SlideShare a Scribd company logo
MGA DULANG
PANGTANGHALAN
Jenita D. Guinoo
Gr.8 - Filipino
Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pangtanghalan
Ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong
mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni
Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t-ibang
kasuotan, iskrip, “Characterization”, at “internal conflict”. Ito ang
pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang
kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga librong kinunsulta ko,
ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito
ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang
pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay ang
pagbibigay buhay ng actor sa mga pang-araw-araw na pangyayari
sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng
banyaga sa Pilipinong dula.
Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap
ng bansa. Dito ipinakita ang mga katutubong kultura, paniniwala,
at tradisyon. Ikinukwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa
buahy ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang iba’t
ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan.
Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas
malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng
kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino higit sa lahat,
ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang
Pilipino.
Sa kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng
mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang
mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na
mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula na siyang pinag-uugtan ng
mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng
tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na
kalimita’y isinasalaysay sa pamamagitan ng pag-awit. Ang mga
awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa
pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan,
kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay,
pagtatanim, pag-aani, at pangingisda, atbp. Bago dumating ang
mga dayuhang mananakop ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang
mga katutubong Pilipino.
• Moro-moro
• Ang Moro-moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de
capa y espada. Ang Moro-moro ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at
nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad ng sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang
nawili sa paggawa ng Moro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang itinuturing na
kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo. Ang Moro-moro ay
pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at pilipinong
Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nangang
mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng
mga Espanyol laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog.
• Ang karaniwang banghay ng Moro-moro ay batay sa pagmamahalan sa pagitan ng isang
Pilipinong Muslim na Prinsipe at isang Kristiyanong Prinsesa. Ang pagkakaiba sa relihiyon
ay kasama sa mga balakid na kailangang malampasan ng mga karakter. Ang hidwaan ay
patuloy pang lalala dahil sa patuloy na nagsusumikap ang mga kamag-anak ng parehong
panig upang hindi matuloy ang kasal.
• At sa huli, isang paligsahan ang magaganap kung saan ang Muslim at Kristiyano ay
maglalaban para sa kamay ng Prinsesa. Kapag ang Muslim ang nanalo sa paligsahan, siya
ang papayagan na makuha ang kamay ng Kristiyanong Prinsesa sa kondisyon na siya ay
magpapabinyag sa Kristiyanismo.
•Duplo
• Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga
selebrasyon upang mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para
sa namatay. Ito ay binubuo ng mga puri, biro at palaisipan saa
bernakular.
• Kinalaunan, ang duplo ay naging isang madulaing debate sa
pamamagitan ng berso. Ang nakasanayang gawi ay ang ibang
manlalaro ay magbibintang sa iba pang mga kathang krimen at ang
mga akusado naman ay ipagtatanggol ang kanilang sarili. Ang
usapan o dayalogo ay nagiging mas masigla gamit ang mga kotasyon
mula sa mga awit at corrido na ginagamit sa debate kapag ang isang
nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa
kanya, siya ay kadalasang pinaparusahan sa pamamagitan ng
pagpilit sa kaniya na magsabi ng isang dalit para sa namatay.
•Sarswela
• Ang sarswela (Espanyol:zarzuela bigkas (8ar’8wela)Sa latin Amerika ay
isang kastilang uri ng lirika-dramatiko na nagpapalit mula sa binibigkas
patungo sa inaawit na mga eksena na sinasama ang mala-opera at tanyag
na awitin, gayon din ang sayaw. Lumawak ang uring ito sa mga kolonya ng
Espanya, kabilang ang Pilipinas na naging isang tradisyon.
• Ang sarswela ay isang dulang may kantahan at sayawan na mayroong isa
hanggang limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino
na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig., drama-liriko at operetta.
• Ito ay dumating sa Maynila noong 1879 0 1880 na may pagtatanghal ng
lugar con Fuego (Play with Fire) ng grupo ni Dario de Cespedes. Sa mga
sumunod na taon, marami pang mga grupo ang dumating sa bansa na
nagdulot ng inspirasyon sa mga Pilipino upang gumawa ng orihinal na
sarswela sa wikang Tagalog, Pampango, Ilokano, Cebuano, Ilongo at
Waray
• Ang “An Pagtatabang ni San Miguel” ang unang sarswela sa Waray ni
Norberto Romualdez
•Ang “Ing Managpe naman ni Mariano Proceso Pabalan
