SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
Mga Katulong sa Bahay
ni Vei Trong Phung
Salin sa Filipino ni Florentino A. Iniego (Mula sa Vietnam)
Kabanata 6 Ang Liwanag ng Kalunsuran
Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahay
kainan. Sa oras na ito, sa halip na sabihing umakyat ako sa
kuwarto sa itaas na dati kong tinutulugan, binulyawan
nila ako. Ako raw ay isang bugaw, at ang matandang
babaeng nagdala ng mga katulong ay di na nagbalik
upang bayaran ang aking upa sa pagtulog.
Ngunit masuwerte pa nga raw
ako ngayo’t pinayagang muling
matulog dito sa tinatawag nilang
lagusan, at pababalikin nila ang
matandang babae upang magbayad
ng upa.
Hindi na ako nakipagtalo sa
kanila.
Tumuloy lang akong parang walang
narinig. Nakatungo ang ulo at mabilis na
dumaan sa kusina at humantong sa patio na
tinatawag nilang “lagusan.” Buti na lang,
hindi ako nag-iisa. Higit sa sampung tao ang
naroon. Nakahiga at nakaupo sa banig na
nakalatag sa malalapad na tabla habang
natatanglawan ng liwanag ng buwan. Tila
tambakan ng tabla ng mga kahoy ang patio
ng bahaykainang ito.
Walang maaninag na kariktan sa lugar
na ito. Makikita sa paligid ang marumi,
mataas, manipis na dingding, at
bubungang nanlilimahid sa kaitiman. Sa
kanang bahagi ay naroon ang kulungan ng
manok, sa harap ay ang baradong kanal at
ang alingasaw ng di-umaagos nitong
pusali; sa kaliwa ay isang kubetang bukas
para sa publiko. Nalungkot ako sa liwanag
ng buwan.
Nang tumabi ako sa mga taong naroon,
nakita ko ang tatlong batang nakasama kong
matulog sa kuwarto sa itaas dalawang gabi
ang nakalipas. Di man lang mabanaag ang
kalungkutan o pag-aalala sa musmos nilang
mga mukha. Samantala, napakamiserable ng
hitsura ng iba, sa damit pa lang nila’y sapat
nang masaksihan ang paghihirap na kanilang
dinaranas sa tanang buhay.
May isang kalbong napakaputla ng mukha.
Ngunit dahil sa kabataan tila normal siyang
pagmasdan, at tingin ko’y kalalabas lang niya ng
ospital o bilangguan. Nakaupo siyang dinidilaan ang
isang pirasong papel na nababahiran ng itim na
sangkap. Noong una’y di ko alam ang kaniyang
ginagawa, ‘yun pala hinihimod niya ang tira-tirang
opyo.Ang isa nama’y may napakahabang leeg at may
nakatapal na tatlo hanggang apat na gamut na plaster
dito. Nakaupo siya at nakatingala, tulad ng isang
astrologo na nagmamasid sa mga bituin.
Ang ikatlong bata ay maingay na nagkakamot, at
habang umuupo siya’y umuubo at dumudura.
May isang matandang babae na maayos ang
kasuotan ngunit walang kibo’t buhaghag ang
pagmumukha. Nakaupo siyang hawak ang isang
pamaypay na yari sa hiyas na kawayan na
ipinapaypay sa mukha ng iba pa na tila kaniyang
mga anak. Ang anim pang iba, na nakasuot ng
gusgusing damit ng magsasaka, ay mahimbing
na natutulog.
Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila
nang mahiga ako sa banig. Sigurado akong wala silang
kapera-pera kaya nga’t dito sila nakatulog gayundin,
tulad ng kanilang bulsa, wala ring laman ang kanilang
tiyan. Samantala, ninais nilang tumigil dito, hindi dahil
sa mabait ang may-ari ng bahay, kundi dahil puwede
