FILIPINO 10
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.7
NOBELA
A. Panitikan: Paglisan (Buod)
Nobela mula sa Nigeria
ni ChinuaAchebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
B. Gramatika at Retorika: Pang-ugnay na Gamit sa
Pagpapaliwanag
C. Uri ngTeksto : Naglalahad
ARALIN 3.7
Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa
batay sa napakinggang diyalogo. F10PN-IIIh-i-81
LAYUNIN:
Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan.
Sa kasalukuyan, maraming akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat
sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran.
Ang panitikan ng Nigeria ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan
ng mamamayan ng bansa pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay, kultura,
tradisyon, at suliranin sa politika. Gayundin ang tungkol sa kasarian at kalagayan
ng kababaihan sa lipunan. Mga akdang pampanitikan din ang nakatulong upang
maiangat ang kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong talakay
sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng pamumuhay ng mga taga-Nigeria.
Sinasabing ang kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria
ay mas tumatalakay sa kung ano ang nakaraan, lumipas, o naglaho na.
Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang ng Nigeria. Gayunpaman,
ang tuon ng kanilang panitikan ay sa mga prosa, tulad ng drama at tula kung saan
sadyang kinilala at nagbigay sa Africa ng pagkakakilanlan pagdating sa panitikan
GAWAIN 1: Scrambled Letter, Gawing Better
Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makilala ang
sinisimbolo ng mga bagay na tanyag sa bansangAfrica.Ang
unang letra ay ibinigay na.
GAWAIN 2: Kahulugan ng Salita, Ilantad Na!
Magbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat. Isulat
sa iyong sagutang papel ang
sagot.
KATAPANGAN
GAWAIN 3: Pang-angkop, Iangkop
Lagyan ng wastong pang-angkop ang bawat
patlang. Isulat sang sagot sa sagutang papel.
Masaya __ nag-aagahan ang pamilya __ Rivera isang malamig __
umaga.Nagluto ng ginisa __ kangkong ang kanila __ kasambahay.
Nilagyan ito ng kaunti __toyo upang magsilbing pampalasa sa ulam.
Naging tampok ng kanila __ kuwentuhan ang nagdaan __ gabi. Sari-
sari __ katatawanan ang naganap bago sila natulog.
Nagbiruan. nagtawanan at nauwi sa seryosohan ang usapan. Dahil
sa nakalilibang na gabi, kinain ng pusa ang tira __ ulam sa mesa.
Dapat sana ito ay kanila __ umagahan pa. Kaya naman nauwi sa
ginisa __ kangkong ang kanila __ umagahan. Sa kabila nito, batid
nila ang sustansiya __ dulot ng ginisa __ kangkong.
GAWAIN 4: Hula-ooppss!
Hulaan ang tinutukoy ng saknong sa ibaba.
Gamit sa teatro at telebisyon
artistiko at produktibong solusyon
sa komersyo’y mainam na produksyon
sa kalusugan bawas alta presyon
sa mga bata ay isang atraksyon
karilyo ito noong unang panahon
ano ito sa ating panahon?
Sagot:__________
Basahin ang alam mo ba na...sa pahina 322
IKALAWANG ARAW NG PAGTALAKAY SA
ARALIN 3.7
LAYUNIN:
Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa batay sa
napakinggang diyalogo. F10PN-IIIh-i-81
Napag-uugnay ang mga salitang nag-aagawan ng
kahulugan. F10PT-IIIh-i-81
Alam mo ba na…
ang NOBELA ay isang mahabang kathang pampanitikan?
Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin
ng tauhan at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Isang masining
na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang
matibay at kawiliwiling balangkas na siyang pinakabuod ng
nobela.
May mga elemento ang nobela tulad ng sumusunod:
1. Tagpuan – Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan – Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Pananaw – Panauhang ginagamit ng may-akda a.) una - kapag
kasali ang
may-akda sa kwento, b.) pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap,
at
c.) pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema – Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin – Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan – Istilo ng manunulat
8. Pananalita – Diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,
bagay, at pangyayarihan
Cowrie –Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano.
Ginagamit din
sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
Ekwe – Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga
ng kahoy.
Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo.
Egwugwu – Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu
at sumasanib
sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga
Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.
Ogene – Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
Igbo – Katutubong tao mula saTimog-Silangang Nigeria. Karamihan
sa kanila ay
magsasaka at mangangalakal.