Byron ang unang sarswela sa Kapampangan. Ang
sarswela ay maaaring maglarawan ng mga tema nang
pagmamahal sa bayan sa panahon ng rebolusyon, tulad
ng “Walang Sugat” (Not Wounded) ni Severino Reyes
noong 1902; panlilibak sa mga kahinaan ng pagkatao
ng mga Pilipino, tulad ng mataas na interes sa pautang,
sa “Bunganga ng Pating” (At the Mercy of the Sharks),
1921; at paglalahad ng isang nakawiwiling kwento ng
pag-ibig, gaya ng “Anak ng Dagat” (Child of the Sea)
1921 at “Dalagang Bukid” (country Maiden), 1919.
• Magmula pa noong sinaunang dekada ng ika-20 na siglo hanggang sa
kasalukuyan, ang sarswela ay itinatanghal na ng mga komersyal na grupo
sa mga teatro sa malalaking syudad tulad ng Maynila, at Cebu o sa mga
entablado sa mga rural na lugar tuwing may kapistahan.
• Mga pininturahang telon ang nagtatakda ng tagpo sa bawat eksena.
Nakikilala naman ang bida sa kontrabida sa pamamagitan ng kanilang
pag-arte at pananamit. Isang maliit o malaking orchestra ang sumasabay
sa mga kanta, na karaniwang isinasama ang kundiman, balitaw, balse,
danza, fox-trot at kung ano man na sikat sa naturang panahon. Isang
pangkalahatang director ang nagsasanay sa mga actor at nakikipag-
ugnayan sa director ng musika na kumukumpas ng orchestra; maestro
delchoir (choir master), na nagsasanay sa pag-awit ng mga actor;
trarnoista (technician) na gumagawa ng mga telon at props; electricista
na nangangalaga sa ilaw na gagamitin sa sarswela; apuntador (prompter)
ang nagdidikta mula sa concha (shell) sa harap ng entablado; at ang iba
pang mga tauhan na kasama sa pagtatanghal.
• Komedya
• Ang Komedya (Comedy) ay isang termino mapa-pelikula man o
entablado. Ito ay ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay
nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang
mamumutawi sa kanyang bibig.
• Ang komedya ay maaari ding walang salita na nauso noong panahon ng
Silent Movies na makikita o sa pagsalita ng bibig kundi sa pagkilos ng
katawan.
• Ang komedya ay isang dulang patalata (karaniwang binubuo ng
octosyllabic o dodecasyllabic na quatrain na gumagamit ng nakaugaliang
marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla o labanan na
may koregrapiya, at magia o mga mahihiwagang epekto sa palabas. Ito ay
kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang tatlong araw upang
ipagdiriwang ang piyesta ng patron ng baryo.
• Ito ay nagmula sa comedia ng Espanyol noong ika-16 na siglo. Ang local
na komedya ay unang lumabas sa Latin at Espanyol sa Cebu noong 1598.
• Uri ng Komedya
• Sa kasalukuyan, mahahati ang komedya sa dalawang uri:
• 1. Komedya de santo na sumesentro sa buhay ng mga santo tulad
ng Comedia de San Miguel sa lunsod ng Iligan, o kaya naman ay
tungkol sa mga himalang dala ng mga santo tulad ng Haybing sa
Taal, Batangas, at tungkol sa mga yugto ng buhay ng mga santo
tulad ni kristo sa comedia de misterio ng Paete, Laguna
• 2. Ito ay mas secular na uri ng komedya na tinatawag na Kumidya,
moro-moro, linambay, colloquio, tibag, at minoros. Ang uring ito
ay tungkol sa mga labanan ng mga kaharian ng Kristiyano sa
Europa tulad ng Pransya, Espanya, Italya, Alemanya, atbp. O sa
buhay at pag-ibig ng mga dakilang Muslim at Kristiyanong karakter
tulad ng Don Alejandre y Don Luis at Orosman at Zafiro
• Paksa o Tema
• Ang komedya de santo ay maaaring humalaw ng mga istorya mula sa awit at korido na
nagsasalaysay ng buhay ng mga santo, o mula sa mga talambuhay ng mga santo na
pinasikat ng mga libro o ng mga sermon, o kaya naman ay mula sa mga kuwentong
himala na sinasabing dulot ng mga santo.
• Sa kabilang banda, ang ibang mga komedya ay kumukuha karamihan ng mga istorya,
karakter at mga linya mula sa mga awit at korido mula sa mga medieval na kaharian na
inilimbag bilang libro (pamphlets)
• Sa mga dekada pagkatapos ng WWII, ang komedya ay nagsimulang maimpluwensiyahan
maging ang mga palabas sa sine at mga tanyag na magasin
Mga tauhan
1. Mga Kristiyano- ang mga tauhan ng komedya na nabibilang sa kaharian ng mga
kristiyano tulad ng Espanya, Portugal, Alemanya, Italya, Pransiya, at Albania ay ang :
rey (hari), reina(reyna), prinsesa, prinsipe, consejero, general at soldado o sundalo
2. Mga Moro- ang mga tauhan naman na nabibilang sa kaharian ng mga Moro ay ang
Sultan, visir, emir, prinsesa, general at soldado. Ang iba pang mga tauhan ay ang
pusong o locayo na nagpapatawa sa mga manonood, ang villanos o ang mga taga-
nayon, pastores o ang mga pastol at ang gigante o higante
• Pananamit
• Ang kasuotan sa komedya ay karaniwang gawa sa mga
mamahaling materyales tulad ng velvet at satin. Ito rin ay
napapalamutian ng mga burda, sequins, aboloryo, balahibo at
pakpak ng ibon. Ang gayak ng bawat tauhan ay nakatutulong
upang mailabas ang ideyolohikal na mensahe ng komedya. Kung
kaya, ang mga Kristiyano ay kadalasang nakasuot ng itim o ng mga
mapapanglaw na kulay tulad ng berde at asul habang ang mga
Moro naman ay nakadamit ng pula o kahel.
• Ang bawat tauhan din ay may bukod-tanging kasuotan. Tulad ng
hari, siya lamang ang nagsusuot ng mahabang kappa at korona;
ang reyna namam ay may kappa rin at tiara; ang prinsipe ay may
isang maliit na kappa at sombrero na may tatlong sulok na
tinatawag na trespiscos; ang mga sundalo naman ay may mga
maliit na kappa at maliliit na sombrero.
• Trahedya
• Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na
wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may
malungkot ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng
drama mula sa Sinaunang Gresya. Kabilang sa maagang mga bantog na
tagapagsulat ng trahedya sa Gresya sina Aeschylus (o Esquilo), Sophocies
(o Sofocies), at Euripides
• Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri ayon sa anyo
1. Komedya- ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa
pamamagitan ng mga ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay
masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay naaayos. Ang pagkakasundo-
sundo ng mga tauhan ang nakapagpasaya sa mga manonood. Isang
halimbawa ng komedya na isinulat ni Juan Crisostomo Soto (O Crissot) na
tinaguriang “Ama ng panitikang Kapampangan” ay ang komedyang Kiki-
Riki, isang komedyang nakasulat sa Kapampangang at may isang yugto.
2. Melodrama
• Ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musical. Isang halimbawa nito ang
“Sarimanok” na sinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez
3. Trahedya
- Nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas. Isang halimbawa ng
trahedya ay sa “Balay ni Kadil” na isinulat ni Don Pagusara
4. Parsa
- Ang parsa ay nakapagpapasaya sa mga manonood dahil sa mga dugtong-dugtong
na mga pangyayaring nakapagpapatawa
5. Saynete
- Ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao
6. Tragi-komedya
-magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni William Shakepeare
2. Melodrama
• Ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musical. Isang halimbawa nito ang
“Sarimanok” na sinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez
3. Trahedya
- Nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas. Isang halimbawa ng
trahedya ay sa “Balay ni Kadil” na isinulat ni Don Pagusara
4. Parsa
- Ang parsa ay nakapagpapasaya sa mga manonood dahil sa mga dugtong-dugtong
na mga pangyayaring nakapagpapatawa
5. Saynete
- Ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao
6. Tragi-komedya
-magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni William Shakepeare
DulangPantanghalan
• Ang dulang pantanghalan ay isang uri ng panitikan. Ito ay isang masining
na kathang isinulat upang itanghal sa entablado. Ito’y may mga artistang
gumaganap sa mga papel ng mga tauhan ng akda. Ang isang mabuting
dula o drama ay nagbibigay kasagutan sa isang malalim na suliraning
naglalarawan ng kalikasan ng tao at nagtatanghal ng pagtutunggalian ng
mga kalooban at mga damdamin. Ang pang-akit ng dula ay nasa mahusay
na pagkakayari , ang pasidhi nang pasidhing takbo ng pangyayari
hanggang dumating sa lalong kapana-panabik na sandal at magbuhat
doo’y pabulusok na sisisid sa wakas.
• Sa isang dula, ang pangunahing tauhan ay lagging nahaharap sa isang
katunggaliang lakas sapagkat narito ang kaluluwa ng dula. Kapag walang
labanan, walang kagalaw-galaw ang mga pangyayari ay walang dula.
DulangPantanghalan
• Ang pagkawili ng mga manonood ay nasa pagsulong at kahihinatnan ng
tunggalian. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo:
1. Iisahing Yugtong dula-dulaan
-Yaong maikli na binubuo lamang ng isang yugto
2. Tatluhing Yugtong dula
- Iyong mahaba na binubuo ng tatlong yugto
3. Dadalawahing yugtong dula
- may katamtaman lamang ang haba, hindi gaanong maikli, hindi
gaanong mahaba, at karaniwang dadalawahing yugto lamang na ang
pinakalayunin nito ay itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o sa
entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhan
MgaElementongDulangPantanghalan
Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay ang simula,
gitna, at wakas
1. Simula- mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at
sulyap sa suliranin
2. Gitna -matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang
tunggalian, at ang kasukdulan
3. Wakas- matatagpuan naman dito ang kakalasan at
ang kalutasan
• Ang mga salitang ito ay pagpipilian sa paglalarawan ng katangian ng tulang
patnigan. Itala sa inyong sanayang kwaderno ang tama at angkop na
maglalarawan sa akdang ito.
Tulang patnigan
Epekto ng Kasalukuyang Kalagayan ng mga Tulang
Patnigan
• 1. Ilahad ang naging epekto ng tulang patnigan ayon sa sumusunod:
Epekto
Sa sariling lugarSarili Sa iba
• 2. Bakit ito nakaaapekto sa iyo at sa iba?
•3. Paano nabuo ang bawat uri ng tulang patnigan? Ilahad
ang kaisipang inihayag sa pagkakabuo ng mga ito.
• 4. Paano nakaaapekto sa iyong damdamin ang naging
kalagayan o saloobin ng mga mambibigkas sa mga uri ng
tulang patnigan sa kasalukuyan.
• 5. Maglahad ng ilan sa napapanahong pangyayari o isyu na
nagiging sanhi ng pagtatalo
• 6. Ilahad ang pagbabagong naganap sa sarili, paniniwala ,
saloobin o kaisipan matapos matalakay ang aralin
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang tulang patnigan?
2. Iulat ang mga uri ng tulang patnigan (Maaaring gamitin ang Eye
Witness Balita, Focus Group Discussion, Interview with the Expert,
Symposium atbp.)
3. Alin sa mga uring ito ang pinakaibig mong itanghal, panoorin, o
pakinggan? Bakit?
4. Anong damdamin ang namamayani sa iyo sa tuwing
itinatanghal/pinakikinggan/pinapanood ang mga tulang patnigan?
5. Paano nakatutulong sa iyo ang kaalaman sa mga tulang patnigan
bilang mag-aaral?
6. Ilahad ang dating kaalaman, gusto pang matutuhan at ang
natutuhan sa araling tinalakay ang K-W-L
• 1. Bakit kailangang pag-aralan at unawain ang mga tulang patnigan?
• 2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang mga tulang patnigan?
Karagatan Duplo Balagtasan Batutian
Kongklusyon:

More Related Content

What's hot

Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Mdaby
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonGilbert Joyosa
 
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Marlene Panaglima
 
Mga sinaunang dula
Mga sinaunang dulaMga sinaunang dula
Mga sinaunang dula
scnhscandelaria
 
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyoMga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyoGreg Aeron Del Mundo
 
Dulang pilipino
Dulang pilipinoDulang pilipino
Dulang pilipino
heidi_melendez
 
Patulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikanPatulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikan
dyancent
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Marlene Forteza
 
Dula
DulaDula
Dula
vavyvhie
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
Gerold Sarmiento
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
charlhen1017
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
yahweh19
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolLAZ18
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Rosalie Orito
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento Handout
Allan Ortiz
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Admin Jan
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogEumar Jane Yapac
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
Rhodz Fernandez
 

What's hot (20)

Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
 
Mga sinaunang dula
Mga sinaunang dulaMga sinaunang dula
Mga sinaunang dula
 
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyoMga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
Mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo
 
Dulang pilipino
Dulang pilipinoDulang pilipino
Dulang pilipino
 
Patulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikanPatulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikan
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
 
Duplo
DuploDuplo
Duplo
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
 
Banghay aralin
Banghay aralinBanghay aralin
Banghay aralin
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyol
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento Handout
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalog
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
 

Similar to Mga dulang pantanghalan

PPTDF.pptx
PPTDF.pptxPPTDF.pptx
maiklingkasaysayanngdula-161104124838.pdf
maiklingkasaysayanngdula-161104124838.pdfmaiklingkasaysayanngdula-161104124838.pdf
maiklingkasaysayanngdula-161104124838.pdf
JudyDatulCuaresma
 
PANAHON-NG-AMERIKANO.pptx dula na tumutukoy sa amerikano
PANAHON-NG-AMERIKANO.pptx dula na tumutukoy sa amerikanoPANAHON-NG-AMERIKANO.pptx dula na tumutukoy sa amerikano
PANAHON-NG-AMERIKANO.pptx dula na tumutukoy sa amerikano
acsalas
 
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptxPanitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
CassandraWinterCryst
 
Presentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoPresentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoANNABELE DE ROMA
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
iwishihadnt
 
panitikan
panitikanpanitikan
panitikanPotreKo
 
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptxANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
Mark James Viñegas
 
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptxULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
JohnLemuelSolitario
 
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
MarkAnthonyAurellano
 
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoAng Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Mckoi M
 