silang makalabas upang mamalimos at makabalik
upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-ari. At kung
mayroon man silang nakulimbat, tiyak nakahanda ring
bilhin ito ng may-ari. Hindi dahil sa nais ng may-ari na
biglang gawing bahay ng kawanggawa ang kaniyang
tahanan.
Sa kanilang hitsura ng pananamit, ang labintatlong
ito ay hindi taga-siyudad. Galing sila sa probinsiya dahil
wala silang mahanap na trabaho roon upang makakain
nang dalawang beses sa isang araw. Sinisilaw at
sinusuhulan sila ng siyudad. Nang umalis sila sa
probinsiya, hindi nila alam na ito ang kanilang
kahihinatnan. Tiwalang makakakita ng trabahong
maipagmamalaki nila. Ibinilad ang kanilang mga sarili
sa araw at sinuong ang ulan habang namamalimos ng
pera o isang takal ng bigas bago makarating sa Hanoi.
Mahal kong mambabasa, isipin mo lang ang
Hanoi: kalye bawat kalye. Isipin mo ang isang
pagod na magsasakang naliligaw sa pasikot-sikot
na siyudad. Bawat kalye’y may bahay, daanan, at
eskinitang tila pare-pareho at walang katapusan.
Isang magsasaka ang lakad nang lakad,
napapagod, at tumitigil. Nagugutom siya ngunit
walang makain, dahil wala siyang pera. Nais
niyang magpahinga ngunit walang matuluyan,
dahil wala siyang pambayad.
Pagod man siya, kailangan niyang sumulong.
Magdahan-dahan man, hindi na siya makausad. At sa
malas, di siya pinahintulutang tumigil sa siyudad, at
kailangan niyang maglakad, pasok nang pasok sa bawat
kalye, minsa’y paikot-ikot nang hindi alam kung saan
pupunta. Pagdating ng interseksyon, nakakita siya ng
kulumpon ng mga tao. Sa tingin niya’y taga-probinsya
ang mga ito, tumigil siya. Isang mukhang matalinong
matandang babae, na may gintong hikaw, at tila
mayaman ang dating, ang kumaway, hudyat upang
tumigil ang magsasaka. Malakas ang kanyang boses:
“Hoy, saan ka pupunta, pagod na pagod ka? Gusto mo
ba ng trabaho? Halika, dali!”
Natuwa ang magsasaka dahil nakasalubong siya ng
isang taga-siyudad na handang makipag-usap. Ngunit para
saan? Naawang binanggit ng babae na tutulungan siyang
makahanap ng trabaho! Kaya, sa loob ng ilang araw,
mayroon siyang makakain habang tumitigil sa pinto ng isang
bahay-kainan o sa tabi ng isang sinehan. Kung tutuusin,
ganito ang istorya ng lahat ng mga magsasaka. Ilang
interseksiyon mayroon ang siyudad? Ilang trabaho ang
nakalaan para sa sawing nilalang na nagnanais pumasok sa
kalakal ng mga kasambahay? Ilan ang bilang ng ganitong
trahedyang nagaganap bawat araw sa siyudad?
Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga
gamugamong nasilaw sa liwanag ng kalunsuran.
Pinatuloy sila ng tiwalang may-ari ng bahay-kainan
sa isang sulok ng kaniyang tirahan. Sa araw, naroon
sila’t nakahambalang sa kalsada. Habang naghihintay
ng trabaho, untiunti nilang ginagastos ang kanilang
naitatabing pera. Kapag walang natira at wala pa ring
trabaho, at walang madilihensiya, kinakailangan na
nilang itaya ang kanilang buhay. Ang mga babae ay
nasadlak sa pagbebenta ng laman at ang lalaki’y
nakagagawa ng krimen. At ngayon, bago pa lumala ang
kalagayan, sila’y nakahimlay at tahimik na naghihintay
sa unos na darating.

