SlideShare a Scribd company logo
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
GAWANG PAGKATUTO
ARALING PANLIPUNAN 10
Kwarter 4-Linggo 4
Pangalan ng Mag-aaral: ____________________________
Baitang at Antas ____________________
Asignatura:________________________________
Petsa :_______________________________________
ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS AT BILL OF RIGHTS
I. Panimulang Konsepto
Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa
mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang
pantao ng bawat indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto
ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil,
politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945,
binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito na magkaroon ng
kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang
kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa
lahat ng bansa. Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General
Assembly noong 1946.
Eleanor Roosevelt – nabuo ang UDHR sa nang maluklok
siya bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United
Nations
-ang biyuda ni dating Pangulong Franklin Roosevelt ng
United States.
Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mga
pangunahing karapatang pantao at tinawag ang talaang ito
bilang Universal Declaration of Human Rights.
Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang
UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan ito bilang
“International Magna Carta for all Mankind.” Sa kauna-unahang
pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng
karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang
naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa
pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas.
Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto
ang mga artikulong nakapaloob sa UDHR. Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas na
karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya. Binubuo naman ng mga
karapatang sibil at pulitikal ang Artikulo 3 hanggang 21. Nakadetalye sa Artikulo 22 hanggang 27 ang mga
karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural. Tumutukoy naman ang tatlong huling artikulo (Artikulo 28
hanggang 30) sa tungkulin ng tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao.
Buod ng mga piling karapatang pantao na nakasaad sa UDHR.
Ang mga karapatang nakapaloob sa UDHR, maging ito man ay aspektong sibil at politikal o
ekonomiko, sosyal, at kultural, ay tunay na nagbibigay-tangi sa tao bilang nilalang na
nagtatamasa ng kalayaan at mga karapatang maghahatid sa kaniya upang makamit ang
kaniyang mga mithiin sa buhay at magkaroon ng mabuting pamumuhay.
Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob sa UDHR sa bawat aspekto ng
buhay ng tao. Kung ganap na maisasakatuparan ang mga karapatang ito, magiging higit na
kasiya-siya ang manirahan sa daigdig na maituturing na isang lugar na may paggalang sa
bawat tao at tunay na kapayapaan para sa lahat.
Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting na
pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ayon sa
Seksyon 11 ng Artikulo II ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 ay pinahahalagahan
ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga
karapatang pantao. Binigyang-diin ng Estado ang pahayag na ito sa Katipunan ng mga
Karapatan (Bill of Rights) na nakapaloob sa Seksyon 1 - 22 ng Artikulo III.
Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan
ng mga pinagsamasamang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang
karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
Tatlong uri ng mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa
ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014)
Karapatang Politikal-Kapangyarihan ng mamamaya
Na makilahok , tuwiran man o hindi, sa pagtatag at
pangangasiwa ng pamahalaan.
Karapatang Sibil- mga karapatan na titiyak sa
pribadong indibidwal na maging kasiya-siyaang
kanilang pamumuhay sa paraang nais ng hindi
lumalabag sa batas.
Karapatang Sosyo-ekonomik-mga karapatan na
sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-
ekonomikong kalagayan ng indibidwal.
Karapatan ng akusado – mga karapatan na
magbibigay proteksiyon sa indibidwal na inakusahan
sa anumang krimen.
Uri ng mga
Karapatan
Natural
Rights
Mga karapatang taglay
ng bawat tao kahit hindi
ipagkaloob ng Estado
Karapatang mabuhay ,
maging malaya, at
magkaroon ng ari-arian
Constitutional
Rights
Mga karapatang
ipinagkaloob at
pinangangalagaan ng
Estado
Statutory
Rights
Mga karapatang kaloob ng
binuong batas at maaaring
alisin sa pamamagitan ng
panibagong batas
Karapatang makataggap
ng minimum wage
Ang mga karapatang ito ay nararapat na taglay ng bawat indibiduwal dahil taglay nito ang
dignidad ng isang tao, anoman ang kaniyang katayuan sa lipunan at kalagayang
pangekonomika.
Nilalaman ng mga karapatang-pantao na kinikilala ng Estado ayon sa Konstitusyon.
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 Artikulo III
SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari arian ang sino mang tao nang hindi sa
kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.
SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili,
pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at
pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa
paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na
pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang may habla at ang mga testigong maihaharap
niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyaking tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at ang
mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban
sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiiba ng kaligtasan o kaayusan ng bayan
ayon sa itinatakda ng batas.
(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis
ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito sa sinusundang seksyon.
SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita,
pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang
magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.
SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa
malayang pagsasa-gamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at
pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili.
Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon sa pagsasagamit ng mga karapatang sibil o
pampulitika.
SEK. 6. Hindi dapat bawasan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw
ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni hindi dapat
bawasan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng
bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas.
SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapagpabatiran hinggil sa mga
bagay-bagay na may kinalaman sa lahat. Ang kaalaman sa mga opisyal na record, at sa mga
dokumento at papeles tugkol sa mga opisyal na Gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga
datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat
ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas.
II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs
Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan (AP10MKPIVe-4)
SEK. 14. (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang criminal ang sino mang tao nang
hindi sa kaparaanan ng batas.
(2) Sa lahat ng mga pag-uusig criminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na
walang sala hangga’t hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng
karapatang magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri
at dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at
hayagang paglilitis, makaharap ang mga testigo at magkaroon ng sapilitang kaparaanan
upang matiyak ang pagharap ng mga testigo at paglitaw ng ebidensya para sa kanyang
kapakanan. Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaaring ituloy ang paglilitis kahit
wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at di makatwiran ang
kanyang kabiguang humarap.
SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus maliban kung
may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasang pambayan.
SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng
kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, malapanghukuman, o
pampangasiwaan.
SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.
SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang paniniwala
at hangaring pampulitika.
(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban
kung ang kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala.
SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di-
makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang Kongreso
ng parusang kamatayan sa mga kadahilanang bunsod ng mga buktot na krimen. Dapat
ibaba sa reclusion perpetua ang naipataw nang parusang kamatayan.
III. Mga Gawain
Gawain 1 Mga Scenario: Paglabag at Hakbang
Kumuha ng larawan o artikulo sa pahayagan tungkol sa mga situwasiyon sa bansa o ibang
bahagi ng daigdig na may paglabag sa karapatang pantao. Gawin sa diyagram ang pagsagot
sa hinihinging mga datos.
Gabay na tanong:
1. Bakit nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao ang iyong nakuhang larawan o
artikulo?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
______________________________.
2. Paano ito nakaaapekto sa buhay ng taong biktima ng paglabag sa karapatang pantao at sa
lipunang kaniyang kinabibilangan?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
______________________________.
3. Ano ang iyong maaaring imungkahi upang maiwasan ang paglubha ng mga situwasiyong
dulot ng paglabag sa mga karapatang pantao?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
______________________________.
Idikit ang larawan/artikulo
Magbigay ng detalye sa larawan/ artikulo
Mga karapatang pantaong nilabag batay
sa nakuhang datos
Pamprosesong mga Tanong
1. Bakit nagpapakita ng paglabag sa
karapatang pantao ang iyong nakuhang
larawan o artikulo? 2. Paano ito
nakaaapekto sa buhay ng taong biktima ng
paglabag sa karapatang pantao at sa
lipunang kaniyang kinabibilangan? 3. Ano
ang iyong maaaring imungkahi upang
maiwasan ang paglubha ng mga
situwasiyong dulot ng paglabag sa mga
karapatang pantao?
Mga hakbang na dapat isagawa bilang
mamamayan kaugnay sa naturang
paglabag
Gawain 2. Poster Making
Gumawa ng isang poster na tumatalakay sa iba’t-ibang karapatang pantao.
IV. Rubriks sa Pagpupuntos
Gawain 2
Pamantayan sa Pagmamarka :Paggawa ng Poster
V. Repleksiyon
VI. Susi sa Pagwawasto
Pamantayan Indikador Puntos
(5 puntos)
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang maayos ang
ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng
poster
Kaangkupan ng
konsepto
Maliwanag at angkop ang mensahe sa
paglalarawan ng konsepto
Pagkamalikhain Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster
Kabuuang Presentasyon Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon
Pagkamailkhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay
upang maipahayag ang nilalaman ng konsepto at
mensahe.
Kabuuan
Mga Natutunan ko!
Ang aking mga
reyalisasyon!
Ang aking Pangako!
VI.
Susi
sa
Pagwawasto
Gawain
1
Ang
sagot
ay
nakabatay
sa
impormasyong
nasaliksik
ng
mag-aaral
VII.Sanggunian
Araling Panlipunan 10 .Isyu at Hamong Panlipunan. pp 373-383
Facing History and Ourselves. (2017). The Universal Declaration of Human Rights. Retrieved 9
2017, February, from Facing History and Ourselves:
https://www.facinghistory.org/resource-library/image/udhr-infographic
Inihanda ni: BB. JUNALYN L. MILLENA
Guro sa AP-San Pablo National High School
Sinuri ni: G. CHARYL B. LAURIO
Punong Guro
Pinagtibay ni: G. Gregorio P. Olivar Jr.
Tagamasid Pampurok

