5. 1. Saan patungkol ang balitang
napanood o napakinggan?
2. Ano ang dahilan ng
pambubully sa grade 9
student?
3. Ano ang iyong opinyon
hinggil dito?
6. Layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang layon ng programang panradyo;
b. nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa
balitang napanood at
c. naiuugnay ang napanood o narinig sa kasalukuyang
pangyayari sa ating lipunan ngayon
7. Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang ibig sabihin ng Kontemporaryong
Programang Panradyo?
2. Ano ano ang mga salitang ginamit sa
positibo at negatibong pahayag?
3. Malaki ba ang ba nagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng isang
indibidwal?
9. Ang radyo ang itinuturing na una sa
pinakapinagkakatiwalaang pinagkukunan ng
pampolitikang impormasyon sa Pilipinas. Sa
kasalukuyan, pumapangalawa ang radyo at
telebisyon bilang pinakaginagamit na media
sa bansa.
10. Sa kasalukuyan, isa sa mga
pinakamalakas makahikayat at
makaimpluwensiya sa isip ng mga tao ay
ang mass media. Layunin nitong
pukawin ang interes ng tao sapagkat
ginagamitan ito ng (pandinig) at visual (
paningin).
11. May dalawang pamimiliang pangunahing istasyon sa
radyo, ito ay ang Amplitude Modulation (AM) at
Frequency Modulation (FM). Ang mga istasyon na FM
ay nakapokus ang nilalaman, unang-una sa musika
samantalang ang mga istasyon na AM ay nag-uulat ng
mga balita, kasalukuyang pangyayari, serbisyo
publiko, seryal na drama at mga programang
tumatalakay sa mga napapanahong isyu.
12. Si Gugliemo Marconi ay isang Italyanong
imbentor, na higit na kilala dahil sa
kanyang pagpapaunlad ng sistemang
radyo-telegrapo. Siya ang tagapagsimula
ng komunikasyon sa radyo.
13. Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena
Botkin-Levy, Koordineytor ng ZUMIX Radio, ay ang
pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na
maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin
kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang
isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng
pansin.
14. Ang pagbibigay-opinyon ayon kay
Levy ay makatutulong ng malaki
upang ang kabataan ay higit na
maging epektibong tagapagsalita.
15. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang
upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad
ng opinyon o pananaw.
16. May iba‟t ibang programang panradyo sa
bansa na may layuning magbigay ng
kasiyahan, libangan at kaalaman sa
tagapakinig. Ilan sa mga halimbawa ng
kontemporaryong programang panradyo
ay dulang panradyo, teleserye o drama,
komentaryong panradyo at balita.
17.
18. Narito ang mga katanungan.
1. Ano ang paksa ng napanood na bidyo?
2. Anong uri ng programang pantelebisyon
ito?
3. Ano-ano ang mga salitang ginamit sa
programang napanood. Ilista ito at bigyan ng
pagpapakahulugan.
19.
20. Paano mo maiuugnay ang iyong
napanood o narinig sa kasalukuyang
pangyayari sa ating lipunan ngayon?
Base sa ating natalakay, ano ang dalawang
station sa radyo?
21. Pagtataya:
Panuto: Anong huling balita sa radyo ang iyong napakinggan at ano
naman ang huling balitang napanood mo sa telebisyon? Ano ang
kaugnayan sa isa't isa ng mga balitang iyong napakinggan? Isulat ang
iyong opinyon tungkol dito.