4. Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais.
Mahalagang malinaw sa iyo kung ano ang mga
katangian na nais mong taglayin ng iyong
kaibigan upang maging ganap ang iyong
pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa.
5. Ipakita ang tunay na ikaw.
Sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, ang
isang kabataan na katulad mo ay natututong
gumanap ng magkakaibang papel at makibagay sa
iba’t-ibang sitwasyon.
6. Ipakita ang tunay na ikaw.
Hindi din maiiwasang magkaroon ka ng pagnanais na
mapabilang sa isang barkada o grupo ng mga kabataan
na kasing-edad mo, subalit minsan, may mga paanyaya
ang mga ito na makibagay kahit taliwas sa iyong sariling
kagustuhan.
7. Panatilihing bukas ang komunikasyon.
Masasabing ganap lamang ang isang pakikipag-ugnayan
kung ang bawat isa ay walang itinatago, at naibabahagi
ang kani-kanilang nararamdaman, ninanais, pinaplano,
kinatatakutan, kasiyahan, at iba pa sa isa’t-isa.
8. Tanggapin ang kapwa at kaniyang tunay na pagkatao.
Sa iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa, mahalaga ang
iyong buong pagtanggap sa kaniyang tunay na
pagkatao. Wala dapat tinatayang kondisyon o ano mang
hangarin na baguhin ang iyong kapwa ayon sa iyong
nais.
9. Panatilihin ang tiwala sa isa’t isa.
Mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa ano mang
ugnayan. Ito ang nagsisilbing tulay sa isa’t isa.
Kung walang tiwala sa isa’t isa, medaling
mabubuwag o masisira ang isang ugnayan.
10. Maglaro at Maglibang
Ang paminsan-minsang paglalaro at paglilibang ay
nagbibigay ng kagalakan sa bawat isa, lalo na sa mga
kabataan. Ito ang pansamantalang pumapawi sa ano mang
problema, takot, pagdududa. Kung kaya mahalaga ang
paglalaan ng oras sa paglalaro at paglilibang gaano man
kaabala sa buhay.
11. Mahalin mo ang iyong sarili.
Upang matamo ang ganap na pakikipag-ugnayan sa iba,
mahalagang maunawaan mo ang kahalagahan ng iyong
buong pagtatanggap at pagmamahal sa iyong sariling
pagkatao, kabilang na rito ang iyong mga kalakasan at
kahinaan.