1. Ano ang Mitolohiya?
Ang mito ay kuwentong piksyon tungkol sa buhay at karanasanng mga diyos at diyosa, ito ay tumutukoy
din sa mga kwentong hindi totoo na bunga lamang ng maikling kaisipan at mga imahinasyon ng mga
manunulat. Ngunit ang ilan dito ay pinaniniwalaan ng iba at sinasabing totoo nga itong nangyari.
Samantala, ang mitolohiya naman ay tumutukoy sa mga koleksyon ng mito sa isang partikular na lugar o
bansa.
Malimit na napagsasama ang mga mito sa alamat dahil sa ito ay pinaniniwalaang hango sa mga totoong
nangyari at nagpapaliwanag sa mga pinanggalingan ng mga bagay. Ang kaibahan ay ang pagiging
sagrado ng mito kaysa sa alamat at paggamit ng mga mahiwagang tao bilang pangunahing tauhan. Dahil
dito ang mga mito ay ginagamit lamang sa may mga piling lugar at panahon. Ang mga pag-aayos sa
kaanyuhan ay hindi na pinapansin ng mga tao at sa halip ay pinag- iisa na lang ang katawagan sa mga ito,
ang mga kuwento.
Napakaraming mitolohiya ng mga Pilipino. Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay
kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng
mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga Espanyol at
ipinakilala ang Kristyanismo. Ang mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos at diyosa, mga hayop at
halimaw, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikang gaya ng mga
epiko, alamat at mga kuwentong bayan na nagpasalin-salin sa pamamagitan ng berbal na pagkukwento.
Hanggang ngayon ang paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang Pilipino ay mapapansing pinag-
ugatan ng ating mga paniniwala’t pamahiin. Naging parte na ito ng buhay ng mga Pilipino at makikita ang
mga ito sa kultura, mga tradisyon at sining sa Pilipinas. Ang mga mitolohiyang Pilipino ay medyo buhay pa
rin sa mga probinsiya at kanayunan
Narito ang ilan sa mga katangian ng mitolohiya:
• Ang tema ay tungkol sa diyos atdiyosa
• Ang paraan ng pagkukuwento ay matalinghaga
• May kapupulutang aral sa bawat kuwento
• Kuwentong pinaniniwalaan kung paano nilikha ang daigdig atmga bagay
• Di ordinaryong tauhan – mahihiwagang sinaunang tao
• Sinaunang tagpuan-katulad ng mundong ginagalawan natin, pambihirang
tagpuan/mistikong pook
• Banghay na tumutulay mula mistikong daigdig hanggang sakasalukuyan –
upang maipakita at maiugnay sa kaasalangpantao
• Pangyayaring taliwas sa realidad – upang lalo pang ipakilala angpagiging
mahiwaga ng daigdig ng mito
• Nag-uudyok ng pagbabago sa kaasalan at tamang pag-asal –pagsusumikap,
pagmamahal, at pagpapahalaga sa lipunan at kapaligiran
• Balot ng hiwaga
• Tapatan ng mga bagay tulad ng araw at gabi, mabuti at masama
• Nagbibigay-tuon sa wika – sopistikadong wika ang paraan ng paglalahad ng kuwento ng mga bayani
• Nakabatay sa metapora- nagpapakita ng paralesismo upang mapisip ang mambabasa
Mga Halimbawa ng kwentong Mito
1.Ang kwento ni Mariang Makiling
2.Ang Sirena at si Santiago
3. Ang kuwento ng si Malakas at Maganda
4. Ang Kuwento ni Bugan at Kinggauan
2. Ang ilan sa mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Pilipino
1. Bathala O Abba- sinasabing siya ang pinakamataas na diyos sa mga katutubong Pilipino,
pinaniniwalaang lumikha ng lahat ng bagay, na naninirahan sa kalangitan.
2. Tala- sinasabing siya ay kapatid ni Mayari, si Tala ang itinuturing na Dyosa ng mga bituin.
3. Hanan- kapatid din siya ni Mayari, si Hanan naman ang itinuturing na Dyosa ng umaga
4. Mayari- kapatid niya sina Hanan at Tala, siya ang itinuturing na dyosa ng buwan at pinakamaganda sa
kalangitan.
5. Ikapati - dyosa ng pagsasaka
6. Anitun Tabu- dyosa ng hangin at ulan
7. Dumakulem - dyosa ng kabundukan at kagubatan.
8. Amankinable- dyosa ng karagatan.
9. Sitan- taga-bantay ng mga kaluluwa ng kasamaan
10.Danan- anak ni Bathala 11.Apolaki diyos ng araw, patron ng mga mandirigma
3. SI DAYLEG AT LUMAWIG
(Maikling Kuwento, circa 2006) ni Roel Butch Ang
*Halaw mula sa Dulang May Isang Yugto ni Lakangiting Garcia namay pamagat na "Lamat sa Ugat"
Teacher and lola ko. Nung bago pa lamang siya nagtuturo, nadestino siya sa Cordillera. Mababait daw ang
mga tao dun. Oo, mga Ifugao ang mga tao dun at siyempre, dahil 1960s nun, uso pa ang mga headhunters, kaya may
takot si Lola nang magsimula siyang magturo dun. Malamig daw sa Cordillera. Tuwing umaga, nababalot ng alapaap
ang mga bundok. At kapag dinarang na ng init ng araw ang hamog, bubuka ang alapaap at matatanaw mo naman
ang mga baytangbaytang na taninam ng palay. Isa daw ito sa mga kagilagilalas na gawa ng mga ninuno ngmga Ifugao.
Maraming kaugalian at mga tradisyon ang mga Ifugao na iba sa mga tagalog. Isa na rito ang paniniwala kay
Lumawig, ang diyos ng bundok. Tuwing kabilugan ng buwan bago sila magsabog ng binhi, nag-aatang ang bawat
magsasaka ng isang manok kay Lumawig. Kapag hindi daw sila nag-atang ay magiging kaunti lamang ang kanilang ani.
Iniiwan nila ang alay na manok sa libis ng gubat at kinabukasan, mga duguang balahibo na lamang ang natitira dito.
Ang paniniwala ng mga Ifugao, kinakain ito ng alagang baboy damo ni Lumawig... yung puting baboy-damo na bawal
hulihin at patayin nino man -- kapag may pumatay nito, aanihin ng buong tribo ang poot ni Lumawig.
Isa sa mga estudyante ni Lola si Dayleg. Lagi siyang nagtatanong kay Lola... kung bakit maputi ang balat ni
Lola at ang sa kanya naman ay kayumanggi; kung bakit suson-suson ang suot na damit ni Lola laban sa ginaw; kung
bakit iba ang wikang gamit ni Lola sa pagtuturo; at kung iba ba ang diyos ni Lola. Karamihan sa mga tanong na ito ay
hindi kayang sagutin ni Lola.
Sa matagal na pamamalagi ni Lola sa Cordillera, napalapit sa kanya si Dayleg. Hanggang dumating ang
panahon na kinailangan na ni Dayleg na magkolehiyo. Lumuwas siya sa siyudad at duon, nakapagtapos siya ng
kursong edukasyon. Medyo nagtagal din si Dayleg sa siyudad ngunit kapagdaka ay biglang umuwi itong muli sa
Cordillera. Pagbalik niya, ibang-iba na siya -- hindi lamang sa pananamit kundi na rin maging sa pagkilos... naging
militante siya. Kama-Martial-Law pa lamang nuon at hinuhuli ng militar ang mga kabataang progresibo. Ito ang
dahilan kung bakit nagbalik si Dayleg sa Cordillera.
Naging katuwang ni Lola si Dayleg sa pagtuturo. Ngunit ang mga leksiyong itinuturo ni Dayleg ay iba na sa
mga leksiyong nakagawian ni Lola. Ang mga leksiyon na ito ay puno na ng pagbabago at nagmimistulang salamin ng
marahas na panahon na kanilang kinikilusan. Pati rin ang pagkalinga ni Dayleg sa lupa ay naging repleksiyon ng
pagbabagong naganap sa kaniyang saloobin. Kung saan dati siya'y nagbibilang nang pagbilog ng buwan at nag-aatang
kay Lumawig, sumusuga na siya nang walang pasintabi sa tradisyon ng tribo; hindi na niya hinihintay ang hudyat ng
mga matatanda upang magtanim. Nang siya ay pinuna ng mga nakatatanda, ganito ang sinabi niya: "Hindi na ako
naniniwala sa mga diyos ng Ifugao dahil ang mga diyos na ito ay nananaghari lamang sa bundok at walang
kapangyarihang iwasto ang mga mali sa mundo." Dahil sa kapangahasang ito laban sa mga diyos, pinatawan siya ng
parusang katahimikan -- walang maaaring kumausap kay Dayleg hangga't walang hudyat na manggagaling sa mga
diyos.
Kinaumagahan, nagulat na lamang ang lahat nang makita nila si Dayleg na balot ng dugong tumatagas mula
sa katawan ng hayop na pasan niya. Nangaso si Dayleg at pinatay niya ang puting baboy- damo. Umalingawngaw ang
iyakan sa paligid. Takot na luminga ang lahat... alumpihit na tumingin sa gubat. Iisa ang tanong nila – bakit?
"Upang ipakita sa inyo na ang baboy-damo na ito ay isang hayop lamang! Hindi siya espesyal! Hindi siya
alaga ni Lumawig! Hindi totoo si Lumawig!" Alinsabay sa huling tinuran niya ay ang alinsangan na dulot ng araw.
Nagbabadya ang tagtuyot. Nangatakot ang katribo niya at sila'y nangagsitungo sa libis ng gubat. Duon, sila'y
lumuhod at pilit humingi ng tawad kay Lumawig. Pilit na hinimok ng mga matatanda sa tribo si Dayleg na humingi ng
tawad kay Lumawig ngunit matigas si Dayleg. "Ang nag-iisang diyos ay ang diyos ng siyensiya at siya'y nililok lamang
ng tao." Ito ang madalas turan ni Dayleg.
Ang mga araw ay naging linggo na naging buwan na naging taon. Tatlong taon nang tumatagal ang tagtuyot
ngunit hindi nagbabago ng paninindigan si Dayleg. Hanggang nagkasakit at naratay sa kama ang ina niya... nabibingit
ito sa kamatayan. Ilang doktor mula sa siyudad ang dinala ni Dayleg sa bahay nila ngunit wala silang makitang sakit
nito. Anas-anasan ng mga katribo ni Dayleg na ito na marahil ang parusang pataw ni Lumawig.
Isang gabi, narinig ng buong tribo ang isang hagulgol na puno ng pait. Umalingawngaw ang iyak na yaon.
Nang sumikat ang araw, nakita nila si Dayleg na sumasayaw sa libis ng gubat, suot muli ang tradisyunal na kasuotan
ng mga Ifugao. Nakalatag sa harap niya ang bangkay ng kaniyang ina. Pawisan na si Dayleg at halatang may kung
ilang oras na siyang sumasayaw ng ritwal na sayaw para kay Lumawig. "Lummmaaaawiiiiiiig! Pataaaaawaaaaad!
Luuummmmaaaaawiiiiiiig!" ang sigaw niya habang nagsasayaw. Lumubog ang araw at sinikatan siya ng buwan ngunit
patuloy pa rin siyang nagsayaw. Kinaumagahan, bumungad sa buong tribo ang malamig na katawan ni Dayleg.
Kasabay nang pagsikat ng araw ay ang unang patak ng ulan na wari ba'y naglilinis sa bangkay ni Daylegat ng kaniyang
ina.
4. Nang araw ding iyon, bumaba si Lola dito sa patag. Hindi na raw niya kayang intindihin ang malalim at
misteryosong tradisyon ng mga Ifugao.