5. Ang mga gawaing nakapaloob sa tinatawag na Disaster Risk
Mitigation ay naglalayong mapigil ang nakapipinsalang epekto ng
mga kalamidad. Ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga gawaing
ito ay kadalasang nagmumula sa pamahalaang pambansa. Sa
Pilipinas, itinatag ang National Disaster Risk Reduction and
Management Council (NDRRMC) bilang ahensiyang mamumuno sa
paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na mararanasan ng
bansa.
5
8. 8
Ito ang namamahala sa mga programa ng pamahalaan para
sa paglilingkod sa at lipunan lalo na sa mahihirap.
Tinutulungan nito ang mahihirap at mga walang tahanan,
nagpapatayo ng mga day care center, tinutulungan ang mga
may kapansanan, tinuturuan ang mga tao kung paano
maghanapbuhay sa pamamagitan ng mga industriyang
pantahanan, at marami pang iba. Kapag may kalamidad, ang
DSWD ang nangunguna sa pagtulong sa mga nasasalanta ng
kalamidad.
Department of Social Welfare
and Development (DSWD)
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan
Pagpapaunlad
10. 10
Ito ang namamahala sa mga yunit ng lokal ng pamahalaan
tulad ng mga barangay, bayan, lungsod, o lalawigan.
Pinangangasiwaan nito ang pamahalaang lokal sa
pamamagitan ng pagbibigay ng badyet: pagpapanatili ng
kaayusan at katahimikan sa lungsod, bayan, at lalawigan;
pagpapatupad ng mga ordinansa sa mga lugar na ito; at
marami pang iba.
Department of the Interior and
Local Government (DILG)
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang
Lokal
12. 12
Nilikha upang mabigyan ng tuwirang serbisyo ang mga mamamayan
sa Metro Manila o National Capital Region. Naghahatid ito ng
malawakang mga serbisyo sa buong Metropolitan Manila. Ayon sa
Republic Act No. 7924, kabilang sa tungkulin nito ang:
pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga patakaran, pamantayan,
programa, at proyekto para sa pinagsama-samang paraan/sistema
upang mapigilan at makontrol ang patuloy na pagbaha; at mga
pamamaraan upang makamit ang pampublikong kaligtasan, lalo na sa
paghahanda para makaiwas at maging ligtas sa panahon ng mga
kalamidad.
Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA)
Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang
Maynila
14. 14
Ito ay namamahala sa mga bagay na may kinalaman sa pagpapaunlad
ng batayang edukasyon sa ating bansa. Pinamamahalaan nito ang
edukasyong pampubliko at pribado sa elementarya at sekundarya sa
bansa, at nagtatalaga ng mga guro sa mga paaralang pampubliko sa
buong bansa. Kapag parating ang matinding bagyo o may kalamidad,
kadalasang ginagamit na pansamantalang tirahan ng mga
mamamayan ang mga pampublikong paaralan.Itinakda ng Kagawaran
ng Edukasyon na lahat mga pampubliko at pribadon paaralan sa
Pilipinas ay magsagawa ng mga emergency drill bilang paghahan sa
mga kalamidad. Gayundin, ang disaster preparedness ay tuwiran nang
itinutur sa mga paaralan bilang bahagi ng kurikulum. May mga
paaralan ding nagpapadala na ng mga emergency kit sa kanilang mga
mag-aaral, guro, at kawani.
Department of Education
(DepEd)
Kagawaran ng Edukasyon
16. 16
Ito ang nangangalaga ng kalusugan ng mga
mamamayan ng bansa tulad ng pagsugpo sa
pagkalat ng kolera, tigdas, at iba pang
nakahahawang sakit, lalong-lalo na kapag may
kalamidad. Nagbibigay rin ito ng libreng gamot at
pangangalaga sa maysakit at nagpapalaganap
ng kaalaman upang mapanatiling malusog ang
mga mamamayan.
Department of Health (DOH)
Kagawaran ng Kalusugan
18. 18
Ito ang nagsasaayos ng mga lansangan, daan,
tulay, dike, at iba pang impraestruktura ng
pamahalaan na nasisira kapag may baha o lindol.
Department of Public Works and
Highways (DPWH)
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at
Lansangan
20. 20
Pinangangalagaan nito ang kapayapaan at kaayusan
sa ating bansa. Pinangangalagaan din ang kaligtasan
ng mga mamamayan at ng buong bansa laban sa
krimen tulad ng kidnap, holdap, nakawan, terorismo, at
malawakang banta sa kaligtasan, kalayaan, at
seguridad ng bansa. Tumutulong din ang mg mga
sundalo sa paglilikas ng mga mamamayan kapag may
kalamidad.
Department of National Defense
(DND)
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
21. 21
inangangalagaan nito ang kapaligiran at likas na yaman ng
bansa. Pinangangalagaan nito ang mga gubat sa
pamamagitan ng pagbabawal ng ilegal na pagpuputol ng mga
punongkahoy, at pagkakaingin.Pinauunlad ang programang
reforestation, pinauunlad ang pagmimin sa iniingatan ang
yamang dagat, at ipinatutupad ang preserbasyon ng mg pac
likas na yaman ng bansa. Kapag may matinding bagyo o may
kalamidad tumutulong ang kagawaran sa pagsasaayos ng
ating kapaligiran.
Department of Environment and
Natural Resources (DENR)
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
23. 23
Ipinararating ng pangasiwaang ito ang lagay ng
panahon. Nagbibigay babala ito sa pagdating ng
bagyo at nag-uulat tungkol sa lakas ng hangin,
ulan, at galaw ng bagyo. Isinasagawa ang mga
ito upang maproteksiyonan ang buhay at mga ari-
arian ng mga mamamayan.
Philippine Atmospheric,
Geophysical and Astronomical
Services Administration
(PAGASA)
Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong
Atmosperiko, Heopisiko at Astronomiko
25. 25
Nagbibigay babala ito sa pagputok ng bulkan
upang mapaliit ang epekto ng sakuna. Itinatalaga
nito ang hangganan na aabutin ng lava o lahar sa
pagputok ng bulkan upang makalikas ang mga
taong naninirahan sa paanan ng bulkan.
Naatasan din ang ahensiya na paliitin ang epekto
ng sakunang dulot ng lindol, tsunami, at ibang
heotektonikong penomenon.
Philippine Institute of
Volcanology and Seismology
(PHIVOLCS)
Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at
Sismolohiya
28. Ang tuon nito ay ang paggamit ng mahusay at maayos na
gawaing pang-inhenyero (proper engineering practices).
Kabilang sa mga ito ang: pagdisenyo ng mga sistemang
pantransportasyon at pang-elekstrisidad na kakayanin ang
mga lindol at bagyo; pagbabaon sa mga transmission line
bilang proteksiyon sa mga buhawi; at pagtatayo ng mga
dam at dike para maiwasan ang pagbaha. Ang iba pang
paraan upang malutas ang problema sa pagbaha ay:
pagtatayo ng mga floodway at spillway; pagpapaluwag sa
daluyan ng tubig; at dredging ng mga ilog.
28
31. Ang mga patakarang hindi pang-estruktura ay hindi
nakatuon sa pagdisenyo at pagpapatayo ng mga
estruktura. Sa halip, ang pagbabawas sa pinsala ng mga
kalamidad ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagitan ng
mga mamamayan at pamahalaan sa mga gawaing tulad
ng:
maayos na paggamit at pamamahala ng mga lupain,
pagpapatupad at pagsunod sa mga ordinansa sa zoning
at mga building code, pagtuturo at pagsasanay sa
publiko; at pagtatanim mga punongkahoy ng mga
mamamayan sa mga kabundukan at maging mga
baybaying-dagat. 31
33. Sa inyong NOTEBOOK,
sagutan ang pahina 56 at
57 TIYAKIN A at D.
Para sa Tiyakin A, isulat lamang
ang sagot.
Para sa Tiyakin D ay gagawa ng
Venn Diagram at doon isusulat
ang kasagutan
33