GAWAIN 4: Paglinang ngTalasalitaan
Piliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na kahulugan
ng salita. Gamitin
ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat sa papel ang sagot.
1. PALAMUTI
2. IPINABATID
3. NAPAGWAGIHAN
4.MAGPATIRINTAS
5. KAGIMBAL-GIMBAL
DEKORASYON
napagtagum-
payan
ipinaalam
ABUBOT
nagpasalapid
Kagulat-
gulat
isinangguni
nalampasan
nagpapusod
Kataka-taka
PAGBASA SA NOBELANG
Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni ChinuaAchebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
ISANGGUNI SA PAHINA 323-325
GAWAIN 5: Tradisyong Africa, Pahiwatig Ano Ba?
Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa.
1. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at koala nuts sa tuwing may pag-
uusapang
mahalagang bagay.
2. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain kapag
dumarating ang
mga maniningil ng utang.
3. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong o magdeklara
ng giyera
4. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon.
5. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya ay
naipatapon.
GAWAIN 6: Fan-Fact Analyzer
Gamit ang graphic organizer, pagsunod-sunorin ang mga
pangyayari sa binasang
buod ng isang nobela mula sa Nigeria.
GAWAIN 7: Komprehensiyon at Reaksiyon sa Leksiyon
Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.
2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo?
Ano ang sinisimbolo
ng pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para kay
Okonkwo?
3. Makatuwiran ba ang ginawa niOkonkwo kay Ikemefuna?
Patunayan.
4. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba
siyang kilalaning isang
magiting na mandirigma? Bakit?
5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa
kaniyang paniniwala
at paninindigan?
6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni
Okonkwo sa kaniyang
pagkatalo at muling magbalik sa kaniyang pinagmulan?
7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela?
Pangatuwiranan ang sagot.
8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi
ang iyong
bibigyang Kulay? Bakit?
Basahin ang Gawain 8 sa p. 326
IKATLONG ARAW SA PAGTALAKAY NG
ARALIN 3.7
LAYUNIN:
Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa
pananaw/teoryang pampanitikan. F10PB-IIIh-i-84
Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang nobelang
pampelikula. F10PD-IIIh-i-79
GAWAIN 8: Iskrip: Basahin at Suriin
Narito ang bahagi ng iskrip ng Sarah, Ang Munting Prinsesa na
isinulat ni Shaira MellaSalvador sa Direksiyon ni RomyV. Suzara.
Gamit ang pormat na kasunod, suriin ang
bahagi ng iskrip
I. Pamagat
II. MgaTauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)
a.Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga
Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
f. Mga Ibinunga
V. Paksa oTema
VI. Mga AspektongTeknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
c.Visual Effects
d. Set Design
VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
GAWAIN 9: Kaya Mo
Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri
ng isang pelikula?
2. Bakit mahalagang ihanda muna ang iskrip ng
isang nobela bago ito isapelikula?
3. Ano-ano ang dapat nilalaman ng isang iskrip?
TANONG:
Ano ang mga bahagi ng isang iskrip at
paano nasusulat ang mga bahagi nito?
Ipaliwanag.
Basahin ang Pagsasanib ng Gramatika at
Retorika sa pahina 328
IKAAPAT NA ARAW NA PAGTALAKAY SA
ARALIN 3.7
LAYUNIN:
Nagagamit ang angkop na mga pang-ugnay sa
pagpapaliwanag sa panunuring pampelikula nang
may kaisahan at pagkakaugnay ng mga talata.
F10WG-IIIh-i-76
Gramatika at Retorika:
Pang-ugnay
Alam mo ba na...
sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay
tayong dapat bigyan ng pansin? Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na
TripTo Quiapo Scriptwriting Manual, una, kailangang maging malinaw
muna ang konseptong pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang major
concepts ng materyal. Ikatlo, dapat konektado ang lahat ng gustong
sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang istorya.
Kailangang masagot ang anomang mga tanong tungkol
dito. Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit
naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-
tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa
pagbuo ng mga diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa
pagbuo ng mga diyalogong ito.
• Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa
mga detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang
nakita sa iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag
ng mga naging kahinaan ng iskrip at/o ng pelikulang pinanood. Ayon sa aklat na
Gramatikang Pedagohikal ngWikang Filipino niVilma M. Resuma, maipaliliwanag
ang isang argumento o punto sa tatlong paraan: (1) pagpapalawak at/o
pagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na
maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng
pangugnay, pagtutulad at pag-iiba-iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa.
Makatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa
ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilang
pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas ng salita. Ang pang-angkop na na,
ng, g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig,
ang g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman
ang ng sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig. Maliban dito, ang mga
pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit din
sa mahusay na pagpapaliwanag
Pagsasanay 1: Gamit ang 3R’s, Read, React, Reenact, isagawa ang
tungkol sa
sumusunod na sitwasyon na mula sa iskrip ng “Ang Munting
Prinsesa.”
1. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay Sarah
Read _________________________________
React _________________________________
Reenact _______________________________
2. Kabutihang loob ni Miss Amelia kay Sarah
3. Hindi pagtatapat agad kay Sarah ng nangyari sa kaniyang ama
4. Pagtatalo ng magkapatid na Minchin at Amelia
MISS MINCHIN: (sharply)Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
Hindi ko na problema iyon…Alam mo namang nakasangla sa banko
ang eskwelahang ito…baon na baon na tayo sa utang kay Mr.
Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia? Bakit kasalanan ko ba kung
bakit namatay ang ama ni Sarah???
Pagsasanay 2: Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga
patlang upang mabuo ang talata.
Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang kagiliw-giliw
________ tradisyon ng mga taga-Africa. ________ sa simula ay negatibo ang
ipinamalas na paraan ni Okonkwo, lumilitaw naman na sa kabuuan ng nobela, siya
ang protagonista. ________ susuriing mabuti, kapansin-pansin ang isa pang kultura
na mababanaag sa mga taga-Umuofia. Akala ng mga Kanluranin, ang mga tagaAfrica
ay likas na tahimik ________ malinaw na ipinakita ni Achebe ang kabalintunaan
nito sa ugaling taglay ng Umuofia na sila ay may komplikadong wika, punong-puno
ng talinhaga ________ may masining na paraan ng pamamahayag. Kapansinpansin
din ang pagbabalik loob ni Okonkwo sa kaniyang pinagmulan, pagkilala sa
kaniyang pagkagapi, at pagtanggap sa mga parusang ipinataw sa kaniya sa kabila
ng imahe ng katapangan na siya niyang ipinamumukha sa kaniyang mga katribo
Pagsasanay 3: Sumulat ng isang talatang
naglalarawan sa bansang Africa o Persia.
Gumamit ng mga pang-ugnay. Guhitan ang
lahat ng pang-ugnay na iyong ginamit.
Paano nasusuri ang isang iskrip ng
Pelikula? Ipaliwanag ang sagot.
Basahin ang alam mo ba na.. sa p. 330-331
at magdala ng mga kagamitang makabubuo
ng uri ng mga puppet na nabasa.
HULING ARAW NA PAGTALAKAY SA
ARALIN 3.7
LAYUNIN:
Naisusulat ang iskript ng isyung puppet show na
naglalarawan sa tradisyong kinamulatan sa Africa. F10PU-
IIIh-i-83
Naitatanghal ang iskrip ng nabuong puppet show. F10PS-
IIIh-i-83
Pilipinas
Gamit angVenn Diagram paghambingin ang
kultura at tradisyon ng Pilipinas sa Africa.
Africa
PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA
PAGKAKATULAD
TANONG:
Paanong paraan maktutulong ang
kaalaman sa paggawa ng iskrip at
kaalaman pang-ugany sa pagpapaliwang
ng panunuring pampelikula.
Alam mo ba na...
•
ang puppet show ay isang pagtatanghal na ang pangunahing tauhan ay mga
puppet? Ang puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba’t ibang mga midya,
kagamitan, at pamamaraan. Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain at
kakayahan sa paggawa ng isang likhang- sining sa pamamagitan ng mga patapong
bagay. May mga puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid, puppet
na pang kamay o hand puppet tulad ng medyas na puppet, puppet na supot, at
puppet na bag at stick puppets. Ang stick puppet ang pinakapayak sa lahat ng uri
nito. Mayoon lamang mga larawang ginupit at idinikit sa stick. Ang medyas na mga
puppet ay simple rin. Isusuot lamang ng bata ang medyas sa kanyang kamay at
pagagalawin niya ito sa pamamagitan ng mga daliri habang nagsasalita kasama
ang hinlalaki para magmukhang bibig ng puppet. Maaaring lagyan ng tali, butones
at kapirasong damit para magmukhang mukha ng tao.
