1. ANG GENDER ROLES
SA IBA'T IBANG
INSTITUSYONG PANLIPUNAN
Araling Panlipunan 10
2. Ano ano ang mga pagbabago sa
gampaning pangkasarian o gender roles
sa iba’t ibang institusyong panlipunan
Ang pagkilos, mga gawain at
pananalita ng bawat indibidwal ay
hinuhubog ng lipunan. Ang mga
bahaging ito ay nagmumula sa ating
kinagisnang kultura hanggang sa mga
taong ating nakakasalamuha (Antonio,
et.al 2017).
3. Mga Pagbabago sa Gampaning
Pangkasarian o Gender Roles sa
Iba’t ibang Institusyong
Panlipunan
4. Pangunahing responsibilidad ng mga babae
pag-aalaga ng mga anak
pagasikaso sa mga gawaing bahay.
PAMILYA
Tumutulong din sa gawaing bahay ang ilan sa mga lalaki
subalit sila ay tinatawag na “macho- nurin o kaya naman
"under the saya" (Eviota, 1994).
Itinuturing na "Padre de Familia at Haligi ng Tahanan" ang mga lalaki kaya sa kanila
nakaatang ang paghahanapbuhay at paggawa ng desisyon lalo na sa aspetong
pangkabuhayan ng pamilya (Eviota, 1994).
5. PAMILYA
Ayon sa artikulo ni Macairan (2012) na "House husbands' emerging in Philippines" ng
Philippine Star, sa pagdami ng babaeng Overseas Filipino Workers (OFW), dumarami din
ang tinatawag na "house husband" o mga lalaking naiiwan sa bahay upang mag-alaga sa
mga anak at gampanan ang mga gawaing dati'y ginagawa ng kababaihan.
6. Dahil sa hamon at mga karanasan ng kababaihan, mahalagang aspeto ng operasyon at solusyon
sa mga problema ng kompanya ang desisyon ng mga babaeng manedyer.(Leanin.org &
Mckinsey 2016).
Sa nakalipas na labinlimang taon (15),
40% - 43% na posisyon bilang tagapangasiwa (management positions) ay nasa kababaihan (PSA
2017). .
Subalit mas mababa pa rin ang partisipasyon ng kababaihan sa pagmamay-ari (ownership) ng
mga kompanya tulad din ng Malaysia, Indonesia, Vietnam, at Lao PDR.
INDUSTRIYA
Indonesian entrepreneur, successful
businessman and well known as a new billionaire
of Indonesia since 2011.
Djoko Susanto was the owner and founder of
Alfamart, retail business with mini-marts concept
7. INDUSTRIYA
Sa survey ng mga negosyo sa iba't ibang bansa, ang Pilipinas ay isa may
mataas na proporsyon ng senior management team (40%) ng kababaihan
(Grant Thornton 2017). .
Subalit, nananatiling supporting roles lamang ng senior management ang
promosyong nakukuha ng kababaihan (Hal: Human Resource Officer, Chief
financial Officer).
8. INDUSTRIYA
Ang halimbawa ng ilang kompanya sa Pilipinas na may babaeng
Chief Executive Officer (CEO) or President ay ang
SM Mart and SM Retail, Inc. ni Teresita Sy- Coson
at ang Robinsons Retail Holdings Inc., ni Robina Gokongwei -Pe.
9. INDUSTRIYA
Ang halimbawa ng ilang kompanya sa Pilipinas na may babaeng
Chief Executive Officer (CEO) or President ay ang
SM Mart and SM Retail, Inc. ni Teresita Sy- Coson
at ang Robinsons Retail Holdings Inc., ni Robina Gokongwei -Pe.
10. EDUKASYON
Sa ating bansa, may karapatang makapag-aral ang babae at lalaki. Sa pag-
aaral ni Eviota (1994) halos pantay ang bilang ng babae at lalaki.
Sa kolehiyo, mas marami ang babae kaysa sa lalaki (David et.al; David & Albert
2015).
Malaki ang pagbabago sa dating paniniwala ng mga magulang na ang
edukasyon ay hindi kinakailangan ng kababaihan dahil sila ay mag-aasawa at
mananatili lamang sa bahay.
Ang karaniwang kurso noon para sa mga babae ay secretarial,
nursing at education.
Sa paglipas ng panahon, ang pagkuha ng kurso gaya ng abogasya,
medisina at inhenyeriya ay bukas na din sa mga babae (Eviota, 1994).
11. EDUKASYON
Sa katanuyan, ipinamalas ng
7 kababaihan ang kanilang
kahusayan sa abogasya ng
sila'y mapabilang sa 10
topnotchers ng 2019 Bar
Exam
Batay sa resultang inilabas ng
Korte Suprema nitong Abril
29, 2020. Si Atty. Mae Diane
Azores ng University of Sto.
Tomas, Legaspi City ang
nanguna sa eksaminasyon.
12. EDUKASYON
Isang Pilipinang inhenyero
naman ang pinuno ngayon ng
Advanced Engineering
Development Branch ng
National Aeronautics and Space
Administration (NASA) Kennedy
Space Center sa Amerika.
Nagtapos ng sekondarya sa
Philippine Science High School
at Electronics and
Communications Engineering sa
Unibersidad ng Pilipinas.
13. EDUKASYON
Napatunayan din ang husay ng
kababaihan sa pagtatapos ng klase ng
Philippine Military Academy (PMA) nitong
Mayo, 2020.
Nagtapos bilang valedictorian si First
Class Gemalyn Deocares Sugui ng
Echague, Isabela.
14. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Socorro L. Reyes (1992), karaniwang
lalaki ang namumuno bilang kapitan, mayor at gobernador. Iilan
lamang ang mga babaeng nakikilahok sa larangan ng pulitika.
Ang paglahok sa pulitika ng ilang kababaihan ay bunsod ng
pagiging miyembro ng middle class o kaya kabilang sa angkan
ng mga pulitiko.
PAMAHALAAN
15. PAMAHALAAN
Sa report ng Philippine Institute for Development Studies, 2017 (PIDS) tungkol sa
istatistika ng kababaihang namumuno sa pamahalaan at industriya nabatid ang mga
sumusunod na datos at pahayag:
"Mas malubha ang gender inequality sa mga lokal na opisyal gaya ng gobernador, mayor
at iba pang mababang posisyon."
2013 - 11%
2010 - 20% mas mababa
2007 - 18%
2004 - 17%
Porsyento ng nahalal na opisyal
ay babae
Sa eleksiyon sa barangay
19% lamang ang mga babae
27% lamang ng punong barangay
at konsehal
17. PAMAHALAAN
Ang 27% kababaihan sa Kongreso noong
2015 ay mababa pa sa pagkakapareho ng
bilang sa kalalakihang miyembro. Subalit
ito'y mas mataas kaysa sa ibang bansa sa
Timog Silangang Asya (ASEAN
Secretariat 2017).
17% lamang ang kababaihan
sa lahat ng kandidato para
sa pambansa at lokal na
halalan
Mula 2004-2016
Bilang resulta, may isang (1) babae lamang sa
bawat limang (5) nasyonal at lokal na posisyon
(Commission on Elections 2017).
18. PAMAHALAAN
May 3-6 naman na babae sa 24 na senador mula taong 2001.
Tanging si Loren Legarda lamang ang naupong Majority Leader noong 2001. Wala pang ibang
babaeng na talaga bilang Senate President o House Speaker.
Ang posisyon sa gabinete (Cabinet Members) ng sangay ehekutibo ay karaniwang hawak ng
mga lalaki. Ang mga babaeng opisyal ay karaniwang naitatalaga bilang kalihim ng turismo,
kalusugan, at kagalingang panlipunan