1. Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of City Schools
District of San Jose del Monte East
BAGONG BUHAY F ELEMENTARY SCHOOL
City of San Jose Del Monte
Bulacan
Banghay Aralin sa Filipino I
I. Layunin
Matapos ang talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Naibibigay ang susunod na mangyayari sa napakinggan o nabasang kuwento.
b. Nauunawaan at nasasagot nang wasto ang nakalaang katanungan o pagsasanay upang mas
lalong maging ganap ang pagkatuto sa araling ito.
c. Napapahalagahan ang pagsasama-sama ng buong pamilya.
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagbibigay ng susunod na mangyayari sa napakinggan o nabasang kuwento.
Sanggunian: MELC in Filipino (F1 -IVe -9)
Bumasa at Sumulat - Filipino,
Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 222-223
Mga Kagamitan: mga larawan, activity sheet, powerpoint presentation, projector,video
ng kantang “Alpabasa”
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pampasiglang Awitin
Ipakanta sa mga bata ang awiting pambata na Alpabasa.
2. Balik Aral
Baybayin ng pantig ang pangalan ng mga larawan. Isulat ang sagot sa patlang.
2. 3. Pagganyak
Suriin ang larawan. Ang bata ay may dalang lobo at regalo. Sa inyong palagay
saan kaya siya pupunta?
B. Panlinang na Gawain
1. Presentasyon
Makinig sa kuwentong babasahin at unawain ito.
Mula sa binasang kuwento. Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong,
1. Sino ang magkapatid sa kuwento?
Ang magkapatid sa kuwento ay sina Obet at Osang.
2. Ano ang ginawa ng magkapatid pagkatapos magligpit ng higaan?
Sila ay bumaba at kumain ng almusal.
3. Bakit kaya masaya ang magkapatid sa kuwento?
Dahil pupunta ang kanilang pamilya sa beach ng sama- sama.
4. Kung kayo si Obet at Osang ano ang mararamdaman mo? At bakit?
Masaya. Dahil kami ay sam-samang pupunta at maliligo sa dagat.
5. Sa inyong palagay ano ang gagawin ng mag-anak pagkatapos nilang mamasyal sa
dagat?
2. Pagtalakay
Paano mo naibigay o nasabi ang susunod na pangyayari?
3. Magagawa mo ito kung uunawaing mabuti ang mga pangyayaring napakinggang
o nabasa o maari ring sa tulong ng mga larawan.
C. Pinatnubayang Gawain
A. Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga larawan at sabihin kung ano ang susunod na mangyayari.
Siguruhing nakuha ng mga bata ang konsepto.
B. Ibigay ang susunod na mangyaayri. Lagyan ng √ ang patlang na may tamang sagot.
1. Hindi mo sinagutan ang iyong module.
____ hindi mo ito maipapasa sa guro
____mataas ang nakuha mong marka
2. Nadapa si Alma habang tumatakbo.
____si Alma ay natuwa
____ si Alma ay umiyak
3. Naglaro sa ulan si Jose.
____si Jose ay nagkasakit
____ si Jose ay napasayaw
4. Nabitiwan ni Lisa ang baso habang naghuhugas.
____natawa si Lisa
____nabasag ang baso
5. Hindi nagsuot ng face masks si Rona pagpunta sa palengke.
___ nagkasakit ng Covid 19 si Rona
____ lumusog ang katawan ni Rona
D. Paglalapat
Pangkatang Gawain:
Pangkat 1: Ayusin ang mga pagkakasunod sunod ng pangyayari sa larawan. Isulat ang
bilang 1-5 sa patlang.
4. Pangkat 2: Ibigay ang susunod na mangyayari. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Pangkat 3: Basahin ang maikling kuwento at sabihin kung ano ang susunod na
magyayri.
E. Paglalahat
Ano ang iyong natutunan sa ating aralin sa araw na ito?
Tandaan! Maibibigay mo ang susunod na mangyayari kung uunawaing mabuti ang
mga pangyayaring napakinggan o nabasa at maari ring sa tulong ng larawan.
IV. Pagtataya
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga larawan. Lagyan ng bilang 1-5 ang mga larawan. Isulat ang
sagot sa patlang.
_______ _______
_______ _______
_________
V. Takdang Aralin
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Ibigay ang susunod na mangyayari.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
https://wordwall.net/resource/30028513
Inihanda ni:
CHARMAINE JOIE G. SIMANGAN