Pagkatapos makalikha ay maaari nang magtanghal ng isang puppet. Ang
mesa na nababalutan ng tela ang magsisilbing tanghalan habang nakatago sa likod
nito ang nagtatanghal (puppeteers).
Narito ang ilang halimbawa ng paggawa ng puppet:
Puppet na Supot
Pamamaraan:
1. Kumuha ng isang supot na papel.
2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa
dakong ilalim ng supot.
3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot.
4. Gupitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi
ng supot upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi. Huwag gugupitin
ang supot.
5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyong
loob ng bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na dila.
6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit.
Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa ibaba. Sa
pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang “puppet” habang
ikaw ay nagkukuwento.
Puppet na Medyas
1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig.
2. Gumupit ng tela o retasong hugis bilohaba na kulay dalandan, pula o
rosas, at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi ng medyas.
3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakon
talampakan ng medyas at ang hinlalaki ay nasa dulo ng dakong ibabaw n
medyas upang malaman kung saang dako mo ilalagay ang mga mata at
ilong.
4. Lagyan ng mga mata at ilong ang puppet sa pamamagitan ng mga
butones,
abaloryo o ano mang patapong bagay. Maaari mo ring iburda ang mga
mata at ilong
5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang
magmukhang buhok o sombrero.
6. Suotan ng damit ang iyong puppet upang matakpan ang iyong braso.
Puppet na Gumagalaw
1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o
sirang stockings na binalumbon at itinali sa mga hugpungan.
2. Lagyan ng mga mata, ilong, at bibig sa pamamagitan ng mga
butones at patapong mga bagay.
3. Lagyan ng buhok na binigkis na estambre o sinulid.
4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon
ng damit.
5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais
pagalawin at itali ang kabilang dulo sa pinag-ekis na patpat.
Maaari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng paggalaw sa
patpat.
6. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung
saan pang bahagi ng katawan maaari itong talian.
Bumuo isang iskrip para sa isang puppet show na
naglalarawan sa tradisyong ng Africa.
PAGTATANGHAL NG
PUPPET SHOW
MARAMING
SALAMAT!

ARALIN 3.7 SLIDE.pptx

  • 1.
  • 2.
    A. Panitikan: Paglisan(Buod) Nobela mula sa Nigeria ni ChinuaAchebe Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera B. Gramatika at Retorika: Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag C. Uri ngTeksto : Naglalahad ARALIN 3.7
  • 3.
    Natutukoy ang tradisyongkinamulatan ng Africa batay sa napakinggang diyalogo. F10PN-IIIh-i-81 LAYUNIN:
  • 4.
    Ang Nigeria ayisa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan. Sa kasalukuyan, maraming akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran. Ang panitikan ng Nigeria ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan ng mamamayan ng bansa pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay, kultura, tradisyon, at suliranin sa politika. Gayundin ang tungkol sa kasarian at kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Mga akdang pampanitikan din ang nakatulong upang maiangat ang kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong talakay sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng pamumuhay ng mga taga-Nigeria. Sinasabing ang kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria ay mas tumatalakay sa kung ano ang nakaraan, lumipas, o naglaho na. Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang ng Nigeria. Gayunpaman, ang tuon ng kanilang panitikan ay sa mga prosa, tulad ng drama at tula kung saan sadyang kinilala at nagbigay sa Africa ng pagkakakilanlan pagdating sa panitikan
  • 5.
    GAWAIN 1: ScrambledLetter, Gawing Better Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makilala ang sinisimbolo ng mga bagay na tanyag sa bansangAfrica.Ang unang letra ay ibinigay na.
  • 6.
    GAWAIN 2: Kahuluganng Salita, Ilantad Na! Magbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat. Isulat sa iyong sagutang papel ang sagot. KATAPANGAN
  • 7.