More Related Content

What's hot

Ap10 q4-aralin iii
Ap10 q4-aralin iiiAp10 q4-aralin iii
Ap10 q4-aralin iii
mark malaya
 
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptxAKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
JohnAryelDelaPaz
 
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docx
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docxQ3-DLL-AP9-WEEK3.docx
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docx
AlreiMea1
 
MABUTING-PAMAMAHALA.pptx
MABUTING-PAMAMAHALA.pptxMABUTING-PAMAMAHALA.pptx
MABUTING-PAMAMAHALA.pptx
JOYCONCEPCION6
 
Mga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptx
Mga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptxMga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptx
Mga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptx
GenovivoBCebuLunduya
 
DLL in ESP 10
DLL in ESP 10DLL in ESP 10
DLL in ESP 10
welita evangelista
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin
Charm Sanugab
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Crystal Mae Salazar
 
AP10 SUMMATIVE TEST - 3rd QUARTER.docx
AP10 SUMMATIVE TEST - 3rd QUARTER.docxAP10 SUMMATIVE TEST - 3rd QUARTER.docx
AP10 SUMMATIVE TEST - 3rd QUARTER.docx
LusterPloxonium
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Crystal Mae Salazar
 
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong PangkasarianAralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
edmond84
 
ESP 10-QUARTER 4- SEKSUWALIDAD
ESP 10-QUARTER 4- SEKSUWALIDADESP 10-QUARTER 4- SEKSUWALIDAD
ESP 10-QUARTER 4- SEKSUWALIDAD
SherylBuao
 
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptxmga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
GeraldineKeeonaVille
 
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)
Crystal Mae Salazar
 
Same Sex Marriage
Same Sex MarriageSame Sex Marriage
Same Sex Marriage
alxsummit32
 
Ang Kahulugan ng Sibiko at Pagkamamamayan
Ang Kahulugan ng Sibiko at PagkamamamayanAng Kahulugan ng Sibiko at Pagkamamamayan
Ang Kahulugan ng Sibiko at Pagkamamamayan
Eddie San Peñalosa
 
Araling Panlipunan 10 - MELC Updated
Araling Panlipunan 10 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 10 - MELC Updated
Araling Panlipunan 10 - MELC Updated
Chuckry Maunes
 
