, ngunit meron sa manok na
dalawa sa buwaya, at kabayo na tatlo sa
palaka?
Sagot: LetterA.
30. HALIMBAWA
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng
sombrero. Paano nakuha ang bola nang ‘di
man lang nagagalaw ang sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng
sumbrero
31. HALIMBAWA
• Si Pedro ay ipinanganak sa Espanya. Ang
kanyang ama ay Amerikano, at angkanyang ina
ay isang Intsik. Bininyagan siya sa bansag na
Prinsiya, nang siya ay lumaki ay
nakapangasawa siya ng Haponesa at doon
nanirahan sa Hongkong. Sa oras ng kamatayan
siya ay inabot sa Saudi.
• Tanong: Ano ang tawag kay Pedro?
• Sagot: Bangkay
33. Mga uri ng
Tula
Isa-isahin ang
pagkakapareho o
kaugnayan ng mga
uri ng tulang binasa
Ibigay ang
natatanging
katangian ng bawat
uri ng tula
Panudyo
Tugmang De
Gulong
Bugtong
38. PANGKAT GAWAIN
1 (Verbal-Linguistic) Bugtong
Paggawa ng sariling bugtong
2 (Logical-Mathematical) Palaisipan
Paggawa ng sariling palaisipan
3 (Visual-Spatial) poster ng Tugmaang de-Gulong
Pagbuo ng sariling tugmang de gulong sa
pamamagitan ng isang poster
4 (Musical-Rhytmic) tula/awiting panudyo
Pag-awit ng sariling bersiyon ng awiting panudyo