    GAWAIN 3: Pang-angkop,Iangkop Lagyan ng wastong pang-angkop ang bawat patlang. Isulat sang sagot sa sagutang papel. Masaya __ nag-aagahan ang pamilya __ Rivera isang malamig __ umaga.Nagluto ng ginisa __ kangkong ang kanila __ kasambahay. Nilagyan ito ng kaunti __toyo upang magsilbing pampalasa sa ulam. Naging tampok ng kanila __ kuwentuhan ang nagdaan __ gabi. Sari- sari __ katatawanan ang naganap bago sila natulog. Nagbiruan. nagtawanan at nauwi sa seryosohan ang usapan. Dahil sa nakalilibang na gabi, kinain ng pusa ang tira __ ulam sa mesa. Dapat sana ito ay kanila __ umagahan pa. Kaya naman nauwi sa ginisa __ kangkong ang kanila __ umagahan. Sa kabila nito, batid nila ang sustansiya __ dulot ng ginisa __ kangkong.
  • 8.
    GAWAIN 4: Hula-ooppss! Hulaanang tinutukoy ng saknong sa ibaba. Gamit sa teatro at telebisyon artistiko at produktibong solusyon sa komersyo’y mainam na produksyon sa kalusugan bawas alta presyon sa mga bata ay isang atraksyon karilyo ito noong unang panahon ano ito sa ating panahon? Sagot:__________
  • 9.
    Basahin ang alammo ba na...sa pahina 322
  • 10.
    IKALAWANG ARAW NGPAGTALAKAY SA ARALIN 3.7
  • 11.
    LAYUNIN: Natutukoy ang tradisyongkinamulatan ng Africa batay sa napakinggang diyalogo. F10PN-IIIh-i-81 Napag-uugnay ang mga salitang nag-aagawan ng kahulugan. F10PT-IIIh-i-81
  • 12.
    Alam mo bana… ang NOBELA ay isang mahabang kathang pampanitikan? Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawiliwiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
  • 13.
    May mga elementoang nobela tulad ng sumusunod: 1. Tagpuan – Lugar at panahon ng mga pinangyarihan 2. Tauhan – Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela 3. Banghay – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela 4. Pananaw – Panauhang ginagamit ng may-akda a.) una - kapag kasali ang may-akda sa kwento, b.) pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap, at c.) pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda 5. Tema – Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela 6. Damdamin – Nagbibigay kulay sa mga pangyayari 7. Pamamaraan – Istilo ng manunulat 8. Pananalita – Diyalogong ginagamit sa nobela 9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayarihan
  • 14.
    Cowrie –Yari sashell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon. Ekwe – Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo. Egwugwu – Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria. Ogene – Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria. Igbo – Katutubong tao mula saTimog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay magsasaka at mangangalakal.
  • 15.
    GAWAIN 4: PaglinangngTalasalitaan Piliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na kahulugan ng salita. Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat sa papel ang sagot. 1. PALAMUTI 2. IPINABATID 3. NAPAGWAGIHAN 4.MAGPATIRINTAS 5. KAGIMBAL-GIMBAL DEKORASYON napagtagum- payan ipinaalam ABUBOT nagpasalapid Kagulat- gulat isinangguni nalampasan nagpapusod Kataka-taka
  • 16.
    PAGBASA SA NOBELANG Paglisan(Buod) Things Fall Apart ni ChinuaAchebe Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera ISANGGUNI SA PAHINA 323-325
  • 17.
    GAWAIN 5: TradisyongAfrica, Pahiwatig Ano Ba? Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa. 1. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at koala nuts sa tuwing may pag- uusapang mahalagang bagay. 2. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain kapag dumarating ang mga maniningil ng utang. 3. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong o magdeklara ng giyera 4. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon. 5. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya ay naipatapon.
  • 18.
    GAWAIN 6: Fan-FactAnalyzer Gamit ang graphic organizer, pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa binasang buod ng isang nobela mula sa Nigeria.
  • 19.
    GAWAIN 7: Komprehensiyonat Reaksiyon sa Leksiyon Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod. 2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang sinisimbolo ng pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para kay Okonkwo? 3. Makatuwiran ba ang ginawa niOkonkwo kay Ikemefuna? Patunayan. 4. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang kilalaning isang magiting na mandirigma? Bakit?
  • 20.
    5. Paanong ipinakitani Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang paniniwala at paninindigan? 6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni Okonkwo sa kaniyang pagkatalo at muling magbalik sa kaniyang pinagmulan? 7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan ang sagot. 8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi ang iyong bibigyang Kulay? Bakit?
  • 21.
    Basahin ang Gawain8 sa p. 326
  • 22.
    IKATLONG ARAW SAPAGTALAKAY NG ARALIN 3.7
  • 23.
    LAYUNIN: Nasusuri ang binasangkabanata ng nobela batay sa pananaw/teoryang pampanitikan. F10PB-IIIh-i-84 Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang nobelang pampelikula. F10PD-IIIh-i-79
  • 25.
    GAWAIN 8: Iskrip:Basahin at Suriin Narito ang bahagi ng iskrip ng Sarah, Ang Munting Prinsesa na isinulat ni Shaira MellaSalvador sa Direksiyon ni RomyV. Suzara. Gamit ang pormat na kasunod, suriin ang bahagi ng iskrip I. Pamagat II. MgaTauhan III. Buod ng Pelikula IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar) a.Tagpuan b. Protagonista c. Antagonista
  • 26.
    d. Suliranin e. MgaKaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin f. Mga Ibinunga V. Paksa oTema VI. Mga AspektongTeknikal a. Sinematograpiya b. Musika c.Visual Effects d. Set Design VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
  • 27.
    GAWAIN 9: KayaMo Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula? 2. Bakit mahalagang ihanda muna ang iskrip ng isang nobela bago ito isapelikula? 3. Ano-ano ang dapat nilalaman ng isang iskrip?
  • 28.
    TANONG: Ano ang mgabahagi ng isang iskrip at paano nasusulat ang mga bahagi nito? Ipaliwanag.
  • 29.
    Basahin ang Pagsasanibng Gramatika at Retorika sa pahina 328
  • 30.
    IKAAPAT NA ARAWNA PAGTALAKAY SA ARALIN 3.7
  • 31.
    LAYUNIN: Nagagamit ang angkopna mga pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa panunuring pampelikula nang may kaisahan at pagkakaugnay ng mga talata. F10WG-IIIh-i-76
  • 32.
  • 33.
    Alam mo bana... sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayong dapat bigyan ng pansin? Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na TripTo Quiapo Scriptwriting Manual, una, kailangang maging malinaw muna ang konseptong pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang major concepts ng materyal. Ikatlo, dapat konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang istorya. Kailangang masagot ang anomang mga tanong tungkol dito. Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang- tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito.
  • 34.
    • Sa pagsusurinaman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa mga detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang nakita sa iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag ng mga naging kahinaan ng iskrip at/o ng pelikulang pinanood. Ayon sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ngWikang Filipino niVilma M. Resuma, maipaliliwanag ang isang argumento o punto sa tatlong paraan: (1) pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pangugnay, pagtutulad at pag-iiba-iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa. Makatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilang pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas ng salita. Ang pang-angkop na na, ng, g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig, ang g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman ang ng sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig. Maliban dito, ang mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit din sa mahusay na pagpapaliwanag
  • 35.
    Pagsasanay 1: Gamitang 3R’s, Read, React, Reenact, isagawa ang tungkol sa sumusunod na sitwasyon na mula sa iskrip ng “Ang Munting Prinsesa.” 1. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay Sarah Read _________________________________ React _________________________________ Reenact _______________________________ 2. Kabutihang loob ni Miss Amelia kay Sarah 3. Hindi pagtatapat agad kay Sarah ng nangyari sa kaniyang ama 4. Pagtatalo ng magkapatid na Minchin at Amelia MISS MINCHIN: (sharply)Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo. Hindi ko na problema iyon…Alam mo namang nakasangla sa banko ang eskwelahang ito…baon na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia? Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni Sarah???
  • 36.
    Pagsasanay 2: Lagyanng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang talata. Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang kagiliw-giliw ________ tradisyon ng mga taga-Africa. ________ sa simula ay negatibo ang ipinamalas na paraan ni Okonkwo, lumilitaw naman na sa kabuuan ng nobela, siya ang protagonista. ________ susuriing mabuti, kapansin-pansin ang isa pang kultura na mababanaag sa mga taga-Umuofia. Akala ng mga Kanluranin, ang mga tagaAfrica ay likas na tahimik ________ malinaw na ipinakita ni Achebe ang kabalintunaan nito sa ugaling taglay ng Umuofia na sila ay may komplikadong wika, punong-puno ng talinhaga ________ may masining na paraan ng pamamahayag. Kapansinpansin din ang pagbabalik loob ni Okonkwo sa kaniyang pinagmulan, pagkilala sa kaniyang pagkagapi, at pagtanggap sa mga parusang ipinataw sa kaniya sa kabila ng imahe ng katapangan na siya niyang ipinamumukha sa kaniyang mga katribo
  • 37.
    Pagsasanay 3: Sumulatng isang talatang naglalarawan sa bansang Africa o Persia. Gumamit ng mga pang-ugnay. Guhitan ang lahat ng pang-ugnay na iyong ginamit.
  • 38.
    Paano nasusuri angisang iskrip ng Pelikula? Ipaliwanag ang sagot.
  • 39.
    Basahin ang alammo ba na.. sa p. 330-331 at magdala ng mga kagamitang makabubuo ng uri ng mga puppet na nabasa.
  • 40.
    HULING ARAW NAPAGTALAKAY SA ARALIN 3.7
  • 41.
    LAYUNIN: Naisusulat ang iskriptng isyung puppet show na naglalarawan sa tradisyong kinamulatan sa Africa. F10PU- IIIh-i-83 Naitatanghal ang iskrip ng nabuong puppet show. F10PS- IIIh-i-83
  • 42.
    Pilipinas Gamit angVenn Diagrampaghambingin ang kultura at tradisyon ng Pilipinas sa Africa. Africa PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD
  • 43.
    TANONG: Paanong paraan maktutulongang kaalaman sa paggawa ng iskrip at kaalaman pang-ugany sa pagpapaliwang ng panunuring pampelikula.
  • 44.
    Alam mo bana... • ang puppet show ay isang pagtatanghal na ang pangunahing tauhan ay mga puppet? Ang puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba’t ibang mga midya, kagamitan, at pamamaraan. Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain at kakayahan sa paggawa ng isang likhang- sining sa pamamagitan ng mga patapong bagay. May mga puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid, puppet na pang kamay o hand puppet tulad ng medyas na puppet, puppet na supot, at puppet na bag at stick puppets. Ang stick puppet ang pinakapayak sa lahat ng uri nito. Mayoon lamang mga larawang ginupit at idinikit sa stick. Ang medyas na mga puppet ay simple rin. Isusuot lamang ng bata ang medyas sa kanyang kamay at pagagalawin niya ito sa pamamagitan ng mga daliri habang nagsasalita kasama ang hinlalaki para magmukhang bibig ng puppet. Maaaring lagyan ng tali, butones at kapirasong damit para magmukhang mukha ng tao. Pagkatapos makalikha ay maaari nang magtanghal ng isang puppet. Ang mesa na nababalutan ng tela ang magsisilbing tanghalan habang nakatago sa likod nito ang nagtatanghal (puppeteers).
  • 45.
    Narito ang ilanghalimbawa ng paggawa ng puppet: Puppet na Supot Pamamaraan: 1. Kumuha ng isang supot na papel. 2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa dakong ilalim ng supot. 3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot. 4. Gupitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi ng supot upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi. Huwag gugupitin ang supot. 5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyong loob ng bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na dila. 6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit. Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa ibaba. Sa pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang “puppet” habang ikaw ay nagkukuwento.
  • 46.
    Puppet na Medyas 1.Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig. 2. Gumupit ng tela o retasong hugis bilohaba na kulay dalandan, pula o rosas, at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi ng medyas. 3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakon talampakan ng medyas at ang hinlalaki ay nasa dulo ng dakong ibabaw n medyas upang malaman kung saang dako mo ilalagay ang mga mata at ilong. 4. Lagyan ng mga mata at ilong ang puppet sa pamamagitan ng mga butones, abaloryo o ano mang patapong bagay. Maaari mo ring iburda ang mga mata at ilong 5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang magmukhang buhok o sombrero. 6. Suotan ng damit ang iyong puppet upang matakpan ang iyong braso.
  • 47.
    Puppet na Gumagalaw 1.Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang stockings na binalumbon at itinali sa mga hugpungan. 2. Lagyan ng mga mata, ilong, at bibig sa pamamagitan ng mga butones at patapong mga bagay. 3. Lagyan ng buhok na binigkis na estambre o sinulid. 4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit. 5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali ang kabilang dulo sa pinag-ekis na patpat. Maaari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng paggalaw sa patpat. 6. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung saan pang bahagi ng katawan maaari itong talian.
  • 48.
    Bumuo isang iskrippara sa isang puppet show na naglalarawan sa tradisyong ng Africa.
  • 50.
  • 51.