Pelikula
PelikulaPelikula
Pelikula
Anne
 
Kontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikanKontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikan
RMI Volunteer teacher
 
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng haponPanahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
SpencerPelejo
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3

Similar to Mga dulang pantanghalan (20)

PPTDF.pptx
PPTDF.pptxPPTDF.pptx
PPTDF.pptx
 
Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1
 
Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1
 
maiklingkasaysayanngdula-161104124838.pdf
maiklingkasaysayanngdula-161104124838.pdfmaiklingkasaysayanngdula-161104124838.pdf
maiklingkasaysayanngdula-161104124838.pdf
 
DULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdfDULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdf
 
PANAHON-NG-AMERIKANO.pptx dula na tumutukoy sa amerikano
PANAHON-NG-AMERIKANO.pptx dula na tumutukoy sa amerikanoPANAHON-NG-AMERIKANO.pptx dula na tumutukoy sa amerikano
PANAHON-NG-AMERIKANO.pptx dula na tumutukoy sa amerikano
 
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptxPanitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
 
Presentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoPresentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipino
 
Haponesppt 1233062528340431-1-1
Haponesppt 1233062528340431-1-1Haponesppt 1233062528340431-1-1
Haponesppt 1233062528340431-1-1
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
panitikan
panitikanpanitikan
panitikan
 
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptxANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
 
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptxULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
 
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
 
Panahon ng-hapon
Panahon ng-haponPanahon ng-hapon
Panahon ng-hapon
 
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoAng Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
 
Pelikula
PelikulaPelikula
Pelikula
 
Kontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikanKontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikan
 
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng haponPanahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 

More from Jenita Guinoo

Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptxAng Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Jenita Guinoo
 
Role of parents
Role of parentsRole of parents
Role of parents
Jenita Guinoo
 
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Jenita Guinoo
 
Kab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang talesKab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang tales
Jenita Guinoo
 
Sa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglawSa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglaw
Jenita Guinoo
 
Pagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanyaPagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanya
Jenita Guinoo
 
Pagtitiwala
PagtitiwalaPagtitiwala
Pagtitiwala
Jenita Guinoo
 
Kabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismoKabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismo
Jenita Guinoo
 
Kabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismoKabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismo
Jenita Guinoo
 
Kabanata 5 noli
Kabanata 5 noliKabanata 5 noli
Kabanata 5 noli
Jenita Guinoo
 
Kabanata 5 el fili
Kabanata 5 el filiKabanata 5 el fili
Kabanata 5 el fili
Jenita Guinoo
 
Kabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibusteroKabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibustero
Jenita Guinoo
 
Florante at laura sa atenas
Florante at laura  sa atenasFlorante at laura  sa atenas
Florante at laura sa atenas
Jenita Guinoo
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
Jenita Guinoo
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
Jenita Guinoo
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
Jenita Guinoo
 
Bahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismoBahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismo
Jenita Guinoo
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
Jenita Guinoo
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
Jenita Guinoo
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
Jenita Guinoo
 

More from Jenita Guinoo (20)

Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptxAng Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
 
Role of parents
Role of parentsRole of parents
Role of parents
 
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
 
Kab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang talesKab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang tales
 
Sa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglawSa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglaw
 
Pagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanyaPagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanya
 
Pagtitiwala
PagtitiwalaPagtitiwala
Pagtitiwala
 
Kabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismoKabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismo
 
Kabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismoKabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismo
 
Kabanata 5 noli
Kabanata 5 noliKabanata 5 noli
Kabanata 5 noli
 
Kabanata 5 el fili
Kabanata 5 el filiKabanata 5 el fili
Kabanata 5 el fili
 
Kabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibusteroKabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibustero
 
Florante at laura sa atenas
Florante at laura  sa atenasFlorante at laura  sa atenas
Florante at laura sa atenas
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 
Bahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismoBahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismo
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 

