Ang kwentong-bayan ay bahagi ng katutubong panitikan ng Pilipinas na nagmula bago dumating ang mga Espanyol at isinasalaysay nang pasalita. Ito ay naglalaman ng mga kuwentong naglalarawan ng mga kaugalian at tradisyon, kadalasang may mga hindi pangkaraniwang pangyayari at aral sa buhay. Ang mga kwentong-bayan ay umuusbong mula sa iba't ibang rehiyon ng Pilipinas at may iba't ibang bersyon batay sa tagapagkwento.