Pagkamamamayan
PagkamamamayanPagkamamamayan
Pagkamamamayan
froidelyn docallas
 
10-AP-kasarian.pptx
10-AP-kasarian.pptx10-AP-kasarian.pptx
10-AP-kasarian.pptx
JenniferApollo
 

What's hot (20)

Ap10 q4-aralin iii
Ap10 q4-aralin iiiAp10 q4-aralin iii
Ap10 q4-aralin iii
 
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptxAKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
 
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docx
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docxQ3-DLL-AP9-WEEK3.docx
Q3-DLL-AP9-WEEK3.docx
 
MABUTING-PAMAMAHALA.pptx
MABUTING-PAMAMAHALA.pptxMABUTING-PAMAMAHALA.pptx
MABUTING-PAMAMAHALA.pptx
 
Mga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptx
Mga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptxMga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptx
Mga Hakbang Na Nagsusulong Ng Pagtanggap At Paggalang.pptx
 
DLL in ESP 10
DLL in ESP 10DLL in ESP 10
DLL in ESP 10
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin
Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Karapatan at Tungkulin
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
 
AP10 SUMMATIVE TEST - 3rd QUARTER.docx
AP10 SUMMATIVE TEST - 3rd QUARTER.docxAP10 SUMMATIVE TEST - 3rd QUARTER.docx
AP10 SUMMATIVE TEST - 3rd QUARTER.docx
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10Banghay aralin sa araling panlipunan 10
Banghay aralin sa araling panlipunan 10
 
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong PangkasarianAralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
 
ESP 10-QUARTER 4- SEKSUWALIDAD
ESP 10-QUARTER 4- SEKSUWALIDADESP 10-QUARTER 4- SEKSUWALIDAD
ESP 10-QUARTER 4- SEKSUWALIDAD
 
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptxmga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
 
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)
 
Same Sex Marriage
Same Sex MarriageSame Sex Marriage
Same Sex Marriage
 
Ang Kahulugan ng Sibiko at Pagkamamamayan
Ang Kahulugan ng Sibiko at PagkamamamayanAng Kahulugan ng Sibiko at Pagkamamamayan
Ang Kahulugan ng Sibiko at Pagkamamamayan
 
Politikal na Pakikilahok.pptx
Politikal na Pakikilahok.pptxPolitikal na Pakikilahok.pptx
Politikal na Pakikilahok.pptx
 
Araling Panlipunan 10 - MELC Updated
Araling Panlipunan 10 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 10 - MELC Updated
Araling Panlipunan 10 - MELC Updated
 
Pagkamamamayan
PagkamamamayanPagkamamamayan
Pagkamamamayan
 
10-AP-kasarian.pptx
10-AP-kasarian.pptx10-AP-kasarian.pptx
10-AP-kasarian.pptx
 

Similar to AralPan10_Q4L4.docx

Group-4-and-6-Presentation.pptx
Group-4-and-6-Presentation.pptxGroup-4-and-6-Presentation.pptx
Group-4-and-6-Presentation.pptx
rehfzehlsemaj
 
Artikulo III- Saligang Batas ng Pilipinas 1987
Artikulo III- Saligang Batas ng Pilipinas 1987Artikulo III- Saligang Batas ng Pilipinas 1987
Artikulo III- Saligang Batas ng Pilipinas 1987
Charlene Diane Reyes
 
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxAral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
JuliaFaithMConcha
 
ESP9 QUARTER 3 WEEK 2.pptx
ESP9 QUARTER 3 WEEK 2.pptxESP9 QUARTER 3 WEEK 2.pptx
ESP9 QUARTER 3 WEEK 2.pptx
RosiebelleDasco
 
Saligang batas ng pilipinas(1987)
Saligang batas ng pilipinas(1987)Saligang batas ng pilipinas(1987)
Saligang batas ng pilipinas(1987)Harvey Lacdao
 
article-bill-of-rights emelio jacinto the
article-bill-of-rights emelio jacinto thearticle-bill-of-rights emelio jacinto the
article-bill-of-rights emelio jacinto the
ChrisTianCastillo55383
 