Mga dulang pantanghalan

  • 1. MGA DULANG PANGTANGHALAN Jenita D. Guinoo Gr.8 - Filipino
  • 2. Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pangtanghalan Ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t-ibang kasuotan, iskrip, “Characterization”, at “internal conflict”. Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga librong kinunsulta ko, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay ang pagbibigay buhay ng actor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.
  • 3. Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buahy ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang iba’t ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.
  • 4. Sa kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula na siyang pinag-uugtan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamamagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, at pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga dayuhang mananakop ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong Pilipino.
  • 5. • Moro-moro • Ang Moro-moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada. Ang Moro-moro ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad ng sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng Moro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang itinuturing na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo. Ang Moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at pilipinong Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nangang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Espanyol laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog. • Ang karaniwang banghay ng Moro-moro ay batay sa pagmamahalan sa pagitan ng isang Pilipinong Muslim na Prinsipe at isang Kristiyanong Prinsesa. Ang pagkakaiba sa relihiyon ay kasama sa mga balakid na kailangang malampasan ng mga karakter. Ang hidwaan ay patuloy pang lalala dahil sa patuloy na nagsusumikap ang mga kamag-anak ng parehong panig upang hindi matuloy ang kasal. • At sa huli, isang paligsahan ang magaganap kung saan ang Muslim at Kristiyano ay maglalaban para sa kamay ng Prinsesa. Kapag ang Muslim ang nanalo sa paligsahan, siya ang papayagan na makuha ang kamay ng Kristiyanong Prinsesa sa kondisyon na siya ay magpapabinyag sa Kristiyanismo.
  • 6. •Duplo • Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para sa namatay. Ito ay binubuo ng mga puri, biro at palaisipan saa bernakular. • Kinalaunan, ang duplo ay naging isang madulaing debate sa pamamagitan ng berso. Ang nakasanayang gawi ay ang ibang manlalaro ay magbibintang sa iba pang mga kathang krimen at ang mga akusado naman ay ipagtatanggol ang kanilang sarili. Ang usapan o dayalogo ay nagiging mas masigla gamit ang mga kotasyon mula sa mga awit at corrido na ginagamit sa debate kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa kanya, siya ay kadalasang pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpilit sa kaniya na magsabi ng isang dalit para sa namatay.
  • 7. •Sarswela • Ang sarswela (Espanyol:zarzuela bigkas (8ar’8wela)Sa latin Amerika ay isang kastilang uri ng lirika-dramatiko na nagpapalit mula sa binibigkas patungo sa inaawit na mga eksena na sinasama ang mala-opera at tanyag na awitin, gayon din ang sayaw. Lumawak ang uring ito sa mga kolonya ng Espanya, kabilang ang Pilipinas na naging isang tradisyon. • Ang sarswela ay isang dulang may kantahan at sayawan na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig., drama-liriko at operetta. • Ito ay dumating sa Maynila noong 1879 0 1880 na may pagtatanghal ng lugar con Fuego (Play with Fire) ng grupo ni Dario de Cespedes. Sa mga sumunod na taon, marami pang mga grupo ang dumating sa bansa na nagdulot ng inspirasyon sa mga Pilipino upang gumawa ng orihinal na sarswela sa wikang Tagalog, Pampango, Ilokano, Cebuano, Ilongo at Waray • Ang “An Pagtatabang ni San Miguel” ang unang sarswela sa Waray ni Norberto Romualdez
  • 8. •Ang “Ing Managpe naman ni Mariano Proceso Pabalan Byron ang unang sarswela sa Kapampangan. Ang sarswela ay maaaring maglarawan ng mga tema nang pagmamahal sa bayan sa panahon ng rebolusyon, tulad ng “Walang Sugat” (Not Wounded) ni Severino Reyes noong 1902; panlilibak sa mga kahinaan ng pagkatao ng mga Pilipino, tulad ng mataas na interes sa pautang, sa “Bunganga ng Pating” (At the Mercy of the Sharks), 1921; at paglalahad ng isang nakawiwiling kwento ng pag-ibig, gaya ng “Anak ng Dagat” (Child of the Sea) 1921 at “Dalagang Bukid” (country Maiden), 1919.