More Related Content

Similar to filipino nobela.pptx

Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioTahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioCristina Bisquera
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteJeremiah Nayosan
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanKennethSalvador4
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationMarti Tan
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdfSamNavarro13
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiSaint Michael's College Of Laguna
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Finalczareaquino
 
Worksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayWorksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayArlyn Duque
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxCleoAlagos
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxMichaelDaveMacaraeg
 
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3AraAuthor
 

Similar to filipino nobela.pptx (20)

Kinagisnang balon
Kinagisnang balonKinagisnang balon
Kinagisnang balon
 
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioTahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Ang paghuhukom
Ang paghuhukomAng paghuhukom
Ang paghuhukom
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Final
 
Aanhin nino
Aanhin ninoAanhin nino
Aanhin nino
 
Worksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayWorksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 Sanaysay
 
Voice Tape
Voice TapeVoice Tape
Voice Tape
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Haen ka na totoy
Haen ka na totoyHaen ka na totoy
Haen ka na totoy
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
project in AP
project in APproject in AP
project in AP
 
My First Slideshared :)
My First Slideshared :)My First Slideshared :)
My First Slideshared :)
 
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 

Recently uploaded

LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxRyzaMendoza3
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 

Recently uploaded (20)

LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 

filipino nobela.pptx

  • 1. Mga Katulong sa Bahay ni Vei Trong Phung Salin sa Filipino ni Florentino A. Iniego (Mula sa Vietnam) Kabanata 6 Ang Liwanag ng Kalunsuran Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahay kainan. Sa oras na ito, sa halip na sabihing umakyat ako sa kuwarto sa itaas na dati kong tinutulugan, binulyawan nila ako. Ako raw ay isang bugaw, at ang matandang babaeng nagdala ng mga katulong ay di na nagbalik upang bayaran ang aking upa sa pagtulog.
  • 2. Ngunit masuwerte pa nga raw ako ngayo’t pinayagang muling matulog dito sa tinatawag nilang lagusan, at pababalikin nila ang matandang babae upang magbayad ng upa. Hindi na ako nakipagtalo sa kanila.
  • 3. Tumuloy lang akong parang walang narinig. Nakatungo ang ulo at mabilis na dumaan sa kusina at humantong sa patio na tinatawag nilang “lagusan.” Buti na lang, hindi ako nag-iisa. Higit sa sampung tao ang naroon. Nakahiga at nakaupo sa banig na nakalatag sa malalapad na tabla habang natatanglawan ng liwanag ng buwan. Tila tambakan ng tabla ng mga kahoy ang patio ng bahaykainang ito.
  • 4. Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito. Makikita sa paligid ang marumi, mataas, manipis na dingding, at bubungang nanlilimahid sa kaitiman. Sa kanang bahagi ay naroon ang kulungan ng manok, sa harap ay ang baradong kanal at ang alingasaw ng di-umaagos nitong pusali; sa kaliwa ay isang kubetang bukas para sa publiko. Nalungkot ako sa liwanag ng buwan.
  • 5. Nang tumabi ako sa mga taong naroon, nakita ko ang tatlong batang nakasama kong matulog sa kuwarto sa itaas dalawang gabi ang nakalipas. Di man lang mabanaag ang kalungkutan o pag-aalala sa musmos nilang mga mukha. Samantala, napakamiserable ng hitsura ng iba, sa damit pa lang nila’y sapat nang masaksihan ang paghihirap na kanilang dinaranas sa tanang buhay.
  • 6. May isang kalbong napakaputla ng mukha. Ngunit dahil sa kabataan tila normal siyang pagmasdan, at tingin ko’y kalalabas lang niya ng ospital o bilangguan. Nakaupo siyang dinidilaan ang isang pirasong papel na nababahiran ng itim na sangkap. Noong una’y di ko alam ang kaniyang ginagawa, ‘yun pala hinihimod niya ang tira-tirang opyo.Ang isa nama’y may napakahabang leeg at may nakatapal na tatlo hanggang apat na gamut na plaster dito. Nakaupo siya at nakatingala, tulad ng isang astrologo na nagmamasid sa mga bituin.
  • 7. Ang ikatlong bata ay maingay na nagkakamot, at habang umuupo siya’y umuubo at dumudura. May isang matandang babae na maayos ang kasuotan ngunit walang kibo’t buhaghag ang pagmumukha. Nakaupo siyang hawak ang isang pamaypay na yari sa hiyas na kawayan na ipinapaypay sa mukha ng iba pa na tila kaniyang mga anak. Ang anim pang iba, na nakasuot ng gusgusing damit ng magsasaka, ay mahimbing na natutulog.
  • 8. Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila nang mahiga ako sa banig. Sigurado akong wala silang kapera-pera kaya nga’t dito sila nakatulog gayundin, tulad ng kanilang bulsa, wala ring laman ang kanilang tiyan. Samantala, ninais nilang tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang may-ari ng bahay, kundi dahil puwede silang makalabas upang mamalimos at makabalik upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-ari. At kung mayroon man silang nakulimbat, tiyak nakahanda ring bilhin ito ng may-ari. Hindi dahil sa nais ng may-ari na biglang gawing bahay ng kawanggawa ang kaniyang tahanan.
  • 9. Sa kanilang hitsura ng pananamit, ang labintatlong ito ay hindi taga-siyudad. Galing sila sa probinsiya dahil wala silang mahanap na trabaho roon upang makakain nang dalawang beses sa isang araw. Sinisilaw at sinusuhulan sila ng siyudad. Nang umalis sila sa probinsiya, hindi nila alam na ito ang kanilang kahihinatnan. Tiwalang makakakita ng trabahong maipagmamalaki nila. Ibinilad ang kanilang mga sarili sa araw at sinuong ang ulan habang namamalimos ng pera o isang takal ng bigas bago makarating sa Hanoi.
  • 10. Mahal kong mambabasa, isipin mo lang ang Hanoi: kalye bawat kalye. Isipin mo ang isang pagod na magsasakang naliligaw sa pasikot-sikot na siyudad. Bawat kalye’y may bahay, daanan, at eskinitang tila pare-pareho at walang katapusan. Isang magsasaka ang lakad nang lakad, napapagod, at tumitigil. Nagugutom siya ngunit walang makain, dahil wala siyang pera. Nais niyang magpahinga ngunit walang matuluyan, dahil wala siyang pambayad.
  • 11. Pagod man siya, kailangan niyang sumulong. Magdahan-dahan man, hindi na siya makausad. At sa malas, di siya pinahintulutang tumigil sa siyudad, at kailangan niyang maglakad, pasok nang pasok sa bawat kalye, minsa’y paikot-ikot nang hindi alam kung saan pupunta. Pagdating ng interseksyon, nakakita siya ng kulumpon ng mga tao. Sa tingin niya’y taga-probinsya ang mga ito, tumigil siya. Isang mukhang matalinong matandang babae, na may gintong hikaw, at tila mayaman ang dating, ang kumaway, hudyat upang tumigil ang magsasaka. Malakas ang kanyang boses: “Hoy, saan ka pupunta, pagod na pagod ka? Gusto mo ba ng trabaho? Halika, dali!”
  • 12. Natuwa ang magsasaka dahil nakasalubong siya ng isang taga-siyudad na handang makipag-usap. Ngunit para saan? Naawang binanggit ng babae na tutulungan siyang makahanap ng trabaho! Kaya, sa loob ng ilang araw, mayroon siyang makakain habang tumitigil sa pinto ng isang bahay-kainan o sa tabi ng isang sinehan. Kung tutuusin, ganito ang istorya ng lahat ng mga magsasaka. Ilang interseksiyon mayroon ang siyudad? Ilang trabaho ang nakalaan para sa sawing nilalang na nagnanais pumasok sa kalakal ng mga kasambahay? Ilan ang bilang ng ganitong trahedyang nagaganap bawat araw sa siyudad? Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga gamugamong nasilaw sa liwanag ng kalunsuran.
  • 13. Pinatuloy sila ng tiwalang may-ari ng bahay-kainan sa isang sulok ng kaniyang tirahan. Sa araw, naroon sila’t nakahambalang sa kalsada. Habang naghihintay ng trabaho, untiunti nilang ginagastos ang kanilang naitatabing pera. Kapag walang natira at wala pa ring trabaho, at walang madilihensiya, kinakailangan na nilang itaya ang kanilang buhay. Ang mga babae ay nasadlak sa pagbebenta ng laman at ang lalaki’y nakagagawa ng krimen. At ngayon, bago pa lumala ang kalagayan, sila’y nakahimlay at tahimik na naghihintay sa unos na darating.