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptxAP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
benjiebaximen
 
KARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptxKARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptx
ElvrisCanoneoRamos
 
AP10PPTWEEK3-4.pptx
AP10PPTWEEK3-4.pptxAP10PPTWEEK3-4.pptx
AP10PPTWEEK3-4.pptx
GlennComaingking
 
BILL OF RIGHTS.pptx
BILL OF RIGHTS.pptxBILL OF RIGHTS.pptx
BILL OF RIGHTS.pptx
ANDREAKRISTINEGESTOC
 
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDNKARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
reynanciakath
 
Bill of Rights.pptx
Bill of Rights.pptxBill of Rights.pptx
Bill of Rights.pptx
ValDarylAnhao2
 
Artikulo 3
Artikulo 3Artikulo 3
AP10PPTWEEK3-4 (1).pptx
AP10PPTWEEK3-4 (1).pptxAP10PPTWEEK3-4 (1).pptx
AP10PPTWEEK3-4 (1).pptx
GlennComaingking
 
karapatan at tungkulin.pptx
karapatan at tungkulin.pptxkarapatan at tungkulin.pptx
karapatan at tungkulin.pptx
russelsilvestre1
 
SALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS- 1987.pptx
SALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS- 1987.pptxSALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS- 1987.pptx
SALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS- 1987.pptx
MaAngeluzClariceMati
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
ZERos7
 
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.pptA. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
Mejicano Quinsay,Jr.
 
SOSLIT-Karapatang-Pantao.pptx
SOSLIT-Karapatang-Pantao.pptxSOSLIT-Karapatang-Pantao.pptx
SOSLIT-Karapatang-Pantao.pptx
MindoClarkAlexis
 

Similar to AralPan10_Q4L4.docx (20)

Group-4-and-6-Presentation.pptx
Group-4-and-6-Presentation.pptxGroup-4-and-6-Presentation.pptx
Group-4-and-6-Presentation.pptx
 
Artikulo III- Saligang Batas ng Pilipinas 1987
Artikulo III- Saligang Batas ng Pilipinas 1987Artikulo III- Saligang Batas ng Pilipinas 1987
Artikulo III- Saligang Batas ng Pilipinas 1987
 
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxAral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Aral.pan-report.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
 
ESP9 QUARTER 3 WEEK 2.pptx
ESP9 QUARTER 3 WEEK 2.pptxESP9 QUARTER 3 WEEK 2.pptx
ESP9 QUARTER 3 WEEK 2.pptx
 
Saligang batas ng pilipinas(1987)
Saligang batas ng pilipinas(1987)Saligang batas ng pilipinas(1987)
Saligang batas ng pilipinas(1987)
 
Article 3 - Bill of Rights
Article 3 - Bill of RightsArticle 3 - Bill of Rights
Article 3 - Bill of Rights
 
article-bill-of-rights emelio jacinto the
article-bill-of-rights emelio jacinto thearticle-bill-of-rights emelio jacinto the
article-bill-of-rights emelio jacinto the
 
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptxAP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
 
KARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptxKARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptx
 
AP10PPTWEEK3-4.pptx
AP10PPTWEEK3-4.pptxAP10PPTWEEK3-4.pptx
AP10PPTWEEK3-4.pptx
 
BILL OF RIGHTS.pptx
BILL OF RIGHTS.pptxBILL OF RIGHTS.pptx
BILL OF RIGHTS.pptx
 
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDNKARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
KARAPATANG PANTAODKSJDNBSAKDNSKDNSAKDNSKDNSKDNSDN
 
Bill of Rights.pptx
Bill of Rights.pptxBill of Rights.pptx
Bill of Rights.pptx
 
Artikulo 3
Artikulo 3Artikulo 3
Artikulo 3
 
AP10PPTWEEK3-4 (1).pptx
AP10PPTWEEK3-4 (1).pptxAP10PPTWEEK3-4 (1).pptx
AP10PPTWEEK3-4 (1).pptx
 
karapatan at tungkulin.pptx
karapatan at tungkulin.pptxkarapatan at tungkulin.pptx
karapatan at tungkulin.pptx
 
SALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS- 1987.pptx
SALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS- 1987.pptxSALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS- 1987.pptx
SALIGANG-BATAS-NG-PILIPINAS- 1987.pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.pptA. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
 
SOSLIT-Karapatang-Pantao.pptx
SOSLIT-Karapatang-Pantao.pptxSOSLIT-Karapatang-Pantao.pptx
SOSLIT-Karapatang-Pantao.pptx
 

More from HonneylouGocotano1

Karapatang Pantao Quarter 4 Araling Panlipunan
Karapatang Pantao Quarter 4 Araling PanlipunanKarapatang Pantao Quarter 4 Araling Panlipunan
Karapatang Pantao Quarter 4 Araling Panlipunan
HonneylouGocotano1
 
Araling Panlipunan Daily Lesson Log Quarter 2
Araling Panlipunan Daily Lesson Log Quarter 2Araling Panlipunan Daily Lesson Log Quarter 2
Araling Panlipunan Daily Lesson Log Quarter 2
HonneylouGocotano1
 
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd Quarter
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd QuarterAraling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd Quarter
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd Quarter
HonneylouGocotano1
 
entrepreneurship.pptx
entrepreneurship.pptxentrepreneurship.pptx
entrepreneurship.pptx
HonneylouGocotano1
 
AralPan10_Q4L1.docx
AralPan10_Q4L1.docxAralPan10_Q4L1.docx
AralPan10_Q4L1.docx
HonneylouGocotano1
 
AralPan10_Q4L3.docx
AralPan10_Q4L3.docxAralPan10_Q4L3.docx
AralPan10_Q4L3.docx
HonneylouGocotano1
 
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptxKONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
HonneylouGocotano1
 
ANG DALAWANG APPROACH.pptx
ANG DALAWANG APPROACH.pptxANG DALAWANG APPROACH.pptx
ANG DALAWANG APPROACH.pptx
HonneylouGocotano1
 
DLL june 11-14 meteor.docx
DLL june 11-14 meteor.docxDLL june 11-14 meteor.docx
DLL june 11-14 meteor.docx
HonneylouGocotano1
 
DLL 8 jULY 23-25.docx
DLL 8 jULY 23-25.docxDLL 8 jULY 23-25.docx
DLL 8 jULY 23-25.docx
HonneylouGocotano1
 

More from HonneylouGocotano1 (10)

Karapatang Pantao Quarter 4 Araling Panlipunan
Karapatang Pantao Quarter 4 Araling PanlipunanKarapatang Pantao Quarter 4 Araling Panlipunan
Karapatang Pantao Quarter 4 Araling Panlipunan
 
Araling Panlipunan Daily Lesson Log Quarter 2
Araling Panlipunan Daily Lesson Log Quarter 2Araling Panlipunan Daily Lesson Log Quarter 2
Araling Panlipunan Daily Lesson Log Quarter 2
 
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd Quarter
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd QuarterAraling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd Quarter
Araling Panlipunan Daily Lesson Log 3rd Quarter
 
entrepreneurship.pptx
entrepreneurship.pptxentrepreneurship.pptx
entrepreneurship.pptx
 
AralPan10_Q4L1.docx
AralPan10_Q4L1.docxAralPan10_Q4L1.docx
AralPan10_Q4L1.docx
 
AralPan10_Q4L3.docx
AralPan10_Q4L3.docxAralPan10_Q4L3.docx
AralPan10_Q4L3.docx
 
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptxKONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
 
ANG DALAWANG APPROACH.pptx
ANG DALAWANG APPROACH.pptxANG DALAWANG APPROACH.pptx
ANG DALAWANG APPROACH.pptx
 
DLL june 11-14 meteor.docx
DLL june 11-14 meteor.docxDLL june 11-14 meteor.docx
DLL june 11-14 meteor.docx
 
DLL 8 jULY 23-25.docx
DLL 8 jULY 23-25.docxDLL 8 jULY 23-25.docx
DLL 8 jULY 23-25.docx
 

AralPan10_Q4L4.docx

  • 1. Republic of the Philippines Department of Education Region V SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE GAWANG PAGKATUTO ARALING PANLIPUNAN 10 Kwarter 4-Linggo 4 Pangalan ng Mag-aaral: ____________________________ Baitang at Antas ____________________ Asignatura:________________________________ Petsa :_______________________________________ ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS AT BILL OF RIGHTS I. Panimulang Konsepto Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural. Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa. Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General Assembly noong 1946. Eleanor Roosevelt – nabuo ang UDHR sa nang maluklok siya bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations -ang biyuda ni dating Pangulong Franklin Roosevelt ng United States. Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mga pangunahing karapatang pantao at tinawag ang talaang ito bilang Universal Declaration of Human Rights. Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan ito bilang “International Magna Carta for all Mankind.” Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas. Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto
  • 2. ang mga artikulong nakapaloob sa UDHR. Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya. Binubuo naman ng mga karapatang sibil at pulitikal ang Artikulo 3 hanggang 21. Nakadetalye sa Artikulo 22 hanggang 27 ang mga karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural. Tumutukoy naman ang tatlong huling artikulo (Artikulo 28 hanggang 30) sa tungkulin ng tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao. Buod ng mga piling karapatang pantao na nakasaad sa UDHR. Ang mga karapatang nakapaloob sa UDHR, maging ito man ay aspektong sibil at politikal o ekonomiko, sosyal, at kultural, ay tunay na nagbibigay-tangi sa tao bilang nilalang na
  • 3. nagtatamasa ng kalayaan at mga karapatang maghahatid sa kaniya upang makamit ang kaniyang mga mithiin sa buhay at magkaroon ng mabuting pamumuhay. Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob sa UDHR sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Kung ganap na maisasakatuparan ang mga karapatang ito, magiging higit na kasiya-siya ang manirahan sa daigdig na maituturing na isang lugar na may paggalang sa bawat tao at tunay na kapayapaan para sa lahat. Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting na pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ayon sa Seksyon 11 ng Artikulo II ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 ay pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao. Binigyang-diin ng Estado ang pahayag na ito sa Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) na nakapaloob sa Seksyon 1 - 22 ng Artikulo III. Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng mga pinagsamasamang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19. Tatlong uri ng mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014) Karapatang Politikal-Kapangyarihan ng mamamaya Na makilahok , tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan. Karapatang Sibil- mga karapatan na titiyak sa pribadong indibidwal na maging kasiya-siyaang kanilang pamumuhay sa paraang nais ng hindi lumalabag sa batas. Karapatang Sosyo-ekonomik-mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang- ekonomikong kalagayan ng indibidwal. Karapatan ng akusado – mga karapatan na magbibigay proteksiyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang krimen. Uri ng mga Karapatan Natural Rights Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado Karapatang mabuhay , maging malaya, at magkaroon ng ari-arian Constitutional Rights Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado Statutory Rights Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas Karapatang makataggap ng minimum wage
  • 4. Ang mga karapatang ito ay nararapat na taglay ng bawat indibiduwal dahil taglay nito ang dignidad ng isang tao, anoman ang kaniyang katayuan sa lipunan at kalagayang pangekonomika. Nilalaman ng mga karapatang-pantao na kinikilala ng Estado ayon sa Konstitusyon. Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 Artikulo III SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari arian ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas. SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang may habla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyaking tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at ang mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin. SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiiba ng kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinatakda ng batas. (2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito sa sinusundang seksyon. SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan. SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagsasa-gamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon sa pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika. SEK. 6. Hindi dapat bawasan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni hindi dapat bawasan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas. SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapagpabatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa lahat. Ang kaalaman sa mga opisyal na record, at sa mga dokumento at papeles tugkol sa mga opisyal na Gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas.
  • 5. II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan (AP10MKPIVe-4) SEK. 14. (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang criminal ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas. (2) Sa lahat ng mga pag-uusig criminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang sala hangga’t hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at hayagang paglilitis, makaharap ang mga testigo at magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng mga testigo at paglitaw ng ebidensya para sa kanyang kapakanan. Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaaring ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap. SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus maliban kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasang pambayan. SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, malapanghukuman, o pampangasiwaan. SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili. SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang paniniwala at hangaring pampulitika. (2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung ang kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala. SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di- makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang Kongreso ng parusang kamatayan sa mga kadahilanang bunsod ng mga buktot na krimen. Dapat ibaba sa reclusion perpetua ang naipataw nang parusang kamatayan.
  • 6. III. Mga Gawain Gawain 1 Mga Scenario: Paglabag at Hakbang Kumuha ng larawan o artikulo sa pahayagan tungkol sa mga situwasiyon sa bansa o ibang bahagi ng daigdig na may paglabag sa karapatang pantao. Gawin sa diyagram ang pagsagot sa hinihinging mga datos. Gabay na tanong: 1. Bakit nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao ang iyong nakuhang larawan o artikulo? ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ______________________________. 2. Paano ito nakaaapekto sa buhay ng taong biktima ng paglabag sa karapatang pantao at sa lipunang kaniyang kinabibilangan? ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ______________________________. 3. Ano ang iyong maaaring imungkahi upang maiwasan ang paglubha ng mga situwasiyong dulot ng paglabag sa mga karapatang pantao? ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ______________________________. Idikit ang larawan/artikulo Magbigay ng detalye sa larawan/ artikulo Mga karapatang pantaong nilabag batay sa nakuhang datos Pamprosesong mga Tanong 1. Bakit nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao ang iyong nakuhang larawan o artikulo? 2. Paano ito nakaaapekto sa buhay ng taong biktima ng paglabag sa karapatang pantao at sa lipunang kaniyang kinabibilangan? 3. Ano ang iyong maaaring imungkahi upang maiwasan ang paglubha ng mga situwasiyong dulot ng paglabag sa mga karapatang pantao? Mga hakbang na dapat isagawa bilang mamamayan kaugnay sa naturang paglabag
  • 7. Gawain 2. Poster Making Gumawa ng isang poster na tumatalakay sa iba’t-ibang karapatang pantao.
  • 8. IV. Rubriks sa Pagpupuntos Gawain 2 Pamantayan sa Pagmamarka :Paggawa ng Poster V. Repleksiyon VI. Susi sa Pagwawasto Pamantayan Indikador Puntos (5 puntos) Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang maayos ang ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster Kaangkupan ng konsepto Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto Pagkamalikhain Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster Kabuuang Presentasyon Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon Pagkamailkhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay upang maipahayag ang nilalaman ng konsepto at mensahe. Kabuuan Mga Natutunan ko! Ang aking mga reyalisasyon! Ang aking Pangako! VI. Susi sa Pagwawasto Gawain 1 Ang sagot ay nakabatay sa impormasyong nasaliksik ng mag-aaral
  • 9. VII.Sanggunian Araling Panlipunan 10 .Isyu at Hamong Panlipunan. pp 373-383 Facing History and Ourselves. (2017). The Universal Declaration of Human Rights. Retrieved 9 2017, February, from Facing History and Ourselves: https://www.facinghistory.org/resource-library/image/udhr-infographic Inihanda ni: BB. JUNALYN L. MILLENA Guro sa AP-San Pablo National High School Sinuri ni: G. CHARYL B. LAURIO Punong Guro Pinagtibay ni: G. Gregorio P. Olivar Jr. Tagamasid Pampurok