  • 9. • Magmula pa noong sinaunang dekada ng ika-20 na siglo hanggang sa kasalukuyan, ang sarswela ay itinatanghal na ng mga komersyal na grupo sa mga teatro sa malalaking syudad tulad ng Maynila, at Cebu o sa mga entablado sa mga rural na lugar tuwing may kapistahan. • Mga pininturahang telon ang nagtatakda ng tagpo sa bawat eksena. Nakikilala naman ang bida sa kontrabida sa pamamagitan ng kanilang pag-arte at pananamit. Isang maliit o malaking orchestra ang sumasabay sa mga kanta, na karaniwang isinasama ang kundiman, balitaw, balse, danza, fox-trot at kung ano man na sikat sa naturang panahon. Isang pangkalahatang director ang nagsasanay sa mga actor at nakikipag- ugnayan sa director ng musika na kumukumpas ng orchestra; maestro delchoir (choir master), na nagsasanay sa pag-awit ng mga actor; trarnoista (technician) na gumagawa ng mga telon at props; electricista na nangangalaga sa ilaw na gagamitin sa sarswela; apuntador (prompter) ang nagdidikta mula sa concha (shell) sa harap ng entablado; at ang iba pang mga tauhan na kasama sa pagtatanghal.
  • 10. • Komedya • Ang Komedya (Comedy) ay isang termino mapa-pelikula man o entablado. Ito ay ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig. • Ang komedya ay maaari ding walang salita na nauso noong panahon ng Silent Movies na makikita o sa pagsalita ng bibig kundi sa pagkilos ng katawan. • Ang komedya ay isang dulang patalata (karaniwang binubuo ng octosyllabic o dodecasyllabic na quatrain na gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla o labanan na may koregrapiya, at magia o mga mahihiwagang epekto sa palabas. Ito ay kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang tatlong araw upang ipagdiriwang ang piyesta ng patron ng baryo. • Ito ay nagmula sa comedia ng Espanyol noong ika-16 na siglo. Ang local na komedya ay unang lumabas sa Latin at Espanyol sa Cebu noong 1598.
  • 11. • Uri ng Komedya • Sa kasalukuyan, mahahati ang komedya sa dalawang uri: • 1. Komedya de santo na sumesentro sa buhay ng mga santo tulad ng Comedia de San Miguel sa lunsod ng Iligan, o kaya naman ay tungkol sa mga himalang dala ng mga santo tulad ng Haybing sa Taal, Batangas, at tungkol sa mga yugto ng buhay ng mga santo tulad ni kristo sa comedia de misterio ng Paete, Laguna • 2. Ito ay mas secular na uri ng komedya na tinatawag na Kumidya, moro-moro, linambay, colloquio, tibag, at minoros. Ang uring ito ay tungkol sa mga labanan ng mga kaharian ng Kristiyano sa Europa tulad ng Pransya, Espanya, Italya, Alemanya, atbp. O sa buhay at pag-ibig ng mga dakilang Muslim at Kristiyanong karakter tulad ng Don Alejandre y Don Luis at Orosman at Zafiro
  • 12. • Paksa o Tema • Ang komedya de santo ay maaaring humalaw ng mga istorya mula sa awit at korido na nagsasalaysay ng buhay ng mga santo, o mula sa mga talambuhay ng mga santo na pinasikat ng mga libro o ng mga sermon, o kaya naman ay mula sa mga kuwentong himala na sinasabing dulot ng mga santo. • Sa kabilang banda, ang ibang mga komedya ay kumukuha karamihan ng mga istorya, karakter at mga linya mula sa mga awit at korido mula sa mga medieval na kaharian na inilimbag bilang libro (pamphlets) • Sa mga dekada pagkatapos ng WWII, ang komedya ay nagsimulang maimpluwensiyahan maging ang mga palabas sa sine at mga tanyag na magasin Mga tauhan 1. Mga Kristiyano- ang mga tauhan ng komedya na nabibilang sa kaharian ng mga kristiyano tulad ng Espanya, Portugal, Alemanya, Italya, Pransiya, at Albania ay ang : rey (hari), reina(reyna), prinsesa, prinsipe, consejero, general at soldado o sundalo 2. Mga Moro- ang mga tauhan naman na nabibilang sa kaharian ng mga Moro ay ang Sultan, visir, emir, prinsesa, general at soldado. Ang iba pang mga tauhan ay ang pusong o locayo na nagpapatawa sa mga manonood, ang villanos o ang mga taga- nayon, pastores o ang mga pastol at ang gigante o higante
  • 13. • Pananamit • Ang kasuotan sa komedya ay karaniwang gawa sa mga mamahaling materyales tulad ng velvet at satin. Ito rin ay napapalamutian ng mga burda, sequins, aboloryo, balahibo at pakpak ng ibon. Ang gayak ng bawat tauhan ay nakatutulong upang mailabas ang ideyolohikal na mensahe ng komedya. Kung kaya, ang mga Kristiyano ay kadalasang nakasuot ng itim o ng mga mapapanglaw na kulay tulad ng berde at asul habang ang mga Moro naman ay nakadamit ng pula o kahel. • Ang bawat tauhan din ay may bukod-tanging kasuotan. Tulad ng hari, siya lamang ang nagsusuot ng mahabang kappa at korona; ang reyna namam ay may kappa rin at tiara; ang prinsipe ay may isang maliit na kappa at sombrero na may tatlong sulok na tinatawag na trespiscos; ang mga sundalo naman ay may mga maliit na kappa at maliliit na sombrero.
  • 14. • Trahedya • Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng drama mula sa Sinaunang Gresya. Kabilang sa maagang mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa Gresya sina Aeschylus (o Esquilo), Sophocies (o Sofocies), at Euripides • Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri ayon sa anyo 1. Komedya- ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay naaayos. Ang pagkakasundo- sundo ng mga tauhan ang nakapagpasaya sa mga manonood. Isang halimbawa ng komedya na isinulat ni Juan Crisostomo Soto (O Crissot) na tinaguriang “Ama ng panitikang Kapampangan” ay ang komedyang Kiki- Riki, isang komedyang nakasulat sa Kapampangang at may isang yugto.
  • 15. 2. Melodrama • Ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musical. Isang halimbawa nito ang “Sarimanok” na sinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez 3. Trahedya - Nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas. Isang halimbawa ng trahedya ay sa “Balay ni Kadil” na isinulat ni Don Pagusara 4. Parsa - Ang parsa ay nakapagpapasaya sa mga manonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga pangyayaring nakapagpapatawa 5. Saynete - Ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao 6. Tragi-komedya -magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni William Shakepeare
  • 16. 2. Melodrama • Ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musical. Isang halimbawa nito ang “Sarimanok” na sinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez 3. Trahedya - Nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas. Isang halimbawa ng trahedya ay sa “Balay ni Kadil” na isinulat ni Don Pagusara 4. Parsa - Ang parsa ay nakapagpapasaya sa mga manonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga pangyayaring nakapagpapatawa 5. Saynete - Ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao 6. Tragi-komedya -magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni William Shakepeare
  • 17. DulangPantanghalan • Ang dulang pantanghalan ay isang uri ng panitikan. Ito ay isang masining na kathang isinulat upang itanghal sa entablado. Ito’y may mga artistang gumaganap sa mga papel ng mga tauhan ng akda. Ang isang mabuting dula o drama ay nagbibigay kasagutan sa isang malalim na suliraning naglalarawan ng kalikasan ng tao at nagtatanghal ng pagtutunggalian ng mga kalooban at mga damdamin. Ang pang-akit ng dula ay nasa mahusay na pagkakayari , ang pasidhi nang pasidhing takbo ng pangyayari hanggang dumating sa lalong kapana-panabik na sandal at magbuhat doo’y pabulusok na sisisid sa wakas. • Sa isang dula, ang pangunahing tauhan ay lagging nahaharap sa isang katunggaliang lakas sapagkat narito ang kaluluwa ng dula. Kapag walang labanan, walang kagalaw-galaw ang mga pangyayari ay walang dula.
  • 18. DulangPantanghalan • Ang pagkawili ng mga manonood ay nasa pagsulong at kahihinatnan ng tunggalian. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo: 1. Iisahing Yugtong dula-dulaan -Yaong maikli na binubuo lamang ng isang yugto 2. Tatluhing Yugtong dula - Iyong mahaba na binubuo ng tatlong yugto 3. Dadalawahing yugtong dula - may katamtaman lamang ang haba, hindi gaanong maikli, hindi gaanong mahaba, at karaniwang dadalawahing yugto lamang na ang pinakalayunin nito ay itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o sa entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
  • 19. MgaElementongDulangPantanghalan Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay ang simula, gitna, at wakas 1. Simula- mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin 2. Gitna -matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan 3. Wakas- matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan
  • 20. • Ang mga salitang ito ay pagpipilian sa paglalarawan ng katangian ng tulang patnigan. Itala sa inyong sanayang kwaderno ang tama at angkop na maglalarawan sa akdang ito. Tulang patnigan
  • 21. Epekto ng Kasalukuyang Kalagayan ng mga Tulang Patnigan • 1. Ilahad ang naging epekto ng tulang patnigan ayon sa sumusunod: Epekto Sa sariling lugarSarili Sa iba
  • 22. • 2. Bakit ito nakaaapekto sa iyo at sa iba? •3. Paano nabuo ang bawat uri ng tulang patnigan? Ilahad ang kaisipang inihayag sa pagkakabuo ng mga ito. • 4. Paano nakaaapekto sa iyong damdamin ang naging kalagayan o saloobin ng mga mambibigkas sa mga uri ng tulang patnigan sa kasalukuyan. • 5. Maglahad ng ilan sa napapanahong pangyayari o isyu na nagiging sanhi ng pagtatalo • 6. Ilahad ang pagbabagong naganap sa sarili, paniniwala , saloobin o kaisipan matapos matalakay ang aralin
  • 23. Mga gabay na tanong: 1. Ano ang tulang patnigan? 2. Iulat ang mga uri ng tulang patnigan (Maaaring gamitin ang Eye Witness Balita, Focus Group Discussion, Interview with the Expert, Symposium atbp.) 3. Alin sa mga uring ito ang pinakaibig mong itanghal, panoorin, o pakinggan? Bakit? 4. Anong damdamin ang namamayani sa iyo sa tuwing itinatanghal/pinakikinggan/pinapanood ang mga tulang patnigan? 5. Paano nakatutulong sa iyo ang kaalaman sa mga tulang patnigan bilang mag-aaral? 6. Ilahad ang dating kaalaman, gusto pang matutuhan at ang natutuhan sa araling tinalakay ang K-W-L
  • 24. • 1. Bakit kailangang pag-aralan at unawain ang mga tulang patnigan? • 2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang mga tulang patnigan? Karagatan Duplo Balagtasan Batutian Kongklusyon: