Aralin 5
Inihanda ni:
G. Joseph E. Cemena, LPT
Unida Christian Colleges
ALAMAT
Mga Layunin:
1. Nakikilala ang kahulugan at
kasaysayan ng alamat.
2. Natutukoy ang mga uri ng alamat.
A. Kahulugan
Ang alamat ay isang uri ng
panitikan na nagkukuwento tungkol
sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig.
A. Kahulugan
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng
mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao
at pook, at mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga
mito at kuwentong- bayan. Ang salitang
alamat ay panumbas sa salitang “legend” ng
Ingles.
B. Kasaysayan
Ang salitang alamat ay
panumbas sa “legend” ng Ingles.
Ang katawagan namang ito ay
nagmula sa salitang Latin na
“legendus”, na ang Kahulugan ay
“upang mabasa”.
Noon pa mang 1300 AD ( After
Death ), ang ating mga ninuno, nakilala
sa katawagang Ita, Aetas, Negrito o
Baluga ay may sarili ng mga
karunungang-bayan, kabilang ang
alamat. ( Sila ang mga taong walang
permanenteng tirahan.)
Ayon sa mga heologo (geologists),
nakuha o nalikha nila ang mga ito dahil
sa kanilang pandarayuhan sa iba’t ibang
lupain sa Asya. Dahil sa wala silang
sistema ng pamahalaan ( bunga marahil
ng kakauntian ), panulat, sining, at
siyensya, ang mga ito ay nagpapasaling-
dila o lipat-dila lamang.
Pagkalipas ng 4,000 taon
dumating sa ating kapuluan ang
mga Indones na may dalang sariling
sistema ng pamahalaan, panitikan
at pananampalatayang pagano.
Ang matatandang alamat ng
ating mga ninuno ay nalangkapan
ng kanilang mga katutubong alamat
na ang nilalaman ay tungkol sa mga
anito, buhay ng mga santo at santa,
bathala,at pananampalataya sa
lumikha.
Sumunod na nandayuhan sa ating
kapuluan ang mga Malay. Katulad ng mga
Indones, sila rin ay may pananampalatayang
pagano. May dala rin silang sariling mga alamat,
kwentong-bayan at mga karunungang bayan.
Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng
alpabeto na tinatawag na Alifbata o Alibata.
Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat na
pasaling-dila
o bukambibig lamang ay naisatitik ng ating mga
ninuno sa mga kawayan, talukap ng niyog,
dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga bato
sa pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato, o
bakal.
Sa panahong ito, higit na lumaganap ang
mga alamat hinggil sa pananampalatayang
pagano at sumibol ang “Maragtas” at “Malakas
at Maganda”. Nandayuhan din sa ating
kapuluan ang mga Intsik, Bumbay, Arabe at
Persyano.
Ang mga ito ay may mga dala ring kani-
kaniyang kultura na nakaambag sa patuloy na pag-
unlad ng mga alamat sa ating kapuluan. Sa mga
panahong ito higit na umunlad ang wika at panulat
ng ating mga ninuno kaya’t marami sa mga alamat
ang naisulat at naipalaganap.
Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga
alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-
bayan.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga
Espanyol na may layuning mapalawak ang kanilang
kolonya, at magpalaganap ng pananampalatayang
Kristyanismo.
Ipinasunog ng mga
prayleng Espanyol
ang mga naisulat na
panitikan ng ating mga
ninuno.
Ang iba’y ipinaanod sa ilog sapagkat
ayon sa kanila ang mga iyon raw ay gawa
ng demonyo. Ngunit ang mga alamat at
iba pang panitikang nagpasalin-salin
lamang sa bibig ng mga taong-bayan ay
hindi nila masira.
Nanatili ang mga alamat…nakitalad,
nakipagsubukan sa mahaba at
masalimuot na panahon at nanatiling
buhay hanggang sa kasalukuyan.
2 Uri ng Alamat
Etiolohikal
Di-etiolohikal
Etiolohikal
Ang mga alamat na nagpapaliwanag sa
pinagmulan, gaya ng pinagmulan ng mga
anyong-lupa (hal. Mga bundok, kuweba, isla),
pinagmulan ng mga anyong-tubig (hal. mga
ilog, lawa, talon), pinagmulan ng mga hayop
(hal. mga bakulaw, ibon, isda, insekto), at
pinagmulan ng mga halaman (mga puno,
bulaklak, prutas).
Etiolohikal
Kabilang dito ang mga alamat na
nagpapaliwanag bakit taglay ng mga
bagay ang mga katangiang mayroon
sila ngayon.
Di-Etiolohikal
Ito ay ang mga tiyak na uri ng
alamat.
Alamat ng Kabayanihan at Kasaysayan
Itinatampok ng maikling salaysay na
ito ang mahahalagang yugto sa buhay
ng mga dakilang tao, gaya ng mga
bayani ng lahi, mga kilalang tao sa
kasaysayan, at mga taong biniyayaan
ng pambihirang kapangyarihan. (hal.
Bernardo Carpio – ng mga tagalog)
Alamat ng Relihiyon
Isinasalaysay ng mga ito ang pagpapakita
o paghihimala ng Panginoon at ng mga
santo at santa. Binubuo nito ang isa sa
pinakamalalaki at pinakamahahalagang
pangkat ng mga alamat. (hal. Alamat ng
Santo Niño, Banal na Krus, Mahal na
Birhen, at iba pang banal na tao.)
Alamat ng Pambihirang Nilalang
Isinasalaysay nito ang engkuwentro ng tao
sa iba’t ibang pambihirang nilalang, gaya
ng mga demonyo, multo, aswang, kapre,
tiyanak, tikbalang, duwende, nuno sa
punso, mangkukulam, engkanto, sirena at
santelmo. (hal. Ang Kapre ng Balayan,
Alamat ni Mariang Makiling)
Alamat ng Pangalan ng mga Pook
Isinasalaysay ng mga ito kung paano
nagsimula ang pangalan ng mga pook,
na siyang binubuo sa pinakamalaking
pangkat ng mga alamat sa panitikang
Pilipino.
Alamat ng Pangalan ng mga Pook
a. Ipinapangalan ang isang pook sa mga
tao, lalo na iyong mga magsing-irog, gaya
ng “Mindoro” na hinango sa mga
pangalan nina Mina at Doro.
b. Hinahango ang pangalan ng pook sa
isang halaman o anumang bagay na doon
natagpuan, gaya ng “Lucban” na nakuha
sa nakitang puno ng lukban sa lugar.
Alamat ng Pangalan ng mga Pook
c. Maaari ding panggalingan ng pangalan
ng lugar ang hindi pagkakaintindihan ng
isang katutubo at dayuhang nag-uusap,
gaya ng “Bolinao” na sinasabing isinagot
ng kababaihan sa pag-aakalang
itinatanong ng mga dayong Espanyol ang
pangalan ng mga puno sa lugar.
Alamat ng Pangalan ng mga Pook
d. Nagiging pangalan ng isang pook ang
pinaikling pahayag ng tauhan sa alamat,
gaya ng “Tagatay” mula sa “Taga, Itay;”
e. Ginugunita ng pangalan ng isang pook
ang hindi malilimutang pangyayaring
naganap doon, gaya ng “Tinangisan” na
ipinangalan sa isang pook sa Palawan na
nariringgan daw ng pagtangis ng mag-ama
na naulila sa ina.
Alamat ng Pangalan ng mga Pook
f. Ang pangalan ng ibang pook ay
simpleng naglalarawan dito, gaya ng
“Iloilo” mula sa Irong-Irong o pagiging
hugis-ilong ng pulo.
g. Maaari ding isunod ang pangalan ng
isang pook sa isang santo o santa,
gaya ng “Santa Ana”
Elemento ng Alamat
(Banghay)
Simula
Matatagpuan ang dalawang mahalagang
sangkap o element, ang tauhang ipinakikilala
ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan o
katayuang sikolohikal, kung sino ang bida at
ang kontrabida.
Ang ikalawa ay ang tagpuan o
ang pangyayarihan ng aksiyon o
mga eksena na naghahayag ng
panahon – kung tag-init o tag-
ulan, kung anong oras at kung
saang lugar.
Gitna
Makikita ang banghay o ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o
eksena. Dito rin nakapaloob ang
pinakamahalagang bahagi ng kuwento
– walang iba kundi ang diyalogo.
Wakas
Matatagpuan ang kakalasan at ang wakas nito.
Dito rin sa bahaging ito mababatid ang kamalian
o kawastuhan ng mga di inaasahang naganap na
pagbubuhol na dapat kalagin.
Mababatid sa katapusan ang magiging
resolusyong maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo..

Alamat

  • 1.
    Aralin 5 Inihanda ni: G.Joseph E. Cemena, LPT Unida Christian Colleges
  • 2.
  • 3.
    Mga Layunin: 1. Nakikilalaang kahulugan at kasaysayan ng alamat. 2. Natutukoy ang mga uri ng alamat.
  • 4.
    A. Kahulugan Ang alamatay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay- bagay sa daigdig.
  • 5.
    A. Kahulugan Karaniwang nagsasalaysayang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong- bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang “legend” ng Ingles.
  • 6.
    B. Kasaysayan Ang salitangalamat ay panumbas sa “legend” ng Ingles. Ang katawagan namang ito ay nagmula sa salitang Latin na “legendus”, na ang Kahulugan ay “upang mabasa”.
  • 7.
    Noon pa mang1300 AD ( After Death ), ang ating mga ninuno, nakilala sa katawagang Ita, Aetas, Negrito o Baluga ay may sarili ng mga karunungang-bayan, kabilang ang alamat. ( Sila ang mga taong walang permanenteng tirahan.)
  • 8.
    Ayon sa mgaheologo (geologists), nakuha o nalikha nila ang mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa iba’t ibang lupain sa Asya. Dahil sa wala silang sistema ng pamahalaan ( bunga marahil ng kakauntian ), panulat, sining, at siyensya, ang mga ito ay nagpapasaling- dila o lipat-dila lamang.
  • 9.
    Pagkalipas ng 4,000taon dumating sa ating kapuluan ang mga Indones na may dalang sariling sistema ng pamahalaan, panitikan at pananampalatayang pagano.
  • 10.
    Ang matatandang alamatng ating mga ninuno ay nalangkapan ng kanilang mga katutubong alamat na ang nilalaman ay tungkol sa mga anito, buhay ng mga santo at santa, bathala,at pananampalataya sa lumikha.
  • 11.
    Sumunod na nandayuhansa ating kapuluan ang mga Malay. Katulad ng mga Indones, sila rin ay may pananampalatayang pagano. May dala rin silang sariling mga alamat, kwentong-bayan at mga karunungang bayan. Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng alpabeto na tinatawag na Alifbata o Alibata.
  • 12.
    Dahil dito, angilan sa ating mga alamat na pasaling-dila o bukambibig lamang ay naisatitik ng ating mga ninuno sa mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga bato sa pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato, o bakal.
  • 13.
    Sa panahong ito,higit na lumaganap ang mga alamat hinggil sa pananampalatayang pagano at sumibol ang “Maragtas” at “Malakas at Maganda”. Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga Intsik, Bumbay, Arabe at Persyano.
  • 14.
    Ang mga itoay may mga dala ring kani- kaniyang kultura na nakaambag sa patuloy na pag- unlad ng mga alamat sa ating kapuluan. Sa mga panahong ito higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga ninuno kaya’t marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap.
  • 15.
    Gayunpaman, nakahihigit parin ang mga alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong- bayan. Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Espanyol na may layuning mapalawak ang kanilang kolonya, at magpalaganap ng pananampalatayang Kristyanismo.
  • 16.
    Ipinasunog ng mga praylengEspanyol ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno.
  • 17.
    Ang iba’y ipinaanodsa ilog sapagkat ayon sa kanila ang mga iyon raw ay gawa ng demonyo. Ngunit ang mga alamat at iba pang panitikang nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga taong-bayan ay hindi nila masira.
  • 18.
    Nanatili ang mgaalamat…nakitalad, nakipagsubukan sa mahaba at masalimuot na panahon at nanatiling buhay hanggang sa kasalukuyan.
  • 19.
    2 Uri ngAlamat Etiolohikal Di-etiolohikal
  • 20.
    Etiolohikal Ang mga alamatna nagpapaliwanag sa pinagmulan, gaya ng pinagmulan ng mga anyong-lupa (hal. Mga bundok, kuweba, isla), pinagmulan ng mga anyong-tubig (hal. mga ilog, lawa, talon), pinagmulan ng mga hayop (hal. mga bakulaw, ibon, isda, insekto), at pinagmulan ng mga halaman (mga puno, bulaklak, prutas).
  • 21.
    Etiolohikal Kabilang dito angmga alamat na nagpapaliwanag bakit taglay ng mga bagay ang mga katangiang mayroon sila ngayon.
  • 22.
    Di-Etiolohikal Ito ay angmga tiyak na uri ng alamat.
  • 23.
    Alamat ng Kabayanihanat Kasaysayan Itinatampok ng maikling salaysay na ito ang mahahalagang yugto sa buhay ng mga dakilang tao, gaya ng mga bayani ng lahi, mga kilalang tao sa kasaysayan, at mga taong biniyayaan ng pambihirang kapangyarihan. (hal. Bernardo Carpio – ng mga tagalog)
  • 24.
    Alamat ng Relihiyon Isinasalaysayng mga ito ang pagpapakita o paghihimala ng Panginoon at ng mga santo at santa. Binubuo nito ang isa sa pinakamalalaki at pinakamahahalagang pangkat ng mga alamat. (hal. Alamat ng Santo Niño, Banal na Krus, Mahal na Birhen, at iba pang banal na tao.)
  • 25.
    Alamat ng PambihirangNilalang Isinasalaysay nito ang engkuwentro ng tao sa iba’t ibang pambihirang nilalang, gaya ng mga demonyo, multo, aswang, kapre, tiyanak, tikbalang, duwende, nuno sa punso, mangkukulam, engkanto, sirena at santelmo. (hal. Ang Kapre ng Balayan, Alamat ni Mariang Makiling)
  • 26.
    Alamat ng Pangalanng mga Pook Isinasalaysay ng mga ito kung paano nagsimula ang pangalan ng mga pook, na siyang binubuo sa pinakamalaking pangkat ng mga alamat sa panitikang Pilipino.
  • 27.
    Alamat ng Pangalanng mga Pook a. Ipinapangalan ang isang pook sa mga tao, lalo na iyong mga magsing-irog, gaya ng “Mindoro” na hinango sa mga pangalan nina Mina at Doro. b. Hinahango ang pangalan ng pook sa isang halaman o anumang bagay na doon natagpuan, gaya ng “Lucban” na nakuha sa nakitang puno ng lukban sa lugar.
  • 28.
    Alamat ng Pangalanng mga Pook c. Maaari ding panggalingan ng pangalan ng lugar ang hindi pagkakaintindihan ng isang katutubo at dayuhang nag-uusap, gaya ng “Bolinao” na sinasabing isinagot ng kababaihan sa pag-aakalang itinatanong ng mga dayong Espanyol ang pangalan ng mga puno sa lugar.
  • 29.
    Alamat ng Pangalanng mga Pook d. Nagiging pangalan ng isang pook ang pinaikling pahayag ng tauhan sa alamat, gaya ng “Tagatay” mula sa “Taga, Itay;” e. Ginugunita ng pangalan ng isang pook ang hindi malilimutang pangyayaring naganap doon, gaya ng “Tinangisan” na ipinangalan sa isang pook sa Palawan na nariringgan daw ng pagtangis ng mag-ama na naulila sa ina.
  • 30.
    Alamat ng Pangalanng mga Pook f. Ang pangalan ng ibang pook ay simpleng naglalarawan dito, gaya ng “Iloilo” mula sa Irong-Irong o pagiging hugis-ilong ng pulo. g. Maaari ding isunod ang pangalan ng isang pook sa isang santo o santa, gaya ng “Santa Ana”
  • 31.
  • 32.
    Simula Matatagpuan ang dalawangmahalagang sangkap o element, ang tauhang ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan o katayuang sikolohikal, kung sino ang bida at ang kontrabida.
  • 33.
    Ang ikalawa ayang tagpuan o ang pangyayarihan ng aksiyon o mga eksena na naghahayag ng panahon – kung tag-init o tag- ulan, kung anong oras at kung saang lugar.
  • 34.
    Gitna Makikita ang banghayo ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito rin nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng kuwento – walang iba kundi ang diyalogo.
  • 35.
    Wakas Matatagpuan ang kakalasanat ang wakas nito. Dito rin sa bahaging ito mababatid ang kamalian o kawastuhan ng mga di inaasahang naganap na pagbubuhol na dapat kalagin. Mababatid sa katapusan ang magiging resolusyong maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo..