2. Tayo na at mag-ehersisyo
Ako’y gising (unang grupo)
Hindi tulog (ikalawang
grupo)
Nakikinig (ikatlong grupo)
Wow! (ikaapat na grupo)
Ako’y gising
Hindi tulog
Nakikinig
Wow!
Ako’y gising
Hindi tulog
Gising
Hindi tulog
Gising
Hindi tulog
Nakikinig
Wow!
3. Health Trivia
Karaniwang nagsisimula ang
puberty sa pagitan ng edad na 8 at
14. Ito ay kadalasang nangyayari sa
mga babae nang mas maaga kaysa
sa mga lalaki. Kapag maaga sa
inaasahan na nagdalaga o
nagbinata ang isang tao, ito ay
tinatawag na precocious puberty at
kapag naman huli kaysa inaasahan
ay delayed puberty.
4. Naranasan o nararanasan mo na ba ang
sumusunod na pagbabago sa iyong katawan?
-Pagsulong ng taas o height
-Pagsulong ng timbang o
weight
-Pagkakaroon ng acne o
tighiyawat
-Paglalim ng boses ng mga
lalaki
-Pagkakaroon ng buhok sa
kili-kili
-Paglawak ng balikat at
dibdib ng lalaki
-Pag-umbok ng dibdib at
paglapad ng balakang ng
mga babae
5. Panahon ng Pagreregla
Ang pagkakaroon ng
buwanang dalaw o regla
ay nag-uumpisa sa mga
babaeng 10 taon pataas.
Ito ay karaniwang
nagtatagal ng tatlo
hanggang pitong araw.
6. Panahon ng Pagreregla
May mga pagkakataon na
nakararanas ng tinatawag na
dysmenorrhea o ang pamimintig ng
puson at pagkirot nito ang mga
babae. Ito ay sanhi ng pag-urong ng
laman ng bahay-bata at ang unti-
unting pagdaloy ng dugo mula sa
paligid nito.
7. Panahon ng Pagreregla
Mababawasan ang pagsakit ng puson sa
pamamagitan ng tamang pag-eehesisyo at
pag-lalagay ng hot water bag sa ibabaw ng
puson.
Ito'y normal na nararanasan ng ilang
dalagita at maaaring kumonsulta sa doktor
para maresetahan ng gamot na
pampaginhawa sa kirot ng puson.
8. Panahon ng Pagreregla
Ang regla ay dumarating minsan
isang buwan ayon sa bilang ng
menstrual cycle. Ang menstrual
cycle ay bilang ng araw na
pagitan sa pagkakaroon muli ng
regla. Ang karaniwang cycle ay
25 hanggang 29 na araw na
pagitan.
9. Panahon ng Pagreregla
Mahalagang magkaroon ng
pansariling kalendaryo
ukol sa pagreregla upang
malaman ang iyong cycle at
kung kalian ka
magkakaroon muli ng regla.
10.
11. Pagpapanatiling Malinis at Maayos sa
Panahon ng Pagreregla
1. Maligo araw araw.
2. Ugaliin na linisin ang iba pang bahagi
ng katawan tulad ng ngipin, kuko, tainga,
kilikili, singit, at tuhod.
3. Magpalit ng pasador at/o napkin tuwing
ikatlo o ika-apat na oras o kung
kinakailangan.
12. 4. Gumamit ng deodorant, tawas o kalamansi sa kilikili
at singit upang makabawas ng amoy ng katawan.
5. Dalasan ang paghihilamos upang maiwasan
angpagkakaroon ng taghiyawat.
6. Magpalit ng damit at panty bago matulog.
7. Kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng
sariwang katas ng prutas.
8. Mag-ehersisyo rin nang wasto, makakatulong ito sa
maayos na pagdaloy ng regla.
13. Isulat ang iyong gustong
maging katangian ngayong
ikaw ay nagdadalaga at
nagbibinata na at idikit sa
ating Freedom Wall.