2. Negrito:Ang mga Negrito sa Pilipinas, ayon kay H. Otley
Beyer, ang sinasabing unang pangkat na dumating sa kapuluan
ng Pilipinas noong mga may 20,000 na taon na ang
nakararaan. Diumano, pinaniniwalaang ring nanggaling sila
sa Borneo at naglakad at tumawid sa pamamagitan ng mga
tulay na lupa para marating ang Palawan, Mindoro at ilang
bahagi ng Mindanao. Bagaman isa ito sa mga pinaniniwalaan,
may mga pag-aaral na nagsasabing maaaring may iba pang
nauna kesa mga Negrito.
3. Indones: Unang pangkat[baguhin | baguhin ang batayan]
Nagmula sila sa Timog-silangang Asya. Mapuputi sila at balingkinitan ang
pangangatawan, matangkad kaysa sa mga negrito, makitid ang mukha, malapad ang noo,
malalim ang mga mata at matangos ang ilong. Dumating sila sa Pilipinas may 5,000
hanggang 6,000 taon na nakakalipas. Mas maganda at makabago ang kanilang
kalinangan at pamumuhay. Ang kanilang mga pabilog na bahay ay yari sa kahoy at may
bubong na yari sa damo o talahib. Ang mga bahay nila ay nakatayo sa lupa o di kaya'y
nakahukay sa lupa na may isang metro ang lalim. Ang iba naman ay nasa tuktok na
punungkahoy ang bahay. Namuhay sila sa pamamagitan ng pamamana, pangingisda at
pagkakaingin. Binubungkal nila ang lupa at nagtatanim ng tugi at milet. Niluluto nila ang
kanilang mga pagkain. Ang kanilang kagamitan tulad ng pinggan ay yari sa dahon. Sila
ang mga unang pangkat ng mga Indones. Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga
Ilongot ng Sierra Madre at ng Caraballo.
4. Ikalawang pangkat[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang pangalawang pangkat ng mga Indones na dumagsa sa Pilipinas
ay maitim, malapad ang mukha, makapal ang labi, malaki ang panga,
malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang pangangatawan.
Sila ay galing sa tangway ng Indo-Tsina at naninirahan sa mga baybayin
ng Luzon. Higit na mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa sa mga
naunang dumating sa pilipinas.
Ang sumunod na pangkat na nakarating sa Pilipinas ay ang mga taong
nangngaling sa Gitnang Asya, may kulang-kulang isang libong taon na
ang nakalilipas. Yari sa tanso ang kanilang mga kagamitan at
pinaniniwalaang marunong din silang gumamit ng patubig sa kanilang
pagsasaka. Natatanim sila ng palay, gabi, ube at iba't ibang uri ng
halamang makakain.
5. Malay: Ayon sa kasaysayan ng Jambi, ang salitang Melayu ay mula sa isang ilog na
may pangalang Sungai Melayu malapit sa Sungai Batang Hari ng kasalukuyang bayan ng
Muara Jambi, lalawigang Jambi ng Sumatra, Indonesia. Ang nagpundar ng Malacca
Parameswara ay isang prinsipe ng Palembang na pag-aari ng isang bansang tinatawag
na Melayu noong siglo 7. Malinaw na itinala ito ni Yi Jing (635-713) sa kanyang
talaarawang aklat na mayroong bansang may pangalang Ma-La-Yu. Ayon sa
mga arkeolohikong pananaliksik ng Jambi, maraming mga kasangkapan pang-
arkitektura noong sinaunang Melayu ang natagpuan kasama ang mga ebidensiya nito. Sa
matandang wikang Tamil ng India, 'Kanlurang Bundok' ang ibig sabihin ng Malaya.
Ang salitang Malay ay direktong hiniram mula sa Inggles; ang katawagang Malay sa
Inggles ay siya namang nagmula sa salitang Olandes na Maleiër na nagmula naman sa
na Melayu ng salitang Malay. Sa Kastila naman, malayo ang ginagamit na katawagan.
Ayon sa isang hinuang popular, ang salitang Melayu ay nangangahulugan ng "dumayo" o
"lumayo," na maaring pakahulugan sa mapaglakbay na lipi sa rehiyong ito.
6. Ang katagang Malay ay tumutukoy sa etnikong grupo na naninirahan sa tangway Malay (na kasama ang
pinakatimog na bahagi ng Thailand na tinatawag na Pattani at Satun) at silangang Sumatra gayundin ang
ang daigdiging kultural na lumalagom sa malaking bahagi ng kapuluan. Sa Malaysia at Brunei, mayoridad
ang etnikong Malay, at isang malaking menoridad sa Singapore at Indonesia. Nagsasalita sila ng iba’t-ibang
dialekto ng wikang Malay. Ang dialekto ng tangway ang saligang wika ng mga Malay ng Malaysia at
Singapore. Ang dialektong Riau naman ng silangang Sumatra ang pambansang wikang Indones (Bahasa
Indonesia) sa buong Indonesia. Sa Malaysia, 51% ng populasyon ay Malay kasama ng ibang menoriya
tulad ng timoging Tsino (e.g. Hokkien at mga Cantones), timoging Indio (ang karamihan ay mga
Tamil at Malayali) gayundin ang mga Eurasyano.
Sa tiyak na kaisipan, ang katagang Malay ay tumutukoy rin sa isang grupo na taal sa silangang bahagi ng
Sumatra na dumayo sa Tangway Malay at sa Kapuluang Riau nitong mga nakaraang libong taon. Minsan,
ngunit madalang, ang grupong ito ay tinatawag na “Malay Riau” upang ipakita bilang isang hiwalay na
grupo.
Nasala ang impluwensiya ng kulturang Malay sa buong kapuluan tulad ng monarkong estado, relihiyon
(Hinduismo/Budismo noong unang milenyo AD, Islam noong ikalawang milenyo) at ang wikang Malay. Ang
makapangyarihang kaharian ng Śrīvijaya ang nag-isa sa iba't-ibang grupong etniko sa timog silangang Asya
bilang isang pinag-isang daigdiging kultural sa halos isang milenyo. Noong panahong iyon nangyari ang
malawak na paghiram ng mga salita at konsepto sa Sanskrit na nagpadali sa paglinang ng Malay bilang
isang wika. Malay ang pinaka rehiyonal na lingua franca at ang mga wikang creolo mula sa Malay ang
ginagamit sa mga punduhang kalakalan sa Indonesia.
9. GREEN NATURE:
Gian Andrei V. Maningding
Rylah Rae R. Sumugat
Lamberto G. Rabino III
Tuanna Ann Kizea L. Taganas
Arizona Whittmer
Queen Vincent M. Taer
Jelaica Tapia
Jonavee L. Pelayre
Precious Andrea G. Razul